0% found this document useful (0 votes)
718 views

Sir Blade 2

Blade is thinking about resigning from his job and considering new career paths. His friends Drake and Hunter try to give him suggestions but most of Blade's ideas they say won't work, such as becoming an actor, tricycle driver, or President. In the end, Blade suggests becoming a Chief but Drake politely discourages this idea too, suggesting Blade's current job may be best.

Uploaded by

Bjc
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as TXT, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
718 views

Sir Blade 2

Blade is thinking about resigning from his job and considering new career paths. His friends Drake and Hunter try to give him suggestions but most of Blade's ideas they say won't work, such as becoming an actor, tricycle driver, or President. In the end, Blade suggests becoming a Chief but Drake politely discourages this idea too, suggesting Blade's current job may be best.

Uploaded by

Bjc
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as TXT, PDF, TXT or read online on Scribd
You are on page 1/ 630

Mga Salita

"MGA SALITA"

1. Ande lay atet- expression sa Pangasinan kapag hindi kami convince sa mga salita
ng kausap namin. ( pambara sa mga pambobola )

2. Kuwatet- pakialamiro/pakialamira

3. Lase- kapag kasama ito sa sentence, ibig sabihin parang minura mo ang kausap mo
o nagmura ka. Wala naman itong kahulugan... Hindi ko alam... Kapag itinatong ko
naman sa mga matatanda kung ano ang ibig sabihin nito, hindi naman nila i-explain..
Sasabihin lang nila na "Lase kang bata ka! Bakit mo itinitanong iyan?!"

4. Anak na lase- Anak ka ng teteng, son of a bitch ( huwag niyo na lang aralin ang
isang ito dahil malutong na mura talaga siya. Ini-explain ko lang ito, ah. )

5. Mulagat- tawag namin sa mga taong hindi kumikilos at nakatanga lang sa hangin.
Tawag namin sa taong walang ginagawa o aksyon. Tawag din sa mga taong nanlalaki ang
mga mata o may malalaking mata na halos lumuwa na.... ( pero mas bagay ang bangaw,
Puwera-lait! )

6. Keret- patay ( matigas ang pagbanggit sa salitang ito. May diin ang 'e' at yung
letter K dapat matigas na QE ang pagbigkas. At yung RET-dapat may bahagyang diin
ang R. Harsh word for the term patay. )

7. Man-atugerger- ngisay sa kilig/ OA na kilig. ( iyong 'ger' dapat may diin na


naman ang letter E at G. Matigas dapat ang pagbanggit. )

8. Ay na apo- Ay sus ginoo. ( Ilocano expression ito )

9. Makalasyan- malupit ( malalim na salitang Pangasinan ang isang ito. Ang isa pa
naming term dito ay MARUKSA. )

10. Wala- ang ibig sabihin ng salitang ito sa amin ay 'mayroon'. Maraming nalilito
sa salita naming ito, kasama na ako.. Kaya kapag ang sinasagot ng kausap ko ay
'wala'... Nililinaw kong maigi kung 'wala na mayroon o as in wala sa salitang
tagalog.

11. Anggapo- wala

12. Bolatis- nambobola, mambobola.

13. Ambagel- sira-ulo ( yong 'gel' dapat may diin na naman iyong GE... Matigas ulit
ang tamang pagbigkas. )

14. Kegtot my heart- ( common sense, di ko na kailangang i-explain. Alam kong gets
niyo na ito. Kegtot-nagulat, nabigla, napatalon. )

15. Ngatel- satsat.

16. Matalangatang- maingay na magulo, di tumititigil sa paulit-ulit na kadadaldal.

17. Matarake- magandang lalaki, guwapo, lalaking may malakas na dating. Hot guy.

18. Abuwisit ak pa- nabuwisit lang ako. ( expression namin kapag bigla kaming naba-
badtrip )

19. Nalase- shortcut ng anak na lase ( huwag niyo na ring aralin ang isang ito. At
hindi ko kayo tinuturuan, nagpapaliwanag lang ako. )

20. Malastog- mayabang.

21. Seka- ikaw

22. Awey-ewan ( may diin iyong 'WE', matigas din dapat ang pagbigkas. )

23. Ponsiyano- tawag namin sa mga taong mahilig pumunta sa kainan at handaan ng
hindi imbitado. ( from the rootword 'Ponsiya'- na ang ibig sabihin ay KAINAN o
HANDAAN. )

24. Pugot- isang uri ng maligno na nakatira sa puno na mahilig sa mga babae. Mabaho
ang maligno na ito ( kaya ito rin ang ibinabansag namin sa mga taong may KILI-KILI
powers. )

25. Maanag- mabantot. Iyong amoy ng dinidiposito sa kubeta.

26. Man-urangal- umatungal.

27. Manget- OA na iyak, nakakabuwisit na klase ng iyak. ( bansag din namin sa mga
taong wala nang ginawa kundi umiyak at magpaawa pero nakakabuwisit lang. Iyong
tipong gusto mong patayin. )

28. Ulangab- tawag sa taong maingay umiyak. ( iyong tipong nakakaasar at


nakakabuwisit din. Iyong style ng pag iyak eh ,may kasamang ungol. Ungol ng aso na
parang umaalulong. )

29. Mumukatan- harsh term namin sa 'pagmumukha'. ( from the rootword 'mukat'-
meaning.... MUTA. )

30. Kuwarog- mabantot na tawag sa kahit na sino, lalo na kung di mo feel na tao....
( term talaga nito ay utusan.) Ilocano word ito.

31. Bugkalot- mabantot na bansag namin sa mga nakakalimutang isulat ang pangalan sa
papel ng test paper. ( tawag sa mga walang pangalan )

32. Araratan- expression kapag natuwa kami sa mga bagay o pangyayari. ( parang ang
meaning nito ay 'ganyan ah!' )

33. Ag-Ag- batang MANGET.

34. Okitnam- 'kuwan ng nanay mo', putang-ina mo. ( huwag niyo na ring aralin ang
isang ito. Ang pamalit naming word dito kapag di na talaga namin kayang pigilan ang
bunganga ay VIETNAM-magkatunog kasi... Muli, may diin ang NAM. Ini-explain ko lang
ito, huwag niyong aralin )
35. Dogyot- kadiri, marumi.

36. Baleg- malaki.

37. Garampengat- malandi.

38. Ageh- aray.

39. kerew-emot- taong mahilig humingi ng kung anu-ano pero ubod ng damot. ( KE-QE-
matigas ang pagbanggit, REW-may diin ang EW. )

40. Inam-Inam- takaw-tingin sa pagkaing kinakain ng iba... ( Iyong tipong kakagat


ka pa lang sa pagkain eh nauuna na siyang lumulunok kahit walang laman ang bibig
sabay titig ng malagkit sa pagkain mo with matching tulo laway.... )

41. Makapa-aryek- nakakarimarim.

( ayan, ginawa ko ito para mas maintindihan niyo ang sinasabi ng mga characters.
Kung may mga salita akong nakalimutan,sabihin niyo lang sa akin. )

*brose_fire*

1. "Pagre-RESIGN ni Blade"

"Pagre-RESIGN ni Blade"

Kanina pa nakapangalumbaba si Blade at malalim na nag-iisip...

"Hum.... Hum...." ungol niya.

Yamot na napatingin si Drake sa kanya.

"Hoy, Blade! Itigil mo nga iyang pagmumuryot mo diyan! Nakakaasar na iyang


kakaungol mo... Para kang atewel na aso! Abuwisit ak pa!" naiinis na puna nito.
( Muryot-mukmok, Atewel-ulol )

"Puwede ba, tumahimik ka diyan. Nag-iisip ako ng bago kong career!" yamot na sagot
ni Blade.

Umismid pa siya kay Drake.

"Uy, ano bang naisipan mo at bigla mong binalak na mag-resign? Ano bang nakain mo?"
puna ni Hunter.

"Kaya nga. Hindi mo naman kailangang mag-resign no. Para kang unggoy na biglang
napaisip."

"Ngatel kayo ng ngatel!" kontra niya sa dalawa.

Pagkatapos noon ay kinuha niya ang mga testpaper sa mesa at nagcheck na lang
siya.... Bigla siyang nagdesisyong mag-resign matapos ng mga nakita niya... Nang
mga nangyari kay Jeremy.... Naisip niya kasi na baka dumating ang araw na mapahamak
ang mga bata ng dahil sa kanya... Hindi niya mapapatawad ang sarili niya kapag
nagkataon. Napatigil siya sa pag-iisip ng mabasa niya ang nakasulat sa testpaper na
tsine-check niya... Ang nakasulat kasi ay....

"Dear Sir Blade,

Parang-awa mo na, ipasa mo naman ako sa test kahit pasang-awa lang...


Hindi po kasi ako naka-review dahil nagpart time ako para may ipambayad sa exam...
Ipaglilinis na lang kita araw-araw ng classroom mo. Alam ko namang mabait ka.

Sana maintindihan mo ako."

Natawa si Blade sa nabasa niya at napahagikgik pa siya. Napailing siya at medyo


nangilid ang luha niya... Na-touch kasi siya sa sulat.

"Oh ano ba iyan?" tanong ni Drake.

"Basahin mo." iniabot niya dito ang papel.

Curious ding lumapit si Hunter at nakibasa. Natawa din ang mga ito.

"Uy, Blade! Pagbigyan mo na ang isang ito. Total, aalis ka naman na di ba?" untag
ni Drake.

Natigilan si Blade at tumawa.

"Animal! Sana, kaso bugkalot naman iyan ay! Walang pangalan! Abuwisit ak pa!"

Sinipat ng dalawa ang testpaper... Natawa din ang mga ito, wala ngang pangalan.
Ipinagpatuloy niya ang ginagawa at may nakita na naman siyang testpaper na
kakaiba... Mas tumawa siya ng malakas.

"Ano na namang tinatawanan mo diyan?" puna ni Hunter.

"Tingnan niyo naman ay! True or False, ginawang Tama o Mali! Ang masaklap, bugkalot
na naman ang papel na ito! Anak na lase na ito, Oo!" natatawa niyang wika.

Napangiti sina Hunter at Drake.

"Alam mo, kung magre-resign ka.... Wala ka nang makikitang ganyan." pakli ni Drake.
Natigilan si Blade. Tahasan kasing ipinapakita ng dalawa na kontra sila sa desisyon
niya.

"Seriously speaking.... Hindi naman ako basta-basta nagdesisyon... Naisip ko ito


dahil ayaw ko lang dumating ang panahon na may masamang mangyari sa mga estudiyante
ko ng dahil sa akin..." seryoso niyang wika.

Natahimik silang lahat.... Ipinagpatuloy niya ang ginagawa at hindi na siya muling
kinulit pa ng dalawa.

Kinabukasan, patuloy na nag-iisip si Blade ng bago niyang career. Nasa kumedor siya
at nakapangalumbaba sa mesa. Nakaupo naman si Drake sa tapat niya.

"Alam ko na ang bagong career na bagay sa'yo!" biglang wika ni Drake.

Napatingin siya dito, nawala tuloy ang iniisip niya.

"Ano?"

"Total, guwapo ka naman.... Magaling sumayaw... Mag D.I. ka na lang. Tiyak na


maraming matrona ang magkakandarapa sa'yo. Sigurado pa ang tip! Kung di mo feel eh
bagay na rin sa'yo ang maging Gigolo! He he he!"

"Animal! Tumigil ka nga! Di ko ibebenta ang sarili ko no. Kung wala kang matinong
mai-suggest, manahimik ka na lang! Nalase!" pakli niya.

Nasa kusina si Hunter at naghahanda ng mamemeryenda nila.

"Mag-artista na lang kaya ako? Action-star!" bigla niyang wika.

"Duh, di ka naman masyadong marunong umarte. Di ba sabi mo, di mo linya ang bagay
na iyan?"

Napatango-tango siya dito.

"Tama ka diyan... Isa pa, masyado na akong guwapo para ma-expose..."

"Mahangin ang lase! Whew, maragem!"

( Maragem-mahangin ) Hindi na niya pinansin ang OA na reaction ni Drake.

"Eh kung magpasada na lang ako ng kahit na tricycle o kaya taxi?!"

"Sige, magpasada ka para mapayaman mo pa lalo ang mga Oil Companies. Sa gasolina
lang babagsak ang kikitain mo." kontra ni Drake.

"Anak na lase! May tama ka!" ayon niya dito.

Muli siyang nag-isip. Dumating na si Hunter dala ang meryenda nila. Hot pandesal na
may palamang cheese with matching ice tea.

"Ano, may naisip na bang career itong si Blade?" tanong ni Hunter kay Drake.

"Mayroon, kaso puro wrong-mistakes."

Napatingin si Blade sa dalawa. Kumuha siya ng pandesal at kumagat siya.


"Ako na lang ang Presidente ng Pilipinas! Kapag ako na... Ipapataw ko ang death
penalty sa mga kurakot na iyan! Hindi lethal injection ang papatay sa kanila kundi
gutom. Mamamatay sila ng unti-unti at mararamdaman nila ang hirap bago sila
mamatay! Ha ha ha ha!"

"Kung may pera ka na ipangkakampanya at ipapamudmod, ikaw na!" pakli ni Hunter.

"Animal, wala pala ako nu'n."

Hindi na nagsasalita si Drake dahil itinuon na lang nito ang atensyon sa pagkain.
Kumain na rin si Hunter.

"Magse-Chief na lang ako!"

Napailing si Drake. Uminom muna siya ng ice tea bago nagsalita.

"Mawalang-galang na, Blade.... Oo nga, masarap kang magluto at may laban ka naman
kay Hunter... Kaya lang.." ibinitin nito ang sasabihin dahil kumagat ito sa
pandesal na hawak.

"Kaya lang ay ano?" tanong ni Blade.

Nginuya muna ni Drake ang kinakain at nilunok bago muling nagsalita.

"Kung magiging Chief ka, kawawa ang mga kakain. Mauubos kasi lahat ng sahog dahil
sa kakatikim mo."

"I agree." segunda ni Hunter.

Yamot siyang tumingin sa dalawa bago uminom. Tama naman kasi ang mga ito. Tapos,
bigla siyang may naisip...

"Alam ko na ang career na babagay sa akin!" palatak niya.

"Ano?!" curious na tanong ng dalawa.

"Magpapari na lang ako!"

Biglang naibuga ng dalawa ang mga nasa bibig ng mga ito at windang na windang na
tumingin kay Blade. Kunot-noo namang napatingin ang huli sa dalawa. Ang sama ng
reaksyon nila.

"Oh, bakit, aken, apay, why na naman?!" naiinis niyang wika sa mga ito.

"Utang na loob, Blade! Kahit na anong career, huwag lang iyan! Alewa ka!" mariing
kontra ni Hunter.

( Alewa ka- mali ka )

"I second the motion!"

"Bakit ba? Eh ang ganda naman ng career na naisip ko. Ang tino nga eh. Sobra kayo
kung maka-react, abuwisit ak pa!"

"Ang tanong eh matino ka ba? Kapag naging pari ka, tiyak na mawawalan na ng
paniniwala ang mga tao ng dahil sa'yo no. Kaya puwede ba, iba na lang!" mariing
wika ni Hunter.
Nanghaba ang nguso niya at napasimangot. Wala na siyang maisip.

"Ano ba ang maganda, ha? Wala na akong maisip. Haaay, anak na lase na ito ay!"

Nagkibit-balikat sa kanya si Hunter, kay Drake tuloy siya napatingin na akmang


kukuha ng pandesal. Bumuntung-hininga ito habang nakatingin sa kanya.

"Ang sa akin lang, Blade... Kung saan ka masaya, suportaan taka." sagot nito...

Natuliro tuloy siya sa sinabi nito... Kung saan siya masaya.... Pinatamaan ba naman
siya ng todo?! Walang-imik siyang kumuha ng pandesal at kinuha din niya ang baso
niyang may lamang ice tea. Pumunta siya sa kuwarto niya at ini-on ang laptop....
Balak na niyang gumawa ng resignation letter. Napakurap siya at natigilan ng makita
niya ang wallpaper na bumungad sa kanya...

'Siya at ang buong BLB High School... Picture iyon noong manalo siya na Best in
Talent sa Sports Festival.' Nakikita niya doon ang masayang mukha ng lahat. Natuon
ang paningin niya sa sarili niyang mukha na masaya at nakangiti ng maluwang...
Tapos, bigla niyang naalala iyong sinabi ni Drake... 'Kung saan ka masaya,
suportaan taka.' Lalo siyang tinamaan sa salita nito.

Pagkatapos noon ay tiningnan niya ang iba pang pictures sa album niya... Iyong
Outing nila sa Antong Falls, Field Trip, School Festival, Sports Festival, Si Ai,
Despidida ni Ai, at kung anu-ano pa.... Natigilan siya ng makita niya ang picture
nila ni Rane... Kuha iyon noong mag-Selfie silang dalawa... Bago lang ang picture
na iyon. Pareho silang naka-peace sign. Marami na silang pinagsamahan, naalala
niya... Napangalumbaba siya at napaisip ng malalim... Kasabay ba ng pagre-resign
niya ang pag-alis din niya sa buhay nito? Naalala din niya sina Karen at Conrad.
Napalapit na rin ng husto ang dalawang iyon sa kanya. Hindi niya nagustuhan ang
bigla niyang naramdaman dahil sa iniisip niya.

Ini-open niya ang MS Word. Matagal siyang napatitig sa screen... Hindi niya
magawang tumipa ng keys dahil ayaw gumalaw ng mga kamay niya. Pinilit niya ang
sarili pero maging ang utak niya, ayaw makisama. Blangko... Umiling-iling siya at
bumuntung-hininga. Isinara na niya ang MS Word. Muli siyang napatingin sa mga
pictures na nasa album... Isinara na rin niya iyon... Napatitig ulit siya sa
wallpaper... Pagkatapos noon ay shinutdown na lang niya ang laptop... Lumabas siya
ng kuwarto niya at bumaba.

"Oh, busog ka na ba? Marami pang pandesal dito." untag ni Hunter.

"Salamat na lang, busog na ako. Lalabas na lang ako para makapag-isip ng maige.
Mamaya, gagawa na ako ng resignation letter." halata sa boses ni Blade ang
pagkalungkot.

Samantala, natigilan sa akmang pagkatok si Rane. Namutla siya ng marinig niya ang
sinabi ni Blade... Gagawa daw ito mamaya ng resignation letter... Aalis ito, pero
bakit? Bakit hindi nila alam?! Bakit hindi nito sinabi? Ano ang dahilan?! Pumunta
siya dito para ibigay ang mga cookies na ginawa ni Conrad para kay Blade... At
hindi niya inaasahan ang malalaman niya. Nangilid ang mga luha niya, agad siyang
umalis at umuwi... Kailangang malaman ito ng lahat!

"Oh, bakit hindi mo ibinigay ang mga cookies ni Conrad kay Sir Blade? Magtatampo
sa'yo iyon." puna ni Karen.

Naiiyak siyang napatingin dito. Hindi siya makapagsalita. Pakiramdam niya, hirap na
hirap siyang huminga... Malinaw ang narinig niya kanina... Magre-resign si Blade.
Iiwanan na sila nito. At napakasama ng pakiramdam niya dahil doon.

"Anong nangyari? Masama ba ang pakiramdam mo?" nagtatakang tanong ni Karen.

Yumuko siya at huminga ng malalim. Muli siyang tumingin sa mukha nito.

"K-Karen, makinig ka sa sasabihin ko... Si Sir Blade, magre-resign!"

Natigilan si Karen at napatanga.

"T-Too ba iyan?" tanong nito.

"Oo, narinig ko mismo sa kanya. Balak na niyang gumawa ng resignation letter


mamaya. Kailangang itext natin ang lahat. Kailangan natin siyang pigilan!" wika
niya.

"B-Bakit daw siya magre-resign?!" naiiyak na tanong ni Karen.

"Hindi ko alam ang rason, dahilan at katwiran niya... Pero ang importante at
mahalaga, mapigilan natin siya. Ikaw, gusto mo bang mag-resign siya? Gusto mo bang
umalis siya?"

Matapang na tumingin sa kanya si Karen.

"Siyempre, hindi!"

"Kung ganoon, kailangan na nating mag-GM sa lahat at bumuo na tayo ng plano...


Hindi niya dapat mai-submitt sa opisina ni Madam Jollibee ang resignation letter."

Tinext na nga nila ang lahat at mamaya lang ay magkikita-kita sila. Bubuo sila ng
plano... Pipigilan nila si Blade sa kahit na anong paraan.

Samantala, patuloy sa paglalakad si Blade. Blangko pa rin ang isip niya.... Bakit
ba ganito ang nangyayari? Ayaw makisama ng katawan niya sa gusto niyang gawin.
Napatingin-tingin siya sa paligid. Nakita niya ang dalawang bata sa may gilid ng
kalsada na may kung anong sinusulat sa kanya-kanyang papel. Wala sa sariling
lumapit siya sa mga ito. Sina Green at Red, mga kalaro ito ni Conrad kaya kilala
niya. Magkapatid ang dalawa.

"Uy, anong ginagawa niyo diyan?" tanong niya.

Napatingala ang mga bata at tumingin sa mukha niya.

"Gumagawa po ng assignment. Madilim po kasi sa loob ng bahay namin kaya dito kami
gumagawa. Wala po kasi kaming kuryente." sagot ni Green.

Ito ang mas bata.

"Ganoon ba?" wika niya.

Naupo siya sa tabi ng mga ito... Ilang sandali pa, hindi niya napigilan ang sarili.
Tinulungan niya ang mga ito na gumawa ng assignment at tinuruan pa niya ang mga
ito.

"Wow, ang galing naman po ninyo!" humahangang wika ni Green.

Tuwang-tuwa itong nakatingin sa kanya.


"Ano ka ba? Talagang magaling iyan, siya iyong astig na teacher na sinasabi ni
Conrad. Siya si Sir Blade!" wika ng nakakatanda nitong kapatid na si Red.

'Sir Blade', mukhang mamimiss niya ang tawag na iyon sa kanya. Ngumiti na lang siya
sa mga bata. Tumayo na siya at nagpaalam sa mga ito, nagpatuloy siya sa paglalakad.

Namataan niya si Rane na nasa di-kalayuan. Tumakbo siya palapit dito. Nakatalikod
ito sa kanya at walang kamalay-malay sa paglapit niya.

"Uy, saan ka galing?!"

Napakislot si Rane ng marinig niya ang boses ni Blade. Kagagaling lang niya sa
meeting nilang mag-schoolmates... Marahan siyang humarap dito at napalunok siya ng
makita niya ang mukha nito. Nakangiti ito sa kanya pero hindi umabot sa mga mata
nito ang ngiti na iyon. Halata na may kung ano itong itinatago.

"Ahm... Sa mga kaklase ko... Gumawa kami ng group project..." pakli niya.

Napataas ng kilay si Blade.

"Uy, huwag na huwag mong sasabihin sa akin na ang ginawa niyong project eh Biology-
the mystery of life! Anak na lase!"

"Over naman ito kung makareact sa group project. Kilala mo naman kami, Sir." wika
niya.

"Sir... Eh di ba kabilin-bilinan ko na tanggalin mo na iyong Sir kapag nasa labas


tayo ng school?"

"Nakasanayan ko na eh. Siyempre halos araw-araw na Sir Blade ang tawag namin sa'yo
ng mga schoolmates ko. Hindi na maiiwasan iyon." parinig ni Rane.

Natigilan si Blade at matagal na napatitig sa mukha nito. Tumingin din naman si


Rane sa kanya. Napakunot-noo ito.

"Bakit?" bigla nitong tanong.

"Ahm... Busy ka ba ngayon?"

"Hindi naman."

"Kung ganoon, puwede mo ba akong samahang mamasyal sandali? K-Kung okay lang
sa'yo."

"Hmm... Okay lang!" nakangiti niyang sagot.

Sasamahan niya talaga ito para malaman niya kung bakit ito magre-resign. Nagsimula
na silang maglakad.

"Saan tayo pupunta?" tanong niya.

"Bahala na siguro kung saan tayo dalhin ng ating mga paa."

Nagpatuloy sila sa paglalakad at dinala sila ng kanilang mga paa sa lumang-simbahan


na nasa di kalayuan. Sa lugar kung saan nag-umpisa ang lahat... Kung saan niya
napakawalan at nakilala si Blade... Nasa mataas na burol ang simbahan at nakikita
nila ngayon ang malawak at magandang tanawin, mga bundok, bukirin at mga gusali.
Sumandal sa may pader si Blade at napatingin kay Rane. Nanatili namang tahimik ang
huli, hindi niya kayang magtanong... Hindi niya kakayanin ang maaari niyang
marinig. Nanaig ang takot.

"Naalala mo ba na dito sa lugar na 'to tayo unang nagkita at nagkakilala?" biglang


wika ni Blade.

"O-Oo naman... Hindi ko nakakalimutan iyon."

Nag-init ang mukha niya ng sandaling iyon. Alam niyang nagba-blush siya. Tapos, may
bigla din niyang naalala iyong nangyari noong habulin silang bigla ng higanteng
gagamba at..... Umiling siya, heto na naman ang utak niya... Tumawa si Blade at
napatingin siya dito. Nawala ang iniisip niya.

"Ha ha ha ha! Mabuti naman pala at may pagka-uto-uto ka! Kung hindi mo ginawa ang
spell at hindi ako napakawalan, wala ako dito ngayon. Hindi sana ako nanggugulo sa
mga buhay niyo, hindi sana ako masaya!" tumatawang wika ni Blade.

Napasimangot naman si Rane. Bigla tuloy siyang na-badtrip.

"Ang sama mo naman! Nakakaasar ka, abuwisit ak pa!" inis niyang turan.

Tinawanan lang ni Blade ang naging reaksyon ni Rane.

"Rane, salamat ah!" bigla nitong wika.

"S-Salamat saan?"

"Ikaw naman, parang hindi mo alam! Salamat kasi, pinakawalan mo ako... Salamat,
kasi ginawa mo iyong spell." nakangiting wika ni Blade.

"Di ba nakapag-thank you ka na sa akin dati tungkol diyan? Iyong nag-iwan ka ng


note at bulaklak..." wika niya.

"Oo, alam ko... Pero siyempre, ibang-iba pa rin kapag sinabi ko di ba?"

"Hmm... Sabagay." ayon ni Rane.

Tumalikod siya dito at tumingin sa mga guho. Katahimikang bigla ang namayani sa
kanila....

"Ahm... Rane... K-Kung sakaling aalis ako, okay lang ba sa'yo?" biglang wika ni
Blade.

Natigilan naman si Rane. May kung ano siyang naramdaman, masakit... Sobrang sakit
na hindi niya kayang ipaliwanag kung ano... Pinili niyang magsinungaling dahil
hindi naman siya nakaharap dito. Pina-casual niya ang boses.

"Kung aalis ka man, okay na okay sa akin. Matatahimik ang buhay ko, walang
manggugulo." pakli niya.

Nakatalikod si Rane kaya hindi niya nakita ang pagseryoso ng mukha ni Blade.
Ngumiti ito ng mapait at lihim na kinuyom ang mga kamao.

Sa totoo lang, nasaktan si Blade sa sinabi ni Rane. Humarap na si Rane dito at


ngumiti ng maluwang si Blade.. Isang maluwang na pekeng-ngiti.

"Abuwisit ak pa!" marahas na napakamot sa buhok si Blade.


"Bakit mo ba itinanong ang bagay na iyon? Aalis ka ba?" biglang tanong ni Rane.

"Ahm... Tara, umuwi na tayo! Hapon na eh." wika na lang ni Blade.

Halatang umiwas ito sa tanong ni Rane. Noong makauwi siya ay agad siyang dumiretso
sa kanyang silid... Sa pagkakataong ito, hindi na blangko ang utak niya. Mabilis
niyang nagawa ang resignation letter... Tama si Rane, kapag umalis siya...
Matatahimik ang buhay nito at mas ligtas ito sa ano mang panganib... Ngayon,
naiintindihan na niya kung gaano kabigat ang ginawang desisyon ni Hunter noon...
Alam na niya ang pakiramdam...

Lunes na Lunes ay parang walang-ganang pumasok si Blade. Sa araw na ito, ibibigay


na niya ang resignation letter. Kinapa niya ang sobre na nasa bulsa ng pantalon
niya.

"Uy, sigurado ka na ba diyan?" untag ni Hunter.

Kasalukuyan silang naglalakad papasok sa school.

"Oo naman, nakuha ko na ang sign na dapat ituloy ko ito... Kaya heto, desidido na
talaga ako." wika niya.

"Ano namang klaseng sign ang sinasabi mo?" curious na tanong ni Hunter.

"Ang masasabi ko lang, masakit na sign." maikli pa niyang saad.

Lalong napaisip si Hunter. Gusto pa sana niyang tanungin si Blade pero pinili niya
ang manahimik... Alam niya ang pakiramdam nito... Noong makarating sila sa school
ay dumiretso na sila sa kanya-kanya nilang destinasyon. Matamlay si Blade ng
pumasok siya sa classroom.

"Good morning, class!" casual niyang bati sa lahat.

"GOOD MORNING, SIR BLADE!!!..." masiglang bati ng lahat.

Napangiti siya sa energy na ipinakita ng mga ito. Inilapag niya sa mesa ang kanyang
mga gamit. Bigla siyang nahawa sa sigla ng mga ito... Ibang-klase!

"Sir, nilinis naming maigi ang mesa mo! Tsaka, pinunasan din naming maigi ang mga
bintana... Di rin namin nakalimutang ipagpag ang mga eraser!" biglang wika ni
Louie.

Ngiting-ngiti ito habang nagsasalita. Tiningnan niya ang classroom... Malinis na


malinis... Mukhang wala siyang masisita sa umagang ito.

"Very Good Class! Very Good!" natutuwa niyang wika.

Hindi niya maiwasang hindi mapaisip... Ano kayang nakain ng mga ito sa almusal?

"Okay, simula na ng klase. Magtse-check muna ako ng attendance... Pagkatapos ay


ihanda niyo ang notebook niyo dahil assignment ang isusunod kong itse-check
pagkatapos ng attendance! Maliwanag at malinaw ba?!"

"Oo naman Sir! Maliwanag at malinaw!" nakangiting sagot ni Francis.

"Good! Very good!" wika na lang ni Blade.


Nanlaki ang mga mata niya matapos niyang ma-check ang attendance... Kumpleto.... Sa
wakas, nakasaksi din siya ng isang tunay na himala. Napangiti siya at mas gumandang
bigla ang mood niya... Pero lalo siyang nagulat ng mag-check siya ng assignment...
Lahat, gumawa!

Lihim siyang ngumiwi, hindi niya maintindihan ang nangyayari... Praning na ba siya
o sadyang werdo na talaga?! Ibinigay na niya ang resulta ng test... Ibinalik na rin
niya ang mga testpaper... Tapos nalaman niya na ang gumawa noong loveletter sa
kanya sa testpaper ay si Jecon... Iyong sumagot naman ng Tama o Mali sa True or
False ay si Wilbur... Umaatikabong kantyaw ang inabot ng dalawa.. Mga bagong
BUGKALOT na naman... Tiyak na mahigit sa isang Linggo na tatanggapin ng dalawa ang
bansag na iyon. Pinagbigyan niya ang munting request ni Jecon.

Oras na ng recess... Napakunot-noo si Blade ng makita niya ang isang mesa sa


canteen na nakalaan para lang sa kanya. May mga pagkain ng nakahain doon. Nagtataka
siyang umupo.

"Uy, wala akong ibabayad sa mga ito!" wika niya kay Hunter.

"Bayad na iyan. Kaya huwag kang mag-aalala."

Nanlaki ang mga mata ni Blade sa sinabi ni Hunter.

"S-Sinong nagbayad?"

"Bakit hindi ang mga estudiyante dito sa school ang tanungin mo?"

Tumingin siya sa paligid at....

"HELLO, SIR BLADE!!!... ENJOY!!!..." wika ng lahat.

Kumaway ang halos lahat ng estudiyante sa kanya. Nakangiti ng maluwang ang mga
ito... Praning siyang napatingin sa mga pagkain at napalunok siya... Napahawak din
siya sa kanyang dibdib...

"M-Mamamatay na ba ako?" napangiwi niyang wika.

Ganoon pa man ay napangiti siya... Tumayo siya at...

"Sa lahat ng nanlibre sa akin ngayon, salamat na baleg! Hindi ko alam kung ano ang
nakain niyo, pero anak na lase! You kegtot my heart! Salamat talaga!" wika niya sa
lahat.

Natawa ang mga ito at nagpalakpakan... Walang kamalay-malay si Blade na alam na ng


lahat ang balak niya. Lahat ay nakasubaybay kung pupunta siya sa principal's
office.

Hapon na at nanatiling nakasubabay ang mga estudiyante kay Blade... Lihim silang
nagtetext sa isa't-isa... Naka-update ang lahat sa bawat kilos nito...

Pasipol-sipol si Blade habang naglalakad papunta sa Principal's Office. Napatigil


siya sa paglalakad ng biglang may yumakap sa kanya mula sa likuran....

"Sir! Huwag kang tumuloy! Huwag kang pumunta diyan!"

Mahigpit ang pagkakayakap nito sa kanya at ayaw talaga siyang pakawalan kahit na
medyo nagpupumiglas siya...
"P-Pakawalan mo nga ako, Francis! Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?! Anak na
lase!" inis niyang wika.

"Sir! Ano bang nagawa namin sa'yo? Bakit mo gagawin iyan?!"

Natigilan si Blade ng marinig niya ang sinabi nito... Napatanga siya ng maramdaman
niyang may mainit na bagay ang kung anong bumasa sa damit niya... Narinig niya ang
mahinang hikbi ni Francis.... Umiiyak ito.

"H-Huwag ka ngang O-OA diyan! Ano bang sinasabi mong lase ka?" nagmamaang-maangan
niyang wika.

Mukhang alam na ng mga ito ang binabalak niya... Mukhang si Hunter ang may
kagagawan! Pero ano bang pakialam niya kung alam na ng mga ito ang pagre-resign
niya? Nagdesisyon na siya... Pinilit niyang humakbang...

"Alam na naming magre-resign ka Sir Blade! Huwag mong ituloy, huwag kang umalis!"

Naglakad pa rin si Blade, at dahil malaking bulas naman talaga siya... Madali lang
niyang nakakaladkad si Francis...

"A-Aalis na talaga ako no! H-Huwag mo na nga akong pigilan! Ayaw niyo bang
matahimik kayong lahat dito sa school?!!!!..." inis niyang turan.

"Waaaaaahhhh!!!!.... Sir Blade!!!!.... Huwag kang umalis!!!!!...."

Noong umatungal si Francis ay....

"Waaaaaaaaahhhhhh!!!!.... SIR BLADE!!!!!!...."

Dinumog na siya ng maraming estudiyante...May mga yumakap din sa tagiliran niya...


May mga lumambitin sa mga braso niya at binti...

"K-Kung aalis ka Sir Blade, paano na lang kami?!!!.." umiiyak na ring wika ng
bading na si Leah..

"B-Bitiwan niyo nga akong anak na lalase kayo ay! A-Anong paano na kayo ang
pinagsasabi niyong lase diyan?!!!" malakas niyang wika.

"K-Kung wala ka na Sir Blade... Sino na lang ang magtatanggol sa amin?!! Sino na
ang pipirma sa lahat ng subject sa clearance para lang makapag-exam kami?!... Sino
na ang magagalit sa mga teachers na magpapahiya sa amin?" si Van.

"At sino na ang pupuna sa over na ka-OA-han ni Mrs. Solano?! Sino na ang kaaway ni
Mrs. Talea?! Sino na ang Papansin sa shades ng lipstick ni Mrs. Molina, araw-
araw?!" si Barry.

Hindi na makapagsalita si Blade ng mga sandaling iyon. Napangiti siya sa sinasabi


ng mga ito... Isang napakapait na ngiti....

"Sino na ang gagawa ng paraan para lang makasali kami sa mga activity sa school?
Sino na ang makakaisip ng kung anu-anong kabaliwan?! Sino na ang magpapatalent-
portion sa mga late pumasok? At sino na ang teacher na willing magtalent portion
kapag na-late?!!!!..." si Louie.

"T-Tumahimik nga kayo na lase ay! H-Huwag k-kayong mag-aalala... M-May kapalit
naman siguro ako...." gumaragal ang tinig niya...
"Waaaaaaah!!!.... Wala kang kapalit Sir Blade!!!... Nag-iisa ka lang!!!..." atungal
na ni Karen.

"Tama si Karen, wala ka talagang kapalit! K-Kung hindi ikaw ang naging teacher
ko... Hindi ko na alam kung ano ang nangyari sa akin noon, Sir!!!..." mas umiyak si
Francis.

"Ikaw na, Sir Blade!... Kung wala ka, kanino pa kami makakarinig ng malulutong na
mura?! Hindi na kumpleto ang mga araw namin kapag wala iyon!!!.. Ikaw lang talaga!
Importante at mahalaga ka sa amin! Masaya kami sa'yo!" si Wilbur.

Nakalambitin ito sa kanang-binti ni Blade.

Sa totoo lang, basang-basa na ang damit ni Blade sa mga luha ng estudiyanteng


nakalambitin sa kanya... Mapupunit na rin yata ang polo niyang kulay-pula dahil sa
kakahila ng iba pang mga estudiyante sa laylayan ng damit niya. At huwag naman sana
siyang mahubaran ng pantalon dahil sa mga nakalambitin sa mga binti niya...
Nahihila kasi ang pantalon niya. Mabuti na lang at mahigpit ang kanyang belt.

"Narinig mo sila Sir Blade! Hindi na magiging exciting ang buhay naming lahat kung
wala ka... Hindi na kami magiging masaya!!..."

Napatingin siya sa nagsalita... Nasa harapan niya ngayon si Rane kasama si Conrad
at ng iba pang estudiyante.

"K-Kung aalis ka... Wala na akong idol... Wala na akong pareng Blade!!!...
Waaaaaah!" atungal ni Conrad.

Tumakbo ito at niyakap si Blade... Sumunod din si Rane... Tumakbo siya at


yumakap... Doon na tuluyang natumba si Blade at ang lahat...

"P-Patawad! Patawad! Nagsinungaling ako... Hindi ako magiging okay kung wala ka...
Malulungkot ako at hindi na ako masaya kapag umalis ka!.. Pakiusap... Huwag mo na
iyang ituloy!... Huwag mo akong iiwan!"

Napatanga si Blade sa mga narinig niyang salita mula kay Rane... Napatingala siya
sa kisame... Parang umikot bigla ang mundo niya kasama ng mga estudiyante niya...
Napatingin din siya kay Rane na mahigpit na nakayakap sa kanya.

"H-Hindi na ako magre-resign..." mahina niyang wika.

Natigilan ang lahat... Napatingin sila sa mukha ni Blade. Pakiramdam ni Rane ay


nanaginip siya sa narinig niya....

"T-Totoo?!" untag niya kay Blade.

"O-Oo... Nagbagong-nunot na ako. Hindi ko na kayo iiwan. Hindi na ako magre-


resign... Hindi rin naman ako magiging masaya kapag nawala kayo sa buhay ko... Lalo
ka na."

Kay Rane lang niya ipinarinig ang huli niyang salita. Natigilan si Rane at mas
yumakap kay Blade.. At... Mas yumakap din ng mahigpit ang iba... Tapos, marami pa
ang naki-join... ( nagbagong-nunot-nagbagong-isip ).

"SIR BLADE!!!!!!..."

"WAAAAAAHHH!!!!...." sigaw na lang ni Blade.

Dinumog talaga siya ng lahat... Bugbog tuloy ang katawan niya sa mga ito....
Matapos noon ay pinunit ni Blade sa harap ng lahat ang kanyang resignation letter.
Isang malakas na palakpakan ang umalingawngaw mula sa mga estudiyante. Masaya ang
lahat na hindi na magre-resign si Blade... Hindi na ito aalis.

Kinagabihan, natawa si Drake sa ikinuwento ni Hunter... Hindi natuloy ang pagre-


resign ni Blade.

"Anong nangyari? Akala ko ba desidido ka na? Bakit biglaan kang nagbagong-nunot?!"


usisa ni Drake kay Blade.

"Naalala ko kasi iyong payo mo eh... Kung saan ako masaya, suportaan mo ak, di ba?
Ayon, pinili ko kung saan talaga ako masaya... Kaya nagbago ang isip ko. Anak na
lase, di ko kinaya..."

Tumawa naman sina Hunter at Drake sa tinuran ni Blade.

"Siya nga pala, ikaw ba ang nagsabi sa mga estudiyante ko na magre-resign ako?!"
kastigo ni Blade kay Hunter.

"Nope. Hindi ah, wala akong pinagsabihan... I swear!" mariing wika ni Hunter.

Hindi sinungaling si Hunter, kilala niya ito. Imposible namang si Drake dahil
tulog ito buong-araw at tamad itong magload. Hindi rin naman ito tsismoso.

"Kung ganoon, paano kaya nila nalaman?" pakli niya.

"Siguro, sign na para diyan ka talaga... Siguro, iyan talaga ang gusto ni BOSS para
sa'yo. Dahil alam niya kung saan ka magiging masaya." seryosong wika ni Drake at
ngumiti.

Ngumiti din siya dito at pagkatapos ay tumingala... Ngumiti siya ng taos sa puso
at.. 'The best Ka talaga, BOSS... Thank you, dahil dinala Mo ako kung saan ako
magiging masaya... Salamat!'

2. "Sariling Sikap"

"Sariling Sikap"
"Uy, Hunter! Ibili mo nga ako ng tinapay sa labas. Gusto ko munang kumain bago
matulog." kulit ni Drake.

Busy sa pagkakalikot sa cellphone si Hunter ng mga sandaling iyon.

"Wait lang, pinapaliguan ko pa si Pou eh." yamot nitong sagot.

"Hay, anak na lase! Ako na ang bibili, Drake. Ikaw naman Hunter, adik na adik ka na
diyan kay Pou." pakli ni Blade.

"Eh gusto ko ng may inaalagaan eh. Walang basagan ng trip, puwede? Baka mga mukha
niyo ang basagin ko.." balewalang sagot ni Hunter.

Inabutan na ni Drake ng pera si Blade... Pagkatapos noon ay binalingan na nito si


Hunter na busy pa rin kay Pou. Napangisi siya dahil may kalokohan siyang naisip.

"Gusto mo ng may inaalagaan? Kaya nagtiyatiyaga ka diyan kay Pou?! Abuwisit ak pa!"

"Walang basagan ng trip!" iritable na nitong wika.

Tumawa ng nakakaloko si Drake.

"Ha ha ha ha ha! Kung gusto mo talaga ng may inaalagaan... Eh di uminom ng ka ng


energy drink!"

Yamot na sumulyap si Hunter kay Drake... Nanatili namang nakamasid lang si Blade sa
dalawa.

"Aanhin ko naman ang pag-inom ng energy drink, aber?"

"Kailangan mo iyon kasi lilipad ka ng malayo... Pupuntahan mo si Serene at


pagkatapos... Mag-request ka... Gawa kayo ng maaalagaan mo... Remembrance mo. He he
he he he!"

Tawa ng tawa si Drake, ganoon din si Blade.

" Araratan!!.. Good idea! Kuha mo! Anak na lase!" nag-thumbs up pa ito sa kaibigan.

Galit na ibinaba ni Hunter ang cellphone at mabilis na nilapitan si Drake. At...

"WAAAAAHHHH!!!!.... T-Tulungan mo ako, B-Blade!!!!..."

Sinasakal kasi ni Hunter si Drake... Gigil na gigil ito. Halatang napikon.

"Pagkatuwaan niyo na ako... Pero huwag niyong idamay si Serene sa mga kalokohan
niyo!!!..."

"B-BLADE!!!!!...."

Napakamot na lang sa batok si Blade at tumawa.

"Hunter, huwag mong tuluyan si Drake ah? Bestfriend ko iyan." wika lang niya.

Naglakad na siya at lumabas.

"Huwag kang mag-alala, hindi ko pa naman siya ililibing!"


"TAAAAAHHH!!!!..."

Napangisi na lang si Blade sa kanyang narinig. Nagpatuloy na siya sa paglalakad.


Agad niyang pinuntahan ang bakery kung saan nagpa-part time si Francis.

"Sir! Ano pong bibilhin niyo?" magalang na wika sa kanya ni Francis.

Nakangiti ito sa kanya ng maluwang.

"Wait, pipili muna ako.."

"Sige, Sir!" masigla nitong wika.

Pinasadahan niya ang estante kung saan naka-display ang mga tinapay.

"Hmmm.... Bigyan mo ako ng apat na ensaymada, tatlong egg tart... At limang spanish
bread..."

Napangisi siya, hindi naman kasi nilinaw ni Drake kung anong tinapay ang bibilhin
at kung ilan... 'Bahala siya...' Naglagay agad sa papel na supot si Francis ng mga
tinapay na binanggit niya. Agad niya itong binayaran matapos nitong iabot sa kanya
ang supot.

"Salamat po Sir! Sa uulitin!"

"Sige, salamat din!"

Naglakad na siya pauwi at pasipol-sipol pa ng mamataan niya na may nagtitinda ng


nuggets... Mabilis siyang tumakbo sa kinaroroonan nito.

"Pabili akong bente!" wika niya agad.

"Naku, Sir! Pasensiya ka na... Ubos na ang tinda ko eh.. Pinakyaw na nu'ng bata
'yong huli kong tinda..." hinging paumanhin ng tindero.

Natuliro si Blade.

"P-Pinakyaw n-ng bata? Nasaan siya?"

"Ayon oh!" itinuro ng tindero ang kinaroroonan ng bata.

Mabilis na lumingon si Blade.. Namataan niya ang isang batang lalaki, hindi pa ito
gaanong nakakalayo... Huminga ng malalim si Blade at pinunasan ang gilid ng kanyang
bibig... Gusto talaga niyang makakain ng nuggets... Nasa desperate mode siya...
Mabilis siyang tumakbo at nagpunta sa kinaroroonan ng bata... Hinarang niya ito at
maang na napatingin sa kanya ang bata.

"Bakit po?" maang nitong tanong.

Kulot-kulot ang buhok nito na kulay-dilaw. Nutbrown ang kulay ng mga mata at maputi
ang balat. Kasing-edad lang ito ni Conrad.

"Pasensiya ka na... Pero gusto ko talagang makakain ng nuggets kahit na tikim


lang... Puwede ba akong makahingi kahit na isa lang?"

Ngumiti si Blade ng maluwang... Pinaamo niya talaga ang kanyang mukha. Matagal
namang napatitig ang bata sa mukha niya... Waring nag-iisip o ano. Pagkatapos noon
ay...
"Hmp! Ayaw ko nga!" napasimangot nitong wika.

"E-EEEh?!" nalukot ang mga kilay ni Blade.

Nanghaba ang nguso ng bata at yamot na tumingin sa mukha niya. Mukhang asar na
asar...

"Tsk, tsk, tsk.. Ang sabi ko po, ayaw ko." mariin pa nitong wika.

"Bata, isa lang... Pagbigyan mo na ako oh!" kulit ni Blade.

"Ayaw!"

Napaismid na si Blade... Malapit na siyang magkapangil... Napatingin siya sa hawak


nitong baso na may lamang nuggets... Maraming-maraming nuggets, with matching suka
na puno ng sibuyas, at pipino... Naamoy niya ang mabangong sawsawan at lalo lang
siyang naging desperado. Inam-inam mode.

"Bata, huwag kang emot! Masama ang maging madamot... Dapat mapagbigay ka... Isa
lang naman ang hinihingi ko sa'yo eh. Isa lang talaga, promise! Kaya pagbigyan mo
na ako oh!"-si Blade in his very desperate mode.

( emot-madamot )

Ngumiti ng maluwang ang bata sa kanya sa pagkakataong ito... Nagdiwang naman si


Blade ng mga sandaling iyon... Abot-tenga ang ngiti niya.

"Hindi naman po ako emot. Ayaw ko lang pong mamigay..." nakangiting wika ng bata.

Iyong tono ng pagsasalita nito ay nagpapaliwanag. Gigil na gigil si Blade...


Nagtagis na ang mga bagang niya, kulang na lang... Magkabali-bali na ang mga ngipin
niya... Pero hindi siya susuko! Alang-alang sa nuggets!

"Bata, nagmamakaawa na ako sa'yo... Pagbigyan mo na ako... Isang nuggets lang,


please!!... Maawa ka... Baka malaglag ang baby ko sa aking sinapupunan!"

'Bahala na, bata naman... Walang alam sa ganu'n!'

Nanlaki ang mga mata ng bata at napatanga sa tinuran niya... Sinapo pa ni Blade ang
tiyan at napangiwi kunwari.. Tapos tumingin siya dito with teary-eyed mode..

"Eh kawawa naman pala talaga kayo... Sige, bibigyan ko na po kayo... Pero mayroon
akong kundisyon!"

"Anong kondisyon?! Sige, sabihin mo lang! Tatanawin ko itong malaking utang na


loob! Ano?"

"Susubuan ko po kayo!" inosenteng wika ng bata.

"Ay, sige! Gustung-gusto ko iyan! Ang bait mo naman palang bata eh! Ganyan, dapat
maging mabait ka para palagi kang pagpalain!"

Tumawa ang bata sa tinuran niya. Excited na yumuko si Blade. Kumuha naman ang bata
ng nugget sa basong hawak nito na may lamang mga pagkain.

"Say, aaahhh!!..." nakangiting wika ng bata.

"Aaaahhh.." willing na wika ni Blade.


Marahan nitong inilalapit ang pagkain sa bibig niya... Kaya lang noong malapit na
malapit na iyon ay biglang bumuwelta ang kamay ng bata at..

"Ahm! Sarap!!..."

Naiwan sa ere ang kawawang si Blade. Nganga!

"Anak na lase na animal! Buset na lase! Bakit?!!!" bulalas niya.

"Eh nagbago bigla ang isip ko eh." maang na wika ng bata.

"Abuwisit ak pa na animal ay! Anak na lase! BUUUSEEET!!!!...."

Napakurap-kurap ang bata at maang na napatingin sa kanya...

"A-Ano pong sinabi niyo?"

Natigilan si Blade at tarantang tinakpan ang kanyang bibig... Pagkatapos ay nag-


aalalang napatingin sa bata na nakatitig sa kanya.

"Ah... Eh... Wala lang iyon! Kalimutan mo na lang. Huwag mong aralin kasi Bad
iyon!"

"Alam mo naman pa lang masama iyon eh bakit lumalabas pa sa bibig mo?!"

Nagbago ang boses ng bata... Bigla iyong naging mababa at matured... Napatanga si
Blade ng unti-unting lumaki ang bata at biglang nagbago ang anyo nito. Si Gabriel-
one of the seven archangels.

"Hay naku, Blade! Nakakahiya ka! Pati ba naman bata, patulan ba naman talaga?!
Pero, wala namang masama sa paghingi kaya palalagpasin ko iyon... Kaya lang, hindi
ka nakapasa sa munti kong pagsubok!"

"P-Pagsubok?!" tulirong wika ni Blade.

"Oo naman! Okay na sana eh, dahil kahit anong gawin kong pagdadamot, wala akong
narinig na salitang masakit sa tenga... Kaso, bumigay ka rin sa huli. Ang tanda mo
na, wala ka pa ring pinagkakatandaan! Nakailang parusa ka na!" sermon ni Gabriel.

"H-Huwag ka namang ganyan... Slip of the tongue lang iyon!"

"Slip of the tongue o hobby?"

"Hobby! Ay! Alewa-na wrong-mistake lang ako sa sinabi ko! Slip of the tongue lang
talaga iyon... Isa lamang iyong isolated case... Kaya maawa ka, please..."

( Alewa-mali )

"Isolated case daw... Hmmm.... Ano kayang parusa ang ibibigay ko sa'yo?" napahawak
sa baba si Gabriel.

Nag-isip ito ng malalim... Nataranta namang bigla si Blade at hindi malaman ang
gagawin. Hanggang sa bigla siyang may naisip... Sana nga lang, umubra.

"Gusto mo ba ng tinapay? Mamili ka... Bibigyan kita, sige na... Ililibre pa kita ng
softdrinks if you like... He he he.. Pili ka na guwapo, mabait at mapagpatawad na
Gabriel..."

Obvious na obvious na nambobola lang si Blade.


"Tumahimik ka nga diyan, Blade! Ande lay atet! Hindi uubra sa akin iyang mga
pambobolatis mo. Ginawa mo pa talaga akong bata na walang muwang ah?" yamot na wika
nito.

Napangiwi si Blade at nanginig... Napakrus siya ng wala sa oras. Bigla namang


napapitik sa hangin si Gabriel. May naisip na siya.

"Alam ko na! Siguro, kailangan mong maging bata para magtanda ka na talaga!"
bulalas ni Gabriel.

"Uy, walang ganyanan! Gawin mo na lang akong girl! Okay na sa akin ang ganoon!"

"Garampengat! Ano iyon, para makapaglandi ka at may mauto ka na naman?! Naawa nga
ako kay Aleister eh, naloko mo siya. Kaya mas maganda, gawin na lang kitang bata
para naman magtanda ka!"

"HUUUWAAAAGGG!!!..."

Tumakbo si Blade ngunit...

"HETONG SA'YOOOO!!!..."

Tumalon sa ere si Gabriel. Nag-ipon siya ng kapangyarihan sa kanyang kanang-kamay


at pagkatapos noon... Ibinato niya ang puting-liwanag kay Blade. Umangat sa ere si
Blade at... PUUUFFFFF!!!!.... Nagkaroon ng makapal na usok sa buong paligid. At
nang humupa iyon ay nalantad na si Gabriel, may hawak na itong baby... Walang iba
kundi si Blade... Hawak din niya ang supot ng tinapay na dala nito... Naging
pangbaby na rin ang mga damit ni Blade.

"Ang cute mo, Blade! Siguro naman, pagkatapos nito... Magtatanda ka na. Magpakabait
ka ah?"

"Uuuuwaahhh... Bubu!.." sagot ni Blade.

Tumawa si Gabriel!

"Ang cute mo talaga!"

Samantala, naayos na ang gusot sa pagitan nina Hunter at Drake. Back to normal...
As usual, busy si Hunter kay Pou at pinili na lang ni Drake na manood ng T.V..

Tahimik lang sila.. Hanggang sa makarinig sila ng sunud-sunod na katok... Nauna


nang tumayo si Drake.

"Ako na ang magbubukas." wika niya kay Hunter.

Hindi siya nakarinig ng sagot mula rito. Naglakad na si Drake papunta sa pinto at
binuksan na niya iyon...

"HAAAAH?!!!.."

Napanganga si Drake ng mabungaran niya si Gaabriel... Maluwang ang ngiti nitong


sumalubong sa kanya. May kalong itong baby. At may hawak na supot na may lamang mga
tinapay...

"Hello! Hindi mo ba kami papatuluyin?"


"Ahm... Pasok! Tuloy kayo..."

Mabilis namang ibinulsa ni Hunter ang cellphone ng mamataan si Gabriel. Napatayo


siyang bigla at agad na lumapit dito.

"Oh, Gabriel! Ano ang atin? Kung hinahanap mo si Blade eh.. Lumabas siya sandali,
bumili ng tinapay." sunud-sunod na wika ni Hunter.

"Oo, alam ko..." makahulugan nitong wika.

"Sino ang batang iyan? Anak mo?" maang naman na tanong ni Drake.

Hindi nagsalita si Gabriel. Tumawa lang ito ng mahina at pagkatapos noon ay


napatitig na lang ng maigi sina Drake at Hunter sa kalong nitong baby.

"P-Parang may kamukha ang baby na ito..." wala sa sariling wika ni Hunter.

"I agree..." segunda ni Drake.

Bumuntung-hininga si Gabriel at ngumiti ng maluwang sa mga kaharap.

"Guys, ipinapakilala ko sa inyo si Baby Blade! Mag-hello ka, baby Blade!"

"Bubu! Dek, Hanta!"

"Aaaaaahhh!!!!!...." halos sabay na sigaw ng dalawa.

Tulala sila ng ilang segundo at noong pareho na silang mahimasmasan ay napatitig


ulit sila sa cute na baby... Matapos nilang masipat na maigi ang features ng mukha
nito, wala ngang duda... Ito nga si Blade.

"A-Anong nangyari?" napangiwing tanong ni Drake kay Gabriel.

"Saan ba napapahamak si Blade, ha?" casual na wika ni Gabriel.

"Ay na apo! Si Blade talaga... Paano na ngayon?" pakli ni Hunter.

Nasapo nito ang noo at napailing. Inabot naman ni Gabriel ang supot na may lamang
tinapay kay Drake. Agad naman iyong kinuha ng huli... At..

"Kagaya ng dati, si Drake na muna ang pansamantalang papalit kay Blade sa pagtuturo
at siyempre... Kayo na muna ang bahala sa cute na baby na ito."

Nakangiting wika ni Gabriel sa dalawa. Ipinitik nito sa ere ang mga kamay at
biglang PUFF! May mga lumabas na gamit na pangbaby..

"Nandito na ang lahat ng kakailanganin niyo para hindi kayo magkaproblema. Huwag
niyo siyang pabayaan, ah? Isipin niyo, si Blade man ito... Baby pa rin siya.
Hunter, kunin mo na si Blade."

Agad namang tumalima si Hunter. Kinuha niya si Blade at kinarga. Umatras na si


Gabriel...

"Teka lang, hanggang kailan ganito si Blade?" pahabol na tanong ni Drake.

Nagkibit-balikat lang si Gabriel at tumawa lang..

"He he he he he!"
Naglaho na ito sa kawalan at kahit na matagal na itong wala ay parang hindi pa rin
makapaniwala ang dalawa sa nangyari...

"Ano ba kasing nangyari? Ano na naman kasi ang ginawa mo?" baling ni Hunter kay
Blade na kalong niya.

"Bubu Bubu Bebaba dada!"

Natawa ang dalawang lalaki...

"Oo nga pala, baby ka nga pala." pakli ni Hunter.

"At hindi lang basta baby... Guwapo at cute na baby!"

Hindi napigilan ni Drake ang sarili, pinisil niya ang pisngi ni Blade..

"Ako kaya, ano kaya ang itsura kapag naging baby?" wika pa niya.

"Malamang, tiyanak! Anak ni Janice!" wika ni Hunter.

"Abuwisit ak pa!" bulalas ni Drake.

Kinabukasan, napapatingin ang mga tao sa school kay Hunter dahil kalong nito si
Blade. Hindi naman nila ito puwedeng iwanan sa bahay dahil baka kung ano pa ang
mangyari dito. Bahala na lang. Hindi nakatiis ang isa sa mga co-teachers ni
Blade... Si Mrs. Molina.

"Hunter, may anak ka na pala? Kailan pa? Akala ko ba binata ka?" sunud-sunod nitong
tanong.

Napakamot sa batok ng wala sa oras si Hunter. Tumingin siya kay Drake pero
nagkibit-balikat lang ito sa kanya.

"Binata nga po ako, Ma'm." magalang niyang sagot.

"Ay, single Dad ka pala. Nasaan ang nanay?"

"Pasensiya na, ayaw ko ng maraming usisa. Sariling sikap ko 'to!" pakli na lang ni
Hunter.

Natawa si Drake at napangiwi naman si Mrs. Molina. Lumapit naman si Rane ng


mamataan niya sina Hunter at Drake.

"Good morning! Ano ang atin? Nasaan si-"

Hindi na naituloy ni Rane ang sunod niyang sasabihin ng makita niya ang cute na
baby na kalong ni Hunter.

"Ay! Ang cute naman ng baby! Ang guwapong bata... Anak mo, Kuya Hunter?"

Nilaro-laro niya ang baby na bibo namang magpacute sa kanya at tuwang-tuwa siya.
Ang cute talaga nito.

"Eeeerr... Rane naman, huwag ka nga. Hindi ko anak ang batang ito no. Siya si
Blade.. Uy, Blade.. Mag-hello ka kay Rane." untag ni Hunter kay Blade.
"Bubu! Ran!"

Napatanga si Rane at matagal na tumitig sa mukha ng baby...

"Ah... Ang cute naman! Ano bang nangyari? Bakit naging baby siya?" amuse na tanong
ni Rane.

Sa lahat yata ng parusa na tinanggap ni Blade.. Ito ang pinakagusto niya. Ang cute
kasi nito.

"Pinarusahan siya ni Gabriel dahil sa... Alam mo na kung saan napapahamak si


Blade." natatawang sagot ni Drake.

Ngumiti na lang si Rane.

"Ahm, punta na ako sa classroom. Malapit na kasi ang time para sa klase... Aalagaan
ko na lang 'tong cute na baby mamaya sa recess." wika niya.

"Baba! Baba!" bibong wika ng cute na si Blade.

Natawa si Rane at naglakad na... Sumunod sa kanya si Drake na natatawa rin.


Napabuntung-hininga naman si Hunter at napatitig kay Blade.

"Uy, Blade... Tayong dalawa na lang... Behave ka ah? Magwo-work lang ako. Huwag
kang ag-ag, pakiusap lang."

"Bubu baba dada, Hanta! Dada!"

"NAKS!!..." natatawang wika na lang ni Hunter.

Inayos muna ni Hunter ang stroller na dala niya. Habang ginagawa niya iyon ay
nakasakay sa kanang-balikat niya si Blade. Bibo naman itong nakasabunot sa buhok
niya. Matapos niyang ayusin ang stroller ay inilagay niya doon si Blade at naglakad
na sila papunta sa canteen. Tulak-tulak niya ang stroller.

"Behave ka lang ah?" paalala pa niya.

"Dada! Bubu!"

"Wow! Ang bibo naman ng anak mo, Hunter! Nasaan ang nanay?" usisa ng kasama niyang
si Ate Lani.

Matagal na itong nagtratrabaho sa canteen ng school.

"Sariling sikap ko 'to! Wala ng tanong, ate Lani!"

"Ha ha ha ha! Suplado! Sariling sikap daw? Meganon?! Ha ha!" tawa lang ng kasama
niya.

Napailing na lang si Hunter. Nagsimula na silang magluto at behave naman all the
time si Blade... Nililibang nito ang sarili sa panonood sa kanila. Ilang sandali
lang ay nakatulog ito. Noong oras ng recess ay...

"UWAAAAAHHH!!!... UWAAAAHH!!!..." ang maingay na iyak ni Blade.

"Sandali lang, tiisin mo muna... Tatapusin ko lang 'to, wait ka lang!"

"UWAAAAAHHH!!!... UWAAAHHH!!!..."
"Huwag ka namang mag-ag-gag! Huwag ngayon!" tarantang wika ni Hunter.

Kaya nag-ag-ag si Blade dahil naiirita na ito.. Puno na kasi ang diaper nito at
kailangan nang palitan. Ang problema, marami pang kailangang asikasuhin si Hunter.

"Ako na ang bahala! Ako na!" humahangos namang wika ni Rane.

Noong marinig niya ang mataginting na iyak ni Blade ay nagmadali siyang pumunta sa
canteen... Kasunod niya si Drake.

"Whew! Salamat naman, Rane!" nakahingang wika ni Hunter.

"Halika na, baby... Bakit ka umiiyak?" malambing na wika ni Rane.

Marunong siyang mag-alaga ng baby dahil nakapa-practice siya kay Conrad noong baby
pa ito... Kinuha niya ito mula sa stroller at sinipat...

"Naku, puno na pala ang diaper mo eh... Naiirita ka na.. Kawawa naman ang cute na
baby... Huwag kang mag-alala, ako na ang bahala... Ako na ang magpapalit ng diaper
mo.." malambing na wika ni Rane.

Kaya lang ay....

"UWAAAAHHH!!!... UWAAAAAHHH!!!!...."

Nagpupumiglas si Blade at mas lalo lang itong nag-ag-ag... Nagmanget na talaga...

"Bakit? Papalitan ko na nga ang diaper mo eh... Huwag ka nang umiyak oh..." nag-
aalalang wika ni Rane...

"UWAAAAAAAAHHHHHH!!!!!...."

Mas nagpumiglas ang baby. Hindi na nakatiis si Drake at nilapitan na niya si Rane.

"Ako na, Rane.. Akin na siya. Ako na ng magpapalit ng diaper niya." prisinta ni
Drake.

"Sige..." wala sa sariling wika ni Rane.

Iniabot niya ito kay Drake at huminto naman sa pag-iyak si Blade... Kinuha ni Drake
ang bag kung saan naroon ang mga gamit na pangbaby at nagpunta sila sa sulok... Sa
bakanteng mesa... Napakangiti ng pilyo si Drake ng ilapag niya doon si Blade.
Naglabas siya ng baby wipes, diaper at pulbos...

"Ikaw ah, nahiya pa daw! Ayaw ipakita ang kanyang angry bird... Ayaw ipakita ang
kanyang cute na batutoy!"

Yamot na umismid ang baby at bigla na lang na...

"AAAAaaahhh!!!... Abuwisit ak pa!!!!..."

Napatingin tuloy ang mga tao kay Drake at nagtawanan... Inihian kasi siya sa mukha
ng lokong baby... Gigil na gigil si Drake... Pero nawala din ang panggigil niya ng
makita niya ang napaka-inosenteng mukha ng baby.. Inis siyang nagpunas sa mukha.

"Pasalamat ka.... Pasalamat ka!!..." gigil na wika ni Drake.

Mabilis na niya itong inayos at pinalitan ng diaper. Nang matapos iyon ay agad niya
itong iniabot kay Rane... Dumiretso siya sa banyo para maghilamos... Loko talaga.
Kasalukuyang nilalaro ni Rane si Blade ng dumating si Conrad kasama si Karen.

"Wow! Ang guwapo namang baby!" bulalas ni Karen.

"Oo nga!" segunda ni Conrad.

"Kaninong anak 'yan?" usisa pa ni Karen.

"Ah... Eh..." hindi alam ni Rane ang sasabihin.

"Anak ko! Akin!" singit ni Hunter.

Lumapit na ito at kinuha ang baby... Hindi na kasi ito busy.

"Talaga?! Teka, paano na kung ganoon si ate Serene? Sino ang nanay niyan?" tanong
pa ni Karen.

"Sarili ko 'tong sikap, tapos!" pasupladong wika ni Hunter.

Natawa ng mahina si Rane at napatanga naman si Karen.

"Oh?! May ganoon?!" biglang react ni Karen ng makabawi sa pagkabigla.

"Bakit ganyan ang reaksyon mo ate? Bakit, paano ba nagkakababy?" maang na tanong ni
Conrad kay Karen.

"Eeeh?!" napangiwing reaksyon ni Karen.

Tumingin siya kay Rane pero mukhang nalilito din ito... Hindi rin nito alam kung
paano ipapaliwanag.

"Ahm.. Grabeh, gutom na gutom ako! Kailangan ko nang kumain kung hindi mamamatay na
ako.. Kailangan ko nang kumain, Conrad!"

Nagmadaling pumunta sa may counter si Karen, nakatakas na ito. Bumaling naman si


Conrad kay Rane...

"Ate, paano nagkakababy?"

"A-Ahm... Biology-the mystery of life?!" napangiwi niyang sagot.

"Ano iyon?!"

"Hindi ko a-alam... Ahm... Di ko pa kasi napag-aaralan eh... Bakit hindi si Kuya


Hunter ang tanungin mo?"

"Hmm?!" gulat na react ni Hunter.

Maang naman na napatingin si Conrad dito.

"Kuya, paano ka nagkakababy?"

"Ahm... Sorry ah? Marunong lang akong gumawa pero di ako marunong mag-explain!"

Naghagikgikan ang mga taong nakarinig sa tinuran ni Hunter.

"Baba, dada Bababubu Hanta!" wika ng baby na si Blade.

Tapos, tumili pa ito ng matinis at tumawa.


"Ay! Ang bibo namang bata! Parang nakakaintindi na!" pakli ni Mrs. Talea.

Noon naman dumating si Drake na bagong hilamos. Nagpalit din ito ng pang-itaas na
damit.

"Uy! Mukhang nagkakatuwaan kayo diyan ah? Ano ba ang topic?!" maang nitong bungad
sa lahat.

May kalokohang naisip si Hunter.

"Conrad, kay Drake ka magtanong... Malamang masasagot ka niya kasi nagtuturo iyan
ng Biology-the mystery of life... Paminsan-minsan, kapag busy ang iyong pareng
Blade eh siya ang pumapalit na teacher...Kaya alam na alam niya ang sagot diyan sa
tanong mo..."

"Ganoon ba? Sige, siya ang tatanungin ko!"

Mabilis na lumapit si Conrad kay Drake.

"Oh, Conrad... Bakit?"

"Kuya Drake, paano nagkakababy? Katulad noon oh, baby ni Kuya Hunter... Kanina pa
ako nagtatanong, di naman nila masagot.... Sabi nila, alam mo daw... Paano ba?"

Napangiwi si Drake at natigilan sa tinuran ni Conrad.

"Ah... Eh..." alanganing wika ni Drake.

"S-Sabi nila alam mo daw..." naiiyak nang wika ni Conrad.

Marahas na napakamot sa ulo si Drake... Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang
sabihin kay Conrad... Bakit ba naisipan ng batang ito na magtanong ng ganoong
bagay? Magsisimula na sanang ngumawa ng iyak si Conrad ng...

"Huwag kang umiyak! Sige na, sasabihin ko na sa'yo..." tarantang wika ni Drake.

"Talaga?! Paano ba nagkakababy?"

"Ahm.... G-Ganito kasi iyon... Si Daddy at si Mommy... Di ba love nila ang isa't-
isa...? Ngayon, iyong love na iyon... Iyon ang dahilan kaya sila nagkakababy...
Kaya sila ano, kuwan... Nag-ano.. Nag-kuwan..."

Pinagpapawisan ng malapot si Drake habang nagsasalita. Para siyang isinasalang sa


mainit na kawali.

"Nag-ano?! Nag-kuwan?! Ano bang ginawa nila?"

Ang lakas ng tawanan ng mga tao sa canteen dahil sa tinuran ni Conrad. Dug! Dug!
Dug! Dug! Parang aatakehin sa puso si Drake ng mga sandaling iyon.... Nag-isip siya
kung paano niya ito malulusutan.

"G-Ganito... Tumingin ka sa mga kamay ko ah."

"Uy, baka kung ano iyan Drake ah?! Makakatikim ka sa akin!" banta ni Hunter.

"Baba Bubu Dada Dek! Baba!" wika naman ng cute na si Blade..

Yamot na tumingin si Drake sa mga ito.


"Kayo na ako ah! Oh, kayo na ang ma-explain. Abuwisit ak pa!" pakli niya.

"Ikaw na... Hindi kami ikaw... Sige na, explain na." sutil ni Hunter at tumawa.

Binalingan muli ni Drake si Conrad na maang na nakatingin sa kanya.

"Ganito kasi iyon... Mahal nga nina Daddy at Mommy ang isa't-isa... Kaya sila
ano... Kuwan... Nag-fusion technique! HYA!"

Pinagdikit ni Drake ang mga kamay...

"Fusion technique?! Di ba sa Dragon Ball po iyon? Hindi ba sina Goku lang ang
gumagawa ng ganoon, nagsasanib? Bakit walang baby?"

"Kasi sila Goku, nagsasanib para mapalakas ang powers para matalo ang kalaban...
Ngayon, sina Daddy at Mommy... Nagsasanib p-para makabuo ng... Ageh! Tiyanak! Ay-
Baby pala!"

Nagtawanan ang lahat sa explaination na iyon ni Drake... Napaisip si Conrad.

"So, kung magre-request pala ako kina Mommy at Daddy... Puwede nila akong bigyan ng
kapatid?" maang na wika ni Conrad.

"Malamang..." napangiwing wika ni Drake.

Nakahinga ng maluwang si Drake ng hindi namangulit si Conrad... Nahirapan talaga


siya dito...

Kinagabihan... Pauwi na sina Drake at Hunter ng mamataan sila ng...

"Master Creta! Hindi ba't kalaban niyo ang mga iyan?" untag ni Mark.

Isa itong demon na nasa human form. Napatingin naman si Creta sa itinuro nito...
Sina Hunter nga.. Pero natigilan siya ng makita niyang may kalong na baby si
Hunter.. Natuliro siya.

"Hmf! Humanda sila sa akin! Tiyak na matutuwa si Master Vaulant!"

"Sandali!!..." pigil ni Creta.

Pero mabilis na itong sumugod. Nasa mataas na gusali sila at pabulusok itong
sumugod sa mga kalaban. Nag-summon ito ng mga Demon Bats...

Naging alerto naman sina Drake at Hunter ng makita nilang papasugod ang
napakaraming Demon Bats sa kanila. Tumalon sila sa ere para maiwasan ang mga ito...
Mabuti na lang at walang tao sa lugar na iyon...

"Sino ka bang animal ka? Hindi mo ba nakikitang may kasama kaming baby, ha?!" inis
na puna ni Drake sa kalaban.

"Hmm.. Eh ano namang pakialam ko sa batang iyan? Ang mahalaga, matapos ko kayo...
Wala akong pakialam kung madamay ang bubuwit na iyan!"

Nag-anyong Demon Bat si Mark... Pagkatapos noon ay naglabasan sa katawan nito ang
napakaraming Demon Bats..
"Tapusin sila!!..."

Muling sinugod ng napakaraming Demon Bats sina Hunter at Drake.

"CRASH CLAW!!!... HYAAA!!!..." atake naman ni Drake.

Hindi makalaban ng maayos si Hunter dahil kalong niya si Blade. Tanging ang
kaliwang-kamay niya ang ginagamit niya sa pag-atake...

"BLAZING FIST!!!..."

Atake ni Hunter sa mga Demon Bats na umaatake sa kanila ni Blade.

"Sige, mga alagad! Pagtulungan niyo ang lalaking iyan at ako na ang bahalang
humarap sa Blood Demon!" mayabang pang wika ni Mark.

Sa pagkakataong ito, dinumog na talaga si Hunter... Dahil marami ang umatake sa


kanya... Hindi niya naprotektahan si Blade... Isang Demon Bat ang dumagit kay Blade
at inilipad ito sa malayo...

"Hindi!!!..." sigaw ni Hunter.

Hindi naman nakatiis si Creta.

"Sheyt!" bulalas niya.

Mabilis niyang pinatamaan ng kanyang baraha ang Demon Bat na dumagit sa baby...
Naabo ito at nahulog ang baby sa ere.. Mabilis naman siyang tumalon at sinalo ang
baby... Dinala niya ito sa tuktok ng isang gusali...

"Pasensiya ka na kung natakot ka... Hindi ko ginustong madamay ka..." wika ni


Creta.

Natigilan siya ng masipat niyang maigi ang mukha ng baby...

"B-Blade?!!..."

Samantala... Nagharap sina Drake at Mark..

"Hinahamon kita, Blood Demon! Ipakita mo sa akin ang totoo mong anyo. Labanan mo
ako ng buong lakas!"

"Mayabang ka ah? Bakit hindi ka na lang sumugod kaysa puro ka lang ngatel diyan?"
kampanteng wika ni Drake.

"Sabi mo eh!"

Sumugod nga si Mark at iniumang nito ang malalaking kuko kay Drake na sinangga
naman ng huli ng walang kahirap-hirap...

"P-Paanong?!" gulat nitong wika...

Ngumiti si Drake... Mahigpit niyang hinawakan ang kamao ng kalaban at unti-unti


iyong dinurog sa kanyang mga kamay... Sa pagkakataong ito, nag-iba na ang kulay ng
kanyang mga mata... Naging coal bloody eyes na naman...

"A-Aaaaargh!!!..." ungol ni Mark..

"Oh, akala ko ba gusto mong labanan kita ng buong lakas? Bakit umu-ulangab ka na
diyan? Hindi pa man ako nag-iinit?!"

"IKAAWWW!!!..."

Ang kaliwang-kamay nito ang iniumang nito... Pero nasangga din ni Drake... Sa
pamamagitan ng kaliwa ding kamay... Pinilipit niya ito at muli na naman itong
napaungol.

"Kawawa ka naman... Mukhang hindi sinabi sa'yo ng mga Master mo na minsan na akong
nakaharap ng isang anghel... Isang fallen angel at pinahirapan ko ng husto.
Nakapatay na rin pala ako ng isang... Archdemon ba iyon? Tama, Archdemon nga!"

"A-Anong-!"

Nanlaki ang mga mata ni Mark... Pagkatapos noon ay...

"BLAZING INFERNO!!!..."

"Aaaaargh!!!..."

Samantala... Gumamit na ng Angel's Burst si Hunter para tapusin ang mga Demon
Bats... Kailangang masundan niya agad si Creta... Delekado kapag namukhaan nito si
Blade... Wala itong kalaban-laban!

Samantala... Napangisi si Creta ng mapatitig siya sa walang-muwang na mukha ni


Blade.

"Tingnan mo naman ang suwerte, Blade... Kawawa ka naman... Matatapos ka sa mga


kamay ko ng walang-kalaban-laban! Sheyt!..."

Dumukot ng baraha si Creta at iniangat niya sa ere si Blade... Para lang itong
manika na binitbit niya. Pinuntirya niya ang leeg at agad na umatake... Ngunit
natigilan siya ng malapit na ang baraha sa leeg nito.. Napatitig siya sa inosente
nitong mga mata na nakatitig din sa kanya... Wala doon ang takot... Mas matagal
siyang napatitig at bigla siyang may naalala...

'Ang kanyang anak...'

Biglang nanghina ang pakiramdam ni Creta... Kusang nalaglag sa kanang-kamay niya


ang barahang hawak niya... Ang ACE of Hearts. Kasunod noon ang pagngilid ng luha sa
kanyang mga mata... Unti-unti niyang inilapit ang baby sa katawan niya... Niyakap
niya ito at tuluyan na siyang umiyak... Nakaramdam siya ng matinding pangungulila
ng mga sandaling iyon...

"A-Anak..." wika ni Creta sa pagitan ng mga hikbi.

Natigilan siya at natuliro ng maramdaman niya ang munting mga kamay na humaplos sa
pisngi niya at pilit na pinupunasan ang kanyang mga luha...

"Bubu baba dada bubu!"

Wala sa sariling napatingin siya sa mukha ng baby... Nakangiti ito...

"Bubu! Bubu!"

Natawa siya ng mahina..

"Sayang, hindi kita maintindihan... Pero, sheyt! Baliw ka talaga, Blade!"


Eksakto namang pagdating nina Drake at Hunter. Nakatalikod si Creta sa mga ito.

"Creta, bata lang iyan! Ibalik mo siya sa amin, huwag mo siyang sasaktan!" wika ni
Hunter.

Nawala ang emosyon sa mukha ni Creta bago siya humarap sa mga ito.

"Huwag kang mag-alala, wala akong gagawing masama..."

Naglakad palapit si Creta kina Hunter... Naging alerto naman ang dalawa pero laking
gulat nila ng marahang iabot nito ang bata... Alanganing kinuha ni Hunter si Blade.

"S-Salamat.." alanganing wika ni Hunter.

"Huh, hindi mo kailangang magpasalamat... Tandaan mo, magkaaway tayo. Wala lang ako
sa mood ngayon."

Tumakbo na si Creta at mabilis na tumalon mula sa itaas ng gusali... Nagtataka


namang napatingin sina Hunter at Drake dito...

"Ano kayang nangyari doon?" nagtatakang bulalas ni Drake.

"Malamang... Himala..." wala sa sariling wika ni Hunter.

"Bubu bubu baba dada bubu!" wika naman ng baby na si Blade.

Tumawa pa ito at tumili ng matinis... Napailing at natawa na lang tuloy sina Drake
at Hunter.

3. Throw-Back

"Throw-Back"

Marahas na napabuntung-hininga si Zech habang nakatingin kay Creta na kanina pa


nakatulala. Marahan siyang lumapit dito pero mukhang hindi nito ramdam ang
presensiya niya.

"Ehem!" agaw niya sa atensyon nito.


"Nandito ka na pala..." tila wala sa sarili nitong wika.

Nasa itaas sila ng lumang gusali kung saan sila madalas magkita...

"Ano ba ang atin? Bakit bigla mo akong tinext para makipagkita ka? Alam mo, kung
tungkol iyan sa Black Circle Organization... Wala na akong kinalaman diyan." pakli
ni Zech.

"Hindi ito tungkol doon... Gusto ko lang ng makakausap..." seryosong wika ni Creta.

Tumabi na si Zech dito at tinanaw din ang mga tao sa baba ng gusali...

"Ano ba ang topic? In love ka?" pabirong wika ni Zech.

Matalim namang sumulyap si Creta dito bago nagsalita...

"Sheyt! Pagkakataon ko na iyon para patayin si Blade.. Pero, sheyt talaga! Napaka-
ambagel kong lase!" gigil na wika ni Creta.

Amuse naman na tumingin si Zech sa mukha nito.

"Ano bang sinasabi mo diyan? Ang gulo mo, linawin mo nga..."

"Nagka-engkuwentro kami ni Blade... Wala siyang kalaban-laban sa akin ng mga


sandaling iyon dahil nasa anyong baby siya. Pupuntiryahin ko na ang leeg niya eh,
sasaktan ko na siya dapat... Pero natitigan ko ang mga mata niya... Wala doon ang
takot. Sheyt! Nanghina ako ng tuluyan kong makita ang anyo niya... Isang walang-
muwang na baby... Pagkatapos, nakaramdam ako ng matinding emosyon... Iyong
matinding pangungulila ko sa anak ko, naibuhos ko sa kanya... Niyakap ko siya at
umiyak ako ng todo... Ambagel talaga ang Blade na iyon, sheyt! Nagawa pa niyang
punasan ang mga luha ko sa kabila ng lahat... Na pinagtangkaan ko ang buhay niya at
alam niyang kalaban ko siya... Nagawa pa niya akong patawanin... Sheyt! Baliw!"
mahabang kuwento ni Creta.

Natigilan si Zech at matagal na napaisip... Ibig sabihin, hindi tuluyang nabalot ng


galit ang puso nito... Napatingin siya sa kamay nitong nakahawak sa locket ng
kuwintas nito... Nakalagay doon ang larawan ng asawa at anak nito...

"So, hindi mo nagawang saktan si Blade hindi dahil naduwag ka... Kundi tinalo ka ng
pagmamahal at pangungulila... Pinunasan niya marahil ang mga luha mo dahil
naramdaman niya iyon... Malay mo, mapatawad ka niya kapag.. Hiningi mo iyon sa
kanya..."

Pagkatapos ng mga narinig ni Zech ay bigla siyang napaisip... Ano kaya kung
ipagtapat na niya ang pagkatao niya kay Blade? Hindi naman niya maaaring ilihim
dito ang pagkatao niya ng matagal... Bahala na siguro kung ano ang maging reaksyon
nito o ano pa ang mangyari... Nagtiim ang mga bagang niya ng maalala niya si
Rane... Tiyak na lubos itong maaapektuhan sa pagitan nilang dalawa.

"Mapatawad... Saltek siyang lase kung ganoon! Sheyt!" natatawang wika ni Creta.

Halatang naguguluhan ito sa nararamdaman.

"Alam mo naman na matagal nang Saltek si Blade... Huwag ka nang magtaka. Creta,
hindi pa huli para sa atin ang lahat. Nakabukas pa rin ang pintuan ng ating tahanan
at hinihintay tayo ng ating Ama na muling bumalik... Hindi Niya tayo kayang
tiisin..."
"Huh, patawa ka!"

"Seryoso ako... Dinalaw ako ni Michael, minsan.. At sinabi niya sa akin na


nakikinig Siya sa mga dasal ko at hinaing... Mayroon akong pagkakaon, ibinigay
Niya... Pero siyempre, kailangan kong patunayan ang sarili ko..."

Tumuntong si Creta sa gilid ng gusali.

"Ewan ko sa'yo, Zech! Bakit ba ikaw ang napili kong kausap?! Sheyt! Wala kang
kuwentang kausap, diyan ka na nga!"

Tumalon na ito mula sa gusali. Halatang umiwas lang ito sa mga sinabi ni Zech... At
hindi maiaalis ang mga pag-aalinlalangan nito sa sarili. Napailing na lang si Zech
at napahawak sa kanyang punong-baba. Pinag-iisipan niyang maigi kung ipagtatapat na
ba niya kina Blade ang totoo niyang pagkatao. Napatingin siya sa langit.

"Ama, tulungan Mo akong magdesisyon... Pagod na akong magpanggap... Ayaw ko nang


lokohin pa sina Blade... Naging mabuti sila sa akin..." dasal niya.

Samantala, panay ang buntung-hininga ni Blade habang nakatulala siya. Iniisip niya
si Creta, ang werdo ng inakto nito... Ramdam na ramdam niya ang matinding
kalungkutan at pangungulila nito ng mga sandaling iyon. Nang yakapin siya nito
habang binabanggit ang salitang 'Anak'.. Ang luha nito, purung-puro, hindi mababaw.

"Uy, ano na namang minumuryot mo diyan?" usisa ni Hunter sa kanya.

"Iniisip ko si Creta, Hunter... Iyong inakto niya, hindi ako makapaniwala... Dapat,
tatapusin na niya ako ng mga sandaling iyon eh... Pero animal! Hindi ko alam kung
ano ang nangyari sa kanya, nakita ko ang matinding emosyon sa mga mata niya...
Pangungulila at kalungkutan... Puzzle din ako dahil tinawag niya akong 'anak'.
Ramdam ko na hindi siya lubos na masama... Kailangan lang niya ng pagkakataon...
Anak na lase.."

Natigilan si Hunter at matagal na tumitig kay Blade.

"Kung hihingi ba siya ng tawad sa'yo, patatawarin mo siya?"

Ngumiti ng matipid si Blade sa katanungang iyon ni Hunter.

"Sino ba ako para hindi magpatawad? Kung si BOSS nga, hindi napapagod na gawin
iyon... Ako pa kaya? Pero siyempre, makakatikim muna siya ng isang malakas na
suntok mula sa akin... Akala niya ah! Ha ha ha ha! Sana, matauhan na ang animal!"

Tumawa ng mahina si Hunter at umiling.

"Ikaw talaga, Blade... Nag-iisa ka lang!"

TOK! TOK! TOK! Nagkatingan silang dalawa ng marinig nila ang malalakas na katok na
iyon mula sa pinto.

"Nandito na sina Ai at Drake... Ihahanda ko ang mamemeryenda natin... Salubungin mo


na sila." wika ni Hunter.

"Areglado!" wika ni Blade.

Pumunta na sa kusina si Hunter at siya naman sa may pintuan... Tinawagan sila ni Ai


na darating daw ito... May project daw itong gagawin... Maluwang ang ngiti niya ng
buksan niya ang pinto.. Si Drake ang sumundo dito.

"Gabusata shite imasu, Blade sensei!" masiglang bungad ni Ai.

Niyakap siya nito at gumanti din naman siya.... Namiss niya ang batang ito.
( Gabusata shite imasu- it's good to see you again )

"Ai! Salamat naman at naisipan mo na naman kaming puntahan dito... Namiss kita!"
masaya niyang wika.

Kumalas na siya sa pagkakayakap at sinipat niya itong maigi ... Nagpakulay ito ng
buhok... Orange... At mas nagkalaman na ito ngayon... Payatot kasi ito, dati.

"Mukhang mas gumaguwapo ka ah?" puri niya.

"Hai! Arigatou nashita!"

( Yes! Thank you very much! )

"Sa loob na ang kamustahan, pumasok na tayo!" untag sa kanila ni Drake.

Dala-dala nito ang maleta ni Ai na may katamtamang laki. May dala ding traveling
bag ang binatilyo at mga paper bags.. Inilapag nila ang mga gamit nito sa sala at
dumiretso sila sa hapag-kainan para pagsaluhan ang inihanda ni Hunter para kay
Ai... Pancit at puto na pineapple flavor na tadtad ng keso with matching melon
juice bilang panulak.

"Hunter sama! I miss you!"

Yumakap si Ai ng makita niya si Hunter. Natawa lang si Hunter at yumakap din...

"Namiss din kita... Kumain na tayo at mamaya na ang kamustahan. Ipinagluto kita."

"Arigatou!"

"Douitashimashite!" natatawang sagot ni Hunter.

( arigatou-thank you, douitashimashite-you're welcome )

Kumalas na sa pagkakayakap sa isa't-isa sina Ai at Hunter at dumulog na sila sa


hapag. Panay ang kuwentuhan at kamustahan nila habang kumakain sila.

"Ano ba ang atin at naisipan mo na naman kaming guluhin dito?" biro ni Drake kay
Ai.

"Project... I need to know about the Pilipino courtship..."

Natawa ang tatlong lalaki at nagkatinginan sa sinabi ni Ai...

"Anak na lase! Anong klaseng Pilipino courtship ang kailangan mo? Iyon bang... D2
na me... Wer na U? Ha ha ha, animal!" natatawang wika ni Blade.

"Kaya nga! Iyon bang... Text text na lang pag may time at pa Eye Ball-Eye Ball lang
sa plaza, sa mall o sa tabi-tabi na lang basta puwede? Ahahaay! Abuwisit ak pa!"
dugtong ni Drake.

Natawa lang si Hunter pero hindi na nag-comment. Napangiti na lang si Ai sa


reaksyon ng tatlo.
"I need the old one... The traditional..." sagot na lang ni Ai.

"Ah... Sa mga ganyang bagay... Lolo Gusting is the name! Tiyak na matutulungan ka
noon... Ha ha, sasamahan ka namin sa kanya bukas na bukas." wika ni Hunter.

Nagpatuloy sila sa pagkukuwentuhan habang kumakain... Walang humpay ang kanilang


kamustahan at tawanan... Namiss talaga nila si Ai.

Kinabukasan, maagang pumunta ang grupo nila Blade sa bahay ni Lolo Gusting. May
dalang paper bag si Ai, pasalubong daw niya iyon kay Lolo Gusting.. Si Drake ang
kumatok sa pinto at agad naman silang pinagbuksan ni Baste.

"Hello, magandang umaga!" bungad ni Drake.

Napatingin si Baste sa kanila at napangiti.

"Oh, mga Kuya! Magandang umaga rin! Ang aga niyo namang nagpunta dito... Ano ba ang
atin?" tanong nito.

"Mangyari kasi na may project itong si Ai at si Lolo Gusting ang makakatulong sa


kanya." wika ni Hunter.

"Ah, ganoon ba? Pasok kayo, nandiyan sa loob si Tatay... Mabuti na lang at inagahan
niyo ang pagpunta dito, kung hindi... Hindi niyo na kami inabutan, may pupuntahan
kasi kami. Hinay-hinay lang kayo kay Tatay kasi moody siya ngayon."

"Moody? Why, bakit, aken, apay?" kunot-noong tanong ni Blade.

"Napuyat kagabi sa paglalaro ng DOTA. Natalo yata iyong grupo nila... Kaya ayan,
moody." natatawang paliwanag ni Baste.

Natawa silang lahat at nagkatinginan dahil sa kanilang narinig. Si Lolo Gusting


talaga, walang-kupas! Pumasok na sila sa loob at nakita nila ang matanda na abalang
nag-eempake... Inaayos nitong maigi ang mga gadget.

"Magandang umaga!" unang bumati si Hunter.

"Ohayou gozaimasu!" bati din ni Ai.

"Good morning!" halos sabay naman si Drake at Blade.

Napatigil ang matanda sa ginagawa at maang na napatingin sa grupo nila.

"Oh, anong atin?!" gulat nitong tanong.

"Kamusta, Lolo!" sa halip ay wika ni Ai.

Agad itong lumapit sa matanda at nagmano. Iniabot din nito ang dalang paper bag.

"P-Para sa akin?" alanganin pa nitong wika.

"Hai! Pasalubong, Lolo Gusting!" masiglang wika ni Ai.

Kinuha iyon ng matanda at agad na tiningnan ang laman...

"Salamat! Naku, salamat! Pinaganda mo ang mood ko! Tiyak na masarap 'to!" masayang
wika ng matanda.
Saki ang ipinasalubong dito ni Ai. (Saki- rice wine)

"Bakit ang aga niyong naparito?"

"Mangyari kasi na may project itong si Ai... Tungkol iyon sa traditional na


panliligaw ng mga Pilipino noon.." umpisa ni Drake.

"Korek! Ha ha ha! Noong mga kapanahunan mo, Tanda!" natatawang wika ni Blade.

"Baon-inam, Blade! Huwag mo ngang umpisahang sirain ang mood ko! Pinaha-highblood
mo ako! Grrr!..." sabay kutos ng malakas.

"AGEEEH!!!... Parang nagbibiro lang naman eh. Nalase.." pakli ni Blade.

Napakunot-noo naman si Ai dahil na-curious siya sa isang salita na sinabi ni Lolo


Gusting. Maang itong napatingin sa lahat at...

"Nakakainsulto iyang tono ng pananalita mo!" si Lolo Gusting.

"Eh parang di na kayo nasanay sa kabrutalan ng bunganga kong lase ay! Alam niyo
namang di ko mapigilan! Abuwisit ak pa!"

Nagkibit-balikat na lang sina Hunter at Drake sa nakitang eksena. Natawa naman ng


mahina si Baste.

"B-Baon-inam... Ano iyon?!" biglang wika ni Ai.

Natigilan ang lahat at nagkatinginan. Napabuntung-hininga naman si Blade at


napakamot sa ulo. Pagkatapos ay...

"Uy, huwag mong aralin ang isang iyon dahil malutong na mura din iyon... Ang Baon-
inam ay okitnam... Iyon talaga ang mura sa Pangasinan dahil iyong Okitnam... Mura
na sa Ilocano iyon eh... Pero iisa lang naman sila ng meaning. Halo na kasi ang
salita dito sa Pozorrubio, Pangasinan-Ilocano... Malapit na kasi sa La Union eh...
Pero huwag mong aralin ah!" mahabang paliwanag ni Blade.

"Loko ka talaga! Huwag aralin, daw! Hetong sa'yo, ump!" binatukan ng malakas ni
Hunter si Blade.

"Ageh, aray!!... Ini-explain ko nga lang pero hindi ko nga itinuturo eh! Anak na
lase naman ay!"

Napaismid sina Lolo Gusting at Drake sa tinuran ni Blade.

"Abuwisit ak pa!" bulalas na lang ni Drake.

Natatawa lang si Baste na nasa sulok at mataman lang na nakamasid sa kanila.

"Okay, lumalayo na tayo sa topic... Lolo Gusting, paano po ba ang panliligaw noon?"
umpisa na ni Hunter para sa totoong topic.

"Huh, malayo! Malayung-malayo sa ngayon... Kasi noon, ang mga binata... MAGAGALANG!
Hindi kagaya ngayon, marami na ang BERNGAS kagaya ng isang kakilala ko diyan!"
sabay titig kay Blade.

Napasimangot naman si Blade at hindi na umimik, napahalukipkip na lamang siya.

"What's B-Berngas?" tanong ni Ai.


"Walang-galang." si Drake na ang sumagot.

"Ah.. I see."

"Kung marami pa kayong itatanong, ang mabuti pa ay sumama na lang kayo sa amin ni
Baste sa pupuntahan namin." yaya ni Lolo Gusting.

"Saan ba kayo pupunta?" curious na tanong ni Blade.

Sa pagkakataong ito, lumapit na si Baste at tumabi sa ama. Nakangiti ito ng


makahulugan sa kanila.

"Pupunta kami sa mundo ng mga Engkanto para dalawin ang libingan ng aking Ina at
para makita na rin si Kuya... Sa mundo ng mga Engkanto, marami kayong malalaman
tungkol sa naging buhay ni Tatay noong kabataan niya." wika ni Baste.

Gulat na nagkatinginan sina Blade, Hunter at Drake matapos nilang marinig ang
sinabi nito. Napakunot-noo lang si Ai.

"I-Ibig sabihin... You're a half-human, half-Engkanto?!" bulalas ni Drake kay


Baste.

"Tama!" nakangiting sagot nito.

Windang na windang ang tatlo, pero si Ai... Excited dahil higit pa dito ang
inaasahan niya... Noong makabawi ang tatlo sa pagkabigla ay biglang napangiti ang
mga ito... Naging excited din sila.

Humahanga sina Blade, Hunter, Drake at Ai habang pinagmamasdan ang buong paligid...
Nasa mundo na sila ng mga Engkanto. Napakaganda ng lugar... Mistulang nasa
panaginip lang sila. Naglalakihan ang mga halaman at maraming kakaibang bulaklak sa
paligid. Kumikinang sa pagkaberde ang mga damong nilalakaran nila at bawat engkanto
na nadadaanan nila... Ngumingiti at bumabati kina Lolo Gusting at Baste.

"GUILE!!.... GUILE MY LOVE!!...."

( GUILE-real name ni Lolo Gusting ). Napatingin silang lahat sa maingay na boses na


iyon. Isang kulay-asul na liwanag ang mabilis na lumalapit sa kanila at agad iyong
bumulusok palapit kay Lolo Gusting. Isang Lambana... Hinalik-halikan nito ang
pisngi ng matanda na tawa ng tawa.

"Ikaw talaga, Avana... Hindi ka na nagbago!"

"Siyempre! Noon at ngayon... Ako pa rin ang iyong sidekick na mahal na mahal ka!"
humagikgik si Avana.

Natigilan ito ng mapansin ang grupo nila Blade.

"Sino sila?" maang nitong tanong.

"Mga kaibigan ko." maikling sagot ni Lolo Gusting.

Napatingin naman ang mga lalaki sa lambana... Ang ganda nito at dahil sa maliit
ito... Ang cute nitong tingnan. Maarte ang suot nitong dress na kulay-asul. Marami
iyong ruffles.
"Kamusta, mga pogi! Ako si Avana ang loyal na sidekick ni Guile! Kasama niya akong
lumaban sa mga malalaking Orcs noon! Kayo? Sino kayo?"

Isa-isa silang nagpakilala dito at isa-isa din silang hinalikan nito sa pisngi.

"Haaay! Grabeh! Bumalik tuloy sa isip ko ang mga pangyayari noong mapadpad dito sa
mundo namin si Guile... Lalo na, kapag napapatingin ako dito kay Bradley." wika ni
Avana.

Bradley-iyon ang tunay na pangalan ni Baste. Dumapo ang lambana sa balikat ni


Baste. Nagpatuloy sila sa paglalakad at marami pang mga engkanto ang bumati sa
kanila. Malaki man o maliit. Sikat nga talaga sa mundong ito si Lolo Gusting.

Nagpatuloy sila sa paglalakad hanggang sa makarating sila sa malaking mansyon na


gawa sa kristal. Sinalubong sila ng isang lalaki na kahawig ni Lolo Gusting...
Mahaba ang kulay-itim nitong buhok, maputi, kasing-tangkad ni Blade at may mga mata
na kulay-abo. Maluwang ang ngiti nito.

"Tatay! Kapatid ko!"

Patakbo itong lumapit kina Lolo Gusting at Baste. Agad itong nagmano sa matanda
pero nakatikim ito ng kutos.

"Ageh! Tatay, bakit?!" atungal ni Crescent.

Natawa naman ng mahina si Baste.

"Dahil hindi mo ako pinagbigyan kagabi doon sa DOTA!" inis na turan ni Lolo
Gusting.

"Popsie! All is Fair in DOTA!"

"Engles na may Teres! Abuwisit ak pa!" pakli pa ni Lolo Gusting.

Nagtawanan sina Blade sa nakitang eksena... Walang-duda na anak nga ito ni Lolo
Gusting. Napatingin naman si Crescent sa mga lalaking kasama ng kanyang kapatid at
ama.

( Teres-saltek )

"Sino sila?"

"Mga kaibigan ko... Itong maputla, si Drake, ang katabi niya ay si Hunter at itong
binatilyo ay si Ai... At ito namang huli... Si Blade, na brutal ang bunganga."
pakilala ni Lolo Gusting.

"Isang karangalan ang makilala ko ang mga kaibigan ng aking Ama... Ako si
Crescent."

Isa-isa nitong kinamayan sina Blade, Hunter, Drake at Ai. Pumasok na sila sa loob
ng mansyon at bumungad sa kanila ang napakagarang bulwagan... Umagaw sa atensyon
nila ang mga malalaking larawan na nakasabit sa dingding... Pero ang nakakuha sa
kanila ng matinding atensyon ay...

"Baste, ikaw ba ito?! Ang astig mo dito ah? Hanep, parang Lineage lang ang peg!"
wika ni Drake habang tinitingnan ang malaking larawan.

May hawak na malaking espada ang lalaking nasa larawan at nakasuot ng makinang na
armour. Kasama nito sa larawan si Avana at isang malaking itim na tikbalang.
Mukhang larawan ng isang online game hero.

"Sorry, hindi ako iyan! Iyan si Tatay noong kabataan niya!" nakangiting wika ni
Baste.

"Tama, siya si Tatay noon. Nang mga panahong iyan, napakagulo dito sa mundo namin
dahil sa mga Orcs na gustung sumakop sa aming kaharian... Si Tatay ang magiting na
bayani, ang tumapos sa pinuno ng mga Orcs. Nakipaglaban siya kasama sina Avana at
Tarse." dugtong pa ni Crescent.

Si Tarse ang malaki at itim na tikbalang na nasa larawan. Napatingin naman si Blade
kay Lolo Gusting at pagkatapos ay sa larawan... Ilang-ulit na ganoon.

"Anong ginagagawa mo?!" puna ni Hunter.

"I can't beleive this!" bulalas na lang ni Blade.

Napahagikgik naman si Ai sa tinuran nito.

"Ump! Nang-aasar ka na ah!" pikon na wika ni Lolo Gusting.

Bigla nitong hinila ang buhok ni Blade.

"Ageh!.... P-Pasensiya na! Anak na lase!"

Binitiwan na ni Lolo Gusting ang buhok ni Blade.

"Paano po kayo napunta dito? Pumunta ba talaga kayo dito sa mundo nila para maging
bayani?" bigla namang singit ni Ai.

Bahagyang natigilan si Lolo Gusting sa tanong ni Ai at biglang napangiti.

"Sa katunayan, wala sa plano ko ang mapunta sa lugar na ito..."

Parang nanariwang bigla sa isip niya ang mga pangyayari noon.

"Ang mabuti pa, sa may hardin na lang po kayo magkuwento..." untag ni Crescent sa
ama.

"Sige..."

Pumunta silang lahat sa likod ng mansyon... Sa maluwang na hardin.. May malaking


gazebo doon at doon sila nagtipon. Nasa gilid ng maliit na talon ang gazebo na
napapaligiran ng mga puting lily na kumikinang.

"Ano pong sinasabi niyo na wala talaga sa plano niyo ang magpunta sa lugar na ito?"
umpisa ni Drake.

"Kaya nga, parang bigla kaming naguluhan doon." segunda ni Blade.

Ngumiti ng matipid si Lolo Gusting bago nagsalita. Nagsimula na siyang magkuwento.

"Ang totoo niyan, hindi naman talaga ako nagmula sa lahi ng mga albularyo o
manggagamot... Ni hindi ko alam kung saan ako nanggaling dahil sa isang ampunan ako
lumaki... Mga madre at pari ang kinagisnan kong mga magulang. Bata pa lang ako,
madalas na akong makakita ng mga kakaibang nilalang na hindi nakikita ng mga
pangkaraniwan. Dahil doon, kaya madalas akong pagkatuwaan ng mga Bulek( Bully ).
Kaya habang lumalaki ako... Pinilit kong huwag maniwala...
Pinilit ko ang sarili ko na maniwala na gawa lang ng malikot kong imahinasyon ang
mga nakikita ko... Hanggang sa hindi na nga ako nakakita pa ng mga kakaibang
nilalang... Noong lumaki ako, naging isa akong Treasure Hunter. Kagaya ng ibang
kabataan, mapusok at puno ng kalokohan... Sumama ako sa isang malaking expedition
para hanapin ang isang maalamat na kayamanan... Ginawa ko iyon, hindi lang para sa
sarili ko... Kundi, para na rin sa ampunan na nag-aruga sa akin... Rerematahin na
kasi ng bangko ang lupang kinatitirikan nito at iyon ang nakita kong kasagutan...
Nakita namin ang kayamanan pero nagkaroon ng double-cross. Nag-away-away kami ng
mga kasama ko. Minalas ako dahil biglang may pumalo sa akin at naiwan akong mag-isa
sa gubat ng walang malay... Hindi ko alam na ang pangyayaring iyon ang magdadala sa
akin sa mundo ng mga Engkanto..."

Muling sinariwa ni Lolo Gusting ang mga pangyayaring iyon na siyang bumago ng
tuluyan sa buhay niya.

Marahang iminulat ni Guile ( Lolo Gusting ) ang kanyang mga mata... Muli siyang
napapikit ng masilaw siya sa puting-liwanag na nakikita niya. Mukhang matagal
siyang nakatulog kaya naninibago ang mga mata niya sa liwanag. Ilang sandali pa ay
marahan niyang iminulat ang mga mata at bumangon. Napatingin siya sa paligid...
Gawa sa makapal na kahoy ang dingding at marami doong kakaibang gamit. Napatingin
din siya sa kamang kinahihigaan niya... Napakalaki noon, parang kama ng isang
higante.

"N-Nasaan kaya ako? Sino ang tumulong sa akin?" maang niyang tanong.

Nagulat siya ng biglang lumabas ang kulay-asul na liwanag mula sa pinto ng silid...
Mabilis itong lumalapit sa kanya... Mukha iyong alitaptap pero mas malaki... Habang
papalapit ito, mas lumilinaw ang itsura nito... Mayroon itong mahaba na kulay-
puting buhok na hanggang puwet, natatalian ng pulang ribbon ang kalahati at may
maamong mukha... May mga pakpak na katulad sa mga butterfly.. Pinaghalong asul at
pula ang kulay ng mga ito... Nakasuot ito ng bestida na maraming ruffles na lagpas-
tuhod. At nababalutan ng matingkad na asul na liwanag ang buo nitong katawan.
Maputi ang balat nito.

Umiling-iling si Guile at malakas na tinapik-tapik ang pisngi... Pagkatapos ay


tumingin ulit siya sa nilalang na nakikita niya. Sigurado siyang hindi siya
nananaginip!

"Mabuti naman at gising ka na, pogi! Kamusta ang pakiramdam mo?"

Nakangiting wika ni Avana. Natutuwa siyang pagmasdan ang itsura ng taong kaharap
niya. Kasing tangkad ito ng mga malalaking Elf at may katamtamang kulay ng balat...
May kalakihan din ang pangangatawan nito... Lightbrown ang kulay ng buhok na lagpas
batok at berde naman ang mga mata... Matangos ang ilong at medyo manipis ang mga
labi... Hugis-puso ang mukha nito.

Gulat napatingin si Guile sa lambana ng magsalita ito... Matagal na panahon na nang


huli siyang makakita ng mga kakaibang nilalang.. Pinilit niya iyong inalis sa
sistema ng kanyang katawan noon... Mukhang hindi siya nagtagumpay...

"A-Ayos lang... N-Nasaan ako?" naiilang niyang wika.

Ngumiti ang lambana sa kanya at dumapo ito sa kanang-balikat niya. Napasunod siya
ng tingin.

"Nandito ka sa mundo ng mga Engkanto. Nakita ka naming sugatan at walang-malay sa


gubat... Hindi sana kita gustung dalhin dito pero nagpumilit si Tars eh... Naawa
siya sa'yo..."

"Tars?"

"Isa siyang tikbalang. Kaibigan ko siya, mabait iyon! Tars!!!... Tars!!!... Gising
na siya!!!..." tawag pa ng lambana.

Tinakpan naman ni Guile ang kanang-tenga... Ang lakas kasi ng boses nito... Maliit
nga ito pero ang lakas ng boses. Isang malaking anino ang paparating... Bawat
hakbang noon, dumadagundong... Napaurong siya sa dulo ng kama ng wala sa oras ng
dumating ang tikbalang na tinawag ng lambana... Napakalaki nito at namumukol ang
mga laman nito sa katawan. Napakaitim din ng balahibo nito. Kabayo ang ulo, hugis
ng katawan ay tao. At may mga paa ito na mahahaba ang biyas na tulad ng sa
kabayo...

"Yeah! Mabuti naman at gising ka na, tao!" wika ng tikbalang.

May hawak itong salamin at busy ito sa pagsusuklay ng buhok...

"Tsk, tsk, ang gwapo ko talaga!"

Nawindang naman si Guile sa ikinikilos ng tikbalang... Nanlalaki ang mga mata


niyang napatingin dito. Lumapit ang tikbalang sa kanya at tumunghay sa mukha niya.

"Sabihin mo, guwapo ako di ba?" bigla nitong tanong.

"O-Oo.... G-Guwapo ka..." nanginig niyang wika.

Hindi niya ito maaaring galitin dahil tiyak na keret siya kapag hinagis siya
nito...

"Oh, talaga?! Guwapo ako? As in?!"

Sasagot pa sana siya ng Oo... Kaya lang.

"Oo na, guwapo ka na! Kung hindi ka lang maitim!" singit ng lambana.

Tumawa pa ito.

"Huh! Tumigil ka nga diyan, bubuwit! Black is beautiful.." nagsalamin ulit ang
tikbalang at nagsalitan pa sa pagtaas ang mga kilay nito habang nanalamin.

Hindi na napigilan ni Guile ang sarili at tuluyan na siyang tumawa sa nakitang


eksena. Ibinaba naman ng tikbalang ang hawak na salamin at matamang tumingin sa
kanya. Napatigil tuloy siya sa pagtawa at napalunok. Inilahad nito ang kanang-
kamay.

"Ako nga pala si Tarse... Pero mas gusto kong 'Tars' ang tawag sa akin.... Ikaw,
sino ka?"

Maang na napatingin si Guile sa kamay nito... Wala sa sariling inabot niya iyon...
Nakipagkamay siya.

"Ako si Guile Medheart..." pakilala niya.

Agad siyang bumitaw sa pakikipagkamay... Naiilang kasi siya at natatakot.

"Ako naman si Avana!" pakilala ng lambana sa kanya at hinalikan siya nito sa


pisngi.
Nakiliti siya sa ginawa nito. Mataman siyang tumingin sa tikbalang at bumuntung-
hininga... Naglakas-loob siyang magtanong...

"B-Bakit niyo ako tinulungan?" curious niyang tanong.

Ngumiti ang tikbalang sa kanya.

"Dahil naawa ako sa'yo. Isa pa, nakita ko iyong mga astig na moves mo eh!
Nakipagsuntukan ka sa mga kalaban mo... Mga lima yata iyon! Grabeh! Galing mo na
sana eh, kaso may pumalo sa'yo ng pala sa likuran kaya ka nawalan ng malay... Sa
tingin ko, ikaw ang bayani na sinasabi sa alamat! Grabeh! I can't beleive this...
Ako ang nakakita sa'yo!"

"Teka, teka! Anong bayani ang sinasabi mo?!" gulat niyang wika.

Sa pagkakataong ito ay tumayo na si Guile at humarap sa tikbalang. Hanggang baywang


lang siya nito. Napalunok siya at tumingala dito...

"Kasi ang sabi ng mga Elf, darating daw ang isang lalaking mandirigma para iligtas
ang mundo namin laban sa mga masasamang Orcs! Lilitaw siya sa panahon ng
pangangailangan at gigisingin niya ang nagliliyab naming mga puso! Siya ang
ipinadala ng mga anghel sa langit para tulungan kami... Sa tingin ko, ikaw iyon!"
masiglang wika ni Tarse.

"Oo nga!" sang-ayon din ni Avana.

Napailing-iling si Guile.

"Mali kayo ng akala sa akin... Isa itong pagkakamali..." pakli niya.

"Pero nakita kita na makipaglaban! Ang galing mo sa suntukan!" sumuntok-suntok sa


hangin ang tikbalang na tila isang boksingero.

"Alam niyo, nagpapasalamat ako ng husto sa ginawa niyong pagtulong sa akin... Pero
mali kayo ng akala sa akin.. Hindi ako, mandirigma at lalong hindi ako isang
bayani... Isa lang akong Treasure Hunter... Ang paghuhukay, paglalakbay at
paghahanap lang ng kayaman ang alam ko... Tao lang ako... Isang ordinaryong tao...
Pasensiya na, ang gusto ko lang sa ngayon ay makauwi..."

Lumipad si Avana at dumapo sa kaliwang-balikat ni Tarse... Natahimik ang mga ito at


nanatiling nakatingin sa kanya.

"Pasensiya na, hindi ko kayo gustung biguin..."

Yumuko siya dahil nahihiya siya... Nagmagandang-loob ang mga ito sa kanya at wala
man lang siyang maisip na magandang maisusukli... Naglakad na siya at lumabas...
Napatanga siya ng masilayan niya ang paligid...

Maraming naglalakihang halaman at mga bulaklak... Lumilipad sa paligid ang mga


lambana... May mga duwende, kapre, tikbalang, mga Elf na nakasuot ng armour at kung
anu-ano pang engkanto. Inaayos ng mga ito ang sirang paligid... Maraming gusali ang
nasira ng kung anong delubyo... Napatingin siya sa itaas ng malaking bundok na
natatanaw niya. Kumikinang ang tuktok noon... Pinagmasdan niyang maigi at napalunok
siya... Isang higanteng palasyo na gawa sa diyamante... Naramdaman niya ang
paglapit sa kanya ni Tarse, tumabi ito sa kanya.

"Iyang palasyong tinatanaw mo... Palasyo iyon ng mga Elf... Sila ang namumuno sa
kaharian ng mga Engkanto. Marami na sa mga mandirigmang Elf ang namatay dahil sa
pakikipagdigma sa mga Orcs... Hindi lang mga Elf kundi maging ang mga ordinaryong
Engkanto na kagaya namin. Payapa naman dito at masaya... Kaya lang, dumating ang
mga Orcs at pinipilit nilang sakupin ang aming mundo. Pinamumunuan sila ng isang
Marching Hordes-isang demon na mahilig magpasimula ng digmaan. Ang pangalan niya ay
Haeres."

"Hindi ako mandirigma kagaya ng iniisip niyo... Pero kaya ko naman sigurong
tumulong para ayusin ang mga nasira dito... Para naman kahit paano, may magawa
akong mabuti sa inyo, bago ako umuwi. Sa totoo lang, pinilit ko ang sarili kong
paniwalain na hindi totoo ang mga Engkanto... Kayo... Pero, kayong mga nilalang
pala ang magliligtas sa buhay ko. Salamat..."

Tumawa ang tikbalang. Nanatili namang tahimik si Avana na nakasakay sa balikat ni


Tarse.

"Halika, ipakikilala kita sa kanila..."

"Oo.."

Naglakad na ito at mataman siyang sumunod. Ipinakilala nga siya nito sa mga
Engkanto... Nagpasya siyang manatili muna ng sandali para naman makabawi siya kina
Tarse at Avana... Naging maganda naman ang trato sa kanya ng mga engkanto... Mas
mababait pa ang mga ito kaysa sa mga tao kung tutuusin...

Abala sa pagtulong sina Guile, Tarse at Avana sa mga duwende na ayusin ang bahay ng
mga ito ng...

"Mga Orcs! Mga Orcs! Magtago na kayo, dali!" wika ng isang pulang-lambana.

Nagkagulo ang lahat, kanya-kanyang takbo at tago...

"M-Magtago, tayo, dali! N-Nandiyan na sila!" nanginginig na wika ni Tarse..

Napangiwi naman si Guile... Ang laki-laki nito eh... Takot na takot? Ano ba kasi
ang mga Orcs na iyan?! Mabilis silang nagtago kasama ng mga duwende, nasa loob sila
ng higanteng puno... Ilang sandali pa... Yumanig ang paligid at nakarinig sila ng
madagundong na mga yabag. Napanganga si Guile ng makita niya ang itsura ng mga Orcs
na sinasabi ng mga Engkantong kaibigan niya...

Doble ang laki ng mga ito kay Tarse... Dalawang Orcs ang dumating... May mga dala
itong pamalo na puno ng tinik... Walang habas na hinahampas ng mga ito ang mga
gusali at winawasak....

"MWAAAARHHH!!!!...." malakas na ungol pa ng mga ito...

May mga Elf na humarap dito pero walang pakundangan lang nilang itinatapon at
hinahampas ang mga iyon... Tumilapon pa nga ang isang Elf sa harapan nila at
nalaglag ang espada nito... Nawalan ito ng malay at nasugatan ng malubha.
Napasinghap naman si Avana...

Patuloy sa pagwasak ang dalawang Orcs at walang magawa ang mga mandirigmang Elves
para pigilan ang mga ito. Hanggang sa...

"S-Saklolo!!!...."

Isang batang tikbalang ang nasukol ng isa sa mga Orcs... Winasak nito ang bahay na
pinagtataguan ng batang tikbalang... Iniumang nito ang malaking pamalo at akmang
ihahampas ng....

"Hetong bagay sa'yo!!!...."

Biglang dumating si Tarse at sinipa ng malakas ang Orc... Tumilapon ito at


dumausdos sa malayo... Nawasak ang mga punong dinaanan ng malaki nitong katawan.

"Tars!" sigaw ni Avana.

Hindi nila namalayan ang pagkilos nito... Ang mga tikbalang ang pinakamabilis na
Engkanto... Agad naman nang tumakbo palayo ang batang tikbalang na tinulungan nito.
Tatakbo na sana paalis si Tarse ng...

"Aaaaaaargh!!..."

Hinampas siya ng malakas ng isa pang Orc. Nasa likuran na niya pala ito...
Tumilapon ito sa malayo at dumausdos.... Agad itong sinundan ng Orc na
nanghampas... Pinipigilan ito ng mga Elf pero hinahampas lang ang mga ito at
tumitilapon... Bumangon na rin ang isa pang Orc na sinipa ni Tarse... Galit na
galit ito at agad na sumugod papunta kay Tarse na hirap sa pagbangon dahil sa
tinamong sugat dala ng mga tinik ng pamalo na inihampas sa kanya... Mabilis itong
tumatakbo at nilagpasan pa nito ang kasamang Orc na abala sa paghampas sa mga Elf
na humaharang dito. Nang makarating ito sa kinaroroonan ni Tarse ay agad nitong
inangat sa ere ang malaki nitong kanang-kamay na may hawak na pamalo na puno ng
tinik na bakal. Ihahampas na nito ang pamalo kay Tarse ngunit...

"Water Shield!!!..." isang tubig na harang ang biglang lumitaw...

Nagulat ang Orc, tumilapon ang armas nito. Dumating si Avana para iligtas si
Tarse. Ginamit niya ang kanyang kapangyarihan... Siya naman ngayon ang susugod!

"Spring Buster!!!..."

Isang ipo-ipong tubig ang lumamon sa kalaban at itinapon ito sa malayo....


Napahanga si Guile ng mga sandaling iyon... Malalakas naman pala ang mga Engkantong
kaibigan niya... Kaya lang, mukhang kulang lang sila sa lakas ng loob...

Samantala... Natulala si Avana pagkatapos ng kanyang ginawa... Hindi niya inaasahan


na makagagawa siya ng ganoong bagay...

"N-Nagawa ko! Natalo ko iyong isang Orc!" masaya niyang wika...

Ngunit panandalian lang ang kasayahang iyon... Nakalimutan niya ang isa pang Orc na
nasa likuran na pala niya... Biglang dinakma ng Orc si Avana at....

"Eeeeeehhhh!!!...." ganoon na lamang ang tili ng lambana...

Pinipilit siyang pigain ng malaking Orc at mukhang balak nitong durugin ang maliit
niyang katawan. Bigla namang napabangon si Tarse...

"Pabayaan mo ang kaibigan ko!!... HYAAA!!!..."

Mabilis siyang sumugod ng sipa ngunit nahampas siya nito ng pamalo nitong puno ng
tinik... Muli siyang tumilapon...

Tuloy naman sa pagtili si Avana... Hindi ito makawala sa malaking kamay ng Orc...
Halatang nahihirapan na ito... Hindi na kinaya ni Guile ang mga nakikitang
eksena... Napatingin siya sa espada ng sugatang Elf na nakahandusay malapit sa
punong kinaroroonan niya... Bigla siyang lumabas sa higanteng puno na pinagtataguan
niya at ng mga duwende...

Mabilis niyang tinakbo ang espada at agad iyong pinulot... Pagkatapos ay muli
siyang tumakbo... Matapang siyang sumugod sa kinaroroonan ng malaking Orc dala ang
espada...

"Bitawan mo ang kaibigan ko!!!..." sigaw niya habang papasugod.

Natigilan ang mga engkanto, lalo na ang mga Elf at gulat na napatingin ang
malaking Orc sa papasugod na si Guile...

( ITUTULOY... )

( Bulek- harsh term namin sa mga Bully. Isa itong uri ng manok... )

4. "Throw-Back" Part II

"Throw-Back"

Part II

"Nang mga sandaling tumakbo ako at pinulot ang espada... Hindi na ako nag-iisip.
Basta ang nakatatak lang sa utak ko ay iligtas si Avana. Tumakbo ako at basta na
lang sumugod sa malaking Orc.... At iyon ang start, the beginning at ang simula
kung paano ako naging bayani dito sa mundo ng mga Engkanto." kuwento ni Lolo
Gusting.

Dismayado naman ang lahat at...

"Ano ba iyan! Bitin naman eh! Nalase ka naman, Tanda! Ang ganda na eh.... Bakit?!"
bitin na bitin na wika ni Blade.

"Kaya nga! Hindi niyo pa naikukuwento kung paano na-Kegtot ang puso niyo! Wala pang
romance! Ituloy mo na, Lolo Gusting!" segunda ni Drake.

"Bitin talaga, Lolo!" si Hunter.

Nagreact na rin si Ai at ang magkapatid na Crescent at Baste...


"Tatay naman, hindi pa namin alam ang kuwentong iyan eh... Sige na, gusto naming
malaman kung paano kayo nagkakilala ni Ina!" kulit ni Crescent.

Marahas na napabuntung-hininga si Lolo Gusting at napatingin sa lahat.

"Kung gusto niyong ituloy ko ang kuwento ko, painumin niyo ako ng kape para hindi
ako antukin. Anak, magtimpla ka ng kape. Kanina ko pa gustung magkape." sabay
tingin kay Crescent.

Biglang tumingin si Crescent kay Baste at...

"Magtimpla ka ng kape." utos nito.

Tumingin din bigla si Baste kay Hunter.

"Kuya Hunter, kape daw."

"Uy, Drake... Magtimpla kang kape!"

Nabigla ng bahagya si Drake pero agad din namang nakabawi.

"Ai, kape daw!"

"Blade sensei... Kape daw!"

"Uy, Tanda... Magtimpla ka daw ng kape!"

"Ay Oo, sige sandali..."

Tumayo ang matanda at akmang maglalakad ng bigla itong matigilan. Napahagikgik


naman si Avana na nasa balikat ni Baste.

"Abuwisit ak pa!!... Mga walang-hiya kayong lahat! Eh ako ang nagpapatimpla ng kape
ah?!!... Ibinalik niyo lang sa akin ang utos ko!! Anak na lase!..." galit na wika
ni Lolo Gusting.

Napangiwi ang lahat.

"Relax ka lang ka lang, Tanda! Ang puso mo, baka atakehin ka ng wala sa oras eh
makeret ka diyan! Pero infairness, malutong ka rin naman palang magmura kapag
nagagalit..." pakli ni Blade.

"Bakit, sino bang taong galit ang makakapagsalita pa ng maganda, ha?"

Tumawa si Blade at ang lahat... Pagkatapos ay muling nagsalita si Blade...

"Teka lang Tanda... Nasaan pala iyong nakakatuwang Tikbalang sa kuwento mo... Iyong
si Tars?" curious na tanong ni Blade.

Natigilan si Lolo Gusting sa tanong na iyon ni Blade... Ganoon din si Avana,


biglang nagdilim ang mukha nito at humagulgol ng iyak... Katahimikan ang namayani
sa lahat... Matagal na tumitig si Blade sa mukha ni Lolo Gusting at naaaninag niya
doon ang pagngilid ng mga luha nito sa mga mata. Ngumiti ito ng matipid... Tumayo
si Crescent at bumuntung-hininga ng marahas.

"Ako na ang magtitimpla ng kape! Magkape na lang tayong lahat!" pinasigla nito ang
boses at binasag ang katahimikan.
Ngumiti ang lahat dito...

"Sige, tutulungan na kita." presinta ni Hunter.

Tumayo na rin ito.

"Tanda, ayos lang sa amin kung ayaw mo nang ituloy ang kuwento mo..." wika ni Blade
kay Lolo Gusting.

"Itutuloy ko ang kuwento ko dahil kasama dito si Tars... Pero, bago iyon... Gusto
ko munang uminom ng kape..."

"Areglado, Tatay!" masiglang sagot ni Crescent.

Umupo na ulit si Lolo Gusting.

"Siguro habang hinihintay natin iyong mainit na kape eh... Ang pag-usapan na lang
nating lahat eh iyong tungkol sa mga panliligaw noon... Tulad ng harana,
paninilbihan... Para naman matulungan natin si Ai..." umpisa ni Drake...

"Kaya nga! Matanong ko lang, Tanda... Sa lahat ng hinarana mo noon.... Ilan ang
nambuhos sa'yo ng laman arinola? Ha ha ha ha!" pabirong wika ni Blade.

Ngumiti ng mayabang si Lolo Gusting at napakamot sa ilong.

"Sorry, mga Iho pero... Hindi naman sa pagmamayabang... Hindi ko na kailangang


mangharana pa noon dahil mga babae na ang kusang lumalapit sa akin.."

Inayos-ayos pa ni Lolo Gusting ang kuwelyo ng damit nito at mayabang na tumingin sa


lahat.

"Kung hindi kayo naniniwala bakit hindi niyo tanungin si Avana..." segunda pa ni
Lolo Gusting.

Pinunasan ni Avana ang mga luha pagkatapos ay tumawa ito ng mahina pero hindi
nagsalita. Napailing-iling na lang sina Blade at Drake... Pero ganoon pa man,
nagkuwento din naman si Lolo Gusting tungkol sa mga panliligaw noon para kay Ai...

Ilang sandali lang, dumating sina Hunter at Crescent na may kanya-kanyang dala ng
tray na may lamang mga mug... Inilapag ng mga ito ang mga dala sa mesa na nasa
gitna nila at pagkalapag na pagkalapag ng mga tray ay agad silang kumuha lahat ng
kanya-kanyang mug. Umaalingasaw sa paligid ang mabangong aroma ng kape.. Unang
humigop ng kape si Blade...

"Whoa! Ang sarap!" bulalas niya ng matikman ang kape.

"Siyempre... Natural eh... Puro at walang halo na anumang kemikal... Premium na


kapeng barako iyan." proud na wika ni Crescent.

"Wow! Puwede bang makahingi ng coffee beans kung ganoon?" wika ulit ni Blade.

"Sure... Walang problema..."

Tahimik muna silang lahat habang humihigop ng mainit na kape... Maya-maya pa...

"Ehem! Handa ko nang ituloy ang kuwento ko..." untag ni Lolo Gusting sa lahat...

Tumingin sila dito at matamang itinuon ang atensyon.... Nagsimula na ulit


magkuwento si Lolo Gusting. Muling nagbalik sa kanyang kaisipan ang mga pangyayari
noon...

Hindi na kinaya ni Guile ang mga nakikitang eksena... Napatingin siya sa espada ng
sugatang Elf na nakahandusay malapit sa punong kinaroroonan niya... Bigla siyang
lumabas sa higanteng puno na pinagtataguan niya at ng mga duwende...

Mabilis niyang tinakbo ang espada at agad iyong pinulot... Pagkatapos ay muli
siyang tumakbo... Matapang siyang sumugod sa kinaroroonan ng malaking Orc dala ang
espada...

"Bitawan mo ang kaibigan ko!!!..." sigaw niya habang papasugod.

Natigilan ang mga engkanto, lalo na ang mga Elf at gulat na napatingin ang
malaking Orc sa papasugod na si Guile... Tinangka ng malaking Orc na hampasin ng
hawak nitong pamalo ang binata, pero mabilis itong tumalon sa kaliwang direksyon
para ilagan ang atake nito...

Nang mga sandaling iyon, walang anumang nararamdamang emosyon si Guile... Natuon
ang atensyon niya sa kanang-kamay ng Orc na mahigpit na nakahawak kay Avana...
Mabilis siyang tumakbo at tumalon..... Gamit ang espada, tinusok niya ang braso
nito....

"Mwaaaaarrrrh!!!..." isang malakas na ungol ang kumawala sa Orc.

Nabitawan nito si Avana na agad naman niyang sinalo sa kanyang kaliwang-kamay...


Naghiyawan naman ang mga Engkanto sa paligid na nanonood... Nanlaki ang mga mata ni
Guile nang makita niyang nakaumang sa kanya ang malaking pamalo na hawak ng Orc...
Hahampasin siya nito.. Ngunit...

"HYYYAAAA!!!..."

Dumating si Tarse, sinipa nito ng malakas ang Orc at tumilapon ito... Dumausdos ito
ng maraming beses at marami ring gusali ang nawasak, may mga nadamay ding puno...

"Salamat, Tars! Ang galing mo!" masigla niyang wika.

Nagthumbs up ito sa kanya. Pinakawalan na niya si Avana mula sa kanyang palad,


dumapo ito sa balikat niya. Mabilis namang bumangon ang Orc...

"Susugurin ko ang Orc... Tulungan niyo akong dalawa!"

"Sige!" sagot ni Avana.

"Magpapalit ako ng anyo! Sumakay ka sa likod ko." wika ni Tarse.

Pagkatapos noon ay nabalutan ng isang kulay-puting liwanag ang buong katawan ni


Tarse... Nagkaroon din ng makapal na puting-usok sa paligid... Nang humupa iyon ay
humahangang napatingin si Guile sa anyo ni Tarse... Isang napakagandang itim na
Stallion... Mabilis siyang sumakay sa likod nito at pagkatapos noon ay tumakbo ng
mabilis si Tarse patungo sa malaking Orc.

Nakaumang sa kanila ang malaki nitong pamalo na puno ng tinik... Noong akma nitong
ihahampas iyo sa kanila ay gumawa ng tubig na harang si Avana. Tumalon ng mataas si
Tarse at nilagpasan nila ang Orc... Ngunit agad din naman itong bumuwelta sa
direksyon kung nasaan ang Orc...

"Makinig ka Tars... Tumalon ka ulit ng mataas kagaya ng ginawa mo kanina....


Pagkatapos noon, tatalon ako para puntiryahin ang dibdib niya... Sa tingin ko,
malambot ang parteng iyon ng katawan ng Orc..."

"Naiintindihan ko..."

Marahan niya itong tinapik at iyon na ang senyas niya... Bumuwelo ito at agad na
tumakbo ng mabilis papunta sa Orc... Tumalon ito at...

"Water Shie- Aaaaaahhh!!..."

Tinabig si Avana ng malaking Orc.... Kaya naman nagawa nitong gamitin ang malaking
pamalo nito... Hinampas nito sina Tarse at Guile pero bago pa nito tuluyang
maidapo sandata nito ay agad nang tumalon si Guile... Pinuntirya niya ang dibdib
nito at sinaksak... Tumilapon naman si Tars dahil sa pagkakahampas, pagbagsak nito
ay agad nagbago ang anyo nito, bumalik ito sa dati. Samantala, patuloy na
sinasaksak ni Guile ang dibdib ng Orc...

"Aaaaaargh!!!..." ungol niya.

Isang malakas na suntok sa likod ang tinamo niya mula sa malaking kamay ng Orc...
Ilang ulit na ganoon hanggang sa magsuka siya ng kaunting dugo.... Durog na yata
ang mga buto niya sa kanyang likod! Pero determinado siya... Nanlaki ang mga mata
niya ng hawakan ng Orc ang katawan niya... Pinipilit siya nitong iangat sa ere..
Iyon nga lang, mariin ang pagkakasaksak niya sa dibdib nito at nakahawak na mabuti
ang kanyang mga kamay sa espada. Nahagip ng mga mata niya ang leeg ng Orc.. Marahas
niyang binunot ang espada sa dibdib nito.... Umungol ito ng malakas.

"Mwaaaaaaaarrrrh!!!...."

Marahas siyang inangat sa ere ng Orc... Ngunit iniumang niya ang espada sa leeg
nito.. Iwiniwasiwas niya iyon at nahiwa niya ang leeg nito. Tumalsik ang maraming
dugo, natalsikan pa ang mukha niya. Biglang bumagsak ang Orc sa lupa, at napaibabaw
pa siya sa katawan nito... Agad siyang tumayo... At pagkatapos noon ay napatingin
siya sa halimaw.... Tinusok niya ang leeg nito at tuluyan niya itong pinutulan ng
ulo... Nang mga sandaling iyon, wala sa sarili si Guile... Matapos niyang putulin
ang ulo ng Orc ay bigla na lang siyang bumagsak.... Mabilis naman siyang dinaluhan
ni Avana, tinawag nito ang ibang mga Engkanto. Nakabangon na rin si Tarse at agad
na lumapit sa kinaroroonan nila...

Hindi maipaliwanag ni Guile ang sakit na nararamdaman niya sa kanyang katawan ng


sandaling magising siya. Hindi siya sigurado kung magagawa pa niyang bumangon.
Kahit na napapangiwi siya sa sakit ng kanyang katawan ay pinilit niyang sumandal sa
likod ng kama... Napatingin siya sa paligid. Gawa sa kristal ang dingding...
Napatingin din siya sa kumot na nakabalot sa kanya... Kulay-puti iyon at
napakalambot sa balat... Ramdam na ramdam niya dahil wala siyang suot na anumang
saplot sa kanyang katawan, maliban lang sa mga benda na nakabalot sa mga sugat
niya. Malapit sa bintana ang kama, napatanaw siya sa labas... Maayos na maayos ang
paligid, mukhang malayo na siya sa lugar kung saan nangyari ang kaguluhan... Nag-
alala siyang bigla nang maisip niya sina Tarse at Avana...

"Kamusta kaya sila? Ano kayang nangyari?"

Nakarinig siya ng papalapit na yabag... Puno ng nagsasayawang kurtina ang paligid


ng silid... Kulay-puti iyon. Napatanga siya at biglang bumilis ang tibok ng puso
niya ng makita niya ang nilalang na papalapit sa kanya... Isang babae,
napakagandang babae... Inihahangin ang mahaba at itim nitong buhok na hanggang
baywang... Medyo wavy iyon, nakasuot ito ng itim na bestida... Katatamtaman ang
pangangatawan... May bilugan itong mga mata na kulay berde... Nakangiti ng pino ang
mapulang labi nito habang papalapit sa kanya... At may dala-dala itong.... Namula
siyang bigla nang makita niya ang dala nito... Ang mga damit niya! Nag-init ng
husto ang mukha niya at hindi niya alam ang gagawin ng mga sandaling iyon...

"Mabuti naman at gising ka na, tao. Kamusta ang pakiramdam mo?" untag sa kanya ng
babae.

Magaan ang timbre ng boses nito.

"A-Ayos na ako kahit na medyo masakit pa ang katawan ko... Sabihin mo, nasaan ako?
Hindi ka ba isang tao?"

"Nandito ka sa bahay namin ng Kuya ko... Malapit na ang mansyon na ito sa palasyo
ng mga Elf. Tama ka, hindi ako isang tao... Isa akong Engkantada, kami ng Kuya kong
si Fantine ang manggagamot dito sa aming mundo. Ako nga pala si Fiara, ikaw?"
casual lang ang boses nito.

"Ako si G-Guile Medheart... Sabihin mo, kamusta ang mga kaibigan ko? Sina Avana at
Tars?!"

Amuse na tumingin si Fiara sa taong kaharap niya. Nakuha pa nitong alalahanin ang
iba sa kabila ng kalagayan nito.

"Ayos lang... Madali lang namang magamot ang mga Engkanto eh dahil natural na
malakas ang aming pangangatawan kumpara sa mga tao na gaya mo. May mga naiiba
kaming kakayahan, alam mo iyon... Huwag kang mag-alala dahil mabilis lang na
gagaling ang katawan mo... Maraming buto at laman ang nadurog sa iyong katawan,
pero nagawan ng paraan ni Kuya... Gumawa siya ng mabisang gamot mula sa mga
halamang tanim namin... Hindi lang nito pinagaling ang iyong katawan kundi mas
pinalakas pa kumpara sa dati. Heto ang mga damit mo, magbihis ka na."

Pagkatapos noon ay agad na lumapit sa kanya si Fiara at inabot ang malinis niyang
mga damit na dala nito. Halos mabitawan pa niya iyon ng iabot nito sa kanya. Lumayo
ito ng bahagya at nakangiting tumunghay sa kanya.

"B-Bakit?!" naiilang na tanong ni Guile.

"Magbihis ka na."

"H-Ha?!!!..." gulat na bulalas niya.

Napalunok siya at biglang huminga ng malalim... Pinakalma niya ang sarili at nag-
iinit ang mukha niyang napatingin kay Fiara.

"M-Magbibihis ako... Pero pakiusap, maaari bang lumabas ka muna?" nahihiya niyang
wika.

"Ha? Bakit?! Nandito ako para tulungan kang magbihis dahil alam kong masakit pa ang
iyong katawan mula sa tinamo mong pinsala. Nagamot ka na nga, pero hindi ka pa
lubusang magaling. Mahihirapan ka pang kumilos."

"A-Alam mo, salamat n-na lang... Pero hindi mo ako kailangang tulungan... K-Kaya ko
ang sarili ko, ayos lang... Salamat na lang..." mariin niyang tanggi.

Napataas ng kilay si Fiara at matamang tumingin sa mukha ng lalaki. Namumula ito at


naiilang... Ngumiti siya ng pilya.

"Nahihiya ka ba sa akin, ha?"

"Eh kahit na sino naman... Maiilang at mahihiya kung pinagmamasdan ka na nagbibihis


di ba?! Ano ito, libreng show?" halos bulong na lang iyong huling salita ni Guile.

Natawa ng mahina si Fiara at napailing.

"Ano ka ba, wala kang dapat ikahiya sa akin... Hindi mo na rin kailangang
mailang... Nakita ko naman na iyang katawan mo eh... Sa katunayan, ako pa nga ang
naghubad ng marurumi mong mga damit... Ako rin ang gumamot sa mga sugat mo."

"ANONG SINABI MO?!!!!...." nanlaki ang mga mata ni Guile ng sandaling iyon.

Pero nagkibit-balikat lang si Fiara.

"Sinabi ko kung ano ang mga narinig mo. Hindi ko na kailangang ulitin.." balewala
nitong wika.

"WAAAAHHH!!!.... Ang aking katawan... Ang maganda kong katawan... Hu Hu Hu Hu!!....


Wala na akong maipagmamalaki...."

Napahalukipkip si Guile at tinakpan ang sarili ng kumot.

"Ang arte-arte mo naman! Magbihis ka na nga lang kaya?! Tsk.... Parang iyon
lang..." napailing na wika ni Fiara.

"Hoy! Babaing impakta! Kailangan mo akong panagutan! Nang dahil sayo... Nang dahil
sa'yo... Wala na, wala na akong maipagmamalaki...."

Nanghaba ang nguso ni Fiara at nababanas na tumingin kay Guile... Pagkatapos, may
kapilyahan siyang naisip.

"Para sabihin ko sa'yo, bilang isang manggagamot... Marami na akong nakitaan ng


katawan, no! Hindi lang ikaw, marami na... Pero infairness... Sa lahat ng nakitaan
ko ng katawan... Sa'yo lang ako may nakitang ano..."

Pilyang tinakpan ni Fiara ang bibig at humagikgik para buwisitin lalo ang lalaki.

"M-May nakitang ano?! Ano ang nakita mo sa katawan ko?"

"Asus! Ikaw naman! Parang hindi mo alam... Katawan mo iyan kaya dapat kabisado
mo... Ang cute kaya!"

Tumawa na ng tuluyan si Fiara. Frustrate na frustrate naman si Guile ng mga


sandaling iyon.

"Impaktita ka talaga! Panagutan mo ako!"

"Teka lang, teka lang... Nakita ko lang ang katawan mo pero wala akong ginawa o
kinuha... Pero kung desidido ka talaga... Dapat may gawin muna ako, tama?"

Ngumiti ng pilya si Fiara at lumapit kay Guile na tuliro... Hinawakan niya ang
magkabilang balikat nito at inilapit ang mukha...

"H-Huwag..." impit na wika ni Guile...

Napapikit pa ito at mukhang hihimatayin ng mga sandaling iyon...

"Anong huwag?...."

"H-Huwag mo akong pagsamantalahan, p-pakiusap!"


"Hmp! Assuming! Binibiro lang kita, wala akong gagawin..." sabay sampal ng mahina
sa pisngi nito.

Lumayo na si Fiara at tumawa. Napatanga lang si Guile dito at hindi


makapagsalita... Natuliro.

"Hoy tao! Magbihis ka na diyan. Huwag kang maarte!" untag pa ni Fiara.

Pagkatapos nitong magsalita ay lumabas na si Fiara na natatawa. Hindi niya alam


kung ano ang sumapi sa kanya at naisip niya ang kalokohang iyon.

Samantala, pinilit namang magbihis ni Guile kahit nahihirapan siya dahil sa sakit
ng katawan... Hindi niya mapigilang hindi mapailing dahil hindi maalis sa isip niya
ang mukha ni Fiara. Pagkatapos niyang magbihis ay pinilit niyang tumayo at maglakad
para lumabas... Hindi niya alam kung saan siya pupunta pero bahala na...

Malaki ang mansyong kinaroroonan niya, kumikinang ang paligid dahil sa mga kristal
at iba pang mamahaling bato na naroon... Parang ordinaryo lang sa mundong ito ang
mga iyon.

"Guile! Mabuti naman at ayos ka na! Nag-alala kaming lahat sa'yo... Alam mo ba?!"

Napalingon siya sa nagsalita at ang lumilipad na si Avana pala... Mabilis itong


lumapit sa kanya at hinalikan agad siya nito sa kanyang kanang-pisngi... Dumapo din
ito sa balikat niya.

"Kamusta ka?" tanong niya dito.

"Maayos na maayos na... Magaling kasi na manggagamot sina Fantine at Fiara eh... At
huwag mo na ring itanong si Tars kasi okay na okay na siya... Nandoon na nga siya
sa hardin eh, ipinagyayabang ka niya... Pero grabe talaga, nag-alala kami ng husto
sa'yo dahil halos apat na araw kang walang-malay... Kamusta ka?"

"Medyo masakit pa ang katawan ko... Pero ayos na ako... Kaya ko nang gumalaw. Tara,
puntahan natin si Tars."

"Sige."

Itinuro nito ang direksyon kung saan sila pupunta. At nadatnan nga nila si Tarse
na...

"Sumakay siya sa likod ko, tapos tumalon ako ng mataas! Tinabig ng Orc si Avana
kaya nagawa nitong gamitin ang pamalo niya... Nahampas ako at tumilapon pero
nakatalon agad si Guile at agad na sinaksak ang dibdib ng halimaw! Tumalsik ang
maraming dugo... Tapos, pinagsusuntok siya ng Orc pero hindi siya bumigay...
Inangat pa siya sa ere at ayon! Hiniwa niya ang leeg nito na parang manok...
Natumba sila at pinugutan pa niya ng ulo ang halimaw na iyon! Grabe, ang astig di
ba?!" mayabang na kuwento ni Tarse.

Napangiti na lang si Guile at napailing. Tuwang-tuwa naman ang mga ibang engkanto
na nakikinig sa kuwento nito.

"Huwag ka namang ganyan, Tars... Hindi ko magagawa ang bagay na iyon kung hindi
niyo ako tinulungan ni Avana... Isa pa, nang mga sandaling iyon... Wala ako sa
sarili at hindi ko na alam ang ginagawa ko... Dala lamang ng matinding emosyon ang
nagawa ko..."

Mabilis na lumapit si Tarse sa kanya at....


"Naku, huwag ka namang masyadong humble kaibigan, wala naman kaming masyadong
nagawa doon eh!" sabay tapik sa likod niya.

"Aaaargh!!... Tars!!..." daing niya.

"Ay! Pasensiya na..." hinging paumanhin nito.

Nagtawanan ang mga engkanto na nanonood sa kanila.

"Mukhang nagkakasayahan kayong lahat diyan ah?" wika ni Fantine.

Napalingon ang lahat dito... Natigilan naman si Guile dahil kamukhang-kamukha ng


lalaki si Fiara.

"Mabuti naman at mukhang mabilis kang nakabawi, tao. Hindi biro ang panggagamot na
ginawa namin sa'yo ng kapatid ko... Ganoon pa man, ginawa namin ang lahat... Sa
totoo lang, napahanga mo ako sa ginawa mo. Ang tapang mo. Ako nga pala si Fantine
at karangalan kong patuluyin ka dito sa aking tahanan..."

Lumapit ito kay Guile at agad na kinamayan ito... Tuliro naman ang huli, gumanti na
lang siya sa pakikipagkamay nito at nagpakilala na rin siya... Taliwas kay Fiara,
mahinahon itong magsalita at may pagkapormal... Ganoon pa man, mabait ito..
Nakipagkuwentuhan ito ng matagal sa kanila. Sinabi nito sa kanya na may mga
Engkanto talaga na mistulang tao ang itsura. Tinanong niya kasi ito kung talaga
bang isa itong Engkanto o tao na kagaya niya... Kinupkop din nito ang mga Engkanto
na nawalan ng tirahan dahil sa nangyaring gulo... Isa pa, delekado nang bumalik sa
lugar na iyon dahil madali lamang iyong mapuntahan ng mga Orcs.

Kinagabihan, masaya silang nagtipon sa maluwang na hall ng mansyon... Nang mga


sandaling iyon, tumutugtog ng plawta si Fantine... Hindi pamilyar sa kanya ang
musika pero gustung-gusto niyang pakinggan. Nasa may terasa si Fiara at nakatanaw
sa langit... Gusto niya itong lapitan pero nakakaramdam siya ng hiya kaya nag-
aalinlangan siya... Isa pa, wala naman siyang anumang dahilan... Basta, gusto lang
niya itong lapitan. Napatingin siya sa kanyang mga kasama... Sina Fantine, Tarse,
Avana at ang mga duwende... Pinanlakihan siya ng mga mata ni Fantine at napalunok
siya.

"Lapitan mo daw!"

Biglang itinulak ni Tarse si Guile at muntik pa siyang mapasubsob sa sahig kung


hindi lang niya nabalanse ang katawan. Napakislot naman si Fiara at matamang
tumingin kay Guile...

"Bakit?"

Hindi malaman ni Guile ang isasagot kay Fiara... Inayos niya ang sarili at
napakamot na lang sa kanyang ulo.

"Ah... Ano, wala naman... Si Tars kasi eh, tinulak ako ay! Kaya ito..."

Tumawa ng mahina si Tars na nasa di kalayuan.

"Uy, di ko siya tinulak di ba? Nananalamin lang ako dito..." pagkatapos ay pasimple
itong sumipol.

Napailing na lang si Guile at itinuon na lang ang paningin sa langit. Pumuwesto


siya sa balaster, malapit kay Fiara. Ang daming bituin sa langit at napakaganda ng
mga kislap noon. Nakakapayapa ng loob kapag tinitingnan.

"Ahm... Pasensiya ka na nga pala doon sa inasal ko kanina... Masyado kasi akong
nabigla eh." umpisa niya.

Hindi siya tumitingin dito. Ngumiti naman ng matipid si Fiara at tumingin kay
Guile.

"Pasensiya ka na rin... Nasobrahan ko ang pagbibiro ko sa'yo." hinging paumanhin


din niya.

Humarap na si Guile dito at inilahad ang kanang-kamay.

"Puwede bang kalimutan na lang natin iyong nangyari kanina?"

Napatingin si Fiara sa kamay nitong nakalahad.

"Sige... Kalimutan na lang natin." tinanggap niya ang pakikipagkamay nito.

Bigla silang napabitiw sa pakikipagkamay sa isa't-isa ng biglang dumating ang mga


sundalong Elves... Dumaan ang mga ito sa isang portal. Napatayo si Fantine at
hinarap ang pinuno ng mga Elves.

"Anong kailangan niyo?" tanong niya agad.

"Pinapatawag kayong lahat ng mahal na Hari. Sumama na kayo dahil pupuwersahin namin
kayo kung tatanggi kayo..."

Matapang na tumingin si Fantine sa pinuno at yumuko.

"Sige, sasama kami ng maayos." sagot niya.

Agad niyang pinuntahan ang kanyang kapatid at si Guile. Pasimple siyang umakbay kay
Guile at bumulong.

"Haharap tayong lahat sa Hari... Manahimik ka lang para hindi ka mapahamak..."

Isang simpleng tango lang ang isinagot ni Guile. Mababakas ang pag-aalala sa mukha
ng lahat ng mga sandaling iyon. Pumasok silang lahat sa portal kasama ng mga Elves.
Pakiramdam ni Guile ay kinuryente ang katawan niya nang pumasok siya sa portal na
iyon... Paglabas nila ay isang nakakasilaw na liwanag ang sumalubong sa kanila...
Buong paligid ang makinang dahil sa mga diyamante.. Napayuko siya at maging ang
sahig na tinutungtungan ng kanyang mga paa ay diyamante... Pinalakad sila at
pagkatapos ay humarap silang lahat sa trono. Isang lalaking Elf ang nakaupo doon...

Mahaba ang dilaw nitong buhok na straight at hanggang baywang. Nakasuot ito ng
damit na kulay-puti at mayroon itong gintong korona sa ulo na may mga palamuting
hiyas... Isang malaking ruby ang nasa gitna noon. Sa mga gilid ay mga emerald at
sapphires... Yumuko ang lahat, maliban sa kanya... Marahan siyang siniko ni Fiara
na katabi niya kaya nakigaya na rin siya.

"Sabihin niyo, sino sa inyo ang nagdala sa taong iyan dito sa ating mundo?!"
nagsalita ang lalaking Elf.

Maawtoridad ang boses nito. Itinuro pa talaga siya... Marahang humakbang ng


pasulong si Tarse...

"A-Ako po, Haring Avalon..." nanginginig ang boses nito.


"Alam mo bang dahil sa ginawa ng taong iyan... Nanganganib tayong lahat?!
Pagkalipas ng siyam na araw, darating ang malaking hukbo ni Haeres... Wala akong
magagawa kundi ang sumuko dahil maraming masasawi kapag pinilit nating lumaban...
Ikaw, pangahas na tikbalang! Mapaparusahan ka ng kamatayan!"

Nanlaki ang mga mata ni Guile at biglang bumuhos ang matinding galit sa kanya ng
mga sandaling iyon. Bigla siyang naglakad palapit kay Tarse. Galit na galit siyang
tumingin sa Elf na nakaupo sa trono.

"Anak na lase ka na animal! Buwisit ka! Bakit mo isisisi sa amin ang mga nangyari
eh ipinagtanggol lang naman namin ang aming mga sarili?! Anong masama kung dinala
niya ako dito? Tinulungan lang niya ako! Kung mamamatay siya, anong maitutulong
noon?! Huwag mong gawing dahilan ang mga nangyari... Takyot ka lang talaga! DUWAG
kang buwisit ka!"

( Takyot-duwag )

Habang nagsasalita siya ay dinuro-duro pa niya ang Elf na nasa trono... Gulat at
nanlalaki ang mga mata ng mga engkanto na naroon, lalo na ang mga kasama niya.

"Bastos ka! Binata ka na, wala ka pa ring pormal? Alam mo bang isang Hari ang
dinuro-duro mo? Hindi ka tinuturuan ng magulang mo!" galit na wika ni Haring
Avalon.

"Wala akong magulang kaya walang magtuturo sa akin! At ano naman sa akin ngayon
kung isa kang Hari?! Wala akong respeto sa mga duwag!"

"At ano ang gusto mong iparating? Ang lumaban kami?! Demonyo ang mga makakaharap
namin. Hindi kami nilikha para makipaglaban.."

Gigil na gigil si Guile ng mga sandaling iyon.

"Huwag mo ngang ibinubulsa ang utak mo! Demonyo nga ang makakaharap niyo... Kaya
bakit hindi niyo hingiin ang tulong ng langit? Hindi pakikipaglaban ang inyong
gagawin... Ipagtatanggol niyo lang ang inyong lugar, ang inyong karapatan bilang
nilalang ng mundong ito. Kung susuko na lang kayo ng basta, ano na? Para saan pa
ang mga naiiba niyong kakayahan na ibinigay sa inyo?!"

Tumawa ng mahina si Avalon.

"Magaling, tao... Nakapasa ka sa pagsubok ko."

Natigilan si Guile at napatanga.

"Gusto kong pamunuan mo ang pagtatanggol dito sa aming mundo laban sa hukbo ni
Haeres. Ikaw na marahil ang taong sinasabi ni Michael sa akin..."

"M-Michael?!"

"Isa siyang anghel.... Si Michael ang pinakamagaling na Angel Soldier, ang siyang
tumalo kay Lucifer. Hindi ba't sinabi mo na hingiin namin ang tulong ng langit?
Puwes, ikaw ang ibinigay."

Matagal na natuliro si Guile. Oo nga at lumaki siya sa isang ampunan na


pinamahalaan ng mga pari at madre... Pero hindi lubos ang paniniwala niya dahil
marami siyang katanungan sa kanyang pagkatao at sarili na hindi niya mahanapan ng
kasagutan... Kaya bakit sa lahat ng tao, bakit siya pa ang napiling dalhin sa lugar
na ito?!
"Teka lang, isa itong pagkakamali... Mukhang maling tao ang kaharap niyo..."

"Kapag tumanggi ka, hindi lang ang tikbalang ang mamamatay... Mapaparusahan din ng
kamatayan ang lahat ng Engkantong kaibigan mo."

Hindi gusto ni Avalon ang sinasabi niya... Ngunit kailangan niyang sundin ang mga
sinabi sa kanya ni Michael. Mariin namang ikinuyom ni Guile ang kanyang mga kamao.

"Sige, pamumunuan ko ang pagtatanggol sa lugar na ito. Pero may dalawa akong
kundisyon!"

"Ano?!" mabilis na sagot ni Avalon.

"Unang-una... Walang dapat maparusahan ng kamatayan... Lalo na si Tars. Kaibigan ko


siya at iniligtas lang niya ang buhay ko kaya ako narito. Pangalawa, magpadala kayo
ng mga mamahaling hiyas sa ampunang pinanggalingan ko."

"Iyon lang ba? Wala ka bang hihilingin para sa iyong sarili?"

Umiling si Guile.

"Wala na."

"Kung ganoon, matutupad ang iyong mga kundisyon. Magpapadala na ako sa aking mga
tauhan ng mga hiyas sa ampunang sinasabi mo. At walang mapaparusahan ng
kamatayan.."

"Magaling. Kung ganoon, makinig kayong lahat sa akin dahil mayroon akong plano.
Utak ang gagamitin natin sa ating mga kalaban. Mahaba pa ang oras para mapaghandaan
natin sila. Mayroon tayong siyam na araw...."

"Sige, makikinig kami sa mga plano mo."

"Unang-una nating gagawin, gagawa tayo ng mga patibong sa daraanan ng ating mga
kaaway. Pangalawa, gagawa tayo ng malaking pader para masiguro natin na hindi sila
basta makakapasok... At ang pangatlo at ang pinakamahalaga sa lahat, gagawa tayo ng
mga sandata na ipanglalaban natin sa kanila. Gagawa tayo ng maraming catapult...
Magtutulung-tulong tayong lahat para mabuo ang mga plano ko..."

( Catapult- isa itong lumang uri ng sandata na ginagamit sa mga sinaunang digmaan.
Malalaking bato na pinahiran ng langis at sinisindihan para mag-apoy ang ginagamit
na bala dito. Mistula itong higanteng kutsara na ginagamit na parang tirador. )

"Sige, nakahanda kaming lahat... Pero may kailangan kang malaman..." wika ni
Avalon.

"Ano?"

"Bukod sa mga Orcs na alagad ni Haeres, mayroon siyang alagang demon na


kinatatakutan namin... Hindi namin alam kung paano namin ito mapupuksa... Isa itong
Ballrog... Triple ang laki nito kaysa sa mga Orc. Ang katawan nito ay nag-aapoy na
bato. Ang ulo nito ay hawig sa baka at may malalaki itong mga sungay. May buntot
din ito na parang latigo... Iyon ang ipinagmamalaking mandirigma ni Haeres... Para
hindi ka mabigla, ipapakita ko sa'yo ang larawan nito.... Minsan na namin itong
nakaharap, at dahil sa kanya... Nasawi ang nakababata kong kapatid..."

May inihagis na bola si Avalon sa harap niya... Lumaki iyon at napatanga siya ng
biglang lumitaw ang isang napakalaking nilalang sa harap niya... Isang nakakatakot
na uri ng diyablo... Hindi pa siya nakakakita ng demonyo... At ang nilalang na ito,
maaari niyang makaharap. Natakot siya pero mabilis siyang nag-isip. Hindi siya
dapat magpasindak sa itsura at laki nito. Gagamit siya ng utak.

"Ako ang bahalang humarap sa Ballrog na ito. May naisip na ako..."

Napatanga ang lahat at nabigla sa sinabi niya.

"Nagpapakamatay ka ba?!" react ni Tarse.

"Siguro... Pero wala naman akong pagpipilian..."

"Kung ganoon, isama mo ako diyan sa kabaliwan mo. Dahil naman sa akin kaya ka nasa
sitwasyong iyan..."

"Tumigil ka, hindi kita sinisisi..."

"Aba, sasama din ako diyan! Hindi porket babae ako eh puwede niyo na akong
kalimutan!" wika na rin ni Avana.

Napangiti na lang si Guile sa mga kaibigan niya... Agad nilang sinimulan ang mga
plano niya... Tulung-tulong ang lahat sa paggawa... Ang mga kapre at mga tikbalang
ang bumubuo sa malaking pader... Ang mga duwende ang gumagawa ng mga sandata at
bumubuo sa mga catapult... At ang mga lambana at mga Elves ang gumagawa ng mga
patibong... Lumilipas ang mga araw at mabilis nilang nabubuo ang lahat... Kailangan
nilang paghandaang mabuti ang kanilang mga kalaban dahil malalaki at malalakas ang
bumubuo sa hukbong paparating...

Nakatanaw ngayon si Guile sa labas... Nagawa na nilang tapusin ang lahat... Bukas
na ang digmaan. May naramdaman siyang lumapit... Hindi na niya kailangang lingunin
kung sino ito... Alam niya ang ingay ng mga paa nito. Si Tarse.

"Oh, bakit?" nakangiti niyang wika.

"Kapag natapos na ba ang lahat ng ito... Uuwi ka na at hindi ka na babalik dito?"


malungkot nitong tanong.

"Siyempre, babalik ako dito dahil marami akong kaibigan... At kapag bumalik ako,
pangako Tars... Pasasalubungan kita ng malaking salamin, hindi lang mukha mo ang
makikita mo dun... Siyempre makikita mo rin ang iyong magandang katawan."

"Talaga?! Talaga?! Naku, salamat naman! Alam mo ba, bukod kay Avana... Ikaw lang
ang trumato sa akin ng mabuti? Madalas kasi nila akong husgahan sa itsura ko...
Alam mo na, itim kasi ang balahibo ko at ang akala nila, masama na ako dahil sa
kulay ko..."

"Sa lahat ng tikbalang na nakikita ko dito.... Ikaw ang pinaka-astig at


pinakamatarake... Puwera-biro!"

"Naku naman! Huwag kang ganyan... Sasabog ang heart ko eh! Bolatis ka!"

Nagtawanan silang dalawa at nag-apir sa isa't-isa.

Ito ang araw kung saan kinakailangang maging matapang ng lahat... Ang araw ng
kanilang pakikidigma. Nakasuot ngayon si Guile ng isang makinang na armour... Hindi
niya alam kung paano iyon naging magaan. Para lang siyang nakasuot ng damit..
Lumapit sa kanya si Avalon, nakasuot din ito ng armour... Kulay-ginto nga lang ang
suot nito. Inabutan siya nito ng espada, katatamtaman lang ang laki noon para sa
kanya at kumikinang ito ng husto.

"Ito ang espada ng namayapa kong kapatid... Gawa ito sa pinulbos na mga diyamante
na pinaka-primera ang klase. Mahihiwa nito ang kahit na ano... Mag-iingat ka."

"Ikaw din..."

Nakapuwesto na silang lahat... Ang mga archers ay nakahanda na sa buong paligid...


Sila ang unang aatake... Nakasakay siya ngayon sa likod ni Tarse na nasa anyong
kabayo at kagaya niya, may suot din itong armour sa katawan. Nasa kanang-balikat
niya si Avana. Tahimik ang lahat at matamang nag-abang...

Ilang sandali lang.... Isang itim na usok ang paparating... Unti-unting binalot ng
kadiliman ang buong paligid. Nakarinig sila ng mga dagundong at kasunod nito ay ang
malakas na tunog ng isang tambuli.... Napalunok si Guile ng unti-unting dumating
ang napakaraming lupon ng mga Orcs... May mga Golem din. Sa dulo makikita nila ang
apat na Golem na may buhat-buhat na malaking upuan... May itim na bandila doon at
nakaupo doon ang isang lalaki... Ito ang pinuno.

Unti-unti nang lumalapit ang malaking hukbo na iyon...

"Archers! Maghanda!" sigaw ni Guile.

Nababalutan ng apoy ang mga palasong gamit ng mga Elves at ng iba pang mga Engkanto
na archers... Ginamitan din ito ng mahika ng mga lambana ng apoy para mas mapalakas
ang puwersa. Inantay muna nilang makalapit ang hukbo sa mga inihanda nilang
patibong...

"Huwag kayong magmadali! Pakiramdam niyo ang direksyon ng hangin!" wika ni


Avalon...

Matamang naghintay ang lahat... Mas lumalapit na ang mga ito sa malaking pader na
ginawa nila... Noong maramdaman ni Avalon na umayon na ang direksyon ng hangin sa
kanila ay...

"MGA ARCHERS!!!.... TIRA!!..." utos ni Avalon.

Sabay-sabay ngang pinakawalan ng mga archers ang kanilang mga palaso na nababalot
ng apoy. Paitaas ang direksyon ng mga palaso. Mabilis iyong lumipad sa ere at
mabilis ding bumulusok pababa. Mistulang umulan ng apoy ng mga sandaling iyon...
Umulan ang lahat ng iyon sa malaking hukbo ng kalaban. Maraming mga Orcs ang
nasusunog at agad na nasasawi... Marami rin ang nahuhulog sa mga malaking hukay sa
lupa na may mga tusok... Iyon ang kanilang ginawang patibong... Binuhusan din nila
ng maraming langis ang mga butas na ginawa nila. Sumasabog ang mga iyon kapag
tinatamaan ng mga palaso.

Nanlaki ang mga mata ni Haeres sa kanyang nakita. Hindi niya inaasahan ang bagay na
ito... Ang alam niya ay walang alam sa pakikidigma ang mga Engkanto dahil nilikha
lamang ang mga nilalang na ito para sa kalikasan... Mukhang nagkamali siya.

"Buwisit! Mukhang napaghandaan nila ako! Ganoon pa man... Mayroon pa akong mga
alas!"

Ikinumpas niya ang kanyang kanang-kamay sa ere... At mula sa kanyang likuran...


Lumabas ang mga Golem na may mga hilang catapult....

"Pulbusin niyo sila!" mariin niyang utos.

Mabilis na naglagay ng mga malalaking bato ang mga Golem at agad na tumira...
Samantala....

"Mga catapult! Titirahin tayo ng mga catapult! Ihanda niyo na rin ang mga catapult
natin! Makikipagsabayan tayo sa kanila!" sigaw ni Guile.

Ang mga kapre naman ang bahala sa mga catapult agad silang naglagay ng mga
malalaking bato... Nilagyan din ng apoy ang mga iyon ng mga lambana... Nagsabayan
sila ng tira. May mga nawasak na parte ng pader at may mga tinamaan na rin sa
kinaroroonan nila... Ngunit nakakalamang pa rin sila dahil sumasabog ang bala ng
mga catapult na itinitira nila. Tuloy din sa pagtira ang mga archers....

Galit na galit naman si Haeres. Marami na sa mga catapult niya ang nawawasak...
Hindi niya inaasahan na malakas na puwersa ang makakabangga niya... Hindi niya
maintindihan kung saan nanakuha ng lakas ng loob ang mga napakaduwag na nilalang na
ito?! At ang kanilang estratehiya, talagang pinag-isipan.

"Mga Golem! Wasakin niyo ang malaking pader nila! Papasukin natin sila at
dudurugin! Ballrog! Tulungan mo ang mga Golem at wasakin mo ang lahat! Tapusin mo
ang lahat ng nilalang na nasa loob ng pader na iyan!"

Mula sa kanyang likuran tumalon ang napakalaking Ballrog... Mas malaki pa ito ng di
hamak sa mga Golem at umuusok ang ilong nito dahil sa sobrang galit. May dalang
malalaking troso na may tinik sa dulo ang mga Golem. Iyon ang ginagamit nila para
sirain ang makapal na pader na ginawang harang ng mga Engkanto. Malakas nilang
inihahampas ang mga iyon. Sinusuntok naman at dinudurog ng Ballrog ang pader. Hindi
basta masisira ang pader dahil malalaki at matitibay na bato ang ginamit...

"Huwag kayong huminto sa pagtira ng mga catapult!" utos ni Guile...

Hindi nga huminto sa pagtira ng mga catapult ang mga kapre at marami na silang
napapatumbang mga Orcs at Golem... Tuloy din sa pagtira ng catapult ang kalaban at
nagpapalitan lang sila ng atake. Patuloy pa rin sa pagpana ang mga archers...
Kasama sa mga Archers sina Fantine at Fiara.

Lumibot naman sa buong hukbo si Avalon. Nakasakay ito sa puting kabayo...

"Hindi magtatagal, mawawasak nila ang pader. Kailangan nating maghandang lahat sa
pagharap sa mga kalaban. Ipagtatanggol natin ang ating mundo laban sa kanila! Handa
akong makipagpatayan! Kayo, handa ba kayong lahat?!"

"OO!!!!....." iyon ang malakas na sigaw ng lahat.

Samantala.... Marahang tinapik ni Guile si Tars...

"Handa ka na ba, kaibigan?!" tanong niya.

"Handa na!"

"Ikaw, Avana?"

"Kanina pa!"

Ilang sandali pa ay nakaramdam sila ng matinding pagyanig.... Unti-unti... Nakikita


nila ang malaking pader na nagkakaroon ng lamat. Hanggang sa tuluyan na iyong
nawasak at bumungad sa kanila ang napakalaking Ballrog. Hindi ito basta pumasok...
Pinauna nito ang mga Orcs... Mabilis na tumatakbo ang mga ito na papasugod....
Kasunod ng mga ito ang mga malalaking Golem... Naghanda ang lahat... At sa
pangunguna nina Guile at Avalon...
"MGA KASAMA!!!!!.... SUUUUGOOOD!!!..."

Malakas na sigaw ni Avalon. Malakas na sumigaw ang lahat.... Pagkatapos ay sabay-


sabay na sumugod ang lahat papunta sa mga kalaban... Nauuna ang mga Kapre at ang
mga Tikbalang, sila kasi ang pinakamalaking uri ng mga Engkanto. Kasunod ang mga
mandirigmang mga Elves na nakasakay sa mga tikbalang na nag-anyong kabayo.... Isang
malaking CLASH ang nangyari.... Alam na alam nila ang kahinaan ng mga Orcs,
malambot ang parte ng kanilang dibdib at leeg...

Nakisali na rin ang mga Golem at ang Ballrog. Marami na rin sa mga Engkanto ang
napapatay ng mga ito dahil sa malakas na paghampas... Dinudurog ng Ballrog sa mga
kamay nito ang mga nahuhuling Engkanto, ang iba ay inaapakan pa nito.

Samantala... Napatingin si Guile sa Ballrog... Malaking tulong sa kanila kapag


nawala ito, mas makakaabante sila. Sa ngayon, abala siya sa pakikipagdigma sa mga
Orcs... Pinupuntirya niya ang leeg ng mga ito, malaking tulong talaga na nakasakay
siya kay Tarse dahil tumatalon ito ng mataas para magawa niya na hiwain ang leeg ng
mga kalaban. Si Avana naman ay gumagawa ng shield na tubig para hindi sila maatake
ng mga kalaban. Maganda ang kanilang teamwork.

"Tars! Puntahan na natin ang Ballrog! Itumba na natin siya!"

"Sige ba!"

Mabilis na mabilis na tumatakbo si Tars papalapit sa kalaban... Tumatalon ito ng


mataas na mataas kapag hinaharang sila ng mga Orc....

"Buwisit!" bulalas ni Guile.

Dalawang malalaking Golem ang humaharang sa kanila.... Hindi sila sigurado ni Tarse
kung malalapagsan nila ang mga ito. Bumuwelo si Tarse at tumalon ng mataas.. Ngunit
alanganin pa rin....

FFFGGGGHHHHH!!!!!...

Mula sa malayo, magkasunod na tumama ang tig-isang palaso sa mga Golem... Pagtama
na pagtama ng mga iyon ay natunaw ang kanilang mga malalaking katawan at naging
abo. Lihim na napangiti si Guile... Alam niya kasing si Fiara ang tumulong sa
kanila. Bukod sa panggagamot.. Isang malakas na lason ang naiibang kakayahan nina
Fantine at Fiara... Kayang tumunaw ng mga lasong iyon ng kahit na ano...

Dere-deretso ang mabilis na pagtakbo ni Tarse at noong makalapit na sila sa


malaking Ballrog ay bumuwelo ito ng husto at tumalon ng mataas, mas mataas pa kaysa
sa dati. Iniumang niya ang kanyang espada at pinuntirya niya ang tagiliran ng
kalaban niya.... Malaking hiwa ang ginawa ng espada niya... Napakatalim nito.

"GRRROOOOWWWWWLLL!!!!...."

Iyon ang malakas na ungol ng Ballrog. Marahas itong lumingon sa kinaroroonan nila
at umuusok ng matindi ang ilong nito... Umilaw din ang mga namumula nitong mga mata
at mas nagninggas ang bato nitong katawan. Matapang nila itong hinarap...

"Hoy, pangit na demonyo! Kung gusto mong gumanti sa akin, sundan mo ako!!..."

Mabilis nga itong tumakbo sa kinaroroonan nila at mabilis din namang tumakbo si
Tarse... Inilalayo nila ang Ballrog sa kinaroroonan ng labanan. Halos maabutan sila
nito at tinatangka sila nitong abutin... Mabuti na lang at mabilis talagang tumakbo
si Tarse....
"Ang galing mo Tars! Ngayon, lumiko sa direksyon na iyon kagaya ng plinano natin
kagabi!"

"Oo!"

Mabilis nga itong lumiko sa direksyong sinabi niya. Papunta sila sa latian kung
saan maraming kumunoy... Samantala, napakunot-noo si Haeres ng makita niya ang
Ballrog na may kung anong hinahabol. Napangisi siya.

"Ang tapang naman ng isang iyon... Tingnan ko lang kung hindi ka magkadurog-durog
kapag inabutan ka ng aking alaga..." kampante niyang wika.

Samantala, maingat na tumatakbo si Tarse sa latian. At dahil doon, halos maabutan


na sila. Lumulukso siya sa pagitan ng mga kumunoy... Unti-unti nang lumalapit sa
kanila ang Ballrog. Nakaumang sa kanila ang malalaki nitong mga kamay. Muntikan na
silang madakma ng biglang matigilan ang Ballrog. Napahinto si Tarse sa pagtakbo at
bumuwelta sila. Nakita nila na unti-unti nang lumulubog ang Ballrog sa isang
kumunoy. Nilalamon na ng lupa ang napakalaki nitong katawan.

"Ayos!" halos sabay-sabay na sigaw nilang tatlo.

Naghiyawan din ang mga Engkantong kasama nila at mas lumakas ang kanilang loob.
Walang magawa ang Ballrog, hindi ito makaalis sa kumunoy. Kitang-kita nila kung
paano ito lamunin ng lupa. Noong tuluyan nang nawala sa kanilang paningin ang
Ballrog ay bumalik na sila sa lugar ng labanan.

Samantala, matiim na ikinuyom ni Haeres ang kanyang mga kamao. Ipinadala siya ng
creator niyang si Amon (Satan)-isa sa Seven Price of Hell. The sin of Wrath. Para
wasakin at pamunuan ang mundong ito... Hindi siya papayag na mabigo siya dahil lang
sa... Napatingin siya sa lalaking nakasuot ng makinang na armour... Ang lalaking
tumalo sa kanyang Ballrog. Talino ang ginamit nito... Tumayo siya at binunot ang
espadang nakasukbit sa kanyang baywang...

"Dalhin niyo ako sa lalaking iyon!"

Mabilis na tumakbo ang mga alagad niyang Golem. Gulat namang napalingon si Guile ng
makita niyang tumatakbo papalapit sa kanya ang apat na Golem na may buhat ng
malaking upuan. Nakatayo na ang lalaking nakasakay sa mga ito, mukhang balak siyang
harapin ng pinuno.... Mabilis niyang pinaatras si Tarse dahil balak silang apakan
ng mga Golem... Nawarak lupang dinapuan ng mga papa ng mga ito... Muling umatake
ang mga Golem at... FGGGHHHH!!!.....

Magkakasunod na palaso ang tumama sa katawan ng mga ito... Natunaw ang mga iyon.

"Ayos lang kayo?!" si Fiara.

"Oo, salamat!" si Avana ang sumagot.

Nasa likuran na nila ito at nakasakay ito sa isang kabayo na batik ang kulay. Brown
at puti. Hindi ito nag-iisa, kasama nito ang Kuya nitong si Fantine.

Muling hinarap nina Guile, Tarse at Avana ang lalaking umatake sa kanila. Hawak
nito ang isang espada na may kanipisan. Kampante itong nakatayo.

"Ang lakas ng loob mong tapusin ang alaga kong Ballrog! Magbabayad ka sa ginawa
mo!"

Mabilis itong sumugod at mabilis ding tumakbo si Tarse para sumugod...


Makikipagsabayan sila. Abala naman sina Fiara at Fantine sa pagpana sa mga
papasugod na mga Orcs at Golem.

Napasinghap si Guile dahil biglang naglaho sa harapan nila ang lalaki. Bigla nalang
niyang naramdam na lumutang sa ere ang kanyang katawan at nakatarak sa balikat niya
ang espada nito. Nahulog siya sa lupa at nanatiling nakabaon ang espada nito sa
balikat niya. Tumunghay ang kalaban sa mukha niya.

Maikli ang itim nitong buhok at mukha itong normal na tao. Medyo mapula ang kulay
ng balat nito. Nasuot ito ng makapal na itim na armour na may mga palamuting tinik.
Ngumisi ito sa kanya at mas idiniin nito ang sandata sa balikat niya.

"Ang lakas naman ng loob mong hamunin ako! Isa ka lamang palang mortal na tao!
Dahil diyan, pahihirapan kita hanggang sa mamatay ka, ipaparamdam ko sa bawat
himaymay ng iyong katawan ang sakit! Iyan ang bagay sa mga pakialamirong katulad
mo!"

Mabilis namang sumugod si Avana para tulungan siya.

"Spring Buster!"

Lumikha siya ng ipo-ipong tubig ngunit...

"Black Mist!!..."

Sumuntok sa hangin si Haeres at isang itim na wave ang nilikha niya. Solidong
tumama iyon kay Avana...

"Eeeeeeeeeehhh!!!..."

Ang malakas nitong tili... Tumilapon ito sa malayo at nawalan ng malay.... Sumunod
namang sumugod si Tarse. Tinangka niyang sipain ang kalaban ngunit hinawakan nito
ang mga paa niya at inihagis siya. Ilang beses siyang dumausos at tumama pa ang
katawan niya sa isang malaking bato... Dahil doon, bumalik sa normal ang anyo nito.

Samantala, marahas na inalis ni Haeres ang kanyang sandata na nakabaon sa balikat


ng kanyang kalaban.

"Argh!" ungol ni Guile.

Matalim siyang tumingin sa kanyang kaharap. Bigla niyang iniangat ang kamay niya na
may hawak ng espada. Iwinasiwas niya iyon ngunit mabilis na nakailag ang lalaki.
Isang maliit na hiwa lang sa kaliwang-pisngi ang naidulot niya dito. Lalo lamang
nagalit si Haeres, napahawak siya sa kanyang pisngi na nagalusan. Bigla niyang
inapakan ang kamay nito at nabitawan nito ang hawak na espada. Sinipa niya palayo
ang sandata nito at sinabunutan niya ang lalaki. Iniangat niya ito mula sa
pagkakahiga sa lupa.

Napangiwi si Guile dahil sa sakit ng pagkakasabunot nito. Ngunit hindi siya basta
magpapatalo, lalaban siya... Sumuntok siya pero mabilis nitong nailagan ang atake
niya.

"Hmp... Ako naman ngayon!"

Malakas na sinuntok ni Haeres sa mukha ang lalaking kaharap niya. Pagkatapos noon
ay sa katawan naman niya ito pinaulanan. Pinipilit nitong lumaban ngunit gumagamit
siya ng bilis. Sinipa niya ito sa may tagiliran at napayuko ito... Agad niyang
sinundan ang kanyang atake... Sinipa niya ito ng malakas sa likod, napaluhod ito...
Ilang ulit pa niya itong sinipa sa likod hanggang sa mapahiga ito...
Samantala, mabilis na bumangon si Tarse... Napatanga siya at nanlaki ang mga mata
niya ng makita niyang nabubugbog ang kanyang kaibigan. Mabilis siyang bumangon at
agad na tumakbo sa kinaroroonan nito. Isang malakas na sipa ang pinakawalan niya...
Hindi iyon inaasahan ng kalaban. Tumilapon ito... Agad niyang tinulungan si Guile
na makabangon. Inalalayan niya ito.

"S-Salamat..." hinang-hina si Guile dahil sa bugbog...

"Hindi mo kailangang magpasalamat.... Kaaro ta ka."

Tuluyan ng binuhat ni Tarse si Guile. Tumakbo siya ng mabilis. Balak niyang ilayo
si Guile para dalhin sa ligtas na lugar... Tama na ang mga nagawa nito para sa
kanila.

"Uuuuuuuurgh!!!!..." isang malakas na ungol ang kumawala kay Tarse.

Biglang may sumaksak sa likod nito, walang iba kundi si Haeres. Sinipa pa nito si
Tarse at tumilapon si Guile na buhat nito. Napadapa ang tikbalang...

"Pangahas kang Tikbalang ka para atakehin ako ng ganoon! Heto ang dapat sa mga
binti mo!"

KRRRREEEEKKK!!!...

"AAAAAARGHH!!!!..."

Napaungol ng malakas si Tarse dahil binali ang kanyang mga binti. Literal pa niyang
narinig ang tunog ng kanyang mga nabaling buto... Sinipa-sipa pa ni Haeres ang
tikbalang sa likod, pinuntirya niya ang bahaging sinaksak niya. Habang napapaungol
ito ng malakas at tuwang-tuwa siya. Para sa kanya, musika ang tinig ng mga
nasasaktan at naghihirap.

"Tama na! T-Tumigil ka! Tigilan mo ang kaibigan ko! Ako ang kalaban mo!"

Pinilit ni Guile na gumapang patungo sa mga ito. Napatigil naman si Haeres sa


ginagawa at napatingin sa lalaking nagsalita. Kaawa-awa ang itsura nito habang
pinipilit nitong gumapang papalapit sa kanila... Tumawa siya ng malakas. Isang
mapaklang tawa.

"Tama ba ako ng dinig?! Kaibigan?! Kayo na magkaibang nilalang..? KALOKOHAN!..."

"Hindi kalokohan ang bagay na iyon.... TANGA!" matapang na wika ni Tarse.

Dahil doon, inis na dinakma ni Haeres ang buhok nito sa ulo at sinuntok niya ito sa
mukha...

"Manahimik ka!"

Binali din niya ang kanang-braso nito... Napasigaw ito ng malakas dahil sa sakit...

"Kung ganoon, tao.... Magiging patas pala tayong dalawa... Tinapos mo ang alaga
kong Ballrog... Kaya dapat lang na tapusin ko rin ang kaibigan mong tikbalang,
tama?!"

Tumingin ng matalim si Haeres sa lalaki at ngumiti ng matipid...

"H-Huwag mong gawin iyan! Ako ang may kasalanan sa'yo... Ako ang patayin mo...
Huwag ang kaibigan ko! Kahit na paglaruan mo pa ako, bago mo tapusin.... Basta
pabayaan mo si Tars!!!..." desperadong wika ni Guile.

Pinilit niyang iniangat ang kanyang kanang-kamay na para bang maaabot niya ang
kinaroroonan ng kanyang kaibigan.

"Hoy tao! Hindi ba malinaw sa'yo na demonyo ang kaharap mo?"

"U-Umalis ka na Guile! Tumakas ka na lang, iwanan mo ako! Demonyo siya at wala


siyang awa kaya umalis ka na lang.... Mag-ipon ka ng lakas para sa sarili mo!"

"AAAARGH!!!.... T-Tumigil ka Tars! H-Hindi ko gagawin iyan!" tuluyan ng tumulo ang


mga luha niya.

"Ha ha ha ha! Mga mahihinang nilalang! Diyan lang naman kayo magaling na mga tao
eh... Ang magmakaawa at umiyak... Mga kaawa-awang nilalang!"

Tumawa ng sarkastiko si Haeres. Napatigil ito sa pagtawa ng tumawa ng mahina si


Tarse...

"N-Nagkakamali ka... Hindi mahinang nilalang ang mga tao... Sa katunayan, ang
estratehiya niya ang nagpabagsak sa iyong hukbo! Tumingin ka sa paligid!" nang-
iinsultong wika ni Tarse.

Iilan na lang Orcs at mga Golem ang natitira.... Malayo ang kinaroroonan nila sa
labanan pero kitang-kita nila kung sino na ang nakakalamang... Nagdilim ang mukha
ni Haeres at galit na tumingin kay Guile...

"I-Ikaw palang tao ka! Dahil diyan, magbabayad ka ng mahal!... Manood ka!..."

"HUUUUWAAAG!!!!...." umalingawngaw ang malakas na sigaw ni Guile.

Sinaksak nito sa dibdib si Tarse at bigla na lamang bumagsak sa lupa ang malaki
nitong katawan... Pinilit niyang tumayo ngunit bumabagsak ang katawan niya.
Lumalaban ang utak niya pero hindi na talaga kaya ng kanyang katawan. Marahas
siyang napayuko...

"Pababayaan kitang namnamin ang sakit.... Ano ang pakiramdam mo na namatay ang
kaibigan mo sa harapan mo na wala ka man lang nagawa?!" nakangiting wika ni
Haeres...

Napahagulgol sa iyak si Guile at isinubsob niya ang mukha sa lupa... Nagtiim ang
mga bagang niya... Napakalmot pa siya sa lupa.

"Ikaw na tinatawag nilang Diyos na nasa langit... Alam Mong hindi lubos ang
paniniwala ko Sa'yo dahil marami akong gustung malaman sa pagkatao ko... Hindi Mo
ibinigay. Hindi ko alam kung bakit ako ang napili Mong ipadala sa mundong ito...
Hindi ko alam kung ano ba talaga ang plano Mo sa akin... Pero kung gusto Mong
lubusan akong maniwala Sa'yo, bigyan mo ako ng dahilan...

Alam kong hindi ako Santo o banal na tao para pagbigyan mo... Alam ko at alam Mong
hindi ako lubos na mabuti dahil puno din naman ako ng kasalanan, pero hindi ko iyon
itinatanggi... Hindi ako magpapanggap sa harap Mo... Pero pakiusap, tulungan Mo
akong tapusin ang diyablong ito... At Oo, hindi ko itatanggi Sa'yo na gusto kong
iganti ang kaibigan kong si Tars... At gusto ko ring matapos na ang lahat ng ito.
Pakiusap, kung totoo Kang talaga, bigyan Mo ako ng patunay.."

Ang lahat ng sinasabi ni Guile ay sa isip lamang niya.

"Sa tingin ko, tama na ang mga sandaling ibinigay ko sa'yo... Ngayon, ang kailangan
mong namnamin ang sakit na idudulot ka naman sa'yo!"

Naglakad siya papalapit kay Guile ngunit bigla siyang napahinto ng balutin ito ng
gintong liwanag.

"Ikaw talaga, Guile Medheart... Isa kang matapang at totoong nilalang.... Kaya lang
kagaya ng sabi mo, hindi lubos ang iyong paniniwala mo sa ating Ama. Hindi Niya
naibigay ang mga kasagutang hinahanap mo dahil hindi mo naman kasi hiningi. Bihira
lang ang mga taong pinagbibigyan Niya ang mga kahilingan dahil nakadepende iyon sa
nilalaman ng kanilang puso at uri ng pagkatao... Marami naman kasi ang gumagamit
lang sa Kanyang pangalan. At karaniwan din sa mga dasal, labas lang sa ilong.
Masuwerte ka dahil pinagbigyan Niya ang iyong kahilingan. Iyon ay dahil totoo ka sa
iyong sarili... Hindi ka rin makasarili, maganda ang nilalaman ng puso mo kahit na
hindi ka perpekto. Ang kulang na lang sa'yo ay ang lubusang paniniwala sa Kanya.
Tumingin ka sa akin dahil ako ang patunay na totoo Siyang talaga."

Magaan ang boses ng lalaki. Marahan niyang iniangat ang mukha... Nakatunghay sa
kanya ang isang lalaki na nababalutan ng gintong liwanag. Dilaw ang buhok nito na
medyo wavy... May asul itong mga mata na ang sarap titigan. Nakangiti ito ng
maluwang sa kanya at nakalahad ang kanang-kamay nito. Napabuka ang bibig niya...
Ngunit hindi siya makapagsalita ng makita niya ang mga mapuputing pares ng pakpak
nito na nababalot ng gintong liwanag...

Wala sa sariling inabot niya ang kamay nito. At pagdampi na pagdampi ng kamay niya
ay bigla siyang lumakas. Itinayo siya nito... Bigla namang sumugod si Haeres kay
Michael na nakatalikod. Ngunit hindi man lang siya nakalapit dito, isang malakas na
puwersa ang nagpatilapon sa kanya. Agad siyang tumayo at pinunasan ang dugong
lumabas sa bibig niya. Nagtataka siyang napatingin sa nakatalikod na anghel... Wala
man lang itong ginawa... Nanatili siyang nakamasid lang dito, mahirap maging
padalus-dalos....

"Ako si Michael... Kinagagalak kitang makilala Guile Medheart..."

"B-Bakit ako? Bakit ako ang ipinadala niya dito? Bakit?" sunud-sunod niyang
tanong...

"Dahil taglay mo ang mga katangiang kailangan ng mga nilalang sa mundong ito...
Ngayon, lubos na ba ang paniniwala mo sa ating Ama?"

Ngumiti ng matipid si Guile...

"Ngayon pa ba ako hindi maniniwala eh kaharap na kita?!"

Tumawa ng mahina si Michael. Bumitiw ito sa kamay niya at hinaplos nito ang kanyang
kanang-pisngi.

"Humanda ka na, dahil ipapahiram ko ang aking kapangyarihan...."

Mula sa kung saan ay bigla na lang itong may hawak na espada... Iniabot nito iyon
sa kanya....

"Gamitin mo ang espada ko para sa iyong layunin."

Dahil sa sinabi ni Michael ay agad niya iyong kinuha.

"Isa itong karangalan para sa akin..."


Ngumiti lang si Michael sa kanya. Tumabi ito at tumingin siya sa kalaban. Nagsign
of the cross siya...

"Ama, salamat sa lahat... Alam kong matagal kong binulag ang sarili ko dahil nag-
alinlangan ako sa paniniwala Sa'yo.. Patawarin mo ako... At ngayon, gusto kong
samahan Mo ako sa laban ko..." wika niya.

Pagkatapos noon ay mabilis siyang tumakbo patungo sa kalaban. Sumugod din ito sa
kanya, makikipagsabayan ito... Nagpang-abot sila.... Mabilis ang ginawa nilang
atake sa isa't-isa.... Natumba si Haeres at unti-unting naging abo... Naabo na rin
ang mga alagad nitong Orcs at mga Golem.... Sumigaw sa katuwaan ang mga Engkantong
nasa labanan ng maglaho ang mga iyon....

Mabilis namang pinuntahan ni Guile ang kanyang kaibigan... Si Tarse...

"Tars! Gumising ka... Nanalo tayo!"

Ilang beses niyang niyugyog ang balikat nito pero hindi na ito gumagalaw... Malamig
na rin ang katawan nito... napaiyak na siya ng husto.

"T-Tars!!..."

Desperado siyang napatingin kay Michael.

"P-Puwede mo bang buhayin ang kaibigan ko?!"

Umiling si Michael...

"Sorry pero hanggang dito na lang ang buhay ng kaibigan mong si Tars..." mula sa
kung saan ay biglang sumulpot sa kanya ang isang lalaki.

"Ako si Azrael ang anghel ng kamatayan... Pero gusto ng ating Ama na makausap mo
siya sa huling pagkakataon... Heto siya..."

Mula sa likuran nito ay lumabas si Tarse at nakangiti ito ng maluwang...

"Kaibigan! Anong iniyak-iyak mo diyan?!"

Biglang napatayo si Guile at agad na lumapit dito... Napangiti siya kahit na


umiiyak siya. Hindi siya makapaniwala sa kanyang nakikita....

"Tars!"

"Ako nga... Salamat sa lahat, kaibigan... Hindi ko pinagsisihan na tulungan ka...


Kung hindi, wala sana akong kaibigan na umiiyak sa akin ngayon. Pakisabi rin kay
Avana na salamat... At sabihin mo na huwag siyang umiyak ng maingay sa araw ng
libing ko... Gusto ko rin na taniman mo ng mga puting rosas ang lugar na
paglilibingan sa akin... At ang pinakamahalaga sa lahat... Ingatan mo ang
pinakamamahal kong salamin... Pasensiya ka na, kailangan ko nang umalis..."

Umiyak din ito at niyakap siya... Noong kumalas ito sa pgakakayakap sa kanya ay
naglaho na ito kasama ni Azrael... Hindi pa rin siya huminto sa pag-iyak ng mga
sandaling iyon....

"Maikli man ang pagsasama namin bilang magkaibigan ni Tars pero masasabi kong
naging masaya kami dahil naging makabuluhan ang lahat. Kung hindi dahil sa kanya,
hindi ko makikilala si Fiara.."

Tuluyan nang umiyak si Lolo Gusting ng tapusin niya ang kuwento panay ang punas
nito sa mga luha. Napatingin siya sa mga kasama dahil walang nagrereact sa
pagtatapos niya ng kuwento... Napangiti siya dahil nag-iiyakan pala ang lahat...
Pinaka-umiiyak doon ay sina Blade at Drake, humahagulgol talaga ang dalawa... Medyo
pasimple lang ang kay Hunter.... Panay naman ang tulo ng luha ni Ai at
napapasinghot lang... At ang mga anak niya... Nakatalikod sa kanila... Halatang
umiiyak din ang mga ito dahil parehong humihikbi... Natawa na lang tuloy si Lolo
Gusting sa nakitang eksena.

5. "MUSIC"

"MUSIC"

Nagkakatuwaan sa canteen ang mga tao dahil naisipan ni Hunter na magpalaro ng Pinoy
Henyo. Sagot ni Hunter ang foods ng pares na mananalo... Ang nakasalang ngayon ay
si Blade at ang bading na si Leah... Tagatanong si Leah at si Blade ang tagasagot
ng Oo, Hindi at Puwede. Ang kanilang magic word ay MOSQUITO NET. Two minutes ang
time limit.

"Tao?"

"Hindi!"

"Bagay?"

"Oo!"

"Ginagamit sa katawan ng tao?" tanong ni Leah.


"Hindi!"

"Gamit sa bahay?"

"Oo!"

"Ahm... Makikita sa sala?"

"Hindi!"

"Ahm... Sa kusina, Sir?"

"Hindi!" mariing wika ni Blade.

"Sa banyo?"

"Animal, hindi!"

"Sa kuwarto?"

"Oo!"

"Kumot, kama, bedsheet, punda....?"

"HINDI!"

"Kutson?!"

"No na hindi!"

"Kulambo!"

Napangiti si Blade...

"Siyempre, Yes na Oo!" masigla niyang sagot...

"English?" excited na tanong ni Leah.

"Oo!"

"Ahm... Musketero?!" napangiwing wika ni Leah.

( Musketero-local term namin sa kulambo )

"Animal ka naman, hindi ah! English!" tarantang wika ni Blade.

Excited pa naman siya dahil mukhang sila ni Leah ang mananalo sa pakulo ni
Hunter... Kapag nagkataon, madami siyang makakain... Iniisip palang niya ay excited
na siya... Nai-imagine na niya ang sarili na nasa harap ng mesa na puno ng
pagkain...

"Ala, Sir! Anto ey? Anong english ng kulambo?!" napangiwing untag ni Leah...

( Anto ey?- Ano na? )

Nagtawanan ang mga tao sa tinuran nito. Nawala naman ang iniisip ni Blade at
napangiwing tumingin kay Leah... Tumingin siya kay Hunter at pinanlakihan siya nito
ng mga mata. Isa iyong WARNING.... Napalunok siya at ibinalik muli ang atensyon sa
kasama niya...
"Ahm... Kulambo... English... Musketero...? Ahm...." na-mental block na si Leah
dahil sa sobrang excitement kanina.

Unti-unti namang nawawala ang excitement na nararamdaman ni Blade... Napalitan na


iyon ng kaba. Patuloy naman sa pag-iisip si Leah pero black na ang nakikita niya sa
utak niya... Kinabahan na rin siya kaya lalo lang siyang di makapag-isip ng
maayos... Nagsimula nang manlamig ang mga kamay niya at pinagpawisan na siya ng
malapot...

"Ang english ba ng kulambo ay..."

"Ay...?" nabibiting wika ni Blade.

Pero natahimik ulit si Leah... Matagal na katahimikan... Inaabangan naman ng lahat


ang sagot nito.

"Alam ko na Sir! BAYGON KATOL!"

"Anak na lase! Talo na tayong animal ay! WAAAH!..." frustrate na wika ni Blade..

Nagtawanan naman ang mga tao sa sagot ni Leah. At kagaya nga ng sinabi ni Blade...
Natalo nga sila dahil naubusan na sila ng oras.

Sumunod na sumalang sina Wilbur at Louie... Ang magic word nila ay OKRA. Si Louie
ang tagasagot ng Oo, Hindi at Puwede... At si Wilbur ang tagatanong... Nagsimula
nang maglaro ang dalawa at napahalukipkip na lang si Blade na nanonood.

"Pagkain?" tanong ni Wilbur.

"Oo!"

"Prutas?"

"Hindi!"

"Gulay?"

"Oo..."

"Mahaba?"

"Oo!" tuwang wika ni Louie.

"Madulas ba ito?"

"OO!!!..."

Sandaling nag-isip si Wilbur...

"Mahaba na madulas.... Talong?!"

"Hindi!.."

Napangiti si Blade... Mukhang alanganin din ang dalawang ito.

"Alam ko na, mahaba na madulas... Okra!"

"OO!.." masiglang sagot ni Louie.


Naghiyawan ang dalawa sa labis na tuwa at lumapit naman si Hunter sa mga ito.

"Ang galing niyo! Dahil diyan, ililibre ko kayo. Kaya tara na, mamili na kayong
dalawa ng gusto niyo." bati nito sa mga bata.

"Salamat Kuya Hunter ah?" tuwang wika ni Wilbur.

Nagngingitngit naman si Blade ng mga sandaling iyon...

"It is so unfair na animal! Bakit ganoon?! Mahaba lang na madulas, nahulaan agad?!"
pakli niya.

"Bakit, bukod ba sa okra ano pa ba ang alam mong mahaba na madulas ah?" tanong ni
Hunter.

Naghagikgikan ang mga tao sa narinig.

"Aba, siyempre mayroon pa bukod sa okra!" mabilis na sagot ni Blade.

"Uy, huwag mo nang ituloy iyan! Bastos ka!" pigil ni Mrs. Solano.

Yamot na tumingin si Blade dito... 'Heto na naman itong matandang 'to.' Hindi siya
magpapapigil.

"Ang mahaba at madulas bukod sa okra ay...." ibinitin niya ang anumang sasabihin
saka tumawa.

Naghahagikgikan na ang mga tao at maging si Hunter ay natawa na rin. Namula na nga
ang pisngi nito at inihanda nito ang mga kamao kung sakaling mali ang salitang
masasabi ni Blade. Brutal talaga ang bunganga ng isang ito eh.

"Ang mahaba at madulas bukod sa okra na alam ko ay... He he he he he! Palos! Di ba,
mahaba din iyon at madulas!" natatawang wika ni Blade.

Napapahiya ang lahat na napatingin dito. Kasi pare-parehong mali ang mga iniisip.
Napansin iyon ni Blade. Ang mga tao talaga...

"Kayo ah... Ang dudumi ng mga utak niyo, linisan niyo nga!" kantyaw ni Blade sa
lahat.

"Ehem! Excuse me, hindi madumi ang utak namin ah... Maling akala lang iyon.."
singit ni Mr. Pinular.

"Oh talaga? Kung ganoon, ano ang una niyong naiisip kapag narinig niyo ang mga
salitang ito... Huh! Malaki, bilog! Nakabakat! Namumukol!..."

Biglang namula si Mr. Pinular, bigla nitong itinikom ang bibig.

"Ang bastos mo, Sir Blade!" hindi nakatiis na wika ni Alex.

"Hindi ah... Ang tinutukoy ko lang naman na malaki at bilog ay ang prutas na
pakwan... Malaki at bilog iyon, di ba? Nakabakat... Iyong mga paa sa putik...
Namumukol, mga barya sa bulsa... Kita niyo na... Tsk, tsk... Ang dudumi ng mga utak
niyo. Anak na lase!" napangisi niyang wika.

"Hmf! Pabayaan niyo na nga iyang si Blade. Nagsa-sourgrape lang ang isang iyan!
Louie, Wilbur... Tara na!" singit ni Hunter.
Pinaupo ni Hunter ang mga bata sa isang bakanteng mesa at hinayaan niyang mamili ng
mga pagkaing o-orderin ang mga ito... Nang makapamili ang mga ito ng pagkain ay
agad niyang inihanda ang lahat. Hindi naman nakatiis si Blade kaya lumapit siya sa
mesa ng mga bata at umali-aligid... Inggit na inggit siya... Hanggang sa hindi na
siya nakatiis at...

"Louie, Wilbur... Pahinge naman oh.... Balato naman diyan..."

Nasa likuran ng dalawa si Blade at tapos nang ipaghain ni Hunter ang mga ito...
Lumpiya, pancit, carbonara at malamig na malamig na COKE litro.

"Uy, Blade! Umalis ka nga diyan, huwag kang parang bangaw na umaaligid diyan!
SHOO!" taboy ni Hunter.

Imbes na umalis ay lumapit si Blade kay Hunter at matamang tumingin...

"Bakit?" naiiritang tanong ni Hunter.

"Wala ka bang consolation price diyan?" hirit ni Blade.

"Wala... Pero kung papatulan mo iyong tutong at sabaw... Bahala ka..." pakli ni
Hunter.

"Ikaw naman Hunter! Akin na... Ibigay mo sa akin ang tutong at sabaw na sinasabi
mo! Madali akong kausap, ako pa!"

Nawindang si Hunter sa tinuran na iyon ni Blade.

"Papatulan mo talaga?!"

"Oo, laman tiyan din naman iyon eh... Mabubusog pa din ako. Tsaka, libre naman di
ba? Tamang-tama, nagtitipid ako eh... Hindi ko na rin problema ang softdrinks kasi
hihingi na lang ako dito kina Louie at Wilbur... Makikihati ako, oh di solve na!"

Inis na kinurot ni Hunter ang kaliwang-pisngi ni Blade...

"Wala akong ma-say! Ang kapal talaga ng pagmumukha mo! Patay-gutom ka!"

"Wrong-mistake ka! Walang patay na nagugutom! A-Ageeeeh! Tama na!" reklamo ni


Blade.

Tinigilan na ni Hunter si Blade. Hinimas-himas naman ng huli ang nananakit na


pisngi.

"Ang lupit mo talaga!" reklamo niya kay Hunter.

Ngunit nagkibit-balikat lang ito sa kanya at hindi na nagsalita... Kaya naman...

"Sige, gutom na ako... Diyan ka na at may sasairin lang akong tutong at sabaw!"
paalam niya.

Pagkasabi ni Blade ay agad siyang pumunta sa kusina ng canteen. Isa-isa niyang


binuksan ang mga kaldero.. Tiningnan niya ang laman... Mga tira iyon noong lunch.
Napangisi siya... Sinaid niya ang kaunting kanin at tutong na nakita niya... At ang
suwerte niya dahil kahit paano may maliit pang laman ang sabaw ng natirang sinigang
na baboy...

"Akala ni Hunter ah... Si Blade yata ito! Wala akong grasya na pinapalagpas!"
Natatawa naman si ate Lani na nanonood kay Blade ng sandaling iyon.

"Hay naku, Blade! Para kang pusang Kantaw diyan na nangangal-long ng mga kaldero!"
comment pa nito.

"Gutom eh..." balewalang sagot ni Blade.

( Kantaw- itim na pusa na wild.

Nangangal-long- nagnanakaw ng pagkain sa kaldero. )

Nawiwindang na napapatingin kay Blade ang mga guro at estudiyante noong lumabas
siya sa kusina dala ang tray na may lamang plato na puno ng pinaghalong kanin at
tutong at bowl na may lamang sabaw ng tirang sinigang...

Umupo siya sa bakanteng mesa na malapit kina Louie at Wilbur... At kagaya nga ng
sinabi ni Blade, humingi ito ng softdrinks sa dalawa na willing namang mamigay...
Si Hunter naman ang nakakaramdam ng hiya ng mga sandaling iyon. Hindi niya kinaya
ang eksena kaya lumabas muna siya...

Samantala... Papunta palang sina Karen at Rane sa canteen ng sandaling iyon.


Sinamahan kasi ni Rane si Karen na bumili sa labas ng illustration board para sa
project nito sa art. Nadatnan nila sa labas ng canteen si Hunter na sapo ang baba
at napapailing...

"Hello Kuya Hunter!" sabay pa nilang wika.

Ngumiti lang si Hunter sa dalawa.

"Si Sir Blade?" tanong ni Karen.

"Tsk, nandiyan..." matipid nitong sagot.

"Ahm... Kuya Hunter, pinatanong ni Mommy kung gusto mo daw magpart time sa darating
na birthday ng Lolo namin... Alam mo na, kailangan namin ng Head Chief dahil
malaking handaan iyon..." umpisa ni Karen.

"Hmm... Sige, ayos lang. Mag-uusap kami ng Mommy mo tungkol diyan." sagot ni
Hunter.

"Salamat Kuya... Madali ka talagang kausap!" msayang wika ni Karen.

"Ahm... Excuse me, maiwan ko na kayo kasi kailangan kong puntahan si Sir Blade. May
pinapatong si Daddy eh." paalam ni Rane.

Hindi na niya inantay ang sagot ng mga ito dahil busy ang dalawa sa pag-uusap.
Pumasok na siya sa loob ng canteen at namataan niya si Blade na prenteng kumakain.
Agad siyang lumapit dito...

"A-Ano iyan?!" gulat na tanong ni Rane ng makalapit siya...

Napatigil sa akmang pagsubo si Blade at napatingin kay Rane na bagong dating.

"Ano pa ba? Tirang kanin na may tutong at tirang sabaw... Hmm... Sarap!" kumain
ito.

Umupo si Rane sa tapat ni Blade.

"Bakit iyan ang kinakain mo?" usisa niya.


"Libre eh... Nagtitipid kasi ako. Bakit nga pala?"

Bumuntung-hininga muna si Rane bago nagsalita.

"Pinapatanong ni Daddy kung may kakilala ka daw na magaling tumugtog ng violin.


Gusto niya kasing sorpresahin ang Lolo namin sa darating nitong kaarawan. Iyon kasi
ang naisip niyang regalo eh."

Napatigil sa pagkain si Blade at nag-isip. Napangiti siya ng maalala niya kung sino
ang kilala niyang magaling tumugtog ng violin...

"May kakilala ako..." nakangiti niyang wika.

"Talaga? Sino?" excited na tanong ni Rane.

"Si Bangkay! I mean.. Si Drake." mabilis na sagot ni Blade.

"OH?!" nasorpresang wika ni Rane.

Natawa ng bahagya si Blade sa naging reaksyon nito.

"Uy, Rane! Huwag ka namang ganyan. Mukha lang walang talent si Drake pero may
talent talaga siya... Sinasabi ko sa'yo na magaling siya. Kayang-kaya nga niyang
tugtugin iyong... Hmm... Basta iyong mga musika noong panahon ng renaissance." wika
pa ni Blade.

Ngumiti si Rane... Nasorpresa talaga siya sa nalaman niya.

"Sa totoo lang, kailan ko lang din nalaman ang talent niyang iyon. Alam mo na,
iyong sinasabi ko sa'yo na naging misyon namin sa Devil's Music."

"Kung ganoon, tatawagan ko siya." pakli ni Rane.

Tinawagan na nga nito si Drake at madali lang itong napapayag ng dalaga. Mamayang
hapon, darating daw ito sa school... Pupunta ito kasama nina Blade at Hunter sa
bahay nila.

Samantala... Malalim na bumuntung-hininga si Drake matapos niyang makipag-usap kay


Rane. Nagising siya sa tawag nito at hindi naman kaso sa kanya ang maisturbo...
Basta si Rane... Nakaupo siya sa kanyang kabaong... Ilang sandali pa, tumayo na
siya at pumunta sa kinaroroonan ng lumang aparador na nasa kanyang silid. Binuksan
niya iyon at hinawi ang kanyang mga damit na naka-hanger. Binuksan niya ang
sekretong lalagyan ng kanyang aparador at tumambad sa kanya ang kahon na
kinalalagyan ng isang violin... Matagal siyang tumitig sa instrumentong iyon...

Hindi na niya maalala kung gaano na niya katagal itinago ang violin... Pero sariwa
pa sa kanyang alaala kung kailan niya huling tinugtog iyon... Hindi niya akalaing
muli niya itong gagamitin. Napangiti siya dahil may naalala siyang maganda. Pero
mabilis din iyong napawi at nangilid ang mga luha niya. Napahawak siya sa kanyang
dibdib at huminga ng malalim...

Dumating si Drake sa school noong oras ng uwian. Kasama nina Hunter at Blade sina
Karen, Rane at Conrad.

"Kuya Drake, magsa-sample ka sa bahay mamaya. Galingan mo ah?!" wika ni Karen.


"Susubukan ko... Kinakabahan nga ako eh. Itong si Blade kasi eh... Ibinida ako kay
Rane... Kegtot my heart!"

Humigpit ang hawak ni Drake sa hawak nitong lalagyan ng instrumento. Napansin iyon
ni Blade pero hindi siya umimik... Alam niya ang rason, pero kailangang harapin ng
bestfriend niya ang nakaraang iyon.

Pagkatapos ng misyon nila sa Devil's Music, inusisa nilang dalawa ni Hunter si


Drake... Bakit hindi man lang nito sinabi sa kanila na marunong pala itong tumugtog
ng violin... Noong una, ayaw magsalita ni Drake.. Pero hindi nila ito tinigilan.
Nagsalita din ito at nalaman nila na may kuwento sa likod ng musika...

"Siya nga pala, nasaan si Ai? Akala ko isasama mo siya..." tanong ni Hunter kay
Drake.

"Nandoon si Ai kina Lolo Gusting. Busy iyon sa paggawa ng project. Baka mamaya pa
iyon umuwi." casual na wika ni Drake.

Masaya silang nagkukulitan sa daan habang naglalakad papunta sa bahay nila Rane.
Noong makarating sila doon ay masaya silang sinalubong ng mga magulang ng mga bata.
Sina Leon at Kristine.

"Pasok kayo! Pasok!" wika ni Leon at pinatuloy ang mga bisita sa loob.

Ngumiti naman si Kristine kina Blade. Pinaupo niya ang mga ito sa sofa. Mataman
lang na nakamasid sina Rane, Karen at Conrad.

"Ehem! Pasensiya na kayo kung biglaan ang pagpapapunta namin sa inyo dito. Mangyari
kasi na malapit na ang birthday ni Papa kaya medyo natataranta kami ng asawa ko...
Kailangan namin ng chief para sa okasyong iyon kaya... Okay lang ba sa'yo Hunter na
magpart time sa araw na iyon?" umpisa ni Leon.

Ngumiti siya kay Hunter.

"Ayos lang sa akin. Sayang din naman." mabilis na sagot ni Hunter.

"At heto ang importante at mahalaga... Gusto naming sorpresahin si Papa. Kaya
napag-usapan namin ng asawa ko na ang magandang iregalo sa kanyang kaarawan ay
musika. Kaya inutusan ko si Rane na tanungin si Blade kung may kilala siyang
magaling tumugtog ng violin..." wika ulit ni Leon.

"Tsk! Mayroon, siyempre... Kasama na natin siya. Ang bestfriend ko, si Drake!"

"Naku, huwag ka namang ganyan Blade. Pinapasubo mo naman ako eh. Abuwisit ak pa!"
nahihiyang wika ni Drake.

"Kung ganoon, puwede bang tumugtog ka Drake? Gusto naming magsample ka!" excited na
wika ni Kristine.

Bahagyang natigilan si Drake... Pero nang makabawi siya sa pagkabigla ay marahan na


niyang binuksan ang lalagyan ng violin at inilabas ang instrumento. Napahanga ang
mga kasama niya ng malantad iyon.

"Kung hindi ako nagkakamali, ang violin na iyan ang pinakamahal na klase sa mundo.
Hindi ko lang maalala ang pangalan niya.. Stradova-ah basta... Kung na sa'yo iyan,
ibig sabihin... Magaling ka nga." wika ni Kristine.

Sumeryoso ang mukha ni Drake at napangiti ng matipid.


"Ang sabi ng taong nagturo sa aking tumugtog... Wala sa instrumento ang galing ng
isang musician... Kundi nasa mga kamay at kung ano ang nilalaman ng puso."

First time makita nila Rane ang seryosong mukha ni Drake. Napalunok si Karen at
marahang siniko si Rane na katabi.

"S-Si Kuya Drake ba talaga siya...?" di makapaniwala nitong wika.

"Sa tingin ko, siya naman talaga..." wika na lang ni Rane.

Namayani ang katahimikan...

"Whew! Grabeh! Ang lalim noon. Na-kegtot mo ang puso namin! Tumugtog ka na, Drake!"
basag ni Blade sa moment.

Bumuntung-hininga si Drake at tumingin sa lahat. Huminto ang tingin niya kay Rane
na matamang nakatitig sa kanya. Tumayo na siya dala ang violin at pumuwesto sa
gitna ng sala. Ngumiti siya ng matipid sa lahat.

"Anong gusto niyong tugtugin ko?" tanong niya.

"All I Ask Of You... Iyon kasi ang paborito ni Papa." sagot ni Leon.

"Okay..."

Marahang pumikit si Drake nang simulan niya ang pagtugtog... Tahimik naman ang
lahat at humahangang napapatingin kay Drake... Parang may sarili kasing buhay ang
violin... Parang may boses ito at kumakanta... Nakakapanindig balahibo pero ang
ganda sa pandinig... Parang ipinaghehele ka. Punung-puno ng damdamin...

Napangiti si Rane habang matamang nakatitig kay Drake... Ang galing nito, ramdam na
ramdam niya ang musika...

Biglang iminulat ni Drake ang kanyang mga mata at bigla din siyang napahinto sa
pagtugtog ng makita niya ang mukha ni Rane... Nakangiti ito habang nakatitig sa
kanya. Bigla niyang nabitawan ang hawak niyang violin, pagkatapos ay bigla siyang
tumakbo palabas... Heto na naman siya...

Napahinto sa pagtakbo si Drake ng makarating siya sa fountain na nasa tabi ng maze


garden. Tumawa siya ng mapakla. Tinawanan niya ang sarili. Umupo siya sa gilid ng
fountain at marahas na isinubsub ang mukha sa kanyang mga palad.

Samantala, gulat na natigilan ang lahat sa ikinilos ni Drake. Hindi nila alam kung
ano ang nangyari dito...

"A-Anong nangyari?" gulat na tanong ni Karen.

Walang nagsalita. Tumayo naman si Blade at pinulot ang violin na nahulog sa sahig.
Mabuti na lang at hindi iyon nasira. Tumingin siya kay Rane...

"B-Bakit?" maang na tanong ni Rane kay Blade.

"Sa tingin ko, kailangan mong kausapin si Drake para maging okay siya. Sundan mo
siya, hindi pa iyon nakakalayo. Magtiwala ka sa akin, kilala ko siya..."

"Sige, kakausapin ko siya."

Tumayo na si Rane at agad na lumabas. Nang makaalis si Rane ay...


"Ano bang nangyari kay Drake?" maang na tanong ni Leon.

"Ahm... May naalala lang siya sa the past... Magiging okay din iyon. Nasa EMO mode
lang siya ngayon. Ang mabuti pa, magmeryenda na lang muna tayong lahat. Gutom ako
eh, tutong lang at tirang sabaw ang kinain ko kanina ay! Hmf! Anak na lase!"

Natawa ang lahat kay Blade.

Samantala, hindi sigurado si Rane kung saan niya pupuntahan si Drake.. Una siyang
nagtungo sa may pool pero wala ito... Kaya naman sa may garden siya pumunta.
Napatigil siya sa paglalakad ng makita niya si Drake na nakaupo sa gilid ng
fountain. Pinagmasdan niya ang mukha nito. Nakayuko ito at mukhang malalim ang
iniisip. Malungkot na malungkot. Naglakad na siya at lumapit dito, ngumiti siya.

"Nagka-stage fright ka ba kanina?" masigla niyang tanong.

Napaangat ng tingin si Drake at ngumiti ng matipid sa kanya. Umiling ito.

"Hindi iyon stage fright... May naalala lang ako..." seryoso nitong wika.

Umupo si Rane sa tabi ni Drake at matamang tumingin dito.

"T-Talaga? Ano naman ang naalala mo?" tanong niya.

Malamlam na tumitig sa kanya si Drake at bahagya siyang nagulat ng haplusin nito


ang mukha niya. Ang lamig ng kamay nito.

"Alam mo, kahawig mo talaga siya... Akala ko nga, noong una kitang makita noon...
Ikaw siya.. Kaya nga sabi ko... You Kegtot my Heart..."

Binitiwan na nito ang mukha niya. Nagtataka namang napatingin si Rane kay Drake.

"K-Kahawig ko? Sino?"

"Kahawig mo ang taong nagturo sa aking tumugtog ng violin... Kahawig mo ang taong
nagturo sa akin para mahalin ang musika. At siya... Siya rin ang nagturo sa akin na
mayroon akong damdamin... Na ang puso ko, hindi lang ito tumitibok para lang
mabuhay ako..."

"Anong pangalan niya?" curious na tanong ni Rane.

"Erein ang pangalan niya..." kusang napangiti si Drake ng banggitin niya ang
pangalang iyon.

"Nasaan siya?"

"Hindi ko alam... Noong panahong makilala ko siya, ako pa ang Vampire King..."

Bahagyang natigilan si Rane... Matagal nang panahon iyon... Matagal na matagal


na... Gusto niyang malaman ang kuwento kaya kinapalan niya ang mukha...

"Kung hindi mo mamasamain... Gusto kong marinig ang kuwento tungkol sa kanya...
Ikaw, kung gusto mong ikuwento?" untag niya kay Drake.

"Rane naman eh... Alam mo naman na hindi kita kayang tanggihan pero..." alanganing
wika ni Drake.
Ngumiti si Rane sa kanya at napatitig siya sa mga mata nito... Nakikiusap. Mas lalo
lang tuloy niyang naaalala si Erein... Bumuntung-hininga siya at napakumpas sa
hangin. Tanda ng pagsuko.

"Oo na, magkukuwento na ako..."

"Makikinig ako." nakangiting wika ni Rane.

"Kagaya ng sinabi ko sa'yo, nakilala ko si Erein noong ako pa ang Vampire King.
Nang mga panahong iyon, napakalupit ko, hindi ako marunong maawa. Isa talaga akong
halimaw. Nilamon na ng pagiging bampira ko ang dati kong katauhan. Nabulag ako sa
kapangyarihang taglay ko... Pero isang gabi... Kung kailan nagliliwanag ang buwan
ng kulay-asul..." umpisa ni Drake...

Mabilis na tumatalon sa itaas ng mga malalaking bahay si Drake ng gabing iyon.


Katatapos lang niyang mambiktima. Sariwa pa sa gilid ng labi niya ang dugo ng
huling taong kinagat niya... Pinunasan niya iyon at napangiti siya... Napahinto
siya sa akmang paglundag ng may marinig siyang tunog.... Pinakinggan niyang maigi
kung ano iyon. Isang musika na nanggagaling sa isang violin... Gusto niya ang tunog
na iyon dahil parang inaakit siya... Napatingin siya sa kanyang mga kamay at
ngumisi siya.

"Kung sino man ang taong iyon... Hmf! Matutuwa akong marinig ang musika niya bago
ko siya tapusin... Tiyak na masayang pakinggan ang tinatawag na awit ng
kamatayan..." wika ni Drake.

Pagkatapos noon ay mabilis na siyang umalis at sinundan kung saan nanggagaling ang
naririnig niya. Medyo may kalayuan ang kinaroroonan ng bahay... Isa iyong lumang
mansyon at nagmumula ang musika sa isa sa mga silid... Nakatayo siya sa malaking
sanga ng puno sa tapat ng silid kung saan nagmumula ang musika.

Sinilip niya ang tao sa loob... Isang babae ang tumutugtog... Nakatalikod ito at
wala itong kamalay-malay sa presensiya niya.. Kaya pala naaakit siya dahil babae
pala ang tumutugtog... Pero kakaiba talaga ang tunog ng musika nito... Napatingala
siya sa langit... Asul na asul ang buwan... Maraming taon ang bibilangin bago niya
muling makita ang napakagandang tanawing iyon...

Napagpasyahan niyang pumasok sa silid. Sa malaking bintana siya dumaan, nakabukas


iyon.

Samantala... Napatigil sa pagtugtog si Erein ng makarinig siya ng marahang lagabog.


Biglang lumamig ang paligid ng sandaling iyon... Nakaramdam siya ng nakakakilabot
na aura. Marahan siyang ibinaba ang hawak niyang violin at marahang lumingon sa
kanyang likuran. Sinubukan niyang maglakad papunta sa may bintana dahil doon niya
narinig ang mahinang lagabog. Ikinumpas niya ang mga kamay sa ere.

"M-May tao ba diyan? S-Sino ka?"

Alam niyang may tao... Ramdam na ramdam niya ang presensiya nito kahit hindi niya
nakikita. Amuse naman na napatingin si Drake sa babae habang marahan itong
naglalakad patungo sa direksyon niya... Mahaba ang wavy at blonde nitong buhok...
Maputi ito, may katamtamang katawan at may inosenteng mukha... Magaganda ang mga
mata nito na kulay asul... Napangiti siya ng maobserbahan niya ang katangian
nito... Isa palang bulag ang tumutugtog ng napakagandang musika na umakit sa kanya.
Siya na ang kusang lumapit dito para hindi na ito mahirapan sa paghahanap sa kanya.
Hinawakan niya ang mga kamay nitong nakakumpas sa ere.
Napasinghap si Erein ng maramdaman niya ang malalamig na mga kamay na humawak sa
mga braso niya. Napakalamig...

"S-Sino ka? H-Huwag mo akong saktan... Pakiusap!" takot niyang wika.

Matamang tumitig si Drake sa mukha ng babae. Hindi niya gusto ang naging reaksyon
nito...

"Hindi mo kailangang matakot. Hindi kita sasaktan." hindi niya alam kung bakit
biglang nagbago ang isip niya...

Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit kailangan niyang maawa dito.

"K-Kung ganoon, anong kailangan mo sa akin? Sino ka?" sunud-sunod na tanong ni


Erein.

Nanginginig siya dahil sa lamig na nararamdaman niya mula sa mga kamay nito na
nakahawak sa kanyang mga braso. Napalunok siya ng maglakad ito papunta sa kanyang
likuran at yakapin siya... Ramdam na ramdam niya ang hininga nito sa punong-tenga
niya...

"Wala akong masamang gagawin sa'yo basta marunong kang sumunod... Ang gusto ko
lang, tumugtog ka ng violin... Gusto kong pakinggan ang iyong musika. Napakaganda
kasi kaya naakit ako..."

Halos hindi makahinga si Erein ng mga sandaling iyon... Habang nagsasalita ang
misteryosong lalaki ay inilalapit nito ang bibig sa pisngi niya...

"Kaya maaari bang tumugtog ka para sa akin?" wika pa ni Drake.

Hindi makapagsalita si Erein dahil sa kaba. Kaya naman tango na lang ang nagawa
niyang isagot.

"Salamat kung ganoon..."

Napatanga si Erein ng halikan nito ang kanang-pisngi niya... Malambot at


napakalamig ng mga labing iyon... Parang humintong bigla ang puso niya sa pagtibok,
pagkatapos ay bigla ulit tumibok ng mabilis... Mabilis na mabilis... Kumalas na ito
sa pagkakayakap sa kanya at inakay siya nito patungo sa kinaroroonan ng kanyang
instrumento. Ito ang nag-abot sa kanya ng violin na agad naman niyang kinuha.

Matapos noon ay naramdaman niya ang pagdistansiya nito. Ilang beses siyang huminga
ng malalim bago tumugtog ng violin... Pumikit na lang siya para mas maramdaman niya
ang musika.

Nanatili namang nakatitig si Drake sa babae habang tumutugtog ito... Habang


naririnig niya ang musika ay may kung anong pumupukaw sa puso niya. Napahawak siya
sa kanyang dibdib...

"Ano bang nangyayari sa akin?" wika niya sa kanyang isipan.

Napatitig ulit siya sa mukha ng babae at hindi na niya gustung alisin pa ang tingin
dito na para bang maaari itong mawala anumang oras... Noong matapos ang tugtog doon
tila nagising si Drake mula sa isang panaginip... Napakagaan ng pakiramdam niya,
hindi kagaya ng dati.. Pumalakpak siya ng mahina.

"Pasensiya ka na kung natakot ka sa akin. Pero ang gusto ko lang talaga ay marinig
ang pagtugtog mo. Ako nga pala si Drake Summertime. Ikaw?"
"E-Erein Dashwood... Iyon ang pangalan ko."

"Maraming salamat sa napakagandang musika na tinugtog mo... Gumaan ang pakiramdam


ko."

Dahil sa sinabi ng lalaki ay nawala ang nararamdamang takot ni Erein. Napangiti


siya.

"Kung gusto mo, puwede kitang turuang tumugtog ng violin. Puwede kang bumalik."
presinta niya.

Napangiti si Drake at matagal na napatitig sa mukha ni Erein. Wala itong ideya kung
ano siya dahil hindi naman siya nito nakikita.

"Salamat na lang sa alok, pero hindi ako interesado..." sagot niya

Pagkatapos noon ay agad na siyang umalis sa silid. Naiwan naman na naguguluhan si


Erein. Hindi niya maintindihan ang naramdaman niyang bigla sa estranghero na
iyon...

"Nakakatawa, sinabi ko na hindi ako interesado... Pero pinuntahan ko ulit siya nang
sumunod na gabi. Wala akong makitang dahilan, basta gusto ko lang siyang makita.
Kagaya noong una, hiniling ko sa kanya na tugtugan niya ako ng musika. Tuwing
naririnig ko kasi ang mga musikang nililikha niya, nakakaramdam ako ng
kapayapaan... Lalo na kapag nakatingin ako sa maganda niyang mukha. Hindi nagtagal,
ginusto ko na ring magpaturo sa kanya ng pagtugtog ng violin... Pero ang totoo
niyan... Gusto lang magkaroon ng dahilan para puntahan ko siya at makasama. Alam mo
na... Unti-unti, lalo akong napapalapit sa kanya... Unti-unti din niya akong
binago. Kung hindi ko siya nakilala, hindi ko pa malalaman kung ano na ang
nangyayari sa akin. Doon ako nag-umpisang lumayo sa Vampire World..."

Hindi napigilan ni Rane ang sarili na mapangiti habang nakikinig siya sa kuwento ni
Drake.

Kasalukuyang tumutugtog ng isa sa mga symphony ni Beethoven si Drake ng...

"Nakakainis ka!" biglang wika ni Erein.

Napatigil sa pagtugtog si Drake at nag-aalalang tumitig kay Erein...

"B-Bakit? Nagkamali ba ako?" tanong niya.

Ngumiti sa kanya si Erein.

"Hindi... Naiinis lang ako sa'yo kasi mas magaling ka nang tumugtog ng violin sa
akin..."

Natawa siya ng mahina sa sinabi nito. Lumapit siya dito at hinaplos niya ang mukha
nito..

"Hindi ako magiging magaling kung hindi ka magaling... Ikaw ang nagturo sa akin
eh."

Inalis niya ang kanyang kamay na nakahawak sa pisngi nito at iniabot ang hawak
niyang violin... Pero hindi iyon tinanggap ni Erein.
"Bakit?" maang niyang tanong.

"Sa'yo na ang violin ko. Regalo ko. Sa tingin ko, mas bagay na mapasa'yo iyan."

Nag-init ang mukha ni Drake ng sandaling iyon... Hindi niya alam ang sasabihin.

"T-Teka, unfair naman yata... Ikaw na nga ang nagturo sa aking tumugtog... Ibibigay
mo pa sa akin ang violin mo. Sobra naman na yata iyon?" wika niya.

"Regalo ko nga... Pasasalamat ko kasi nandiyan ka na.. Mula kasi nang mabulag ako,
hindi na ako nagkaroon ng kaibigan. Palagi na lang akong mag-isa... Kaya naman
ibinuhos ko na lang ang lahat ng oras ko at nararamdaman ko sa pagtugtog ng
musika... Iyon kasi ang mayroon lang ako eh. At dahil din doon, dumating ka...
Naging masaya ulit ako, kaya salamat... Drake.."

Nagulat si Erein ng bigla siyang yakapin ni Drake. Hindi niya inaasahan ang bagay
na iyon.

"Mali ka... Ikaw ang may maraming nagawa para sa akin... Sa totoo lang, hindi lang
ang pagtugtog ng violin ang nagawa mo para sa akin... Kung hindi kita nakilala,
maraming bagay ang hindi ko maiintindihan at malalaman. Kung hindi dahil sa'yo,
hindi ko na muling makikita ang sarili ko."

Hindi makapagsalita si Erein ng sandaling iyon... Siya pa daw ang may maraming
nagawa para dito? Naiiyak tuloy siya. Pinunasan ni Drake ang mga luha niya at
napangiti siya. Napangiti din si Drake ng makita niya ang isang simpleng ngiti na
sumilay sa mga labi ni Erein. Tapos, may naisip siya...

"Erein... May tiwala ka ba sa akin?" tanong niya.

"Oo naman... Bakit?" maang na tanong nito.

"Gusto mo bang lumabas muna sandali? Magpapahangin lang tayo..."

"T-Teka, saan tayo dadaan? Hindi ka puwedeng makita ng mga kasama ko dito sa
bahay... Baka kung ano ang isipin nila kapag nakita nila tayong lumabas ng
magkasama mula sa silid ko..." nag-aalalang wika ni Erein.

"Eh di sa bintana tayo dadaan kaya hindi problema iyon. Kakargahin kita. Ano, may
tiwala ka ba sa akin?" tanong ni Drake.

"Oo... May tiwala ako sa'yo." nakangiting sagot ni Erein.

Pagkasagot ni Erein ay agad itong kinarga ni Drake at lumabas sila mula sa


bintana... Mula sa bahay ng mga ito, dinala niya si Erein sa gubat kung saan naroon
ang hardin ng mga pink na lily... Tila kumikinang ang mga iyon sa liwanag ng buwan.
Napakislot si Erein ng marahan siyang ibaba ni Drake... Naramdaman kasi ng mga paa
niya ang mga damo... Malamig ang mga iyon dahil sa hamog.

"N-Nasaan tayo? Tsaka, paano mo nagawa iyon...? Parang lumilipad tayo kanina ah?"
sunud-sunod na tanong ni Erein.

"Akala mo lang lumilipad tayo... Pero tumatakbo lang ako kanina. Nandito tayo sa
malawak na hardin ng mga lily. Kulay pink silang lahat... Full moon ngayon kaya ang
ganda nilang tingnan. Kailan ko lang nadiskubre ang lugar na ito." nakangiting wika
ni Drake.

"Kung ganoon, ang ganda pala ng lugar na ito... Sayang, hindi ko nakikita..."
malungkot na saad ni Erein.

Napawi ang ngiti ni Drake at napalitan ng pag-aalala. Hindi yata nakabuti ang
ginawa niya... Lumapit siya dito at inakbayan niya si Erein.

"Sorry ah... Mukhang pinalungkot kita..." hinging paumanhin niya.

Umiling si Erein at pumihit paharap kay Drake. Hinaplos niya ang mukha nito...
Kagaya ng mga kamay nito, malamig din... Pero wala siyang pakialam.

"Hindi mo ako pinalungkot... Sa katunayan, mas naging masaya nga ako eh. Siya nga
pala, hindi ko pa nasasabi sa'yo na... Malapit na ulit akong makakita. Malapit nang
operahan ang aking mga mata... Ikaw ang una kong gustung makita..."

Natigilan si Drake sa kanyang narinig. Nakaramdam siya ng takot... Matinding takot.


Mapait siyang ngumiti. Napahawak siya sa kamay nitong nakahawak sa pisngi niya.

"M-May problema ba, Drake?"

"W-Wala... Huwag mo nang pangaraping makita ako... Pangit kasi ako eh..." pakli
niya.

"Sinungaling ka." nakangiting wika ni Erein.

Natahimik si Drake at matagal na tumitig sa mukha nito... Wala itong kaalam-alam


kung ano siya. Maaaring magbago ang lahat kapag nalaman nito ang totoo niyang
pagkatao. Nakaramdam siya ng takot... Napakatinding takot. Wala sa sariling niyakap
niya ito... Pagkatapos ay mabilis niyang hinalikan ang mga labi nito. Biglaan at
mabilis lang ang halik na iyon. Ayaw niya kasing may magawa siyang mali dito...

Nasapo naman ni Erein ang labi. Hindi siya makapaniwala sa ginawa ni Drake...
Posible kayang...? Gusto niyang magtanong kung bakit... Pero nawalan siya ng lakas
ng loob.

"Halika na, umuwi na tayo. Baka sipunin ka dahil sa hamog." yaya ni Drake.

"S-Sige..." sagot na lang ni Erein.

Kinarga na siya ulit ni Drake at inuwi na siya nito. At iyon ang huling beses na
pinuntahan siya ng lalaki...

Masama ang loob ni Erein dahil hindi niya alam ang dahilan kung bakit iniwan siya
ni Drake... Matagumpay ang naging operasyon sa mga mata niya.. Muli na siyang
nakakakita... Pero ganoon pa man, pakiramdam niya... Wala pa ring nabago, bulag pa
rin siya.. Hindi niya kasi nakita ang gustung makita ng kanyang mga mata niya... At
ang puso niya, nangungulila ng husto. Kung alam lang sana niya na iyon ang huling
beses na pupuntahan siya ni Drake, sana sinabi na lang niya ang nararamdaman
niya... Halos gabi-gabi siyang nakatunghay sa malaking bintana ng kanyang silid...
Naghihintay siya... Hanggang sa...

Mahimbing na natutulog si Erein ng pumasok si Drake sa silid... Marahan siyang


lumapit sa kama nito. May dala siyang pink na lily... Yumukod siya at hinalikan
niya ang labi nito. Matapos iyon ay marahan niyang inilapag ang lily sa tabi nito.
Lumabas siya agad ng silid.

Samantala... Naalimpungatan si Erein ng maramdaman niya ang kakaibang lamig sa


kanyang silid. Iminulat niya ang kanyang mga mata at nagulat siya sa kanyang
nabungaran. Isang napakagandang pink na lily... Mabilis siyang bumangon sa
pagkakahiga. Nakabukas ang bintana ng kanyang silid... Alam niyang sinara niya iyon
bago siya natulog.

"Drake!" tawag niya sa pangalan ng lalaki...

Pero wala siyang narinig na salita. Natigilan siya ng makarinig siya ng musika. May
tumutugtog ng violin... At ang musika... All I ask of you... Pumunta siya sa may
bintana... Nanlaki ang mga mata niya at nasapo niya ang kanyang labi...

Nakatayo ang isang lalaki sa tuktok ng isang bahay na malapit sa kanila... Ito ang
tumugtog ng violin... Hindi niya maaninag ang mukha nito dahil natatakpan iyon ng
anino. Nakatalikod ito mula sa liwanag ng malaking buwan... Mapait na napangiti si
Erein...

"Ang daya mo, Drake..." pakli niya.

Nang matapos tumugtog si Drake ay kumaway siya kay Erein... Isang kaway ng
pamamaalam...

"Iyon ang huling pagkakataon na nasilayan ko ang magandang mukha ni Erein.. Alam
ko, masyado akong naging unfair... Pero nanaig talaga sa akin ang takot ng panahong
iyon. At iyon ang isang bagay na sobra kong pinagsisihan.. Maraming paano? Paano
kung nagpakita ako sa kanya at sinabi ko sa kanya ang totoo kung ano ako... Paano
kung... Basta... Hindi ko na masasagot ang lahat ng iyon dahil hindi ko na puwedeng
ibalik ang lahat... Kaya noong una kitang makita sa harap ng bahay ko noon... Akala
ko ikaw siya... Akala ko, muling dumating ang pagkakataon sa akin... Nang makita ko
ang mukha mo, naalala ko ang napakagandang bahaging iyon ng buhay ko na gusto kong
bigyan ng karugtong pero hindi na maaari... Kaya ikaw Rane... Huwag kang gumaya sa
akin kung sakaling dumating ang panahon na umibig ka..

Alam ko, masyado ka pang bata para sabihin ko sa'yo ito... Pero maging matapang ka,
matuto kang sumugal at harapin mo kung ano ang dapat na harapin... Huwag mo akong
tularan para hindi ka magsisi." mahabang wika ni Drake.

Bumuntung-hininga ng malalim si Rane matapos niyang marinig ang kuwento ni Drake...


Kaya pala ganoon ito sa kanya dahil may naaalala ito sa mukha niya.

"Sa tingin ko, dapat ka nang magmove on. Nakaraan na iyon eh." wika niya.

Tumingin sa kanya si Drake at marahang ngumiti. Pagkatapos ay bigla niya itong


sinampal ng malakas sa mukha. Gulat na gulat itong napatingin sa kanya. Nasapo nito
ang pisngi.

"B-Bakit?" gulat na tanong ni Drake.

Ngumiti ng pilya si Rane.

"Para iyan sa ginawa mo kay Erein. Isipin mo na lang na siya ang nanampal sa'yo
ngayon. Deserve mo iyan kasi ENGOT ka. Pero mas mabuti na magmove on ka na. Nakita
mo naman ang iyong pagkakamali eh.. Ganoon talaga, nangyari na."

Tumayo na si Rane at inilahad ang kanyang kanang-kamay.

"Halika na. Hinihintay na nila tayo. At hinihintay na rin naming lahat ang
magandang musika na tutugtugin mo. Mapapasaya mo kami kapag ipinarinig mo sa amin
iyon." masiglang wika ni Rane.

Matagal na tumitig si Drake kamay ni Rane na nakalahad. Kusa siyang napangiti...


Dahil sa malakas nitong sampal, nakalaya siya sa nakaraan... Kasi pakiramdam niya,
nakaganti na nga si Erein sa kanya dahil sa ginawa niya... Inabot niya ang kamay
nito at tumayo na siya. Naglakad na sila pabalik sa bahay...

6. "Seven Holes"

"Seven Holes"

"Hay sa wakas! Nakauwi na rin!" wika ni Drake.

Pasalampak siyang naupo sofa at sumunod na rin ang mga kasama niya. Kagagaling lang
nila sa bahay nila Rane.

"Grabe, ang galing mo talagang tumugtog ng violin. Parang kumakanta mismo iyang
instrumentong hawak mo. Nalase... Hindi ako magsasawang pakinggan kang tumugtog!"
masiglang wika ni Blade kay Drake.

"Ako rin. Hindi rin ako magsasawa." segunda ni Hunter.

Napaismid si Drake at napangalumbaba na tumingin sa dalawa.

"Tumigil nga kayong dalawa diyan ay! Kayo ang nakarami ng request sa akin kanina
ah?!" yamot niyang wika.

Tumawa ng mahina ang dalawa sa sinabi niya. Napabuntung-hininga na lang tuloy siya
sa reaksyon ng mga ito.

"Teka lang, wala pa si Ai?" biglang wika ni Blade.

"Oo nga ano..? Mukhang nawili siya kina Lolo Gusting ah? Susunduin ba natin siya?"
tanong ni Hunter.

Tiningnan niya sina Blade at Drake.

"Oo, susunduin natin siya. Pero mamaya muna ng kaunti, puwede? Magpahinga muna
tayo." sagot ni Drake.
Umunan siya sa kanyang mga braso at sumandal sa likod ng sofa. Nawili ang lahat
kanina sa pagtugtog niya ng violin at maraming kanta ang ini-request sa kanya...
Hindi naman siya makatanggi kaya sige lang... Pero at least, dahil sa ginawang
pakikipag-usap niya kay Rane kanina, gumaan ang pakiramdam niya... Aminin man niya
o hindi, nakatulong ng malaki ang ginawa nitong pananampal sa kanya.

"Ay na apo! Nalase naman kasi si Ai... Sinabi ko na sa kanyang huwag magpagabi
eh... Anak na lase!" palatak ni Blade.

"Hayaan mo na si Ai at ini-enjoy niya ang oras niya dito sa atin. Susunduin naman
natin siya mamaya eh. Tama na ang ngatel, Blade." wika ni Hunter.

"Nag-aalala lang naman ako eh..." wika pa ni Blade.

Napangiti sina Drake at Hunter sa tinuran nito. Nabulabog sila ng biglang bumukas
ng marahas ang pinto. Halos sabay-sabay pa silang napatayo ng wala sa oras. Iyon
pala ay...

"Konbanwa! I'm home!" masiglang bati ni Ai sa lahat.

Natigilan siya ng makita niyang nakatayo ang tatlong lalaki na parang nakaabang sa
isang kalaban.

"N-Nanka?" tanong niya.

( nanka- bakit )

"Pambihira ka naman Ai! Huwag ka namang pumapasok dito sa bahay ng ganu'n! Akala
namin, a-ambushin na kami!" wika ni Hunter.

"Kaya nga! Anak na lase ka naman. Nagulat kaming lahat du'n!" segunda ni Blade.

"A-Ahm... Sowrry! Anyway, ginabi ako kasi nagyaya sina Lolo Gusting at Kuya Baste
na magsimba sa Manaoag. Heto oh, may pasalubong ako sa inyo. Topeg!"

Ipinakita ni Ai sa tatlo ang dala niyang supot na may lamang Topeg.

( Topeg- isang masarap na kakanin na sikat sa bayan ng Manaoag. Gawa ito sa


giniling na malagkit na bigas, gata ng niyog, asukal at kinayod na buko. Binabalot
ito sa dahon ng saging at iniluluto sa hugis rectangle na lutuan na may maraming
uling sa ilalim. Mistula itong iniihaw. Masarap ang Topeg lalo na kapag mainit-init
pa. )

"Oh my! Amin na at nang malantakan!" excited na wika ni Blade.

Agad namang inilapag ni Ai ang dala sa mesita na nasa gitna ng sala. Agad nilang
pinagpiyestahan ang mga Topeg.

"Wow! Panalo 'to! Mainit-init pa at ang daming lamang buko!" wika ni Drake habang
kumakain.

Hindi na umimik sina Hunter at Blade dahil panay ang subo nila sa pagkain. Kumain
din si Ai.

"Siya nga pala... Nagyayaya ng picnic sina Lolo Gusting at Kuya Baste sa Seven
Holes. Ilog daw iyon na nasa paanan mismo ng bundok na Maulo. Maganda ba du'n?"
tanong ni Ai sa tatlo.
Halos sabay-sabay na napatigil sa pagkain ang tatlong lalaki at matamang napatingin
kay Ai.

"S-Seven Holes?" gulat na tanong ni Blade.

Napakunot-noo naman si Ai sa naging reaksyon ng mga ito.

"Matte... You don't know?" tanong niya.

"Hindi namin alam, ngayon lang namin narinig ang lugar na iyan eh." kumpirma ni
Drake.

"H-Ha?" nadismayang wika ni Ai.

"Huwag ka nang magtaka... Kami ni Hunter, medyo bago lang dito sa Batakil Village.
At itong si Drake... Kahit na sabihin na sobrang tagal na niya dito... Anak na
lase... Eh ngayon pa lang naman siya nakakalabas-labas sa araw eh... Kaya anong
malay naming tatlo diyan sa animal na Seven Holes na iyan?" pakli ni Blade.

"Korek!" ayon ni Hunter.

Napakamot tuloy si Ai ng marahas sa ulo. Medyo nadismaya siya na hindi pala alam ng
tatlong ito ang lugar na sinasabi nina Lolo Gusting...

"Huwag kang mag-alala... Bukas na bukas din, tatanungin ko ang mga estudiyante ko
tungkol diyan. Tiyak na alam nila... Yayayain ko na rin sila para mas marami, mas
masaya. Ay teka, yayayain ko rin si Archer. Itext ko nga siya!"

"Ayos 'yang naisip mo, Blade!" masiglang wika ni Drake.

Pagkatapos noon ay kung anu-ano ang napag-usapan nila para sa picnic habang
kumakain sila ng masarap na Topeg.

Samantala... Napatitig si Zech sa message na natanggap niya mula kay Blade.


Niyayaya siya nito sa isang picnic. Maraming beses siyang bumuntung-hininga... Nag-
isip siyang maigi kung tatanggi siya o hindi... Habang tumatagal, mas tumitindi ang
pagnanais niyang ibunyag na ang totoo niyang pagkatao sa mga ito... Iyon nga lang,
hindi pa niya alam kung kailan at kung paano niya ito gagawin. Ilang sandali pa,
nagdesisyon na siya... Nagreply siya kay Blade at sinabi niyang sasama siya. Mas
magsisisi siya kung tatanggi siya dahil alam niyang magiging masaya iyon...
Napangiti na lang si Zech ng hindi niya namamalayan.

Kinabukasan...

"Class! Good morning!" bati ni Blade sa mga estudiyante niya.

"GOOD MORNING, SIR!" masiglang bati sa kanya ng lahat.

Kagaya ng kanyang nakagawian, umupo siya sa gitna ng mesa at napadekuwatro.

"Class, bago ko simulan ang klase... May gusto lang akong itanong... Alam niyo ba
iyong sinasabi nilang Seven Holes sa Maulo? Maganda ba du'n?" umpisa niya.

Ngumiti ang lahat sa kanya. Nagtaas ng kamay ang bading na si Van.

"Oh, Van!" tawag niya dito.


"Sir! Maganda talaga du'n! Huwag niyong sabihing hindi niyo alam ang lugar na
iyon?" sagot ni Van sa tanong niya.

"Nalase, itatanong ko pa ba sa inyo kung alam ko? Kayo naman... Malayo ba iyon at
magkano ba ang magagastos?"

"Hay naku, Sir! Walang magagastos du'n basta masipag kang maglakad. Seven Holes ang
tawag doon kasi nanggagaling sa pitong malalaking bukal na nasa gilid ng bundok ang
tubig ng ilog. Kulay neon-green ang tubig doon. Marami doong isda at suso. Bakit
Sir, magyayaya ka ng picnic?" excited na wika ni Van.

"Kaya nga Sir! Ang tagal na noong huli tayong magbonding!" segunda ni Barry.

Nagreact na rin ang iba at kinulit na siya tungkol sa picnic... Ang mga bata
talaga, excited sa ganoong activity.

"Okay, ganito kasi iyon... Kaya ko naitanong sa inyo ang tungkol sa Seven Holes..
Kasi, nagyaya si Lolo Gusting kay Ai ng picnic doon. Ano, game ba kayo?" tanong
niya sa lahat.

"SIYEMPRE, YES NA OO!!!...." masiglang sagot ng lahat.

Natawa ng bahagya si Blade at napailing na lang. Doon muna niya tinapos ang usapan
tungkol sa Seven Holes dahil sisimulan na niya ang kanyang klase. Excited ang lahat
para doon. Noong oras ng recess ay sinabi ni Rane kay Karen ang tungkol sa
picnic...

"Wow! Sa Sabado na iyan! Mabuti naman at nakaisip ng ganyan kagandang ideya si Lolo
Gusting!" masayang wika ni Karen.

Napangiti na lang si Rane sa naging reaksyon nito. Kung dati ay ayaw nitong sumama
sa mga ganoong activity dahil hate pa nito si Blade... Ngayon ay sobra na ito kung
ma-excite. Napatigil sa paglalakad si Karen dahil bigla siyang may naalala.
Napatitig siya kay Rane..

"Bakit?" nailang na tanong ni Rane.

Bigla kasi siyang tinitigan ng matagal ni Karen.

"Nasabi mo na ba kina Sir Blade at Kuya Drake iyong mahalagang impormasyon?" bigla
nitong tanong sa kanya.

Napakunot-noo si Rane.

"Mahalagang impormasyon...? Ano iyon?" nagtataka niyang tanong.

Napatapik sa noo si Karen ng wala sa oras.

"Naku naman, Rane! Paano mo nagawang kalimutan ang importante at mahalagang bagay
na iyon?! Pambihira ka naman!" OA nitong react.

"Ano bang big deal na nakalimutan ko?" maang pang tanong ni Rane.

Hinila siya ni Karen palapit dito at ibinulong nito sa kanya na....

"Di ba, sa darating na birthday ni Lolo Con... Uuwi si ate Serene? Dapat masabihan
mo na sila para makapagplano tayo ng gagawin sa araw na iyon..." bulong ni Karen.

Napabuka ang labi ni Rane pero hindi siya nakapagsalita. Mahalagang bagay nga ang
nakalimutan niya. Sinadya kasi nila ni Karen na si Hunter ang irekonmendang chief
sa darating na kaarawan ng kanilang Lolo... Para na kasi nilang reunion ang
okasyong iyon. Dapat kumpleto silang lahat.

"Naku, sorry ah? Nakalimutan ko. Paano iyan? Hindi naman natin basta masasabi kay
Sir Blade ang tungkol sa bagay na iyon dahil palagi silang magkasama ni Kuya Hunter
dito sa school?" tanong niya.

Sandali silang natahimik at nag-isip. Ilang segundo lang ay napangiti si Karen. May
naisip na siya.

"Alam ko na! Sa picnic mo na lang sabihin kina Sir Blade at Kuya Drake ang tungkol
doon. Kunwari, maglalakad-lakad ako sa malayo at pagkatapos... Kapag lumipas na ang
ilang sandali, hahanapin mo ako dahil nag-aalala ka. Magpapasama ka kina Sir Blade
at Kuya Drake. Ipababantay na lang natin kay Kuya Hunter si Conrad para hindi siya
makasunod. Oh, di ba? Hindi halata?"

Napangiti si Rane at napailing. Ang bilis naman nitong nakapag-isip ng plano...


Pero sige na nga, susundin na lang niya para hindi magtampo. Mukha namang
effective.

"Sige, ayos iyang naisip mo." wika niya.

Excited na tumingin sa kanya si Karen at ngumiti ito ng pilya.

Sa bahay ni Lolo Gusting ang meeting place ng lahat... Lahat sila, may kanya-
kanyang dalang backpack. Nagdala na rin sila ng bigas na lulutuin doon. Nagdala din
sila ng mga gamit at sangkap sa pagluluto. Ang kanilang ulam ay sa ilog at bundok
na nila hahagilapin para mas exciting.

"Grabeh, parang instant na scouting ito ah!" excited na wika ni Drake.

"Kaya nga, sobra tuloy nakaka-excite!" sang ayon ni Zech ( Archer ).

Kagaya ng dati, nagbalatkayo siya. Hindi pa kasi siya handang ibunyag ang kanyang
identity.

"Kumpleto na bang lahat?!" tanong ni Lolo Gusting kay Blade.

Nagcheck si Blade ng attendance ng mga estudiyanteng kasama nila... Kumpleto na ang


lahat.

"Kumpleto na." sagot niya.

Akma na silang lalakad ng...

"Aba, hindi naman ako makakapayag na iwanan niyo ako! Puwede bang makisabit?"

Mula sa kung saan, biglang sumulpot si Azrael. Nakasuot ito ng itim na sando, itim
na shorts... Naka-cap ng itim, may backpack na itim at black na pares ng tsinelas.
Naka-shades din ito ng ITIM... Maluwang ang ngiti nitong tumunghay sa kanila.

"Pasensiya na sa biglaang pagsulpot. Late ko na nalaman ang tungkol sa picnic na


'to kaya nagmadali ako na pumunta dito. Pasensiya na, hindi ako nakapaghanda." wika
ni Azrael.

"Huh... Hindi pa raw nakapaghanda ng lagay na iyan ah?" bulong ni Blade.


Napataas ng kilay si Azrael sa nakita niyang ismid ni Blade.

"May sinasabi ka ba diyan, Blade?" ngumiti siya dito ng makahulugan.

Napangiti ng alanganin si Blade, napansin pala siya nito.

"Ahm... Ang sabi ko, welcome na welcome ka! Mas marami mas masaya! Natuwa nga ako
kasi makakasama namin ang super busy na kagaya mo! He he he!"

"Talaga lang Blade ah? Ande lay atet! Kung mambobolatis ka rin lang, galingan mo
naman." pakli ni Azrael.

Natawa ang mga bata sa sinabi nito.

"Tama na, lumakad na tayo para hindi tayo tanghaliin sa daan." untag ni Lolo
Gusting sa dalawa.

"Okay!" sabay pang sagot nina Azrael at Blade.

At iyon na nga... Lumakad na sila papunta sa Seven Holes....

Mula sa Batakil Village, dadaan sila sa Patalan. Isang malawak na lugar na mabato,
mabuhangin, maraming maliliit na bukal at mga ilog... At maraming talahib sa
paligid. Maraming puno ng kamatsile ang nagkalat dito. Maaari kang mawala dito kung
hindi mo kabisado daan.

Masaya silang naglalakad at panay ang kuwentuhan nila. Ganoon na lamang ang
pagkagulat ni Rane ng pag-apak niya sa lupa ay tila lumubog ang kanyang mga paa.
Napakalambot noon. Napaatras siya ng wala sa oras at napasigaw ng...

"Kumunoy!" sigaw niya.

Hinila niya si Conrad na nasa kanyang tabi. Natigilan ang lahat at napatingin sa
lupa. Mukhang wala namang kakaiba doon.

"Nasaan ang kumunoy?" lumapit na si Blade kina Rane at Conrad.

"D-Diyan oh, sa harapan natin. Iyang lupa diyan, malambot!" itinuro pa talaga ni
Rane ang direksyong naapakan niya kanina.

Marahang lumapit si Blade at sinubukang umapak sa lupa.

"Ay ageh, animal!" bulalas niya.

Napaatras siya ng wala sa oras dahil ang lambot nga ng lupang inapakan niya.
Tumingin siya sa mga kasama.

"Diyan lang kayo! May kumunoy! Delekado, mukhang kailangan nating umiba ng daan."
wika niya.

Napalunok ang lahat at napatingin sa lupa. Mukha talagang normal lang kung
titingnan ang isang iyon... Tumigil silang lahat... Binarikadahan nina Azrael,
Drake, Hunter at Zech ang mga bata para makasiguro sila sa kaligtasan ng mga ito.

"Uy, bakit tumigil kayong lahat sa paglalakad?" untag ni Lolo Gusting sa kanila.

Pumunta na ito sa unahan at tiningnan ang mukha ni Blade na aburido.


"Ano bang problema?" tanong pa ng matanda.

"May kumunoy diyan sa daan. Puwera biro, ang lambot talaga ng lupa diyan noong
inapakan ko." sagot ni Blade.

"Anong kumunoy? Kung kumunoy iyan eh di sana lumubog ka na noong umapak ka." wika
ni Lolo Gusting.

"Nakaalis ako agad eh!"

"Ma-testing nga iyang kumunoy na sinasabi mo..."

Akmang maglalakad si Lolo Gusting ng hilahin ito ni Blade sa kanang-braso.

"Anak na lase ka naman, Tanda! Nagpapakamatay ka ba?! Alam mo na ngang kumunoy,


susubukan mo pa? Ambagel ka naman na lase eh!"

Pinanlakihan ng mga mata ni Lolo Gusting si Blade. Pagkatapos ay marahas niyang


hinila ang kanyang braso.

"Huwag mo akong pakialaman. Alam ko ang ginagawa ko! Ump!" sabay batok.

"Ageh! Abuwisit ak pa! Bahala ka diyan na animal!" pakli ni Blade.

Umismid lang si Lolo Gusting at nagpatuloy sa paglalakad. Walang imik ang lahat at
nawiwindang na napatingin sa matanda ng iapak nito ang mga paa sa malambot na lupa.
Bahagyang lumubog ang lupa na inapakan nito, pero hindi ang mga paa nito. Tumalon-
talon pa doon ang matanda at mistula na itong nasa trampoline.

"Mga eng-eng! Anong kumunoy ang pinagsasabi niyo eh hindi naman! Malambot lang ang
lupang ito dahil puno ito ng tubig sa ilalim... Hindi ka lulubog dito dahil matibay
ang lupang nasa ibabaw. Hindi makalabas ang tubig na nasa loob nito kaya ganito...
May malaking bukal sa ilalim ng lupang ito na siyang dahilan kung bakit malambot
ang bahaging ito ng lupa. Kung tutuusin, puwede nga akong magpatalon-talon ng
ganito eh..."

Tumalon-talon nga si Lolo Gusting at ang taas ng nagagawa nitong lundag dahil sa
mala-trampoline na lupa.

"Wow, mukhang masaya iyan!" wika ni Conrad.

Excited itong pumunta sa kinaroroonan ng matanda at gumaya ito.

"Uy, ang saya! Hindi ka nga lulubog!" masiglang wika ni Conrad.

"Kung ganoon, tara lets na at maki-join!" masiglang wika ni Drake.

Excited na pumunta ang lahat sa kakaibang lugar na iyon at tumalon-talon. Lahat


sila, hangang-hanga sa likhang iyon ng kalikasan. Okay lang kahit na bumagsak ka
doon, dahil bukod sa napakalmbot ng lupa... Nababalutan pa ito ng makapal na damo.

"Guys! Pipicturan ko kayong lahat. Magbibilang ako hanggang tatlo... Pagkatapos,


tumalon kayong lahat ng sabay-sabay!" wika ni Azrael.

"Sige, maganda iyan! I-bluetooth mo sa amin mamaya ang picture para mai-post agad
sa FB!" excited na wika ni Hunter.

"Okay ba! Sige, maghanda na kayong lahat!" wika ni Azrael.


Nagsipaghanda nga ang lahat...

"ONE... TWO... THREE!"

Pagkatapos ng hudyat ni Azrael ay tumalon nga ang lahat ng sabay-sabay na may


kanya-kanya pang posing... Tiningnan ni Azrael ang nakuhanang larawan sa kanyang
tablet. Ang ganda noon. Nagthumbs-up siya sa lahat at napangiti.

"Huh, magse-Selfie ako!" biglang wika ni Lolo Gusting.

Inilabas nito ang cellphone at pagkatapos ay tumalon-talon ito at kinuhanan ang


sarili.

"Aba, basta selfie... Hindi ako magpapahuli!" wika ni Hunter at nakigaya na rin kay
Lolo Gusting.

Hindi lang si Hunter ang nakigaya kundi ang lahat. Pagkatapos nilang makapag-Selfie
sa kakaibang lugar na iyon ay nagpatuloy na sila sa paglalakad. Panay ang kulitan
nila sa daan at ang topic nila ay ang kakaibang lupa na nadaanan nila. Medyo
masakit sa paa ang malayong lakaran na iyon dahil naglalakihan ang mga bato sa
daan. Isinakay na ni Blade si Conrad sa kanyang mga balikat para hindi ito mapagod.

Maraming puno ng kamatsile sa daan na hitik sa bunga. Kaya naman, kumukuha si


Conrad ng mga bunga na naaabot nito at pinapapak sa daan.

"Pare, pahinge naman!" untag ni Blade.

"Heto oh!" agad naman siyang binigyan ng bata.

Humingi rin sina Rane at Karen sa kapatid. At nang kainin nila ang bungang ibinigay
ni Conrad ay...

"Puwe! Ang pakla!" wika ni Blade.

Halos sabay-sabay pang iniluwa ng tatlo ang laman ng kanilang bibig.

"Conrad, piliin mo naman iyong matatamis na bunga! Huwag ka namang basta kumukuha
lang." wika ni Rane sa kapatid.

Napatingin si Conrad sa kanyang mga ate.

"Para sa akin, pare-pareho naman silang matatamis lahat eh. Ano bang ipinagkaiba ng
matamis na bunga ng kamatsile sa mapakla?" maang niyang tanong.

"Patay!" napangiwing wika ni Karen.

Natawa ng mahina si Zech sa narinig. Pumunta siya sa isang puno ng kamatsile na


hitik sa bunga. Marami nang over matured na bunga ang punong iyon. Iyong nagbrown
na at kumulubot. Kumuha siya ng mga kulubot na bunga at nawiwindang na napatingin
sa kanya ang lahat.

"Bakit ka kumukuha ng mga over nang bunga?!" nawiwindang na tanong ni Drake.

"Matatamis ang mga ito eh. Hindi niyo ba alam na mas matamis ang bunga ng
kamatsileng kulubot na? Mas masarap pa sa pasas ang lasa nito. Makunat-kunat pa
kapag nginuya. Tsaka, sa ganitong stage ng prutas na ito... Lumalabas na ang
natural niyang alcohol. Amoy alak na rhum na nga itong mga nakuha ko eh."
nakangiting wika ni Zech sa lahat.
Tila nanlaki ang tenga ng lahat at pagkatapos noon ay nagsitakbuhan sa kinaroroonan
niya. Kanya-kanyang abot at kuha na rin sila ng mga kulubot na bunga. May mga
kumuha na rin ng panungkit. Matinik kasi ang puno ng kamatsile kaya hindi puwedeng
akyatin.

"Ang sarap nga!" palatak ni Hunter.

"Hmm! Mas masarap talaga ito sa pasas... Bakit kaya kapag prutas ang kumukulubot,
mas tumatamis?"

Napaubo ng wala sa oras sina Azrael at Zech sa tinuran na iyon ni Blade.. Kahit
alam nilang brutal ang bunganga nito eh mdyo nakakawindang talaga ito kung minsan,
lalo kapag biglang napapa-comment. Medyo iba kasi ang dating.

Kinokolekta naman ni Ai ang mga buto ng kamatsile na nakukuha niya mula sa


pinagkakainan niyang bunga.

"Anong ginagawa mo?" nakangiting puna ni Drake.

"Kumukuha ng buto. Iuuwi ko sa amin, itatanim ko." excited na wika ni Ai.

"Abuwisit ak pa. Para namang tutubo naman ang mga ito du'n sa inyo." comment ni
Drake.

"Basta, susubukan ko silang itanim sa garden namin." determinadong wika ni Ai.

Pagkatapos nilang magsawa sa pagpapak ng mga kulubot na bunga ng kamatsile...


Nagpatuloy na sila sa paglakad. Apat na maliliit na ilog ang kanilang nadaanan bago
sila nakarating sa gilid ng bundok. Natatakpan pa ng makapal na talahib ang
kinaroroonan ng lugar na para bang pinoproteksyunan. Mas malapit ang lalakarin
papunta dito kumpara sa Antong Falls.

Napahanga silang lahat ng makita nila ang natural na kagandahang iyon ng


kalikasan... Pitong malalaking bukal na nagmumula sa gilid ng bundok ang
pinanggagalingan ng tubig. Hugis oblong ang tila natural na swimming pool na
naroon. Mabuhangin ang gilid nito at natural na may maliliit na alon. Mistula iyong
beach na minimize. Kumikislap ang neon-green nitong tubig. May parte sa gilid ng
bundok na parang pinasadya para pagpiknikan. Flat na flat ang higanteng bato na
naroon at nalililiman ng naglalakihang puno ng Fire Tree na hitik na hitik sa mga
bulaklak na tila nag-aapoy. Sa kaliwang bahagi ng bundok, makikita ang daan paakyat
sa itaas. May malaking puno ng mangga doon tila nagsisilbing palatandaan.

Maraming nakalambitin na baging ng puno ng balete sa may paliguan... Puwede kang


magbaging doon na parang si Tarzan... Sabay talon sa malalim na tubig. Maagos na
maagos naman ang ibabang parte ng ilog na may naglalakihang mga bato.

"Ang ganda...." humahangang wika ni Rane.

Nanatili namang tahimik ang mga kasama niya. Speechless kasi ang mga ito sa
kagandahang nakikita... Nauna nang naglakad papunta sa gilid ng bundok si Lolo
Gusting, kasunod nito si Baste. Dumaan ang mga ito sa mababaw na parte ng ilog na
hanggang tuhod.

"Ano pang inaantay niyo? Tara na dito para maihanda ang lahat!" tawag ni Baste.

Doon tila natauhan sina Blade at ang mga kasama nito. Excited silang nagtakbuhan
papunta gilid ng bundok. Inilapag nila ang mga dalang gamit... At pagkatapos noon
ay picture dito... Picture doon ang ginawa ng lahat.
Napangiti naman si Ai at naupo sa malaking bato. Marami na naman siyang ibibida,
pag-uwi niya. Nakakapagod pero sobrang saya talaga ng ganitong activity...

"Okay, simulan na natin ang mga activity na napag-usapan natin kanina.... Mga
Sirena at ang ibang mga girls! Mangunguha kayo ng suso para iulam natin mamaya.
Gitaan ang balak na luto ni Hunter doon kaya damihan niyo lang ang kukunin para
hindi tayo mabitin!" umpisa ni Blade.

Na-curious naman si Ai sa sinabi ni Blade. Nagtaas siya ng kamay.

"Yes, Ai?" tanong ni Blade.

"What's Suso?" curious niyang tanong.

"Lips to lips!" nakangiting sagot ni Blade.

"H-Ha?!"

Nagtawanan ang lahat sa ignoranteng reaksyon ni Ai.

"Lips to lips ang tawag namin sa shellfish na iyon kasi para makain mo siya...
Kailangan mong i-lips to lips ang shell sabay higop ng laman niya sa loob... Alam
mo na, maganda rin iyong pangpraktis sa isang kiss... You know what I mean..."
pilyong wika ni Drake.

Namula si Ai kasi parang bigla siyang nag-imagine ng kung ano. Napatingin si Blade
sa lahat at muli ay...

"Kayong mga boys! Tulungan niyo sina Lolo Gusting at Baste sa panghuhuli ng isda.
May inihanda na silang maliit na lambat diyan... Galingan niyo para marami tayong
hito at dalag na iihawin. At kami namang big boys... Aakyat kami sa bundok para
mangahoy at manguha na rin ng mga prutas na puwede nating kainin! Malinaw at
maliwanag ba?!" wika niya.

Luminya ang mga bata na parang mga sundalo at sumaludo.

"SIR, YES SIR!" nakangiting sagot ng lahat.

Sumaludo din siya sa mga ito at napangiti. Pagkatapos noon ay nagpunta na ang lahat
sa kanya-kanyang assignment. Silang apat na big boys ang aakyat sa bundok, akma
silang maglalakad papunta doon ng...

"Mga pare! Sandali, sama ako!"

Si Conrad, tumatakbo ito papunta sa kanila. Nanatili silang nakatingin sa bata


hanggang sa maabutan sila nito...

"Pare, maiwan ka na lang..." nakangiting wika ni Zech ( Archer ).

Napasimangot ang bata, lumapit ito kay Blade.

"Eh wala naman akong gagawin dito eh... Lahat naman sila ayaw akong isali. Manood
lang daw ako sa kanila. Isama niyo na ako. Hindi naman ako mangungulit!"

Medyo naawa si Blade sa bata... Napabuntung-hininga siya at napatingin sa mga


kasama niya. Mukhang naawa din ang mga ito at nagkaisa na rin sila ng desisyon sa
pamamagitan ng kanilang mga tinginan. Tumingin siya sa bata na naghihintay sa
sasabihin niya.
"Behave ka naman eh... Kaya halika na!"

Umupo siya at mabilis itong sumakay sa mga balikat niya. Tuwang-tuwa ang bata...

"Thank you po! Pumayag kayo!" wika ni Conrad sa lahat.

"Hay naku, ang hirap kasing i-resist ng mga bata! Lalo na kung kasing cute at bait
ng isang ito..." pakli ni Hunter.

Naglakad na sila ngunit bigla silang napatigil ng...

"Sandali! Sandali! Sasama kami!"

Napalingon sila at ang tumatakbong sina Rane at Karen. Hinintay nilang makalapit
ang dalawa sa kanila.

"Uy, girls... Pang BIG BOYS lang ang lakad na 'to. Kaya pasensiya na..." wika ni
Drake.

"Sorry, pero wala kayong choice kundi isama din kami... Mahigpit na bilin sa amin
nina Mommy at Daddy na bantayan naming maigi si Conrad." wika ni Rane.

"Tama... Kaya kung nasaan si Conrad. Nandoon din kami. Huwag kayong mag-alala kasi
hindi naman kami maaarte eh. Mga cowgirls yata kami!" segunda ni Karen.

Halos sabay-sabay na napakamot sa batok ang mga lalaki...

"HAAAY...." halos saba-sabay din nilang reaksyon.

"Bahala na nga lang kayo. Tanghali na, wala na kaming oras sa aumang argumento." si
Zech (Archer) na ang nagsalita.

"Tama si Archer kaya tara na!" yaya na ni Hunter.

Napangiti naman sina Karen at Rane na nagkatinginan. Nagsimula na silang lumakad.


Medyo mataas ang daan sa paanan ng bundok... Pero madali lang silang nakaakyat
dahil may mga natural na hagdan doon dahil sa mga ugat ng malaking puno ng
mangga... Ibang klase talaga ang galing ng kalikasan. May mga dwarf na kawayan sa
paligid ng daan, paakyat. Napakapula ng lupa at may mga naglalakihang itim na bato
sa gilid...

"Hay naku, ang mahal-mahal ng mga dwarf na kawayan sa mga tindahan... Tapos, ang
dami pala dito..." comment ni Rane.

"Kaya nga. Ang laki pa ng nagastos ni Lolo Con para sa Japanese garden niya... Ang
dami pala dito ng mga halamang babagay doon... Tingnan mo, ang dami ding bonsai
dito oh... Natural pa... Tsaka, itong mga bato.. Heto iyong mga nilalagay sa mga
garden ng mga rich... Kalat-kalat lang dito." comment din ni Karen.

Natawa sina Blade sa tinuran ng mga ito. Habang paakyat sila ay panay ang tingin
din nila sa paligid. Napatigil bigla si Zech at agad na nagpunta sa gilid kung saan
may damuhan... Tila bermuda ang mga iyon, pero mas pino at maliliit ang mga damo na
iyon.

"Huh! Kung susuwertehen ka nga naman! May nahanap akong rare!" masaya niyang pakli.

Kinuha niya ang supot sa kanyang bulsa at nanguha na siya ng Tabtaborak-isa itong
rare na uri ng lumot na masarap kainin. Kung titingnan, mukha siyang seaweeds...
Halos magkapareho din sila sa lasa pero hindi siya maalat. Dark green na may pagka-
brown ang kulay nito.

"Ano bang kinukuha mo diyan?" tanong ni Hunter at naglakad palapit dito.

Napahinto siya at bahagyang nagulat ng makita niya kung ano ang matiyaga nitong
pinupulot sa damuhan.

"T-Tama ba ang hinala ko...? Ito iyong..."

"Ito nga... Tulungan mo kaya ako? Matutuwa ako kung ipaghahain mo kami nito
mamaya..."

Hindi na umimik si Hunter. Excited siyang namulot ng mga tuyong lumot. Kung
titingnan, mukha iyong maliliit na dahon na tuyo... Lumapit na rin sina Blade with
Conrad, Drake, Rane at Karen sa dalawa. Napatingin sila sa ginagawa ng mga ito.
Napakunot-noo si Blade ng makita niya kung ano ang pinagkakaabalahang kunin ng mga
ito sa damuhan.

"Anak na lase! Pati ba naman mga tuyong dahon, pinag-aaksayahan niyo ng panahon?
Abuwisit ak pa! Tara na kaya!" untag niya sa dalawa.

"Alam mo, Blade... Hindi naman tuyong dahon ang mga ito eh... Isa itong rare at
napakasarap na pagkain. Isa itong uri ng lumot na edible kainin at once in a blue
moon lang. Kaya sinasamantala na namin ang pagkuha... Baka in the next many
years... Hindi na tayo makakakain nito..." wika ni Hunter.

"Nalase! Bakit di niyo sinabi agad! Tara lets! Tulungan natin sila!"

Mabilis na pumunta si Blade sa kinaroroonan nina Hunter at Zech (Archer) at agad na


tumulong sa pamumulot. Bumaba din si Conrad at tumulong... Nakangiti namang lumapit
sina Drake, Karen at Rane. Ngayon lang nila nalaman ang tungkol sa pagkaing iyan...
Pagkatapos nilang manguha ng Tabtaborak ay nagpatuloy na sila sa paglalakad.
Paakyat sila sa itaas ng bundok...

"Huh, Huh.... Grabeh.... Nakakapagod! At ang taas na natin!" humihingal na wika ni


Karen.

"Tama ka..." ayon ni Rane.

Tumingin sila sa view na natatanaw nila... Ang lawak ng patalan. Parang hindi sila
makapaniwala na nilakad nila iyon kanina...

"Mga weak naman pala kayo eh! Bakit kasi sumama pa kayo!" kantyaw ni Conrad sa mga
ate niya.

Napaismid ang dalawa at yamot na tumingin sa kanya.

"Ang lakas mong mangantyaw porket buhat ka ni Sir Blade! Eh kung bumaba ka rin kaya
at maglakad?!" inis na turan ni Karen.

"Ha ha ha ha! Ayaw ko nga!"

"ABUWISIT AK PA!!!..." halos sabay na wika ng mga ate niya.

Nagtawanan ang mga big boys... Pagkatapos noon ay nagpatuloy na sila sa paglalakad.
Natatanaw na nila ang kubo na nasa pinakatuktok ng bundok na napapagitnaan ng
dalawang puno. Malawak na damuhan ang pinakaitaas... Mukha iyong view sa ibang
bansa. Sa wakas, nakarating na rin sila sa parte ng gubat at nagsimula na silang
mangahoy. Medyo patag ang bahaging iyon ng bundok. Tumulong din ang tatlong
magkakapatid kina Blade sa pangangahoy. Natutuwa nga silang tingnan si Conrad na
matiyagang namumulot ng mga maliliit na tuyong kahoy. Hindi nakapagpigil si Hunter,
kinuhanan niya ng stolen shot ang bata.

"Dito lang kayong tatlo, kasama ni Hunter at maglilibot-libot lang kami sa bundok."
wika ni Drake.

"Korek! Maghahanap kami ng mga prutas!" segunda ni Blade.

"Okay, ingat!" nakangiting sagot ni Conrad.

Ngumiti sina Zech(Archer), Blade at Drake sa bata bago sila lumakad sa kanya-
kanyang direksyon. Nagpatuloy naman sina Hunter, Rane, Karen at Conrad sa
pangunguha at pag-iipon ng mga kahoy na kanilang panggatong. Nang marami na silang
naipon, inayos at inilagay nila iyong lahat sa dalang sako ni Hunter. Ilang sandali
silang nagpahinga... Tapos, bigla nilang naisip na pumunta sa may kubo... Malapit
na lang iyon, tila isang maliit na burol na nasa tuktok ng bundok ang itsura ng
lugar na kinatatayuan nito... Hawig sa famous na Chocolate Hills ng Bohol.

"Grabe, ang ganda ng view! At parang ang sarap matulog!" wika ni Hunter.

Nahiga siya sa papag. Ang mga batang kasama niya, busy sa picture taking... Hindi
rin naman siya nakatiis, naki-join na siya.... Matapos iyon ay bumaba na sila sa
tuktok at bumalik sa gubat. Ilang sandali pa, dumating na ang tatlong lalaki na may
kanya-kanyang dala...

"Heto, matatamis ang mga ito... Mga berdeng tubo ang nakita ko. At maraming-
maraming pinya na hinog na... Ang daming wild na pinya doon sa napuntahan ko,
parang plantasyon na ng Delmonte.." nakangiting wika ni Drake.

"Huh, ako naman... Mga hinog na bunga ng saging!" mayabang na wika ni Blade.

"Mga hinog na papaya ang sa akin. Kumuha din ako ng hilaw para sa atsara...." si
Zech (Archer).

"Wow, hindi ka pala magugutom sa lugar na ito..."

"Kaya nga may mga nakatira na rin dito eh... Wala daw may-ari sa mga saging na
nakita ko kaya kumuha ako... Binigyan ko din iyong Ale na napagtanungan ko." wika
ni Blade.

"Wala ring may-ari sa mga papayang kinuha ko dahil sa gilid ng bangin ko sila
nakita..."

"Eh di lalo naman sa akin... Dati na raw ang malawak na pinyahan na ito sa
bundok... Ang yaman pala ng lugar na 'to, no?" wika pa ni Drake.

"Kaya nga... Sana, manatiling ganito ang bundok na ito... Para makita pa ng iba..."
wika ni Hunter.

"Pareng Conrad, pasensiya na ah? Di na kita mabubuhat kasi may mga dala ako eh.."
wika ni Blade.

"Ayos lang. Kaya ko naman siguro... O kaya ipagulong niyo na lang ako pababa para
mabilis?"

Natawa sila sa tinuran ng bata.

"Conrad, pagpapakamatay iyang sinasabi mo." kontra ni Karen.


"Joke lang naman, ate."

Napailing na lang si Rane. Naglakad na sila pababa... At mas mahirap iyon kaysa sa
pag-akyat. Hinihila ka kasi pababa ng gravity kaya kailangan ng matinding pag-
iingat. Idagdag pa ang maliliit na bato na nagkalat sa trail. Parehong inaalalayan
nina Karen at Rane si Conrad. Nang makababa sila ay nadatnan nila ang lahat na
abala sa paglilinis ng mga suso at mga nahuling isda... Nagsasaing na rin ng kanin
sina Lolo Gusting at Baste... Nakangiti silang lumapit sa lahat.

"Oh, saan kayo kumuha ng mga panggatong?" tanong ni Hunter.

Napatingin sila sa ilang piraso ng kahoy na nasa gilid.

"Diyan lang sa gilid ng bundok... Nakahap kami ng ilang kahoy. Kinuha na namin para
makapagsaing na kami. At kumuha na rin kami ng mga dahon ng saging na paglalatagan
ng mga pagkain natin mamaya. Mukhang marami kayong nakuha sa bundok ah?" wika ni
Baste.

"Oo eh. Sige, umpisahan na natin!" excited na wika ni Hunter.

Tulung-tulong ang lahat sa paggawa. Mga hito, dalag, gurami, mga native na tilapia
at mga maliliit na hipon ang nakuhang isda nila Lolo Gusting. Tuwang-tuwa si Ai
habang nag-iihaw ng mga isda na tilapia, hito at dalag... Pumapalag pa kasi ang mga
iyon habang nakasalang sa ihawan... Pinahiran lang ang mga isda ng asin ngunit
umaalingasaw ang napakasarap at napakabangong amoy ng mga iyon. Ibang-iba talaga
kapag sariwa... Katulong niya doon sina Barry at Van.

Si Zech naman ang bahalang naglilinis sa Tabtaborak na nakuha niya... Kailangang


ibabad muna iyon sa tubig para lumaki at lumapad... Ilang sandali lang, mukha nang
malalaking seaweeds ang mga iyon. Kailangan iyong hugasan ng mahigit sa sampung
beses para malinis na maigi. Pagkatapos noon, puwede na iyong iluto sa kung ano ang
gusto mo. Samantalang si Azrael, busy sa pagkuha ng larawan ng lahat. Lumapit siya
kay Zech na abala sa paglilinis ng Tabtaborak. Kinuhanan niya ito ng larawan.
Napatigil si Zech sa ginagawa at naiiling na napatingin kay Azrael. Tumabi ito sa
kanya at tinulungan na siya.

"Alam mo, nasorpresa ako na makita kita dito. Mukhang masaya kang kasama sina Blade
ah?" wika ni Azrael.

Napangiti lang si Zech sa sinabi nito.

"Kaya lang, natatakpan ng isang maskara ang iyong mukha... Archer pala ha? Sa
tingin ko, mas makakabuti kong magsasabi ka na ng totoo..." wika pa ulit ni Azrael.

Sumeryoso ang mukha niya at tumingin siya sa mukha nito.

"Gusto ko, pero natatakot ako. Baka hindi nila ako mapatawad..."

Tumawa ng mahina si Azrael.

"Walang kasalanang hindi mapapatawad. Kahit na mahirap, gawin mo. Para sa ikabubuti
mo rin itong sinasabi ko sa'yo."

Natahimik si Zech at ipinagpatuloy ang ginagawa. Hindi na rin muling nagsalita si


Azrael... Samantala...

Sina Lolo Gusting at Baste naman ang bahala sa mga hipon. Igigisa nila iyon na
parang chicharon... Pero may ibinukod si Lolo Gusting dahil may isa pa siyang
recipe... Ang Jumping Salad. Sina Drake at Blade naman ang bahala sa mga nakuhang
prutas... Ang mga girls at iba pa ang naglilinis sa mga suso... Kailangang
tanggalin ang puwet ng mga iyon para madali mong makuha ang laman kapag ni-lips to
lips. Iluluto nila iyon sa gata ng niyog... At si Conrad naman.... Well, busy na
siya sa pagpapak ng inihaw na tilapia na nahingi niya.

"Kamusta, Conrad?" tanong ni Barry.

"Masarap! Iba ang lasa nito, mas masarap siya kaysa doon sa malalaking tilapia na
tinitinda sa palengke."

"Siyempre, native eh... Tsaka bagong huli!" nakangiting wika ni Van.

Ilang sandali lang ay inilatag na nila ang mga dahon ng saging na kanilang
pagkakainan. Magkakamay silang lahat. Nagsandok na si Blade ng kanin sa kaldero at
inilatag iyon sa dahon ng saging... Nandoon na rin ang mga inihaw na isda na may
katabing kamatis na may patis... At siyempre, ang ginisang hipon. Medyo natigilan
ang lahat ng ihain ni Hunter ang Tabtaborak. Salad ang ginawa niya doon. Binuhusan
ng mainit na mainit na tubig at tinimplahan ng mga pampalasa... Pero ang ginamit
niyang pampaasim ay sampalok... Inilaga niya ang mga iyon at kinuha ang napakaasim
nitong katas.

"Where did you get that?" nagtatakang tanong ni Ai.

"Sa bundok. Hindi iyan seaweeds. Isa iyang uri ng lumot na edible kainin." wika ni
Hunter.

Nagkanya-kanyang react ang lahat...

"Tikman niyo kaya bago niyo husgahan?" wika ni Zech (Archer).

"Ako na..." matapang na wika ni Karen.

Kumuha siya ng maliit na piraso at kinain niya... Natigilan siya at sunud-sunod ang
kuha niya.

"Uy, ang sarap nga! Ngayon lang ako nakakain ng ganito! Iba ang lasa niya, hindi
nakakaumay!"

Dahil sa sinabi nito ay iyon ang unang nilantakan ng lahat.... Tapos, iyon na ang
simula ng masaya at medyo magulong kainan! Hirap na hirap naman si Ai sa pagkain ng
nagkakamay kasi hindi siya marunong. Kaya naman tinuruan ito ni Blade... Pati na
rin sa pagkain ng suso...

Inihain na rin ni Lolo Gusting ang kanyang Jumping Salad... Tumatalon-talon pa


talaga ang mga hilaw na hipon na nilagyan ng mga pampalasa at pinigaan ng
kalamansi.

"Kisamma! Buhay na buhay, kinakain!" nandidiring comment ni Ai.

"Aba, masarap 'to. Lalo na kapag may kasamang alak!" wika ni Lolo Gusting.

Pagkatapos ay inilabas niya iyong baon niyang alak. Iyon yung saki na bigay ni Ai.
Napatingin siya sa mga kasama niya na nagsipagkuha ng naturang pagkain... Maliban
kay Conrad. Nandidiri din kasi itong tulad siya. Isa pa, hindi pa raw ito puwede
dahil bata pa ito. Napalunok siya dahil nilalamon siya ng inggit. Sa bandang huli,
kumuha na rin siya ng hilaw na hipon at tinikman iyon... Oh well, nasarapan siya!
Para lang pala siyang kumakain ng sashimi at sushi. Natawa ang lahat dahil siya na
ang nakarami. Malinis na malinis ang mga bukal na pinagkukuhanan nila ng kanilang
inumin... At ang lasa ng tubig, mas masarap pa sa mineral water dahil hindi lang
ito nakakapawi ng uhaw kundi nakakagaan din ng pakiramdam ang lasa nito. Basta,
hindi niya ma-explain.

Ibang klase din ang tamis ng mga prutas na panghimagas nila... Lalo na iyong green
na tubo, hindi nakakaumay ang tamis... Ibang-iba doon sa pula. Nagpababa muna
silang lahat ng kinain at nagligpit ng kanilang mga kalat. Inilagay nila iyon sa
mga sakong dala nila. Matapos iyon ay ang walang humpay na swimming! Si Lolo
Gusting naman, natulog dahil tinamaan sa nainom. Sinamahan ito ni Baste.

Lumayo naman si Ai... Pumunta siya sa maagos na bahagi ng ilog. Mas challenging
para sa kanya ang lumangoy doon... Abala siya sa paglangoy, nilalabanan niya ang
agos ng tubig, hanggang sa nangyari ang hindi niya inaasahan... Nahubad ang suot
niyang trunks. Akma niyang kukunin iyon dahil nasabit iyon sa talahib ngunit
naulinigan niya ang mga babaing estudiyante ni Blade na papunta sa kinaroroonan
niya.

"Kisamma! Baka!" inis niyang turan sa kanyang sarili.

Mabilis siyang nagtago sa likod ng malalaking bato. Lagot siya nito, nahubaran siya
ng wala sa oras... Problema niya ngayon ang kanyang trunks... Napatingala siya sa
langit ng wala sa oras at napadasal na sana... Umalis agad ang mga girls....

Samantala....

"Kuya Hunter, ikaw na muna ang bahalang magbantay kay Conrad... Maglalakad-lakad
lang ako." nakangiting wika ni Karen.

"Okay, basta huwag kang lalayo. Baka mawala ka." wika lang ni Hunter.

"Oo. Salamat Kuya!"

Tumingin muna si Karen kay Rane bago siya umalis. Iyon na ang plano niya... Ngumiti
na lang si Rane. Pumunta sa may ibabang bahagi ng ilog si Karen. Naupo siya sa
malaking bato na nasa gilid ng puno ng kamatsile. Napatingin siya pinong
buhangin... Hindi mabato ang parteng iyon. Inalis niya ang kanyang tsinelas at
nilaro niya ang buhangin. Napadaan ang mga kaklase ni Rane... Sina Tricia, Rhea,
Rose, Emilyn at Hanna.

"Saan kayo galing?" tanong niya sa mga ito.

"Diyan lang sa maagos na parte ng ilog. Sinubukan naming magtampisaw kaso.. Ang
dulas pala ng mga bato at hindi namin kaya ang agos ng tubig." sagot ni Tricia.

"Ah... Okay..."

"Sige, balik na kami doon, ate." wika pa ni Tricia.

Ngumiti na lang siya sa mga ito. Umalis na ang mga ito at pumunta sa kinaroroonan
ng lahat. Medyo na-boring siya... Tumayo na siya. Napagpasyahan niyang bigla na
tingnan ang maagos na parte ng ilog. Samantala... Natuwa si Ai ng umalis na ang mga
babae. Bago siya tuluyang lumabas mula sa batuhan ay sumilip muna siya sa paligid.
'Mahirap na'. Nang masiguro niya na walang tao ay agad siyang naglakad papunta sa
kinaroroonan ng trunks niya... Kumuha siya ng dahon ng saging na nasa tabi niya.
Maliit pa ang punong iyon pero makakatulong na ng malaki ang dahon nito para
matakpan ang kanyang... Hirap siya sa paglalakad dahil bukod sa maagos ang tubig...
Napakadulas pa ng mga bato. Hanggang sa... Nadulas na nga siya at naanod ang dahon
ng saging na pantakip siya sa ano... Kanyang angry bird.
"Waaah!" sigaw pa ni Ai ng madulas siya.

Tapos, isang malakas na splash ng tubig ang umalingawngaw sa paligid. Samantala...

"Ha? May tao yata doon! Ano kayang nangyari? Parang nadisgrasya... Tingnan ko nga
at tulungan ko." wika ni Karen.

Patakbo siyang nagpunta sa lugar na pinanggalingan ng narinig niyang sigaw. Marahas


niyang hinawi ang mga nakatakip na talahib... Siya namang pagbangon ni Ai at gulat
silang nagkatingan...Sabay...

"Aaaah!" sigaw ni Ai.

"Eeeeh!" si Karen.

Mabilis siyang tumalikod at tinakpan ang kanyang mga mata.

"Grabeh... Nakakahiya ako... Nakita ko si Ai ng ano... Abuwisit ak pa! Bakit ba


kasi nakahubad siya dito?!"

Nag-iinit ang mukha niya ng sobra ng sandaling iyon... Ilang sandali pa, umiling-
iling siya..

"H-Hindi... Wala akong nakita... Natakpan ko ang mga mata ko... Pero infairness,
huh... Ang puti niya! Ay na apo! Ano bang sinasabi ko... Wala nga akong nakita!
Nakatakip ang mga talahib!" wika niya sa sarili.

Nakatalikod naman si Ai at inilubog ang kanyang katawan sa tubig. Ito na ang


pinaka-embarrasing moment niya. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang sabihin
kay Karen. Ilang beses siyang bumuntung-hininga at lumingon sa dalaga. Nakatalikod
ito at mukhang shock din sa nangyari.

"Gomen nasai, Karen! I'm really sorry..." umpisa ni Ai.

Natigilan naman si Karen at wala sa oras na inalis niya ang kanyang mga kamay na
nakatakip sa kanyang mga mata. Pero nanatili siyang nakatalikod.

"B-Bakit ba kasi nakaano ka diyan...?!" galit niyang tanong.

Ipinaliwanag ni Ai ang nangyari. Nasapo naman ni Karen ang noo. Ibang klase din
naman kasi magtrip ang isang ito kaya napahamak...

"Did you see something...?" lakas-loob na tanong ni Ai.

Napatanga si Karen sa tanong nito. Nanuyo yatang bigla ang lalamunan niya.

"W-Wala! Wala akong nakita..." kinakabahan niyang sagot.

Super defensive din ang boses niya. Naghinala naman si Ai sa tono ng pananalita
nito. Ang bilis at parang siguradung-sigurado...

"I want the truth!" matapang niyang pahayag.

Napaismid naman si Karen. 'Buwisit 'tong Hapon na ito ah? Gusto mo ng totoo? Fine!'

"My gosh! It's your fault! My eyes are not virgin anymore, because of you! I hate
you 3x a day!" galit niyang wika.

Namula si Ai... So, may nakakita na ng kanyang pinakaiingatan niyang kayamanan.


Pero kasalanan naman niya. Kung hindi ba naman siya tanga at gago...

"Nande ittanoyo?" nagbingi-bingihan niyang wika.

( nande ittanoyo-what did you say? )

"Ah basta, ewan ko sa'yo!"

"Please, do me a favor... Kailangan ko ng tulong mo... I know this is so


embarrasing. But please... Help me..." nagmamakaawang wika ni Ai.

Naawa naman si Karen. Alam niyang hindi naman ito nagkukunwari o nagbibiro.

"S-Sige, ano bang tulong ang magagawa ko?" tanong niya.

"Pakikuha naman ang trunks ko doon sa may talahib... Please... You know my
situation." pakiusap ni Ai.

Napangiwi si Karen... Naka-Oo na siya. Turo pa naman ng kanilang magulang na hindi


nila puwedeng baliin ang kanilang mga salita... Pinalaki silang may paninindigan.
Napatingin siya sa kinaroroonan ng trunks nito. Malapit lang iyon sa kinaroroonan
niya. Lumusong siya sa tubig at napalunok. Marahan siyang naglakad. Madali lang
niyang nakuha ang trunks ni Ai. Medyo nandidiri siya ng kunin niya iyon. Marahan
siyang naglakad palapit dito... Pero dumistansiya siya.

"Heto na ang trunks mo!"

Malakas niya iyong hinagis sa kinaroroonan nito. Siya namang pagharap ni Ai eksakto
iyong lumanding sa mukha nito. Natawa si Karen sa nangyari. Tumalikod na siya. Agad
namang isinuot ni Ai ang trunks niya. Tumayo na siya.

"Karen, thank you... May utang ako sa'yo..." wika niya.

"W-Wala iyon. Basta ba, mag-ingat ka na sa susunod."

"Hai!"

Nang maglalakad na si Karen pabalik sa gilid ay bigla siyang nadulas. Mabilis


namang pinuntahan ni Ai si Karen pero bago pa man siya makarating sa kinaroroonan
nito, nadulas din siya.

Samantala... Nilapitan ni Rane sina Blade at Drake. Mukhang matagal-tagal na rin


ang oras na ibinigay niya kay Karen.

"Oh Rane... Bakit?" tanong ni Drake.

"Puwede bang samahan niyo akong hanapin si Karen? Kanina pa siya wala eh. Sabi niya
maglalakad-lakad lang siya... Eh kanina pa iyon eh..."

"Sige, sasamahan ka namin. Isa pa, kailangan ko na ring hanapin si Ai. Nawawala na
rin ang isang iyon eh." wika ni Blade.

Naglakad na sila. Hinintay muna ni Rane na makalayo sila ng kaunti bago siya
nagsalita.

"Siya nga pala... May sasabihin ako sa inyo... Pero sa atin lang ito at huwag
niyong sasabihin kay Kuya Hunter..." umpisa niya.

"Ano ba iyon?" tanong ni Blade.


"Ahm... Sa totoo lang, sa darating na birthday ng Lolo namin... Uuwi si ate Serene.
Iyong okasyon kasi na iyon, parang reunion na namin... Kailangang kumpleto. Kaya
nga naisipan namin ni Karen na si Kuya Hunter ang irekomendang chief kina Mommy at
Daddy... Bukod sa magaling talaga siya eh iyon talaga ang unang dahilan..."

Natawa ng mahina sina Blade at Drake.

"Mukhang masaya iyon ah?" pakli ni Drake.

Natawa na rin si Rane.

"Kung ganoon, itong paghahanap kay Karen.. Plano niyo lang ito para mailayo kaming
dalawa kay Hunter at masabi mo iyan?" tanong ni Blade.

"Hmmm... Oo. Pero hanapin na rin natin siya. Mukhang nawili na siya sa pamamasyal."

"Huwag kang mag-alala, hindi naman siguro gaanong lalayo si Karen. Si Ai...
Malamang, sumakit ang ulo natin sa paghahanap sa kanya." wika ni Drake.

Nagpatuloy sila sa paglalakad at natigilan sila ng may marinig silang mga boses...

"Ai naman! Bakit ba kasi pabigla-bigla ka?!"

"Eh ikaw naman kasi eh!"

Natigilan silang tatlo ng marinig nila ang boses na mga iyon... Napalunok sila.

"Anong ako? Ikaw ang nag-umpisa nito, kasalanan mo!"

"Hai... Pero nahihirapan din naman ako eh!"

"At sa tingin mo hindi ako nahihirapan?"

Nag-aaway na ang dalawa kasi tuwing tinutulungan nilang itayo ang isa't-isa...
Nadudulas sila kaya hindi na sila makaalis-alis.

"Mukhang nag-aaway ang dalawa. Awatin natin sila." wika ni Rane.

"Sa tingin ko nga. Baka mauwi pa sa kung saan ang away nila." ayon ni Drake.

Naglakad sila papunta sa ilog ngunit natigilan na naman sila dahil...

"Gawin na lang ulit natin." si Ai.

"Okay."

Pinilit ni Ai na tumayo at pagkatapos noon ay tinulungan niyang makatayo si Karen.


Magkahawak-kamay silang naglakad ngunit muli silang nadulas pareho. Napaibabaw
tuloy si Karen kay Ai.

"Kisamma! Bakit ka naman pumatong sa akin?! Mas mahihirapan tayo sa ganito!"

Inis na tumingin si Karen sa mukha ni Ai.

"Ang arte mo! Bakit, sa tingin mo hindi ako nahihirapan sa ganitong posisyon?! Eh
kung gumalaw-galaw ka kaya para matulungan mo ako?!"

Hirap sa pagtayo si Karen dahil sa malakas na agos ng tubig. Napasinghap naman si


Rane sa narinig at nasapo ang kanyang bibig. Natapatingin siya sa mga kasama niya.
Gulat din ang mga ito at hindi sila makapaniwala.

"G-Grabe pala ang stepsister mo... Ang wild niya.." pakli ni Drake.

"H-Hindi ganoon si Karen..." kontra ni Rane.

Biglang dumating si Zech. Si Hunter sana ang susunod sa mga ito pero inunahan
niya... Sinabihan siya kasi ni Rane tungkol sa plano nila ni Karen. Kaya ayon, busy
si Hunter sa pagbabantay kay Conrad at binabantayan naman ito ni Azrael para
siguruhing hindi susunod sa kanila.

"Bakit ba ang tagal niyo? Akala ko ba hahanapin niyo sina Ai at Karen? Bakit
nakatanga lang kayo diyan?" tanong niya sa tatlo.

Walang makapagsalita....

"Hey, pipi na ba kayo?" tanong ulit niya.

Samantala... Kinagat ng eksekto ang likod ni Karen napabalikwas siya ng wala sa


oras at nahulog. Hindi niya alam kung anong insekto ang kumagat sa kanyang likod...
Pero sobrang kati noon.

"A-Aaaaah!" napaungol siya sa kati noon.

Pinipilit niyang abutin ang parteng iyon ng kanyang likod pero di niya maabot. Para
na siyang kiti-kiti. Tumayo siya... Pinilit din ni Ai na tumayo. Dinaluhan niya si
Karen at siya na ang kumamot sa likod nito.

"Sige... Ganyan Ai... Diinan mo nga ng kaunti!"

Namula naman si Zech at napatingin sa tatlo. Mukhang may idea na siya kung bakit
tulala ang mga ito.

"Bakit hindi niyo sila pigilan?" tanong niya.

"Pipigilan mo ba sila eh ano na nga ang lase... Kuwan...." namumulang wika ni


Blade.

Samantalang si Karen, nagiginhawaan sa pagkamot ni Ai sa likod niyang nangangati...

"Ai, puwede bang bilisan mo pa?" request niya.

"Okay..."

Sumunod nga si Ai...

"Oh shit! Ang sarap! Sige pa..."

"Mapapagod ako nito.." comment ni Ai.

"Huwag kang tumigil!"

"Demanding."

"May utang ka sa akin kaya dapat bumawi ka. Kaya huwag kang tumigil diyan. Ay na
apo..."

"Please, huwag ka ngang maingay..."


"Shit, di ko mapigilan eh.. Ikaw naman kasi. Mas bilisan mo pa at diinan mo pa ng
kaunti..."

Yamot namang sumunod si Ai. Mukhang namimihasa na ang isang ito...

"Yan.... Yan... Galing mo Ai!"

Tumawa ng mahina si Ai kasi nadudumihan ang utak niya sa mga oras na iyon...
Natatawa siya kay Karen. Samantala...

Napapunas sa noo si Drake dahil sa kanilang mga naririnig.

"Mapipigilan mo ba ang ganyan... Eh mukhang nag-e-enjoy na sila..."bulong niya.

Kahit na mahinang bulong lang iyon, narinig iyon ng lahat... Sabay naman na
binatukan nina Blade at Zech si Drake.

"Abuwisit ak pa!"

Naiiyak naman na si Rane at hindi malaman ang gagawin. Hindi siya makapaniwala...
Hanggang sa hindi na siya nakatiis. Siya na ang naglakad papunta sa kinaroroonan ng
mga ito. Marahas niyang hinawi ang mga talahib. Bahala na kung ano ang makikita
niya. Kung nagulat sina Ai at Karen sa kanyang pagsulpot... Mas nagulat siya...
Kasi naman... Kinakamot lang naman pala ni Ai ang likod ni Karen, wala nang iba.
Guilty siyang tumingin sa mga ito at napangiti. Sumunod sa kanya ang mga kasama
niya... At kagaya niya... Napahiya din ang mga ito. Tinulungan nila ang dalawa na
makaalis doon. Ikinuwento ng dalawa ang nangyari at lalo lang silang napahiya dahil
sa mali nilang akala... Binuhusan niya ng alcohol ang kinating likod ni Karen at
panay ang reklamo nito dahil sa hapdi...

Noong pauwi na sila, naiilang sa isa't-isa sina Ai at Karen... Pero unang nagsalita
si Ai...

"Iyong nangyari kanina... Sorry talaga..."

"S-Sorry din... Huwag kang mag-alala, wala naman akong nakita dahil sa tubig...
Nakalubog ka doon at... Basta, wala akong nakita. Sorry, may kasalanan din ako..."
si Karen.

"It's good to hear that... Thank you..."

Nakahinga ng maluwag si Ai. Matapos iyon, tinawanan na lang nila iyong nangyari sa
kanila kanina... Sina Rane, Blade, Drake at Zech naman...

"Over... Ang dudumi pala ng mga utak natin..." wika ni Rane.

Natawa ang mga lalaki... Hindi na sila nagcomment. Pero nakakadumi naman talaga ng
utak kapag ganoon... Masaya ang picnic nila dahil may kung anu-ano silang napulot
at natutunan.

7. "A Savage Angel"


"A Savage Angel"

"Matagal kang nawala, Creta. Sabihin mo, anong nangyari sa'yo?" casual na tanong ni
Tumand sa kanya.

Balewala siyang tumingin sa mukha nito at nagkibit-balikat.

"Wala namang nangyari sa akin. Nainip lang ako kaya naisipan kong maglagalag na
muna. Hinanap mo ba ako para lang kamustahin ako? Ang sweet mo naman kung ganoon."

Nasa isang tagong bar sila at umiinom. Nasa sulok silang dalawa at iilan lang ang
taong naroon dahil mag-uumaga na.

"Nakakadiri naman iyang sinasabi mo. Huh, sweet.... Yuck with a sticky shit!"
napailing na wika ni Tumand.

Natawa ng mahina si Creta.

"Kung hindi iyan ang rason, ano ba ang atin?"

Ngumiti ng makahulugan si Tumand bago magsalita.

"Balak bumisita sandali ni Mammon dito sa mundo ng mga tao... Medyo enteresado siya
sa Blood Demon na bestfriend ng walang-hiyang animal na si Blade. Hindi rin naman
siya magtatagal dahil malaki sa kanyang lakas ang ibinubuhos niya makapunta lang
dito... Alam mo namang nakatali na ang buong kaluluwa ng Seven Prince of Hell sa
impiyerno. Kaya limitado lang sila dito sa lupa."

Mammon-one of the Seven Prince of Hell. The sin of Greed.

"Naging entersado siya sa Blood Demon na isa ring traidor sa Hell? Huh,
nakakamangha naman yata iyan."

"Siguro... Pero may kakaiba siya sigurong nakita sa Blood Demon na iyon kaya
napukaw ang kanyang enteres. Isa pa, nanalaytay sa katawan ng nilalang na iyon ang
kanyang dugo. Wala naman tayo sa posisyon para makialam sa kung ano ang balak niya.
Basta ang gagawin lang natin, tulungan ang Seven Prince of Hell para makuha ang
mundo na para sa atin... Dahil sa ngayon, tayong mga fallen angels na nandito sa
lupa... Walang mundong kinabibilangan. Ang main goal lang naman natin ay magkaroon
ng mundo na matatawag nating atin..." mahabang wika ni Tumand.
Pinili na lang manahimik ni Creta.

"Siya nga pala, bukas ang pagdating ni Mammon. At kagaya ng nakagawian, magkakaroon
tayo ng pag-aalay sa kanya bilang pagsalubong. Kailangan niya ng kaluluwang
makakain para makabawi sa lakas na mawawala sa kanya. Mahirap maging kampante,
kailangan niyang maging malakas sa lahat ng oras na narito siya dahil siguradong
nakabantay ang langit. Maaari siyang mapalaban kahit na anong oras."

"Sa dating lugar pa rin ba?" tanong niya.

"Oo naman. Napakalakas pa ng barrier ng gusaling iyon kaya hindi na natin


kailangang lumipat pa."

"Okay..." sagot lang ni Creta.

Tumingin siya sa ibang direksyon at uminom ng alak. Nakatitig naman si Tumand sa


kasama at pinag-aaralan nito ang kilos ni Creta. Hindi maikakaila ang kakaiba
nitong kilos. Napangisi siya ng lihim sa kanyang napansin...

Kinabukasan, abala ang Black Circle Organization sa paghahanda sa pagdating ni


Mammon. Maraming dark pentagram ang inilagay sa paligid para sa mas malakas na dark
aura. Malaki ang maitutulong noon sa pagdaan ni Mammon sa isang portal papunta sa
mundo ng mga tao. Gawa ang mga pentagram na iyon sa mga sariwang dugo ng tao.. Mga
taong corrupted ang kaluluwa ng kasamaan. Evil soul of human was the best portal of
demons... Nakahanda na ang lahat ng dumating si Creta. Napatingin siya sa
paligid... Kumpleto na ang mga Fallen Angels na kasama niya. Vaulant, Ike, Tumand,
Legion, Colossus, Hydrian, Ziggur, Hideus, at Bony. Napatingin siya sa tatlong
bakanteng puwesto... Ang unang dalawa ay kina Astaroth at Brach... Mga kasamahan
nila na nabigo sa pakikipaglaban kina Blade... At ang natitirang puwesto ay kay
Zech... Ang dati nilang kasamahan na tuluyan nang tumiwalag at mas pinili ang
tahimik na buhay.

Matagal siyang tumitig sa puwesto nito at hindi niya maiwasang makaramdam ng


inggit. Base sa huli nilang pag-uusap, masaya na ito sa kung ano ang kinahinatnan
ng pagtiwalag nito.... Hindi niya alam kung ano ang ginawa nito at binigyan daw ito
ng langit ng isa pang pagkakataon... Gusto na rin niyang tumiwalag sa mga sandaling
ito... Ngunit tuwing maiisip niya na ang langit ang bumawi sa buhay ng kanyang mga
pinakamamahal, nagagalit siya... Marahas siyang bumuntung-hininga at napahawak sa
locket ng kanyang kuwintas...

Nagtataka siya ngayon sa kanyang nararamdaman... Hindi na ganoon katindi ang galit
na nararamdaman niya sa kanyang sarili... Mistula na lamang iyong tampo, matinding
tampo. Pinagalitan niya ang sarili sa kung anu-ano niyang iniisip. Kailangang
iwaksi niya iyon...

"Creta, may problema ba?" biglang tanong ni Vaulant.

Napaangat ng tingin si Creta at pagkatapos ay marahan siyang umiling.

"Wala ito... May iniisip lang ako at wala namang kuwenta iyon." casual niyang
sagot.

"Ganoon ba?" simpleng wika ni Vaulant.

Ngunit mahahalata ang pagdududa sa boses nito. Sinuri din nito ang mukha ni Creta
na para bang isang subject sa isang experiment... Ganoon din ang ginawa ng iba,
sinuri si Creta. Hindi na lang umimik at gumalaw ang huli para hindi na siya lalong
pansinin pa.
"Malapit nang dumating si Mammon. Kailangan na nating maghanda." anunsyo ni Ike.

Tumuon ang atensyon ng lahat sa malaking pentagram na pinaliligiran nila. May mga
mahihinang demon na kasama nila sa pagsalubong kay Mammon. Sasalubungin ng mga ito
ang isa sa Panginoon ng impiyerno na lubos na sinasamba at kinikilala ng mga ito.
Ilang sandali lang ay unti-unting yumanig ang paligid... At habang nangyayari ang
pagyanig na iyon, unti-unting kumukulo ang mga dugong nakaguhit na pentagram....
Umaangat ang mga patak noon mula sa sahig at nagiging maliliit na butil na
mistulang patak ng ulan. Lahat ng patak ng dugo na iyon ay paunti-unting napupunta
sa sentro... Nagsasama-sama ang lahat ng iyon na mistulang pinakukuluan dahil sa
uri ng paggalaw nito.... Naipon ang lahat ng dugo sa gitna at bumuo iyon ng
maraming bola ng dugo...

Isang manipis na patak ng dugo ang umagos papunta sa sahig... Habang nangyayari
iyon ay unti-unting lumiliit ang kumpol ng bola ng dugo na nakalutang sa ere. Kahit
ilang beses nang nakita ni Creta ang ganitong pangyayari ay hindi pa rin niya
maiwasang matakot at kabahan... Ibang klase kasi ang kaitiman at kasamaan ng aurang
nararamdaman niya... Para iyong pinaghalong lamig at init na nakakapagpamanhid
hindi lang ng katawan kundi maging ng buong kaluluwa...

Ang manipis na dugo na pumapatak sa sahig ay naipon at unti-unting nagkaroon ng


hugis... Marahan iyong umaangat sa sahig.... Isang dugo na hugis-tao.... Marahan
ang pagbabago nito, nagkakaroon na ng detalye ang lahat... Hanggang sa tuluyan nang
naging tao ang dugong iyon... Nandito na si Mammon...

Nakatirintas ang maitim at mahaba nitong buhok... Ang iris ng mga mata nito ay
kulay-berde... Maputla na maputi ang kulay ng balat nito at may tattoo ito ng
pulang-apoy sa kaliwang pisngi. Nakasuot ito ng itim na sweater at maluwag na gray
na jogging pants. Nakayapak lang ito.

"Grabe, ang saya talaga sa pakiramdam ang pagtawid sa portal... Para kang tinutusok
ng napakaraming patalim!" nakangiti nitong wika sa lahat.

Tumingin ito sa paligid.

"Aba, kulang na yata ang grupo? Ay, nakeret na pala sina Astaroth at Brach... At
ang isa, naduwag ang animal... Nasaltek si Zech..." malumanay nitong wika.

"Nakakatuwa ka talaga, Mammon." nakangiting wika ni Ike.

Tumingin si Mammon dito at ngumiti.

"Hindi naman ako nagbago. Siya nga pala, ano ba ang alam niyo tungkol sa Blood
Demon? Naikuwento siya kasi sa akin ni Asmodeus... Medyo kulang ang detalye niya
dahil dumating daw agad si Raphael kaya hindi na niya nagawang kilalanin pa ang
nilalang na iyon... Anong klase ba siya, ha?"

Napahalukipkip si Hydrian at tumawa ng mahina.

"Isa siyang malupit na nilalang na uhaw sa karahasan at dugo... Napakaganda ng


kanyang demon form. Mukha siyang pulang-anghel... Kaya lang, baliw din siya kagaya
ni Aster... Isa rin siyang traidor sa impiyerno." paliwanag ni Hydrian.

Tumawa si Mammon, mapaklang tawa iyon... Naging matalim ang mga mata nito. At gigil
na gigil nitong kinuyom ang kanang-kamao.

"Isa na naman palang Failure Creation kung ganoon... Excited na akong makaharap
siya... Tiyak na masaya ang mangyayari kapag nagkita na kami..." makahulugang wika
ni Mammon.

Pagkatapos noon ay sinapo nito ang tiyan at parang bata na yamot na tumingin sa
lahat.

"Teka, may inihanda ba kayo para sa akin? Alam niyo naman na nakakaubos ng lakas
ang ginagawa naming pagtawid sa portal. Hindi rin biro ang enerhiya na kailangan
namin para lang makawala kami ng sandali sa impiyerno..." tila bata nitong wika.

"Siyempre, hindi namin iyon nakakalimutan. Tiyak na magugustuhan mo ang iaalay


namin sa'yo. Personal kong pinili ang isang ito..." nakangising wika ni Tumand.

He snap his fingers... Pagkatapos noon ay dumating ang dalawang mahihinang demon na
may akay-akay na batang lalaki. Mga apat na taong-gulang lang ito. Wala ito sa
sarili dahil ginamitan ito ng hipnotismo. Nakatulala lang ito sa hangin at hindi
makikitaan ng anumang emosyon ang mukha. Nanlaki ang mga mata ni Creta habang
nakatingin siya sa inosenteng bata... Marahas niyang ikinuyom ang kanyang mga
kamao.

Pumalakpak naman ng mahina si Mammon.

"Magaling! Mukha siyang masarap... Napakasariwa niya..." tinatakam nitong wika.

Kinagat nito ang pang-ibabang labi habang matiim na nakatitig sa bata. Doon na
hindi nakapagpigil si Creta.

"Teka lang, huwag mo siyang kainin... Kaya kitang ihanap ng iba!" wika niya.

Yamot na tumingin sa kanya si Mammon. Nakuha na rin niya ang atensyon ng lahat...

"Pero gutom na gutom na ako, Creta... Isa pa, ano bang pakialam mo sa batang ito eh
hindi mo naman siya kaanu-ano? Alalahanin mo, hindi siya ang anak mo..." may halong
pang-aasar ang huling salita nito.

"Tama siya. Bata lang iyan." segunda ni Tumand.

Galit siyang tumingin dito.

"Sheyt ka Tumand! Nananadya ka ba sa akin, ha?! Alam niyo naman lahat na.... Sheyt!
Hindi ko na kailangang sabihin pa!" inis niyang wika.

Tumawa si Mammon sa naging reaksyon ni Creta. Isang mapang-insultong tawa.


Pagkatapos noon ay seryoso itong tumingin kay Creta at saka nagsalita.

"Ganito na lang, pampalubag-loob... Kakainin ko na lang siya ng buo. Lulunukin ko


siya ng mabilis at hindi ako ngunguya. Madali ko lang iyong magagawa dahil demonyo
naman ako eh... Hindi niya mararamdaman ang pagkain ko sa kanya. Mabilis ko siyang
tutunawin sa aking tiyan para makuha ko agad ang kanyang lakas... Lalo na ang
sariwa niyang kaluluwa. Ayos na ba iyon sa'yo, Creta?"

Marahas na yumuko si Creta at napailing. Pero hindi na siya gumalaw.

"Silence means Yes... Sige ah, kakain na ako..." wika pa ni Mammon.

Naglakad na ito papunta sa bata na walang-malay. Doon na tila sumabog ang buong
pakiramdam ni Creta, hindi na siya nag-isip. Mabilis na kumalat sa paligid ang mga
baraha niya at pinasabog niya ang lahat ng iyon... Lumikha iyon ng napakakapal na
usok. Mabilis siyang kumilos at agad na kinuha ang bata para ilayo kay Mammon.
Hinagisan niya ito ng kanyang mga baraha ngunit nakaiwas ito. Isang galos lang sa
kanan nitong pisngi ang nagawa niya... Nasa ere siya ngayon at lumilipad buhat ang
bata. Nakalantad ang kanyang mga pakpak.

Marahas namang napahawak sa kanyang kanang-pisngi si Mammon at galit na tumingin


kay Creta. Pinagaling niya ang kanyang munting galos.

"How dare you 3x a day!... Isa kang traidor!"

Binalutan niya ang katawan ng berdeng apoy...

"Tapusin niyo siya!" utos niya sa lahat.

Pagkatapos noon ay mabilis na sinugod ng iba pang Fallen Angels si Creta.


Nangunguna sa pangkat na iyon si Tumand. Mabilis namang inilabas ni Creta ang
kanyang mga baraha at gumawa siya ng napakarami niyang clone para mapigilan niya ng
sandali ang mga ito... Pagkatapos noon ay lumapit siya sa pader ng gusali at
malakas niya iyong sinuntok para makagawa siya ng daan palabas. Mabilis niyang
nawasak ang pader at tumilapon sa kung saan-saan ang mga debris... Mabilis siyang
lumipad palayo habang kinakalaban ng mga dati niyang kasama ang mga clone niya.

Biglaan ang naging desisyon niya at wala siyang nararamdamang pagsisisi sa kanyang
ginawa. Ngunit hindi pa man siya gaanong nakakalayo... Biglang sumulpot sa harapan
niya si Mammon.

"Sa tingin mo ba matatakasan mo ako ng ganoon na lang? Masyado mo naman akong


minamaliit... Ibalik mo na lang sa akin iyang pagkain ko at nang sa ganoon...
Magaan lang na parusa ang ipapataw ko sa'yo..."

Hindi na nagsalita pa si Creta, bigla niyang hinagisan ng baraha si Mammon. Isang


King of Spade ngunit nasalo lang nito iyon ng walang kahirap-hirap.

"Hmmm... Mukhang hindi ka madadaan sa pakiusapan... Kung ganoon, ibibigay ko ang


gusto mo..."

Nakalutang lang sa ere si Mammon na parang isa lang kaluluwa... Ngunit ang katawan
nito ay nababalutan ng berdeng apoy... Inihanda niya ang kanyang sarili...

Ikinuyom ni Mammon ang kanyang kanang-kamao at inipon ang kanyang apoy doon...
Matapos noon ay sumuntok siya sa hangin at kumalat ang apoy mula sa kanyang kamao.
Lahat ng iyon ay patungo sa kanyang kalaban... Mabilis namang niyakap ni Creta ang
bata at ibinalot ang kanyang mga pakpak sa kanila...

"Uuuurgh!!..."

Napaungol sa sakit at hapdi si Creta. Napakainit ng apoy na tumama sa kanyang mga


pakpak... Tinutupok nito ang mga iyon...

"Kakaiba ang hapdi ng aking apoy, hindi ba?"

Nagulat si Creta ng biglang sumulpot sa kanyang likuran si Mammon. Ni hindi niya


namalayan ang aura nito. Hangin lang ang naramdaman niya kanina... Napatanga siya
ng bigla niyang naramdaman ang matulis na bagay na bumaon sa kanyang likod patungo
sa kanyang dibdib... Napatingin siya sa parteng iyon ng kanyang katawan, ang
matutulis at mahahaba nitong kuko ang nakabaon doon. Mabuti na lang at hindi
nahagip ng mga kukong iyon ang bata...

Nag-ipon siya ng puwersa para makawala sa mga kuko ni Mammon. Hindi niya malaman
kung anong klaseng sakit ang naramdaman niya ng pilitin niyang makalayo rito habang
unti-unting nahuhugot sa kanyang katawan ang mga kuko nito.
"Ang saya sa pakiramdam, hindi ba? Sa pagkakataong ito, hindi pala ako mag-isang
magbabalik sa impiyerno... Isasama kita para matapos ka na..." gigil na wika ni
Mammon.

"H-Huh... Mag-isa ka! Sheyt ka!"

Mabilis na bumaba si Creta at agad niyang itinago ang kanyang aura.... Agad niyang
dinala ang bata sa pinakamalapit na presinto na namataan niya... Para lang siyang
hangin na dumaan doon at sobrang nagulat ang mga tao sa biglaang pagsulpot ng
bata... Inalis na niya ang itim na mahikang ibinalot dito... Humalo siya sa kumpol
ng mga tao at hindi na niya gaanong pansin ang mga napapatingin sa kanya dahil sa
mga dugong dumadaloy sa katawan niya...

Lumiko siya sa isang madilim na eskinita at marahas niyang isinandal sa pader ang
kanyang katawan... Hindi na niya alam kung ano ang mangyayari sa kanya dahil sa
kanyang ginawa... At lalong hindi niya alam kung saan siya pupunta at hihingi ng
tulong.... Napatingala siya sa langit na napakadilim ng gabing iyon... New Moon
kaya hindi makikita ang buwan at nababalot ng makapal na itim na ulap ang langit
kaya walang mga bituin... Napahawak siya sa locket ng kanyang kuwintas at wala sa
sariling binuksan iyon... Kahit na masakit na masakit ang kanyang katawan dahil sa
ginawa sa kanya ni Mammon... Nagawa pa rin niyang ngumiti ng makita niya ang
larawan ng dalawang taong pinakamamahal niya... Tila nagkaroon siya ng lakas.

Samantala... Matapos ng masayang picnic sa Seven Holes ay nagkasakit si Karen.


Abala ang lahat sa pagbabantay sa kanya.

"Kamusta ang pakiramdam mo, anak?" tanong ni Kristine.

"Medyo okay na ako, Mommy. Hindi na ako nahihilo." sagot ni Karen.

Napangiti sina Conrad at Rane sa naging sagot ni Karen. Nawala na ang pag-aalala
nila. Lumapit ang Daddy nila dito at naupo sa tabi. Hinaplos nito ang noo ni Karen.
Hindi na nga ito gaanong mainit. Ngumiti ito ng nakakaloko...

"Anak... Hindi kaya na-lovesick ka lang diyan?" biglang kantyaw ni Leon.

Nanlaki ang mga mata ni Karen at bigla niyang naalala si Ai. Tapos, bigla siyang
nagtalukbong ng kumot.

"Nakakainis ka, Daddy! Nakakainis ka!"

Nagtawanan ang mga kasama niya.

"Uy.... Crush niya si Kuya Ai.... Asawa niya..." tukso pa ni Conrad.

Napataas naman ng kilay si Kristine at napatingin sa kanilang bunso...

"Ang bata-bata mo pa Conrad, alam mo na iyang crush ah? Anak, grade one ka lang..."
pakli niya.

"Si Mommy naman... Kahit grade one lang iyang si Conrad, may crush na iyan... Iyong
si Apple di ba?" tukso ni Rane.

Biglang namula ang mukha ng bata at naiiyak na tumingin sa kanya...

"S-Sumbungera ka!" napikon nitong wika.


Bigla itong tumakbo palabas ng silid ni Karen. Natawa na lang ang lahat dito.

Kagaya ni Karen, nilagnat din si Ai. Medyo hirap sa pagbabantay sina Drake, Hunter
at Blade kasi panay ang daing nito ng kung anu-ano sa kanila...

"Bibili kami ng gamot mo. Huwag mong pahirapan si Hunter ah?" wika ni Blade kay Ai.

Tumango lang si Ai dito. Namumula ang mukha nito. Tinawagan nila ang Mama nito, at
ganito lang daw talaga si Ai kapag nagkakasakit... Maraming daing... Binalaan din
sila nito na mahirap daw painumin ng gamot ang alaga nila. Titirik na raw ang mga
mata nito sa lagnat ay mas pipiliin pa daw nitong itikom ang bibig kaysa uminom ng
gamot... Pero magagawan nila ng paraan para mapainom nila ito ng gamot mamaya...

Dumating na si Hunter na may dalang tray na may lamang bowl... Ipinagluto nito si
Ai ng mushroom soup. Ibinangon ni Drake si Ai at ipinasandal sa likod ng kama na
nilagyan niya ng unan.

"Kumain ka na para makainom ka agad ng gamot mamaya." wika ni Drake.

Tumayo na siya at pumunta sa kinaroroonan ni Blade na nasa tabi ng pinto. Tiningnan


naman ni Ai ang dalawa...

"Matte... I-I'm fine... H-Hindi ko kailangan ng gamot..." mahinang pigil ni Ai sa


dalawa.

Nagkatinginan tuloy ang tatlong lalaki at nagngitian. Gusto man o hindi ni Ai,
iinom ito ng gamot mamaya. Hindi na nagsalita pa ang tatlong lalaki matapos ng
kanilang tinginan... Basta lumabas na lang sina Blade at Drake. Agad silang pumunta
sa bayan para bumili ng gamot. Mabilis silang tumatalon sa bubong ng mga bahay.
Ilang sandali lang, nakarating na agad sila sa kanilang destinasyon. Agad silang
pumunta sa pinakamalapit na botika para bumili ng gamot para sa lagnat.

Samantala... Muli nang isinara ni Creta ang locket ng kanyang kuwintas. Huminga
siya ng malalim para kumuha ng lakas. Sinapo niya ang kanyang dibdib at gumamit ng
kapangyarihan para pahintuin ang pag-agos ng dugo. Talagang ang puso niya ang
pinuntirya ni Mammon. Kung hindi siya isang immortal, tiyak na patay na siya
ngayon... Kanina pa siya keret... At hindi niya alam kung ipagpapasalamat niya ang
bagay na iyon. Tumayo na siya at marahang naglakad paalis sa eskinitang iyon.
Kailangan niyang maghanap ng matataguan. Hindi birong kalaban si Mammon... Wala
siyang laban sa lakas nito, isama pa ang dati niyang mga kasama na ngayon ay
kalaban na niya... Mag-isa lang siya at walang kakampi..

Maingat niyang pinapakiramdaman ang paligid habang naglalakad siya... Pinili niyang
maglakad sa madidilim na lugar na medyo malayo sa karamihan... Napahinto siya sa
paglalakad ng maramdaman niya ang mga tinging nakasunod sa kanya... Inihanda niya
ang kanyang sarili sa anumang mangyayari.

"Wow, tingnan mo nga naman ang natagpuan ko... Isang nawawalang pusa..."

Napatingala si Creta at nakita niya sa itaas ng puno si Ziggur. Nakatayo ito sa


malaking sanga at may uwak na nakadapo sa kanang-balikat nito. Unti-unting naging
balahibo ang uwak na nasa balikat nito at umikot-ikot sa braso. Lumipad iyon sa ere
at bigla iyong naging matatalim... Mabilis iyong bumulusok sa kanya ngunit nakaiwas
siya.

Gumamit din siya ng kanyang kapangyarihan... Mula sa mga baraha, hinugot niya ang
mga flower at iyon ang ginamit niya para sugurin si Ziggur. Umiikot ang mga iyon sa
ere na tila isang bomerang. Ngunit kagaya niya, nakaiwas din agad ito.

Sa ngayon, wala siyang balak na harapin si Ziggur dahil hindi maganda ang kundisyon
ng kanyang katawan dahil sa ginawa sa kanya ni Mammon... Marahan siyang umatras at
balak niyang magtago sa anino ng dilim.... Kailangan niyang gumawa ng paraan para
matakasan niya ito.

"Aaaaargh!!!!!....."

Napaungol ng malakas si Creta dahil bigla siyang inulan ng napakaraming Angel's


Burst.... Nagmula ang mga iyon sa iba't- ibang direksyon. Matapos noon ay biglang
may sumipa sa kanyang tagiliran ng malakas... Si Bony... Tumilapon si Creta at bago
pa man bumagsak ang katawan nito ay isang malakas naman na suntok sa dibdib ang
ibinigay ni Legion.... Pagkatapos ay sipa sa likuran na mula kay Tumand ang natamo
niya at tuluyan na siyang bumagsak sa lupa ng nakadapa. Nandirito na ang mga
kasamahan niyang trinaidor niya... Kasama siyempre si Mammon na natutuwa sa
panonood. Lumapit si Vaulant kay Creta at yumuko. Iniangat niya ang mukha nito sa
pamamagitan ng paghawak sa punong-baba nito.

Tinitigan niya ang mukha nito at binasa ang expression ng mukha nito... Halo-halo
ang emosyong naroon.

"Alam mo naman na hindi katanggap-tanggap sa samahan natin ang pagtratraidor... Ano


bang iniisip mong lase ka?! Kakampihan ka ng langit dahil iniligtas mo ang isang
paslit?! Tanga kang animal kung ganoon! Mga rebelde tayo at mortal nating kalaban
ang langit... Saradung-sarado ang pinto para sa atin sa lugar na iyon! Malala pa
ang lagay ng utak mo kaysa kay Zech!"

Biglang sinuntok ng malakas sa mukha ni Vaulant si Creta. Tumayo naman ang huli at
agad na gumanti ng sipa dito. Hindi iyon inaasahan ni Vaulant, hindi ito nakaiwas.
Timaan niya ang sikmura nito at tumilapon... May natitira pa siyang puwersa kahit
paano.

"Uy... Matapang ang pusang gala na ito... Lumalaban kahit na bugbog na..."
nakangising wika ni Hideus.

Pagkatapos noon ay mabilis nitong binalutan ng Angel's Chain ang magkabilang braso
ni Creta. Ibinaon niya ang mga kadena sa lupa hanggang sa mapaluhod ito.

"Ang galing mo, p're!" puri ni Hydrian.

Napangisi si Mammon at naglakad na palapit kay Creta. Pero hindi ito tuluyang
lumapit, mas gusto lang niyang panoorin ang nangyayari.. Agad namang bumangon si
Vaulant na sapo ang tiyan at galit na galit na tumingin kay Creta.

"Baon-inam na animal! Buwisit kang lase!" galit pa nitong wika.

Biglang naalala ni Creta si Blade dahil sa malutong nitong mura... Naalala din
tuloy niya ang naging engkuwentro nila noong nasa anyong baby ito... Iyong
pinunasan nito ang mga luha niya gamit ang munti nitong mga kamay... Napangiti siya
ng wala sa oras at ang ngiti na iyon ay nauwi sa mahinang tawa... Gulat naman na
napatingin sa kanya ang lahat... Napailing si Tumand at huminga ng marahas...

"Ay na apo! Ang lakas na ng saltek ng utak ng isang ito... Wala nang pag-asa ang
lase! Nakakainis nang tingnan ang mumukatan niya!" pakli nito.

Napailing na rin ang iba... Pero hindi tumigil sa pagtawa si Creta... Gumagaan kasi
sa pakiramdam niya ang kanyang ginagawa... Wala na siyang pakialam kung iniisip ng
mga ito na nababaliw na siya... Sa bandang huli, ang mga dating kasamahan ni Creta
ang napikon. Hindi na nakatiis si Vaulant.

"Tingnan ko lang kung makatawa ka pa sa maririnig mo mula sa akin, Creta... Tungkol


lang naman ito sa pagkamatay ng asawa at anak mo..." nakangising wika ni Vaulant.

Napatigil sa pagtawa si Creta at galit na tumingin sa mukha nito... Nagtiim ang mga
bagang niya, hindi siya makapagsalita dahil sa matinding galit na nararamdaman
niya. Pinilit niyang magpumiglas ngunit napakahigpit ng mga kadenang nakabalot sa
mga braso niya... Dahil sa naging reaksyon ni Creta, maaninag sa mukha ni Vaulant
ang saya at tagumpay...

Marahan siyang lumapit dito ngunit hindi gaano. Pinanatili niya ang ilang pulgadang
distansiya. Tumunghay siya sa mukha nito at deretsong tumingin sa mga mata nito.
Isang mapang-asar na ngiti ang sumilay sa labi ni Vaulant.

"Panahon na siguro para malaman mo ang totoo sa nangyari sa kanila... Ang totoo
kasi niyan... Ako at si Tumand ang pumatay sa pinakamamahal mong asawa at anak...."

Doon tila tumigil ang oras para kay Creta. Nabigla siya ng husto sa kanyang
nalaman. Nagulat din ang ibang naroon. Sina Bony, Hydrian, Hideus, Ike, Legion,
Colossus at Ziggur. Ngunit sandali lang ang gulat ng mga ito... Nauwi sa tawa ang
lahat... Mga tawa na tila ba isang joke lang ang pangyayaring iyon.

"Alam mo bang napakaganda sa pandinig ang malambing na tinig ng asawa mo, lalo na
noong pinapatay ko siya? Lalo na ang amoy ng kanyang dugo, napakabango... Kasing
amoy ng rosas... At nakakatuwa din naman ang sigaw at iyak ng iyong paslit na anak
habang pinapatay siya ni Tumand... Napakasayang pangyayari, hindi ba?"

Mistula bukal na umagos mula sa mga mata ni Creta ang kanyang mga luha habang
nakatulala siya... Hindi naman napigilan ni Mammon ang sarili sa labis na tuwa...
Pumalakpak siya...

"Magaling! Isang napakasayang palabas ang nakikita ko ngayon... Higit pa ito sa


inaasahan ko... Bihira lang mangyari ang ganito kagandang eksena. Ang suwerte ko
naman!" masaya nitong wika.

Doon tila natauhan si Creta na tila ba nagising ito sa napakahabang


pagkakatulog.... Pagkatapos ay...

"WAAAAAAAAHHHH!!!!!!..."

Sumigaw siya ng malakas para ilabas ang matinding emosyon na kanyang nararamdaman
dahil sa kanyang natuklasan. Binalot siya ng puting-ilaw at naglabasan sa paligid
ng kanyang katawan ang napakaraming baraha.... Bumalot iyon sa buo niyang
katawan...

Nagulat naman ang mga dating kasama ni Creta sa nangyayari sa katawan nito. Matapos
balutin ng napakaraming baraha ng katawan nito ay nawala iyon... Ang mga kadena
lang ni Hideus ang naiwan.

"S-Saan siya napunta?!" bulalas ni Bony.

Walang makapagsabi... Naging alerto ang lahat at nagpalinga-linga sa paligid.

Samantala... Napatigil sa paglalakad sina Blade at Drake ng maramdaman nila ang


malalakas na aura... Marami ang mga iyon... At may isang naiiba, halos kapareho
iyon ng aura ni Drake... Nagkatinginan ang magkaibigan.
"Sa tingin ko, nasa malapit lang ang lugar na iyon. Wala naman sigurong mawawala
kung mag-gate crash tayo sa kanilang party-party." nakangiting wika ni Blade.

"Sige ba, gusto ko ang ideya mo..."

Mabilis nilang pinuntahan ang lugar kung saan nagmumula ang malalakas na aura na
kanilang nararamdaman... Hindi agad sila nagpakita ng makita nila ang grupo ng mga
lalaki...

"Uy, mukhang may gathering yata ang mga ex-comrades ko. Anak na lase..." wika ni
Blade.

Nasa likod sila ng isang ruin ng isang gusali. Ang lugar na kinaroroonan nila
ngayon ay ang City of Ruins... Isang lumang siyudad na matagal nang nasira dala ng
panahon. Napatingin din si Drake sa mga lalaking naroon. Iisang mukha lang ang
kilala niya... Iyon ay si Hydrian.

"MAGBABAYAD KAAA!!!!...."

Mula sa itaas ni Vaulant ay biglang bumulusok si Creta... Sakal-sakal nito ngayon


si Vaulant at marahas na iniangat sa ere ang katawan nito... Ngunit nagawa pang
ngumiti ng huli...

"Sige, gawin mo ang lahat ng gusto mo sa akin hanggang sa magsawa ka... Total,
immortal naman ako eh... Gumanti ka lang... Kaya lang, hindi pa rin mabubuhay ang
iyong asawa at anak ... Hinding-hindi rin kayo magkakasama pa kahit na anong
mangyari... Dahil sila, nasa langit na marahil... At ikaw, nakatakdang masunog sa
apoy ng impiyerno... Ha ha ha ha ha!!!..."

"W-Walang-hiya ka talaga!!!..."

Malakas na sinuntok sa mukha ni Creta si Vaulant at tumilapon ito... Muli sana niya
itong susugurin, ngunit sinugod na rin siya ni Tumand... Sinuntok siya nito sa
mukha... Umatake na rin ang iba at kawawa na si Creta na pinagtutulungan ng
lahat... Doon na naintindihan nina Blade at Drake kung ano ba talaga ang
nangyayari... Una nang sumugod si Drake gamit ang kanyang...

"BLOOD RAIN!!!!...."

Ipinaulan niya ang mala-karayom niyang kapangyarihan sa kumpol ng mga lalaki na


busy sa pagbugbog sa kawawang si Creta... Mistula iyong libu-libong karayom....
Hindi iyon inaasahan ng lahat at dahil doon, napinsala niya ang mga ito...

"Puwede bang mag-gate crash sa inyong party-party?" nakangiting bungad ni Drake sa


lahat.

Kasunod noon ay lumantad na rin si Blade...

"Buwisit! May mga pakialamiro!" inis na wika ni Colossus.

Napatingin din naman si Mammon sa mga bagong dating. Kilala na niya si Blade...
Pero hindi ang kasama nito. Napangiti siya ng maamoy niya dito ang kanyang sariling
dugo. Mukhang ang bampirang ito ang Blood Demon na sinasabi nila... Halos
magkapareho din sila ng aura... Akmang susugod ang grupo nina Vaulant kina Blade...
Ngunit...

"Sandali lang! Puwede bang umeksena?" agaw atensyon ni Mammon sa lahat.

Sumenyas siya kina Vaulant na huwag sumugod. Sumunod naman ang mga ito...
"Ang lalaking kasama ba ni Blade ang Blood Demon?" tanong niya.

"Oo, ako nga ang Blood Demon. Sino ka ba?!" si Drake na ang nagsalita.

"Tanga! Si Mammon iyang kaharap natin..." biglang wika ni Blade.

"Malay ko ba? Abuwisit ak pa!"

Natawa naman si Mammon.

"Uy, Blood Demon! Hindi mo ba babatiin ang iyong Daddy? Iisa lang ang dugong
dumadaloy sa ating mga ugat... Kaya parang mag-ama na tayong dalawa..." nakangiting
wika ni Mammon.

"Abuwisit ak pa! Hindi kita ama!" napikong wika ni Drake.

Nagulat sila pareho ni Blade ng biglang mawala sa kinatatayuan nito si Mammon.


Bigla itong lumitaw sa likuran ni Drake at mahigpit na ini-lock ang mga braso
nito...

"Berngas ka pala... Hiram mo sa akin ang iyong kakayahan kaya pakiusap lang...
Umayos ka naman sa pakikitungo sa akin! At dahil diyan, makakatikim ka sa akin ng
parusang hinding-hindi mo makakalimutan!"

Ngunit bago pa makakilos si Mammon ay...

"Sige, subukan mo lang na galawin ang bestfriend ko..."

Matiim na itinutok ni Blade ang kanyang Lightning Sword sa leeg ni Mammon.

"Huh, hindi ka pa rin nagbabago Blade... Mabilis ka pa ring kumilos.. Alerto ka pa


rin. Pero isipin mo, sa tingin mo... Sino sa sitwasyong ito ang dehado? Ako o kayo
ng kaibigan mo?" kampanteng wika ni Mammon.

"Buset ka! Animal!" naiinis na wika ni Blade.

Mas lalo lang niyang idiniin ang talim ng espada niya sa leeg nito.

"Whew... Ang saya naman nito! Marunong ka na palang magmura?! Natuto ka ba sa mga
naririnig mong salita noong makulong ka sa loob ng mahabang panahon?" nang-aasar
pang wika ni Mammon.

"Wow na lase! Manghuhula ka na pa lang animal?! Buset!"

Samantala.... Marahang iniangat ni Creta ang kanyang mukha... Medyo nanlalabo na


ang paningin niya dahil sa labis na pagkakabugbog.. Pero malinaw na malinaw ang
pandinig niya... Nandito sina Blade at ang Blood Demon nitong kaibigan...
Naramdaman marahil ng dalawa ang kanilang mga aura. Doon na natuon ang atensyon ng
lahat... Pagkatapos noon ay...

"Hmm.... Mukhang kailangan na rin naming makisawsaw... Masyado naman kasing dehado
sina Blade at Drake eh..."

Isang nakakasilaw na liwanag ang biglang lumitaw sa paligid at bumungad na lang sa


lahat sina Cassiel, Uriel, at Camael-ang tatlo sa Seven Archangels. Si Cassiel ang
nagsalita kanina. Napatingin ang lahat sa mga bagong dating... Lalo na si Mammon.

"Mga buwisit! How dare you 3x a day!" inis nitong turan.


"Naku naman, Mammon... Mukhang bagong gising ka yata? O sadyang ganyan lang ang
style ng trip mo...? Huwag ka namang masyadong masungit... Sayang naman ang Divine
Beauty na ipinagkaloob sa'yo ng ating Almighty Father..." ngumiti si Cassiel kay
Mammon...

"Huwag mo akong asarin dahil baka may magawa akong masama sa bampirang ito!" inis
na wika ni Mammon.

"Masyado ka namang pikon!" nakangiti pang wika ni Cassiel.

Nagulat si Mammon ng bigla siyang hilahin ng kung anong puwersa... Ni hindi niya
namalayan kung paano siya biglang inilayo sa Blood Demon na hostage niya... Nagulat
din sina Drake at Blade doon...

"Buwisit! Masuwerte ka lang Cassiel dahil gutom na gutom pa ako at nanghihina sa


ngayon!" nanggigigil na wika ni Mammon.

Nabalot ang katawan nito ng berdeng apoy at akmang susugod kay Cassiel ngunit...

"Sa tingin ko, kailangan mo nang magpalamig ng ulo... Matulog ka na lang ulit sa
selda mo...."

Binalot ni Uriel ng puting-liwanag ang paligid ni Mammon at lumitaw sa paanan nito


ang gate of Hell... Hindi na nagsalita pa si Mammon habang marahan itong nilalamon
ng apoy ng impiyerno... Ngunit sa kabila noon ay matalim ang tinging ipinukol nito
sa tatlong lalaki na bagong dating... Pero sutil si Uriel...

"Babye kapatid! Pakikamusta na lang kami sa mga kakosa mo, pagbalik mo!" sutil pa
nitong wika.

"Buwisit!!!..." hindi nakatiis na wika ni Mammon.

Tuluyan na itong nawala ng magsara na ang Gate of Hell... Binalingan na ng tatlo


ang mga Fallen Angels na naroon na gulat na nakatingin sa grupo nila...

"Kamusta, mga rebelde naming kapatid..?" wika ni Cassiel sa mga ito...

Napangiti tuloy si Camael... Trip na trip talagang mang-asar ni Cassiel ngayon...


Walang nagsalita sa grupo ng mga Fallen Angels... Unti-unting naglakad paatras sina
Tumand, Colossus, Bony, Ike, Ziggur, Legion, Hydrian, Hideus at si Vaulant...
Biglang nawala ang mga ito sa kadiliman ng walang bakas...

"Haaay, ang susungit naman! Wala man lang, Hello?!" natatawang wika na lang ni
Uriel.

Nang magsalita si Uriel ay doon tila naalala nina Drake at Blade si Creta... Ngunit
pagtingin nila sa kinasasadlakan nito ay wala na ito doon... Hindi nila namalayan
ang pag-alis nito. Lumapit naman ang tatlong Archangels kay Blade at sabay-sabay
nila itong binatukan ng malakas!

"AGEEEH!!!... ARAAAY!!!... ANAK-"

Tinakpan na lang ni Blade ang bibig para di matuloy ang salitang lalabas sa bibig
niya...

"Why, bakit, aken, apay?!" tanong na lang niya sa tatlo..

"You say badwords..." maikling sagot ni Camael.


"Slip of the tongue lang iyon!" rason niya.

"Duh..." react na lang ni Uriel.

Napailing na lang si Drake sa eksenang iyon...

Samantala... Patuloy na naglalakad si Creta at hindi niya malaman kung saan siya
pupunta... Sinamantala niya ang lahat ng pagkakataon kanina para makatakas siya...
Nag-ipon siya ng kaunting lakas... Hindi niya alam kung ano ang mangyayari sa kanya
kapag hindi siya tumakas doon... Dahil alam niyang wanted din siya sa langit...
Hindi niya alam kung ano ang maaaring gawin sa kanya nina Cassiel kung sakali...
Nakayuko siya habang naglalakad... Walang direksyon ang patutunguhan niya at bahala
na talaga kung saan siya dalhin ng kanyang mga paa. Basta naglalakad na lang
siya...

Tuluyan siyang napahinto sa paglalakad ng mabunggo ang ulo niya sa isang matigas na
kahoy.. Mukhang dinala siya ng kanyang mga paa sa isang gusali... Napaangat siya ng
mukha at bumungad sa kanya ang malaking pinto... Tumingala siya at napatanga
siya... Hindi siya makapaniwala kung saan siya nagpunta! Nasa harap siya ngayon ng
simbahan.... Pagkatapos noon ay unti-unting napapikit ang kanyang mga mata...
Naubusan na talaga siya ng lakas... Bumagsak na ang pagal niyang katawan. Ganoon pa
man, payapa ang kanyang pakiramdam dahil para siyang nakauwi sa kanyang maituturing
na tahanan... Wala siyang nararamdamang panganib...

8. "MISSING"

"MISSING"

Napahinto sa akmang pag-inom ng softdrinks si Zech ng maramdaman niya ang pamilyar


na aura sa tabi niya. Nasa plaza siya ngayon at nakaupo sa isang bench. Napalingon
siya sa kanyang tabi at ang mukha ni Hideus ang nabungaran niya... Ngumiti ito ng
matipid... Naramdaman din niya ang biglaang pagsulpot ng isa pang pamilyar na aura
sa kanyang harapan... Napatingin siya dito at si Legion ang nakita niya. Mataman
itong nakatunghay sa kanya.
"Anong kailangan niyo sa akin?" tanong niya.

"Gusto naming itanong sa'yo si Creta. Nagkita na ba kayo o kaya... May ideya ka ba
kung saan namin siya matatagpuan?" tanong ni Legion.

Nagtaka siya sa sinabi nito... Napakunot-noo siya at nablangko...

"Anong nangyari?" bigla niyang tanong.

Napailing si Hideus sa naging reaksyon ni Zech. Napahalukipkip naman si Legion at


sinuri ang mukha niya. Bumuntung-hininga ito.

"Mukhang hindi ikaw ang pinuntahan niya para hingian ng tulong... Sabagay, kapag
ginawa niya ang bagay na iyon... Para na rin niyang inilagay ang sarili niya sa
patibong dahil madali lang namin siyang matatagpuan..." wika ni Hideus.

"T-Tulong...?" naguguluhang wika ni Zech.

"Nagtraidor si Creta. Kinalaban niya kami. Hindi na namin ipapaliwanag sa'yo ang
lahat dahil wala ka naman nang kinalaman pa sa amin. Pero bibigyan kita ng
babala... Mas makabubuti kung aalisin mo na ang anumang ugnayan sa kanya dahil
tiyak na mapapahamak ka lang kung sakali... Huwag na huwag kang magkakamaling
tulungan siya, pagkalaban na rin sa amin iyon..." babala ni Hideus.

Blangko ang tinging ipinukol ni Zech dito. Ngumiti siya ng matipid.

"Naiintindihan ko. Isa pa, wala naman akong pakialam sa kanya. Labas na ako diyan."
wika niya.

"Mabuti naman kung ganoon." wika naman ni Legion.

Pagkatapos ng pag-uusap na iyon ay agad na siyang iniwan ng dalawa. Nang masiguro


niyang wala na talaga ang mga ito ay saka siya huminga ng malalim... Napahawak si
Zech sa punong baba niya at nag-isip... Natutuwa siya sa ginawa ni Creta pero nag-
aalala din siya. Nasa panganib ito... Kailangang maunahan niya ang mga dating
kasamahan sa Black Circle Organization sa paghahanap kay Creta. Problema nga lang
niya kung paano niya ito hahanapin dahil wala siyang anumang ideya kung saan ito
pupunta... Sa ngayon, kailangan niyang kumilos ng hindi nahahalata...

Bumuntung-hininga siya at inilapag ang bote ng coke na hawak niya. Marahas niyang
inihilamos ang kanyang mga palad sa kanyang mukha... Kailangan niyang isipin kung
saan niya puwedeng makita si Creta. Malaki ang utang na loob niya dito, hindi siya
nito pinabayaan noon... Kaya hindi rin niya ito pababayaan....

Samantala... Hindi magkamayaw sina Blade, Hunter at Drake sa pagpapainom ng gamot


kay Ai... Hindi na ganoon kataas ang lagnat nito. Pero siyempre, kailangan pa
nitong uminom ng gamot para sa lubusang paggaling.

"Abuwisit ak pa! Ikaw Ai ah... Huwag mo ngang ibinubulsa iyang utak mong lase ay!
Kung hindi ka iinom ng gamot, paano ka gagaling?! Anak na lase! Sige, huwag kang
uminom ng gamot... Pero isipin mo, sino sa atin ang mahihirapan? Kami ba? Kami ba
ang may sakit? Sino? Di ba ikaw?!" sermon ni Blade.

"Korek! Kaya puwede ba, makinig ka. Para sa ikabubuti mo naman itong sinasabi namin
eh. Oo na, masama nga ang lasa ng gamot... Pero sandali lang naman iyon eh,
mawawala din kapag nainom mo na. Huwag nang matigas ang ulo mo, puwede?" segunda ni
Hunter.

"I'm already f-fine... Napainom niyo na ako gamot kahapon ah? Gagaling na siguro
ako." matigas na wika ni Ai.

Hindi na rin nakatiis si Drake...

"Tama na ang pakiusapan. Dating gawi na lang!" pakli nito.

Pinalagutok na nito ang mga kamay. Tapos bigla itong tumalon at mabilis na sumulpot
sa tabi ni Ai... Ini-lock agad ni Drake ang mga kamay ni Ai para hindi ito
makakilos.

"Okay, painumin niyo na siya!"

Pagkasabi ni Drake ay mabilis naman na itinikom ni Ai ang kanyang bibig... Ayaw


niya talaga sa lasa ng gamot. Nasusuka siya... Bakit ba kasi sa mga pambatang gamot
lang may masarap na flavor?! Tapos sa adult, super sama na ng lasa?!

Napailing si Hunter... Hawak niya ang paracetamol at nakahanda na rin ang tubig.
Lumapit na si Blade kay Ai at tinakpan ang ilong nito... Hindi nagtagal, bumuka na
rin ang bibig ni Ai para kumuha ng hangin. Sinamantala naman ni Hunter ang lahat at
mabilis na isinubo ang paracetamol sa bibig ni Ai. Tapos, mabilis na tinakpan ni
Blade ang bibig nito... Matagal at mariin iyon hanggang sa malunok iyon ng
binatilyo... Namutla ang mukha ni Ai. Tanda na nalulon na nga nito ang gamot.
Binitiwan na nina Blade at Drake si Ai. Agad namang iniabot ni Hunter ang isang
basong tubig na agad namang kinuha ng binatilyo. Mabilis itong uminom na para bang
malulunod na...

Huminga naman ng malalim si Ai matapos niyang uminom ng tubig. Para siyang


hihimatayin kanina ng malasahan niya ang napakapait na lasa ng gamot... Tapos,
naiinis siyang tumingin sa tatlong-lalaki. Natatawa ang mga ito.

"Ano, Ai? Namatay ka ba?" natatawang wika ni Drake.

Sumimangot siya dito.

"I hate you!" pakli niya.

"Salamat, I love you too!" nang-aasar na balik ni Drake.

Lalong tumawa sina Hunter at Blade.

"Anak na lase ka Ai, daig mo pa ang bata niyan eh." hindi nakatiis na comment ni
Blade.

"Kaya nga. Binata ka na uy! May nakakita na ng iyong sinful body kaya please...
Umayos ka na." kantyaw ni Hunter.

Namula si Ai at lalong nag-init ang pakiramdam niya. Pero hindi naman iyon gawa ng
kanyang lagnat... Iba iyon.

"Wala daw siyang nakita!" defensive niyang wika.

"Weeeh!... Paano ka nakakasiguro na walang anumang nakita si Karen sa'yo ha?" tudyo
ni Drake.

"Sabi niya!" yamot niyang sagot.

"Oh?! Ande lay atet! Sabi mo noong makita ka niya nakaharap ka sa kanya at-"

Hindi na naituloy ni Blade ang sasabihin dahil binato siya ni Ai ng unan at nasapol
ang mukha niya. Pero imbes na mapikon ay ngumiti si Blade ng nakakaloko... Pinulot
niya ang unan. Ibinato niya iyon pabalik kay Ai at nag-landing iyon sa tabi nito.

"Alam mo Ai, wala namang masama kung nakita lang... At least, hindi nakuha. Kaya
okay lang iyan. Iyon nga lang, wala ka nang masyadong ipagmamalaki... Ay! Hala,
wrong-mistake! Baka nga malaki!"

Binuntutan iyon ng tawa ni Blade at nakiuso sa kanya ang dalawa niyang kasama.
Namula ang kawawang si Ai. Tapos, nagtalukbong na lang ng kumot. Sabay sabi ng...

"KISAMMA!!!!...."

Natatawang naglakad palabas ang tatlong lalaki sa silid ni Ai.

"Ai, nagbibiro lang ako. Huwag kang pikon!" pahabol ni Blade.

Isinara na niya ang pinto ng silid at huminga ng malalim. Tapos, bigla siyang
napahagikgik ng maalala niya ang pilyo niyang biro kay Ai. Huminga siya ng malalim
para pakalmahin ang sarili. Pumunta sila sa sala at nagkanya-kanyang puwesto sa
sofa... Katahimikan ang biglang namayani sa kanilang tatlo... Biglang sumeryoso ang
ambeance...

"Ano bang nangyari kay Creta?" si Hunter ang bumasag ng katahimikan.

Matamang tumingin si Blade dito at huminga ng malalim bago nagsalita.

"Nakita namin siya ni Drake na pinagtutulungan nina Vaulant. Animal! Grabe ang
pagkakabugbog sa kanya. Hindi malinaw sa amin kung ano ba talaga ang nangyari...
Pero anak na lase... Grabe ang galit ni Creta kay Vaulant. Sa tingin ko, tuluyan
nang humiwalay si Creta sa kanila... At ang isa ko pang napansin, wala si Zech...
Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa isang iyon. Pero wala siya."

"At nakaharap din namin si Mammon... Mahina pa siya ng lagay na iyon... Abuwisit ak
pa! Wala kaming laban ni Blade sa kanya. Kung hindi dumating sina Cassiel ng oras
na iyon... Ewan ko lang talaga kung ano na ang nangyari sa amin." kuwento din ni
Drake.

Matagal na napaisip si Hunter sa kanyang narinig. Tumingin siya sa kanyang mga


kasama.

"Medyo magulo pa rin at ang dami kong hindi ma-gets..." wika niya.

"Anak na lase, kami nga rin eh! Nakakagulo ng utak ay!" pakli ni Blade.

"Kung ganoon, ano ba ang dapat nating gawin kapag nakaharap natin si Creta o kaya
iyong si Zech?" tanong ni Drake.

Hindi nakaimik sina Blade at Hunter dahil hindi nila alam ang kanilang isasagot.
Katahimikan ang namayani sa kanila... Lahat sila, nag-iisip ng malalim. Napatingin
silang lahat sa pinto ng makarinig sila ng mga katok. Si Blade na ang tumayo. Sina
Lolo Gusting at Baste na siguro iyon. Nag-alala ang mga ito ng malaman nila na
nagkasakit si Ai pagkatapos ng picnic. Kaya heto, dadalawin nila ang binatilyo.
Binuksan niya ang pinto, sila na nga iyon. Pinatuloy niya sina Lolo Gusting at
Baste sa loob. Ang topic nila ay napunta na kay Ai.

Samantala... Pakiramdam ni Creta ay lumulutang ang kanyang katawan sa mga sandaling


ito... Nakahiga siya sa kung saan. Hindi niya magawang ikilos ang kanyang katawan.
Nakatingala siya at wala siyang makita kundi puting liwanag. Nagulat siya ng
biglang may humaplos sa noo niya. Nanlaki ang mga mata niya ng makita niya kung
sino iyon.

"Mabuti naman at nakita na rin kita. Namiss ka namin..."

Napabuka ang labi niya pero hindi siya makapagsalita... Marami pa naman siyang
gustung sabihin pero ayaw makisama ng kanyang katawan. Masuyo nitong hinaplos ang
pisngi niya patungo sa kanyang labi, pababa sa kanyang dibdib... Sa tapat ng
kanyang puso.

"Alisin mo na ang galit dito... Hindi iyon makabubuti sa'yo."

Hinding-hindi niya makakalimutan ang magandang mukha na nakatunghay sa kanya... At


ang tinig nito na palaging nagpapabilis ng tibok ng puso niya... Nandito ang
kanyang asawa, si Rome... Ang babaing mahal na mahal niya. Pagkatapos noon ay
naramdaman niya ang malambot na labi na humalik sa kanyang pisngi. Maliit na labi
iyon. Gumalaw ang kanyang mga mata. Tumingin siya sa humalik sa kanya. Gusto niyang
ngumiti at sumigaw sa pagkakataong ito. Pero wala talaga siyang magawa...

"Papa! Papa!"

Niyakap siya ng kanyang anak na kamukhang-kamukha niya... Sa mga sandaling ito,


wala siyang magawa kundi paagusin na lang ang kanyang mga luha sa kanyang mga mata.
Pagkatapos ay yumakap na rin si Rome sa kanya.

"Masaya kaming makita ka at mayakap muli ng ganito. Mahal kita..."

"Papa..."

Gustung-gusto niyang yapusin ng yakap ang kanyang mag-ina pero tila nakagapos ang
buo niyang katawan. Kahit anong pilit niya na pagalawin iyon... Walang nangyayari.
Ang tanging nagagawa lang niya ay umiyak. Marami pa naman sana siyang gustung
sabihin... Maraming-marami. Hindi niya maipaliwanag kung anong klaseng saya ang
nararamdaman niya sa sandaling ito. Nanlaki ang mga mata niya ng makita niya na
unti-unting naglalaho sa harap niya ang dalawang taong pinakamamahal niya. Gusto
niyang pigilan ang nangyayari... Tinangka niyang magpumiglas, tinangka niyang
sumigaw. Walang nangyari. Hindi siya makawala sa kung anong nakagapos sa kanya.
Parang malalaking kadena iyon na nakabalot sa kanyang katawan pero hindi nakikita.

Matapos maglaho ng kanyang asawa at anak ay bigla siyang bumulusok pababa sa kung
saan. Mabilis na pagbulusok iyon na para bang nahuhulog siya mula sa napakataas na
lugar. At hindi niya alam kung babagsak ba siya o ano...

Biglang iminulat ni Creta ang kanyang mga mata. Napaarko ng wala sa oras ang
kanyang katawan.

"Huuuuuh!!!..."

Malakas na singhap ang biglang lumabas sa kanyang bibig. Bumagsak ang katawan niya
sa malambot na higaan. Humihingal siya at pilit niyang hinahabol ang kanyang
hininga... Pawis na pawis siya... Nakatingala siya sa kisame ng silid na
kinaroroonan niya.

"I-Isang panaginip..." wika niya.

Napangiti siya ng mapait. Parang niloloko niya ang sarili sa kanyang sinabi. Parang
totoong-totoo ang nangyari. Hinawakan niya ang kanyang pisngi... Hindi pawis ang
naroon kundi luha... Umaagos pa rin pala ang mga luha niya ng hindi niya
namamalayan. Hindi niya maintindihan kung ano ba talaga ang nangyari na iyon. Muli
siyang napapikit... Kung panaginip man iyon, gusto niyang ulitin... Ngunit hindi na
siya makatulog. Gising na gising ang diwa niya at ramdam na ramdam niya ang sakit
ng kanyang katawan. Bumangon siya sa pagkakahiga. Naupo siya sa kama.

Inilantad niya ang kanyang mga pakpak at tiningnan ang mga iyon... Marami sa
balahibo ng kanyang mga pakpak ang nasunog ng apoy ni Mammon. Isa-isa niyang
tinanggal ang mga iyon. Masakit... Pero kailangan niyang alisin ang mga iyon para
tumubo ang mga bagong balahibo. Hindi niya alam kung gaano niya katagal ginawa ang
bagay na iyon... Lalong napagal ang katawan niya dahil doon. Mas pinagpawisan din
siya. Napatingin siya sa paligid... Nagkalat sa sahig ang mga balahibo ng kanyang
mga pakpak na tinanggal niya. Sinipat niya ang paligid... Halos walang kagamit-
gamit doon.

Isang mesa, aparador at ang kama lang ang naroon. Maliit ang bintana ng kuwarto na
malayo sa kinaroroonan niya. Maliwanag na sa labas. Gusto niyang tumayo para
tingnan ang tanawin. Hindi niya maalala kung nasaan siya. Pero salamat sa kung
sinumang tumulong sa kanya. Sinubukan niyang tumayo pero parang hindi kaya ng
kanyang katawan... Kumikirot kasi iyon at ibang klase ang sakit na nararamdaman
niya sa bawat himaymay ng kanyang laman. Pero kung tutuusin, balewala lang ang
sakit na iyon... May mas masakit na siyang naranasan. Pisikal lang ang isang ito.
Hindi siya sumuko...

Sa wakas, nagawa din niyang tumayo. Nasapo niya ang kanyang dibdib, namantsahan
kasi ang benda na nakabalot doon. Namula iyon dahil sa kanyang dugo. Humakbang siya
palapit sa bintana. Pero biglang namanhid ang kanyang mga binti. Natumba siya at
napasubsob sa sahig...

"Urgh!"

Malakas ang pagkakabagsak niya. Bumukas ang pinto ng silid. Nakarinig siya ng
mabibilis na yabag.

"Ano ka ba naman, iho! Bakit ka tumayo!"

Boses iyon ng isang matandang lalaki. Umangat ang tingin niya. Napaawang ang labi
niya... Isang pari ang nakikita niya. Lumapit ito sa kanya at tinulungan siya
nitong bumalik sa kama... Pinaupo siya nito doon. Nanlalaki ang mga mata niyang
napatingin sa paring katabi niya.

"B-bakit? Bakit niyo ako tinulungan?!" naguguluhan niyang tanong dito.

Ngumiti ang matanda sa kanya ng matipid.

"Ano ba namang klaseng tanong iyan, iho. Tinulungan ka namin dahil dito ka
nagpunta. Natagpuan ka namin kaninang madaling-araw sa harap ng pinto ng walang-
malay. Bugbog ang katawan. Kahit na sino ang makakita sa'yo sa ganoong kalagayan,
hindi magdadalawang-isip na tulungan ka." paliwanag nito.

Napayuko siya at napaisip. Pero blangko ang nakikita niya sa kanyang utak. Hindi
siya makapagsalita dahil nabibigla siya.

"Ako nga pala si Father Piyo. Ikaw?"

"C-Creta... Ako si Creta."

Kusang dumulas ang mga salitang iyon sa kanyang labi. Muli siyang napatingin sa
pari.
"H-Hindi niyo ako dapat tinulungan... Hindi ako karapatdapat sa tulong na ibinigay
niyo. Isa akong suwail na anak ng langit!"

Napatingin si Father Piyo sa paligid. Nagkalat doon ang mga puting-balahibo na may
sunog. Ngayon, naiintindihan na niya kung bakit ganito ang naging reaksyon nito.

"Hindi kayang tiisin ng magulang ang anak na nangangailangan ng tulong. Kahit gaano
pa ito kasama. Mahal Niya tayong lahat kahit na ano pa tayo. Huwag mong sabihin na
hindi ka karapatdapat sa tulong na ibinigay namin. Ikaw ang kusang lumapit."

Napailing-iling si Creta.

"Hindi ko alam ang pupuntahan ng mga sandaling iyon... Kaya hindi ko rin alam kung
bakit dito ako dinala ng aking mga paa? Buong-buhay ko, wala akong ginawa kundi ang
kalabanin Siya, sisihin Siya at magalit sa Kanya! Kaya bakit Niya ako dinala dito
sa tahanan Niya?!" naguguluhan niyang wika.

"Kasi, mahal ka Niya. Iyon lang ang dahilan."

"Pero, masama ako..."

"Hindi lahat ng taong nagsasabi na masama sila... Masama na nga sila. At hindi rin
lahat ng taong nagsasabi na mabait sila, mabait nga sila. May tama na nagiging mali
at may mali na nagiging tama." makahulugang wika ni Father Piyo.

Natahimik si Creta sa kanyang narinig. The old man has a big point. Binigyan siya
nito ng isang malalim na kasagutan.

"Nagalit ako sa Kanya dahil ang buong akala ko... Siya ang may kagagawan ng
pagkawala ng mga taong pinakamamahal ko. Pero nagkamali ako, ang mga taong
pinagkakatiwalaan ko ang gumawa ng bagay na iyon. Sila pala ang... Nagagalit ako,
gusto kong gumanti!"

Marahas na bumuntung-hininga si Father Piyo. Napailing ito.

"Masama ang galit at paghihiganti. Alisin mo iyon."

"Masyadong masakit... Hindi ko kaya..."

"Hindi ka Niya tutulungan kung iyan ang iyong paiiralin. Hindi mo makakamit ang
gusto mo."

"Hindi ko kailangan ng tulong Niya!"

"Talaga? Pero nasaan ka ngayon? Kanino ka lumapit para sa tulong na kailangan mo?"

Biglang naitikom ni Creta ang kanyang bibig.

"Alisin mo ang galit at paghihiganti. Pero hilingin mo sa Kanya ang hustisya na


kailangan mo. Tiyak, makakamit mo iyon."

Nanlaki ang mga mata ni Creta sa sinabi sa kanya ni Father Piyo... Hustisya nga ang
hinahanap niya... Para iyon sa mga taong pinakamamahal niya. Napatingala siya ng
wala sa oras at napangiti. At ang ngiti na iyon, nauwi sa mahinang tawa.

"Ambagel akong lase... Saltek!"

Bigla siyang tinapik ng malakas ni Father Piyo sa kanyang likod.


"A-Aray!"

Naiinis siyang tumingin dito.

"Ayusin mo iyang pananalita mo. Huwag mong kalimutan kung nasaan ka. Hay, naku..."

Nasapo ni Father Piyo ang noo at napailing. Tumayo na siya at naglakad papunta sa
pinto. Tumingin muna siya kay Creta.

"Magpahinga ka na. Dadalhan kita ng pagkain mamaya." wika niya.

Lumabas na siya at isinara ang pinto. Pasalampak namang humiga si Creta sa kama.
Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa kanyang labi. Gumaan ng husto ang pakiramdam
niya. Nawala ang mabigat niyang dalahin sa loob ng napakahabang panahon. Muli
siyang napapikit at sinalubong siya ng isang magandang panaginip...

Samantala... Matamang napatingin si Vaulant sa mukha nina Legion at Hideus matapos


niyang marinig ang mga sinabi nila.

"Hmm... Mautak talaga ang Creta na iyon. Hindi si Zech ang pinuntahan niya. Tiyak
na gaganti siya sa anumang paraan." pakli niya.

Napahawak siya sa pang-ibaba niyang labi at natuon ang paningin niya kay Tumand.
Nanghihinayang talaga siya sa pagkawala ni Creta sa kanilang grupo. Isa pa naman
ito sa maaasahan.

"Ikaw Tumand na lase... Ano bang iniisip mo? Bakit mo ginawa ang bagay na iyon?!"
mariin niyang tanong dito.

"Hmm..? Ginawa ang alin?" nagmaang-maangan nitong wika.

"Baon-inam! Huwag mo akong nilolokong animal. Alam mo kung ano ang tinutukoy ko.
Huwag kang kumilos sa harap kong lase na parang walang isip na may isip!"

Tumawa ng mahina si Tumand.

"Relax... Ginawa ko lang naman iyon para subukan si Creta. Tiningnan ko kung ano
ang puwede niyang magawa kapag ginamit ko ang kanyang kahinaan... Nakita niyo
naman." paliwanag nito.

"Loko kang lase! Dahil sa ginawa mo, nawalan tuloy tayo ng isa sa magaling na
kakampi. Nagdagdag ka ng kalaban natin. Niyeta!" inis na pakli ni Vaulant.

"Ceasefire na nga! Nangyari na, tapos na." singit ni Ike.

"Ang mabuti pa, puntahan natin ang iba pang lugar kung saan natin posibleng makita
si Creta. Mas maganda na iyon kaysa ngumatel lang tayo dito ay." suhestiyon ni
Bony.

"Right na korek! Mabuti pa nga!"sang-ayon ni Ziggur.

Sumang-ayon na rin ang lahat. Pagkatapos noon ay agad na silang kumilos para
hanapin si Creta...

Samantala... Napangiti si Rane ng makasalubong niya si Zech sa daan. Kagaya niya,


mukhang pauwi na rin ito. Napawi ang ngiti niya ng makita niya ang malungkot at
seryoso nitong mukha. Hindi rin siya nito napansin.

"Zech!" tawag niya.

Nagulat ito at napatingin sa kanya. Ngumiti ito pero hindi umabot ang mga ngiting
iyon sa mga mata nito. Isa lamang iyong pilit na ngiti.

"Ikaw pala, Rane..." mahina nitong wika.

"May problema ba?" casual niyang tanong.

"W-Wala naman..."

Marahas na bumuntung-hininga si Zech. Umiling siya at matamang tumingin sa mukha ni


Rane.

"Iyong totoo?" kulit nito.

Napakamot sa kanyang pisngi si Zech. Hindi niya alam kung dapat niyang sabihin ang
problema niya kay Rane. Ilang segundo siyang nag-isip. Napatingin siya sa mukha
nito at mukhang kanina pa siya nito hinihintay na magsalita. Napahinto siya sa
paglalakad at ganoon din ito. Nakapagpasya na siya.

"Naaalala mo pa ba si Creta?" bigla niyang tanong.

"C-Creta...?" kunot-noong wika ni Rane.

Nag-isip siya ng ilang sandali para alalahanin ang taong sinasabi ni Zech. Hanggang
sa maalala na nga niya kung sino si Creta.

"Oo, natatandaan ko na siya! Hindi ba, siya iyong tumawag sa akin noong mabugbog
ka?" alanganin niyang wika.

"Siya nga." kumpirma ni Zech.

"Anong nangyari?" tanong niya.

Huminga ng malalim si Zech at sumandal sa pader na nasa gilid ng kalsada. Tumingala


ito sa langit.

"Hindi malinaw... Basta ang alam ko, nasa panganib ang buhay niya. Kinalaban niya
ang mga dati naming kasamahan. Alam mo na, iyong mga Fallen Angels na katulad ko.
Wanted siya sa kanila. Kailangan ko siyang tulungan pero hindi ko alam kung saan
ako magsisimula na hanapin siya. At hindi ko rin alam kung ano ang posibilidad na
mangyari kapag sina Blade ang nakatagpo sa kanya. Sa ngayon, ako lang ang malinaw
na kakampi niya..." mahabang wika ni Zech.

Natigilan si Rane. Lalo yatang nagiging komplikado ang mga nangyayari. Kahit hindi
niya lubos na kilala si Creta, alam niyang mabait ito. Nakita niya iyon sa
magaganda nitong mga mata... Napatingin si Zech kay Rane, nag-iisip din ito ng
malalim.

"Ano kaya kung lumantad na ako kina Blade?" bigla niyang wika.

Napatanga si Rane at napabuka ang kanyang labi pero hindi siya makapagsalita.
Nabigla siya sa sinabi ni Zech. Hindi niya inaasahan ang bagay na iyon. Napalunok
siya.
"Gustung-gusto ko nang gawin ang bagay na iyon. Nagsasawa na akong magtago sa
maskara ni Archer. Kaya lang, natatakot ako Rane... Hindi ko alam kung mapapatawad
nila ako sa aking kasinungalingan." nag-aalalang wika ni Zech.

Napayuko siya. Kahit siya, matagal na rin siyang nagsisinungaling kina Blade.
Natatakot din siya sa maaaring mangyari. Napahalukipkip siya at mariing itinikom
ang kanyang bibig. Tiyak na magagalit sa kanya ang lahat.. Lalo na si Blade. Nabasa
naman ni Zech ang iniisip ni Rane. Gusto niyang pawiin ang pag-aalala nito.

"Huwag kang mag-alala. Kapag inilantad ko na ang totoo kong pagkatao kina Blade,
sisiguruhin kong hindi ka madadamay. Sa akin lang sila dapat na magalit."

Napailing si Rane sa sinabi ni Zech at matapang siyang tumitig dito.

"Mali ka, kailangang madamay talaga ako. Nagsinungaling din ako. Niloko ko rin
sila." wika niya.

Amuse na tumingin si Zech sa mukha ni Rane. Hindi niya inaasahan ang sinabi nito.
Lalo tuloy siyang napahanga.

"Ginawa mo ang bagay na iyon para protektahan ako. Mabuti ang intensyon mo."

Natuwa si Rane sa sinabi ni Zech. Lumuwag ang pakiramdam niya.

"Ikaw din naman. Mabuti din naman ang intensyon mo kung bakit ka nagsinungaling.
Nagawa mo ang bagay na iyon dahil din naman sa akin. Isa pa, ako rin naman ang
dahilan kung bakit ka napalapit kina Blade eh. Nagsinungaling ka dahil umiwas ka sa
gulo."

Hindi pa kaya ni Zech na pag-usapang maigi ang topic na iyon. Nagsanga-sanga na ang
lahat. Hindi pa niya alam kung ano ang dapat niyang gawin. Umiiral ang pangamba sa
kanya. Kailangan na niyang tapusin ang usapan tungkol sa bagay na iyon.

"Saka na natin isipin ang bagay na iyon. Alam natin pareho na darating din ang
pagkakataon na maaalis ko rin ng tuluyan ang maskara ni Archer sa aking mukha. Mas
mahalaga siguro na pagtuunan ko muna ng pansin ang paghahanap kay Creta para
matulungan ko siya."

"Sa tingin ko nga, mas tama na si Creta ang isipin mo. Sana lang... Ligtas siya."

Napangiti si Zech.

"Huwag kang masyadong mag-alala sa kanya. Kaya niya ang sarili niya. Mautak ang
isang iyon. Malaki ang tiwala ko sa kanyang kakayahan." kampanteng wika ni Zech.

Tuluyan na ring napangiti si Rane. Pagkatapos noon ay nagpatuloy na sila sa


paglalakad. Inihatid siya ni Zech sa kanilang bahay.

*******************************

( next update ko, matatagalan muna kasi after kong lagnatin... Na-virus laptop ko.
Ipapaayos ko muna. Mabuti na lang, nagawa ko pa ito bago ako ma-lovesick at
magkaaberya iyong gamit ko.. Na-save ko pa sa usb ko. Buti na lang, mahilig akong
mag back up... Whew..)
9. "The Birthday"

"The Birthday"

Mahigpit na niyakap ni Blade si Ai. Nasa airport sila ngayon para ihatid ito.. Uuwi
na si Ai sa Japan.

"Mag-ingat ka ah? Mamimiss ulit kita." wika niya.

"Ako rin... Promise, babalik ako sa pasko."

Kumalas na sila sa pagkakayakap sa isa't-isa at sina Hunter at Drake naman ang


sumunod na yumakap dito. Matapos iyon ay iniabot ni Blade kay Ai ang dala niyang
bag.

"Pinapabigay ni Tandang Gusting sa'yo. Mga prutas iyan na binabad sa honey." wika
niya.

Agad na kinuha iyon ng binatilyo at ngumiti ito ng maluwang.

"Arigatou!"

"Welcome!" wika ni Blade.

Inihatid nila ito hanggang sa departure area. Inantay muna nila itong makaalis bago
sila umuwi. At pag-uwi nila, agad silang naghanda dahil kinabukasan... Pupunta sila
sa bahay ng Lolo nila Rane na magdadaos ng kaarawan.

Kinabukasan, medyo malayo ang biyahe at bahagya nang naiinip si Blade. Napatingin
siya kay Rane na nakaupo sa may harapan niya. Nakasakay silang lahat sa van nila
Rane at ang Daddy nito ang nagmamaneho. Semestral break na kaya okay lang kahit
magtagal sila doon sa bahay ng Lolo ng mga ito.

"Rane, malayo pa ba ang bahay ng Lolo mo?" naiinip niyang tanong.

Busy si Hunter sa pagtingin ng view sa labas. Samantalang si Drake, lumilipad na


ang espiritu sa mundo ng panaginip. Ang himbing ng tulog nito. Busy naman sina
Karen at Conrad sa paglalaro ng tablet.

"Malapit na. Kapag nadaanan natin iyong sementeryo, Heaven's Gate na. Doon ang
destinasyon natin."
Napaubo siya ng bahagya sa sinabing iyon ni Rane.

"He he, binibiro mo ba ako?"

"Hindi. Heaven's Gate talaga ang nakalagay doon sa arko ng hacienda ni Lolo Con."

"Ah... Ganoon pala." wika niya.

Ilang sandali pa ay nadaanan na nga nila ang sementeryong sinasabi ni Rane.


Pagkatapos noon ay lumiko sila sa kaliwang bahagi ng kalsada at nakita na nila ang
higanteng arko na may desenyo ng mga anghel at pangalan na... HEAVEN'S GATE.
Pumasok na sila sa lugar at nalantad sa kanyang paningin ang malawak na taniman ng
palay, at mga kung anu-anong prutas. Marami din siyang nakikitang baka at mga
kabayo doon. Grabeh, para siyang nananaginip...

Natanaw na nila ang malaking bahay at iyon ang kanilang tinutumbok. Luma na iyon at
noong panahon pa ng kastila ang desenyo, pero maganda pa rin. Classic... Huminto
ang sasakyan sa harap ng bahay at excited na bumaba doon ang mga bata.

Sinalubong sila ng isang matandang lalaki na mukhang kanina pa naghihintay.

"Mga apo ko!" excited na wika ni Lolo Con.

"Yeheeey!!..." tuwang sigaw ng mga bata.

Pero imbes na takbuhin ng mga ito ang matanda ay sa mga puno ng citrus dumiretso
ang mga ito. Nasa gilid lang ng bahay ang taniman ng citrus at humahalimuyak sa
hangin ang mabangong amoy ng mga puno.. Tawang-tawa sina Leon at Kristine sa
nasaksihang eksena.

"Uy, mga apo! Nandito ako! Ang Lolo niyo!"

Ngunit wala pa ring nangyari dahil nasa bunga ng mga citrus ang buong atensyon ng
mga bata. Lumapit na sina Leon at Kristine sa matanda at nagmano. Yumakap din sila.

"Tatay! Kamusta?!"

"Hmf! Heto, hindi pinansin ng aking mga apo!"

"Tay, pagpasensiyahan niyo na sila. Mamaya, mapapansin din nila kayo... Parang
hindi na kayo nasanay na ang mga puno ng citrus ang una nilang pinapansin kapag
nagpupunta kami dito." paliwanag ni Kristine.

Pagkatapos noon ay ipinakilala na sina Blade, Hunter at Drake sa matanda. Tumuloy


sila sa loob ng bahay at nadatnan nila sa sala ang mga kapatid ni Leon at iba pang
kamag-anak. Una silang ipinakilala sa panganay na si Tri at sa asawa nitong si
Penelope... At sa kambal nilang anak na sina Apollo at Adonis na kasing edad lang
ni Karen. Sunod na ipinakilala sa kanila ay si Seb at sa asawa nitong si Cynthia...
At sa cute na anak ng mga itong si Sienna na tatlong-taong gulang... Mukha itong
manika dahil natatalian ng asul na ribbon ang buhok nito na kulot sa dulo at
nakasuot ito ng pink na bestida. Isa-isa itong nakipagkamay kina Blade, Hunter, at
Drake... Pero tawa ito ng tawa ng makamayan nito si Drake.

"Mommy! May clat na ato! May clat na ato!" bigla nitong wika.

Pagkatapos ay nagtago ito sa likuran ng Ina at sinilip si Drake. Natawa naman ang
lahat sa iginawi ng bata. Kasunod noon ay kay Trevor sila nagpakilala. Binata pa
ito.
Natigilan si Hunter at biglang pinagpawisan ng malapot ng makita niya ang Lola ni
Serene at ang mga magulang nito.

"Hunter! Mabuti naman at nakita kita dito, ang tagal na noong huli tayong magkita
ah?" masayang wika ni Lola Chit.

Si Lola Chit ang Lola ni Serene na nakababatang kapatid ni Lolo Con. Lumapit ito
kay Hunter at yumakap. Yumakap din naman ang huli pero alanganin ang kanyang ngiti.

"Kamusta ka, iho?"

"Okay naman po, Lola..."

Kumalas na sila sa pagkakayakap sa isa't-isa at binati si Hunter ng mga magulang ni


Serene. Sina Tita Isabel at Tito Fred.

"Kamusta, iho! Ang tagal na noong huli kang nakadalaw sa bahay ah?" wika ng ama ni
Serene na si Fred.

Ngumiti na lang ng alanganin si Hunter. Nagkatinginan naman sina Blade at Drake


dahil sa nakikitang eksena. Mukhang close pala si Hunter sa mga kapamilya ni
Serene... Ilang sandali pa, pumasok na sa loob sina Rane, Karen at Conrad na may
dala-dalang mga hinog na bunga ng citrus. Masayang nagmano ang mga ito sa kanilang
Lolo, na hindi na nagtatampo. Ibinigay ng mga bata sa Lolo nila ang mga hinog na
bunga ng citrus na kanilang pinitas.

"Boys, sumunod kayo sa akin. Dadalhin ko kayo sa mga silid niyo para makapagpahinga
kayo at maiayos niyo na ang mga gamit niyo." wika ni Trevor kina Blade.

"Okay, pero hindi naman kami pagod. Sa tingin ko, mas maganda kung maglilibot-libot
muna kami." wika ni Drake.

"Sige, ipapasyal ko kayo." nakangiting wika ni Trevor.

Mataman silang sumunod dito at umakyat na sila itaas. Tatlong-palapag ang bahay...
At sa mga guest room sa second floor sila dinala ni Trevor. Pagkatapos nilang
ayusin ang kanilang mga gamit sa kanya-kanya nilang silid ay magkakasunod silang
lumabas.

"Saan niyo ba unang gustung mamasyal?" tanong ni Trevor sa kanila.

"Puwede bang sa taniman muna tayo ng mga citrus? Parang bigla akong nainggit kina
Rane eh..." nakangiting wika ni Drake.

"Sige ba. Sa garden tayo dumaan para mas mapadali tayo."

Tahimik lang sina Hunter at Blade dahil abala sila sa pagmamasid sa paligid. Sa may
kusina sila dumaan at naroon ang malawak na garden na puno ng maraming uri ng
bulaklak. Napasipol si Blade... Nadatnan nila doon si Rane na abala sa pagbubuhat
ng mga nakapasong halaman. Kulay-asul ang bulaklak ng mga iyon. Tinutulungan ito
nina Apollo at Adonis.

"Uy, ano iyang ginagawa niyo?" puna ni Trevor sa mga ito.

Napatigil ang mga ito sa ginagawa at alanganing ngiti ang sumilay sa mga labi ni
Rane.

"Eh... Uncle Trevor, ibinubukod ko na ang mga asul na paper roses na iuuwi ko. Di
ba, nagpromise ka sa akin na kapag malalaki na sila, puwede na akong kumuha?" wika
ni Rane.

Samantala... Nagising na si Serene, marahan siyang bumangon at nag-inat... Sa


wakas, nakabawi na siya sa jetlag. Pumunta siya sa banyo at agad na naghilamos.
Pagkatapos noon ay binuksan niya ang pinto ng terrace ng kanyang silid. Gustung-
gusto niya kasing tingnan ang mga naggagandahang halaman sa hardin ng kanilang
Lola. Pumunta na siya sa terrace at iniinat ang katawan. Tumingin siya sa mga
bulaklak na nasa hardin. Pagkatapos noon ay napangalumbaba siya at ngumiti.
Nakakarelax talagang tingnan ang mga tanim na halaman ng kanilang Lola na yumaong
asawa ng kanilang Lolo Con... Samantala...

"Oo nga pala, ano? Ikaw talaga, Rane... Namana mo ang kahiligan ni Nanay sa mga
bulaklak. Sige, kunin mo na ang mga gusto mong halaman dito. Basta ba, ingatan niyo
na huwag kayong makasira ah?"

"Opo, uncle." nakangiting sagot ni Rane.

Nagmasid naman si Hunter sa paligid at napatingala siya... Napabuka ang labi niya
ng mapagmasdan niya ang babaing nakatayo sa terrace ng isang silid at nakatanaw
malapit sa kanila. Natulala siya at lihim na napangiti ng mapait. Ang puso niya,
nag-abnormal na naman ang tibok. Pinagpawisan siyang bigla.

"Tara na sa mga citrus!" yaya ni Trevor.

Naglakad na sina Drake at Blade para sundan si Trevor pero halos sabay na napahinto
ang dalawa dahil napansin nila si Hunter na tulala at may kung anong tinitingnan.

"Hunter, ano ba?" untag ni Drake.

Nanatiling nakatingin si Hunter kay Serene. Hindi siya sigurado kung totoo ang
nakikita niya o naghahallucinate siya sa mga sandaling ito. Napatingin tuloy si
Drake sa direksyong tinitingnan ni Hunter at ganoon din si Blade. Napangiti ang
dalawa at nagkatinginan... Tapos...

"Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig. Muling pabigyan ang pusong nagmamahal. Muling
ibalik ang tamis ng pag-ibig... Sayang naman ang ating nakaraan..." sutil na kanta
ni Blade.

Natawa si Drake ng bahagya, na-gets naman nina Trevor at ng kambal ang nais
ipahiwatig ni Drake. Natahimik lang si Rane at nagkunwaring walang alam. Kay Hunter
at Serene nakatutok ang atensyon ng lahat. Pasimpleng yumuko si Hunter at naglakad
paalis papunta sa taniman ng citrus. Agad naman siyang sinundan nina Blade at
Drake.

"Uy, Hunter! Baka mawala ka diyan sa taniman!" tawag ni Drake.

Naiinis na hinarap ni Hunter ang dalawa at alanganin ang mga ngiting sumilay sa
labi ng mga ito. Kung ganoon, mayroon silang alam tungkol sa bagay na ito at hindi
man lang siya sinabihan?! Kung alam lang sana niya, hindi na siya umo-Oo sa mga
magulang ni Rane. Dapat kasi nahalata na niya noong makita niya dito ang Lola at
mga magulang ni Serene. Marahas niyang ikunuyom ang kanyang mga kamao at huminga
siya ng malalim.

"Kayong dalawa! Alam niyo ang tungkol sa bagay na ito, di ba?!" kompronta niya.

Napatigil sa akmang paglapit si Trevor at mataman lang na nagmasid. Bago siya


sumunod sa tatlo ay pinagkuwento niya si Rane kung ano ba ang koneksyon ni Hunter
kay Serene. At ngayon, alam na nila... Napangiti siya ng pilyo. Ang galing gumawa
ng kalokohan ng kanyang mga pamangkin, Playing as matchmakers. Samantala...
"G-Galit ka ba, Hunter?" alanganing tanong ni Drake.

Medyo naasar si Hunter sa tanong na iyon ni Drake. Salubong ang mga kilay niyang
tiningnan ito. Nalilito siya ngayon sa kanyang nararamdaman... Natutuwa siya at
natatakot. Hindi niya alam ang kanyang gagawin, dapat ba niyang iwasan si Serene o
ano?! Marahas niyang sinuklay ang kanyang buhok.

"Sa palagay niyo, hindi ako galit ng lagay na ito, ha?!" inis niyang sagot.

"Tumigil ka nga diyan Hunter. Ang tanong ba eh... Hindi ka ba masayang makita si
Serene, ha? Siguro nga, gumawa na kayo pareho ng tuldok... Kaya lang, paano kung
iyong tuldok maging linya na pala?" makahulugang wika ni Blade at napangiti.

Natahimik si Hunter at napayuko. Bigla niyang naalala ang goodbye kiss nila ni
Serene... Wala sa sariling napahawak siya sa kanyang labi at napangiti. Pakiramdam
niya, kahapon lang nangyari ang bagay na iyon. It was the most beautiful memory
that he has... It was the sweetest... Mamaya, tiyak na magkru-krus muli ang mga
landas nila ni Serene... Magtatagpo sila. Sa isipin palang na iyon, pakiramdam niya
lalabas na ang puso niya sa kanyang dibdib. Sobra ang bilis ng kabog noon.

"Sa tingin ko, kailangang mag-isip ng isang ito. Next time na lang tayo mamasyal
dito sa taniman ng mga citrus." pakli ni Blade.

Tumalikod na siya at naglakad pabalik sa garden. Sumunod naman si Drake sa kanya at


ganoon din si Trevor. Samantala, nagpunta si Serene sa kusina para magtimpla ng
kape. Kailangan niya iyon para mas magising ang diwa niya. Nakarinig siya ng mga
boses sa hardin at mukhang nagkakatuwaan ang mga iyon. Isang simpleng t-shirt na
pink at gray na jogging pants ang suot niya. Dala ang mug ay pumunta siya sa
hardin. Bahagyang natahimik ang mga tao doon nang dumating siya. Maging siya ay
nagulat ng mabungaran niya sina Drake at Blade.

"Uy, Serene! Kamusta?" nakangiting bati sa kanya ni Blade.

Alanganin siyang ngumiti dito... Hinahanap ng mga mata niya si Hunter pero wala ito
doon. Ganoon pa man, hindi niya alam ang gagawin kung sakaling makita man niya ito.
Matagal nang nagkaroon ng tuldok ang bagay na nasa pagitan nila. Parang biglang
tinusok ng malaking karayom ang dibdib niya sa isiping iyon.

"M-Mabuti naman ako, Kuya Blade. K-Kayo?" pinilit niyang maging casual.

"Kagaya ng dati, guwapo pa rin."

Uminom siya ng kape at pagkatapos noon ay tumingin siya kina Rane at sa kambal na
abala sa pag-aayos ng mga halaman. Nakatambay lang din doon ang uncle Trevor niya.
Ngumiti ito ng makahulugan sa kanya at medyo nailang siya. Kapag ngumingiti ng
ganoon ang Tiyuhin nilang iyon eh siguradong mayroong nasa likod noon. Nakarinig
sila ng mga paparating na yabag at muntik na niyang mahulog ang hawak niyang mug.
Biglang nanuyo ang kanyang lalamunan sa mga sandaling ito. Ayaw niyang tumingin,
pero miss na miss na niya ang mukha nito... Bahagya itong natigilan ng mapatingin
ito sa kanya. Blangko ang expression ng mukha nito ngunit nakatitig ng matiim ang
mga mata nito sa kanya. Hindi niya alam kung gaano sila katagal nagtitigan.

Unang nagbawi ng tingin si Hunter at pagkatapos noon ay naglakad na ito papunta sa


kusina. Lumagpas lang ito sa kanya na para bang isa lamang hangin. Wala man lang
Hi, o Hello. Nasaktan siya sa inakto nito pero kahit ganoon.. Pilit niyang itinatak
sa utak niya na normal lang naman iyon... Mayroon na silang usapan. Pero sobrang
napakasutil ng puso niya, ayaw sumunod. Pasimple siyang uminom ng kape pero parang
hindi na niya malasahan iyon. Pasimple niyang inilapag sa batong mesa na nasa
garden ang mug na hawak niya at umupo siya sa duyan na naroon. Naramdaman niya ang
pangilid ng kanyang mga luha kaya naman bigla siyang tumalikod. Hindi naman
nakatiis si Rane kaya lumapit siya sa kanyang ate Serene.

"Ate, ayos ka lang?"

Napangiti ng mapait si Serene pero hindi niya hinarap si Rane. Nakakahiya siya
kapag nakita ng lahat ang mga luha niya. Pasimple lang siyang tumango para sabihing
ayos lang siya.

"Alam mo Serene, hindi ka okay. Pagpasensiyahan mo na si Hunter. Gago kasi ang anak
na lase na iyon eh!" naiinis na wika ni Blade.

"H-Huwag mong sabihin iyan. Normal lang na gawin niya ang bagay na iyon dahil may
usapan na kaming dalawa noon."

"Duh... Kahit na. Hindi naman siguro masama na magsabi man lang siya sa'yo ng
Hello?! O kaya mangamusta man lang siya... Hindi naman tama na daanan ka lang niya
na para bang hindi ka niya nakikita." wika ni Drake.

Lumapit si Blade kay Serene at matamang tumunghay dito. Nakatalikod pa rin ang
dalaga.

"Huwag mong isipin ang ungas na iyon... Bata ka pa. Your just seventeen, young and
sweet! Hindi siya kawalan sa'yo, siya ang nawalan at dapat makita niya ang bagay na
iyon." pilyong wika ni Blade.

Biglang napaharap si Serene kay Blade at mataman itong nakatunghay sa kanya. Pilyo
itong napangiti sa kanya.

"Ano bang tinutumbok mo?" maang niyang tanong.

"Dapat ipakita mo kay Hunter kung sino at ano ka. Gumanti ka sa kagaguhan niya.
Buset iyon eh. Buset!"

"Hindi ko siya kayang saktan!"

"Hindi naman physical itong sinasabi ko."

"Hindi kita ma-gets?"

Inilahad ni Blade ang kanyang kamay kay Serene. Alanganin naman iyong tinanggap ng
huli at napatayo ito. Ngayon, sisimulan na ni Blade ang pang-aasar kay Hunter.

"Bakit?" maang na tanong ni Serene.

"Mag-uusap tayo ng masinsinan."

"H-Ha?"

Tumingin si Blade sa mga kasama at...

"Excuse us, may importante at mahalaga lang kaming pag-uusapan!"

Hinila niya palayo si Serene at wala na itong nagawa pa. Natanawan naman ni Hunter
ang eksenang iyon at hindi niya maiwasang makaramdam ng inis kay Blade. Ano ba sa
tingin nito ang ginagawa?! At ano ang karapatan nitong hilahin ng ganoon si Serene
at dalhin sa kung saan?! Nagtiim ang mga bagang niya at nag-init ang mukha niya.
Ilang sandali lang, napatanga siya... Naalala niya, wala siyang karapatang
magselos. Pero nagseselos talaga siya!

Samantala, siniguro muna ni Blade na hindi sila masusundan ni Hunter sa lugar na


iyon para hindi mabulilyaso ang binabalak niyang pagtri-trip! Luminga-linga siya sa
paligid.

"O-Okay... Ano ba ang pag-uusapan natin at bakit dito pa sa wine cellar mo ako
dinala?" alanganing tanong ni Serene.

Binitiwan na ni Blade ang kamay ni Serene at bumuntung-hininga.

"Huwag kang matakot, harmless ako no. Ikaw naman, parang hindi mo ako kakilala.
Dinala kita dito para hindi matunugan ni Hunter ang plano natin..."

Napakunot-noo si Serene sa sinabing iyon ni Blade. Hindi niya ma-gets kung ano ang
bigla nitong naisip.

"Plano natin?" napangiwi niyang wika.

"Makinig ka, sa tingin ko... Balak ka talagang iwasan ni Hunter sa buong sandali na
nandito kami. At sa tingin ko, maling-mali ang bagay na iyon. Hindi naman ako
tsismoso pero kailangan kong sabihin sa'yo ito para malaman mo. Sa totoo lang,
hindi ka talaga kinalimutan ni Hunter... Minsan, nahuli namin siya na pinuntahan ka
niya. Lumipad siya ng milya-milya para lang makita ka. Ang rason, namimiss ka niya
ng sobra. Hindi siya nagpakita sa'yo dahil nga may usapan na kayo."

Napatanga si Serene sa sinabing iyon ni Blade. Nasapo niya ang kanyang labi. Hindi
siya makapaniwala. Kaya pala... Tuwing nagigising siya sa umaga ay may nabubungaran
siyang puting rose sa gilid ng kanyang bintana.

"Base sa reaksyon mo, alam kong alam mo ang sinasabi ko sa'yo. Ngayon ang plano ko,
dapat ma-temp ng husto si Hunter. Dapat mabuwag natin ang malaking pader na itinayo
niya." pilyong wika ni Blade.

"Paano?" curious niyang tanong.

"Mag-intermission tayo sa gaganaping kaarawan ng Lolo niyo. Sasayaw tayong dalawa


at sa tingin ko, hindi naman ako mahihirapang ituro sa'yo ang mga step ng sayaw na
napili ko." wika ni Blade.

"S-Sayaw?"

"Yups, pagseselosin ko siya at kasabay noon tiyak na mag-iinit siya ng husto!"


natawa ng mahina si Blade.

"T-Teka, ano bang klaseng sayaw ang gagawin natin? Baka naman mahirap, magkalat
lang tayo. Manonood pa naman ang mga tao sa hacienda. Parang piyesta ang kaarawan
ni Lolo Con. Iniisip ko pa lang na magsasayaw ako sa harap ng maraming tao,
nanlalambot na ang mga tuhod ko."

Bumuntung-hininga si Blade at napamaywang sa sinabing iyon ni Serene. Ilang sandali


siyang nag-isip, pagkatapos ay...

"Mahal mo pa ba si Hunter o sadyang kinalimutan mo na siya? Kasama ba ng pag-alis


mo noon ang pag-ibig mo?"

Natigilan si Serene sa tanong na iyon ni Blade. Kumislap ang mga mata niya ng
maalala niya si Hunter at ang matamis na eksenang iyon sa airport... Hinding-hindi
niya makakalimutan ang halik na iyon. Iyon ang una at panghuli, pero... Panghuli na
nga ba? Napahawak siya ng kanyang labi at nahihiyang tumitig sa mukha ni Blade,
hindi siya makapagsalita.

"Hindi mo na kailangang magsalita pa. Nakikita ko sa mga mata mo ang sagot sa


tanong ko. Kung iyan naman pala ang nararamdaman mo, dapat pumayag ka sa plano ko.
Hindi ko naman ginagawa ang bagay na ito para sa sarili ko... Kundi para na rin kay
Hunter. Siguro nga, may mga bagay na kung minsan... Hindi basta puwede at hindi
permanente... Ganoon pa man, gusto kong maging masaya ang kaibigan ko. Alam ko, sa
pagkakataong ito, sinasaktan niya ang sarili niya. Maaaring natatakot siyang
masaktan niya ulit ang damdamin mo kaya ayaw ka niyang lapitan. Pero, mali ang
ginagawa niya. Kailangang maipamukha ko iyon sa kanya." mahabang paliwanag ni
Blade.

Huminga ng malalim si Serene, ilang beses na ganoon ang ginawa niya para mapabagal
niya ng kaunti ang sobrang bilis na tibok ng puso niya.

"M-Madali lang ba ang sayaw na sinasabi mo?" sa wakas ay wika na rin ni Serene.

"Madali lang talaga siya... Ang sayaw na ito ay ginagawa ng mga bagong kasal sa
Eastern Europe... Sinabi sa akin ni Drake ang tungkol sa sayaw na ito. Ang sayaw na
ito ay punung-puno ng seduction at temptation. Ginagawa ang sayaw na ito ng mga
bagong kasal bilang paghahanda sa kanilang honeymoon. At para na rin makabuo agad
sila ng kanilang magiging supling. Pumayag na ang kambal na tugtugan tayo ng drums
at gitara para sa sayaw natin. Ang step nito ay parehong nag-uugnay sa magkapareha
na para bang nagliligawan sila sa pamamagitan ng pagsayaw... Aakitin nila ang
isa't-isa sa pamamagitan ng kanilang mga pilyong sayaw..."

Habang nagsasalita si Blade ay bahagya siyang nagsample ng mga step na itinuro ni


Drake. Medyo may hawig ang sayaw na iyon sa Tango pero medyo iba pa rin dahil ang
step ng babae ay may hawig sa belly dancing... But totally, it was really a
romantic, yet seductive dance. Namula si Serene ng ma-imagine niya ang kanyang
sarili na sasayawin niya sa harap ng maraming tao ang ganyang klaseng sayaw?!
Napailing siya.

"Teka, imposible naman yata ang sayaw na iyan?! Nababaliw ka na ba, ha?! Sino
namang matinong tao ang sasayaw ng ganoon sa harapan ng madla, aber?!" bulalas
niya.

"Ako, magagawa ko iyon. Oh please... Hindi natin masyadong lalagyan ng seduction


ang sayaw na iyon. Gagawin lang nating medyo pilyo. Tinitiyak ko sa'yo na hindi ako
iyong tipo ng tao na nagsasamantala sa sitwasyon. Baliw nga ako at brutal ang
bunganga, pero hindi ako manyak. Kilala mo naman ako, di ba?" untag ni Blade.

Sandaling nag-isip si Serene at matamang tumunghay sa mukha ni Blade. Nag-init na


naman ang mukha niya ng maalala niya ang sayaw na sinasabi nito. Tapos, makikita pa
siya ni Hunter na... Umiling-iling siya.

"Sa tingin mo, gusto kong sayawin iyon?!" bigla niyang tanong.

Ngumisi si Blade at napatingala sa kisame. Pagkatapos ay tumingin siya sa mukha ni


Serene na nalilito.

"Mali, sa tingin ko... Gusto mo na sayawin natin iyon. Gusto mo, ikaw ang may
gusto..." wika niya.

Napataas ng kilay si Serene sa sinabing iyon ni Blade.

"Ako?! Ako pa ngayon ang may gusto?!" sarkastika niyang wika.


Tumawa siya ng mahina pero pagak.

"Oo, gusto mo. Dahil kung ayaw mo, hindi ka na sana nakinig sa akin. O kaya, kanina
ka pa tumanggi."

Natigilan si Serene dahil nahuli siya ni Blade. Bigla na lang siyang lumabas at
mataman namang sumunod sa kanya ang binata. Napahinto siya sa paglalakad.

"P-Puwede bang pag-isipan ko muna ang tungkol sa napag-usapan natin? Masyado lang
kasi akong nabibigla eh.." bigla niyang wika kay Blade.

"Sige, hihintayin ko ang sagot mo. Pero sana, bilisan mo dahil hindi na ako
makakapaghintay ng matagal." sagot ni Blade.

Pagkatapos noon ay pinuntahan na lang niya sina Rane at Drake sa hardin, kasama ang
iba. Kailangan niyang i-report ang naging usapan nila ni Serene para makapaghanda
sila. Alam na niyang papayag ito dahil iyon ang nakikita niya. Kailangan lang
nitong payapain ang kaisipan at damdamin dahil masyado itong nabigla sa muling
pagtatagpo nila ni Hunter. Napangiti si Blade sa isiping iyon. Alam niyang nakita
sila ni Hunter kanina, naramdaman niya ang aura nito... At mukhang galit dahil
nagseselos...

Samantala... Pumanhik na si Serene para pumunta sa kanyang silid. Kailangan niyang


mapag-isa para makapag-isip siyang maigi. Panay ang buntung-hininga niya habang
naglalakad siya papunta sa kanyang silid. Parang napakahaba ng pasilyong tinatahak
niya sa sandaling ito... Parang biglang bumagal ang lahat. Bigla siyang nakarinig
ng pagbukas ng pinto ng isa sa mga silid na nadaanan niya. Napasinghap siya ng
biglang may humila sa kaliwa niyang kamay. Mabilis siyang hinila papasok ng kung
sino sa isang silid. Marahas siya nitong ipinasandal sa pader at naiinis siyang
tumingin sa may kagagawan noon.

Napatanga siya at nagulat ng sobra. Bigla yatang huminto ng sandali ang puso niya
sa pagtibok... Pagkatapos ay napalitan iyon ng biglaang bilis ng pagtibok na sa
sobrang lakas... Mabibingi siya... Nasa magkabilang-gilid ng pader ang mga kamay ni
Hunter at nakakulong siya ngayon sa mga braso nito. Nakatitig ito ng matiim sa
kanya. Hindi ito nagsasalita kaya nakaramdam siya ng kaba. Lalo siyang nagulat ng
bigla nitong haplusin ang pisngi niya... Pagkatapos noon ay hinawakan nito ang
punong-baba niya. Lalo siyang natuliro ng pumikit ito at unti-unti na nitong
tinatawid ang ilang pulgadang distansiya na nakapagitan sa kanila...

( ITUTULOY...)

10. The Birthday Part II

"The Birthday"

Part II
Matamang nakatingin kay Blade ang lahat ng pumunta siya sa garden. Para siyang
specimen na sinusuring maigi. Tumayo si Rane at naglakad palapit sa kanya. Mataman
siyang tumunghay sa mukha nito at matipid na ngumiti. Halatang nag-aalala ito...
Tumigil siya sa paglakad.

"Kamusta? Pumayag ba si ate Serene sa plano mo?"

Bumuntung-hininga muna siya bago magsalita. Halatang hinihintay ng lahat ang


sasabihin niya.

"Ang sabi niya, pag-iisipan muna niya ang lahat." wika niya.

Nadismaya ang lahat sa sinabi niya. Napasuntok sa hangin si Drake at napailing.

"Relax... Chill... Alam kong papayag siya dahil iyon ang nababasa ko sa kanyang mga
mata. Kailangan lang niyang payapain ang kanyang kalooban dahil masyado pa siyang
nabibigla. Ganoon pa man, mayroon pa akong plan B kung sakaling hindi pumayag si
Serene sa plano ko."

Napakunot-noo ang lahat sa huling sinabi niya.

"At ano namang plan B iyon, aber?" untag ni Drake sa kanya.

"Ahm... Saka ko na lang sasabihin kapag hindi pumayag si Serene!" nakakalokong wika
ni Blade.

"Aaaay!" nadismayang wika ng lahat.

"Teka, nasaan sina Karen at Conrad?" tanong niya kay Rane.

"Si Conrad, busy sa pakikipaglaro kay Sienna. Si Karen naman, busy sa paggawa ng
damit na susuotin niyo ni ate Serene para sa intermission niyo. Tinutulungan siya
ni Mommy."

"Mabuti, mabuti kung ganoon. Drake, puwede bang ituro mo kina Apollo at Adonis ang
tugtog ng sayaw na iyon?"

"Okay! Madali lang iyon. Sa guitar, bagay ang latin music para masabayan ang
mabilis na beat ng drum... Basta tandaan mo, Blade... Sa beat ng drum nakasalalay
ang tiyempo ng inyong katawan at sa gitara naman ang emosyon... Kaya lang, saan
tayo puwedeng magpraktis?" napatingin si Drake kay Trevor na matamang nakikinig.

Ngumiti ito at mayabang na tumingin sa lahat.

"Doon tayo sa malaking treehouse ko. Nasa dulo iyon ng taniman ng mga citrus at
malapit iyon sa ilog."

Naging excited ang lahat sa sinabi nito. Laking paghanga nila ng masilayan ang
treehouse na sinasabi ni Trevor. Nasa higanteng puno ng balete iyon. Sa gilid ng
puno makikita ang paikot na hagdan papunta sa itaas kung saan naroon ang treehouse.
Umakyat na sila at napahanga talaga sila sa kanilang nakikita. Maluwag ang
treehouse at may daan papunta sa ibaba sa loob ng puno. Gawa sa kahoy ang lahat ng
gamit na naroon. Kinuha ni Trevor ang gitara at agad na iniabot iyon kay Adonis.
Pagkatapos ay kinuha naman ni Apollo ang tambol na naroon.

"Mahilig kaming maglaro bilang mga sundalo noon nila Kuya. Kaming apat ang gumawa
sa treehouse na ito. Medyo hilig ko ang pagtipa ng gitara at ang tambol diyan...
Laruan ni Kuya Tri, feeling Indian siya noon eh." wika ni Trevor.

"Whew... Astig!" puri ni Blade.

Napasipol lang si Drake.

Samantala... Mariing naipikit ni Serene ang kanyang mga mata habang lumiliit ng
paunti-unti ang distansiya ng mga mukha nila ni Hunter. Tuliro siya at iyon na lang
ang bagay na puwede niyang gawin, ang ipikit ang kanyang mga mata at gisingin ang
sarili niya sa isang panaginip. Naramdaman niya ang tuluyang pagdampi ng malambot
na labi sa labi niya at ngayon... Alam na alam niyang hindi ito panaginip. Ang
pakiramdam na iyon, sobra niyang namiss.

Hunter was teasing her lips, tempting her and breaking all the defenses that she
has... Unti-unting napabuka ang labi niya at sa pagkakataong iyon, masuyo siya
nitong sinakop. That kiss, their kiss... It was like a deja vu. It was the same
just like the first one. Nanlambot ang mga tuhod niya kaya naman bigla siyang
napayakap sa mga balikat nito. At masuyo din naman siya nitong niyakap para
suportahan siya... Masyado nilang namiss ang isa't-isa... Their kisses, show how
much it was. Parang ayaw na nilang pakawalan pa ang isa't-isa sa pagkakataong ito.

Humihingal siya ng matapos ang passionate na halik na iyon... Hindi siya


makapaniwala sa nangyari at mataman siyang tumitig sa mukha ni Hunter. Nangingislap
ang mga mata nito pero puno iyon ng kung anong kalungkutan na hindi niya kayang
basahin at hindi niya alam kung ano. Nagulat siya ng bigla itong kumalas sa
pagkakayakap sa kanya. Bigla siya nitong hinila palabas at nang makalabas na siya
sa silid ay marahas siya nitong pinagsarhan ng pinto. Ang lakas ng lagabog noon na
halos mabingi siya.

Napatingin siya sa pinto at tuluyan na siyang napaiyak. Hindi na niya napigilan ang
sarili, napahikbi na siya. Panay ang punas niya ng kanyang mga luha at tumakbo na
siya palayo... Bakit ginawa sa kanya ni Hunter ang ganoon?! Binigyan siya nito ng
kiss at ipinaramdam nito ang napakagandang bagay na iyon... Pagkatapos ay bigla
siya nitong papaalisin na parang wala lang ang nangyari? Masyado siyang nasaktan sa
ikinilos nito. Pagkapasok siya sa kanyang silid ay sumubsob siya sa kanyang kama.
Marahas niyang ikinuyom ang kanyang mga kamao at pinagsusuntok ang unan. Nang
kumalma siya ay napalitan ng galit ang lahat ng frustrations na kanyang
nararamdaman... Pumapayag na siya sa gusto ni Blade. Sisiguruhin niyang
maghihiganti siya ng matamis kay Hunter!

Samantala, marahas na pinagsusuntok ni Hunter ang pader ng silid... Paulit-ulit


niyang pinagalitan ang sarili.

"Stupid! Fool! Gago!"

Ano na naman ba itong ginawa niya?! Nagselos siya ng husto kanina at kasabay noon,
naramdaman niya ang matinding pangungulila kay Serene. He want her very much! Kaya
gumawa siya ng isang padalus-dalos na kilos... He kiss her, and the moment was
back... Tapos, bigla niyang na-realize na hindi pala dapat dahil matatapos din ang
lahat sa bandang huli. Nagising siya sa magandang panaginip... Sobra siyang nabigla
sa kanyang ginawa... Too late ng malaman niya ang kanyang ikinilos. Nasaktan na
niya si Serene... Nasaktan niya ulit ang damdamin nito na pinakainiiwasan niyang
gawin. Narinig niya ang pag-iyak nito... Pero pinili niyang magpakamanhid... At
nagsisisi siya! Nang mapagod siya ay marahas siyang sumandal sa pader at marahang
naupo.

Tumingala siya sa kisame at pagkatapos noon ay mariin siyang napapikit... Why this
Love-is so beautiful and sweet... Yet, so painful?! They said, Love is a part of
life that makes you realize that your alive and living... Your whole being is
conquered by this exceptional-crazy-emotion... Love is define in many ways and
words... But the truth is... It is still undefined. Marahas niyang inuntog ang ulo
sa dingding... Paano niya ngayon pakikiharapan si Serene?! Ang liit na nga lang ng
oras na muli silang magtagpo at magkasama... Ito pa ang ginawa niya?!

Samantala... Abala sina Blade sa pagsipat sa treehouse. Ang ganda talaga doon at
ibang klase ang lamig na ibinibigay ng puno sa kanila. Napahalukipkip si Rane...
Bigla kasi niyang naalala na paboritong pugad daw ng mga maligno ang mga puno ng
balete. Ganoon pa man, wala naman siyang nararamdamang kakaiba sa lugar. Huminga
siya ng malalim, ang presko talaga ng hangin. Nag-inat si Drake at pinalugutok ang
mga braso.

"Okay guys! Umpisahan na natin ang praktis para makarami!" wika niya sa lahat.

"Teka, ano po bang tutugtugin namin?" maang na tanong ni Apollo.

Nagkatinginan sina Blade at Drake, sandali silang nag-isip... Tapos, biglang


ngumiti si Blade... May perfect na siyang piece na naisip.

"Alam niyo ba ang kantang Have you ever love a woman by Bryan Adams? Sa tingin ko,
bagay ang kantang iyon para sa sayaw namin ni Serene." wika niya.

Maang na nagkatinginan ang kambal. Blangko ang expression ng mukha ng mga ito.
Walang nagsasalita sa dalawa.

"Ay na apo! Ako na, ang maggigitara! Mukhang hindi alam ng dalawang ito dahil luma
na ang kantang iyon eh. Ako na..." presinta ni Trevor.

Kinuha nito ang gitara mula kay Adonis. Tapos, tumipa ito... Napahanga ang lahat,
lalo na ang kambal.

"Wow, ang galing mo pala Tito!" humahangang wika ni Rane.

Isang spanish music ang tinutugtog nito, ang pamagat ay Corazon-meaning ay heart.
Napatigil sa pagtugtog si Trevor ng makita niya si Serene sa bungad ng pinto.
Humihingal ito at medyo pawisan. Mukhang tumakbo ito. Sinalubong ito ni Drake at
matamang sinipat ang mukha. Medyo mugto ang mga mata.

"Ayos ka lang? Anong nangyari?" nag-aalalang tanong ni Drake.

Hindi talaga nila inaasahan ang biglaan nitong pagsulpot. Tumingin si Serene kay
Blade. Makikita sa kanyang mga mata ang matinding determinasyon.

"Pumapayag na ako sa plano mo. Handa na ako!" bigla nitong wika.

"Hmm..?!" amuse na reaksyon ni Blade.

Ang akala niya ay matatagalan pa ito sa pagdedesisyon. Ngayon ay biglang-bigla...


Bumuntung-hininga naman si Drake na matamang nakatingin sa mukha ng dalaga.

"Hindi na kami mag-uusisa kung may nangyari ba o ano... Pero, welcome to the club!"

Inakay ni Drake si Serene papasok sa loob ng treehouse. Matamang tumingin sa


paligid ang dalaga at ilang beses na bumuntung-hininga. Hindi niya akalaing gagawa
siya ng ganitong bagay ng dahil lang sa isang halik... Umiling siya ng maalala niya
ang eksena. Hindi ordinaryo ang halik na iyon. Mariin niyang ikinuyom ang kanyang
mga kamao.

"Bueno, mag-umpisa na tayo kung ganoon!" wika ni Blade.

"OKAY!" wika ng lahat.

Lumapit si Blade kay Serene at hinila niya ito sa gitna. Matamang nakatingin sa
kanilang dalawa ang lahat.

"Makinig ka, sa sayaw... Importante ang eye contact sa magkapareha. The whole time
na sasayaw tayo, kailangang nakatingin lang tayo sa isa't-isa, lalo pa at ang
sasayawin natin ay pang bagong kasal. Hindi ka puwedeng tumingin sa iba o
madistract. Kailangang mayroon tayong koneksyon. Dapat maiparamdam natin ang
emosyon sa ating audience. Ang sayaw ay isang uri ng sining na ang galaw ng katawan
ang nagbibigay ng buhay at hugis..."

Nakikinig na maigi si Serene sa bawat sinasabi ni Blade. Sinenyasan naman ng huli


si Drake na lumapit sa kanila. Lumapit nga ito. Tumingin si Blade dito at nagsimula
na ring itong magpaliwanag.

"Unang-una, dapat magkalayo muna ang magkapareha pero malagkit na magtitinginan...


Maglalakad sila ng marahan, paikot. Tapos, unang sasayaw ang babae para akitin ang
kanyang kapareha. Ang unang step ay ang malanding salitang pag-imbay ng balakang.
Maglalakad ang lalaki pero titigil siya sa gitna... Tapos, ang babae ang lalapit,
iikutan niya ito habang sumasayaw. Hahawakan ang leeg patungo sa mukha at bigla
siyang hahawakan sa baywang ng lalaki at ibe-bend... Iyong halos halikan siya..."

Habang nagsasalita si Drake ay ginagawa nito ang sinasabi... Siyempre, kay Blade
dahil ipinapakita niya ang step ng babae kay Serene. Napatalikod namang bigla si
Rane kasi hindi niya alam kung matatawa siya sa nakikita o mandidiri. Para kasing
bading si Drake. Ang uncle Trevor niya at ang kambal, nagtatawanan at panay ang
kantyaw. Pero si Serene, seryoso sa pakikinig. Kailangan niyang matutunan ang bawat
detalye.

Matapos noon ay nagsimula na silang magpraktis ni Blade at kinausap siya nito


tungkol sa mga routine na balak nitong gawin. Noong una ay tumutol siya sa mga
balak nito dahil parang hindi niya kaya... Pero kalaunan ay nakumbinsi din siya
dahil pinagtulungan na siya ng lahat. Magaling magturo sina Blade at Drake, madali
niyang nakuha ang mga step. Nang makabuo sila ng unang routine ay napagpasyahan na
nilang umuwi dahil magdidilim na... Magprapraktis ulit sila pagkatapos ng hapunan.

BLAG!!!.... PLANK!!!.... FGH!!!.... TEEENG!!!... Mariing napapikit sina Drake at


Blade ng marinig nila ang mga komosyon na iyon sa kusina. Nasa labas sila at
matamang nakaupo sa may pinto. Mukhang indespair si Hunter?! Sinabi sa kanila ng
kusinera na nagsabi si Hunter na ito na raw ang bahalang maghanda ng hapunan...
Kaya naman pinuntahan nila ito pero natakot din naman silang pumasok sa kusina
matapos nilang marinig ang mga ingay na iyon. May kung anong delubyo na nangyayari.
Dumating sina Karen at Conrad at nagulat ang mga ito ng makarinig ng malalakas na
lagabog sa loob ng kusina.

"A-Anong nangyayari?" gulat na tanong ni Karen kina Blade at Drake.

"Ahm... Nagluluto sa loob si Hunter." alanganing wika ni Drake.

"Ayos lang kaya si Kuya Hunter?" nag-alala nitong wika.


Nag-alala na rin si Conrad. Yamot na tumingin si Blade sa mukha ng dalawa.
Napailing siya sabay sabi ng...

"Huwag niyong alalahanin si Hunter, okay lang siya. Pero ipagdasal lang natin na
sana... Okay din ang mga pagkaing ihahain niya... Ayaw ko nang maranasan pa ang
nakakahindik na hapunan, almusal at tanghalian na iyon... Animal!" naiiyak niyang
wika.

"Ano ka ba?! Huwag mo na ngang ipaalala! Kininilabutan tuloy ako, parang ang lamig
bigla ng pakiramdam ko. Abuwisit ak pa!"

"Anak na lase! Eh totoo naman ay!"

Tumayo na sina Blade at Drake, pagkatapos ay niyaya na lang nila sa may terrace
sina Karen at Conrad. Nandoon sina Trevor at Rane... Nagpapaturo ang dalaga sa Tito
nito na tumugtog ng gitara. Naki-join na rin sila. Nanguna doon si Blade pero
kagaya ng pagtugtog ng violin, wala din siyang talent maging sa gitara. Mabilis
siyang sumuko ng sumakit ang mga daliri niya dahil sa chords ng instrumento.

Samantala... Sinipat ni Serene ang sarili, nakasuot siya ngayon ng sunny-yellow na


bestida. Maninipis ang manggas noon at maiikli. Tama lang ang hapit noon sa kanyang
katawan at lagpas tuhod iyon. Nahahawig ang damit sa isang japanese kimono. Naalala
niya ang bilin sa kanya ni Blade... Dapat daw magpaganda siya sa lahat ng oras.
Pilya siyang ngumiti dahil susundin niya nag suhestyon nito. Tinirintas niya ang
kanyang buhok ng pa-side. Pagkatapos ay nagpulbos siya at naglagay siya ng lipgloss
sa kanyang labi. Ilang beses niyang sinipat nag sarili bago siya lumabas.

Masaya ang lahat ng oras na ng hapunan... Lahat tinakam sa mga pagkaing nakahain sa
mesa... Chicken and pork adobo, cheesy caldereta, atsarang papaya, mushroom soup,
vegetable salad at para sa panghimagas, chocolate mose. Si Hunter ang personal na
naghain kasama ng mga katulong...

"Hunter, bukas ka pa nakatakdang magluto ah?" nagtatakang wika ni Kristine sa


binata.

"Sinipag po ako, kaya hayaan niyo na." matipid nitong sagot.

Pagkatapos noon ay naupo na si Hunter sa tabi ni Trevor at katapat niya sa mesa si


Serene. Matamang nakayuko ang dalaga at nakatuon ang buo nitong atensyon sa mga
pagkain. Tumingin si Hunter dito at hinintay na mag-angat ito ng tingin... Gusto
niyang tingnan din siya ni Serene. Pero mukhang mabibigo siya dahil pinipilit
nitong huwag tumingin sa gawi niya ng mag-angat ito ng mukha. Naiilang naman si
Serene dahil alam niyang tinitingnan siya ni Hunter at hindi niya maintindihan kung
bakit ganito ang inaakto nito. Kagaya ng inaasahan niya, masarap ang mga pagkaing
niluto nito. Naparami siya ng kain, hindi lang siya... Lahat sila. Hindi niya
maiwasang hindi mapangiti, paborito niya kasi ang mga pagkaing nakahain...

Nakita ni Hunter ang ngiti sa mga labi ni Serene at nakahinga na siya ng maluwag.
Sapat na iyon sa kanya, nagsimula na rin siyang kumain. Panay ang puri ng lahat kay
Hunter, lalo na si Lolo Con... Matapos ang masarap na hapunan ay nagkanya-kanya ang
lahat ng pagkakaabalahan...

Matapos magpababa ng kanilang mga kinain ay agad nang nagsimula sa pag-eensayo sina
Blade at Serene. Willing na willing naman si Trevor na tugtugan sila kasama si
Apollo na nagda-drums. At matiyaga si Drake na magturo sa kanila... Si Rane, abala
sa pagche-cheer sa kanila bilang moral support. Ito ang nagsilbi nilang audience.
Sina Karen at Conrad naman, abala sa pakikipaglaro sa makulit na si Sienna.
Samantalang si Hunter, abala sa pakikipag-usap kina Kristine at kay Lolo Con para
sa mga pagkaing ihahanda kinabukasan.
Hindi gaanong makatulog si Hunter, napatingin siya sa relo na nasa mesa na malapit
sa kama... Alas dos na ng madaling-araw pero gising na gising ang diwa niya.
Napagpasyahan niyang lumabas at maglakad-lakad. Napatigil siya ng malapit na siya
sa terrace... May naririnig siyang nagha-hum... Kilala niya ang boses na iyon,
hindi siya maaaring magkamali. Marahan siyang naglakad papunta doon pero hindi siya
lumapit. Natigilan siya ng makita niya ang marahan nitong pagsayaw... Nagsu-suway
sa hangin ang mahaba nitong buhok, mariin itong nakapikit at nakangiti ng matipid
pero iyong may pagkapilya. Nakasuot ito ng pantulog na maikling shorts at sando.

Her body was moving with a seductive beat.. Napalunok siya at biglang pinagpawisan
ng malapot... She was like a goddess, dancing to please his eyes. She thought of
something that makes her lips smile mischievous. And again, he was tempted with
that lips not only that... The whole-being of her was tempting him... Her dance was
a blaze of fire waking up something inside of his body... He felt an exceptional
heat that makes him go crazy upside down. Ilang beses siyang napakurap para
siguruhing hindi siya nananaginip.

Pero totoo talaga ang nakikita niya... It was really her... Siya talaga si
Serene... His Serene. Humakbang siya palapit at nakagawa na siya ng ingay dahil sa
mabibigat niyang mga yabag. Napatigil naman si Serene sa kanyang ginagawang
pagsasanay, iminulat niya ang kanyang mga mata at napatingin lugar kung saan niya
narinig ang mga yabag na iyon. Napasinghap siya at napaatras bigla ng makita niya
si Hunter. Nag-init ang mga pisngi niya. Mukhang kanina pa ito doon, bigla siyang
nakaramdam ng matinding kaba at takot.

Hindi nito maaaring mabuking ang plano nila ni Blade. Huminga siya ng malalim at
inihanda ang kanyang sarili... Pagkatapos noon ay mabilis siyang tumakbo palayo.
Nagulat naman si Hunter sa ginawa na iyon ni Serene... Parang slowmo pa sa kanya
ang ginawa nitong pagtakbo at ang pagdaan nito sa kanyang tabi... Pero hindi man
lang niya nagawang kumilos para pigilan ito, parang bigla siyang nanghina.
Napangiti siya ng mapait, ano pa bang aasahan niya matapos ng ginawa niya?! Natural
lang na iwasan siya nito. Ramdam niya ang sakit na ginawa niya dito, bumalik sa
kanya. He saw fears in her eyes. Mariin niyang ikinuyom ang kanyang mga kamao. Daig
pa niya ang sinampal sa mga sandaling ito.

Kinabukasan... Masaya ang lahat sa malaking handaan para sa kaarawan ni Lolo Con.
Umaapaw ang pagkain at masaya ang lahat ng tao na naroon. Madali lang nagawa ni
Hunter ang task niya sa pagluluto dahil marami siyang katulong doon. Sa labas ng
mansion ginanap ang malaking handaan at naroon ang lahat ng tao sa hacienda.
Katatapos lang ng masaganang kainan at may inihanda raw na palabas ang mga anak at
apo ng matanda... Nagpalakpakan ang lahat ng umakyat sa stage ang kambal na apo ni
Lolo Con. May dala-dalang gitara ang mga ito, tig-isa sila. Halos sabay na lumapit
sa mic ang dalawa.

"Magandang tanghali sa inyong lahat!!!..." umpisa ni Apollo.

Bumati pabalik ang mga manonood at nagpalakpakan.

"Alam niyo naman na mahal na mahal nating lahat ang aming mabait at mapagmahal na
Lolo... Kaya heto, may mga inihanda kaming sorpresa para sa kanya at para na rin sa
lahat... At ang paunang sorpresa... Siyempre kami ang gagawa." segunda ni Adonis.
"Kakantahan namin kayo ng isang Ilocano song... Pero dahil hindi naman lahat,
nakakaintindi sa wikang ito. Isinalin na lang namin sa tagalog para masaya ang
lahat! Kaya lahat ng umiinom, uminom na dahil kapag nabulunan kayo, hindi na namin
kasalanan... Lahat ng kumakain pa, madaliin niyo na... Dahil kapag nabilaukan kayo
at nakeret, hindi na namin kasalanan!" pilyong warning ni Apollo sa lahat.

"WHOA!!... UMPISAHAN NIYO NA!!!..." kantyaw ni Tri-ang ama ng kambal.

"Mga anak ko yata iyan!!..." proud pa nitong wika.

Kumaway ang dalawa sa kanilang ama at proud na ngumiti. Pagkatapos noon ay nag-
umpisa na silang tumugtog sa kanilang mga gitara at kumanta ng sabay...

"Kung ako ay isang binata at ako ay mag-aasawa

Ang pipiliin ko... Ay Doktora!

At sa gabi kung gigising kami...

Kung tutusok, tutusok din ako!

Magtutusukan kami, araw man o gabi!

Kung ako ay isang binata at ako ay mag-aasawa

Ang pipiliin ko... Ay Bombera!

At sa gabi kung gigising kami...

Kung bobomba, bobomba din ako!

Magbombahan kami, araw man o gabi!

Kung ako ay isang binata at ako ay mag-aasawa

Ang pipiliin ko... Ay Pulis!

At sa gabi kung gigising kami...

Kung puputok, puputok din ako!

Magpuputukan kami, araw man o gabi!

Kung ako ay isang binata at ako ay mag-aasawa

Ang pipiliin ko... Ay Hinete!

At sa gabi kung gigising kami...

Kung kakabayo, kakabayo din ako!


Magkakabayuhan kami, araw man o gabi!

Kung ako ay isang binata!..."

Hindi magkamayaw ang lahat sa pagtawa hanggang sa matapos ang kanta ng dalawa.
Halos mamilipit sa sakit ng tiyan ang lahat habang nakikinig. Marahas namang sinapo
ni Tri ang mukha at naiinis na tumingin sa mga anak niya. Hindi niya alam kung saan
napulot ng dalawa ang kanta na iyon. Napatingin siya sa kanyang asawa na si
Penelope, namumula din ito at nahihiya. Nang bumaba ang kambal sa stage ay ang
sunod na umakyat naman ay si Leon.

"Ngayon naman, ang sorpresa naman namin ng asawa ko ang susunod. Kung kanina,
napagod tayo at sumakit ang tiyan sa kakatawa... Ngayon naman ay mare-relax tayo sa
pakikinig ng musika. Tutugtugan tayo ng isang magaling na violinist na malapit
naming kaibigan. Isang masigabong palakpakan para kay Drake Summertime!"

Umakyat na sa stage si Drake at ngumiti ng matipid sa lahat. Nakatingin ang mga tao
sa hawak nitong instrumento at tumahimik ang lahat ng magsimula na itong
tumugtog... Mga paboritong musika iyon ni Lolo Con, Memory, All I ask of you at mga
classic sonata nina Beethoven at Mozart... Nang matapos tumugtog si Drake ay isang
masigabong palakpakan ang umalingawngaw sa paligid. Tumayo si Lolo Con, lumapit
siya kay Drake at masaya niya itong niyakap. Maluha-luha ito sa tuwa. Pagkatapos ay
kina Leon at Kristine ito yumakap at sa mga apo niya rito...

"Salamat... Dahil sa inyo, parang bumalik ang kabataan ko kahit sa mga alaala
lang..." wika nito.

"Wala po iyon, Tatay! Mahal namin kayo eh." wika ni Leon.

Samantala... Panay ang buntung-hininga ni Serene habang nakatingin kay Blade...


Isang itim na long-sleeve polo ang suot nito pero open at nakalantad ang maganda
nitong katawan... Samantalang siya, hawig ang suot niya sa damit ni Princess
Jasmine ng Alladin. Nakatirintas din ang kanyang buhok pero may ilang strands na
nakasabog sa kanyang mukha. Naka-make up din siya. Red ang lipstick niya para
seductive tingnan. May kakapalan ang kanyang eyeliner at mas na-enhance noon ang
kanyang mga mata....

"Relax ka lang, huwag mong kalimutan iyong mga inensayo natin. Basta, tumingin ka
lang sa akin sa buong sandali at hindi kita pababayaan. Ako ang bahala."
pampalubag-loob ni Blade.

"Whew, salamat ah?" wika niya.

Ngumiti lang ng pilyo si Blade at kumindat sa kanya. Tuluyan na rin siyang


napangiti at nawala ang nerbiyos na kanyang nararamdaman.

Si Trevor ang nasa stage para ipakilala sila...

"Humanda kayo mga kaibigan! Dahil nandito na ang matinding pagtatanghal na inyong
matutunghayan... Tiyak na mapupukaw ng husto ang inyong mga damdamin at bigla itong
mag-aapoy! Bigyan natin ng masigabong palakpakan ang pareha na magtatanghal!" wika
ni Trevor.

Umalingawngaw ang masigabong palakpakan.. Hudyat na iyon para lumabas mula sa


magkabilang bahagi ng stage sina Serene at Blade. Bigla namang napatanga si Hunter
ng masilayan niya ang ayos ni Serene... Nalaglag ang panga niya at natulala siya...
Ang mga mata niya, titig na titig sa dalaga. Ang puso niya, nagwala na... Pinipilit
niyang pakalmahin ang sarili... Nagsimula na ang tugtog at nagsimula na ring
sumayaw ang dalawa.. Have you ever really love a woman by Bryan Adams...

To really love a woman

To understand her..

You gotta know her deep inside

Hear every thought, see every dreams

And give her wings when she wants to fly

And when you find sublime and helpless

In her arms..

You know, you really love a woman..

Sa umpisa ng sayaw ay malagkit na nagtitigan muna sina Serene at Blade... Iniisip


ni Serene na nasa treehouse lang sila at nag-eensayo... Nagsimula nang maglakad si
Blade at huminto ito sa gitna ng stage... Nagsimula na rin siyang gumalaw, salitan
sa pag-imbay ang kanyang mga balakang habang nakataas ang kanyang mga kamay na may
seductive features at mariing nakatitig kay Blade. Marahan siya ditong lumapit
habang nagsasayaw, umikot siya dito ng mabagal at sinusundan siya ng tingin ng
kanyang kapareha. Hinaplos niya ang mukha nito, patungo sa dibdib.... Mariin silang
nagkatitigan at marahan silang gumalaw ng paikot. Tapos, bigla siya nitong hinapit
sa baywang at biglang pinaarko ang kanyang katawan... Medyo napasinghap siya dahil
biglaan iyon at mukhang matutumba siya kung hindi ito nakaalalay sa kanya.. He
slowly smell her hair down to her face, almost to her lips and then he lifted
her.... Pumuwesto ito sa likod niya na nakahawak sa kanyang baywang...

"Chill, huwag kang nerbiyusin. Baka manigas ang katawan mo ng bigla, masira ang
routine natin." bulong nito.

Ngumiti siya ng pilya dito bilang ganti. Hinawakan niya ang punong baba nito at
nagsway siya pero mabilis nitong hinablot ang mga kamay niya... Tapos hinawakan
nito ang kaliwa niyang legs at inilapit sa baywang nito... She bend, and he
followed her move.. He almost kiss her breast but he was too careful not to
touch... Napakaingat nito kaya malaki ang tiwala niya. Professional talaga. Hindi
ito mapagsamantala...

Pero si Hunter halos umusok na sa nakikitang eksena! Hindi na niya kinaya ang
lahat, bigla siyang tumayo at mabilis na pumunta sa stage. Bigla niyang sinuntok sa
mukha si Blade, natumba ito at napabitaw kay Serene.

"Huh?!" napasinghap na wika ni Serene.

Sobra siyang nagulat ng biglang natumba ang partner niya. Napatingin siya sa may
kagagawan noon at ang galit na galit na mukha ni Hunter ang nasilayan niya. Mabilis
nitong inalis ang suot nitong Polo na long-sleeve na kulay puti at mabilis iyong
ibinalot sa kanya. Tulala siya at hindi makapagsalita. Hinawakan siya nito sa
magkabilang-balikat...

"What do you think your doing, huh?!" galit nitong kastigo sa kanya.

Mataman namang pinunasan ni Blade ang gilid ng labi niya dahil dumugo iyon...
Ngumiti siya ng pilyo at pasimpleng umiskapo sa stage...
Samantala, ilang beses na napakurap si Serene... Nang makabawi siya sa pagkabigla
ay saka siya nagsalita..

"Ikaw, ano ang ginagawa mo?!" balik niya kay Hunter.

"Don't answer me the same question I ask you! Why are you dancing like that?! Don't
you know that your... Eeeer!!!..."

"At sino ka para kastiguhin mo ako sa ginagawa ko?! Ginulo mo ang intermission
namin, gumagawa ka ng eksena!" naiinis niyang wika.

Matagal na tumitig sa mga mata niya si Hunter at nanghihina siya... Unti-unting


lumambot ang expression ng mukha nito. Bigla siya nitong niyakap ng mahigpit...

"Please... Don't do this! Kung galit ka sa akin, huwag kang gumanti sa ganitong
paraan. Sampalin mo na lang ako o ano! But not this! It's a death torture to me!
I'm so sorry, alam ko... Gago ako, tanga! Hindi ko lang alam talaga ang gagawin
ko... Iniiwasan kita dahil ayaw kitang masaktan pero iyon pa rin ang nagawa ko...
Forgive me..."

Hinarap siya nito at hindi siya makapagsalita, tulala siyang nakatitig dito...

"Ang gusto ko lang ngayon, makasama ka sa lahat ng pagkakataon na nandito ka...


I... I......"

Hindi na itinuloy pa ni Hunter ang sasabihin bagkus ay bigla na lang siya nitong
hinalikan... The magic was their again... Lahat ng frustrations na nararamdaman
niya dito, nawala na. She response, meaning... He was forgiven. The crowd was shock
about that scene. Tulala ang lahat at mataman lang na nakatingin sa stage kung saan
naroon sina Hunter at Serene na may sweet kissing scene. Tapos...

"Hala, Mommy! Nagkit tila! Batet tila nagkit?!! Nagkit tila oh! Nagkiiit!..." ang
matining na react ng batang si Sienna.

Doon natauhan ang lahat at biglang nagtawanan... Sabay kantyaw ng umaatikabo kina
Hunter at Serene... Tumatawa ang dalawa ng humiwalay sila sa labi ng isa't-isa at
napatingin sila sa crowd... Nangunguna sa atensyon nila ang makulit na si Sienna na
tinuturo pa talaga sila... Kasi nga daw... NAGKIT daw sila...

**************************************

( Iyong kinanta noong twins na Ilocano song na isinalin ko... May mga binago ako
doon kasi iyong original, mas may pagkagreen... Tsaka ang hirap nang i-translate
noon...)

11. "Kidnap"
"Kidnap"

Mariing ininuyom ni Creta ang kanyang mga kamao habang nakatingin kina Ike at
Colossus. Nasa sementeryo siya at dadalawin sana niya ang puntod ng kanyang asawa
at anak... Araw ng kanilang pagkamatay ngayon. Hindi siya makalapit... Marahas
siyang huminga, hindi pa niya kayang harapin ang mga ito dahil mahina pa siya.
Malaki ang pinsalang tinamo niya noong nakaraan. Natigilan siya ng makita niyang
parating si Zech. May dala itong boquet ng bulaklak na Casablanca-iyon ang
paboritong bulaklak ng kanyang asawang si Rome. May dala din itong mga kandila.
Kagaya niya, nagulat din sina Ike at Colossus ng dumating ito.

"Anong ginagawa mo dito?" bungad ni Ike.

"Dumadalaw." simpleng sagot ni Zech.

Nagdududang tumingin sa kanyang mukha sina Ike at Colossus. Ngumiti siya ng


matipid.

"Taon-taon ko itong ginagawa tuwing araw ng kamatayan nila. Dinadalaw ko ang


kaibigan ko at inaanak. Wala naman sigurong masama, di ba?" untag ni Zech.

Nawala ang pagdududa ng dalawa at tumabi. Lumapit na siya sa mga puntod at inilapag
ang dala niyang bulaklak. Nagtirik na rin siya ng mga dala niyang kandila.

"Kayong dalawa, bakit kayo nandito?" casual na tanong ni Zech.

"Obvious, inaabangan namin dito ang traidor na si Creta. Mukhang magaling siyang
magtago." sarkastikong wika ni Ike.

"Hindi pa ba kayo nagkikita?" tanong ni Colossus.

Simpleng umiling si Zech.

"Wala akong balak na makita siya. At kung ano man ang problema niya, wala akong
pakialam. Magsolo siya."

"Mabuti naman kung ganyan ang pananaw mo, Zech. Mahirap kaming kalaban, alam mo
iyan." nakangising wika ni Ike.

Hindi na umimik si Zech bagkus ay tumitig na lamang siya sa mga puntod na naroon.
Napailing naman si Creta at napayuko. Ngumiti siya ng matipid.

"Ambagel kang lase ka, Zech..." turan na lang niya.

Natutuwa siya sa ginawa nitong pagdalaw sa puntod ng kanyang mag-ina. Matapos noon
ay umalis na siya sa lugar na iyon bago pa man siya mapansin. Hihiling na lang siya
ng misa para sa kanyang mag-ina. Kakausapin na lang niya si Father Piyo.
Samantala... Mariing niyakap nina Hunter at Serene ang isa't-isa... Maghihiwalay na
naman kasi ang mga ito, babalik na si Serene sa States at uuwi naman na si Hunter
kasama nina Blade.

Napangiti si Rane sa nakikitang eksena. Pero hindi rin niya maiwasang malungkot.
Sandali lang nagkasama ang mga ito... Napaka-unfair. Lumapit si Sienna kay Hunter
at hinila nito ang pantalon ng binata. Natigilan si Hunter at napaharap sa cute na
si Sienna.

"Bakit?" nakangiti nitong tanong.

"Itaw! Yatap ta ng yatap kay Telen, tapot tahapon... Kinit mo pa siya. Batet atawa
mo siya ah? Atawa mo?" nang-uusig na wika ni Sienna.

(Ikaw! Yakap ka ng yakap kay Serene, tapos kahapon.. Kiniss mo pa siya. Bakit asawa
mo siya ah? Asawa mo?)

"Ha ha ha ha! Hala ka diyan, lagot ka!" natatawang kantyaw ni Drake.

Natawa na rin ang iba at pasimpleng nagkatinginan sina Hunter at Serene sa isa't-
isa. Napabuka ang labi ni Hunter pero hindi makapagsalita kasi hindi alam kung ano
ang dapat na sabihin sa bata. Nang-uusig ang mga tingin nito at nakasimangot.

"Oh, atawa mo siya? Kinit mo, atawa mo?" kulit pa nito.

Hindi na rin nakatiis ang Mommy Cynthia nito. Natatawa nitong binuhat si Sienna at
inilayo sa dalawa.

"Pasensiya na kayo. Kahapon pa siya hindi maka-get over doon sa eksena niyo eh."
pakli nito.

Namula ang mukha ng dalawa at umaatikabong kantyaw ang napala ng mga ito. Matapos
noon ay sumakay na silang lahat sa van para umuwi. Katabi ni Rane ngayon si Blade
sa sasakyan. Si Drake, nasa likod kasama ni Hunter at lumilipad na ang kaluluwa sa
mundo ng panaginip. Napatingin siya sa mukha ni Blade, namamaga pa rin ang gilid ng
labi nito. Kulay-ube na. Napatingin din sa kanya si Blade at napakunot-noo.

"Why, bakit, aken, apay?" tanong nito sa kanya.

"Ayos ka lang?" tanong niya.

Itinuro niya ang namamagang bahagi ng mukha nito. Wala sa sariling sinipat nito
iyon at pagkatapos ay ngumiti.

"Ako pa, si Blade yata ito! Ayos na ayos lang ako ay! Pero sana man lang, may
konsensiya ang isa diyan. May THANK YOU! Kasi di ba, ako iyong naging tulay... Ako
iyong gumawa ng paraan. Nasuntok ako at muntik nang matanggalan ng bagang, naalog
pa ang utak. Sana man lang, may pampalubag-loob!" sabay sulyap kay Hunter.

Pero balewala ang lahat ng parungit at parinig nito. Si Hunter kasi, nakatingin sa
labas, nakapangalumbaba, at nakangiti habang marahang sinasalat ang labi. Mukha
itong temang.

"Abuwisit ak pa! Wrong-mistake!" ismid ni Blade dito.

Naawa naman si Rane sa mga sentimiyento ni Blade. Kinuha niya ang baon niyang
sandwich at iniabot dito.

"Ayan, pampalubag-loob. Ako na lang ang magbibigay." nakangiti niyang wika.


Natitigilan itong napatitig sa kanya at marahan nitong kinuha ang sandwich sa kamay
niya. Titig na titig ito sa kanyang mukha at nagsimula na siyang mailang. Nag-init
na ang mga pisngi niya.

"B-Bakit?" naiilang niyang tanong.

"Wala bang panulak?" bigla nitong wika.

Napaismid siya sa tinuran ito at padarag na iniabot ang mineral water na baon niya.
Iyon lang pala ang dahilan, kinabahan pa siya.

"Salamat! Mabuti pa ikaw Rane, may malasakit! Na-appreciate mo ang aking effort!
Hindi kagaya ng nalase na isa diyan... Walang konsensiya, atay, puso, balunbalunan
at makasarili!"

Pero nanatiling snob si Hunter. Naalimpungatan naman si Drake at nag-inat-inat...


Kinusot nito ang mga mata at naiinis na tumingin kay Blade na busy na sa pagkain.

"Abuwisit ak pa! Ang ingay mo, Blade! Utang na loob, kanina ka pa matalangatang
diyan, di ka magtigil! Para ka nang sirang-plaka. Alam mo namang kegtot na kegtot
ang puso niyan ngayon, kaya praning! Isturbo kang lase ay!"

Sutil na ipinakita lang ni Blade ang pagkain niya ng sandwich. Malalaki ang kagat
na ginawa niya.

"Grabeh, ginutom din tuloy ako!"

Inilabas ni Drake ang baon niyang dugo na negative AB na super lamig. Nakalagay
iyon sa cup ng slurpee at umuusok pa talaga ang baso sa sobrang lamig. Hindi
mahahalata kasi itim ang gamit niyang straw. Mabilis siyang sumimsim at high na
high na ang pakiramdam niya. Nakita iyon ni Conrad at...

"Kuya Drake, pahinge! May slurpee ka pala diyan, di mo sinasabi!"

"Sorry, Conrad... Pero di kita puwedeng bigyan. Almusal ko ito eh."

"Almusal?! Eh ang dami mo nang nakain bago tayo umalis ah?! Sige na, kahit kaunti
lang!"

Lumapit si Conrad at tinangkang agawin ang hawak ni Drake pero mabilis nito iyong
nailayo.

"Sorry, di puwede!"

Mabilis na inubos ni Drake ang laman ng kanyang baso... Pagkatapos noon ay mabilis
niyang inihagis sa labas ng bintana ang plastic cup. Nanggigigil na napatingin si
Conrad sa mukha ni Drake.

"Madamot ka, kuripot ka pa!" gigil na wika ng bata.

"Sabihin mo na ang gusto mong sabihin, Conrad... Hindi ako mapipikon!" natatawang
wika ni Drake.

"Emot ka na nga, buwakaw ka pang pangit ka! Pangit!" pikong wika ni Conrad.

"Hindi ako mapipikon!" kantyaw ni Drake.

"Mukha kang bangkay! Bangkay!"


Nanlaki ang mga mata ni Drake at biglang lumagutok ang kanyang mga daliri sa kamay.
Humalukipkip siya at natahimik..

"Parang napikon yata ako doon, ah?!" gigil na wika ni Drake sa kanyang isipan.

Tumawa naman ng mahina si Blade kasi alam niyang napikon si Drake. Napatingin din
si Hunter dito at napailing. Pero pagkatapos noon ay muli nitong ibinaling ang
paningin sa labas. Ganoon sila sa buong biyahe. Noong dumaan sila sa isang fastfood
para kumain ng kanilang lunch... Si Hunter ang pinasagot nila sa bayad ng kanilang
mga pagkain. Bayad daw iyon sa mga effort nina Blade at Drake... Hindi naman ito
tumanggi.

Kinabukasan... Linggo ng umaga... Sa simbahan... Aburido na si Father Piyo dahil


nawawala ang kanyang mga sakristan. Mag-uumpisa na ang misa pero hindi niya
mahagilap ang mga ito. Napagpasyahan niyang hanapin ang mga sakristan sa may likod
ng simbahan. Samantala, busy naman si Creta sa...

"Kuya Creta, magsisimula na ang misa. Baka hinahanap na kami ni Father Piyo." wika
ng isa sa mga sakristan.

Sumulyap siya dito at bumuntung-hininga.

"Teka lang, patodasin niyo na muna ako ay! Kanina pa ako talong-talo dito sa tong-
its eh. Sandali lang, hindi naman siguro agad magsisimula ang misa... Nananalo lang
kayo diyan eh, ayaw niyong magpabawi!"

Binunot niya ang King of Spade at itinapon. Ngumiti siya ng mapasadahan niya ang
kanyang baraha.

"Uy, tira niyo na!" wika niya.

Napangiwi naman si Charles-isa sa mga sakristan. Namutla din ang mga kasama nito.

"Bakit ba? Tira niyo na, oh! Teka, dinadaya niyo ako no? Pinagkakaisahan niyo ako
kaya kanina pa ako talo, no?" nagdududa niyang wika.

Napakunot-noo siya ng sabay-sabay na umiling ang mga ito sa kanya. Namumutla na ng


husto ang mga mukha at pinagpapawisan.

"Sinasabi ko na nga-AGEEH!!!..."

Biglang may pumingot sa kanan niyang tenga kaya di na niya naituloy ang sasabihin
niya. Nabitawan din niya ang hawak niyang baraha at kumalat iyon sa sahig.
Napatingin siya sa namingot sa kanya. Napangiti siya ng alanganin... Si Father Piyo
ang namimingot sa kanya.

"Magaling, Creta! Kaya pala hindi ko makita ang mga sakristan ko... Nandito na pala
silang kalaro mo ng tong-its! Magaling! Tinuturuan mo silang magsugal! Huwag na
huwag mo nang uulitin ang bagay na ito kung hindi... Sisiguruhin kong malilintikan
ka sa akin!"

Habang nagsasalita si Father Piyo ay pinanggigigilan niya ang tenga ni Creta. Panay
ang aray ng huli.
"S-Sorry! Nabo-bored lang kasi ako eh! Tsaka, hindi naman sugal ito kasi wala
namang involved na pera... Naglilibang lang kami, kanina pa nga ako talo eh!" rason
ni Creta.

"Aba, nakuha mo pang mangatuwiran ng baluktot!" napailing na wika ni Father Piyo.

"Eeeeh! Sorry na po! Di ko na uulitin!" hinging paumanhin ni Creta.

"Mabuti naman kung ganoon." sabay kutos ng malakas.

"Aaaw!"

Nagsenyas si Father Piyo sa mga sakristan at mabilis naman na tumayo ang mga bata.
Naglakad na ang mga ito paalis at naiwan naman si Creta na pinipisil ang napingot
na tenga. Napangiwi siya sa nangyari. Nilibang na lang ni Creta ang sarili sa
paglalaro ng solitaire. At kagaya sa tong-its, hindi siya makatodas. Wala talaga
siyang suwerte sa sugal. Narinig na niya ang pagkalampang ng mga kampana. At
nagpatuloy lang siya sa kanyang ginagawang paglalaro. Samantala, nakasalubong naman
ni Father Piyo sina Blade at Hunter.

"Okay na ang lahat, Father!" nakangiting bungad ni Hunter.

Napatango-tango si Father Piyo at napatingin kay Blade. Gulat naman itong


napatingin sa kanya ng mapansin nito ang titig niya.

"Why, bakit, aken, apay?" untag ni Blade.

"Pagkatapos ng misa, pumunta ka sa kuwarto ko at maglinis. Mas makabubuti kung


magtagal ka ng kaunti dito sa simbahan para naman mabawasan ang kabrutalan ng iyong
bunganga."

"Tsk, tsk, tsk... Si Father Piyo naman, di na ganoon kabrutal ang bunganga ko. Anak
na lase!"

Nakatikim ng sampal sa bibig si Blade. Gulat niyang nasapo ang labi at napangiwi.
Alanganin ang tinging ipinukol niya kay Father Piyo.

"S-Sorry, slip of the tongue! Hayaan po ninyo, maglilinis akong maigi, hindi lang
sa kuwarto niyo.. Kung gusto niyo, pati ang buong simbahan pa eh! Basta balaan niyo
ako kapag nasa paligid ang Pitong Archangels, ha?"

"Ande lay atet, Blade!"

Napailing na lang si Hunter at natawa. Hinila na lang niya papasok sa loob ng


simbahan si Blade. Nang matapos ang misa ay agad na ngang pumunta si Blade sa
kuwarto ni Father Piyo para maglinis. Samantala, ilang beses na bumuntung-hininga
si Creta at marahas na napakamot sa kanyang batok. Tumayo na siya para pumasok sa
loob ng simbahan. Tapos na kasi ang panghuling misa... Siyempre, dahil sa simbahan
siya nakatira.. Maaga siyang nakakapagsimba kaya maaga din siyang nakatambay.
Pasipol-sipol siya ng pumasok siya sa loob pero bigla siyang natigilan ng madatnan
niya ang isang taong hindi niya inaasahan.

"H-Hunter?!" gulat niyang wika.

Nagulat din ng husto si Hunter ng makita niya si Creta. Puno ng benda ang katawan
nito at may mga galos pa. Mabilis na kumilos si Creta, umatras agad siya at tumakbo
palayo. Hindi niya malaman ngayon kung saan siya dapat na pumunta. Akma siyang
tatalon sa mataas na pader na nasa gilid ng gusali ngunit...
"Sige, ituloy mo Creta. Sinisiguro ko sa'yo na tatama sa puso mo ang palaso ko
kapag itinuloy mo ang balak mo."

Napatingala si Creta at nakita niya si Hunter sa tuktok ng simbahan. Nakatutok sa


kanya ang palaso ng pana nito. Kilala niya ang kapasidad ng galing nito sa pagpana.
Napayuko siya at marahas na huminga. Itinaas niya ang kanyang mga kamay, tanda ng
pagsuko. Tumalon mula sa itaas si Hunter at nanatiling nakatutok sa kanya ang
palaso. Lumapit ito sa kanya.

"Sabihin mo, pagbabayarin mo na ba ako, ha? Puwede bang saka na lang? Puwede bang
huwag muna ngayon dahil may kailangan pa akong gawin?"

Mariing itinutok ni Hunter ang sandata niya kay Creta. Nagdududa siyang tumingin sa
mukha nito. Hindi niya maintindihan ang sinasabi nito.

"Ano bang sinasabi mo, ha?! Pinapaikot mo ba ako?"

Ngumiti ng mapakla si Creta.

"Sa tingin mo, sa ganito kamiserableng kalagayan ko... Magagawa ko pang magpaikot?
At kahit na gawin ko ang bagay na iyon, hindi naman kita mauuto kasi matalino ka."

"Kung ganoon, anong ginagawa mo dito sa simbahan? Anong kailangan mo? Nandito ka ba
para manggulo?"

"Sa maniwala ka at sa hindi, dito ako pansamantalang nakatira."

Nanlaki ang mga mata ni Hunter sa kanyang narinig. Masyado siyang nagulat. Sinipat
niyang maigi si Creta, hindi nga ito nagbibiro o nagsisinungaling. Napatingin siya
sa mga benda nito sa katawan.

"Gusto kong malaman kung ano ang nangyari sa'yo. Gusto ko ng paliwanag."

Ibinaba niya ang kanyang armas at naglaho iyon ng kusa. Nalilito namang napatingin
si Creta kay Hunter. Hindi niya inaasahan ang inakto nito. Sumandal siya sa pader
at tumingala siya sa langit. Napangiti siya ng mapait at pagkatapos noon ay
sumulyap siya kay Hunter.

"Kung ganoon, makinig ka sa isang mahaba-habang istorya." umpisa ni Creta.

Nagsimula na nga siyang magkuwento at matamang nakikinig sa kanya si Hunter. Wala


siyang pagpipilian at bahala na kung ano ang maging hatol nito sa kanya pagkatapos.
Samantala, abala si Blade sa paglilinis sa kuwarto ni Father Piyo ng mahagip ng
kanyang mga mata ang damit pangpari at ang abito na nakasabit sa aparador.
Napangiti siya at biglang may naglaro sa utak niya. Kinuha niya ang damit at
mabilis niya iyong isinuot. Ilang beses siyang nagpaikot-ikot sa harap ng salamin
matapos niyang magbihis. Ang luwang ng ngiti niya.

"Tsk, tsk! Nalase na ito, ang guwapo ko naman palang pari kapag nagkataon oh. Bagay
na animal ay! Matarake! Kagalang-galang pa..."

Napailing-iling niyang wika habang sinisipat ang sarili sa harap ng salamin.


Napahawak siya sa kanyang baba at isang ideya na naman ang sumingit sa kanyang
utak. Napangiti siya ng maluwag.

"He he he he! Wala naman sigurong masama kung lumabas ako ng ganito ng
pansamantala? Total, nagawa ko naman na ito noong pumunta ako sa costume party sa
school dati..." nakangisi niyang turan.
Napatango-tango siya sa kanyang sarili para mas makumbinsi siya sa kanyang
sinasabi. Hanggang sa, iyon na nga... Lumabas na siya at naglakad ng taas noo, suot
ang damit na iyon. Napapangiti siya ng maluwag kapag may nakakasalubong siya at
napapatingin sa kanya. Si Father Piyo naman, abala sa pakikipag-usap sa kaibigang
exorcist priest na si Clemen. Nasa labas sila at kumakain ng meryenda. Wala itong
kamalay-malay sa kalokohan na naman ni Blade.

"Hello, Father!" bati ng mga tao kay Blade.

Bumati siya pabalik at ang luwang ng kanyang ngiti. Nasaan na kaya si Hunter? Dapat
makita siya nito at tiyak na magugulat iyon. Pumunta siya sa may labas ng simbahan
at doon niya naisipang tumambay ng ilang sandali. Nakapamaywang siya at nag-iisip
kung saan siya dapat na magpunta. Iniisip niya iyong lugar kung saan mas mapapansin
siya... Biglang huminto sa harapan niya ang isang green na van. Lumabas doon ang
ilang kalalakihan na may hawak na baril. Mabilis siyang hinila at tinakpan ng panyo
ang kanyang ilong... Hindi na siya nakapalag dahil agad siyang nakatulog matapos
niyang malanghap ang gamot mula sa panyo.

Samantala... Nakadama ng matinding simpatya si Hunter kay Creta matapos niyang


marinig ang buo nitong kuwento.

"Matagal nila akong pinaikot, nakakatawa... Buong tiwala ang ibinigay ko kay
Vaulant pero matagal na pala niya akong sinaksak sa aking likuran. Totoo nga na
walang pagsisisi ang nasa una. Nasa huli ang lahat. Pero, Hunter... Pakiusap lang,
huwag niyo na muna akong singilin sa kasalanan ko. Hayaan niyo na muna akong
maningil ng hustisya para sa mag-ina ko. Handa akong lumaban ng kasama kayo, kung
gusto niyo..."

Ilang beses na huminga ng malalim si Hunter at napahawak siya sa kanyang baba.


Pagkatapos noon ay tumingin siya kay Creta.

"Si Blade ang kausapin mo tungkol sa bagay na iyan. Siya ang makakapagdesisyon.
Pero sa tingin ko, pagbibigyan ka naman niya. Siya nga pala, nasaan si Zech? Sinabi
kasi ni Blade na hindi siya kasama sa mga nambugbog sa'yo. Naikuwento niya."

Tumawa ng mahina si Creta.

"Matagal ng umalis sa Black Circle Organization si Zech. Maayos siyang kumalas.


Pero, duda ako kung patatahimikin siya ng matagal nina Vaulant... Tingnan mo naman
kung anong kahayupan ang ginawa nila sa akin. Ginago nila akong animal."

"Kung ganoon, kailangan din naming makaharap si Zech. Hmm... Nagiging enteresante
ang lahat." wika ni Hunter.

Tumingin siya kay Creta at pagkatapos ay bigla niya itong inundayan ng malakas na
suntok sa mukha. Tumilapon si Creta at sinapo ang pisngi.

"Bayad ka na sa akin. Pinapatawad na kita!" wika ni Hunter.

Napangisi si Creta sa tinuran nito. Agad siyang tumayo at inayos ang sarili.

"Salamat!" ganti niya.

Natigilan sila pareho ng humahangos na dumating ang isang sakristan. Hingal na


hingal ito. Maang silang napatingin sa bata na aburido.

"Anong nangyari?!" halos sabay pang tanong nina Hunter at Creta.

"S-Si Father Piyo, nakidnap!"


"H-Ha?!" gulat na react ni Creta.

Mabilis siyang lumapit sa bata at dinaklot ang kuwelyo ng damit nito.

"Anong nangyari kay Father Piyo?! Anong nangyari?!" taranta niyang tanong.

"N-Nakatayo daw sa may harap ng simbahan si Father Piyo ng bigla siyang kunin ng
mga lalaking armado at isinakay siya agad sa kulay-green na van!" taranta nitong
paliwanag.

Bigla itong binitawan ni Creta at agad na napatingin sa mukha ni Hunter na gulat na


gulat din.

"Nabiktima yata si Father Piyo ng mga sindikatong nangingidnap ng mga pari! Sa mga
opisyal ng bayan sila humihingi ng malaking ransom. Ang masama pa nito, kapag
nakuha na nila ang ransom-"

Hindi na pinatapos ni Creta sa pagsasalita si Hunter. Agad siyang tumakbo palabas


at pumunta sa may harap ng simbahan. Nagpalinga-linga siya paligid. Hindi niya alam
kung saan siya mag-uumpisa. Kailangang mailigtas niya si Father Piyo! Nakapalaki ng
utang na loob niya dito kaya hindi niya ito dapat na pabayaang pamahamak na lang!

Samantala... Medyo umiikot pa rin ang paningin ni Blade ng imulat niya ang kanyang
mga mata. Ilang beses siyang napakurap-kurap para mawala ang panlalabo ng kanyang
paningin. Nakita niyang nakatali ang kanyang mga kamay sa isang poste at nakaupo
siya sa isang kahoy na upuan na lumang-luma na.

"Animal..." mahina niyang wika.

Naalala niya na nakidnap pala siya kanina. Sinipat niya ang paligid at mukhang nasa
isang lumang gusali siya. Marahas siyang napabuga ng hangin ng pinaikot niya sa
paligid ang kanyang paningin. Wala man lang pinto ang silid na kinaroroonan niya.
Puno iyon ng agiw, alikabok at mga lumang gamit na nakatambak. Nakarinig siya ng
mga papalapit na yabag. Nakarinig din siya ng mga nagtatawanang kalalakihan.
Mukhang iyon na ang kanyang mga kidnappers. Pumasok ang mga ito sa silid na
kinaroroonan niya at ngumisi ng makita siya. Mataba ang nangunguna sa mga ito at
balbas-sarado. Nakasuot ito ng chaleco na kulay itim at may hawak na baby armalite.
Hindi naman gaanong mataba ang dalawa sa mga kasama nito pero may sinasabi ang
katawan... May hawak ang mga itong 45 caliber na baril. At ang panghuli, isang
payat na lalaki na may hawak na magnum.

"Mabuti naman Father, at gising ka na..." nakangising wika ng matabang lalaki.

Hindi umimik si Blade, bagkus ay yamot lang siyang napatingin sa mukha nito.

"Aba, mukhang matapang ang isang ito! Hindi ka ba natatakot dito, ha? Baka mag-
novena ka niyan ng wala sa oras."

Pasimple nitong itinutok ang hawak nitong baril kay Blade. Yamot lang siyang
umiling at matalim na tumitig sa mukha ng matabang lalaki.

"Hoy, baboy... Kung itututok mo iyan, siguruhin mong ipuputok mo. Puro ka lang
naman satsat na animal!"

Nalaglag ang panga ng apat na lalaki at nagkatinginan. Dinuro ng payat na lalaki si


Blade.
"Molong! Sigurado ka bang pari itong nakidnap natin?!" untag nito doon sa mataba.

Sabay-sabay na sinipat ng mga ito si Blade.

"Mga hunghang! Di ba, nakuha natin siya sa harap ng simbahan. At tsaka, tingnan
niyo ngang maigi ang itsura niya! Ayan, pari ang lintek na ito."

"Hmm?!" react ni Blade.

Napangisi siyang bigla... Mukhang naloko niya ang mga masasamang loob na ito.
Humanda sila sa kanya dahil paglalaruan niya ang mga ito.

"O-Oo nga ano... Pari nga ang isang ito. Pero bakit ang brutal yata ng bunganga?"
nagtatakang wika ni Badong.

Ito iyong lalaking medyo katamtaman ang pangangatawan.

"Sipatin niyo ngang mabuti, ang bata pa niya. Baguhan lang, kaya ganoon siguro!"
naiinis na wika ng matabang lalaki na si Molong.

"Uy, bakit niyo ako kinidnap? Wala akong maipangtutubos. Kulang na kulang nga ang
nakukuha naming abuloy sa simbahan eh. Mahiya naman kayo sa mga sarili niyo, pati
ba naman ako... Isang kapita-pitagan, nakuha niyo pang samantalahin?! Ano bang
klaseng mga tao kayo?" litanya ni Blade.

"Mga kidnappers kami! Tumahimik ka diyan, huwag mo kaming sermunan. Heto ang
cellphone, tawagan mo ang Mayor ng bayang ito at humingi ka sa kanya ng tulong kung
gusto mo pang mabuhay!" utos ni Molong.

"At bakit ko naman tatawagan ang Mayor ng bayang ito, ha? Close ba kami? Textmate
ba kami o callmate?! Ni hindi ko nga siya friend sa facebook, tapos ora-orada niyo
siyang patatawagan sa akin. Ano namang pakialam sa akin, noon?!"

Nanlalaki ang mga mata ng apat na lalaki na tumingin sa kanya. Nagsalubong ang
kilay ng mga ito at sabay-sabay na itinutok ang mga hawak na baril.

"Napipika na kami sa'yong pari ka! Tawagan mo na ang mayor kung gusto mo pang
mabuhay!"

"Hindi nga kami close, animal! Tsaka hindi ko nga alam ang number niya, paano ko
siya tatawagan? Mga tanga kayong anak na lalase ay!"

Inis nang tinanggal ni Blade ang tali sa kanyang mga kamay. Hinawakan niya ang dulo
ng baby armalite na hawak ng matabang lalaki at pagkatapos noon ay binali niya ang
baril gamit lang ang kanyang kamay.

"H-Halimaw!!..." takot na wika nito.

Inis niya itong binigwasan ng suntok sa mukha at agad itong natumba.

"Kapal naman ng baboy na ito na tawagin akong halimaw na lase ay! Abuwisit ak pa!"

"Huwag kayong magpasindak, paputukan niyo siya!" wika ng payat na lalaking may
hawak na magnum.

Mabilis siyang tumalon para makaiwas sa mga bala. Hindi nga siya tatalaban ng mga
iyon, pero... Lagot siya kay Father Piyo kapag nasira ang damit nito dahil sa
kalokohan niya. Bigla siyang sumulpot sa likuran ng dalawang lalaki na may hawak ng
45 caliber. Hinawakan niya ang baywang ng mga ito at...

"CLEAR!!!..."

Pinadaluyan niya ng kanyang kuryente ang katawan ng mga ito. At dahil doon, natumba
ang mga lalaki at nawalan ng malay. At tatakasan pa sana siya noong payat na lalaki
pero hindi rin niya ito pinaligtas. Kinuryente din niya. Napangisi siya ng pulutin
niya ang mga baril sa sahig. Hindi pa siya nakakagamit noon. Isang ideya ang naisip
niya...

Samantala, tarantang tumatakbo sina Creta at Hunter para hanapin ang nakidnap na si
Father Piyo. Sinusundan lang nila ang direksyong sinabi ng mga taong nakakita sa
green na van. Naglalakad naman na pabalik sa simbahan si Father Piyo kasama ng
kaibigan nitong si Father Clemen. Nakita nila na tumatakbo sa kalsada sina Creta at
Hunter.

"Creta!!!..." malakas na tawag ni Father Piyo dito.

Napahinto si Creta ng marinig niya na may tumawag sa kanya. Huminto siya at


napatingin dito.

"Anong nangyayari?" simpleng tanong ni Father Piyo.

"Si Father Piyo, nakidnap!" tarantang wika ni Creta.

Pero nawala ang pagkataranta niya ng matitigan niya ang kanyang kausap.

"F-Father Piyo?" gulat niyang tanong.

Nagulat din si Hunter at hindi makapaniwala.

"Ako, nakidnap? Eh kumain lang naman kami ng meryenda sa labas nitong kaibigan kong
si Father Clemen pagkatapos ng huling misa. Paano naman ako makikidnap eh heto ako.
Pauwi na nga ako sa simbahan."

Nasapo ni Hunter ang noo at napailing. May ideya na siya kung sino ang totoong
nakidnap. At ngayon palang, naaawa na siya sa mga kidnappers na iyon.

"Huminahon ka na, Creta. Alam ko na kung sino ang nakidnap." napangiwing wika ni
Hunter.

"Sino?!" halos sabay pang tanong nina Creta at Father Piyo.

Nakamasid lang sa kanila si Father Clemen at nangingiti.

"Si Blade ang nakidnap." maikling sagot niya.

Marahas na napasuntok sa hangin si Father Piyo at biglang nataranta. Mataman siyang


tumingin kina Hunter at Creta.

"Utang na loob! Hanapin niyo agad si Blade... Bagong-bago pa lang ang damit kong
iyon! Loko talaga! Tiyak na isinuot niya iyon!" taranta nitong wika.

Si Creta naman ngayon ang nawindang kasi hindi niya ma-imagine si Blade na nakasuot
ng banal na kasuotan. Hinila na siya ni Hunter at hindi na niya namalayan ang lahat
hanggang sa mahimasmasan siya. Samantala...

"H-Huwag! Maawa po kayo sa amin, Father! Huwag po ninyo kaming babarilin!"


nagmamakaawang wika ni Molong.
Itinali ni Blade ang mga ito ng patiwarik.

"Huwag kang magalaw... Nagprapraktis akong animal ay! Kapag tinamaan ka, keret
ka... Di kasalanan ko pa dahil sa mulagat ka!"

Ikinasa ni Blade ang baril at nagsimula na nga siyang mag-ensayo. Panay ang sigaw
ng apat na lalaking kindnappers pero wala naman siyang pakialam sa mga ito.
Natatawa nga siya sa itsura nila kasi mukha itong mga goons sa pelikula. Napatigil
siya sa pag-eensayo ng biglang dumating sa eksena si Hunter...

"Itigil mo na iyan! Baliw ka talaga!" saway nito.

"Tara, Hunter.. Magpraktis ka rin!" nakangiti niyang wika.

Iwinasiwas pa niya sa ere ang hawak niyang baril na 45 caliber. Pero unti-unting
nawala ang ngiti niya ng makita niya si Creta. Dito niya itinutok ang hawak niyang
baril.

"Bakit kasama mo ang tarantadong animal na ito?!" kastigo niya kay Hunter.

"Maliwanag na sa akin kung ano ang nangyari sa kanya... Hindi natin siya kaaway..."
mahinahong wika ni Hunter.

Pinaputukan niya si Creta sa may paanan nito. Pero hindi man lang ito natinag sa
kanyang ginawa. Nanatili itong nakatingin sa kanya. Marahan itong sumaludo, sabay
sabi ng...

"Patawad, Captain!"

Nawindang ang apat na lalaki at napatingin kay Blade. Huli na ng malaman ng mga ito
na hindi talaga totoong pari si Blade. Mabilis namang itinapon ni Blade hawak na
baril. Lumapit siya kay Creta at agad niyang inundayan ng malakas na suntok.
Nawarak ang pader kung saan tumama si Creta sa sobrang lakas ng suntok na
pinakawalan ni Blade. Tumilapon ang maraming debris. Napatingin si Blade sa kanyang
kamao na may bahid ng dugo. Pagkatapos ay kay Creta na nakahiga, sapo ang mukha.
Bumukol ang parteng nasuntok niya. Sa kaliwang-pisngi iyon. Tinulungan ito ni
Hunter na makatayo.

"Ambagel kang animal na hudas ka! Pero, sige na... Bayad ka na sa atraso mo sa
akin. Pinapatawad na kitang buwisit ka! Anak na lase!" napahalukipkip na wika ni
Blade.

Sumuka ng kaunting dugo si Creta pero sa kabila ng lahat ay nagawa pa nitong


ngumiti ng mapatingin ito kay Blade.

"Baliw ka talaga, Blade! Pero ang brutal na lalo ng bunganga mo. Ang lutong mong
magmura!" natatawa niyang wika.

Natawa na rin si Hunter. Pero saglit lang.

"Hoy! Hubarin mo na nga iyang suot mo! Alam mo bang natataranta na si Father Piyo
dahil isinuot mo iyang damit niya ng walang paalam?! Bagong-bago pa lang daw iyan!"
tarantang wika ni Hunter.

"Ha? Bago ba?" balewalang react ni Blade.

Sinipat niya ang sarili at mayabang na tumingin kina Hunter at Creta. Napakunot ang
noo ng mga itong napatingin sa kanya.
"Ano, bagay ba sa akin? Mukha ba akong kagalang-galang, ha?" untag niya.

Napaismid na lang ang dalawa at umiling. Pagkatapos noon ay tumawag na sila ng mga
alagad ng batas para hulihin ang mga kriminal. At noong pag-uwi nila ay...

"Hubarin mo iyan, Blade!!.."

Natatarantang wika ni Father Piyo. Agad siyang lumapit dito at agad din niyang
hinubaran si Blade.

"Uy, hinay-hinay lang! Huwag kayong gumawa ng Public Alarming Scandal dito sa harap
ng simbahan! Baka magkamali kayo, mahubad pati ang pantalon ko eh... Makita ang
aking angry bir-AGEEH!!!..."

"Tumahimik ka! Kabastos talaga ang bunganga mo!" kinutusan ni Father Piyo si Blade.

Inis nitong hinila ang damit at naiwan si Blade ng topless. Pinagtitinginan tuloy
ito ng mga taong napapadaan.

"Anong tinitingin-tingin niyo diyan? Ngayon lang ba kayo nakakita ng magandang


katawan?! Kung gusto niyo para makuntento kayo hubarin ko pa itong pantalon ko eh!
Anak na lase! Mga bastos!"

Hindi makapaniwala si Creta sa kanyang nakikita. Malala na si Blade dati... Pero


mas lumala na ang kalagayan nito ngayon. Napalunok siya at tumingin kay Hunter.

"S-Si Blade na ba talaga iyan?" windang niyang tanong.

"Oo naman. Sumakay ka pa!"

Natatawang sagot lang ni Hunter sa kanya. Natawa na rin siya sa bandang huli at
nasapo na lang ang namamaga niyang pisngi na sinuntok ni Blade.

12. UNMASK

"UNMASK"
"Class, good morning! Kamusta ang mga bakasyon niyo noong Semestral break? Okay ba,
ha?" tanong ni Blade sa mga estudiyante niya.

Matamang ngumiti sa kanya ang lahat.

"Sir, bitin! Paggawa ng projects ang inatupag namin. Kayo lang ang hindi nagbigay
sa amin ng task." wika ni Louie.

"Ganoon ba? Tsk, tsk, wala kayong magagawa. Ako lang ang hindi KJ eh. Siya nga
pala, wala pa kayong project sa akin sa P.E... Hindi ko naman puwedeng tingnan ang
langit para ma-compute ko ang grades niyo.. Sa ngayon, wala pa akong maisip. Anong
suggestion niyo?" untag niya sa mga bata.

Natigilan ang mga ito at nag-isip ng maisa-suggest sa kanya. Tumayo si Barry.

"Sir! Ayusin kaya ulit namin ang garden sa bahay mo?" wika nito.

Sandaling nag-isip si Blade.

"Huh, kaaayos ko lang noon. Nagbunot na ako ng mga damo doon." wika niya.

Nadismaya ang mga estudiyante niya sa sinabi niya. Hangga't maaari ayaw niyang
bigyan ng mahirap, lalo na ng magastos na project ang mga bata. Ayaw na niyang
dagdagan ang paghihirap ng mga ito. Tumayo siya at umupo sa ibabaw ng mesa. Napade-
kuwatro siya at napangalumbaba. Nag-isip siya ng malalim... Tapos, may ideya na
sumingit sa utak niya. Napapitik siya sa hangin.

"Alam ko na, guys!" masigla niyang wika sa mga bata.

"SIR, ANO?!" sabay-sabay na tanong ng mga ito.

"Ang project niyo sa akin ay Sayaw! Hahatiin ko kayo sa groups at maghanda na kayo
ng music at routine ng inyong sayaw. Bibigyan ko kayo ng isang linggo para makabuo
kayo. Galingan niyo dahil mataas ang grades na ibibigay ko sa grupong
pinakamagaling. At para mas ma-inspired kayo, mag-iimbita ako ng judges." masaya
niyang wika.

Nagkatinginan ang mga bata at nagbulungan.

"Sige, Sir! Mukhang masaya nga iyan!" wika ni Van.

Nagkasundo na silang lahat at sinimulan na niyang hatiin ang mga ito sa groups nang
by alphabetical. Nahati ang mga ito sa limang grupo.

Samantala... Abala sa paglilinis ng kanyang silid si Creta ng makaramdam siya ng


kakaibang hangin na bigla na lang pumasok.

"Mukhang busy ka, aking kapatid?"

Natigilan siya ng marinig niya ang magaan na boses na iyon. Napatingin siya sa
lugar na pinagmulan ng nagsalita. Natuliro siya ng makita niya si Michael-one of
the seven archangels. Naglakad ito palapit sa kanya at hindi niya magawang gumalaw
o magsalita man lang. Masyado siyang captivated. Tinapik nito ang balikat niya ng
makalapit ito sa kanya.

"Mabuti naman at hindi ka na bulag. Salamat at nagising ka na rin sa katotohanan."


Huminga siya ng malalim at kusang nangilid sa kanyang mga mata ang luha.

"P-Patawad..." sincere niyang wika.

"Alam ko... Kagaya ni Zech, karapat-dapat kang bigyan ng pagkakataon. Sobra na ang
hirap at pasakit na pinagdaanan mo. Kailangang makamit mo ang iyong hustisya. Pero
Creta, kailangang mapatunayan mong muli ang iyong sarili." makahulugang wika ni
Michael.

"Paano?"

"Maglingkod kang muli sa ating Ama. Magkakaroon ka ng mga misyon. Handa ka bang
lumaban at maglingkod kasama nina Blade?" tanong nito.

Kusa siyang napangiti ng maalala niya ang baliw na si Blade. Sinabi nito sa kanya
na madali siya nitong napatawad dahil ang kanilang Ama, hindi kailanman napagod na
gawin ang bagay na iyon.

"Oo, handang-handa... Pero karapat-dapat ba akong bigyan ng pagkakataon? Naging


napakasama ko at nagkaroon ako ng sukdulan na galit sa langit, lalo na kay Ama..."
nahihiya niyang wika.

"Noon iyon, hindi na ngayon. Ang mas mahalaga ay kung ano ka na ngayon. Hindi pa
huli para sa'yo na itama ang iyong mga pagkakamali. Palaging may pag-asa dahil ang
puso mo, alam ang salitang pag-ibig at pagmamahal."

Hindi siya nakaimik sa sinabi nito. Bagkus, nahihiya na lang siyang napatingin sa
mukha nito. Napangiti siya ng matipid at napailing. Tumawa naman ng mahina si
Michael sa naging reaksyon niya.

"Sumama ka sa akin. Pupuntahan natin si Zech. May mahalaga akong sasabihin sa


kanya." biglang wika ni Michael.

"Sige." ayon na lang niya.

Inilahad nito ang kanang-kamay at agad naman niyang inabot iyon. Nagulat siya ng
bigla silang balutin pareho ng nakakasilaw na puting-liwanag. Nang maglaho iyon ay
ilang beses niyang ikinurap ang kanyang mga mata. Para siyang lumutang sa kawalan
at hindi niya maipaliwanag kung bakit sobrang bilis ng tibok ng puso niya.
Napatingin siya sa paligid, at nakita niya si Zech na gulat na gulat na nakatingin
sa kanilang dalawa ni Michael. Nakatanga ito at nalaglag ang hawak na libro. Isang
mahinang lagabog ang umalingawngaw sa paligid.

"C-Creta?!" hindi makapaniwalang wika ni Zech.

Tuliro siyang napatingin sa mukha nito, lalo na kay Michael na nakangiti ng


maluwang. Huminga muna ng malalim si Creta bago siya ngumiti sa kanyang kaibigan.
Nasa greenhouse sila.

"Ako nga, Zech. Salamat sa pagdalaw mo sa mag-ina ko noong isang araw."

Naglakad palapit sa kanya si Zech at akma itong yayakap sa kanya pero pinigilan
niya.

"Utang na loob, Zech. Tama na sa akin na makitang masaya ka sa pagdating ko."

Natawa ng mahina si Zech at napailing. Hindi makapaniwala.

"Kamusta ka?" tanong na lang ni Zech.


"Heto, nagpapagaling sa mga sugat na tinamo ko mula sa mga tarantadong iyon..."
mababakas ang galit sa boses ni Creta.

"Ano bang nangyari?" casual na tanong niya.

"Nagawa kong magtraidor dahil isang inosenteng bata ang napili nilang ialay kay
Mammon. Hindi ko maaatim na ganoon lang ang kahinatnan niya. Iniligtas ko siya at
kinalaban ko silang lahat... Malaki ang pinsalang tinamo ko mula kay Mammon. At
isang pasabog na katotohanan ang aking natuklasan... Sina Vaulant at Tumand pala
ang totoong pumatay sa aking mag-ina, Zech!" gigil na gigil na ikinuyom ni Creta
ang kanyang mga kamao.

"Ano?!" gulat na react niya.

"Tsk! Oo, inamin mismo ni Vaulant sa akin. Matagal na pala nila akong sinaksak sa
aking likuran. Ang tanga ko!"

Umagos sa mga mata ni Creta ang mga luha. Nakadama ng matinding simpatya si Zech sa
kanyang kaibigan. Nagulat siya ng bigla itong tumawa ng mahina.

"At ano namang itinatawa mo diyan?" napataas na kilay niyang tanong.

"Naalala ko kasi si Blade. Grabe, ang lala na pala talaga ng lagay ng isang iyon.
Mas baliw na siya ngayon, sheyt!"

Tumawa pa lalo si Creta pero natigilan ito ng biglang sampalin ng mahina ni Michael
ang bibig nito.

"Ang bunganga mo." wika pa ni Michael.

Ngumiti na lang ng alanganin si Creta at nagpeace sign. Pero si Zech, hindi


makapaniwala sa kanyang narinig.

"Tama ba ang narinig ko, si Blade?!" amuse niyang tanong.

Napamulsa si Creta at matamang tumingin sa kanya.

"Oo. Sa simbahan kasi ako nakatira ngayon. Una kaming nagkita ni Hunter. Kamustahan
ng kaunti kaya may pasa ako dito sa may panga... Tapos, kay Blade at humingi ako ng
tawad sa kanya. Pinatawad naman niya ako kaya heto... May bukol ang kanang-pisngi
ko. Kaya kung ako sa'yo, magpakita ka na rin kina Blade. Magsorry ka na rin sa
kanya, maiintindihan ka niya. Hindi man lang siya nagdalawang-isip na patawarin
ako..." mahabang wika ni Creta.

Napayuko si Zech at marahang napailing. Mariin niyang naikuyom ang kanyang mga
kamao. Panay ang kanyang buntung-hininga. Nagtaka naman si Creta sa inakto ng
kanyang kaibigan.

"May problema ba?" untag niya.

"Baka hindi na ako mapatawad nina Blade..." mahinang wika ni Zech.

"Ha? Bakit naman?"

"Dahil matagal na akong nagtatago sa isang maskara na ang pangalan ay Archer.


Matagal ko na silang niloloko." mapait na wika ni Zech.

Nalito ng bahagya si Creta sa sinabi niya.


"Teka, bakit ka naman nagpanggap na ibang tao sa kanila?"

"Dahil kay Rane... Nang makilala ko siya, hindi ko alam na malapit siya kina
Blade.. Huli na ng malaman ko. Pinili kong layuan siya at kalimutan para iiwas siya
sa panganib. Pero sadyang hindi ko pala kayang gawin ang bagay na iyon... Parang
pinapatay ko ang aking sarili sa isiping hindi ko siya maaaring malapitan o
makasama man lang. Kaya binali ko ang aking pangako sa sarili ko. Dahil doon,
napalapit din ako kina Blade bilang si Archer... Sa lahat ng pagkakataon na
nakasama ko sila, naging masaya ako. But at the same time, guilty... Niloloko ko
sila dahil nagtatago ako sa isang maskara." mahabang paliwanag ni Zech.

Marahas niyang inihilamos sa kanyang mukha ang kanyang mga palad. Pinagpawisan din
siya ng malapot. Hindi naman makapagsalita si Creta sa mga salitang narinig niya
mula kay Zech... Katahimikan ang biglang namayani.

"At sa tingin ko, ito na ang tamang pagkakataon na alisin mo ang iyong maskara sa
harapan nila, Blade. Hindi ka na puwedeng mabuhay sa kasinungalingan, Zech.
Hangga't maaga pa, umalis ka na sa kumunoy na iyong nilikha. Huwag mo nang ilubog
pa lalo ang iyong sarili. Pumunta ka ngayon kina Blade at maging tapat. Ano man ang
kahinatnan, tanggapin mo ng maluwag dahil iyon ang bunga ng iyong ginawa. Isa itong
utos." biglang wika ni Michael.

Gulat na napatingin si Zech sa mukha ni Michael. Hindi niya magawang magsalita o


tumutol man lang sa sinabi nito.

"Pumunta ka doon bilang si Archer at magbalik ka dito bilang si Zech. Kailangang


mawala na ng tuluyan ang katauhang huwad na iyong binuo... O mas tamang sabihin na
binuo ninyong dalawa ni Rane..."

Napalunok si Zech ng marinig niya ang pangalan ni Rane. Nasapo niya ang kanyang noo
at ilang beses na napabuga ng hangin. Hindi niya gustung madamay sa sitwasyong ito
si Rane.

"Kailangang harapin din ni Rane ang sitwasyong ito. Pareho niyong kinakailangang
magpakatotoo."

Lalo siyang naumid. Naglakad-lakad siya at hindi na siya mapakali ng husto. Ilang
sandali pa, nakabuo na rin siya ng isang solidong desisyon.

"Tama... Panahon na nga siguro para tanggalin ang aking maskara na si Archer...
Pero ako lang ang lalakad ng mag-isa. Hindi ko idadamay si Rane kagaya ng pangako
ko sa kanya." wika niya.

Ngumiti ng makahulugan si Michael sa kanya.

"Gawin mo kung ano ang gusto mo. Basta siguruhin mong nasa tama. At ang lahat,
ipaubaya mo na lang sa langit."

Tumango na lang siya sa sinabing iyon ni Michael.

"Good luck sa'yo, Zech. At ihanda mo ang iyong pagmumukha." si Creta.

Isang matipid na ngiti ang kanyang isinukli.

Kinahapunan, nakangiti si Rane habang pinagmamasdan niya ang dala niyang paper
roses na kulay-asul. Nakapaso iyon at balak niyang ibigay kay Zech. Tiyak na
matutuwa ito sa munti niyang pasalubong. Nakabukas ng bahagya ang gate. Huminga
siya ng malalim bago tuluyang pumasok sa bakuran. Sana lang, nandito ito ngayon.
Ilang araw niya itong hindi nakita. Nang marating niya ang maindoor ng bahay ay
inilapag niya sa tabi ang kanyang dala. Pagkatapos ay marahan siyang kumatok.

"Zech!" tawag pa niya.

Ilang beses pa siyang kumatok at tumawag. Marahas siyang bumuntung-hininga...

"Wala yata siya..." nanlulumo niyang pakli.

Ngunit bigla siyang nakarinig ng mga papalapit na yabag. Nakadama siya ng saya.
Mali pala siya ng akala. Pumihit ang seradura ng pinto at marahan iyong bumukas.
Napabuka ang labi niya ng bumungad sa kanya ang tao sa likod ng pinto.

"I-Ikaw?" hindi makapaniwala niyang wika.

Ngumiti sa kanya ang lalaki ng matipid. Tumitig ito ng mataman sa kanyang mukha.
Biglang nag-init ang mga pisngi niya.

"Mabuti naman at hindi mo ako nakalimutan. Hindi ikaw ang pangalan ko kundi Creta.
Siguro naman, natatandaan mo pa."

"O-Oo... Si Zech?"

"Wala siya eh. Pinuntahan niya sina Blade. Ang sabi niya sa akin, magtatapat siya
ng katotohanan." makahulugan nitong wika.

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. Mabilis niyang kinuha sa sahig ang
halamang dala niya at agad na iniabot kay Creta. Gulat naman nitong kinuha iyon
mula sa kanya.

"Paki-ingatan lang, please! Regalo ko ito kay Zech. Susundan ko agad siya!
Salamat!"

Pagkatapos niyang magsalita ay agad na siyang tumalikod at mabilis na tumakbo.


Bahala na!

Samantala... Abala si Blade sa paggawa ng kanyang lesson plan. Nasa sala siya.
Napatigil siya sa kanyang ginagawa ng makarinig siya ng sunud-sunod na katok...
Patamad siyang pumunta sa may pinto at patamad din niyang binuksan iyon.

"Hello." matipid na bati ni Archer.

"Archer? Whoa... Anong masamang hangin ang nagdala sa'yo dito?" tanong niya.

Sumeryoso ang mukha nito at napahinga ng malalim.

"May importante at mahalaga akong sasabihin sa inyong lahat..." wika nito.

"Pasok ka kung ganoon."

Pinatuloy niya ito sa loob at pinaupo sa sofa.

"Anong gusto mo? Juice, kape, o tubig?"

"Salamat na lang sa abala. Okay lang ako. Maaari mo bang tawagin sina Hunter at
Drake?"

Amuse na napatingin si Blade sa mukha ni Archer. Halata kasi ang matinding pag-
aalala sa tinig nito. Mukhang mabigat ang sasabihin nito sa kanila.

"Sige, hintayin mo lang kami diyan."

"Salamat."

Unang pinuntahan ni Blade si Hunter na nasa kusina. Sabay silang pumunta sa sala at
pagkatapos noon ay umakyat naman siya sa itaas para puntahan si Drake. Halatang
mahimbing ang tulog nito dahil naririnig niya ang mahina nitong hilik mula sa
kabaong. Marahan siyang naglakad palapit sa kabaong at marahan niya itong kinatok.
Marahas na bumukas ang kabaong at napaatras siya. Yamot na tumingin si Drake sa
kanya na bagong gising at....

"Bakit ba?! Ang sarap ng tulog ko eh, isturbo ka! Abuwisit ak pa!" inis nitong
turan.

"Huwag ka nang mayamot sa akin. Ginising kita kasi may bisita tayo." paliwanag
niya.

Napaismid ito sa sinabi niya.

"At sino naman ang bisita natin, huh? Ang Presidente ba?! Kaya ang masaya at
maganda kong tulog, kailangang isturbuhin?!" sarkastiko nitong wika.

"Oh well, hindi naman ang Presidente ang bisita natin. Pero sapat na rin siya para
gisingin kita. Si Archer ang bisita natin. May importante at mahalaga daw siyang
sasabihin sa atin. Baka may misyon na naman tayo o ano..."

Bumangon na si Drake sa kabaong nito at inayos ang sarili.

"Baka naman ipatapon na naman tayo sa malayo? Ano na naman kaya ang kailangan
nating gawin...?"

"Ewan ko lang. Tara na, para malaman na natin."

Bumaba na nga sila at nadatnan nila sa sala sina Archer at Hunter na parehong
tahimik. Hindi rin sila nagsalita kaya isang nakakabinging katahimikan ang biglang
namayani sa buong paligid. Tumayo si Archer at matamang tumingin sa mukha nilang
tatlo.

"Guys, makinig kayong mabuti sa sasabihin ko... Hindi ko sinasadya ang bagay na
ito, dala lang ng sitwasyon ang lahat... Nabilanggo ako sa takot, pero patawarin
niyo ako... Nagsinungaling ako sa inyo." umpisa ni Archer.

Amuse na napatingin ang tatlo dito. Inipon ni Zech ang lahat ng lakas ng loob na
kailangan niya. Matamang nakatingin sa kanya ang tatlong-lalaki at halata sa mga
mukha nila ang pagtataka sa kanyang sinasabi.

"Teka, anong nagsinungaling ang sinasabi mo?" confuse na tanong ni Hunter.

Isang malalim na buntung-hininga ang pinakawalan ni Zech bago magsalita. Heto na


ito, ang moment of truth.

"Hindi talaga ako si Archer... Dahil ang totoo, ako talaga si Zech!"

Biglang lumuhod si Zech at unti-unting nagbago ang anyo ng kanyang mukha.... Ang
mga nunal sa ilalim ng kanyang kanang-mata ay nawala at ang kulay-nutbrown niyang
buhok... Naging kulay-puti... Natuliro ang tatlong-lalaki sa nasaksihan.

"Patawad... Hindi ko nagawang magtapat agad dahil natakot ako... Alam ko, matagal
akong nagsinungaling..."

Natuliro sina Hunter, Drake at Blade sa rebelasyong iyon. Napaawang ang kanilang
mga bibig pero hindi makapagsalita. Unang nakabawi si Blade at mabilis niyang
sinugod ng malakas na suntok si Zech. Nangingibabaw ang kanyang galit at
pagkabigla.

"Sinungaling kang animal ka! Manloloko kang anak na lase!"

Hindi lang iisang suntok ang binitiwan nito, kundi marami. Tumilapon si Zech sa may
pinto at nasira iyon. Bumagsak siya sa lupa kasama ng pinto ng bahay. Mabilis na
tinakbo ni Blade para sugurin at hindi man lang gumanti si Zech. Pinabayaan lang
nito si Blade. Alam niyang nararapat lamang siya sa galit na iyon dahil sa kanyang
kasinungalingan. Ito ang kabayaran. Isang malakas na sipa sa tiyan ang muling
nagpatilapon kay Zech. Hindi naman kumilos sina Hunter at Drake, hinayaan lang nila
si Blade. Muli sanang susugurin ni Blade si Zech pero...

"Tama na! Huwag!!!...." ang malakas na sigaw ni Rane.

Mabilis siyang tumakbo at agad na dinaluhan si Zech. Niyakap niya ito. Puro pasa na
ang mukha ni Zech at naaawa siya sa kalagayan nito. Hinaplos niya ang pisngi nito
at matapang na tumingin kay Blade. Pero kasabay noon, kinakain siya ng
napakatinding guilt.

"Huwag mo na siyang saktan, Blade... Pakiusap!" naiiyak niyang wika.

Bahagyang natigilan si Blade ng makita niya si Rane pero sandali lamang iyon.

"Lumayo ka sa sinungaling na iyan, Rane!" mariing wika ni Blade.

Nanatiling nakamasid lang sina Drake at Hunter.

"Mali ka... Ako ang sinungaling. Ako! Nagawa niyang magpanggap bilang si Archer ng
dahil sa akin. Nakilala ko siya at naging kaibigan... Alam kong isa siya sa mga
fallen angels na nagkulong sa'yo sa mahabang panahon... Pero nagbago na siya.
Nakiusap ako sa kanya na itago niya ang kanyang totoong pagkatao dahil ayaw kong
magkasakitan kayo kung sakali. Pero heto, nangyari pa rin ang bagay na
pinakaiiwasan kong mangyari. Tama na, dahil... Ako ang puno ng kasinungalingang
ito! Patawad..." umiiyak na wika ni Rane.

Napatanga si Blade at nasapo ang noo. Tuliro siyang nakatingin kay Rane na matamang
nakayakap kay Zech. Hindi niya maipaliwanag ang sakit na nararamdaman niya sa
kanyang nakikita. Napaatras siya at napaungol ng mahina, dala ng frustrations na
kanyang nararamdaman. Marahan namang kumalas si Rane sa pagkakayakap kay Zech at
matamang naglakad palapit kay Blade.

"Sorry... Hindi ko sinadyang magsinungaling. Natakot kasi ako kaya..." napakagat sa


pang-ibaba niyang labi si Rane.

Guilty siyang tumingin sa mukha ni Blade.

"B-Bakit nagawa mo sa akin ang bagay na ito...?" mariin nitong sumbat.

Hindi siya makasagot sa tanong. Tinangka niyang lumapit dito pero agad itong lumayo
sa kanya. Mariin niyang naikuyom ang kanyang mga kamao. Panay ang agos ng mga luha
sa kanyang pisngi.

"Sorry..."

Muli siyang naglakad palapit pero muli itong lumayo. Nalilito ang mukha nito.
Napailing ito ng marahan at tila hindi makapaniwala sa mga sinabi niya.

"H-Huwag mo akong lapitan. Galit ako sa'yo, Rane. Galit ako sa'yo! Manloloko ka..."

Napasinghap siya sa sinabing iyon ni Blade. Bigla siyang napahagulgol ng iyak at


hindi na niya kinaya ang lahat... Tumakbo siya palayo at hindi niya alam kung saan
siya dapat pumunta. Basta ang gusto niya ay makalayo na lang. Bigla namang nasapo
ni Blade ang bibig ng mapagtanto niya ang kanyang nasabi.

"Blade, bakit mo ginawa ang bagay na iyon?! Kaya kong tanggapin ang lahat ng galit
mo pero hindi ko mapapalagpas na sinaktan mo ang damdamin ni Rane!" galit na wika
ni Zech.

Pagkatapos noon ay mabilis niyang sinugod ng suntok sa mukha si Blade. Natumba ito
at tila natauhan sa kanyang ginawa. Pero ng tumayo ito ay sinugod din siya ng
suntok at nagpalitan na sila ng kanilang mga atake. Hindi na nakatiis sina Hunter
at Drake... Kumilos na sila para awatin sa pagsusuntukan ang dalawa. Halos sabay
nilang hinila palayo sa isa't-isa ang mga ito.

"Tama na! Tumigil na kayong dalawa! Pareho lang kayong nakagawa ng dahilan para
masaktan si Rane! Pareho kayong mga ENGOT! Abuwisit ak pa!" galit na wika ni Drake.

Natigilan sina Zech at Blade. Mariin silang tumitig sa mukha ng isa't-isa.

"Sinungaling kang animal ka!" gigil na wika ni Blade.

"Ikaw, brutal ang bunganga mo! Sinaktan mo si Rane! Sobra ka, nagsinungaling nga
siya.. Pero sana, ikinonsidera mo ang rason kung bakit nangyari iyon at ang mga
bagay na ginawa niya para lang sa'yo. Hindi mo alam kung gaano ka kauwerte sa
kanya! Gago ka!" ganti ni Zech.

"Animal ka namang anak na lase ka! BIG BUSET ka! BUSET ka!"

"Tama na sabi eh! Nagsinungaling nga marahil si Zech pero mayroon siyang sapat na
dahilan at paliwanag sa lahat... At Oo, may karapatan din namang magalit si Blade
dahil naloko siya ng matagal.. Hindi lang siya kundi pati kami ni Drake. Pero kung
idadaan ang lahat sa away at dahas, walang magandang mangyayari! Kaya puwede ba,
pag-usapan na lang natin ang lahat ng ito? Ayusin natin ang gusot!" mariing wika ni
Hunter.

Parehong natigilan ang dalawa at nagpakahinahon. Panay ang hinga ng malalim ng mga
ito. Isang nakakabinging katahimikan ang namayani.

Samantala, panay ang iyak ni Rane habang marahan siyang naglalakad. Pinunasan niya
ang luha sa kanyang mga mata at bumuntung-hininga ng maraming beses para kumalma
ang kanyang pakiramdam. Hindi niya maipaliwanag ang sakit na naramdaman niya ng
sabihin ni Blade na galit ito sa kanya. Muling namuo ang mga luha sa kanyang mga
mata pero pinunasan niya agad iyon bago bumagsak sa kanyang mga pisngi. Tumingin
siya sa paligid at natigilan siya... Hindi niya namalayan kung saang lugar siya
napunta. Nasa kakahuyan siya at nagtataasan ang puno sa paligid. Tumingin siya sa
kanyang likuran at hindi niya matandaan ang daan pabalik kung saan siya nanggaling.
Napalunok siya at nakaramdam ng takot... Napayakap siya sa kanyang sarili dahil
medyo madilim na. Humangin din ng malakas at nagliparan sa paligid niya ang
napakaraming tuyong dahon.
Umiikot ang mga tuyong dahon sa kanya at mukhang nasa gitna na siya ng isang
mahinang ipo-ipo. Hindi niya maintindihan kung bakit nakaramdam siya ng kakaibang
kilabot. Napatanga siya ng bigla siyang makarinig ng tawa ng isang babae.
Umaalingawngaw iyon sa buong paligid. Gusto niyang tumakbo pero nagulat siya ng
hindi niya magawang igalaw ang kanyang mga paa. Para bang may kung anong pumipigil
sa mga ito. Pinipilit niya pero wala siyang magawa.

"Sino ka?!" lakas-loob niyang tanong.

Ngunit mas malakas na tawa lang ang kanyang narinig. Mas lumakas ang hangin at
bumulusok papunta sa kanya ang napakaraming dahon. Isinangga niya ang kanyang mga
braso para maprotektahan ang kanyang mukha. Pinilit niyang humakbang... At hindi
biro ang lakas ng kanyang katawan ang ibinubuhos niya sa mga sandaling ito.
Nakadama siya ng pag-asa ng magawa niyang maihakbang ang kanyang kanang paa.
Pinagpapawisan siya ng todo kahit pa napakahangin. Sunod naman niyang sinubukang
ihakbang ang kaliwa niyang paa. Hingal na hingal siya ng magawa niya iyon.

"Nararamdaman ko at nalalasahan ang iyong sakit... Kailangan ko ang madilim at


malungkot mong puso..." wika ng boses ng babae.

Napatingala siya at nagmasid sa paligid. Wala siyang makita ni anino ng babae. Oo,
natatakot siya pero nilalakasan niya ang kanyang loob.

Samantala... Matamang nakikinig sina Blade, Hunter at Drake sa lahat ng paliwanag


ni Zech. At panay ang hingi ng sorry ng huli sa kanila.

"Tama na ang sorry, nakakarindi na. Naiintindihan na namin ang lahat. Pero animal
ka, sana inagahan mo ang pagsasabi sa amin. Sana, hindi pa umabot sa ganito ang
lahat. Sana... Hindi ako nakapagbitaw ng masakit na salita kay Rane kanina... Anak
na lase! Sana, hindi ko siya nasaktan!" frustrate na wika ni Blade.

"Oo na, kasalanan ko. Mas mabuti na isipin natin ngayon si Rane... Kailangang
makabawi tayo sa kanya." pakli ni Zech.

Napahawak sa kanyang baba si Blade at malalim na nag-isip... Hindi niya akalaing


magagawa niya ang isang bagay na kahit na sa bangungot ay hindi niya naisip
gawin... Ang saktan ang damdamin ni Rane. Nasaktan siya ng maalala niya ang kanyang
ginawa, para niyang pinatay ang sarili.

"Ngayong tapos na ang issue sa inyo. Puwede bang ibang issue naman ang pag-usapan
natin?!" untag ni Drake sa lahat.

"ANO?!" halos sabay-sabay na tanong ng tatlong-lalaki.

"Pag-usapan niyo Zech at Blade kung paano niyo aayusin ang pinto ng bahay ko. Sino
sa inyo ang magkakabit?! Mabuti na lang narra, kaya matibay."

Napakamot sa batok ang dalawa at nagkatinginan. Itinaas ni Zech ang kanan niyang
kamay.

"Ako na ang bahalang mag-ayos diyan." presinta nito.

"Good."

Bigla silang natigilan nang...

"EEEEEEHHHH!!!!!..."
Isang malakas na sigaw ng isang babae ang bigla nilang narinig. Nasa di-kalayuan
iyon. Kilala nila ang boses.

"Si Rane!" bulalas ni Blade.

Nakaramdam siya ng kakaibang takot at pag-aalala ng marinig niya ang malakas nitong
sigaw. Napatingin siya sa kanyang mga kasama at wala nagsalita. Mabilis silang
kumilos para puntahan ang lugar na pinanggalingan ng malakas na sigaw.

Samantala.... Napatili ng malakas si Rane ng biglang lumitaw sa ulunan niya ang


isang itim na liwanag. Umiikot iyon at unti-unti siyang hinihigop... Pinipilit
niyang lumaban pero nahihila siya. Tuluyang lumutang ang kanyang katawan sa ere at
pinilit pa rin niyang magpumiglas para labanan ang puwersang kumukuha sa kanya.
Pero nagtagumpay pa rin ito na kunin siya at ipasok sa loob ng itim na liwanag na
iyon. Ang huli lang niyang nagawa ay sumigaw ng napakalakas. Hindi siya
makapagsalita ng masipat niya ang paligid. Napakadilim at wala ang kahit na ano...
Ilang sandali pa, naramdaman niyang bumibigat ang talukap ng kanyang mga mata.
Nilalaban niya ang antok na kanyang nararamdaman. Pero sa bandang huli, nanaig pa
rin ito. Tuluyan na niyang naipikit ang kanyang mga mata at napahiga siya sa
madilim na kawalan....

( ITUTULOY... )

13. "Shadow and Despair"

"Shadow and Despair"

Mabilis na tumakbo sa kakahuyan sina Blade, Drake, Hunter at Zech. Sigurado silang
doon nila narinig ang malakas na tili ni Rane.

"RANE!!!!..." halos sabay-sabay na tawag ng apat na binata.


Nilibot nila ang lugar pero ni anino ni Rane, hindi nila nakita. Nanghihinang
napasandal si Blade sa may puno at napayuko.

"Anak na lase! Imposibleng maglaho na lang si Rane ng basta-basta... May nangyari,


masamang nangyari at kasalanan ko itong animal! Abuwisit ak pa!" inis na iniumpog
ni Blade ang ulo sa trunk ng puno.

Yamot na tumingin si Drake kay Blade.

"Puwede ba, hindi ito ang tamang oras at panahon para sisihin mo ang sarili mo! Mas
mabuting kumilos ka kaysa magmulagat ka diyan! Abuwisit ak pa!" naiinis niyang
turan.

"Tama si Drake. Maghanap pa tayo sa mga lugar na malapit dito." segunda ni Hunter.

Iyon na nga ang kanilang ginawa pero wala talaga. Kahit hibla ng buhok ni Rane,
hindi nila nakita. Napatigil naman si Blade sa may gitnang bahagi ng kakahuyan.
Gumawa ng kakaibang pabilog na hugis ang mga dahon sa lugar na iyon. Huminga siya
ng malalim at natigilan siya... Hindi siya maaaring magkamali, ang amoy ng
pabangong iyon... Strawberry scent! Iyon ang amoy ng pabango ni Rane!

"Rane! Rane!....."

Natigilan ang mga kasama ni Blade sa kanyang ginawa. Mabilis na naglakad papalapit
si Zech dito.

"Alam mo kung nasaan si Rane?!" taranta nitong tanong.

"H-Hindi ako sigurado... Pero sa lugar na ito, naaamoy ko ang pabango ni Rane.
Naiwan iyon."

Pagkarinig ni Zech sa sinabi ni Blade ay huminga siya agad ng malalim at naamoy nga
niya ang pabango ni Rane. Napayuko siya at nakita niya ang kakaibang formation ng
mga dahon. Naupo siya at dumakot ng lupa.. Pinakiramdaman niya ang paligid.
Napalunok siya ng wala sa oras... Kung tama ang hinala niya, nasa matinding
panganib si Rane at malabong matulungan nila ito. Marahas niyang sinuntok ang lupa.

"Bakit?!" tanong ni Blade.

Marahan siyang tumayo at tumingin sa mukha nito. Lumapit na rin sa kanila sina
Drake at Hunter.

"Naiiwan ang mga ganitong bakas kapag may nagbukas na portal sa ibang dimensiyon.
Mukhang nahigop ng isang portal si Rane... Dinala siya ng kung sino sa isang
lugar."

"May paraan ba para masundan natin siya?!" tanong agad ni Drake.

"Titingnan ko ang magagawa ko. Lumayo muna kayo ng kaunti dahil gagawa ako ng
pentagram dito." wika ni Zech.

Matamang sumunod sina Drake, Hunter at Blade. Lumayo nga sila at agad namang gumawa
ng pentagram si Zech. Kulay-puti ang pentgram na iyon. Mula sa bulsa ng pantalon ni
Zech, kinuha niya ang maliit niyang cutter at pagkatapos noon ay sinugatan niya ang
kanyang kaliwang-braso. Ipinatak niya ang kanyang dugo sa gitna at paligid ng
pentagram. Pagkatapos ng kanyang ginawa ay unti-unting nangitim ang kulay-puting
pentagram... Nagulat siya dahil may lumitaw ding sulat sa paligid ng pentagram na
kanyang ginawa. Iyon nga lang, hindi niya mabasa ang mga simbolong iyon. Hindi iyon
mga demon's symbol kundi iba... Ang mga letrang iyon ang nagsisilbing seal para
hindi mabuksan ang isang lagusan papunta sa isang mundo na nasa kakahuyang iyon...

"Anong problema? Kulang ba ang iyong dugo? Puwede din naming ibigay ang mga dugo
namin." presinta ni Blade.

"Maliban sa akin dahil anemic ako no!" pakli agad ni Drake.

Alanganing tumingin si Zech kay Blade.

"Hindi ako makagawa ng portal dahil naka-seal ang mundo na nasa loob ng lugar na
ito. Nakikita mo ba ang mga sulat sa paligid ng pentagram na ginawa ko? Iyan ang
seal at hindi ko siya mabasa... Sa pagkakaalam ko, ang mga letrang iyan ay sa mga
engkanto. Ibang-iba ang simbolo ng mga ito sa mga demon's symbol at holy symbols na
alam ko..." paliwanag ni Zech.

"Kung ganoon, si Lolo Gusting ang makakatulong sa atin!" mabilis na pakli ni Drake.

Agad itong umalis at nanghihina namang napaupo sina Blade at Zech. Sumalampak sila
sa lupa. Si Hunter naman, sumandal sa may puno.

"Kung ganoon, wala pala tayong magagawa kundi hintayin si Lolo Gusting dito." basag
ni Hunter sa katahimikan.

Hindi umimik ang dalawang lalaki. Parehong nakayuko ang mga ito at malalim na nag-
iisip. Halata sa mga mukha nila ang matinding pag-aalala. Nag-aalala din naman siya
ng husto kay Rane pero mas pinipili lang niyang magpakahinahon.

Samantala.... Mabigat na mabigat ang katawan ni Rane ng imulat niya ang kanyang mga
mata. Nagulat siya ng makita niya ang mukha ng isang babae sa kanyang harapan. Itim
na itim ang buhok nito na aalon-alon. Napakaputla ng balat nito, mas maputla pa kay
Drake dahil halos magkulay-ube na iyon. Kasing pula naman ng dugo ang labi nito.
Napatitig siya sa mga mata nito, wala siyang maaninag na emosyon. Napakablangko ng
mga matang iyon. Tumitig din pabalik sa kanya ang babae at pagkatapos noon ay unti-
unti itong lumapit sa kinahihigaan niya. Nakaramdam siya ng kakaibang kilabot.
Sinubukan niyang gumalaw pero hindi niya magawa. Wala namang nakakabit na anuman sa
kanyang katawan pero napakabigat ng kanyang pakiramdam. Parang may nakadagan sa
kanyang bato na hindi niya nakikita.

Tumingin siya sa paligid, nakahiga siya sa isang napakalaking kama at napakaluwang


ng silid na kinaroroonan niya. Itim ang lahat ng nakikita niyang kulay doon. Mula
sa kurtina, mga gamit at ang lahat na... Tuluyan nang nakalapit sa kanya ang
kakaibang babae. Hindi siya makasigaw dahil maging ang labi niya, hindi niya
magawang igalaw. Hindi niya alam kung binabangungot siya o ano... Nagulat siya ng
hawakan nito ang punong-baba niya at kusang bumuka ang labi niya. Itinapat nito ang
mukha sa kanya at nararamdaman niya ang napakalamig nitong hininga. Parang
nagyeyelo ang pakiramdam niya dahil doon. Kusa nitong ibinuka ang bibig at itinapat
sa kanyang labi. Nanlaki ang mga mata niya ng maramdaman niya ang mainit na bagay
na lumalabas sa kanyang bibig... Isang kumikinang na puting-liwanag ang kinukuha
nito mula sa kanya. At habang ginagawa nito ang bagay na iyon... Nahihirapan siyang
huminga at naninikip ang dibdib niya.

Bumibigat na rin ang talukap ng kanyang mga mata pero pinipilit niyang huwag
pumikit kahit pa nanlalabo na ang kanyang paningin. Halos anino na lang ang
nakikita niya. Kapag nagpatalo siya, katapusan na niya at wala na siyang
pagkakataong makita at makasama ang mga taong mahal niya... Dahil sa isiping iyon,
biglang lumakas ang loob niya... Naging malinaw na rin ang kanyang paningin at
nagawa na rin niyang gumalaw. Mabilis niyang itinulak ang babae at nahulog ito sa
sahig. Bumangon siya at agad na tumayo... Tumingin siya sa babae na nakasalampak sa
sahig. Itim na dress ang suot nito na hanggang kalahati ng hita. Nakayapak lang
ito.

"S-Sino ka? Anong kailangan mo sa akin?" matapang niyang tanong sa babae.

Matamang tumingin ang babae sa kanya at marahang tumayo. Blangko na blangko ang mga
mata nito, parang walang kaluluwa. Napalunok siya, kakaibang nilalang talaga ang
kaharap niya.

"Hmm.... Nakakapagtaka naman. Hinigop ko na ang malaking bahagi ng lakas ng iyong


katawan. Pero malakas ka pa rin. At hindi lang iyon, ikinadena na kita sa aking
mahika... Pero bakit ang dali mo lang kumawala? Sabihin mo, tao ka bang talaga?"

Malumanay ang boses ng babae pero napakalamig. Walang buhay at emosyon.

"O-Oo naman, normal na tao lang ako. Bakit? Hindi ka ba isang tao, ha? Anong
ginagawa mo sa akin?"

"Kakaiba ka palang tao kung ganoon... Ginagawa ko sa'yo? Tinutulungan lang naman
kitang makalimot sa sakit at pagdurusa na nararamdaman ng puso mo. Ang hirap ng
pakiramdam na iyan, hindi ba? Higit pa sa tinatawag na kamatayan. Kaya ang mabuti
pa, lumapit ka sa akin at tutulungan kitang alisin ang pakiramdam na iyan. Kakainin
ko ang lahat ng iyong emosyon at ang puso mo."

Umatras si Rane at natakot sa sinabi nito. Napalunok siya at kinakabahang tumingin


dito. Nagulat siya ng lumutang ito sa ere.

"A-Anong klaseng nilalang ka ba?!" bulalas niya.

Ngumiti ang babae sa kanya ng matipid. Hindi ito nagsalita pero unti-unti itong
lumalapit sa kanya. Nagpalinga-linga siya sa paligid ng malaking silid at nakita
niya ang higanteng pinto. Mabilis siyang tumakbo papunta doon at pinihit ang
malaking seradura ng pinto. Itim na itim ang kahoy na iyon. Malakas niya itong
itinulak para mabuksan at agad siyang lumabas. Pagkalabas niya ay bumungad sa kanya
ang higanteng staircase na paikot. Hindi na siya nagdalawang-isip na pumanhik
pababa kahit hindi niya alam kung saan siya patungo. Basta bahala na! Ang tangi
lang niyang naiisip ay makalayo sa babaing iyon.

Samantala... Dumating na si Drake kasama si Lolo Gusting. Isinakay niya ang matanda
sa likod nito. Marahan nitong ibinaba si Lolo Gusting. At mabilis namang lumapit si
Blade at...

"Tanda! Tulungan mo kami! Kailangang mapuntahan namin si Rane dahil baka kung ano
na ang nangyari sa kanya! Anak na lase! Bilis!"

Dinaklot ni Blade ang kuwelyo ng damit ni Lolo Gusting. Niyugyog niya ang matanda.

"Baon-inam! Bitawan mo nga ako! Animal ka, nahihilo ako!" inis na turan ni Lolo
Gusting.

Binitiwan naman ito ni Blade at napangiwing tumingin sa matanda.

"Anak na lase, pasensiya ka na... Natataranta lang eh."

"Hmf! Abuwisit ak pa! Padalus-dalos ka!"

"Ageeeh!!..."
Kinutusan ni Lolo Gusting si Blade at pagkatapos noon ay lumapit na ito sa
kinaroroonan ni Zech. Sinipat nito ang pentagram at ang mga sulat sa gilid nito.
Napahawak ito sa baba at panay ang buntung-hininga ng malalim... Tumingin ito sa
mga binata at saka nagsalita.

"Pasensiya na... Hindi ko rin mabasa ang isang ito eh!" bigla nitong pakli.

"HAAAA?!!!!...." gulat na react ng apat.

"Napakasinaunang wika ng mga engkanto ang isang ito eh... Ano bang nangyari kay
Rane, ha?" wika ni Lolo Gusting.

"H-Hindi namin alam... Basta ang alam namin, nawala siya sa kakahuyang ito. Sa
lugar na ito, naiwan ang kanyang amoy." nanghihinang wika ni Zech.

Ilang sandaling nag-isip si Lolo Gusting...

"Hindi kaya nabiktima si Rane ng itim na diwatang si Maurtesia?" bigla nitong wika.

"M-Maurtesia?!" bulalas ni Hunter.

Maang na napatingin ang matanda sa apat.

"Hindi niyo alam ang tungkol sa kanya? May kuwento tungkol sa kanya... At ang
kakahuyan na ito ang kanyang teritoryo." wika pa ni Lolo Gusting.

"Ano ang tungkol sa kanya?" nag-aalalang tanong ni Drake...

"Ang sabi sa kuwento... Si Maurtesia ay isang masayahin at napakabait na diwata na


nangangalaga sa kakahuyan na ito. Pero nagbago siya at naging masama ng mabigo siya
sa pag-ibig. Matindi ang sakit at pagkabigo ang tinamo niya. Isa pa, hindi niya
nagawang magpatawad kaya nakulong siya sa kadiliman. Gumawa siya ng sarili niyang
mundo at lahat ng taong naliligaw sa lugar na ito, kinukuha niya. Walang nakakaalam
kung ano ang nangyari sa mga ito dahil wala namang nakabalik. Sa ngayon, ang
magagawa lang natin ay magtiwala sa kakayahan ni Rane. Alam kong matatalo niya ang
itim na diwatang iyon dahil matapang siyang bata."

Namutla si Blade sa kanyang narinig. Biglang nanuyo ang kanyang lalamunan at


pinagpawisan siya ng malapot. Mariin niyang kinuyom ang kanyang mga kamao hanggang
sa dumugo.

"Rane..." mahina niyang wika.

Punung-puno ng pag-aalala ang himig niya.

Samantala... Tuluyan nang nakapanhik pababa si Rane at bumungad sa kanya ang


napakalaking pinto. Binuksan niya iyon at agad siyang lumubas. Tiningnan niya ang
lugar na kanyang pinagmulan, isang napakalaking tore... Tumingin siya sa paligid at
wala siyang ibang makita na kulay kundi itim. Napalunok siya at huminga ng
malalim... Matataas ang mga halaman sa paligid at wala siyang ideya kung ano ang
naghihintay sa kanya sa kakaibang lugar na iyon. Nagsimula na siyang maglakad...
Maging ang mga bulaklak na iba't-ibang uri, itim ang kulay. Napakalungkot ang
mundong ito at nakakatakot... Gustung-gusto na niyang makaalis pero hindi niya alam
kung saan siya dapat pumunta para makalabas siya.

Nagpatuloy siya sa paglalakad at nagpalinga-linga sa paligid... Ilang sandali pa,


nakalayo na siya sa malaking tore na pinanggalingan niya... Nasa isang bukid siya
na puno ng tanim na mais... Itim din iyon at naglalakihan pa. Napalunok siya ng
magliparan sa paligid niya ang mga itim na ibon. Marami iyon at parang may
iniiwasan... Pinili niyang maging kalmado... Ilang sandali pa, nakarinig siya ng
mga tumatakbong nilalang sa kanyang likuran. Tumingin siya doon at napatanga siya
sa kanyang nakita... Mistulang mga tao iyon na tumatakbo papunta sa kanya... Itim
na itim na parang anino nga lang at walang mukha.. Pero naglalakihan ang mga pangil
na ngipin at may mahahaba at matutulis na kuko.

Agad siyang tumakbo pagkakita niya sa mga nilalang na iyon. Lumihis siya ng daan,
nagpunta siya sa gitna ng taniman... Balak niyang magtago sa malalaking puno ng
mais, pero sinundan pa rin siya. Pinilit niyang huwag lumingon kahit parang gusto
niyang tumingin sa mga kakaibang nilalang na iyon. Ipinagpatuloy niya ang pagtakbo
hanggang sa makakita siya ng isang pabilog na butas. Maliit lang iyon pero sapat na
ang laki para magkasya siya. Gumapang siya papasok sa loob at pilit niyang
isiniksik ang sarili sa gilid para hindi siya makita. Tinakpan niya ang kanyang
bibig para pigilan ang kanyang sarili sa pagsigaw. Humihingal siya at abot-abot ang
kanyang paghinga pero maging ang paghinga niya, gusto niyang pigilan... Pawis na
pawis na rin siya pero kakaiba ang lamig ng pawis niya... Dala ng matinding takot
na nararamdaman niya. Ang tanging naririnig lang niya sa mga sandaling ito ay ang
mabilis at malakas na tibok ng kanyang puso...

Narinig niya ang mga yabag ng mga nilalang na iyon malapit sa lugar na
pinagtataguan niya... Mariin siyang napapikit at lalo niyang isiniksik ang sarili
sa sulok. Pinigilan din niya ang kanyang paghinga... Hindi niya alam kung gaano
katagal niyang ginawa ang bagay na iyon. Hindi niya namalayan ang bawat sandali...
Ramdam niya ang paggalaw ng bawat puno ng mais sa paligid. Bigla din siyang
nanlamig at halos manigas na ang kanyang katawan pero pinili niyang labanan ang
lahat ng emosyong iyon... Kailangan niyang maging matapang dahil alam niyang mag-
isa lang siya at walang makakatulong sa kanya... Bigla niyang naalala si Blade...
Napangiti siya ng mapait, malabong tulungan siya nito dahil galit ito sa kanya...
Sinungaling kasi siya. Gusto niyang umiyak pero nagpigil siya... Hindi ito ang
tamang panahon para doon. At kung umiyak man siya, hindi naman iyon makakatulong
para makaligtas siya sa nakakatakot na lugar na kinaroroonan niya.

Huminga siya ng malalim para pakalmahin ang kanyang sarili... Pinakiramdaman niyang
muli ang paligid. Tahimik na ang lahat at wala na siyang naririnig na mga yabag o
ingay... Mukhang umalis na ang mga nakakatakot na nilalang na humahabol sa kanya.
Marahan siyang lumabas sa lugar na pinagtataguan niya at tumingin sa paligid.
Maingat siyang gumalaw para hindi siya makagawa ng kahit na anong ingay. Pinili
niyang maglakad ng marahan palabas sa taniman. Doble ang ingat na ginagawa niya
dahil pinapakiramdaman niyang maigi ang paligid. Nang makalabas siya sa taniman ng
naglalakihang mais... Bumungad sa kanya ang isang arko ng isang malawak na hardin.
Napapaligiran ito ng mga itim na vines at namumukadkad sa paligid nito ang mga itim
na rosas.

Pumasok siya sa loob ng hardin at nagpalinga-linga sa paligid. Sa lahat ng harding


napuntahan niya, ito ang hindi niya nagustuhan.. Naroon nga ang napakaraming uri ng
bulaklak pero wala namang ibang kulay ang mga iyon kundi itim... Nakarinig siya ng
malakas na lagaslas ng tubig at curious niyang sinundan ang pinanggagalingan noon.
Nagpatuloy siya sa paglalakad at nakita niya ang malaking hagdan na papunta sa kung
saan... Gawa sa naglalakihang bato iyon at kulay-itim din. Pumanhik siya doon at
habang tumataas siya, mas malakas ang lagaslas ng tubig na naririnig niya... Lalo
lang tuloy siyang na-curious.

Nang tuluyan na siyang makapanhik sa itaas ay bumungad sa kanya ang isa na namang
hardin. Puro rosas na kulay-itim ang naroon at naglalakihan pa. Natanaw niya sa di-
kalayuan ang isang maliit na talon.

"Wow..." humahanga niyang wika.


Napakalinaw ng tubig nito at kumikinang pa. Ito lang ang bagay na may buhay ang
nakita niya sa lugar na iyon. Napangiti siya at marahang naglakad papunta sa talon.
Napapaligiran ito ng mga itim na rosas... Tanaw na tanaw niya ito mula sa
kinaroroonan niya. Nang mapuntahan niya ang talon ay lalo siyang napahanga...
Kitang-kita niya sa umaagos na tubig ang reflection niya. Isang malaking balon ang
binabagsakan ng tubig at curious siya kung napupuno ba o ano ang balon na iyon.
Akma siyang maglalakad para lapitan ang balon pero natigilan siya ng makarinig siya
ng mga papalapit na yabag. Marahan siyang pumihit paharap sa pinanggalingan ng mga
yabag na iyon at sobra siyang nagulat sa taong nabungaran niya.

Naibuka niya ang kanyang bibig pero di niya magawang magsalita dahil masyado siyang
nasorpresa. Nakangiti ito ng matipid sa kanya at may hawak itong tangkay ng itim na
rosas. Nilalaro nito iyon sa mga kamay nito at inaamoy-amoy.

"Mabuti naman at nagkita tayong muli." matipid nitong wika.

Napahawak siya sa kanyang dibdib at tuluyang napangiti. Nakaramdam siya ng


kakaibang saya. Hindi siya talaga kayang tiisin nito...

"B-Blade... Sinundan mo ba ako dito?" masaya niyang tanong.

"Oo."

"Talaga?! Salamat naman kung ganoon!"

Natutuwa siyang tumakbo palapit dito at mabilis siyang yumakap. Pero..

"Lumayo ka sa akin! Huwag mo akong dikitan! Baka mahawa ako sa pagiging sinungaling
mo!"

Pagkatapos noon ay marahas siya nitong itinulak at natumba siya. Gulat siyang
napatingin dito at naiiyak siyang napatayo. Masyado siyang nasaktan sa ginawa nito,
parang sobra na...

"Teka, sumusobra ka na ah!" matapang niyang kastigo.

"At bakit, sa tingin mo ba... Nandito ako para tulungan ka? Huh, masyado ka namang
assuming!" bigla nitong wika.

Daig pa niya ang sinampal sa kanyang narinig. Tuluyan na siyang napaiyak at umatras
palayo dito. Panay ang punas niya ng luha sa kanyang mga mata. Kahit anong pigil
niya sa pag-iyak, di niya magawa. Tama nga ito, masyado siyang umasa na ililigtas
siya nito.

"K-Kung ganoon, bakit ka nandito?" lakas-loob niyang tanong.

Ngumiti ito ng matipid sa kanya.

"Para ipamukha sa'yo kung gaano kasakit ang ginawa mo sa aking panloloko. Ang sama
sa pakiramdam, di ba? Maganda iyan, umiyak ka para naman matuwa ako... Habang
nakikita kitang miserable, nakakaganti na ako sa panggagago mo sa akin."

"Sumusobra ka na!" galit niyang wika.

Tinalikuran niya ito at tumingin sa ibaba ng balon kung saan bumabagsak ang tubig.
Napatanga siya sa kanyang nakita... Naroon ang daan palabas... Gusto na niyang
tumalon doon para makaalis na siya, pero mga ulap ang nakikita niya. Mahuhulog siya
mula sa napakataas na lugar at siguradong hindi siya makakaligtas dahil walang
tutulong sa kanya. Muli siyang humarap kay Blade...

"Nakita mo na ang daan palabas. Bakit hindi ka pa tumalon diyan para mahulog ka at
mamatay ka na." wika pa nito.

Napakagat siya sa pang-ibaba niyang labi. Hindi niya akalain na ganoon kagrabe ang
magiging galit nito sa kanya dahil sa kasinungalingan niya...

"G-Gusto mo na ba talagang mamatay ako?" lakas-loob niyang tanong.

"Ano sa palagay mo, ha?"

Napayuko siya at nag-isip ng malalim...

"Pasensiya ka na, pero hindi ko pa gustung mamatay. Pero mas gusto ko na mapatawad
mo ako. Sabihin mo, ano ba ang gusto mo para makabawi ako sa'yo? Sa lahat ng tao,
ikaw ang hindi ko gustung magalit sa akin. Marami na tayong pinagsamahan at hindi
ako makapapayag na mabalewala na lang ang lahat ng iyon." mariin niyang wika.

Natigilan si Rane sa huli niyang sinabi. Tama, marami na silang pinagsamahan ni


Blade kaya kilalang-kilala na nilang maigi ang isa't-isa. Pero ito ang unang
pagkakataon na magkaroon sila ng matinding tampuhan. Napatitig siyang maigi sa
kanyang kaharap... Tumuon ang buo niyang atensyon sa mga mata nito. Nagtaka siya
kasi wala siyang makitang kislap doon na palagi niyang nakikita. Ngumiti ng matipid
ang kaharap niya.

"Gagawin mo ba ang sasabihin ko para lang mapatawad kita?" bigla nitong wika.

"Oo, marami na tayong pinagsamahan. Kadalasan, masaya pero marami ding mahirap pero
nalagpasan nating lahat. Alam mo kung bakit? Kasi magkasama tayo, di ba? Isa pa,
hindi ko nakakalimutan iyong napakagandang salita na sinabi mo sa akin... At iyon
din ang sinabi ko sa'yo kaya hindi ka na nag-resign at umalis..."

Nalito ang ang kaharap niya. Halatang hindi nito alam ang sinasabi niya... At
habang naaalala niya ang lahat ng masayang pangyayari, nawawala ang sakit na
nararamdaman niya.

"Gusto kong marinig ulit ang mga salitang iyon. Pakiusap, sabihin mo... Kahit na
ngayon lang. Pagkatapos, gagawin ko ang lahat ng gusto mo. Kahit pa ang mamatay
ako." matapang niyang wika.

Napalunok siya... Sana lang, tama ang hinala niya na hindi ang totoong Blade ang
kaharap niya. Nagsalubong ang kilay ng kanyang kaharap.

"Ano bang sinsabi mo, ha?!" bigla nitong wika.

Dahil sa naging reaksyon nito, napangiti na si Rane at nawala ang takot na kanyang
nararamdaman. Nakahinga na rin siya ng maluwag.

"Sinasabi ko na nga ba at hindi ikaw ang totoong Blade... Hindi mo alam ang bagay
na iyon kasi impostor ka! Hindi mo na ako maloloko." dinuro niya ito.

"Huh, niloloko mo yata ang sarili mo. Bulag ka ba, ha? Hindi mo ba ako nakikita?!"
defensive nitong wika.

"Ha ha ha ha! Hindi talaga ikaw si Blade. Kasi kung ikaw siya... Dapat nagsasalita
na siya ng ANIMAL, BAON-INAM, ABUWISIT AK PA, at ang paborito niyang ANAK NA
LASE!.. May punto din sa bawat mura niya kaya walang basta makakagaya sa kanya.
Kaya huwag ka nang magpanggap!"
Nanlaki ang mga mata ng kanyang kaharap at unti-unting nagbago ang anyo nito. Hindi
na siya gaanong nagulat ng mabungaran niya ang kakaibang babae na nakita niya
kanina.

"B-Bakit... Bakit nagawa mong iwaksi ang lahat ng sakit na iyon...?!" gigil nitong
tanong sa kanya.

"Kasi alam ko na kaya niya akong patawarin."

Umatras siya at ilang inches lang ang layo niya mula sa balon.

"At sa tingin mo ba, kapag tumalon ka diyan sa balon... Makakaligtas ka?! Mamamatay
ka rin kahit na hindi ko makain ang puso mo!"

"Nagkakamali ka! Hindi ako mamamatay kasi alam kong darating siya kapag tinawag ko
ang pangalan niya!"

Pagkatapos noon ay tuluyan na siyang nagpatihulog sa balon. Gusto niyang tumili


habang bumabagsak siya sa napakalalim na balon pero pinili niyang magpigil dahil
kailangan niyang ireserba ang kanyang boses... May tiwala siya... Mistula siyang
dumadaan sa isang napakalalim na tunnel. Ilang sandali pa, nakita na niya ang
liwanag sa labas kasama ng mga ulap na kulay-indigo na... Papalubog na kasi ang
araw. Tuluyan na siyang bumagsak sa kawalan at nagdive siya sa makakapal na ulap.
Patuloy siyang bumubulusok pababa. Mariin siyang pumikit, sabay sigaw ng malakas
na...

"BLADE!!!!!!!......."

Gusto niyang maiyak ng maramdaman niyang patuloy lang siya sa pagbulusok pababa.
Nakaramdam na siya ng matinding kaba at takot... Nanlamig na rin siya at namamanhid
na ang kanyang katawan. Nanginginig na siya...

"Blade... Blade... Blade.... Blade... Blade!!!...."

Panay ang usal niya sa pangalan nito... Nagulat siya ng makaramdam siya ng malakas
na ihip ng hangin... Tapos, bigla nalang niyang naramdaman na may sumalo sa
kanya...

"Anak na lase! Mabuti na lang, umabot ako!"

Marahan niyang iminulat ang kanyang mga mata. Kusa siyang napangiti ng matipid ng
makita niya ang mukhang iyon... Hindi nga siya nito binigo, dumating ito ng tawagin
niya ang pangalan nito.

"D-Dumating ka... Salamat!" naiiyak siyang yumakap dito.

"Puwede ba naman akong hindi dumating eh tinawag mo ako!"

"Sorry!!..." hinging paumanhin niya.

Naramdaman niya ang marahang paghaplos nito sa buhok niya... Pagkatapos ay sa


pisngi niya.

"Tama na ang sorry kasi kanina pa kita napatawad. Ako ang dapat na humingi ng
dispensa kasi nakapagsalita ako ng hindi maganda sa'yo, nasaktan kita. At dahil
doon, napahamak ka pa tuloy... Anak na lase! Di ko mapapatawad ang sarili ko kapag
napahamak ka... Pero salamat, dahil nakaya mong iligtas ang sarili mo ng wala ang
tulong namin..."
Napangiti siya sa sinabi nito.

"Ako pa, matapang yata ako! Pero paano mo nalaman kung saan mo ako dapat na
puntahan?" curious niyang tanong.

"Nangati kasi ang tungki ng ilong ko at tsaka, bigla kong naramdaman ang aura mo
kaya sinundan ko na lang iyon... Sabihin mo, paano ba ako makakabawi?" tanong pa ni
Blade.

"Babawi?" nasorpresa niyang wika.

"Oo at seryoso akong lase ah?" pakli nito.

"Hmm... Magbigay ka ng mataas na grade?!" pilya niyang wika.

Natawa si Blade.

"Anak na lase! Huwag ganoon, bawal iyon! Puwedeng iba na lang?"

Sumimangot si Rane at huminga ng malalim.

"Ang daya talaga!"

"Eeer! Bawal sa akin ang maging unfair! Professional na teacher yata 'to!"

"Sige, ilibre mo na lang kaming lahat sa Mang Inasal unli rice!"

Tumawa si Blade.

"Sige ba, pak na pak! Pero kapag sumuweldo na ako ah?! Di pa kasi dumadating eh! He
he he! Abuwisit ak pa!"

Sinapo na lang ni Rane ang noo at natawa na rin. Nag-iisa lang talaga si Blade at
walang sinuman ang tatapat sa kabaliwan nito... Tuwang-tuwa siyang sinalubong nila
Hunter, Drake, Zech at Lolo Gusting ng bumaba na sila sa kakahuyan.

Masayang-masaya siya na ayos na ang lahat kina Blade at Zech... Iyon ang matagal na
niyang ipinagdarasal. Tumingala siya sa langit at nag-Thank you... Kasi sa wakas,
answered prayers!...

***********************************************************************************
************************

( paki tingnan niyo nalang sa FB ung Brose_fire page,


nandoon mga drawings nila BLade n apinicturan ko gamit ang cp... Pagtiyagaan niyo
na lang mga pangit kong handdrawing... anyway... Merry Christmas! 12/22/2014

Untitled Part 15

Malapit na ulit akong mag update... Just wait...

brose_fire
14. "JARS"

"JARS"

"Waiter!!.... EXTRA RICE nga!! Iwanan mo na kasi iyang hawak mo at kami na ang
bahalang mag-refill sa mga plato namin. Unli rice kaya kaming lahat dito!"

"Ah... Eh..."

Hindi malaman ng waiter ang dapat na sabihin kay Blade. Ngumiti na lang ito ng
alanganin habang naglalagay ng extra rice sa plato nito. Limang extra rice...

"Apat nga na extra rice sa akin!" sigaw ni Creta.

"Ako, lima ang gusto ko!" si Drake...

"Teka, iyong sabaw namin, bakit wala pa?! May utang kayong sabaw sa amin noong huli
kaming kumain dito ah?! Tsaka, kalamansi nga para sa sawsawan... Bigyan mo din ako
ng apat na extra rice!" si Hunter...

"Extra rice din sa akin, lima..." pasimpleng wika ni Zech.

Aligaga ang mga crew sa fastfood dahil kina Blade... Tama, nanlibre si Blade sa
Mang Inasal, kagaya ng promise niya kay Rane... Pero mahigpit niyang ibinilin sa
lahat na dapat, masulit ng todo ang libre niya... Napailing si Rane at napahinga ng
malalim habang umiinom ng nestea, hanggang tatlong extra rice lang ang kaya ng
sikmura niya... May dessert pang halo-halo mamaya, kaya dapat may space ang tiyan
niya para doon...

"Alam niyo, malapit nang ipaskil dito sa Mang Inasal ang mga pagmumukha niyo...
Nilulugi niyo na sa katakawan niyo eh..." di niya napigilang comment.

"Alam mo, Rane, sinusulit lang namin ang libre ni Blade. Minsan lang naman mangyari
ito eh." wika ni Hunter.

Ngumiti ang mga lalaki sa sinabi nito.

"Hayaan niyo, ako naman ang babawi sa susunod. Kahit na bukas na bukas din, ako
naman ang manlilibre!" biglang anunsyo ni Zech.

"Yeah!!... Aasahan namin iyan!" masiglang wika ni Blade.

Naghiyawan ang mga ito sa tuwa at sabay-sabay na sumubo ng pagkain. Palakihan pa...
Nagkakamay silang lahat at panay ang kuwentuhan... Hanggang sa nauwi sa contest ang
kanilang kainan, paramihan ng extra rice na makakain. Sa bandang-huli, si Drake ang
nanalo... Labing-limang extra rice ang nakaya nitong kainin.

"Grabeh, sulit na sulit ang kain natin. Pero bilisan na nating umuwi, napasobra
talaga ako ng kain... Kailangan kong mag-deposit!" wika ni Drake...

Napatingin ang lahat sa kanya at nahihiya siyang napayuko ng makita niya si Rane na
kumakain ng halo-halo... Iti-nake-out nito ang dessert. Kasalukuyan silang
nakasakay sa bus at pauwi na sila... Biglang huminto ang sasakyan, at ilang sandali
pa... Naipit na sila sa traffic... Nainip na ang lahat, at hindi na nakatiis si
Blade... Tinawag niya ang konduktor ng bus at...

"Ano bang nangyayari? Bakit traffic?" usisa niya.

"Eh Sir... Traffic kasi may magpapakamatay daw doon sa may fly-over. Balak niyang
tumalon at pinipigilan siya ng mga pulis... Ang dami na ring ususero kaya nakalikha
na ng traffic." paliwanag ng konduktor.

"Anak na lase, abuwisit ak pa! Magpapakamatay na nga lang, papansin pa ang animal
ay! Nang-aabala pa ng iba! Eh kung umuwi na lang siya sa kanila at doon
nagpakamatay eh di wala pa siyang naabala. Animal, kung nakeret di ilibing sa
sementeryo ang lase! Bakit kailangan pang pigilan eh gusto na nga niyang makeret?!
Di lamayan! Aksaya sa oras naman 'to, Oo!" inis na comment ni Blade.

Nawiwindang na napatingin ang mga tao sa kanya sa bus at muntik nang mabulunan si
Rane. Sapo ang tiyan ay bigla namang tumayo si Drake. Namumutiktik ang pawis nito
sa mukha. Gigil na gigil ito. Natawa naman sina Zech, Hunter, Creta at Blade kay
Drake... May ideya na kasi sila sa gagawin nito at kung bakit ganoon kasama ang
itsura mukha nito...

"Ituro niyo nga sa akin ang papansin na iyan! Pupuntahan ko nga! Hindi ko na kaya,
abuwisit ak pa! Kailangan ko nang makauwi!"

Marahas na naglakad si Drake papunta sa may driver. Dinaklot niya ang kuwelyo ng
damit nito.

"Antayin mo ako dito at aayusin ko lang ang traffic! Huwag kang magkakamaling
iwanan ako kung ayaw mong makeret sa aking mga kuko!"

"O-Opo S-"

Hindi na niya pinatapos ang pagsasalita nito. Padarag niya itong binitiwan, lumabas
ng bus at mabilis na nagpunta sa kinaroroonan ng fly-over. Maraming tao ang
nanonood sa eksena at marami ding nakaantabay na alagad ng batas. Nakahanda na rin
ang malaking kutson na pangsalo sa lalaki na nasa tuktok ng Fly-over. Pumunta siya
sa pinakamalapit na gusali at umakyat doon para makapunta sa itaas ng Fly-over.
Mula naman sa bintana ng bus, nakalabas ang ulo ng mga kasama ni Drake. Nag-aantay
ng eksena.

"Mukhang masakit na masakit na ang tiyan ni Drake ah." comment ni Zech.

"Kaya nga, aabot pa kaya siya sa pag-uwi?" segunda ni Creta.


"Ha ha ha ha! Ipagdasal na lang natin na huwag siyang magkalat! Abuwisit ak pa!
Mabuti nga hindi pa siya umuutot!" natatawang wika ni Blade.

Napaismid si Rane at napatigil sa akmang pagsubo ng pagkain niya. Hinila niya ang
buhok ni Blade para sabunutan.

"Ageeh!... Pasensiya, nakalimutan ko eh!"

Samantala... Natuon ang atensyon kay Drake na nasa itaas na rin ng Fly-over. Kahit
panay ang saway ng mga pulis at ususero kay Drake ay hindi siya nagpaawat.

"Huwag kang lalapit, tatalon ako!" babala ng lalaking-"Nagpapakamatay daw".

Sapo ang tiyan ay gigil na gigil na tumingin si Drake sa lalaki. Nanlilisik ang mga
mata niya at nagbago na ang kulay ng mga iyon. Lalo ding namutiktik ang pawis sa
kanyang mukha. Nagtiim ang mga bagang niya at...

"Buwiset ka! Okitnam!... Tumalon ka na nga para matapos na ang traffic! Masakit na
masakit ang tiyan ko at kailangan ko nang makauwi! Kapag ako, hindi nakaabot sa
bahay... Ako ang papatay sa'yo! Papatayin kita!..." galit na wika ni Drake.

Nawindang ang mga tao sa narinig at hindi malaman kung matatawa o ano... Humakbang
papalapit si Drake. Umatras ang lalaki at lalong pumunta sa may gilid. Isang
malakas na sigawan ang umalingawngaw.

"Sinabi nang tatalon ako kapag lumapit ka!"

"Okitnam! Tumalon ka na ah! Lumalapit na nga ako dito ay! Abuwisit ak pa! Baka
gusto mong itulak pa kita?!"

Tapos, humilab ang tiyan ni Drake... Napayuko siya at napahalukipkip... Mas


pinagpawisan na siya sa mga sandaling ito...

"Buwiset ka...! Magpapakamatay ka na nga lang gusto mo pang maging trending!!...


Kung hindi ka kuntento, mag-selfie ka muna bago ka tumalon, ako na ang magpo-post
sa Facebook! Pero kung wala kang balak magpakamatay, umalis ka na lang...
Okitnam!... Ang sakit na talaga ng tiyan ko!... Taeng-tae na ako, utang na
loob!..."

Habang nagsasalita si Drake ay mabilis siyang lumalapit sa lalaki hanggang sa


nalapitan na niya ito. Mariin niya itong hinawakan sa balikat, gigil na gigil niya
itong iniangat sa ere at niyugyog ng niyugyog.

"Magpapakamatay ka na nga lang, gumagawa ka pa ng abala!... Ang sakit-sakit na ng


tiyan ko, baka akala mo! Kapag di ako nakapagpigil, ako talaga ang papatay sa'yo!
Okitnam!"

Matapos noon ay marahas na inihagis ni Drake ang lalaki sa kinaroroonan ng kutsong


inihanda ng mga kinauukulan...

"AAaaaahhh!!...." sigaw ng lalaki.

BLAG!!.... Doon na natapos ang eksena pero maraming tao ang lumapit kay Drake dahil
nacu-curious sila dito. Parang naging instant "hero" pa siya sa nangyari.

"Sir, salamat sa tulong mo. Maari bang malaman ang pangalan mo?" tanong ng isang
Pulis.

Yamot na tumingin si Drake dito at nasa likuran nito ang marami pang tao. Gusto
ding malaman kung sino siya.

"Utang na loob! Tantanan niyo ako! Taeng-tae na ako at kailangan ko nang makauwi!
Puwede ba, ha?! Okinnayo na lase! Abuwisit ak pa!"

Tumakbo si Drake papunta sa bus na sinasakyan nila. ( Okinnayo-okitnam everyone ).


Agad niyang binalingan ang driver na nawiwindang na nakatingin sa kanya. Hindi lang
ang driver ang nawindang kundi maging ang mga pasahero... Nagulat sila sa
rebelasyon ni Drake.

"Manong, paandarin mo na! Wala akong pakialam kung nakaharang ang mga pakialamiro
na iyan sa daan! Sagasaan mo sila kung kinakailangan! Humihilab na ang tiyan
ko!..."

Tapos, napangiwi si Drake at sinapo ang tiyan. Napahalukipkip din siya at napaungol
dala ng matinding frustrations na nararamdaman dahil sa kanyang Tiyan...

"Drake, pigilan mo! Huwag kang manganak dito! Huwag ka munang maglabas ng sama ng
loob! Abuwisit ak pa!" natatawang kantyaw ni Blade.

"Okitnam!" pikong wika ni Drake.

"Ha ha ha ha! Same to you!"

Pinili na lang manahimik ni Drake para makontrol niya ang sarili. Mahirap na kapag
nagkalat siya ng wala sa oras, nakakahiya! Inisnob na lang din niya ang tawanan ng
mga tao sa loob ng bus habang nakatingin sa kanya. Pero, hindi rin siya nakatiis.
Pikon nga kasi siya... At sobrang sama na ng kanyang pakiramdam.

"Artista?! Tinitingnan?! Bakit, di ba kayo tumatae ha?! Okinnayo! Abuwisit ak pa!"

Tuluyang napatigil sa pagkain si Rane. Tumayo siya at inis na pinuntahan si


Drake... Tapos, binigyan niya ito ng malakas na batok.

"Ageeeh!.... Rane naman eh..." angal ni Drake.

"Kung natatae ka, huwag mo namang ipagsigawan! Huwag kang proud, kasi may
kumakain!" pakli niya.

"Sorry!..." hinging paumanhin ni Drake.

Tapos, ibinaling ni Drake ang atensyon sa driver.

"Manong! Paspasan mo nang paspasan!!..." malakas niyang sigaw.

Sutil naman si Blade na ngumisi sa mga kasama niya at pagkatapos ay kumanta ng


malakas na...

"And I can't fight this feeling anymore!... I've forgotten what I started fighting
for! It's time to bring this shit into my home! And throw away the shit into the
bowl, forever!... And baby, I can't fight this feeling anymore!!..."

Nagtawanan ang lahat dahil sa kanta ni Blade. Pikon namang tumingin si Drake dito
at iniumang ang kanang-kamao.

"HEEEEH!!!... Abuwisit ak pa, manahimik ka diyan! Di ka nakakatulong!!!... 'Lang'ya


ka talaga!!... BAON-INAM!!.."

Napailing na lang ang driver kay Drake. Nang makarating sila sa kanilang
destinasyon ay mabilis na bumaba ng sasakyan si Drake at tumakbo ng mabilis pauwi.
Panay ang tawa ng grupo nila Blade habang naglalakad... Inihatid nila si Rane pauwi
sa kanila...

"Salamat sa paghatid at sa libre. Pero sana sa susunod, iwasan niyo nang


magpaligsahan sa pagkain ng extra rice. Kapag nagkataon baka magsabay-sabay pa
kayong magkalat. Kita niyo naman si Drake.." biro niya.

Ngumiti ang apat na lalaki sa kanya at napailing.

"Hmmff... Si Bangkay lang naman ang hindi normal ang tiyan sa aming lahat... Sige,
alis na kami at salamat sa time." paalam ni Blade.

Nagpaalam na rin ang iba at sabay-sabay na naglakad paalis. Tumatawa ang apat na
lalaki habang naglalakad dahil ang topic nila ay si Drake. Napatigil sila sa akmang
paglalakad ng biglang sumulpot sa daraanan nila ang isang lalaki... Amuse silang
napatingin dito. Nakasuot ito ng itim na sando at asul na basketball shorts. Naka-
pony tail ang may kahabaan nitong buhok na kulay-green jade. Ngumiti ito sa kanila.

"Kamusta? Mabuti naman at mukhang magkakasundo na kayong lahat. Nasaan si Drake,


huh?"

"R-Raguel?! Wow... Himala, normal ang itsura mo ngayon!" sa halip ay wika ni


Hunter.

"Nagsawa pa kasi ako sa cosplay eh. Nasaan nga si Drake?"

"Ha ha ha ha! Nasa bahay, nagdedeposit! Napasobra kasi ng kain ng extra rice sa
Mang Inasal eh! Anak na lase! Sana nga, umabot siya!" natatawang wika ni Blade.

Natigilan siya ng biglang sampalin ni Raguel ang bibig niya.

"Bunganga mo nga! Siya nga pala, nandito ako dahil mayroon kayong misyon. Ang
mabuti pa, sumama muna kayo Zech at Creta sa bahay ni Drake.. Doon ko ipapaliwanag
ang inyong magiging task."

"Okay..." alanganing sagot ni Creta.

Isang simpleng tango lang ang ginawa ni Zech. Naglakad na nga sila papunta sa bahay
ni Drake. Samantala... Inis na naikiuyom ni Drake ang kanyang mga kamao ng
makarinig siya ng sunud-sunod na katok sa pinto ng CR... Nagtiim ang mga bagang
niya at galit na tumingin sa pinto na patuloy na kinakatok ng kung sinumang nasa
labas... Mukhang ang balahura niyang bestfriend, balak talaga siyang asarin... At
kanina pa ito namumuro sa kanya at sa pagkakataong ito ay BINGO na talaga!

"Abuwisit ak pa! Puwede ba, nagko-concentrate ako dito eh!!.. Okitnam! Hayaan mo
akong tumae ng mapayapa! Saka ka na mambuwisit! Dahil kapag ako, naudlot! Papatayin
talaga kita!..." galit niyang sigaw.

"Ay, pasensiya na! Hindi ko alam na nagko-concentrate kang talaga! Pero sana, hindi
mo ako minura no! Pakibilisan mo diyan at may importante akong sasabihin! Si Raguel
'to."

Napalunok si Drake at natigilan.

"S-Sorry!" takot niyang wika.

"Okay lang, sige.. Magconcentrate ka na! Palalagpasin kita dahil kasalanan ko."
Napahinga na lang ng malalim si Raguel at nagpunta sa sala kung saan naroon sina
Blade, Hunter, Creta at Zech. Napagpasyahan nilang manood na lang muna ng TV habang
hinihintay si Drake na matapos sa kanyang pagdedeposit. Pero si Drake...

"Ano ba 'yan?! Napahiya ako, si Raguel pala iyon... Abuwisit ak pa... Nahiya na rin
yata...? Ayaw nang lumabas eh...?!..." naiiyak niyang wika.

Kaya naman napagpasyahan niyang lumabas na lang at antayin ang susunod...


Napakasama ng pakiramdam niya dahil naudlot ang kanyang comfort zone... Badtrip ang
pakiramdam niya... Naghugas siya ng mga kamay at matapos magpunas ay blangko ang
mukha niyang nagpunta sa sala... Napatingin sa kanya ang lahat ng dumating siya. Di
siya nagreact.

"Kamusta...?" may lamang tanong ni Hunter.

Imbes na sumagot ay isang malalim na buntung-hininga ang kanyang ginawa. Umupo siya
at tumingin sa lahat.

"Ano ba ang atin?" tanong na lang niya.

Walang nagsalita, nanatiling nakatingin sa kanya ang lahat... Napakunot-noo siya at


napasimangot.

"Bakit ba?!" pikon niyang wika.

"Ehem! Mawalang-galang na, Drake... Naudlot ka ba?" curious na tanong ni Blade.

Nanlaki ang kanyang mga mata sa katanungang iyon. Nagdilim ang kanyang paningin,
lumagutok ang kanyang mga kamay dahil sa biglaang paghaba ng kanyang mga kuko at...

"Nang-aasar ka bang talaga?!!!...."

Mabilis na sumugod ng Crash Claw si Drake kay Blade pero mabilis na umawat si
Raguel. Hinawakan nito ang mga kamay ni Drake at ini-lock ng maigi.

"Tama na, Drake! Wala namang masamang intensyon si Blade sa tanong niya. Sa
katunayan, ako ang nagpatanong sa kanya. Sorry ah? Kumalma ka na, please...?!" wika
ni Raguel.

Natigilan si Drake at ilang beses na huminga para kumalma. Binitiwan na ito ni


Raguel. Tapos, naiiyak na tumingin si Drake sa lahat.

"Nakakainis ka Raguel! Hindi mo alam kung gaano katagal at katindi ang hirap na
tiniis ko para lang makaabot dito sa bahay! Na-traffic kami sa daan at ako pa ang
umayos noon! Tapos, tapos... Paspasan ang ginawa kong pagtakbo! Daig ko pa ang
sumali sa marathon at hinabol ng malalaking aso! Tapos noong nandoon na... Noong
nandoon na-WAAAAHHHHH!!!!.... Nakakainis ka!!!..."

Umatungal talaga si Drake na parang bata. Napangiwi naman ang lahat at naaawang
napatingin dito. Guilty namang napangiti si Raguel. Hindi naman niya sinasadya ang
nangyari kay Drake pero alam niyang napakasama sa loob noon. Ipinitik niya ang mga
daliri at biglang PUFF! Lumitaw ang isang fruitsbasket...

"Tama na, Drake... Heto oh, upakan mo na lang itong pambawi ko sa'yo..."

Marahas namang napahinga si Drake at napaismid ng makita niya ang fruitsbasket.


Lalong siyang naasar kahit wala namang intensyong ganoon si Raguel.

"S-Salamat, tinatanggap ko na ang sorry mo. Alam ko namang hindi mo naman sinasadya
eh. Pero saka ko na lang uupakan iyan kasi busog na busog pa ako eh... Sabihin mo
na lang kung ano ang magiging task naming lahat..."

Naupo na si Drake sa tabi ni Zech at napade-kuwatro. Sumeryoso naman si Raguel at


huminga ng malalim bago magsalita.

"May mga babaing mandirigma ang matapang na lumaban sa isang alagad ng kadiliman,
libong taon na ang nakakaraan... Nabigo ang mga mandirigmang babaing iyon, nagawa
silang talunin ng mangkukulam at ikinulong ang kanilang mga katawan at kaluluwa sa
mga banga. Ginawa silang mga aliping walang-pakiramdam. Mistula silang mga puppet
na ginagamit ng mangkukulam para sa pansarili nitong kapakanan... Hanggang sa isang
matapang na albularyo ang tumalo sa mangkukulam pero di nito nagawang pakawalan ang
katawan at kaluluwa ng mga babaing mandirigma sa sumpa...

Masyado nang matagal ang pagkakakulong sa sumpa ng mga mandirigmang iyon. Noong
hindi pa sila napapasailalim sa sumpa ng masamang mangkukulam... Maraming kabutihan
ang kanilang nagawa. Sobrang tagal na ng kanilang pagkakabilanggo. Panahon na
siguro na mapakawalan niyo sila sa sumpa. Ang inyong task, palayain ang kanilang
mga katawan, lalo na ang kaluluwa sa sumpang iginawad ng mangkukulam sa kanila."
mahabang kuwento ni Raguel.

Nanlaki ang mga mata ng lahat. Unang nag-react si Zech.

"Teka, saan naman kami mag-uumpisa sa task na iyan?! Libong taon na ang lumipas ng
mangyari ang bagay na iyan. Ni bakas ng mga bangang kinalalagyan ng katawan ng mga
babaing mandirigma na iyan, wala." reklamo niya.

"Right na correct!" segunda ni Hunter.

Ngumiti si Raguel ng matipid at tumingin sa lahat.

"Relax... Ipapasubo ko ba naman kayo sa isang task ng basta na lang? Siyempre,


hindi. Sa liblib na pook ng San Jose, natagpuan ang isang ruin ng isang ritwal
chamber... At doon sa ruin, nakahilera ang naglalakihang mga banga... Walo ang
lahat ng bangang iyon. At kasabay ng pagkakatuklas sa mga bangang iyon, biglang
nagsimula ang pagkawala ng mga bata sa lugar. At puro sila mga babae... Hindi niyo
lang basta pakakawalan ang mga babaing mandirigma na nakakulong sa sumpa.. Misyon
niyo ring hanapin at iligtas ang mga nawawalang batang babae. Sa tingin ko, isang
kulto ang may gawa noon at mukhang may kinalaman ang mga natuklasang banga..."
paliwanag pa ni Raguel.

Napatango-tango ang lahat at nagkatinginan.

"Teka lang, kung tungkol iyan sa mga kaluluwa... Bakit hindi kay Azrael mo ipagawa
ang task na iyan? Eh trabaho niya ang magsundo sa mga kaluluwa eh... Bakit kasi sa
amin pa na nanahimik dito?" biglang wika ni Blade.

Napataas ng kilay si Raguel.

"Si Ama ang nag-utos na kayo ang gumawa ng task na ito. Gusto Niyang makita ang
inyong teamwork. Isa itong test para sa inyong lahat."

Matapos magsalita ni Raguel ay biglang napatingin ang lahat kay Creta. Napakislot
naman ito sa reaksyon ng lahat.

"B-Bakit?!" maang nitong tanong.

"Pakiramdam namin dinamay mo kaming lahat sa task na ito. Kung teamwork naman kasi
ang pag-uusapan, nasubok na ang sa aming apat... Ikaw na lang ang hindi pa
nasusubukan." comment ni Hunter.

"Aba, kung ako ang kasama niyo... Tsk, tsk! Wala na kayong gagawin kundi ang
manood. Di niyo na kailangang kumilos dahil magaling ako..." mayabang na wika ni
Creta.

Pero nadismaya siya ng makita niyang walang nakikinig sa kanyang sinasabi.


Napaismid na lang siya at...

"Sheyt!" pabulong niyang wika.

Pero muntikan na niyang malulon ang dila niya ng sulyapan siya ni Raguel. Warning
ang tinging iyon. Itinikom na lang niya ang bibig at bumaling sa ibang direksyon.

Kinabukasan ay maaga silang pinalakad ni Raguel... Kasalukuyan silang naglalakad


papunta sa baryong kinaroroonan ng mga bangang sinasabi nito. Hindi sementado ang
kalsada at panay kabukiran ang kanilang nakikita. Puro gawa sa pawid at kawayan ang
mga kabahayan... Tahimik...

Samantala, biglang nakaramdam si Drake ng kakaiba sa kanyang tiyan. Napahawak siya


doon at paspasan ang ginawa niyang paglakad. Nagkatinginan ang mga kasama niya at
mabilis siyang hinabol.

"Uy, anong problema mo?!" tanong ni Creta.

"Natatae ako!" mabilis na sagot ni Drake.

Natigilan ang lahat at nagkatinginan. Palinga-linga naman sa mga bahay si Drake...


Pinagpapawisan na ito ng todo sa mukha. 'Heto na yata iyong Part II na kagabi pa
niya inaantay.'

"Mga iho, anong kailangan niyo?" bati ng isang matandang lalaki.

Kasalukuyan itong nagwawalis sa harap ng bakuran nito, ngumiti ito sa kanila.


Desperadong tumingin dito si Drake. Agad siyang lumapit, sabay sabing...

"Lolo, patae nga po!"

"Ha?!" gulat na react ng matanda.

Nagkatinginan ang mga kasama niya at nahihiyang napatingin sa matanda. Si Drake


naman, tuluyan nang pumasok sa bakuran.

"Lo, saan po ang kubeta niyo?! Pakiusap, taeng-tae na ako eh. Di ko na po


mapigilan!" tarantang wika ni Drake.

Obvious na obvious kasi panay ang galaw ni Drake habang nakatayo at sapo nito ang
tiyan. Namumutiktik na rin ang pawis sa mukha nito.

"Ay sige, kawawa ka naman. Halata nga sa mukha mo oh.." comment ng matanda.

Pinatuloy nito sa loob si Drake, at nawiwindang na sumunod sina Blade, Hunter, Zech
at Creta dito. Talagang nakigamit na ng banyo si Drake para lang makapaglabas ng
sama ng loob.

"Mga iho, saan ba kayo pupunta at naligaw kayo dito sa amin?" tanong ng matanda.
"Ahm, sa San Jose po. Malapit na po ba iyon dito sa baryo niyo?" tanong ni Creta.

"Oo naman. Kapag nalagpasan niyo na iyong tatlong bundok na natatanaw niyo mula
rito eh naroon na kayo sa bayan ng San Jose."

"W-Wow... Ang lapit na raw ng lagay na iyon." napangiwing comment ni Zech.

Kasalukuyan silang nakaupo sa sala at ipinaghain sila ng matanda ng nilagang


saging. Hinihintay nila si Drake sa pagde-deposit nito.

"Tawagin niyo nalang akong Lolo Insyong. Ano bang gagawin niyo sa San Jose, hindi
naman fiesta doon ngayon ah?"

"May importante at mahalaga lang po kaming aasikasuhin doon..." sagot ni Blade.

"Ah... Mga artista ba kayo? Ang guguwapo niyo naman kasing lahat!" comment ng
matanda.

Na-flattered ang lahat sa tanong na iyon.

"Ehem! Hindi po kami artista Lolo. Huwag naman kayong ganyan... Lumalaki ang mga
tenga namin eh. Alam naming ang guguwapo naming lahat pero huwag niyo na pong
ipagsigawan sa amin... Baka sumabog po ang mga heart namin sa tuwa eh.. Anak na
lase!.."

"Uy, Blade... Huwag kang magpahalata diyan sa pagka-humble mo. Halatang plastik
eh!" kontra ni Hunter.

"Ikaw naman Hunter... Hindi ako plastik. Ano lang... Talagang ayaw ko lang
ipinagsisigawan na tinatawag akong guwapo kasi matagal ko na iyong alam. Sa inaraw-
araw ba naman na tumitingin ako sa salamin eh... Tsk, tsk... Ang guwapo ko daw
talaga oh.." napailing na wika ni Blade.

"Excuse me lang, pero lahat daw tayo ang guwapo. Iyon ang narinig kong sinabi ni
Lolo. Huwag mong solohin ang papuri." comment ni Zech.

Matapos noon ay nagpakilala silang lahat sa matanda. Ilang sandali pa, dumating na
si Drake. Ngumiti ito sa lahat. Sabay sabi ng...

"Guys! SUCCESS!!!....." nag-thumbs up niyang wika.

Tumawa ang lahat sa sinabi nito. Binalingan ni Drake ang matanda, nilapitan niya
ito.

"Lolo, pasensiya ka sa akin at maraming salamat talaga sa pagmamagandang loob!"

"Ayos lang, kawawa ka naman eh. Oh, kumain ka ng nilagang saba, iho. Mainam iyan sa
may LBM, pampatigas ng ano.." wika ni Lolo Insyong.

Nasamid ang ang mga kasama ni Drake na kumakain... 'Pampatigas daw ng ano...'
Tapos, unang bumunghalit ng tawa si Blade at di rin nakapagpigil ang iba.

"Lolo, wala po akong LBM. Pero salamat po sa alok at pasensiya na po sa nagawa


naming abala."

"Eh, wala iyon. Minsan lang naman magkaroon ng mga dayo dito sa lugar namin eh."

Nagpakilala si Drake sa matanda at panay ang pasasalamat nito. Ilang sandali pa ay


nagpaalam na sila.
"Malayo pa ba tayo?" tanong ni Drake sa mga kasama.

"Naku... Sabi ni Lolo Insyong, malapit na daw tayo. Kapag nalagpasan daw natin ang
tatlong bundok na natatanaw natin mula rito, iyon na ang bayan ng San Jose!"
paliwanag ni Zech kay Drake.

Nanlaki ang mga mata ni Drake.

"Abuwisit ak pa!" comment na lang niya.

Kinagabihan, huminto muna ang grupo nila para magpalipas. Kasalukuyan silang nasa
gubat. Narating na nila ang pangatlong bundok at napagpasyahan nilang lahat na
bukas na lang bababa sa bayan ng San Jose... Napapaligiran pala ng maraming bundok
ang bayang iyon. Parang sinadyang itago sa kabihasnan.

"Gutom na ako, di pa ba kayo nagugutom diyan?!" untag ni Blade sa mga kasama.

"Siyempre nagugutom din. Magpahinga muna tayo ng kaunti bago tayo humanap ng
makakain natin. Grabe, napaka-baryotek naman ng lugar na pupuntahan natin. Parang
hindi ko mapaniwalaan na may nakatira pa sa lugar na iyon." comment ni Hunter.

"Ha ha ha ha! Dito ako ngayon nakalamang sa inyong lahat... Aba, muntik na yata
akong makeret sa gutom noong huling task natin. Kaya heto, nagbaon na ako ng foods
kong dugo!" mayabang na wika ni Drake.

Ipinakita nito ang dalang bloodbag at mabilis na ininom ang laman.

"Anak na lase, muntik daw makeret sa gutom... Eh nakasilip ka ng libre kaya du'n!
May nakitaan ka!" wika ni Blade.

Muntik ng masamid si Drake at namula ang mukha niyang maputla. Natigilan siya.

"Teka, anong nakitaan ni Drake?" biglang tanong ni Creta.

"Ah, iyon ba? May pinaanak si Drake. Puwede na nga iyang maging kumadrona eh. Kaya
ayan, may nakita na iyan." sagot ni Zech.

"Excuse me, nakapikit ako ng mga sandaling iyon. Virgin pa rin ang mga mata ko, no!
Abuwisit ak pa!"

"OWS?!!!!..." react ng lahat.

"Kayo na ako ah!"

Isang kaalokohan ang biglang naisip ni Creta.

"Virgin daw ang mga mata... Pero baka iyong "ano" di na VIRGIN?!" pilyong comment
ni Creta.

"Uy! Tama na nga! Kahapon niyo pa ako minu-murder ah! Tantanan niyo ako at
nakakatayo ng ano..." naasar na wika ni Drake.

Walang nagsalita pero lalong nag-init ang ulo ni Drake sa mga kasama niya dahil sa
naging reaksyon ng mga ito sa sinabi niya.

"Puwede ba, huwag niyong tingnan ang harapan ko!!!..." gigil niyang wika.

"Eh sabi mo, nakakatayo ng "ano" eh! Di tinitingnan namin kung tumatayo nga! Ha ha
ha ha! Anak na lase!"

Ang lakas ng tawa ng lahat.

"Puwede ba, mga balahibo ko ang nananayo at hindi kung ano!... Abuwisit ak pa!
Naha-highblood ako nito eh!"

"Eh bakit, hindi mo naman kasi nilinaw. Puro ka "ano" eh, anong malay namin diyan?"
pasimpleng wika ni Zech.

"Tama na nga! Maghanap na lang tayo ng makakain kaysa asarin niyo ako!" suggestion
na lang ni Drake.

"Mabuti pa nga. Ganito ba talaga kasaya sa grupo niyo kapag may task? Parang hindi
tayo haharap sa problema nito ah?" comment ni Creta.

Ngumiti ang lahat sa kanya. Matapos noon ay naghati na sila sa grupo. Sina Blade at
Drake ang magkasama. Sina Zech at Creta naman ang grupo at si Hunter, solo
flight... Kailangan nilang damihan ang pagkaing mahahanap nila dahil hindi nila
alam ang haharapin nilang laban... Alam nilang hindi magiging madali ang task
nila...

( ITUTULOY...)

15. JARS II

"JARS II"

Panay ang buntung-hininga ni Creta habang nakatitig sa malalim na ilog. Nagre-


reflect sa tubig ang crescent moon. Walang kaulap-ulap sa langit ng gabing iyon,
napakaaliwalas.

"Ano bang iniisip mo?" untag ni Zech.

Huminga ng malalim si Creta at tumingin sa mukha ng kasama niya.

"Hindi lang ako makapaniwala na madali lang akong mapapatawad ni Blade. At hindi
rin ako makapaniwala na magbubukas ang pinto ng tahanan ni Ama para sa akin noong
nangangailangan ako. Pero napakasakit ng katotohanang sumampal sa akin... Ang laki
kong tanga. Ang hirap ng ganito, iyong makaramdam ka ng matinding sakit pero hindi
ka mamatay-matay. Kaya hindi ko maintindihan ang ibang mga nilalang kung bakit sila
naghahangad ng walang-hanggang buhay... Mahirap matauhan, pero masaya ring
makalaya. Ikaw, anong nangyari sa'yo? Bakit bigla kang umalis sa Black Circle
Organization?"

Ngumiti ng matipid si Zech kay Creta at pagkatapos noon ay tumingala siya sa


langit. Iniangat niya sa ere ang kanyang kanang-kamay na para bang hinahawakan niya
ang langit.

"Alam mo kasi, narinig ko ang pagtawag sa akin ni Ama. Kahit na napakatagal ng


panahon, hindi pala siya nagsawa sa pagtawag sa akin. Hindi siya tumigil na maabot
niya ang puso ko. Kaya heto ako ngayon, gustung maging mabuting anak. At masaya
naman ako ngayon."

"Masaya ka kasi in love ka. Ngayon siguro, maiintindihan mo na ako. Nakakabaliw ang
umibig, hindi ba?"

Sumeryoso ang mukha ni Zech at napayuko. Itinuon niya nag buong atensyon sa tubig
ng ilog.

"Tama ka." matipid niyang wika.

"Kaya lang, may karibal ka."

Isang mapait na ngiti ang sumilay sa labi ni Zech.

"Kung nauna lang sana niya akong nakilala. Kung ako sana ang nauna, Creta... Kung
ako lang sana ang unang napalapit sa kanya..."

Humalukipkip si Zech at napakamot naman sa ulo si Creta.

"Alam mo, manghuli na tayo ng isda. Baka hinihintay na nila tayo ng mga kasama
natin." pag-iiba na lang ni Creta ng topic.

"Mabuti pa nga."

Samantala, tahimik si Drake at panay lang ang tingin niya sa kanyang kaibigan
habang naglalakad sila para maghanap ng kanilang makakain sa hapunan. Nailang na si
Blade sa kilos ng kanyang bestfriend.

"Why, bakit, aken, apay?!" yamot niyang tanong.

"Hindi lang ako makapaniwala na ang dali mong napatawad sina Zech at Creta. Di ba,
grabe ang hinanakit at galit mo sa mga kasamahan mong trumaidor sa'yo?" tanong
nito.

Natahimik si Blade at sumeryoso ang mukha.

"My friend, madaling magpatawad kung sincere naman at nagsisisi ang humihingi. Ang
importante at mahalaga, natauhan na sila. Kahit na naging pasaway ang mga anak na
lalase na iyon, mga kapatid ko pa rin sila. Pare-pareho pa rin kaming mga sundalo
ng langit. Isa pa, past is past, di ba?"

"Hindi lang halata, pero ang bait mo friend!"

Tinapik ni Drake ang balikat ng kanyang kaibigan.

"Naku, matagal ko nang alam ang bagay na iyan. At tama na nga ang bolatis diyan.
Maghanap na tayo ng makakain. Aba, kapag wala tayong nadala kahit na isa,
makakantyawan tayo. Ayaw ko ng ganoon, animal!"

"Okay!" natatawang wika ni Drake.

Nagpatuloy sila sa paglalakad hanggang sa marating nila ang paanan ng bundok. At sa


paanan, bumungad sa kanila ang malawak na taniman ng pakwan at melon. Napalunok ang
dalawa ng makita nila ang mga hinog na bunga. Nagkatinginan silang dalawa.

"Nakikita mo ba ang mga nakikita ko?" tanong ni Blade.

"Siyempre naman Yes!" masiglang sagot ni Drake.

Isang maluwang na ngiti ang parehong sumilay sa mukha ng dalawa. Hindi na sila nag-
aksaya ng oras. Agad silang nagpunta sa taniman at namitas ng mga hinog na prutas.
Hindi malaman ng dalawa kung alin ang unang pipitasin. Si Blade ang bahala sa mga
pakwan at si Drake ang sa mga melon. Prenteng-prente sa pamimitas ang dalawa ng
dumating ang magsasakang may-ari ng taninam. Natanawan nito ang mga namimitas ng
tanim nito at dala ang itak ay...

"HOY!!... MGA MAGNANAKAW!!!..."

Natigilan ang dalawa at nagkatinginan.

"Lagot! May nagmamay-ari pala ng taniman na ito! Anong gagawin natin?!" napalunok
na tanong ni Drake.

"Eh ano pa? Di tumakbo na tayo! Magkahiwalay tayo, sa kanan ako, sa kaliwa ka.
Since, nahuli na tayo, lubus-lubusin na natin ang ating mga dadalhin!"

Habang sinasabi ni Blade ang mga iyon ay mabilis nilang inaayos ang mga prutas na
kanilang napitas. Patuloy naman sa pagtakbo ang may-ari papunta sa kanila at
nakaumang ang matalim nitong itak.

"HUMANDA KAYO SA AKIN, MGA MAGNANAKAW!!!..."

Napatingin ang dalawa at nakita nila ang nanggagalaiti nitong mukha.

"Split na tayo! Tara na!" wika ni Drake.

Hindi na sumagot si Blade, mabilis nalang silang tumakbo ng magkahiwalay. At dahil


doon, hindi malaman ng magsasaka kung sino ang kanyang hahabulin. Nakatanga lang
ito sa sobrang pagkabigla dahil naisahan, at naglaho na sa kadiliman ng gabi ang
mga magnanakaw ng tanim niyang prutas. Nahagulgol na lang ito sa sobrang
frustrations at sama ng loob.

"MAKAKARMA DIN KAYONG MGA MAGNANAKAW KAYO!!!..." sigaw na lang nito.

Samantala, tawa ng tawa sina Blade at Drake ng magkasalubong sila sa gitna ng


gubat.
"Ayos! Tiyak na masarap ang mga ito! Anak na lase, huwag mong sasabihin doon sa
tatlo ah? Basta, kapag nag-usisa sila kung saan nanggaling itong mga prutas eh
hayaan mo na lang akong mag-explain."

"Sige, ba. Bahala ka." ayon ni Drake.

Prente silang nagpunta sa lugar na kanilang pinagpapahingahan. Nadatnan nila si


Hunter na kinakatay ang isang baboy-ramo. Katamtaman lang ang laki noon. Napatigil
ito sa ginagawa at napatingin sa kanila. Napatigil ito sa ginagawa at napatingin sa
kanila.

"Mabuti naman at nandito na kayo. Tamang-tama, kailangan ko ng tulong sa isang


ito." wika ni Hunter.

Agad silang lumapit sa kinaroroonan nito at humahangang tiningnan ang nahuli nitong
hayop.

"Garbeh, ang galing mo talaga Boy Pana!" pakli ni Blade.

"Huh, ako pa. Teka, saan naman kayo nakakuha ng mga pakwan at melon?"

"Kuwan, sinuwerte lang kami kanina ni Drake. Mayaman din naman pala sa pagkain ang
bundok na ito eh... He he he he.." alanganing wika ni Blade.

Ibinaba na nila ang kanilang mga dala at tinulungan si Hunter. Kasalukuyan silang
nag-iihaw ng dumating sina Zech at Creta. Mga malalaking hito at dalag ang dala ni
Creta. Mga buko naman ang kay Zech.

"Pasensiya na, medyo natagalan kami." wika ni Zech.

Inilapag nito ang mga dalang buko at napatingin sa kanilang iniihaw..

"Wow..."

"Heto, masarap ding iihaw ang mga ito." wika ni Creta.

Lumapit na ang dalawa sa mga kasama. Gumawa ng stick na pag-iihawan sina Zech at
Creta para sa mga isda. Umaalingasaw sa buong paligid ang mabangong amoy ng pagkain
na kanilang niluluto. At nang matapos na sila sa pagluluto ay agad na inilatag ni
Hunter ang mga pagkain sa malaking dahon ng saging.

"Okay, bago ang lahat... Magdasal muna tayo!" wika ni Blade.

"Sige, lead the prayer na." si Creta.

Si Blade na nga ang namuno.

"Sa ngalan ng Ama, ng Anak at nang Diyos Espiritu-Santo, Amen. Boss, maraming
salamat sa Blessings! Amen! Kainan na!!!..."

"YEHEEY!!!!..."

Excited na kumain ang lahat at halos mabulunan ang mga ito dahil sa laki ng
kanilang mga subo. Ang sabaw ng mga buko ang nagsilbi nilang tubig. At ang mga
pakwan at melon ang nagsilbi nilang panghimagas. Matapos nilang magpababa ng kinain
ay agad na silang natulog.
Kinabukasan ay maaga silang lumakad at bumaba sa bayan ng San Jose. Pagdating nila
sa lugar ay pare-parehong pagkailang ang kanilang naramdaman. Lahat kasi ng taong
nadadaanan nila, tumitingin sa kanila.

"Grabe naman ang mga tao dito. Abuwisit ak pa!" naiilang na wika ni Drake.

"Malay mo, ngayon lang sila nakakita ng mga magagandang nilalang ng langit kaya
ganoon. Bakit, ngayon lang ba may tumingin sa'yo ng marami?" wika ni Creta kay
Drake.

"Hindi naman. Pero tingnan niyo naman kung makatingin ang mga tao sa atin, para
tayong mga kriminal!" yamot na pakli ni Drake.

"Bakit, guilty ka?" wika ni Zech at sumulyap ng may pang-aasar..

"Okitnam!" pikong wika ni Drake dito.

Napabuntung-hininga naman si Hunter at tumingin sa paligid.

"Tama na ang away. May punto naman si Drake. Sobra naman ang mga tao dito kung
makatingin sila sa atin." wika na lang niya.

"Hay naku, para matapos ang problema, ganito na lang ang dapat na gawin..."

Ngumisi si Blade sa mga kasama at hinawi ang ilang strands ng kanyang buhok na
tumabing sa kanyang mga mata. Naglakad siya papunta sa gitna ng kalsada. Napa-ehem-
ehem... At...

"HOY!!!... Anong tinitingin-tingin niyong lase sa amin, ha?!! Ngayon lang ba kayo
nakakita ng mga taong kasing guguwapo namin? Aba, kung ganyan ang rason, hindi ko
kayo masisisi. Sadyang may mga nilalang talaga na nilikha na magaganda."

Nawindang ang mga tao kay Blade at nagulat ng todo sa ginawa nito. Napahalukipkip
ang mga kasama niya at napailing.

"Oh, ano? Titingin lang ba kayo sa amin? Bakit hindi niyo nalang kami i-update para
naman alam namin ang balita dito. Dapat iyong latest! Kaya huwag lang kayong
tumingin sa amin. Kung may problema, kayo... Come on, let it shout!"

"Tumigil ka na nga, nakakahiya ka!" saway ni Hunter.

"At bakit naman ako mahihiyang lase ay?! Eh itinatanong ko nga kung bakit nila tayo
pinagtitinginan! Tsaka, mukhang may issue talaga. Maka-interview nga. Wait niyo ako
ah, mag-a update lang ako." proud na wika ni Blade.

Lumapit siya sa isang lalaki, na malungkot na malungkot ang mukha.

"Oh, Manong! Ano bang problema ha?!" tanong ni Blade dito.

"Eh kasi naman, lahat ng mga taong pumupunta dito na dayo, pinaghihinalaan! Mula
kasi nang madiskubre ang ruin sa gitna ng gubat, madami nang turista ang dumayo.
Tapos, kasabay noon, madami na ring mga bata ang nawawala. At puro pa sila mga
batang babae! Pinaghihinalaan namin ang mga turista kaya ipinatigil ang pagpunta sa
ruin. Pero ganoon pa rin ang nangyayari dito sa amin, patuloy ang pagdukot sa mga
bata."

"Ahm... Ganoon po ba? Pasensiya na, ang sakit ho siguro ng mawalan ng anak." wika
ni Blade sa matanda.
"Di ako nawalan ng anak." yamot na sagot ng lalaki.

"Eh bakit mukhang problemado kayo, Manong?!"

"Ninakawan ako kagabi! May dalawang magagaling na magnanakaw ang gumapang sa mga
tanim kong pakwan at melon! Makakarma din ang mga iyon, isinusumpa ko!!" galit na
galit nitong wika.

Biglang napaubo sina Blade at Drake ng wala sa oras. Puzzled naman ang mga kasama
nila sa kanilang naging reaksyon. Guilty na ngumiti ang dalawa.

"Melon at Pakwan...?" napaisip na wika ni Zech.

"Hay naku, tara na! Puntahan na lang natin iyong ruin sa gubat! Huwag mo nang
isipin iyon kasi di na natin problema iyon..." palusot ni Drake.

Hinila na nito palayo si Zech at ganoon din ang ginawa ni Blade kina Hunter at
Creta. Nagtanong-tanong sila sa mga tagaroon kung saan ang daan papunta sa ruin.
Sinabi nila na mga turista sila. Pagdating nila sa bungad ng gubat ay nakaharang
ang ilang lalaki doon.

"Saan kayo pupunta?!" sita ng isa sa mga lalaking nasa bungad ng gubat.

Lahat ng mga lalaki na naroon ay may hawak na arnis. Si Zech ang nagprisintang
humarap sa mga ito.

"Mga Archaelogist po kami at ipinadala kami ng pamahalaan para tingnan ang ruin sa
inyong lugar. Mahalaga na malaman ang kasaysayan noon." kampante niyang wika.

"Ipinagbabawal ang pagpunta sa ruin ng kahit na sinong tagalabas. Simula ng


madiskubre iyon, maraming bata na ang nawala. Kaya umuwi na lang kayo at sabihin
niyo sa nag-utos sa inyo na hindi kami nagpapasok dito!" mayabang na wika ng
lalaki.

Malaki ang katawan nito, moreno at may pilat sa kaliwang-pisngi.

"Eh kung sabihin kong ang Presidente ang nagpadala sa amin, dito? Tatanggi pa ba
kayo?" tanong ni Zech.

"Bata, kung totoo iyang sinasabi mo... Patunayan niyo nga! Ande lay atet!"

Marahas na bumuntung-hininga si Zech at tumingin sa kanyang mga kasama.

"Ano na?" untag niya kina Blade.

"Bahala ka na. Gawin mo ang gusto mo." wika ni Hunter at kumindat.

"Okay!"

Ngumisi ng nakakaloko si Zech sa lalaking kaharap niya.

"Ang tigas kasi ng ulo niyo. Inubusan niyo ako ng pasensiya kaya humanda kayo."
banta niya.

Matapos noon ay ginamit niya ang kanyang kakayahan. Biglang kumaluskos sa buong
paligid at lumitaw ang maraming baging. Lahat ng baging na iyon, pumulupot sa mga
lalaking nagbabantay sa bungad ng gubat. Lumambitin ang mga ito sa puno na parang
mga dekorasyon sa christmas tree.
"AAAAHH!!!!..." ang malakas na sigaw ng mga kalalakihan.

"Tara lets!" yaya ni Zech sa mga kasama.

Nauna na itong naglakad at sumunod na sina Blade, Hunter, Drake at Creta.

"MGA HALIMAW!!!..." narinig pa nilang sigaw ng mga lalaking isinabit ni Zech.

"Malupit ka rin pala." comment ni Blade.

"Hindi naman."

May trail sa gubat kaya hindi sila nahirapan sa paglalakad sa loob ng gubat.
Sinusundan lang nila iyon. Halos nasa gitna na sila ng gubat ng bigla silang
makarinig ng mga kaluskos sa mga dahon. Napahinto sila sa paglalakad at naging
alerto sa buong paligid. Naglabas si Creta ng kanyang mga baraha. Ilang sandali
pa... FGGHH!!!!..... Maraming puting-laso ang bigla na lang lumitaw sa paligid at
mabilis iyong bumulusok patungo sa kanila. Agad silang kumilos para maiwasan ang
mga puting-laso. Nakailag silang lahat pero hindi huminto ang mga puting-laso sa
pagsugod.... Mabilis nitong hinabol sina Blade at Drake... Mas dumami pa ang mga
iyon at hindi na makaiwas ang dalawa. Hinagisan ni Creta ng kanyang mga baraha ang
mga laso pero hindi man lang naputol ang mga iyon.

"A-Ang tibay!!..." bulalas niya.

"WAAAAH!!!..." halos sabay na sigaw nina Blade at Drake.

Pilit na nagpupumiglas ang dalawa pero tila mga ahas na pumupulupot sa kanilang mga
katawan ang mga laso. Unti-unti na silang nagmumukhang mummy. Pilit na tinatanggal
ng mga kasama nila ang mga laso sa kanilang katawan pero lubhang mahigpit at
matibay ang mga iyon. Hinila ng kung sinumang nagmamaniobra sa mga puting-laso sina
Blade at Drake pero mabilis na kumilos si Zech. Nagpalabas siya ng mga baging at
ugat ng halaman at ipiulupot din iyon sa katawan ng dalawa. Mabilis niyang hinila
ang mga iyon para pigilan na makuha sina Blade at Drake. Pero sobrang napakalakas
ng kalaban niya. Nakakaladkad siya ng paunti-unti...

"T-Tulungan niyo ako! Huwag tayong pumayag na makuha ng kalaban sina Drake at
Blade!!..." bulalas niya sa kanyang mga kasama.

Napatigil sa ginagawang pagputol sa mga laso sina Hunter at Creta, mabilis nilang
pinuntahan si Zech at tinulungan ito sa paghila.

"Sabay-sabay ang hila!" utos ni Zech sa mga kasama.

"Okay!"

Sabay-sabay nga nilang hinila ang mga ugat pero pilit na hinihila din ng kung sino
ang mga laso. Pero, hindi sila magpapatalo!

"Anak na lase!!... Galingan niyo naman ah!!..."

"Kaya nga, maawa naman kayo sa amin! Abuwisit ak pa!!.."

"Sheyt! Kayo na dito ah! Ginagawa na namin ang lahat ng makakaya namin!!..." pikon
na wika ni Creta.

Muling pumuwersa ang mga laso at hindi naman nagpatinag sina Zech, Hunter at Creta.
Mistulang tag of war na ang nangyayari. Pero, mas dumami pa ang mga lumitaw na laso
at sa pagkakataong ito, kasama na ring nahila ang tatlo. Wala na silang nagawa
lahat kundi ang sumigaw ng malakas.

"WAAAAAAAAHHHH!!!!!!....."

Nang huminto ang paghila sa kanila ay dahan-dahang tumingala ang lahat. Nakasubsob
silang lahat sa lupa na puno ng tuyong dahon.

"Kamusta...? Grabe kayo ah, nakipag-agawan talaga kayo sa akin."

Ang nakangiting mukha ni Raguel ang kanilang nabungaran. Kasama nito si Uriel na
nag-hi sa kanilang lahat. Marahang tumayo si Hunter at nagpagpag sa sarili. Mataman
na ring tumayo sina Zech at Creta.

"Anong ibig sabihin nito?!" inis na tanong ni Hunter.

"Kaya nga!" reklamo din ni Creta.

Tumawa ng mahina si Raguel at nakakalokong tumingin kina Blade at Drake.

"Teka, ano bang problema mo sa aming dalawa?! Bakit mo kami ginanito? Abuwisit ak
pa!" reklamo ni Blade.

"Kaya nga! Wala naman kaming ginagawang masama ah?!" segunda ni Drake.

Tumaas ang kanang-kilay ni Raguel at sarkastikong tumingin sa mukha ng dalawa na


panay ang reklamo at daing.

"Ows? Wala nga ba kayong ginawang masama?" makahulugang tanong ni Raguel.

Natigilan sina Blade at Drake, guilty silang nagkatinginan at halos sabay na


napalunok.

"Wait, wala naman silang ginagawang masama ah? Magkakasama lang naman kami."
nagtatakang wika ni Zech.

Napakamot sa kanyang batok si Raguel at huminga ng malalim.

"Kagabi, hindi ba ang sasarap ng mga kinain niyo? Mabuti at walang sumakit ang
tiyan sa inyo maski isa... Ang hirap kasi kapag nakaw..."

Napatanga sina Zech, Hunter at Creta. Nagkatinginan ang mga ito, tapos, napatingin
din sila kina Blade at Drake na biglang natahimik. Parang mga pinalong kuhol sa
ulo.

"Teka, wala naman kaming ninanakaw ah?" nagtatakang wika ni Hunter.

"Kayo sigurong tatlo, wala. Pero ang dalawang tukmol na kuhol na ito... Bakit hindi
niyo sila tanungin kung saan nila nakuha ang mga melon at pakwan na kinain niyo
kagabi?"

Binitbit ni Raguel ang dalawa na parang mga manika at niyugyog.

"K-Kayong dalawa!!... Nakaw ba iyong mga ipinakain niyo sa amin, ha?!!..." galit na
kastigo ni Hunter.

"Bakit, nasarapan naman kayo doon ah?! Kayo nga ang nakarami!" mabilis na sagot ni
Blade.
"Kaya nga! Huwag kayong magmalinis kasi nakinabang din naman kayo!" segunda ni
Drake.

Naiinis na tumingin ang tatlo sa mukha ng dalawa. Confirm na nakaw nga ang mga
melon at pakwan na kanilang kinain...

"Hindi namin alam na nakaw ang mga ipinakain niyo sa amin! Kaya huwag niyo kaming
idamay diyan sa kalokohan niyo! Sheyt!" naiinis na wika ni Creta.

"So, ngayong nasa gipitan na... Ibabagsak niyo kaming lase? Eh ang dami niyo rin
kayang nakain!" inis na pakli ni Blade.

"Wala kaming alam na nakaw iyong mga prutas na ipinakain niyo sa amin kaya bakit
kailangan naming madamay?" si Zech!

"BUSET!!!..." naiinis na wika ni Blade.

"Tama na! Tumigil na kayong lahat sa pagtatalo." awat ni Uriel.

Natahimik naman ang lahat dahil seryoso at mariin ang pagkakasabi nito.

"Sa ngayon, kayong tatlo na lang ang bahala doon sa task na ipinapagawa namin. At
ang dalawang ito, pag-iisipan ko pa kung ano ang magandang parusa ang ibibigay ko.
Tandaan niyo, naka-monitor kayo sa amin. Kaya bago kayo gumawa ng anumang hakbang,
pag-isipan niyong maigi. Puwede na kayong umalis." wika ni Raguel.

"Take your time sa pagpaparusa. Yakang-yaka na naming tatlo ang misyon na ito."
wika ni Hunter.

"Anak na lase ka!" galit na wika ni Blade dito.

"Okitnam!" si Drake.

"Bye! Enjoy!" nang-aasar na wika ni Zech.

Nang-asar din si Creta at napipikon na naiwan ang dalawa at walang magawa... Dahil
nakapulupot sa buo nilang katawan ang mga puting-laso ni Raguel.

Sinundan lang nila Creta, Zech at Hunter ang trail na kanilang pinanggalingan.
Ilang sandali pang paglalakad at narating na nila ang ruin na kanilang pakay. Puno
ng makapal na lumot ang ruin. Nasa pinakagitna ang ritwal chamber at napapaligiran
iyon ng walong banga. Napatingin si Zech sa paligid at napailing. Maraming nagkalat
na bote ng mineral water at supot ng tsitsirya. Dapat lang na ipagbawal ang
pagpunta rito kung gagawin din lang namang basurahan ang lugar. Nasa pinakagitna pa
naman ito ng gubat.

"Tara, tingnan natin ang ritwal chamber." yaya ni Zech sa dalawa niyang kasama.

"Sige."

Nagsimula na silang umakyat sa ruin at sa una palang nilang pagtapak ay pare-pareho


na silang natigilan. May kakaiba kasi silang naramdaman sa mga bato... Tapos, bigla
na lang iyong nagliwanag ng pula... May lumitaw na mga sulat at isang pentgram ang
nabuo sa pinakagitna... Namuo ang pulang-liwanag sa sentro at kumalat iyon sa mga
banga na nakapaligid.

"Sandali, huwag tayong tumuloy! May mangyayari. Mukhang na-activate ng kung


sinumang nakadiskubre dito ang sumpa sa lugar. Mukhang pinakialaman ang ruin..."
Tumingin siya sa sahig at ang tanging paraan para matigil ang nangyayari ay ang
alamin ang code ng pentagram. Naka-lock kasi ang curse seal nito. Unti-unting
yumanig ang paligid at isang malaking chamber ang lumitaw. Doon sa chamber,
nakahilira ang mga transparent na banga at sa loob noon, makikita ang mga batang-
babae na walang-malay. Mistulang natutulog ang mga ito sa loob ng banga.

"Teka, bakit ganito?" nagtatakang wika ni Creta.

Tulala siyang nakatingin sa mga bata.

"Kagaya ng sinabi ko, pinakialaman ng kung sino ang ruin na ito kaya na-activate
ang curse seal nito. Makinig kayo, aalisin ko ang curse seal at kayo naman ang
bahala sa mga bata."

"Sandali, eh sino naman ang kumukuha sa mga bata at naglalagay sa mga banga?"
curious na tanong ni Hunter.

"Hindi ko alam. Aalamin ko palang. Kaya maghanda tayo dahil hindi natin alam ang
lalabas na kalaban." wika ni Zech.

Magkakasunod silang umakyat sa ruin, ngunit bago pa man sila makarating sa gitna ay
may mga kamay ang halos sabay-sabay na lumabas mula sa walong banga. Mataman lang
silang nakatingin doon at napatanga sila ng tuluyan nang makalabas ang mga nilalang
na naroon. Mapuputla ang kanilang mga balat pero napakakinis na katulad ng mga
porcelain doll. Walang-mababakas na anumang emosyon sa kanilang mga mukha. Mahaba
ang kanilang buhok na hanggang puwet at iyon lamang ang tumatakip sa maselang parte
na itaas ng kanilang katawan. Nakasuot sila ng maiikling tapis na kalahati ng hita
at may hawak silang mga armas sa kanilang mga kamay. Espada ang mga iyon at pare-
pareho ng desenyo.

"Sheyt! Mukhang sila ang mga mandirigmang sinasabi ni Raguel! Di ko akalaing ang
hot pala nila kahit na matagal na silang patay! Paano iyan, di ako pumapatol sa
babae? Lalo na kung ganyan sila ka-hot!" pakli ni Creta.

Napatingin siya sa kanyang mga kasama. Namumula din ang mukha ng mga ito at
naiilang na kagaya niya.

"Hindi rin kami marunong pumatol sa mga hot na babae eh. Pero wala tayong, choice!
Wala dito iyong dalawang tukmol eh, ang mga iyon... Lumalaban talaga kahit na sa
babae eh, walang paki!" wika ni Hunter.

"Bahala na." si Zech.

Tinangka nilang maglakad papunta sa gitna ng chamber pero mabilis silang sinugod ng
mga babae. Wala silang magawa kundi sanggain ang atake ng mga ito. Mabilis na
tumalon si Zech at pumunta sa gitna ng chamber. Pinasadahan niya ang pentgram doon.
Patuloy siyang sinusugod ng tatlong kababaihan at panay lang ang iwas niya. Naka-
focus kasi siya doon sa pentagram. Nagsimula na rin siyang gumawa ng ibang
pentagram pero paunti-unti iyon dahil kailangan niyang sanggain ang mga atake at
iwasan. Isa pa, naiilang siya sa kanyang mga kalaban. Hindi kasi maiwasan ng mga
mata niya na mahagip ang hindi dapat mahagip. At dahil doon, nawawalan siya ng
focus sa kanyang ginawa.

Samantala, panay rin ang iwas at sangga nina Hunter at Creta sa atake ng mga
babaing kalaban. Pinipilit nilang makalapit sa kinaroroonan ng mga bata pero
pinipigilan sila ng mga kalaban. Pinagpawisan si Hunter ng itutok niya sa mga
kalaban ang kanyang palaso. Tatlo ang balak niyang pakawalan at sa tinagal-tagal na
niyang ginagamit ang kanyang Angel's Arrow, ngayon lang siya nag-alinlangan at
nanginig ang kanyang mga kamay.
"Argh!" frustrate niyang ungol.

Pinalitan niya ng kanyang twinsword ang kanyang Angel's Arrow. Pero parang walang
nagbago dahil panay ang sangga niya at iwas. Di niya magawang umatake sa kanyang
kalaban. Si Creta naman, mistulang nakikipagpatintero sa kanyang mga kalaban. Panay
ang takbo niya at iwas. Nag-aalangan din siyas sa pagbato ng kanyang mga baraha.

"Sheyt! Mapapagod kami nito!"

Samantala, nakapangalumbaba si Raguel habang nakatingin sa mukha nina Blade at


Drake. Hanggang ngayon, hindi pa niya napag-iisipan kung anong parusa ang dapat
niyang igawad sa dalawa.

"Alam mo, kung wala kang maisip... Huwag mo na lang kaming parusahan. Mabait ka
naman eh!"

"Shut up, Blade! I'm not asking any stupid suggestion." masungit niyang wika.

Napasimangot na lang ang huli sa kanyang tinuran.

"Hindi naman namin alam na may nagmamay-ari pala sa mga melon at pakwan na iyon.
Huli na nang malaman namin eh. Tsaka di ba, ang taong gutom... Sa patalim
kumakapit?" pakli ni Drake.

"Tumahimik ka nga rin. Huwag mo akong bigyan ng baluktot na katwiran. Hindi niyo ba
naisip na hindi naman puwedeng basta na lang lumitaw sa paanan ng bundok ang
taniman ng mga prutas? Anong akala niyo doon, singaw?!"

Natahimik na din si Drake at napayuko. Ilang sandali pa, dumating si Uriel na tawa
ng tawa. Curious silang tumingin dito.

"Anong nakakatawa, ha? Lalo lang tuloy akong hindi makapag-isip ng ipaparusa sa
dalawang ito..." wika ni Raguel.

"He he he! Iyong tatlo kasi, bugbog na doon sa mga chika babes! Di sila makalaban
ng maayos. Kaya imbes na masira agad ni Zech ang curse seal, eh ayon... Hindi
makapag-focus ang loko, halata kasing may dumidistract sa mga mata niya. Iyong
dalawa naman, di makalapit sa mga bata kasi panay ang iwas at sangga lang sa mga
atake ng kalaban ang ginawa nila. Di tuloy nila ma-rescue ang mga iyon. Akala ko
mapapadali lang sila sa test na ibinigay natin. Ano sa palagay mo?" untag ni Uriel.

"Hay naku, naman! Masyado naman silang gentleman! Eh mga babaing clay lang naman
ang mga iyon eh. Ang dami nang malalakas ang kanilang hinarap at doon lang sila
babagsak?" comment ni Raguel.

"Waaaah!!... H-Huwag niyong sabihing gawa-gawa niyo lang ang lahat ng ito?!!!...."
maingay na wika ni Blade.

"Yups. Inutusan nga kami ni Ama na subukin ang inyong teamwork. Tinitingnan namin
kung okay na pagsama-samahin kayo. Kaya lang, wala namang problema kung saan maaari
namin kayong ipadala. Kaya, heto... Gumawa na lang kami ng kuwento at task.
Dinalian na nga namin eh. Kaya lang, iyong mga kasama niyo... Ayon, bumibigay sa
tukso. Nye he he he!" nakakalokong paliwanag ni Uriel.

"Abuwisit ak pa!" bulalas na lang ni Drake.


"Animal..." pabulong na wika ni Blade.

Napataas naman ng kilay si Raguel at tumawa ng mahina.

"Total, kailangan ng resbak noong tatlo... Wala akong choice kundi ipadala na sina
Blade at Drake. At dahil wala na akong maisip na magandang ipaparusa, sige na nga!
Transformation 101 na nga lang para hindi rin sila mailang. At least, matapos na
ito."

"Teka, kasama ba ako sa transformation 101 na iyan?!!!..." windang na tanong ni


Drake.

"Siyempre naman Yes!" mabilis na sagot ni Raguel.

"Okay, game na... I'm so excited! Namiss ko 'to!" natutuwang wika ni Blade.

"NOOOO!!!!..." ang maingay na sigaw ni Drake.

Ngunit buo na ang desisyon ni Raguel.

"TRANSFORMATION 101!!...."

Nabalutan ang dalawa ng makakapal na puting usok at nang humupa iyon ay unti-unting
inalis ni Raguel ang kanyang mga puting-laso sa katawan ng dalawa.

"Oh my! Babae na ulit ako! Namiss ko to!!..."

Napatalon-talon si Blade sa tuwa at pagkatapos noon ay napatingin siya sa kanyang


kasama. Tulala si Drake at hindi makapaniwala. Humaba nang hanggang baywang ang
buhok nito at naging feminine ang features ng mukha. At ang katawan... Hmmm.....

"Bestfriend! Ang ganda-ganda mo rin! Congratulations!!..." napatili pa talaga si


Blade.

"B-Babae na rin ako?!" nawiwindang na wika ni Drake.

Napatingin siya sa kanyang dibdib at nanlaki ang kanyang mga mata.

"M-Mayroon na ako?!" bulalas niya.

"Yes, bestfriend! You have!"

Napatingin ulit si Drake sa kanyang dibdib, napalunok siya at tila nanuyo ang
kanyang lalamunan. Muli siyang tumingin. At nang hindi na siya makuntento ay
sinilip na niya ang kanyang dibdib sa loob ng kanyang damit at...

"EEEEEhhhhhh!!!!..."

Namutla siyang napatingin kay Blade na feel na feel ang pagiging Babae dahil nga
sanay na sanay na ito. Ngumiti ito sa naging reaction niya.

"My friend! Parang ganyan din yata ang naging first reaction ko. Huwag kang mag-
alala, medyo masasanay ka rin." payo ni Blade.

"Ay sus! Ay na apo! Totoo na nga ang mga ito!"

Amuse na wika ni Drake habang napahawak sa kanyang dibdib. Tapos, napatingin siya
kay Blade.
"Teka lang, bakit mas malalaki ang sa kanya?" biglang tanong ni Drake kay Raguel.

"Dati nang malalaki ang sa kanya. At iyang sa'yo, ibinagay ko lang sa features mo.
Tsaka, melon lang naman ang ninakaw mo eh, siya pakwan. Nagbase na rin ako sa
size." natatawang paliwanag ni Raguel.

"Teka, kulang ang transformation 101 mo sa kanila. Dapat pati mga damit nila at
buhok, ayusin mo." suggestion ni Uriel.

"Ano bang maganda?" tanong ni Raguel.

"Gawin mo silang lady in red."

"Okay! Heto na ulit ang TRANSFORMATION 101 VOL. II!!!..."

Muling binalot ng puting-liwanag at makapal na puting usok ang dalawa. At nang


muling humupa ang usok ay nalantad ang bagong ayos nina Blade at Drake na naging
mga babae. Nakasuot sila ng mahabang pulang-bestida na may maninipis na strap.
Medyo mababa ang neckline at parehong may slit sa magkabilang gilid na hanggang
kalahati ng kanilang mga hita. Naka-inprint sa damit ang mga pulang roses na may
mga dahon. Backless ang mga dress na kanilang suot. Naka-ponytail ang buhok ni
Blade at naka-braid naman ang kay Drake.

Tawa ng tawa sina Raguel at Uriel habang nakatingin sa dalawa. Sumipol pa ang
dalawa. Talagang pinagtripan ng todo ang dalawa.

"Hello, mga sexy!" kantyaw ni Uriel.

"Sige, humayo na kayo sa party-este! Rumesbak na kayo para kina Hunter! Go!" taboy
ni Raguel.

Excited na ngumiti si Blade.

"Tara na, Sis! Iligtas na natin ang ating mga fafa!"

Tumakbo na si Blade at sumunod naman agad si Drake. Halata sa mukha nito ang
matinding pagkailang.

"Uy, problema mo?!"

"Naiilang kasi ako eh. Ikaw? Hindi ka ba naiilang, ha? Y-Yumuyugyog?!" alanganing
wika ni Drake.

"Higpitan mo kasi ang bra mo. Hindi ba push-up bra ang gamit mo?"

"H-Ha? Ano iyon?"

"Wala kang alam sa bra?!"

"Eh anong malay ko? Ngayon lang naman ako naging Badang!"

"Okay, tama na ang ngatel! Bilisan na lang natin kasi baka nakeret na iyong tatlo
nating mga fafa!"

Binilisan na nga nila ang pagtakbo papunta sa kinaroroonan ng kanilang mga kasama.
Sinusundan nila ang trail sa gubat. Samantala... Unti-unting nabubuo na ni Zech ang
pentagram na kanyang ginagawa. Iyon ang gagamitin niya para masira ang curse seal
at nang sa ganoon, tuluyan nang masira ang sumpa. Halos sabay na siyang sinugod ng
dalawang babae at mabilis na iniwasiwas sa kanya ang hawak nilang mga espada pero
agad siyang umilag. Kaya lang, hindi na niya naiwasan ang sipa ng pangatlong babae,
tumilapon siya at dumausdos sa gilid ng ruin. Bumangga ang kanyang katawan sa isa
sa mga banga.

Napapagod naman na sina Creta at Hunter sa pag-iwas at pagsangga sa mga atake ng


limang babae na kanilang kalaban. Halos hindi na rin nila naiiwasan at nasasangga
ang atake ng mga ito. Bigla silang pinaulanan ng mga palaso at darts... Sinangga ni
Creta ang nga iyon ng kanyang mga baraha at tumira naman ng kanyang mga palaso si
Hunter. Nagkaroon ng mahinang pagsabog. Nalingat sila ng kaunti at dahil doon,
nakatikim sila ng sunud-sunod na sipa sa kanilang mga katawan.

"Paano na ito? Talung-talo na tayo!" naiiritang wika ni Hunter.

"Sheyt! Ewan ko rin!"

Akma silang aatakehin ng kanilang mga kalaban ng...

"Angel's Bomerang!"

"Blazing Inferno!!..."

Tinamaan ang mga babae at tumilapon sa malayo. Maging ang mga babaing papasugod
sana kay Zech, tumilapon rin.

"Ha ha ha ha ha! Kayong mga lalaki talaga, ang hihina sa tukso! Naiilang kayo sa
kanila?! Haleer! Bakit hindi na lang kayo tumingin sa amin, mas yummy naman kami sa
mga patay na iyan!" ang malanding wika ni Blade.

Napatanga ang tatlong lalaki at napatingala sa kanila. Nakatayo sina Blade at Drake
sa itaas ng ruin at inihahangin ang kanilang bestida kaya litaw na litaw ang
kanilang mga legs. At dahil mababa ang neckline ng kanilang damit, litaw na litaw
din ang cleavage ng kanilang mga dibdib.

"Nandito na kami para rumesbak! Huwag na kayong magmulagat diyan! Kami na ang
bahala sa mga babaing impakta at gawin niyo na ang inyong mga task!" utos naman ni
Drake.

Pagkatapos noon ay magkahiwalay silang tumalon. Sila na ang sumugod sa mga babaing
mandirigma ni Raguel. Si Blade ang bahala sa mga kalaban nila Hunter at Creta at si
Drake naman ang bahala kay Zech. Di makakilos ang tatlong lalaki sa pagkabigla.
Wala lang silang ginawa kundi ang mapatitig sa mga bagong dating. Halata ang
matinding paghanga sa kanilang mga mata.

"Ano pang minumulagat niyo diyan?! Kumilos na nga kayo! Abuwisit ak pa!!..."
mataray na wika ni Drake.

Dahil doon ay nagsimula nang kumilos ang kanilang mga kasama. At siya... Hinarap na
niya ang mga kalaban niya.

"CRASH CLAW!!!...."

Nawasak ang katawan ng kanyang kalaban at mistula iyong porselanang nabasag. Hindi
nga talaga totoong mga tao ang kanilang kalaban. Sabay niyang hinila ang buhok ng
dalawa pa at malakas silang ibinalibag sa sahig. Hindi agad nawasak ang mga ito
kaya maraming beses niyang ginawa hanggang sa masabag ng tuluyan ang kanyang mga
kalaban.

Samantala... Abala si Blade din sa kanyang mga kalaban.


"Infairness, almost perfect na rin kayo! Pero sorry na lang, mas sexy at maganda pa
rin ako! LIGHTNING FIST, HYAAA!!!..."

Inipon niya sa kanyang mga kamao ang malakas na puwersa ng kanyang kapangyarihan.
At pagkatapos noon ay ginamit niya ang malakas na kidlat sa kanyang mga kalaban.
Sinuntok niya ang mga ito ng magkakasunod. Para lang siyang tumitira ng punching
bag na nawaawasak. Agresibo din naman kasi ang kanyang mga kaharap, panay lang ang
sugod at hindi umiiwas. Kasalukuyan nang inaalis nina Creta at Hunter ang mga bata
sa loob ng mga transparent na banga. Buhay pa naman ang mga ito. Mahimbing lang ang
kanilang pagkakatulog.

Samantala, natapos nang gawin ni Zech ang pentagram... Agad niyang ginamit ang
kanyang kapangyarihan para tuluyang masira ang sumpa.

"CURSE DESTROYER!!!..."

Binalutan ng asul na liwanag ang pulang-liwanag na nasa ruin. Ilang sandali pa ay


naglaho na ang liwanag at ang mga pentagram. Binalingan niya ang babaing tumulong
sa kanya. Ngumiti siya ng maluwang dito.

"Maraming salamat sa tulong mo, Miss. Hayaan mong ialay ko sa'yo ang magandang
rosas na ito, bilang pasasalamat."

Ginamit niya ang kanyang kapangyarihan at lumitaw ang boquet ng puting-roses sa


kanyang mga kamay. Iniabot niya ang bulaklak pero napangiwi ang babae at
nawiwindang na napatingin sa kanya. Para bang nandidiri.

"May problema ba, Miss?"

"Zech... Hindi mo ba ako nakilala?"

"Huh..? Ngayon lang kita nakita, Miss. Kilala mo ako?" nagtataka niyang tanong.

"Siyempre naman! Ako ito, si Drake!"

"BUWISIT!!!.." sabay hampas ng bulaklak sa mukha ni Drake.

"Abuwisit ak pa!!.. Bakit ako, pinatulan mo? Eh samantalang iyong mga babaing lupa,
hindi..?!!!"

"Badang ka! Napeke mo ako ah?!!!"

"Haler, dapat alam mo na ng makita mo si Blade!"

"HMF!!"

Tumingin si Zech kay Blade. Naglakad na siya papunta sa kinaroroonan nito at


matamang sumunod si Drake sa kanya. Nadatnan nila na....

"Miss, single ka pa ba?" si Creta.

"Oo, naman.. Single na single ako. Kaya lang, it's complicated ang status at hindi
na available ang puso ko eh. Isa pa, hindi tayo talo..."

"Ganoon ba? Salamat nga pala sa tulong niyo ng kasama mo. Pakiss nga sa cheeks."

"Oh sure!"

Nakipagbeso-beso si Blade kay Creta.


"YUCK!!!..." halos sabay-sabay na bulalas nina Hunter, Drake at Zech.

"Creta, si Blade iyan!!..." di napigilang wika ni Hunter.

Nanlaki ang mga mata ng huli at pagkatapos ay mabilis na iniumang ang kanyang kamao
sa mukha ni Blade.

"Manloloko ka!!!.."

"Na-victim ka ano? Go ahead, suntok!"

Iniharap pa ni Blade ang mukha. Nanggigil nang husto si Creta pero nakatitig ito sa
kanyang mukha. Nginitian niya ito ng matamis.

"Sheyt! Di ko kaya! Pasalamat ka, palalagpasin kita ngayon." ibinaba na niya ang
kanyang kamay.

Tawa ng tawa si Blade at agad na tumabi kay Drake.

"Look, guys! Tingnan niyo naman si Drake oh! Ang sexy at ang beauty din niya today!
Wow ang legs!!"

Biglang itinaas ni Blade ang palda ng damit ni Drake. Kaya hindi lang legs ang
nakita kay Drake ng mga panahong iyon...

"Oh my gosh!!... It's red!!.."

"EEEEEhhhhh!!!.." ang malakas na tili ni Drake.

Tapos bigla na lang ito napahalukipkip at napaupo. Isinubsob nito ang mukha sa mga
palad.

"I hate you! Your so bad!!... Hu hu hu hu!.."

Nawiwindang na napatingin na lang ang tatlong lalaki dito.

"Grabeh, nakakavictim!" pakli na lang ni Zech.

"Tama ka." sang ayon ni Creta.

Huminga na lang ng malalim si Hunter at natawa. Mabuti na lang siya, kilala niya
ang hilatsa ng pagmumukha ng dalawa kaya di siya mabibiktima.

16. Unexpected Cross


"UNEXPECTED CROSS"

"Teka lang, ano ba ito ha? Bakit may meeting?" untag ni Creta kay Blade.

"Nakalimutan mo na ba? Di ba sinabi ko na sa inyong apat na kukunin ko kayong mga


judge sa sayaw ng mga estudiyante ko? Iyon ang project nila sa akin sa Physical
Education. Bukas na iyon, kaya pinatawag ko kayong lahat." nakangising wika ni
Blade.

"Yeah, hindi namin nakakalimutan iyon. Pupunta talaga kami. Kaya bakit kailangan mo
pa kaming i-meeting?" si Zech.

Huminga ng malalim si Blade at ngumiti ng pilyo sa mga kaibigan niya.

"Siyempre kailangan nating mag-rehearse ng isasample nating sayaw. Kaunti lang


naman ito, tiyak kasi na magre-request ang mga bata. Di nila tayo titigilan,
beleive me!"

Napakamot sa batok si Drake.

"Right nga si Blade. Napa-sample na ako ng mga batang iyon." napaismid niyang wika.

Napalunok si Hunter sa kanyang narinig. Medyo umatras siya ng kaunti para lumayo sa
grupo. Matino ang image niya at ayaw niyang madungisan iyon.

"Guys, sorry... Magkakasakit yata ako eh. Sumama bigla ang pakiramdam ko." wika
niya sa lahat.

"Uy, Hunter! Huwag kang ganyan! Naka-Oo ka na sa akin. Anak na lase!"

"Wala akong talent sa pagsasayaw. Hanggang kusina lang ako."

"Kami rin, walang talent diyan!" itinaas pa talaga ni Creta ang kanang-kamay niya.

Napahalukipkip naman si Zech bilang tanda na hindi rin siya sang-ayon.

"Guys! Madali lang ang step. Sure ako na makukuha niyo agad. Kaya nga nagpatawag
ako ng meeting para ituro sa inyo ang step. Simpleng-simple lang talaga siya,
promise." napangising wika ni Blade.

"Parang kinabahan ako diyan sa ngisi mo. Ano ba iyong sasayawin natin, ha? Mag-
umpisa na tayo para matapos na." naiinip na wika ni Drake.

"Anaconda!" mabilis na sagot ni Blade.

"HAAAAH?!!!..." gulat na bulalas ng lahat.


Nagkatinginan sina Zech, Hunter, Drake at Creta. Pare-parehong nawindang ang mga
ito.

"T-Teka! Di ba pambabae ang sayaw na iyan at inaano-ano sa step iyong puwet?! Ayaw
ko niyan!!..." tutol agad ni Zech.

"Ayaw ko rin!" si Hunter.

"Kami rin!" sina Creta at Drake.

Napamaywang si Blade at napailing sa mga kasama niya. Napakamot din siya sa batok.
Pagkatapos noon ay bigla siyang tumawa ng mahina sa naging reaksyon ng mga ito.

"Guys, iyong intro lang naman ng tugtog ang sasayawin natin. Tsaka binago ko iyong
step."

"Sige nga, sample nga!" kantyaw ni Hunter.

"Okay! Tingnan niyo akong mabuti para makita niyo ang step. Kagaya ng sinabi ko,
binago ko ang step. Kung iyong sa original, sa likuran.. Well, di ipaharap na lang
natin! Ha ha ha!"

"Anong ipaharap?!" si Zech.

Lumayo ng kaunti si Blade at humarap sa mga kasama niya. Tapos...

"Ganito iyon... Kapag narinig niyo iyong 'MY ANACONDA', point the lower part of
your body. Inside the waist. Move your hips around. Tapos kapag iyong 'DON'T' na,
push forward then bom- bom! Kung gaano kadami iyong 'DON'T', ganoon din iyong bom-
bom."

Habang nagsasalita si Blade ay ginagawa niya ang nasabing step. Nasapo ni Hunter
ang bibig at nanlaki ang mga mata. Tumingin siya sa mga kasama niya na halos
kapareho ng kanyang naging reaksyon.

"Ano sa palagay niyo?!" untag niya.

Tumingin sa kanya si Drake.

"I like it!" pilyo nitong sagot.

"Ha ha ha ha! Well, minsan lang naman ito at kaya ko naman ang step. Like ko din
siya. I think it's cute.." si Zech.

"Hunter, okay lang." si Creta.

Huminga ng malalim si Hunter.

"So, okay lang sa inyo na iyong 'Angry Bird', nalulon na ng 'Anaconda'?" pabiro
niyang tanong.

Hindi nagsalita sina Zech, Creta at Drake pero ngumiti.

"Hay naku naman! Hindi naman siya nalulon, kundi nag-evolved lang! Animal, ha ha ha
ha!" tumatawang wika ni Blade.

"Tanong ko lang, Blade... Saan mo nakuha ang idea ng 'Angry Bird' sa Angry Bird na
ngayon nga.. Sabi mo, nag-evolved na sa Anaconda? Geez! Ang laki naman yata noon!"
si Hunter.
Natawa ang lahat sa sinabi nito.

"Alam mo kasi, noong tumambay ako doon sa may tindahan na malapit sa school... May
nakatabi akong magNanay. Iyong Ale, banggit ng banggit ng 'Angry Bird' doon sa anak
niya. Ako naman si tanga, hanap ng hanap sa paligid ng 'Angry Bird'. Nung di na ako
makatiis, tinanong ko iyong Ale kung nasaan ang 'Angry Bird' na sinasabi niya,
tapos, itinuro niya sa akin iyong sa anak niya. Alam niyo na... Nakahubad iyong
bata eh, kasi nagwewe. Mga three years old lang siya, ayaw niyang magsuot ng shorts
kaya sinisita ng Nanay iyong Angry Bird. Tapos, napaisip na naman ako. Nagtanong
ulit ako doon sa Ale. Sabi ko, bakit 'Angry Bird?' Ang sinagot noong Ale, because
it get's 'Angry' daw."

"AH..." halos sabay-sabay na reaksyon ng lahat.

"May point nga naman." comment ni Hunter.

"Now, we know the history." si Zech.

Napahawak sa punong baba niya si Creta at mataman na tumingin kay Blade.

"Ngayong nai-explain mo na sa amin ang tungkol sa Angry Bird. Puwede bang sa


Anaconda naman?" tanong niya.

Tumawa si Blade at napakamot sa kanyang pisngi. Napangisi naman si Drake, hindi pa


man niya alam eh natatawa na siya kasi alam niyang kalokohan na naman ang
explaination ng kanyang bestfriend.

"Eh kasi, may napanood akong Trivia sa isang News... And it's all about the size ng
lahi.. Animal, sinabi pa talaga ang mga inches at talagang inano pa iyong sa
mahahaba hanggang sa oh well... Pinaka-small na size. Three-point something inches
lang daw siya. Kawawa naman, di nabigyan ng the gift! Ha ha ha!Basta, ayaw ko nang
i-explain na maigi kasi SPG na masyado. Anak na lase! Ha ha ha, tsaka pangit naman
na from Angry Bird eh biglang maging Worm. Ha ha, animal!"

Napapitik sa hangin si Drake.

"Sayang, sana napanood ko ang Trivia na iyan."

Napakunot-noo naman sina Hunter at Zech. Sa bandang-huli si Zech ang hindi


nakatiis.

"Three-point something inches? Naks, wala pa yatang isang dangkal iyon?" comment
nito.

"Tumigil ka nga! Tinantiya ba naman talaga ang sukat?! As in may ganoong Trivia?"
curious na tanong ni Hunter.

"Mayroon nga. Hindi ako nambobolatis para lang makapagbangka sa inyo ay. Tama na
nga ang ngatel! Magpraktis na lang tayong anak na lase! Sayang ang time, animal!"
untag niya sa lahat.

"Teka lang, dapat may intro muna tayo bago iyong pasabog nating Anaconda. Nagdecide
ako na iyong Open The door. Iyong sa may bandang chorus lang naman." wika ulit ni
Blade.

"Baka naman mahirap iyan?" si Creta.

"Kaya nga." wika ni Hunter.


Huminga ng malalim si Blade tapos ay kumindat sa mga kasama niya.

"Siyempre, madali lang siya."

"Sige nga, paano?" si Drake.

"Eh isu-sway lang naman natin ang ating mga balikat at baywang ng sabay... Open
arms na parang yayakap, titingala, pipikit at ngingiti na parang nag-e-enjoy!"

Ginawa nga ni Blade ang naturang step. Napaismid naman ang mga kaibigan nito.

"Teka lang, anong nag-eenjoy?! Parang nakakaano namang tingnan!" comment ni Creta.

"Siyempre, nag-eenjoy sa sayaw! Tara na, game na. Huwag na kayong mag-inarte.
Sayang ang time."

Sumunod naman na ang mga kasama niya. Nagsimula na silang mag-ensayo para sa
kanilang magiging sample.

Kinabukasan ay excited na pumasok si Blade sa school kasama ng kanyang mga kaibigan


na naimbitahan niyang mag-Judge. Ni-request niya kay Madam Principal na sa Social
Hall ganapin ang naturang event para maluwang ang space..

"P-Parang gusto ko na yatang umurong." kinakabahang wika ni Hunter.

"Animal, tumigil ka!" saway ni Blade.

Hindi na umimik ang iba kasi kinakabahan din sila kagaya ni Hunter. Nakatingin ang
lahat ng tao sa school sa kanila. Binalingan na ni Blade ang kanyang mga
estudiyante.

"Good morning, Class!" bati niya sa lahat.

"GOOD MORNING SIR!" bati ng mga bata.

"Okay, ngayon na ang presentation ng inyong project sa akin. Siguro naman ay ready
na kayo?"

"READY NA, SIR!"

"Good! Ngayon, itong apat na kasama ko ay ang mga Judges na naimbitahan ko. Sila
sina Hunter, Drake, Zech at si Creta. Sila ang magbibigay ng score sa inyong
presentation at depende sa inyong performance ang magiging grade ng inyong sayaw.
Maliwanag ba?"

"Okay, Sir!" sagot ni Louie.

Pagkatapos ay tumayo si Van.

"Kaya lang, Sir... Dapat para maniwala kami na kaya niyong mag-judge eh dapat may
sample muna!" kantyaw nito.

Pagkatapos noon ay ang umaatikabong sigawan ng...

"SAMPLE! SAMPLE! SAMPLE! SAMPLE!!..."

"OKAY!!!!..." ang malakas na wika ni Blade.


"YEHEEY!!!!...."

Sabay ng masigabong palakpakan.

"Pasensiya na kayo kasi hindi kami prepared!" wika ni Blade.

"Sinungaling!" mahinang wika ni Drake.

Ngumiti si Blade ng maluwag sa mga bata at napatingin sa kanyang mga kasama na


yamot na nakatitig sa kanya.

"Smile guys.. This is our moment!"

Ngumiti na rin ang mga kaibigan niya. Pumuwesto na silang lahat at luminya sa
stage.

"Maestro! Music, please!" si Blade.

Ang Janitor na si Mang Rene ang kinasabwat niya bilang operator. May pasakalye paa
bago ang chorus ng tugtog na Open the door kaya makakapagready sila at hindi
mabibigla. Iyon 'yung tune ng 28th Century Fox. Nang umentra na ang chorus ay
ginawa na nila ang step na kanilang prinaktis. They open their arms, sway their
body left and right... Sabay tingala with pikit and smile...

Hiyawan ang lahat ng estudiyante at ibang mga guro sa school. Tumagilid sila at
sabay-sabay na nagsway at eksakto silang humarap ng matatapos na ang chorus ng
kanta. Isa ulit introduction ng 28th Century Fox ang umalingawngaw... At pagkatapos
noon ay ang tugtog na ng "ANACONDA". At ginawa na nga nila ang The Anaconda Dance
na kanilang binuo.

Hindi magkamayaw ang kanilang mga audience sa tawanan at hiyawan. Natatawa lahat,
maliban sa isa... Sino pa ba, eh di si Mrs. Solano. Panay ang dasal nito at sign of
the cross. Nakapikit ito ng mariin.

"SUSMARYOSEP!!!..." bulalas pa nito.

"Grabe, iyong Angry Bird... Nag-level up na sa Anaconda!" natatawang comment ni Mr.


Pinular.

Nang matapos ang kanilang simpleng sample at isang umaatikabong palakpakan at


hiyawan ang kanilang natanggap. Mayroon ding mga sumipol sa kanilang lima.

"Okay, pasensiya na. Hindi talaga kami nagready!" pakli pa ni Blade.

"WOOOO!!!..." kantyaw ng lahat.

Nagtawanan ang mga kasama niya. Naupo na sila at tinawag na niya ang unang grupo na
sasayaw. Kasama sa unang grupo sina Rane. Halata sa mukha ng mga estudiyante niya
na hindi sila kinakabahan man lang. Nagsimula na ang tugtog, at nagsimula na rin
silang sumayaw. Ang tugtog, Wabo-wabo. Ang simple lang ng step. Kamay lang ang
gumagalaw at pasu-sway lang ng kaunti ang katawan. Nagkatinginan silang lima at
napaismid...

"P-Parang naisahan yata tayo ah?" pakli ni Hunter.

"Sa palagay ko nga." sang-ayon ni Creta.

Iyong mga sumunod na grupo ay kapareho lang din ng sinayaw... Ang sumunod ay ang
pangatlo, All about that Bass, paulit-ulit lang ang step. Iyong sa may bandang
chorus lang. Next ay ang pang-apat, Selfie-selfie ang sinayaw.. Pero di naman
matatawag na sayaw kasi nagpacute lang ang mga ito... At ang natitirang grupo, ay
puro na mga lalaki... At ang kanilang sinayaw... Careless whisper. Panay giling ang
ginawa at... Pumagitna pa talaga sina Wilbur at Louie sabay pakita ng abs. Doon
lang medyo nabuhay ang dugo nila Blade... The rest, haaaaay...

Napataas ng kilay si Blade... Naisahan siya ng todo ng mga bata. Kaya pala tuwing
nagtatanong siya kung kamusta ang praktis ng mga ito ay panay lang ang sagot nila
na... OKAY LANG, SIR.

Natapos na ang sayaw ng mga bata at eksaktong recess iyon. Yamot na isinubmit ng
apat ang hawak nilang mga papel kung saan naroon ang mga ibinigay nilang score.

"Pambihira! Mas mahirap pa iyong pinaggagawa natin ah?!" reklamo ni Creta.

"Abuwisit ak pa! Naisahan tayo ng mga bata." pakli din ni Drake.

Humalukipkip naman si Zech.

"Eh kanino pa ba magmamana ang mga estudiyanteng iyon? Sino ba ang adviser nila?"
wika nito at tumingin kay Blade.

"Anak na lase, tama na ang sisi sa akin! Eh kung may naisahan talaga dito, AKO
IYON! Nag-isip pa naman ako ng magandang sample... Iyon pala, abuwisit ak pa!"
napailing na wika ni Blade.

Si Hunter naman, hindi lumabas... Nagtatago sa loob ng kusina. Panay kasi ang bati
dito ng mga bata at mga guro. Nilamon ng hiya.

"Bueno, mauna na ako. Kailangan ko pa kasing mamalengke eh. Inutusan ako ni Father
Piyo na dumaan ako sa palengke pagkatapos nito."

Tumayo na si Creta.

"Sige, ingat ka." wika ni Drake.

"Bye." si Zech.

Kumaway na lang si Blade kay Creta at isang matipid na ngiti ang isinukli nito.
Pagkakaalis ni Creta ay saka namang pagdating ni Rane. Bumati siya sa lahat.

"Ang galing naman ng sample niyo. Kaya lang, parang ang ano..." nahihiya niyang
comment.

"Si Blade ang may pakana noon." mabilis na sagot ni Drake.

"Kaya pala." napaismid niyang wika.

Napangalumbaba naman si Blade at yamot na tumingin kay Rane.

"Kayo ah? Pinagkaisahan niyo ako. Excited pa naman ako sa mga performance niyo,
tapos ganoon lang?" reklamo niya.

"Project lang naman sa P.E. iyon eh. Tsaka, bakit kami magpapakahirap bumuo ng step
kung may madadali naman? Eh di doon na kami." nakangiting paliwanag ni Rane.

"Anak na lase!"

Tumawa sina Zech at Drake. Tapos, napansin ni Rane na wala si Hunter.


"Nasaan si Kuya Hunter? Ang galing din naman pala niyang sumayaw ah?"

Nagtawanan ang tatlong lalaki at napatingin sa may kusina.

"Ayon, nagtatago. Nadungisan na raw ang kanyang puri." paliwanag ni Drake.

Natawa siya sa kanyang narinig. Dumating ang iba pang estudiyante ni Blade at
nakipagkuwentuhan. Topic ay ang Anaconda Dance.

Samantala... Kasalukuyang nakaistambay sa itaas ng isang malaking Mall si Colossus.


Nagmamasid siya sa mga tao sa ibaba. Napakunot-noo siya ng may mapansin siyang
pamilyar na mukha. Itinuon niya ang buo niyang atensyon doon. Napangisi siya at
tumalim ang kanyang mga mata.

"Keret kang lase!" wika niya.

Agad na siyang tumayo at tumuntong sa gilid ng building. Yumuko siya at pagkatapos


noon ay tumalon siya pababa. Mabilis siyang bumulusok at nakita siya ng mga tao...
Marami ang naghiyawan. Napatingala naman si Creta sa tinitingnan ng mga tao.
Nanlaki ang mga mata niya ng makita niya si Colossus. Mabilis itong bumubulusok
pababa sa kanya.

"ROCK BLISSS!!!!..."

Mula sa mga kamao ni Colossus ay naglabasan ang mga nagbabagang bato.

"Sheyt!"

Agad niyang inilabas ang kanyang mga baraha at pinuntirya ang mga bato. Nagkaroon
ng pagsabog at naabo ang lahat ng iyon. Pagkatapos noon ay mabilis siyang tumakbo
palayo. Hindi sila pupuwedeng maglaban sa lugar na maraming tao. Maraming inosente
ang madadamay. Pagkababa naman ni Colossus ay mabilis niyang hinabol si Creta.
Nawarak ang sementong dinapuan ng kanyang mga paa. Habang hinahabol niya si Creta
ay tinawagan niya sina Ziggur at Bony. Sinabi niya na nakita na niya ang traidor na
si Creta.

Utos sa kanila ni Vaulant na dalhin ito sa kanilang headquarters at iharap kay


Mammon. Naglagay naman ng mga sumasabog na baraha si Creta sa mga dinaanan niya
para hindi siya basta masundan ni Colossus. Tinungo niya ang isang lumang siyudad
na malapit lang sa lugar na kinaroroonan niya. Wala nang tao doon. Mabilis siyang
sumingit sa isang eskinita. Nagpatuloy siya sa kanyang pagtakbo.

"ANGEL'S BURST!!!!..."

"SHEYT!!!!..."

Pinaulanan si Creta ng Angel's Burst nina Ziggur at Bony. Mabuti na lang at nagawa
niyang ibalot sa kanyang sarili ang kanyang mga pakpak. Hindi pa gaanong magaling
ang mga iyon. Matindi ang tinamong pinsala ng mga pakpak niya mula sa apoy ni
Mammon. Maging ang pinsala sa kanyang dibdib ay hindi pa lubusang magaling.

"Sa wakas, Creta! Nahuli ka na rin namin!" tumatawang wika ni Colossus.

Bigla siya nitong pinaulanan ng naglalakihang mga bato. Mabilis siyang umiwas pero
bigla naman siyang sinugod ng sipa ni Bony, tumilapon siya at kasunod noon ay ang
malakas na suntok ni Ziggur sa kanyang dibdib... Nagdugo ang kanyang dibdib.
"UUUURGH!!..." ang malakas niyang ungol.

Umihip ang napakalakas na hangin.

Samantala... Biglang nagtiim ang mga bagang ni Drake at namula ang kanyang mga
mata. Natitigilang napatingin dito sina Blade at Zech.

"Anong nangyayari sa'yo?!" tanong agad ni Zech.

"Naaamoy ko ang dugo ni Creta! Humahalo iyon sa hangin... Ang lakas ng amoy!
Mukhang matindi ang tama niya at nasa malapit lang siya..." paliwanag ni Drake.

Halos sabay na napatayo sina Zech at Blade.

"Nasa panganib siya! Drake, i-guide mo kami kung nasaan siya!"

Agad na silang umalis. Nagmadali sila ng todo. Nagtataka namang naiwan sina Rane
kasama ng mga kaklase niya.

"Rane... Nakita mo ba iyon?" biglang tanong ni Jecon.

Kinakabahang napatingin si Rane sa kanyang mga kaklase...

"N-nakita ang alin?" maang niyang tanong.

"Hindi mo ba nakita ang pagbabago ng kulay ng mga mata ni Kuya Drake? Nakita kaya
naming lahat!" bulalas nito.

Napatanga siya at hindi makasagot. Pero ilang sandali pa ay nakaisip na siya ng


palusot.

"K-Kuwan... Epekto lang iyon ng contact lens niya. Gumagamit kaya iyon ng mga
contact lens na nagbabago ng kulay." pagsisinungaling niya.

"Ah, ganoon ba?" react ni Francis.

"Contact lens lang naman pala, pambihira!" bulalas naman ni Van.

Lumabas na si Hunter mula sa kusina at nagpunta sa kanilang umpukan. Napakunot-noo


ito ng hindi nito makita sina Drake, Blade at Zech.

"Nasaan iyong tatlo?" tanong nito sa lahat.

"Ewan. Nagmadaling umalis eh." paliwanag ni Louie.

"Bakit?"

"Sinundan si Kuya Creta. S.O.S yata..." pasimpleng wika ni Rane.

Na-gets ni Hunter ang nais iparating ni Rane. Walang salita itong umalis at tumakbo
palayo.

"Walk-out din?" comment ni Francis.

"Ano bang nangyayari sa kanila?" si Barry.

Nagkibit-balikat na lang si Rane at natahimik.


Samantala... Pinalibutan nina Colossus, Bony at Ziggur si Creta.

"Mahigpit na ibinilin sa amin ni Vaulant na kapag nakita ka namin, dalhin ka namin


sa headquarters at ihaharap ka namin kay Mammon. Pero hindi naman nila sinabi kung
nasa maayos kang lagay o hindi..." nakangising wika ni Bony.

Inilabas nito ang Angel's Chain at agad siyang sinugod. Umiwas siya at naglabas din
ng kanyang Angel's Chain... Ihahampas sana niya iyon kay Bony pero biglang
pumulupot sa magkabila niyang mga kamay ang mga kadena. Sina Colossus at Ziggur ang
may kagagawan noon.

"Sheyt! Mga duwag!"

Hinampas ni Bony ang kanyang Angel's Chain sa katawan ni Creta. Napahiyaw ito sa
sakit. Napatutok ang paningin niya sa dibdib nitong nagdurugo. Ipinulupot niya ang
kadena sa kanyang kamao. Balak niyang puntiryahin ang dibdib nito.Tiyak na walang
katulad ang sakit na mararamdaman nito. Mabilis siyang sumugod papunta kay Creta
at...

"Crash Claw, hyaaaa!!!!..."

Pinuntirya ni Drake ang leeg ng kanyang kalaban at mahigpit niya iyong hinawakan.
Bumangga ang katawan nito sa pader ng gusali at nawasak iyon.

"Lightning fist!!!..." sinugod ni Blade si Ziggur.

Mabilis nitong tinanggal ang Angel's Chain nito kay Creta at agad na umiwas sa
atake ni Blade. Dahil doon ay nagkaroong pagkakataon si Creta. Hinila niya ng
malakas ang braso niyang nababalutan ng Angel's Chain ni Colossus. Nagulat ito sa
kanyang ginawa at sinamantala niya ang pagkakataon. Malakas niyang sinuntok ang
dibdib nito. Kasabay noon ay ibinaon niya doon ang apat na baraha. Lumayo siya at
pinasabog.

"AAARGH!"

Napangisi si Creta.

"Masakit?" sarkastiko niyang wika.

Samantala... Nagharap naman sina Ziggur at Blade.

"Animal, pinagtutulungan niyo si Creta ah?!" pakli niya.

"Nalase, close na pala kayo ngayon?!"

Pagkatapos noon ay ipinaulan nito ang mga matatalas na itim na balahibo kay Blade.
Tinapatan naman iyon ng huli ng kanyang Angel's Bomerang at nagkaroon ng malakas na
pagsabog. Agad na sumugod si Blade gamit ang kanyang Lightning Fist. Tinamaan niya
ang tiyan ni Ziggur.

Kasalukyan namang naghaharap sina Drake at Bony. Gamit ang malalaking bato ay
pinaulanan niya ang likod ni Drake. Dahil doon ay naalis ni Drake ang kanyang
kamay. Agad na lumayo si Bony sa kanya.

Bigla namang umulan ng mga puting-petals ng rose at napatigil ang lahat sa


paglalaban. Lumitaw si Zech.
"Tama na! Hindi tayo dapat naglalaban dahil magkakapatid tayo!" wika nito.

Natuon ang atensyon ng lahat dito. Tumawa ng mapakla si Ziggur.

"Zech, saltek kang lase!" pakli nito.

"Baon-inam!"

Biglang sinipa ng malakas ni Blade si Ziggur at nagulat ito sa kanyang ginawa.


Lumayo na ito at hinabol naman agad ni Blade... Nagpaulan ito kay Blade ng
napakaraming itim na balahibo at magkakasunod na pinasabog iyon. Itinakip agad
naman ni Blade ang kanyang mga pakpak para protektahan ang sarili.

Samantala...

"Blazing Inferno!!!.."

Atake ni Drake kay Bony. Malakas namang ipinagaspas ni Bony ang kanyang mga pakpak
para umiwas ng direksyon ang apoy ni Drake. Bumangon naman si Colossus at tumawa ng
mapakla.

"Di ang saya mo!" sarkastiko nitong wika kay Creta.

"Talaga!"

Inilabas ni Creta ang mga Jack at mula doon ay nabuhay ang mga ito. Pinalubutan
nila si Colossus. Pero pinaulanan ni Colossus ang buong paligid ng mga nagbabagang
bato. Nadurog ang mga nilikha ni Creta, ito ang sunod niyang pinaulanan.

"Sheyt!"

Hindi na niya iyon maiiwasan. Itinakip niya ang kanyang mga pakpak.

Hindi na rin nakatiis si Zech... Umatake na rin siya gamit ang kanyang mga rose
petals... Ipinaulan niya iyon sa mga kalaban. Pinuntirya din niya ang mga batong
tatama sana kay Creta. Naging buhangin na lang ang mga iyon.

"Isa pang traidor!" si Ziggur.

Bigla na lang lumitaw sa likuran nito ang napakaraming uwak at sumugod ng pabulusok
kay Blade. Dahil doon ay nagawa na nitong lumayo.

"Angel's Burst!!..." naabo ang lahat ng uwak.

Samantala.... Gumawa ng maraming clone si Bony. Hindi malaman ni Drake kung alin sa
mga ito ang pupuntiryahin. Halos sabay-sabay siyang sinugod ng mga ito pero
tinamaan ang lahat ng iyon ng mga palaso.

"Hindi pa pala ako nahuhuli sa party!"

"Buwisit! Takas na! Nandito na rin si Hunter!" bulalas ni Ziggur.

Muli itong nagpaulan ng napakaraming uwak sa buong paligid. Ginamit na rin iyong
pagkakataon ni Bony... Pero naiwanan si Colossus dahil napagitnaan ito nina Zech at
Creta. Nataranta ito.

"Ano, ha? Masaya na ba kayong mga traidor kayong animal?!" desperadong wika ni
Colossus.
Naglabas ito ng napakaraming bato pero bago pa nito magamit ang mga iyon ay mabilis
na binalutan ni Creta ng kanyang Angel's Chain ang katawan ni Colossus.

"Tama na!" sigaw ni Creta.

Tumawa ng sarkastiko si Colossus.

"Ano pang inaantay niyo? Tapusin niyo na ako! Ipadala niyo na ako sa impiyerno!"

Napailing ng mahina si Zech.

"Hindi pa huli ang lahat para sa'yo. May pagkakataon ka pa para magbago..." wika ni
Zech.

"Buwisit kang saltek ka! Manahimik ka! Anong pagbabago ang sinasabi mo, ha?!"

"Umalis ka na sa kadiliman. Huwag ka nang magpaalipin doon." wika pa ni Zech.

Tumawa ng mapakla si Colossus.

"Hindi ako alipin kundi malaya ako! Hindi ko na kailangang sumunod pa sa utos ng
kung Sino na kinilala niyong Ama! Wala akong kailangang sundin!"

"Hindi ka totoong malaya!" si Zech.

"Tumigil ka na, Zech. Wala na siyang pag-asa." wika ni Creta.

"MGA BALIW! MGA TRAIDOR!!!..." kutya pa nito kina Zech at Creta.

"Baon-inam! Tama na ang ngatel mo!" naiinis na wika ni Blade.

"Ang mabuti pa, gawin mo na ang dapat Blade. Wrong-mistake na bigyan pa ang isang
ito ng chance kasi hopeless case na siya." comment ni Hunter.

Ginamit na rin nito ang Angel's Chain at ibinalot sa katawan ni Colossus hanggang
sa may mukha para matakpan ang bibig nito. Pagkatapos noon ay dumistansiya na sina
Zech at Creta. Lumapit naman si Blade kay Colossus.

"Sayang ka, kapatid. Mas pinili mong maging bulag hanggang sa huli..."
nanghihinayang na wika ni Blade.

Pagkatapos noon ay binuksan na niya ang Gate of Hell. Lumabas mula sa paanan nito
ang isang pentagram at ang mainit at nagbabagang apoy. Unti-unti nitong nilalamon
si Colossus at hangang sa huli, hindi nila ito nakitaan ng pagsisisi.

Inalalayan naman ni Drake sa Creta na duguan.

"Sa susunod, huwag ka nang lalabas ng mag-isa." payo niya rito.

"Sa palagay ko nga."

Nanatili namang tahimik si Zech. Alam na ng dati nilang kasamahan ni Creta na


kumampi na sila kina Blade. Talagang kalaban na rin niya ang mga ito. Kung magagawa
lang sana niyang magbago ang mga dati niyang kasamahan kagaya niya. Napahinga na
lang siya ng marahas. Umalis na sila sa lugar at iniuwi nalang si Creta sa simbahan
kung saan ito naninirahan...
17. An Old Friend

"AN OLD FRIEND"

Malakas na sinuntok ni Vaulant ang dingding ng gusali ng kanilang headquarters


matapos niyang marinig ang kuwento nina Bony at Ziggur. Nasira ang dingding ng
gusali ngunit ilang segundo lang ay unti-unti iyong nabuo. Bumalik iyon sa dati.

"Kung ganoon, hindi lang pala nagtraidor ang mga tarantadong lase! Nagawa pa nilang
kumampi kina Blade!!" galit nitong wika.

Hindi niya aakalain na mangyayari pa ang para sa kanya ay napaka-imposibleng bagay.


Mariin namang ikinuyom ni Bony ang kanyang kanang-kamao.

"Basta, ipaubaya niyo sa akin si Zech. Siya ang dahilan kung bakit nahuli ang
kakambal kong si Colossus! Igaganti ko siya."

Fraternal twin sila kaya hindi sila magkamukha. Ganoon pa man, magkapareho ang
kanilang kakayahan. Nasa lupa ang kanilang kapangyarihan.

"Sa'yung-sa'yo lang siya. Pero hayaan mo kaming bigyan siya ng aming ipaparusa. Sa
tingin ko, matagal nang nagtratraidor sa atin si Zech. Ngayon nga lang natin
natuklasan ang lahat." comment ni Ike.

"Tama ka. Kapag nahuli natin siya, ipapagutay ko siya kay Bony." mariing wika ni
Tumand.

Samantala... Kasalukuyang ginagamot ni Crescent si Creta. Muli kasing nagbukas ang


mga natamo niyang sugat sa kanyang dibdib.

"Inumin mo ang tsaa na ito. Gawa iyan sa mga halamang gamot na matatagpuan lamang
sa aming mundo. Tatlong-araw lang at siguradong tuluyan nang mawawala ang mga
natamo mong pinsala. Lalakas ka rin." wika ni Crescent.

"Salamat..."

Ngumiti ng matipid si Creta sa binata na bagong kakilala niya. Kasama nito ang
albularyo nitong tatay na si Lolo Gusting at ang nakababata nitong kapatid na si
Baste. Kakikilala pa lang niya sa kanila.

"Ano, kamusta ang pasyente?" tanong ni Hunter.

"Magiging okay na siya kapag nainom na niya ang gamot na ibinigay ko." sagot ni
Crescent.

"Salamat." wika ni Zech.

"Wala iyon. Doktor ako at trabaho kong gamutin ang sinumang nangangailangan. Sige,
kailangan ko nang umalis. Marami pang pasyente ang naghihintay sa akin." paalam ni
Crescent.

Nagpaalam na rin sina Lolo Gusting at Baste. Si Blade ang naghatid sa kanila
hanggang sa may gate ng simbahan. Pagkatapos noon ay agad na siyang bumalik sa
silid na tinutuluyan ni Creta. Huminga siya ng malalim. Alam na ng kanilang mga
kalaban na magkakasama na sila... Mariin niyang ikinuyom ang kanyang kamao.
Malaking kabayaran ang siningil ni Vaulant kay Creta noong una nitong subukang
magbago. Siningil nito ang kaligayahan nito, ang buhay ng mga pinakamamahal nitong
pamilya. Sinisiguro niya na tutulungan niya ang kanyang kaibigan na kunin ang
hustisyang nararapat para sa kanya.

Masayang nagkukuwentuhan ang mga kaibigan niya ng dumating siya. Naghanda ng oatmel
cookies na may raisins si Hunter. Tinapik niya ang pinto at natigil ang tawanan.

"Ehem! Hindi niyo ako inantay ah? Abuwisit ak pa!" nakangiti niyang bungad.

Talagang tumingin pa siya sa mga cookies na nilalantakan nila.

"Alam namin kasi na kapag nauna ka, kaunti na lang ang matitira." napaismid na wika
ni Drake.

"Ganoon?!"

Naglakad na siya palapit sa mga kaibigan niya at agad siyang kumuha ng isang
pirasong cookie at kumain. Natahimik ang mga kaibigan niya. Nanatili silang
nakatingin sa kanya habang kinakagat niya ang pagkain.

"Why, bakit, aken, apay?!" napaismid niyang tanong sa lahat.

"Wala lang. Medyo naninibago lang kami sa'yo kasi hindi ka masyadong hyper ngayon."
comment ni Hunter.

Napabuntung-hininga si Blade at napakamot sa kanyang buhok. Ginulo pa talaga niya


iyon.

"Paano naman kasi, kahapon pa ako na-down simula noong mapanood ko ang dance
presentation ng mga bata. Nagpakahirap akong mag-isip ng i-sa-sample na sayaw. Pati
iyong concept talagang pinag-isipan ko... Tapos, inimbita ko pa kayo para magjudge
para mas bonggacious to the max level na talaga! Anak na lase na animal! Naisahan
akong lase! Abuwisit ak pa! Okitnato ey!" gigil na wika ni Blade.

BLAG!!!!.... Isang malakas na kutos ang biglang naglanding sa kanyang bunbunan.

"ANIMA-"

Tinakpan na lang niya ang kanyang bibig para hindi niya maituloy ang kanyang
sasabihin. Si Father Piyo kasi ang nangutos sa kanya ng malakas.
"Mukhang nakalimutan mo na naman Blade kung nasaan ka. Hindi ka na nagbigay galang
dito sa simbahan!" sermon pa ni Father Piyo.

"Eh sila kasi eh! Kaya nga medyo nananahimik ako ay! Tsaka, huwag kang mag-alala
kasi alam ni Boss na hanggang bibig ko lang naman ang lahat ng iyon. Di ko na kasi
maiwasan pero pinipilit kong las-ump!"

Itinikom na lang niya ang bibig sa para di niya masabi ang huling salita.

"Sus, ano na namang kinalaman namin diyan sa mga expression mo?" si Zech.

"Mga nangpro-provoke kasi kayo eh... Anak-Ump!"

Itinikom na lang ulit niya ang bibig.

"Mauna na nga lang akong umuwi." paalam na lang ni Blade sa lahat.

"Sige, susunod na lang ako mamaya. Kailangan ko ring magrest. Napuyat ako ng todo
sa kakapraktis ng 'Anaconda Dance' noong isang gabi eh. Tapos, kinabukasan noon eh
performance at unexpected na laban. Baka lalo na akong mamutla nito." pakli ni
Drake.

Tumango na lang si Blade sa sinabi ng kanyang kaibigan. Pero noong nasa tapat na
siya ng pinto ay pasimple siyang lumingon sa kanyang mga kasama. Napangisi siya ng
mapatutok ang tingin niya kay Creta.

"Uy, pagaling ka." wika na lang niya bago siya tuluyang lumabas.

"Oo naman. Salamat sa care, pero pasensiya na kasi medyo nasusuka ako kapag lalaki
ang nagsasabi sa akin ng ganyan. Ganoon pa man, Love you pare!" nakangiting wika ni
Creta.

Natawa ang lahat.

Napailing na lang si Blade bago siya tuluyang lumabas ng silid. Habang naglalakad
siya ay napatingin siya sa loob ng simbahan. Huminga siya ng malalim at pumasok sa
loob. Lumuhod siya sa altar, nagsign of the cross at...

"Boss, iba ang pakiramdam ko sa araw na ito. Sobrang bigat. Binibigyan mo ba ako ng
babala? Kung anuman ang bagay na iyon, pakiusap... Tulungan mo akong malagpasan ang
mabigat na bagay na darating. May tiwala ako Sa'yo. At pasensiya Ka na talaga kung
madalas akong makapagsalita ng... Alam mo na, pero di ko lang talaga maiwasan
kasi... Ewan ko ba, nasanay na yata kasi ang dila ko. Sorry sa mga pagkakamali ko,
humihingi ako ng tawad. At salamat sa lahat ng blessings. Amen."

Huminga siya ng malalim at nagsign of the cross na. Tumayo na siya at nang tuluyan
na siyang makalabas sa gusali at napatingala siya sa langit. Kakaibang kaba ang
biglang bumalot sa puso niya. Hindi niya alam kung bakit, pero iba talaga ng
kanyang pakiramdam ngayon. Nagpatuloy na siya sa paglalakad pauwi.

Panay ang kanyang buntung-hininga. Napatigil siya sa paglalakad ng matapat siya sa


isang lumang mansion. Napakunot-noo siyang tumingin doon. Tumingin siya sa paligid.
Iyon iyong parte ng kalsada na walang nakatira. Nagtataka siyang napatingin sa
lumang gusali. Bigla niyang naalala na wala namang malaking-lumang mansion doon.
May nakita siyang anino sa malaking bintana. Nanatiling siyang nakatutok doon.
Lumapit ang anino sa may bintana at marahan nitong binuksan ang lumang-kurtina na
tumatakip doon. Kupas na maroon ang kulay noon. Unti-unting nalantad sa kanya ang
anyo ng taong nasa likod ng kurtina. Ngumiti ito ng matipid sa kanya.
Inihahangin ang gray nitong buhok na may kaiksihan pero mukhang magulo. Kakulay ng
mga mata nito ang asul na dagat. Kasing tangkad niya ang lalaki ngunit mas payat
ito ng kaunti sa kanya. Nakasuot ito ng puting polo na bukas ang butones sa may
dibdib at nakalantad ng bahagya ang katawan nito. May hawak itong goblet na may
redwine sa kaliwang-kamay nito.

"Kamusta ka, bestfriend?"

Tila isinasama ng hangin ang himig nito. Napakurap si Blade ng maraming beses dahil
matapos niyang marinig ang boses nito ay biglang-bigla... Nasa loob na siya ng
lumang mansion at nakatayo na siya sa likuran ng lalaking nagsalita. Nanatili
siyang tahimik at nakatingin sa likod nito. Hindi niya akalain na magkikita pa sila
ng dati niyang kaibigan. Siya si Leviathan-the sin of Envy. One of the Seven Prince
of Hell. Ito mimso ang naglagay ng curse seal sa kanya kaya siya nabilanggo sa loob
ng napakahabang panahon. At ang mga kadena nito ang mismong bumalot sa kanya.
Mariin niyang ikinuyom ang kanyang mga kamao.

"Bakit tahimik ka yata, Bestfriend?" casual na wika ni Leviathan.

Marahan siyang humarap kay Blade. Seryoso ang mukha nitong nakatingin sa kanya.
Nakakuyom ang mga kamao nito. Matinding sama ng loob ang nakikita niya dito. Casual
siyang ngumiti.

"Huwag mo akong tatawaging bestfriend dahil hindi kita kaibigan. Ginamit mo lang
ang bagay na iyan para linlangin ako. Anak na lase!" wika ni Blade.

Amuse na tumingin si Leviathan sa kanyang mukha at pasimpleng tumawa. Uminom ito sa


hawak nitong goblet.

"Bakit ka biglang nagpakita sa akin?" tanong ni Blade.

Nagkibit-balikat ang kanyang kaharap.

"Gusto ko lang naman kitang kamustahin. Nang mabalitaan ko na nakawala ka na sa


pagkakakulong, nag-ipon ako ng lakas para makapunta sa mundong ito. Alam mo na,
hindi kami makatatagal dito dahil nakakadena na kami sa impiyerno."

Ngumiti ng sarkastiko si Blade. Ngayon, alam na niya ang rason kung bakit mabigat
ang pakiramdam niya ngayong araw. Makikita pala niya ang dati niyang kaibigan na
mismong nagkulong sa kanya sa isang sumpa. Ito ang isa sa mga anghel na nanguna sa
digmaan sa kalangitan noon.

"Curious akong malaman kung totoo ang nabalitaan ko na marunong ka na raw magmura.
Nakakatuwa naman."

Biglang sumeryoso ang mukha ni Leviathan. Pagkatapos ay...

"Baon-inam!" bigla nitong wika.

"Oh, di okitnam naman sa'yong lase!" ganti ni Blade.

Tumawa ng mahina si Leviathan.

"Hanggang ngayon, nakakatuwa ka pa rin."

"Hindi ako natutuwa sa'yo. Ano ba talagang kailangan mo?"

"Gusto kong kumampi ka sa amin. Maging team tayo kagaya ng dati."prangkang wika ni
Leviathan.
Nagkibit-balikat si Blade at tumawa ng mahina.

"Magandang idea pero... Ande lay atet! Animal ka! Ang kapal naman ng mukha mong
lase ay!" naiinis na turan ni Blade.

Napangisi si Leviathan.

"Blade, mas maganda na sumapi ka sa amin. Ipagpalit mo ang katapatan mo. Alam mo,
kahit na nakakulong kami sa impiyerno, hindi kami nawawalan ng lakas. Hangga't may
mga kaluluwang mahihina at madaling natutulak sa tukso ng kasamaan, patuloy kaming
nakakakuha ng lakas. Darating ang panahon na makakawala din kami kapag nakaipon na
kami ng sapat na kapangyarihan at kapag nangyari na iyon... Muli, madudugtungan ang
sinaunang digmaan. At sa pagkakataong ito, sinasabi ko na sa'yo na kami ang
mananalo. Kaya dapat gamitin mo ang utak mo."

Pagkatapos noon ay biglang nawala sa kanyang harapan si Leviathan. Bigla na lang


siyang nakaramdam ng matinding puwersa at FGHHH!!!.... BLAG!! Tumilapon si Blade at
nagpagulong-gulong sa sahig. Mabilis at malakas ang suntok na iginawad ni Leviathan
sa kanya. Ni hindi niya nakita. Mabilis pa iyon sa pagkurap ng kanyang mga mata.

Marahan siyang tumayo at idinura sa sahig ang dugo sa kanyang bibig. Pinunasan niya
ang gilid ng kanyang labi at tumingin sa kanyang kaharap. Pasimple pa itong umiinom
ng alak sa goblet na hawak nito. Inihanda niya ang kanyang sarili para sa laban.

"Tingnan mo kung ano ang nagawa ko. Hindi mo man lang nasalag ang simpleng suntok
na iginawad ko sa'yo. Masasabi ko na malaki na ang agwat ng ating mga lakas ngayon
kumpara sa dati. Noon, tinitingala kita, hinahangaan ang iyong galing bilang isa sa
mga kapita-pitagang Angel Soldier. Inambisyon ko noon na mapunta ako sa iyong
posisyon at maging kasing galing mo... Pero habang tumatagal, mas ginusto ko na
malagpasan pa iyon. Bakit ako makukuntento sa pagiging ordinaryo kung puwede ko
naman iyong lagpasan?"

Napailing si Blade at matalim na tumingin sa kanyang kaharap.

"Nilamon ka na talaga ng iyong ambisyon."

"Tama ka. Ako si Leviathan-ako ang sin of Envy. Tingnan mo ang kapangyarihang
nanalaytay sa akin. Bunga iyan ng mga masasamang kaluluwa na may masidhing ambisyon
sa maraming bagay... Ang mundong ito na kinaroroonan natin ang nagsisilbing pagitan
ng ating mga mundo... Ang Langit at Impiyerno. Pero sinasabi ko na sa mundong ito
na kami ang nagwawagi. Dahil ang mga tao ay mahihina. Madali silang natutukso sa
tawag ng kasamaan."

Nakikita ni Blade ang matinding aura sa palibot ng katawan ni Leviathan. Kulay-


orange iyon.

"Tama ka, pero ang bawat pagkakamali, naitutuwid. Ang kasalanan, napapatawad. Hindi
napapagod si Boss na gawin ang bagay na iyon. Kaya kung sinasabi mo sa akin na sa
mundong ito, nagwawagi ang kasamaan... Sa tingin ko, malaking kalokohan lang ang
bagay na iyon."

Nagsalubong ang mga kilay ni Leviathan dahil sa kanyang sinabi at pagkatapos noon
ay dinurog niya ang hawak niyang goblet sa kanyang kaliwang-kamay. Bigla siyang
nawala at naghanda naman si Blade...

Sumugod ng suntok si Leviathan pero sa pagkakataong ito, nasangga na ni Blade ang


atake nito gamit ang kanan niyang kamay. Umatake ulit ito ng sipa pero mabilis
siyang nakalayo. Pagkatapos noon ay siya naman ang sumugod ng suntok. Pero nasangga
din iyon ni Leviathan. Mariin nitong hinawakan ang braso niya.

"Dahil ayaw mong kumampi sa akin, kukunin ko sa'yo ang mga bagay na pinakamahalaga
sa'yo! Ipapakita ko sa'yo na wala kang magagawa dahil kami ang may kontrol sa lugar
na ito!"

Hindi umimik si Blade. Bagkus, marahas niyang hinila ang braso niya kaya naman
nasugatan siya sa mga kuko ni Leviathan. Nagkaroon siya ng malalaking kalmot sa
kanyang braso at mula doon umagos ang kanyang dugo. Napatingin si Leviathan sa
dugong umagos mula kay Blade... Napangisi siya. Isang ideya ang pumasok sa isipan
niya. Mabilis siyang kumilos, dinoble ni Leviathan ang kanyang bilis. Sinipa niya
ng malakas si Blade sa tiyan at pero nasalag iyon ng mga braso nito. Ngumisi si
Blade kay Leviathan. Ngunit...

"Argh!!..."

Bigla niyang naibaba ang kanyang guard dahil nagliyab ang buong katawan ng kanyang
kalaban. Nabalutan ito ng matingkad na kulay-orange na apoy. Napaso ang kanyang mga
kamay at dahil doon ay tuluyan siyang nasipa ng kanyang kalaban. Tumilapon siya ng
malakas at nawasak ang pader ng bahay kung saan tumama ang kanyang katawan.
Natabunan siya ng mga guho.

"Ha ha ha ha! Hindi ka ba naiinggit sa bago kong lakas, Blade?!" tumatawang wika ni
Leviathan.

Biglang tumilapon ang maraming guho na tumabon kay Blade. Lumipad iyon sa buong
paligid kasabay ng pagbalot ng mga kidlat. Isang nakakasilaw na puting liwanag ang
bumalot kay Blade at sa isang iglap ay...

"LIGHTNING FIST!!!..."

"URGH!!..."

Mabilis na sinugod ng suntok ni Blade si Leviathan at tinamaan niya ito sa sikmura.


Hindi pa siya nakuntento ay sinipa pa niya ang tagiliran nito. Hindi ito nakaiwas
sa kanyang mga atake at tumilapon din ito kagaya niya. Nawarak ang mga gamit kung
saan tumama ang katawan nito. Pero mabilis itong nakabangon. Galit na tumingin si
Leviathan kay Blade. Nanlaki ang mga mata niya ng makaramdam siya ng mainit na
likido na umagos sa kanyang pisngi. Hinawakan niya iyon at tiningnan ang kanyang
palad. Nanginig ang kamay niya at hindi siya makapaniwala ng makita niya ang sarili
niyang dugo. He greeted his teeth. Muli siyang napatingin kay Blade at agad niyang
binalot ang kanyang sarili ng apoy. Sumigaw siya at lalong lumaki ang apoy, nawasak
ang mga bagay na nakapaligid sa kanya.

"Abuwisit ak pa! Nag-Super Saiyan na ang animal!" comment ni Blade.

Pagkatapos noon ay tila bola na nawala si Leviathan. Bigla na lang itong lumitaw sa
harap ni Blade at umiikot sa mga kamao nito ang apoy. Naging whirlwind iyon at
ibinuga kay Blade. Binalot naman ng huli ang kanyang katawan ng kanyang kidlat.
Pinagkrus ni Blade ang kanyang mga braso at dahil doon ay nakabuo siya ng shield
para maprotektahan ang kanyang sarili. Ngunit nawasak ang kanyang shield sa lakas
ng apoy at tuluyan na siyang nabalot ng kapangyarihan ni Leviathan. Napasigaw siya
ng malakas.

"Aaaaaah!!!..."

Hindi maipaliwanag ni Blade ang hapdi at sakit ng apoy ni Leviathan na tumutupok sa


kanyang katawan. Bumagsak siya sa sahig. Pinipilit niyang tumayo pero mabagal ang
kanyang kilos dahil nanghina siya sa apoy na tumupok sa buo niyang katawan.
Marahang lumapit si Leviathan kay Blade. Dinaklot niya ang buhok nito. Napaungol sa
sakit si Blade. Napilitan siyang tumayo ng biglaan dahil napapasama ang kanyang
katawan sa marahas na sabunot ni Leviathan. Marahas nitong dinaklot ang kanyang
baba at mariing tumingin sa kanyang mukha.

"Pagbabayaran mo ang katigasan ng ulo mo!"

Sinakal siya nito at pagkatapos noon ay mabilis nitong ibinalibag ang kanyang
katawan sa pader ng gusali. Nawasak iyon. Nakaramdam ng mainit na likido si Blade
sa buo niyang mukha. Pumatak iyon sa sahig at nakita niya ang sarili niyang dugo.
May humatak sa kuwelyo ng kanyang damit at pinilit siyang ipinatayo. Matapos iyon
ay nakaramdam siya ng matinding sakit sa buo niyang katawan. Napatingin siya sa
kanyang katawan at nakita niyang nakabalot sa kanya ang isang itim na Angel's Chain
at may mga malalaking tinik iyon. Nakatusok ang karamihan sa kanyang katawan. Kaya
pala ganoon katindi ang sakit. Lalong tumindi ang sakit na kanyang nararamdaman ng
biglang umangat ang kanyang katawan. Ngumiti sa kanya ng maluwang si Leviathan.
Ipinitik nito ang mga daliri at sa isang iglap lang ay may hawak na itong goblet.

Nanlaki ang mga mata niya ng sugatan nito ang braso nito sa pamamagitan ng matalas
nitong kuko. Umagos ang dugo nito at agad na isinalin sa hawak nitong goblet.
Muling tumingin sa kanya si Leviathan at napangiti.

"Hindi na kita pahihirapan pa, Blade basta ba inumin mo ang dugo ko at maging tapat
na alipin ko." kampante nitong wika.

Mariing tumingin si Blade pabalik kay Leviathan. Idinura niya sa kanyang bibig ang
dugo.

"Puwe! Ande lay atet!" matapang niyang sagot.

"Huh, mukhang gusto mo pang mahirapan ah?!"

Isang malakas na suntok sa mukha ang natamo ni Blade.

Samantala... Pasipol-sipol si Drake habang naglalakad pauwi. Nakalagay sa kanyang


ulo ang kayang mga kamay. Relax-relax mode. Ngunit sandali lamang ang relax mode na
iyon. Nakaramdam siya ng nakakakilabot na aura. Napalunok siya at nanginig...
Napatanga siya ng maramdaman din niya ang aura ni Blade. Mahina iyon at humalo sa
hangin ang amoy ng dugo nito. Mabilis siyang kumilos. Agad niyang pinuntahan ang
lugar kung saan niya naaamoy ang dugo ni Blade. Hindi niya puwedeng pabayaan ang
kanyang bestfriend!

Nagulat si Drake ng makita niya ang isang lumang mansion. At mas lalo siyang
nabigla ng makita niya sa may bintana si Blade na nakagapos at walang-awang
pinapahirapan ng kung sino...

Samantala, malakas na sinuntok ni Leviathan sa mukha si Blade. Hindi pa siya


nakuntento kaya lalo niyang hinigpitan ang kadenang may tinik na ibinalot niya sa
katawan ni Blade. Napaungol ito sa matinding sakit. Tumawa siya at lalong tumalim
ang kanyang mga mata. Hinawakan niya ang punong baba ni Blade.

"Matatapos ang paghihirap mo kapag ininom mo ang dugo ko. Mag-isip kang maigi!
Gamitin mo ang utak mo." payo pa niya.

Ngumisi si Blade at matalim na tumingin pabalik kay Leviathan.

"Ginagamit ko nga ang utak ko. Kaya nga hindi ko iinumin ang dugo mo kahit na ano
ang mangyari!" mariing wika ni Blade.

Nanggigil sa inis si Leviathan. Nakakaramdam na siya ng pagkainip at pagkabigo.


Hindi mamamatay si Blade dahil katulad niya itong immortal at lalong hindi niya ito
mahihila papunta sa impiyerno dahil taglay pa rin nito ang pure divine soul.
Dinaklot niya ang buhok ni Blade at mabilis na iniumang ang kanyang kamao para
suntukin ang mukha nito. Binalot niya ng apoy ang kanyang kamao.

Ngunit bago pa man masuntok ni Leviathan ang mukha ni Blade ay...

"BLAZING INFERNO!!!..."

Nabasag ang salamin ng malaking bintana at bigla na lang lumitaw si Drake. Nabalot
ng kanyang apoy ang kalabang susuntok sana kay Blade na walang laban. Tumilapon ito
ngunit agad na nawala ang kanyang apoy. Napalitan iyon ng kulay-orange na apoy at
walang anumang nagpagpag sa sarili ang kanyang kaharap. Napatanga si Drake sa
kanyang nasaksihan. Sa kauna-unahang pagkakataon, hindi nakatupok ang kanyang apoy.

"Huh, mahina ka pa bilang isang demon.."

Naglakad si Leviathan papunta kay Blade pero mabilis na humarang si Drake.


Napahinto sa paglalakad si Leviathan at amuse na napatingin sa mukha ng kanyang
kaharap.

"Sino ka ba, demon?"

"Hmp! Ako lang naman ang bestfriend ni Blade! Ako ang guwapong si Drake!"

Nalungkot ang mukha ni Leviathan at napatingin kay Blade na hindi pa rin umiimik.

"T-Totoo ba ang sinabi niya, Blade? Siya daw ang bestfriend mo? Paano na ako?!"

Matapang na tumingin si Blade dito.

"Bahala ka sa buhay mong anak na lase!" sagot niya.

Nangislap ang mga mata ni Leviathan at tila nangilid sa kanyang mga mata ang
luha... Ngunit sa isang iglap ay bigla itong tumawa ng malakas. Sinapo nito ang noo
at marahang hinawi sa mukha ang ilang strands ng buhok nito.

"Grabe naman ang moment na ito. Ang ex-bestfriend at ang new bestfriend...
Magkaharap! What an akward moment. Kung ganoon, ikaw pala ang sinasabi nilang Blood
Demon?"

"Tama ka. Pakawalan mo na si Blade bago ka pa magsisi! Okitnam!"

"Di baon-inam! Kung gusto mong pakawalan ko si Blade, labanan mo ako. Bawiin mo
siya sa akin!"

Akmang sasagot si Drake pero..

"Drake, h-huwag! Hindi mo siya kaya." mariing babala ni Blade sa kaibigan.

Tumingin si Drake sa kay Blade. Alam niya ang sinsabi nito dahil nag-uumapaw sa
buong paligid ang aura ng kapangyarihan ng kalaban.

"Abuwisit ak pa! Akala ko ba ako ang bestfriend mo? Magtiwala ka naman sa akin!"

"Pero Drake-"
Bago pa makapagsalita si Blade ay mabilis na sinugod ni Drake si Leviathan gamit
ang kanyang CRASH CLAW. Nasangga ni Leviathan ang atake niya ng walang kahirap-
hirap gamit ang kamay nito. Mariin nitong hinawakan ang braso niya. Pagkatapos noon
ay biglang nag-apoy ang kamay nito.

"ARGH!!.."

Mabilis na hinila ni Drake ang braso niya at namamangha na napatingin sa kanyang


kalaban.

"Mahina pa ang apoy mo kumpara sa akin. Siya nga pala, ako si Leviathan-one of the
seven prince of hell!"

Nanlaki ang mga mata ni Drake sa rebelasyon na iyon. Pinagpawisan siya ng wala sa
oras. Pero binalewala niya ang pangamba na nararamdaman niya ng makita niya ang
nakagapos na si Blade. Pinipilit nitong makawala sa mga kadenang nakabalot sa buo
nitong katawan. At dahil doon, lalong bumabaon ang mga tinik ng kadena... Umaagos
na sa sahig ang dugo nito. Hindi na rin biro ang kapangyarihang pinapakawalan nito,
masira lamang ang kadena.

Biglang sumugod ng suntok si Leviathan at ni hindi man lang nakita ni Drake ang
pag-atake nito. Tumilapon siya at pagkatapos noon ay isang malakas na sipa sa
sikmura ang sunod niyang natamo. Bumagsak sa sahig si Drake... Umatras ng kaunti si
Leviathan. Huminto muna siya sa pag-atake.

"Hoy, magpalit ka ng anyo. Maging Blood Demon ka kung gusto mong mabawi sa akin si
Blade!" hamon niya.

Napangisi si Drake. Iyon nga ang kanyang gagawin. Unti-unting binalot ni Drake ang
kanyang katawan ng pulang apoy. Umiikot iyon sa buo niyang paligid. Nang humupa
iyon ay tuluyan na siyang nagbago. Naging Blood demon na siya. Nakalantad na rin
ang kanyang mga pulang pakpak.

Hindi naman maiwasan ni Leviathan ang mapahanga ng makita niya ang anyo ni Drake.
Napatutok siya sa mga mata nito... Ang coal-bloody eyes...

Mabilis na umatake si Drake gamit ang kanyang...

"IRON FIST WAVE!!..."

Tumama ang suntok niya kay Leviathan, nagkapunit-punit ang damit nito at tumilapon
ito ng malakas. Ilang pader ng gusali ang nawasak. Tuluyan naman nang nasira ni
Blade ang kadenang ibinalot sa kanya ni Leviathan. Kaya lang, medyo nanghina siya
ng husto. Napakatibay ng Angel's Chain nito. Halos kapareho na ng antas ng sa kanya
o higit pa.

Agad namang sinundan ni Drake si Leviathan. Nagulat siya ng biglang tumilapon sa


kanya ang napakaraming debris ng pader na mga nawasak. Gamit ang kanyang mga kuko
ay dinurog niya ang lahat ng iyon. Kumalat ang makapal na alikabok sa paligid at
nahirapan siyang makakita. Nagulat siya ng biglang may dumakma sa kanyang leeg at
pagkatapos noon ay nabalot ang buo niyang katawan ng kulay-orange na apoy...

"AAAAAAAH!!!...." ang malakas na sigaw ni Drake.

Pagkatapos noon ay malakas na ibinalibag ang kanyang katawan sa sahig. Hindi


binibitawan ng kalaban ang leeg niya at isang malakas na puwersa pa ang sunod
nitong pinakawalan kaya lumubog sila sa sahig. Tuluyan nang napawi ang makapal na
usok at sobrang nagulat si Drake ng makita niya sa kanyang harapan ang bagong anyo
ni Leviathan.

Mas lumaki kumpara sa dati ang katawan nito at nagkaroon na ito ng pares ng demon
wings. Nagkaroon na rin ito ng buntot at may malalaki na itong sungay sa ulo na
kagaya ng isang bull. Pinipilit niyang inaalis ang kamay nitong nakasakal sa
kanyang leeg. Ginagamit niya ang kanyang Crash Claw, pero nagmistulang mapurol ang
kanyang mga kuko. Hindi siya makawala. Lumipad ito at kasama siyang naiangat sa
ere.

"S-SHADOW BLAST!!!.." atake ni Drake.

Binalot ng itim na anino ang buong katawan ni Leviathan at pagkatapos noon ay


sumabog iyon. Nabitawan nito si Drake at sinamantala naman iyon ng huli para
makalayo. Pero laking gulat niya ng biglang may sumakal sa kanya mula sa likuran at
ini-lock ang magkabila niyang kamay. Hindi siya makawala dahil sa lakas ng mga
braso na iyon.

Samantala, pinilit ni Blade na maglakad papunta sa kinaroroonan nina Drake at


Leviathan. Ramdam na ramdam niya ang napakalakas na aura ng huli. Mas matindi pa
ito kaysa kanina. Nanlaki ang mga mata niya ng makita niya sa ere si Leviathan sa
ibang anyo. Nasa demon form na ito at bihag nito si Drake. Nakatalikod ito mula sa
kanyang direksyon. Nag-ipon siya ng kapangyarihan sa buo niyang katawan... Inilabas
na niya ang kanyang mga pakpak at ibinalot doon ang enerhiyang naipon niya.
Pagkatapos noon ay...

"ANGEL'S BURST!!..."

Isang napakalakas na puwersa ng kidlat ang umulan kay Leviathan... Dumagundong ang
buong lugar at tuluyan nang nawasak. Nagkaroon ng makapal na puting-usok at
napatanga si Blade ng humupa ang usok... Wala man lang galos na natamo si Leviathan
at ang kaliwang-pakpak lang nito ang ginamit nitong panangga sa kanyang atake.
Marahan itong humarap sa kanya at nakita niya si Drake na walang-magawa sa
pagkakabihag.

"U-Umalis ka na, Blade! Ikaw ang kailangan niya!" wika pa nito.

Mariing kinuyom ni Blade ang kanan niyang kamao. Inipon niya doon ang kapangyarihan
niyang kidlat.

"Hindi kita iiwanan! Bestfriend kita kaya dapat magkasama tayong makakaalis sa
lugar na ito!"

Pagkatapos noon ay mabilis siyang lumipad pabulusok kay Leviathan. Iniumang niya
ang kanyang kanang-kamao at mabilis na sinuntok ito sa mukha. Yumanig ang paligid
at nagkaroon ng mga kidlat... Pero napatanga si Blade, hindi man lang natinag si
Leviathan sa kanyang atake. Mas mahigpit nitong sinakal ang leeg ni Drake.

"URGH!" ungol ni Drake.

Mahigpit na niyang hinawakan ang brasong nakapulupot sa kanyang leeg at pumupuwersa


siya para maalis iyon pero walang nangyari.

"Animal! Pakawalan mo si Drake! Ako ang kailangan mo. Huwag mo siyang idamay, anak
na lase!" matapang na wika ni Blade.

Mariin niyang naikuyom ang kanyang mga kamao. Napangisi naman si Leviathan sa
kanyang narinig. Naaamoy na niya ang tagumpay. Lalo niyang hinigpitan ang
pagkakasakal kay Drake. Marahan niyang hinawakan ang leeg nito at unti-unti niya
itong inilayo sa kanyang katawan. Nakalutang sila sa ere at tila manika si Drake na
kanyang sakal.

"Pakakawalan ko ang kaibigan mo sa isang kundisyon, Blade..."

Gumalaw ang sulok ng labi ni Blade.

"Anong kundisyon?"

Tumingin muna si Leviathan kay Drake na nahihirapan sa kanyang pagkakasakal.

"Inumin mo ang dugo ko. Maging demon ka at maging tapat na kanang-kamay ko."

Napatingin si Blade kay Drake.

"H-Huwag kang pumayag!" matapang na wika ng kanyang bestfriend.

"Mamamatay si Drake kapag hindi mo ginawa ang gusto ko!" banta ni Leviathan.

Pinahaba nito ang mga kuko sa kanang-kamay at pagkatapos ay pinag-apoy ang buo
nitong kamay. Itinapat nito iyon sa dibdib ni Drake.

"Gagawin ko na!" hindi nakatiis na wika ni Blade.

"S-Sinabi nang h-huwag eh! Huwag mong gagawin ang gusto niya!" pigil ni Drake.

Tumawa ng malakas si Leviathan sa eksenang nakita niya. Isa na namang ideya ang
pumasok sa utak niya.

"Pakakawalan ko lang ang kaibigan mo kapag nagawa mo nang inumin ang dugo ko."

Ipinitik ni Leviathan ang kanyang daliri sa kanang-kamay. At pagkatapos noon ay


lumitaw sa harapan ni Blade ang isang goblet na may lamang dugo. Nakalutang iyon sa
ere. Napatingin doon si Blade at malalim na nag-isip.

"Blade, alam mo naman sigurong madali akong mainip..." untag ni Leviathan.

Napatingin si Blade dito at nakita niya na unti-unti na nitong inilalapit ang kamay
sa dibdib ni Drake. Akma na nitong itutusok ang nag-aapoy na kuko sa kanyang
kaibigan nang...

"Manood ka, gagawin ko nang animal!"

Pagkatapos noon ay mabilis na kinuha ni Blade ang baso at walang-alinlangang ininom


ang laman noon. Marahas na itinapon ni Leviathan si Drake at nagpagulung-gulong
ito. Matapos namang uminom ni Blade ay bigla siyang bumagsak... Kakaibang sakit sa
loob ng kanyang katawan ang kanyang naramdaman. Tila sinusunog siya mula sa loob.
Napapikit siya at unti-unting nilamon ng kadiliman ang buong diwa niya.

"BLADE!" sigaw ni Drake.

Pinipilit niyang bumangon para mapuntahan agad ang kanyang kaibigan. Nabigla siya
ng unti-unting mangitim ang mapuputi nitong mga pakpak... Kasing-dilim nito ang
gabi kapag wala ang buwan. Namutla ang kulay ng balat nito, humaba ang mga kuko...

"Blade!" tawag ulit ni Drake.

Nabigla siya ng mapatingin sa kanya si Blade. Kulay-pula na ang iris ng mga mata
nito ngunit may halo iyong orange. Marahan itong tumayo at ibinuka ang mga
pakpak... Tumatawa namang lumapit si Leviathan kay Blade.

"Grrr... Master.."

Yumuko si Blade dito. Isang ngiti ng tagumpay ang namutawi kay Leviathan.
Napatingin siya kay Blade... Ito na ngayon ang kanyang matapat na kanang-kamay.
Isang perpektong creation.

"Blade! Abuwisit ak pa! Gumising ka! Huwag kang magpatalo sa tarantadong iyan! Sa
akin ka makinig!" malakas na sigaw ni Drake.

Sa wakas ay nakatayo na siya pero mahina ang kanyang pakiramdam. Nanatiling walang-
imik si Blade. Ni hindi ito tumingin sa kanya at blangko ang expression ng mukha
nito. Wala na siyang makita na kahit anong bakas ng emosyon.

"Blade!!..." tawag ulit niya.

Napatingin si Leviathan sa kanya. Nakikita niya sa mukha nito ang tagumpay.

"Kahit na anong gawin mo, hindi ka niya naririnig. Kontrolado ko na siya. Sa akin
lang siya susunod."

Nagtiim ang mga bagang ni Drake sa kanyang narinig. Pagkatapos noon ay napaisip
siya... Ano kaya kung maisuka ni Blade ang dugong nainom nito? Sandali palang ang
lumipas at hindi pa humahalo sa buo nitong katawan ang dugo ni Leviathan. Pinilit
niyang maglakad palapit dito at inihanda niya nag kanyang sarili. Binalot niya ang
katawan ng pulang apoy bilang tanda ng pakikipaglaban. Amuse naman na napatingin si
Leviathan kay Drake... Ngumiti siya at tumingin kay Blade na nakayuko sa kanya.

"Blade, tapusin mo ang Blood Demon para sa akin. Saksakin mo siya gamit ang iyong
espada."

Tumingin si Blade kay Drake.

"Opo, Master!"

Pagkatapos noon ay inilabas ni Blade ang kanyang Lightning Sword. Ginamit na rin ni
Drake ang kanyang espada at sinangga niya ang atake ni Blade. Nagpalit naman na ng
anyo si Leviathan at prenteng nanood sa labanan ng magkaibigan.

"Blade! Gumising ka! Ako ito, si Drake!!.."

Ngunit...

"LIGHTNING FLASH!!.."

Umiwas si Drake sa atakeng iyon at nagulat siya ng makita niya ang nawasak na lugar
kung saan dumaan ang kapangyarihan ni Blade. Binalot din niya ng kanyang apoy ang
espada niya at sinugod si Blade. Nakaiwas din ang huli... Akmang aatake ulit si
Drake ng matigilan siya.

"Teka lang, ang balak ko ay dapat maisuka ni Blade ang dugo na nainom niya.
Kailangang mailabas niya iyon sa kanyang katawan para bumalik siya sa normal. Dapat
ang kamao ko ang gamitin ko. Susuntukin ko siya sa sikmura gamit ang aking Iron
Fist Wave." wika niya sa kanyang isipan.

Muli namang inihanda ni Blade ang sarili sa pag-atake. Itinutok niya ang espada
niya sa dibdib ng kalaban. At pagkatapos noon ay...
"HYAAA!!!..."

Itinapon ni Drake ang espada niya at inihanda ang kanyang kamao ng makita niya ang
pag-atake ni Blade. Hindi siya umalis sa kinaroonan niya. Sasalubungin niya ang
atake nito para magawa niya ang balak niya. Mabilis na lumilipad patungo sa kanya
si Blade. Nang tuluyan na silang magpang-abot ay...

"IRON FIST WAVE!!!..."

Malakas na sinuntok ni Drake ang sikmura ni Blade. Napaarko ang katawan nito sa
lakas ng pagkakasuntok niya. Pagkatapos noon ay napasuka ito ng maraming dugo at
sabay silang bumagsak sa lupa. Nagbago ang kanilang mga anyo ng halos sabay.
Bumalik sila sa normal na itsura. At pareho silang nabalutan ng dugo.

Nagulat naman si Leviathan. Hindi niya inaasahan ang ginawa ni Drake. Samantala...
Napakasakit ng ulo at katawan ni Blade ng imulat niya ang kanyang mga mata. Mas
nangingibabaw sa dalawang iyon ang sakit ng ulo niya. Pakiramdam niya, binabasag
ang bungo niya. Wala na siyang matandaan matapos niyang inumin ang dugo ni
Leviathan. Ang sakit ng sikmura niya at patuloy siya sa pagsusuka ng dugo. Nang
huminto siya sa pagsusuka ay marahan siyang bumangon. Nanlaki ang mga mata niya ng
makita niya sa kanyang tabi si Drake. Duguan ang dibdib nito at nakatarak doon ang
kanyang Lightning Sword. Napanganga siya sa labis na pagkagulat. Mabilis niyang
inalis ang kanyang espada sa dibdib nito.

"DRAKE!!!..." malakas niyang tawag.

Nanatili siyang nakatitig sa kaibigan kahit na ramdam na ramdam niya ang pag-agos
ng kanyang mga luha mula sa kanyang mga mata.

"Drake! Drake! Drake!"

Paulit-ulit niyang tinawag ang pangalan ng kanyang kaibigan. Hindi pa siya


nakuntento ay niyugyog niya ang mga balikat nito. Pero hindi man lang ito gumalaw.
Natigilan siya at natulala ng mapatingin siya sa kanyang mga kamay na nababahiran
ng dugo.

"Drake..."

Napakislot siya ng makarinig siya ng malakas na tawa.

"Ang ganda namang eksena. Gusto mo bang ikuwento ko pa sa'yo kung paano mo sinaksak
sa kanyang dibdib ang sarili mong kaibigan? Ang iyong, BESTFRIEND?!" tumatawang
wika ni Leviathan.

Maglalakad sana siya palapit kay Blade pero napatigil siya ng biglang kumidlat sa
paligid. Unti-unting umangat sa ere ang mahabang buhok ni Blade. Isang nakakasilaw
na puting liwanag ang bumalot sa buo nitong katawan. Tahimik lang ito at marahang
tumayo. Humarap ito sa kanya. Punung-puno ng galit at kalungkutan ang mga mata
nito.

"Ikaw ang may kagagawan ng lahat.." seryosong wika ni Blade.

Matapos noon ay biglang nawala si Blade sa kinatatayuan nito. Nabigla si Leviathan


dahil hindi niya maramdaman ang aura ni Blade. Mukhang nagising niya ang natatago
nitong kakayahan. Ang nakita niyang lakas kanina ay halos lakas ng isang Archangel.

"ANGEL'S CHAIN!!..."
Mula sa itaas ni Leviathan ay biglang lumitaw ang nakakasilaw na liwanag at
nabalutan siya ng isang kadena... Kumikinang na kadena na halos katulad ng
diyamante. Binalutan siya ng kakaibang liwanag... Nakita niya sa itaas niya si
Blade. Hindi siya makawala.

Pagkatapos noon ay...

"GATE OF HELL, OPEN!!..."

Lumabas mula sa paanan ni Leviathan ang isang pentagram at kasunod nito ang gate of
hell. Tiyak na magiging katawa-tawa siya kapag bumalik siya sa impiyerno na
nababalot ng kadena. Pero kahit na anonbg gawin niya, hindi siya makawala.

"Magbabayad ka, Blade!"

Bago pa tuluyang lamunin ng Gate of Hell si Leviathan ay umatake pa ng pahabol si


Blade. Gamit ang kanyang Lightning Sword ay...

"Para kay Drake... THUNDER BLAZE!!!..."

Ibinigay niya sa kalaban ang pinakamalakas niyang atake.

"HINDEEE!!!!!...."

Hanggang sa tuluyang maglaho si Leviathan ay umalingawngaw ang malakas nitong


sigaw. Pagkatapos noon ay agad na pinuntahan ni Blade si Drake. Hindi siya
makapaniwala sa kapangyarihang nabitawan niya. Nanghihina ng husto ang buo niyang
katawan dahil sa tindi ng kapangyarihang kanyang pinakawalan. Marahan niyang
pinangko si Drake at tumingin siya sa mukha nito. Maamo ang mukha nitong nakapikit.

"Drake! Gumising ka na! Natalo ko na siya! Drake!"

Pero hindi man lang gumalaw ang kanyang kaibigan.

"Drake! Anak na lase! Hindi ito ang oras ng pagbibiro! Animal ka naman! Kapag hindi
ka pa gumising diyan, hahalikan kitang lase!" banta niya.

Naghintay siya ng ilang sandali sa paggalaw nito. Pero kagaya kanina, walang
nangyari. Napahawak siya sa dibdib nito na duguan.

"D-Drake! P-Patawarin mo ako... AAAAAHHH!!!!.."

Napasigaw siya sa labis na kalungkutan. Pagkatapos noon ay nawalan na siya ng malay


dahil sa sobrang pagod. Nanatiling hindi gumagalaw si Drake. At kahit wala nang
malay si Blade ay nanatili ang pag-agos ng luha mula sa mga mata nito...

18. "Drake's Funeral"


"Drake's Funeral"

Napangalumbaba si Rane ng tumingin siya sa labas. Ang lakas ng ulan. Sayang, balak
pa naman niyang dalawin si Creta sa simbahan. Tiyak na nandoon ang buong tropa at
siguradong riot na naman. Napabuntung-hininga siya at pagkatapos ay saka nag-inat.
"Di bale. Blessings na rin siguro itong ulan. At least, hindi na ako magdidilig."
pakli niya.
Nagring ang cellphone niya na nakalapag sa mesa na malapit sa kama. Naglakad siya
palapit doon at nakita niyang number ni Hunter ang naka-register. Ito ang
tumatawag. Agad niyang kinuha ang kanyang cellphone at sinagot ang tawag.
"Hello, Kuya Hunter!" masigla niyang bati.
Nanlaki ang mga mata niya matapos niyang marinig ang ibinalita nito. Nahulog niya
ang cellphone sa sahig na may carpet at pagkatapos noon ay dali-dali na siyang
lumabas. Hindi na niya ininda ang malakas na buhos ng ulan. Basta ang alam niya,
kailangan niyang makapunta sa bahay ni Drake. Sana hindi totoo ang balitang narinig
niya. Sana lang, biro lang ang lahat kahit na nakakaasar. Hindi siya magagalit!
Samantala... Marahang iminulat ni Blade ang kanyang mga mata. Napasinghap siya at
nabuhay ang buong diwa niya ng maalala niya ang huling pangyayari. Si Drake!
Mabilis siyang bumangon sa kanyang kama at kahit nananakit ang kanyang katawan ay
agad siyang nagpunta sa silid nito sa attic. Marahas niyang binuksan ang pinto ng
silid ni Drake ngunit nagulat siya ng hindi niya makita ang kabaong nito doon.
"Anak na lase!" bulalas niya.
Matinding kaba at takot ang sumalakay sa buo niyang pagkatao. Agad siyang pumanaog
pababa hanggang sa makarating siya sa sala... At doon nadatnan niya na...
"Drake! Drake!..." umiiyak na wika ni Rane.
Basang-basa ito dahil sa ulan. Napatingin siya sa kabaong na naroon. Nakaayos ang
lahat at nakita niya ang iba pa niyang mga kaibigan na pasimpleng umiiyak.
Napatanga siya sa kanyang nakita. Hindi maipaliwanag na sakit at guilt ang kanyang
nararamdaman.
"H-Hindi ito maaari..." hirap niyang wika.
Wala sa sariling pumanaog siya pababa ng hagdan. Natuon ang atensyon ng lahat sa
kanya. Walang nagsalita ni isa sa mga kasama niya. Tuliro siya at nanginginig na
lumapit sa kinaroroonan ng kabaong. Tiningnan niya ang naroon. Si Drake! Nakasuot
ito ng puting tuxedo at nakaayos ang buhok. Mariin niyang ikinuyom ang kanyang mga
kamao at tumingin sa kanyang mga kasama.
"Animal! Hindi magandang biro ito! Buksan niyo itong kabaong! Anak na lase!" wika
niya kina Hunter, Zech at Creta.
"Blade..." napailing na wika ni Hunter.
Hindi niya gustung paniwalaan ang nais sabihin ni Hunter sa kanya. Si Drake ang
Blood Demon kaya hindi ito basta maaaring mawala na lang... At si Drake din ang
bestfriend niya! Nag-iisa lang ito.
"Huwag niyo akong ginagago na animal! Kasabwat kayo ni Drake dito ano?! Nalase
naman, hindi magandang biro ito!..." hysterical niyang wika.
Humakbang palapit si Zech papunta kay Blade.
"Maraming dugo ang nawala sa kanya. Direkta siyang tinamaan sa puso. Masakit man
sabihin pero hindi natin kagaya si Drake na immortal. Pasensiya ka na Blade kasi
wala na ang Forbidden Fruit ng puntahan ko ito sa lugar na kinaroroonan niya Iyon
ang prutas na ibinigay ko kay Rane noon na ipinainom niya sa'yo nang mawalan ka ng
lakas at masadlak sa mahimbing na tulog. Wala akong magagawa kay Drake sa ngayon."
mahinang paliwanag ni Zech.
Malungkot na tumingin si Blade sa mukha nito. Alam niyang gumawa ito ng paraan at
sobra niyang na-appreciate ang bagay na iyon. Nangislap ang mga mata ni Zech,
nagbabadya na naman ng luha. Huminga naman ng malalim si Creta at lumapit kay
Blade. Tinapik niya ang kanang-balikat nito bilang simpatya.
"Ginawa na namin ang lahat ng paraan pero hindi na talaga gumagalaw si Drake o
humihinga man lang. Wala nang tibok ang puso niya." wika niya.
Nanlaki ang mga mata ni Blade sa narinig. Nagtiim ang mga bagang niya at pagkatapos
noon ay...
"HIIIINDEEEEEEE!!!!..."
Napaluhod siya at napahagulgol ng iyak. Hindi niya gustung paniwalaan ang
nangyayari. Kung binabangungot man siya ngayon, gustung-gusto na niyang magising.
"P-Patawarin mo ako, Drake... K-Kasalanan ko 'to! Kasalanan ko 'to! KASALANAN
KOOO!!!..."
Napatigil sa pag-iyak si Rane ng makita niya ang kamiserablehan ni Blade. Sa
kanilang lahat, ito ang pinakamalapit kay Drake. Dahil nga, magbestfriend ang
dalawa. Marahan siyang lumapit dito at yumakap sa mga balikat nito.
"M-Magpakatatag ka, Blade... Hindi mo kasalanan ang mga nangyari..." alo niya.
Mas lalong umiyak si Blade at napayakap ito sa kanya. Hindi nagtagal, napaiyak na
rin si Rane. Naging napakabuti sa kanya ni Drake. Lahat ng gusto niya, sinusunod
nito. Spoild siya dito. Alam niyang hindi dahil sa kamukha niya ang babaing
nagkaroon ng puwang sa puso nito noon. Marami silang masasayang alaala. Madalas ay
puro kalokohan. Tumalikod naman si Zech at pasimpleng nagpunta sa may bungad ng
pinto. Hindi niya kayang tingnan sina Rane at Blade na magkayakap. Pero wala naman
siyang karapatang magselos dahil alam niyang parehong malapit sa dalawa si Drake.
Ganoon pa man, hindi niya maiwasan.
Marahang napakalas sa pagkakayakap ni Rane si Blade. Tumitig siya sa mga mata nito.
Guilty siya sa nangyari kay Drake. Hindi niya alam kung tama ba na sabihin niya ang
bagay na iyon... Pero karapatan ng mga kaibigan nila ni Drake na malaman ang lahat.
"Blade, kaya mo iyan..." wika pa ni Rane.
Gumalaw ang sulok ng bibig ni Blade. Halatang may nais itong sabihin pero nag-
aalangan lang. Ilang sandali pa ay...
"Ako ang may kasalanan sa nangyari kay Drake. Ako ang pumatay sa kanya. Ako ang
sumaksak sa kanya, Rane..." mahina niyang wika.
Napatanga si Rane sa kanyang narinig. Nasapo niya ang kanyang bibig at tila bukal
na umagos sa kanyang mga mata ang luha. Napalingon naman ng wala sa oras si Zech
kay Blade. Sina Hunter at Creta ay halos sabay na napatingin dito.
"I-Ininom ko ang dugo ni Leviathan... Bihag niya si Drake noon at ang sabi niya,
pakakawalan niya si Drake kapag ininom ko ang dugo niya... Ginawa ko nga, pero
nawala ako sa sarili. Nang matauhan ako, nakita ko na lang si Drake na nakahiga at
puno ng dugo. Ang masakit, nakatarak sa dibdib niya ang aking Lightning Sword..."
mahinang paliwanag ni Blade.
Mariin niyang ikinuyom ang kanyang mga kamao at pasimpleng sumulyap sa kabaong ni
Drake.
"Tsk! Napakahina ko kasing animal kaya napahamak si Drake! Hanggang sa huli, ako pa
rin ang inisip niya."
Marahang tumayo si Blade at pagkatapos noon ay tumunghay sa kabaong. Muling umagos
ang masaganang luha sa kanyang mga mata. Kung mas malakas lang sana siya... Lumapit
naman si Hunter.
"Hindi mo kasalanan kung anuman ang nangyari kay Drake. Wala ka sa iyong sarili ng
mga sandaling iyon. Kinontrol ka ni Leviathan. Isa sa Seven Prince of Hell ang
nakaharap niyo. Napakasakit din sa akin ng pangyayaring ito. Pero ganoon pa man,
hindi kita sinisisi. Alam kong iyon din ang nararamdaman ni Drake..."
Napailing-iling si Blade.
"Pero wrong-mistake talaga eh! Dapat buhay pa si Drake... Dapat naririnig ko na
ngayon ang walang kamatayan niyang expression na 'Abuwisit ak pa!' Drake, gumising
ka na diyan!"
Natawa ng bahagya si Rane sa kanyang narinig pero kasabay noon ang pagpupunas niya
ng luha sa kanyang mga mata. Lumapit na rin sa kinaroroonan ng kabaong sina Creta
at Zech.
"Dito na ba natin ilalagak si Drake?" untag ni Creta.
Walang nagsalita kina Hunter, Rane at Blade. Pero sa bandang huli, si Hunter ang
hindi nakatiis.
"Blade, anong gusto mo para kay Drake?"
Nanghihinang napangiti ng matipid si Blade. Nakatitig pa rin siya sa kabaong.
"Siyempre, gusto ko ang BEST para sa kanya. Siya ang bestfriend ko, di ba? Kaaro ko
siya."
( Kaaro-kaibigan )
"Kung ganoon, ilalagak natin siya sa Chapel na malapit sa simbahan. Deserve ni
Drake na ilagay siya doon dahil lumaban din siya para sa ating Ama. Naging magaling
siyang sundalo ng langit." si Zech.
Medyo lumuwang ang ngiti ni Blade sa kanyang narinig. Ganoon pa man, umaagos pa rin
ang kanyang mga luha. Hindi niya alam kung may katapusan pa ang kanyang pag-iyak.
Ngayon palang, namimiss na niya si Drake. Walang makulit na pikon na palagi niyang
inaasar.
"Tama ka. Alam kong nasa mabuti na siya ngayon. Siguro, hanggang dito na lang
talaga ang paglilingkod niya dito sa lupa. Tiyak na mataas ang ranggo niya sa
langit. Magaling siya eh." sang-ayon naman ni Hunter kay Zech.
Matapos noon ay pinag-usapan na nilang lahat ang iba pang detalye para sa magiging
burol ni Drake hanggang sa libing nito. Ayon sa kanilang napagkasunduan, pitong-
araw nilang lalamayan si Drake... Puno ang chapel kung saan nakalagak ang labi ni
Drake. Lahat ng mga taga-BLBNHS, nakiramay.
"Sir, paano iyan? Hindi na masaya. Parang may kulang na. Sino ang magtuturo sa amin
kapag busy ka? Ang kuwela pa naman ni Kuya Drake." pakli ni Francis.
Napangiti ng matipid si Blade sa sinabi ng estudiyante niya. Hindi niya akalain na
dadamayan siya ng todo ng mga ito ngayong down na down siya. Kahit papaano,
naiibsan ang sakit sa puso niya.
"Hindi ko alam, Francis. Walang katulad si Drake eh." comment na lang niya.
Kagaya ni Blade ay malungkot na malungkot din si Hunter. Ngayon lang siya nawalan
ng gana sa lahat. Katabi niya si Rane sa upuan, pareho silang tahimik at inaalala
lang nila ang mga masasayang sandali kung saan kasama nila si Drake. Kung minsan,
napapangiti o kaya natatawa sila ng mahina. Pagkatapos ay bigla sila parehong
mapapahagulgol ng iyak. Baliw na siguro ang tingin ng iba pang tao na nakikiramay
pero wala na silang pakialam. Natigilan sila ng makarinig sila ng mga tumatakbong
yabag. Napatingin sila sa bagong dating at...
"Nanda to korya! Drake senpai!!!...."
Humahangos na dumating si Ai at habang naglalakad ito ay panay ang iyak. Walang
nagsalita. Hindi makatingin si Blade kay Ai. Lumapit na ito sa kabaong.
"Wake up, Drake!!... Wake up!... Stop this joke!!..." hysterical na wika ni Ai.
Patuloy na tinawag ni Ai ang pangalan ni Drake pero wala talaga. Hindi man lang ito
gumalaw. Nang tawagan siya ni Hunter ay dali-dali siyang nag-empake. Inisip niya
noong una na biro lang ang lahat at may surprise para sa kanya... At nasorpresa nga
siya kasi totoo naman pala talaga na patay na si Drake. Pero hindi niya
mapaniwalaan ang bagay na iyon hanggang sa heto na siya... Tumingin siya kay Blade
na nakaupo sa tabi ng kabaong. Namayat ito at nangingitim ng bahagya ang ilalim ng
mga mata. Hindi niya makita ang masigla nitong aura.
"Anong nangyari?!" mariin niyang tanong.
Tumingin lang sa kanya si Blade pero hindi nagsalita. Nagpatuloy sa pagtatanong si
Ai pero wala siyang napalang sagot. At wala siyang nagawa kundi ang umiyak na lang.
Hindi kinaya ni Rane ang nakitang eksena kaya ibinaling niya ang paningin sa ibang
direksyon.
Napasulyap si Rane sa kinaroroonan ng kanyang nakababatang kapatid na si Conrad.
Tulog ito dahil napagod sa pag-iyak. Kandong ito ng Mommy Kristine nila. Present
doon ang buo nilang family maliban kay Serene. Pero hahabol daw ito bago ang
libing. Patuloy ang pagbuhos ng ulan sa labas kasabay ng kanilang mga luha para kay
Drake.

Sa susunod na araw na ang libing at halos sabay na dumating sina Aleister at


Serene. Naunang lumapit sa may kabaong si Aleister at si Serene naman, si Hunter
ang pinuntahan niya. Nasa likod ito ng chapel at malungkot na nagmumukmok. Marahan
siyang lumapit dito at pagkatapos noon ay marahan niyang hinawakan ang kanang-kamay
ni Hunter. Napatingin ito sa kanya at napangiti ng matipid. Iyong ngiti na walang
sigla.
"Salamat, nandito ka na..." wika na lang ni Hunter.
"Oo. Pero hindi ko gusto ang rason kung bakit ako napauwi. Ayaw kong isipin na
magkikita ulit tayong dalawa na ganito..." malungkot na wika ni Serene.
Nagulat siya ng bigla siyang yakapin ni Hunter. Pagkatapos noon ay narinig niya ang
mahina nitong hagulgol. He was so weak this time. Niyakap niya ito at pinunasan
ang mga luha nito sa pisngi.
"Kaya mo iyan, Hunter... Alam mong nasa magandang lugar na si Drake dahil mabuti
siya..."
Naiiyak na rin si Serene sa sandaling ito. Bigla namang tumawa ng mahina si
Hunter...
"Kaya nga ako mas naiiyak kasi hindi ko alam kung nasa mabuti na ba talaga si
Drake... Hindi rin naman kaya iyon mabait kagaya ng akala mo.." pabiro niyang wika.
Napailing si Serene at napangiti sa sinabi nito. Ilang sandali pa silang nagyakap.
Matapos noon ay magkahawak-kamay silang pumasok sa loob ng chapel. Nadatnan nila
doon si Aleister na umiiyak sa tabi ng kabaong ni Drake. Umiiyak din si Blade ng
mga sandaling iyon habang nakatingin kay Aleister.
Si Ai naman ay masinsinang kausap ni Rane. Medyo iwas kasi ito kay Blade simula ng
malaman nito ang totoong nangyari kay Drake.
"Ai, kung masakit para sa atin ang pagkawala ni Drake... Mas lalo na kay Sir Blade.
Bestfriend niya ang namatay sa mga kamay niya. Sa tingin mo ba ginusto niya ang
nangyari? Malakas ang nakaharap nila... Kailangan ka ni Sir Blade kaya huwag mo
naman siyang lalong i-down. Mas pinaparamdam mo ang guilt sa kanya eh.." sermon ni
Rane.
Sandaling nag-isip si Ai at guilty na napatingin kay Rane. Nang malaman niya kasi
ang kuwento mula kay Creta na bago niyang kakilala ay medyo sinisisisi niya si
Blade. Nakamasid naman sa di kalayuan sina Lolo Gusting at Baste. Napatingin si Ai
sa mga ito at isang ngiti ang iginawad ni Lolo Gusting.
"Tama ka, Rane... Sa tingin ko, kailangan kong humingi ng sorry kay Blade sensei."
sa wakas ay wika ni Ai.
"Salamat sa pang-unawa, Ai."
Umiling si Ai.
"Salamat sa pagpapaalala, Rane. Dahil sa'yo, natauhan ako. Arigatou nashita."
Matapos noon ay sinamahan na ni Rane si Ai papunta sa kinaroroonan ni Blade.
Humingi ng sorry si Ai at nagyakap ang dalawa na parehong umiiyak.

Mabilis lumipas ang mga araw at parang ayaw na nilang lahat na dumating ang araw ng
libing. Last night na at may inihandang tribute sina Hunter at Blade para kay
Drake. Magkukuwento sila tungkol kay Drake at sa iba pang bagay na hindi alam ng
lahat tungkol dito. Unang magsasalita si Hunter. Huminga muna siya ng malalim bago
nag-umpisang magkuwento.
"Magandang gabi po sa inyong lahat... Sa lahat po ng nakikiramay sa kaibigan naming
si Drake, Salamat... Inihanda po namin ito ni Blade para mas makilala niyo pa kung
sino talaga ang aming kaibigan..." umpisa ni Hunter.
Huminto muna siya sa pagsasalita para punasan ang mga luha sa gilid ng kanyang mga
mata. Nagsisimula pa lang eh nagka-crack down na siya. Habang nagsasalita siya ay
may naka-slide na mga pictures ni Drake. Ilang sandali pa niyang pinakalma ang
sarili saka ipinagpatuloy ang kanyang speech para kay Drake.
"Sa totoo lang, hindi maganda ang unang pagkikita namin ni Drake. Hindi kami agad
nagkasundo. Ang tingin ko kasi sa kanya, mayabang, presko, at siga. Pero noong
lubos ko na siyang nakilala, nalaman ko na mabait talaga siya. Kasi sa totoo lang,
maluwag niya akong tinanggap sa tahanan niya. Hindi siya humihingi ng kahit na
anong kapalit. Walang singil sa renta. Ang sabi niya, ganoon daw talaga kapag mga
guwapo... Nagtutulungan. Sa katunayan, makulit siya at masayahin. Madalas, may
pagkapikon. Palaging asar-talo kay Blade... Alam na alam ko iyan kasi ako ang
nagsisilbi nilang referee eh. Ako ang tagaawat at tagasaway sa dalawa kapag
nagriot. Ang paborito niyang pagkain, steak na raw at dapat may magandang
presentation. Nuknukan kasi ng arte si Drake sa mga bagay. Gusto din niya na
malinis na malinis lagi ang mga gamit dahil may allergy daw siya sa alikabok. Ayaw
niya ng naha-hatching kasi nakakairita daw.
Kung may isang bagay akong hinahangaan ng husto sa kanya... Ehem! Hindi ang
kaguwapuhan niya dahil guwapo din ako... Kundi ang galing niya sa pagtugtog ng
violin. Tiyak na mapapahiya ang maraming sikat na violinist sa kanya. At kung may
natutunan man ako sa kanya iyon ay ang expression niya na 'Abuwisit ak pa' at
Kegtot my Heart... Pero suma-total, ang masasabi ko lang kay Drake... Isa siyang
napakabuting kaibigan. Ayaw ko nang magkuwento masyado kasi para kay Blade na ang
lahat ng marami... Siya kasi ang bestfriend at mas matagal na silang magkakilala
kaysa sa akin... Kung naririnig mo man ako Drake... Gusto kitang pasalamatan sa
pagiging tapat mong kaibigan. At salamat sa lahat... Sa-"
Hindi na naituloy pa ni Hunter ang kanyang sasabihin. Tuluyan na siyang
napahagulgol ng iyak. Umalis na siya at sinalubong naman siya ni Serene ng yakap.
Panay naman ang iyak ng mga taong malalapit kay Drake habang nakatingin sa mga
naka-slide na pictures nito. Si Ai, humahagugol na ng iyak. Panay ang punas nito ng
panyo sa mga mata at ganoon din si Lolo Gusting at Baste na nasa tabi nito.
"Drake senpai!..." wika pa nito sa pagitan ng pag-iyak.
Tuliro at wala naman sa sariling naglakad si Blade papunta sa tabi ng kabaong.
Muntik pa niyang malaglag ang mic ng kunin niya iyon. Huminga siya ng malalim bago
niya inilapit ang mikropono sa kanyang bibig.
"Ehem!... Hindi ko na kayo babatiing lahat ng magandang gabi kasi nauna na kayong
binati ni Hunter... Ganoon pa man, maraming salamat... Lahat ng gusto kong sabihin
tungkol kay Drake, nasabi na kaya sana ako na lang ang nauna." umpisa ni Blade.
Medyo napangiti ang lahat sa tinuran nito.
"Ganoon pa man, ishe-share ko na lang sa inyo kung paano kami naging magbestfriend
ni Drake. Alam niyo, kung hindi ko siya nakilala, tiyak na wala akong alam sa anime
at siguradong hindi ako adik na adik sa One Piece! Unexpected kasi ng magkakilala
kami... Ganito iyon..."
Hindi mapigilan ni Blade ang sarili na hindi mapangiti ng alalahanin niya ang
lahat. Pero kasabay noon ang pagngilid ng luha niya. Pinunasan muna niya iyon bago
siya nagkuwento.

Kasalukuyang tumatalon si Blade sa itaas ng mga gusali ng gabing iyon. Mariin


siyang napatingin sa buong paligid. Katatapos lang niyang maka-engkuwentro si Ike
pero agad din naman siyang tinakasan ng kanyang kalaban. Wala tuloy siyang choice
kundi ang hanapin ito.
"Animal! Nasaan na kaya ang buwisit na Ike na iyon! Talagang tinakasan akong lase
ay!" pakli niya.
Nagpatuloy siya sa paghahanap kay Ike hanggang sa makarating siya sa lumang
sementeryo. Sa tuktok ng lumang simbahan sa may kampanaryo ay may nakita siyang
anino.
"Anak na lase! Nakita din kitang animal! Humanda ka sa akin!" napangising wika ni
Blade.
Pasimple siyang nagpunta sa likod ng kampanaryo. Marahan siyang umakyat sa tuktok
noon para hindi siya mapansin. Nang tuluyan na siyang nakaakyat ay pasimple siyang
lumapit sa lalaking naroon. Ngunit laking pagkadismaya niya ng malamang hindi naman
si Ike na hina-hunting niya ang naroon.
Matangkad ito ng kaunti sa kanya, maputla ang balat. Magulo ang buhok, at may
katamtamang laki ng katawan. Nakasuot ito ng puting-polo at maong na pantalon. Akma
siyang aalis ng marinig niyang magsalita ang lalaki.
"Abuwisit ak pa! Ayaw ko na! I'm BORED! Wala namang silbi ang buhay ko kaya
kailangan ko nang mamatay! Sawa na akong mag-isa! I'm Lonely and Alone in this
cruel world! Why, oh why?!!..."
Dahil sa lintanyang narinig ni Blade ay hindi niya napigil ang sarili kaya natawa
siya ng mahina. Napatigil naman sa paglilitanya si Drake at napalingon sa kanyang
likuran. Nakita niya ang isang lalaki na tumatawa. Halos kasing-tangkad lang niya
ito, may mahaba at straight na itim na buhok. Nakasuot ng asul na polo at maong na
pantalon. Pinagtatawanan nito ang tantrums niya. Gigil siyang napatingin sa lalaki
at...
"Sige! Itawa mo! Di ang saya mo! Abuwisit ak pa!..." sarkastiko niyang wika.
Napatigil sa pagtawa si Blade at pasimpleng lumapit sa lalaki. Napamulsa siya sa
kanyang pantalon at bumuntung-hininga.
"Eh sa natatawa nga ako eh. Bakit ba? Tsaka magpapakamatay ka na nga lang, ang dami
mo pang lines. Tsk! Atet mo lang iyang suicide attemp mo no."
( Atet-Echos )
Napaismid si Drake sa tinuran nito.
"Walang basagan ng trip. Naglilitanya pa ako kasi nag-iisip ako kung paano ako
magpapakamatay. Kaya imbes na kontrahin mo ako, bakit hindi mo na lang ako
tulungang mag-isip?" untag ni Drake dito.
"Anak na lase naman! Magpapakamatay ka na nga lang, ang dami mo pang arteng animal
ay!" reklamo ni Blade.
"Tsk! Bakit ba? Since mamamatay na din lang ako, dapat may poise naman, no!"
Hinawi ni Drake ang strands ng kanyang sala-salabit na bangs... Natigilan si Blade
ng masipat niyang maigi ang lalaki.
"Hindi ka tao ah? Bampira ka di ba?" amuse niyang tanong.
Confident na ngumiti si Drake sa kanyang kaharap. Inilantad niya ang kanyang mga
pangil. Nanlaki naman ang mga mata ni Blade at parang hindi siya makapaniwala sa
kanyang nakikita. Confirmed na bampira nga ang kaharap niya.
"Tama ka. Pero huwag kang mag-alala. Negative AB lang na dugo ang pinapatos ko.
Safe ka sa akin kasi Type A ka. Ayaw ko sa dugong iyan, matabang... Tsaka, cheap!"
maarteng wika ni Drake.
Napaismid si Blade sa tinuran ng bampira.
"Animal! Ang arte talagang animal ay! Cheap pala ha?! Puwes, tingnan mo 'to! Baka
ikaw ang cheap! Nalase!"
Matapos noon ay inilantad ni Blade kay Drake ang pares ng kanyang mga pakpak.
Napatanga si Drake at nasapo niya ang kanyang bibig.
"I-Isa kang anghel! S-Sinusundo mo na ba ako?" di makapaniwala niyang wika.
"Hindi ah. Napadaan lang ako dito. Ano, magpapakamatay ka ba?"
Ibinalik ni Blade sa dati ang anyo niya. Napailing-iling naman si Drake.
"Teka lang, anghel ka bang talaga? Bakit ka nagmumura? Tsaka infairness, ang
lulutong pa?! Abuwisit ak pa!" bulalas ni Drake.
Napahalukikip si Blade.
"Eh di ko mapigilan eh. Nasanay ako kasi mula ng makulong ako eh iyon ang naririnig
kong expression ng mga tao. Malay ko bang badwords pala iyon. Buwisit kasi ang mga
aninimal na traidor kong kasamahan! Humanda talaga sila sa akin!"
Napangiwi si Drake dito. Matapos noon ay nahimasmasan na siya sa pagkabigla.
Kakaiba naman palang anghel itong kaharap niya. Sa pagkakaalam niya eh matitino ang
mga anghel, seryoso at kapita-pitagan?!
"Bueno, tulungan mo na nga lang akong mag-isip dito kung paano ako mamamatay..."
untag na lang ni Drake.
Tumingin sa baba ng kampanaryo si Blade at saka tumingin sa bampirang kaharap niya.
Mukha namang desidido itong magpakamatay o sadyang wala lang magawa kaya nagtri-
trip. Anu't-ano man, hindi siya magiging kontrabida. Buhay naman nito iyon. Wala
siyang paki.
"Eh di tumalon ka na lang dito. Tiyak na patay ka sa taas nito. Kung gusto mo eh di
sipain pa kitang lase." nakangising wika ni Blade.
Napailing si Drake sa sinabi nito.
"Nauna ko nang naisip iyan no. Kaso, durog ang ulo ko. Wrong-mistake! Gasgas ang
mukha ko. Dapat guwapo pa rin ako kapag tiningnan sa kabaong ah!" kontra agad niya.
"Uminom ka ng lason!" mabilis na sagot ni Blade.
"Di ko gusto ang lasa, hindi ko rin lang siya maiinom. Amoy pa lang, nasusuka na
ako."
Napakamot sa ulo niya si Blade.
"Maglaslas ka ng pulso!" pakli pa niya.
"Hmm... Masakit eh. Mahina ako doon tiyak na hindi ko malalaliman ang sugat."
"Anak na lase! Magbigti ka!"
"Yuck! Masasakal ako noon! Wrong-mistake, huwag iyon!"
"Barilin mo ang sarili mo. Bang! Isang iglap lang, patay kang bata ka!"
Tumalikod si Drake.
"Mabubutasan ang aking body!"
"Magpakalunod ka!"
"Lalangoy pa ako?! Nakakapagod iyon!"
Nagtiim na ang mga bagang ni Blade at marahas na kinamot ang kanyang ulo. Parang
siya yata ang na-stress!
"Anak na lase na animal! Huwag ka nang magpakamatay! Abuwisit ak pa!"
Nagaya na niya ang expression nito. Ngumiti ng alanganin si Drake sa lalaki at
saka lumapit.
"Sa tingin ko, tama ka. Huwag na lang, nag-change my mind na ako. Siya nga pala,
ako si Drake Summertime. Ikaw?" nakangiting wika ni Drake.
Bigla niyang naisip na cool kung magiging kaibigan niya ang kakaibang anghel na
ito. Inilahad niya ang kanan niyang kamay.
"Ako si Blade Archanghel..." pakilala ni Blade sa sarili.
Tinanggap niya ang pakikipagkamay nito. Malamig ang kamay nitong hawak niya.
Sandali lang silang nagshake hands.
"Saan ka nakatira?" excited na tanong ni Drake.
Sandaling nag-isip si Blade... Tapos ay tumingin sa mukha ng bago niyang kakilala.
"Hmm... Wala. Wala akong bahay na matitirhan. Pakalat-kalat lang ako kung saan."
Napangiti naman ng maluwag si Drake sa kanyang narinig.
"Talaga?! Talaga?! Ang saya naman kung ganoon!"
Napakunot-noo naman si Blade sa naging reaksyon ni Drake.
"At ano namang masayang lase doon?!"
Excited na tumingin si Drake kay Blade.
"Kung gusto mo, puwede kang tumira sa bahay ko. Maluwang at malaki iyon, marami
ding silid! Mag-isa lang ako doon. Abuwisit ak pa! Kaya nga ako nai-stress kasi
wala akong friend... Puwede bang ikaw na lang ang maging bestfriend ko?"
Sandaling nag-isip si Blade at alanganing napatingin sa mukha ni Drake... Tama ba
na makaipagkaibigan siya sa isang bampira? Pero wala naman siyang nararamdamang
masama. Ilang sandali pa ay...
"Okay... Basta ba okay lang sa'yo na makitira ako sa bahay mo. Tsaka siguruhin mong
hanggang magbestfriends lang tayo ah? Ayaw ko na pagdating ng araw, sabihin mong 'I
Love you, 'pre!' YUCK!"
"YUCK!!... Abuwisit ak pa! Ang Feeling mo! Sige na, hindi mangyayari iyon. Basta
huwag mo akong gagapangin ah? Alam ko namang malakas ang charm ko... Pero
binabalaan na kita." ganti naman ni Drake.
Napangisi naman si Blade sa tinuran nito.
"Anak na lase! Mukhang magkakasundo tayo!"
Natawa ang dalawa. Nagkasundo agad sila.
"Nga pala, nanonood ka ng anime?" si Drake
Napakunot-noo si Blade.
"Anime?"
Amuse na napatingin si Drake kay Blade.
"Hindi mo alam ang anime?!"
"Hindi. Anong malay ko doon."
Mabilis na umakbay si Drake kay Blade.
"Masaya ang anime! Hindi siya OA at boring kagaya ng mga drama sa T.V. Tara na!
Manood na tayo sa bahay!"
"Sige, tingnan ko nga iyang sinasabi mo."
Tuluyan nang napaiyak si Blade ng alalahanin niya ang una nilang pagtatagpo ni
Drake. Wala na siyang pakialam kung hindi kapani-paniwala ang kuwento niya.
"Alam ko, madalas kitang inaasar Drake... Pero ganoon lang talaga ako kapag
natutuwa ako sa isang tao... Papansin lang."

Samantala... Pagod na pagod na si Drake. Hindi na niya alam kung may dulo pa ang
napakahabang hagdan na inaakyat niya. Nagtataka siya kasi matagal na siyang
tumatakbo pero hindi siya nakakaramdam ng anumang uhaw o pagod. Ilang sandali pa ay
nakita na niya ang dulo. Naaninag niya ang isang napakalaking pinto... Gawa sa
purong ginto. Mas binilisan pa niya ang pagtakbo hanggang sa makarating siya doon.
Napatanga siya ng makita niya ang isang napakakapal na libro. Hindi niya ma-
describe kung gaano iyon kakapal. At sa tabi noon ay isang matandang lalaki na may
puting buhok at balbas... May manok sa tabi nito. Tila naumid ang dila niya at wala
sa sariling naglakad palapit dito. Patay na ba siya?!
Tiningnan siya ng matanda at pagkatapos noon ay bigla nitong binuklat ang libro.
May kung ano itong tiningnan doon. Matapos iyon ay tumingin ulit ang matanda sa
kanya.
"Anong ginagawa mo dito?" biglang tanong ng matanda sa kanya.
"Eh dito po ako dinala ng mga paa ko eh." sagot niya.
Mabilis na naglakad palapit ang matanda sa kanya at saka siya binatukan ng malakas.
"Ageeh!!... Abuwisit ak pa! Bakit?!"
"Pilosopo ka talagang bata ka! Eh wala ka pa namang pangalan dito ah? Hindi ka pa
puwedeng pumasok, Drake Summertime!"
Natigilan si Drake ng banggitin ng matanda ang pangalan niya.
"Lolo, kilala mo ako?" maang niyang tanong.
"Oo naman. Ikaw si Drake Summertime ang bestfriend ng pasaway na anghel na si
Blade."
Napaawang ang labi ni Drake.
"H-Huwag po ninyong sabihin na ikaw si.... Ikaw si... Ikaw si San-"
Hindi na naituloy ni Drake ang sasabihin niya ng biglang bumukas ng bahagya ang
pinto. At mula doon lumabas ang hindi niya inaasahang makikita niya. Napaatras siya
ng napaatras pero laking gulat niya ng bigla siyang mapaupo sa isang malambot na
upuan at kaharap na niya ang iniiwasan niya.
"Bakit mo naman ako iniiwasan, anak?"
Tila lumutang siya ng marinig niya ang boses Nito. Mariin siyang napapikit ng
haplusin nito ang ulo niya.
"Patay na po ba ako?"
"Oo. Pero pababalikin kita kasi hindi pa ito ang tamang panahon para sa'yo.
Kailangan mo pang tulungan si Blade sa mga pakikipagsapalaran niya."
Amuse siyang tumingin dito.
"Totoo po ba itong nakikita ko?"
"Oo naman."
Wala sa sariling hinaplos niya ang mukha ng kaharap niya. Pero agad din niyang
binawi ang kanyang kamay. Nahihiya siyang napayuko.
"M-May lugar pa po ba ako dito?" nahihiya niyang tanong.
"Ikaw, kung gusto mo ba dito."
"Gustung-gusto ko po! K-Kaya lang hindi ko alam kung may..."
"Tahanan mo rin ito."
"Pero naging masama po ako noon at-"
"Pinagsisihan mo ang lahat ng iyon. Humingi ka sa akin ng tawad at pinatawad naman
kita dahil alam kong lubos ang iyong pagsisisi. Siguro nga naligaw ka ng landas,
pero muli kang bumalik sa akin. Hindi kayang tiiisin ng magulang ang anak. Natuwa
ako sa pagbabalik mo at higit akong nalugod ng makipaglaban ka para sa akin."
"Nangyari po iyon dahil binigyan niyo ako ng pagkakataon."
"Palaging may pagkakataon, Anak. Nasa sarili mo na kung susunggaban mo ang
pagkakataon o iiwasan lang kagaya ng ginagawa ng iba. Marami ang hindi nakakakita
sa pagkakataon dahil iniiwasan nila. Salamat naman at nakita mo ang pagkakataon.
Sana, huwag ka na ulit bumitiw sa akin."
"Hinding-hindi na po dahil alam ko po na nandiyan Kayo para sa akin. Salamat po,
Boss... Kayo po ang Boss naming lahat, Ama." napangiti niyang wika.
Ngumiti din ang kaharap niya.
"Hindi naman sa ayaw kitang makasama... Pero marami na ang umiiyak at naghihintay
sa'yo."
Matapos noon ay nawala ang kaharap niya. Napakurap si Drake at napangiti ng
maluwang. Ang suwerte niya.
"Salamat po, Ama! Salamat! Ikakamusta ko po Kayo kay Blade!"
Nakarinig siya ng mahinang tawa at nakita niya sa kanyang tabi si Azrael.
"Alam mo, marami na ang nakakamiss sa'yo. Kaya halika na."
Hinawakan ni Azrael ang mga kamay niya at pagkatapos noon ay nabalutan siya ng
nakakasilaw na puting-liwanag. Mariin siyang napapikit. Pakiramdam ni Drake ay
marahan siyang bumubulusok pababa.
Biglang napasinghap si Drake ng magising siya. Nanlalabo pa ang kanyang paningin
kaya nanatili siyang nakahiga. Pakiramdam niya ay ang tagal niyang natulog. May
naririnig siyang boses at kilalang-kilala niya kung kanino ang maingay na boses na
iyon. Kay Blade!
"Kahit na buwisit ka at nuknukan ka ng arte... Kahit na pikon ka at sobrang
feeling! Peste ka Drake! Kung nagbibiro ka lang, itigil mo na 'to! Gumising ka na
diyan!... Buwisit kang lase, pinapatay mo ako sa guilt!!... Ikaw lang ang nag-iisa
kong bestfriend!!... WAAAAAH!!!!..."
Gigil na naikuyom ni Drake ang kanyang mga kamao. Nakakairita na ang bulahaw ni
Blade. Ano bang sinasabi nito?! Marahas niyang binuksan ang kanyang kabaong at agad
na bumangon.
"Abuwisit ak pa! Ang ingay-ingay mo! Ang manget mong umiyak! Alam mo naman na isa
sa kinaiinisan ko ang mga MANGET!!!... Okitnam!" naiinis na wika ni Drake.
Natigilan ang lahat. Lalo na si Blade. Kinusot pa niya talaga ang kanyang mga mata.
Pero pagkatapos noon ay isang nakakabinging sigawan ng mga tao ang nangibabaw sabay
karipas ng takbo palabas ng chapel.
"AAAAAAAAHHHHHH!!!!!...."
Ang tanging naiwan lang doon ay sina Ai, Hunter, Rane, Zech, Creta at si Blade na
hindi pa rin makapaniwala sa kanyang nakikita.
"B-Buhay ka?!..." bulalas niya.
Napaismid si Drake sa naging reaksyon ng kaibigan niya.
"Hmm..?! Abuwisit ak pa! Oo naman! Ibinalik ako kasi ano daw... Di niyo carry kapag
wala na ako. Kaya heto, ipinabalik ako kay Azrael. Nagpakita pala sa akin si Boss.
Kamusta ka daw..." wika pa ni Drake.
Napabuka ang labi ni Blade at pagkatapos noon ay patakbong yumakap kay Drake.
"Bestfriend!!!...." masigla niyang wika.
"UTANG NA LOOB, BLADE!!!... HUWAG KISS!!... Kahit sa cheeks lang, ayaw koooo!!..."
mariing awat ni Drake.
Pero hindi nagpaawat si Blade.
"Namiss kita, Bestfriend! Salamat buhay ka! Pakiss nga, pare!"
"KADIRI!!..." sabay-sabay na turan ng lahat.
Pero pagkatapos noon ay tumakbo payakap kay Drake sina Rane at Ai... Tapos ay sina
Hunter, Zech at Creta.
"ABUWISIT AK PA!!!...."
Sigaw na lang ni Drake nang madaganan siya ng lahat. Pero sa kalaunan ay natawa na
lang siya. Labis-labis naman ang pasasalamat ni Blade na ibinalik pa ang kanyang
bestfriend...
'Salamat Boss... Alam Mong hindi ako magiging masaya kapag nawala ang kaibigan ko.
Salamat. The best Ka talaga!'
**************************************
( matagal akong nakapag-update kasi ang dami kong pinuntahang lakad... Plus,
nagloloko ang laptop ko kaya alam niyo na kung bakit matagal ako kapag nag-a
update... Isa pa, may binubuo akong action na story eh... On plan palang siya.
Salamat sa paghihintay... :) Tsaka si Drake...?! Mamamatay? No way! Eh isa siya sa
mga paborito kong character at nagpapagulo sa story eh... Di na masaya kapag wala
siya. Anyway... Na-victim ba kayo last time?! Nye he he...
brose_fire )

19. "BROTHERS"
"BROTHERS"

Napangiti si Hunter ng mapatingin siya sa mukha ni Serene na katabi niya.


Kasalukuyan silang nakaupo sa tabi ng swimming pool sa bahay nila Rane. Nandoon
silang lahat at masayang nagpi-picnic. Ginawa nila ang simpleng party na iyon para
sa pag-welcome kay Drake.
"Masaya ako na nagkita ulit tayo at salamat naman kasi buhay si Drake. Kaya lang,
natakot ako ng todo ng makita ko siyang lumabas mula sa kabaong." natatawang wika
ni Serene.
Alam niya ang lahat ng sekreto ng magkakaibigan. Sina Karen, Conrad at ang iba pa
nilang mga kamag-anak ang walang alam tungkol sa tunay na pagkatao ng mga ito.
Kasama na siyempre ang mga taga-BLBNHS. Napahinga ng malalim si Hunter.
"Alam mo, mabuti na lang nagawang burahin ni Zech ang alaala ng mga tao tungkol sa
naging burol ni Drake. Dahil kapag nagkataon, tiyak na nagkakagulo na ang mundo sa
kanya. Malaking balita iyon."
"Tama ka."
Napatingin sila kina Blade at Drake na busy sa paghaharutan sa pool. Napangiti
naman si Rane ng lumapit siya kina Conrad at Creta. Tinuturuan ng huli si Conrad na
lumangoy sa malalim na parte ng swimming pool. Naupo siya sa gilid.
"Conrad, baka sipunin ka niyan ah?" puna niya sa kanyang kapatid.
"Hindi ate." mabilis nitong sagot.
Ngumiti si Creta sa kanya. Lumangoy ito palapit at saka tumingin sa kanyang mukha.
"Mabilis matuto ang kapatid mo. Matalino siyang bata." wika nito.
Napangiti siya sa sinabi nito.
"Oo. Pero huwag mo siyang masyadong i-spoild Kuya. Magaling mamihasa iyan eh."
"Bata eh. Alam mo, kung buhay siguro ang anak ko baka kasing laki na siya ni Conrad
ngayon. Tiyak na may sakit na ako sa ulo. Alam mo iyon?" naiiyak nitong wika.
Nakadama siya ng simpatya dito. Huminga siya ng malalim.
"Siguro magkamukha kayo ano?" wika na lang niya.
"Hindi, mix ang mukha namin ng asawa kong si Rome. Pareho kasi kaming nag-enjoy
eh." he grin evil.
"Kuya!"
Napasimangot siya at saka binasa niya ng tubig ang mukha nito.
"Nakakaasar ka!" wika niya bago magwalk-out.
Narinig niya ang mahinang tawa nito noong tumalikod siya.
"Sorry! Nakalimutan kong bata ka pa pala! Hindi ba iyon naituro sa Biology niyo?
The mystery of life?!" pahabol pa nitong wika.
"Ewan ko sa'yo!" naasar niyang wika.
Nagtawanan din ang iba. Lumapit siya kay Zech na nakaupo at busy sa pagbabasa
habang umiinom ng tsaa. Nakangiti ito sa kanya pero iyong tipong nang-aasar.
Pinagtatawanan din siya nito.
"Asar ka rin." wika niya bago siya naupo sa tabi nito.
Napatingin siya sa mga nagkakasayahan sa pool. Nagkibit-balikat lang si Zech sa
kanya.
"Nakita mo ba si Karen?" tanong niya kay Zech.
Uminom muna ito ng tsaa bago nagsalita.
"Kasama niya si Ai. Lumabas silang dalawa para bumili ng softdrinks at pagkain."
sagot ni Zech.
"Sila na ba?"
Kunot-noong napatingin si Zech sa kanya.
"Bakit ako ang tinatanong mo? Di ba ikaw ang stepsister ni Karen? Dapat ikaw ang
may alam."
"Wala nga siyang sinasabi sa akin eh. Tinatanong ko nga sina Blade tungkol doon.
Ang sinagot lang nila sa aking lahat... PARANG... Teka, sino iyong nakalaban nila
Drake at Blade? Leviathan daw ang pangalan niya."
Napangalumbaba si Zech sa mesa at seryosong tumingin sa kanya.
"Si Leviathan ay isa sa Seven Prince of Hell."
"Seven Prince of Hell?"
"Kung may Seven Archangels, may Seven Prince of Hell at sinisimbolo nila ang Seven
Deadly Sins. Iyon ay ang Pride, Greed, Lust, Envy, Gluttony, Wrath at Slot. Sila
ang mga anghel na nanguna sa pag-aaklas sa kalangitan noon at nagpasimula ng
pinakaunang digmaan."
Matamang nakikinig si Rane kay Zech. Napangiti naman ng mapait si Zech.
"At kasama ako sa mga anghel na napasama sa kanila. Naging rebelde din ako." mahina
nitong saad.
"Siguro nga, pero nagbago ka. Pinipilit mong itama ang lahat. Kalimutan mo na iyon.
Hindi na siguro mabubura sa pagkatao mo ang bahaging iyon ng buhay mo, pero iba ka
na ngayon."
"Salamat, Rane."
Huminga muna ng malalim si Zech. Ipinagpatuloy niya ang pagpapaliwanag.
"Si Leviathan ang sumisimbolo sa Sin ng Envy. Ang masakit, siya ang dating
bestfriend ni Blade. Pero kasinungalingan lang pala ang pagkakaibigan na iyon.
Lingid kay Blade ay may nararamdaman palang matinding inggit sa kanya si Leviathan
at sa iba pang anghel na may mataas na ranggo. Sinakop siya ng ambisyon at iyon na
nga. May dalawang klase ng inggit. Nangunguna na diyan ang sinisimbolo ni
Leviathan-ang masamang inggit kung saan ka nagagalit at gagawin mo ang lahat para
makuha o masira ang bagay na gusto mo. Ang ikalawang inggit naman ay ginagamit para
sa pagpupursige at pagpapabuti sa sarili para makuha ang ninanais.
Ganoon pa man, mas nangingibabaw sa karaniwan ang unang uri ng inggit."
Napatango si Rane.
"Salamat. Ang dami kong natutunan."
Napatingin siya kina Blade at Drake na masayang naghaharutan. Akala niya, hindi na
niya makikita ang ganitong eksena kahit na kailan. Dahil inakala nilang lahat na
tuluyan nang mawawala sa kanila si Drake.
"Ang hirap siguro kay Blade ng naging sitwasyon niya ng makaharap niya si
Leviathan."
"Tama ka."
Ilang sandali pa ay dumating na sina Karen at Ai na may dalang mga softdrinks at
pagkain. Umahon ang mga naliligo sa pool at pagkatapos noon ay sabay-sabay silang
kumain.
Kinagabihan ay nakatanggap sina Blade, Drake, Hunter, Creta at Zech mula kay Lolo
Gusting. Sinabi nito na puntahan nila ito sa bahay nito.
"Ano kayang kailangan ni Tanda?" pakli ni Blade.
Napakibit-balikat si Hunter.
"Pumunta na lang tayo para malaman natin." wika lang nito.

Kinabukasan ay pinuntahan nga nila si Lolo Gusting. Si Baste ang sumalubong sa


kanila. Nagulat silang lahat ng makita nilang nakasuot ito ng Doktor's Robe.
"B-Baste, Doktor ka pala?!" bulalas ni Blade.
"Oo, Kuya. Kung Doktor si Kuya Crescent sa mundo ng mga Engkanto, ako naman dito sa
mundo ng mga tao. Kagagaling ko lang sa duty kaya heto, nadatnan niyo akong suot
ang uniform ko."
Nasa likod sila ng bahay at kasalukuyang nakaupo silang lahat sa papag na nasa
silong ng malaking puno ng mangga. Presko ang umiihip na hangin ng umagang iyon.
"Antayin lang daw ninyo si Tatay ng kaunti." wika ni Baste.
Nakatingin ang lahat sa kanya at medyo naiilang siya kasi hindi niya malaman kung
paghanga o ano ang nasa mukha ng mga ito. Ganoon pa man, proud siyang maging isang
Doktor.
"Curious question. Anong klaseng Doktor ka?" si Hunter.
"A-Ahm..."
Namula ang mukha ni Baste at napatingin sa paligid. Pero lahat ng mga kasama niya,
mariing nakatitig sa kanya. Inaantay ang kanyang magiging sagot. At mukhang
ibibitin siya ng patiwarik kapag hindi niya sinabi ang pinakaantay ng mga ito. Wala
siyang choice.
"O-OB-Gyne ako." mahinang wika ni Baste.
Nanlaki ang mga mata ni Drake at hindi nakatiis.
"Abuwisit ak pa! Di ibig sabihin, nakakakita ka ng libre?!" bulalas nito.
Natawa ng mahina si Baste sa naging reaksyon nito.
"Sawang-sawa na nga ako." sagot na lang niya.
Natawa ang lahat. Tapos ay may naisip namang tanong si Blade.
"Teka lang, alam mo ba ang rason kung bakit may guwapo o maganda, may katamtaman
lang ang mukha at mayroong Never mind?" tanong niya.
Tumawa ng mahina si Baste at game na pinatulan ang tanong ni Blade. Napangisi siya
ng pilyo at matamang tumingin sa lahat. Napa-ehem siya bago siya nag-explain.
"Ayon sa naging mentor ko. Kapag Never mind daw, aksidente lang daw. Hindi sinadya.
Kapag katamtaman, nagpraktis lang o kaya nagpalipas lang ng time. At kapag guwapo o
maganda ibig sabihin daw ay pinaghirapan, pinagpaguran, pinagpuyatan, at
pinagpawisan... Todo daw ang effort. At kung sino daw ang kamukha ng baby, siya daw
ang ehem... Nag-enjoy. Kapag iyakin daw ang bata, ibig sabihin ay nag-iingay daw
iyong parents niya habang ginagawa siya. Kapag masungit ang baby, wala sila sa
mood. At kapag masayahin, masyado daw nag-enjoy. Talagang happiness. Anyway huwag
niyong patulan ang paliwanag ko. Nakuha ko lang naman iyon sa loko-loko kong
mentor."
Natawa ang lahat.
"Talaga? Sino?" natatawang tanong ni Creta.
"Tatay ko." mabilis na sagot ni Baste.
Lalong lumakas ang tawanan ng lahat dahil sa naging sagot ni Baste. Si Lolo Gusting
talaga! Tapos ay napatingin si Blade kay Baste.
"Kung ganoon Baste... You should be proud of your parents! Kitang-kita ang
ebidensiya na nagbigay sila ng matinding effort sa'yo. Ikaw ay pinaghirapan,
pinagpaguran, pinagpawisan at pinagpuyatan nila! Anak na lase!"
"Kuya Blade!" saway ni Baste.
Ngunit sa bandang huli ay mas natawa na rin siya.
"Teka lang, paano ako eh nag-iisang anak lang?" si Drake.
"Oh well, maraming rason diyan. Baka wala na silang time o kaya maselan ang Nanay
mo. Ganoon pa man Kuya Drake, magpasalamat ka sa parents mo kasi halatang ikaw rin
ay binuhusan ng panahon, lakas at matinding effort."
Namula si Drake.
"Tumigil ka nga. Pero totoo ba talaga na kapag ganoon ang ginawa, maganda ang
kalalabasan?"
"Try mo kaya Kuya Drake kapag may time. Tsaka ganoon daw talaga. Ang tagumpay,
pinagpapaguran at pinagpapawisan. Ha ha ha!"
"Abuwisit ak pa!"
Napakamot sa batok niya si Baste at saka naghikab.
"Mukhang napagod ka ata?" si Hunter.
"Oo eh. Iyong huling pinaanak ko, ang arte-arte. Sinermunan ko tuloy siya habang
nagle-labor."
Yumugyog ang mga balikat ni Blade at saka tumawa ng malakas.
"Animal! Relate ako diyan kasi may nagawan na rin ako ng ganyan. Naaalala mo pa,
Drake?"
Namula si Drake at nahihiyang napayuko. Umiwas ng tingin kay Blade.
"Ano bang sinasabi mo?"
"Asus! In denial! Anyway, bakit mo naman nasermunan ang pasyente mo?" tanong ni
Blade kay Baste.
"Eh kasi ayaw niyang bumuka eh. Pumutok pa naman na ang panubigan niya. Ang sabi
niya sa akin ang gusto daw niya ay ang Nanay niya. Eh pagod na ako noon kaya nag-
init ang ulo ko. Teenager iyong pasyente ko. Sabi ko sa kanya, bakit noong ginawa
niyo 'to ng boyfriend mo, nanood sa inyo ang nanay mo? Hindi ka nahiyang bumukaka
sa boyfriend pero sa akin na doktor na magpapaanak sa'yo, ayaw mo? Huwag kang mag-
alala, marami na akong nakitaan. Sawang-sawa na ako diyan. Kaya buka! Tapos iyong
sinundan niya, ang pilosopo. Tinanong ko kung pumutok na ba ang panubigan niya.
Tuyong-tuyo na isinagot ba naman sa akin eh wala naman daw siyang narinig na
pagsabog! Abuwisit ak pa!"
With emotions talaga habang nagkukuwento si Baste kaya ang lakas ng tawanan ng
lahat. Mangiyak-ngiyak na nga sila at nasapo na nila ang kanilang tiyan.
"Nalase! Ang dami din naman palang happenings sa ospital!" pakli ni Blade.
Napailing na lang si Baste at nakitawa sa mga ito.
"Ehem! Mukhang nagkakasayahan kayo ah?"
Napatingin sila sa nagsalita at bigla silang natahimik lahat. Si Gabriel. Napalunok
si Blade at napahawak sa kanyang bibig. Kumpleto ang Seven Archangels at kasama
nila si Lolo Gusting. Tuliro siyang napatingin kay Michael na katabi lang nito.
"Kamusta, mga kapatid?" nakangiting wika ni Michael.
Kung sumagot ang mga kasama niya... Siya ay ngumiti at kumaway lang bilang ganti sa
pagbati ni Michael.
"Anong ibig sabihin nito?" nagtatakang tanong ni Zech.
"Nandito kaming lahat para palakasin ang inyong pisikal na lakas. At nang sa
ganoon, kapag nakaharap niyo ang isa sa mga Seven Prince of Hell, hindi kayo
mapahamak." wika ni Michael.
Natuliro si Drake, parang gusto niyang himatayin. Hindi biro ang pinagdaanan niya
ng sanayin siya ng mga ito para makontrol ang kanyang demon form. Napatingin siya
sa kanyang mga kasama at napangiwi siya. Kung siya kinakabahan, excited naman ang
mga ito. Lalo na ang katabi niyang si Blade.
"Ako ang personal na magsasanay sa'yo, Blade." dugtong pa ni Michael.
Excited na lumapit si Blade kay Michael at kumikislap ang mga mata nitong napatitig
dito.
"Talaga?! Dream come true! Alam mo naman siguro na idol na idol kita. Alam mo iyon,
ha?! Nala-"
Tinakpan na lang ni Blade ang bibig. Napahinga naman ng marahas si Michael at
napakamot sa kanyang sintido.
"Naku naman. Hindi yata ako proud diyan sa rebelasyon mo, Blade. Ganoon pa man,
salamat. Bueno, mag-umpisa na tayo. Sumunod ka sa akin."
Naglakad si Michael papunta sa bukid na tigang.
"Drake, ako ulit ang magsasanay sa iyo. Kaya sumunod ka na rin sa akin." wika naman
ni Raguel.
Wala nang nagawa si Drake.
"Ako naman ang bahala sa'yo. Nagpapasalamat ako at ikaw ang natoka sa akin." wika
naman ni Gabriel kay Hunter.
"Salamat din kung ganoon."
Sumaludo si Hunter dito. Si Raphael ang nakatoka kay Zech at si Camael ang kay
Creta. Sina Uriel at Cassiel naman ay reserba. Kasama nila si Lolo Gusting na
nakaupo sa tabi ng papag at manonood sila ng pagsasanay. Tiyak na masaya iyon.
Nagkaharap na sina Michael at Blade.
"Ready na ako. Ano bang gagawin?" excited na wika ni Blade.
Ngumiti ng matipid si Michael sa kanya.
"Suntukin mo ako."
"HAH?!"
Napatitig si Blade sa maamong mukha ng kaharap niya. Napalunok siya. Matindi talaga
ang paghanga niya dito.
"T-Teka lang, hindi ko yata kayang gawin ang bagay na iyon. Idol kita eh."
alanganin niyang wika.
Napahalukipkip si Michael.
"Kapag nagawa mo akong paatrasin sa pamamagitan ng iyong mga suntok, ililibre kita
sa Eat All You Can Buffet."
"Pambihira! Seryoso?!!... Anak na-"
Pinigilan ni Blade ang sarili para hindi niya masabi ang huling salita.
"Nakakalimutan mo yata Blade kung sino itong kaharap mo. Ang taning mo ay hanggang
mamayang hapon. Bawal kang gumamit ng iyong kapangyarihan. Tanging ang pisikal na
lakas lang ang dapat mong gamitin."
Mariing ikinuyom ni Blade ang kanyang kanang-kamao.
"Okay ba! Game na!"
Mabilis niyang sinugod ng suntok si Michael sa dibdib, pero hindi man lang ito
natinag. Hindi ito gumalaw kahit na kaunti.
"Minamasahe mo ba ako, kapatid?"
Napatanga si Blade at biglang napaatras. Samantala, ang paggamit naman ng Twin
Sword ang kailangang palawigin ni Gabriel kay Hunter. Si Zech naman ay ang paggamit
ng espada ang ituturo sa kanya Raphael kasama na ang mas pagpapalakas sa paggamit
nito ng kapangyarihan sa musika. Si Creta naman ay ang karagdagang bilis, pisikal
na lakas at ang pagpapalawig pa nito sa kakayahan nito ang ituturo ni Camael. At si
Drake, mas gigisingin pa ni Raguel ang natatagong pisikal na lakas at kapangyarihan
ni Drake bilang isang Blood Demon. Nahaluan ito ng dugo ng isang immortal, nang
isang Fallen Angel. Ang kailangan ay mas paibabawin pa ang dugong iyon para
magising ang kanyang immortality at invinsibility.
Tanghali pa lang ay nakaupo na si Blade sa damuhan. Hinubad na niya ang pang-itaas
niyang damit at basang-basa na siya ng pawis. Napatingin siya sa kay Michael. Relax
na relax lang ito sa kinatatayuan.
"Time first. Puwede bang magpahinga muna?" hirit niya.
"Ikaw ang bahala." casual na wika nito.
Napatingin siya sa paligid at napangiwi siya. Bagsak na rin ang mga kasama niya.
Mukhang seryoso ang mga ito sa pagsasanay sa kanila. Napangiwi siya. Hindi niya
alam kung kaya pa niyang suntukin si Michael. Tuluyan na siyang humiga sa damuhan
at napatingala sa langit. Humangin ng malamig at napreskuhan ang kanyang katawan.
'Salamat, Boss.'
Huminto silang lahat sa pagsasanay noong oras na ng pananghalian para kumain.
Kakain na ang lahat ng mapansin ni Drake na wala si Blade. Napailing siya ng makita
niya itong mahimbing na natutulog sa damuhan. Prente itong nakahilata doon. Lumapit
siya dito at marahang napayuko. Niyugyog niya ng mahina ang balikat nito.
"Blade, kakain na!" tawag niya.
Bilang napamulat si Blade.
"Pagkain!" bulalas nito.
Bigla itong bumangon kaya naman nag-umpog ang mga ulo nila ng malakas at sabay pa
silang napa-
"AGEEH!!..."
Unang nakabawi si Drake.
"Abuwisit ak pa! Ikaw talaga, basta sa pagkain!" pakli niya habang sapo ang noo.
"Eh pasensiya na. Alam mo naman na iyon lang ang bisyo ko bukod sa anime!"
Sabay na silang tumayo at nagpunta sa papag kung saan naroon ang lahat. Nagsimula
na silang kumain matapos ng maikling panalangin bilang pasasalamat sa blessings.

Katatapos lang nilang kumain lahat at nagpapababa ng kanilang mga kinain ng


dumating si Crescent kasama ng isang kaibigan. Seryoso ang mukha ng dalawa.
Napatingin ang lahat sa kasama ni Crescent. May kaiklihan ang grayish nitong buhok
at napatanga sina Blade, Hunter, Drake, Creta at Zech ng matuon ang atensyon nila
sa mga mata nito. Pulang-mata ng ahas ang taglay nito. Isa itong engkanto. Umiiyak
ang mga mata nito.
"Kuya, may nangyari ba?" bungad ni Baste.
"Oo. Tamang-tama pala ang dating namin. Nandito ang lahat ng mahihingian namin ng
tulong." seryosong wika ni Crescent.
Lumapit ito sa kanila at nakikita nila ang pag-aalinlangan sa mukha ng kasama nito.
"Huwag kang mag-alala, Viper. Mga kaibigan silang lahat. Sila ang makakatulong sa
atin para sa kapatid mo." wika ni Crescent dito.
Lumapit sa dalawa si Lolo Gusting.
"Ano bang nangyari sa kapatid mo?" tanong ni Lolo Gusting dito.
Malungkot na tumingin si Viper sa mukha ng matanda. Kaibigan ito ng kanyang mga
magulang at nagsilbi na rin ito na pangalawa nilang ama ni Asp.
"Kinuha po siya ng mga itim na ibong maligno."
"Ano?!" si Baste.
Pinaupo ni Crescent sa papag si Viper. Nanghihina ito sa nangyari sa kapatid. Panay
ang punas nito sa luha sa mga mata.
"Ako na ang magpapakilala sa kaibigan ko. Siya si Viper Scapes. Sa kanya ako
kumukuha ng mga halamang gamot na ginagamit ko. Mga kababata namin sila ni Baste.
Engkantong ahas sila ng kakambal niya."
Nagpakilala ang lahat dito at nabigla ito ng husto kina Michael.
"Bata, magkuwento ka at makikinig kami." wika ni Gabriel.
Tulirong napatingin si Viper dito. Halata sa mukha ng lahat na hinihintay siyang
magsalita.
"Huwag kang matakot. Sige na." wika ni Crescent.
Huminga ng malalim si Viper.
"Kagaya ng sinabi ni Crescent, mga engkantong ahas kami ng kapatid kong si Asp.
Pero, taliwas si Asp sa akin. Kung ako nasa normal na anyo ng tao, siya naman ay
nasa anyo ng isang kulay-blue-green na ahas. Kami ang nagbibigay at gumagawa ng mga
gamot sa mundo ng mga Engkanto. Ang kakayahan ng dugo ko ay lason. Ibang klase ang
kamandag na nananalaytay sa aking mga ugat, kaya nitong pumatay ng sinumang
nilalang na makakainom nito. Taliwas naman iyon sa kakambal ko. Kaya ng dugo niya
na gamutin ang anumang uri ng lason o sakit. At dahil doon ay pinanatili ko lang
siya sa bahay para maprotektahan siya sa mga nilalang na magtatangka sa kanya.
Hindi siya makakalaban dahil nga sa anyo niya. Madalas na ikinukuwento ko sa kanya
ang mga lugar na napupuntahan ko, kabilang na ang mundo ng mga tao. Masaya na siya
sa ganoon, kahit alam kong nalulungkot siya dahil hindi niya nagagawa ang mga bagay
na nagagawa ko. Pero hindi siya nagrereklamo.
Pero noong isang araw lang ay may kakaibang nangyari sa kanya. Nabalutan ang buo
niyang katawan ng isang makapal na cocoon. Sigurado akong hindi ang pagpapalit niya
ng balat ang dahilan. Kaya naman pinuntahan ko si Crescent para ikunsulta sa kanya
ang nangyayari sa aking kapatid. Sinabi niya na nasa stage daw ng pagbabagong anyo
ang kapatid ko. Kasama si Crescent ay agad kaming umuwi ng bahay pero pagdating
namin ay nawasak na ang pader ng silid ni Asp at wala na siya. Ang tanging naiwan
lang ay ang malalaking bakas ng paa ng mga ibon at ang mga itim nilang balahibo na
nagkalat sa paligid. Alam kong ang dugo ng aking kapatid ang kanilang pakay... O
kaya ang puso niya dahil pinaniniwalaan na kapag kinain ng kung sinumang nilalang
ang puso niya, ito daw ay magiging isang immortal..." mahabang kuwento ni Viper.
Pagkatapos noon ay nanghihina siyang napaluhod sa harap ng lahat. Hindi na niya
ininda kung magmukha siyang mahina o katawa-tawa.
"Pakiusap, tulungan niyo akong iligtas ang aking kapatid bago pa mahuli ang lahat!
Siya na lang ang pamilyang mayroon ako. Pakiusap, nagmamakaawa a-"
Naputol ang anumang sasabihin ni Viper dahil biglang pinunasan ni Michael ang mga
luha niya at ipinatayo siya nito.
"Hindi mo kailangang magmakaawa sa amin. Ngayon pa lang, iwaksi mo na ang iyong
pag-aalala. Solve na ang problema mo."
Pagkatapos noon ay napatingin si Michael sa grupo nila Blade.
"Guys, may mission kayo. At ang mission na ito ang magiging isa sa training niyo."
biglang wika ni Michael.
Napatanga sina Blade, Hunter, Creta, Zech at Drake. Nagkatinginan silang lahat.
Pero nang makabawi sila ay agad din silang napangiti kay Viper na tuliro.
"OKAY! GAME KAMI DIYAN!" sabay-sabay nilang wika.
"Mabuti, mabuti..." wika ni Michael.
Lumapit siya sa grupo nila Blade.
"Ililigtas niyo ang kapatid ni Viper ng hindi kayo gumagamit ng anumang
kapangyarihan. Ang pisikal na lakas lang ang inyong gagamitin."
Pagkatapos niyang magsalita ay ipinitik niya ang kanyang mga kamay. Sa isang iglap
ay nabalutan sina Blade ng puting liwanag. At ang humupa iyon ay...
"AAAARGH!!!..." sabay-sabay na reaksyon ng lahat.
May suot na mabigat na vest ang kanilang mga braso, baywang, at mga paa. Kung
ordinaryo silang mga tao, tiyak na nakadapa na sila sa lupa ngayon.
"T-Teka lang, kailangan ba talaga ito?" si Blade.
Hindi pa siya gaanong nakakabawi sa ibinuhos niyang lakas kanina. Hindi na nga niya
alam kung ilang suntok ang pinakawalan niya at lahat ng iyon, matitindi.
"Oo. Magagamit niyo naman ang inyong mga pakpak dahil kailangan niyong lumipad.
Pero ang inyong mga armas at ang inyong spiritual na kapangyarihan, wala muna.
Kampante akong magagawa niyo ng maayos ang misyon niyo. Malaki ang tiwala ko sa
inyo."
"Salamat kung ganoon." wika ni Hunter.
Tumingin si Michael kay Blade.
"Huwag kang mag-alala, Blade. Tuloy iyong usapan natin. May mas kailangan lang
kayong unahin na importante at mahalaga."
"Sige ba."
Napahalukipkip naman si Zech at napatingin kina Crescent at Viper.
"Kung ganoon, umalis na tayo. Hindi tayo dapat mag-aksaya ng oras kasi buhay ang
nakasalalay dito." untag niya sa mga kasama.
Sumang-ayon ang lahat kaya naman naglakad na sila paalis. Pinuntahan nila ang gubat
na nagsisilbing daan patungo sa mundo ng mga Engkanto. Nang tuluyan na silang
makapasok doon ay...
"Wow! Ang ganda! Ang dami-dami namang halaman dito na wala sa mundo natin! Grabe
oh!" si Zech.
"Oo nga, ang ganda dito! Ang dami-daming mamahaling hiyas! May mga ruby, sapphire,
emerald at WOW! Palasyong gawa ba sa diyamante ang nakikita ko?!" si Creta.
Napatikhim si Hunter sa dalawa. Nahihiyang napatigil ang mga ito sa pag-iignorante
sa paligid.
"Pasensiya na, first time namin dito eh." wika ni Zech.
Pagkatapos noon ay ibinalik na niya ang kanyang poise. Ganoon din ang ginawa ni
Creta. Medyo naiiwan sila dahil nahihirapan silang kumilos. Humahangang napatingin
ang lahat ng pumasok sila sa isang malawak na farm. Natataniman iyon ng iba't-ibang
uri ng berries at sa paligid ay mga naglalakihang puno ng cherry. Habang papasok
sila sa loob ay may nakita din silang malawak na ubasan. Mga Black Grapes ang
nakatanim doon. At kasunod ng ubasan ay ang mas malawak pa na taniman ng iba't-
ibang uri ng mga halaman. Sa dulo ng farm ay may higanteng puno pero mukha iyong
bahay.
"Wow, astig. Bahay na puno." di napigilang wika ni Blade.
"Kaya nga." sang-ayon ni Zech sa kanya.
Humarap sa kanila sina Viper at Crescent.
"Welcome kayong lahat dito sa bahay namin ng kapatid ko. Kukuha lang ako ng
magagamit natin para sa ating paglaklakbay sa mundo ng mga maligno. Pumasok kayo sa
loob."
Binuksan ni Viper ang pinto ng bahay at lahat sila ay excited na pumasok.
"Grabe, ang presko ng hangin dito at ang sarap sa pakiramdam!" hindi napigilang
wika ni Drake.
"Maupo muna kayo. Crescent, ikaw na muna ang bahala sa kanila."
"Sige."
Umakyat na sa itaas ng bahay si Viper. Dumiretso siya sa attic. Malapit lang sa
attic ang silid ni Asp. Hindi niya maiwasang hindi malungkot ng mapadaan siya
kanina sa silid nito. Naayos na iyon ng mga kaibigan nilang duwende. Kumuha siya ng
fairy dust na dalawang uri. Ang isa ay para makalipad siya at ang isa naman ay
magagamit nila para sa pagtatago kapag kinakailangan. Ibang mundo ang papasukin
nila. Bumaba na siya at nadatnan niya ang lahat na masayang kumakain ng mga hinog
na ubas. Ngumiti siya sa mga ito.
"Si Asp ang may tanim sa mga ubas na iyan at sa iba pang prutas na narito." bungad
niya.
Napatingin ang lahat sa kanya at ngumiti. Ngayon palang ay gusto na niya ang mga
bago niyang kakilala. Sila pala ang mga kaibigang ikinukuwento nila Baste at
Crescent sa kanila ni Asp. Sayang lang at sa ganitong paraan sila nagkakila-kilala.
Tiyak na matutuwa si Asp kapag nakakilala ito ng mga bagong kaibigan. Napangiti
siya ng matipid.
"Talaga? Ang tamis ng mga ubas na ito. Halatang pinag-ubusan ng pagod at panahon sa
pag-aalaga. Excited tuloy akong makita siya." wika ni Creta.
"Kaya nga. Kapag nailigtas na natin ang kapatid mo, puwede ba akong makahingi ng
mga halaman?" wika naman ni Zech.
"Oo ba."
"Basta ako, okay na ako dito sa mga ubas!" si Blade.
Tuloy lang sa pagkain sina Hunter at Drake. Matapos nilang pumapak ng mga
matatamis na ubas ay agad silang namitas ng mga mababaon nilang prutas para sa
kanilang paglalakbay. Nagsimula na silang lumakad at hindi nagtagal ay nakarating
na sila sa bungad ng itim na gubat.
"Ito ang tinatawag na Creepy Wood. Pagpasok natin sa gubat na iyan, wala na tayo sa
aming mundo. Nasa loob na tayo ng mundo ng mga maligno. Sila ay mga engkanto na
nabalot ng kasamaan." wika ni Viper.
Isang sundalong Elf ang dumating. Nakasakay ito sa brown na kabayo. Nakasuot ito ng
makinang na baluti at matamang tumingin sa kanila.
"Pasensiya ka na Viper sa nangyari sa kapatid mo. Hindi namin namalayan ang pagsira
nila sa harang na inilagay namin. Hayaan mo, pagbalik niyo ay mas patitibayin pa
namin ang mahikang ibabalot dito." wika ng Elf.
"Wala po kayong kasalanan. Sa tingin ko, pinagplanuhan nila ang pagdukot sa aking
kapatid."
Napatingin ang Elf sa grupo nila Blade.
"Kayo ba sina Blade, Drake, Hunter, Creta at Zech?" tanong ng Elf.
"Oo." sagot ni Drake.
"Galingan niyo dahil may gantimpalang naghihintay sa inyo.Ipinagbilin iyon sa amin
ng Seven Archangels." wika ng Elf.
Pagkatapos noon ay umalis na ito sakay ng kabayo. Maiiwan si Crescent. Inihatid
lang sila nito sa bungad ng Creepy Wood. Pumasok na silang lahat sa loob ng gubat.
At sa loob noon ay napakadilim. Kakaibang katahimikan ang namamayani doon.
Inilabas ni Viper ang isang bag. At mula sa loob noon ay naglabas siya ng mga
batong umiilaw ng puti. Kasing liwanag iyon ng sikat ng araw. Inabutan niya ang
lahat ng kanyang mga kasama.
"Ito ang sunstone. Ginagamit namin bilang ilaw. Hindi tayo puwedeng maglakbay sa
mundo ng mga maligno na nababalot ng dilim. Magagamit nila iyon laban sa atin.
Makinig kayong lahat... Ang mga maligno ay mga mapanlinlang at malulupit na
nilalang. Kaya dapat, maging maingat tayo." wika ni Viper.
"Sige!" sang-ayon ng lahat.
Napahalukipkip si Blade at napatingin-tingin sa paligid. Napalunok siya. Napansin
naman iyon ni Creta na katabi niya.
"Uy, anong problema mo?" untag nito.
Napalunok si Blade at alanganing tumingin sa mukha ng kaharap niya.
"Baka kasi lumabas si 'My Precious' eh. Muntik na kaya akong atakehin sa heart ng
mapanood ko siya sa trilogy ng The Lord of the Rings at mas lalo na doon sa The
Hobbit. Tingnan niyo naman itong lugar, parang ito ata iyong paborito niyang
tambayan."
Napaismid si Hunter na napatingin dito.
"Tumigil ka nga. Hindi ito pelikula no."
Pero pagkatapos noon ay ngumisi siya ng nakakaloko kay Blade.
"Pero anong malay natin. Baka nga mayroon tayong makasalubong na gollum dito."
bigla niyang dugtong.
"Abuwisit ak pa, animal! Salamat sa pananakot!"
Nagtawanan sila. May kinatatakutan din naman pala si Blade. Napangiti naman ng
matipid si Viper. Parang mga bata ang mga kasama niya. Magugulo. Tuloy lang sila sa
paglalakad sa loob ng Creepy Wood. Itim na itim ang mga puno, walang dahon at
habang lumalalim sila sa ilalim ng gubat ay unti-unting nagkakaroon ng hamog.
"Huwag tayong maghiwa-hiwalay at huwag na huwag niyong iwawala ang mga hawak niyong
sunstone. Takot sa liwanag niyan ang mga maligno." wika pa nio Viper.
Napatingin siya sa mapa. Hindi pa sila gaanong nakakalayo. Nagpapasalamat siya
ngayon palang sa mga bagong kakilala niya dahil hindi man lang nag-alinlangan ang
mga ito na tulungan siya. Sana lang, hindi sila mahuli sa pagliligtas sa kanyang
kapatid na si Asp.

( ITUTULOY )
20. BROTHERS II

"BROTHERS II"

Habang naglalakad si Blade kasama ng kanyang mga kaibigan ay nakaramdam siya ng


kakaibang activity sa kanyang tiyan. Napalunok siya at pinagpawisan. Nasobrahan
yata siya sa pagkain ng mga ubas kanina. Ni hindi niya alam kung nakailang bugkos
siya. Napahalukipkip siya kasi mas lalo yatang nagregodon ang kanyang tiyan.
Hanggang sa....
"G-Guys! Sandali lang!" tawag niya sa mga kasama.
Napahinto ang lahat sa paglalakad at matamang tumingin sa kanya na nakahalukipkip
na sapo ang tiyan.
"Bakit? Anong problema mo?" kunot-noong tanong ni Hunter.
"T-Time First! I can't fight this feeling anymore! Kailangan kong mag-withdraw ng
sama ng loob! Napasobra ako ng kain sa mga ubas! Anak na lase!"
Natawa ng mahina ang mga kasama niya. Tinapik naman siya ni Drake sa kanyang
balikat.
"Now, you know!" nang-aasar nitong wika.
Pagkatapos noon ay sutil itong humarap kina Zech, Hunter, at Creta. Nakamasid lang
si Viper at natatawa sa mga magugulo niyang kasama.
"Guys! Sabay-sabay! Kantahin na natin ang theme song!" ang malakas na wika ni
Drake.
Pagkasabi niya ay kinanta na nga nila ang I Can't Fight this feeling anymore... Sa
chorus ng kanta. Gigil naman na iniumang ni Blade ang kanyang kanang-kamao sa
lahat.
"Baon-inayong animal! Anak na lase!" pikon niyang wika.
Ngayong masama ang pakiramdam niya, maikli ang kanyang pasensiya.
"Tama na! Tumigil na nga kayo. Ang mabuti pa, bigyan na lang natin ng privacy si
Blade!" saway ni Viper sa lahat.
Nagpasaway naman ang mga ito pero nagsihagalpakan ng tawa. Npahalukipkip naman si
Blade.
"Salamat, p're. Ang bait mo." wika niya kay Viper.
"Ahm, hindi naman. Heto nga pala, nagdala ako ng mga tissue."
Iniabot ni Viper ang isang roll ng tissue kay Blade. Agad naman iyong kinuha ng
huli.
"Thank you, ha? Iba talaga kapag may boyscout kang kasama. Laging handa!"
Sumaludo si Blade kay Viper. Isang simpleng ngiti ang isinagot nito.
"Sige na, maghanap ka na ng private place. Pero huwag kang masyadong lalayo ah?
Delekado sa gubat na ito."
"Salamat sa paalala. Basta nasa akin itong sunstone na ibinigay mo, eh safe ako sa
kadiliman."
Tumalikod na si Blade.
"Asus, pa-tissue-tissue pa. Sana hindi mo na lang siya binigyan ng tissue. Okay na
iyan sa stick! Ha ha ha ha!" pahabol pang pang-aasar ni Drake.
"Anak na lase ka! Baon-inam, Drake!"
"Okitnam din naman sa'yo ah! Humayo ka na nga at tumae ng mapayapa!"
Hindi na sumagot si Blade pero iniumang na lang nito ang kanang-kamao kay Drake
bago ito tuluyang naglaho sa may mga puno. Tumawa na lang si Drake sa ginawa ng
kaibigan niya.
"Nakaganti din. Nakarma ang loko!" natatawa pa niyang comment.
Napakamot naman sa kanyang pisngi si Viper at napailing. Magbestfriends nga ba
talaga ang dalawang iyon?!
"Anghel ba talaga si Blade? Bakit ang lutong niyang magmura?" di niya napigilang
tanong sa lahat.
Tinawanan siya ng mga ito.
"Nagkaroon kasi siya ng traumatic experience sa nakaraan, kaya ayan. May natutunan
ang dila niya." paliwanag na lang ni Hunter.
"Wow... Mukhang inaral niya ng husto kasi naging favorite expression na niya."
comment ni Viper.
"Sinabi mo pa!" sang-ayon ni Hunter.
Samantala... Nagpalinga-linga si Blade sa paligid. Siniguro niyang medyo malayo
siya sa kinaroroonan ng kanyang mga kasama para sa kanyang privacy.
"Puwede na siguro dito." pakli niya.
Huminga siya ng malalim. Napangiwi siya.
"Anak na lase!"
Nahihirapan siyang igalaw ang kanyang mga kamay dahil sa mabibigat na vest na
nakasuot sa kanyang mga braso. Iyong pag-abot palang sa belt ng kanyang pantalon,
para na siyang nagbubuhat ng tig-isang sakong bigas sa kanyang mga kamay. Nakahinga
siya ng maluwag ng maabot na niya ang kanyang belt. Kaya lang ay...
"Animal naman! Pati ba naman sa pagtatanggal, mahihirapan pa ako?!"
Kumulo ang kanyang tiyan at pinagpawisan siya ng malapot. Napangiwi siya.
"Anak na lase na 'to, Oo!"
Inapura niya ang paghuhubad ng kanyang belt. Nakahinga siya ng maluwag ng matanggal
na niya iyon. Mabilis rin niyang hinubad ang kanyang pantalon kasama na ng kanyang
panloob. Akma na siyang uupo pero nanigas ang kanyang balakang at mga binti. Saka
niya naalala na may suot ding mabibigat na vest ang parteng iyon ng kanyang
katawan. Gusto na niyang maglupasay.
"Uhu hu hu hu! Animal na 'to! Tatae na nga lang, pahirapan pa!"
Hindi birong physical strenght ang ibinuhos niya para lang magawa niya ang
kailangan... Ang maupo! At nang sa wakas ay nagawa na niya...
"Asar na ito ah! Bakit ngayon pa yata nahiya!"
Napailing-iling siya. Wrong-mistake! Ito na yata ang karma niya doon sa pang-aasar
niya kay Drake dati.
"Animal, I need concentration!"
Tumahimik siya at nagconcentrate. Hindi pa man siya nagtatagal sa pagkakaupo ay
nakarinig siya ng mga kaluskos sa paligid. Nagsalubong ang kanyang mga kilay at
nag-init ng husto ang kanyang bunbunan.
"Ano ba, Drake! Hindi ka na nakakatuwa ah! Hindi naman kita inisturbo noon ah?! Si
Raguel iyon, hindi ako! Utang na loob kang animal! Tigilan mo muna ako ngayon, saka
na tayo magtuos!"
Nagpatuloy ang kaluskos sa paligid. Lalong nag-init ang ulo niya ng sundan ang mga
kaluskos nang...
"Pssst!....."
"Baon-inam! Tumigil ka nang lase!"
Gigil na gigil na siya. Pero sa bandang-huli ay napagpasyahan niyang isnabin na
lang ang kalokohan ni Drake. Mas papansinin niya, mas lalo siyang hindi titigilan.
"Uy! Uy!..."
Nanlaki ang kanyang mga mata ng marinig niya ang boses na tumatawag sa kanya.
Parang nanggagaling sa ilalim ng lupa.
"Hoy!.... Anong ginagawa mo diyan, ha?..."
Napalunok siya. Sigurado siyang hindi iyon boses ng kahit na sino sa mga kasama
niya. Parang may spring ang kanyang leeg ng lingunin niya ang pinanggalingan ng
boses na nakakatakot. At paglingon niya ay nakita niya na...
"ANAK NA LASE!!!.... SI MY PRECIOUS!!!!.... WAAAAAAAH!!!!!!....."
Ganoon na lamang ang sigaw ni Blade ng makita niya ang gollum na eksaktong kamukha
ng character na kinatatakutan niya sa pelikula. Mabilis niyang itinaas ang pang-
ibaba niyang damit. Kung paano niya iyon nagawa ng mabilis, hindi na niya alam!
Hawak ang kanyang pantalon ay mabilis siyang kumaripas ng takbo at agad naman
siyang hinabol ng nilalang na kinatatakutan niya.
"Hoy!!... Sandali!!..."
"WAAAAH!!!!..."
Nagpatuloy sa pagtakbo si Blade at namataan niya ang kanyang mga kasama na nakaupo
sa dati nilang puwesto at busy sa pagkukuwnetuhan.
"HOOY!!!.... TULUNGAN NIYO AKONG LASEEE!!!!!....."
Napalingon ang lahat kay Blade at nakita nila itong namumutla ng husto.
Pinagpapawisan, at takot na takot na tumatakbo. At imbes na tulungan si Blade ay
nauna na silang...
"WA HA HA HA HA HA!!!...."
Unang nakabawi si Drake.
"Abuwisit ak pa! Anong nangyari sa'yo?!" natatawa niyang tanong.
"Tulungan mo na ako! Hinahabol ako ni MY PRECIOUS!!!!..." tarantang wika ni Blade.
Tiningnan ni Drake ang nilalang na humahabol kay Blade at tama nga ito... Kamukha
nga noong si My Precious ng The Lord of the Rings. Mabilis na tumakbo si Drake at
nilagpasan niya si Blade. Hinarap niya ang nilalang na kinatatakutan nito.
Napatigil ang gollum at tumingin sa kanya. Pinanlakihan siya nito ng mga mata at...
"Waaaaarh!"
Hindi natinag si Drake sa pananakot ng nilalang.
"Takutan pala ah?!" nakangisi niyang wika.
Pagkatapos noon ay pinanlisik niya ang kanyang mga mata at ginawang coal-bloody
eyes. Pinatalas niya ang kayang mga pangil at pagkatapos ay...
"MWAAAAAAARRRRR!!!!!...."
Tila isang mabangis na leon na umungol si Drake sa harapan ng maligno. Ang ginawa
ni Drake ay nakatawag ng pansin sa iba pang nilalang na naroon sa loob ng gubat.
Lahat ay nagsilayo sa kanilang grupo at nagtago. Mabilis naman na tumakbo palayo
ang gollum sabay sigaw ng...
"AAAAH!!!! PANGEEEEET!!!!!..."
Napaismid si Drake sa naging reaksyon nito.
"Abuwisit ak pa! Ang feeling naman noon!" pakli niya.
Nabaling na ang atensyon niya kay Blade na na-relax na at hindi na rin namumutla.
"Ayos ka lang?"
"Nalase, Oo. Salamat!"
Napahalukipkip siya at natawa ng mahina ng makita niya ang ayos ni Blade.
Nagsalubong naman ang mga kilay nito at yamot na napatingin sa kanya.
"Anong nakakatawa, ha?!"
"Ayusin mo nga iyang sarili mo. I saw the logo of the blue angry bird. Akala ko ba
nag-evolve na sa anaconda? Bakit mas gusto mo pa rin ang mga trunks mong may logo
ng angry bird?" natatawang wika ni Drake.
"Bakit ba? Eh sa mas cute ang angry bird eh!"
Lumapit na ang kanilang mga kasama. Nagtaka naman si Viper ng marinig niya ang word
na angry bird.
"Nasaan ang angry bird?" nagtataka niyang wika.
"It's over there!" natatawang wika ni Creta.
Itinuro pa talaga niya ang trunks ni Blade
."Oh..." react na lang ni Viper.
Inayos na ni Blade ang sarili. Ibinalik niya kay Viper ang hawak niyang tissue at
nagtataka naman ang huli ng kunin niya iyon kasi hindi man lang nagalaw.
"Bakit?" tanong pa niya.
"Huwag na, salamat na lang! Nawala na ang I can't fight this feeling anymore!
Buwisit na gollum iyon! ANIMAL!" naiinis na wika ni Blade.
Nagpigil ng tawa ang lahat pero sa bandang huli ay bumigay din sila.
"Sige, itawa niyo ah! Di ang saya niyong lase!" pikon namang wika ni Blade.
"Guys, tama na! Ang mabuti pa ay magpatuloy na tayo." awat ni Zech sa lahat.
Tumigil naman na sila sa pagtawa.
Samantala... Pinaliligiran ng mga higanteng itim na ibon ang cocoon kung saan
naroon si Asp. Namumula ang mga mata ng mga ibon. Dumating ang isang lalaking
matangkad na may hawak na matalas na espada. Inihahangin ang itim at mahaba nitong
buhok. May mga tattoo ito sa mukha na tila logo ng apoy. Dark brown ang mga mata
nito na bilugan at may matangos na ilong. Maputi na maputla ang kulay ng balat
nito. Lumapit ito sa cocoon at walang pakundangan na itinutok ang talim ng espadang
hawak niya. Tinangka niyang hiwain ang cocoon para makakuha ng dugo ng nilalang na
nasa loob noon ngunit nabali ang espadang hawak niya. Nanghihinang napaupo si
Devon. Siya ang hari ng mga malignong ibon na kumuha sa nilalang na may kakayahan
ang dugo na makagamot ng kahit na anong sakit o lason.
"Lumabas ka na diyan! Pagbigyan mo na ako, kahit na kaunting dugo lang. Kailangan
kong mailigtas ang buhay ng asawa ko at nang magiging anak namin!" desperado niyang
wika.
Ngunit nanatiling hindi gumagalaw ang cocoon. Napakatibay noon. Marahas siyang
huminga. Nakagawa siya ng isang bagay na maaaring magpasimula ng digmaan sa pagitan
ng mundo ng mga maligno at engkanto. Pero hindi na iyon mahalaga. Mas importanteng
mailigtas ang buhay ng kanyang pamilya. Nanghihina siyang tumayo at naglakad
paalis. Pumasok siya sa isang mahabang pasilyo at pumasok sa loob ng isang
napakagarang silid. Nalantad sa kanya ang napakagarang kama na napapaligiran ng mga
pulang-tela na inililipad ng hangin. Sa gitna ng kama nakahiga ang isang
napakagandang babae na nagdadalang-tao. Mahaba ang straight na puti nitong buhok at
tila mahimbing itong natutulog. Lumapit siya sa kanyang asawa na si Alfa at
binigyan niya ito ng mabining halik sa labi. Namumutla na ito.
"Magpakatatag kayo ng anak natin. Gumagawa na ako ng paraan."
Mariin niyang naikuyom ang kanyang mga kamao. Kailan lang dinapuan ng hindi
maipaliwanag na karamdaman ang kanyang kabiyak. Lahat ng ipinatawag niyang
manggagamot, hindi alam kung ano ang sakit na iyon. At wala ring may alam kung
paano gagaling ang kanyang asawa. Hanggang sa may nakapagsabi sa kanya tungkol sa
Engkanto na may kakayahang magpagaling ng kahit na anong sakit o lason ang dugo
nito. At dahil doon ay sinimulan niya ang plano kung paano niya ito makukuha. Kaya
lang ay nababalutan ito ng cocoon at napakatibay noon dahil hindi man lang ito
nasisira kahit na anong gawin niya. Maraming beses na niya itong tinangkang tusukin
ng mga matatalas na espada, pero ang lahat ng ginamit niyang armas ay nasira. Ang
sabi sa kanya ng pantas ay nasa pagbabagong anyo ang nilalang na iyon at wala
siyang magagawa kundi ang maghintay sa paglabas nito. Ngunit, hanggang kailan?!

Samantala... Isang ideya naman ang naisip ni Drake para mas mapabilis ang kanilang
paghahanap sa kakambal ni Viper.
"Teka lang, may naisip ako para mapadali ang paghahanap natin sa kakambal ni
Viper." untag ni Drake sa lahat.
"Talaga, ano?" excited na tanong ni Viper.
"Simple lang, aamuyin ko ang dugo mo para mas mapabilis ang paghahanap natin kay
Asp. Kapatid mo siya kaya pareho lang kayo ng amoy ng dugo." paliwanag ni Drake.
"Galing mo! Tinubuan ka na pala ng brains!" natatawang comment ni Blade.
"Tse! Matagal na akong may brains, ngayon ko lang pinagana!" patol naman ni Drake.
Napailing naman si Hunter at pasimpleng tinapik ang balikat ni Drake.
"Mabuti naman, pinagana mo na nga! Hay naku, Drake... Paano na lang kami kung wala
ka?!" comment ni Hunter.
Mayabang na nagkibit-balikat si Drake. Game naman na lumapit si Viper kay Drake.
Ini-ready niya ang kanyang leeg.
"Handa na ako, Drake. Amuyin mo na ang dugo ko."
Inamoy na nga ni Drake ang leeg ni Viper. Huminga siya ng malalim habang nakatutok
ang kanyang ilong sa leeg nito.
"Uy, Victoria Secret ang pabango ah?"
"Ehem!" untag ni Viper.
"S-Sorry!"
Nagseryoso na si Drake. Mas nag-concentrate siya para maamoy niya ang dugo ni
Viper. Pumikit siya ng mariin, ngayon ay naririnig na niya ang pintig ng puso ni
Viper maging ang tunog ng pag-agos ng dugo nito sa loob ng katawan. Kakaiba ang
amoy ng dugo ni Viper. Ngayon lang siya nakaamoy ng ganitong uri ng dugo.
Napakislot si Viper ng hawakan ni Drake ang kanyang pisngi at mas iniliyad ang
kanyang leeg. Mas lumapit ang mukha ni Drake sa kanyang leeg at idinikit ang labi
nito sa balat niya. Naramdaman niya ang marahan nitong pagsinghot na para bang
nilalasahan na siya, sa amoy palang. Napalunok siya at bumilis ang tibok ng puso
niya. Natakot siya. Alam niya kung ano si Drake dahil ikinuwento sa kanya nina
Crescent at Baste.
"Ang dugo mo, nakakahalina.... Ibang klase ang bango. Sa amoy palang, parang
nalalasahan ko na siya... Grrrr....! Parang gusto kong magwala kapag hindi ko siya
natikman!"
Unti-unti nang lumalaki ang mga pangil ni Drake. Napabuka ang labi niya. Akma na
niyang kakagatin ang leeg ni Viper nang pigilan siya nito. Mariin nitong hinawakan
ang punong-baba niya.
"D-Drake, huminahon ka. Tandaan mo, lason ang dugo ko. Kahit na isang patak lang
ang matikman mo, mamamatay ka." paalala ni Viper.
Natigilan si Drake at natauhan. Iminulat niya ang kanyang mga mata at agad na
lumayo kay Viper. Tuliro siyang napatingin sa mukha ng lahat na nakamasid sa kanya.
Nakaramdam siya ng guilt dahil umakto siyang patay-gutom na bampira. Pero muntikan
na talaga siyang mawala sa sarili kanina dahil sa amoy ng dugo ni Viper.
"S-Sorry!" hinging paumanhin niya.
Walang nagsalita. Tinapik ni Viper ang balikat niya.
"Wala iyon." nakangiti nitong wika.
Napangiti si Drake. Tumingin siya sa kanyang mga kaibigan at isang matipid na ngiti
ang ibinigay sa kanya ng lahat. Gumaan na ang kanyang pakiramdam dahil doon.
Huminga siya ng malalim. Nag-stretch siya ng kanyang mga braso. Medyo hirap siya
dahil sa mga vest na nakasuot sa kanyang katawan pero kailangan.
"Guys, mag-stretch na rin kayo ng katawan kasi magsisimula na ang marathon natin!
Basta, sundan niyo lang ako!"
Nag-stretch na rin ang lahat.
"Mukhang masusubukan talaga ang ating physical strenght!" pakli ni Zech.
Pagkatapos nilang inihanda ang kanilang mga sarili ay agad nang pumuwesto sa
kanilang unahan si Drake. Nang umihip ang malakas na hangin ay agad na itong
tumakbo ng mabilis.
"Ang mahuli, pangit!" pahabol pa nitong wika.
Mabilis na tumakbo ang lahat. Nakasunod sila kay Drake at tila hangin ang kanilang
bilis. Nahuhuli na si Viper dahil hindi niya kayang sabayan ang bilis ng kanyang
mga kasama. Napahawak siya sa kanyang bulsa at dinukot niya ang supot g fairy dust
na dala niya. Isinabog niya iyon sa kanyang sarili at hindi nagtagal ay nakasabay
na siya sa kanyang mga kasama.
"Sigurado ba kayong mabibigat ang mga suot niyong vest?!" untag ni Viper kay Creta.
"Oo naman! Ang bagal nga namin ngayon eh!" walang-anuman nitong sagot.
Napatanga si Viper sa narinig niyang sagot. Halos kalahati na ng fairy dust ang
ibinuhos niya sa kanyang katawan ah?! Mabagal pa sila ng lagay na iyon?! Hindi
nagtagal ay nakarating sila sa Dark Valley. Napatingala silang lahat at nakita nila
ang malalaking itim na ibon na umaaligid sa itaas ng bundok.
"Mukhang nandoon ang pugad nila. Naamoy ko sa itaas ng bundok na ito ang dugo ng
iyong kapatid." wika ni Drake.
"Hindi tayo basta puwedeng sumugod sa pugad. Kapag nagpadalus-dalos tayo, baka
mapahamak si Asp." wika naman ni Zech.
"Kung ganoon, brainy-boy... Anong plano?" untag ni Blade dito.
"Oh well, aakyat tayo ng mano-mano papunta sa pugad ng mga ibon. Dahan-dahan tayong
papasok sa loob ng kanilang teritoryo para hanapin si Asp at itakas." sagot ni
Zech.
Napangiwi sina Hunter, Drake at Creta. Hindi nila alam kung kakayanin nilang
umakyat ng mano-mano. Napakataas ng bundok na iyon at ang bibigat ng mga vest na
nakakabit sa kanilang katawan. Talagang pahirap din ang training nila!
"Alam ko ang nararamdaman niyo. Pero iyon talaga ang pinaka-safe na puwede nating
gawin." pakli ni Zech.
Napahinga ng malalim si Blade at napakamot sa kanyang batok.
"Sige na, magsimula na tayo para matapos na ang misyon natin. Isipin nalang nating
lahat ang sinabi noong Elf. May gantimpala daw na naghihintay sa atin kapag nagawa
natin ng maayos ang ating misyon. Nalase!" wika ni Blade.
"Kung ganoon, follow me!" wika ni Drake.
Kagaya ng dati ay ito ang nag-lead ng kanilang daan. Nagsimula na silang umakyat sa
napakataas na bundok.
"G-Guys... Walang titingin sa ibaba!" wika ni Drake.
Pero siya ang tumingin sa ibaba. Nasa kalahati na sila ng bundok. Napapaligiran na
sila ng makakapal na itim na mga ulap.
"WAAAAAH!"
"Abuwisit ak pa! Pasaway!" comment ni Creta.
Dahil sa ingay ni Drake ay may isang ibon na lumapit sa kinaroroonan nila. Hindi
sila kumilos lahat. Nagmasid ang ibon sa paligid. Hindi sila nito basta makikita
dahil sa fairy dust na ibinalot ni Viper sa kanilang mga katawan. Tahimik lang sila
sa buong sandali hanggang sa makaalis ang malaking ibon. Tuluyan na silang
nakahinga ng maluwag lahat ng tuluyan nang mawala iyon.
"Ang ingay mo talaga!" naiinis na comment ni Creta kay Drake.
"Eh pasensiya na! Nabigla ako kanina eh." wika ni Drake.
Nagpatuloy na siya sa pag-akyat at sumunod naman ang kanyang mga kasama. Pagdating
nila sa pugad ay agad silang pumasok sa loob. Maraming lagusan doon, pero dahil sa
amoy na sinusundan ni Drake ay madali nilang natunton ang kinaroroonan ni Asp-ang
kakambal ni Viper. Nakita nila ang malaking cocoon.
"Asp!" masayang wika ni Viper.
Humahanga namang napatingin sina Blade, Zech, Hunter, Drake at Creta sa cocoon.
Tila isang higanteng paru-paro na kasing-laki ng tao ang lalabas doon. Agad nang
binuhat ni Viper ang malaking cocoon at walang anumang isinampay sa kanyang kanang-
balikat.
"Kaya mo?" untag ni Creta.
"Oo, kaya ko siyang buhatin. Salamat na lang."
Lumabas na sila sa silid at napahinto silang lahat ng makasalubong nila ang isang
higanteng ibon.
"WAAAAK!!!..." maingay nitong ungol.
Natigilan silang lahat.
"Ano na?!" tarantang tanong ni Viper.
Napatingin si Blade sa silong ng higanteng ibon. Mabilis siyang tumakbo papunta sa
malaking ibon at dumausdos sa silong noon para makalusot siya.
"Akin na ang kapatid mo! Ipasa mo siya sa akin!" malakas niyang wika kay Viper.
"Sige!"
Bumuwelo si Viper at agad na inihagis ng malakas ang kanyang kapatid. Akmang
sasaluhin ng malaking ibon si Asp sa pamamagitan ng malaki nitong tuka pero naging
maagap si Drake. Tumalon siya ng mataas at sinipa niya ang ibon. Tumilapon ito at
nawarak ang batong dingding kung saan tumama ang malaki nitong katawan. Bumagsak
ito at eksakto namang sinalo ni Blade si Asp.
Samantala, natigilan naman si Devon ng makarinig siya ng malakas na pagkawasak ng
isang bagay. Napatingin siya sa paligid at bahagyang yumayanig iyon. May malakas na
nilalang sa pugad niya at tiyak na ang cocoon ang pakay! Akma siyang aalis ngunit
mahigpit na hinawakan ni Alfa ang kanyang kanang-kamay. Umungol ito na tila
nahihirapan. Hindi niya maiiwan ang asawa niya sa ganitong kalagayan. Mariin siyang
pumikit at ginamit ang kanyang kakayahan.
"Huwag niyong hayaang makuha nila ang cocoon! Tugisin niyo ang mga kalaban!" utos
niya sa kanyang mga alagad.
Muli niyang binalingan ang kanyang asawa. Tila lumalala ang kalagayan nito.
Natatakot na siya ng husto.
"Pakiusap, kaunting hintay lang. Huwag kang sumuko. Huwag niyo akong iiwan, hindi
ko alam kung ano ang mangyayari sa akin kapag nawala kayo sa akin..." naiiyak
niyang wika.
Namuo ang malalaking butil ng pawis sa mukha ni Alfa at taranta niyang pinunasan
iyon. Ipinatawag niya ang mga manggagamot na umaasikaso dito.
Samantala... Mas dumami pa ang mga higanteng ibon na humahabol kina Blade. Buhat-
buhat pa rin niya si Asp. Nang marating nila ang bungad ng pugad ay agad siyang
tumalon. Sumunod naman ang kanyang mga kasama. Nahuli si Viper sa grupo dahil
kinailangan pa niyang buhusan ang sarili ng maraming fairy dust para makalipad
siya. Tumalon na rin siya at hindi sila tinantanan ng napakaraming ibon.
Hinahabol pa rin sila. Hinarang si Blade ng tatlong malalaking ibon. Napahinto siya
sa ere.
"Animal!" pakli niya.
Hindi siya makakalaban dahil may buhat siya. Namataan niya sa malapit si Drake na
papunta sa kanya.
"Drake! Bilisan mo! Saluhin mo siya!"
Pagkasabi niya ay malakas niyang inihagis ang buhat niya papunta kay Drake. Nakita
iyon ni Viper at...
"HINDEEE!!...."
Tuloy-tuloy na bumulusok pababa ang cocoon kaya naman nagpabulusok din pababa si
Drake. Kaya lang ay may ilang ibon ang nakigaya sa kanya. Balak agawin ang kanyang
target.
Mabilis niyang kinuha ang cocoon at lumipad paitaas. Hinahabol siya ng maraming
ibon at sa kanya nakatuon ang atensyon ng mga ito.
Binigyan naman ni Blade ng malalakas na sipa at suntok ang mga ibong humarang sa
kanya. Bumulusok ang mga ito pababa ng matamaan niya ng kanyang mga atake. Hindi na
siya sinugod pa dahil hinahabol na ng malalaking ibon si Drake. Isang ideya ang
naisip niya.
"Drake!!!... Ipasa mo kay Zech!!!..." malakas niyang sigaw.
Napatingin si Drake kay Zech. Lumilipad ito malapit sa kanya. Mas itinaas pa niya
ang kanyang paglipad at nagtungo sa direksyon ni Zech. Pagkatapos noon ay umikot
siya para makabuwelo sa paghahagis ng cocoon papunta kay Zech.
"Heto na siya!!!..." malakas niyang sigaw.
Agad namang naghanda si Zech. Na-gets na niya ang pinaplano ni Blade. Pagkahagis ni
Drake sa cocoon ay agad niyang hinarap ang mga ibon. Gamit ang matatalas niyang mga
kuko ay pinatumba niya ang mga ito. Si Zech na ang sinundan ng marami pang ibon.
Tumingin siya kay Creta. Na-gets naman nito agad ang gustung iparating ni Zech.
"Handa na ako!" wika nito.
Itinaas ni Zech sa ere ang cocoon at malakas na inihagis papunta kay Creta.
Pagkahagis ng cocoon ay kinalaban na niya ang mga ibon na papunta na sa kanyang
kaibigan. Malalakas na suntok at sipa ang binitiwan niya at hindi nagtagal ay
tinulungan na siya nina Drake at Blade. Ipinabuhat naman na ni Creta ang cocoon kay
Viper at tumulong na rin siya kina Blade. Pinalibutan nilang lahat ang magkapatid
para maprotektahan laban sa mga malalaking ibon na umaatake sa kanila.
Isa namang ideya ang naisipan ni Viper.
"Guys... May plano ako..." untag niya sa lahat.
"Kung ganoon, bilisan mo! Malapit nang maubos ang pisikal naming lakas! Parang
hindi na nauubos ang mga ibon! Anak na lase!" wika ni Blade.
"Gagawa ako ng makapal na usok at mga clone ni Asp. Pagkatapos noon ay maghihiwa-
hiwalay tayo. Nasa akin siyempre ang tunay. Magkikita-kita tayo sa may bungad ng
Creepy Wood." wika ni Viper.
"Nice idea! Gawin mo na!" wika ni Hunter.
Pagkatapos noon ay naglabas ulit ng naiibang uri ng fairy dust si Viper. Isinabog
niya iyon at binalot sila ng makapal na puting-usok. Natigilan ang mga ibon na
nakapaligid sa kanila. Nang humupa ang makapal na puting-usok ay nalito ang mga
ibon. Umulan kasi ng napakaraming cocoon at may kanya-kanya na ring hawak sina
Blade. Naghiwa-hiwalay sila at agad na lumayo sa lugar. Dinagit naman ng mga ibon
ang mga nagbabagsakang cocoon. May mga humabol din sa kanila. Napahinto si Blade ng
abutan siya ng malaking ibon. Napangiti siya dito at walang babalang inihagis ang
cocoon na buhat niya. Agad iyong sinalo ng ibon at pagkatapos ay lumipad na
palayo.Ganoon din ang ginawa ng iba, maliban kay Viper na mabilis na nakapagtago sa
makakapal na puno ng Creepy Wood. Marahan niyang inilapag sa lupa ang cocoon dahil
napagod siya sa pagbubuhat. Ang bigat din naman pala ng kanyang kapatid.
Ilang sandali pa ay dumating na rin ang mga kasama niya. Sumalampak din ang mga ito
ng upo sa lupa kagaya niya. Lahat sila ay humihingal sa pagod.
"Sa wakas, nailigtas na natin ang kapatid mo. Pero bago tayo umuwi... M-Magpahinga
muna tayo. Grabe na ito, talagang ang hirap kapag hindi ka puwedeng gumamit ng
kapangyarihan!" pakli ni Zech.
"T-Tama ka. Pero may punto naman sina Michael. Masyado na tayong umaasa sa ating
kapangyarihan kaya nakalimutan na nating palawigin ang ating mga pisikal na lakas.
Kaya bagay lang ang training na ito sa atin." wika naman ni Hunter.
"Right na korek!" sang-ayon ni Blade.
Naglakad siya papalapit sa cocoon at pagkatapos noon ay humilata siya ng higa.
Ginawa niya iyong unan.
"Maniningil muna ako sa'yo dahil sobra akong napagod na lase!" pakli niya.
Pumikit siya at hindi pa man siya nagtatagal sa pagkakahiga ay naramdaman niyang
gumalaw nilalang sa loob ng cocoon. Napabalikwas ng bangon si Blade dahil sa
sobrang pagkagulat.
"Bakit?" tanong ni Drake.
Tulirong tumingin si Blade sa mukha ng mga kasama niya.
"G-Gumalaw iyong nasa loob ng cocoon. Sa tingin ko, lalabas na yata siya!" bulalas
niya.
"Talaga?!" excited na wika ni Viper.
Agad itong lumapit sa kinaroroonan ni Blade. Sumunod na rin sina Zech, Creta,
Hunter at Drake. Lahat sila ay mataman na nakatingin sa cocoon. Ilang sandali lang
ay gumalaw nga ang nasa loob noon. Walang nagsalita sa kanila dahil naghihintay
sila ng mga susunod pang mangyayari. Ilang sandali pa ay nabalutan ng mahinang
liwanag ang buong cocoon. Kulay blue-green iyon. Nang unti-unting maglaho ang
liwanag ay unti-unti ding natunaw ang cocoon. Nang tuluyan nang mawala ang ang
cocoon ay nalantad sa kanila ang isang lalaki na walang-saplot sa katawan. Blue-
green ang kulay ng buhok nito at maputi. Kamukha nito si Viper sa kabila ng
pagkakaiba nila ng kulay ng buhok...
Tulala si Viper ng makita niya ang bagong anyo ng kanyang kakambal. Ito na ang
bagay na pinakamimithi nito, ang maging kagaya niya na nasa anyong tao.
"Asp!" natutuwa niyang wika.
Gumalaw ang lalaki at marahang nag-angat ng mukha, nakapikit ang mga mata nito.
Marahan nitong iminulat ang mga mata. Tumingin ito sa boses na kanyang narinig.
Katulad ito ng mga mata ni Viper, matingkad na kulay-pulang mga mata ng ahas.
"V-Viper?!" kunot-noo nitong wika.
Natigilan naman si Asp ng magsalita siya. Para kasing iba. Hindi niya maramdaman
ang dila niya sa labas ng kanyang bibig. At... Napatingin siya sa kanyang katawan.
"AAAAAAAH!!!!...." sigaw niya.
Tuliro siyang tumingin sa kanyang kapatid at pagkatapos noon ay sa paligid. Nakita
niya ang mga lalaking kasama ni Viper.
"Anong nangyari?! N-Normal na ako?! Ang natatandaan ko lang ay natulog ako at..."
Hindi na magawang magsalita ni Asp. Napaiyak siya sa labis na tuwa. Napahawak siya
sa kanyang pisngi at pinunasan niya ang kanyang mga luha. Makinis ang pakiramdam ng
kanyang balat. May mga kamay na siya at mga paa.
"Sa wakas, natupad na ang bagay na gusto mo." wika ni Viper sa kapatid.
Napangiti si Asp sa kanyang kapatid. Lumapit naman dito si Viper.
"Halika, tumayo ka. Gawin mo ang pinakauna mong hakbang gamit ang iyong mga paa."
Inalalayan ni Viper ang kanyang kapatid at tinulungan niya ito sa pagtayo. Medyo
hirap pa ito at nanantya sa mga kilos. Para itong bata na nag-aaral sa paglalakad.
Hindi nagtagal ay natutunan din nitong balansehin ang katawan hanggang sa magawa na
nitong maglakad ng normal ng hindi inaalalayan ni Viper.
"Grabeh, kegtot my heart! Nakaka-touch naman." tila naiiyak na wika ni Drake.
"Oo na, nakaka-touch nga! Pero puwede ba, takpan niyo muna iyang angry bird ni Asp
and it's egg! Bihisan niyo nga! Anak na lase!" pakli ni Blade.
Napakunot-noo si Asp ng marinig niya ang sinabi ni Blade. Tuliro siyang tumingin sa
mukha ng lalaki.
"Angry bird and it's egg? N-Nasaan?" nagtataka niyang tanong.
"Look down, it's over there!" sabay turo.
Napatingin nga si Asp sa itinuro ni Blade at pagkatapos noon nagtataka ulit siyang
tumingin dito.
"Bakit angry bird?"
"BECAUSE IT GETS ANGRY!" sabay-sabay nang paliwanag ng lahat.
"Paano?!"
Natigilan ang lahat at walang nagsalita. Unang nakabawi si Creta. Naglabas siya ng
isa sa kanyang mga baraha at pagkatapos noon ay gumamit siya ng kaunting magic para
makapaglabas ng damit na maisusuot ni Asp.
"Pagtiyagaan mo muna ang mga iyan." wika niya.
Iniabot niya iyon kay Asp.
"Aanhin ko ito?"
"Isuot mo, magdamit ka." wika ni Creta.
"Kailangan pa ba iyon? Ayos naman ako ah?"
Napakamot sa batok niya si Viper.
"Kailangan. Hindi ka puwedeng gumala na nakalantad ang iyong katawan. Napaka-
eskandaluso noon!"
"Anong eskandaluso eh normal naman ang katawan ko. Tsaka noong nasa anyong ahas
ako, hindi naman ako nagdadamit eh."
Tumingin ng masama sa kanya ang lahat.
"Sige na, magbibihis na." napilitan niyang wika.
Nagbihis na si Asp at tinulungan ito ni Viper. Habang nagbibihis ito ay nagpakilala
na sina Blade, Hunter, Creta, Drake at Zech kay Asp.
"Kailangan ba talagang magdamit? Naiinitan kasi ako, hindi ako sanay." naiiritang
pakli ni Asp.
"Sanayin mo. Dahil kung hindi... Hindi kita ipapasyal sa mundo ng mga tao." wika ni
Viper.
"Hmm.. Sige na nga."
Ilang sandali pa ay nasapo ni Asp ang kanyang noo. Nag-aalala namang lumapit si
Viper sa kanyang kapatid at inalalayan ito.
"Bakit? Anong nararamdaman mo?"
"N-Nahihilo ako. Parang gusto kong masuka-AARGH!!!..."
Muntik nang masukaan ni Asp ang kapatid. Mabuti na lang at mabilis na nakalayo si
Viper. Nagkatinginan naman sina Zech, Hunter, Creta, Drake at Blade. Parang may
ideya sila kung bakit nahilo ng ganoon si Asp at kasalanan nila iyon. Hindi na lang
sila umimik. Inalalayan naman ni Viper ang kapatid. Nang matapos ito sa pagsusuka
ay tinulungan niya itong ayusin ang sarili. Bigla namang dumilim ang langit at
napatingala silang lahat. Nakita nila ang napakaraming kumpol ng mga malignong ibon
na papunta sa kanila.
"Humanda kayo. Mukhang hindi talaga tatantanan ng mga ibon si Asp!" wika ni Zech
Naghanda na nga ang lahat sa pakikipaglaban. Mistulang malaking kumpol ng itim na
ulap ang napakalaking grupo ng mga malignong ibon. Akma sanang susugod si Drake
ngunit pinigilan siya ni Viper.
"Drake, sandali! Tingnan niyong maigi iyong pinakagitnang ibon! Iyong pinakamalaki!
May mga nakasakay sa likod niya!" wika ni Viper.
Dahil sa sinabi ni Viper ay mariing tumingin ang lahat sa ibong tinutukoy nito.
Napatanga sila ng makita nila ang isang lalaki na may buhat na babae na walang
malay at nagdadalang-tao. Inantay nilang makalapit ito sa kanila. Napatanga sila ng
makita nilang namumutla at tila naghihingalo ang babaing karga ng lalaki.
Desperadong tumingin ang lalaki sa kanilang grupo.
"Ako si Devon, ang hari ng mga malignong ibon. Nagawa kong gawin ang bagay na iyon
para iligtas ang buhay ng asawa ko at nang magiging anak namin. Kritikal na ang
kalagayan niya, kaya nandito ako para magmakaawa ng tulong... Iligtas niyo ang
asawa ko..." umiiyak nitong wika.
Natuliro si Creta at natulala ng mapatingin siya kay Devon. Nakita niya ang sarili
niya dito. Mabilis niyang binuhat si Asp at agad niya itong dinala sa kinaroroonan
ng dalawa.
"Tulungan mo siya!" wika niya kay Asp.
Nabigla naman si Asp sa inakto ni Creta. Natakot siya at natuliro. Mabilis namang
sumunod ang iba pa nilang mga kasama.
"Asp, bigyan mo ang asawa niya ng iyong dugo. Utang na loob... Alam ko kung gaano
kasakit mawalan ng mga taong pinakamahalaga sa'yo. Ayaw kong maranasan iyon ng
iba."
Napatingin si Asp sa kargang babae ng lalaki. Abot-abot na nito ang hininga at
namumutiktik ang pawis. Lumapit naman si Zech at agad na sinapo ang noo ng babae.
Nalaman niya ang dahilan kung bakit nagkaganoon ang babae. Hindi isang uri ng
karamdaman ang dumapo dito kundi sumpa.
"May malakas na itim na sumpa ang iginawad sa kanya. Siguradong napakatindi ng
galit ng nilalang na may gawa nito. Sandali lang, gagawa muna ako ng spell para
mabaliktad ang sumpa. Sa oras na mapagaling siya ni Asp, babalik sa naggawad ng
sumpa ang sakit na ibinigay niya." paliwanag ni Zech.
Tulirong napatingin si Devon kay Zech. Hindi niya alam kung sino ang naggawad ng
sumpa sa asawa niya. Napakasama nito.
"P-Pakiusap, gawin mo." nakikiusap niyang wika.
Ginawa na nga ni Zech ang spell at pagkatapos noon ay saka naman lumapit si Asp.
"Bigyan niyo ako ng matalas na bagay na panghiwa sa palad ko." wika ni Asp.
Excited na lumapit si Drake.
"Ako na! Ang kuko ko na ang bahala!"
Inilahad ni Asp ang kanan niyang palad kay Drake at gamit ang matalas nitong kuko
sa hintuturo ay agad niyang hiniwa ang gitna ng palad ni Asp. Dumugo iyon at
marahan iyong inilapit ni Asp sa bibig ng babae. Ipinabuka ni Devon ang bibig ng
asawa niya at agad namang ipinatak doon ni Asp ang dugo niya. Nanatiling nakamasid
ang lahat sa mangyayari. Nang tuluyan nang malulon ng babae ang dugo ni Asp ay
unti-unting gumanda ang kulay ng balat nito. Namula ang mga labi nitong maputla at
naging banayad ang paghinga. Pasimple namang tinikman ni Drake ang dugong bumahid
sa kanyang kuko.
"Abuwisit ak pa! Ang sarap! Mas malasa pa ito sa AB negative!"
Marahan nang nagmulat ng mga mata si Alfa at una niyang nabungaran ang mukha ng
asawa niyang si Devon na umiiyak.
"Akala ko ba, hindi ka iyakin?" nakangiti niyang pakli.
Hinaplos nito ang pisngi niya at marahan siya nitong hinalikan sa kanyang noo.
"Ikaw lang naman ang nagpapaiyak sa akin eh. Salamat naman at ayos ka na. Maraming
salamat sa kanila..." wika ni Devon.
Napatingin si Alfa sa paligid at nakita niya ang isang grupo ng mga lalaki.
"Kayo ba ang tumulong sa amin ng anak ko? Maraming salamat..."
Ngumiti si Alfa sa mga lalaki at nahihiyang napangiti ang mga ito sa kanya.
Pagkatapos noon ay nagpakilala ang mga ito sa kanilang dalawa ng asawa niya.
"Hindi ko makakalimutan ang ginawa niyo. Pasensiya na kayo sa akin, Viper at Asp.
Desperado na ako kaya nagawa ko ang bagay na iyon. Wala naman akong balak na
masama." hinging paumanhin ni Devon sa magkapatid.
"Ayos lang, naiintindihan ka namin." wika ni Viper.
Inilahad niya ang kanyang kamay kay Devon at nagkamay silang dalawa. Bigla silang
napabitiw sa kamay ng isa't-isa ng humangin ng malakas at may kung anong dumagit
kay Viper. Natigilan ang lahat at naghanda. Nakita nila ang isang magandang babae
na may mahabang-violet na buhok at may mapulang labi. Halatang nanghihina ito at
nahihirapan sa paghinga. Bihag nito si Viper. Nakalutang sila sa ere dahil may
malalaking pakpak ang babae na hawig sa paniki. Napakurap si Devon. Nagsalubong ang
mga kilay niya.
"Luna? Ikaw ba ang may kagagawan ng nangyari kay Alfa?!" mariin niyang tanong.
Ngumiti ng sarkastiko ang babae. Sa kabila ng nararamdaman nitong sakit ay nagawa
pa nitong magmalaki sa lahat.
"Tama ka! Dapat lang iyan sa babaing iyan dahil inagaw ka niya sa akin! Hindi kita
maintindihan kung bakit ipinagpalit mo ako sa isang Engkantada na kabilang sa
naiibang mundo! Hindi ko alam kung anong ginawa mo, pero bumalik ang sumpa sa
akin!" galit nitong wika.
Napahalukipkip si Blade ng mapatingin siya sa babae.
"Bakit kaya ang hilig mameste ng mga EX? Dapat talaga, dinedespatsa sila." comment
niya.
Mariing ikinuyom naman ni Devon ang kanyang mga kamao. Tumingin siya kay Luna.
"Hindi kita ipinagpalit dahil hindi naman naging tayo! Kaibigan lang kita, malinaw
iyon. Pakawalan mo si Viper! Huwag mo siyang idamay!" sagot niya.
Napabelat si Drake kay Blade.
"Mali ka ng akala, p're! It's complicated!" kantyaw niya.
Ngumiti naman ng nakakaloko si Luna kay Devon at pagkatapos ay tumitig sa leeg ni
Viper.
"Anong huwag idamay?! Kailangan ko ang dugo niya para gumaling ako! At pagkatapos
kong inumin ang dugo niya ay kukunin ko ang puso niya at kakainin. Magiging
immortal ako at habang-buhay akong magiging maganda at higit sa lahat, makakahanap
ako ng marami pang lalaki na mas nakakahigit pa sa'yo! Nasa akin ang huling
halakhak!"
"T-Teka, huwag-!"
Hindi na natapos ni Drake ang pagbibigay niya ng babala dahil mabilis nang kumagat
sa leeg ni Viper ang babae. Napahawak naman sa leeg niya si Asp at napaurong sa
tabi ni Creta. Natigilan naman si Luna at biglang napabitaw sa lalaking hawak niya
matapos niyang mainom ang dugo nito. Simsim palang ang nagagawa niya. Napahawak
siya sa kanyang leeg. Kakaiba ang nararamdaman ng kanyang katawan. Mas lumala pa
siya! Nahuhulog naman si Viper mula sa ere dahil sa biglaan siyang binitiwan ng
babaing basta na lang kumagat sa kanya.
"AAAAH!!!..." sigaw ni Viper.
Bumulusok siya pababa pero mabilis siyang sinalo ni Blade at agad na ibinaba sa
kinaroroonan ng kanilang mga kasama.
"A-Anong ginawa mo sa akin?!!!..." hysterical na sigaw ni Luna.
Sinapo naman ni Viper ang leeg at agad naman iyong tinapalan ng gasa ni Zech. Yamot
siyang tumingin sa babae.
"Anong ginawa?! Eh ikaw itong kumagat sa akin!" naiinis niyang wika.
Unti-unting nagkulay-ube ang buong katawan ni Luna at pagkatapos noon ay unti-unti
itong nanigas at naging bato. Bumulusok iyon pababa sa lupa at nadurog. Nakita
nilang lahat ang nangyari. Napalunok si Drake. Naalala niya na muntik na niyang
kagatin si Viper kanina ng amuyin niya ang napakabango nitong dugo. Lason nga
talaga iyon! Wala sa sariling napahawak siya sa kanyang labi.
"M-Muntik na pala ako!" bulalas niya.
Natawa si Blade sa kaibigan. Pagkatapos ng halos walang katapusang pasasalamat nina
Devon at Alfa ay saka nakauwi ang kanilang grupo. Hindi na sila napagod dahil
ipinahatid sila sa isang higanteng ibon nito. Sumakay silang lahat sa likod noon.
Pagdating nila sa labas ng Creepy Wood ay nakita nilang naghihintay si Crescent
kasama ng ilang Elf na may dalang karwahe. Nakarinig sila ng tunog na PUFF!
Pinakiramdaman ng lahat ang kanilang mga sarili at laking tuwa nila ng maglaho na
ang mabibigat na vest sa kanilang katawan.
"Sumakay na kayo sa karwahe dahil naghihintay na ang mainit na hotspring sa aming
palasyo. Ang gantimpala niyo, VIP treatment sa aming palasyo. Hindi lang kayo
maliligo sa hotspring, may spa treatment kagaya ng masahe ang naghihintay sa inyo
at ang panghuli ay ang pagkain. Kailangan ng inyong katawan ng ibayong relaxation
pagkatapos niyong gumamit ng matinding pisikal na lakas. At dahil nagawa niyong
mabuti ang inyong misyon ng higit pa sa inaasahan ng lahat, karapat-dapat kayo sa
inihandang gantimpala. Kaya, tara na!" wika ng Elf.
Nagkatinginan ang magkakaibigan at sabay-sabay na napasigaw sa sobrang tuwa.
"YEEEEEHEEEY!!!!!..." sigaw nilang lahat.
Nag-unahan sila sa pagsakay sa karwahe at napailing na lang ang mga engkantong
naroon na nakakakita sa kanila.
"Para talagang mga bata." comment ni Viper.
Ngunit napangiwi siya ng wala sa oras ng makita niya ang kanyang kakambal na
prenteng hinuhubad ang suot nitong t-shirt.
"Woooh! Mainit talaga magsuot ng damit!" pakli pa ni Asp.
Akma pa nitong huhubarin ang pang-ibabang damit pero pinigilan nilang dalawa ni
Crescent...
***************************************
( Nathanael/Nathaniel- angel ruling over hidden things,
fire and vengeance. )

21. SECOND CHANCE?


"SECOND CHANCE?"

"GOOD MORNING, CLASS!" masiglang bati ni Blade sa kanyang mga estudiyante.

"GOOD MORNING, SIR BLADE!!..." masiglang bati pabalik ng mga bata.

Dahil doon ay lalong gumanda ang mood ni Blade. Napatingin siya sa ilang basket na
nasa tabi niya. Mga pasalubong niya iyon sa mga bata.

"Class, nitong weekend ay lumakad kami ng mga tropa ko. Nagpunta kami sa farm ng
isang kaibigan at dahil mahal ko kayo, hindi ko kayo nakalimutang dalhan ng
pasalubong!"

Matapos magsalita ni Blade ay inalis niya ang puting-tela na nakatakip sa mga


basket na naroon sa gilid. Humahangang napatingin ang mga bata sa mga hinog na ubas
na naroon.

"Wow... Talaga bang bibigyan mo kami niyan, Sir?" tulirong tanong ni Louie.

Humalukipkip si Blade at ngumiti sa lahat.

"Oo naman. Nauna na nga naming binigyan ni Hunter ang buong faculty kanina eh.
Boys! I-distribute niyo na ang mga ubas. Basta kainin niyo mamayang recess, huwag
sa klase ko." paalala pa ni Blade.

Agad namang tumalima ang mga lalaki at agad na tumayo at naglakad papunta sa
kinaroroonan ng mga basket na may lamang ubas. Kinuha nila ang mga iyon at
idinistribute. Nang huminto si Wilbur sa tapat ni Rane ay nalito siya. Itim na itim
ang mga ubas at halatang hinog na hinog na. Napalunok siya. Napatingin siya sa
dalawang bugkos na naroon. Alanganin siyang tumingin sa mukha ni Wilbur.

"Alin ang pipiliin ko? Malalaki o maliliit?"

Parang kaunti kasing tingnan iyong bugkos ng malalaking ubas. Mukha namang marami
ang sa maliliit. Napaisip din si Wilbur at matamang tumingin sa mga ubas na
tinitingnan niya.

"Kung sa akin lang, Rane... Ang pipiliin ko ay iyong malalaki kasi mas malalasahan
mo ang tamis ng prutas. Kasi kapag maliliit, marami nga, bitin naman." comment ni
Wilbur.

Napangiti si Rane. Kinuha niya ang malalaking bugkos.

"Salamat!" wika niya.

"Welcome!"

Nagpatuloy na sa paglilibot si Wilbur. Napangiti naman si Blade ng makita niyang


masaya ang mga bata sa pasalubong niya. Napasandal siya sa mesa at bahagya pa
siyang nagulat ng mag-ring ang cellphone niya. Tiningnan niya iyon at si Creta ang
tumatawag. Sinagot niya agad ang tawag.
"Bakit? May klase ako." pakli niya.

"Alam ko. Si Father Piyo ang nagpatawag sa akin. Ang sabi niya, sabihin ko sa'yo na
nasunog iyong Orphanage sa may Mount Carmil. Tinatanong ni Father kung okay ba
kayong tumulong sa pagbibigay ng kaunting assistant sa mga bata na nakatira sa
ampunan. Sa Sabado kami pupunta. Medyo busy pa kasi kami ngayon sa pangangalap ng
kaunting tulong para sa kanila eh." mahabang wika ni Creta.

"May nasaktan ba?" usisa pa ni Blade.

"Wala naman."

"Salamat naman kay Boss kung ganoon. Sige, huwag kang mag-alala at isasama ko ang
mga estudiyante ko sa project na iyan."

"Sa katunayan, papunta na kami ni Father Piyo diyan sa school. Hihingi kami ng
kaunting tulong, alam mo na."

"Ah, okay sige. Ako na ang bahala. Ingat na lang. Bye!"

"Bye!"

Ini-end na niya ang tawag. Napabutung-hininga siya at humarap sa mga bata.


Eksaktong katatapos lang ipamigay ng mga estudiyante niyang lalaki ang mga ubas na
pasalubong niya.

"CLASS! Mayroon na naman akong announcement!" tawag niya sa mga bata.

Mataman namang napatigil ang mga bata sa akmang pagkain ng mga ubas. Napatingin ang
mga ito sa kanya at nakinig.

"Class, itinawag sa akin kanina ni Creta na nasunog daw ang Orphanage sa Mount
Carmil. Ngayon, kailangan nating tulungan ang mga batang ulila na nakatira sa
Orphanage. Kung may mga luma kayong damit na maayos, mga libro at mga laruan...
Hinihiling ko na puwedeng ibigay niyo na lang sa kanila dahil kailangan nila ang
mga iyon. Sa Sabado, gusto kong sumama kayo sa amin para magbigay ng kaunting
tulong sa kanila. Huwag kayong mag-alala kasi dagdag sa grade iyon para naman sulit
ang pagod niyo. Maaasahan ko ba kayo?" tanong niya sa lahat.

"SIYEMPRE NAMAN, YES!" sabay-sabay na sagot ng lahat.

Natuwa si Blade dahil kusang loob na tutulong ang mga bata sa kanila. Pagkatapos
noon ay...

"Sir! Ang tatamis nitong ubas!" si Van.

"Uy, teka! Huwag muna kayong kumain! Magkaklase pa ako, anak na lase!"

Samantala, katatapos lang ihatid nina Hunter at Drake sina Ai at Serene sa airport.
Matapos magpunta sa school kanina ni Hunter ay nagpaalam muna siya sa mga kasama
niya sa canteen na ihahatid lang niya si Serene. Kasalukuyan silang naglalakad ng
mag-ring ang cellphone niya. Si Creta ang tumatawag. Agad iyong sinagot ni Hunter.

Mataman namang nakikinig si Drake sa usapan nina Hunter at Creta. Tungkol iyon sa
nasunog na Orphanage. Napatigil siya sa paglalakad ng makita niya ang isang
matangkad na babae na naglalakad sa di-kalayuan. Nakasuot ito ng itim na t-shirt at
may hawak na sketchpad sa kanan nitong kamay. Mahaba ang aalon-alon nitong buhok na
kulay-itim. Pero ang umagaw sa kanya ng atensyon ay ang suot nitong kuwintas. Gawa
iyon sa white gold na may pendant na heartshape na ruby.
"H-Hindi maaari!" bulalas niya.

Matapos namang makausap ni Hunter si Creta ay ini-end na niya ang tawag at


nagpatuloy sa paglalakad. Pagharap niya ay..

"Urgh!"

Bumunggo siya sa likod ni Drake.

"Ano ka ba naman, Drake!" reklamo niya.

Natauhan naman si Drake at tulirong napatingin sa kanyang kaibigan.

"Pasensiya ka na. Nabigla lang kasi ako doon sa kuwintas na suot noong babae
kanina..."

Napakunot-noo si Hunter at luminga sa paligid. Maraming tao doon.

"Nasaan?"

Luminga din si Drake sa paligid pero wala na ang babaing may hawak na sketchpad.

"Mukhang nakaalis na siya." malungkot niyang saad.

Nilalamon siya ng curiosity. Bakit suot ng babaing iyon ang kuwintas na iyon?! Ang
buong akala niya ay hinding-hindi na niya iyon makikita pa. Napahawak siya sa
kanyang dibdib at napalunok. Parang na-kegtot yata ang kanyang heart?!

"Ano bang mayroon doon sa kuwintas na sinasabi mo?" untag ni Hunter sa kanya.

Ngumiti ng mapait si Drake.

"Alam mo kasi, Hunter... Bago ko tuluyang iwan si Erein noon ay binigyan ko siya ng
kuwintas." maikli niyang sagot.

Napabuntung-hininga si Hunter at napakamot sa kanyang pisngi.

"Malay mo, katulad lang iyon noong kuwintas na ibinigay mo." comment niya.

Napailing si Drake at seryosong tumingin sa mukha ng kasama niya.

"Imposibleng magkaroon ng katulad ang kuwintas na iyon. Minana ko pa iyon sa Lolo


ko. Ginawa niya ang kuwintas na iyon para sa Lola ko. Nasabi ko naman na sa inyo
dati na kilala ang angkan namin noon sa paggawa ng mga mamahaling alahas. Sinabi sa
akin ng Lolo ko na ibigay ko ang kuwintas na iyon sa babaing makakapagpatibok ng
puso ko. Kaya nga iniwan ko iyon kay Erein. At ngayong nakita ko ulit iyon, parang
nagkaroon ako bigla ng tinatawag na Deja Vu. Kinilabutan ako." mahaba niyang
kuwento.

Huminga ng malalim si Hunter at tinapik sa balikat ang kaibigan.

"Malalaman mo ang sagot kapag nakita mo ulit ang taong sinasabi mo. Sa ngayon,
kailangan ko nang pumunta sa school. Sa bahay ko na lang ikukuwento sa'yo ang mga
sinabi ni Creta."

Ngumiti ng matipid si Drake. Nagpatuloy sila sa paglalakad at ilang sandali lang ay


naghiwalay na sila. Papunta si Hunter sa school at siya naman ay pauwi na.
Kinahapunan ay abala sina Karen at Rane sa pagkakalkal ng mga damit nila noong mga
bata pa sila. Nadatnan sila ni Conrad. Kagagaling lang nito sa paglalaro sa labas.

"Bakit kinakalkal niyo iyang mga maliliit niyong damit?" maang nitong tanong.

"Para ito doon sa nasunog na Orphanage sa Mount Carmil. Tinulungan nga kaming
maghanap ni Mommy kanina eh." sagot ni Karen.

"Ibibigay namin ang mga ito doon sa mga bata para may maisuot silang damit. Di ba
marami kang damit na hindi ginagamit, Conrad? Ilabas mo nang lahat, ibigay mo na
lang doon sa mga bata." wika naman ni Rane sa kapatid.

"Kailan kayo pupunta sa Orphanage? Sasama ba doon si Pare Blade?" sa halip ay


tanong ni Conrad.

Ngumiti si Rane sa kapatid.

"Oo. Sa katunayan, siya nga ang nangunguna sa project na ito. Tutulungan namin sina
Father Piyo at Kuya Creta na magbigay ng tulong sa mga batang nakatira sa
Orphanage. Isipin mo Conrad, ang mga batang iyon... Wala silang sariling bahay,
walang mga magulang at walang pamilya. Ang suwerte nga natin kung tutuusin kumpara
sa kanila. May mga batang may kapansanan ang kinukupkop din ng Orphanage na iyon.
Karamihan sa kanila ay ulila o kaya inabandona na ng mga magulang."

Matagal na tumitig si Conrad sa mukha ng kanyang ate Rane. Napapaisip siyang maigi
sa mga bagay na sinasabi nito. Hindi nagtagal ay...

"Ate, gusto ko na ring ibigay ang ilan sa mga laruan ko..." bigla niyang wika.

Tama nga ang kanyang ate. Ang suwerte nila kumpara sa mga batang iyon. May malaki
silang bahay, hindi sila nagugutom. At higit sa lahat may mga magulang sila. Kung
tutuusin ay sobra-sobra pa nga kung ano ang mayroon sila.

Amuse na tumingin sina Karen at Rane sa bunso nilang kapatid. Lumapit sila dito at
sabay nilang niyakap.

"Nakaka-proud naman si bunso!" pakli ni Karen.

"Tama!"

Inis na kumalas si Conrad sa yakap ng mga ate niya.

"Ang dadrama niyo naman eh! Basta, sasama ako sa inyo ah?! Aba, kung nasaan si
pareng Blade, doon din dapat ako." wika pa ni Conrad.

"Sige ba. Basta magpapakabait ka doon ah?" paalala ni Rane.

"Okay!"

Samantala, abala na rin sina Blade at Hunter sa paghahanda ng mga dadalhin sa


Orphanage. Pero si Drake, nakatulala na nakaupo sa may sofa.

"Uy! Tumulong ka nga dito! Animal, kanina ka pa nakatulalang lase diyan ay!" puna
ni Blade.

Napakurap si Drake at nahihiyang napatingin sa kanyang kaibigan. Nagbe-bake ng


cupcakes si Hunter at si Blade ang naglalagay ng icing sa ibabaw.
"Ahm, ano bang gagawin ko?" maang niyang tanong.

"Ilagay mo sa tupperware ang mga cupcakes. Basta ingatan mong huwag masira ah? Para
sa mga bata ang mga iyan. May problema ka ba? Kanina ka pa tuliro." pakli pa ni
Blade.

Tumayo na si Drake, pumunta siya sa mesang kinaroroonan ng dalawa at naglagay ng


mga cupcakes sa tupperware. Hindi niya sinagot ang tanong ni Blade.

"Uy, may problema ka ba?!" kulit pa ni Blade.

Huminga ng malalim si Drake bago niya sinagot ang tanong ng kanyang kaibigan.

"May nakita kasi akong tao kanina at nakita kong suot niya ang kuwintas na ibinigay
ko kay Erein. Walang kaparehas ang kuwintas na iyon kaya alam kong iyon nga ang
kuwintas na iniwan ko sa babaing minahal ko, maraming taon na ang nakakaraan."

Napatigil si Blade sa akmang paglalagay ng icing sa cupcake na hawak niya.

"Nalase, kaya pala nabre-brain-damage ka diyan. Pero anong malay natin, baka apo na
ni Erein ang taong sinasabi mo. Lalaki ba o babae?"

"Babae..."

Inilapag ni Hunter ang mga bagong bake na cupcakes sa mesa. Umuusok pa ang mga
iyon. Mga chocolate cupcakes.

"Drake, baka naman ito na ang second chance na hinihintay mo?" comment ni Hunter.

Kinuha niya ang isang cupcake na may puting icing. Kinagatan niya iyon at tumingin
sa mukha ni Drake na tuliro. Halatang nabigla ito ng husto sa nakita nito kanina.
Sadyang ang kapalaran, ang hilig magbiro sa hindi sinasadyang pagkakataon. Kung
kailan nakamove-on na si Drake sa nakaraan ay saka naman may magpapakitang bagay na
magpapaalala dito tungkol doon.

Tulirong tumingin si Drake sa mukha ng kanyang mga kaibigan. Pareho nang kumakain
ng cupcake ang dalawa.

"K-Kung ito na nga ang second chance na pinakahihintay ko... Ano ang dapat kong
gawin?"

Nabitin sa ere ang akmang pagkagat ni Blade sa cupcake na hawak niya. Inilayo muna
niya iyon at matamang tumingin sa mukha ng kanyang kaibigan.

"Ikaw... Nasa'yo ang tadhana mo. Uulitin mo ba ang pagkakamaling nagawa mo noon o
babaguhin mo na ang iyong pananaw? Matatakot ka pa ba o handa ka nang magsugal?"

Napangiti ng matipid si Drake sa sinabi ng kanyang kaibigan. Isang matipid na ngiti


din ang ibinigay ni Hunter sa kanya. Hindi siya nagsalita, basta kumuha na rin siya
ng isang cupcake at kinain niya iyon. Kahit hindi niya sabihin ay alam na ng mga
kasama niya ang kanyang sagot. Ayaw na niyang gumawa ng bagay na pagsisisihan niya.

Kinabukasan ay maaga silang nagpunta sa Orphanage. Pare-parehong nanlumo ang


kanilang pakiramdam ng makita nila ang nasunog na gusali. Tanging ang mga haligi na
lang ang natira at nanganganib pa iyong bumigay. Nagtiyatiyaga ang mga bata sa mga
tent kasama ng mag madre at mga tauhan ng NGO na nag-aasikaso sa kanila. Pero kahit
na ganoon ang sitwasyon, masaya silang sinalubong ng mga bata sa ampunan. Mababakas
sa kanilang mga mukha ang labis na tuwa.
Iba talaga ang ka-inosentehan ng mga bata. Dumating din si Zech doon at mga
sandwiches ang dinala nito. Buhat-buhat nila Blade, Hunter at Drake ang mga
tupperware na may lamang cupcakes na ginawa nila kagabi. Inilapag nila iyon sa
mesa. Lumapit sina Creta at Father Piyo sa kanila.

"Maraming salamat sa inyo. Malaking tulong na rin itong nagawa niyo." nakangiting
wika ni Father Piyo sa kanila.

Tumingin si Blade sa paligid. Hindi siya makapagsalita. May mga bata pang may
kapansanan ang naroon. Parang kinurot ang puso niya. Pinagtiyatiyagaan ng isang
bata ang sunog nitong saklay at ang ilang wheelchairs na naroon, nasira din ng
sunog.

"Wala iyon, father. Siya nga po pala, kailan maaayos ang gusali na nasunog?
Kailangang magawa po iyan sa lalong madaling panahon. Kawawa ang mga bata." wika ni
Zech.

Huminga ng malalim si Creta.

"Sa ngayon ay kumakalap pa kami ng pondo para diyan. Kung kailan maaayos, wala pang
makakapagsabi." malungkot na sagot ni Creta.

Binalingan na ni Blade ang mga estudiyante niya.

"Class! Magismula na tayo sa pagtulong! Iyong mga dala niyo, simulan niyo nang
ibigay!" announcement niya.

"OKAY, SIR!"

Nagsimula na ngang lumibot ang mga estudiyante niya sa mga batang naroon. Mga
batang babae ang nilapitan nina Rane at Karen para bigyan ng mga damit. Si Conrad
naman ay sa mga batang kaedad nito... Nagbibigay ito ng damit at laruan. Hindi
nagtagal ay nakipaglaro na rin ito sa mga bata sa ampunan.

Buong araw silang nanatili sa Orphanage at sulit ang kanilang pagod dahil masayang-
masaya ang mga batang tinulungan nila kahit na maliit na bagay lang ang kanilang
nagawa.

Lunes... Masayang binati ni Blade ang mga estudiyante niya dahil sa magandang
ipinakita ng mga ito sa ginawa nilang charity.

"Class, ano ang natutunan niyo doon sa ginawa nating charity?" tanong niya sa
lahat.

"Sir!"

"Yes, Wilbur?!"

Tumayo ito.

"Sir, natutunan ko na kahit mahirap lang kami eh ang suwerte ko pa rin. May bahay
kami, may mga magulang ako. Kahit iyong nanay ko, may pagkabungangera at iyong
tatay ko naman, madalas akong hambalusin ng tambo kapag nasusunog ko ang sinaing
ko. May mga makukulit akong kapatid na madalas eh nakakabuwisit, pero masaya pa
rin! Kasi kumpleto ang pamilya namin."

Natawa ang lahat ng bahagya sa kuwentong iyon ni Wilbur.


"Tama ka. Isipin niyo, ang mga bata sa Orphanage ay wala nang pamilya o bahay na
mauuwian. At ang iba pa sa kanila ay may mga kapansanan. Masuwerte tayong mga
nilalang na ipinanganak ng normal. Doon pa lang, nakakalamang na tayo. Kaya sana,
huwag kayong maging mapanglait sa mga taong medyo iba sa atin. Hindi iyon maganda."
sermon pa niya.

Napapahangang napatingin ang mga bata kay Blade. Parang hindi sila makapaniwala sa
sinabi ng kanilang guro. Parang biglang nagkaroon ng himala. Hindi nakatiis si
Jecon, tumayo siya.

"Bakit?!" nagtatakang tanong ni Blade.

Napakamot sa kanyang batok si Jecon.

"Eh Sir Blade, may sakit ka ba ngayon?" alanganin nitong tanong.

Nagulat si Blade sa tanong ng kanyang estudiyante. Napakunot-noo siya.

"Nalase! Wala akong sakit. Bakit mo ako tinatanong ng ganyan?"

"He he he. Eh ang tino ng sinabi mo kanina eh. Nabigla kami. Hindi namin akalain na
kaya mong magtino."

"Abuwisit ak pa! Matino naman ako ah? Bakit, ngayon niyo lang nalaman? Nakaka-hurt
ng feelings ah. Ang tagal na nating mgakakasama eh hindi pala matino ang tingin
niyo sa akin. Ageeeh! Ang sakit naman noon!"

Sinapo ni Blade ang dibdib habang nagdradrama. Napaismid naman si Rane.

"Sino naman kayang maniniwala na matino ka ng ganyang lagay?" mahina niyang


comment.

Matapos magdrama ni Blade ay umayos na siya at muling ibinaling ang atensyon sa mga
estudiyante niya.

"Alam niyo, nag-aalala ako sa mga bata sa Orphanage. Paano sila kapag tag-ulan o
kaya kung may bagyo? Tiyak na mababasa sila sa tent at lalamigin. Kailangan talaga,
maipaayos sa lalong madaling panahon ang Orphanage. Anak na lase! Sana iyong mga
perang nakukurakot eh napupunta na lang sa mga ganyan. Buwisit talaga ang mga
kurakot! Mga salot!"

Sumang-ayon ang mga estudiyante niya sa comment niya. At least, kahit bata pa lang
ang mga ito ay concern na sa issue sa lipunan. Aware na sila. Umupo siya sa mesa at
napa-de-kuwatro.

"Sana may pagkalapan tayo ng pondo para kahit paano eh maumpisahan na ang paggawa
sa gusali." wika pa niya.

"Hayaan mo Sir! Kapag may nalaman kami, ia-update namin agad sa'yo." wika ni Louie.

"Sige, asahan ko iyan. Ehem! Klase na tayo!"

Nagsimula na nga sa pagtuturo si Blade.

Samantala, imbes na maghapon na matulog ay lumabas si Drake. Kailangan niyang


mahanap ang taong iyon dahil kailangan niya ng kasagutan. Kasalukuyan siyang
naglalakad ngayon sa park. Kanina pa siya naglalakad sa kung saan-saan. Bumuntung-
hininga siya at naupo sa bench na nakita niya. Sumandal siya doon at mariing
ipinikit ang mga mata. Sumasakit na ang ulo niya sa kakaisip. Nabulabog siya ng
husto sa isang bagay na bahagi ng kanyang nakaraan. Muli niyang iminulat ang
kanyang mga mata at marahang nagmasid sa paligid. Nanlaki ang mga mata niya at
muntik na siyang mahulog sa bench na kinauupuan niya.

Nasa katapat niyang bench ang taong hinahanap niya. Nakasuot ito ng school uniform
ng isang pangmayamang paaralan. May hawak itong sketch pad at nakatutok ito sa
kanya. Tumingin-tingin siya sa paligid. Wala namang ibang tao doon maliban sa
kanya. Mukhang ini-sketch siya noong babae. Nag-init ang pisngi niya kasi para
siyang specimen na pinag-aaralan nito habang nakatitig sa kanya at doon sa
sketchpad na hawak nito. Charcoal pencil ang ginagamit nito. Tumayo siya at
naglakad papunta sa kinaroroonan ng babae. Huminto siya sa tapat nito. Patuloy lang
ito sa ginagawang pagguhit sa sketchpad.

"Ehem!" untag niya.

Napakislot ito at natigilan. Marahan itong nag-angat ng tingin at tulirong


napatingin sa kanya. Tsinita ang babae at maputi. Brown na brown ang mga mata nito
at may katamtamang tangos ng ilong. Kaunti lang ang resemblace ng mukha nito kay
Erein. Pero gusto niyang magbakasali.

"Ahm, sorry! Pupunitin ko na lang ang sketch mo, K-Kuya..." alanganin nitong wika.

Natuliro si Drake ng marinig niya nag boses nito. Na-kegtot ang heart niya.
Kaparehong-kapareho iyon ng timbre ng boses ni Erein. Napatingin siya kuwintas na
suot nito. Wala sa sariling naupo siya sa tabi nito.

"Sabihin mo, magkano ang kuwintas na suot mo?" sa halip ay wika niya.

Maang na napatingin si Daisy sa kuwintas na suot niya. Pagkatapos noon ay nagtataka


siyang napatingin sa mukha ng kanyang kaharap.

"Bakit?" nagtataka niyang tanong.

"Gusto kong malaman kung saan mo iyan nabili."

Umiling siya.

"Hindi ko ito binili. Ibinigay ito sa akin ng Lola ko na minana din niya sa kanyang
Lola." paliwanag niya.

Nangislap ang mga mata ni Drake sa kanyang narinig. Napalunok siya at hindi
makapaniwala. Sa tinagal-tagal ng panahon... Hindi niya akalain na magkakaroon pa
ng karugtong ang nakaraang bahagi ng buhay niya.

"Gusto kong bilhin ang kuwintas mo. Magbigay ka ng presyo." seryosong wika ni
Drake.

"Hindi ko ito ibinibenta. Pamana ito sa akin at nagsisilbing alaala ng namayapa


kong Lola. At pasensiya na nga pala, hindi na kita-iguguhit ng walang pahintulot."

Akma niyang pupunitin ang papel sa sketchpad pero mabilis na hinawakan ng lalaki
ang kamay niya para pigilan siya. Nagulat siya sa ginawa nito pero mas nagulat siya
ng maramdaman niya ang kamay nito dahil malamig. Nagtataka siyang napatingin dito.
Parang hindi yata normal iyon? Malamig?! Natauhan naman si Drake sa kanyang ginawa
ng makita niya ang nagtatakang tingin ng kaharap niya. Halatang nagulat ito ng
maramdaman ang kanyang kamay.

"Ahm, pasensiya na. Gusto ko lang sanang sabihin na ayos lang sa akin."
Napatingin si Drake sa larawang niyang nakaguhit sa sketchpad at napahanga siya.
Hindi pa man iyon natatapos ay nagagandahan na siya. Binitiwan na niya ang kamay ng
babae at nahihiyang napaurong ng upo.

"Sige, salamat kung ganoon Kuya."

Akmang tatayo si Daisy ngunit pinigilan siya ng lalaki. Hinila nito ang braso niya
at nagtataka siyang napatingin dito.

"Sandali, ako nga pala si Drake Summertime."

Inilahad ni Drake ang kanan niyang kamay. Amuse naman na napatingin si Daisy sa
lalaki. Napailing siya at natawa. Hindi siya makapaniwala sa pangalang narinig
niya.

"Imposible." bulalas niya.

Napakunot-noo si Drake.

"Teka, anong imposible?" maang na tanong ni Drake.

Naupo ulit sa bench ang dalaga at matamang tumingin sa kanyang mukha. Tumawa ito ng
mahina.

"Alam mo, hindi ko alam kung nagjo-joke ka o ano?! Pero, totoo ba talagang Drake
Summertime ang pangalan mo?!" natatawang wika ng dalaga.

"Oo naman. Bakit?"

Napahawak si Daisy sa kuwintas niya at matamang tumingin sa lalaki. Pagkatapos ay


napangiti siya at natawa. Magkapangalan lang siguro ang dalawa. Natawa na rin si
Drake kahit na hindi niya alam kung ano ang pinagtatawanan ng kasama niya.
Nakatutok ang paningin niya sa mga pisngi nito na may malalalim na biloy. Lumilitaw
ang mga iyon kapag nagsasalita o kaya kapag tumatawa ito.

"Alam mo kasi, ang kuwintas na ito ay ibinigay ng first love ng Lola Erein ko. Siya
ang Lola ng Lola ko, gets?. Magaling daw siyang tumugtog ng violin at dahil sa
isang aksidente, nabulag siya. At nang mabulag siya, doon niya nakilala ang
lalaking minahal niya na nagngangalang Drake Summertime. Nagpaturo sa kanya ang
lalaki na tumugtog ng violin. Unti-unti, na-inlove siya doon sa guy. Kaya lang,
biglang umalis iyong lalaki bago pa maoperahan sa mata si Lola at bago pa siya
makakitang muli. Ang iniwan lang sa kanya ay ang kuwintas na ito at ang pink na
lily na pinakahuling ibinigay. That jerk broke my Lola's heart. How dare him!"

Ibang klase ang guilt na nadama ni Drake ng marinig niya ang kuwento nito.
Napalunok siya ng katakot-takot. Siya nga ang jerk na tinutukoy nito! Anong gagawin
niya?!

"Sayang, kung may chance lang sana... Gusto kong iganti si Lola. Gusto kong
sampalin o kaya sipain ang lalaking iyon! Napaka-unfair niya!" dugtong pa ng
dalaga.

Huminga ng malalim si Drake.

"M-Malay mo, may malalim na dahilan kung bakit umalis ang lalaking iyon..."
alanganing wika ni Drake.

Natigilan si Daisy at natatawang napatingin sa kasama niya. Masyado siyang nadala


ng kanyang emosyon ng marinig niya ang pangalan nito. At imposible naman na ang
first love ng Lola niya at ang lalaking katabi niya ay iisa?!

"Sorry ah? Medyo nadala lang ako. Kapangalan mo naman kasi eh. Tsaka, imposibleng
ikaw siya dahil panahon pa ng rennaisance iyon. Isa pa sa Pennsylvania naganap ang
mga pangyayaring iyon. Pero at least, nakamove on din si Lola kaya lang, hindi siya
nakalimot... Kaya iyong kuwento, nagpasalin-salin sa amin."

Lalong nalunod sa guilt si Drake. 'Aray ko! Pakiramdam ko, ang sama-sama ko! Apo na
pala siya ni Erein!'

Tumayo na ang dalaga.

"Sorry Kuya! Male-late na ako sa klase ko. Iwan na kita at salamat sa time! Next
time na lang ulit, bye!"

Pagkatapos noon ay nagmamadali itong umalis. Huli na nang maalala ni Drake na..

"T-Teka lang! Di mo pa nasasabi ang pangalan mo! Sandali-haaaay! Wala na siya..."


frustrate niyang wika.

Napakislot siya ng mag-vibrate ang cellphone niya. Tiningnan niya kung sino ang
nag-text... Si Creta. Magme-meeting daw silang lahat mamayang hapon sa bahay ni
Zech para mag-isip ng paraan kung paano makakakuha ng pondo para sa pagpapatayo ng
gusali ng Orphanage. Napangiti siya, gusto din niya ang ideya.

Kinahapunan, nagtataka si Zech ng pagbuksan niya sina Blade, Creta, Hunter at


Drake.

"Anong ginagawa niyo dito?" gulat niyang tanong.

"Puwede bang makituloy muna dito? Nag-iisip kaming lahat kung paano kami
makakakalap ng malaki-laking pera na ipangtutulong sa Orphanage." wika ni Creta.

"Ganoon ba? Sige, pasok kayo sa loob."

Tumuloy na nga sa loob ng bahay ang mga kaibigan niya. Dumiretso si Zech sa kusina
at naghanda ng kung anong makakain nila. Gusto din niyang maki-join sa agenda ng
kanyang mga kaibigan. Gumawa siya ng tuna sandwich at melon juice. Nang matapos
siya ay agad siyang nagpunta sa sala. Busy ang lahat sa pagbe-brain storm.

"Kung mag pa-fun run na kaya tayo?" si Hunter.

"Ang tanong, saan tayo kukuha ng ipapapremyo doon sa mananalo?" si Blade.

"Okay, ibang idea na lang." pakli ni Hunter.

Inilapag na ni Zech ang tray na may lamang pagkain at kanya-kanyang kuha ang lahat.
Naupo na si Zech at nag-brain storm na rin. Tahimik silang lahat sa buong sandali
hanggang sa makarinig sila ng malakas na katok sa pinto. Akma pa lang tatayo si
Zech pero bumukas na ang pinto. Bumungad sa kanilang lahat si...

"URIEL?!!..." bulalas nilang lahat.

Ngumiti ng maluwag si Uriel sa kanila.

"Ako nga at dala ko ang sagot sa inyong problema." excited nitong sagot sa lahat.
"Talaga?! Ano?" excited na tanong ni Creta.

Naglakad papunta sa gitna ng sala si Uriel at iniladlad ang poster na hawak nito sa
kanang-kamay.

"Heto na ang sagot sa inyong problema! MR. POGI contest! Kung sasali kayo, tiyak na
malaki ang chance na makuha ng isa sa inyo ang 100K na grand prize plus, mga minor
awards! Bagay ito sa inyo dahil labanan ito ng paguwapuhan! Kaya ano pang inaantay
niyong lahat? Game na!" masiglang wika ni Uriel.

( ITUTULOY... )

**************************************

( sinabi sa akin ni bestfriend na dapat i-plug ko din daw ang mga other stories
ko... Sa katunayan, nakatago lang silang lahat dati sa files ko at siya lang ang
nagbabasa... Here's my other stories.

MEN IN ACTION 1: AEON SANTIAGO

MEN IN ACTION 2: ERVINE SANDOVAL

MEN IN ACTION 3: VENOM MONTECRISTO

MEN IN ACTION 4: SIEGE JONSON

#new MEN IN ACTION 5: ROCK HORRISON

TRAVIS CASTLE

ESCAPE FROM HELL.

Read it if you like, thank you!

brose_fire )

22. Mr. POGI

"MR. POGI"

Naglakad papunta sa gitna ng sala si Uriel at iniladlad ang poster na hawak nito sa
kanang-kamay.
"Heto na ang sagot sa inyong problema! MR. POGI contest! Kung sasali kayo, tiyak na
malaki ang chance na makuha ng isa sa inyo ang 100K na grand prize plus, mga minor
awards! Bagay ito sa inyo dahil labanan ito ng paguwapuhan! Kaya ano pang inaantay
niyong lahat? Game na!" masiglang wika ni Uriel.

Ilang beses na napakurap ang lahat at tulirong napatingin sa poster na hawak ni


Uriel. Hindi basta-basta ang paligsahan na iyon dahil karamihan sa mga sponsors ay
brand ng mga mamahaling pabango at ilang sikat na Men's Clothing line. Unang
nakabawi sa pagkagulat si Zech. Ngumiti siya ng alanganin.

"T-Teka lang, puwede bang mag-pass ako diyan?" alanganin niyang wika kay Uriel.

Natuon ang atensiyon ng lahat sa kanya. Napangiwi siya. Huminga ng malalim si Zech.

"H-Hindi naman sa hindi ko gustung tumulong. P-Pero takot akong humarap sa crowd.
Iniisip ko palang, bumabaliktad na ang sikmura ko-Urgh! Excuse me!"

Tuluyan na ngang bumaliktad ang sikmura ni Zech. Mabilis siyang tumakbo papunta sa
banyo at doon siya nagsuka. Napailing naman si Uriel at bahagyang natawa.

"Hindi nga pupuwede si Zech dito. Kayong apat na lang!" nakangiti pa niyang pakli.

Nagtaas ng kamay si Creta.

"Bakit?" tanong ni Drake dito.

"A-Ahm... Hindi naman sa hindi ko gusto. Qualified naman ako dahil guwapo ako, may
talent... Pero lagot na kapag nasa question and answer na. Sa mga ganoon, madali
akong kabahan ng sobra. At kapag kinabahan na ako, wala na. Brain-damage na.
Puwedeng ako na lang ang bahala sa mga gamit at costumes?" presinta niya.

Napahawak sa kanyang baba si Uriel.

"Maganda iyang naisip mo. Kayong dalawa ni Zech ang magiging manager nilang tatlo."

Nag-react na si Hunter.

"P-Pero-!"

"Hep! Kayong tatlo ang sasali, tapos ang usapan!" final na wika ni Uriel.

Tumayo naman si Blade at prenteng tumingin kina Hunter at Drake.

"Guys, gawin natin ito para sa charity. At pasensiya na lang kayo sa araw ng
contest kasi ituturing ko kayo bilang mga kalaban. Aba, labanan ito ng paguwapuhan.
Hindi ako makapapayag na basta magpatalo na lang sa inyo kahit mga kaibigan ko pa
kayo." hamon ni Blade sa dalawa.

Napataas ng kilay si Drake at ikinuyom ang kanyang kanang-kamao.

"Pasensiya ka na, Blade... Ngayon ko papatunayan na mas guwapo ako sa'yo. Aba,
hindi ako papayag na tawagin mo na lang akong bangkay. Palagi mo na lang akong
inaapi at chance ko na ito para bumawi!" tanggap ni Drake sa hamon ni Blade.

Nasapo naman ni Hunter ang noo. Nagkakasubukan na ang dalawa at wala siyang balak
pumatol sa patutsadahan ng mga ito. Kaya lang ay nadamay pa siya sa pagsali sa
contest. Kung ang dalawang ito na lang sana at bahala na siya sa moral support. Ang
kaso, si Uriel na ang nag-utos.
"Okay! Ayos na ang usapan! Tara na at open pa ang screening!" yaya ni Uriel.

Pinuntahan naman ni Creta si Zech para tawagin. Tuluyan na itong kumalma ng ibalita
niya dito na sina Blade, Hunter at Drake ang sasali sa Mr. Pogi at silang dalawa
ang bahala para i-manage sila.

"Salamat naman kung ganoon." relief na wika ni Zech.

Naglakad na sila papunta sa kanilang mga kasama.

"Huh, nakalusot ka ah." mariing wika ni Uriel kay Zech.

Ngumiti siya dito ng alanganin. Mukhang balak talaga siyang isali ni Uriel sa
contest na iyon. Pero sorry na lang ito. Magkakalat talaga siya ng literal sa stage
kapag nagkataon.

Umalis na sila at nagpunta sa lugar kung saan ginaganap ang screening. Sa sikat na
hotel sila nagpunta, ang Resort World Philippines. Doon din magaganap ang
paligsahan. Madami silang nadatnang lalaki na nag-o-audition at mukhang mahigpit
ang magiging labanan sa araw ng paligsahan dahil lahat ng naroon ay mga magagandang
lalaki din.

"Miss, pabunutin mo na sila ng numero." utos ni Uriel sa babaing namamahala sa


screening.

"Lahat po sila, Sir?"

Nakangiting tumingin ang babae kina Hunter, Blade, Zech, Drake at Creta. Inilahad
nito ang bowl na may lamang mga numero.

"Hindi, itong tatlo lang."

Itinuro ni Uriel sina Blade, Drake at Hunter.

Nanghihinayang na tumingin ang babae kina Zech at Creta.

"Sir, sayang naman kung hindi silang lahat ang sasali." pakli ng babae.

"Sorry, Miss... Pero kaming dalawa ang manager nilang tatlo." hindi nakatiis na
wika ni Zech.

"Ay, ganoon ba? Pero sayang talaga!"

Napatingin naman si Hunter kay Uriel.

"Teka, hindi ba kami dadaan sa screening?" nagtataka niyang tanong kay Uriel.

"Oo nga. Handa na nga akong sumagot sa mga tanong eh." wika pa ni Blade.

Ngumiti ng nakakaloko si Uriel. Mataman itong tumingin sa mukha ng lahat.

"Eh isa ako sa may pakana ng contest na ito eh. Di automatic na kayong tatlo. Basta
galingan niyo sa contest ah? Mahigpit ang mga kinuha naming judge. Lahat sila ay
mga representative ng mga sikat na product."

"Abuwisit ak pa. Ibinigay mo nga ang sagot sa problema namin, pahihirapan mo naman
kami." pakli ni Drake.
"Talagang ganyan. Kung gusto niyong makuha ang prize, galingan niyo. Ilabas niyo
ang lahat ng itinatago niyo sa contest na ito. Alalahanin niyo ang mga bata sa
Orphanage!" nakakalokong wika ni Uriel.

"Sige na, bumunot na kayo ng magiging numero niyo." dugtong pa niya.

"Ako na ang mauuna." wika ni Drake.

Bumunot na siya ng numero sa bowl at nang makuha niya ang numero ay nakahinga siya
ng maluwag. No. 14.

"Whew! Buti na lang, hindi number one!" relief niyang wika.

First time niyang sumali sa ganitong patimpalak. Buong-buhay niya, nahihiya siyang
ilantad ang kanyang sarili dahil nga bampira siya.

"Ako na ang susunod! Give me the number one!" confident naman na wika ni Blade.

Excited na kumuha ng numero si Blade. Laking pagkadismaya niya dahil Twenty-one ang
nakuha niya.

"Congrats, Sir! Nakuha mo ang last number." wika ng babae.

"Nalase, last pa ay!" reklamo ni Blade.

Pero okay na rin at least, matagal ang time para makapagready siya. Huminga naman
ng malalim si Hunter ng siya na ang bubunot. Kagaya ni Drake ay first time din
niyang sumali sa ganitong uri ng contest. Sumasali siya sa mga competition pero sa
pagluluto iyon at ibang-iba ito doon. Ngayon pa nga lang ay problema na niya ang
magiging talent niya at kung saan siya kukuha ng ibang klaseng kapal ng pagmumukha
para humarap sa madla. Bahala na! Bumunot na siya ng numero sa bowl at...

"OH MY GOSH!!!!...." malakas na bulalas ni Hunter.

Napatingin ang mga tao sa kanya at nahihiya siyang napayuko.

"Ha ha ha ha! Suwerte!" natawang wika ni Blade.

Number one ang nakuhang numero ni Hunter. Desperado itong tumingin si Hunter kina
Blade at Drake.

"Papalit naman ng number oh!" wika niya.

"Ayaw ko nga! Mas gusto kong nasa kalagitnaan." sagot ni Drake.

"Ayaw ko rin! Save the best for last, Hunter. Good luck na lang kasi ikaw ang unang
magdadala ng contest. Huwag mo kaming masyadong ipre-pressure ha?" nang-aasar na
wika ni Blade.

"Tse! Abuwisit ak pa!" naiinis niyang pakli.

Nasapo niya ang kanyang noo at hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin. Bahala
na nga lang!

Matapos nilang bumunot ng numero ay dinala sila ni Uriel kung saan ginaganap ang
practice ng mga napiling contestants. Ipinaliwanag din sa kanila ang magiging
mechanics ng contest.
Kinagabihan... Kasalukuyang gumagawa ng assignment niya si Rane ng makarinig siya
ng mga papalapit na yabag. Napaangat siya ng tingin at nakita niya ang nakangiting
mukha ni Blade.

"Yoh!" bati nito.

Naupo ito sa tapat niya at matamang tumingin sa kanyang mukha. Nagtataka siyang
tumingin dito kasi parang may gusto itong sabihin sa kanya.

"Bakit?" tanong niya.

"Hmm... Nakahanap na kami ng paraan para makakuha ng malaki-laking pondo para


maumpisahan na ang pagpapagawa sa nasunog na Orphanage." umpisa nito.

"Talaga?" natutuwang wika ni Rane.

"Oo, pero animal! Medyo kinakabahan ako sa gagawin namin. Whew..."

Napahalukipkip si Rane at nagdududang tumingin sa mukha ng kanyang kaharap.

"Huwag mong sabihing gagawa kayo ng ilegal?" bigla niyang wika.

Bahagyang nagulat si Blade sa sinabi niya pero tumawa ito ng mahina.

"Wrong-mistake! Hindi ah! Nalase ka naman, hindi namin kaya ang ganoon no."

"Eh ano ba kasi ang gagawin niyo?"

Napaubo si Blade kunwari.

"Ako, si Drake at si Hunter... Sasali kami sa Mr. Pogi at kapag nakuha ng isa sa
amin ang grand prize, ido-donate namin iyon sa nasunog na Orphanage. Medyo
kinakabahan ako kasi iba naman ang isang ito sa mga event sa school. Anak na lase!
Huwag mong sasabihin kahit na kanino ah? Lalo na kina Drake at Hunter kasi hinamon
ko pa sila. Hindi ko ipinahalatang kinakabahan din akong lase. Whew... Sana kahit
sino sa amin ang manalo."

Napabuka ang labi ni Rane sa rebelasyon ni Blade. Pero pagkatapos noon ay natutuwa
siyang napatingin dito.

"Talaga?! Gagawin niyo iyon?" amuse niyang tanong.

"Oo nga eh. Alang-alang sa mga batang ulila na kinukupkop sa Orphanage. Alam mo
bang sobrang na-touch ang heart ko ng makita ko iyong isang bata na may kapansanan
na pinagtiyatiyagaan iyong nasunog niyang saklay? Kaya gagalingan ko talaga."

Napahanga siyang tumingin sa mukha ni Blade. May pakinabang din naman ang kakapalan
ng pagmumukha nito.

"Sige, susuportahan ko kayo diyan! Sa katunayan, nagbabalak nga kami nila Daddy na
magsagawa ng fund raising para sa Orphanage. Kapag nakuha niyo ang grand prize plus
ang makukuha namin sa fund raising..."

Nag-isip sandali si Rane para magkuwenta sa utak niya.

"Maipapagawa natin ang Orphanage sa lalong madaling panahon!" bigla niyang wika.

Napangiti si Blade sa narinig niya.


"Sa atin lang muna ito ah?"

"Okay."

Tapos biglang napaisip si Rane.

"Teka lang, hindi sasali sina Creta at Zech?"

Nagkibit-balikat si Blade.

"Ayaw nila eh. Sige, alis na ako." paalam ni Blade.

"Sige..."

Tumalikod na si Blade at biglang naglaho. Mukhang pinuntahan siya nito para


maglabas ng saloobin. Napangiti siya ng matipid. Marunong din naman pala itong
kabahan kahit na makapal ang pagmumukha nito. Pero biglang siya ang nakadama ng
kaba... Ano nga kayang gagawin nitong talent sa contest?!

"Sana kahit isang araw lang, magtino si Blade. Madaming tao ang manonood sa event
na iyon!" bulalas na lang niya.

Kinabukasan... Habang naglalakad sina Hunter at Blade sa school ay...

"Good luck!" wika ng isang fourth year student na babae.

"T-Thank you?" alanganing sagot ni Hunter.

Nagkatinginan sila ni Blade. At pagkatapos noon ay binati pa sila ng maraming


estudiyante at ng mga teachers.

"Teka, may pinagsabihan ka ba doon sa plano natin?" tanong ni Hunter kay Blade.

"Oo. Pero kay Rane lang. Kilala mo naman siya, hindi siya tsismosa."

"Oo nga... Pero sino ang nagkala-Waaaaah!..."

Napasigaw ng ganoon si Hunter ng makita niyang ikinakabit ni Uriel ang poster ng


Mr. Pogi sa dingding ng canteen at naroon ang picture nilang mga contestants.

"Anak na lase!" gulat ding bulalas ni Blade ng makita niya si Uriel na nagkakabit
ng poster.

Natapos nang ikabit ni Uriel ang poster at nakangiting humarap sa kanila.

"Oh ano? Ayos ba, ha?" nakangiti pa nitong wika.

Napahawak sa ulo niya si Blade.

"Pambihira ka naman, Uriel! Abuwisit ak pa! Bakit ka nagkabit ng poster ng Mr. Pogi
dito?! Balak ko pa naman sanang i-surprise ang lahat eh! Nalase naman, inunahan mo
ako!" akusa ni Blade.

Tumawa lang si Uriel.

"Eh naisip kong gawin ito para makalamang kayo sa audience impact. Siya nga pala,
pamilyar ba sa inyo si contestant number 9?" biglang tanong ni Uriel.

Itinuro pa nito ang picture. Tiningnang maigi nina Hunter at Blade ang mukha ng
contestant number 9. Sabay na nanlaki ang kanilang mga mata sabay bulalas ng...

"ALEISTER?!"

"Yes, siya nga. Dahil ayaw nina Creta at Zech eh nagawa kong pakiusapan si Aleister
na sumali din. Napa-Oo ko siya ng maikuwento ko sa kanya ang tungkol sa nasunog na
Orphanage. At ang sabi niya, hindi siya magiging mabait sa inyo dahil lalabanan
niya kayo. Pasensiyahan na lang daw."

Natawa ng pagak si Blade at napailing. Mukhang mas lalo siyang na-challenge. Eh si


Drake nga naghahanda na ngayon palang. Mukhang seryoso ito sa hamunan nilang
dalawa. Steady at cool lang si Hunter. Puwes, hindi rin siya mgapapatalo!

"Sa kapalan lang ng pagmumukha, ako na ang panalo dito." confident niyang wika.

"Aminado ako diyan." sang-ayon ni Hunter.

Ngumiti naman ng maluwang si Uriel.

"Mamayang hapon, meeting place niyo ang bahay ni Zech para sa pagpra-praktis ng
inyong mga talents. Guys, good luck! Painitin niyo ang competition. Iyon ang rason
kung bakit ko kayo isinalpak dito. Ituring niyo na lang itong isang Major
mission..." pilyong wika ni Uriel.

"Ikaw talaga, Uriel! Loko ka rin eh. Anak na lase!"

"Pilyo lang ng kaunti. Blade, sa contest dapat wala iyang expressions mo ah?"

"Okay, fine! Magtitiis ako."

"Good. Training na rin ito para sa bibig mong brutal. Sige, aalis na ako at marami
pa akong aasikasuhin para sa event. Bye!"

Samantala... Abala na si Drake sa pagsasanay niya ng kanyang talent para sa


contest. Nasa bahay siya ni Zech. Medyo lamang siya sa oras dahil sa gabi ang
kanyang trabaho. Kasalukuyang kinakalikot ni Zech ang laptop. Ilang sandali pa ay
tumingin ito sa kanya.

"Okay, natapos ko nang gawan ng minus one ang kanta. Ipi-play ko na siya at sabayan
mo. Titingnan ko kung nasasabayan mo ang minus one." wika ni Zech.

"Sige."

Inihanda ni Drake ang sarili. Tutugtog siya ng violin. Iba ito sa mga nakasanayan
niyang gawin. Mayroon siya ngayong sasabayang minus one. Ang tutugtugin niya ay
Love me like you do-theme ng Fifty Shades of Grey.

"One-two-three! Ipi-play ko na!" hudyat ni Zech.

Pinakinggang maigi ni Drake ang tugtog. At pagkatapos noon ay sinabayan na niya ang
minus one. Napatanga naman si Zech sa labis na paghanga. Wala naman kasing ka-
effort-effort kay Drake ang ginagawa nitong pagtugtog ng violin. Medyo napapasayaw
pa ito at sabay na sabay ito sa music. Hanggang sa chorus lang ang pinatapos ni
Drake.

"Oh, kamusta?" untag niya kay Zech.

"Pambihira ka Drake! Iyong minus one lang ang naitulong ko sa'yo. Umuwi ka na nga.
Gagawa pa ako ng mga costumes niyo para sa ethnic attire. Si Creta naman, busy na
siya para sa paggawa ng casual wear, sports wear, at siya na rin daw ang bahala sa
mga trunks niyo." taboy ni Zech.

Napakamot sa batok niya si Drake.

"Sigurado ka bang okay na?" tanong pa niya.

Huminga ng malalim si Zech at tinapik sa balikat si Drake.

"Oo. Sobra akong na-amaze. Napaka-effortless. Hindi ka ba confident sa sarili mo?


Ang galing mo kaya." puri pa niya.

"Abuwisit ak pa... Ngayon ko lang naman gagawin ito. Kagaya mo ay takot akong
humarap sa maraming tao. Mas malala ka nga lang kasi halatang may phobia ka
talaga."

Itinaas ni Zech sa ere ang kamay.

"Huwag mo nang ipaalala. Sige na, mahirap gawin ang Ethnic attire, kailangan ko ng
oras."

"Sige, salamat sa minus one. Sa bahay na lang ako magpa-praktis." paalam ni Drake.

"Ingat!"

Kumaway na lang si Drake kay Zech bago siya tuluyang lumabas. Pagkalabas ni Drake
ay nag-umpisa na sa paggawa ng costumes si Zech.

"Loko ang Creta na iyon. Sa akin talaga ipinatoka ang Ethnic? Naisahan niya ako, sa
lahat ng attire na gagawin eh ito ang pinakamahirap! Kailangang ibagay ko din ang
costumes na gagawin ko doon sa tatlo."

Napabuntung-hininga siya ng marahas. Narinig niyang bumukas ang pinto ng bahay


niya. Napatingin siya doon at nakita niya si Azrael na nakangiti habang papalapit
sa kanya.

"Bakit?" tanong niya.

"Hmm... Wala lang. Nabalitaan ko lang ang tungkol sa Mr. Pogi. Nandito ako para
hamunin ka sa isang pustahan."

Napatigil sa ginagawa niya si Zech at natatawang napatingin sa mukha ni Azrael.

"Ano namang pustahan?" tanong niya.

"Kapag nagawa mong patinuin si Blade sa contest. Magsusuot ako ng trunks na may
logo ng red angry bird. At... Iyon lang ang suot ko ng whole day habang nasa public
ako."

Nanlaki ang mga mata ni Zech sa kanyang narinig. Parang gusto niyang patulan ang
kabaliwan ni Azrael. Napakagat siya sa kanyang labi at nagdududang tumingin sa
mukha nito.

"Seryoso ka?" nagdududa pa niyang tanong.

"Naman."

Humalukipkip siya at huminga ng malalim.


"Eh paano kapag natalo ako?"

"Ikaw ang gagawa ng task."

Natawa siya ng pagak.

"Son of a bitch! Baliw ka rin eh!" comment niya.

"Naduduwag ka ba? Balita ko, umatras kang sumali dahil duwag ka. Ngayon, totoo nga
ang nabalitaan ko-"

Hindi na pinatapos magsalita ni Zech si Azrael.

"Deal! Kaya kong patinuin si Blade sa contest kaya maghanda ka!" bulalas niya.

Tumawa ng nakakaloko si Azrael.

"Yan ang gusto ko sa'yo, Zech! Hindi ka umaatras sa hamon. Pero alalahanin mo, si
Blade ang pinag-uusapan natin dito."

Natauhan si Zech sa huling sinabi ni Azrael. Huli na nang ma-realize niya ang
kanyang ginawa. Napasubo na siya at wala nang atrasan.

"Hindi na kita aabalahin. Good luck na lang sa atin. Bye!"

Mabilis na naglakad paalis si Azrael at naiwang kinakabahan si Zech. Mukhang


kailangan niya ng matinding himala para manalo siya. Dahil kapag natalo siya ay...
Napahawak siya sa kanyang dibdib. Hindi niya ma-imagine!

Dali-dali namang umuwi si Drake at pagdating niya sa kanyang bahay ay agad siyang
nagsimula sa pag-eensayo gamit ang minus one na ginawa ni Zech para sa kanya. Pero
kinahapunan ay pumunta ulit siya sa bahay ni Zech at nadatnan niya doon sina Hunter
at Blade.

"Hello!" masigla niyang bati.

Napakunot-noo si Blade ng makita niya ang mukha ni Drake. Parang ibang klase ang
sigla nito ngayon. Parang inspirado.

"Anong ngayari sa'yo?" tanong niya.

Nagkibit-balikat si Drake.

"Wala na akong problema. Praktisado ko na ang talent ko para sa contest. Sorry na


lang kayo." kantyaw niya.

"Anak na lase! Masaol, madaya, maduga ka!" bulalas ni Blade.

"Para-paraan!" bumelat pa si Drake kay Blade.

Tumawa naman si Zech at napailing.

"Guys! Tama na. Mag-umpisa na tayo sa agenda natin. Ah, siya nga pala... Si Drake,
okay na ang talent niya. Wala nang problema. Hunter, Blade... Ano ang talent niyo?"
untag ni Zech sa dalawa.

Huminga ng malalim si Hunter at nag-okay sign.

"Ayos na sa akin. May naisip na ako kagabi at tutulungan ako ni Creta. Napag-usapan
na namin. Kailangan ko kasi ng assistant doon sa talent na gagawin ko." wika ni
Hunter.

"Abuwisit ak pa! Kung ganoon, ako lang pala ang may problema sa talent!" bulalas ni
Blade.

Napatingin ang lahat sa kanya at halatang hindi nila inaasahan ang sinabi niya. Si
Blade pa?!

"Kung ganoon, iwan niyo kami ni Blade dahil tutulungan ko siya sa kanyang talent.
Magpakitaan na lang kayo sa contest para naman ma-surprise kayo sa isa't-isa at may
thrill." pakli ni Zech.

"Sabi mo eh." wika ni Hunter.

Umalis na sina Drake at Hunter at naiwan si Blade. Nang masiguro ni Zech na wala na
talaga ang dalawa ay mataman siyang tumingin sa mukha ng kasama niya.

"Mayroon ka bang naiisip na talent mo?"

Ngumiti ng pilyo si Blade kay Zech.

"Anaconda dance, level up?!?"

Nanlaki ang mga mata ni Zech at pagkatapos ay tumawa siya, fresh pa sa kanya ang
ANACONDA DANCE. Tumawa din si Blade.

"Utang na loob, Blade! Umayos ka!" di napigilang wika ni Zech.

Napatigil sila pareho sa pagtawa. Pero si Blade biglang nagseryoso.

"Joke lang naman iyon, nalase. Kung nagtri-trip lang ako, eh gagawin ko nga iyon.
Pero sa tuwing naiisip ko ang kalagayan ng mga bata sa Orphanage... Ehem! Nalase!
Alang-alang sa kanila, magpapakatino ako!" bulalas ni Blade.

Napatanga si Zech sa kanyang narinig. Natutuwa siyang lumapit dito at tinapik ang
kanang-balikat nito. Gusto niyang maiyak at magdrama. Mukhang maililigtas siya ni
Blade sa pustahang kinakaharap niya.

"Your a savior my friend!" makahulugan niyang wika.

"Kung ganoon, magsuggest ka na ng talent ko."

"Sing and dance pero sexy. Nasa pagkatao mo na ang pagiging sexy at pilyo at the
same time. Kaya ang bagay na kantahin mo ay Livin la Vida Loca by Ricky Martin.
Habang kinakanta mo siya eh sumasayaw ka rin. Kaya mo naman iyon dahil dancer ka.
Ang kailangan lang nating i-praktis ay ang sexiness ng boses mo. At huwag na huwag
mong kalilimutan ang eye contact sa audience at judges, kailangang maakit mo sila
ng husto sa iyong performance."

Napakamot sa pisngi niya si Blade.

"Kung ganoon, i-download mo na iyong video para mapag-aralan ko na siya." pakli


niya.

"Sige. Ibigay mo lahat sa performance mo, pero huwag ka ring bibigay ng tuluyan
ah?" pabirong wika ni Zech.

"Oo naman, fafa Zech!" pinalambing ni Blade ang boses.


"Yuck! Huwag ka ngang nagbibiro ng ganyan!" kinilabutang wika ni Zech.

Tumawa lang si Blade sa naging reaksyon niya.

"Magdownload ka na nga. At ako, magda-download din ng makakain sa kusina mo."


paalam ni Blade.

Bago pa makasagot si Zech ay tumalikod na si Blade at mabilis na nagpunta sa


kusina.

"Pambihira!" wika na lang ni Zech...

Ito na ang gabing pinakahihintay ng lahat. Ang Mr. Pogi contest sa Resort World
Philippines. Nakapuwesto sa unahan sina Rane, Karen, Conrad at ang kanilang mga
magulang. Nasa kalapit nilang puwesto ang mga kaklase niya at schoolmates. Naroon
din ang buong faculty ng BLBNHS. Lahat ay excited na. Sa unang bahagi ng program ay
ang pag-awit ng Lupang Hinirang, Pangasinan Hymn at Pozorrubio Hymn. Speech galing
sa mga judges at heto na nga.. Ang umpisa ng Mr. Pogi.

"Good Evening Everyone! Heto na ang pinakahihintay niyong lahat! Rarampa na at isa-
isang magpapakilala sa atin ang Twenty-one contestants! Kaya humanda na kayong
lahat dahil mag-iinit na ang gabing ito!" masiglang wika ni Uriel.

Siya ang host ng event at naroon din ang iba pang Archangels na nanonood. Curious
silang makita lahat kung anu-ano ang gagawin noong tatlo. Dinagsa din ng maraming
gays ang patimpalak at dahil sa announcement ni Uriel ay naghiyawan ng malakas ang
crowd.

"Here's our first contestant!" announcement ni Uriel.

Tumugtog ang music. Fashionista. Mula sa likod ng stage ay lumabas na si Hunter na


nakangiti sa lahat. Hiyawan ang mga tao dahil naka-topless si Hunter at ang suot
lang niya ay black na denim jeans at itim din na sapatos. Isang linggo silang
nagpraktis para sa paglalakad ala supermodel. Ang Levi's ang sponsor nila sa mga
suot nilang pantalon na kanilang irarampa sa unang bahagi ng patimpalak, at lahat
sila ay topless talaga. Lumibot muna sa buong lugar si Hunter para ilantad ang
sarili sa madla. Lahat ng kapal ng mukha na nasa kanya, ibinuhos na niyang talaga.

"I Love You, papa!" sigaw ng isa sa mga audience. Pilyong ngumiti si Hunter doon sa
gawi ng audience kung saan niya narinig ang sigaw at saka siya kumindat.

"EEEEEEHHH!!!... Laglag na ang puso ko!!!" maarte pang wika ng badang.

Hindi rin nakalimutang rumampa ni Hunter sa gawi ng mga taga-BLBNHS at kina Rane...
Lahat ay pumalakpak at sumigaw sa kanya. Matapos noon ay naglakad na siya pabalik
sa stage kung saan naroon ang microphone na naka-ready na. Huminga muna ng malalim
si Hunter at ngumiti sa lahat bago nagsalita. Sisimulan niya sa kanyang pick-up
lines..

"Kung pangit na ako sa inyong paningin... Paano pa kaya ang mga sumusunod sa akin?
At kapag ako ang nakahain, siguradong masasarapan kayo sa akin!... I'm your
contestant number one, Hunter Everlasting!"

"WOOOOH!!!...." sigaw ng lahat ng marinig nila ang pick-up lines ni Hunter.

"Mukhang mape-pressure ang lahat kay contestant number one!" singit ni Uriel.
Binigyan si Hunter ng masigabong palakpakan. Napabuka naman ang labi ni Rane pero
di siya makapagsalita. Napatingin siya sa katabi niyang si Karen. Hindi rin ito
makapaniwala.

"M-May sanib yata ni Sir Blade si Kuya H-Hunter..." alanganing wika pa ni Karen.

Matapos magpakilala ni Hunter ay naglakad na siya sa spot na inilaan para sa kanya.


Sumunod ang iba pang contestants... Hanggang si Aleister na ang sasabak. Cool lang
at halatang confident ito habang rumarampa sa buong paligid. Kagaya ni Hunter ay
nagpapa-cute din ito sa audience. Matapos niyang rumampa ay agad din siyang lumapit
sa mic at...

"Good Evening everyone! Ako ang matamis na mansanas na handa nang magpakagat..."
kumagat sa lower lip niya si Aleister at seductive na tumingin sa lahat.

"EEEEEEHHHH!!!...." kinikilig na sigaw ng lahat.

"At kapag ako ang natikman niyo, siguradong ikababaliw niyo! I'm your contestant
number nine, Aleister Appleton!"

Natawa ng bahagya si Hunter sa pick-up lines ni Aleister. Mukhang lahat sila,


lalabas ang kapilyuhang itinatago ngayong gabi. Wala na itong atrasan! Sumunod pa
ang iba pang contestants hanggang si Drake na.

"Ay!!... Ang tisoy-tisoy!!!"

Rumampa na si Drake at ngumiti ng simple at pilyo sa lahat. Kagaya ni Hunter, lahat


ng kapal ng mukha ay ibinuhos na niya ng todo. To the max level nang talaga.

"Kung pangit na ako sa inyong paningin... Mas lalo na ang mga nauna sa akin!"
pasimpleng sumulyap si Drake sa gawi ni Hunter at ngumiti.

Napailing naman ng simple si Hunter at ngumiti pabalik sa kanya. Natawa naman ang
mga audience sa sinabi ni Drake at sa ginawa niyang pagsulyap kay Hunter.

"Aba, may namumuong hamunan!" comment ni Uriel.

Nagpatuloy na sa kanyang pagsasalita si Drake.

"At kapag ako ang inibig mo, sisiguraduhin kong liligaya ka sa piling ko..." pina-
husky niya ang boses...

"I'M IN LOVE!!!!...."

"I'm your contestant number fourteen, Drake Summertime!"

Isang masigabong palakpakan ang umalingawngaw sa paligid. Mas malakas sa palakpak


kina Hunter at Aleister. At bahagyang nasorpresa si Drake sa naging reaksyon ng mga
tao. Na-build bigla ang tiwala niya sa sarili. Tuloy lang ang pagrampa ng lahat ng
contestants hanggang si Blade na... Nang lumabas na si Blade sa stage ay isang
masigabong palakpakan ang isinalubong ng buong BLBNHS.

"GO, SIR BLADE! WE LOVE YOU!!..." si Van.

Nag-flying kiss si Blade sa gawi nila at naghiyawan ng husto ang mga estudiyante
niya. Kampante siyang rumampa sa buong paligid at ngumiti sa lahat. Amaze naman na
napatingin si Rane kay Blade. Napatingin siya kay Karen.

"Parang iba yata si Sir Blade ngayon?" comment pa niya.


"Oo nga eh."

Matapos rumampa ni Blade ay nagpakilala na rin siya.

"Ako ang magtuturo ng pag-ibig sa puso niyo! At ako rin ang magtuturo para masabi
niyo ang salitang 'I Love You'! I'm your last contestant, number twenty-one...
Blade Archangel!"

Isang masigabong palakpakan ang umalingawngaw. Pumuwesto na si Blade sa spot na


nakalaan sa kanya.

"Give a big, big hand for our twenty-one contestants! And thanks for the Levi's
jeans, sila ang sponsor sa mga suot nilang pantalon! Again, here's our twenty-one
gorgeous men!..."

Isang masigabong palakpakan ang umalingawngaw sa paligid at muling rumampa ng isa-


isa ang mga contestants bago sila tuluyang umexit sa stage. Susunod ang sports
wear. Habang nagbibihis sila sa backstage ay...

"Hanep ka Hunter ah, sinu-sino na ang nasarapan sa'yo ah?" natatawang kantyaw ni
Blade.

Napabungisngis si Zech na naglalagay ng boxing gloves sa kamay niya. Surfing ang


sports ni Hunter, Kick boxing kay Drake at siya ay boxing.

"Tumigil ka nga! Eh ikaw, sino na ang mga naturuan mo, ha?" ganti ni Hunter.

Nagkibit-balikat lang si Blade at bumaling kay Drake.

"At ikaw naman Drake, sinu-sino na ang mga pinaligaya mo, ha?" bigla niyang
kantyaw.

Tumawa ng nakakaloko si Drake sabay sabing...

"Di ko na sila mabilang!"

Natawa si Aleister na nasa di kalayuan. Napansin siya ni Drake kaya naman


pinuntirya na rin niya sa pick up lines nito.

"Uy, Aleister! Ilan na ang pinakagat mo, ah?!" si Drake.

Napailing si Aleister at pilyong ngumiti.

"Ehem! Ako ang nangangagat eh!"

Tawanan ang lahat sa sinabi nito.

"Grabe kayo ah, hanep ang pick up lines niyo." nakangiting comment ni Creta.

Lumapit sa grupo nila si Aleister. Basketball ang sports wear nito.

"Uy, mambobola pala si Aleister!" kantyaw ni Drake.

"At ikaw, beautiful boxer!"

"Stop it, wala tayo kay Hunter, mga pare. Boy-sisid! Anak na lase! Ha ha ha ha!"

"Tse! Tumigil ka nga diyan, talo ka lang kay Mayweather eh...!" ganti ni Hunter.
Sutil naman na sumandal sa pader si Blade. Sabay drama nang...

"Bakit ganoon? Sinuntok ko naman, tinakbuhan ako...?! Talo pa rin?!"

Isang maingay na tawanan ang umalingawngaw sa backstage. Natatawa din kasi sa


kanila ang iba pang contestants. Matapos ng ilang intermission ay muli silang
rumampa suot ang kanilang mga sports wear.

"Okay, ibibigay na natin ang award para sa best in sports wear!" announcement ni
Uriel.

Kinuha niya ang envelope at binasa ang resulta.

"Ang nakakuha ng best in sportswear ay... Contestant number seven!"

Shooting ang sports wear nito. Astig kasing tingnan.

"Pambihira, panalo talaga kasi pumuputok." pabulong na wika ni Blade.

Nagtawanan silang contestants ng palihim dahil sa comment niya. Napalingon naman


ang contestant number seven sa kanila at pasimpleng nakitawa. Iginawad na ang sash
at envelope dito ng babae at lalaking judge na tinawag ni Uriel. After ng sports
wear ay ang Casual wear naman. At natuwa silang lahat dahil si Aleister ang
nakakuha noon. Mayroon na silang puhunan. Sumunod naman ang Ethnic. Sa backstage ay
aligaga ang lahat sa pagsusuot ng costumes. Pinakakomplikado kasi ang pagsusuot ng
Ethnic Costume.

"Wow, nag-gluta na pala si Machete!" comment ni Hunter kay Drake.

Igorot costume ang suot nito pero mas mukha itong si Machete dahil sa maganda
nitong katawan.

"Sa lamig lang yan ng klima sa La Presa! At ikaw, naghihirap na yata ang pharaoh sa
Egypt kaya pinatulan mo na itong contest? Anong silbi ng mga bato ng suot mo?"

Tumawa si Hunter. Pharaoh ang costume niya. Pinaghalong red at yellow na may
designs ng maraming kristal. Balak niyang hingiin ito kay Zech after ng contest
kasi type niyang gawing remembrance. Greek god Hurcules naman ang costume ni
Aleister.

"Uy, nabuhay si Hurcules!"

"Naman! Nasaan si Blade?"

Tumingin sa dressing room si Drake.

"Complicated daw ang costume niya sabi ni Zech. Ayon nga at marami pa yatang
ikinakabit."

Sa dressing room...

"Uy, arbor ko na itong costume ah? Remembrance." nakangiting wika ni Blade.

"Okay ba. Basta magpakatino ka."

"Nagpapakatino na nga ako, di ba?"

"Hindi nga ako nagkamaling sa'yo ipasuot ang costume na ito dahil wala kang hiya."
"Wala talaga ako noon! Animal!"

"Mag-ingat ka lang kasi baka may biglang sumulpot na ahas kapag rumampa ka na."
pabirong wika ni Zech.

"Anak na lase! Di pakakagatin ko siya sa mansanas." patol ni Blade.

Nagsimula nang rumampa ng isa-isa ang mga contestants suot ang kanilang mga Ethnic
attire. Lahat ay napapahanga sa ganda ng kanilang mga costumes. Napatanga ang mga
tao at napasigaw ng todo nang si Blade na ang rumampa sa stage. Confident na
ngumiti si Blade sa lahat.

"SUSMARYOSEP!!!!....." bulalas ni Mrs. Solano.

Pero ang iba ay napapatili ng todo. Ang costume ni Blade ay si Adan/Adam... May
cherry vines na nakapulupot kunwari sa kanyang katawan hanggang sa kanyang buhok at
may maliliit pa iyong pulang bunga. Maliliit lang ang vines. At ang maselang parte
ng kanyang katawan ay tila natatakpan lang ng malaking dahon. May panloob naman
siya na kakulay ng malaking berdeng dahon pero parang wala dahil sa pagkaka-
resemblance ng kanilang kulay. Sa kanang-kamay ni Blade ay may hawak siyang
mapulang mansanas. Hinayaan lang ni Zech na mag-sway sa ere ang mahabang buhok ni
Blade kaya mas lalong nakadagdag sa costume niya ang pagiging si Adan.

"Adan! Ako ang Eva mo! Papitas ng prutas mo at pakagat sa mansanas!!..." tili ng
isang bading na nanonood.

Kinindatan iyon ni Blade. Napanganga naman si Uriel at tila nawala sa sarili ng


makita niya si Blade. Napalunok siya. Dapat inasahan na niya iyon na magpapasabog
ito at heto na nga! Natakpan naman ni Rane ang mukha ng kanyang palad.

"Ayaw kong tumingin!"

Pero nakabukas naman ang mga daliri niya. Medyo napatanga naman si Karen at
napalunok. Matapos rumampa ni Blade ay...

"Our best in Ethnic Costume is..."

Sinadyang bitinin ni Uriel ang kanyang sasabihin. Ilang segundo ang pinalipas at...

"Our best in Ethnic Costume is... Contestant number twenty-one!"

Isang maingay na hiyawan at palakpakan ang umalingawngaw. Ngumiti si Blade nang


muli siyang rumampa sa stage at ibigay sa kanya ang sash at envelope.

"Pakagat daw sa mansanas." pabirong wika ni Uriel.

Ngumiti ng pilyo si Blade at pasimpleng itinaas ang hawak niyang mansanas.

"If you want it, get it!"

Pagkatapos noon ay inihagis niya ang mansanas sa grupo ng mga badang na kanina pa
pumapalakpak sa kanya. Tuwang-tuwa nilang pinag-agawan ang mansanas. Tumawa si
Uriel at ang daming humiyaw kay Blade, may mga sumipol din.

"Thank you, contestant number twenty-one! So, guys! Get ready dahil susunod na ang
talent portion!" announcement ni Uriel.

Muling rumampa papunta sa backstage ang mga contestants para maghanda sa kanilang
talent. Samantala.. Panay ang punas ni Azrael sa pawis ng kanyang mukha. Kanina pa
siya napapalunok. Mukhang matatalo siya kasi kanina pa walang ginagawang kabaliwan
si Blade. Naging pilyo nga ito sa Ethnic Costume pero hanggang doon lang.

"Ayos ka lang?" untag ni Raphael na katabi niya.

Alanganin siyang tumingin dito at napangiti ng matipid.

"Ahm... Wala ito, naiinitan lang." sagot niya.

Nagduda si Raphael sa sagot ni Azrael pero di na siya nag-usisa. Mainit daw eh ang
lamig kaya ng aircon?!

Matapos ng ilang intermission, announcements at speech ay sinimulan na ang talent


portion. Inihanda na ni Zech ang lahat ng props na gagamitin nina Hunter at Creta
sa stage. Wala siyang ideya sa gagawin ng dalawa. Lumabas na si Hunter kasama si
Creta.

"Bago ko simulan ang aking talent, magbibigay lang ako ng paalala sa lahat...
Pakihawakan niyong maigi ang inyong mga puso dahil baka malaglag, huminga ng
malalim at patnubayan ang mga bata dahil rated SPG ang inyong mapapanood!" umpisa
ni Hunter.

Lumapit siya sa hilera ng mga kutsilyong nasa mesa.

"Bilang isang chief, gamay na gamay ko nang gumamit ng iba't-ibang uri ng kutsilyo.
Sila ang bestfriend ko sa kusina."

Kumuha ng tatlong kutsilyo si Hunter at ipinaikot sa kanyang mga kamay. Pumalakpak


ang mga tao. Muling ibinaba ni Hunter ang mga kutsilyo at ngumiti ng matipid kay
Creta. Bigla namang napalunok si Creta, gusto na niyang umatras. Ang sabi ni Hunter
sa kanya ay wala naman siyang gaanong gagawin?! Pero hindi naman niya alam na
ganito ang gagawin nitong talent!

"Sa talent kong ito, tutulungan ako ng assistant ko. Siya si Creta at isa siya sa
matalik kong kaibigan. Palakpakan niyo naman siya, mga kaibigan!"

Pinalakpakan si Creta at isang alanganing ngiti ang sumilay sa labi nito. Bigla
siyang pinagpawisan.

"Umpisahan na natin, kaibigan!"

Tuliro si Creta ng igiya siya ni Hunter papunta sa isang roleta. Nanlaki ang mga
mata niya ng ikadena siya doon.

"U-Uy... Sigurado ka ba dito, Hunter?" mahina niyang wika.

"Relax, praktisado ito at magiging maingat ako. Chill-chill ka lang, okay!"

Lumayo na si Hunter at kumuha ng isang kutsilyo.

"Heto na ang pambungad!"

Mabilis niyang inihagis ang kutsilyo at tumama iyon sa itaas ng ulo ni Creta.

"AAAAAAH!!!.... SHEYT KA HUNTER!!!!...."

Tumawa ng mahina si Hunter at pagkatapos noon ay sunud-sunod pa siyang bumato ng


kutsilyo. Sa gilid ng mukha, sa may leeg, sa may gilid ng katawan at sa gitna ng
hita ni Creta. Tulirong napatingin si Creta doon.

"Walang-hiya ka! Sheyt ka talaga! Huwag doon, utang na loob!... Not my angry
bird!!!..."

Napalunok ng katakot-takot si Creta ng makita niyang naglagay ng piring sa kanyang


mga mata si Hunter. Napahawak naman sa kanyang dibdib si Rane at panay ang lunok
niya. Nag-aalala siya at natatakot para kay Creta. Kumuha na ulit ng kutsilyo si
Hunter at napasigaw ang lahat...

"AAAAAAAAH!!!...."

Iyong panghiwa kasi ng karne ang gagamitin niya bilang pang finale.

"SHEEEEYT KAAAA!!!!...."

FGH! PLINK! Nalulon ata ni Creta ang kanyang dila ng magsimula nang maghagis ng
kutsilyo si Hunter ng nakapiring. Pumikit na lang siya at puro malalakas na tili
ang narinig niya. Kung may sakit lang siya sa puso ay kanina pa siya namatay.
Natapos na sa paghahagis ng kutsilyo si Hunter at nagvow sa lahat.

"Paki-check lang po ang puso niyo kung nakadikit pa. Thank you!"

Inis na napamulat si Creta at galit na tumingin kay Hunter.

"Ako? Hindi mo iche-check kung buo pa?!"

Isang ngiti lang ang isinukli sa kanya ni Hunter bago ito tuluyang lumapit at
pakawalan siya sa pagkakatali. Mabilis na tumakbo si Creta papunta sa backstage at
lumapit kay Zech na busy sa pagbibigay ng instructions kina Blade at Drake.

"I-Check niyo nga ako kung buo pa ako!" taranta niyang wika.

Hinawakan niya ang parte ng kanyang katawan. Tiningnan siya ng pataas-pababa ng


kanyang mga kasama.

"Buo ka pa naman. Mabuti napapayag ka ni Hunter doon sa talent niya? Anak na lase,
ang lakas din ng loob mo no?" comment ni Blade.

Naiiyak na tumingin si Creta sa mga kasama.

"H-Hindi ko alam na ganoon ang gagawin niya! Waaaah! Naloko niya ako, ang sabi niya
sasamahan ko lang siya sa stage at siya na ang bahala! Malay ko bang ganoon?!!..."
atungal ni Creta.

"Condolence..." napangiwing wika na lang ni Drake.

Natatawa naman si Hunter ng dumating na siya at nakita niyang umaatungal si Creta.


Di bale, babawi na lang siya dito. Nag-talent na rin ang iba pang contestants.
Kumanta at naggitara si Aleister-Rude ang kinanta niya. Huminga naman ng malalim si
Drake ng siya na ang sasabak. First time niyang tumugtog sa harapan ng napakaraming
tao. Triple ang dami ng audience kumpara doon sa birthday ng Lolo nila Rane. Isa
pa, sa rancho lang iyon... Ibang level na itong haharapin niya, lalo na at may
sasabayan pa siyang minus one. Pumunta na siya sa stage at ngumiti sa lahat.
Pumuwesto na siya at nagsenyas siya sa operator na handa na siya. Nagsimula na ang
intro ng kanta at tumugtog na siya ng violin.

Sa pagkakataong ito ay nakipag-eye contact siya sa kanyang mga audience pero di


niya maiwasang hindi mapapikit paminsan-minsan dahil fini-feel niya ang music. Ang
tinutugtog niya ay Love me like you do-theme ng Fifty Shades of Grey.

Your the light, your the night

Your the color of my blood

Your the cure, your the pain

Your the only thing

I wanna touch

Humahangang napapatingin ang lahat kay Drake. Lahat ay tahimik at ang tanging
ginagawa ay ang pakinggan ang musikang nagmumula sa violin.

"A-Ang galing..." mahinang wika ni Rane.

Oo nga at alam na niyang magaling si Drake. Pero ibang level na itong ipinakita
nito ngayon dahil may sinasabayan itong minus one. Hanggang sa matapos tumugtog si
Drake ay nanatiling nakatulala ang lahat. Unti-unting pumalakpak ang lahat hanggang
sa mauwi iyon sa napakalakas na palakpakan. Nagvow si Drake sa lahat at ngumiti
bago siya umexit ng stage. Nagpatuloy ang talent portion at malapit na si Blade...

"Uy, Zech! Pa-ready ng salonpas mamaya ah? Sumakit ang balakang ko kakakembot sa
praktis kagabi. Tapos, heto na naman."

Natawa ng mahina si Zech.

"Sign of aging!" kantyaw ni Drake.

"Baon-inam! Hindi sign of aging ito no! Dahil lang sa praktis. Malapit na ngang
lumevel ang balakang ko sa balakang ni Shakira eh."

Natawa ang mga kaibigan ni Blade at napailing. Natapos na ang number twenty na
contestant... Inihanda na ni Blade ang sarili na pumunta sa stage. Naka-ready na
doon ang mic na nakalagay sa stand. Nakapony-tail ang buhok niya at may suot siyang
itim na long sleeve na hapit sa kanyang katawan at itim din ang kanyang pantalon,
maging ang sapatos. Pumuwesto na siya sa stage at nang magsimula na ang tugtog ay
nagmove na siya ng pasimple ng kanyang shoulders at hips... Maharot ang kakantahin
niya kaya kailangan din niyang maging maharot pero hindi balahura at bastos.
Kakanta siya at sasayaw sa music ng Livin la vida loca by Ricky Martin. Iyon daw
ang bagay sa kanya sabi ni Zech... At mukhang tama ito dahil magagamit niya dito
ang kanyang kapilyuhan.

"She's into superstition black cats and voodoo dolls

I feel a premonition that girl's gonna make me fall"

Itinuro ni Blade ang babaing Judge na nasa gitna at sexy na tumingin dito. Pilyo
niyang ikinembot ang kanyang hips at unti-unti siyang nagpababa at nagpataas sabay
landi sa mic. Hiyawan ang mga tao dahil sa ginawa niya at tuwang-tuwa ang mga bakla
at sinabayan pa siya sa pagsayaw.

"She's into new sensations

New kicks in the candle light

She's got a new addiction


For everyday and night

She'll make you take your clothes off and go dancing in the rain

She'll make you live her crazy life

But she'll take away your pain

Like a bullet to your brain!

Come on!"

Sa part na ito, bahagyang binuksan ni Blade ang suot niyang polo, habang sumasayaw
siya at kumakanta ay paunti-unti niyang tinanggal ang ilang butones ng kanyang suot
hanggang sa malantad ang ng kaunti ang kanyang dibdib.

"AAAAAAH!!!... LOVE YOU, FAFA!"

"Upside, inside out

She's livin' la vida loca

She'll push and pull you down

Livin' la vida loca

Her lips are devil red

And her skin's the color of mocha

She will wear you out

Livin' la vida loca, come on!

Livin' la vida loca

She's livin' la vida loca"

Sa unang part ng chorus, itinaas niya ang kanyang mga kamay habang kumekembot at
ibinaba noong nasa word na ng inside out. Noong sa She's livin la vida loca.
Hiwakan niya ang kanyang ulo at bahagyang nag-headbang. Her lips are devil red,
pasimple niyang hinaplos ang labi niya at nang-aakit na tumingin sa lahat.
Nagmistula nang concert ang talent ni Blade dahil patuloy siyang sinasabayan sa
pagsasayaw ng mga fans niyang badang... Natapos na ang kanyang talent at isang
masigabong hiyawan at palakpakan ang umalingawngaw sa paligid. Napasandal naman sa
upuan si Azrael! Patay na talaga siya! Hindi balahura ang talent ni Blade kahit na
ang sexy! Lalo siyang pinagpawisan....

Kasunod ng talent portion ay ang trunks wear. Itim na may design ng pulang-dahon
ang trunks na suot ni Hunter. May logo naman ng apple ang puting trunks ni
Aleister. Army type naman ang suot ni Drake. At ang kay Blade... Isang simpleng
black na trunks na may logo sa likod ng cute na teddy bear na may nakasulat pang
Shhhhh.....

"Ang cute!" bulalas ni Mrs. Carbonel ng makita niya ang logo ng trunks ni Blade ng
rumampa ito.

"Oo nga eh, ang cute!" segunda ni Mr.Pinular.


"Ehem!" kontra ni Mrs. Solano.

Nagkibit-balikat lang ang dalawa dito at natawa ng bahagya. I-aannounce naman na ni


Uriel ang mga minor awards.

"Okay, dalawang awards ang igagawad natin ngayon! Ang Best in Trunks wear at ang
Mr. Bodyshot!" announcement.

Iniabot kay Uriel ang dalawang envelope.

"Mga kaibigan, uunahin ko na ang Best in Trunks wear! Our best in Trunks wear is
contestant number...."

Sari-saring react ang mga audience...

"Our Best in Trunks Wear is contestant number.... Fourteen!!..."

Bahagya pang nagulat si Drake at pasimpleng napahawak sa kanyang dibdib. Rumampa


siya palapit kay Uriel at pagkatapos noon ay binigyan siya ng sash at envelope ng
mga judges. Nakipagpicture siya sa mga judge na nagbigay ng award bago siya bumalik
sa kanyang puwesto.

"Next naman ang ating Mr. Bodyshot! Sino kaya sa ating mga contestants ang may
pinakamagandang katawan at super confident ang sexiness?! Sino?!"

Kanya-kanyang sigaw ulit ang mga audience ng kanilang mga pambato.

"Our Mr. Bodyshot is contestant number... Twenty-one!!...."

Medyo nagulat din si Blade pero napangiti siya. Nagpacute siya sa lahat bago siya
rumampa palapit sa kinaroroonan ni Uriel. Matapos ibigay sa kanya ang kanyang
gantimpala ay nagpapicture din siya sa mga judge na nagbigay ng award. Pagkatapos
ng trunks wear ay ang formal wear at kasunod na agad nito ang Question and Answer
portion. Sa backstage ay abala ang lahat sa pabibihis ng kanilang formal wear...

"Uy, Fifty Shades of Grey ah..." kantyaw ni Drake kay Hunter.

Ngumiti si Hunter at napailing.

"Eh ikaw, Four Weddings and a Funeral. Baka late ka na sa kasalang pupuntahan mo."
balik niya.

"Dumaan nga ako dito para may isabit ako mamaya sa reception." patol ni Drake.

Nagkatawanan silang magkakaibigan. Lumapit si Aleister sa kanila.

"Uy, anong klaseng memorial plan ang binebenta mo?" kantyaw ni Blade dito.

Napailing si Aleister at natawa. Ganoon din sina Hunter at Drake.

"Kayabang nito! Eh ikaw, sino ka?"

"Ehem! My name is Bond.. James Bond!"

Nasapo ni Zech ang noo niya. Malapit na sila sa katapusan ng paligsahan at


kinakabahan siya. Sana lang, makuha ng isa sa mga kaibigan niya ang title...

Nagsimula nang muli ang competition. Rumampa na ang mga contestants suot ang
kanilang mga formal wear. Huminga ng malalim si Hunter ng tawagin na siya para sa
Question and Answer.

"Hello, contestant number one!" bati ni Uriel.

"Hi!" nakangiti niyang bati.

"Kinakabahan?"

"Hindi pa naman." pabiro niyang sagot.

"Ito, katanungan ng lahat... May girlfriend?"

Ang daming nag-aantay sa sagot ni Hunter.

"Yes, I have a girlfriend." tapat na sagot ni Hunter.

"AAAAAY...." nadismayang react ng lahat.

Pinabunot na siya ni Uriel ng numero para sa Judge na magtatanong sa kanya. Number


6 ang nabunot niya. Lalaki.

"Good evening, contestant number one."

"Good evening, Sir." magalang niyang sagot.

"Okay, here's your question... What will you choose, a pretty face or a stunning
body?"

"For me, I will choose pretty face because it is a natural gift. And if you have a
pretty face you have the confident to face anyone. Why not a stunning body? Because
you can achieve it through discipline." prangkang sagot ni Hunter.

Nagpalakpakan ang lahat.

"Thank you, contestant number one!"

Sumunod pa ang ibang contestants... Iyong iba ay halatang kinakabahan kaya naman
pasimpleng nagsenyas ng mga sagot si Blade sa iba. Oo nga at kalaban niya ang mga
ito pero ayaw niyang may napapahiya. Mahirap ang pressure na kinakaharap nilang
lahat. Kahit hindi siya nakakadama noon dahil nga makapal ang pagmumukha niya. Si
Aleister na ang sasabak.

"Hello, contestant number nine."

"Hello din."

"Nervous?"

"A little." nakangiti niyang wika kay Uriel.

"May girlfriend?"

"Wala. I'm still searching."

Ang daming humiyaw na audience.

"I'm here, fafa!"


Natawa sila pareho ni Uriel doon. Pinabunot na siya nito ng number at number one
ang nakuha niya. Babae ang judge na magtatanong.

"Contestant number nine, here's your question... If your a color, what color are
you?"

Confident na tumingin si Aleister sa lahat.

"I'm going to be white. Why white? It's because it symbolize, goodness and
cleanliness. For me, it is a holy color. Besides, you can add any kind of color in
white. It blends well. That's all, thank you!"

Palakpakan ulit matapos sumagot ni Aleister. Tuloy lang ang Question and Answer
hanggang si Drake na....

"Kamusta ka, contestant number fourteen?" nakangiting tanong ni Uriel.

"Ayos lang."

"Kinakabahan ka ba?"

"Super!" honest niyang sagot.

Natawa ang mga audience at mga judge.

"May girlfriend?"

"Wala pa, naghahanap pa."

Humiyaw ang marami.

"Ako na lang!"

Napangiti si Drake sa sumigaw na audience. Pinabunot na siya ni Uriel ng numero at


number seven ang nakuha niya. Lalaki ang judge na magtatanong sa kanya.

"Hello, contestant number fourteen!" bati ng judge.

"Hi, Sir!" masiglang bati ni Drake.

"Here's your question... What is the biggest mistake that have you done in your
life?"

Bahagyang natigilan si Drake sa katanungang iyon dahil super siyang tinamaan.


Nananadya ba talaga ang tadhana at sa lahat pa ng tanong eh iyon ang napunta sa
kanya?!

"Whoa... That question hits me. I have a lot of mistake that I have done in my
life. I'm just human and I'm not perfect... But the greatest mistake that I have
done in my life was to let go of the woman I love. I was scared that time so I
choose to leave her. Until now I regret that mistake that I did. I want to bring it
back once more but It can't be. She was totally gone. That's why I promise to
myself that if I ever fall in love again... I won't be scared this time. I'm ready
to play the game of love. I may lose but at least, I love rather than not to love
at all. Thank you..." madamdaming wika ni Drake.

Napatanga ang mga Judge at audience sa naging sagot ni Drake. Pero pagkatapos noon
ay isang masigabong palakpakan ang umalingawngaw para sa kanya... Nagpatuloy ang
mga contestants sa pagsagot ng mga katanungan hanggang si Blade na.
"Kamusta ka, last contestant?" untag ni Uriel kay Blade.

"Ayos na ayos lang."

"Hindi ka kinakabahan?"

"Hindi."

"May girlfriend?"

"Wala. But my status is it's complicated." napangiti niyang wika.

Natawa ng mahina si Uriel at napailing. Ganoon din ang ibang audience.

"Cellphone number daw?" tanong ulit ni Uriel.

"Wala pa akong cellphone. Puwedeng pahingi muna?" pabirong sagot ni Blade.

"Fafa! Ako! Bibigyan kita!!..." tili ng isang badang.

Tumawa lang ang lahat dito.

"Bibigyan ka daw ni Jesusa."

Ngumiti lang si Blade doon sa audience na sinasabi ni Uriel. Pinabunot na siya ni


Uriel ng numero at number three ang nakuha niya. Babae ang Judge na magtatanong sa
kanya.

"Hello, last contestant..."

"Hi din po, Ma'm." magalang na wika ni Blade.

Na-amaze ang mga estudiyante ni Blade at ang buong BLBNHS.

"M-May himala..." mahinang wika ni Karen.

Napalunok si Rane. Mukhang dininig ang panalangin niya noong isang araw. Si Azrael
naman, gusto na niyang magpalamon sa lupa sa mga sandaling ito!

"Heto ang katanungan mo, contestant number twenty-one... What is your edge among
the other contestants?"

'Sisiw'... bulong ni Blade sa sarili.

"Ehem! Lahat naman kami dito, guwapo... Di ba, guys?!"

Tumingin si Blade sa mga co-contestants niya at sinagot naman siya ng mga ito.

"YES!" wika ng lahat.

"You heard it, everyone. Lahat kami guwapo pero kung ano ang lamang ko sa kanila?!
Ehem! Mag-amuyan na tayo pero lamang na lamang ako sa paligo!"

"OOOhhhhh...!" react ng lahat.

Pagkatapos noon ay isang malakas na palakpakan ang umalingawngaw. Bumalik na sa


kanyang puwesto si Blade.
"Humanda na kayo mga kaibigan dahil malapit na nating malaman kung sino ang
makakakuha ng title ng Mr. Pogi! Sa ngayon, i-aannounce ko na muna mga minor
awards!"

Ilang piraso ng ennvelope ang iniabot kay Uriel.

"Ang una nating award ay ang Best in Formal wear! Sino ang best in formal wear para
sa inyo?"

Kanya-kanyang sigaw ulit ang mga audience ng kanilang mga pambato.

"Our best in Formal Wear is contestant number.... One!!!..."

Nakadama ng relief si Hunter dahil sa kanilang magkakaibigan ay siya na lang ang


walang nakukuhang award. Ngiting-ngiting siyang lumakad papalapit kay Uriel at ang
saya niya ng maibigay sa kanya ang sash at envelope. Bumalik na siya sa puwesto
niya after ng picture taking kasama ang mga judge.

"Our next minor award is Mr. Photogenic!"

Muling ibinitin ni Uriel ang pag-aannounce sa award na iyon.

"Our Mr. Photogenic is contestant number.... One! Siya ulit ang nakakuha!"

Ipinakita sa malaking screen ang picture ni Hunter at nakangiti siyang rumampa


papunta kay Uriel para kunin ang kanyang award. At least, nakadalawa na rin siya.

"Hunter, ibig sabihin niyan... Sa picture ka lang daw guwapo..." natatawang comment
ni Blade.

Isang irap lang ang iginawad ni Hunter kay Blade.

"Okay, mayroon pa tayong special award! Ito ay ang Mr. Close-up smile! Sino sa
tingin niyo ang may close-up smile, huh?!"

Ngumiti ang lahat ng contestants para ipakita ang kanilang mga close-up smile sa
lahat...

"Our Mr. Close-Up smile is contestant number.... Fourteen!!..."

Pagkatapos noon ay may inilabas na malaking picture ni Drake na nakangiti. Kitang-


kita ang magaganda nitong mga ngipin, kasama ang mga pangil...

"Whew, vampire look!" comment pa ni Uriel.

Hindi naman malaman ni Drake kung matutuwa siya o maaasar sa na-achieve niyang
award. Ganoon pa man ay malugod niya iyong tinanggap.

"Our next special award is Best in Talent! Sino ang Best in Talent para sa inyo,
ladies and gentlemen?!"

Maingay na sigawan ang umalingawngaw. Napangiti si Uriel at bahagya siyang nagulat


ng makita niya ang resulta ng Best in Talent.

"My goodness! Dalawa ang ating Best in Talent! Mukhang nahirapan ng husto ang ating
mga Judges! Our Best in Talent is... Contestant number fourteen at contestant
number twenty-one!!...."

Isang masigabong palakpakan ang umalingawngaw at nag-apir naman sina Blade at


Drake. Nagshake-hands din sila sabay sabi sa isa't-isa ng...

"Good Job!"

Magkasabay silang naglakad papunta kay Uriel at binigyan sila ng tig-isang sash at
envelope. Muli silang bumalik sa kanilang puwesto ng matapos nilang makipagselfie
sa mga Judge.

"Okay, heto na!... Drum roll, please!!!...."

Maging si Uriel ay kinakabahan sa magiging resulta ng contest. Hindi niya alam kung
sino ang mananalo dahil nagpresinta siyang maging host kaysa maging Judge para
maging patas ang lahat. Iniabot na sa kanya ang envelope na naglalaman ng result at
panay ang ginawa niyang paghinga ng malalim. Binuksan niya iyon at medyo nagulat
siya sa nakita niya.

"Ang una kong i-aannounce ay ang Fifth runner up! Our Fifth runner up is contestant
number eleven!"

Lumakad papunta sa harap ng stage ang contestant number eleven. At ibinigay dito
ang sash at envelope.

"Ang ating Fourth runner up ay ang contestant number.... Seven!..."

Ilang beses nang napapalunok sina Aleister, Hunter, Drake at si Blade....

"Our Third runner up is contestant number?..."

Ibinitin ni Uriel ang sasabihin kaya naman naghiyawan ang mga tao.

"Our Third runner up is contestant number.... Nine!"

Napabuka ang labi ni Aleister at hindi makapaniwala. At least, may nakuha siya
kahit na first time niyang sumali sa ganito. Ginawa niya ng dahil sa charity.
Rumampa siya papunta sa harap ng stage para kunin ang award. Mas lalo namang
kinabahan iyong tatlo... Sina Hunter, Drake at Blade...

"Heto na mga kaibigan... Papalapit na tayo ng papalapit sa title! Our Second


runner-up is contestant number...."

Mas hinabaan ni Uriel ang pagbitin kasabay ng drum roll sa background.

"Our Second Runner up is contestant number... One!!!...."

Medyo napatanga si Hunter kasi hindi niya inaasahan na may makukuha siyang place.

"Uy, ikaw 'yun!" untag ni Drake.

Natauhan si Hunter at nakangiting naglakad papunta sa harap ng stage. Kinamayan


siya ng mga judges at ni Uriel matapos ibigay ang award.

"Heto na mga kaibigan... Malapit na!... Next na ang ating First Runner Up! Step
forward nga ng kaunti mga contestants!"

Umusod ng kaunti ang mga contestants. Panay naman ang buntung-hininga nina Blade at
Drake.

"Our First Runner Up is contestant..."


Mas matagal na ibinitin ni Uriel ang pag-aannounce.

"Our First Runner Up is contestant number.... Twenty-One!!!...."

Isang masigabong palakpakan ang umalingawngaw. Nakangiting naglakad si Blade


papunta sa harap ng stage para kunin ang kanyang award. Mas lalo tuloy nakaramdam
ng kaba si Drake. Siya na lang ang wala....

"And Our MR. POGI is...."

Natahimik ang lahat.

"OUR MR. POGI IS CONTESTANT NUMBER....."

"OUR MR. POGI IS CONTESTANT NUMBER..... FOURTEEN!!!!....."

Isang malakas na sigawan ang umalingawngaw sa buong paligid. Napakurap naman si


Drake at hindi makapaniwala sa kanyang narinig.

"A-Ako?!" tuliro pa niyang wika.

"IKAW NGA!!!..." sabay-sabay na wika ng iba pang contestants.

Nakangiti si Drake pero nangingilid ang mga luha niya ng rumampa siya papunta sa
harap ng stage at hindi pa rin siya makapaaniwala na siya ang nakakuha ng title
kahit na iniabot na sa kanya ang malaking trophy, sash, at ang higanteng tseke.
Kinamayan siya ng lahat ng Judges at ni Uriel. Nakipagkamay din sa kanya sina
Blade, Hunter at Aleister sabay sabi ng Congratulations...

"MR. POGI, anong masasabi mo na ikaw ang nanalo?" untag ni Uriel.

"To God be the glory! Sa totoo lang hindi ko ito inaasahan... Sumali kami ng mga
kaibigan ko para sa Charity. Sino ang mga kaibigan ko? Sina Contestant number one,
nine at twenty-one. "

Isang masigabong palakpakan ang ibinigay para sa kanila. Nagpatuloy sa kanyang


winning message si Drake.

"Lahat ng mga cash na nakuha namin sa patimpalak na ito ay ido-donate namin para sa
Orphanage ng Mount Carmil na kailan lang ay nasunog... Kaya sobra kaming
nagpapasalamat sa mga bumuo ng contest na ito at sa lahat ng sponsors. At gusto
kong lubus-lubusin ang chance na ito... Gusto kong humingi ng tulong para sa dagdag
na pondo para sa pagpapagawa ng nasunog na Orphanage. Tag-fifty pesos ang bayad
kapag yayakap kayo sa amin ng mga kaibigan ko, at one hundred kapag kiss!"

Isang maingay na sigawan ang umalingawngaw sa buong paligid. Patuloy ang pag-
congratulate ng lahat kay Drake.

Pasimple namang tumatakas si Azrael pero biglang sumulpot sa harap niya si Zech.

"Saan ka pupunta?"

"Ah... Eh.... Sa CR?!"

"Tinatakasan mo ba ako?"

"Naku, hindi ah!"

"Good."
Ngumiti si Zech ng nakakaloko kay Azrael at pagkatapos noon ay pinuluputan siya ng
mga ugat ng halaman ni Zech. Hinila siya nito papunta sa stage at natuon ang
atensyon ng lahat sa kanila.

"Bakit iyan?" curious na tanong ni Hunter.

"Nagpustahan kami ni Azrael at..."

Ikinuwento ni Zech ang tungkol sa pustahan. Napataas naman ng kilay si Blade.


Matalim siyang tumingin sa mukha ni Azrael.

"Kung ganoon, hindi pala matino ang tingin mo sa akin ah?! Anak na lase!" naiinis
niyang wika.

Ngumiti ng alanganin si Azrael...

"Blade, katuwaan lang naman..."

Tumingin si Blade kay Zech at sa mga kasama niya. Isang nakakalokong ngiti ang
sumilay sa labi niya...

"Ano pang inaantay natin? Hubaran na iyan at ipasuot na ang trunks!!!..."

Pinalibutan nilang magkakaibigan si Azrael at narinig ng lahat ang malakas nitong


sigaw.

"HINDEEEEE!!...."

Pero mas malakas ang naging sigaw ng mga tao ng mahawi ang grupo nila Blade na
nakapalibot kay Azrael. Nalantad si Azrael na suot lang puting trunks na may logo
ng Red Angry Bird...

"EEEEH! MAY BONUS!!!!!...."

Hindi naman malaman ni Azrael ang gagawin dahil buong gabi siyang ganoon at
kailangan ay nasa public siya. Hindi nagtagal ay binalewala na lang niya ang lahat.
Kinapalan na niya ang mukha.

"Sige, pagsawaan niyo ang katawan ko! Ngayon lang ito kaya sulitin niyo na!...."

Tumawa lang sina Blade, Hunter, Drake, Aleister at ang mga Archangels kay Azrael...
Dahil sa pagkakapanalo ni Drake ay marami ang nagbigay ng tulong para sa
Orphanage...

*************************************

( Panoorin niyo sa YOUTUBE iyong Love me like you do Violin by Robert Mendoza...
Ang galing niyang violinist, promise! Sa kanya ko kinuha ang talent ni Drake. Medyo
matagal ako sa pag-a update kasi ginagawa ko din ang MEN IN ACTION 5: ROCK HORRISON
at ESCAPE FROM HELL... )

23. PEARL
"PEARL"

Napangiti si Blade ng makita niya ang mga perang naipon mula sa pakulo ni Drake na
Hug and Kisses. Fifty pesos kapag yakap at isang daan kapag kiss sa cheeks. Willing
din na naki-join sa pakulo ang kanilang mga kaibigan at mga co-contestants sa Mr.
Pogi. Alang-alang naman iyon sa nasunog na Orphanage kaya naman tumulong ang lahat.

Napatanga si Drake ng biglang may dumating na customer at dumukot ng kung ano sa


dibdib nito. Lalo siyang napatanga ng ilapag nito sa mesa ang tumataginting na
dalawang libo. Napataas siya ng tingin at isang maluwang na ngiti ang isinukli
nito.

"Fafa! Gusto ko ng kiss sa lips! Dapat iyong matagal ah? Dalawang-libo iyan!"

Kumagat ito sa labi at binasa pa iyon. Biglang nagdilim ang paningin ni Drake. Ito
iyong badang na si Jesusa. Medyo panot na ang ulo nito, maitim, may kalakihan ang
tiyan at one sit apart ang mga ngipin. Hindi naman sa panlalait... Pero sa cheeks
lang ang inaalok nila hindi sa lips! Anong akala nito sa pakulo niya? Mga call boys
sila?! Nakakainsulto iyon ah?!

"Grrr! Abuwisit ak pa! Makakapatay ako nito!" mahina niyang wika.

Narinig naman ni Hunter si Drake at napangiwi siya ng makita niya ang madilim
nitong mukha. Nanlaki ang mga mata niya ng makita niyang tumalas ang mga kuko nito
sa kamay. Napatingin siya sa pinanggigigilan nito... Hindi niya alam pero mukhang
may nagawa itong ikinagalit ni Drake. Bigla niyang hinila si Drake palayo.

"Sorry! Biglang sumama ang pakiramdam ni Mr. Pogi! Napagod yata siya!"

Kinaladkad niya paalis si Drake.

"Huminahon ka, Drake!"

"Eh siya eh! Anong akala niya sa atin, mga call boys?! Abuwisit ak pa!!"

"Huwag mo nang patulan."

Nadismaya naman si Jesusa pero nakita niya sa tabi si Blade. Nakipag-hug ito sa
ilang bading at naki-picture. Nang umalis na ang mga ito ay..

"Fafa! Pakiss sa lips! Two-thousand!"


Tumingin si Blade sa nagsalita.

"Baon-inam!.." suplado niyang wika.

Iniumang niya ang kanyang kamao.

"Hmmf! Suplado!!!..."

Nagwalk-out na ito. Natawa naman si Hunter sa nakitang eksena. Niyaya na niya


pabalik si Drake doon sa puwesto. Sa kabilang banda naman ay may naisip na dagdag
na parusa si Zech kay Azrael. Fifty-pesos kapag magpapa-picture dito at isang daan
kapag gustung humawak sa abs ni Azrael. Marami ang nakapila doon. Walang magawa si
Azrael kundi ang tumupad sa usapan.

"Sige, hawakan niyo lang. Basta huwag kukunin!" proud pa niyang wika.

Isa na namang kalokohan ang naisip ni Creta. Kung negosyo ang pag-uusapan eh
magaling yata siya doon. Pumunta siya sa gitna at tumuntong sa mesa.

"GUYS!!!!... Mayroon akong announcement!!!"

Natuon ang atensyon ng lahat kay Creta.

"Ano naman kaya ang naisip niya?" wala sa sariling wika ni Azrael.

Tumigil muna sa ginagawa sina Blade, Hunter, Drake at ang iba pa. Maging sina Rane
ay napatingin kay Creta na nakatungtong sa ibabaw ng mesa. Inaantay kung ano ang
sasabihin nito.

"GUYS! Gusto kong itanong sa lahat kung may enteresado bang bumili sa suot na
angry-bird trunks nitong si Moy Guwapito?!!!!..." sabay turo kay Azrael.

"YEEEEHEEEY!!!!...."

"UUUUYYYY!!!!.... SPG NA IYAN!!!!..." mariing tutol ni Azrael.

"Ehem! For Charity ito, bro!" wika pa ni Creta.

Natawa ang lahat.

"Pumayag ka na! Parang trunks lang naman eh. Tsaka hindi naman talaga sa'yo iyan.
Akin iyan!" wika naman ni Blade.

Nagpatuloy si Creta sa balak niya.

"Ang lahat ng enteresado sa trunks, itaas ang kamay!"

Marami ang nagtaas ng kamay. Lahat ay tuwang-tuwa. Hindi naman makaalis si Azrael
kasi mahigpit siyang binabantayan ni Zech.

"Ang mangyayari, magkakaroon tayo ng bidding! Pataasan. Magsisimula tayo sa 500


pesos!"

May nagtaas ng kamay. At sunud-sunod na iyon.

"May pumalo ng 600! Aba, 700 na! Oh, 800! Aba! May pumapalo ng 1000!!!... Humihirit
naman, 1500 na daw!!..."
Nagpatuloy ang bidding.

Lumapit sina Blade, Hunter at Drake kina Zech.

"Pambihira, ang galing naman ng naisip ni Creta." comment ni Drake.

"Eh si Creta pa. Sanay iyan sa sugal no. Kaya kung sa pera lang eh maraming alam na
deskarte iyan. Marami nang mayayaman ang pinataob niya sa casino." kuwento ni Zech.

Amaze na napatingin si Blade sa kaibigan na busy sa bidding. Hindi naman maipinta


ang mukha ni Azrael.

"Humahataw! 2000 na mga kaibigan!!!..."

Isang magandang babae ang nagtaas ng kamay. Sabay sabing...

"2500!!!..."

"Ayan, grabeh ang kamada! 2500 na daw!"

Napaismid si Daisy ng mapatingin siya sa kanyang pinsan. Gustung-gusto na niya


itong sabunutan. Nakisali ba naman talaga sa bidding ang loka-loka?

"Ate Alexa, tumigil ka nga. Pati ba naman trunks, kokolektahin mo?"

Mahilig ang pinsan niyang ito sa mga kakaibang bagay. O sadyang wala lang itong
magawa sa pera. Ewan niya.

"Ano ka ba naman, couz! Huwag ka nang kumontra. Cute naman iyong trunks eh. Isa pa,
ang hunky at hot naman kasi noong may suot! Kung puwede ko lang siyang isali sa
bid, eh handa akong maglabas ng pera!"

Marahas na napahinga si Daisy matapos niyang marinig ang sinabi ng kanyang pinsan.
Ang sabi nito ay magpapasama lang sa kanya para sa Hug and Kisses. Kaso nga,
nagkaroon ng bidding bigla. At heto na nga at nakisawsaw na sa pakulo ang ate Alexa
niya.

"Mga kaibigan! 3000 na daw!!!..."

Nagsalubong ang mga kilay ng kanyang pinsan. Nagtaas ulit ito ng kamay. Sabay
sabing...

"Sarado 5000!!! Ang magbi-bid! Ipapabugbog ko!!!"

Napatingin ang lahat ng tao sa kanilang direksyon at walang nagawa si Daisy kundi
ang mapayuko.

"Pambihira!" napangiwi niyang wika.

Napangiti naman si Creta ng makita niya ang magandang babae. Lalo namang nakaramdam
ng pagkailang si Azrael. Babae pa kasi ang nakakuha. Mas okay sana sa kanya kung
hindi...

"Palakpakan mga kaibigan!!!... Nakuha ng magandang binibini ang trunks!!!...."

Nagsipalakpakan ang mga tao. Proud namang lumapit si Alexa sa may mesa at inilapag
doon ang tumataginting na 5K.

"Nasaan na ang prize ko?" untag pa niya doon sa lalaking nagpapa-bid.


"Ate Alexa!" saway ni Daisy sa pinsan.

Ngunit isang matamis na ngiti lang ang isinukli nito sa kanya. Ayaw talagang
magpaawat. Natigilan naman si Drake ng mapatingin ito doon sa kasama ng babae.

"S-Siya iyon." mahina niyang wika.

Narinig naman siya ni Blade na katabi lang niya.

"Huh, sino?" wika niya.

"Iyong kasama noong babae... Siya iyong naikuwento ko sa inyo na apo ni Erein..."

"Bakit hindi mo lapitan?"

Napangiwi si Drake.

"N-Natatakot ako eh. G-Guilty kasi ako." nauutal na wika ni Drake.

"Torpe..." mahinang kantyaw ni Blade.

"Hindi ah. Eh siyempre, guilty nga ako di ba?"

Napatigil ang kanilang usapan ng paakyatin ni Creta sa ibabaw ng mesa si Azrael.


Pulang-pula ang mukha nito hanggang sa leeg. Ibibigay na daw ang trunks doon sa
nanalong bidder.

"Sigurado ka ba sa gagawin mo?" kinakabahang tanong ni Azrael kay Creta.

"Relax... Akong bahala, expert na ako sa ganito."

Muling humarap sa audience si Creta.

"Excited ba kayong makakita ng magic mga kaibigan?!!..." tanong niya sa lahat.

"YEEES!!!..."

Mula sa likuran ay biglang naglabas ng isang blangkong baraha si Creta. Kulay-puti


iyon. Gamit ang kanyang kapangyarihan ay bigla niyang ipinagpag sa ere ang
blangkong baraha at naging malaking puting-tuwalya ang hawak niya. Nagpalakpakan
naman ang lahat. Tumabi siya kay Azrael. Ibinalot ni Creta kay Azrael ang puting-
tuwalya. Sa ibabang bahagi ng katawan. Panay ang lunok na ginawa ni Azrael. Mukhang
nakarma siya ng husto sa pakikipagpustahan niya.

"Magbilang po tayong lahat!!!..."

"ONE.... TWO.... THREE!!!!!..."

Eksaktong nasabi ng madla ang number three ay mabilis na inalis ni Creta ang
tuwalya sa baywang ni Azrael. Napahanga ang lahat ng makitang nakasuot na ng itim
na boxer shorts si Azrael. Bigla namang napatingin si Azrael pababa sa kanyang
katawan. Napahinga siya ng maluwag at pagkatapos noon ay bigla siyang natumba sa
mesa. Hindi niya kinaya ang kalokohan ni Creta! Tumatawa namang dinaluhan ni Zech
ang kanyang kaibigan. Tuloy ang munting palabas...

"At nasaan na ang trunks?" yamot na tanong ni Alexa.

Nakangiting tumingin si Creta sa babae. Bigla niyang ipinagpag ang tuwalya at


biglang bumagsak ang isang maliit na kahon. Curious na pinulot ni Alexa ang kahon
at binuksan niya iyon. Napatanga siya ng makita niya sa loob ng kahon ang cute na
trunks na maayos na nakatupi.

"Wow..." bulalas niya.

Isang malakas na palakpakan ang umalingawngaw sa paligid.

"Salamat sa pagtangkilik, Miss! Mapupunta sa charity ang pera mo." sumaludo si


Creta sa babae.

"Geez!!!..." tuwang react ni Alexa.

Inis na hinila ni Daisy palayo ang kanyang pinsan.

"Teka lang! Hindi pa ako nakaka-hug at kiss!!!..."

"Tama na, ate Alexa! Naka-kota ka na eh!"

Ngumiti ng pilya ang pinsan niya at saka tumawa ng mahina. Niyakap nito ang kahon
kung saan nakalagay ang na-bid nitong trunks. Lumingon si Alexa doon sa
pinanggalingan nila. Nahahawi na ang mga tao. Mukhang tapos na ang pakulo noong mga
guwapo.

"Sabagay.. Kota na nga ako. Tsaka tapos na ang pakulo nila oh." wika pa niya.

Napahinga ng marahas si Daisy. Ibang klase talaga magtrip ang pinsan niyang ito.
Ang lakas ng tama. Pero sabagay, ganoon din naman siya kapag tinutopak. Malakas
ding magtrip. It runs in the blood.

Samantala... Hindi naman alam ni Drake ang gagawin kung susundan niya iyong babae o
hindi. Hindi pa kasi niya alam ang pangalan nito. Huminga siya ng marahas. Inayos
na lang niya ang mga perang nakolekta nila.

"May next time pa siguro..."

"Ambagel kang animal! Tanga!" comment ni Blade sa kanya.

Alam niya kung ano ang sinasabi nito.

"Akala ko ba hindi mo na uulitin iyong pagkakamali mo dati?" bigla namang parungit


ni Hunter.

Pinagitnaan na siya ng dalawa at walang magawa si Drake kundi ang huminga ng


malalim at mapakamot sa kanyang ulo.

Isa namang ideya ang biglang naisip ni Alexa. Napatingin siya sa kanyang pinsan.

"Couz! I have an idea. May bagay na naman ako na gusto kong maging koleksyon!"
masaya niyang bulalas.

"Ano na naman, ate Alexa?"

"Gawan mo ako ng sexy sketch ni Mr.Pogi! Di ba sabi mo, kakilala mo siya at


kapangalan pa nga niya iyong naging First love ng Lola mo sa mother side?"

"Ngayon...?" yamot niyang sagot.

Wala siyang balak na patulan ang trip ng pinsan niya. At siya, mag-e-sketch ng
sexy?! No way. Hindi niya kaya ang ganoon.

"Couz! I-sketch mo naman siya ng sexy para sa akin, please? Alam kong magaling ka
naman. At least, ako lang ang may sketch ng ganoon. Marami na akong nabiling
paintings na gawa mo.. Siguro naman, pagbibigyan mo ako sa simpleng sketch?"
malambing na wika ni Alexa.

Huminga si Daisy ng marahas at naiinis na tumingin sa kanyang pinsan. Sa tingin ba


nito ay papatol siya sa kalokohan nito?!

"Wala ako sa mood." simple niyang sagot.

Nagpatuloy siya sa paglalakad at naiwan na niya ang kanyang pinsan. Ang lakas
talaga ng trip nito ngayong araw.

"Name the prize! Alam kong nag-iipon ka dahil may gadget ka na gustung bilhin!"

Napatigil sa paglalakad si Daisy at biglang napalingon sa kanyang pinsan. Tiningnan


niya ang mukha nito, seryoso.

"Kung seryoso ka talaga.... Afford mo ba akong bigyan ng tumataginting na 10K,


cash. Ngayon na mismo?" hamon niya.

Hindi naman siguro ito magdadala ng ganoon kalaking halaga. Sinabi niya iyon para
tumigil na ito sa pangungulit. Naglakad palapit sa kanya ang ate Alexa niya. Mula
sa shoulder bag nitong kulay beige ay kinuha nito ang wallet. Naglabas ito ng tig-
iisang libong pera. Binilang. At pagkatapos noon ay hinila ang kanyang kamay at
inilagay ang mga perang nabilang nito.

"Mainit-init pang 10K!" nakangiting wika ni Alexa.

Tuliro siyang tumingin dito. Napailing siya.

"Ayaw ko talaga." tutol ni Daisy.

"No return, no exchange." seryoso nitong wika.

Hindi niya alam pero bigla na rin siyang tinopak. Bahala itong magtapon ng pera at
siya... Wala siyang gagawin kundi ang pulutin iyon.

"Fine!"

Naglakad siya pabalik doon sa booth ng Hug and Kisses at kahit na mukhang
nagliligpit na sila eh bahala na. Makapal na ang mukha niya.

"Ahm... Excuse me..."

Napaangat ng tingin si Drake at napatanga siya ng makita niya kung sino ang nasa
harapan niya. Napangiti siya ng maluwang. Hindi na niya ito kailangan pang sundan
kasi ito na ang lumapit. Mukhang meant to be yata sila?

"Hello Kuya! Sarado na ba kayo?"

"Ahm.. Basta sa'yo open ng kami lagi! Ano bang gusto mo?"

Huminga ng malalim si Daisy. Heto na ito, wala nang atrasan pa. Kinuha na niya ang
pera, kailangan na lang niyang tumupad sa usapan nila ng pinsan niyang loka-loka.
Palibhasa kasi may magnet yata sa pera ang kamay ng pinsan niyang iyon. Kahit na
anong negosyo ang pasukin nito eh nagagawa nitong paunlarin. Kaya ngayon, wala na
itong ginagawa kundi ang magtapon ng sobrang pera.

Binilang ni Daisy ang pera niya at naglabas siya ng apat na libo. Itinira lang niya
iyong eksaktong kailangan niya. Hindi naman niya kasi pera. Isa pa, para naman sa
nasunog na Orphanage iyon. Napatanga si Drake ng ilapag sa harap niya ang apat na
libo. Tuliro siyang napatingin sa mukha ng kaharap niya.

"Wow, tiba-tiba ka diyan Drake!" kantyaw ni Creta.

"Ahm... Fifty-pesos lang ang para sa hug at one hundred naman sa kiss..." alanganin
niyang paliwanag.

Ngumiti ng matipid ang kanyang kaharap.

"Alam ko, Kuya. Binayaran ko lang ang oras mo. Mapupunta naman iyon sa charity eh."

"O-Oras ko? Whoa... Teka lang, teka lang!" windang na wika ni Drake.

Masyado naman yata itong mabilis?!!

"Halika na! Wala nang masyadong oras!"

Pagkatapos noon ay biglang hinila ni Daisy ang kamay ng kanyang kaharap. Tuliro
naman si Drake na napasunod sa kasama niya. Hindi siya makapagsalita at panay ang
ginawa niyang paglunok. Napatingin naman sina Blade, Hunter, Zech at Creta sa
papalayong si Drake.

"Ayos ah! Mukhang makaka-score si Drake! Iba na ang sikat!" natatawang wika ni
Creta.

Natawa tuloy ang lahat.

Samantala... Hindi na nakatiis si Drake.

"Uy! Huwag ka namang ganyan! Ang bata-bata mo pa. Sigurado ka bang handa ka na sa
gagawin mo?"

Napahinto sa paglalakad si Daisy at huminga ng malalim. Ngumiti siya at humarap sa


kasama niya.

"Oo naman, Kuya. Kanina ko lang ito napag-isipang maigi eh!"

"Haaaah?!!!..."

Marahang binitiwan ni Daisy ang kamay ng kasama niya. Tumingin siya dito at nakita
niya sa mukha ng kasama niya ang pagkalito.

"Naku, sorry ah? Hindi ko pa pala natanong sa'yo kung pumapayag ka. Kung hindi okay
sa'yo, ayos lang. Hindi ko naman babawiin iyong pera eh."

Napakurap si Drake. Hindi siya makapaniwala sa kanyang naririnig.

"Teka, teka! Hindi naman sa hindi ko gusto... K-Kuwan... Ni hindi ko pa kasi alam
ang pangalan mo at hindi pa tayo magkakilala ng lubos kaya hindi ko alam kung dapat
nating gawin iyon... Hindi naman iyon ganoon kasimple eh. Parang ang bilis naman
yata?! Noong isang linggo lang tayo nagkita, nagkausap at nagkakilala..."
alanganing wika ni Drake.

"Ako nga pala si Daisy Mcbride. Pasensiya na kung nakalimutan kong sabihin sa'yo
ang pangalan ko noon. Late na kasi ako sa klase ko eh. Tsaka iyong sinasabi mo,
ayos lang iyon. Ako naman ang may gusto nito eh! Kaya tara na!"

Tumalikod na siya at naglakad. Malapit lang sa lugar ang bahay nila. Tuliro namang
napasunod si Drake at hindi niya alam ang kanyang gagawin. 'Hindi pa ako handa...!'
Binuksan ni Daisy ang gate ng kanilang bahay at tumuloy siya sa work place niya.
Naka-separate iyon sa bahay nila. Ayaw kasi niya ng maingay kapag may ginagawa
siya. Ayaw niyang makakita ng tao at higit sa lahat, ayaw niya ng may isturbo.
Gusto kasi niyang full ang focus at attention niya sa kanyang ginagawa para pulido.

"Pasok ka." wika niya sa kanyang kasama.

Ini-on niya ang ilaw at agad na inihanda ang kanyang mga gamit. Ang kanyang
sketchpad, charcoal pencil at eraser. Ang sabi ng ate Alexa niya ay sketch na
sexy... Hindi pa siya nakakagawa ng ganoon. Ilang sandali siyang nag-isip.
Napatanga si Drake ng makita niya ang mga nakapinta sa dingding... Isang garden...
May cherry vines din na papunta sa itaas ng studio. Nasa may hagdan iyon.

"Kuya Drake! Puwede bang humiga ka na sa couch?"

Napakislot si Drake at tulirong napatingin sa kasama niya.

"As in dito sa couch?! Dito talaga natin gagawin?!" windang na windang na tanong ni
Drake.

Ngumiti si Daisy sa naging reaksyon ng kasama niya.

"Perfect nga iyang couch eh. Mas okay kung diyan, Kuya."

Dahil sa narinig ni Drake ay lumapit siya sa dalaga, tuliro siyang tumitig sa mukha
nito. Hindi siya makapaniwala sa mangyayari. Napatingala naman si Daisy at
napatitig kay Drake. Ang ganda ng kulay ng mga mata nito. Bluish-gray... Kailangang
maidetalye niya iyon ng maganda. Hindi niya maintindihan kung bakit hinahayaan
nitong matakpan ang mga iyon ng sala-salabit nitong bangs? Magaganda naman sila.
Napalunok niya ng makita niyang seryosong nakatitig sa kanya ang kanyang kaharap...
Hindi niya alam pero bigla siyang nailang sa titig nito. Para na kasi siyang
tutunawin sa tingin.

"Alisin mo na ang Kuya kung gagawin natin ito. Isa pa, hindi naman siguro nalalayo
ang edad ko sa'yo..." husky na wika ni Drake.

'Kapal mo Drake! Apo na nga siya ni Erein, di ba?!' sermon niya sa kanyang sarili.

"Okay... Puwede bang mahiga ka na sa couch para masimulan na natin?" casual naman
na tanong ni Daisy.

Wala siyang ideya na iba ang laman ng utak ni Drake....

Biglang namula si Drake at nataranta. Napaatras siya at napalingon sa kanyang


likuran. Naroon ang couch. Panay ang lunok niya ng humiga siya doon nang dahan-
dahan. Ginawa na talaga niyang slowmo... Napatingin si Daisy kay Drake... Nakahiga
na ito sa couch pero parang may kulang pa. Kailangan niyang maipakita sa sketch ang
charm at sexiness nito. Pero dapat iyong hindi bastos. Lumapit siya dito at
tumunghay siya sa mukha nito.

"Tumingin ka dito.."

Hinawakan niya ang punong-baba ni Drake at pinatingin sa direksyon kung saan siya
uupo para mag-sketch. Napalunok naman si Drake. Hindi niya alam ang gagawin niya ng
hawiin ng dalaga ang kanyang bangs at inayos iyon. Tapos ay napahawak ito sa suot
niyang polo. Nag-init ang mga pisngi niya... Hindi siya makapaniwala na gagawin ito
sa kanya ng isang babae?! Alanganing tumingin sa kanyang mukha si Daisy. Namumula
ito. Natuon ang paningin niya sa labi nito. Natutukso na siya pero kailangan niyang
maghintay... Bayad nga siya, di ba? Pero kahit na walang involve na pera, okay na
okay sa kanya ang bumigay...

"O-Okay lang ba?" nahihiyang tanong ni Daisy.

Napahawak siya sa isang butones ng damit ni Drake at sobra na siyang nate-tense.


Pinapakalma lang niya ang kanyang sarili... Heto na nga kasi di ba? Napatingin si
Drake sa butones ng kanyang damit. Iyon ang tinutukoy nito. Napalunok siya. Nag-
iinit na ang kanyang pakiramdam. Hindi pa siya na-tense ng ganito sa buong buhay
niya...

"S-Sige. Nandito na ito eh. Dahan-dahan lang ah? Huwag mo akong biglain... Kasi
nanununggab ako kapag nagugulat... Ikaw rin, lagot ka..." simpleng warning ni
Drake.

Natawa si Daisy at nahihiyang napailing sa joke ng kasama niya. Loko-loko.


Pagkasabi ni Drake ay marahan niyang inalis ang unang butones ng polo nito, sunud-
sunod hanggang sa malantad ang katawan nito. Napalunok siya ng makita niya ng
malapitan ang maganda nitong katawan. Nakita na niya iyon sa pageant pero ibang-iba
kapag sa malapitan. Hinila niya ang kamay nito at inilagay sa may ulunan. Inayos
niya iyon. Tuliro naman si Drake... Mukhang malapit na siyang mapagsamantalahan at
iyon ang hinihintay niya!

"Ganyan ka lang at huwag kang gagalaw hanggang sa matapos akong mag-sketch. Okay?"

Napakunot-noo si Drake at nagtatakang napatingin sa mukha ng kasama niya. Binitawan


na nito ang kamay niyang inilagay nito sa kanyang ulunan. Nagulat siya ng sobra sa
kanyang narinig...

"SKETCH?!!!!!" bulalas niya.

Pakiramdam niya ay sinakluban yata siya ng langit at lupa! Mali siya ng akala...
ARAAY! Lumayo na si Daisy at naupo sa kanyang puwesto, nagsimula na siyang mag-
sketch.

"Oo. Sketch. Iyon nga ang dahilan kaya binayaran ko ang oras mo. Mahirap kasing
magmodel ng ganyan, nakakangalay."

Pero pagkatapos noon ay bigla siyang natawa. Oo nga pala, nakalimutan niyang mag-
explain! Nagkamali tuloy ito ng inisip!

"Sorry ah! Nakalimutan kong magpaliwanag ng maayos. Medyo mainit kasi ang ulo ko
kanina dahil naisahan ako ng pinsan ko. Sabi niya i-sketch daw kita ng sexy at
binayaran niya ako. Ayaw ko sanang tanggapin ang pera niya pero no return, no
exchange daw. Kaya heto..."

Natawa na lang ng mahina si Drake at napailing sa kanyang narinig. Nakahinga siya


ng maluwag. Akala talaga niya kung ano na... Pero sayang! Akala pa naman niya,
pagsasamantalahan siya! Tinawanan na lang niya ang kanyang sarili sa isiping iyon.

Samantala... Pauwi na sila Blade ng makasalubong nila sina Rane, Karen at Conrad.

"Kamusta ang kita?" tanong ni Rane.


"Okay naman." sagot ni Hunter.

Isa namang pilyang ngiti ang namutawi sa labi ni Karen. Tumingin siya kay Creta at
napa-ehem!

"Kuya Creta, ibinigay mo ba talaga iyong trunks na suot ni Kuya Azrael doon sa
babae na nanalo sa bid?" tanong ni Karen.

"Ssssshhh... Huwag kayong mag-alala. Duplicate lang iyon. Nakakahiya naman kasi
kapag... Alam niyo na..." nakangising wika ni Creta.

Natawa ang lahat sa sinabi nito. Napansin naman ni Rane na wala si Drake. Kaya pala
tahimik kasi walang kaaway si Blade. Napatingin siya sa supot ng mga pagkaing dala
niya. Matamis na turon with matching nestea. Bumili sila kanina habang busy ang
boys sa pagliligpit.

"Teka, nasaan si Drake? Hindi ba siya magmemeryenda na kasama natin?" maang niyang
tanong.

Natigilan ang mga lalaki at nagkatinginan. Wala yatang gustung magsalita sa kanila
pero hindi din naman nakatiis si Blade.

"Naku, busy si Drake eh... M-May ginagawa kasi siyang project. Biology- The mystery
of life?! He he he..." alanganing paliwanag ni Blade.

Nagtawanan naman sina Zech, Hunter at Creta. Blangko naman ang mukha ng
magkakapatid kasi hindi nila gaanong na-gets?

Napatigil sa pagtawa ang lahat ng mamataan nila ang isang magandang babae na
hinahabol ng mga goons. Mahaba ang brown nitong buhok, maputing-maputi...
Katamtaman lang ang height at tama lang din ang katawan. Nakasuot ito ng puting-
polo na medyo maluwang dito at shorts na maikli. Kulay-asul. Nakayapak lang ito.
Nadapa ang babae... Agad na tumakbo si Zech para tulungan ang babae. Papalapit na
ang mga goons na humahabol dito.

"Miss, ayos ka lang?"

Napatanga si Hazel ng marinig niya ang boses ng lalaki. Napaangat siya ng tingin at
nakita niya ang maiitim na mga mata na nakatitig sa kanya. Silver ang kulay ng
buhok ng lalaki at may magaganda itong mga labi na matipid na nakangiti.

"Oo-Sa likod mo!!!..."

Nanlaki ang mga mata ni Hazel ng malakas na ihampas ang makapal na kahoy sa likod
ng lalaking tumulong sa kanya... Pero mas nagulat siya ng mawarak ang kahoy na
ipinalo dito at hindi man lang niya ito naringgan ng kahit na isang aray?! Galit
namang lumingon si Zech sa lalaking pumalo ng kahoy sa kanya. Nakasuot ito ng bonet
kaya hindi niya makita ang mukha. Malaking lalaki at namumutok ang muscles... Bigla
siyang tumayo at hinarap ang mga goons. Anim silang mga lalaki. Lahat ay may suot
na bonet sa mukha. May isang specific na tattoo ang kanilang mga braso. Mga tauhan
ng isang sindikato o kaya ay gang.

Ngumisi ang tila pinakapinuno sa mga ito. Bahagya din itong sumulyap kina Blade,
Hunter at Creta. Nasa likuran nila sina Karen, Rane at Conrad para protektahan...
Sigurado kasing away ang mangyayari.

"Hoy bata! Ibigay mo na lang sa amin ang babaing iyan para hindi kayo mapahamak ng
mga kaibigan mo!" mayabang na wika ng lider ng mga ito.
Napaatras si Hazel at napalunok. Napatingin siya sa likod ng lalaking tumulong sa
kanya... Malalaki ang katawan ng mga goons na humahabol sa kanya. Tiyak na
matinding bugbog ang aabutin nito kapag pinilit nitong ipagtanggol siya. Pero ayaw
din naman niyang sumama sa mga goons! Napangisi naman si Zech sa mga lalaking
kaharap niya.

"Eh kung ayaw ko? Aangal kayo?!" mayabang niyang wika.

"Aba't! Gusto mong masaktan kayong lahat ah! Sige, sugurin silang lahat!!!...."

Nang sumugod ang pinakapinuno ng goons kay Zech ay sinabayan niya ito. Nakaumang
ang malaki nitong kamao sa kanya. Mabilis siyang yumuko para iwasan ang suntok nito
at pagkatapos noon ay malakas niya itong binigyan ng suntok sa sikmura at kasunod
noon ay binigyan niya ng malakas na sipa sa tagiliran. Tumilapon ito at dumausdos
ng maraming beses. Wala siyang pakialam kung ordinaryong tao lang ito. Hindi naman
ito mabuti.

Samantala... Tatlo sa mga goons ang sumugod kina Blade, Hunter at Creta. Inihanda
nila ang kanilang mga sarili. Nang sugurin si Blade ng isang goon ay mabilis siyang
tumalon. Hinawakan niya ang ulo nito at marahas na idinribol sa semento. Tulog agad
ito ng bumagsak. Sinalo naman ni Hunter ang malaking kamao ng goon na sumugod sa
kanya. Mariin niya iyong hinawakan at pagkatapos noon ay malakas niya iyong
ibinalibag. Ang leeg naman ng kalaban ang pinuntirya ni Creta. Dinakma niya iyon ng
iwasan niya ang sipa nito. Malakas niya iyong ibinalibag sa pader na nasa gilid ng
kalsada. Kung tutuusin ay kaya niya itong patayin kung ginusto niya. Pero mas
pinili niyang patulugin na lang ito. Tinakpan naman ni Rane ng mahigpit ang mga
mata ng nakababata nilang kapatid na si Conrad. Hindi ito dapat makapanood ng
mararahas na eksena.

Isa namang malakas na suntok sa sikmura ang nagpatumba sa ikalawang kalaban ni


Zech... Ngunit paglingon niya ay.... Bihag ng huling kalaban ang babaing iniligtas
niya.

"Sige, lumaban ka! May mangyayaring masama sa babaing ito!"

Nahigit ni Hazel ang kanyang paghinga ng itutok ng lalaki ang patalim sa kanyang
leeg. Idiniin pa nito iyon at bahagya na siyang nagalusan. Napahinga ng marahas si
Zech ng mapatingin siya sa lalaki... Nakikita niya ang matinding takot sa mga mata
ng babaing bihag nito. Hindi niya alam pero may nararamdaman siyang kakaiba sa
babae... Parang hindi ito ordinaryong tao.

"Kung ako sa'yo, bibitawan ko siya." mariing babala ni Zech.

"Ano ako, bale?! Nakita namin ang babaing ito na sumusunod sa amin... Isa siyang
asset ng mga pulis, kaya inutusan kami ng aming boss na kunin siya!"

Napailing si Zech. Hindi ito nakinig sa kanyang babala. Inilagay niya sa kanyang
likuran ang kanan niyang kamay at palihim siyang gumamit ng kanyang kapangyarihan.
Nagpalabas siya ng mansanas. Ginawa niya iyong matigas na parang bato.

"Matigas ang ulo mo ah?! Puwes, hetong sa'yo!!!..."

Mabilis pa sa kisap-mata ang ginawa niyang pagbato sa mansanas na hawak niya.


Pinuntirya niya ang kamay ng lalaking may hawak na patalim. Tinamaan niya ang kamay
nito at nalaglag nito ang hawak na kutsilyo.

"Urgh!!!!...." ungol ng lalaki.

Mabilis naman na itinulak ni Hazel ang lalaki at agad siyang tumakbo palayo dito...
Pero kung sadyang malas lang ay bigla naman siyang nahulog sa bukas na manhole.

"Eeeeeeh!!!!..."

Splash!!!!... May tubig ang manhole. Malinaw at malinis naman iyon dahil ang tubig
na naroon ay nagmumula sa isang bukal na nasa ilalim ng lupa. Mabilis namang
sinugod ni Zech ang lalaki at agad na tinira ang leeg nito. Nawalan ng malay ang
goon at bumagsak. Nataranta naman si Hazel at hindi alam ang kanyang gagawin...
Nabasa ang mga paa niya! Hindi siya puwedeng makita ng mga taong tumulong sa kanya
sa totoo niyang anyo!!!.. Pero anong gagawin niya? Nabasa ang kanyang mga paa?!!!

Naglakad naman papunta si Zech doon sa manhole na kinahulugan noong babaing


iniligtas niya. Yumuko siya at laking gulat niya ng makita niya ang anyo nito...
Tama siya ng hinala... Wala sa sariling nasapo niya ang labi... Ang mga binti nito
at paa ay naging buntot ng isda... Matingkad na kulay-pink ang kulay at kumikinang
kapag nasisinagan ng liwanag. Dapit-hapon na ng mga oras na iyon. Takot naman na
napatingin si Hazel sa mukha ng lalaking nakatunghay sa kanya. Anong gagawin niya?!
Nakita na siya nito?!

"Zech, nasaktan ba siya?" untag ni Creta.

Ilang beses na napakurap si Zech. Hindi pa rin siya makapagsalita sa labis na


pagkagulat. Dahil doon ay napagpasyahang lumapit ng mga kasama niya. Lahat sila ay
nagulat.

"S-Sirena!" inosenteng wika ni Conrad.

Napayakap naman si Hazel sa kanyang sarili at takot na napatingin sa lahat.


Nanginig ang buo niyang katawan.

"H-Huwag niyo akong sasaktan, p-pakiusap.." takot niyang wika.

Napaiyak na siya dahil hindi niya alam kung ano ang mangyayari sa kanya. Ngumiti ng
matipid si Zech at marahang inilahad ang kanan niyang kamay.

"Hindi mo kailangang matakot... Hindi ka namin sasaktan dahil hindi naman kami
masasamang tao. Kaya halika na, tutulungan kita."

Alanganing tumingin si Hazel sa kamay ng kanyang kaharap. Napatingin din siya sa


iba nitong mga kasama... Lahat sila ay ngumiti sa kanya. Dahil doon ay inabot niya
ang kamay ng lalaki.. Walang kahirap-hirap siya nitong hinila paitaas at kinarga.
Mabilis naman na hinubad ni Blade ang pang-itaas niyang damit at agad na ibinalot
sa buntot ng sirena para takpan iyon at maitago... Hinubad na rin ni Hunter ang
kanyang damit. Kailangang masiguro nila na maitatago nilang maigi ang buntot.
Mahirap na at baka may ibang taong makakita.

"Malapit lang ang bahay ko dito. Doon muna tayong lahat." wika ni Zech.

Naglakad na sila papunta sa bahay ni Zech. Hinila naman ni Conrad ang kamay ng
kanyang ate Rane...

"Bakit?"

"Ate, totoo ba talagang sirena siya?" inosente nitong tanong.

Huminga ng malalim si Rane.

"Oo... Kahit ako, hindi rin makapaniwala sa nakikita ko. Pero totoong sirena siya."
Nanatili namang tahimik si Karen habang nakatingin siya sa kargang babae ni Zech.
Kahit nakita na ng dalawang mata niya ay hindi pa rin siya makapaniwala... Sabagay,
naranasan na niyang mahabol ng maligno... Ngayon pa ba siya magdududa sa isang ito?
Pumasok na sila sa bakuran ni Zech at nagtuloy sa bahay. Marahang inilapag ni Zech
ang sirena sa couch.

"Anong gusto mo?" casual niyang tanong.

"T-Tubig." mabilis na sagot ni Hazel.

Pumunta sa kusina si Zech at agad na nagsalin ng tubig sa baso. Tahimik naman ang
mga kasama niya at wala silang ginawa kundi ang mapatingin sa mythical creature.
Nang dumating si Zech dala ang basong may lamang tubig ay agad niyang inabot iyon
sa babae. Kinuha naman nito agad iyon at uminom. Tuloy-tuloy nitong nilagok ang
laman ng baso.

"Anong ginagawa mo dito sa mundo ng mga tao? Alam mo bang delekado ang ginawa mo?
Paano kung nahuli ka ng mga goons na iyon? Tiyak na pagkakaguluhan ka sa black
market at isusubasta ka ng mahal sa mga scientist... Pag-e-eksperimentohan ka."
hindi nakatiis na wika ni Creta...

Mahigpit na napahawak si Hazel sa basong hawak niya. Tumingin siya sa mga taong
nakapaligid sa kanya.

"E-Eh kasi... Kailangan kong mabawi ang kinuha ng mga taong iyon mula sa islang
binabantayan namin... Isa iyong malaking perlas. Ang luha ni Prince Caspian..."
mahinang wika ni Hazel.

"Prince Caspian?!" bulalas ni Zech.

Ang buong akala niya ay alamat lang ang tungkol sa malaking perlas na iyon.
Napakunot-noo naman si Hunter.

"Ano ang tungkol doon?" tanong niya.

"Si Prince Caspian ang prinsipe ng karagatan. Siya ang pinuno naming mga nilalang
sa dagat. Umibig siya sa isang mortal na babae pero mas pinili niya ang kanyang
tungkulin bilang isang pinuno. Tinalikuran niya ang kanyang pag-ibig at dahil doon
ay lumuha siya ng lumuha hanggang sa mabuo ang malaking perlas... At iyon din ang
naging dahilan kung bakit naging maalat ang dagat dahil napuno ng luha niya. Sa
susunod na pagbilog ng buwan ay kasiyahan namin. Darating siya at tiyak na
magagalit siya ng husto kapag nalaman niyang nawala ang perlas na iniingatan niya
at kinuha iyon ng mga tao. M-Maaaring ilubog niya ang lahat sa dagat kapag hindi ko
iyon nabawi..."

Huminga ng malalim si Hazel. Ipinagpatuloy niya ang kanyang kuwento.

"Ang islang kinaroroonan ng perlas ay maliit at lumilitaw lamang iyon kapag new
moon. Sa maliit na yungib, naroon ang perlas na nakalagay sa malaking bato.
Nakatapat iyon sa langit at nagliliwanag ng puti sa gitna ng kadiliman. Nagulat
kami ng biglang dumaong ang isang bangka doon... Pumasok ang mga lalaking lulan ng
bangka sa loob ng yungib at kinuha ang perlas... Hindi ko alam kung paano nila
nalaman ang tungkol doon... Pero hindi namin sila nagawang pigilan dahil may mga
baril sila. Natakot kami. Kahit na pinigilan ako ng ate ko, eh sinundan ko pa rin
sila hanggang dito sa lupa.. At napansin nila ako kaya naman bigla nila akong
hinabol at iyon na nga... Nakita niyo ako.. Ayon sa narinig kong usapan nila,
ibebenta daw ang perlas sa underground ng may mataas na bid... Ano iyon?"

Huminga ng marahas si Creta. Napailing siya.


"Kung ganoon, ibebenta nila ang perlas sa subastahan sa Black Market. Maaaring
isang masamang Archaelogist ang nakipag-ugnayan sa mga sindikato para mapondohan
ang kanyang pananaliksik tungkol sa alamat kaya nila nahanap ang perlas. At heto na
nga....Nakuha nila iyon. Tiyak na isang delubyo ang mangyayari kapag hindi natin
iyon nabawi. Guys, kailangan nating makapasok sa underground." paliwanag ni Creta
sa lahat.

"Kung ganoon, tawagan niyo na si Drake! Anak na lase, wala na akong pakialam kung
maisturbo ang animal! Mas importante at mahalaga ang bagay na ito. Isa itong
malaking problema!" pakli ni Blade.

Inilabas ni Hunter ang kanyang cellphone at agad na nga niyang tinawagan si Drake
para papuntahin ito sa kinaroroonan nila. Isang malaking trabaho ang naghihintay sa
kanilang lahat...

Nagpakilala naman na si Hazel sa mga taong tumulong sa kanya at nagpasalamat.


Nagpakilala din ang mga ito sa kanya.

( ITUTULOY... )

24. The Red Scorpion Gang

"The Red Scorpion Gang"

Napangiti si Drake ng makita niya ang natapos na sketch. Hindi siya makapaniwala na
siya iyon... Inayos niya ang kanyang sarili at napatingin sa kasama niya.

"Ano? Okay na ba?" tanong pa nito sa kanya.

"Okay na okay."

Napangiti si Daisy sa sinabi ni Drake. Tiningnan din niya ang sketch... Parang
hindi na niya gustung ibigay sa pinsan niya. Tapos may ideya siyang naisip...

"Teka, i-xerox natin para may kopya ka at may kopya din ako. Ibibigay ko kasi itong
original kay ate Alexa. Bayad ito eh."

"Sige, gusto ko iyan."

Pumunta sila sa kinaroroonan ng xerox machine. Ini-on nito iyon at naglagay ng


coupon bonds...

"Ahm... Puwede ko bang kunin ang cellphone number mo?" untag ni Drake.

Napatingin si Daisy sa kasama niya at napakunot-noo.

"Bakit?"

Nahihiyang napakamot si Drake sa kanyang ulo at napakagat sa labi. Huminga siya ng


malalim.

"Ano... Gusto kong kunin ang number mo para ma-text kita... Para kapag libre ang
oras mo, puwede kitang mayayang lumabas... Mga ganoon?"
"Ah, okay. Wait lang."

Nagawa na ang kanilang mga copies at inabot ni Daisy ang isa kay Drake. Pagkatapos
noon ay iniabot naman ni Drake ang cellphone niya kay Daisy para ipalagay ang
number nito.

"Uy, thank you!!..."

Natawa si Daisy at napailing.

"Ako ang dapat na mag-thank you sa'yo. Kasi nang dahil sa'yo, kumita ako ng pera.
Mabibili ko ang gusto ko."

"Walang anuman... Kahit na libre, okay sa akin!"

Biglang nagring ang cellphone ni Drake. Si Hunter ang tumatawag. Agad niyang
sinagot ang tawag nito.

"Oh, bakit?"

"Busy ka pa ba?"

"Ah, hindi na. Okay lang, katatapos lang. Bakit ba?"

Natigilan si Hunter at nanlaki ang mga mata niya ng marinig niya ang naging sagot
ni Drake. 'Pambihira!!...' bulalas niya sa kanyang isipan.

"A-Anong sinabi mo?! K-Katatapos lang?!!!..." windang na wika ni Hunter.

Napakunot-noo si Drake. Ang OA naman yatang mag-react nitong si Hunter? Narinig


niya ang kung anong bulungan ng iba pa niyang kaibigan sa background.

"Bakit ba? Ano bang problema? Ano bang sasabihin mo sa akin?" tanong niya.

Narinig niya ang marahas na pagbuntung-hininga ni Hunter.

"Tsk, tsk! Pambihira ka talaga! As in ginawa mo ang gusto niya?! Pinatulan mo?!!!"

"Hmm... Okay lang, bayad naman ako eh. Iyon nga lang nangalay ako sa paghiga sa
couch. Sumakit ata ang likod ko eh." balewalang wika ni Drake,

Tuluyan nang namula si Hunter at natuliro. Grabe kung makareact si Drake doon sa
badang kanina... Sinabi pa nito na hindi sila call boys.. Tapos ay... Napailing-
iling siya at napalunok.

"Pumunta ka na lang dito sa bahay ni Zech. May problema. May importante at mahalaga
tayong pag-uusapan. Utang na loob, emergency ito!"

Inis na napakamot sa batok niya si Drake. Ayaw pa sana niyang umalis. Gusto pa
sana niyang yayain si Daisy na lumabas muna sandali.. Pero wala siyang magagawa
dahil halata sa boses ni Hunter na may problema nga. At curious siya kung ano ang
problemang iyon, mukhang malaki.

"Sige na, naiintindihan ko. Magpapaalam lang ako sandali. Pupunta na ako agad
diyan."

Ini-end na niya ang tawag. Napatingin siya sa kasama niya at alanganing ngumiti.
Gusto pa sana niyang magtanong kung may alam itong mga impormasyon tungkol sa Lola
nitong si Erein... Sa kung ano pa ang mga nangyari dito pagkatapos niya itong
iwanan. Pero sa susunod na lang siguro siya magtatanong.

"Ahm, aalis na ako. May emergency daw kasi eh.." paalam niya.

"Oh sige, ingat."

Naglakad na sila palabas at inihatid si Drake ng dalaga hanggang sa labas ng gate.


Pagkaalis ni Drake ay pumasok na sa loob ng bahay si Daisy. Tumakbo naman si Drake
papunta sa bahay ni Zech. Hindi niya alam kung anong klaseng problema ang malalaman
niya. Sana naman, hindi malala ang isang iyon.

Samantala... Kasalukuyang pinupunasan ni Hazel ang buntot niya ng tuyong tuwalya


para matuyo iyon at maging mga paa. Tinutulungan siya ni Conrad. Pinahiram siya ni
Zech ng maisusuot niyang damit... Isang green na t-shirt ang ibinigay nito sa
kanya. Ilang sandali pa ay unti-unti nang nagbago ng anyo ang buntot niya.
Nagkaroon na siya ng mga binti at paa. Humahanga namang napatingin si Conrad sa
kanyang nasaksihan.

"A-Ang galing! May mga paa ka na, ate!" natutuwang wika ng bata.

"Oo, salamat sa'yo Conrad."

Napangiti sina Rane at Karen. Inayos ni Karen ang buhok ni Hazel. Tinirintas nito
iyon. Pagkatapos noon ay mataman nitong tiningnan si Hazel...

"Sa tingin ko, kakasya sa'yo ang ilang mga damit ko. Antayin niyo ako dito, uuwi
ako sandali. Ikukuha ko ng damit si Hazel." presinta ni Karen.

"Salamat, Karen!"

"Wala iyon."

"Ingat ka." wika naman ni Rane kay Karen.

Tahimik lang ang mga lalaki at nakamasid. Medyo nawindang kasi ang mga ito sa
sinabi ni Hunter ng tawagan nito si Drake... As in nasorpresa talaga sila ng todo.
Talagang pagdating ni Drake eh kakastiguhin nila ito ng husto. Umalis na si Karen.
At ilang sandali pa lang itong nawawala ay siya namang pagdating ni Drake.

"Nandito na ako. Ano bang problema?" maang na tanong ni Drake sa lahat.

Napatingin siya sa paligid at nakita niya ang isang babae na nakaupo sa sofa, suot
ang damit ni Zech. Kasama nito sina Rane at Conrad doon. Nanlaki ang mga mata niya.
Akala niya ay kung ano nang problema.

"Abuwisit ak pa! Akala ko kung ano nang emergency ang nangyari! Eh may ginawa naman
palang kalokohan itong si Zech eh! Abuwisit ak pa!!.." sabay-turo kay Hazel.

"Tumigil ka nga diyan! Wala akong ginawang kalokohan! Baka ikaw!" naiinis na wika
ni Zech.

"Eh ipaliwanag mo sa akin kung bakit suot ng babaing iyan ang damit mo! At damit
lang talaga ah?!"

Napailing si Zech at nasapo ang noo. Kung makapagsalita si Drake sa kanya ay parang
wala itong nagawang kalokohan.

"Mali ka ng iniisip, Drake! Nakita namin si Hazel na hinahabol ng mga goons sa


daan. Tinulungan namin siya at nahulog siya sa manhole na may tubig kaya siya
nabasa... Kaya ayan, suot niya ang damit ni Zech. At ang nakakawindang ay isa
siyang sirena. Misyon niyang bawiin ang isang malaking perlas sa kamay ng mga
sindikato. Dahil kapag hindi niya iyon naibalik sa dagat, isang delubyo ang
mangyayari..." wika ni Hunter.

Pagkatapos noon ay ipinaliwanag pa niya ang ibang detalye. Nagpakilala si Drake kay
Hazel at humingi siya ng sorry kay Zech sa maling inasal niya.

"So, paano na ang gagawin natin? Mukhang hawak ng malaking sindikato ang perlas na
sinasabi niyo. Paano natin babawiin iyon?" maang na tanong ni Drake sa mga kasama.

Tumayo si Blade at ngumisi. Lumapit siya kay Drake at inakbayan ito sabay sabing...

"May naisip na kaming plano! Halika, pag-usapan natin sa likod ng bahay ni Zech!"
sabay-hila kay Drake.

"T-Teka, bakit doon pa?!" reklamo ni Drake.

Pero lumapit na rin si Creta. Hinila niya ang braso nito at wala nang nagawa si
Drake kundi ang mapasunod.

"Basta, halika na!" nakangising wika pa ni Creta.

Excited din na napasunod sina Hunter at Zech. Lahat sila gustung malaman kung ano
ang detalye sa nangyari kay Drake... Nasa bungad na ng kusina ang mga lalaki ng
mapansin sila ni Rane. Papunta ang mga ito doon sa pinto.

"Saan kayo pupunta?" curious niyang tanong.

Napatigil ang mga ito sa paglalakad at napalingon sa kanila... Alanganin ang


ngiting nakasilay sa labi ng mga ito.

"Ahm... Magplaplano lang kami para matulungan namin si Hazel! S-Sige, diyan na
kayo.. Kayo na muna ni Conrad ang bahala sa kanya! Bye!" wika ni Blade.

Bago pa makasagot si Rane ay mabilis na tumakbo ang mga ito palabas. Napasimangot
si Rane. Ano na naman kayang agenda ang iniisip ng mga ito?!

"Ang mga lalaki talaga!" palatak niya.

Samantala... Hindi naman malaman ni Drake kung ano ang dahilan at kinaladkad siya
ng mga kaibigan niya sa may likod ng bahay. Napatingin siya sa mga water-lily na
nakatanim sa maliit na pond na naroon. Namumukadkad ang mga bulaklak nila na kulay-
puti at pink.

"Magpaplano lang tayo, bakit dito pa? Hindi ba't mas maganda kung doon tayo sa
loob?" tanong niya.

Bigla siyang tinitigan ni Blade ng seryoso.

"Uy, ginawa mo ba talaga ha?" bigla nitong tanong.

"Ginawa ang alin?" kunot-noong wika ni Drake.

"Ump! Anak na lase!" sabay batok kay Drake.

"Ageeeh!!... Abuwisit ak pa! Bakit ba?!!" angal ni Drake.

Natigilan siya ng makita niyang nakatitig ng seryoso ang lahat sa kanya. Lahat
sila, nakahalukipkip. Mukhang may kung anong hinihintay...

"Magkuwento ka." mariing utos ni Hunter.

"Teka, kailangan ko pa bang magkuwento?"

"Oo! Sige na, dapat in details ah?" singit ni Creta.

Huminga ng malalim si Drake at napakamot sa kanyang ulo. Akala niya ay kung anong
plano ang sasabihin ng mga ito eh pagkukuwentuhin lang pala siya. Nag-umpisa na
siyang magkuwento.

"Eh di ba noong pagkabigay ng pera eh agad na niya akong hinila palayo... Ang sabi
niya sa akin, binayaran daw niya ang oras ko. Ngayon, tinanong ko siya kung napag-
isipan na ba niya ang lahat. Sabi niya, Oo daw! Eh di nagulat ako ng husto,
nawindang... Sinabi ko na kailan lang kami nagkita at nagkakilala, at hindi ko pa
alam ang pangalan niya... Nagpakilala siya sa akin. Daisy ang pangalan niya. Tapos,
pumunta kami sa bahay nila, tumuloy kami sa work place niya. Pagkadating namin,
inutusan niya akong mahiga sa couch..." sinadyang ibinitin ni Drake ang kanyang
sasabihin.

Mataman namang nakikinig ang lahat sa kanya. Lahat ay intense at bahagyang


pinagpawisan dahil sa mga kuwento ni Drake.

"Tapos, ano ang nangyari?" napalunok na tanong ni Blade.

"Eh di lumapit ako sa kanya at sinabi kong 'Alisin mo na ang Kuya kung gagawin
natin ito.' At nagkatitigan kami... Tapos, sinabi ulit niya na humiga na ako sa
couch. Di excited na excited ako noon. Humiga ako sa couch ng dahan-dahan...
Lumapit siya sa akin, hinawi ang aking bangs... Pagkatapos noon ay tinanggal niya
ang butones ng aking damit.. Isa-isa.... Hinawakan niya ang aking mga kamay at
inilagay sa aking ulunan... Sabay sabing... Ganoon lang daw ako hanggang sa matapos
ang sketch!! ABUWISIT AK PA!!!!... Akala ko talaga pagsasamantalahan na ako ay!
Handang-handa na nga ako eh! Abuwisit ak pa!!.." nanghihinayang na kuwento ni
Drake.

Sabay-sabay naman na napakurap sina Blade, Hunter, Zech at Creta. Nagkatinginan


silang apat. At napabulalas nang...

"SKETCH?!!!!!..."

"Oo, sketch nga! Hawak ko nga iyong xerox copy eh. Kasi iyong original, ibibigay
daw niya doon sa pinsan niyang nagbayad sa kanya para i-sketch ako ng sexy." yamot
na wika ni Drake.

Iniladlad ni Drake ang hawak niyang xerox copy ng kanyang sketch. Humahangang
napatingin ang mga kaibigan niya doon.

"Wow, mukhang magaling siya ah. Mas guwapo kasi iyong sketch kaysa sa'yo."
natatawang comment ni Zech.

Bigla namang dinuro ni Blade si Drake at isang nakakalokong ngiti ang sumilay sa
labi nito.

"D-Di ibig sabihin, umasa ka sa maling akala? Animal!" natatawang wika pa ni Blade.

"Okitnam! Tumigil ka na nga! Huwag mo nang ipaalala, abuwisit ak pa!"

Nagtawanan ang mga kasama ni Drake sa narinig. Maging sila ay nagkamali din ng
akala. Napahampas ng kamay sa ere si Creta at napailing.

"Sheyt ka Drake! Akala ko pa naman, naka-score ka! Bueno, change the topic na nga
lang. Pag-usapan na lang natin kung paano natin mababawi ang perlas sa kamay ng mga
sindikato bago nila iyon maisubasta!" pakli na lang ni Creta.

"Mabuti pa nga!" segunda ni Zech.

"Paano ba tayo makakapasok sa sindikato?" tanong ni Hunter kay Creta.

Napangalumbaba ito at matamang nag-isip.

"Wrong-mistake.. Masyadong matagal kapag pumasok tayo sa isang sindikato. Inaabot


ng buwan bago makuha ang tiwala ng kanilang boss at mga kasama. Mas mabuti kung
bumuo na lang tayo ng sarili nating Gang." pakli ni Creta.

"Kung ganoon, ano ang pangalan ng Gang natin? Teka lang, Creta... Bakit ang dami
mong alam sa mga sindikato?!" curious na tanong ni Hunter.

Huminga ng malalim si Creta. Napatingin siya ng alanganin sa kanyang mga kaibigan.


Hindi niya gustung balikan ang ilang bahagi ng buhay niya bago niya makilala ang
asawa niya. Gangster siya noon. Isang malupit na Gangster.

"Dati kasi akong tambay sa mga Casino at ang lugar na mga iyon ang paboritong
meeting place ng mga Big Boss ng mga Gang at nang mga notorious na sindikato na
nasa underground." paliwanag ni Creta.

Pero napangiwi siya ng makita niyang nagdududa ang tingin ng mga kasama niya.
Huminga ng malalim si Zech. Alam niya ang totoo.

"Sinungaling!" bulalas pa niya.

Yamot na napatingin si Creta kay Zech at napakamot sa kanyang ulo. Ginulo niya ang
kanyang buhok.

"Oo na nga! Dati akong leader ng isang Gang! Ang Red Scorpion Gang! Pero nagbago
ako noong ma-meet ko ang asawa ko. Binuwag ko na iyon... At ngayon, kailangan
nating gamitin ang pangalan ng dati kong Gang para magawa ang ating task... At sa
isang Gang, kailangan natin ng isang leader. Puwera ako kasi pinagdaanan ko na. I
mean, nagsawa ako kasi naging pinuno ako ng Red Scorpion Gang ng napakaraming taon.
Dapat may iba namang sumubok na isa sa inyo para malaman niyo ang feeling ng isang
leader ng Gangster. Ano, game?!"

Nagkatinginan ang lahat. Hindi nila mapagdesisyunan kung sino ang dapat na maging
Boss nila kunwari. Napahawak sa kanyang baba si Hunter. Wala siyang ideya kung ano
ang katangian ng isang leader ng notorious na Gang.

"Ano ba ang katangian ng isang Gangster Boss?" tanong niya kay Creta.

"Ano pa ba? Eh di malupit at walang-hiya!" mabilis na sagot ni Creta.

Pagkasabi nito ng salitang walang-hiya ay sabay-sabay na napako ang kanilang tingin


kay Blade. Nabigla naman si Blade ng tingnan siya ng kanyang mga kaibigan.

"AKO?!" maang nitong tanong.

"Bakit, sino pa ba ang walang-hiya dito ah?' nakangising wika ni Drake.

"Teka, bakit kasi hindi na lang si Creta? Madami naman siyang alam tungkol sa mga
Gangster na iyan. Tsk! Bakit ako pa?!"

"Blade, hindi ko na gustung ibalik pa ang nakaraang bahagi na iyon ng buhay ko.
Intindihin mo lang. Handa ko naman kayong i-guide eh. Gagamitin ko ang koneksyon ko
para lang makuha natin ang ating target. Basta, pakiusap lang... Ikaw na ang maging
leader."

Napakamot sa kanyang batok si Blade. Kung ganyan na ang usapan, hindi na siya
makakatanggi pa sa pakiusap ni Creta. Kaya bahala sila, siya na nga kung siya!

"Fine! Ako na! Anak na lase!"

Nagpalakpakan ang lahat.

"Good. Maglalagay tayo ng tattoo ng Red Scorpion sa kanan nating braso. Iyon ang
simbolo ng mga notorious members ng Red Scorpion Gang. Huwag kayong mag-alala dahil
hindi naman permanent ang mga ito." wika ni Creta.

Naglabas siya ng limang baraha na may logo ng Red Scorpion. Idinikit niya iyon sa
kanang-braso ng mga kaibigan niya para mailagay ang tattoo. Hindi niya akalain na
mabubuo ulit ng panandalian ang Red Scorpion Gang... Kilala ang kanyang Gang sa
kalupitan at hindi nila kinikilala ang ibang Boss ng Gang at sindikato, wala silang
pakialam. Marami siyang pinatumbang leader ng Gang at mga sindikato. Marami ding
mayayaman ang naghirap dahil pinataob niya sa mga sugal sa casino. Pero iba na siya
ngayon, hindi na niya taglay ang katangiang iyon... Nawala na. Kaya nga sa tingin
niya, si Blade ang nababagay na pumalit sa puwesto niya ng pansamantala.

Dumating naman na si Karen dala ang mga damit na maisusuot ni Hazel. Pumasok na
muna ang huli sa kuwarto ni Zech para magbihis.

"Nasaan ang mga boys?" tanong niya kay Rane.

"Nasa likod ng bahay. Mag-iisip daw sila ng plano kung paano nila mababawi ang
perlas mula sa sindikatong nakakuha noon."

"Bakit doon pa sila nag-usap?"

Nagkibit-balikat si Rane.

"Ewan ko. Ang daya-daya nga eh. Parang ayaw tayong isali."

Napasimangot si Karen.

"Ang daya nga!"

Inihanda naman ni Rane ang mga pagkaing dala niya. Matapos magbihis ni Hazel ay
niyaya nila itong magmeryenda, bahala ang mga boys. Kasalukuyan silang kumakain ng
pumasok na sa loob ang mga lalaki.

"Yeah! Tamang-tama ang dating natin!" masiglang wika ni Blade.

Agad siyang lumapit sa mesa kung saan nakalagay ang mga turon. Kumuha siya ng isa
at kinain niya iyon. Sumunod na rin ang mga kasama niya.

"Anong plano niyo?" untag ni Rane.

Napatigil sa akmang pagsubo ng pagkain si Blade. Tumingin siya kay Rane at sa mga
kasama nito. Naghihintay ang mga ito ng sasabihin niya.
"Ahm, bumuo kami ng Gang para makapasok kami sa Underground." maiksi niyang sagot.

Itinuloy niya ang pagkain.

"Mukhang astig iyan! Kasali ba kami diyan?!" excited na tanong ni Conrad.

"HINDI!!!..." sabay-sabay na sagot ng lahat.

Napasimangot si Conrad sa kanyang narinig. Hindi niya inaasahan iyon.

"Hmf! Ang daya! Bakit hindi kami pupuwede?!"

"Conrad, hindi pangbata itong gagawin namin. Delekado at puno ng karahasan.


Trabahong pang walang-kaluluwa itong papasukin namin. Kaya ang task niyo na lang na
tatlo ay alagaan at protektahan si Hazel. Anong malay natin kung hina-hunting pa
siya ng mga goons. Kung wala kami, paano siya?" wika ni Hunter.

Ilang sandaling napaisip si Conrad. Pagkatapos ay ngumiti.

"Sige! Kami na ang bahala sa kanya! Kayang-kaya namin nila ate ang mga goons na
iyon!"

Pagkatapos nilang magmeryenda ay umalis na sila. Kina Rane na muna pansamantalang


titira si Hazel habang inaantay nitong mabawi ang ninakaw na perlas. Sana lang ay
makuha nila iyon sa lalong madaling panahon.

Pagkadating nila sa kanilang bahay ay agad na pinatuloy ni Rane si Hazel sa kanyang


kuwarto. Doon muna ito makiki-share sa kanya. Halos sabay silang humiga sa kama.

"Ang lambot!" nakangiting wika ni Hazel.

"Talaga? Salamat!" si Rane.

Yumakap si Hazel sa isang unan. Pagkatapos noon ay napatingin siya sa kisame. Isang
mukha ang biglang niyang nakita at hindi niya maiwasang mag-init ang kanyang
pisngi.

"Ang bait ni Zech, ano?"

Tumagilid si Rane at tumingin kay Hazel.

"Oo, mabait talaga si Zech. Pero hindi lang naman siya kundi lahat sila."

"Alam ko, pero..."

"Pero ano?"

Humigpit ang hawak ni Hazel sa unan na yakap niya. Panay ang ginawa niyang paghinga
ng malalim.

"Gusto ko na yata si Zech..." nahihiyang wika ni Hazel.

Napabuka ang labi ni Rane at hindi niya malaman ang kanyang sasabihin. Crush niya
kasi si Zech.. Oo. Kaya naman nagulat siya ng husto sa sinabi ng kasama niya. Kaya
lang, medyo nalito yata siya. Hindi naman kasi siya nakararamdam ng selos kundi
isang simpleng pagkailang lang?! Iyong kasama mo eh kapareho mo ng crush?
Pinakiramdaman niyang maigi ang kanyang sarili. Bakit hindi siya nagseselos? Pero
kapag nagkataong si Blade ang nabanggit nito, tiyak na magagalit siya. Natigilan
siya sa kanyang iniisip. May gusto nga ba siya talaga kay Blade?! Napansin ni Hazel
ang kakaibang papanahimik ni Rane.

"May problema ka ba, Rane?"

Napakurap si Rane at napangiti ng alanganin sa kanyang kasama. Sinapo niya ang


kanyang noo at marahang napailing.

"W-Wala ito. Mayroon lang akong iniisip. Huwag mo akong alalahanin. Ang mabuti pa,
magpahinga ka na muna."

Bumangon na si Rane at dumiretso siya sa kanyang hardin sa kanyang terrace. Itinuon


na lang niya ang kanyang atensyon sa kanyang mga halaman.

Kinabukasan ay agad na nagpulong ang bagong tatag na Red Scorpion Gang.


Napagkasunduan nila na kahit si Blade ang magsisilbing leader ay si Creta pa rin
ang gagawa ng kanilang mga magiging plano dahil gamay nito ang mundo ng
underground. Nasa loob sila ng isang lumang gusali. Kailangan nila ng hideout
bilang isang Organize Crime Group. Nakaupo silang lahat at magkakaharap sa mesa.
Nasa pinakagitna si Blade at nasa magkabilang gilid naman ang mga kasama niya.
Pasimple niyang itinaas ang kamay.

"Tanong ko lang Creta, magkapareho lang ba ang isang Gang at isang sindikato?"
curious niyang tanong.

Nanood sila ng mga gangster movies para lang mapangatawanan ang kanilang mga roles.
Iyon nga lang ay medyo nalilito siya tungkol sa sindikato at Gang.

"Malaki ang pagkakaiba ng gang sa sindikato. Ang Gang ay binubuo ng mga individual
criminal para mapa-level ang resources at magkaroon ng complex transaction sa
kanilang mga gawain... Isang grupo lang... Pero ang isang Syndicate-ay malaking di
hamak kumpara sa isang Gang. Dahil ang sindikato ay binubuo ng malalaking grupo ng
mga organize crime group. Nagtutulong-tulong sila para sa kanilang mga
pangangailangan at kapangyarihan. Ngayon ay nakabuo na tayo ng Gang. Ang kailangan
na lang nating gawin ay guluhin ang sindikatong nakakuha doon sa malaking perlas at
nang sa ganoon ay makapunta tayo sa subastahan..." pinutol muna ni Creta ang
pagpapaliwanag.

Matamang nakikinig ang lahat.

"Kung ganoon, ano ang kailangan nating gawin? Gusto kong gawing exciting ang lahat.
Sabihin mo ang lahat ng plano mo at wala tayong gagawin kundi ang gawin iyon." wika
ni Blade.

Huminga ng malalim si Creta at nilaro ang kanyang mga daliri sa mesa. Gumawa iyon
ng ingay. Matamang nakatingin sa kanya ang kanyang mga kasama. Mauungkat na naman
ang isang bahagi ng kanyang nakaraan pero wala siyang magagawa dahil kinakailangan.

"Ang gawain ng Scorpion Gang ay guluhin ang transaction at nakawin ang mga
kontrabando ng ibang Gang at nang mga sindikato. Nag-iiwan kami ng isang card na
logo ng Red Scorpion matapos naming guluhin ang isang transaksyon. Doon kami
kinilala at kinatakutan ng lahat ng mga Gang at sindikato dahil wala kaming
sinisino. Lahat tuloy sila ay naglalagay sa amin ng malaking halaga para hindi
namin sila galawin at pakialamanan."

Napangiti si Drake sa kanyang narinig. Parang bigla niyang naalala ang panahon kung
saan siya pa ang Vampire King. Kinatatakutan siya ng lahat ng mga bampira sa
vampire world dahil maging ang dugo ng mga ito ay kanyang iniinom basta ba
magustuhan niya. Napailing siya ng bahagya, ayaw na niyang alalahanin pa ang
madilim na bahagi na iyon ng buhay niya. Napatingin siya kay Creta, naiintindihan
niya ang nararamdaman nito ngayon.

"May magaganap na palitan ng kontrabando sa may pier sa isang bakanteng bodega.


Transaksyon iyon ng Al Capone Syndicate-ang pinakamalaking sindikato sa ngayon at
nang Shadow Trade Syndicate-ang pumapangalawa sa Al Capone. Nagkasundo ang dalawang
grupo na ito na magtutulungan kaysa magkalaban. Sila din ang magsasagawa ng
subastahan sa darating na Linggo. Kapag ginulo natin ang kanilang buisiness
transaction at kinuha ang kanilang mga kontrabando, tiyak na hindi sila
makakatanggi kapag ginusto nating sumali sa subastahang gaganapin. Ayon sa update
na ibinigay ng aking asset, mga mamahalin at priceless artifact ang ibebenta sa
blackmarket, kasama na ang luha ni Prince Caspian. Mamayang ala-ona ng madaling
araw ang transaksyon." paliwanag pa ni Creta.

Napatang-tango si Blade at napahawak sa punong-baba niya. Napahalukipkip siya.

"Kung ganoon, malayo pala ito doon sa mga ipinapalabas na Gangster daw a T.V.
ngayon ay sa mga nababasa ko..."

Napahampas sa ere si Creta.

"Sheyt! Mga Gangster kuno ang mga iyon. Pero ang totoo niyan, ang description na
lumalabas sa kanila ay mga simpleng Siga lang sila sa School. Walang matatawag na
Gang sa School. Kundi mga group of Bullies... Puwes, mas tamang iyon ang term.
Maniniwala pa ako kung sila ay grupo ng mga estudiyante na nagsasagawa ng lihim na
pagbebenta ng mga illegal na droga at sagot sa exam sa mga kapwa nila estudiyante.
At nagagawa nilang i-bribe ang pamunuan ng school at napapasakamay nila ang
kontrol, hindi iyong gangster kuno na pang porma at pa-cute lang pala. Sheyt
talaga! Nakakasira ng image... Kaya nga Organize Crime Group ang definition ng Gang
eh.

Ang mga totoong Gangster ay sangkot sa mga illegal na gawain, halang ang kaluluwa
at walang-awa kung pumatay... Depende iyon sa grupo. May mga Gang din naman kasi na
kahit gumagawa sila ng masama eh nagbibigay naman sila ng tulong sa mga mahihirap.
Kagaya ng Red Scorpion Gang dati... Tinatalo lang namin ang mga mayayaman...
Sabagay, ano namang mananakaw namin sa mga mahihirap? Wala kaming mahihita sa
kanila. Anyway, magplano na tayo para sa gagawin nating pangugulo. Ano bang gusto
mo, Boss?" tanong pa ni Creta kay Blade.

Napangisi naman ng pilyo si Blade. It was an evil grin. Tumingin siya sa kanyang
mga kasama at nahawa ang mga ito sa kanyang ngiti.

"Pangugulo ba? Guys... Ready ba kayong magpaka-bad boys?" wika ni Blade sa lahat.

Hindi siya sinagot ng mga ito pero pare-pareho silang nagkatinginan at pagkatapos
noon ay isang nakakalokong halakhakan ang umalingawngaw...

Kinagabihan ay agad na lumakad ang kanilang grupo sa pier. Nasa sila ng bodega at
matamang nakamasid sa ibaba.

"Antayin muna nating magpakitaan ng mga kontrabando ang dalawang grupo. Pagkatapos
noon ay saka ako papasok at aagawin sa kanila ang mga iyon. Tapos, sunud-sunod na
kayo sa pag-atake. Hindi ko na kailangang i-explain ang lahat. Basta, turuan natin
sila ng leksyon." nakangising wika ni Blade sa mga kasama.

"Okay Boss." nakangising sagot ni Drake.

Tumingin silang lahat sa ibaba. Naroon ang mga grupo ng kalalakihan at panay armado
ng mga di-kalibreng baril. Lumapit ang dalawang lalaki sa may gitna. May kanya-
kanyang dalang briefcase ang mga ito na kulay-puti. Mukhang nag-uusap pa ang mga
ito at mataman namang naka-alerto sa paligid ang tauhan ng mga ito. Nakita nilang
nagkamay ang dalawang lalaki. Binuksan nila ang kanya-kanyang dalang briefcase.
Nalantad ang malaking halaga ng pera at ng ilegal na droga. Isinara ang mga
briefcase saka sila nagpalitan. Iyon ang hinihintay nilang hudyat.

Mabilis na tumalon pababa si Blade at agad na tumakbo papunta sa dalawang lalaki.


Inagaw niya ang dalawang briefcase sa mga ito.

"Patayin niyo ang lalaking iyan!!..."

Pinagbabaril si Blade pero madali lang niyang naiiwasan ang mga bala. Sunud-sunod
nang bumaba ang kanyang mga kasama. Tinira ni Creta ng kanyang mga sumasabog na
baraha ang mga armadong lalaki. At si Hunter naman, gamit ang kanyang Angel Dust ay
pinapatulog niya ang mga ito. Pinaralisa naman ni Zech ang iba pang natitira gamit
ang pollen ng kanyang halaman. At si Drake walang ginawa kundi ang mambugbog ng mga
goons. Halos lahat ng makasalubong niya ay pinapatumba niya. Inihagis ni Blade ang
mga hawak niyang briefcase at agad naman iyong sinalo ni Creta. Matapos noon ay
excited niyang ikiniskis ang kanyang mga palad at nagpaulan siya ng mahinang
kuryente sa mga kalaban. Tulog ang mga ito. Naghagis naman si Creta ng isang baraha
na may tatak ng Red Scorpion. Bumaon iyon ng bahagya sa semento.

"Ang dali lang naman nito. Sabagay, mga ordinaryong tao lang naman itong mga
kalaban natin." pakli ni Hunter.

"Anong gagawin natin sa mga brief case?" tanong ni Drake kay Creta.

"Itong pera, gagamitin nating ebidensiya na tayo ang nanggulo sa kanilang


transaksyon. At itong droga, sunugin mo na lang at gawing abo para hindi na
mapakinabangan."

Pagkasabi ni Creta ay malakas niyang inihagis sa ere ang briefcase na naglalaman ng


ilegal na droga. Sinundan naman iyon ni Drake para gamitan ng..

"Blazing Inferno!!..."

Sa isang iglap lang ay naabo na ang briefcase.

"Ngayon, ano pa ang susunod nating hakbang?" nakangiting tanong ni Blade kay Creta.

"Manggugulo pa tayo ng maraming transaksyon at magnanakaw ng kanilang mga


kontrabando. Kailangang mabagabag sila ng husto sa Red Scorpion Gang." nakangising
wika ni Creta.

Lumakad na sila at nanggulo pa sa maraming transaksyon ng dalawang sindikato.

Naiinis na tinambol ni Edward Robinson ang mesa. Siya ang pinuno ng Al Capone
Syndicate. Kasama niya ngayon si Charles Chen-ang pinuno ng Shadow Trade Syndicate.

"Malaki na ang nawawala sa atin dahil sa biglaang paglitaw ng Red Scorpion Gang.
Ang buong akala ko ay matagal na silang nabuwag. Buwisit! Hindi ko alam kung ano ba
talaga ang kailangan nila!"

"Huminahon ka. Magpapakita din sa atin ang Red Scorpion Gang at malalaman din natin
kung ano ang kanilang kailangan. At sa oras na magpakita sila, paiikutin natin sila
at tatapusin." wika ni Charles.

Marahas na bumuntung-hininga si Edward.

"Sana lang gumana iyang plano mo. Huwag mong kalimutan na isang maalamat na Gang
ang pinag-uusapan dito. Maraming silang pinabagsak at pinasunod na sindikato. Mas
mahirap ito ngayon dahil hindi natin sila kilala."

"Hindi ko akalain na nasisindak ka sa isang maliit na Gang lang. Parang hindi tuloy
ako makapaniwala na ikaw ang pinuno ng pinakamakapangyarihang sindikato ngayon..."

Hindi na lang umimik si Edward sa naging komento ni Charles.

"Siya nga pala, may nasagap akong update at masosorpresa ka..." biglang wika ni
Edward.

Amuse na tumingin si Charles sa mukha ng kanyang kaharap. Hindi sila totoong


magkaibigan at pareho lang silang humahanap ng tamang tiyempo para pabagsakin ang
isa't-isa. Nagkataon lang na napagkasunduan nila na magtulungan para mas mapalawak
pa ang kanilang kapangyarihan. Pero hindi ibig sabihin noon na hindi na sila
magkalaban. Isang silent war ang nangyayari.

"Ano naman ang update na iyan?" hindi nakatiis na tanong ni Charles.

Isang makahulugan at matipid na ngiti ang sumilay sa labi ni Edward. Naglabas siya
ng isang brown envelope at mula doon ay inilabas niya ang ilang larawan.

"Kuha iyan nang babaing sumusunod sa atin nang makuha natin sa dagat ang perlas.
Sinong mag-aakala na totoo pala ang alamat at higit sa lahat... Totoo ang mga
sirena?"

Humahangang napatingin si Charles sa picture. Buhat ng isang lalaki ang babae at


nakatalikod na ang mga ito. Kitang-kita niya na binalutan ng mga damit ang ibabang
parte ng katawan nito pero hindi nagawang itago ng mga damit ang ilang parte ng
buntot.

"Malaking pera ang naghihintay sa atin kapag nakuha natin ang mythical creature na
iyan."

Napangisi si Charles.

"Kung ganoon, ipakalat na natin agad ang ating mga tauhan para makuha natin ang
sirenang iyan. Tiyak na pagkakaguluhan siya ng lahat. Hindi lang natin mababawi ang
mga nalugi sa atin dahil sa pangingialam ng Red Scorpion Gang kundi magiging triple
pa o higit pa ang kikitain natin ng dahil sa kanya. Siya at ang perlas ang magiging
main event sa magaganap na subastahan..."

Sumang-ayon si Edward sa sinabi ng kanyang kasama. Agad silang nagsagawa ng plano


kung paano nila mahuhuli ang sirena.

Kinabukasan... Mabilis na hinahabol ni Rane ang grupo nila Blade pero agad na
nawala ang mga ito sa kanyang paningin. Inis na inis siyang nagpapadyak sa daan.
Pauwi na siya galing sa school.

"Abuwisit ak pa! Natakasan na naman nila ako! Ayaw talaga kaming isali diyan sa
kung anong ginagawa nila. Ang daya-daya! Palagi na lang silang may lakad!
Kainis!!.." frustrate niyang wika.

Naaawa pa man din siya kay Hazel kasi nag-aalala na ito ng husto at wala man lang
sinasabi sa kanilang update ang mga lalaking iyon.

"Naku! May araw din kayong lima sa akin!" gigil pa niyang wika.

Bumuwelta na siya at naglakad pauwi. Pagdating niya ay excited siyang sinalubong ni


Hazel kasama si Conrad.

"Kamusta?" si Hazel.

Huminga ng malalim si Rane at nahihiyang tumingin sa mukha ng dalawa.

"Pasensiya na kayo, natakasan kasi ulit ako ng limang lalaking iyon. Wala pa naman
silang sinasabing update sa akin tungkol sa mga ginagawa nilang lakad. Tuwing
nagtatanong ako, nagmamaang-maangan effect lang sila. Kainis nga eh."

"Asar naman sila." yamot na wika ni Conrad.

"Sige na, wala na tayong magagawa kung ayaw nila tayong isali. Tara, meryenda na
lang tayo. Napagod ako sa paghahabol sa kanila eh."

Kasalukuyan silang nagmemeryenda ng dumating si Karen. Ikinuwento ni Rane dito na


natakasan na naman siya nila Blade.

"Hay, unfair talaga ang mga lalaking iyon. Teka, pasyal na lang tayo sa mall
mamaya. Para at least, hindi naman ma-boring itong si Hazel at mag-enjoy din naman
siya dito." pakli ni Karen.

"Mabuti pa nga." sang-ayon ni Rane.

Samantala... Kagaya ng dati ay nasa hideout sina Blade at ang kanyang mga kaibigan.

"Siguradong galit si Rane sa atin ngayon. Ilang beses na natin siyang


tinatakbuhan." napangalumbabang wika ni Zech.

"Hayaan mo na. Ang iniisip lang naman natin ay ang kaligtasan nila. Hindi naman
biro itong pinasok natin ngayon eh." wika ni Drake.

"Rignt na correct! Saka mo na sila alalahanin kapag nagawa na natin ang ating task.
Anyway, ngayong gabi na magaganap ang subastahan. Sa isang underground ng isang
malaking hotel iyon mangyayari. Dadalo ang iba't-ibang leader ng mga sindikato at
mga mayayaman na enteresado sa mga isusubastang artifact. Kailangan na nating
pumunta doon at magpakilala. Tiyak na hindi sila makakatanggi sa atin kapag sinabi
natin na gusto nating sumali sa kanilang subastahan. Dahil kung hindi, gulo ang
ibibigay natin." napangising wika ni Creta.

Tumayo na si Blade.

"Kung ganoon, sumugod na tayo!" bigla niyang wika.

"OKAY!!!!..."

Dala ang mga briefcase na nakulimbat nila sa mga kalaban ay nagtungo na sila sa
isang malaki at sikat na casino-hotel. Nakasuot sila ng itim na kasuotan at lahat
ay may logo ng Red Scorpion sa likod ng kanilang damit. Nangunguna sa paglalakad si
Blade. Napatingin ang lahat ng tao sa lobby ng hotel ng dumating ang kanilang
grupo. Lahat ay nakatutok sa tatak ng kanilang mga damit. Dumiretso sila sa
reception. Gulat na napatingin sa kanila ang babaing receptionist. Makikita sa mga
nito ang amazement.

"W-What can I do for you, Sir?" magalang nitong wika kay Blade.

"867744." walang gatol na sagot ni Blade.

Napatanga ng ilang sandali ang babae at ilang beses na napakurap. Tiningnan sila
nitong lahat at parang hindi ito makapaniwala.

"Sir, ano pong pangalan ng grupo niyo?"

"Red Scorpion." deretsong sagot ulit ni Blade.

"Okay po."

May kung anong tiningnan na file sa computer ang babae. Dalawang beses pa nitong
pinasadahan iyon. Muli itong tumingin sa kanila at puno ng pagdududa ang tingin
nito.

"Sorry Sir, pero hindi nakalagay sa guest list ang grupo niyo." magalang na wika ng
babae.

Napahalukipkip si Blade.

"Tawagan mo ang Boss mo. Sabihin mo na nandito ang Red Scorpion Gang."

"Pero Sir..."

"Tawagan mo siyang lase o may mangyayari?" mariing babala ni Blade.

Napalunok ang babae at agad na ginawa ang utos niya. Dinig na dinig nila ang
pagpapaliwanag nito sa Boss. Halatang nasabon. Pero bahagya itong natigilan at
muling napatingin sa kanila. Matapos iyon ay tumawag ng Bell boy ang babae.

"Okay na po Sir. Sorry po sa inyo. Ihahatid po kayo nitong bellboy sa kinaroroonan


ni Boss. Gusto daw niya kayong makaharap."

Pagkasabi ng babae ay agad na silang tumalikod. Supladong-suplado si Blade ngayon.


Talagang pinapangatawanan nito ang maging isang Gangster Boss. Pumasok silang lahat
sa elevator at pumunta sila sa pinakatuktok ng gusali. Pumasok sila sa isang
malawak na hallway at wala silang nakita kundi puro mga armadong lalaki na matamang
nakatingin sa kanila. Parang mga lobo na naghihintay na masila silang lima. Huminto
sila sa isang malaking pinto at binuksan iyon ng bellboy para sa kanila. Tuloy-
tuloy silang pumasok sa loob at nakita nila ang ilang kalalakihan na tila
nagpupulong. Napatayo ang nasa pinakagitna noon.

"What a surprise... Nagpakita na rin sa wakas ang Red Scorpion Gang. Anong
maipaglilingkod namin sa inyo?" wika ni Edward.

Marahas na inihagis sa mesa ni Blade ang hawak niyang briefcase. Napatutok doon ang
paningin ng lahat ng bumukas iyon at kumalat ang ilang laman.

"Kilala niyo naman siguro ang briefcase na iyan at sigurado akong kabisado niyo
kung ilang pera ang laman..." umpisa ni Blade.

"Nandito ba kayo para ibalik sa amin iyan?"

Natawa ng mahina si Blade at napailing.

"Animal... Hindi. Nandito kami para sa gaganaping subastahan. Enteresado kami doon
dahil nagbabakasakali kami na mayroon akong magustuhang bagay... At ang mga perang
dala namin ang gagamitin namin para ipambili."

Tumayo ang isang lalaki na nasa gilid.

"Letse! Pera namin ang mga iyan! Niloloko niyo ba kami? Babayaran niyo kami ng
sarili naming pera?! Lintek!"

"Hindi niyo na pera iyan dahil pag-aari na namin. Finders-Keepers. Isasali niyo ba
kami sa subastahan o ano?" may himig ng pagbabanta ni Blade.

Ikinuyom ng lalaki ang kamao at sinugod ng suntok si Blade pero madali lang nasalag
ni Drake ang kamay ng lalaki.

"Bago dumapo ang kamao mo kay Boss, dadaan ka muna sa akin!"

Mahigpit na hinawakan ni Drake ang braso nito at pinisil. Namilipit ang lalaki sa
sakit.

"Argh!"

Marahas na binitiwan ni Drake ang braso ng lalaki at agad itong napaatras.


Tinutukan silang lahat ng baril ng mga lalaking naroon. Pero sa kabila ng lahat ay
nagawa pa nilang tumawa.

"Nakakatuwa naman. Masyadong mainit ang inyong pagsalubong. Animal, nakaka-excite!"


nang-aasar pang wika ni Blade.

Medyo nawiwindang si Creta sa ginagawang pag-arte ni Blade. Gangster na gangster.


Kung hindi lang niya ito kilala eh...

"Huminahon kayong lahat! Lahat kayo, ibaba ang inyong mga armas!" sigaw naman ni
Edward.

Mataman naman na sumunod sa kanya ang lahat. Hindi magiging maganda kung dito niya
tatapusin sa opisina niya ang Red Scorpion Gang... May iba siyang naiisip. Uutuin
muna niya ang mga ito.

"Bakit hindi na lang natin i-welcome ang maalamat na Red Scorpion Gang? Alam niyo
naman ang kanilang kapasidad? Dahil diyan ay gagawin ko silang VIP guests sa aking
hotel. Mamaya pa magaganap ang subastahan. Kasalukuyang inihahanda pa ang lahat.
Para hindi kayo mainip, maglibang na muna kayo dito sa hotel..." umpisa ni Edward.

Napangisi si Blade at napahawak sa kanyang baba.

"Magandang ideya iyan."

'Sisiguruhin kong magiging masaya ang huling sandali niyong lahat. Ang Red Scorpion
Gang ay matatapos sa Al Capone Syndicate at dahil doon ay lalo akong katatakutan ng
lahat.' wika ni Edward sa kanyang isipan.

Kinuha na ni Blade ang briefcase sa mesa. Hindi na niya kinuha ang ilang natapon na
pera at nakita na lang niya na pinag-agawan iyon ng mga lalaki sa mesa. Whew...
Basta talaga sa pera! May inutusan na tauhan ang lalaki at naging VIP guests nga
sila sa naturang hotel. Kasalukuyan sila ngayong naliligo sa mainit na hotspring ng
hotel. Solong-solo nila ang lugar at nabusog sila ng husto sa mga pagkaing inihain
sa kanila. Naakatapis silang lahat ng maliit na puting-tuwalya at iyon lang ang
saplot nila sa kanilang katawan. Napasandal si Blade sa gilid at prenteng umunan sa
bato. Kanina lang ay nagpa-massage sila.

"Grabeh, ang sarap ng buhay gangster!" bulalas niya.

"Ang galing mong umarte kanina ah? Kuhang-kuha mo ang galaw noong kontrabida doon
sa napanood nating action. Puwede ka nang mag-artista!" natatawa namang comment ni
Hunter.
"Ako pa, si Blade yata 'to! At kung kawalang-hiyaan lang eh humanda sa akin ang
sinumang pinuno ng sindikato o ng gang na iyan! Anak na lase!" natawa pang wika ni
Blade.

Natawa si Zech at napailing. Mataman naman na nakiramdam sa paligid si Creta may


naamoy siyang hindi maganda at base sa kanyang karanasan ay may naghihintay sa
kanilang sorpresa.

"Guys, huwag kayong maging kampante. Anumang oras mula ngayon ay may naghihintay sa
ating sorpresa. Sheyt! Pinapaligaya lang nila tayo sa ating huling sandali, beleive
me..." babala ni Creta.

Kasasabi pa lang niya sa kanyang warning ay biglang may pumasok na grupo ng


kalalakihan, lahat nakasuot ng bonet sa mukha at may hawak na mga di-kalibreng
baril. AK47 at mga assault rifle! Mabilis silang umahon sa tubig at naghiwa-hiwalay
bago pa naman sila mapaulanan ng bala.

"Sheyt! Sinasabi ko na nga ba eh!" pakli ni Creta.

Tumalon siya ng mataas at nilagpasan ang mga lalaking nakaharang sa pinto. Mabilis
naman na sumugod ng suntok at sipa si Drake sa mga lalaking nakaharang sa kanyang
daan. Ganoon din ang ginawa ng iba pa. Lumabas silang lahat sa paliguan at
magkakasunod na tumakbo sa hallway.

"Anong plano?!" tanong ni Zech.

"Lumayo na muna tayo dito sa hotel! Hindi tayo puwedeng lumaban na lang ng basta
dahil maraming inosenteng tao ang madadamay! Animal! Sa ngayon ay maghiwa-hiwalay
na muna tayo para malito ang mga kalaban. Basta magkita na lang tayo sa labas ng
hotel! Anak na lase!" wika ni Blade.

Sumang-ayon ang lahat. Naghiwa-hiwalay sila at tumakbo sa kanya-kanyang direksyon.


Lahat ng taong nadadaanan ni Blade ay napapasigaw-lalo na iyong mga babae.
Napatingin siya sa kanyang likuran, maraming goons ang humahabol. Napangisi siya,
palibhasa kasi siya ang Boss kaya siya ang priority. Lumiko siya sa isang hallway
at nakita niya ang isang malaking veranda. Maraming tao doon dahil sa may
restaurant iyon. Sa baba noon ay ang pool area at malapit na iyon sa lobby ng
hotel. Napangisi siya. Mabilis siyang tumakbo papunta doon. Ngunit bago pa man siya
makaliko papunta sa malaking veranda ay napahinto siya sa pagtakbo, ang dahilan
ay...

"Huli ka!"

Napatingin siya sa nagsalita at nakita niya ang ngising-aso ng isang malaking


lalaki na nakasuot ng bonet. Napatingin siya sa hawak nito at nakita niyang daklot
nito ang tapis niyang tuwalya.

"Bitawan mo iyan!" mariin niyang wika.

"Hindi kita bibitawan! Malaki yata ang pabuyang naghihintay sa akin kapag nahuli
kita at napatay!"

Hinila pa ng lalaki ang towel kaya naman umusod palapit dito si Blade. Nakaumang
ang malaking kutsilyo na hawak nito. Bigla namang inalis ni Blade ang buhol ng
kanyang tapis sabay sabing...

"Sa'yo na!"
Natumba ang lalaki matapos alisin ni Blade ang buhol ng kanyang tapis at natanggal
iyon sa kanyang katawan. Agad na siyang tumakbo papunta sa malaking veranda.
Nagulat ang mga taong kumakain sa restaurant sa kanyang pagdating at nagsigawan ang
lahat dahil sa scandalous view!

"AAAAAHHHH!!!!..."

"Mga bastos! Animal, huwag nga kayong tumingin!.."wika naman ni Blade.

Natigilan ang mga tao at natuliro kay Blade. Agad na tumalon pababa sa may pool
area si Blade. Muling nagsigawan ang mga tao doon, lalo na ang mga babae. Tinakpan
ng ilang mga nanay ang mata ng kanilang mga anak.

"Susmaryosep! Rated SPG!!!.."

Hinahabol pa rin si Blade ng maraming goons. Kaya naman tuloy-tuloy lang siya sa
pagtakbo. Wala siyang pakialam kahit na wala siyang damit! Isang babaing nakasuot
ng sarong ang nadaanan niya, napaatras siya at gulat na napatingin sa kanya ang
babae. Tumingin ito sa kanyang mukha at napababa pa ang tingin nito sa kanyang
katawan. Namula ito at na-shock! Walang pasintabi niyang hinablot ang suot nitong
sarong.

"Mas kailangan ko 'to, Miss!" sabay karipas ng takbo.

Agad niyang ibinalabal sa kanyang baywang ang inagaw niyang sarong. Napakurap naman
ang babae at akmang sisigaw pero natigilan ito... Ang tangi lang nitong nai-react
ay..

"O-Oh..."

( ITUTULOY.... )

25. The Red Scorpion Gang II

"The Red Scorpion Gang II"

"Animal! Ang kukulit ng lahi ng mga goons na ito!" naiinis na wika ni Blade.
Kanina pa siya hindi tinatantanan ng mga ito. Lumiko siya sa isang hallway at....
BLAG! Nakabangga niya ang sinumang nakasalubong niya. Sapo ang noo ay mabilis
siyang tumayo.
"Anak na lase!" wika pa niya.
Pagtingin niya sa kanyang nakabangga ay nakita niya si Drake. Kagaya niya ay sapo
din nito ang noo. Napatingin din ito sa kanya.
"Abuwisit ak pa! Ikaw lang pala!"
Dumating ang mga goons sa magkabilang direksyon.
"Ayon sila!"
Medyo nataranta ang dalawa at hindi malaman kung saang direksyon sila tatakbo.
"Saan tayo?!" si Drake.
Inilibot ni Blade ang paningin sa paligid. Nahagip ng mga mata niya ang malaki at
spiral na hagdan ng hotel. Sa ibaba noon ay ang lobby na.
"Higpitan mo ang hawak mo diyan sa tapis mo kung ayaw mong magaya sa akin! Tara sa
may hagdan! Magpadulas tayo sa balaster para matakasan natin sila!"
Tumakbo na si Blade papunta sa may hagdan. Tinalunan niya ang isang engrandeng
piyano na nakaharang sa kanyang daan. Napasunod naman si Drake at napatitig na
maigi kay Blade. Saka niya napansin na hindi na ang puting-tuwalya ang nakabalabal
sa balakang nito kundi isang kulay-asul na sarong na may designs ng asul na
gumamela. Nanlaki ang mga mata ni Drake sabay sabing...
"Abuwisit ak pa!" di makapaniwala niyang wika.
Nang makarating si Blade sa may hagdan ay mahigpit niyang hinawakan ang sarong na
nakabalabal sa kanyang baywang.
"Animal, mahirap na!" mahina niyang wika.
Agad siyang nagpadausdos sa paikot na railings ng hagdan. Sumunod din sa kanya si
Drake at kagaya niya ay hinawakan din nito ng mahigpit ang tapis nitong towel.
Gulat na napatingin ang maraming tao sa kanila sa lobby at bahagya namang natigilan
ang mga goons. Hindi nila inaasahan ang ginawa ng dalawa.
"Woh... Woh! Uminit ang puwet ko dun ah!" bulalas ni Drake.
Napahawak siya sa kanyang puwet at tila pinagpagan niya iyon. Nakahinga siya ng
maluwag ng maramdaman niyang hindi nabutas ang towel. At least, matibay. Napatigil
siya sa kanyang ginagawa ng makita niyang nasa harapan pala siya ng ilang Senior
Citizen at pataas-pababa siyang tiningnan ng mga ito. Nag-init ang kanyang mukha at
hinanap si Blade.
"Okitnam!" bulalas niya.
Nakita niya kasi ang magaling niyang bestfriend sa may booth ng NESCAFE kung saan
may free-taste. Dala-dalawa ang hawak nitong cup at nawiwindang dito ang mga taong
nakiki-free-taste din. Inis siyang naglakad palapit dito.
Samantala.... Napatingin sa ibaba si Hunter. Nasa may hagdan ang mga goons at
papunta na kina Blade na nasa may booth ng Nescafe na may pa-free taste.
"Sa wakas! Naabutan din natin ang isang ito!"
Napalingon si Hunter at nakita niya ang mga goons na humahabol sa kanya. Nahagip ng
kanyang mga mata ang higanteng tela na nakasabit sa gitna ng ceiling ng hotel.
Tumuntung siya sa railings. Napatili ang mga taong nakakita kay Hunter. Ang akala
ng mga ito ay magpapakamatay ang binata.
"Baliw!" wika ng isang goon.
Bumuwelo si Hunter at tumalon.
"EEEEEH!!!..." ang sigawan ng lahat.
Eksakto lang ang ginawang puwersa ni Hunter. Mabilis siyang humawak sa telang
nakasabit.
"Barilin siya!"
Pinaputukan ito ngunit mabilis niyang isinway ang tela kaya nailagan niya ang mga
bala. Pagkatapos noon ay ibinuwelta niya ang direksyon sa mga goons na bumabaril sa
kanya at isa-isa niyang sinipa ang mga ito. Nagkagulo na ang mga tao na nasa lobby
at nagsitakbo palabas ng hotel. Ang iba naman ay napadapa at nagtago.
"Hanep oh! Parang si Jackie Chan lang o kaya si Jet Li! Hunter, ikape mo lang
iyan!" natatawang wika ni Blade.
Napatingin si Hunter sa kinaroroonan ng mga kasama niya. Napangisi siya. Mabilis
siyang nagpababa gamit ang tela at pagkatapos noon ay inatake niya ang mga goons na
papasugod sa kanyang mga kaibigan. Isa-isa din niyang sinipa ang mga ito habang
nakalambitin siya sa tela. Matapos iyon ay tuluyan na siyang tumalon sa baba.
Lumapit siya sa mga kaibigan niya. Sina Blade at Drake na lang ang naiwan sa may
booth ng kape.
"Isa nga ring kape!"
Nawindang ang mga tao na nakadapa sa kanila at pasimpleng napatingin sa kanilang
grupo. Tumatawang inabutan ng cup ng kape ni Blade si Hunter. Samantala... Prenteng
nakasandal sa dingding ng elevator sina Zech at Creta. Madali nilang natakasan ang
mga goons na humahabol sa kanila dahil humalo sila sa maraming tao kanina at
nagpasimpleng sumakay ng elevator.
"Kamusta na kaya iyong tatlo?" napaisip na wika ni Zech.
Napangisi si Creta tapos ay tumawa ng mahina. Nakarinig sila kanina ng isang
napakalakas na sigawan sa kung saan. At putok ng mga baril.
"Malamang, gumagawa ng Public Alarming Scandal?" pilyo niyang wika.
Teng! Bumukas ang elevator at gulat na natigilan ang mga tao pagkakita sa dalawa
dahil sa itsura nila na nakatapis lang ng maliit na towel.
"Sa lobby na ba ito?" casual na tanong ni Zech.
"Oo. Tara na, labas na tayo."
Lumabas na nga sila at nanatiling nakatutok sa kanila ang mga mata ng mga taong
nasa labas ng elevator. Isang nakakalokong ngiti ang sumilay sa labi ni Creta.
Pagkatapos ay pasimple siyang kumaway sabay sabi ng...
"Hi!"
Napailing na lang si Zech. At medyo nawindang siya kasi nakita niya sa booth ng
Nescafe na may pa-free taste iyong tatlo. Ayon nga at mukhang nakakarami na ng
kape.
"Mga walang-silbi! Habulin niyo sila! Huwag niyong hayaang makatakas ang mga
iyan!!!..."
Ang malakas na sigaw ni Edward. Nasa itaas siya at nakatingin sa ibaba. Bagsak ang
mga goons na humahabol sa mga ito. Nagtawag pa siya ng maraming tauhan.
"Buwisit! Sakit sa ulo talaga ang Red Scorpion Gang!"
Mas maraming goons ang dumating at namataan iyon ni Creta. Mabilis siyang tumakbo
papunta kina Blade.
"Uy, tara na! Mas dumami pa ang kalaban!"
"Sige!" si Drake.
Magkakasunod silang tumakbo palabas ng hotel ngunit hindi pa rin sila tinantanan ng
mga kalaban.
"Saan tayo ngayon?!" si Zech.
"Sa mall tayo! Kailangan natin silang mailigaw! Sa Auction na lang tayo babawi sa
mga hinayupak na ito! Ilulubog natin ng literal ang mga sindikato! Pero sa ngayon,
takbo! Sheyt!" wika ni Creta.
Hanggang sa may kalsada ay hinabol pa rin sila. Nakagawa sila ng traffic ng tumakbo
sila sa kalsada.
"May shooting ba ng pelikula?!" gulat pang wika ng isang Taxi Driver.
Tumalon kasi sa harap ng sasakyan niya sina Blade at ang mga kaibigan nito. Kasunod
nila ang mga goons. Dumiretso sila sa pinakamalapit na mall na nakita nila. Nang
makapasok sila doon ay napatingin ang lahat ng mga tao sa kanila.
"Sa may mga damit tayo! Kailangan nating magdisguise para matakasan sila at walang
mapahamak na tao dito. Magpapanggap tayong mga babae!" si Zech.
Sumang-ayon ang lahat sa ideya nito. Tumakbo sila papunta sa escalator at patakbong
umakyat sa second floor ng mall. Tumungo sila sa direksyon ng isang sikat na RTW
store. Bigla namang napahinto sa pagtakbo si Blade ng madaanan niya ang stall ng
isang sikat na brand ng dounut. Natulala ang sales-lady sa kanya.
"M-May I help you, S-Sir?"
Sabay tingin ng paitaas at pababa...
"Oo. Pahingeng dounuts!"
Mabilis na kumuha ng mga kahon na may lamang dounuts si Blade. Pagkatapos noon ay
hinalikan niya ang pisngi ng babae.
"Thank you, Miss!" sabay takbo ng mabilis.
Natuliro ang sales-lady.
"S-Sir! Iyong ano... Iyong ano... Iyong kuwan... Cellphone number m-mo?!" kinikilig
na lang nitong wika ng makabawi sa pagkabigla.
Napakagat pa ito sa labi at napatingin na lang sa mga goons na sumunod kay Blade.
Nadatnan ni Blade na kumukuha na ng mga damit sa RTW store ang mga kaibigan niya.
Kumuha na rin siya ng mga damit na maisusuot at pagkatapos noon ay mabilis silang
dumaan lahat sa likod para magtago sa may bodega. Mas delekado kasi kapag sa mga
dressing room sila nagpunta. Tiyak na madali silang mahahagilap.
"Magbihis na tayo dali. Kailangang makapunta agad tayo sa hideout natin para
makapaghanda tayo sa gagawin nating panggugulo sa Auction. Gaganti talaga tayo sa
mga sheyt na iyon!" si Creta.
Napansin ni Hunter ang mga kahon ng dounuts na dala ni Blade.
"Abuwisit ak pa! Naisipan mo pang mangdekwat ng mga dounuts?!" bulalas nito.
"Hello, ginutom kaya ako sa katatakbo." balewalang sagot ni Blade.
Tapos napansin pa ng mga kaibigan ni Blade ang suot nitong sarong.
"Bakit sarong na ang suot mo?!" windang na tanong ni Zech.
"Eh may nakahuli kasi sa aking goon kanina. Hinila niya iyong tapis ko. At wala
naman akong balak na magpahuli sa kanya kaya inalis ko na lang ang buhol ng tapis
ko. Anak na lase! Napatakbo tuloy ako ng hubad ng wala sa oras. Mabuti na lang at
nakakuha agad ako ng sarong. Sigawan kaya ang mga tao kanina. Animal, ang OA nilang
magreact!" yamot na kuwento ni Blade.
"Asus, nagtaka ka pa talaga kung bakit sila napasigaw ah? Abuwisit ak pa! Malamang,
nagsigawan sila kasi may nakita silang Angry Bird!" napataas na kilay na comment ni
Drake.
Natawa ng bahagya ang mga kaibigan ni Blade at bahagya silang napailing. Hindi sila
makapaniwala. Pero ngayon pa ba sila magtataka eh si Blade nga siya?! Kasalukuyan
na silang nagbibihis ng mga damit na ipangdidisguise nila.
"Problema mga amigo! Anong gagawin natin? Kailangan mayroon tayong ilagay sa cup ng
mga bra natin. Lumulubog pala oh kapag walang laman!" aburidong wika ni Hunter.
Tulirong napatingin ang lahat sa kanya-kanyang dibdib. Nakalubog nga ang cups ng
mga suot nilang bra. Di nila napansin kasi abala sila sa kanilang tsikahan. Isa
namang ideya ang naisip ni Blade ng makita niya ang kahon ng mga dounuts na dala
niya.
"Don't worry my friends! Mister Dounut will save the day! Basta akin ang mga choco-
bavarians! Gusto ko with fillings!"
Binuksan ni Blade ang isang kahon ng dounuts na dala niya at naglagay ng tig-aapat
na dounuts sa bawat cup ng suot niyang bra.
"Ang dami naman niyan!" reklamo ni Drake.
"Hello, size 36!" nanlalaking mga mata na wika ni Blade.
Napangiti na lang ang lahat at nagsikuha na ng mga dounuts sa kahon. Binuksan na
rin nila ang isa pang box.
"Teka lang, kinulang ang sa akin! Medyo nakalubog pa itong cups ng bra ko!" untag
ni Creta.
Lumapit siya kay Blade.
"Akin na ang ibang dounuts mo!"
Akma niyang kukunin sa cups ng bra ni Blade ang mga dounuts na naroon pero mabilis
nitong tinapik ng malakas ang kamay niya.
"Don't touch my dounuts!" masungit na wika ni Blade.
"Eh paano naman ako? Magmumukhang pinagsusuhan ng isang dosenang bata ang boobs
ko?" yamot na wika ni Creta.
Natawa sila ng mahina. Napailing si Blade pero ilang saglit lang ay ngumiti siya
ng matamis sa kanyang kaibigan. Mula sa kanyang likuran ay may inilabas pa siyang
box.
"Smidgets will save the day!"
Binuksan niya ang box ng Smidgets at naglagay sa cups ng bra ni Creta. Isinksik
niya ang mga iyon at umayos na ang shape ng bra nito. Nakahinga si Creta ng
maluwag.
"Smidgets save my day!"
"Yeah. Sobra ng isa. Ahm! Sarap ng smiget!" si Blade.
Nagpatuloy na sila sa kanilang pagbibihis at pasimpleng nagtatawanan sa kanilang
pinaggagawa. Inilugay ni Blade ang kanyang buhok. Ganoon din ang ginawa ni Hunter.
Iyong tatlo naman ay gumamit ng wig. Nang lumabas sila ay nakasalubong pa nila ang
isang grupo ng mga goons na humahabol sa kanila pero nilagpasan lang sila ng mga
ito. Nagkatinginan silang lima at pasimpleng nagtawanan.
Samantala... Aliw na aliw si Hazel habang ipinapasyal siya nila Rane, Karen at
Conrad sa mall. Ang daming bagay na wala sa kanilang mundo ang nakikita niya dito.
"Tara, bumili na muna tayo ng fries. Medyo ginutom ako eh." wika ni Karen.
Sumang-ayon ang lahat sa suhestiyon nito. Pumunta sila sa stall ng fries. Tumingin
si Karen sa kanyang mga kasama.
"Anong flavor ang gusto niyo? Barbecue o Cheese?"
Sandaling napaisip si Rane.
"Mix na lang para masaya." nakangiti niyang sagot.
Binalingan ni Karen sina Conrad at Hazel.
"Okay lang ba ang mix na flavors sa inyo?"
"Gusto ko rin iyon, ate."
"Kahit na ano." sagot naman ni Hazel.
Nag-order na si Karen ng kanilang fries at mataman silang naghintay habang niluluto
ang kanilang pagkain. Namataan naman ng isang goon ang grupo nila Rane. Namukhaan
niya si Hazel. Napangisi ito. Muli nitong pinasadahan ang picture na hawak nito.
"Huli ka ngayong, sirena ka. Hindi ko nga madadala ang bangkay ng isa sa mga
miyembro ng Red Scorpion Gang pero ikaw... Mas malaki ang pabuyang nakalaan
sa'yo.."
Pasimple siyang lumapit sa kinaroroonan ng mga ito. Sinenyasan niya ang iba pa
niyang kasama at itinuro ang target na dalaga. Nakuha nila ang message. Nagulat si
Hazel ng biglang may humablot ng marahas sa kaliwa niyang braso. Napatingin siya sa
may kagagawan noon at nakita niya ang isang lalaki na may suot ng bonet sa mukha at
nakangisi sa kanya.
"Nagkita ulit tayo ah! Huli ka na ngayon!"
Nagpumiglas siya at hinila ang kamay.
"Bitawan mo ako!"
Nakita nina Rane at Conrad ang pangyayari. Mabilis silang lumapit sa goon para
tulungan si Hazel.
"Bitiwan mo siya!"
Tumakbo si Rane at hinila ang kamay ng lalaki na nakahawak sa braso ng kaibigan.
Ngunit malakas lang siya nitong tinabig. Natumba si Rane at nauntog sa may pader.
Medyo nahilo ang dalaga dahil medyo malakas ang pagkakauntog ng ulo niya.
"Ate!" dinaluhan ni Conrad ang kapatid.
Kinaladkad na si Hazel palayo. Eksakto namang nakuha na ni Karen ang kanilang mga
pagkain. Pagharap niya sa mga kasama ay iyon na ang nakita niyang eksena, natuliro
na siya. Hindi niya malaman kung sino ang uunahin niyang tulungan.
Samantala... Tuwang-tuwa si Daisy habang naglalakad siya sa mall. Sa wakas,
nakabili na rin siya ng bago niyang tablet. Napalitan na iyong nasira niya.
Pasimple niyang niyakap ang paperbag na kinalalagyan ng box ng gadget.
"Iingatan na kita..." excited pa niyang wika.
Salamat talaga kay Drake dahil ito ang rason kaya siya nakabili nito. At mas
salamat sa baliw niyang pinsan na si Alexa. May bumunggo sa kanya at nawala ang
pag-eemote niya. Malakas siyang bumalandra sa may gilid at nasaktan ang kaliwa
niyang balikat sa pagkakabangga sa pader. Napatingin siya sa may kagagawan noon at
nakita niyang kinakaladkad ang isang babae ng isang malaking mama na may suot na
bonet sa mukha. Napatingin siya sa paligid. Nakatingin lang ang mga tao at wala man
lang nagtangkang tumulong dito.
"Saklolo!" takot na sigaw ng babae.
Pinipilit nitong magpumiglas pero sadyang malakas ang malaking goon na nakahawak
dito. Hindi niya matiis ang eksena.
"Alright! Ako na nga!"
Mabilis siyang tumakbo para mahabol niya ang mga ito. Nang maabutan niya ang dalawa
ay agad niyang hinawakan ang braso ng malaking lalaki.
"Bitawan mo siya!" mariin niyang wika.
Napatingin ang lalaki sa kanya.
"Huwag ka ditong makialam kung ayaw mong masaktan!" babala ng lalaki.
Iniumang nito ang malaki nitong kamao sa kanya. Pero bago pa iyon dumapo sa kanyang
mukha ay mabilis niyang sinuntok ng malakas ang puson nito. Napaigik sa sakit ang
lalaki at nabitawan ang hawak nitong babae. Natumba ito at namilipit sa sakit.
Pagkatapos noon ay hinila niya ang kamay ng babaing tinulungan niya.
"Tara na, Miss!"
"S-Salamat!"
Tumakbo sila palayo at nakasalubong niya ang dalawang babae at isang bata na tila
may hinahabol. Napahinto ang mga ito sa pagkilos at maang na napatingin sa kanya.
"Sino siya?" gulat na tanong ni Rane kay Hazel.
"Siya ang tumulong sa akin! Ang galing nga niya eh kasi napatumba niya iyong
malaking mama."
Dumating ang kasamahan ng goon at namataan ang kanilang grupo.
"Habulin sila! Ayun ang babae! Iyong may mahabang brown na buhok ang target!"
"Mamaya na tayo magpakilala sa isa't-isa, sa ngayon ay.. Takbo!" si Rane.
Tumakbo nga silang lahat palayo ngunit napatigil din sila ng harangin sila ng mga
goons sa daan.
"Girls, kaya natin sila basta sumunod lang kayo sa sasabihin ko. Be ready!" wika ni
Daisy.
Iniumang niya ang kanyang mga kamao. Kahit na kinakabahan ay nakigaya na rin sina
Rane, Hazel, Karen at Conrad dito.
"Okay... Anong gagawin?" si Karen.
"Tirahin niyo ng malakas na suntok ang puson ng mga goons na iyan. Isa sa weak spot
na katawan ng tao ay ang puson. Lakasan niyo lang ang pagsuntok. Another weakpoint
ay ang lalamunan. Kapag may chance na maatake niyo ang part na iyon ay dakmain niyo
at pisilin ng marahas. Mawawalan sila ng hangin at hindi makakahinga. Kapag
masyadong marahas ang pagkakapisil sa lalamunan ay puwede iyong ikamatay dahil sa
hirap na paghinga."
"Wow, ang dami mong alam Miss." napahangang comment ni Rane.
"Sa CNN Philippines lang iyan. Stories: Fight Science, self-defense. Huwag kasi
kayong manood ng puro drama at romance. Walang masyadong mailalagay sa utak niyo
ang mga ganyan! Piliin niyong palabas iyong may mga sense."
"Tatandaan namin iyan." nakangiting sagot ni Rane.
Unang sumugod ang kanilang grupo at hindi inaasahan iyon ng mga goons. Malakas nga
nilang sinuntok ang nasabing weak spot ng katawan ng mga ito. Sa may puson. Natumba
ang mga lalaki na nakaharang sa kanila at namilipit sa sakit. Dahil doon ay
nakasulong na sila sa pagtakbo. Hila-hila ni Rane ang kamay ng kapatid niyang si
Conrad. Ngunit tuluyan silang napahinto sa pagtakbo ng harangin sila ng mga goons
na may mga hawak na baril at nakatutok sa kanila. Napataas silang lahat ng kamay.
"H-Hindi na ito kaya ng powers ko... Baril na eh."napangiwing wika ni Daisy.
"Lagot na tayo..." napalunok na wika ni Karen.
Lumapit sa kanila ang mga goons.
"Hulihin silang lahat para wala na tayong sakit ng ulo!" wika ng pinakapinuno ng
mga ito.
Kinakaladkad silang lahat. Wala namang nagawa ang ibang tao na gusto sanang
tumulong dahil may baril ang mga goons na humuli sa kanila. Dinala sila sa
underground ng isang hotel na malapit lang sa mall. Napapatingin silang lahat sa
paligid. Nakahanda ang isang napakalaking stage at ang daming upuan. Mukhang may
magaganap na malaking okasyon.
Dumiretso silang lahat sa may likod ng stage at sapilitan silang pinapasok sa isang
improvise-prison cell na naroon, maliban kay Hazel... Mahigpit itong hawak ng isang
malaking goon.
"Bitawan niyo ako! Ano bang kailangan niyo sa akin!" nagpupumiglas nitong wika.
"Oo nga! Bitawan niyo siya! Dahil kung hindi ay isusumbong ko kayo kina Sir Blade!
Ipapabugbog ko kayong lahat sa kanya!" matapang na wika ni Conrad.
Lumapit ang bata sa may rehas at niyugyog pa iyon. Agad namang hinila palayo ni
Rane ang kapatid.
"Conrad, huwag mo silang bigyan ng rason para saktan tayo." saway ni Rane.
"Eh sila kasi eh! Inaano nila si ate Hazel. Di ba tayo ang nakatoka para bantayan
siya sa mga goons na iyan?!"
"Oo na nga. Pero may mga baril sila eh."
Natahimik naman si Conrad. Tapos ay unti-unti nang nangilid ang luha sa mga mata
nito. Ilang sandali pa ay ngumawa na ito ng iyak.
"Waaaaah!!..."
Niyakap ni Rane ang kapatid. Lumapit na rin si Karen sa kanila para patahanin si
Conrad. Alam nilang natatakot na ito. Ganoon din naman sila pero hindi lang nila
ipinapahalata. Nakarinig sila ng mga papalapit na yabag at nakita nila ang dalawang
lalaki na nakasuot ng suit. Medyo may edad na ang mga ito. Ang isa ay may kaitiman
at ang isa ay tsinitong-maputi. Napatingin ang dalawa kay Hazel na hawak ng
mahigpit ng malaking goon.
"Magaling, nadala niyo sa amin ang babaing iyan." nakangising wika ni Edward.
Nagdududa namang napatingin si Charles kay Hazel. Natuon ang atensyon niya sa mga
binti nito.
"Teka lang, sigurado ka bang sirena siya?" nagdududa nitong tanong.
Ipinitik ni Edward ang mga daliri.
"Alam kong magdududa ka kahit na nakita mo na ang mga larawan."
Matapos iyon ay dumating ang isang lalaki na may dalang timba na puno ng tubig.
Pagkatapos noon ay walang-pasintabing isinaboy ang laman ng timba sa mga binti ni
Hazel.
"EEeeeeh!!..."
Isang malakas na tili na lamang ang nagawa ng dalaga. Natumba siya at nabitawan
siya ng goon na may hawak sa kanya. Napaatras pa ito ng makita ang pagkakaroon ng
kaliskis ng kanyang mga binti hanggang sa tuluyan na iyong maging buntot. Nakasuot
si Hazel ng puting-bestida na lagpas-tuhod. Nakakurap ang mga nakakita sa
pangyayari. Napalapit si Daisy sa may rehas.
"Sirena nga." mahina niyang wika.
Napakagat sa labi niya si Rane. Hindi siya makapaniwala na may nakaalam sa sekreto
ni Hazel. Mukhang isang napakalaking sindikato ang nakabangga nila.
"Teka! Paano niyo nalaman ang tungkol sa kanya?!" matapang niyang tanong.
Nabaling ang tingin nina Charles Chen at Edward Robinson sa mga bihag na nasa
kulungan.
"Sino ang mga iyan?!" tanong ni Edward sa kanyang tauhan.
"Kasama po sila ng sirena. Mga kaibigan."
Napangisi si Edward.
"Sige, basain din ang mga iyan baka sakaling magkabuntot!"
Pagkasabi nito ay binuhusan nga ng maraming tubig ang mga nasa loob ng kulungan.
Napasigaw silang lahat dahil malamig ang tubig.
"Mga sira-ulong hinayupak kayo!..." naiinis na wika ni Daisy.
Tapos naalala niya iyong bagong tablet na nabili niya. Basang-basa din ang paper
bag. Tiningnan niya ang laman at laking panghihina ang kanyang naramdaman ng makita
niya ang kahon. Hindi na siya umaasa na maayos pa ang laman noon sa loob.
Nanghihina siyang napaupo.
"Hindi..."
Nataranta naman si Rane ng makita niyang binuhat si Hazel ng isa sa mga goons at
inilayo.
"Teka, anong gagawin niyo sa kanya?!"
"Ibebenta namin siya sa subastahan." mabilis na sagot ni Charles.
Napatanga si Rane. Mukhang napasok nila ang sindikatong may hawak ng malaking
perlas.
"Sandali! Paano niyo nalaman ang tungkol sa kanya at sa perlas?" makulit na tanong
ni Rane..
Napangisi si Charles at matamang tumingin sa mukha ng dalaga.
"Simple lang, munting binibini... Maraming nagagawa ang pera. Kapag marami ka noon,
puwede mong matuklasan ang mga bagay na hindi mo makikita ng basta. Sa ngayon ay
manatili kayo diyan hanggang sa matapos ang auction. Pag-uusapan pa namin ng
partner ko mamaya ang gagawin namin sa inyo..."
Tumalikod na ito at sumunod sa iba. Natigilan si Rane. Muli niyang binalingan ang
mga kasama niya sa kulungan.
"Guys, mukhang napasok tayo doon sa malaking sindikato na sinasabi ni Kuya Creta...
Iyong nakakuha sa perlas." wika niya.
"Ano? Kung ganoon, naiintindihan ko na kung bakit ayaw nila tayong isali sa mga
activity nila. Pero nasaan na ang limang engot na iyon?!" tarantang wika ni Karen.
"Abuwisit ak pa, hindi ko rin alam!"
Natigilan naman si Daisy ng marinig niya ang usapan ng dalawa. Mukhang may alam ang
mga ito sa nangyayari at hindi pa siya gaanong nakakaget-over sa nakita niya
kanina. Na iyong babaing tinulungan niya ay isa pa lang sirena at kaya pala
hinahabol ng mga goons ay dahil balak ibenta sa magaganap na auction? Wow...!
Pelikula ba ang napasok niya?
"Excuse me lang... Puwede bang paki-explain niyo sa akin kung ano ang mga
nangyayari? Ako nga pala si Daisy at kayo sina..?"
Napatingin ang magkakapatid sa bago nilang kasama.
"Ako nga pala si Rane, ang step-sister ko si Karen at ang bunso naming kapatid na
si Conrad."
Nakipagkamay silang lahat kay Daisy. Pagkatapos noon ay salitan na nilang
ikinuwento ang kanilang mga nalalaman. Hindi naman makapaniwala si Daisy sa mga
narinig niyang kuwento. Pero wala na siyang karapatang magduda dahil nasaksihan
niya mismo ang nangyaring pagbabago kay Hazel kanina. Amaze siyang napatingin sa
mukha ng mga bago niyang kakilala.
"What a small world... Mga kaibigan pala kayo ni Drake? Si Mr. Pogi? At sinasabi
niyo sa akin na gumagawa na sila ng moves para mabawi ang perlas mula sa mga
kalaban?"
"Oo, pero wala pa sila eh." yamot na wika ni Karen.
Huminga naman ng marahas si Conrad.
"Ate, kumain na lang muna tayo ng fries!" ungot nito.
Natawa sila dito. At dahil nagugutom naman na sila kaya kumain nga sila ng fries na
dala ni Karen.
Inilagay naman sa isang higanteng aquarium si Hazel. Inis niyang tinatambol ang
makapal na salamin pero napahinto siya ng tuluyan na siyang mapagod. Nasa tabi niya
ang perlas na nakalagay sa isang malaking kristal na hugis kabibe.
"Ikaw at ang perlas na iyan na tinatawag na Luha ni Prince Caspian ang mag-aakyat
ng maraming pera sa amin..." nakangising wika ni Edward.
Matalim na tumingin si Hazel sa mukha ng lalaki.
"Paano mo nalaman ang tungkol sa perlas?"
Ngumisi si Edward at napahawak sa kanyang baba.
"Hindi lang ang pagbebenta ng illegal na droga at mga baril ang negosyo namin.
Nagbebenta din kami ng mga priceless artifact sa illegal na paraan. Ang mga
artifact kasi ay nararapat sa museum pero maraming mayayamang collector. Nagbabayad
kami ng malaki sa mga mananaliksik at aksidente nilang natuklasan ang isang bagay
na may kinalaman sa maalamat na perlas. Isang tablet na gawa sa itim na bato. At
iyon pala ay ang mapa na magtuturo kung saang isla nakalagay ang napakalaking
perlas. At ang tungkol naman sa'yo, hindi rin sinadya ang pagkakadiskubre ng isa sa
mga tauhan ko. Nang magising siya mula sa pagkakabugbog ay palihim niya kayong
kinunan ng mga larawan kasama ng mga kaibigan mo. Nagkunwari siyang walang-malay.
Kung magiging mabait ka, walang masamang mangyayari sa mga kaibigan mo na bihag
namin..."
Inis na sinuntok ni Hazel ang salamin ng aquarium pero siya lang ang nasaktan sa
kanyang ginawa. Natawa ang lalaki sa kanya.
"Fiber glass ang salamin na ito. Matibay. Mag-enjoy ka na muna diyan at malapit
nang mag-umpisa ang subastahan. Kayo ng perlas ang magiging sentro sa subastahang
ito. Tiyak na pag-aagawan ka ng lahat ng makakakita sa'yo."
Tumalikod na ang lalaki at umalis. Patuloy naman na sinuntok ni Hazel ang salamin
pero wala man lang nangyari. Nasugatan na ang kanyang mga kamao kaya napatigil na
siya...
Samantala... Kasalukuyan nang gumagawa ng plano para sa pagsalakay sa auction sina
Blade. Nasa hideout sila.
"Dapat magulat ang lahat kapag sumalakay tayo para hindi sila makakilos agad." si
Creta.
Napakagat sa hawak niyang dounut si Blade. Tumayo siya at napangisi sa kanyang mga
kaibigan. Isang plano ang naglalaro sa utak niya. Kung sorpresa ang usapan,
magaling siya diyan...
"Kung gulatan lang... Marami akong alam na ganyan..."
"Kung ganoon, ano ang plano?" si Hunter.
Lahat sila ay kumakain ng dounut habang nagmemeeting. Aba, napagod yata silang
lahat kanina sa katatakbo.
"Dapat bigyan muna natin sila ng pambungad na entertaiment bago natin gawing
delubyo ang kanilang auction. Magsagawa tayo ng munting palabas na ikakasiya nila.
Alam niyo iyon, babawi lang tayo sa ginawa nila sa atin sa hotel. Kahit paano, nag-
enjoy naman tayo sa pagiging VIP guests... Ang akala kasi ng animal na lalaking
iyon eh huling-sandali na natin kaya niya tayo pinasaya... Anak na lase! Siya ang
makakatikim ng huling-sandali!"
Kumagat ulit si Blade sa hawak niyang dounut.
"Anong gagawin?" si Hunter.
Uminom muna ng tubig si Blade at inubos ang hawak niyang pagkain.
"Zech, gumawa ka ng puting-mask na may logo sa kanang-pisngi ng Red Scorpion.
Creta, gumawa ka ng gangster costume natin. Gamitin niyo na ang inyong mga
kapangyarihan para mabilis. Drake, i-ready mo na iyong ipina-remix ko sa'yo kagabi.
Bibigyan natin ang mga kalaban ng isang engrandeng sayaw... Kaya kilos na!"
nakangising wika ni Blade.
Madaling nagawa nina Zech at Creta ang kanilang task, ganoon din si Drake.
"Ano na?" si Zech.
Nag-inat-inat si Blade at iginalaw-galaw ang mga balikat.
"Guys, panahon na para makiuso tayo. Sa intro, Watch me nae nae at ang finale ay
twerk it like Miley."
"Watch me nene?!" bulalas ni Creta.
Napangiti si Blade dito.
"Bisaya ka man, Dong? Nae nae hindi nene!"
"Nadulas lang. Pangasinan xak..."
Tumingin si Blade sa kanyang mga kaibigan.
"Ano, game na sa madaliang rehearsal?" untag niya.
Napangisi si Creta.
"Sheyt ka, Blade! Ikaw lang ang makakapagpasayaw sa Red Scorpion Gang! Pero, gawin
na lang ito dahil pagkatapos ng lahat... Ang Red Scorpion Gang ay isa na lamang
history!"
Matapos noon ay sumabak na silang lahat sa madaliang rehearsal. Pagkatapos nilang
makapagpraktis ng kaunti ay sumugod na sila sa auction para magbigay ng surprise
entertaiment at manggulo.
Kasalukuyan nang ginaganap ang subastahan at maraming artifacts na ang naisubasta.
Gamit ang hairpin ni Karen sa buhok ay pilit na binubuksan ni Daisy ang kandado ng
kanilang kulungan.
"Kainis... Sana gumana ka na..." dasal niya.
Kaya lang ay hindi umayon ang kapalaran sa kanila. Naputol ang hairpin na hawak
niya. Muli siyang napatingin sa kanyang mga kasama.
"Putol na naman. May hairpin pa ba diyan?" untag niya.
Napahawak sa buhok niya si Karen. Medyo magulo na iyon dahil sa katatanggal niya ng
hairpin.
"Wala na. Ubos na ang hairpin sa buhok ko."
Si Rane naman ang binalingan niya.
"Wala na rin eh."
Napahinga sila ng marahas ng sabay-sabay. Naupo si Daisy sa tabi ni Rane at mariing
hinawakan ang basa niyang paperbag.
"Isa na lang himala ang pag-asa natin." frustrate niyang wika.
"Huwag kang mag-alala... Baka mamaya lang, dumating na ang himala."
Umaasang wika ni Rane. Pero nasaan na kaya ang mga baliw na lalaking iyon at ano na
ang kanilang ginagawa?!
Tuwang-tuwa naman sina Edward at Charles habang nagaganap ang auction dahil walang
gulo na nangyari. Mukhang nasindak sa kanila ang Red Scorpion Gang. Silang dalawa
ang host ng event.
"Ngayon, mga kaibigan! Humanda na kayo sa inyong makikita dahil susunod na ang mga
pang-finale sa auction!"
Laking gulat ng lahat ng biglang namatay ang ilaw. Pagkatapos noon ay muling
nagliwanag ang paligid at nasa gitna ng stage ang limang-lalaki. May suot silang
maskara na kulay-puti at may tatak ng Red Scorpion sa kanang-pisngi. Nakasuot
silang lahat ng itim na sando na may gray na chaleco at itim na pantalon.
Itinaas sa ere ni Blade ang kanyang kamay at gamit ang kanyang kapangyarihan ay
nagpatay-sindi ang mga ilaw at saka niya muling ipina-steady. Matapos iyon ay si
Zech naman ang gumamit ng kanyang kakayahan. Nagpaulan siya sa paligid ng mga
pulang-petals ng rosas. Namangha ang mga tao at nagsipalakpakan. Inutusan naman
nina Charles at Edward ang kanilang mga tauhan na tutukan ng baril ang mga lalaking
nasa gitna ng stage. Medyo nataranta sila pero pinili nilang huwag magpadalus-dalos
ng kilos. Hindi nila inaasahan ang biglaang paglitaw ng Red Scorpion Gang sa Stage
at mukhang may inihanda silang palabas...
Ilang segundo lang ay umalingawngaw ang intro ng 28th Century Fox. Kasunod na nito
ang chorus ang watch me nae nae na kanilang sinayaw. Isang masigabong palakpakan
ang umalingawngaw at maging ang mga goons na nakahawak ng baril at nakatutok kina
Blade, natigilan at naaliw. Tuwang-tuwa ang mga mayayamang guests.
"Wow, hindi boring ang auction ngayong taon! May pakulo na sila!"
Matapos ang chorus ng watch me nae nae ay ang twerk it like Miley na. Mas lumakas
ang sigawan at palakpakan. Pero pagkatapos na pagkatapos nilang sayawin iyon ay
literal na pinaliyab ng apoy ni Drake ang stage. Nagulat ang mga tao at nagsigawan
lalo na ng masunog ang malaking kurtina sa stage at lumitaw doon si Hazel na nasa
loob ng higanteng aquarium at ang higanteng perlas.
"Barilin sila!" si Charles.
Pinaputukan sila ng baril pero naglabas ng malalaking baraha si Creta at ginamit
iyon bilang kanilang shield. Pagkatapos noon ay siya naman ang sumugod sa mga
kalaban. Nagpaulan siya ng mga sumasabog na baraha sa mga ito. Nag-umpisa na ang
gulo. Marami na ang nagsitakbo palayo. Ngunit karaniwan ay nanatili at pinaputukan
ng baril si Creta.
Nagulat si Zech ng makita niya si Hazel sa aquarium. Agad niya iyong binasag.
Kinuha naman na ni Hunter ang higanteng perlas at inilagay sa dala niyang sako.
"Sino ka?!" takot na tanong ni Hazel.
"Huwag kang matakot, ako ito.. Si Zech."
Binuhat na niya si Hazel.
"Tulungan mo sina Rane. Nahuli kami ng mga kalaban."
Itinuro ni Hazel ang kulungang kinaroroonan nila Rane.
"Drake, pakawalan mo sila."
"Okay!"
Mabilis na tumakbo si Drake papunta sa kulungan at ginamit niya ang kanyang...
"Crash Claw!!!..."
Nawasak ang pinto ng kulungan at nagkapira-piraso. Napangiti si Rane, kilala niya
ang technique na iyon. Agad silang lumabas sa kulungan.
"Salamat, dumating na kayo!" nakangiti niyang wika kay Drake.
Sumunod namang lumabas sa kulungan ang iba pa. Nagtatakang napatingin si Daisy sa
lalaking nakasuot ng maskara. Hindi siya makapaniwalang nawasak nito ang kulungan
gamit lang ang mahahaba nitong kuko. Napatingin siya sa kamay nito, hindi na mahaba
ang mga kuko at mukhang normal na kamay lang iyon ng isang tao.
"Wow... Paano mo nagawa iyon?" amaze na wika ni Daisy.
Natigilan si Drake at napatingin sa nagsalita. Natuliro siya at napakurap. Hindi na
lang siya umimik, pasimpleng napahawak siya sa kanyang mukha. Nakamaskara nga pala
siya kaya hindi siya nito nakilala.
"Dito lang kayo sa likod ko." wika na lang ni Drake.
Humarap siya sa mga kalaban at naging handa. Nang tutukan ng baril ang kanilang
grupo at mabilis lang niyang sinangga ng kanyang apoy ang mga bala na ipinaulan sa
kanila. Natunaw lang ang lahat ng iyon sa kanyang apoy. Nagpalabas naman ng mga
higanteng ugat si Zech at gamit iyon ay ipinulupot niyang lahat iyon sa katawan ng
kanyang mga kalaban. Si Hunter naman, unti-unti nang winawasak ang dingding at
pader ng gusali. Sabi nga nila, ililibing nilang lahat ng buhay ang buong
sindikato. Mistula nang lumilindol dahil ang lalakas ng mga atakeng pinapakawalan
ni Hunter. Yumayanig na ang buong paligid.
Hinarang naman ni Blade sina Charles at Edward na akma sanang tatakas. May mga dala
silang briefcase.
"Saan kayo pupuntang mga animal?"
Hindi sumagot ang dalawa. Bagkus at pinagbabaril nila si Blade ngunit hindi dumapo
ang mga balang para sa kanya. Gumawa siya ng isang kuryenteng shield at lumutang
lang sa ere ang mga bala ng baril. Nagulat ang dalawa at napaatras. Pinalagutok ni
Blade ang kanyang mga braso at iniunat. Alam niyang hindi siya dapat gumamit ng
kapangyarihan sa mga ordinaryong tao... Pero iba ang mga ito dahil masasama sila.
Buhay pa sila ay nakalista na ang kanilang pangalan sa impiyerno.
"Kung pera ang kailangan mo, heto! Pabayaan mo lang kami!" takot na wika ni Edward.
Inihagis niya sa harap ni Blade ang dalang briefcase at nabuksan iyon ng di
sinasadya dahil sa lakas ng pagkakahagis. Nalantad ang malaking halaga ng pera.
Napailing si Blade. Na-gets iyon ni Charles.
"Hindi pera ang kailangan niya!" bulalas nito.
Naglabas ng kapangyarihang kidlat si Blade sa kanyang mga kamay. Lumutang ang
kanyang buhok sa ere at dumagundong ng malakas. Mabilis na tumakbo palayo ang
dalawa pero agad niyang pinuntirya ang mga ito. Isang malakas na kuryente ang
dumapo sa kanilang katawan... Nawalan sila ng malay at nagkaroon ng paso ang
malaking bahagi ng katawan.
"Anak na lase!" bulalas na lang ni Blade.
Kahit papaano ay nagpigil siya dahil kung hindi ay nasunog ang mga ito at naging
abo. Pumunta siya sa kinaroroonan ng mga kasama niya. Abala pa rin si Hunter sa
ginagawang pagwasak.
"Ilabas niyo na sila dito at kami na ni Hunter ang bahala sa pagwasak sa lugar."
wika niya.
"Sige." sagot ni Zech.
Nauna na siyang tumakbo palabas habang karga niya si Hazel. Sumunod naman ang iba
pa. Binuhat ni Creta si Rane at isinakay niya si Conrad sa kanyang mga balikat. Si
Drake, binuhat din niya si Daisy at saka sila tumakbo paalis. Dumiretso silang
lahat sa may pier. Tinanaw nila ang gusali at nakita nila ang unti-unti nitong
pagguho hanggang sa mapulbos. Nagkaroon ng napakakapal na usok dahil sa alikabok.
At mula sa makapal na alikabok ay unti-unting lumitaw ang dalawang lalaki na
nakasuot ng puting-maskara na may tatak ng Red Scorpion. Napangisi si Creta at
malakas na naghagis ng baraha na may tatak ng Red Scorpion papunta sa site. Tiyak
na magugulat ang mga pulis kapag nakita nila ang card. Kasalukuyang pinupunasan ni
Zech ang buntot ni Hazel ng isang puting-tuwalya. Ilang sandali pa ay nagkaroon na
ulit ito ng binti at mga paa. Marahan itong tumayo habang nakaalalay si Zech.
"Salamat!" tuwang wika ni Hazel.
Yumakap siya kay Zech at pasimple din itong yumakap pabalik sa kanya.
"Walang-anuman."
Kumalas sila sa pagkakayakap sa isa't-isa at binalingan ang mga kasama. Muli,
nagpasalamat si Hazel sa lahat. Noong makarating sina Blade at Hunter sa
kinaroroonan nila ay inalis na nila ang kanilang mga maskara. Ang tanging nagulat
lang doon ay si Daisy ng mapatingin siya sa mukha ni Drake.
"Ikaw?!" bulalas na lang niya.
Nahihiyang napakamot sa kanyang batok si Drake at napangiti na lang sa dalaga.
"A-Ako nga..."
Matapos iyon ay ipinakilala niya ito sa mga kaibigan. Nakipagkamay ang lahat dito.
Ibinigay naman na ni Hunter ang sakong dala niya kay Hazel kung saan nakalagay ang
higanteng perlas. Agad iyong kinuha ng dalaga at inilabas ang perlas. Malamlam ang
liwanag na inilalabas ng perlas dahil may kadiliman sa may pier. Napahanga ang
lahat.
"Ang luha ni Prince Caspian. Ang perlas na simbolo ng kanyang wagas na pag-ibig at
sakripisyo..." wika ni Hazel.
Huminga siya ng malalim at wala sa sariling napatingin sa mukha ni Zech. Kausap
nito si Rane. Bigla silang napatingin sa dagat ng biglang umalon ng malakas.
Nagkaroon higanteng alon at papalapit na iyon ng papalapit sa kanila. Natuliro ang
lahat nang lumapit ang higanteng alon sa kanila at akma silang lalamunin... Ngunit
nang makarating na ito sa may pier ay unti-unting humupa ang malaking alon at mula
doon ay lumitaw ang isang lalaki...
Nakasuot ito ng asul na kasuotan na greek inspired. Asul ang mahaba nitong buhok na
nakapony-tail, wavy iyon at hanggang puwet. Matangkad ang lalaki, maputi, asul na
asul ang mga mata at nakangiti itong lahat sa kanila.
"Salamat naman, Hazel at ginawa mo ang lahat para lang maibalik sa akin iyan."
"Prince Caspian!" napangiting wika ni Hazel.
Nawindang ang lahat at hindi makapaniwala sa kanilang nakikita. Ito ang rason ng
lahat ng gulong pinasok nila. Lumapit si Hazel dito at iniabot ang malaking perlas.
Agad iyong kinuha ni Prince Caspian. Matapos niyang makuha ang perlas ay napadako
ang tingin niya sa mga taong kasama ni Hazel. Ngumiti siya ng matamis sa mga ito.
"Salamat at tinulungan niyo si Hazel na maibalik sa akin ito. Nakita ko ang lahat
ng ginawa niyo dahil sinubaybayan ko siya. Totoo na napakahalaga sa akin ng perlas
na ito. Hindi ito basta isang materyal na bagay lang." wika ni Prince Caspian.
"Alam namin dahil simbolo iyan ng iyong pag-ibig at sakripisyo. Masakit ang
nangyari at nakaka-relate ako diyan. Kaya hindi ka namin masisisi kapag sobra kang
nagalit kapag nawala iyan sa'yo." wika ni Drake.
Natigilan si Prince Caspian at nangilid ang luha sa mga mata nito. Lumapit ito kay
Drake. Natuliro si Drake at napatanga siya ng mapatingin siya sa mukha ng lalaki.
"T-Talaga? Naiintindihan mo ako?" naiiyak pa nitong tanong.
Huminga ng malalim si Drake at napakamot sa kanyang batok.
"May ginawa din kasi akong pagkakamali noon. Natakot ako kaya nawala sa akin ang
babaing minahal ko. Ikaw naman, pinili mo ang tungkulin mo kaysa pag-ibig."
Biglang nagsalubong ang mga kilay ni Prince Caspian.
"Abuwisit ak pa, tsismis lang iyon no!" napahampas pa sa ere niyang wika.
Gulat na napatingin ang lahat kay Prince Caspian.
"A-Anong tsismis?!" natutulirong tanong ni Hazel.
Napahalukipkip si Prince Caspian at matamang tumingin sa mukha ng lahat.
"Totoo na nabuo ang perlas na ito dahil umiyak ako ng umiyak. Pero hindi dahil sa
pinili ko ang tungkulin ko kaysa sa babaing minahal ko. Abuwisit ak pa! Handa ko na
sanang talikuran ang lahat pati na ang aking immortality. Pero akalain niyo ang
sabi ba naman ng babaing iyon sa akin eh friends lang daw kami!!... Niman! Ginawa
ko ang lahat at ibinigay ang nais niya, tapos... Friends lang?! Kaya sa labis na
sama ng loob, ayon... Napaiyak ako ng todo. Masyado kasi niya akong pinaasa.
Buwiset!"
Itinaas pa ni Caspian ang perlas.
"Habang nakikita ko ang perlas na ito, iyon ang nagpapaalala sa akin na ang mga
babae, mahilig magpaasa! Gagawin mo ang lahat para sa kanila tapos magiging sweet
sila sa'yo... At kapag nagtapat ka na, sasabihing, friends lang?!!!" himutok pa ni
Prince Caspian.
Nang makabawi sa pagkabigla ang lahat ay...
"ABUWISIT AK PA!!!!..." react nila.
Nag-init naman ang ulo ni Blade sa kanyang mga narinig. Nang dahil sa perlas na
iyan ay nakitaan siya... Inis niyang inagaw ang perlas mula kay Caspian at
pagkatapos noon ay inihagis niya sa ere at sinugod ng suntok na...
"Lightning fist!!!..."
Nawasak ang perlas at napulbos.
"Baon-inam!" galit na wika ni Blade.
Nabigla naman si Caspian sa ginawa ni Blade. Agad siyang lumapit dito at dinaklot
ang kuwelyo ng damit nito.
"Kilala mo ba ako, ha?! Bakit mo ginawa iyon?!!"
Inis na dinaklot din ni Blade ang damit ni Caspian. Mas diniinan niya.
"Animal ka! Alam mo ba kung anong klaseng gulo ang pinasok namin dahil sa perlas
mo?! At dahil diyan, nahubaran ako at napatakbo ng wala sa oras! Nakitaan ako dahil
diyan! Anak na lase!... Mas mabuting mawasak na lang iyan para mag move on ka nang
animal! Baon-inam!!!..."
Natigilan si Caspian at pagkatapos noon ay naalala niya iyong napanood niyang
eksena sa hotel mula sa mahiwagang kabebe. Namula ang mukha niya at natawa siya ng
mahina. Isang malaking eskandalo ang nangyari dito. Nakita din kasi niya...
Napangiwi siya at natawa ng mahina.
"Sorry... Pasensiya na... AWWW!!!!"
Isang malakas na sapak sa mukha ang iginawad pa ni Blade sa mukha ni Caspian.
Lumayo na si Blade at napahalukipkip. Medyo nawindang naman sina Karen, Rane, Daisy
at Conrad sa kanilang narinig na kuwento mula kay Blade. Namula silang lahat.
Binalingan naman na ni Prince Caspian si Hazel.
"Hazel, aalis na tayo."
Nakadama ng kalungkutan si Hazel at napatingin siya sa mga bago niyang kaibigan.
Lumapit siya sa mga ito.
"Guys, salamat sa inyong lahat..." naiiyak niyang wika.
Pagkatapos noon ay isa-isa siyang yumakap sa mga ito. Pinakahuli siyang yumakap kay
Zech.
"Zech, salamat."
"Wala iyon."
Humarap siya dito at tumitig sa mukha nito para imemorya iyong maigi sa utak niya.
Hinaplos niya ang pisngi nito.
"Gusto kita." pagtatapat ni Hazel.
Bahagyang natigilan si Zech at maang na napatingin sa mukha ng kanyang kaharap.
Huminga siya ng malalim at matipid na ngumiti dito. Hinawakan niya ang kamay nitong
nakahawak sa kanyang pisngi. Sumeryoso ang mukha niya.
"Hindi kita gustung saktan pero..."
Pasimple siyang sumulyap sa gawi ni Rane. Abala ito sa pakikipag-usap kay Daisy.
Tumingin si Hazel sa tinitingnan ni Zech. Si Rane.
"Pasensiya ka na, hindi kita gustung masaktan. Pero, may nilalaman na ang puso
ko..." mahinang wika ni Zech.
Napangiti ng mapait si Hazel at napatingin kay Rane. Muli siyang tumingin sa mukha
ni Zech.
"Naiintindihan ko. Masakit, Oo. Pero hindi ako nagsisisi na sa'yo ako nakaramdam ng
ganito. Salamat sa lahat." malungkot na wika ni Hazel.
Niyakap siya ni Zech at hinaplos ang kanyang buhok.
"Patawad..." bulong nito.
"Oo, pinapatawad kita..." sagot lang niya.
Kumalas na sila sa pagkakayakap sa isa't-isa. Lumapit na si Hazel kay Prince
Caspian at umabrisite dito. Isang malaki at higanteng alon ang muling lumitaw sa
dagat. Sumakay ang dalawa sa malaking alon at ilang segundo lang ay naglaho na ang
dalawa. Nang tuluyan nang mawala ang mga ito ay binalingan ng lahat si Blade na
yamot na yamot at nakahalukipkip.
"Uy, ano na boss?" nakangising tanong ni Creta.
"Kaya nga. Ano na ang next nating gagawin? Linggo naman bukas..." si Hunter.
Sandaling napaisip si Blade. Matamang nakatingin sa kanya ang lahat.
"Magbalut na lang tayo. Sagot ni Drake!" announcement niya.
"Abuwisit ak pa! Bakit ako?!"
Ngumisi ng nakakaloko si Blade.
"Ikaw, kasi di mo pa masyadong ipinapakilala sa amin iyang bago mong kaibigan.
Ikaw, dahil di ka pa nagblo-blow-out mula sa pagkapanalo mo sa Mr. Pogi!"
"Oo nga ano!" mabilis na sang-ayon ni Rane.
Sumunod na ring nagreact sina Hunter, Zech, Karen at si Conrad. Napakamot sa
kanyang batok si Drake.
"Sige na, ako na! Tara na nga!"
Umalis na silang lahat sa pier at naghanap ng nagtitinda ng balut...
*****************************************
( Matagal akong nakapag-update dahil panay ang brown out... Badtrip ang PANELCO
III-panay patay sindi ang service... buwiset! Gusto ko nga palang magbigay ng
Credit kina:
1. Bestfriend(Ayaw niyang magpabanggit ng name)
-dapat sana eh papel ang balak kong ilagay sa mga cups ng bra. Kaso sabi niya,
huwag... Magaspang daw iyon baka magasgasan si Blade. Tinapay na lang daw para
malambot.
*Namroblema ako sa tinapay dahil hindi ako makapili kung ano ang ilalagay. Ang dami
naman kasing klase ng tinapay pero iyong patalastas ng Mr. Dounut ang nagsave sa
akin... He he he, para may fillings!
2. Ate Pam-sa kanya ako nagtanong kung ilang dounuts ba ang kakasya sa size 36...
Iyong una, kulang ang tantya ko, maliliit na daw ang dounuts ngayon kaya dapat
dagdagan. He he.
3. Sam-sabi niya dapat may Smidgets daw para cute!

26. The Musician


"The Musician"

Mag-isang naglalakad si Bony sa isang napakalumang sementeryo. Tumingala siya sa


arko at napangiti. Tumuloy siya sa loob noon at nagtungo sa isang lumang tore na
nasa gitna ng sementeryo. Pumasok siya sa loob ng tore at umakyat sa itaas. Bahagya
siyang huminto ng marating niya ang pintuan ng libingang pupuntahan niya. Mariin
niyang ikinuyom ang kanyang mga kamao. Binuksan na niya ang pinto at naglaglagan
ang makakapal na alikabok. Narinig din niya ang matining nitong pag-ingit dahil sa
kalumaan. Pumasok na siya sa loob at nakita niya ang batong-libingan. Napapaligiran
na ng vines iyon ng kadena de amor na hitik na sa pink nitong bulaklak. Binasa niya
ang pangalang nakaukit sa libingan.
"Guiseppe Tartini. Ang musician na nahumaling sa musika ng diyablo at kasamaan.
Dating matalik na kaibigan ni Zech..."
Isang ngiti ang namutawi sa labi ni Bony. Gusto niyang gantihan si Zech sa paraang
masasaktan ang hindi pisikal nitong katawan kundi ang damdamin nito. Para sa twin-
brother niyang si Colossus, ipadarama niya dito ang pait ng kanyang ganti.
"Pababalikin kita, Guiseppe Tartini. Pero hindi bilang kaibigan ni Zech kundi
bilang kaaway niya." mariin pa niyang wika.
Binuksan na niya ang batong-libingan. Nalantad sa kanya ang napakalumang kabaong.
Binuksan niya ang kabaong at nalantad sa kanya ang isang kalansay na may yakap na
violin sa dibdib nito at isang napakalumang music composition... Puno ng makapal na
alikabok ang loob ng kabaong. Hinipan niya ang makapal na alikabok na bumabalot sa
papel kung saan nakasulat ang music composition. Nabasa niya ang title: The Devil's
Trill Sonata.
Napahawak siya sa kanyang baba at napaisip. Ang alam lang niyang mayroon ay ang
Demon's Sonata at Devil's Music. Isang ngisi ang sumilay sa labi ni Bony. Nakagawa
pa pala ng isa pang music composition ang musician na si Guiseppe bago ito mamatay.
Iyon nga lang ay hindi na nito nagawang tugtugin pa iyon. Pero ngayon ay bibigyan
niya ito ng pagkakataon at gagamitin nito iyon laban kay Zech.
"Magaling... Mas magiging enteresante ang munti niyong reunion ni Zech."
Pagkatapos noon ay inilislis na niya ang suot niyang polo at iniumang ang kanyang
kanang-braso sa bangkay. Mula sa bulsa ng kanyang pantalon ay kinuha niya ang isang
beinte-nuebe na patalim. Sinugatan niya ang kanyang braso at ipinatak ang kanyang
dugo sa bangkay. Buong-katawan ang pinatakan niya. Matapos niyang patakan ng
kanyang dugo ang buong-kalansay ay gumawa siya ng itim na pentagram sa ibabaw nito.
Umilaw ang pentagram. Medyo manghihina siya ng matagal sa kanyang gagawin dahil
bubuhay siya ng isang patay. Pero, bahala na! Lumapit siya sa kalansay ay
hiningahan niya ang bibig nito. Unti-unting nabalot ng mist ang kalansay.... Lumayo
na siya ng kaunti. Nakikita na ni Bony ang pagbabago sa kalansay. Nagkakaroon na
ito ng laman ng paunti-unti.... Ilang sandali pa ay tuluyan nang nagkaroon ng
katawan ang kalansay.
Iyon nga lang ay napakaputla ng kulay ng balat nito. Mas maputla pa doon sa Blood
demon na kaibigan ni Blade. Mas wala itong buhay tingnan. Ipinitik niya ang kanyang
daliri. Pagkapitik ng kanyang mga daliri ay biglang nagmulat ng mga mata ang
bangkay na kanyang binuhay.
"H-Huh?!"
Gulat na napakurap si Guiseppe ng imulat niya ang kanyang mga mata. Napanganga siya
at nakita niya ang yakap niyang violin na alam niyang kasama niya sa kanyang
libingan. Gulat siyang napatingin sa kanyang mga kamay na mayroong laman...
"B-Buhay ako?" di makapaniwala niyang wika.
Nagtataka siyang bumangon mula sa kanyang libingan. Tumingin siya sa paligid at
nakita niya ang isang lalaki na may sugat sa braso. Pawisan at matamang nakatingin
sa kanya. Ngumiti sa kanya ang lalaki.
"Tama ka. Buhay ka nga. Binuhay kita, Guiseppe." wika pa ni Bony.
Medyo ramdam na niya ang panghihina ng kanyang katawan dahil sa pagbibigay niya ng
hininga dito. Tuluyan naman nang umalis sa kabaong si Guiseppe hawak ang violin.
"Sino ka? Bakit mo ako binuhay?"
Ngumiti ng makahulugan si Bony sa lalaki.
"Dati akong kaibigan ni Zech. Ako na ang master mo at gusto ko siyang gantihan.
Ikaw, gusto mo bang gumanti sa kanya?"
Nagsalubong ang mga kilay ni Guiseppe.
"Si Zech... Huwag mong sabihing buhay pa siya?"
Tumawa ng mahina si Bony at napailing.
"Immortal si Zech. Isa siyang rebeldeng anghel na nagmula sa langit. Hindi mo ba
alam ang totoo niyang pagkatao?"
Napatanga si Guiseppe sa kanyang nalaman. Siya ang violinist at si Zech ang
pianist. Naging magkatambal sila sa mga pagtatanghal. Si Zech ang itinuturing
niyang bestfriend... Pero nagbago ang lahat simula nang magpakita sa kanyang
panaginip ang isang diyablo at tumugtog iyon ng violin. Nahumaling siya sa musikang
ginawa ng diyablo at sinabi nitong makakagawa siya ng ganoon kagandang musika kung
magpapasakop siya dito. At hindi lang iyon, magkakaroon din daw siya ng kakaibang
kapangyarihan. Tinanggap niya ang alok ng diyablo. Nagawa niya ang Demon's Sonata
at Devil's Music.
Pero... Kinalaban siya ni Zech dahil doon. Biglang nanariwa sa kanyang alaala ang
mga pangyayari noon. Maraming taon na ang lumipas pero malinaw pa rin sa isip niya
ang lahat. Hanggang sa kamatayan ay hindi siya nakalimot.
Matamang nakatingin si Guiseppe sa mukha ni Zech habang hawak nito ang violin at
ang Demon's Sonata. Walang anuman nitong pinunit ang kanyang composition at kumalat
sa hangin ang mga piraso ng papel.
"Memoryado ko ang Demon's Sonata, Zech. Ako ang gumawa niyan. Bakit mo ba ginagawa
ito?! Naiinggit ka ba sa akin?!"
Umilaw ang mga brown na mata ni Guiseppe at namula. Hindi naman natinag si Zech.
Walang emosyon ang mamumutawi sa mukha nito.
"Hindi ako naiinggit. Sumusobra ka na. Marami na ang namamatay dahil sa pagkabaliw
sa iyong musika. Hindi ito ang gusto mo bilang isang magaling na musician."
Isang ngisi ang namutawi sa labi ni Guiseppe.
"Mali ka. Ito ang gusto ko. Ang mahumaling at mabaliw ang mga tao sa ganda ng aking
musika. Ang sambahin nila ako! Bakit ka ba nagkakaganyan? Hindi ba't ikaw din naman
ang nagpakilala sa akin sa diyablong si King Beleth?! Pumayag akong makipagkasundo
sa kanya kapalit ng lahat ng ito. Naroon ka at nasaksihan mo ang lahat. Ikaw din
naman ang naglubog sa akin sa sitwasyong ito, kaya bakit mo ako pinipigilan ngayon
sa gusto ko?!"
Huminga ng marahas si Zech. Isang pagkakamali ang kanyang nagawa. Ipinahamak niya
ang isang tao na naging kaibigan niya.
"Tama ka. Nagsisisi ako sa ginawa ko. Hindi na ikaw ang kaibigan ko. Nagbago ka na.
Gusto kitang pigilan bago pa mahuli ang lahat para sa'yo. Tumigil ka na at kumalas
ka na sa kasunduan niyo ng diyablo."
Itinaas ni Guiseppe ang kanyang kanang-kamay na may hawak na bow ng violin. Umilaw
ng pula ang bow.
"Bakit naman ako kakalas sa kasunduan namin kung mayroon na akong kapangyarihang
ganito? Isa pa, nakakalikha ako ng musikang kinahuhumalingan ng lahat."
Tumugtog si Guiseppe sa violin ng Demon's Sonata at isang pulang apoy ang mabilis
na bumulusok papunta kay Zech pero agad namang nakaiwas ang huli. Gumanti siya sa
ginawa ng kanyang kaibigan.
"Reverse Demon's Sonata!" balik niya.
Isang puting-liwanag ang bumulusok kay Guiseppe at laking gulat nito ng madaplisan
ang kanyang pisngi. Nanlaki ang kanyang mga mata at maang na napatingin kay Zech.
"P-Paano mo nagawa iyon?!" gulat niyang wika.
Mariing tumingin si Zech kay Guiseppe.
"Makinig ka sa akin, tumigil ka na. Kung ibang tao ka lang siguro, pababayaan kita.
Pero kaibigan kita. Ganoon pa man, gagawin ko ang lahat para mapigilan ka. Sinira
ko na ang Demon's Sonata mo at na-reverse ko na sa good magic. Nasaan ang isa pang
composition na ginawa mo? Nasaan ang Devil's Music?" sa halip ay wika ni Zech.
Wala siyang balak na ipaalam dito ang totoo niyang pagkatao kahit na kaibigan pa
niya ito. Tiyak na mapapahamak lang ito. Hindi nito alam kung gaano siya kasamang
nilalang.
"Kung ang composition ng Devil's Music ang hinahanap mo, sinadya kong iwala nang
malaman kong ninakaw mo sa akin ang Demon's Sonata. Pero para sa'yo, tutugtugin
ko!" mabilis nitong sagot.
Pagkatapos noon ay tinugtog na nito ang Devil's Music... Mariing napapikit si Zech
dahil tila binabasag ang ulo niya habang naririnig niya ang musikang nililikha
nito. Maganda sa pandinig pero napakasama sa pakiramdam ng buong katawan habang
naunuot ang musika sa buong sistema ng utak. Para bang kinokontrol ka. Gumamit na
siya ng kanyang kapangyarihan. Muli siyang nagmulat at saka niya tinugtog ang
Reverse Demon's Sonata. Nilakasan niya ang puwersang ibinalot niya sa kapangyarihan
nito. Bumalik kay Guiseppe ang epekto ng Devil's Music... Pinatalbog kasi ni Zech
ang musika nito sa pamamagitan ng Reverse Demon's Sonata. Tinamaan ito ng itim na
ilaw at nabalot ang buo nitong katawan.
"HINDEEE!!!!...."
Nagkaroon ng mga ugat na kulay-asul sa mukha nito. Tumawa ito na parang baliw at
nagpatuloy sa pagtugtog ng violin. Unti-unting nagkaroon ng madilim na aura sa
paanan nito at marahan nang nilulubog doon ang katawan ni Guiseppe habang
tumutugtog ito ng violin. Hindi siya tumigil hanggang sa bawian siya ng buhay at
tuluyang nilamon ng kadiliman...
Muling nagbalik sa kasalukuyan si Guiseppe. Tumingin siya sa mukha ng kanyang
kasama na pawisan at mahina.
"Sige, gusto kong gumanti kay Zech..." seryoso niyang wika.
Isa namang ngiti ng tagumpay ang namutawi sa mukha ni Bony.
Samantala... Panay ang buntung-hininga ni Zech habang nakatingin sa mga water-lily
na nasa likod ng kanyang bahay.
"Hoy! Ayos ka lang?" untag ni Creta.
Ala-singko na ng umaga sila nakauwi mula sa gulong pinasok nila bilang Red Scorpion
Gang. Matapos kasi nilang kumain ng balut na libre ni Drake ay namasyal pa silang
lahat at naghanap ng makakainan ng almusal na sagot ulit ng huli. Talagang sinulit
nila ang blow-out nito mula sa pagkakapanalo nito sa Mr. Pogi. Sa bahay na niya
nakitulog si Creta.
"Ayos lang ako." maikli niyang sagot.
Kumuha ng maliit na bato si Creta at binato ang pond na natataniman ng mga water-
lily na namumukadkad ang mga bulaklak na pinaghalong-pink at pula.
"Huwag ka nga!" pakli niya.
Huminga ulit ng malalim si Zech at tumingin sa kanyang kaibigan.
"Bago kasi umalis si Hazel, nagtapat siya ng feelings niya sa akin." bigla niyang
wika.
"Oh, ngayon?"
"Hindi ko gustung saktan ang damdamin niya pero talaga namang may laman na ang puso
ko. Kinailangan kong maging matapat sa kanya kaysa paasahin siya sa wala at
magsinungaling ako, di ba?"
"Tama. Right na nga, korek pa. Ngayon, bakit ka nagkakaganyan?"
"Ewan."
Sutil na tumingin si Creta sa mukha ni Zech.
"Dahil kay Rane?"
"Uh, Creta! Change the topic nga! Huwag kang ususero!" naiiritang wika ni Zech.
"Oh di change the topic. Madali akong kausap. Ang mabuti pa, magluto ka na lang ng
lunch natin. At ako na ang bahala sa mga huhugasan!"
Napakamot sa kanyang batok si Zech. Natawa siya ng mahina.
"Pambihira! Nahawa ka na kay Blade!"
Natawa na din si Creta.
"Malakas kasi ang virus noon eh! Tsaka gutom na talaga ako. Grabe, ngayon lang ako
napuyat ulit ng ganito. Parang hindi na ako sanay. Alam mo kasi, ang aga naming
natutulog sa simbahan. Tapos, maaga din ang gising. Pag-uwi ko, saka na ako
magpapaliwanag kay Father Piyo kung saan ako nagsuot."
"Tara na nga!" yaya na lang ni Zech.
Samantala... Pawisan na si Blade habang nakatingin siya kay Michael na matamang
naghihintay sa susunod niyang pagsuntok. Nasa harap sila ng bahay ni Drake. Noong
dumating sila ay nadatnan nila sa sala si Michael at prenteng naghihintay sa
kanila. Iyon pala ay naisipan nitong bumisita dahil naalala nito ang naging usapan
nila noong nagsasanay siya.
"Bakit hindi mo pa ako mapaatras? Nagsanay ka na ah? Akala ko ba, gusto mo ng Eat
all you can buffet?" wika ni Michael.
Hinubad ni Blade ang suot niyang chaleco at sando. Hindi niya inaasahan na ngayon
maaalala ni Michael ang usapan nila. Basta kapag napaatras niya ito gamit ang
kanyang suntok na hindi gumagamit ng kanyang kapangyarihan ay bibigyan siya nito ng
Eat all you can buffet para sa lahat. Tumawad kasi siya sa usapan nila. At madali
lang naman itong pumayag.
"Bakit naman kasi ngayon mo naisipang magpakita eh puyat ako at pagod?! Napasabak
kaya kami sa isang engkuwentro kagabi! Abuwisit ak pa! Wrong-timing ka naman kasi
eh!" reklamo niya.
Wala pa siyang tulog pero ang dalawang housemates niya, siguradong nasa magandang
mundo na ng panaginip. Pero wala siyang pakialam basta para sa kanyang Eat All you
can buffet! Ngumiti si Michael sa kanya.
"Pasensiya ka na. Busy ako eh. Mayroon kasi akong binabantayang demon. Siya ang
misyon na ibinigay sa akin ni Ama at ngayon lang ulit ako nagkaroon ng time para
puntahan ka. Kaya samantalahin mo na Blade, habang hindi pa ako busy sa ngayon."
Pagkasabi ni Michael ay mabilis agad siyang sumugod dito ng sunud-sunod na
malalakas na suntok sa mukha, sa dibdib at sa sikmura. Pero kagaya ng dati ay hindi
man lang ito gumalaw sa kinatatayuan nito, napaatras na naman siya. Kaya lang ay
tuluyan nang napagod si Blade at ibinagsak ang katawan sa damuhan. Tapos ay
tumuloy na ang kanyang kaluluwa sa mundo ng panaginip. Talagang napagod at napuyat
siya sa pinaggagawa nila noong nagdaang gabi. Yamot naman na napatingin si Michael
kay Blade na tulog at bagsak na.
"Mukhang talagang pagod siya. Sa susunod na lang kung ganoon."
Ipinitik niya ang kanyang daliri at nagbago ang suot na damit ni Blade. Naging
pambahay na iyon. Pagkatapos noon ay ginamit niya ang kanyang kapangyarihan para
madala ito sa silid nito.
"Magpahinga ka at matulog ng mahimbing, kapatid."
Samantala, inayos na ni Bony ang itsura ni Guiseppe. Ibinagay niya iyon sa
modernong panahon. Nasa isang hotel sila at nakatingin sa ibaba. Kanina lang ay
ipinasyal niya ito para makita nito ang malaking pagbabago na nagawa ng panahon at
teknolohiya.
"Heto na ang bagong mundo ngayon. Nakikita mo ba?"
Tumingin sa ibaba ng bintana si Guiseppe. Hindi pa rin siya makapaniwala sa kanyang
nakikita. Pakiramdam niya ay nanaginip pa rin siya.
"Hindi ako makapaniwala na nandito ako ngayon sa kasalukuyang panahon. Pero heto na
nga. Marami na ang nabago pero hindi ang hangarin kong makalikha ng mga musikang
kababaliwan ng lahat. Iyon ang pangarap ko na sinira ni Zech."
"Tama. Kaya dapat lang na gantihan mo siya."
Hindi umimik si Guiseppe pero napahinga siya ng malalim. Tumingin siya kay Bony.
Nalaman na niya ang lahat ng kuwento tungkol kay Zech at sa kung ano ba talaga ang
lalaking kaharap niya.
"Lalabas ako. Mayroon lang akong pupuntahan."
"Sige." mabilis na sagot ni Bony.
Wala pa siyang balak lumabas. Mahirap na at baka makaharap niya ang mga kalaban.
Wala siyang lakas ngayon at mahina siya dahil sa ginawa niyang pagbuhay kay
Guiseppe. Lumabas na si Guiseppe at napatingin na lang si Bony dito. Pagkaalis nito
ay tinawagan niya si Vaulant.
"Oh, kamusta?"
"Nagawa ko na ang plano. Buhay na si Guiseppe at ngayon ay lumabas siya. Ang
kailangan lang nating gawin ay pagtagpuin ang landas nila ni Zech para sa muli
nilang paghaharap."
Napangiti si Vaulant. Tumingin siya kay Ziggur at nagpalabas ito ng uwak mula sa
braso nito.
"Si Ziggur na ang bahala diyan. Magpapadala siya ng kanyang alagad para mag-espiya
sa paligid. Alam kong medyo mahihirapan tayo sa paghahanap dahil kayang itago ni
Zech ang kanyang aura pero kapag umayon sa atin ang pagkakataon... Magiging maganda
ang palabas na ating masasaksihan."
"Good. Inaasahan ko iyan."
Ini-end na ni Bony ang tawag at napangisi siya. Sana nga, umayon ang pagkakataon.
Hindi niya alam kung ano ang kakayahan ng Devil's Trill Sonata at excited na siyang
makita iyon.
Pumunta si Guiseppe sa lumang gusali kung saan sila nagtatanghal dati ni Zech
bilang tandem na mga musikero. Ginawa na iyong museum. Napahawak siya sa pader.
Maraming alaala sa kanya ang lugar na iyon. Tumingin siya sa paligid. Medyo
maraming tao ngayong hapon dahil may nagaganap na auction ng ilang mga gamit.
Samantala, panay ang hikab ni Daisy habang nasa auction siya kasama ng pinsan
niyang si Alexa. Puyat pa siya at hindi gaanong nakakabawi ng tulog pero napilitan
siyang samahan ang kanyang pinsan sa lakad nito. Noong sinabi niyang tinatamad siya
ay kaagad nitong sinabi na bibigyan siya nito ng pambili ng tablet. Kapalit noong
nasira na bagong bili niya. Dahil doon ay nabuhay ang kanyang dugo at nagkukumahog
siyang bumangon at nagbihis. Pero ngayon ay nakakaramdam na siya ng antok.
Napatingin siya sa kanyang katabi. Mataman itong nakatutok sa mga item at so far,
wala pa itong nagugustuhan.
"Pupunta akong banyo." paalam niya.
"Sige. Balik ka agad."
"Oo."
Tumayo na siya at nagmadaling umalis sa bulwagan kung saan nagaganap ang auction.
Hindi naman talaga niya kailangang magbanyo. Nagdahilan lang siya para makalabas
siya at magpahangin. Maglalakad-lakad siya para mawala ang kanyang pagkaantok.
Tumingin siya sa paligid. Maraming lumang paintings ang nakasabit sa dingding.
Karaniwan sa mga relics na naroon ay mga gamit sa pagtugtog ng musika. Dating
malaking tanghalan daw ang lugar na ito na ngayon ay ginawa nang museum. Lumabas
siya at nagtungo sa may hardin kung saan walang tao. Tumingin siya sa paligid at
nag-inat-inat. Humikab din siya ng malakas. Natigilan siya ng makarinig siya ng
kung anong tunog. May tumutugtog ng violin. Naalala niya si Drake. Nandito din ito?
Curious niyang pinuntahan ang pinanggagalingan ng musika. Naglakad siya papunta sa
lumang maze garden na sira-sira na at ilang sandali pa ay nalantad sa kanya ang
isang wasak na shed na pinupuluputan ng rose vines na kulay-yellow. Nakita niya sa
gitna ng shed ang isang lalaki na tumutugtog ng violin. Hindi si Drake iyon.
Halatang bagong-gupit ang buhok nito na wavy na itim na itim. Ang mga suot nito ay
halatang branded at makabago maliban sa gamit nitong violin. Mas luma pa iyon sa
gamit ni Drake. Iyon nga lang ay halos pareho sila ng kulay ng balat. Maputing-
maputla na parang bangkay?! Mas malala nga lang ang pagkaputla ng balat ng isang
ito. Nakapikit ang lalaki habang tumutugtog ng violin at hindi siya pamilyar sa
musikang iyon dahil wala siyang alam kina Mozart at sa kung sino pang musicians
noong panahon ng renaissance.
"Hindi naman pala siya si Drake." mahina niyang wika.
Tumalikod na siya at akmang maglalakad palayo nang...
"Miss, sandali!"
Natigilan siya sa akmang paghakbang. Alanganin siyang pumihit paharap sa lalaki.
"Ahm, sorry ah? Akala ko kasi ikaw iyong kaibigan ko. Mali pala ako." paliwanag
niya.
Tiningnan niyang mabuti ang lalaki. Mas matangkad at brusko ang pangangatawan ni
Drake kaysa dito. Medyo payat kasi ang lalaki at hindi gaanong matangkad.
"Maganda ba ang musikang ginawa ko?" biglang tanong ng lalaki.
"Hmm... Oo naman."
Tumitig na maigi si Guiseppe sa babae. Sinagot nito ang tanong niya pero hindi siya
naging kuntento sa kanyang narinig.
"Puwede bang pakinggan mo muna sandali ang sunod na musikang tugtugin ko?" request
niya.
Napaisip sandali si Daisy. Mukhang matatagalan pa naman ang auction kaya okay lang
siguro na pagbigyan niya ang request ng isang ito.
"Sige, okay lang. Pero sandali lang ah? Naghihintay kasi ang pinsan ko sa akin."
Tumango si Guiseppe. Nagsimula na siyang tumugtog ng panibagong musika. Ang
Brandenburg Concertos by Johann Sebastian Bach. Napangiti si Daisy habang
pinapanood niya ang lalaki. Hindi niya maiwasang hindi ito maikumpara kay Drake.
Parang magkasing-galing ang dalawa... Pinakinggan niyang maigi ang musika. Mas
gusto niya ang pagtugtog ni Drake. Para kasing may kulang sa musika ng lalaki kahit
na maganda ang pagtugtog nito. Natapos na ang musika at matamang tumingin sa kanya
ang lalaki.
"Kamusta?" untag nito sa kanya.
"Maganda."
Kumunot ang noo ni Guiseppe. Hindi talaga siya kuntento sa sagot nito.
"Iyon lang?" kulit niya.
Huminga ng malalim si Daisy at pasimpleng napakamot sa kanyang pisngi.
"Pasensiya ka na ah? Wala kasi akong masyadong alam sa mga ganyan. Hindi naman kasi
ako isang musician pero love ko ang music. Iyon nga lang, hindi niya ako hilig. But
anyway, maganda ang pagtugtog mo. Iyon nga lang, parang may kulang?"
Curious na napatingin si Guiseppe sa mukha ng babae.
"Anong kulang?!" gulat niyang react.
"Hindi ko alam. Hindi ko ma-explain. Basta, pakiramdam ko, may kulang sa musika mo.
Pero maganda siya at magaling ka naman kaya huwag mo na lang pansinin ang opinyon
ko. Sige, bye!"
Agad nang tumalikod si Daisy at naglakad paalis. Mukhang nagalit ang lalaki sa
opinyon niya. Pero nagpapakatotoo lang naman siya. May kulang naman talaga sa
musika nito. Hindi niya kasi gaanong na-appreciate. Hindi kagaya noong tumugtog ng
violin si Drake sa talent portion ng Mr. Pogi. Pukaw na pukaw ang atensyon nilang
lahat at ang kanilang mga puso. Gumaan lahat ang kanilang pakiramdam matapos nilang
marinig ang musika nito.
Puzzled naman na naiwan si Guiseppe at nakatanaw na lang sa likod ng papalayong
babae.
"Aalamin ko kung ano ang kulang sa musika ko na sinasabi mo. Dapat maging perpekto
ako kagaya ng dati. Siguro ang rason ay ngayon lang ulit ako tumugtog ng violin
kaya ganoon." frustrate na wika ni Guiseppe.
Muling tumugtog ng musika si Guiseppe. Nang nasa kalagitnaan siya at bahagya siyang
natigilan. May kung anong kulang nga sa kanyang musika! Ilang sandali siyang nag-
isip pero wala siyang makuhang sagot sa kanyang tanong. Itinigil niya ang
pagtugtog. Napaupo siya at marahas na sinapo ang noo.
Kinagabihan ay inutusan ni Hunter si Drake na bumili ng mga sangkap para sa
gagamiting crepe na balak niyang gawin. Tulog na tulog pa si Blade dahil napagod
ito ng husto sa ginawa nitong pagsuntok kay Michael. Tahimik ang bahay kaya pinili
na lang ni Hunter na manood ng T.V. Wala nang kumain ng lunch sa kanila kaya
kailangan niyang damihan ang iluluto sa hapunan. Tiyak kasi na magwawala si Blade
kapag kinulang ang pagkain.
Samantala... Papunta pa lang sa Supermarket si Drake ng lumabas sa may gate ng
bakuran si Zech.
"Uy, saan ka pupunta?" untag niya dito.
"Bibili ng stocks. Naubos ang laman ng pantry ko kanina eh. Dito na rin kasi
naglunch si Creta kanina. Ayon, sinamantala naman ng loko ang lahat. Abuwisit ak
pa!" pakli ni Zech.
"Tamang-tama, pupunta din ako ng supermarket. Sabay na lang tayong mamili. Inutusan
kasi ako ni Hunter eh. Kung gusto mo, doon ka na rin kumain ng hapunan sa bahay."
alok ni Drake.
"Sige ba, hindi ako tatanggi sa grasya. Siya nga pala, si Blade?"
Napangiti si Drake.
"Ayon, tulog pa rin. Super kasi siyang napagod. Pagdating kasi namin sa bahay,
nadatnan namin doon si Saint Michael na naghihintay. Naalala niya iyong usapan nila
ni Blade tungkol doon sa Eat All You Can Buffet? Imbes na magpass, ayon at
pinatulan pa ng loko ang hamon ni Michael. Eh wala nga sa kundisyon... Bagsak ang
loko." natatawang kuwento ni Drake.
Nalaman nila ni Hunter ang mga nangyari dahil ikinuwento ni Michael sa kanila.
"Si Blade talaga, basta sa pagkain!" comment ni Zech.
Nagkuwentuhan pa sila ng kung anu-anong topic habang naglalakad sila papunta sa
supermarket. Napatigil sa paglakad si Zech ng matapat sila sa lumang tanghalan na
ginawa nang museum. Ilang dipa lang doon ang isang lumang-bahay.
"May problema ba?" untag ni Drake.
Alanganin siyang tumingin sa mukha ng kanyang kaibigan.
"Ayos lang ba sa'yo kung may dumaan tayo sa isang lugar ng sandali?"
"Sige, okay lang. Hindi naman tayo nagmamadali, di ba?"
"Salamat."
Nakita ni Drake ang pait sa ngiti ni Zech. Hindi niya alam pero mukhang may rason
ang pait ng ngiti na iyon. Naglakad na si Zech at mataman namang sumunod si Drake
dito. Ilang sandali pa ay narating na nila ang isang malawak na bakuran na puno ng
damo at sa gitna noon ay isang napakalumang bahay na hindi natibag ng panahon.
Naglakad papasok sa bakuran si Zech at walang imik na sumunod lang si Drake.
Pumasok sila sa loob ng bahay at nakita nila ang paligid na balot sa makapal na
alikabok. Nababalutan ang mga kasangkapan ng mga puting-kumot na nagkulay-cream na
dahil sa kalumaan.
"Bahay ito ng isa kong kaibigan. Violinist din siyang kagaya mo, Drake. Hindi ko
nga lang alam kung sino ang mas magaling sa inyong dalawa. Masaya kaming
nagtatanghal diyan sa kabilang gusali dati. Ako ang pianist..."
Napangiti si Zech ng maalala niya ang mga magagandang sandali ng kanilang mga
pagtatanghal ni Guiseppe. Pareho silang masaya ng mga panahong iyon. Lumapit siya
sa may gitna ng sala at inalis ang kumot na nakatakip sa antigong piano. Kumalat
ang isang napakakapal na alikabok. Lumapit siya sa piano at tinipa ang ilang keys
noon. Maganda pa rin ang tunog.
"Nasaan na ang kaibigan mo?" tanong ni Drake.
Huminga ng marahas si Zech at bahagyang natigilan.
"Wala na siya." maikli niyang sagot.
Hindi nila namamalayan ang isang itim na uwak na nakadapo sa may bintana. Bigla
itong lumipad palayo.
Napatigil sa pagtugtog ng violin si Guiseppe ng dumapo ang uwak sa kanyang balikat.
Nagtataka siyang napatingin sa ibon.
"Wak!"
Lumipad ito at dumapo sa semento. Maang siyang napatingin dito. Lumingon ito sa
kanya at may direksyong itinuturo.
"Wak!.."
Nais ng ibon na sundan niya ito. Wala sa sariling napasunod siya dito. Nagtaka
siya. Sa dati niyang bahay ang direksyong tinatahak nila. Bahagya siyang natigilan
ng makarinig niya ng tunog ng piano. Nagmumula iyon sa kanyang bahay at mas lalo
siyang nagulat ng sabayan ng tunog ng violin ang tugtog ng piano. Patakbo siyang
nagpunta doon at marahas na pumasok. Natigil ang tugtog at nakita niya ang dalawang
tao na naroon na gulat na gulat sa kanyang pagdating.
Napakurap si Zech at napatanga ng makita niya ang lalaking basta na lang pumasok sa
loob ng bahay. Maging ito ay nagulat din ng husto ng makita siya.
"Guiseppe?! B-Buhay ka?!" di makapaniwalang wika ni Zech.
Nang makabawi sa pagkabigla si Guiseppe ay nabalot ng galit ang buo niyang
pakiramdam. Tama nga si Bony, isang immortal si Zech. Ni hindi man lang nagbago ang
itsura nito sa tagal ng paglipas ng panahon. Ang kasuotan lang nito ang nabago pero
bukod doon ay wala na. Napangisi siya at mariing napahawak sa dala niyang
instrumento.
"Tama ka, buhay nga ako Zech. Muli akong nabuhay para gantihan ka sa ginawa mo sa
akin!"
"P-Paanong?!"
Nagpalipat-lipat naman ng tingin si Drake sa dalawa. Hindi niya alam kung ano na
ang nangyayari? Inilapag niya sa ibabaw ng piano ang hawak niyang violin na sobrang
luma na at medyo balot sa alikabok.
"Binuhay ako ng isang rebeldeng anghel na ang pangalan ay Bony. Binigyan niya ako
ng pagkakataong gantihan ka!"
Hindi na nakatiis si Drake.
"Teka lang! Awat muna, puwede?! Ano bang nangyayari? Kanina pa ako out of place
ah?! Abuwisit ak pa!"
Sumulyap si Guiseppe kay Drake at napatingin sa violin na inilapag nito sa ibabaw
ng piano. Ito pala ang kasama ni Zech na tumutugtog kanina.
"Bakit hindi mo sabihin sa kaibigan mo kung ano ang ginawa mo sa akin? Sabihin mo
sa kanya na ikaw ang naglubog sa akin sa kasamaan at sa bandang-huli, ikaw din ang
tumapos sa akin! Ikaw na aking matalik na kaibigan!"
Napatanga si Drake sa kanyang narinig. Alam niyang masakit para kay Zech ang
tagpong ito. Nangilid naman ang mga luha sa mga mata ni Zech at mapait na ngumiti.
Mariin siyang pumikit at hinayaang umagos na ng tuluyan ang kanyang mga luha.
"Tama ka. Kasalanan ko nga ang nangyari sa'yo. Huli na ng maisipan kong tulungan
ka. Pinagsisisihan ko iyon, hanggang ngayon."
Medyo nabigla si Guiseppe ng makita niya ang pag-agos ng mga luha ni Zech. Mukhang
ang laki ng pinagbago nito. Nakikitaan na niya ito ng emosyon.
"At ngayon, gaganti ako. Hindi ko pala nabanggit sa'yo na may ginawa akong sonata
bago ako tuluyang masawi. At gagamitin ko ito ngayon, laban sa'yo!"
Inihanda na ni Guiseppe ang sarili. Seryoso siyang tumingin sa mukha ni Zech.
"Ang pambungad na musika ng Devil's Trill Sonata-Largetto Affettuoso!!!..."
Tumugtog na ng violin si Guiseppe at nabalutan siya ng itim na liwanag. Lumutang
ang kanyang katawan sa ere at tila mga latigong ahas ang nagsulputan sa kanyang
paligid at pabulusok na sumugod papunta kina Zech at Drake. Tumalon ang dalawa sa
magkabilang direksyon para iwasan iyon.
"Tama na, tumigil ka na! Huwag mo akong piliting labanan ka ulit!" pigil ni Zech.
"Hindi ako titigil! Ikaw ang sumira sa akin at sa aking pangarap! Gagawin ko ang
lahat, makaganti lang sa'yo. Ang gusto ko lang naman ay makagawa ng magandang
musika na kahuhumalingan ng lahat!... Pero sinira mo ang mga gawa ko!"
Tumalim ang tingin ni Guiseppe.
"Pangalawang bahagi ang-Allegro Moderato!!!..."
Ang mga maliliit na latigong-ahas ay mas lumaki at nagmukhang mga dragon. Mabilis
na sumugod ang mga dragong-ahas sa kanila. Pinatalim na ni Drake ang kanyang mga
kuko at binalutan ng apoy ang kanyang sarili.
"Blazing Inferno!!!..."
Tinira niya ng kanyang mga apoy ang mga dragong ahas at nawasak ang mga iyon.
Nagulat si Guiseppe at tulirong napatingin sa kanya.
"I-Isang demon..."
Napasulyap naman si Drake kay Zech. Nanatili itong tahimik at panay ang iwas lang
sa mga atake ng kalaban. Naiintindihan niya ang nararamdaman nito. Napakahirap dito
na harapin ang madilim na multo ng nakaraan. Nakabantay naman ang uwak sa may
bintana at malayang napapanood nina Vaulant at nang iba pa ang mga nangyayari.
"Nakakatuwa naman. Tingnan niyo ang mukha ni Zech. Hindi niya alam ang kanyang
gagawin!" napangising wika ni Bony.
"Huh, malakas pala ang kakayahan ng huling composition na ginawa ni Guiseppe. Ano
pa kaya ang kayang gawin nito?" curious naman na wika ni Tumand.
Isa namang ideya ang naisipan ni Guiseppe. Sa kasama ni Zech niya balak gamitin ang
kanyang pang-finale.
"Ang ikatlong-bahagi! Andante!!!..."
Isang itim na liwanag ang lumabas mula sa violin at bumulusok papunta kay Zech.
Muli itong umiwas at ang tinamaan noon ay ang isang malaking salamin na nasa gilid.
Nagreflect ang mahika at tinamaan noon si Drake!
"Magaling!"
Natigilan naman si Drake ng hindi niya magawang igalaw ang kanyang katawan.
"L-Lagot na!"
"D-Drake!" nag-aalalang wika ni Zech.
Kampanteng tumingin si Guiseppe sa kanyang dating kaibigan.
"Ano na ang gagawin mo, Zech? Napahamak ang iyong kasama dahil hindi mo ako gustung
labanan."
"Itigil mo na ang lahat ng ito. Tama na. Ibalik mo na ang dating Guiseppe na kilala
ko! Hindi na ikaw iyan... Hindi na maganda ang iyong musika!"
Nagsalubong ang mga kilay ni Guiseppe sa kanyang narinig. Napikon siya.
"Ah, ganoon?! Puwes, heto na ang pang-finale ng Devil's Trill Sonata! Ang huling
bahagi-Allegro Assai-Andante Allegro Assai!!!..."
Tinugtog na nga ni Guiseppe ang huling bahagi ng kanyang musika. Nagulat naman ng
husto si Drake ng kusang gumalaw ang kanyang katawan ng hindi naaayon sa gusto
niya. Mabilis niyang sinugod ng Crash Claw si Zech pero nakailag ito sa kanyang
atake.
"Drake, bakit?!" gulat na tanong ni Zech.
Patuloy siyang inaatake ng kanyang kaibigan. At panay ang iwas ang kanyang
ginagawa.
"H-Hindi ko makontrol ang aking katawan! K-Kailangan mo siyang pigilan!"
Malakas na sumugod ng suntok si Drake at nawasak ang pader ng bahay na tinamaan ng
kanyang kamao.
"Buwiset!" bulalas ni Zech.
Napatingin siya kay Guiseppe. Patuloy lang ito sa pagtugtog at habang ginagawa nito
iyon ay nakokontrol nito si Drake at nagagawa nito ang anumang naisin. Nakakatakot
na uri ng musika. Mabilis siyang sumugod ng sipa dito pero mabilis siyang hinarang
ni Drake. Sinalag nito ang atake niya na para sana sa kalaban. Pagkatapos noon ay
marahas siya nitong sinugod ng kalmot. Napaatras siya at napunit ng bahagya ang
damit niya.
Asar na asar si Drake sa nangyayari. Para na siyang puppet na kinokontrol. Hindi
niya gusto na maging laruan ng kalaban. Patuloy na kumikilos ang kanyang katawan.
Sugod siya ng sugod kay Zech at panay ang sangga at ilag nito sa kanyang mga atake.
Pero ang utak niya, matino. Sandali siyang nag-isip. Tapos ay binalutan niya ng
pulang-apoy ang kanyang katawan. Nagbago siya ng anyo at naging blood demon para
makawala sa mahikang bumalot sa kanya. Sinabi sa kanya ni Raguel na hindi
tinatalaban ng ano mang mahika ang kanyang demon form dahil nanalaytay sa kanyang
ugat ang dugo ni Mammon-one of the Seven Prince of Hell. Nanatiling nakatago ang
mga pulang-pakpak ni Drake. Hindi niya iyon pinalabas dahil hindi naman kailangan.
Napangisi si Drake ng palihim. Ikinuyom niya ang kanyang kanang-kamao. Nakokontrol
na niya ulit ang kanyang katawan pero isang kalokohan ang bigla niyang naisipan.
Kailangan niyang maturuan ng leksyon ang dalawang ito. Matalim siyang tumingin kay
Zech.
"Patay!" gulat na wika ni Zech.
Mabilis siyang sinugod ni Drake gamit ang...
"IRON FIST WAVE!!!!..."
Napilitang magpalabas ng kapangyarihan si Zech. Gamit ang mga makakapal na ugat ay
gumawa siya ng shield. Nawasak ang mga ugat na ginawa niyang panangga sa malakas na
atake ni Drake at mas napaatras siya. Isa namang ngiti ng tagumpay ang namutawi sa
labi ni Guiseppe. Ipinagpatuloy lang niya ang pagtugtog. Muling umatake si Drake
kay Zech.
"Blazing Inferno!!!..."
"Sea of Serenity!!..."
Umulan ng asul na rose petals at lumamig ng paligid. Humupa ang apoy ni Drake ng
paunti-unti. Pero agad din siyang sumugod ng malakas na suntok kay Zech. Pinagkrus
ni Zech ang mga braso para sanggain ang malakas na suntok ni Drake. Napaatras siya.
Tumalon ng mataas si Drake.
"Ang pang finale! BLOOD RAIN!!!..."
Umulan ng mala-karayom na apoy at bumulusok ang lahat ng iyon papunta kay Guiseppe.
Nanlaki ang mga mata ng huli at wala na siyang nagawa ng mapulbos siya ng mala-
karayom na mga apoy na umulan sa kanya. Nagulat naman si Zech at napalingon sa
kanyang likuran. Napulbos sa atakeng iyon si Guiseppe. Tuliro siyang napatingin kay
Drake. Ngumisi ito sa kanya ng nakakaloko.
"K-Kailan ka pa nakawala sa mahika niya?"
"Noong magpalit ako sa demon form."
Nagsalubong ang mga kilay ni Zech at mabilis na binatukan si Drake pero nasangga
nito ang kamay niya. Marahas niya iyong binawi.
"Son of a bitch! Tinakot mo ako, alam mo iyon?!" naiinis niyang wika.
"Para maloko mo ang kalaban, kailangang lokohin mo rin ang iyong kakampi."
Pagkatapos noon ay...
"Blazing Inferno!"
Sinunog ni Drake ang uwak na nakadapo sa may bintana. Napatingin doon si Zech. Kay
Ziggur galing ang ibon na iyon. Pinapanood pala sila. Nagulat si Ziggur ng maglaho
ang vision sa tubig na nasa fountain.
"Animal!" bulalas niya.
"Hayaan mo na." wika na lang ni Vaulant.
Samantala... Nilapitan nina Drake at Zech si Guiseppe na nakalagpak sa sahig.
Duguan at wasak na ang hawak nitong violin. Binuhat ni Zech ang kaibigan at
ipinasandal sa dingding ng bahay. Tumawa ng mahina si Guiseppe.
"Talo pa rin ako..." mahina nitong wika.
Puno ng dugo ang katawan nito.
"Walang nanalo sa labang ito. Maging ako, talo. Guiseppe, patawarin mo ako sa mga
naging kasalanan ko sa'yo. Pinagsisisihan ko ang nagawa ko. Hindi ko sinira ang
pangarap mo, gusto lang kitang iligtas."
Tumingin si Guiseppe sa mukha ng kanyang kaibigan. Isang mapait na ngiti ang
namutawi sa kanyang labi.
"Alam ko. Pero nagbulag-bulagan ako. Kagaya ng sinabi ko, ginusto ko lang namang
makalikha ng magandang musika..."
"Matagal ka nang nakakagawa ng magandang musika. Hindi mo lang iyon napansin agad."
Napatingin si Guiseppe kay Drake at napasulyap siya sa lumang violin na nasa ibabaw
ng piano.
"K-Kanina lang, may nagsabi sa akin na maganda ang aking musika. Iyon nga lang ay
may kulang daw... Hindi ko malaman kung ano ang kulang sa aking musika. Ikaw...
Hindi ba't violinist ka ding kagaya ko? Puwede ka bang tumugtog?"
Walang imik na naglakad si Drake papunta sa piano. Kinuha niya ang violin at muling
lumapit sa kinaroroonan ni Zech at nang kaibigan nito.
"Bago ako tumugtog, gusto kong malaman ang pangalan ng taong hahandugan ko ng
musika. Ako nga pala si Drake Summertime."
Medyo nagulat si Guiseppe sa sinabi nito. Ngumiti siya.
"Ako si Guiseppe Tartini."
Pagkasabi nito ay agad nang tumugtog ng violin si Drake. Isang musika na gawa ni
Johann Sebastian Bach-St. Matthew Passion. Amaze na napatingin si Guiseppe kay
Drake na tumutugtog ng violin. Kusang umagos ang mga luha sa kanyang mga mata at
natawa siya ng mahina. Napaigik siya ng maramdaman niya ang sakit sa kanyang buong
katawan dahil sa ginawa niyang pagtawa pero hindi siya nagpatinag. Kailan ba siya
huling tumawa ng ganoon? Iyong tumawa siya dahil masaya siya at wala nang ibang
rason kundi iyon lang?! Tumigil na sa pagtugtog si Drake. Matamang nakatingin si
Zech kay Guiseppe. Nakita na niya sa mukha nito ang kaibigang kilala niya. Nagbalik
na ito sa dati.
"A-Alam ko na ang kulang sa aking musika. Nakalimutan ko na pala ng tuluyan ang
pinakamahalagang sangkap... Ito..."
Itinuro ni Guiseppe ang kanyang dibdib sa tapat ng kanyang puso.
"Tama ka. Hindi ako tumutugtog ng violin para magpasikat lang. Ginagawa ko ang
bagay na ito para mapasaya ko at mapagaan ko ang loob ng mga tao sa paligid ko.
Mahal ko ang musika at ang pagmamahal ang pinakamahalagang sangkap sa anumang
bagay."
Tumingala si Guiseppe at pagkatapos noon muling tumingin kay Zech. Tinangka niyang
abutin ang pisngi nito pero lubhang mahina na siya. Ibinaba na lang niya ang kanan
niyang kamay. Ngumiti siya dito.
"P-Pinapatawad na kita, Zech. May kasalanan din naman ako. Hindi ako nakinig."
Medyo nagulat si Zech pero nang makabawi siya ay...
"Salamat sa pagpapatawad mo, kaibigan." napangiti niyang wika.
Mula sa loob ng damit ni Guiseppe ay may kung ano itong kinuha. Isang papel na puno
ng dugo nito. Ang composition ng Devil's Trill Music. Inabot nito iyon kay Zech at
alanganing kinuha iyon ng huli.
"W-Wasakin mo na iyan ng tuluyan. Hindi iyan matatawag na musika kundi isang
sandata..."
"Oo, gagawin ko."
"Gusto kong mailibing sa may hardin ng bahay ko. Pagod na ako... Gusto ko nang
magpahinga. Gusto kong humingi ng tawad sa langit kung mapapatawad pa ako... Pero,
sana nga..."
Marahan nang pumikit si Guiseppe at pagkatapos noon ay nabalutan ng mist ang buo
nitong katawan. May puting-liwanag na lumabas mula sa bibig nito at unti-unti na
itong naging kalansay...
Napaiyak naman si Zech. Hindi na siya nahiya kay Drake na ipakita ang kanyang
emosyon. Sa ikalawang pagkakataon, muling nawala sa kanya ang kanyang kaibigan.
Pero ganoon pa man ay gumaan ang kanyang pakiramdam dahil nagawa niyang makuha ang
kapatawaran nito at naimulat niya sa tama ang mga mata nito na matagal nang
nabulag.
Tinapik naman ni Drake sa balikat ang kanyang kaibigan bilang tanda ng pagdamay.
*************************************
( Badtrip si Doflamingo! Di pa makeret! Abuwisit ak pa.. Hmm... Wala lang, napa-
marathon lang ng mga latest episode ng One Piece! He he! )

27. WITCHES

"Witches"

Napatingin si Blade kay Zech habang tinataniman nito ng mga yellow-roses ang
libingan ng kaibigan nitong si Guiseppe Tartini. Bumaling ang atensyon niya sa
puntod. Binasa niya ang taong naka-engrave sa lapida. 1767-1791. Nakita niya ang
bestfriend niyang si Drake na nagtirik ng kandila dito. Naikuwento na sa kanilang
tatlo nila Drake at Zech ang mga nangyari noong nagdaang gabi. Naglabas ng baraha
niya si Creta at gamit ang lumang larawan ni Guiseppe na nakuha nila sa bahay nito
ay idinikit nito iyon sa baraha. Gumamit ng kapangyarihan si Creta at tila naging
isang salamin ang barahang dinikitan nito ng litrato. Pagkatapos noon ay idinikit
nito ang picture sa libingan. Solong-picture iyon ng lalaki na nakangiti ng
matipid. May ginawa pa ng kaunti si Creta at naghugis oblong na ang tila frame ng
larawan. Tapos may lumabas na engrave sa puntod na.. "In the Loving Memory of
Guiseppe Tartini-Musician"
Tinulungan nila si Zech na gawan ng libingan ang kaibigan nito sa may hardin ng
bahay. Inayos din nila ang buong hardin at maging ang bahay na rin. Natapos na si
Zech sa ginagawa. Nagtirik na ito ng kandila at tumayo. Napabuntung-hininga ito ng
marahas.
"Salamat sa pagpapatawad. Umasa kang tutulungan kitang makahingi ng tawad sa
langit." mahinang wika ni Zech.
Kasama nila si Father Piyo. Binasbasan nito ang bangkay ni Guiseppe kanina. Ngayon
naman ay ang libingan nito. Tumingala si Zech para pigilin ang napipintong
pagbagsak ng kanyang mga luha. Tinapik ni Blade ang balikat nito.
"Umiyak ka lang. Huwag kang mahiya sa amin. Nandito lang kami para sa'yo. Basta ba
huwag ka lang magkakamali. Hindi tayo talo-talo." wika ni Blade.
Biglang nawala ang nagbabadyang luha sa mga mata ni Zech at bigla siyang
napabungisngis.
"Sira!" natawa niyang pakli.
Nagkibit-balikat lang si Blade sa naging reaksyon ng kanyang kaibigan. At least,
natawa ito. Sa nakita niya ngayon, napatunayan na talaga niyang nagbago na nga ito
ng tuluyan at nagsisi. At deserve nito ang pagkakataong ibinigay niya. Maging si
Creta na sobrang mahal ng siningil ni Vaulant at nang iba pa dito. Sisiguruhin
niyang makakamit nito ang hustisya para pamilya nito. Huminga siya ng malalim. Siya
naman ngayon ang biglang napadrama. Narinig niya ang pagbuntung-hininga ni Zech.
Umalis na sina Creta at Father Piyo. Maya-maya pa ay...
"Sige, aalis na kami ni Hunter. Baka ma-late pa kami sa pagpasok sa school. Aba,
mahirap para sa akin iyon. Tiyak na magsa-sample na naman akong lase ay!" paalam ni
Blade.
"Maraming salamat." maikling wika na lang ni Zech.
Tinapik ni Hunter ang balikat ng kaibigan.
"Walang-anuman. Sige, bye na."
Umalis na ang dalawa at naiwan sina Drake at Zech sa harap ng libingan ni Guiseppe.
Dala ni Drake ang kanyang violin. Inilabas niya iyon mula sa lalagyan nito at
nagsimula na siyang tumugtog ng musika para sa kaibigan ni Zech. Pagkatapos niyang
tumugtog ay umalis na silang dalawa sa lugar.
Samantala, nasa isang misyon si Aleister. Ang hanapin ang mga batang nawawala sa
isang liblib na bayan. Naglalakad siya ngayon ng mag-isa sa isang gubat. Sandali
siyang napatigil nang makarinig siya ng kakaibang ingay. Isang matining na tawanan
at mga sigaw? Mabilis niyang inilabas ang kanyang mga baril at inihanda ang kanyang
sarili.
"Sabi na nga ba eh. Mga witches ang may kagagawan nito!" pakli niya.
Umakyat siya sa itaas ng puno at nakita niya ang ilang grupo ng witches na parating
sakay ng kanilang mga broomstick. Nagtatawanan ang mga ito at tila nagkakarera.
Naagaw ang kanyang atensyon ng makita niyang may bihag na mga batang babae at
lalaki ang ilan sa mga ito. Nakatali ang mga bata at may busal ang kanilang mga
bibig. Anim ang mga witches. Inihanda niya ang kanyang sarili at pinagbabaril niya
ang mga ito. Nagulat ang mga witches sa kanyang ginawa at mabilis na pinahinto ang
kanilang mga broomstick sa paglipad. Dalawa ang tinamaan niya at nasunog ang mga
iyon sa kanyang bala.
"Isang exorcist! Patayin siya!!..." wika ng nangungunang witch sa mga ito.
Kulay violet-red ang mga labi nito at nangingitim ang ilalim ng mga mata. Ginamitan
siya ng kapangyarihan ng mga mangkukulam ngunit mabilis siyang nakatalon sa isa
pang sanga ng puno na malapit sa kanya. Kaya lang ay nagsigalawan ang mga sanga ng
punong tinungtungan niya. Mabilis siyang tumalon sa ere at pinagbabaril ang mga
witches pero nagawang iwasan ng mga ito ang mga bala niya. Isa pa, kailangan niyang
mag-ingat dahil may bihag silang mga bata. Mas lalong tinaasan ng mga mangkukulam
ang lipad ng kanilang mga broomstick at hindi na nakaabot si Aleister dahil
hinarang na siya ng naglalakihang mga sanga ng puno na nagmistulang mga pader.
Gumawa siya ng pentagram at nagpalabas siya ng apoy para sunugin ang mga sanga
dahil sinusugod siya ng mga ito. Natupok sila ng kanyang apoy at tumigil na sa
paggalaw. Nawala na ang bisa ng magic ng mga mangkukulam sa puno. Tumingin-tingin
siya sa paligid at naagaw ng kanyang atensyon ang isang prutas na nabubulok na.
Lumapit siya doon at tiningnan iyong maigi. Kasing-laki iyon ng kanyang kamao,
brown at inaamag na. Pero katulad nito ang hugis ng prutas na strawberry. Nalaglag
ito kanina ng isang mangkukulam na tinamaan ng bala niya.
Huminga siya ng malalim. Kailangan niya ng tulong. Hindi niya kakayaning mag-isa
ang pagliligtas sa mga batang kinuha ng mga mangkukulam. Marami iyon. Sa tingin
niya ay may sinusunod na bilang ang mga mangkukulam sa mga kinukuha nilang bata.
May gagawin silang kung anong ritwal dahil panay anim na taong-gulang na batang-
lalaki at babae ang mga kinukuha nila. At doon siya puzzled.
Papasok na sa loob ng school si Rane ng makita niya si Aleister sa may bungad ng
gate ng kanilang school. Dinalhan niya ng baon si Conrad sa classroom nito.
"Kuya, Aleister! May kailangan ka?" napangiti niyang wika.
"Sina Blade at Hunter?"
"Nasa canteen. Tamang-tama ang dating mo, recess namin. Tara, Kuya."
"Sige."
Sumunod si Aleister kay Rane. Pumunta nga sila sa canteen at nadatnan nila si Blade
na may dalang plato at parang langaw na umaaligid sa lahat.
"Pahinge ngang pansit! Kaunti lang." wika ni Blade kay Van.
Binigyan naman siya nito at pagkatapos noon ay lumibot pa siya sa iba pang
estudiyante na kumakain ng pansit at humingi din siya sa mga ito. Hanggang sa
mapuno ang plato niya.
"Solve na solve! Salamat sa inyong blessings, guys! May bonus kayo sa quiz mamaya!"
Napaismid si Aleister sa kanyang nasaksihan at napahalukipkip. Hindi siya nakatiis.
"Nakakahiya ka! Daig mo pa ang patay-gutom!" di niya napigilang comment.
Napatingin si Blade sa nagsalita at nakita niya ang nakahalukipkip na si Aleister
at kasama nito si Rane. Natawa na lang si Rane sa naging reaksyon ni Aleister.
Sanay na silang lahat kay Blade kaya balewala na lang nila ang pinaggagawa nito.
Pumunta na siya sa may counter para bumili ng makakain.
"Eh bakit ba? Hiningi ko naman ang mga ito at binigyan naman nila ako? Di ko sila
pinilit. Tsaka hindi mo naman ako katulad na rich no? Poordoy lang ako. Ano bang
masamang hangin ang nagpadpad sa'yo dito?" kunot-noong tanong ni Blade.
Umupo si Aleister sa tapat ni Blade at ngumiti ng makahulugan. Lalong nagtaka si
Blade sa ikinilos nito. Mukhang nawala na ang allergy nito sa kanya.
"Gusto mo bang ilibre kita?" sa halip ay tanong ni Aleister.
Nabitin sa akmang pagsubo ng pagkain si Blade at amuse na napatingin kay Aleister.
Hindi niya inaasahan iyon. Pero mukha namang seryoso ang mukha nito.
"Siyempre, gusto ko. Iyon ay kung hindi mo lang ako pinasasakay."
"Hindi kita pinasasakay. Nagkaproblema kasi ako sa kasalukuyan kong trabaho. Sa
mission ko. Kailangan ko ng tulong." deretsang wika ni Aleister.
Humalukipkip si Blade.
"Makapaghihintay ka ba hanggang mamaya? Sa bahay na lang ni Drake natin pag-usapan
ang tungkol diyan. Nandito tayo sa school at hindi sila puwedeng makarinig ng medyo
kakaiba. Ayaw kong mapahamak ang mga tao dito dahil pamilya ko na sila."
Pasimpleng sumulyap si Aleister sa mga estudiyante at mga guro na nasa canteen at
kumakain. Huminga siya ng malalim.
"Naiintindihan kita."
Tumayo na si Aleister at akmang aalis pero mabilis na hinawakan ni Blade ang
kanyang kanang-braso at hinila. Napatigil siya sa akmang paglakad at matamang
tumingin sa mukha ng kanyang kaibigan.
"B-Bakit?!" nabigla niyang tanong.
"Iyong libre ko?" walang gatol na wika ni Blade.
Natawa si Aleister.
"Naku, ikaw talaga Blade!" natawang wika ni Aleister.
Hinila niya ang braso niya at binitawan naman na ni Blade iyon. Kinuha niya ang
kanyang wallet sa bulsa ng kanyang pantalon at naglabas ng limang-daan.
"Ayan, ilibre mo na rin ang iba." sabay lapag ng pera sa mesa.
Napangiti si Blade.
"Salamat! Ang bait mo, pare. I love you!"
"EEW!!!... Tama na ang pinuri mo ako. Huwag mo na lang samahan ng salitang I love
you. Kadiri, pare!"
Ngunit sutil na nagflying-kiss pa si Blade kay Aleister. Napailing na lang ang huli
at natawa ng mahina. 'Sira' talaga ang Blade na 'to. Tumalikod na siya at naglakad
na paalis. Eksakto namang dumating si Rane dala ang mga pagkain niya.
"Nasaan na si Kuya Aleister?" tanong niya.
"Umalis na. May importante at mahalaga lang siyang sinabi at iniwan niya ang
tumataginting na limang-daan. Sagot ko na ang drinks niyo ngayon."
Napangiti si Rane. Lumapit na rin si Hunter sa kanila at nakipagkuwentuhan.
Kinahapunan ay pinapunta din ni Blade sina Zech at Creta sa bahay ni Drake.
Kumpleto na silang lahat at napahinga ng malalim si Aleister bago siya magsimulang
magsabi sa kung ano ang problema.
"Mission kong hanapin ang mga batang nawawala sa isang liblib na pook. Sa aking
pag-iimbestiga, lahat ng mga nawawalang bata ay may edad na anim na taong gulang.
Tapos nang simulan ko ang paghahanap sa kanila ay wala akong gaanong makuhang clue.
Napakamisteryoso ang kanilang pagkawala. Hanggang sa naisipan kong maghanap sa
isang gubat kung saan nasa pagitan ng mundo ng mga maligno at ng mga tao. May mga
naka-engkuwentro akong mangkukulam at nakita kong may mga dinukot silang mga bata.
Kinalaban ko sila pero nabigo akong bawiin ang mga bata at sundan sila. Sa hula ko
ay may gagawing ritwal ang mga mangkukulam na iyon. Hindi ko nga lang alam kung
para saan.
Pero siguradong nasa panganib ang mga bata. Sa tantya ko ay nasa labing-dalawang
bata na ang nakukuha nila. Hindi ko kakayaning iligtas ang lahat ng iyon. Kung mag-
isa lang akong lalakad, hindi ko sila magagawang protektahang lahat dahil marami
akong makakasagupang mangkukulam."
Napahinga ng malalim si Blade.
"Sige, join ako diyan. Mahihirapan ka nga kung mag-isa ka lang na lalakad."
"Ako rin, sasama. Aba, kung nasaan ang bestfriend ko, nandoon din ako." si Drake.
"Ehem! Kung ganyan rin lang ang usapan, ako rin. Sasama din ako ah." si Hunter.
Napahalukipkip si Zech.
"Hindi naman ako busy ngayon. Kaya okay lang din sa akin na makisali."
"Sheyt! Magpapaiwan ba naman ako! Siyempre, ako rin!" boluntaryong wika ni Creta.
Napangiti si Aleister sa mga kasama.
"Salamat, guys."
Isang ngiti ang isinukli ng lahat sa kanya.
"Teka lang, guys! Ngayong nagkasundo na tayong lahat, saan tayo magsisimula?" si
Zech.
Huminga ng malalim si Aleister at inilabas ang bulok na prutas na hindi niya alam
kung ano.
"Heto lang ang nakuha kong clue. Ang bulok na prutas na ito na nakuha ko mula sa
napatay kong mangkukulam. Ang problema, mangkukulam din ang makakapagsabi kung ano
ang prutas na ito at kung para saan." paliwanag pa ni Aleister.
Dahil sa sinabi nito ay biglang sumagi sa isip ni Drake ang kaibigan niyang good
witch na si Dorothy. Oo nga at nag-give up na ito sa witchcraft pero siguradong may
maitutulong ito kahit paano sa kanila.
"Kung isang witch ang makakatulong sa atin, puwes... Tiyak na matutulungan tayo ng
kaibigan kong si Dorothy."
"Oo nga ano? Galing mo, Drake!" puri ni Hunter.
Napakurap si Aleister.
"May kaibigan kang witch?"
"Yeah. Pero isa siyang good witch at matagal na siyang nag-give up sa witchcraft.
Palagi naman kasing pumapalpak ang magic niya kaya ayon... Ganoon pa man, baka may
maitulong siya sa atin kaya puntahan na lang natin siya."
Nag-agree silang lahat sa suggestion ni Drake. Pinuntahan na nga nila sa bahay ni
Dorothy. Napatingin si Aleister sa paligid ng bahay. Parang normal na bahay lang
ang pinuntahan nila. Ilang sandali lang ay bumukas ang pinto at iniluwa sa kanila
ang isang magandang babae na medyo matangkad, maputi at makinis ang skin. May
orange na kulot na buhok, green ang mga mata na bilugan ang hugis at may malalagong
pilik. Mapupula ang labi nito na kasing-pula ng hinog na strawberry. Nakasuot ito
ng manipis na t-shirt at short-shorts na kulay itim at nakalantad sa kanila ang
magaganda nitong legs na makinis na makinis at may magandang shape. Napakurap siya
at napatanga. Hindi ito ang witch na inaasahan niyang makikita niya. Sanay kasi
siyang makakita ng mga pangit na mangkukulam.
"Himala! Napadpad ang tropa mo dito, Drake Summertime! Ang buong akala ko ay hindi
mo na ako maaalala porket nanalo ka sa Mr. Pogi contest." wika ni Dorothy.
Nahihiyang napakamot sa kanyang batok si Drake.
"Ikaw naman, ang bilis mo talagang magtampo. Pasensiya ka na at busy kasi ako
nitong mga nakaraan. At pasensiya ka na rin dahil may kailangan kami sa'yo kaya
kami naparito. Anyway, hindi ko nakalimutan na bigyan ka ng pasalubong bilang token
sa pagkapanalo ko sa Mr.Pogi."
Mula sa likuran ni Drake ay naglabas ito ng teddy-bear stufftoy. Kulay-puti iyon at
may ribbon na red ang leeg.
"Ang cute! Thank you ah!"
Niyakap ni Dorothy ang stufftoy na ibinigay sa kanya ni Drake. Tapos ay nabaling
ang atensyon niya sa dalawang lalaki na bagong salta sa grupo ng kanyang kaibigan?
Pamilyar sa kanya ang mukha ng mga ito tapos ay....
"Oh my gosh! Ikaw si contestant number nine sa Mr. Pogi contest, di ba?" excited na
wika ni Dorothy kay Aleister.
Agad siyang lumapit dito at mabilis na kinuha ang kanang-kamay nito. Excited siyang
nakipagkamay sa lalaki.
"Ako si Dorothy, kaibigan ako ni Drake! Nice to meet you."
"A-Ako si Aleister Appleton." alanganing pakilala ng binata.
"Alam ko!"
Tapos ay binalingan na ni Dorothy si Creta. Bumitaw na siya sa kamay ni Aleister na
tuliro at nagba-blush.
"Ikaw! Ikaw iyong matapang na binato ng kutsilyo ni Hunter sa talent portion niya.
Grabeh, ang tapang mo! Wala akong masabi. Akala ko talaga, maha-heart attack ako
noon eh."
Napangiwi si Creta na nakipagkamay kay Dorothy. Sabay sabing...
"Huwag mo nang ipaalala at isa iyon sa worst experience ng buhay ko. Naisahan ako
ng lokong si Hunter eh! Napasubo lang ako noon. Ako nga pala si Creta Whitewing."
Bumitaw sila sa pakikipagkamay sa isa't-isa at natawa si Dorothy sa sinabi ni
Creta. Hindi nga nakakatuwang malagay sa sitwasyon nito nang mga panahong iyon.
"Pasok kayong lahat sa loob! Tuloy kayo!"
Pumasok silang lahat sa loob at naupo ng magkakatabi sa mahabang sofa. Si Dorothy
naman ay naupo sa pang-isahang upuan, kaharap ng mga binatang bisita niya.
"Okay, ano ba ang atin?" untag niya sa mga lalaki.
Napaubo-ubo muna si Drake bilang pasakalye.
"Kailangan namin ng tulong mo."
Si Drake na ang nagkuwento at nagpaliwanag ng mga nangyayari. Amaze na napatingin
si Dorothy kay Aleister.
"Isa ka palang exorcist? Wow! Crush na yata kita!" humahanga niyang wika.
Namula ang mukha ni Aleister at hindi siya makapagsalita. Isang alanganing ngiti
ang iginawad na lang niya sa maganda at hot na witch. Inilapag niya sa mesa ang
bulok na prutas na tanging clue sa kasong hawak niya.
"Heto ang clue na nakuha ko." wika na lang niya.
Napatitig si Dorothy sa prutas na bulok na inilapag ng binata sa mesa. Medyo
pamilyar sa kanya iyon. Parang ipinakita na iyon ng Lola niya sa kanya dati.
"Teka lang, may kukunin lang ako. Ang alam ko, nakakita na ako nito eh." wika niya.
Tumayo si Dorothy at nagpunta sa basement. Naiwan ang mga lalaki. Medyo natahimik
sila at nawalan ng topic hanggang sa magsalita na si Aleister.
"Drake..."
"Um?"
"Single pa si Dorothy?" mahina niyang tanong.
Napahawak sa kanyang baba si Drake.
"Sa pagkakaalam ko, may mga dine-date siyang suitors pero wala pa siyang sinasagot
sa mga iyon. Pihikan kasi ang isang iyan eh. Single siya kaya lang ay medyo marami
kang karibal. Pero kung gusto mo, puwede kitang tulungan."
Napangiti si Aleister. At napatingin naman ang lahat dito. Iisa ang iniisip nilang
lahat. Tinamaan ito. Na-kegtot ang kanyang heart.
"Uy... Na-kegtot ang heart ni Aleister ah? Ibig sabihin ba niyan, naka-move on ka
na sa akin?" sutil na wika ni Blade.
"Anak na lase!" asar na sagot ni Aleister dito.
Ngunit isang nakakalokong tawa ang isinukli ng huli. At nahawa na ang lahat. Alam
naman kasi nila ang kuwento na muntikan nang mahulog si Aleister sa malanding
katauhan ni Blade. Iyon ay kapag pinagtritripan itong gawing babae ni Raguel.
Natigil ang tawanan nila ng dumating na si Dorothy dala ang isang brown at makapal
na libro. Tila may ugat-ugat pa ang makapal na cover noon.
Binuksan ni Dorothy ang libro at tumingin sa bulok na prutas na nakalapag sa tabi.
Nang makita niya sa libro ang larawan ng prutas ay agad niyang pinuntahan ang page
noon. Nang mabasa niya ang mga impormasyon sa libro ay...
"Ay na, apo!" bulalas niya.
"Bakit?" si Drake.
Alanganing tumingin si Dorothy sa mga lalaki. Iniharap ni Dorothy ang libro sa mga
lalaki at nakita nilang lahat ang nilalaman noon.
"Sinasabi diyan na ang prutas na nakuha ni Aleister ay bunga ng isang sinumpang
puno ng mga itim na mangkukulam. Gumagawa sila ng ritwal at magic para mapatubo ang
punong ito. Inaabot ito ng 60 years para lumago at lumaki. At kapag umabot na ito
sa tamang tiyempo, kailangan na nitong mamunga. At para magkaroon ng bunga ang
puno, kailangan nila ng anim na batang-babae at anim din na batang-lalaki at lahat
sila ay dapat nasa ikaanim na taong-gulang."
Binuklat pa ni Dorothy ang libro at nakita nilang lahat ang mga drawings na naroon.
"Tingnan niyong maigi. Sa full moon magaganap ang ritwal dahil kailangang masinagan
ng puting-liwanag ng buwan ang mga mangkukulam kapag nakain na nila ang mga prutas
upang magbalik ang kanilang kabataan at kagandahan. Lalakas din sila. Mamumunga ang
puno kapag nagawa na nilang ipalamon dito ang mga batang nakuha nila. Sa malaking
trunk ng puno sila ipapasok at doon, unti-unting kukunin ang kanilang mga buhay."
Biglang napaisip si Aleister matapos niyang marinig ang lahat ng sinabi ni Dorothy.
Tuliro siyang napatingin sa mukha ng lahat at bahagya siyang nataranta.
"Teka, tingnan niyo nga sa kalendaryo kung full moon ngayon?" tanong niya.
Nataranta ang lahat at patakbong kinuha ni Dorothy ang kalendaryong nakasabit sa
dingding.
"Anong petsa na?!" nataranta niyang wika.
Agad nilang tiningnan ang petsa at kung kailan magaganap ang full moon.
"Sheyt! Mamayang alas-tres na pala iyon ng madaling-araw! Iyon pa naman ang oras
kung saan malakas ang kapangyarihan ng kadiliman kaya tinawag iyong demon's hour!"
bulalas ni Creta.
"Anong oras na?!" si Zech.
Mabilis na napatingin sa relong nakasabit sa dingding ang lahat. 2:15 am na!
"Kailangan nating bilisan! Pigilan natin ang masasamang witches na iyon at
tapusin!" si Aleister.
"Sandali, may kukunin lang ako!"
Pagbalik ni Dorothy ay may dala na siyang broomstick.
"Sasama ako sa inyo. Maituturo ng broomstick ng Lola ko kung nasaan ang mga
mangkukulam!" wika ni Dorothy.
"Hindi, maiwan ka! Mapapahamak ka lang. Hindi ka na gumagamit ng witchcraft.
Salamat na lang sa tulong mo." kontra ni Drake.
"Pero-" pinutol ni Aleister ang anumang sasabihin niya.
"Tama si Drake, makinig ka sa kanya. Pero pahiram ng broomstick."
Kinuha ni Aleister ang broomstick kay Dorothy.
"Salamat ng marami. Malaki ang naitulong mo!" sabay halik ng mabilis sa pisngi ng
dalaga.
Mabilis ng lumabas ng bahay si Aleister at kasunod ang mga kaibigan nito. Natuliro
naman si Dorothy at wala sa sariling napahawak sa kanan niyang pisngi na hinalikan
ng binata.
Samantala... Nagtipon-tipon ang nakaparaming witches sa gilid ng bundok na nasa
pagitan ng mundo ng mga tao at nang mga maligno. Sa gilid ng bundok makikita ang
isang napakalaking puno na walang dahon pero maraming mga sanga. Nababalutan ng
pinong-green na lumot ang malaking trunk ng puno. Medyo maulap ng gabing iyon.
Napatingala si Gertrude-ang pinuno ng mga mangkukulam. Straight na itim na itim ang
kanyang buhok at sobrang puti ng kanyang mukha. May mga itim na ugat-ugat iyon.
Kulay-violet red ang labi nito. Ilang sandali pa ay dumating na ang maraming lupon
ng mga dark witches sakay ng kanilang mga walis. Isa-isang nagsibabaan ang mga ito
mula sa kanilang mga walis. Agad na lumapit ang mga ito sa kanya. Ang mga bata ay
nasa tabi at nakalagay ng magkahiwalay sa kanya-kanyang kulungan ang mga batang-
babae at lalaki.
"Handa na ba ang lahat?" tanong ng isang mangkukulam na bagong dating.
Kulay-puti ang buhok nito na magulo na parang kasing-tigas ng bunot. Ang balat nito
ay parang nasayaran ng espasol. Itim ang labi at kulay-gray ang mga mata na medyo
malabo na. Ngumiti ngmatipid si Gertrude sa mga kasamahang witches na bagong
dating.
"Nakahanda na ang lahat nina Jane at Mildred. Nakumpleto na ang mga bata. Naroon na
sila sa kanya-kanya nilang kulungan. Maantala tayo ng kaunti dahil kailangan nating
palabasin ang buwan. Tinatakpan siya ng makakapal na itim na ulap. Ang mabuti pa,
tawagin mo na ang lahat para makapagsagawa na tayo ng orasyon para mapawi ang mga
ulap."
"Sige, sasabihan ko ang lahat."
"Salamat, Ravena."
Sinabihan na nga ni Ravena ang lahat ng witches. Nagtipon silang lahat sa isang
higanteng kawa na nasa gitna. Naglagay ng kung anu-anong potion si Gertrude at
nagsimula nang umilaw ang kawa ng kulay-green. Sinimulan na nila ang ritwal.
Samantala, namataan na ni Aleister ang napakalaking puno ng mga mangkukulam.
Nangunguna siya sa grupo, sakay ng broomstick ni Dorothy. Pinababa niya ng kaunti
ang walis at tumagilid. Nasa gilid ng isang bangin ang mga mangkukulam at may
kasalukuyang ritwal na ginagawa.
"Bumaba na tayo at umikot para hindi tayo makita ng mga mangkukulam." wika ni
Aleister.
Bumaba na nga silang lahat at marahang naglakad papunta sa kinaroroonan ng mga
mangkukulam.
"Anong plano?" tanong ni Blade kay Aleister.
"Kami ni Creta ang bahala sa pagliligtas sa mga bata. At kayong apat ang bahala sa
mga mangkukulam. Ayos na ba iyon?"
"Sige, ayos lang." si Blade.
Pumunta na sina Creta at Aleister sa kinaroroonan ng mga bata. Sina Blade naman ay
papunta sa direksyon ng mga mangkukulam. Nagtatago sila sa may gilid ng isang
malaking tipak ng bato na mula sa bundok.
Sinimulan nang gawin ng mga mangkukulam ang ritwal. Nagdarasal sila ng itim na
salamangka at ang green na liwanag na nagmumula sa malaking kawa ay unti-unting
umaangat hanggang tumaas iyon hanggang sa langit. Humangin ng napakalakas kaya
naman unti-unti nang nahahawi ang makakapal na itim na ulap na tumatakip sa buwan.
Kasalukuyan naman nang inaalis nina Aleister at Creta ang kandado ng mga kulungan
ng mga bata. Nasa kulungan ng mga batang-lalaki si Aleister at sa mga batang babae
naman si Creta.
"Sssshhhh...." senyas pa ni Creta sa mga bata.
Tumango ang ilan sa mga ito at natahimik. Tuwang-tuwa naman ang mga witches nang
tuluyan nang mahawi ang makakapal na itim na ulap sa langit. Nalantad sa kanila ang
bilog na buwan na nagliliwanag ng puti. Naghalakhakan sila ng malakas.
"Hik! Hik! Hik! Hik! Hik!"
Itinaas ni Gertrude ang kanang-kamay. Natigil ang malakas na tawanan.
"Matagal nating hinintay ang panahong ito. Nandito na naman tayo sa lugar na ito
para dugtungan ang ating mga buhay at kapangyarihan. Muli nating ibabalik ang ating
kagandahan at kabataang pinalipas ng panahon! Magpapatuloy tayo habang ang iba ay
tumatanda at namamatay! Ngayong gabi, magdiwang tayong lahat para sa ating
panibagong buhay at panibagong panahon na naghihintay sa ating lahat! Hik hik hik
hik!"
Sumunod na tumawa ang mga kasamahan nitong mangkukulam. Mas malakas ang kanilang
tawa sa pagkakataong ito. Nagpakita na si Blade kasama ng kanyang mga kaibigan.
Nakatungtong sila sa higanteng bato at matamang nakatunghay sa mga mangkukulam na
nagsasaya.
"Sige! Itawa niyo lang! Di ang saya niyong lalase! MWA HA HA HA HA HA HA!!!!..."
Talagang nilakasan ni Blade ang pagtawa para buwisitin ang mga mangkukulam.
Natigilan ang mga ito at napatigil sa pagtawa. Napaangat sila ng tingin at nakita
nila si Blade na nakatungtong sa malaking tipak ng bato na nasa gilid ng bundok.
Nakatayo sa likuran ni Blade sina Drake, Hunter at Zech. Nanlisik ang mga mata ng
mga mangkukulam at natuon ang atensyon ng mga ito sa kanila.
"Sino kayo?!" galit na tanong ni Gertrude.
"Hmm... Wala lang! Narinig kasi namin ang mataginting niyong tawanan. Kaya naman
pinuntahan namin kayo at nakita nga namin itong munti niyong party-party! Kaya
heto, nag-gate crash kami para maki-join! Har har har!"
Inartehan pa ni Blade ang tawa niya.
"Grrrrr!!!... Mga tampalasan! Tapusin sila!" napikong wika ni Gertrude.
Sumugod ang maraming witches sa kanila ngunit agad silang kumilos. Tumalon sila sa
iba't-ibang direksyon kaya naghiwa-hiwalay ang mga mangkukulam. Pumunta sa may
tuktok ng bundok si Hunter at agad na inilabas ang kanyang Angel's Arrow. Tatlong-
palaso ang pinapakawalan niya sa isang tira. Nagpalit naman sa kanyang demon form
si Drake para hindi siya matalaban ng salamangka ng mga mangkukulam. Sinusunog niya
ang mga ito ng kanyang apoy.
"Blazing Inferno!!!... HYAAAA!!!!...."
"EEEEEH!!!!..."
Nagsigawan ang mga mangkukulam na natupok ng kanyang apoy. Nagkagulo na ang lahat
at may nakapansin na rin sa ginagawang pagpapalabas mula sa kulungan nina Aleister
at Creta sa mga bata.
"Aaaaaah! Itinatakas na ang mga bata! Kasama sila ng exorcist!!!!..." ang tili ni
Ravena.
Mabilis siyang sumugod sa kinaroroonan ng mga bata. Ginamitan niya ng mahika ang
malalaking tipak ng bato. Nabuo iyon at naging golem. Nagpaulan ng malalaking bato
ang golem papunta sa kanila. Ngunit nagpalabas ng higanteng baraha si Creta kaya
nasangga ang mga bato at tumilapon sa kung saan-saan.
"Ako na ang bahala sa damulag na ito!" si Creta.
"Sige. At ako na rin ang bahala doon sa bruha!" si Aleister.
Gumawa siya ng isang malaking pentagram sa paligid ng mga bata at binilinan niya
ang mga ito na huwag umalis. Sinabi niya na nasa loob sila ng isang shield kaya
hindi sila mapapano. Hinarap ni Aleister ang mangkukulam. Mabilis itong gumamit ng
magic sa kanya pero nasangga iyon ng pentagram na ginawa niya. Nagulat ito at
napaatras. Pagkatapos noon ay inilabas niya ang kanyang mga baril sa magkabila
niyang kamay. Taranta itong tumakbo at lumayo. Sumakay ito sa broomstick at agad na
pinalipad iyon palayo pero mabilis siyang tumakbo at tinawag niya ang broomstick na
ipinahiram sa kanya ni Dorothy. Tumuntong siya sa broomstick at pinagbabaril niya
ang mangkukulam. Natadtad ito ng mga pala at bawat tinatamaang parte ng katawan
nito ay nasusunog. Hiyaw ito ng hiyaw sa bawat pagtama ng bala niya. Huli niyang
pinatamaan ang ulo nito at sumabog iyon nang nag-aapoy.
Samantala... Gamit ang mga kamao ni Creta ay pinagsusuntok niya ang katawan ng
golem. Bawat nasusuntok ng kanyang kamao ay nadudurog. Pinatatamaan niya ito sa
hita, sa mga braso pero ang talagang pinuntirya niya ang gitnang bahagi ng katawan
nito. Puro solido at malalakas na suntok ang binibitiwan niya. Ilang sandali pa ay
nadurog na ang golem. Nawala na rin ang bisa ng magic ng mangkukulam dito.
Iginalaw-galaw niya ang kanyang mga kamao.
"Sheyt! Di pa pala ako kumukupas!" napangiti niyang wika.
Nanatili siya sa puwesto niya para bantayan ang mga bata. Si Zech naman ay
kasalukuyang gumagawa ng matataas na pader na gawa sa mga higanteng punong-kahoy na
pinalabas niya mula sa kanyang kapangyarihan. Hindi na kaya ng broomstick ng mga
mangkukulam ang taas noon. Gumagamit ng mga magic ang mga mangkukulam para sirain
ang pader na ginawa niya pero hindi tumatalab ang mahika ng mga ito sa
kapangyarihan niya. Madali lang tuloy nagagawang puntiryahin ni Hunter ang mga
papatakas na mga mangkukulam. Para lang siyang nagta-target shooting.
Si Blade naman, nagpapahabol lang kay Gertrude na buwisit na buwisit na.
"Hoy bruha! Wala kang taste sa fashion. Tingnan mo nga iyang damit mo, mukhang
basahan. At iyang make up mo, ang pangit!"
"Grrrrr!!!... Magbabayad ka nang mahal!!!..."
Gumamit ng magic ang mangkukulam pero gumawa ng shield na gawa sa kuryente si
Blade. Tumalbog ang magic at naglaho. Pero hindi natinag ang mangkukulam. Muli
itong sumugod pero dahil medyo nagri-trip si Blade ay umaantras lang siya at
nagpapahabol. Buwisit na buwisit na sa kanya ang mangkukulam at nakaumang sa kanya
ang mga naglalakihan nitong kuko. Nagpalabas ito ng maraming alupihan pero sinunog
lang niya ng kanyang kuryente ang mga iyon. Medyo binagalan pa nga niya ng kaunti
ang kilos para naman makahabol kahit paano sa kanya ang kalaban.
"Katapusan mo naaaa!!!!..."
Isang malakas na kalmot ang pinakawalang atake ni Gertrude. Umatras si Blade pero
nahagip ang dulo ng kanyang buhok at naputol ang ilang strands.
"Aaaargh!!... Sayang!!!..." frustrate na wika ng mangkukulam.
Pero natigilan siya ng mahagip ng kanyang mga mata ang strands ng buhok na nasa
kamay niya. Isang ideya ang naisip niya. Tumawa siya ng malakas at agad na naglabas
ng voodoo doll. Ipinulupot niya ang buhok sa leeg ng manika.
"Patay ka sa akin ngayon!!!..."
Natigilan naman si Blade ng makita niya ang ginawa ng mangkukulam.
"Itaas ang kanang-kamay!"
Itinaas ni Gertrude ang kanang-kamay ng manika at gumalaw din ang kanang-kamay ng
kalaban niya. Tumawa siya ng malakas at makikita sa kanyang mukha ang tagumpay.
"Ngayon, babaliin ko ang braso mo!"
Binali nga niya ang braso ng manika at... Kreeek!!!...
"Ageeeeh!... Animal!!!..." sigaw ni Blade.
"Ha ha ha ha ha ha!!... Pahihirapan kita bago kita patayin!!!..."
Binali niya ang kaliwa namang braso ng manika at muling napasigaw si Blade.
"Ngayon naman, gagamitan kita ng karayom!"
Kumuha nga ng malaking karayom ang witch at tinusok-tusok ang manika.
"Uuurgh!!!!..." ang malakas na ungol ni Blade.
Bawat pagtusok niya sa karayom, napapasigaw ang kanyang biktima. Hindi siya tumigil
hanggang sa hindi siya magsawa.
"Tama na ang pahirap na iyan! Papatayin na kita!!!..."
Tinusok niya ang puso ng manika at bumagsak sa lupa si Blade. Isang tawa tagumpay
ang kanyang pinakawalan. Lumapit siya sa kanyang biktima na nakadapa sa lupa.
"Iyan ang nababagay sa'yo, pakialamiro ka!!!..."
Ngunit yumugyog bigla ang mga balikat ng lalaking kalaban niya at umalingawngaw ang
malakas nitong tawa. Napaatras si Gertrude at nahihindik na tumingin kay Blade.
"MWA HA HA HA HA HA!!!!..."
"P-Paanong?!!!..."
Napatingin siya sa manikang hawak niya. Tumayo na si Blade at nakangising humarap
sa mangkukulam.
"Galing kong umarte no? Anak na lase! Uto-uto ka naman! Ha ha ha ha!!!..
Pinasasakay lang kitang lase, gustung-gusto mo naman na animal! Har har!!.. Walang
talab sa akin ang powers mo no!"
Nataranta ang mangkukulam at napatingin sa manikang hawak niya. Nakapulupot pa rin
naman doon ang ilang piraso ng stramnds ng buhok nito na nakuha niya. Mabilis
niyang iniumang ang karayom na hawak niya sa dibdib nito.
"Mamatay ka na! Mamatay ka na!!!..."
Tinusok-tusok niya ang dibdib ng manika ng maraming beses. Sinapo naman ni Blade
ang dibdib at napaungol.
"Urgh!!!..."
"Huh! Hindi mo matatakasan ang aking kapangyarih-"
"Ha ha ha ha! Uto-uto ka talaga!"
Napatanga ang mangkukulam at nalaglag na niya ang manikang hawak niya pati na ang
karayom. Umatras ito at tumakbo palayo pero mabilis itong hinabol ni Blade.
"Anak na lase! Pagkatapos mong sirain ang dulo ng maganda kong buhok, tatakas ka sa
akin! Hindi ako papayag na animal!"
Nang maabutan ni Blade ang mangkukulam ay mabilis niyang hinila ang dulo ng buhok
nito. Napaatras ito at hindi niya binitiwan ang hawak niyang buhok ng mangkukulam.
Hinila pa niya ito palapit sa kanya at...
"Pagbabayaran mo ang ginawa mo sa buhok ko!!! BRUHA KAAA!!!..."
Marahas na sinabinutan ni Blade ang mangkukulam at niyugyog pa niya ang ulo nito ng
matindi. Hindi malaman ng mangkukulam ang gagawin dahil hilong-hilo ito sa
pagsabunot ng malakas ni Blade. Napatay na ng mga kaibigan ni Blade ang lahat ng
mga mangkukulam at tanging si Gertrude na lang ang natitira. Nasapo ni Creta ang
noo.
"Uy, Blade! Babae pa rin iyan! Patayin mo na lang agad gamit ang kapangyarihan mo,
kaysa patayin mo sa sabunot! Maawa ka naman!" hindi nakatiis na wika ni Creta.
"Anak na lase! Wait lang, ibabalibag ko muna! Igaganti ko lang ang aking hair na
sinira niya!"
Pagkasabi ay malakas ngang ibinalibag sa lupa ni Blade si Gertrude.
"EEEEEEEH!!!!..." sigaw ni Gertrude.
Napapikit si Creta at ang iba pa. Tapos nang pagmulat nila ay nakita nilang nakalbo
ang mangkukulam kasi natanggalan ng anit.
"Ouch! Ang sakit noon!" di napigilang comment ni Zech.
Napalunok naman si Drake.
"Simula ngayon, tatandaan ko na huwag dapat pakialaman ang buhok ni Blade. Ayaw
kong matanggalan ng anit!" bulalas niya.
Hindi naman na nakatiis si Aleister. Lumapit siya sa mangkukulam na nakahandusay sa
lupa at nawalan na ito ng malay. Itinutok niya ang baril sa ulo nito at agad na
pinaputukan. Naabo ang mangkukulam sa isang iglap lang. Kasama na ang hawak ni
Blade na buhok nito. Alanganing ngumiti si Blade sa lahat.
"Sumobra ba ako?" bigla pa niyang tanong.
"OO!!!..." sabay-sabay na sagot ng lahat.
Nagpeace sign siya sa lahat. Lumapit na sila sa kinaroroonan ng mga bata at
tiningnan nila kung ayos ang mga ito. So far, wala namang nasaktan sa kanila.
Tapos, sunod nilang binalingan ng atensiyon malaking puno na nasa gilid ng bangin.
Nilapitan nila iyon.
"Wasakin niyo na iyan." wika ni Aleister.
Lumapit si Creta sa trunk ng puno.
"Sabi ni Dorothy ay dito sa trunk ng puno ipinapasok ang mga bata. Paano kaya
nangyayari iyon?"
Hinawakan niya ang trunk ng puno na nababalot ng green na pinong lumot.
"Sheyt!!!..."
Lumubog ang kamay ni Creta sa trunk ng puno at may puwersang humihila sa kanya
papasok sa loob. Nasa kalahati na ang braso niya. Mabilis na lumapit si Drake at
hinila ang kaliwa niyang braso. Pero maging si Drake ay nahihila din at lumapat na
sa trunk ng puno ang kalahati ng mukha ni Creta. Bumabaon na siya sa makapal na
lumot. At nakabaon na rin ang kanang-braso at hita ni Drake.
"Hilahin niyo kami!!!..." si Drake.
Inilabas ni Blade ang kanyang lightning sword at agad na pinutirya ang malaking
ugat ng puno na nakausli sa gilid.
"Lightning Blast!"
Nahiwa ang malaking ugat ng puno at nasunog ito dahil sa malakas na kidlat na
tumama. Naging uling iyon at nadurog pero siyempre, nadamay sina Creta at Drake sa
kanyang ginawa. Nakuryente ng matindi ang katawan ng dalawa.
"M-May galit ka ba sa amin, ha?!!..." kastigo ni Creta.
"Okitnam, Blade!!... Masakit iyon ah?!!..." si Drake.
Tumawa ng mahina si Blade.
"Anak na lase! Nataranta lang ako. Pasensiya. Kung hindi ba naman kasi tatanga-
tanga ang animal na isa diyan eh..."
"SHEYT!!!..."
Isang matalim na tingin ang ipinukol ni Creta kay Blade. Hindi naman na nakatiis si
Hunter.
"Tumigil na nga kayo diyan! Pinagtitinginan na kayo ng mga bata oh! Baka akala
nila, maganda iyang lumalabas sa mga bunganga niyong tatlo! Ang gagaling niyong
magmura! Abuwisit ak pa!"
Natigilan ang tatlo at napatingin sa mga bata na kasama nina Aleister at Zech.
Mataman ngang nakatingin sa kanila ang mga bata. Nagkatinginan ang tatlo at
napangiwi. Napabuntung-hininga si Zech.
"Kalimutan niyo ang anumang mga salitang narinig niyo, kanina. Rated SPG ang mga
iyon. Paglaki niyo, huwag niyong gagayahin ang mga tukmol na iyan kung ayaw niyong
mapahamak." wika na lang ni Zech sa mga bata.
"Sheyt ka naman, siniraan mo pa kami!"
"Kaya nga, okitnam!" si Drake.
"Animal ka, huwag kang plastik! Feeling matino ka lang naman! Anak na lase!"
Medyo napikon si Zech.
"Okinnayo na tatlo! Manahimik na nga kayo diyan at huwag na kayong mag-react!
Buwiset na malagkit!"
Dahil doon ay biglang nabaling ang tingin ng mga bata kay Zech. Natigilan naman ang
huli at napapahiyang naitikom bigla ang bibig.
"Isa ka rin!" si Hunter.
Nasapo ni Aleister ang noo at natawa ng mahina. Napailing din siya. Ang lalakas ng
tama ng tropang ito.
"Hay naku..." pakli na lang niya.
*************************************

28. Blade's Day-out

"Blade's Day-out"
Napahinga ng malalim si Drake habang nakatingin siya sa puntod ni Guisseppe
Tartini. Hindi niya akalain na makakadalaw ulit siya sa puntod nito ng wala sa
oras. Napatingin siya sa kasama niyang si Daisy na tulirong nakatingin sa larawang
nakadikit sa puntod. Akala niya ay kung ano na ang sasabihin nito sa kanya kaya
siya nito tinext.
"Alam kong nakakatawa itong sasabihin ko, pero nakita ko ang lalaking ito noong
nakaraang linggo. Sinamahan ko kasi si Ate Alexa sa bidding sa museum, tapos na-
boring ako at inantok kaya naman nagpaalam ako na lumabas sandali. Naglakad-lakad
ako sa paligid ng museum hanggang sa makarating ako sa may lumang maze-garden na
sira na. May narinig akong tumutugtog ng violin. Akala ko ikaw, kaya pinuntahan ko
agad. Tapos, nakita ko siya na tumutugtog ng violin. Kinausap pa nga niya ako at
tinanong kung maganda ang musika niya eh. At nawindang talaga ako ng todo ng makita
ko itong libingan niya kahapon. Hindi ako maaaring magkamali, siya iyong nakausap
ko... P-Patay na pala siya?!" mahabang kuwento pa ni Daisy.
Napatingin siya sa kasama niya at nakahinga siya ng maluwag ng hindi siya
pagtawanan ni Drake sa ikinuwento niya. Bagkus ay seryoso itong nakatingin sa
larawang nasa libingan.
"Sa tingin mo, multo kaya iyong nakita ko?" untag pa niya sa binata.
"Ah... Eh... Malamang nga, multo niya iyon." alanganing wika ni Drake.
Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang sabihin.
"Salamat, ah? Akala ko pagtatawanan mo ako eh. Naikuwento ko na nga ito sa kay ate
Alexa pero ang sabi niya baka daw epekto lang ng puyat at pagod ko ng araw na iyon.
Tapos, tinawanan pa niya ako. Pero sigurado naman akong hindi day-dreaming iyong
nangyari. Malinaw kong narinig ang boses niya, ang musikang tinugtugtog niya at ang
kanyang anyo... Kitang-kita ko. Iyon nga lang, medyo kabaliktaran niyang nasa
larawang nakadikit sa libingan. Malungkot na malungkot kasi ang mukha niya ng
makita ko siya..."
Napabuntung-hininga ng marahas si Drake. Nag-isip siya ng sasabihin.
"Siguro nga, malungkot siya kaya siya nagmumulto. Huwag mo na lang isipin ang bagay
na iyon. Ganito na lang, ipagdasal na lang natin ang kanyang kaluluwa para sa
kanyang ikatatahimik."
"Sige, sa tingin ko nga iyon ang tamang gawin."
Nagtirik ng kandila ang dalaga sa puntod at matapos noon ay pumikit siya at taimtim
na nagdasal. Pasimple namang tumingin si Drake sa kasama niya na nakapikit. Dahil
doon ay wala itong alam na pinagmamasdan niya ito. Malayo ito kay Erein pero
sabagay, ibang tao siya. Napangiti siya ng matipid ng mapadako ang tingin niya sa
suot nitong kuwintas. Ang buong akala niya ay hindi na niya iyon makikita pa.
Siguro nga, hindi siya ang tamang lalaki para kay Erein. Maaaring nakalaan siya
para sa iba.
Samantala... Napatigil sa pagdidilig ng mga halaman niya si Rane ng makarinig siya
ng kumakanta. Napaismid siya, kilalang-kilala na niya kung kaninong boses iyon.
Ilang sandali pa ay dumating na ang nagmamay-ari ng boses na naririnig niya. Si
Blade.
"Yoh! Busy ka ba ngayon?"
"Hindi masyado, bakit?"
"Hmm... Wala lang naman. Tara pasyal tayo kahit na saan. Boring sa bahay eh."
"Boring...? Nasaan ang mga housemates mo?"
"Hmf! Nalase, may kanya-kanyang lakad. Si Drake, may date kasi bihis na bihis siya
at naligo na yata ng isang boteng pabango. Si Hunter naman, kagabi pa missing in
action kasi pinuntahan niya ang kanyang sinisintang si Serene. Namimiss niya. Si
Zech, wala sa bahay niya. Hindi ko alam kung saan nagpunta. Si Creta, may lakad
sila ni Father Piyo. So, I'm alone..."
"Ganoon? Eh ano iyong anak na lase na naririnig ko kanina na kinakanta mo pa?"
curious na tanong ni Rane.
"Hmm... Kinakanta ko iyong isang theme song ng One Piece, iyong Brand new world.
Sabi niya sa chorus: Anak na lase, Anak na lase, Anak na lase. Blah blah blah!"
"Asus! Ande lay atet, may ganoon? Kailan naman nagkaroon ng anak na lase diyan sa
theme song ng One Piece?" yamot na comment ni Rane.
"Pakinggan mo kasi. Anyway, busy ka ba o ano?"
"Hindi ako makakagala ngayon. May sakit kasi si Conrad. Nasobrahan yata siya sa
paglalaro noong isang araw. Naligo sila sa ilog ng mga kaibigan niya ng buong
maghapon kaya ayon... Nilagnat tuloy siya."
Nadismaya si Blade sa kanyang narinig.
"Ganoon ba? Nasaan ba kasi si Karen?"
"Kasama niya ang mga kaibigan niya. Nanguha sila ng kawayan para sa project nila sa
P.E. na Ethnic dance. Magti-tinikling daw sila. Sina Mommy at Daddy naman, may
meeting sila ngayong pinuntahan kaya ako ang nakatokang magbantay kay Conrad."
paliwanag pa ni Rane.
Napahinga ng marahas si Blade at napaupo sa may batuhan. Pagkatapos noon ay mataman
siyang tumitig kay Rane na nagdidilig ng halaman. Medyo napansin naman ni Rane na
matamang nakatitig sa kanya si Blade. Nag-init ang mga pisngi niya kasi naiilang na
siya. Nakapangalumbaba ito habang nakatingin sa kanya.
"Bakit?" naiilang niyang tanong.
Pasimpleng napakunot-noo si Blade.
"Anong bakit?" balik niyang tanong.
"Bakit mo ako tinitingnan ng ganyan?"
Ngumiti ng matipid si Blade.
"Hmm... Wala lang. Alangan namang tumingin pa ako sa kung saan eh ikaw lang naman
ang kasama kong tao dito. Naiilang ka ano? Bakit? Crush mo ako? Huwag kang mag-
alala, hindi kita masisisi. Sadyang irristable lang talaga ang aking charms."
Namula ng todo si Rane at napipikong napatingin sa mukha ni Blade. Nginisian pa
siya nito ng nakakaloko.
"Kapal mo rin ano?!"
Itinapat niya dito ang hose ng tubig ngunit mabilis itong nakailag.
"Anak na lase! Huwag ka ngang pikon! Nagbibiro lang ako ay! Huwag mo akong basain
at nakaporma ako ngayon! Animal!"
"Badtrip ka kasi! Abuwisit ak pa!" namumulang wika ni Rane.
Pero imbes na tumigil ay tumawa pa ng mahina si Blade.
"Huli ka ano? May gusto ka sa akin?"
"Di ka talaga titigil?!"
Mas nilakasan ni Rane ang pressure ng tubig at mabilis na itinutok ang hose kay
Blade na mabilis namang tumakbo palayo.
"Waaaah!" napatakbo pa nitong sigaw.
Mabilis na nawala sa paningin ni Rane si Blade. Pinahinaan na niya ang pressure ng
tubig.
"Asar iyon, pinagtritripan niya ako ay! Kahit gusto ko siya, di ko iyon aaminin!"
Napatigil siya sa pagsasalita at wala sa sariling nasapo ang kanyang bibig. Hindi
siya makapaniwala sa kanyang nasabi.
Samantala... Natatawa si Blade ng mapatigil na siya sa pagtakbo. Huminga siya ng
malalim para kumuha ng hangin.
"Ang pikon naman ni Rane! Tsaka, hindi naman ako magagalit kung sakaling aminin
niya sa akin na crush niya ako eh. Maganda nga iyon." napangiti niyang wika.
Napakamot siya sa kanyang ulo at napatingin sa paligid. Isang nakakalokong ngiti
ang sumilay sa kanyang mukha. Sabagay, ayos na rin sigurong gumala siya ng mag-
isa.... Gagawin niya ang lahat ng gusto niya. Medyo naging evil ang kanyang
pagmumukha.
"Ano kaya ang una kong gagawin?" napaisip pa niyang wika.
Nagsimula na siyang maglakad at dumiretso siya ng bayan. Napatingin siya sa isang
malaking jewelry store dahil ang daming tao doon. May mga nakita din siyang pulis
at mobile car. Naka-kurdon ang buong paligid. Napahinto siya sandali sa paglalakad.
"Anak na lase, mukhang ninakawan ah? Hmmff, wala ako sa mood magpaka-detective.
Bahala ang mga pulis, trabaho nila iyan." yamot na lang niyang wika.
Nagpatuloy na siya sa paglalakad at napatingin siya sa malalaking gusali na nasa
paligid. Nakita niya ang isang malaking mall. Napangisi siya.
"Tamang-tama, magpapalamig nga muna ako sa mall." nakangisi niyang wika.
Pumunta na nga siya sa mall at agad na pumunta sa second floor sakay ng escalator.
Pumunta siya sa perfume section at dumiretso sa mga panglalaking pabango na naka-
display. Napangisi siya.
"Kung susuwertehin ka nga naman!"
Kumuha siya ng isang bote ng perfume na bagong bukas at may nakasulat na "TRY ME".
Nag-spray siya ng maliit na portion sa kanyang pulso at pasimple niyang inamoy
iyon.
"Hmmf! Masyadong matapang, anak na lase! Try ko nga ang iba." pakli niya.
Kumuha siya ng iba pang bote ng pabango na may nakasulat na "TRY ME" at nagsimula
na siyang mag-spray ng pabango sa iba't-ibang parte ng kanyang katawan.
Napapatingin na sa kanya ang mga staff at ang iba pang tao na namimili sa mall pero
wala siyang pakialam. At least, nakalibre siya sa pabango.
"Well, well, well... I smell good! Tuloy ang gala to the max!" nakangisi pa niyang
pakli.
Umalis na siya sa perfume section at nagpunta sa isang RTW store. Dumiretso siya sa
isang sikat na Men's Clothing line at namili ng mga damit. Nang makapili na siya ng
mga damit ay agad siyang nagpunta sa dressing room. Isa-isa niyang isinukat ang mga
nagustuhan niyang damit at sabay selfie sa kanyang phone... At least, kahit hindi
niya afford na bilhin, naisuot na niya iyong mga damit. At higit sa lahat, mayroon
pa siyang remembrance. Nang magsawa na siya sa pagsusukat ng damit ay umalis na
siya at nagpunta sa isang book store. Pasimple siyang nagpalinga-linga sa paligid
at kumuha ng isang libro. Binasa niya ang summary.
"Nalase naman, masyadong predictable ang story. Walang thrill. Tsaka parang ginaya
naman ito sa mga napanood ko nang anime. Abuwisit ak pa, wala bang original? Hmm...
Makatingin na nga lang ng manga ng One Piece. Panay naman kasi replay iyong
ipinapalabas, animal... Hindi na yata matapos-tapos iyong Arabasta scene.
Samantalang iyong latest, ipinapakita na iyong past ni Law at kung ano ang naging
kaugnayan niya sa kapatid ni Doflamingo na si Corazon. Abuwisit ak pa, panay na
lang replay!.." mahaba pa niyang comment.
Pumunta nga siya sa may manga section. Napahalukipkip siya.
"Anak na lase!" naasar pa niyang comment.
May seal kasi iyong latest na manga ng One Piece. Tumingin pa siya sa ibang libro
doon.
"Uy, ito iyong manga ng Naruto. Ito na ata iyong ending? Di bale, napanood ko naman
na. Napangasawa niya si Hinata at siya ang naging pang-seven na Hokage. Pang-anim
si Kakashi. Nagkaroon sina Hinata at Naruto ng dalawang anak, lalaki at babae."
comment ulit niya.
Dahil nayamot na siya ay lumabas na siya. Dumiretso siya sa Odyssey para tumingin
ng mga dvd at cd's na puwede niyang mapanood.
"Uy! Pirates of the Carribean! Ay, napanood ko na pala lahat ito. Aabangan ko na
lang iyong next na sequel. 2016 pa ata iyon? Ano ba iyan, panay napanood ko na
naman na lahat ito. Manood na lang kaya ako ng Jurassic Park? Hmm... Wala nga pala
akong pera. Next time na lang."
Lumabas na siya sa Odyssey at naghanap ng mapagtatambayan. Pumunta siya sa may
gilid ng mall sa may tabi ng escalator. Napakislot siya ng may tumapik sa balikat
niya. Nang lingunin niya kung sino ang tumapik sa kanya ay ang nakangiting mukha ni
Viper ang nabungaran niya. Kasama nito ang twin-brother nitong si Asp na
ignoranteng tumitingin sa paligid.
"Long time no see, Blade. Kamusta?" nakangiti pa nitong tanong.
"Ayos lang! Kayo, anong ginagawa niyo dito?"
"Ipinapasyal ko lang naman itong kapatid ko. Alam mo na, para hindi siya maging
ignorante. Kaya lang, kanina pa ako medyo naaasar sa kanya. Masyado siyang pahalata
na galing siya sa kung saang lupalop!" medyo frustrate na wika ni Viper.
Tiningnan niya si Asp. Nakasuot ito ng puting-t-shirt na medyo fit dito at maong na
pantalon at rubber shoes. Nakatingin ito sa umaandar na escalator.
"Kailangan ba talagang umaandar ang hagdan eh madali lang namang pumanhik at
pumanaog?" bigla pa nitong comment.
Napatingin ang ilang tao at natawa ng mahina.
"Sayang, guwapo pa naman." comment ng ilang mga babaing napadaan.
Hinila ni Viper ang kapatid.
"Huwag ka nang mag-comment sa mga napapansin mo, puwede ba?" saway pa ni Viper sa
kapatid.
"Eh totoo naman!"
Nasapo ni Viper ang noo at napailing. Tumingin siya kay Blade.
"Puwede bang ikaw na muna ang bahala kay Asp? May bibilhin lang akong mga damit
para sa kanya. Magkasukat naman kami eh. Pumunta na lang kayo sa food court at
kumain. Susunod ako."
Inabutan ni Viper ng pera si Blade.
"Sige, ako na ang bahala sa kanya." napangiting wika ni Blade.
Umalis na si Viper at agad naman niyang hinila si Asp.
"May hatid kang suwerte, Asp! Tamang-tama, gutom na ako!"
Hinila niya si Asp papunta sa elevator. Pumasok silang dalawa doon at pinindot niya
ang floor kung nasaan ang food court. Dalawa lang sila sa loob ng elevator.
Napatingin si Blade sa kasama niya, namumutla ito at hindi mapakali.
"Uy, anong problema mo?" kunot-noo niyang tanong.
"M-Makakalabas pa ba tayo dito sa pinasukan natin?" takot nitong tanong sa kanya.
Isa namang kalokohan ang biglang naisip ni Blade.
"N-Naku, hindi ko alam! Baka hindi na tayo makalabas dito! Anak na lase!"
Tarantang pumunta sa may pinto ng elevator si Asp sabay katok ng marahas doon.
"Waaaah! Kasalanan mo 'to! Hinila-hila mo ako dito! Abuwisit ak pa! Saklolo!!...
Tulungan niyo kami!!!... Ilabas niyo kami dito!!!..."
Natawa si Blade at nasapo ang kanyang tiyan. Mukhang naiintindihan na niya si Viper
kung bakit medyo asar ito sa kakambal nitong si Asp. Palibhasa kasi, ngayon lang
nakalabas. Napatingin siya sa numero sa itaas ng elevator. Malapit na sila sa food
court. Agad niyang hinila si Asp para awatin sa pagwawala.
"Huminahon ka nga lang! Anak na lase! Tumigil ka na!"
Naiiyak na tumingin sa kanya si Asp.
"P-Paano ako hihinahon eh nakulong na tayo sa maliit na lugar na ito! Waaah!!...
Gusto ko nang umuwi!!!..."
Ting! Biglang bumukas ang pinto ng elevator. Nasa food court na sila at napatangang
napatingin sa kanila ang mga taong sasakay ng elevator. Natigilan naman si Asp at
naiinis na tumingin sa mukha ni Blade.
"Sabi mo, hindi na tayo makakalabas?!" mariin pa niyang akusa.
Tumawa ng alanganin si Blade.
"Joke lang iyon! Halika na, lumabas na tayo!"
Hinila na niya si Asp at mataman itong napasunod sa kanya. Pinunasan nito ang mga
luha at natatawa si Blade na nakatingin sa kasama niya.
"H-Hindi magandang joke iyon!" masama sa loob na wika pa ni Asp.
Natatawang ginulo ni Blade ang buhok nito.
"Ikaw naman, masyado kang seryoso sa mga bagay-bagay. Animal, huwag ka ngang
ganoon! Tsaka, huwag ka ngang pahalata na ignorante ka. Sayang, matarake ka pa
naman. Pero sabagay, di kita masisisi.. Ngayon ka lang naman nakalabas eh. Pero
dapat, magpasimple ka."
Napakurap si Asp at matamang tumingin sa kanyang mukha.
"M-Magpasimple?" kunot-noo nitong wika.
"Tamang-tama, teacher ako... Ngayon, magiging estudiyante kita ng pansamantala.
Tuturuan kita ng mga bagay-bagay para naman makasabay ka sa uso. Bibigyan kita ng
short course. Pero habang kumakain na lang tayo. Tara na!"
Hinila na niya si Asp at siya na ang bahalang nag-order ng kanilang makakain.
Naghanap sila ng bakanteng mesa at nakakita naman sila sa may sulok. Naupo sila
doon. At habang hinihintay ang kanilang mga pagkain ay sinimulan na niyang bigyan
ng lecture si Asp. Ilang sandali pa ay dumating na ang kapatid nitong si Viper na
may dalang mga paper bags. Um-order din ito ng makakain at dalawa na silang
nagbigay ng lecture kay Asp na matamang nakikinig sa kanila. Nang matapos sila sa
pagkain ay magkakasunod na silang tumayo.
"Salamat sa libre ah? Pasensiya na kayo kasi lalakad pa ako sa kung saan. Mag-enjoy
na lang kayong dalawa sa pamamasyal." wika ni Blade sa magkapatid.
"Sige, salamat din sa pagle-lecture kay Asp." nakangiting wika ni Viper.
Nagpaalam na rin si Asp sa kanya at umalis na siya para magpunta sa kung saan.
Lumabas na siya kanto at lumiko sa isang eskinita kung saan mayroong Bazaar.
"Ayos! Maraming free-taste!" masaya niyang wika.
Pumunta na siya doon sa mismong Bazaar at tumingin-tingin sa paligid.
"Hmm... Saan kaya ako mag-uumpisa?" excited pa niyang wika.
Namataan niya ang isang tindahan kung saan may nagtitinda ng mga holen. Naalala
niya si Conrad. Napangiti siya.
"Tiyak na magugustuhan ni Conrad ang mga holen na ito. Ang gaganda ng mga kulay
nila."
Bumili siya ng isang bugkos na holen. Inilagay iyon ng tindero sa isang blue-velvet
na pouch. Dala ang pouch na nilalaro-laro niya sa kanyang kamay ay lumibot pa siya
sa ibang puwesto. Naki-free taste siya sa mga nagtitinda ng empanadang iloco at
ukoy. Plus, nagpunta pa siya sa iba pang booth na may pa-free taste hanggang sa
makarating siya sa booth na puro iba't-ibang uri ng lokal na alak ang naka-display.
"Free-taste ng wine, Sir! Try mo!" wika ng tindero sa kanya.
"Sige, ano ba itong mga alak na ito?" curious niyang tanong.
"Hetong mapula, strawberry wine ng Baguio. Basi wine ng Binalonan, Duhat wine,
Tapoy o Rice wine ng Benguet, Bugnay wine at ang alak ng matatapang, Lambanog!"
Pinasadahan ng tingin ni Blade ang mga naka-display na alak. Hindi naman siya
manginginom pero gusto niyang i-try. Tatamaan kaya siya? At anong gagawin niya
kapag lumakas ang tama niya?! Napangisi siya sa isiping iyon.
"Sige, gusto kong i-try lahat. Ayos lang ba?"
"Ayos lang, Sir. Kaya nga may pa-free taste kami para masubukan ng mga tao ang
aming mga produkto. Anong gusto niyong unahin diyan?"
Napaisip si Blade.
"Hmm... Hindi naman kasi ako manginginom eh. Puwede bang iyong light lang muna ang
unahin kong tikman hanggang sa pinakamatapang?"
Napangiti ang tindero sa kanya.
"Sige, ayos lang. Strawberry wine ang unahin mo, boss."
Naglabas na ito ng isang shoting glass at mga bote ng alak na may bawas na. Sila
iyong mga ginagamit sa pa-free taste. Nilagyan na nito ng alak ang baso niya at
agad niya iyong ininom. Nilasahan niya ang alak.
"Hmm... Matamis. Parang juice lang."
Sumunod ang duhat wine. Para iyong lasa ng hinog na ubas. Next ang Bugnay wine.
Medyo maasim pero may sipa na sa lalamunan ang alak na iyon, mainit. Pero, sige..
Tuloy ang tikim. Next ay ang Basi-lasang matamis na katas ng tubo at smooth sa
lalamunan kasi ang lamig sa katawan. Pero kapag tumama, malakas din lalo na kapag
naparami ng inom. Sumunod ang tapoy o rice wine... Smooth pero may guhit sa
lalamunan at may sipa ng tama. Namumula na ang mukha ni Blade at natatawa na
napapailing ang tindero sa kanya.
"Kaya pa, Sir?" nakangiti nitong untag.
"Tuloy ang ligaya! Kaya pa! Anak na lase, hindi pa ako nahihilo ah? Wala na bang
matapang diyan?" matapang pang hamon ni Blade.
"Mayroon, Sir! Itong lambanog! Dahil first timer kang uminom eh bibigyan kita ng
smooth. Parang nestea lang, hindi masakit sa lalamunan. Pero ang lakas ng tama
nito!"
May kinuha ang tindero sa ilalim ng freezer at nalantad kay Blade ang isang
malaking bote ng long-neck na namumuti dahil sa lamig. Sinalinan nito ang baso ni
Blade. Pagkasalin ng alak sa shoting glass ay walang anuman iyong tinungga ng
binata ang laman. Para lang itong uminom ng tubig. Napatanga ang tindero at nakita
niyang namula hindi lang ang mukha ni Blade kundi hanggang ang leeg na nito.
Napailing-iling naman si Blade at tinapik-tapik ang kanyang pisngi. Ang lakas nga
ng tama ng isang iyon! Bigla yatang umikot ng wala sa oras ang kanyang mundo?!
"Anak na lase! A-Ang lakas nga ng tama... Na-rock and roll to the world ang utak ko
ah?! Animal!" bulalas pa niya.
Napailing ang tindero.
"Ano, Sir? Bibili ka?" untag pa nito kay Blade.
"Hmmf! Nalase, wala akong pera at hindi naman ako tomador. Nagtrip lang akong
sumubok ngayon. Pero, salamat..."
Napangiti ang tindero kay Blade.
"Ganoon ba? Sige, sa'yo na lang itong lambanog. Total, natuwa naman ako sa'yo.
Souvenir mo na lang sa akin. Anyway, bago ka lumakad... Mas makabubuti kung
magpababa ka muna ng tama-"
Hindi na naituloy pa ng tindero ang sasabihin kasi tinungga ni Blade ang bote ng
lambanog at tumigil lang ito ng nasa kalahati na ang laman.
"Grabeh! Masarap talaga pero ang lakas ng tama ng animal! Salamat ah? Dahil mabait
ka, susuwertehin ka..."
Namumulang tumayo si Blade at tinapik ang balikat ng tinderong natuwa sa kanya.
Kinuha na niya ang bote ng lambanog na may laman pang kalahati at saka naglakad
paalis. Humahanga namang napatingin ang tindero kay Blade.
"Pambihira! Tao pa ba siya? Sa dami ng nainom niyang lambanog dapat tulog na siya
ngayon ah? Deretso pa siyang lumakad at hindi man lang sumusuray?! At first time
niyang uminom?" bulalas pa nito.
Dahil nga naparami ng inom si Blade ay lumakas na ang tama niya. Napangiti siya.
"Saan kaya ako pupunta?" natatawa niyang wika.
Nag-isip siya habang naglalakad.
"Alam ko na! Pupunta akong zoo at doon, maghahanap ng kainuman! Yeah! Anak na lase
na animal! Na-rock and roll to the world ang utak ko! Alright..." pakli pa niya.
Itinaas pa niya ang kanyang mga kamay at pasimpleng sumayaw sabay ikot ng kaunti.
Napatingin ang mga tao sa kanya at bahagyang natawa. Nang matapos na siya sa
pagtri-trip ay tumuloy na siya sa paglalakad para pumunta sa kanyang destinasyon.
Mabilis siyang lumiko sa eskinita at BLAG! Bahagya siyang napaatras at nahulog ang
hawak niyang pouch na may lamang mga holen pero hindi niya nabitawan ang bote ng
lambanog. Napailing-iling siya at napatanga. May nakabunggo siya, tatlong-lalaki.
May kung anong nahulog din ang mga ito. Mabilis nilang pinulot ang isang pouch at
agad na tumakbo paalis.
"Buset ang mga iyon ah! Wala man lang sorry! Animal, abuwisit ak pa!" naasar na
wika ni Blade.
Pinulot na niya ang naiwang pouch. Tapos may naulinigan siyang mga tumatakbo.
Napatingin siya sa mga paparating at nakita niyang mga pulis iyon. Tumagilid siya
para magbigay ng daan.
"Ayon ang mga magnanakaw!" sigaw pa ng isa sa mga pulis na humahabol doon sa
tatlong-lalaki.
Ang tatlong-lalaki na nakabunggo ni Blade ay ang mga magnanakaw sa Jewelry Store na
hina-hunting ng mga pulis. Sila ay sina Uro, Dado at Baldo. Mabilis na lumiko sa
isang madilim na eskinita ang mga lalaki at agad na sumakay sa isang puting-van na
kanilang get-away. Sa loob ng van, naghihintay ang kanilang mga kasama. Sina Gido,
Molong, Badong, Turo at Mando( sila iyong mga nagkamaling kumidnap kay Blade dati.
Nakalaya na sila dahil sa piyansa at heto na naman, gumagawa ng bagong kalokohan.
Iyong tatlo ay bago nilang recruit.)
"Boss, nailigaw na namin ang mga pulis!" wika ni Baldo.
Napangisi si Gido.
"Magaling, magaling! Nasaan ang mga diamonds?"
Agad na inilabas ni Baldo ang pouch at iniabot kay Gido na excited naman nitong
kinuha.
"Mayaman na tayo!"
"Yeheey!"sigaw pa ng lahat.
Agad na binuksan ni Gido ang pouch at ibinuhos ang laman. Laking gulat nito at
pagkadismaya ng makitang mga holen ang laman na may iba't-ibang kulay.
"Animal! Niloloko mo ba ako, ha?!" galit nitong sigaw kay Baldo.
Tuliro ding napatingin ang lalaki sa mga holen na nasa kamay ni Gido.
"H-Hindi boss. Sigurado akong nakuha namin ang mga diamonds sa jewelry store..."
alanganin nitong wika.
Malakas na binatukan ni Gido ang lalaki.
"Kung ganoon, nasaan ang mga diamionds?! Bakit mga walang-kuwentang holen na ang
laman ng pouch na ito?! Ino-onse niyo ba kami?! Gusto niyo bang tabunan namin kayo
ng bala at ilibing sa lupa?!"
"H-Hindi boss!" tarantang sagot ni Baldo.
Bigla namang napaisip ang dalawang kasama niya. Sina Uro at Dado. Tapos, bigla
nilang naalala iyong nakabangga nilang lalaki kanina. May dala din itong pouch na
kagaya ng sa kanila at nahulog din nito iyon.
"B-Boss! Baka naipagpalit namin iyong pouch ng diamonds doon sa nakabangga naming
lalaki kanina! Hinahabol kasi kami ng mga pulis at magkapareho pa kami ng pouch-"
Hindi na pinatapos ni Gido sa pagsasalita si Uro.
"Mga gago! Mga tanga kayo! Ano pang hinihintay natin! Hanapin na natin ang lalaking
sinasabi niyo!" mabilis na wika ni Gido.
Agad niyang inutusan si Molong na paandarin na ang van. Ito kasi ang driver.
"Nasa malapit lang iyon, talasan niyo ang mga mata niyo!" utos pa ni Gido doon sa
tatlo.
Samantala... Napangisi si Blade ng makarating siya sa zoo. Hawak-hawak pa rin niya
ang pouch ng holen. Tumingin siya sa mga hayop na naroon at natuon ang atensyon
niya sa kulungan ng mga naglalakihang tigre. Lumapit siya sa kulungan at ipinasok
niya ang kanyang kanang-kamay na may hawak na bote.
"Muning! Halika dito... Meow!..." tawag pa niya sa mga hayop.
Isang tigre ang napalingon sa kinaroroonan niya pero yamot lang itong tumingin at
tumalikod. Naasar si Blade.
"Anak na lase, sungit!" pakli niya.
Kaunti lang ang mga tao sa zoo ngayong araw. Tumingin sa ibang kulungan si Blade
hanggang sa mapansin niya ang isang napakalaking gorilya. Isa iyong alpha.
Malaking-malaki ito kumpara sa iba nitong mga kasama at may puti na itong balahibo
sa may likuran. Napangisi siya at lumapit doon sa gorilya.
"Uy, pare! Kamusta?" bangag na wika ni Blade.
Napalingon ang gorilya sa kanya at lumapit. Pagkatapos noon ay iniumang ang kamay.
Walang pakundangang iniabot ni Blade ang kamay sa gorilya at nakipag-shake hands
dito. Kaya niyang intindihin ang mga hayop. Kasi nga, anghel siya... Iyong tipong
pasaway nga lang.
"Ako si Blade, kamusta ka? Inaalagaan ka ba nilang maigi dito, ha?"
Napatango-tango ang gorilya.
"Mabuti-mabuti!" pakli pa ni Blade.
Patuloy naman sa paghahanap sina Uro, Baldo at Dado doon sa lalaking nakabunggo
nila at nakapalitan ng dalang pouch. Nasa zoo sila ngayon at nagbabakasakali na
makita nila ito. Nanlaki ang mga mata ni Dado ng makita nila ang kanilang hinahanap
sa may kulungan ng gorilya at nakikipagkamay pa ito doon sa hayop.
"P-Pare! Tingnan mo!"
Itinuro niya ang lalaki at napatingin doon ang mga kasama niya. Nagulat din ang mga
ito.
"Tatawagin ko si boss!" wika ni Uro.
Mabilis itong umalis at agad na tinawag si Gido. Maging ang mga kasama nito ay
sumama din.
"Nasaan ang lalaking sinasabi mo? Ituro mo!" nakangising wika pa ni Gido.
"Ayon, oh!" itinuro nga ni Uro si Blade.
Napatingin doon sa direksyong itinuro ni Uro sina Gido at ang mga kasama niya.
Nanlaki ang mga mata nila at nalaglag ang kanilang mga panga. Hinding-hindi nila
makakalimutan ang baliw na lalaking iyon na muntikan nang tumapos sa kanilang mga
buhay.
"B-Bossing... H-Hindi ba't siya iyong baliw na lalaking nakidnap natin dati?!"
napalunok na wika ni Mando.
"S-Siya nga..."
Tiningnan pa nilang maigi si Blade. Busy ito sa pakikipagharutan sa gorilya.
"Kilala niyo siya?" maang naman na tanong ni Baldo.
"OO! Kilala namin ang lalaking iyan! Baliw iyan! Siya ang rason kung bakit kami
nakulong at muntikan na niya kaming mapatay sa takot! Kung hindi ba naman kayo
tatanga-tanga! Sa lahat ba naman ng puwede niyong makabunggo at makapalitan ng
pouch..." kuwento naman ni Molong.
Tapos, itinuloy pa ni Turo ang kuwento tungkol kay Blade at sa mga pinaggagawa nito
sa kanila dati.
"K-Kung ganoon, paano na?" napalunok na tanong ni Badong kay Gido.
Pinagmasdan nitong maigi si Blade. Namumula ang mukha nito at leeg. Tapos, nakita
niyang hawak nito sa kaliwang-kamay ang bote ng alak.
"Tiye-tiyempuhan natin siya. Mukhang lasing siya. Kapag nakatulog siya, kukunin
natin ang pouch sa kanya at ipagpapalit sa isa pa. Huwag niyong aalisin ang tingin
sa kanya dahil hindi tayo pupuwedeng mawalan ng pagkakataon!"
Sumang-ayon ang lahat sa plano. Samantala... Itinaas ni Blade ang bote ng alak na
hawak niya.
"Gusto mong uminom?" yaya pa niya doon sa gorilya.
Nagsenyas ito sa kanya ng sandali at pagkatapos ay umalis na ito. Ilang sandali
lang ay bumalik na ito na may dalang bao ng niyog. Iniumang nito iyon kay Blade na
agad naman nitong sinalinan ng alak.
"Lambanog ito, pare. Dahan-dahan ka lang kasi matapang 'to!" paalala pa ni Blade.
Itinaas niya ang bote at ganoon din ang ginawa ng gorilya at..
"Tagay!"
Sabay ngang tumagay ang dalawa at nawiwindang na napapatingin ang grupo nila Gido
kay Blade.
"P-Pambihira! Baliw nga ang lalaking iyan! Ang lakas ng tama!" di napigilang
comment ni Uro.
Tuloy naman sa pakikipag-inuman si Blade doon sa gorilya hanggang sa...
"Pare, punta lang akong banyo. Puwede bang pakihawakan mo muna itong mga dala ko?
Huwag mong gagalawin, ah?"
Tumango-tango ang gorilya kay Blade. Inilapag na nito sa tabi ng gorilya ang hawak
niyang bote ng alak na kaunti na lang ang laman at inabot niya dito ang pouch na
dala niya.
"Ingatan mo iyan, babalik ako!"
"Hmmh!!!" sagot pa ng hayop.
Tumalikod na si Blade at naglakad papunta sa banyo. Laking-tuwa naman ng grupo ni
Gido. Dahan-dahan silang lumapit sa may kulungan ng gorilya at nakita nila ang
hayop na nakasandal na sa pader at tulog na tulog dala ng kalasingan. Hawak nito sa
kanang-kamay ang pouch na medyo malapit sa rehas.
"Kunin niyo na habang wala pa iyong lalaki at tulog iyang hayop!" mahinang utos ni
Gido sa mga kasama.
Nagkatinginan ang mga lalaki. Pero pinagkaisahan nila si..
"Baldo, ikaw na ang kumuha! Ikaw naman ang nakawala ng pouch!"
"T-Talagang ako?!"
"OO!"
Wala na itong nagawa pa. Napalunok ito at dahan-dahang ipinasok ang kanang-kamay sa
loob ng kulungan. Naabot niya ang tali ng pouch na nakaluyloy sa malaking kamay ng
hayop at marahan niyang hinihila iyon. Biglang gumalaw ang mga daliri ng hayop at
tulirong napatingin si Baldo sa gorilya. Nakapikit pa rin naman ito pero pasimple
nitong hinila pabalik ang hawak nitong pouch. Pinagpawisan siya ng malapot ng wala
sa oras. Muli niyang hinila ng marahan ang pouch, dahan-dahan at malapit na niya
iyong makuha mula sa kamay ng malaking hayop. Biglang nahinto ang paghila niya sa
pouch at nakita niyang nakakuyom ng mariin ang malaking kamay ng gorilya na may
hawak ng pouch. Napalunok siya kataku-takot at marahang napatingala. Ganoon na
lamang ang takot niya ng makita niyang gising na ang hayop at magkasalubong ang mga
kilay nitong nakatingin sa kanya.
"GRRRR!"
Bigla nitong hinila ang kamay niya ng malakas at pagkatapos noon ay malakas siyang
ibinalibag sa rehas.
"AAARGH!!..."
Napapikit naman ng mariin ang mga kasama ni Baldo. Tiyak na masakit na masakit
iyon. Nakita na lang nila ang kasama nilang si Baldo na napahiga sa sahig at
namimilipit sa sakit hawak ang kanang-kamay. Nakarinig sila ng mga papalapit na
yabag at nakita na nila si Blade na paparating. Agad nilang hinila papunta sa
makapal na halamanan si Baldo.
"Ayos ka lang ba?!" si Molong.
"H-Hindi ako ayos! Nabalian ako ng buto! A-"
Akma pa sana itong sisigaw pero mabilis na tinakpan nila Gido ang bibig ng kanilang
kasama. Samantala... Napangiti naman si Blade ng mapatingin siya sa hayop.
"Pare, kamusta? May tama ka pa?"
Tumango-tango ang gorilya at sinapo ang sintido.
"Hmm... Itulog mo na lang iyan para mawala. Anyway, salamat ah? Iniangatan mo ang
mga gamit ko. Fist bump naman diyan!"
Nakipag-fist bump nga si Blade sa hayop at lalong napatanga ang mga magnanakaw na
lihim na nakamasid sa kanya.
"Pare, alis ako at magpapababa ng tama. Salamat ah?"
Kinuha na ni Blade ang pouch sa kamay ng gorilya na iniaabot nito sa kanya. Pero
iniwan niya ang bote ng lambanog.
"Remembrance mo sa akin iyan. Bye!"
Kumaway pa si Blade doon sa hayop at kumaway din naman ito pabalik sa kanya bago
nito tunggain ang bote at tuluyang ubusin ang laman. Tuluyan nang lumabas sa zoo si
Blade at naghanap ng lugar para magpababa ng tama niya. Parang wala namang
ipinagkaiba kung lasing siya o hindi. Normal na yatang may tama ang utak niya?
Natawa siya sa kanyang sarili sa isiping iyon. Nang makarating siya sa kalsada ay
napahinto siya sa may gilid. Balak niyang tumawid pero naka-green light pa ang
traffic-light. Inilabas niya ang kanyang cellphone at nagheadset siya. Namili siya
ng kanta at isang nakakalokong ngisi ang sumilay sa kanyang labi. May balak siyang
gawin kapag nag-red light na ang traffic-light. Ilang sandali pa ay nag-red light
na. Tumawid na siya kasama ng iba pang tao.
Ngunit pagdating niya sa gitna ng pedestrian lane ay huminto siya. Inayos niya ang
suot niyang cap na kulay itim na may logo ng tatlong-star na red. Siniguro niyang
natatakpan ang kalahati ng kanyang mukha para sa mysterious effect. Yumuko siya at
inalis ang headset ng kanyang cellphone para magkaroon ng tugtog sa paligid. Twerk
it like Miley. Pasimple niyang inaayos kunwari ang sintas ng suot niyang sapatos
pero pagkatapos noon ay dahan-dahan siyang tumayo at lumingon sa mga tao na
nakangiti ng matipid. Ang ilong at labi lang ni Blade ang nakikita dahil nakatakip
ang cap sa halos kalahati ng kanyang mukha pero nagbigay naman iyon ng cute na
effect. Amaze na napatingin ang mga tao sa kanya at na-curious. Napatigil ang mga
ito sa paglalakad at ang iba ay sa mga ginagawa nila. Na-amuse din ang mga driver.
Medyo malakas pa naman ang sound ng cellphone ni Blade.
"A-Anong ginagawa niya?" maang na wika naman ni Mando.
Walang nagsalita sa mga kasama niya kasi maging sila ay na-amaze na rin.
Iniunat ni Blade ang kanyang mga braso at magkasunod na iginalaw maging ang kanyang
mga balikat. Tapos ay gumiling siya ng kaunti. Naghiyawan ang mga tao at natawa sa
kanilang nakitang entertaiment. Kumembot siya at ginaya ang isang sikat na step ni
Michael Jackson ang moon walk. Di pa siya nakuntento ay iniumang niya ang kanyang
kanang-kamay na tipong nanghahamon. Tapos ay gumiling siya ng sexy at pasimpleng
itinaas ang suot niyang shirt para ipakita ang kanyang abs. Ang daming nagtilian.
Muli niyang ibinababa ng dahan-dahan ang kanyang shirt. Kumembot siya, Twerk it
like Miley nga. Hip Hop ng kaunti... Tapos naalala niya na nasa cellphone pa niya
iyong remix ng anaconda song na puro intro lang ang naroon na may stop-stop effect
pa.
Iyon ang isinunod niyang ipinlay na tugtog. 'M-My-My A-Anaconda don't, don't!'
Ginawa niya ang step. He point his hips and move around and bumb-bump. Lalong
lumakas ang tawanan. Nang matapos ang tugtog ay nag-bow siya sa lahat at itinaas
ang kanyang mga kamay sabay sabing...
"Rock and roll to the world! Yeah!..." sabay flying-kiss all around.
Pagkatapos noon ay naglakad na siya paalis at narinig na lamang niya ang masigabong
tilian palakpakan ng mga tao. Hmm... Wala lang, trip lang niyang sumayaw sa gitna
ng kalsada.
"Yeheeey!" napapalakpak ding wika ni Uro.
"Gago!"
Inis na binatukan ni Gido ang lalaki. Natigilan ito at naitikom ang bibig.
"Sundan na natin siya!" utos pa ni Gido sa lahat. Naglakad na rin sila papunta sa
kalsada pero pagdating sa gitna ay tinangka nilang sumayaw. Naiinggit kasi sila kay
Blade na nakakuha ng atensyon. Pero imbes na palakpak ang makuha nila ay kataku-
takot na malalakas na busina ng mga sasakyan at...
"Mga buwiset! Lumayas kayo diyan!" wika pa ng isang galit na driver.
Agad nga silang umalis sa kalsada dahil balak talaga silang sagasaan ng mga driver.
Halatang hindi natuwa ang mga ito sa kanila. Patuloy nilang sinusundan ang kanilang
target.
Pumunta naman sa may likod ng isang malaking gusali si Blade. Pumanhik siya sa mga
hagdang naroon papunta sa rooftop. Nang makarating siya sa itaas ay naghanap siya
ng puwestong mahihigaan. Naupo siya sa may mga gulong na nakatambak doon at
sumandal sa pader at umunan sa kanyang mga braso. Isinalpak na niya ang headset sa
kanyang tenga para mag-soundtrip...
"Haaay... Gusto ko nang magpababa ng tama!" pakli pa niya.
Napapikit siya at mas lalo tuloy niyang na-feel ang music na kanyang naririnig.
Napapakanta tuloy siya ng wala sa oras. Dapit-hapon na ng mga oras na iyon.
"I don't wanna close my eyes! I don't wanna fall asleep 'cause I miss you baby and
I don't wanna miss a thing! 'Cause even when I dream of you! The sweetest dream
could never do 'cause I miss you baby and I don't wanna miss a thing! Yeah Yeah
Yeah Yeah!"
Feel na feel ni Blade ang pagkanta sa mga sandaling iyon. Hindi pa talaga tuluyang
bumababa ang tama niya. Patuloy naman sa pagpanhik sa mga hagdan ang grupo nina
Gido. Naiwan naman na si Baldo sa van dahil sa natamo nitong pinsala sa braso at
kamay.
Samantala... Ayaw talagang dalawin ng antok si Blade kahit na malakas ang tama
niya. Marahan niyang iminulat ang kanyang mga mata at napakunot ang kanyang noo ng
makita niya ang isang napakaitim na usok sa di-kalayuan. Curious siyang tumayo at
pumunta sa may gilid ng gusali. Itinutok niyang maigi ang paningin sa lugar kung
saan nanggagaling ang napakaitim na usok na nakikita niya. Nag-concentrate siya at
habang tumatagal ay nakikita niya ng malinaw ang mga nangyayari. May nasusunog na
gusali at nakita niya sa isang basag at bukas na bintana na... Na-trap ang isang
batang-babae at isang bombero na nagre-rescue dito. Wala silang exit point dahil
napapaligiran na ng apoy ang lugar.
"Anak na lase!" bulalas ni Blade.
Kung ganoon, may dahilan pala para hindi siya makatulog. Iyon nga lang ay medyo
malakas pa ang kanyang tama. Pero, bahala na! Si Boss na niya ang bahala sa kanila!
Napa-krus siya at mabilis na tumalon papunta sa kabilang gusali. Dahil nga hilo
siya ay napagsak pang dumapo ang katawan niya sa semento ng kabilang building.
Ngunit agad siyang tumayo at muling tumalon papunta sa iba pang gusali. Nakarating
naman na sina Gido sa itaas ng gusali ngunit laking gulat nila ng wala doon ang
kanilang hinahanap. Nanlulumong napaupo ang mga ito.
"Bakit ba ang malas-malas ko kapag nakakabangga ko ang lalaking iyon!" frustrate
pang wika ni Gido.
Napasuko na sila sa pagsunod kay Blade kasi hindi na nila alam kung saan ito
nagpunta at kung paano pa nila masusundan.
Samantala... Sa ibaba ng mga gusali ay patuloy na naghahanap ang mga pulis sa grupo
ng mga magnanakaw.
"Kailangang mabawi natin ang mga diamonds! Ang sama na nga ng image nating mga
pulis, masasabihan pa tayong palpak!" himutok pa ng namumuno sa unit na iyon.
Tumalon si Blade sa itaas ng mga ito at... FGH!!.. Plank! Biglang bumagsak sa gitna
ng mga pulis ang isang pouch. Curious silang napatingin sa itaas ngunit wala naman
silang nakitang tao doon. Nang pulitin ng isa sa mga pulis ang pouch at binuksan ay
laking-gulat ng lahat ng makita nilang ang mga ninakaw na diamonds ang laman.
Nagsigawan sila sa tuwa.
"Hulog ng langit!"
Nakarating naman na si Blade sa kinaroroonan ng naususunog na gusali. Mabilis
niyang sinuntok ang malaking salamin ng building at nagkapira-piraso iyon. Tuluyan
na niya iyong winasak. Isang condominium building ang nasusunog. Gulat na
napatingin ang bombero sa kanya at napayakap ito sa batang karga nito. Hindi nito
makita ang mukha ni Blade dahil bukod sa natatakpan ng cap ang kalahati ay madilim
din dahil sa aninong gawa ng papalubog na araw. Agad na inilabas ni Blade ang
kanyang mga pakpak at malakas na ipinagaspas iyon. Lumikha iyon ng napakalakas na
hangin na umiikot sa buong paligid. Namatay ang apoy. Agad na naglakad papalapit si
Blade doon sa bomberong may karga na batang-babae. May hawak pa itong teddy-bear.
"Kumapit kayong maigi sa akin kung ayaw niyong makeret dito na animal. Ilalabas ko
kayo dito."
Gulat na napatanga ang bombero na may kargang bata. Hindi siya makapaniwala na
inililigtas sila ng isang anghel pero masama ang tabas ng bibig?! Tuliro niyang
iniabot ang kamay dito at nagulat siya ng agad siyang hilahin at inilipad palayo.
Ibinaba sila nito sa katabing building.
"Wala na bang na-trap sa loob?" untag pa ni Blade.
"W-Wala na... S-Salamat." tulirong wika ng bombero.
Ilang beses itong napakurap. Hindi talaga makapaniwala sa nakikita nito. Hindi niya
maaninag ang mukha ng kanilang tagapagligtas dahil mabilis itong tumalikod.
Humahangang napatingin ang bata sa mga puting-pares ng pakpak ni Blade na nagkulay-
ginto dahil sa effect ng papalubog na araw.
"Isa ka bang Angel of God?" inosenteng tanong ng batang karga ng bombero.
Isang simpleng tango ang isinagot ni Blade sa bata. Tumalon na siya pababa pero
dahil nahihilo pa siya ay sumemplang siya at nahulog sa may bunton ng mga karton na
nasa gilid ng isang masikip na eskinita. Nawala na ang kanyang mga pakpak.
"Animal!" bulalas pa niya.
Tumayo na siya at nagpagpag sa sarili.
"Makauwi na nga lang!" pakli pa niya.
Naglakad na pauwi si Blade. Samantala... Napangiti naman ang bombero at napaka-krus
ng wala sa oras. Tumingala ito sa langit at napangiti sabay sabing...
"Maraming salamat sa ipinadala ninyong anghel, Panginoon. Pero bakit ang brutal ng
bunganga niya?"
Curious na curious ang bombero sa huling sinabi niya. Tapos ay natawa siya at
napailing na lang sa isiping iyon.
Nagulat naman si Hunter ng mabungaran niya sa sala si Blade na natutulog sa sofa na
madungis at puno ng uling ang damit at katawan. Nasapo niya ang kanyang noo.
"Ano naman kaya ang pinaggagawa nito sa buong-araw?" kunot-noo na lang nitong wika.
Tapos ay natawa siya at ini-on ang T.V. para manood ng balita. Napatanga siya at
tulirong napatingin sa tulog na si Blade. Paano naman kasi? Nasa headline ito ng
news. Nakuhanan ito ng video habang sumasayaw sa gitna ng kalsada. Iyon nga lang ay
natatakpan ang kalahati ng mukha nito.
"Mga kaibigan, viral na viral na po ang video ng lalaking sumayaw kanina sa gitna
ng kalsada. Naka-one milyon hits na siya. Iyon nga lang ay wala makapagsabi kung
sino ang mysterious guy..." wika pa ng reporter.
Natawa ng mahina si Hunter at napailing.
"Sira ka talaga, Blade! Ang lakas ng tama mo! Abuwisit ak pa!" di niya napigilang
comment.
'Kung alam mo lang, Hunter...'
*************************************************************************
#new MEN IN ACTION 6: CLEAR IMPERIAL

29. VENGEANCE

"VENGEANCE"
Kasalukuyang naglalakad sa may butterfly garden sina Drake at Daisy habang
nagkukuwentuhan. Gabi na kaya ang naka-on na ang ilaw sa lugar. Pareho silang may
hawak na cup ng kape sa kanilang kanang-kamay. Nakikita nila ang mga magagandang
bulaklak sa garden na dinadapuan ng mga makukulay na paru-paro.
"Curious question... Tumugtog pa rin ba ng violin ang Lola Erein mo matapos siyang
iwanan nang lalaking minahal niya noong mabulag siya?" tanong ni Drake.
"Hmm... Hindi na. Naging malaking dagok sa kanya ang pangyayaring iyon. Kinalimutan
niya ang music para makalimot din siya at maka-move on. Teka lang, bakit ba tanong
ka nang tanong tungkol kay Lola Erein?" maang na tanong ni Daisy.
Bahagyang natigilan si Drake at napangiti ng alanganin. Mukhang nagtataka na ito sa
kanya kasi panay ang tanong niya tungkol kay Erein. Pero salamat dito kasi marami
siyang nalaman.
"Ahm... Curious lang ako kagaya ng sinabi ko. Medyo nadala kasi doon sa mga
naikuwento mo sa akin noong una tayong magkita at magkausap. Kasi nga di ba...
Kapangalan ko iyong naging first love ng Lola mo..." alanganing paliwanag ni Drake.
Matamang tumingin sa kanya si Daisy dahil sa sinabi niya at medyo naiilang na siya
kasi parang nagdududa na ang titig nito.
"O-Oo nga eh, kapangalan mo siya. Pero imposible na ikaw siya. Kasi kung ikaw ang
lalaking iyon dapat ay more than one hundred years old ka na. Kasi, Lola ng lola ko
pa ang pinag-uusapan dito." comment pa ng dalaga.
Napainom si Drake ng kape sa hawak niyang cup. Tama, more than one hundred years
old na nga siya. Guilty siyang napatingin sa kanyang kasama at napahinga siya ng
malalim.
"Anyway, change the topic na lang."
"Okay, ano na ang topic?" tanong ni Daisy sa kanya.
Lumapit sila sa isang bakanteng bench at naupo sila doon. Kakaunti lang ang tao sa
garden at karaniwan sa mga ito ay mga magkasintahan o mag-asawa na nagde-date. Nag-
isip ng topic si Drake.
"Hmm... Ano ang kinatatakutan mo?" bigla niyang tanong.
Uminom muna ng kape si Daisy at alanganing tumingin sa kanyang kasama.
"Hmm... Alam kong nakakatawa ito, pero takot ako sa vampires." alanganin niyang
wika.
Napatitig siya sa mukha ng kasama niya. Sana lang, hindi ito mapikon sa kanya kasi
mukha itong vampire dahil sa putla ng balat nito.
"Ah...?!" gulat na wika ni Drake.
Sa lahat ba naman ng puwede nitong katakutan?! Bigla niyang pinagsisihan ang naisip
niyang topic.
"Ayos ka lang?" untag ni Daisy sa kasama niya.
Natigilan kasi ito sa sinabi niya. Nainsulto niya yata?
"Sorry, hindi naman kita gustung insultuhin. Mukha ka ngang vampire pero hindi ka
naman ganoon di ba? Iyong mga fictional characters lang naman ang sinasabi kong
kinatatakutan ko eh..." alanganin niyang paliwanag.
Marahas na napakamot sa kanyang batok si Drake.
"Abuwisit ak pa." mahina niyang wika.
Tuliro siyang tumingin sa mukha ng kasama niya at lakas-loob na nagtanong. Heto na
ito eh, naumpisahan na niya.
"B-Bakit mga vampires ang kinatatakutan mo?"
Uminom muna ng kape si Daisy bago siya magsalita.
"Noong bata kasi ako, naranasan kong maliparan sa ulo ng maraming paniki. Grabe ang
takot ko noon. Nakadagdag iyong takot ko nang may mapanood akong pelikula na horror
at nakita ko doon na iyong mga bats, nagiging vampires. Ayon, takot na tuloy ako sa
vampires hanggang ngayon..."
Namutla ang dalaga at napayakap pa sa sarili. Na-frustrate naman ng todo si Drake.
"Abuwisit ak pa!" di na niya napigilang wika.
Natawa naman ng bahagya si Daisy sa naging reaksyon ni Drake.
"Ikaw? Ano ang kinatatakutan mo?" tanong na lang niya.
Sumeryoso ang mukha ni Drake at matamang tumitig sa kanya. Natigilan siya kasi iba
ang titig nito. Nakikita niya sa mga mata nito ang isang matinding alinlangan at
kalungkutan.
"Ako... Takot ako sa rejection. Iyon ang dahilan kung bakit ako naduwag noon at
nagawa kong iwan ang babaing mahal ko. Natakot ako na baka hindi niya ako matanggap
at matakot siya sa akin. Naduwag ako dahil sa rejection. Hanggang ngayon, takot pa
rin ako doon. Iyon nga lang, pilit ko na siyang nilalabanan dahil ayaw ko nang
magsisi pa."
Natahimik si Daisy at matamang tumitig sa mukha ng kasama niya. Ang lalim ng mga
salita nito at halatang may pinaghuhugutan.
"Nakakatakot nga ang bagay na iyon." sang-ayon niya.
Ngumiti ng matipid sa kanya si Drake.
"P-Paano kung sabihin ko sa'yo na isa akong vampire, matatakot ka ba sa akin?"
bigla nitong tanong.
Amuse na napatingin si Daisy kay Drake at natawa siya ng mahina sa sinabi nito.
"Ikaw, vampire?!" natatawa niyang tanong.
"Paano nga kung vampire ako?"
Napailing si Daisy at napainom ng kape.
"Kung ikaw siguro, isang vampire... Hindi ako matatakot." prangka niyang sagot.
Napakurap si Drake at amaze na napatitig sa kasama niya. Hindi niya inaasahan ang
kanyang narinig.
"Talaga? Bakit?" di makapaniwala niyang tanong.
"Kung kasing kalog, hot at guwapo mo ang isang vampire, hindi iyon nakakatakot
kundi nakakatuwa."
Natawa si Drake sa kanyang narinig at pasimple niyang nasapo ang kanyang dibdib.
'Kegtot my heart!!..'
"Ayos ka lang?" untag pa ni Daisy sa kanya.
Natatawa siyang napatingin sa dalaga.
"Okay lang ako. Medyo man-atugerger lang. Abuwisit ak pa! Nakakahiya!"
Natawa si Daisy kay Drake. Man-atugerger daw ito?! Huminga naman ng malalim si
Drake para pakalmahin ang kanyang sarili.
"Okay, ibang topic na nga lang. May paborito ka bang romance na movie?" tanong na
lang niya.
Sandaling nag-isip si Daisy bago sumagot. Napainom ulit siya ng kape sa cup na
hawak niya.
"Mayroon naman, siyempre."
"Ano?"
"Titanic."
Napakunot-noo si Drake.
"Teka lang, di ba ang sad ng ending noon?" pakli niya.
Ngumiti si Daisy sa kanya.
"Oo nga. Bata pa lang ako noong una ko iyong mapanood. At ang unang tumatak sa akin
ay ang matakot na sumakay sa barko kasi nga baka lumubog. Nagka-phobia ako dahil
doon sa movie."
"Kung ganoon bakit naging paborito mo eh nagka-phobia ka naman pala doon sa movie?
Ang weird mo rin, ano?"
Lalong napangiti si Daisy sa naging comment ni Drake. Nakakatuwa talaga ito.
"Hindi ko pa naman naiintindihan ang story noong movie dati dahil masyado pa akong
bata nang una ko siyang mapanood. Pero nitong nakaraan, pinanood ko ulit siya. I
fell in love with the whole story. It makes me beleive that true-love do exist and
it will come in an unexpected time..."
Napangiti ng matipid ang dalaga at nasapo niya ang kanyang dibdib. She blush.
Natuliro naman ng bahagya si Drake at inalala iyong movie. Medyo may tama sa kanya
ang huling sinabi ni Daisy. Tapos, bigla siyang natawa ng mahina kasi may naisip
siya sabay sabing...
"Paborito ko na rin iyong movie na Titanic!" pakli niya.
Natigilan sa pag-e-emote ang dalaga.
"Talaga? Paborito mo na rin? Bakit?" curious niyang tanong.
"May scene kasi doon na sobra akong relate. As in!" excited pang wika ni Drake.
"Anong scene?"
"Iyong sketch session!" mabilis nitong sagot.
Natigilan ang dalaga at namula. Pero bigla siyang natawa at napailing.
"Sira!" natawa niyang pakli.
Uminom na lang ulit siya ng kape at inubos na niya ang natitirang laman ng kanyang
cup.
"Ikaw? Ano ang paborito mong pelikula?" tanong pa niya kay Drake.
"Marami. Mostly ay action. Pinakapaborito kong action na movie ay iyong Pearl
Harbor. Sa Sci-Fi naman ay iyong Armaggedon. Pero mostly na pinapanood ko ay iyong
mga pambata kagaya ng Monster Inc, Toy Story, Tangled, Shrek at iba pang animated
movies... Marami ka kasing matututunan at hindi lang siya ganoon kasimple na
pambata lang talaga. May lalim at meaning ang mga story. May sense of values.
Besides proud akong sabihin na isa akong 'Young at heart person'. Avid fan din ako
ng anime."
Napangiti si Daisy kay Drake. Kapareho pala niya ito ng hilig. Past time niyang
manood ng mga animated movies na pambata at paborito niya ang Toy Story series.
Sobra nga siyang naiyak doon sa huling yugto ng story kasi nag-grown up na si Andy
at kinailangan na nitong ipamigay ang mga laruan nito. At, isa din siyang avid fan
ng anime.
"Sa totoo lang, hindi lang ako ang young at heart sa amin eh.. Mas lalo na ang
bestfriend kong si Blade. Paborito nga noon ang One Piece eh."
"Ako rin, Young at heart person..." natutuwang sang-ayon ng dalaga kay Drake.
Hindi umimik si Drake pero amaze siyang napatingin sa mukha ng dalaga. Nakangiti
ito ng matipid at nanlalalim ang mga biloy nito sa magkabilang pisngi. Bigla tuloy
niyang maalala noong e-sketch siya nito. Ang dumi ng utak niya ng mga panahong iyon
at nagkamali siya ng inisip. Napailing na lang siya at natawa. Naka-relate tuloy
siya ng wala sa oras sa favorite movie nitong Titanic.
Samantala... Galit na nakatingin si Trade sa mukha ng bumihag sa kanya. Nakatali
ang mga kamay niya sa isang kadena at nakasabit siya. Pinipilit niyang makawala
pero makakapal ang mga kadenang iyon na nakakabit sa pader. May hawak itong goblet
na may lamang dugo. Itinaas nito iyon at ininom. Napalunok siya... Nakakaramdam na
siya ng matinding pagkauhaw sa dugo. Kaya nga hindi siya makawala dahil nanghihina
na siya sa gutom. Nangako siya sa kaibigan niyang si Drake na ipagpapatuloy na niya
ang pagbabagong-buhay niya.
"Trade Saunders-ang isa sa apat na Vampire Kings na kinatakutan ng matagal sa
vampire world sa matagal na panahon. At ang kanang-kamay ni Drake Summertime-ang
pinuno at pinakamalakas sa apat na Vampire Kings. Ang half-breed vampire na tumapos
sa limang Vampire Lords ng isang gabi lang. Ang bampirang naging alamat at tumapos
sa aming legacy..."
Isang mapait na ngiti ang sumilay sa labi ni Feister Blaze-isa sa limang vampire
lords. Nakaligtas siya sa nangyaring trahedya noon. At sa limang vampire lords,
siya lang ang nabuhay dahil hindi siya napuruhan. Pasimple niyang sinipat ang pilat
sa kanyang dibdib hanggang sa may tiyan.
"Sobrang tagal nang panahong namuhay ako sa takot mula sa Vampire King na si Drake
Summertime. At kasabay noon ay ang matinding kahihiyang natamo ko. Iniisip kong
namatay na rin sana ako ng mga panahong iyon, pero hindi nangyari. Iyon pala ay
dahil may pagkakataon pa ako para gumanti..." mariin niyang wika.
Tumingala si Trade sa lalaki. Grayish-ash ang kulay ng buhok nito na medyo magulong
tingnan. Brown ang mga mata nito na medyo bilugan at aristokratang tingnan ang
kabuuan ng mukha. Agaw pansin ang pilat nito sa itaas ng kanang-kilay.
"Pabayaan mo na si Drake. Tahimik na ang buhay niya. Matagal nang nangyari ang
bagay na iyon at ng mga panahong iyon, wala siya sa kanyang sarili. Hindi niya alam
ang kanyang ginagawa at hindi niya ginusto ang mga nangyari dahil nilamon siya ng
kadiliman."
"Ako rin, nilalamon ng galit na naipon sa napakatagal na panahon..." bigla namang
wika ni Feister.
Huminga siya ng malalim.
"Mabango ang simoy ng hangin sa lugar na ito. Kaya pala nawili na sa lugar na ito
ang Vampire King... Sana lang, masulit ang pagdayo ko dito. Maiwan na muna kita,
Trade. Kailangan kong hanapin ang iyong kaibigan. Huwag kang mag-alala, ikakamusta
kita sa kanya kapag nagkita kami. Malay mo, magkaroon kayong dalawa ng di
inaasahang reunion..."
"Tumigil ka! Hayaan mo na si Drake!!!..." sigaw ni Trade.
"Hahayaan ko siya kapag nakaganti na ako sa kanya. Diyan ka na, Trade. Huwag kang
mag-alala, si Drake lang ang kailangan ko dahil siya lang naman ang may malaking
atraso sa akin. Pakakawalan din naman kita sa oras na nagawa ko na ang gusto ko. Sa
ngayon, kailangan kitang maging bihag para hindi makatanggi sa aking imbitasyon ang
iyong kaibigan."
Naglakad na paatras si Feister at dahan-dahang naglaho sa kadiliman. Pinilit namang
magpumiglas ni Trade pero hindi siya makawala. Ilang araw na kasi siyang hindi
nakakainom ng dugo kaya wala siyang sapat na lakas.
Samantala... Magkasabay na naglalakad pauwi sina Drake at Daisy. Inihahatid na niya
pauwi ang dalaga.
"Drake, salamat sa oras ah? At thank you ulit kasi hindi mo ako pinagtawanan kanina
doon sa may puntod. Ang laking bagay na may taong naniwala sa akin. Kasi naman,
nabigla talaga ako ng todo noong makita ko ang libingan ng musician na iyon...
Samantalang nakita ko pa siya at nakausap... Anyway, cut na nga ang topic."
Huminga ng malalim si Daisy. Tumingin siya kay Drake na matamang nakatunghay sa
kanyang mukha. Nailang siya at napakunot ang kanyang noo.
"B-Bakit?" nabigla niyang tanong.
"Ako ang dapat na magsapasalamat sa pag-imbita mo sa akin."
"Talaga? Kahit na ikaw ang nanlibre?"
"Wala naman sa akin iyon eh. Sa totoo lang, ngayon lang may nag-invite sa akin para
makausap ako at makasama ng buong-araw. Kaya salamat. Kung pupuwede sana... Maaari
bang ako naman ang mag-invite na lumabas tayo sa susunod na linggo?"
Napakurap ang dalaga at matamang tumingin sa mukha ng kasama niya. Isang alanganing
ngiti ang sumilay sa labi ni Drake.
"Puwede ba?"
"Oo naman. Wala akong dahilan para humindi."
Pasimple nasapo ni Drake ang kanyang dibdib. Nakahinga siya ng maluwag.
"Salamat."
"Wala iyon. Basta sa susunod eh hayaan mo akong ilibre din kita ng foods para hindi
masyadong nakakahiya. Kagaya ngayon, ako ang nagyaya pero ikaw ang nanlibre.
Nahihiya na nga ako sa'yo eh."
Napangiti si Drake.
"Hindi mo kailangang mahiya sa akin. Isa pa, ako ang lalaki kaya dapat ako ang
gumastos kahit na ikaw pa ang nagyaya. Basta hayaan mo lang ako."
Napaisip ang dalaga at natawa ng bahagya.
"Saang century ka ba galing?" pakli na lang niya.
Hindi na lang umimik si Drake pero natawa na lang din siya ng mahina. Iyon nga lang
ay walang kamalay-malay ang dalawa na kanina pa may sumusunod sa kanila.
"Huli ka, Drake Summertime..." nakangiting wika ni Feister.
Samantala.... Pilit na inaalis ni Trade ang mga kadenang nakakabit sa kanyang mga
braso at kamay. Ibinubuhos niya ang kanyang lakas para maputol niya ang mga iyon.
KREEEK!!!... Nabuhayan siya ng marinig niya ang tunog na iyon. Napatingin siya sa
pinanggalingan ng sound na kanyang narinig at nakita niyang nagka-crack ang pader.
Napangiti siya.
"Kaunti na lang, kaya ko ito..."
Muli siyang bumuwelo at malakas na hinila ang mga kadena na nakapulupot sa kanyang
mga braso. Ilang sandali pa ay BAGS! Tuluyan na niyang naalis sa pader ang mga
nakakabit na kadena. Sumubsob si Trade sa sahig at natuwa siya dahil nakawala na
siya. Huminga siya ng malalim para kumuha ng lakas. Ilang sandali ang pinalipas
niya bago siya tumayo. Karay-karay ang mga kadena ay naglakad na siya paalis sa
lugar na iyon. Hindi pa man siya nakakalayo ay sinalubong na siya ng mga
naglalakihang vampire bats.... Mabilis siyang sumugod ng patakbo sa mga ito at....
"HYAAAA!"
Ginamit niyang sandata ang mga kadenang nakapulupot sa kanya. Umikot siya at
iwinasiwas iyon sa mga kalaban at nawarak ang mga katawan nila ng tamaan niya. Ang
mga malalaking vampire bats na iyon ay nilikha mula sa mga bangkay na diniligan ng
dugo ng isang malakas na bampira... Kayang-kaya niya ang mga ito dahil isa siyang
class A+ na vampire. Class S lamang ang mga ito. Nagpatuloy na siya sa paglalakad
para makaalis na siya sa lugar na iyon at mapuntahan si Drake.
Samantala.... Katatapos lang magbihis ng pantulog ni Daisy at pahiga na siya sa
kama. Nakasuot siya ng blue jogging pants na may designs ng heart. Isang simpleng
aquamarine na t-shirt na may logo ng sunflower sa dibdib ang pang-itaas niyang
damit. Nag-inat-inat siya saka siya nahiga sa kama. Bog! Bigla siyang napabalikwas
ng bangon ng marinig niya ang lagabog na iyon. Bigla siyang kinabahan. Mag-isa pa
naman siya sa kanilang bahay ngayon. Naulit ang lagabog at nakita niyang sa may
bintana ng kanyang silid nanggagaling iyon. Out of curiosity ay tuluyan na siyang
bumangon sa pagkakahiga at lakas-loob na naglakad papunta sa may bintana. Nang
tuluyan siyang makarating doon ay tumingin siya sa labas at sa paligid. Wala siyang
nakita na kahit na anong kakaiba.
"Wala naman... Saan kaya nanggagaling iyon?" curious pa niyang tanong.
Dahil hindi siya nakuntento sa kanyang pagsipat sa labas ay binuksan niya ang
bintana. Humangin ng malamig at napahalukipkip siya. Kakaiba ang hangin na iyon...
Ilang beses siyang napakurap ng biglang lumitaw sa harapan niya ang isang
napakaitim na paniki. Tuluyan na iyong pumasok sa kanyang silid at napatanga siya
dahil ang nag-iisang paniki na iyon unti-unting dumami at nagliparan sa paligid.
Umikot ang mga paniki at nagkumpulan sa may tabi ng bintana at isang nakakakilabot
na malamig na hangin ang namayani sa silid.
Nasapo niya ang kanyang bibig at tuluyan na siyang natuliro ng unti-unting mabuo
ang bulto ng isang tao sa kumpol ng mga paniki. At habang lumilitaw ito ay nawawala
na ang mga paniki. Bumaliktad na yata ang sikmura niya sa nerbiyos at nahirapan na
siyang huminga. Bigla din siyang pinagpawisan ng malamig. Napakalamig at hindi na
siya makaramdam dahil bigla na yatang namanhid ang buo niyang katawan.
Napakurap siya at nalantad sa kanya ang isang lalaking may matangkad at may
maputlang-balat. Kasing-putla ng balat ni Drake. Nakasuot ito ng all black attire-
itim na simpleng t-shirt, maong na pantalon at sapatos. Naka-braid ang mahaba
nitong buhok at nakasabog ng bahagya sa mukha nito ang strands ng bangs nito.
Pasimpleng itinabing ng lalaki ang bangs nito at ngumiti ng matipid sa kanya. Agaw-
pansin ang pilat nito sa mukha na nasa itaas ng kanan nitong kilay. Mukha iyong
bakas ng kalmot ng kuko.
"Pasensiya ka na, Milady kung natakot ka sa aking pagdating..."
Hindi makapagsalita ang dalaga pero nagawa niyang umatras. Naglakad naman pasulong
ang lalaki at matamang tumingin sa kanya. Napaatras ulit siya.
"B-Bampira..."
Tila nakahinga siya ng mabanggit niya ang salitang iyon pero lalo lang siyang
nilukuban ng takot. Ilang beses siyang kumurap. Hindi siya nananaginip, sigurado
siya. Ngumiti ng matipid ang lalaki sa kanya.
"Tama ka, bampira nga ako."
Tug! Tug! Tug! Tug! Halos mabingi na si Daisy sa lakas ng tibok ng puso niya dala
ng matinding takot at kaba. Pakiramdam niya ay nanuyo ang kanyang lalamunan.
Umatras siya at mabilis na pumihit paharap sa may pinto. Balak na niyang umalis sa
kanyang silid ngunit laking gulat niya ng pagpihit niya paharap ay ang bampira ang
nabungaran niya. Bumangga pa nga ang mukha niya sa dibdib nito at natumba siya sa
sahig. Tuliro siyang napatingala. Naglakad palapit sa kanya ang lalaki at umusod
siya palayo pero naabutan pa rin siya nito. Yumuko ito at mabilis na hinila ang
kanyang kanang-kamay at napatayo siya ng wala sa oras. Titig na titig siya sa mukha
ng nilalang na nasa kanyang harapan. Hindi siya makapaniwala. Ang lamig ng kamay
nito. Di pa rin niya magawang magsalita dahil sa sobrang pagkabigla... Na-shock
siya ng sobra.
Napakislot siya ng hapitin siya ng lalaki sa kanyang baywang.
"Sasama ka sa akin at malugod kitang tatanggapin bilang panauhin..."
Marahang idinantay ng lalaki ang mga kanang-kamay nito sa kanyang mga mata. Kusa
siyang napapikit at pagkatapos noon ay hindi na niya alam ang nangyari. Kasabay
kasi ng pagdilim ng kanyang paningin ay ang pagdilim na rin ng kanyang diwa. Isang
ngiti ng tagumpay ang namutawi sa labi ni Feister. Pasimple niyang hinaplos ang
mukha ng babaing karga niya.
"Ngayong nasa akin ka na, tiyak wala nang rason pa si Drake para hindi niya ako
puntahan."
Huminga siya ng malalim. Naalala niya, masaya itong nakikipag-usap kay Drake
kanina. Pero bakit ganoon? Bakit nang makita siya nito ay ganoon na lamang ang
takot nito sa kanya? Samantalang kay Drake, hindi?!
Napakunot-noo si Drake ng makita niya si Blade sa sala na mahimbing na natutulog sa
sofa. Medyo madumi ito. Kasalukuyang nanonood ng pelikula si Hunter.
"Anong nangyari kay Blade?" tanong niya.
"Tulog, kasi may tama." maiksi nitong sagot.
"Ows? Dati namang may tama ang utak ng isang ito ah?" untag niya.
"Pumunta daw siya kanina sa isang Bazaar. Tapos, naki-free-taste siya kanina ng mga
alak kaya lumala ang tama. Headline siya sa news kanina kasi nag-trip siyang
sumayaw sa gitna ng kalsada. Mabuti na lang at naisipan pa niyang takpan ng cap ang
kalahati ng mukha niya."
Napahalukipkip si Drake at amaze na napatingin kay Hunter.
"Paano mo naman nalaman ang lahat ng info na iyan?"
"Tinanong ko si Blade. Sumasagot naman kahit tulog eh." nakangiting wika ni Hunter.
"Abuwisit ak pa! Ang lakas nga ng tama!"
Tumawa siya at nahawa si Hunter sa kanya.
"Saan ka naman galing? Bakit ang saya-saya mo?" usisa ni Hunter sa kanya.
"Lumabas kami ni Daisy, nagpasama siya sa akin sa puntod ni Guiseppe. Nakita pala
niya ito ng isang linggo. Alam mo na... Kaya nga nawindang siya ng todo ng makita
niya iyong libingan. Hindi na lang ako umimik. Tapos, namasyal na rin kami ng
buong-araw. At salamat sa kanya kasi madami akong nalaman tungkol kay Erein. Kahit
papaano ay nabawasan na ng tuluyan ang burden ko. Naging maayos naman pala siya
pagkatapos ng lahat. Nakahinga na ako ng maluwag."
Isang nakakalokong ngisi ang namutawi sa labi ni Hunter.
"Eh di nagdate pala kayo?"
Namula si Drake at natigilan.
"Hindi ah!"
"Asus!"
"Huwag mo nga akong itulad sa'yo na galing sa date."
Namula si Hunter pero hindi nawala ang nakakalokong ngiti sa labi nito.
"Hindi ko ide-deny iyon. Ano bang masama eh kami na nga ni Serene, di ba? Kaya
ikaw, huwag ka na ngang pasimple diyan."
"Ewan ko sa'yo! Abuwisit ak pa! Iwan na kita at magbibihis lang ako."
Naglakad na paalis si Drake at pumanhik na papunta sa kanyang silid. Napailing na
lang si Hunter at pasimpleng napahawak sa punong-baba niya.
Patuloy siya sa panonood ng pelikula ng makarinig siya ng sunud-sunod na katok sa
may pinto. Tumayo siya agad para buksan iyon. Halos gibain na kung sino mang
kumakatok ang pinto ng bahay. Pagkabukas niya ng pinto ay nagulat siya at bahagya
siyang napaatras.
"S-Si Drake...?" nanghihinang wika ni Trade.
Natumba siya at agad naman siyang sinalo ni Hunter. Ipinasok niya ang nanghihinang
binata sa loob at agad na pinaupo sa pang-isahang sofa.
"Ayos ka lang? Anong nangyari?" sunud-sunod na tanong ni Hunter.
Puno ng galos ang katawan ni Trade. Inalis ni Hunter ang mga kadenang nakapulupot
sa mga braso nito at kamay.
"DRAKE!!!!!..." ang malakas na tawag ni Hunter sa kaibigan.
Pagkatawag niya ay nagkukumahog na bumaba si Drake sa may hagdan. Kasalukuyan
nitong isinusuot ang puting-sando. Naka-basketball shorts ito ng itim at naka-
tsinelas.
"Bakit ba ang ingay mo-"
Hindi na naituloy ni Drake ang sunod niyang sasabihin ng makita niya si Trade. Agad
siyang lumapit sa kinaroroonan nito. Sinipat niya ang kanyang kaibigan, nanghihina
ito. Hindi na siya nagsalita, agad siyang pumanhik pabalik ng kanyang silid.
Pagdating sa kanyang kuwarto ay kumuha siya ng tatlong-blood-bag mula sa freezer na
naroon. Pagkakuha sa kanyang kailangan ay agad siyang bumaba. Dinaluhan niya ang
kanyang kaibigan.
"Inumin mo ito para lumakas ka."
Binuksan niya ang takip ng blood-bag at agad na ipinainom ang dugo sa kanyang
kaibigan. Nabuhayan si Trade ng malasahan niya ang dugo sa kanyang bibig. Sumimsim
siya hanggang sa maubos niya ang laman ng blood-bag. Naramdaman niya ang pagbabalik
ng kanyang lakas. Ngunit gutom pa rin siya. Kinuha niya kay Drake ang dalawa pang
blood-bag at agad niyang binuksan ang mga iyon para inumin ang laman. Gutom na
gutom siyang talaga. Matapos niyang makainom ay huminga siya ng maraming beses.
"Anong nangyari sa'yo?" nag-aalalang tanong ni Drake.
Seryosong napatingin si Trade sa mukha ng kanyang kaibigan. Nanatili namang tahimik
si Hunter.
"N-Nandito si Feister Blaze... Kinidnap niya ako doon sa huling concert na
itinanghal namin at nalaman tuloy niya na nandito ka sa Pilipinas... Nanghina ako
ng husto dahil may ipinainom siyang gamot sa akin na nakakapagparalisa ng buong
katawan. At simula ng maging bihag niya ako, hindi na ako nakainom ng dugo kaya
lalo akong humina dahil sa gutom..." kuwento ni Trade.
Napakunot-noo naman si Drake sa kanyang mga narinig.
"F-Feister Blaze?" maang niyang tanong.
Huminga ng malalim si Trade.
"Isa siya sa limang Vampire Lords na tinapos mo nang gabi ng blood moon. Iyon ay
nang maging bampira ka. Matagal ka na pala niyang hinahanap para gantihan. At heto
na nga siya..."
Napalunok si Drake at mariing napapikit. Pilit niyang inaalala ang pangyayari noong
blood moon. Pero blangko ang nakikita niya sa utak niya. Wala talaga siyang
matandaan sa mga nangyari at hindi niya alam kung ano ang kanyang mga nagawa nang
magwala siya. Napahinga siya ng marahas at napailing.
Biglang nag-ring ang kanyang cellphone at agad niya iyong kinuha sa kanyang bulsa.
Pasimple muna siyang sumulyap kay Blade. Ang himbing ng tulog nito. Tiningnan na
niya ang kanyang cellphone at medyo nagtaka siya ng makita niyang si Daisy ang
tumatawag. Ni minsan ay hindi pa siya nito tinawagan. Hanggang text lang. Sinagot
na niya ang tawag.
"Hello?" casual niyang wika.
Wala siyang narinig na sagot kundi isang nakakabinging katahimikan. Nanuyo bigla
ang kanyang lalamunan at isang hinala ang namuo sa kanyang utak. Huwag naman sana!
"Hello?" nag-aalala niyang wika.
"Hmm... Kamusta ka, Drake Summertime." boses ng isang lalaki.
Nakaramdam si Drake ng matinding kaba sa sandaling ito.
"Walang-hiya ka! Ako ang kailangan mo! Huwag mong idamay ang kaibigan ko dito!
Huwag mo siyang sasaktan! Dahil sa oras na may ginawa kang masama sa kanya,
makikita mo ang hinahanap mo!" hindi nakapagpigil na wika ni Drake.
Hindi na nagulat pa si Trade sa nasaksihan niyang eksena. Medyo napailing siya
dahil nahuli pala siya. Isang mahina tawa naman ang narinig ni Drake mula sa
kabilang linya.
"Wooh, nakakatakot. Walang mangyayaring masama sa kaibigan mo kung pupuntahan mo
ako. Gusto ko, ikaw lang ang pumunta nang mag-isa. Kung hindi, baka maisipan kong
gawing isa ding bampira ang babaing bisita ko. Sayang naman kasi kung papatayin ko
lang siya."
"Okitnam!" gigil na wika ni Drake.
"Mag-isa ka lang na pumunta. Alam kong sa mga oras na ito, kasama mo na ang iyong
kaibigang si Trade. Pakikamusta mo ako sa kanya at sabihin mong huwag siyang
mangingialam sa problema nating dalawa."
Gigil na gigil si Drake sa mga sandaling ito. Nagtiim ang kanyang mga bagang. Halos
mabali na ang kanyang mga ngipin.
"Naiintindihan ko." maikli niyang wika.
Pagkatapos noon ay sinabi sa kanya ng lalaki ang lugar na kailangan niyang
puntahan. Ini-end na nito ang tawag. Maraming beses na huminga ng malalim si Drake.
Hindi pa siya handang magpakilala ng lubusan kay Daisy. Ano na lang ang sasabihin
nito kapag nalaman nitong siya ang lalaking nang-iwan sa Lola nito? At ano ang
magiging reaksyon nito kapag nalaman nitong isa siyang bampira? Heto na naman,
nilulukuban na siya ng takot pero wala siyang magagawa. Mas mahalaga sa kanya ang
iligtas ito. Bakit ngayon pa? Bakit ngayong pang ka-close na niya ito?! Napapikit
siya ng mariin. Walang siyang choice.
"Kaya ko na ang lakad na ito. Hindi niyo ako kailangang tulungan. Isang bampira
lang naman ang kalaban." maikli niyang wika.
"Sige, mag-ingat ka." sagot ni Hunter.
Nagtatakang napatingin si Trade sa mukha ng dalawa.
"Hunter..?!"
"Huwag kang mag-alala, Trade. Kayang-kaya ni Drake ang laban na ito. Mas lumakas pa
siya kumpara sa dati. Dito ka lang at magpahinga. Kailangan mong makabawi ng lakas.
Hayaan mo na si Drake."
Tumingin ng mariin si Trade kay Drake.
"Tumawag ka kung kailangan mo ng tulong." sagot na lang niya.
"Salamat." maiksing wika ni Drake.
Samantala... Nagising na si Daisy sa mahimbing niyang idlip. Napahikab siya at
tumingin sa paligid. Nakahiga siya sa isang malambot na kama na katamtaman lang ang
laki. Tumingin siya sa paligid, luma na ang silid na kinaroroonan niya. Saka niya
naalala ang mga nangyari.
"H-Hindi pala bangungot iyon!" napalunok niyang wika.
Mabilis siyang bumangon at agad na nagtungo sa may pinto. Pinihit niya ang seradura
ngunit lock iyon mula sa labas. Gusto sana niyang katukin ang pinto pero baka
dumating doon iyong bampirang dumukot sa kanya. Napalunok siya sa isiping iyon.
Nagmasid siya sa paligid at nakita niya ang isang malaking hanging cabinet sa
gilid. Tumingala siya, walang kisame at kakasya siya sa siwang ng bubong na nasa
itaas. Binuksan niya ang cabinet at tumuntong siya sa mga kahoy. Lumangitngit iyon.
"Huwag kang bibigay..." mahina niyang wika.
Nagpatuloy siya sa pag-akyat hanggang sa makarating siya sa tuktok ng hanging
cabinet. Marahan siyang pumunta sa may siwang ngunit laking gulat niya ng makita
niyang wala siyang puwedeng tungtungan para makababa. Sa tantiya niya ay nasa
ikalawang-palapag siya ng isang lumang bahay.
"P-Paano na?" naiiyak niyang wika.
Labag man sa kanyang kalooban ay napilitan siyang bumaba pabalik sa silid na
kinaroroonan niya. Hindi naman kasi siya pupuwedeng tumalon mula sa kinaroroonan
niya. Suicide na iyon. Muling lumangitngit ang mga lumang kahoy ng cabinet.
Nakarinig siya ng.. Kreeeek! Nanlaki ang mga mata niya ng bumigay ang kahoy na
tinutungtungan ng kanyang kanang-paa. Tuluyan na niyang naramdaman ang kanyang
katawan sa ere. Medyo mataas pa ang kinaroroonan niya at alam niyang babagsak siya.
Tiyak na masakit iyon! Mariin siyang pumikit. Tila naging slowmo ang lahat...
Napabuka ang labi niya ng maramdaman niyang may sumalo sa kanya at hindi siya
tuluyang bumagsak sa sahig. Pero lalo lang nadagdagan ang kabang nararamdaman niya
dahil alam niya kung sino ang tumulong sa kanya. Hindi rin niya alam kung dapat
niya itong pasalamatan.
"Mukhang sinubukan mong tumakas. Matapang ka pala."
Ibinaba siya nito at mabilis siyang umatras palayo.
"Ano bang kailangan mo sa akin?" lakas-loob niyang tanong.
Ngumiti ng matipid ang lalaki sa kanya.
"Ako si Feister Blaze, isang former Vampire Lord. At kailangan ko sa'yo? Puwes,
ikaw ang gagamitin kong pain para puntahan ako ni Drake. Gusto ko siyang gantihan."
Nalilitong napatingin ang dalaga sa kay Feister. Ipinagpatuloy nito ang
pagsasalita.
"Malaki ang atraso sa akin ng Vampire King na si Drake Summertime. Kaya nga nag-
aksaya ako ng panahon at oras para hanapin siya."
Napailing si Daisy at hindi makapaniwala sa kanyang mga narinig.
"Teka lang, teka lang... Vampire King..? Si Drake, isang bampira? Niloloko mo ba
ako?!" di makapaniwala niyang wika.
Nagsalubong ang mga kilay ng kanyang kaharap at sa isang iglap lang ay nakalapit na
agad ito sa kanya. Gulat siyang napaatras pero bumangga ang kanyang likod sa
cabinet. Napalunok siya.
"Sa tingin mo, nagbibiro ako? Isang bampira si Drake Summertime. Huwag mong
sabihing hindi mo alam ang bagay na iyon?" may halong sarkasmo ang huling sinabi ni
Feister.
"Hindi ako naniniwala sa'yo. Kung bampira si Drake, bakit may repleksyon siya sa
salamin?"
"Dahil isa siyang half-breed vampire. Dati siyang tao na ginawang bampira. Mayroon
siyang buhay na kaluluwa hindi kagaya ng sa akin na isang pure-blood vampire. Patay
ang aking kaluluwa kaya mas higit ang pangangailangan ko sa dugo ng tao."
Napalunok siya ng marinig niya ang huling salitang sinabi ng lalaki. Iyon nga lang
ay hindi pa rin siya kumbinsido na isa ngang bampira si Drake.
"Kung talagang bampira si Drake, bakit nakakalakad siya sa sikat ng araw?" matapang
niyang tanong.
Nagulat siya ng hawakan ng lalaki ang punong-baba niya. Halata sa mukha nito ang
pagkagulat. Hindi nito inaasahan ang kanyang sinabi.
"Kung totoo man iyang sinasabi mo, puwes hindi pa rin magbabago ang sinasabi ko
sa'yo. Bampira si Drake. Hindi ko alam kung paano nangyari ang bagay na iyon!
Bakit, gaano mo na ba katagal kakilala si Drake Summertime?!"
Hindi siya umimik. Bago pa lang niyang kakilala si Drake kaya walang siyang
masyadong alam tungkol dito. Binitiwan na ng lalaki ang punong-baba niya at
nakahinga siya ng maluwag.
Samantala, nakarating na si Drake sa bungad ng isang napakalumang sementeryo na
napabayaan na. Sa dulo ng sementeryo ay nakikita niya ang tuktok ng bubong ng isang
napakalumang-bahay-kastila. Naroon ang kailangan niya. Pagpasok pa lang niya sa
bungad ng sementeryo ay sinalubong na siya ng tatlong naglalakihang vampire bats.
Mga bangkay ng tao na pinatakan ng dugo ng isang pure-breed na vampire. Mainit ang
ulo niya ngayon at walang sinumang mang puwedeng humarang sa kanyang daan. Iniumang
niya ang kanyang mga kuko at patakbong sumugod sa mga ito.
Sinalubong ng mga kalaban ang kanyang pagsugod.
"HYAAAA! CRASH CLAW!!!!!...."
Tila napunit na mga papel ang tatlong vampire bats na sumugod sa kanya. Nagpatuloy
siya sa pagtakbo papunta sa lumang bahay at patuloy din ang pagsugod ng mga alagad
ng kalaban sa kanya. Nagtatalsikan ang maraming dugo sa kanyang katawan at maging
ang kanyang mukha ay nabahiran na rin.
Samantala... Napangiti si Feister ng marinig niya ang ingay ng kaguluhan sa labas.
Tumingin siya ng makahulugan sa kasama niya.
"Ngayon, mapapatunayan ko sa'yo na isang halimaw ang kaibigan mo. Tingnan mo ang
nangyayari sa labas!"
Mabilis na hinila ni Feister ang kamay ng dalaga at wala itong nagawa kundi ang
mapasunod sa kanya. Nagtungo sila sa malaking bintana ng silid. Binuksan iyon ni
Feister. Gulat na natigilan si Daisy ng makita niya si Drake na paparating.
Sinusugod ito ng napakaraming vampire bats na malalaki. Pero ang lahat ng iyon,
namamatay ng walang-anuman sa mga matatalas nitong kuko. Nababalot na ang malaking
bahagi ng katawan nito ng dugo. Napaatras siya sapo ang kanyang dibdib. 'Bampira
nga si Drake!'
Napaangat naman ng tingin si Drake ng tuluyan na siyang makalapit sa bahay. Nakita
niya ang isang lalaki na nakatunghay sa bintana ng isang silid. Nakangiti ito sa
kanya. Hindi niya ito matandaan. Mabilis siyang tumalon at agad na sumugod sa
lalaki. Isang malakas na suntok ang pinakawalan niya. Tumilapon ito at nawasak ang
dingding ng bahay. Agad niya itong sinundan. Bago pa ito makabangon ay agad niyang
dinaklot ang kuwelyo ng damit nito at iniumang ang kanyang mga kuko.
"Walang-hiya kang buwiset ka! Idinamay mo pa sa galit mo sa akin ang mga kaibigan
ko! Makikita mong hinahanap mo!"
Pero imbes na matakot si Feister ay nagawa pa nitong ngumiti kay Drake.
"Sige! Ipakita mo kung paano ka maging halimaw! Ipakita mo ang totoong ikaw!"
Natigilan si Drake sa sinabi ng lalaki at napatingin sa buong paligid. Nanuyo ang
lalamunan niya ng makita niya si Daisy sa sulok ng kabilang silid na matamang
nakatingin sa kanya. Nakatuon ang paningin nito sa kanyang mga kuko. Sinamantala ni
Feister ang pagkakataon, pinahaba niya ang kanyang mga kuko at itinusok iyon sa
dibdib ni Drake.
"Arrrrgh!"
Lalo niyang ibinaon ang kanyang kuko sa puso nito. Umagos ang maraming dugo at
natumba ang lalaki. Bumangon naman siya at tumunghay sa dating Vampire King.
"Ngayon, nakabawi na ako sa ginawa mo sa akin. Ganyang-ganyan ang ginawa mo sa akin
noon. Ibinaon mo ang iyong mga kuko sa aking puso hanggang sa manghina ako at
mawalan ng malay."
Sinapo ni Drake ang kanyang dibdib. Ang akala siguro ng lalaking kaharap niya ay
manghihina siya sa ginawa nito. Isa iyong pagkakamali.
"N-Ngayong nakaganti ka na sa akin... Ano, di ang saya mo na?"
Inis na hinila ni Feister ang buhok ni Drake at ipinaharap ang mukha nito sa kanya.
"Tama ka! Muntik mo na nga akong tinapos, sinira mo pa ang buhay ko! Buong-buhay
ko, namuhay ako sa kahihiyan ng dahil sa'yo! Ako na dating kinikilala at
tinitingala sa mataas na lipunan ng Vampire World, pinabagsak mo sa isang iglap
lang! Kinuha mo ang lahat sa akin!"
Mas diniinan niya ang pagsabunot kay Drake pero laking gulat niya ng hawakan nito
ng mahigpit ang kanyang kamay at pinisil nito iyon.
"URGH!"
Nabitawan niya ang buhok ni Drake at tuliro siyang napatingin dito. Tumayo ito na
parang walang natamong pinsala sa katawan. Marahas nitong binitiwan ang kanyang
kamay pero agad din naman nitong dinaklot ang kanyang leeg. Isang malakas na suntok
sa sikmura ang ipinadapo nito sa kanya. Hindi lang isang beses, kundi maraming
ulit.
"Kapag nakaganti ka ba sa akin, maibabalik na ba lahat ang mga nawala sa'yo? Siguro
nga, malaki ang bahagi ko sa kinahinatnan mo ngayon. Pero ang total na may
kasalanan kung bakit ka miserable at namumuhay sa takot ay walang iba kundi ang
sarili mo mismo. Hindi ka nag-move on. Hindi mo sinubukang makabangon mula sa
pagkakalugmok mo, pinanatili mo ang sarili mo nang ganyan. Kaya bakit ako ang
sisisihin mo sa lahat kung hindi ka ba naman talaga tanga?!"
Natigilan si Feister at matamang tumingin sa mukha ni Drake. Tila natauhan siya sa
kanyang mga narinig. May punto ito, malaki.
"Bakit ka umalis sa Vampire World at hindi na tuluyang nagbalik doon?"
Lumuwag ang hawak ni Drake sa kanyang leeg at bigla siya nitong binitiwan. Natumba
siya at sinapo ang kanyang sikmura.
"Lumayo ako sa Vampire World dahil alam kong hindi ako isang halimaw. Lumayo ako
doon dahil alam kong hinding-hindi ako magiging masaya sa lugar na iyon kahit nasa
akin na ang lahat. Tinulungan ko ang sarili ko na magbago at huwag malugmok sa
pagiging miserable. Hindi kagaya mo, inilubog mo lang ang sarili mo sa kumunoy ng
takot na nilikha mo mismo. Duwag ka! Ginawa mo akong dahilan sa lahat ng ito!"
Isang malakas na suntok sa mukha ang iginawad ni Drake sa lalaki at muntikan nang
masira ang sahig. Dumugo ang labi ni Feister. Ramdam niya ang kakaibang lakas ni
Drake. Alam niyang nagkokontrol lang ito. Dahil kung tutuusin, kayang-kaya siya
nitong tapusin sa isang iglap lang ngayon na mismo. Lumakas ito ng mahigit sa
sampung-beses kaysa sa dati.
"Umalis ka na ngayon. Huwag ka nang babalik dito dahil sa susunod na makita kita,
talagang papatayin kita. Bibigyan kita ng pagkakataong magbago. Tulungan mo ang
sarili mo." mariing wika ni Drake.
Naririnig at nakikita naman ni Daisy ang lahat. Imbes na matakot ay nakaramdam siya
ng paghanga kay Drake. Huminga siya ng malalim. Hindi kagaya kay Feister, wala
siyang nararamdamang kaba at takot dito.
Natuliro naman si Feister matapos niyang marinig ang mga sinabi ni Drake. Pinunasan
niya ang kanyang labi na nagdugo pero pagkatapos noon ay napaiyak siya.
"S-Salamat... At patawad sa gulong nagawa ko."
"Oo na! Lumayas ka na ngayon na! Okitnam one milyon times! Buwiset! ALIS!!!!..."
Dahil doon ay nagkukumahog na tumayo si Feister at agad na umalis sa lugar. Naglaho
ito sa kadiliman. Natakot ito kay Drake kasi seryoso ang banta nito sa kanya. Agad
naman na lumapit si Drake kay Daisy na nakatayo sa may sulok.
"P-Pasensiya ka na kung nadamay ka sa gulong ito. Naiintindihan ko kung hindi ka na
lalapit sa akin. Hindi na ako magkakaila, vampire nga ako..."
Amaze naman na napatingin si Daisy kay Drake. Curious niyang hinaplos ang pisngi ng
binata. Malamig.
"G-Grabe, vampire ka nga!"
Hindi umimik si Drake. Nakakadama kasi siya ng takot at alinlangan.
"Ang cool nito! Ako, may kaibigang vampire?! Astig!" bulalas pa ng dalaga.
"H-Ha?!" gulat na react ni Drake.
Hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig.
"H-Hindi ka natatakot sa akin?" amaze niyang tanong.
Ngumiti si Daisy sa kanya at kinurot ng bahagya ang kanan niyang pisngi.
"Di ba sabi ko sa'yo kapag ikaw ang isang vampire, hindi ako matatakot? Nakakatuwa
ka kaya!"
Nakahinga ng maluwag si Drake sa kanyang narinig at natuwa siya ng husto.
"Salamat naman." relief niyang wika.
Pagkatapos noon ay muli siyang nagseryoso. Isang desisyon ang kanyang nabuo. Total
ay alam na nito ang lihim ng kanyang pagkatao, kailangan na niyang lubus-lubusin
ang pagpapakilala. Bahala na!
"Bukod sa isa nga talaga akong vampire, may gusto pa akong ipagtapat sa'yo..."
seryoso niyang wika.
Natigilan si Daisy at matamang tumitig sa mukha ni Drake.
"Ano?" curious niyang tanong.
"Ako talaga iyong lalaking nang-iwan sa Lola Erein mo. Ako talaga iyong jerk na
Drake Summertime na sinasabi mo."
PAK! Dahil sa pagkabigla ay malakas na sinampal ni Daisy ang mukha ni Drake.
Napahawak naman sa kanyang panga ang huli. Na-dislocate na yata? Guilty siyang
humarap dito.
"Kaya ko siya iniwan ay dahil sa hindi ko siya mahal. Mahal ko si Erein at matagal
kong pinagsisisihan ang ginawa kong pag-iwan sa kanya ng walang paalam. Iniwan ko
siya kasi natakot ako na baka hindi niya ako matanggap bilang ako... Na isa akong
bampira. Ang dami kong dilemma ng mga panahong iyon. Natakot akong ma-reject."
paliwanag pa ni Drake.
Huminga ng malalim si Daisy. Ngayon alam na niya ang rason kung bakit tanong ito ng
tanong tungkol sa kanyang Lola Erein.
"Hindi ka sa akin dapat humingi ng sorry tungkol sa bagay na iyan. Kay Lola Erein
ka may atraso. Puwede kitang samahan sa puntod niya kung gusto mo... Sa kanya ka
mag-explain."
Napakurap si Drake.
"T-Talaga?!"
"Oo naman. Maririnig ka naman niya siguro kahit na malayo na siya. Hindi ko pa rin
babawiin iyong sinabi ko sa'yo na isa kang Jerk. Dapat kasi binigyan mo muna ng
chance ang Lola ko bago ka natakot. Hinusgahan mo siya agad. Ang sama mo."
Lalong nilamon ng guilt si Drake.
"O-Ouch... Puwedeng sampal na lang kaysa sa sermon?" bigla niyang request.
Isang ngiti lang ang isinukli ng dalaga sa kanya pero hindi na ito nagsalita.
"Sorry kung nadamay ka sa gulo. Mabuti na lang at hindi ka nasaktan. Tuloy pa ba
tayo sa susunod na linggo?" kinakabahan niyang tanong.
"Oo naman. Naka-Oo na ako eh."
"Kung ganoon, balak ko sana na manood tayo ng movie sa araw na iyon. Titanic?"
"Sige, maganda iyon."
Napangiti si Drake sa kanyang narinig. Bigla namang nagseryoso si Daisy at matamang
tumingin sa kanyang mukha.
"Pero curious question, Drake... Nangbibiktima ka ba ng tao para lang makainom ka
ng dugo?" napalunok na tanong ni Daisy.
Nagitla siya ng biglang lumapit si Drake sa kanya at sinipat nito ang kanyang leeg.
Inamoy pa nito iyon.
"Bumibili ako sa blood-bank ng dugo na iniinom ko. Hindi ako nambibiktima ng tao.
Huwag kang mag-alala, ligtas ka sa akin... Hindi naman kasi AB negative ang iyong
dugo kundi type A. Ordinaryo lang..."
Napataas ng kilay ang dalaga at yamot na napatingin sa mukha ng kasama niya. Lumayo
na ito sa kanya.
"Nang-aasar ka?!"
Isang alanganing ngiti ang namutawi sa labi ni Drake at pasimple siyang napakamot
sa kanyang batok.
"Hindi naman..."
"Ang arte-arte mo naman palang bampira. May AB negative ka pang nalalaman. Abuwisit
ak pa! Nang-asar na ito."
"Sorry, di ko sinasadya."
"Okay, fine. Umuwi na nga lang tayo, gusto ko nang matulog. Anong oras na...?"
Tapos biglang may naalala ang dalaga. Alanganin siyang tumingin kay Drake.
"May problema ba?"
"H-Hindi na ba talaga babalik ang bampirang iyon?"
"Huwag kang mag-alala, di na babalik iyon. Patay siya sa akin kapag nagpakita ulit
siya."
"Whew, salamat naman. Sana lang, lahat ng bampira katulad mo para hindi
nakakatakot!"
Natawa ng mahina si Drake.
"Salamat. Ituturing ko iyan bilang isang compliment."
Umalis na sila sa lugar na iyon. Tiyak ni Drake na hindi na babalik pa ulit si
Feister. Bukod sa ginising na niya ito para matauhan eh tutuluyan talaga niya ang
lalaking iyon kapag nagpakita pa ulit.
**************************************
#Proud to be Young at Heart.

30. The Island

"The
Island"

Kasalukuyang nakaupo si Blade sa sala at busy sa pagbabasa ng diyaryo. Nakaligo na


siya at nakapagbihis na. Wala na rin siyang tama. Si Trade naman ay naliligo sa
banyo, pinahiram niya ito ng damit na maisusuot at si Hunter, busy sa pagluluto ng
pagkain sa kusina. Nanghihina pa kasi si Trade at kailangan pa nitong kumain. Kaya
naisipan nilang lahat na mag-midnight snack na lang. Dumating na si Drake.
Pagkabukas niya ng pinto ng bahay ay agad siyang pumasok.
"Nandito na ako." mahina niyang wika.
"Hmm... Mabuti naman nandito ka na."
Ibinaba ni Blade ang binabasa niyang libro. Laking-gulat niya ng makita niya ang
itsura ni Drake. Puno ito ng dugo sa katawan at nakita niyang may tama ito sa
dibdib. Medyo tumutulo pa kasi ang dugo doon. Magulo ang buhok nito at nakatakip
ang sala-salabit nitong bangs sa kalahati ng mukha. Agad na tumayo si Blade at
naglakad palapit sa kanyang kaibigan.
"Nalase, ayos ka lang?" nag-aalala niyang tanong sa kanyang kaibigan.
Isang mahinang tango ang isinagot ni Drake sa kanya.
"Sigurado ka? May tama ang puso mo ah?!" untag pa ni Blade.
Biglang yumugyog ng mahina ang mga balikat ni Drake. Unti-unting gumuhit sa labi
nito ang isang ngiti at tumawa ng mahina.
"T-Tama ka, may tama nga ang puso ko. Matindi!"
"Animal!" gulat na bulalas ni Blade.
Paano naman siya hindi magugulat eh mukhang masayang-masaya pa ang kanyang kaibigan
sa kabila ng pinsalang natamo nito?! Napakurap si Blade na napatingin kay Drake at
nang makabawi siya sa pagkabigla ay...
"Anak na lase! Anong matindi ang tama ng puso mo ah? Ambagel kang lase, saltek ka!
Bakit mukha ka pang masaya?!" windang niyang tanong.
Hinawi ni Drake ang sala-salabit niyang bangs sa mukha.
"Bestfriend! Na-kegtot my heart! May tama ang puso ko!" excited na wika ni Drake.
Napangiwi si Blade at napakamot sa kanyang ulo. Ibang tama naman pala sa puso ang
sinasabi ng kanyang kaibigan.
"Abuwisit ak pa!" bulalas na lang niya.
Nilagpasan na ni Drake si Blade at pumanhik na papunta sa kanyang silid. Napakamot
na lang sa kanyang batok ang huli. Mukha ngang ayos lang ang kanyang kaibigan.
Itinuloy na niya ang pagbabasa ng diyaryo. Dumating si Hunter na may dalang tray na
may lamang pagkain. Hot toasted pandesal na may palamang scrambled egg na may
mayonaise at melted cheese. Ang partner nito ay isang mainit na chocolate.
Iinilapag ni Hunter ang dala sa mesa.
"Si Drake, dumating na ba?" sabay upo sa tabi ni Blade.
"Oo. Ayos naman siya. Ayon nga at man-atugerger ang animal!"
Natawa ng mahina si Hunter sa tinuran ni Blade. Dumating na si Trade na bagong ligo
at suot na nito ang mga damit na ipinahiram ni Blade.
"Uy, ano yan?" curious nitong tanong ng makita ang pagkain.
"Pandesal na may palamang scrambled egg na may melted cheese, plus hot chocolate.
Inihanda ko iyan para matikman mo ang aming pinoy breakfast style." proud na wika
ni Hunter.
"W-Wow... Mukhang masarap. Lalo akong ginutom. Anyway, anong klaseng tinapay ang
pandesal?" wika pa ni Trade.
"Salt plus flour equals the tastiest bread in the planet called pandesal."
nakangiting paliwanag naman ni Blade.
Excited na kumuha ng pandesal si Trade at kumagat. Kitang-kitang sa mga mata nito
na nagustuhan nito ang pagkain. Ayon nga at panay na ang kagat sa hawak nitong
tinapay. Kumain na rin sina Blade at Hunter. Ilang sandali lang ay dumating na si
Drake. Bagong ligo ito at nakabihis na. May benda na rin ito sa may dibdib. Ang
banyo sa itaas ang ginamit nito. Pumunta ito sa kanila at agad na kumuha ng
pandesal. Napatigil naman sa akmang pagkagat sa pagkain si Trade ng makita niya ang
benda sa dibdib ng kanyang kaibigan.
"Ayos ka lang?" nag-aalala niyang tanong.
Ngumiti ng matipid si Drake sa kanya.
"Yah." maikli nitong sagot.
Nawindang si Trade ng makita niya ang kakaibang ngiti na sumilay sa labi ng kanyang
kaibigan. Iba ito doon sa dating ngiti nito na nakikita niya.
"S-Sigurado ka?" gulat pa niyang tanong.
Kumagat sa pagkain si Drake at hindi na umimik. Hindi naman nakatiis si Blade.
"Huwag ka ngang mag-alala diyan. Ako na ang nagsasabi na okay lang si Drake. Kita
mo nga at man-atugerger pa ang lase. Kumain ka na lang diyan."
Napakunot-noo si Trade.
"M-Man... Man-atugerger..? Ano iyon?"
Kumain muna si Blade at uminom ng mainit na chocolate bago nagsalita.
"Man-atugerger... Ang meaning noon ay ngisay sa kilig. Alam mo iyong si Jollibee na
kinikilig hanggang puwet? Ganoon iyon. Ganyan ang nangyayari diyan kay Drake.
Kinikilig siya hanggang puwet kasi daw na-kegtot ang kanyang heart."
"Na-kegtot ang kanyang heart?"
"In love ang tarantado. Lumundag daw ang kanyang puso. Anak na lase!"
Pagkarinig ni Trade sa lahat ng paliwanag ni Blade ay napangiti siya at amaze na
napatitig kay Drake na busy sa pagkain. Parang hindi siya makapaniwala?! Malaki na
nga ang ipinagbago ni Drake. At mas gusto niya ngayon ang nakikita niyang kaibigan
niya kaysa sa dati. Sana dumating din ang time na ang heart niya, ma-kegtot din
kagaya ng sinasabi nila. Itinuloy na nila ang pagkain at tinanong nila si Drake
kung ano ba talaga ang ang mga nangyari. Pero ang tangi lang nitong sinabi ay
napagbago daw nito si Feister Blaze at siguradong hindi na ito magpapakita pa ulit.
Pero bukod doon ay wala na itong ibinigay na anumang detalye. Matapos nilang kumain
ay nagsipagtulog na silang lahat. Pinahiram muna ng extrang kabaong ni Drake si
Trade.
Kinabukasan ay dinalaw ni Blade si Conrad. Sumabay siya sa pag-uwi kay Rane. Wala
nang lagnat si Conrad pero hindi pa ito pupuwedeng pumasok kasi baka mabinat.
Napangiti siya ng iabot niya ang isang pouch ng holen kay Conrad.
"Sorry ah? Nawala ko kasi iyong mga holen na binili ko noong isang araw. Kaya ayan,
pinalitan ko na lang. Pagaling ka pare ah?"
"Oo ba. Salamat dito sa mga holen!"
Dumating na si Rane dala ang tray na may lamang sandwich at juice. Inilapag niya
iyon sa mesa. Nagring naman ang cellphone ni Blade. Si Drake ang tumatawag. Sinagot
na niya ang tawag.
"Bakit?"
"Nasaan ka na? Ihahatid pa natin sa airport si Trade."
"Nandito lang ako kina Rane. Ibinigay ko lang kay Conrad iyong mga holen na binili
ko para sa kanya. Sige, pupunta na ako."
"Okay."
Ini-end na ni Drake ang tawag. Bumuntung-hininga si Blade at napatingin kay Rane.
"Sorry ah? Kailangan ko nang umalis eh. Ihahatid pa kasi namin si Trade sa airport.
Anyway, salamat dito ah!"
Kinuha ni Blade ang isang sandwich sa tray at mabilis na uminom ng juice. Bago pa
makahuma si Rane ay mabilis na itong nakaalis. Napahalukikip na lang si Rane at
napailing.
"Talagang hindi pinalagpas ang pagkain bago siya umalis." di niya napigilang wika.
Tumawa naman si Conrad at nahawa na lang siya sa kanyang kapatid.
Nang makauwi si Blade sa bahay ay tinulungan niya sina Hunter at Drake na maglagay
sa bagahe ng kung anu-anong souvenir na maiuuwi ni Trade. Nang masiguro nilang okay
na ang lahat ay lumarga na silang lahat papunta sa airport. Panay ang buntung-
hininga ni Trade habang nakatingin kina Blade, Hunter at Drake. Hindi pa niya
gustung umalis pero kailangan na siya sa kanyang trabaho.
"Ayaw ko pa sanang umalis pero alam niyo naman ang sitwasyon ko..." alanganin
niyang wika.
"Huwag kang mag-alala, palagi ka namang welcome sa bahay ko. Dumalaw ka lang kung
kailan mo gusto."
"Salamat, Drake. Masaya talaga ako na okay na okay ka dito. At sa'yo naman,
Blade... Ipapadala ko na lang iyong kapalit nitong mga damit na nahiram ko sa'yo.
Basta, remembrance ko na ito sa'yo ah?"
Ngumiti si Blade.
"Oo ba. Pero puwede bang cash na lang ang ipadala mong kapalit sa akin?"
"H-Ha, bakit naman?"
"Nalase, baka kasi mabuksan ang package mo at ang kahon na lang ang makarating sa
akin ng wala nang laman. Alam mo na, lalo na at signatured clothes pa... Ingatan mo
iyang mga souvenirs na dala mo ah? Huwag mong hayaang masabat. You know what I
mean..."
Napangiti na lang si Trade sa tinuran ni Blade. Nagpaalam na rin siya kay Hunter at
nagpasalamat. Inantay muna nila Blade, Hunter at Drake na makalipad ang sinasakyang
eroplano ni Trade bago sila lumabas sa airport. Nasa bungad na sila ng mag-ring ang
cellphone ni Hunter. Si Zech ang tumatawag. Agad niyang sinagot ang tawag.
"Oh?" sagot ni Hunter.
"Nasaan ba kayo?"
"Nandito kami sa airport. Inihatid lang namin iyong kaibigan ni Drake. Ano ba ang
atin?"
"Pumunta kayo dito sa bahay. Nandito ang tatlong Archangels, sina Gabriel, Raguel
at Cassiel. Kaya balaan mo si Blade na i-zipper muna ang kanyang bibig. Nandito na
rin si Creta at kayo na lang ang kulang."
Napabuntung-hininga si Hunter.
"Sige, pupunta na kami agad diyan."
"Okay, bye."
Ini-end na ni Zech ang tawag. Hinarap na ni Hunter ang kanyang mga kasama.
"Guys, may mission daw tayo sabi ni Zech. Pumunta daw tayo ngayon sa bahay niya. At
ibinilin niya sa akin na balaan daw kita, Blade. I-zipper mo na muna daw iyang
bibig mo kasi nandoon sina Raguel, Gabriel at si Cassiel. Lagot ka kapag nadulas ka
na naman diyan sa mga expression mo."
Ngumiti ng alanganin si Blade at nag-sign na nag-zipper na siya ng kanyang bibig.
Agad na silang nagpunta sa bahay ni Zech. Ano na naman kaya ang kanilang magiging
mission? Medyo naging excited silang lahat dahil matagal-tagal din silang hindi
napasabak sa action. Nang dumating sila ay nadatnan nilang umiinom ng mainit na
tsaa ang tatlong Archangels.
"Mabuti naman at nakarating kayo agad. Maupo na kayong tatlo at nang mai-discuss na
ni Cassiel ang lahat." wika ni Gabriel.
Umupo na silang tatlo. Alanganing napangiti si Blade sa tatlong Archangels kasi
nakatutok ang mga ito sa kanya. Parang naghihintay na madulas siya? Napalunok siya
sa isiping iyon.
"Ano ba ang magiging mission namin?" curious na tanong ni Creta.
Ngumiti si Cassiel ng makahulugan at tumingin sa mukha nilang lahat. Uminom muna
ito ng tsaa bago nagsalita.
"Kailangan niyong tuklasin kung ano ang nakatagong misteryo sa Kaharian ng Everia.
Ang kahariang ito ay isang malawak na isla na matatagpuan sa mundo ng mga Engkanto.
Nagpunta doon si Lolo Gusting kasama ng kanyang kaibigan para kumuha ng halamang
gamot. Isang bata ang kailangan nilang iligtas. Ang problema, hanggang ngayon ay
hindi pa nakakabalik ang dalawang albularyong iyon. Mukhang nahuli na sila." umpisa
ni Cassiel.
"Teka lang, paanong nahuli? Eh di ba, welcome na welcome si Lolo Gusting sa mundo
ng mga Engkanto?" si Drake.
"Oo nga. Pero hindi sa kaharian ng Everia. Simula ng mamatay ang hari ng Everia ay
ipinagbawal na ang pagpasok ng mga kalalakihan sa kahariang iyon. Ang dahilan ay
hindi pa bumabalik ang hukbo ng kanilang mga mandirigma mula sa paghahanap sa mga
tulisang pumatay sa hari. Kinailangan nilang makasiguro sa kaligtasan ng mga
mamamayan ng kaharian lalo pa at babae silang lahat. May mga nasagap akong update
na posibleng patay na ang buong hukbo ng kaharian pero hindi ako naniniwala.
Pinakamagagaling na mga mandirigma ang bumubuo sa buong hukbo ng kaharian ng
Everia. May mga na-update din sa akin na may mga babaing dinadakip at ikinukulong
sa hindi malamang dahilan. Bukod sa kailangan niyong iligtas sina Lolo Gusting at
ang kanyang kaibigan, dapat din ninyong alamin kung ano pa ang mga sekretong
nakatago sa loob ng kaharian..." nakangiting wika ni Cassiel.
Dahil sa narinig ay tila naglakihan ang tenga ng lahat.
"W-Wow... Iyan na yata ang kahariang pinapangarap ko... Papasok tayo sa paraiso ng
kababaihan!" excited na wika ni Creta.
Hindi umimik ang iba. Pero lahat sila, nakangisi ng nakakaloko. May kung anong ini-
imagine sa isipan. Hindi tuloy nila napapansin ang makahulugang tingin ng tatlong
Archangels sa kanila.
"Ang kaharian ng Everia ang maituturing na the best tourist destination sa mundo ng
mga Engkanto. Ang kanilang kakaibang beach ang dinadayo doon dahil gawa iyon sa
pinulbos na pinong kristal na kulay puti. Sagana sa pagkain at kung anu-anong
magagandang lugar ang kaharian ng Everia. Iyon nga lang, mga babae lang ang
pinapayagang bumisita doon. Bawal ang mga lalaki. Kaya para makapasok kayong lahat
doon, gagawan kayo ni Raguel ng Transformation 101!" announcement ni Cassiel.
"TRANSFORMATION 101?!!!!!..." bulalas ng lahat.
Napaurong bigla sina Creta, Drake, Zech at Hunter. Pero si Blade...
"Talaga?! Ngayon na ba ang Transformation 101?! Namiss ko kaya iyan ng todo. Yeah,
magiging maganda ulit ako. Yeheey!"
Napaismid ang apat na kasama ni Blade at yamot na napatingin dito. Ito lang naman
kasi ang masayang-masaya sa mangyayari. Hindi nakatiis si Hunter... Sinapo niya ang
kanyang noo.
"H-Hindi yata ako pupuwede... M-Masakit ang ulo ko eh, may tama ako..."
BAG!
"Ageeeh!!!..." atungal ni Hunter.
Isang malakas na batok ang ipinatama ni Gabriel kay Hunter. Obvious naman kasi na
nag-iinarte lang ito.
"Ayan, totoong may tama ka na. Gusto mo ba ng isa pa?!" iniumang ni Gabriel ang
kamao.
Tumingin ito kina Creta, Zech at Drake. Hindi na umimik ang tatlo.
"Iyon lang ang tanging paraan para makapasok kayo sa kaharian ng Everia. Pupunta
kayo doon bilang mga bisita at nagboluntaryo ang lambana na si Avana na maging
tourguide niyo. Kung natatandaan niyo, siya iyong kaibigan ni Lolo Gusting. Ano,
may reklamo?" pinanlakihan ni Gabriel ng mga mata sina Hunter, Drake, Zech at
Creta.
Pero mas naimbiyerna siya ng mapadako ang tingin niya kay Blade. Excited na excited
kasi ang tarantado. Hindi siya nakatiis at... BAG! Isang malakas na kutos ang
ipinatama niya dito.
"Ageh! Bakit, aken, apay, why?!!!..." reklamo ni Blade.
"Malandi ka kasi. Nakaka-badtrip!"
Magsasalita pa sana si Blade pero pinili na lang niyang takpan ng kanyang mga kamay
ang bibig niya. Sigurado kasi siyang may mababanggit siyang salita na hindi
magugustuhan ng tatlong Archangels.
"Bukas kayo pupunta sa Everia. Long weekend naman ngayon eh dahil holiday sa
monday. At bukas na rin kayo gagawan ng Transformation 101 ni Raguel." wika pa ni
Cassiel.
Nakahinga ng maluwag sina Drake, Hunter, Creta at Zech. At least, bukas pa.
Ikinumpas ni Gabriel ang kanan nitong kamay at sa isang iglap lang ay nagkaroon ng
bracelet sa kanang-braso ang grupo nila Blade. Maang na napatingin ang lahat doon.
"P-Para saan itong mga bracelet namin?" curious na tanong ni Zech.
"Para siguradong sumipot kayo bukas at hindi kayo mang-indiyan. Naniniguro lang. Sa
ayaw at sa gusto niyo, dadalhin kayo ng mga bracelet na iyan sa mundo ng mga
Engkanto kung saan tayo magkikita-kita." wika ni Gabriel.
Napangiwi sina Drake, Zech, Hunter at Creta.
"Alam mo fafa Gabriel, hindi ko na ito kailangan. Siguradong sisipot ako. Ako pa,
eh alam niyo namang hindi ako maarte kagaya ng iba diyan..." wika ni Blade.
Natatawang inalis ni Gabriel ang suot na bracelet ni Blade.
"Yeah! Basta Raguel, ah? Iyong dating size... He he he, alam mo na!"
Napaismid na napatingin kay Blade ang mga kaibigan niya. Natawa naman si Raguel at
napailing na lang.
"Oo ba. Kung gusto mo eh di dadagdagan ko pa!" sutil pa nitong wika.
"Naku, huwag na. Okay na ako doon sa dati. Hindi ko na carry ang extra-large.
Masyado nang mabigat dalhin ang isang iyon. Kuntento na ako sa dati..."
"BADANG!!!..." di nakapagpigil na wika ni Drake.
Hindi niya ma-imagine na magiging babae ulit siya. Iritang-irita nga siya noong
huli eh....
"Bueno, tapos na ang usapan. Aalis na kami. Magkita na lang tayong lahat bukas sa
mundo ng mga engkanto." wika ni Raguel.
Tumayo na ang tatlong Archangels at nagpaalam sa kanilang lahat. Naglaho na sila sa
kawalan. Matapos iyon ay nagkatinginan sina Zech, Hunter, Drake at Creta.
"P-Paano na?" nag-aalalang wika ni Creta.
Isang napakalalim na buntung-hininga ang pinakawalan ni Zech. Itinaas niya ang
kanan niyang kamay para sipatin ang bracelet na ibinigay ni Gabriel.
"Wala tayong choice." napalunok niyang wika.
Napalunok din ang tatlong-lalaki. Si Blade naman, pa-easy-easy lang. Excited pa.
Kinabukasan... Panay ang buntung-hininga nina Hunter, Zech, Drake at Creta habang
nakatingin sa tatlong-Archangels. Nasa mundo na sila ng mga engkanto at nasa bungad
ng daan papunta sa kaharian ng Everia. Si Blade, ayon... Excited! Nakaantabay na
rin si Avana. Siya ang magsisilbi nilang tourguide.
"Talaga bang magiging mga babae sila, Raguel?" hindi nakatiis na tanong ni Avana.
Ngumiti si Raguel ng pilyo at matamang tumunghay sa mukha ng lahat. Hindi maipinta
ang pagmumukha nina Drake, Zech, Creta at Hunter.
"Oo naman. Ikaw ang magsisilbi nilang tourguide sa kaharian ng Everia. Sana lang,
mapadali ang pagliligtas niyo kay Lolo Gusting at sa kanyang kaibigan. Ganoon din
ang pagtuklas niyo sa madilim na sekreto ng kaharian. Kapag nagawa niyo na ang
lahat ng iyon, babalik na kayo sa dati niyong mga anyo. Mawawala na ang bisa ng
Transformation niyo."
"Kung ganoon, simulan na! Para matapos na agad ang kalokohan na ito! Tatapusin ko
agad ang misyon!" wika ni Hunter.
Naglakad palapit sa grupo nila Blade si Raguel.
"Humanda na kayo dahil heto na ang TRANSFORMATION 101 volume III!!!!..."
Matapos noon ay gumamit ng kapangyarihan si Raguel at nabalutan ng makapal na
puting-usok sina Blade, Hunter, Creta, Drake at Zech. Matagal na nanatili ang usok
sa buong paligid. Ilang sandali pa ay unti-unti na iyong nahahawi. Hanggang sa....
"EEEEEEEHHHH!!!!!...."
Umalingawngaw sa paligid ang tili ng mga babae. Nang tuluyan nang humupa ang usok
ay nalantad na ang grupo nila Blade na naging mga babae na. Nakasuot sila ng
maikling shorts na maong at fitted na blouse. Nanginginig si Hunter ng silipin niya
ang loob ng kanyang blouse. Ilang beses na ganoon ang ginawa niya.
"G-Grabeh, m-mayroon na ako..." naiiyak nitong wika.
Kinapa naman nina Creta at Zech ang kanilang mga dibdib pero hindi sila tumingin.
Wala kasi silang lakas ng loob na gawin iyon. Nanghihinang napabuntung-hininga ang
dalawa. Napayuko si Creta at napatingin kay Blade... Tapos, bigla siyang napakunot-
noo kasi mayroon siyang napansin.
"T-Teka lang! Bakit ang lalaki ng kay Blade?!" sabay tingin ng sa kanya.
Ipinagkumpara talaga niya. Mataray na tumingin naman si Blade kay Creta.
"Excuse me, dati nang size ito no. Kung may reklamo ka, di sabihin mo kay fafa
Raguel. Padagdagan mo kung gusto mo. O kaya naman, siksikan na lang ulit natin ng
smidgets! Wa ha ha ha ha!"
"Sheyt! Kuntento na ako dito. At least, hindi nakakasikip sa dibdib! Sa'yong-sayo
na iyang namumutok mong hinaharap!"
Nasapo ni Creta ang kanyang bibig ng makita niya ang warning na tingin ni Gabriel,
Cassiel at Raguel sa kanya. Nadulas siya dahil kay Blade.
"S-Sorry!" alanganin niyang wika..
"Sige, aalis na kami. Good luck sa inyong lahat!" nakangiting wika ni Raguel.
"Bye girls! Magpakabait kayo ah?" wika naman ni Cassiel sabay kindat sa kanila.
Sutil naman na napasipol lang si Gabriel. At dahil doon ay lalong na-frustrate ang
mga kaibigan ni Blade. Naglaho na ang tatlong-Archangels.
"Wow! Ang gaganda niyong lahat. Sinong mag-aakala na mga totoo talaga kayong
lalaki? Tiyak na marami ang mabibiktima sa inyong mga kagandahan!" tuwang wika ni
Avana.
Lumipad siya sa paligid at sinipat ang bagong anyo ng mga lalaki na naging mga
babae na.
"Naku, huwag mo na ngang ipaalala at nafru-frustrate kaming lahat. Si Blade lang
naman ang masaya dito eh!" pakli ni Hunter.
"Tara na! Lumakad na tayo para makapagsimula na kami sa aming trabaho at bumalik na
agad kami sa totoo naming pagkatao. Ang hirap ng ganito, naiirita ako ng husto
dahil may hinaharap na ako. Ganito pala ang feeling. Sheyt talaga!"
Nagpatiuna na sa paglalakad si Creta at walang-imik na sumunod ang iba. Maliban kay
Blade..
"Tara na girls! Maghasik na tayo ng kagandahan!"
Samantala.... Nakakulong sa isang madilim na dungeon si Lolo Gusting kasama ng
kaibigan niyang albularyo din na si Lolo Insyong. Hindi mababakas ang pag-aalala sa
mukha ng dalawang matanda dahil prenteng naglalaro pa ng tong-its ang dalawa.
Mula sa kabilang kulungan ay lumapit ang isang dalagitang engkanto. Mahaba ang
straight nitong buhok na hanggang puwet, maputi ang balat, may napakapulang mga
labi at may mga magagandang pares ng mga mata ng ahas na kulay-asul. Napatigil sa
paglalaro ang dalawang matanda at napatingin sa dalaga.
"M-Mga tao po kayo, hindi ba?" alanganing tanong ng dalaga.
"Oo, tama ka. Pumunta kami dito dahil may halamang gamot kami na kailangang kunin.
At dito sa islang ito lang matatagpuan iyon. Ang malas lang at nahuli kami ng
kaibigan ko ng mga sundalo ng reyna. Haaay, hindi naman dating ganito ang lugar na
ito. Malayang nakakalabas-pasok ang lahat dito dati. Hindi ko maintindihan kung
bakit biglang nagkaganito."
Malungkot na humawak sa rehas ang dalaga.
"Simula kasi ng mamatay ang Hari namin at nang si Reyna Graziel na ang namuno sa
trono, marami na ang nagbago. Ipinadala niya ang hukbo ng aming kaharian para
tugisin ang mga tulisang pumatay sa Hari pero hanggang ngayon, hindi pa sila
bumabalik. Kaya bilang proteksyon, naisipan ng reyna na ipagbawal ang pagpasok ng
mga kalalakihan dito. May mga narinig akong balita na maaaring namatay na ang buong
hukbo ng aming kaharian kaya hindi na sila nakabalik... Pero hindi ako
naniniwala..."
Tumingin si Lolo Gusting sa mukha ng magandang engkanto.
"Kung hindi ako nagkakamali, ikaw na ang anak ng pinuno ng hukbo ng kahariang ito
di ba? Ikaw na ang anak ni Arthos."
Maang na napatingin si Athena sa matandang kausap niya na nakakulong sa kabilang
selda.
"K-Kilala niyo po ang aking ama? Tama kayo, ako ang anak ni Arthos. Ako si Athena."
Ngumiti ng makahulugan si Lolo Gusting.
"Kasama ko ang iyong ama na nakipaglaban sa mga malalaking Orcs noon na sumakop
dito sa mundo ng mga Engkanto. Isa siyang mahusay na mandirigma. Sa katunayan, siya
pa nga ang nagturo sa amin nitong kaibigan ko na makipaglaban. Kaya kagaya mo,
hindi rin kami naniniwala na wala na ang iyong ama at ang buo niyang hukbo. Kilala
ko ang kapasidad nila sa pakikipaglaban. Iyon nga lang, nasaan na kaya sila?"
Tila nawalan ng pag-asa ang mga mata ni Athena. maliit pa lang siya ng huli niyang
makita ang kanyang ama. At hindi niya alam kung makikita pa ba niya itong muli.
Pero nangako itong babalik.
"Iha, bakit ka nakakulong dito? Anong kasalanan ang nagawa mo?" si Lolo Insyong ang
nagsalita.
"K-Kasi, pinagbintangan ako ng reyna na ginawa ko daw na mga bato ang mga hayop at
ibang tao dito sa kaharian. Mapanganib daw ako. Pero, hindi ko naman iyon ginawa.
Kaya kong kontrolin ang aking kakayahan at nangako ako sa aking mga magulang na
gagamitin ko lang iyon kapag nasa panganib ako. Kaya hindi ko maintindihan kung
bakit ako pinagbintangan ng Reyna."
Isa ring Engkantong ahas si Athena. Malayong kamag-anak siya nina Viper at Asp. Ang
nga engkantong ahas ang may pinakamagagandang pisikal na katangian sa lahat ng mga
engkanto.
"Alam mo, baka naman insecure lang ang reyna sa ganda mo. Matanda na kasi ang isang
iyon at kupas na. Kumbaga sa bulaklak, wala na siya sa kasibulan." di napigilang
comment ni Lolo Gusting.
Tumawa sina Athena at Lolo Insyong.
"Ikaw talagang matanda ka! Baka kung ano ang matutunan nitong bata sa'yo." di
napigilang wika ni Lolo Insyong.
Samantala... Napahanga sina Blade, Hunter, Creta, Drake at Zech ng makita nila ang
napakahabang tulay na ginawa para lang sa kaharian ng Everia. Kumikinang ang
napaka-asul na tubig sa dagat at nakikita nila ang maraming magagandang tanawin.
Excited silang naglakad papunta doon. Ilang sandali pa ay dumating ang isang
karwahe na hugis rose. Kulay-pula ito at open. Hinihila ito ng apat na malalaking
puting-kabayo. Isang babaing duwende ang nagmamainobra noon.
"Nandito na pala ang service natin. Tara na!" untag ni Avana sa lahat.
Sumakay na silang lahat sa karwahe. Tumingin si Hunter sa tulay. Gawa iyon sa
makakapal na bato na nababalutan ng mga hiyas. Sa tantya niya ay ilang libong taon
na ang edad ng tulay dahil sa mga makakapal na lumot na nakikita niyang nakabalot
sa may ibabang bahagi noon. Tumingin siya sa kasama nilang fairy na nakadapo sa
kaliwang-balikat ni Blade.
"Avana, gaano ba kahaba ang tulay na ito?" curious niyang tanong.
"Hmm... Hindi ko alam kung ano ang eksaktong sukat nito. Pero babaybayin natin ito
sa loob ng halos isang oras. Iyon ang sigurado ko."
"Wow, mahaba nga talaga ang tulay na ito. At nakakahanga ng husto ang pagkakagawa
sa structure nito. Hindi ito masisira kahit na anong delubyo pa ang mangyari."
comment naman ni Zech.
Inayos niya ang kanyang buhok na lagpas-balikat. Kahit paano ay kailangan niyang
masanay sa bago niyang anyo. Mahirap na at siguradong mapapasabak sila sa laban.
"Aba, mukhang na-i-embrace niyo na rin ang inyong mga kagandahan ah?" napangising
wika ni Blade.
Napaismid ang lahat na napatingin kay Blade. Napahalukipkip si Hunter.
"As if mayroon naman kaming choice?!" mataray nitong wika.
Tumawa lang ang sutil na si Blade. Tapos ay tumingin ng pilya.
"Girls, siguruhin niyo lang na fitted ang suot niyong mga brassier. Baka mamaya
kapag nasa laban na tayo eh may magreklamo na naiirita kasi yumuyugyog!" sabay
tawa.
Inis na hinila ni Drake ang mahabang buhok ni Blade.
"Huwag ka ngang bastos! Okitnam na talaga!"
"Aww! Hindi ako bastos no. Bakit ba?! Mga babae naman tayong lahat ngayon eh. Tsaka
wala namang masama kasi nagpapaalala lang ako. I'm just reminding the comfort zone,
sis!"
Yamot na napahalukipkip si Drake. Napasimangot naman si Hunter at hindi na rin
nakatiis.
"Imbes na kami ang alalahanin mo kung yumuyugyog ang sa amin.. Bakit hindi mo mas
alalahanin iyang sa'yo? Ang lalaki kaya!" sabay-irap.
Pasimple namang inayos ni Blade ang kanyang suot na brassier. Tumingin siya ng
pilya kay Hunter.
"Well, secured ang akin kasi gamit ko ay push-up bra. Kaya nga nai-emphasize eh!"
"Tsk! Hindi na kailangan ng ganyang bra para ma-emphasize ang sayo kasi talaga
namang malalaki." di napigilang comment ni Creta.
"Talaga!"
Hindi naman na alam ni Avana ang gagawin. Namimilipit na siya sa kakatawa habang
nakikinig siya sa usapan ng mga kasama niya. Mangiyak-ngiyak na siya at sapo na
niya ang kanyang tiyan.
Nakarating na ang grupo nila Blade sa higanteng gate ng kaharian ng Everia. Bumukas
ang maliit na porsiyento noon at sinipat ng kung sinong nasa loob ang mga sakay ng
karwahe. Ilang sandali pa ay tuluyan nang bumukas ang gate.
"Wow..." di napigilang wika ni Blade.
Magaganda ang mga gusali sa lugar. Naglalakihan ang mga iyon at may mga magagandang
desensyo. Halatang hinubog ang bawat gusali sa mabusising paraan. Napatingin siya
sa mga nagbukas ng gate. Mga sundalo iyon na nakasuot ng armour.
"Akala ko ba, wala dito ang hukbo ng kaharian? Bakit may mga knight?" curious
niyang tanong.
"Walang laman ang mga armour na iyan. Ang reyna ang nagpapagalaw sa kanila.
Nagkalat sila sa buong paligid para siguruhing walang sumusuway sa mga batas ng
reyna at walang magtatangka na lumapit sa palasyo. Doon!" sabay-turo sa gusali.
Tumingin ang lahat sa direksyong itinuro ni Avana. Napahanga sila ng makita nila
ang isang eleganteng palasyo na gawa sa kristal at inukit mula sa gilid ng bundok.
Kitang-kita ang mga naggagandahang halaman na nakapaligid doon.
"Kung ganoon, paano kami makakapunta sa lugar na iyon? Siguradong nakakulong doon
si Lolo Gusting at ang kanyang kaibigan." si Zech.
"Hindi ko alam. Mahigpit ang mga bantay ng reyna. Mas marami pa siyang ipinapakalat
kapag gabi."
"Ganoon pala." comment ni Drake.
Bumaba na sila sa karwahe.
"Ano? Saan niyo gustung pumunta?" untag ni Avana sa lahat.
Tumingin sa paligid si Blade. Wala ngang mga lalaki sa lugar. Medyo nakaramdam siya
ng boredom kasi wala siyang mapagtripan.
"Ang mabuti pa, hanapin na natin ang pinakamabilis na daan papunta doon sa palasyo
ng reyna. Simulan na natin ang ating misyon." wika ni Blade.
Maang na napatingin ang mga kaibigan ni Blade dito. Hindi sila makapaniwala sa
kanilang narinig. Ilang beses na napakurap si Drake.
"Uy, ayos ka lang Badang?" amaze niyang tanong.
"Hmf! Anak na lase! Walang dahilan para patagalin natin ang trabaho nating ito.
Haleer! Wala naman kayang mga fafanez dito na puwede kong mapagtripan. Bored na
ako, no." nilaro ni Blade ang dulo ng kanyang buhok.
"Sa pagkakataong ito, sumasang-ayon ako sa'yo." wika ni Zech.
Binalingan naman ni Hunter si Avana.
"May alam ka bang daan papunta sa palasyo? Iyong kaunti lang ang bantay ha? Para
hindi gaanong magkagulo."
Sandaling nag-isip si Avana.
"Sa tingin ko, doon sa may gubat tayo dumaan. Kaunti lang ang alam kong nakalagay
na bantay doon ng reyna. Wala naman kasing naglalakas-loob na pumunta doon dahil
nakakatakot."
Lumipad si Avana sa direksyon ng gubat.
"Kung ganoon, tara na!" si Creta.
Humaba ng hanggang baywang ang itim nitong buhok at kulot iyon sa dulo. Nag-sway
iyon sa hangin. Nagpatiuna na ito sa paglalakad. Pilya namang napatingin si Blade
sa likod ng kaibigan. Wala lang, gusto niya itong tuksuhin.
"Uy, Creta! Hindi nga kalakihan ang iyong front pero ang sexy naman ng iyong butt!"
bigla niyang wika.
Napatigil sa paglalakad si Creta at naiinis na lumingon kay Blade na nakangiti ng
nakakaloko. Nagtawanan naman ang iba kasi hindi sila nakapagpigil at napatingin din
tuloy sila sa likuran ng kanilang kaibigan.
"Sheyt!" pikon lang niyang react.
Nagpatuloy na sila sa paglalakad hanggang sa makarating na sila sa bungad ng gubat
na sinasabi ni Avana. Walang kabahayan doon at nakita nila ang mga puppet armour na
nakabantay doon sa may bungad. Apat ang mga iyon. Nagpatiuna sina Drake at Hunter.
"Ibalato niyo na lang sa amin ang mga ito. Kailangan namin ng warm-up." wika ni
Hunter.
"Go ahead." si Creta.
Matapos iyon ay mabilis na sumugod ang dalawa doon sa mga puppet armour. Malalakas
na suntok ang una nilang atake at nawarak ang katawan ng mga armour ng basta na
lang. Totoo nga ang sinabi ni Avana na walang laman ang armour. Sumunod na inatake
ng malalakas na suntok nina Hunter at Drake ang dalawa pang natitira.
"Grabeh, hindi maikakaila na mga lalaki talaga kayo. Ang lalakas niyo kahit nasa
anyo kayo ng mga babae!" di napigilang comment ni Avana.
Ngumiti lang ang lahat dito. Tumuloy na sila sa pagpasok sa gubat. Bumungad sa
kanila ang mga naglalakihang puno na nababalutan ng makakapal na lumot na
lumuluyloy na mula sa malalaking sanga ng mga ito. Naglalakihan din ang mga halaman
sa loob ng gubat at malamig ang temperatura doon. At higit sa lahat, mas sariwa at
presko ang hanging nalalanghap nila dahil sa mga higanteng halaman at mga puno.
Huminto sila sa paglalakad ng mapansin ni Zech ang isang bato na nakalagay sa tabi
ng puno.
"Bakit ba?" curious na tanong ni Blade.
"May magic akong nararamdaman. Isang itim na magic. At nanggagaling sa batong
ito..."
Lumapit si Zech sa nasabing bato na hugis pangil na ngipin. Hindi siya sigurado sa
kanyang gagawin dahil nanghuhula lang siya. Iniurong niya ang bato sa kanan at
dahil doon ay unti-unting yumanig ang paligid ng gubat. Nahawi ang mga higanteng
puno na nasa likod ng bato at bumungad sa kanila ang isang napakaraming bulto...
Nang tuluyan nang mahawi ang mga iyon ay laking gulat nila ng makita nila ang isang
hukbo na naging bato. Nakatingin ang mga ito sa isang specific na direksyon.
"Ang nawawalang hukbo ng Everia! Nandito lang pala sila!" hindi makapaniwalang wika
ni Avana.
Lumipad siya palapit sa isang mandirigma na naging bato. Dumapo siya sa balikat
noon.
"Arthos, anong nangyari sa inyo?" malungkot pa niyang wika.
"Magaling, Zech. Naka-strike one na tayo." puri ni Blade.
"Tsamba lang. Nagtiwala lang ako sa instinct ko."
Lumapit na rin sina Drake, Creta at Hunter sa mga mandirigmang naging bato. Lahat
sila ay naka-full gears in battle.
"May magagawa ka ba para bumalik sila sa normal?" hindi nakatiis na tanong ni
Hunter kay Zech.
Sa kanilang grupo, si Zech ang bihasa sa mga salamangka. Ngumiti ng matipid si Zech
kay Hunter.
"Ako pa! Huwag niyong kalimutan na sa mga spell ako expert."
"Kung ganoon, simulan mo na!" wika ni Hunter.
"Okay. Bago ang lahat, kailangan ko ng malaking salamin. Base sa aking obserbasyon,
nabiktima sila ng kapangyarihan ng isang gorgon. Ang best example dito ay si
Medusa. Tingnan niyo silang maigi, nakatingin silang lahat sa iisang direksyon. At
kung ano man ang kanilang nakita, iyon ang dahilan kaya sila naging bato."
Tiningnan nga nilang maigi ang mga sundalong naging bato. May punto nga si Zech.
"Matatagalan ba bago mo sila gawing normal ulit?" curious na tanong ni Avana.
"Hindi naman. Sandali lang. Pero tulungan niyo akong maglagay ng higanteng
pentagram sa buong paligid ng hukbo. At kagaya nga ng sinabi ko, kailangan ko ng
malaking salamin."
"Ako na ang bahala doon!" presinta ni Creta.
"Okay, simulan na natin!" wika naman ni Blade.
Nagsimula na nga sila sa pagbuo ng malaking pentagram... Lahat sila ay sumusunod sa
mga instruction na sinasabi ni Zech.
Samantala... Nakaharap sa malaking salamin si Reyna Graziel-ang namumuno sa
kaharian ng Everia. Hindi maganda ang pakiramdam niya ngayong araw dahil nakakadama
siya ng kakaibang kaba. Maraming taon na niyang inaangkin at pinamumunuan ang
kahariang hawak niya. Pumutol siya ng maliit na porsiyento ng kanyang buhok.
Sinunog niya iyon sa apoy ng itim na kandila.
"Salamin, salamin... Ipakita mo sa akin ang isang pangitain..."
Ilang sandali pa ay bumalot ang usok sa salamin. Unti-unting nagkaroon ng mga imahe
ang salamin. Nanlaki ang mga mata ng reyna. Pag-aaklas, pagbangon ng hukbo ng
Everia at ang kanyang sariling pagbagsak ang kanyang nakita... Nakita din niya sa
huling imahe ng pangitain na ang koronang suot niya, wala na sa kanya... Nakasuot
na iyon sa iba, isang batang-babae na walang iba kundi ang prinsesa! Nanginginig
niyang tinabig ang mga bagay na nasa mesa.
"Hindi! Hindi ako papayag! Akin lang ang lugar na ito! Ako lang ang puwedeng
magmay-ari sa magandang lugar na ito! Akin lang ang lahat!... Walang sinuman ang
puwedeng magpagbagsak sa akin!" frustrate niyang wika.
Muli siyang napatingin sa salamin.
"Salamin, salamin... Sabihin mo sa akin kung ano o sino ang magpapasimula ng
kaguluhang ito?" pinilit niyang magpakahinahon.
Ipinakita ng salamin ang limang anino ng mga babae. Natigilan si Reyna Graziel.
Hindi siya makapaniwala. Hinila niya ang drawer at naglabas siya ng isang piraso ng
kakaibang baraha. Nalilito siyang napatingin sa salamin.
"Anong nangyayari? Ayon sa barahang hawak ko, limang mga lalaki ang magiging
hadlang sa aking pamumuno. Ano ang gustung sabihin ng salamin na ito?"
Mula sa tuktok ng kuwadro ng salaming kaharap mniya, unti-unting lumitaw ang isang
maliit na bungo. Nagkaroon iyon ng maputlang balat na kulubot. Wala iyong mga mata.
Isang mukha ang lumitaw.
"Ibig sabihin niyan, nalalapit na ang katapusan ng iyong pamumuno!" tumawa ng
matining ang maliit na ulo na nasa salamin.
Gigil na ikinuyom ni Graziel ang kanang-kamao at pagkatapos noon ay sinuntok ng
malakas ang ulo na nasa salamin. Halos mapisat iyon sa lakas ng suntok niya.
"Tumahimik kang pangit na mangkukulam ka!..." gigil niyang wika.
"Araay! Ang sakit namang masaktan at maliitin ng iyong sarili. Baka nakakalimutan
mong iisa lang tayo? Imbes na umatungal ka diyan, gumawa ka ng paraan. Kontrahin mo
ang mga pangitain, gaga!"
Hindi na nagsalita si Graziel. Binuhat niya ang salamin at agad siyang nagpunta sa
labas ng kanyang silid. Nagtungo siya tore ng palasyo. Nang makapasok siya doon ay
agad niyang inilapag sa mesa ang salamin na hawak niya at ipinasandal sa pader.
Sinapo niya ang kanyang noo at napahinga ng malalim. Napatingin siya sa sulok at
nakita niya ang isang lumang-sako kung saan niya itinago ang ulo ng isang gorgon na
siyang ginamit niya para mapabagsak ang hukbo ng kaharian. Nagtataka siya, kinontra
na niya ang pangitain. Ayon sa kanyang nakita, babaing may puting-buhok ang
magpapakawala sa hukbo ng Everia. Ipinakulong na niya sa dungeon ang anak ni Arthos
na si Athena. Ito lang naman ang engkanto na nakatira sa kanilang lugar na may
puting-buhok. Pero ano ang lumabas sa salamin na mga bagong pangitain? Gusto niyang
magwala, sumasakit na ang ulo niya sa mga palaisipang sumasagi sa kanyang utak!
Samantala, natapos nang gawin nila Blade ang buong pentagram sa buong hukbo ng
Everia. Naglabas ng baraha si Creta at mula doon ay inilabas nito ang isang
higanteng salamin. Tumayo naman na sa may harapan ng hukbo si Zech at ginamit niya
ang kanyang kapangyarihan para mapagana ang spell. Umilaw ang pentagram na
nakabalot sa paligid at ang puting-liwanag noon ay unti-unting pumapasok sa
salaming hawak ni Creta. Hindi biro ang lakas ng kapangyarihang pumapasok sa loob
ng salamin kaya naman tinulungan na si Creta nina Drake at Hunter na hawakan ang
salamin. Ilang sandali pa ay natapos na ang pagsasawalang-bisa ni Zech sa sumpang
inilagay sa hukbo. Napahinga siya ng malalim dahil medyo napagod siya sa kanyang
ginawa. Hindi rin naman kasi biro ang kapangyarihang pinakawalan niya. Naglaho
naman na ang hawak na salamin nina Creta, Hunter at Drake.
Ilang sandali pa ay unti-unting nang nagkaroon ng buhay ang mga nilalang na naging
bato hanggang sa bumalik na sila sa normal. Ilang beses na napakurap si Arthos ng
mapatingin siya sa kanyang sarili.
"A-Anong nangyari?" halos iyon ang unang ibinulalas ng lahat.
Napangiti naman ng pilya si Blade ng mapatingin siya sa mga lalaking mandirigma na
naging normal na. Sa wakas, mayroon na siyang lalandiin! Kampante siyang naglakad
palapit sa mga ito.
"Malaya na kayo mula sa sumpa. Ngayon, gusto naming malaman kung ano ang nangyari
sa inyo." wika ni Blade.
Napatingin ang lahat sa nagsalita at...
"WOW!!!!..." bulalas ng lahat.
Pilya namang hinawi ni Blade ang mahaba niyang buhok.
"Chill lang kayo, boys! Hindi ako easy to get. Anyway, mag-explain na kayo kung ano
ang nangyari sa inyo."
Tulirong napatingin si Arthos sa babaing nagsalita. Isa itong tao. Tumingin siya sa
paligid at nakita niya ang iba pa nitong mga kasama na mga babae din. Ang grupo
nila ang nagpakawala sa kanila mula sa sumpang iginawad ng reyna na isa palang
masamang mangkukulam. Huminga siya ng malalim.
"Arthos, ano ang nangyari? Natatandaan mo pa ba ako? Ako ito, si Avana. Ako ang
fairy na kaibigan ni Guile, iyong tao na naging estudiyante mo."
Isang matipid na ngiti ang namutawi sa labi ni Arthos.
"Oo naman. Ano bang sinasabi mo, Avana... Kahapon lang tayo huling nagkita."
Umiling si Avana at humalukipkip.
"Pasensiya ka na pero sampung taon na ang lumipas simula ng maging bato ka kasama
ng iyong buong hukbo."
"S-Sampung taon?!"
"Yes, yes! Right na korek, honey!" malanding palatak ni Blade.
Mariing naikuyom ni Arthos ang kanyang mga kamao.
"Ang reyna ang may kagagawan ng nangyari sa amin. Matapos mamatay ng hari ay
inutusan ako ng reyna na tipunin ang hukbo para hanapin ang mga tulisang nanloob sa
palasyo at patayin ang mga ito. Pero patibong lang pala ang lahat. Isang ulo ng
gorgon ang inilabas niya at dahil doon, naging bato kaming lahat. Lahat kami ay
nabulag sa kabaitang ipinapakita niya. Isa lamang iyong maskara sa totoo niyang
pagkatao. Masama siyang talaga." kuwento niya.
"Kung ganoon, humanda na kayo dahil oras na para bawiin niyo ang kaharian ng Everia
at pabagsakin ang reyna. Oras na para sa rebolusyon!" si Blade.
Sumigaw ang lahat ng sundalo.
"Mga binibini, ako na si Captain Arthos ay sobrang nagpapasalamat ng malaki sa
ginawa niyong pagpapalaya sa amin mula sa masamang sumpa ng reyna."
Yumukod si Arthos at ang lahat ng sundalo nito. Nanatiling tahimik sina Hunter,
Drake, Creta at Zech. Naiilang kasi sila sa mga tingin ng mga knight. Pero si
Blade...
"Naku, wala iyon fafa Arth! Isang kiss lang, okay na sa akin!"
Tumawa si Arthos at napailing kay Blade.
"Sorry, Miss. Taken na ako. May asawa at anak na ako. Hindi na pupuwede."
"Hoy Badang! Tama na iyang paglalandi! Mahiya ka naman. Ang mabuti pa, sumugod na
tayong lahat!" si Hunter.
"Kaya nga! Sugod na!" sang-ayon ni Drake.
Kasama ang buong hukbo ay sumugod na sila papunta sa palasyo. Masasabi nilang mga
magagaling ngang mandirigma sina Arthos at ang lahat ng mga sundalong pinamumunuan
nito dahil kaya nilang sumabay sa mabilis nilang takbo at walang maririnig na ano
mang ingay sa mga yabag nila. Sa wakas, nakarating na sila sa gilid ng palasyo
ngunit bumungad sa kanila ang malalaking golem ng reyna na gawa sa naglalakihang
tipak ng bato. Gumalaw ang mga iyon at sumugod sa kanilang grupo pero mabilis na
umiwas sina Blade.
"Sid! Pabagsakin niyo ang mga golem na iyan at tulungan niyo kaming makapasok sa
loob ng palasyo." utos ni Arthos sa kanyang vice-captain.
Isang tango ang isinagot nito. Ikinuyom nito ang mga kamao at mabilis na sumugod ng
suntok doon sa isang golem. Sa isang iglap lang ay nawarak ang braso ng golem na
iyon. Umusad ang grupo nila Blade.
"Kailangan namin ng matutungtungan para makatalon kami sa mataas na pader!" wika ni
Hunter.
Maraming knight ang nagboluntaryo. Napangiti si Hunter, medyo may silbi naman pala
talaga ang pagiging babae nila ngayon. Tumuntungtong silang lahat sa mga balikat ng
mga knight at mabilis na tumalon. Pagkatalon nila ay kumapit silang mahigpit sa mga
nakausling kristal na inukit na bricks ng pader. Nagtataka naman si Arthos na
napatingin sa mga babaing kasama niya. Parang lalaki ang mga ito kung kumilos?!
Maging ang taglay nilang lakas, panlalaki din? Hindi sila mga ordinaryong tao.
Samantala.... Isang imahe ang namuo sa salamin. Nanlaki ang mga mata ni Graziel.
Napatingin siya sa isa sa mga babaing umaakyat sa pader. May puti itong buhok na
lagpas balikat. Gigil niyang ikinuyom ang kanyang mga kamao.
"Hindi pala ang anak ni Arthos ang magpapakawala sa mga mandirigmang ginawa kong
bato. Ibang tao pala! Hindi ko hahayaan na mapabagsak nila ako! Gusto nila ng
laban, bibigyan ko sila ng digmaan! Umpisa na ng laban!"
Pumunta siya sa isang mesa kung saan nakalagay ang tila maliit na version ng
palasyo. Itinaas niya ang kanyang mga kamay at nag-usal ng spell.
"Wala kayong takas sa akin dahil nakikita ko kayong lahat..."
Matapos iyon ay bumukas ang maliit na kristal na palasyo na tila isang mini-
dollhouse. Muling nag-usal ng spell ang reyna at kasunod noon ay ang paggalaw ng
mga maliit na rebulto doon sa loob ng palasyo. Mga leon na may pakpak na gawa sa
matitibay na bato. Unti-unting binalutan ng reyna ng itim na mahika ang lugar.
Pagkatapos noon ay gumalaw ang mga pader ng palasyo at mula doon ay unti-unting
lumilitaw ang mga kalansay ng paunti-unti...
Samantala... Hindi malaman ni Athena ang kanyang gagawin ng biglang maglitawan sa
paligid niya ang maraming kalansay na kamay. Lahat ng iyon ay pilit siyang inaabot.
Pumunta siya sa gitna ng bilangguan na kinaroroonan niya ngunit lalo siyang natakot
ng makita niyang may mga lumilitaw na rin sa sahig. Bigla namang napatayo sina Lolo
Gusting at Lolo Insyong.
"Oras na para magseryoso." makahulugang wika ni Lolo Insyong.
"Gawin na natin." segunda ni Lolo Gusting.
Inilabas ng dalawang matanda ang suot nilang mga kuwintas mula sa loob ng kanilang
mga damit. Hinawakan nila ang pendant ng kanilang mga kuwintas at sabay silang
nabalutan ng berde at asul na liwanag. Nakakasilaw ang liwanag na iyon at nang
kumalat iyon sa buong paligid ay nalusaw ang mga kalansay na unti-unting
nabubuuhay. Nang humupa ang mga liwanag na iyon ay lumitaw ang batang-anyo ng
dalawang albularyo.
Mabilis na winasak ni Lolo Gusting ang selda ng kanilang kulungan at agad na
pinuntahan si Athena na nasa kabilang kulungan. Laking-gulat ni Athena ng matunaw
ang mga kalansay na lumitaw mula sa mga pader at sahig ng lugar na kinaroroonan
niya.
"Iha, ligtas ka na."
Napatingin siya sa nagsalita. Napakunot-noo siya. Hindi niya kilala ang lalaki pero
pamilyar sa kanya ang mukha nito.
"S-Sino ka?"
"Ako ito, Lolo Gusting. Tara na, umalis na tayo sa lugar na ito. Kailangan na
nating lumabas."
Dumating na rin si Lolo Insyong na bumata na rin ang itsura.
"Kung ganoon, kayang-kaya niyo naman palang makatakas dito, bakit ngayon lang?!"
gulat niyang tanong.
Tumawa ng pilyo si Lolo Gusting.
"May hinintay muna akong hudyat bago kami kumilos. Ang mabuti pa, umalis na tayo.
At humanda ka na rin kasi muli mo nang makikita ang iyong ama na si Arthos. Siya
ang aming guro. Kaya tara na, Iha!"
Dahil sa narinig ay nangislap ang mga mata ni Athena. Limang taong gulang lang siya
ng huli niyang makita ang kanyang ama. Excited niyang iniabot ang kanyang kanang-
kamay kay Lolo Gusting na naging estudiyante pala ng kanyang ama. Napangiti si Lolo
Gusting at agad na silang umalis. Ang naging digmaan sa mundo ng mga engkanto na
pinamunuan niya noon ay naging umpisa palang ng lahat para sa kanya. Marami pang
nangyari. Huminga siya ng malalim. Tumakbo na sila paakyat sa itaas at kagaya ng
kanilang inaasahan, sinalubong sila ng mga kalansay na muling binuhay ng itim na
salamangka. Mula sa kanilang suot na kuwintas, ini-requip nila ng kaibigan niyang
si Lolo Insyong ang kanilang mga espada. Nagsimula na sila sa pakikipaglaban.
Samantala... Tuloy lang sa pakikipaglaban sina Blade kasama ng mga knight. Kalaban
nila ngayon ang mga rebultong leon na nabuhay dahil sa itim na mahika. Marami ring
nagkalat na mga puppet armour sa paligid. Mabilis na sumusugod sa kanilang pangkat
ang isang batong leon. Mariing ikinuyom ni Blade ang kanyang mga kamao.
"Ako na ang bahala sa isang ito, anak na lase!"
Tumakbo siya at sinalubong ang kalaban. Isang malakas na suntok ang ipinadapo niya
sa ulo noon. Nawarak ang bato at napulbos. Napatanga ang mga mandirigmang kasama
nila dahil sa lakas na ipinamalas ni Blade.
"H-Huh?!"
Napatingin si Blade sa napasinghap. Nakita niya ang isang batang-babae na matamang
nagtatago sa likod ng pader. Mahaba ang kulot nitong buhok na kulay-brown at may
berde itong mga mata. Nakasuot ito ng dilaw na bestida na lagpas tuhod.
"Aaaaah!!!..." napasigaw ang bata dahil may mga kalansay na humila dito.
Mabilis na kumilos si Blade. Sinugod niya ang mga kalansay at agad na nawarak ang
mga iyon. Binalingan niya ang cute na batang-babae.
"Ayos ka lang?"
"S-Salamat po..."
"Halika, baby! Ako ang bahala sa'yo."
Inilahad ni Blade ang kanan niyang kamay at agad naman iyong iniabot ng bata.
Binuhat niya ito, at pagkatapos noon ay binalingan niya si Zech.
"Zech, sa tingin mo... Nasaan ang may kontrol ng lahat ng ito?! Nalase, maraming
mga inosente na ang nadadamay!"
Nagkakagulo na sa buong paligid at maging ang mga tauhan sa palasyo ay hindi na
malaman ang gagawin.
"Nasa mataas na lugar ang may kagagawan ng mga nangyayari! Kailangan natin siyang
puntahan para patayin!"
Napatingin sa itaas si Blade. Medyo malayo ang kinaroroonan ng hagdan papunta sa
tore ng palasyo. Iniabot niya ang bata kay Creta na agad naman nitong kinuha.
Ginagamit nito ang mga baraha para pasabugin ang mga kalaban. Apoy naman ang
panlaban ni Drake at ang matatalim nitong mga kuko sa kamay. Malalakas na sipa at
suntok ang kay Hunter at mga ugat ng halaman naman ang gamit ni Zech sa pagtapos ng
mga kalaban. Muli namang pinasadahan ni Blade ang paligid at napangisi siya ng
mahagip ng kanyang mga mata ang napakalaking chandelier na nasa gitna ng bulwagan
ng palasyo. Isang ideya ang naisip niya. Tuloy lang sa pakikipaglaban ang mga
kasama niya pero lahat ay napalingon ng itaas ni Blade ang kanan nitong kamay sabay
kanta ng malakas na....
"I'M GONNA SWING!!!.... FROM THE CHANDELI...ER!!!.... FROM THE
CHANDELI....ER!!!!..."
Matapos niyang kumanta ng to the max ay nag-swing nga siya literally sa higanteng
chandelier. Napangiti naman si Drake at natawa kay Blade. Sinuntok muna niya ang
isang lupon ng armour puppet bago nag-comment.
"Go Badang! Swing sa chandelier na pang-wrecking ball! Wreck it, Badang!!!..."
Dahil sa sinabi ni Drake ay binalutan ni Blade ng kanyang kapangyarihan ang
higanteng chandelier na pina-swing niya. Matapos iyon ay malakas siyang bumuwelo at
BAAAAGS!!!!... Binangga niya ang pader ng tore ng palasyo at nagkaroon ng malakas
na pagyanig sa buong paligid. At dahil sa pagyanig ay natumba naman si Graziel at
napatigil sa kanyang ginagawa. Tuliro siyang bumangon pero naulit lang ang
pagyanig.
"A-Anong nangyayari?!" taranta niyang wika.
Nagpatuloy ang pagyanig hanggang sa unti-unti nang nawawarak ang buong paligid.
Lalong nataranta si Graziel. Napansin niya ang salamin niya pero huli na dahil
nahulog na iyon mula sa mesa at natabunan ng napakaraming guho. Impit siyang
napapikit ng makarinig siya ng nakakakilabot na sigaw mula doon. Muling yumanig ang
paligid nang mas malakas pa kaysa sa dati at doon na siya literal na bumagsak.
Nahulog siya mula sa napakataas na lugar at nang bumagsak siya sa matigas na sahig
ay tuluyan na niyang hindi maigalaw ang kanyang katawan. Nahawi ang lahat ng
humangin ng malakas. Ang hangin na iyon ay mula kay Hunter. Nalantad sa kanilang
lahat ang isang magandang babae na nakahiga at hindi makakilos. Huminto na sa
paggalaw ang mga armour at mga estatwa. Nawala na rin ang mga kalansay sa paligid.
Sa pangunguna ni Arthos ay nilapitan nila ang bumagsak na reyna.
Sa kabila ng lahat ay nagawa pang ngumiti ng reyna. Matalim itong tumingin sa
batang-babae na karga ni Creta.
"Maldita kang prinsesa ka! Siguro ikaw ang nagsumbong sa kanila ano?!" medyo hirap
na wika ni Graziel.
Mariing kumapit ang bata sa balikat ni Creta. Halatang natatakot ito. Dahil sa
naging reaksyon ng bata ay ngumisi pa ang reyna.
"Baka nakakalimutan mo, di ba nakita mo na ako ang sumaksak sa tatay mo?
Nakalimutan mo na yata ang sinabi ko sa'yo na kapag nagsumbong ka ay-"
Hindi na nito naituloy ang sasabihin dahil inis na sinaksak na ni Arthos ang dibdib
ng babae. Kumalat ang dugo sa paligid at nawalan na ito ng buhay.
"Iyan ang bagay sa'yo. Lahat kami, naloko sa pekeng kabaitan na ipinakita mo..."
mahina pang wika ni Arthos.
Binalingan niya ang batang-babae na karga ng isa sa mga babaing tumulong sa kanila.
"Mahal na prinsesa, ako ang pinuno ng hukbo ng kaharian. Malugod akong magsisilbi
sa inyo."
Ngumiti ang bata kay Arthos. Medyo yumanig ulit ang paligid. Masyado kasing
maraming nawasak dahil sa ginawa ni Blade. Tapos ay nakarinig sila ng malakas na
sigaw na...
"EEEEEEH!!!! Ang baby kooooo!!!..."
Napatingin sila sa pinanggalingan ng boses at nakita nila na nabitawan pala ng
isang ginang ang kalong nitong sanggol na nasa itaas ng terrace. Mabilis na kumilos
si Blade. Mula sa chandelier ay mabilis siyang tumalon para iligtas ang baby. Hindi
naman siya nabigo ng saluhin niya ito. Sa katunayan ay tumili pa ang baby at
tumawa. Tumingin siya doon sa kalong niya at nakita niya ang nakangiting baby na
nakatitig sa kanya.
"Okay ka lang, baby?"
"Uwaaaa! Bubu!"
Tapos ay si Blade naman ang biglang napatili dahil...
"EEeeeeeh!!!... Huwag kang dumede!!! Wala kang makukuhang sustansiya diyan! Display
lang iyan!!!..."
"Ayan, malalaki kasi! Pati tuloy iyang baby, napeke." hindi nakapagpigil na comment
ni Zech.
Nakababa na ang nanay ng bata sa tulong ng mga knight. Ibinalik na ni Blade ang
baby dito at natatawa itong humingi ng paumanhin sa ginawa ng baby nito. Dumating
naman na sina Lolo Gusting, Lolo Insyong at si Athena. Ibinalik na ng dalawang
matanda ang normal nilang mga anyo. Natigilan naman ang dalaga ng makita niya ang
kanyang ama. Mabilis siyang tumakbo dito at sumugod ng yakap.
"Papa!" naiiyak niyang wika ng makayakap siya sa kanyang ama.
Nagulat naman si Arthos at napatingin sa dalagang yumakap sa kanya.
"S-Sino ka?" maang niyang tanong.
Naiiyak na tumingin si Athena sa kanyang ama.
"Papa ako ito, si Athena!"
"H-Ha?!" gulat na react ni Arthos.
Limang taong-gulang lang ang anak niya ng huli niya itong makita. Sobra siyang
nawindang ngayong makita niya ito dahil sa isang iglap lang ay dalaga na pala.
Nagkamustahan ang mag-ama. Samantala....
"Teka lang, bakit hindi pa tayo bumabalik sa dati, tapos na ah?!" reklamo ni
Hunter.
"Kaya nga! Sheyt na malagkit naman ito, Oo!" si Creta.
"Abuwisit ak pa!" naasar na ring wika ni Drake.
Tahimik lang si Zech pero si Blade, pinagdiskitahan si Sid. Ang vice-captain ni
Arthos. Matangkad ito kumpara kay Arthos at kulot ang may kaiklihan nitong buhok.
Mabait ang anyo ng kabuuan ng mukha nito.
"Hello, fafa!"
Tumingin si Sid kay Blade at ngumiti.
"Fafa! Uy! Anong pangalan mo, fafa? Ako si Blade!"
Hindi sumagot si Sid nanatili itong nakangiti pero makulit si Blade.
"Huwag ka namang suplado diyan, fafa! Sumagot ka naman!"
Hindi na nakatiis si Lolo Gusting. Pasimple siyang lumapit kay Blade.
"Badang, hindi ka sasagutin niyan kahit na anong kulit mo. Pipi kaya iyang kausap
mo, gaga!"
Napapahiyang napatingin si Blade kay Sid at saka nagabaling kay Lolo Gusting.
"Kayang-kaya mo naman palang makaalis dito, ni-recruit niyo pa kami. But anyway,
okay lang. Siya nga pala, nakikilala mo ba kami, Tanda?"
"Oo naman. Ikaw si Blade na brutal ang bunganga. At sila ang mga kaibigan mo. Huh,
hindi niyo ako mapepeke no. Pero infairness, ang lalaki ng iyong hinaharap. Iyon
nga lang, wala akong pakialam!" sabay-tawa.
Napaismid si Blade, hindi pala niya mauuto si Tandang Gusting. Dahil doon ay....
Muling binalingan ni Blade ang ibang mga knights. Saka kumanta nang malandi na...
"Kung katawan ko lang ang habol niyo..."
Hindi nakatiis si Zech, sumingit siya. Ang landi kasi ni Blade at sila ang
nakakaramdam ng hiya sa pinaggagawa nito.
"Lalo na ang namumutok na dibdib mo.." pakantang wika niya.
Tawanan ang lahat. Pero inis na nagbaling si Blade kay Zech.
"Hoy Marya, tigilan mo nga ako!" naiinis na sita ni Blade kay Zech.
"Anong itinawag mo sa akin?!"
"Marya!"
"Huwag mo akong tatawagin sa pangalang iyan!"
"Marya, Marya, Marya, Maryang labandera!"
"Badang!"
Pero sutil na itinuloy ni Blade ang pang-aasar kay Zech. Itinuloy niya sa kanta
ng...
"Lumusong sa tubig at ang paa ay nabasa! Ngunit ang Uhump! Di pa nababasa!"
Tawanan ang lahat. Tinangkang sabunutan ni Zech si Blade pero nakalayo ito at ilang
segundo lang ang pagitan ay bumalik na silang lahat sa normal. Halos lahat ng mga
sundalong knight ay nadismaya maliban kina Arthos at Sid dahil sa una palang ay
nagduda na sila kung tunay nga bang mga babae ang grupo nila Blade.
"Wooh, sa wakas! Nakahinga na rin ako ng maluwag. Wala na akong dinadala. Now I
beleive that women are stronger than men." pakli ni Creta.
"Oh, bakit naman?" si Drake.
Nag-ehem muna si Creta.
"Ang inyong maririnig ay Rated SPG o Strict Parental Guidance. Pakitakpan ang tenga
ng mga bata..." babala muna nito.
Tinakpan nga ni Zech ang tenga ng prinsesa na katabi niya.
"Women are stronger than men because they can carry two mountains at a time. While
us men... We only carry two eggs with the help of uhm... A bird who gets angry
that's why it is called angry bird!"
"Baon-inam! Ang bastos mo mag-joke!" di nakapagpigil na comment ni Blade pero
natatawa siya.
"Nabasa ko lang iyon sa isang diyaryo at ngayon, napatunayan kong totoo."
Tumawa ang lahat. Inalis na ni Zech ang mga kamay niya sa tenga ng bata. Mataman
itong tumingin sa kanilang lahat sabay tanong ng...
"Ano po iyong angry bird?"
Walang sumagot pero lahat mas tumawa ng malakas.
**************************************
#kung anu-ano talaga ang matutunan mo sa mga usapan ng matatanda. At ang mga
natututunan ko sa kanila, isini-share ko lang sa inyo... Just like Creta's joke.
Anyway, again... It's rated SPG.

31. DARKNESS

"DARKNESS"
"Kung ganoon, ang batang ito ang prinsesa dito?" maang na tanong ni Creta kay
Arthos.
"Tama. Ako si Princess Ana Maria Arabelle Thermopolis Mignonette." pakilala ng
princessa.
"Wooh... Wala ka bang nickname?" react pa ni Creta.
"Tawagin niyo na lang akong Mia. Iyon ang palayaw ko." nakangiti nitong wika.
"Wait lang, ten years ago namatay ang tatay mo. Paanong mukha ka lang eight years
old?" nagtatakang tanong naman ni Drake sa bata.
Unti-unti ay nagbago ang anyo nito at nagmatured. Naging isa itong magandang
dalaga.
"Ang totoo niyan, kaya kong itago ang totoo kong edad. Puwede akong magpabata ng
anyo ayon sa gusto ko. Ito ang tunay kong anyo at katauhan. Twenty-four na ako."
Napatanga ang lahat.
"Pinanatili kong bata ang itsura ko kasi natakot ako sa madrasta ko. Totoong bata
palang ako ng mangyari ang lahat ng trahedya... Hindi ako makapagsumbong noon.
Maging ako, nabulag sa ipinakita niyang kabaitan, nahulog din sa patibong niya.
Hindi porket nagpapakita pala ng kabutihan ang isang tao o nilalang, totoong mabuti
na siya. Minsan, panlilinlang lang pala iyon. Patawad sa inyo Arthos at sa buo mong
hukbo. Kung nagsumbong lang sana ako sa'yo noon, hindi na sana kayo napahamak at
umabot pa sa ganito ang lahat..." hinging paumanhin pa ng prinsesa.
Ngumiti si Arthos dito.
"Hindi mo iyon kasalanan. Bata ka pa noon. Sa natatandaan ko ay kaunti lang ang
tanda mo sa anak ko at madalas mo siyang kalaro. Lahat naman tayo, nalinlang sa
pekeng kabaitan ng reyna."
"So, nagpapatunay lang ang pangyayaring ito na hindi lahat ng mabait eh totoo
namang mabait. At least, kahit na brutal ang bunganga ko, totoo ako at hindi
plastik. Anak na lase!" hindi nakatiis na comment ni Blade.
Matapos iyon ay nagpakilala na silang lahat sa prinsesa at sa mga mandirigma ng
Everia. Ganoon din sa kaibigan ni Lolo Gusting na si Lolo Insyong...
"Teka lang, natatandaan kita Lolo! Ikaw! Ikaw iyong nagmagandang-loob sa akin dati
na nagpagamit sa akin ng banyo ng bahay mo... Alam niyo na, iyong na-I can't fight
this feeling anymore ako?" excited na wika ni Drake.
Napatingin si Lolo Insyong dito at napangiti.
"Alam ko. Hindi ko makakalimutan ang grupo niyo dahil mukha kayong mga artista.
Naaalala ko ang aking kabataan tuwing makikita ko kayo."
Matapos iyon ay biglang pinabata ng matanda ang itsura nito pero agad din naman
nitong ibinalik sa normal. Napataas ng kilay si Hunter at nagdududang napatingin
kay Lolo Gusting.
"Lolo Gusting, anong ibig-sabihin nito? Kayang-kaya niyo naman palang makawala sa
lahat ng ito nitong kaibigan mo, bakit mo pa kami dinamay?!" naiinis niyang wika.
Ngumiti si Lolo Gusting at tumawa ng mahina.
"Ehem! Unang-una, hindi ko alam ang pangyayaring ito sa kaharian ng Everia. Binata
pa ako ng huli akong makaapak sa lugar na ito. Pangalawa, totoo na may halamang
gamot na kailangan naming kunin dito ni Insyong. Ikatlo, bago kami magpunta dito ay
na-curious ako kay Raguel ng mabanggit niya ang salitang Transformation 101.
Tinanong ko siya at ipinaliwanag naman niya kung ano iyon. Ha ha ha ha! Mas lalo
akong na-curious... Pang-apat, bago kami nagtungo dito ay nag-research na kami
tungkol sa bagong patakaran ng kaharian. Medyo nagtaka kami kung bakit mga babae
lang ang pinapayagang makapunta dito.... Pero sa bandang huli, sinabi ko na lang
kay Raguel na kapag hindi kami agad nakabalik ni Insyong ay ipadala na kayo bilang
resbak. Pero siyempre, medyo sinadya ko ang lahat at nakisakay din naman ang mga
archangels sa trip ko... He he he wala lang!" mahabang paliwanag ni Lolo Gusting.
Tumawa pa ito. Napaismid sina Hunter, Drake, Zech at Creta.
"Naku, Lolo Gusting! Pasalamat ka at hindi ako pumapatol sa matanda! Ang sarap mong
batukan." medyo pikong wika ni Creta.
"Naku, huwag ka namang magalit. At least, alam mo na ang feeling!" sutil pa nitong
wika.
Naging maayos naman na ang lahat. Nakauwi na si Arthos sa pamilya nito at ang iba
pa nitong mga kasama. At si Princess Mia-siya na ang magiging bagong reyna. At
muli, magbubukas ang kanilang kaharian para sa lahat. All is well in the end.
Lunes... Bumisita si Blade kasama ng kanyang mga estudiyante sa isang malaking
museum para sa exhibit ng mga artifacts ng sinaunang panahon. Ang focus nito ay
para sa history at sa science. Naroon din ang ibang mga guro at mga estudiyante.
"Ang mga maharlika lamang ang pinapayagang gawing mummy noon dahil naniniwala ang
mga sinaunang tao na puwede silang mabuhay muli o ang mag-resurrect." umpisa ni
Zech.
Hiningi ni Blade ang tulong niya tungkol dito at okay lang naman sa kanya ang
magpaunlak. Kailangan naman kasing tingnan ni Blade ang mga bata at hindi nito
basta magagawa ang pag-eexplain lalo pa at nakawala sa silid-aralan ang mga ito.
Kahit na may isip at edad na ang mga teenagers ay nasa critical stage naman ang
kalagayan ng utak. Malikot pa ang mga ito at pasaway sa mga batang makukulit na
grade school.
"Sir! Bakit binabalot ang mga Mummy?" curious na tanong ni Leah kay Zech.
"Binabalot ang katawan ng mga Mummy para ma-preserve ang kanilang katawan. Tingnan
niyo ang mga jars sa tabi ng mga tomb ng mga Mummy. Ang mga jars na iyan,
naglalaman ng mga laman-loob ng Mummy. Naka-preserve din sila. Ang hugis pusa na
jar na nasa kaliwa ay naglalaman ng puso. Ang owl naman ay ang liver. Ang mga
pyramid ang nagsisilbing libingan ng mga hari at reyna sa sinaunang panahon. Kaya
kasama din sa kanilang libingan ang hindi matatawaran nilang mga kayamanan. Hindi
mabilang na mga ginto at alahas. Kaya naman marami ang nagtatangka na pumasok sa
mga pyramid. Hindi lang ang mga archaeologist ang nagka-enteres kundi maging ang
mga treasure hunter. Iyon nga lang, karaniwan sa mga maalamat na kayamanan ay
sinasabing isinumpa. Marunong ang mga sinaunang sibilisasyon sa mga salamanka,
sumpa at kung anu-ano-"
"Ehem! Zech!.." mariing saway ni Blade.
Biglang naitikom ni Zech ang kanyang bibig. Muntikan na siyang madulas. Medyo
nadala kasi siya sa pagkukuwento sa mga bata kasi lahat, halatang enteresado.
"Sir, totoo ang mga sumpa?" biglang tanong ni Leah.
Pinanlakihan ni Blade ng mga mata si Zech. Isang alanganing ngiti ang sumilay sa
labi ng huli. Napalunok ito bago sumagot sa bata.
"Well... Mga sinaunang kuwento lang naman ang mga iyon. Nakasulat sa mga libro ng
kasaysayan."
Pumiyok si Zech sa huling sentence. Maang tuloy na napatingin ang mga bata dito at
nagdududa. Lihim naman na napangiwi si Rane. Siya lang ang nakakaalam sa sekreto ng
mga ito.
"Teka lang, Leah. Di ba dapat kasama mo sina Karen? Hindi ito ang klase mo ah?"
nagdududang tanong ni Zech.
"Eeeeeh! Huwag ka nang kumontra Kuya Zech! Bukod sa nandito ka, eh alam niyo namang
lahat na fan na fan ako ni Sir Blade. Isa pa, iisa lang din naman ang pag-aaralan
namin eh. Pagbigyan niyo na ako."
Napangiti na lang si Zech dito, ganoon din si Blade. Tapos bigla siyang may
naalala. Nawawala yata si Hunter?!
"Mga bata! Nakita niyo ba si Hunter? Dapat sinasamahan niya ako ditong lase ay-Anak
na laseee!!!..."
Napatingin kasi si Blade sa mga higanteng kalansay ng rhinoceros na naka-display at
nakita niya ang hinahanap niya. Naroon ito at busy na nagse-selfie. Sinasaway na
nga ito ng staff ng museum kasi nakatungtong talaga ito mismo doon sa may lagayan
ng artifact.
"Sir! Bumaba po kayo diyan..." nag-aalalang wika ng babaing staff.
"Huwag kang mag-alala, Miss. Marunong akong mag-ingat." casual na wika ni Hunter.
Hinaplos-haplos pa niya ang bungo ng rhinoceros.
"N-Naku, Sir!" tarantang wika ng babae.
Pero hindi nagpaawat si Hunter. Nagselfie pa siya doon sa tabi ng ulo. Natawa naman
si Blade at napailing.
"Anak na lase... Kapag mga ganito, lumalabas talaga ang kabaliwan ni Hunter. Adik!"
di pa niya napigilang comment.
Natawa na lang si Zech. Matapos iyon ay binalingan na niya ang mga bata. Halatang
nabitin ang mga ito sa lecture niya.
"Mga bata, huwag niyo siyang gagayahin. Baka mapalayas tayo dito sa museum." babala
pa niya.
Samantala... Napahinga ng malalim si Drake habang nakatingin siya sa puntod ni
Erein. Sinamahan siya ni Daisy na puntahan ang puntod ng Lola nito ngayon dahil
wala itong pasok.
"Nagkita ulit tayo, Erein... Pasensiya ka na sa ginawa kong pag-iwan sa'yo ng
walang paalam. Natakot ako na baka hindi mo ako matanggap sa oras na malaman mo ang
totoo kong pagkatao. Patawarin mo ako."
Tumingala si Drake. Medyo nangingilid na kasi sa mga mata niya ang luha. Nagbabadya
na ang pagbagsak nila. Pinapakawalan na niya ngayon ng tuluyan ang guilt at burden
na dinala niya sa loob ng napakaraming taon.
"Iniwan kita dahil natakot ako maging sa sarili ko. Isa akong bampira, hindi ako
normal na tao. Ibang nilalang ako at mas malala pa ngayon. Sana maintindihan mo ako
kung bakit ko nagawa ang pagkakamali na iyon. Huwag mong isipin na hindi kita
minahal at ginawa kong laro ang lahat ng mga namagitan sa atin. Nang makasama kita,
iyon ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko na hanggang ngayon, naaalala ko.
Pinagsisisihan ko ng husto ang ginawa kong pag-iwan sa'yo. Muli, patawad..."
Pasimpleng hinaplos ni Drake ang lapida ng libingan. Matapos iyon ay inilapag niya
ang boquet ng mga pink na lily na kanyang dala. Sinindihan din niya ang dalawang
pink na malalaking kandila na hawak niya. Pinakiramdaman niya ang puso niya, wala
na siyang maramdamang bigat. Gumaan na at mukhang handa na siyang magbukas ng
panibagong chapter. Mataman naman na napatingin si Daisy kay Drake.
Hindi niya masisisi ang kanyang Lola Erein kung bakit nahirapan ito sa pagmo-move
on nang dahil kay Drake. Kasi naman, nakaka-in love pala ito kapag biglang naging
romantic at mukhang wagas ito kapag nagmahal. Palihim niyang pinanggigilan ang dala
niyang boquet. Kinikilig kasi siya. Tapos, bigla siyang napailing.
"Ano ba itong iniisip ko? Hindi puwede..." palihim niyang saway sa kanyang sarili.
"May problema ba?" biglang tanong ni Drake.
Napakurap ang dalaga at pasimpleng napailing. Mukhang nahuli yata siyang nakatitig
dito.
"A-Ah, wala. Ano, kamusta?" pasimple niyang tanong.
Bumuntung-hininga ng malalim si Drake at sinapo ang dibdib.
"Sa tingin ko, narinig naman ako ni Erein at napatawad. Hindi na mabigat ang
pakiramdam ng puso ko. Maraming salamat. Ang laking bagay nitong nagawa mo para sa
akin."
Nahihiyang napangiti ang dalaga kay Drake.
"Wala iyon. Hindi ko naman ginawa ang bagay na ito para lang sa'yo kundi para na
rin sa Lola ko. Kailangan din naman niya kasi ng paliwanag."
Alanganing inilapag ni Daisy ang dala niyang boquet ng puting roses sa puntod.
Lumang-luma na ang libingan dahil hindi pa man siya ipinapanganak ay naroon na
iyon. Nakapulupot ang ilang vines sa may gate ng libingan.
"Hmm... Gusto mo bang pumunta sa museum?" biglang tanong ni Drake.
"Museum? Bakit?"
"Nandoon kasi sina Blade at ang mga estudiyante niya. Mayroon silang educational
tour doon. Tungkol sa history at science ang subject."
"Sige. Mukhang maganda ngang pumunta doon. Pero hindi ba nakakahiya sa mga kaibigan
mo at sa mga estudiyante niya...?"
"Huwag kang mag-alala, kasama mo naman ako eh. Sisiguraduhin kong hindi ka ma-a-out
of place. Pero kung ayaw mong magpunta sa museum, okay lang. Gumala na lang tayo sa
ibang lugar."
Sandaling nag-isip si Daisy.
"Sa museum na lang tayo. Masaya namang kasama sina Blade eh." nakangiti niyang
pakli.
Medyo napaismid ng kaunti si Drake.
"Hay naku, hindi sa lahat ng oras masaya kasama ang mga iyon. Mas madalas na
magulo. But anyway, tara na nga!"
"Okay!"
Umalis na sila sa puntod at naglakad papunta sa labas ng lumang sementeryo na
kinaroroonan nila. Nag-abang sila ng masasakyang tricycle papunta sa museum.
Samantala... Ikinuyom at ibinuka ni Bony ang kanyang mga kamao. Sa wakas, nakabawi
na siya sa lakas na nawala sa kanya ng buhayin niya si Guiseppe Tartini. Dumating
si Legion.
"Oras na. Malapit na ang pagdating ni Satan." untag nito sa kanya.
Ngumiti siya ng matipid.
"Ano kaya ang naisipan ng isang iyon at naisipan niyang lumitaw?"
Nagkibit-balikat si Legion.
"Ewan ko. Dahil sa paghahanda natin sa kanyang pagdating, matagal-tagal din tayong
natahimik. Pero siguradong sulit ang ating pananahimik dahil tiyak na isang
malaking pasabog ang kanyang gagawin." ngumisi ng nakakaloko si Legion.
Ganoon din si Bony.
"Tama ka. Huwag natin kalimutan na siya si Satan-one of the Seven Prince of Hell,
the sin of wrath."
Naglakad na si Legion at napasunod lang si Bony dito. Bumaba sila sa ilalim ng
dungeon ng gusaling kinaroroonan nila. Tanging mga kandila lang ang nagbibigay ng
liwanag sa madilim na hallway na kanilang nilalakaran. Ilang sandali pa ay narating
na nila ang isang malawak na silid kung saan tanging mga kandila at torch lang ang
nagbibigay ng liwanag. Nakapuwesto na ang kanilang mga kasama na fallen angels sa
gilid ng isang higanteng pentagram na gawa sa dugo.
"Mabuti naman at dumating na kayo. Darating na si Satan." puna ni Vaulant.
"Pasensiya na, medyo napasarap ang tulog ko. Hindi bale, umabot naman kami ni
Legion." wika ni Bony.
Hindi na nagsalita si Vaulant. Tumingin na lang ito sa gitna ng malaking pentagram.
Ilang sandali pa ay unti-unting yumanig ang paligid. Kasabay ng pagyanig ay ang
paglakas ng apoy sa mga kandila at torch na naroon. Habang tumatagal ay mas
lumalakas ang pagyanig at nagbubuga na ng asul na apoy ang mga kandila at torch sa
paligid. Mukhang magigiba na ang gusali. Unti-unting nagkaroon ng apoy ang gitna ng
pentagram. Asul na apoy iyon. Unti-unting lumaki ang apoy hanggang sa tuluyan na
nitong masakop ang buong pentagram. Ilang sandali pa ay isang anino sa gitna ng
apoy ang lumitaw.
Matapos iyon ay dahan-dahan nang nahahawi ang malakas na apoy na asul at nakita
nila ang isang lalaki na nakasuot ng itim na kasuotan. Isang simpleng suit na itim,
necktie na itim, pants na slacks na itim at sapatos na itim. Maikli ang maitim
nitong buhok at mayroon itong asul na mga mata. Kakulay ng apoy na nagliyab.
Maputing-maputla ang kulay ng balat, katamtaman ang katawan at matangkad. Ngumiti
ito at matamang tumingin sa lahat ng mga fallen angels na naroon. Pasimple nitong
inayos ang suot na tie.
"Woah, grabe talaga ang pakiramdam sa pagdaan sa portal." bigla nitong wika.
"Maligayang pagdating dito sa lupa, Satan." bati ni Vaulant.
"Ah... Napakainit naman ng inyong pagtanggap."
Humalukipkip si Tumand at matamang tumitig sa bagong dating.
"Sabihin mo, anong ipinunta mo dito? Hindi biro ang lakas na ibinubuhos niyo para
lang makarating dito at makawala kayo sandali sa impiyerno..." amuse niyang tanong.
Isang matipid na ngiting may kahulugan ang namutawi sa labi ni Satan. Matapos iyon
ay biglang tumalim ang mga mata nito at mariing ikinuyom ang mga kamao kasunod noon
ay ang pagbalot ng asul na apoy sa buo nitong katawan.
"Noong nakaraan, biglang lumitaw si Leviathan na mahina at nababalot ng isang angel
chain. Matindi ang tama ng kapangyarihan sa kanyang katawan at nahirapan kaming
kalasin ang mga kadenang nakabalot sa kanya. Lingid sa amin ang bigla niyang
pagpunta dito sa lupa. At nagulat kami nila Belzeebub nang sabihin niya sa amin na
si Blade ang may gawa noon sa kanya. Isa itong malaking insulto at curious akong
malaman kung ganoon na ba talaga ang inilakas ng isang iyon..."
Napataas ng kilay si Ziggur.
"Nakakatawa naman. Si Blade? Parang ang hirap yatang paniwalaan niyan. Buwiset!"
ngitngit niya.
"Hindi magsisinungaling si Leviathan o magbibiro ng ganoon. Kung nakita niyo lang
sana ang kamiserablehan niya ng dumating siya sa hell na nababalot ng Angel's Chain
ni Blade... Wa ha ha ha ha! Ang saya-saya..."
Mas tumalim ang mga mata ni Satan.
"Kung ganoon, ano ang gusto mo?" curious na tanong ni Vaulant.
Deretsong tumingin dito si Satan.
"Gusto kong makita at makaharap si Blade. Gusto ko siyang labanan. Hindi para
iganti si Leviathan kundi gusto ko lang ng gulo. Nahamon ako sa kanyang ginawa."
Medyo napailing si Tumand.
"Paano iyan? Kami ang hina-hunting nila Blade kaya hindi kami nagpapakita. Ngayon
naman, ang gusto mo ay sila ang hanapin? Wala akong ideya diyan." wika niya.
Tumawa ng mahina si Satan.
"Madali lang iyan... Kailangang gumawa ng gulo. Isang malaking gulo para lumabas
ang mga alagad ng kalangitan. Ipaparamdam ko ang aking aura sa lahat at gusto kong
manaig sa lahat ng tao ngayon ang takot at matinding kaba. Iyong tipong iisipin
nila na dumating na ang katapusan ng lahat... Mawawala sila sa katinuan hanggang sa
mawalan na sila ng paniniwala... Wooh! Ang saya, iniisip ko palang, nai-excite na
ako ng husto!"
Napangiti si Bony sa tinuran ni Satan.
"Sama ako diyan! Basta akin lang si Zech. Igaganti ko si Colossus."
Tumingin sa lahat si Satan.
"Sumama kayong lahat. Hindi pupuwedeng si Bony lang ang sumama sa akin. Mas marami,
mas masaya. Manggugulo tayo at ipapakita sa mundo na mayroong kasamaan dito sa
lupa."
"Isang magandnag ideya." napangiting wika ni Hydrian.
Sumang-ayon ang lahat sa gusto ni Satan. Lumakad na silang lahat at lumabas. Pinili
nilang magpunta sa sentro ng siyudad. Nasa gilid sila ng kalsada at nakamasid sa
mga ordinaryong tao na abala sa paligid. Walang kamalay-malay ang mga ito sa
malaking gulo na malapit nang maganap. Huminga ng malalim si Satan.
"Grabe, ang tagal nang panahon ng huli akong makalanghap ng napakasariwang hangin
na kagaya nito. Sisiguraduhin kong mag-eenjoy ako sa pananatili ko dito ng
pansamantala."
Pinalagutok niya ang kanyang mga braso at mga kamay. Huminga ulit siya ng malalim
para ihanda ang sarili sa kanyang gagawin. Ilang segundo muna ang kanyang pinalipas
hanggang sa nagsimula na siyang magpakawala ng malakas na aura at kapangyarihan
mula sa kanyang katawan. Unti-unting dumidilim ang paligid.
"A-Anong nangyayari?!" gulat na wika ng mga tao.
Napatingala ang lahat sa langit at nakita nila na nagkakaroon ng eclipse.
Natatakpan ng buwan ang araw ng paunti-unti. Ngunit ang nakakatakot ay ang kasunod
nito.... Binabalot ng napakakapal na ulap ang kalangitan. Nagmimistula nang gabi
ang paligid... O mas madilim pa doon...
Napatigil sa akmang pagpasok sa loob ng museum sina Dake at Daisy ng mapansin nila
ang unti-unting pagdilim ng paligid.
"Drake, tingnan mo. Grabe, nakakatakot." pakli ni Daisy.
Lihim na ikinuyom ng mariin ni Drake ang kanyang mga kamao. Isang napakalakas na
aura ng demon ang nararamdaman niya. Mas matindi pa ito doon sa aura ni Leviathan.
Napalunok siya at napatingin sa langit. Ibang klaseng kadiliman ang paparating.
"Huwag kang mag-alala, isang natural na phenomena ang eclipse. Mamaya lang,
liliwanag din agad ang buong paligid."
Bahagya siyang napakislot ng kumapit sa kanang-braso niya ang dalaga. Ramdam niyang
hindi ito naniniwala sa kanya.
"Kaya? Tingnan mo, Drake... May makakapal na itim na ulap ang unti-unting bumabalot
sa langit. Pakiramdam ko, hindi normal ang nangyayari."
"Ulan lang iyan. Isang malakas na ulan. Ang mabuti pa, pumasok na tayo sa loob ng
museum. Baka dito pa tayo maabutan ng ulan." mahinahon niyang wika.
"Mas mabuti pa nga."
Sabay na silang pumasok sa loob ng museum. Samantala... Napatingala si Creta sa
langit at napakunot-noo. Isang aura ng isang demon ang malakas niyang nararamdaman.
Iyong tipo na sinadya talaga para makakuha ng atensyon. Kitang-kita niya ang
pagdilim ng langit at ang buong paligid. Kasama niya sa may labas ng simbahan si
Father Piyo.
"Father, ang mabuti pa pumasok na po kayo sa loob ng simbahan at ipagdasal kami
nila Blade."
"Ano ba ang nangyayari?" kalmado nitong tanong.
Nagtiim ang kanyang mga bagang.
"Mapapasabak kami sa laban. Isang malakas na diyablo ang dumating at base sa mga
nangyayari, parang hinahamon kami. Pupuntahan ko sila agad ngayon."
"Sige. Mag-ingat ka. Tandaan mo lang na kapag nangailangan ka ng tulong, tumawag ka
lang sa itaas."
"Alam ko na po ang bagay na iyan. Ganoon pa man, salamat po sa pagpapaalala."
Ngumiti si Father Piyo sa kanya. Sa kabila ng lahat ay kalmado pa rin ito. Mabilis
niyang kinuha sa bulsa ng kanyang pantalon ang cellphone niya. Idinial niya ang
number ni Zech. At habang tumatawag siya ay nagsimula na siyang tumakbo papunta sa
museum. Ilang ring lang ay sinagot na nito ang tawag niya.
"Kamusta kayo diyan? Naramdaman niyo ba iyong kapangyarihan ng diyablo? Hindi ako
sigurado pero sa lakas ng aura niya ay mukhang isa sa Seven Prince of Hell ang
nandito ngayon sa lupa." sunud-sunod niyang wika.
"Kalma lang, Creta. Nandito kaming lahat sa museum at binabantayan ang mga bata at
ang iba pa. Pinagbawalan muna namin silang lumabas hangga't hindi pa nawawala ang
eclipse. Huwag muna tayong kumilos hangga't walang kakaibang nangyayari. Hindi
natin kailangang maging padalus-dalos."
"Okay! Ganoon pa man, papunta na ako diyan."
"Sige."
Ini-end na niya ang tawag. Unti-unting pumatak ang ulan mula sa napakakapal na
maitim na ulap na nasa langit. Umambon na at ang ambon na iyon ay tuluyan nang
naging napakalakas na ulan. Wala nang pakialam si Creta kahit na nabasa na siya
dahil sa malakas na ulan. Nang biglang....
"Aargh!..."
Napaungol ng malakas si Creta ng biglang may kung anong madikit na bagay ang
biglang bumagsak sa kanyang kanang braso at kinagat siya doon. Napatingin siya sa
braso niya at nanlaki ang kanyang mga mata ng makita niya ang isang napakalaking
linta na kumakagat sa braso niya at sumisipsip ng kanyang dugo. Itim iyon na may
guhit ng dark-green at kasing taba ng palad ng tao at kasing haba ng braso ng isang
sampung taong gulang na bata. Malalaki ang ngipin noon na nakakagat. Kung
ordinaryong tao lang siya ay kanina pa siya namatay.
"Sheyt!"
Ginamit niya ang kanyang kapangyarihan para patayin ang linta sa kanyang braso.
Isang malakas na apoy ang kanyang pinalabas. Naabo ang linta.
"EEEEEEEEEH!!!!...."
Nakarinig siya ng malakas na mga sigaw ng mga tao. Napatingin siya sa paligid at
nakita niyang nagkakagulo na ang lahat dahil sa mga malalaking linta na ibinabagsak
ng malakas na ulan. Nasa itaas siya ng bubong ng isang bahay. Medyo malapit na siya
sa bayan pero kailangan niyang tulungan ang nga tao. Naglabas siya ng maraming
baraha at matapos iyon ay mabilis siyang tumalon ng mataas mula sa bubong ng bahay
na kinatutungtungan niya. Ipinakalat niya ang lahat ng baraha niya sa buong paligid
at pagkatapos noon ay...
"Lahat kayo, DUMAPA!!!!..." malakas niyang sigaw.
Dumapa nga ang mga tao at matapos iyon ay mabilis niyang pinasabog ang mga baraha
niya na ikinalat niya sa buong paligid. BOOOM!!!!... Takot na napayuko ang mga tao
habang nakadapa. Matapos iyon ay maraming kumalat na patay na higanteng linta sa
paligid. Pero patuloy ang pagbagsak ng mga linta mula sa ulan. Pasimpleng tinakpan
ni Creta ang kanyang mukha sa pamamagitan ng kanyang kaliwang-kamay.
"Lahat kayo, pumasok sa loob ng mga gusali! Siguraduhin niyong nakasara ang lahat
at walang butas na mapapasukan ang mga lintek na linta na iyan! Sheyt!.."
Naglabas siya ng mga baraha at ginawa niyang malalaki ang mga iyon para gawing
shield ng mga tao. Nagulat ang mga ito at napatangang tumingin sa kanya. Napakunot
ang kanyang noo.
"Mga mulagat! Kumilos na kayo ah! Gawin niyo na ang sinasabi ko! Sheyt na
malagkit!..." galit niyang wika.
Dahil doon ay tarantang kumilos ang mga tao at nagsipasok sa loob ng mga gusali.
Binalot ni Creta ang sarili niya ng kapangyarihan para hindi siya makapitan ng mga
linta.
Samantala... Napakunot-noo si Rane ng mapansin niya na tila may kung anong kasamang
ibinabagsak ang ulan. Lumapit siya sa malaking bintana ng museum at tumingin sa
labas. Medyo malabo ang salamin dahil sa kapal ng mist na likha ng napakalakas na
ulan.
"Parang nagkakagulo ang mga tao sa labas-AAaaah!..."
MWAR!!... Ganoon na lang ang sigaw ni Rane ng biglang may sumunggap na kung anong
nilalang sa salamin. Malalaki ang mga ngipin nito na nakadikit sa bintana at nakita
niya ang isang malaking uod na naroon. Dumikit na ito ng tuluyan sa malaking
bintana. Natumba siya dahil sa sobrang gulat at nakakuha siya ng atensyon. Lumapit
sa kanya si Blade at ipinatayo siya.
"Ayos ka lang?"
Nanginginig siyang tumango dito at wala sa sariling naituro niya ang bintanang
tinitingnan niya. Hindi naalis ang atensyon niya doon. Dahil sa ginawa ni Rane ay
napatingin ang lahat sa bintanang itinuro nito. Nagulat ang lahat at..
"Aaaaaah!!!..."
Nagsigawan ang lahat kasi mas maraming malalaking linta ang biglang lumukso at
dumikit sa bintana. Naging alerto sina Zech, Blade, Drake at Hunter.
"Huminahon kayong lahat! Huwag kayong mag-PANIC!!!!!..." malakas na sigaw ni Drake.
Napatigil ang lahat at napatingin kay Drake.
"Huwag kayong matakot! Ligtas ang lahat dito sa loob ng museum. Hindi makakapasok
dito ang mga malalaking linta na iyan. Basta huminahon lang kayong lahat at
manatili dito sa loob. Huwag kayong lalabas kung ayaw niyong makeret!" wika pa
niya.
Matapos iyon ay sinabihan nila Blade ang mga namamahala sa museum na isarado ang
lahat.
"Anak na lase! Hahanapin ko ang sinumang may gawa nito! Talagang nanghahamon!"
gigil na wika ni Blade.
"Sama ako." wika ni Drake.
"Ako rin." wika ni Zech.
Nasapo naman ni Hunter ang kanyang noo.
"Fine, ako na ang bahala dito. Proprotektahan ko sila."
Gusto sana niyang sumama pero naunahan na siya. At kung sasama man siya, hindi nila
matitiyak ang kaligtasan ng mga tao sa museum. Prayoridad nila dito ang mga bata.
Naglakad na papunta sa labas ang tatlo at siya naman ay pumuwesto sa itaas ng
museum. Ipinasara niyang maigi ang lahat ng pinto at bintana ng gusali. Huminga ng
malalim si Hunter. Mariin siyang pumikit at tumingala sa langit.
"Mahal kong Ama, bigyan mo ako ng lakas para puksain ang kadiliman."
Tumitig siya at itinuon ang paningin sa napakadilim na ulap. Inilabas niya ang
kanyang Angel's Arrow at itinutok doon ang kanyang palaso. Isang malakas na puwersa
ng kanyang kapangyarihan ang ibinalot niya. Pinuntirya niya ang pinakamadilim na
bahagi ng ulap at matapos iyon ay tuluyan na niyang pinakawalan ang kanyang palaso
na may malakas na puwersa. Nang tumama na iyon sa napakaitim na ulap ay sumabog ang
isang matingkad na puting-liwanag. Nahawi ang malaking porsiyento ng itim na ulap.
Samantala... Napangisi si Satan ng makita niya ang nangyari sa ulap na ginawa niya.
Napansin na ang kanyang ginawa. Isa itong magandang senyales.
"Huh, hindi ako magpapatalo. Maghanda na kayo guys... Darating na ang mga kalaban."
Muli siyang gumawa ng itim na ulap. Mas kinapalan pa niya at pinalakas ang
kadilimang naroon.
"Handa kami, anytime." sagot naman ni Vaulant.
Medyo nagulat naman si Hunter ng makita niya ang nangyari sa itim na ulap na
pinaulanan niya ng kanyang kapangyarihan. Bahagya siyang napailing. Muli niyang
pinuntirya ang maitim na ulap at sa pagkakataong ito ay mas malakas kaysa sa dati
niyang lakas ang balak niyang pakawalan. Nang maipon niya ang lakas sa kanyang
palaso ay tuluyan na niya iyong pinakawalan. Bumulusok iyon ng mabilis na tila
isang makinang na bulalakaw na nababalot ng napakatingkad na puting-liwanag. Nang
tumama iyon sa napakaitim na ulap ay sumabog iyon at nawala ang malaking bahagi ng
itim na ulap. Dahil sa nangyari ay huminto ang ulan kasabay ng pagbagsak ng mga
linta. Ang problema, kailangan niyang tuluyang wasakin ang napalaking itim na ulap
dahil balewala kung bahagi lang ang mawawala. Muli lang iyong mabubuo. Muli siyang
naghanda sa pagtira.
Samantala.... Napahinto na sina Blade, Zech at Drake nang marating nila ang lugar
kung saan nagmumula ang napakalakas na aura ng demon na nararamdaman nila.
"S-Satan..." napalunok na wika ni Zech.
Maang naman na napatingin si Drake sa lalaking tinutukoy nito. Kung titingnan ay
isa lamang itong normal na tao.
"Oh, Zech my dear! Long time no see! Ha ha ha ha! How dare you 3x a day! Buwiset
ka!" natatawang wika ni Satan ng tumingin ito sa binata.
Gigil na ikinuyom ni Zech ang kanyang mga kamao at tumingin sa iba pang fallen
angels na naroon. Sina Vaulant, Tumand, Ziggur, Hydrian, Bony, Hideus, Ike at si
Legion ang naroon. Dehado sila sa bilang. Ganoon pa man, hindi sila madedehado sa
laban dahil sinanay sila ng mga Archangels. Mas malakas na sila kaysa sa dati.
"Relax ka lang, Zech. Wala akong pakialam sa inyo ng Blood Demon. Enteresado ako
kay Blade...."
Binalingan ni Satan ng tingin si Blade. Inihanda naman ng huli ang kanyang sarili.
"Bakit? Anong kailangan mo sa akin?" casual niyang tanong.
"Gusto kitang labanan. Nahamon lang naman ako sa ginawa mo kay Leviathan. Isang
malaking kahihiyan ang nagawa mo para sa aming mga Seven Prince of Hell. Mataas ang
aming Pride at kailangang may isa sa amin ang magbangon noon. At napagpasyahan
namin na ako ang babawi."
Pagkasabi ni Satan ay mabilis na sumugod ng suntok si Blade dito. Gusto niyang
tingnan kung ano ang resulta ng kanyang pagsasanay para mapalakas ang pisikal
niyang katawan. Hindi inaasahan ni Satan ang atakeng iyon ni Blade. Tumilapon ito
sa malayo at bahagyang napaluhod. Umusok ang sementong binakatan ng mga paa nito.
Napangisi si Satan at matalim na tumingin kay Blade. Hindi biro ang suntok na
ipinatama nito sa kanya. Mas malakas pa ito sa kanyang inaasahan.
"Magaling! Ako naman!"
FRRRZ! Isang mabilis na asul na apoy ang biglang nag-blink at sa isang iglap lang
ay nawala sa kinatatayuan nito si Satan. Bigla itong lumitaw sa harap ni Blade at
mabilis na umatake ng suntok. Nasangga ni Blade ang atake nito gamit ang kanyang
mga braso na kanyang pinagkrus. Malakas ang suntok na iyon kaysa sa pinakawalan
niya kaya naman napaatras siya ng mas malayo. Inaasahan na niya iyon dahil si Satan
ang kanyang kaharap. Isa ito sa mga pinakanangungunang mandirigmang anghel sa
langit dati.
Nag-counter siya ng atake, isang malakas na sipa sa tagiliran ang kanyang
pinakawalan pero nasangga ng kanan nitong kamay ang binti niya. Mahigpit nitong
hinawakan iyon at wala itong balak na bitawan. Gamit ang lakas ng kalaban ay muli
siyang umatake ng malakas na sipa mula sa kaliwa niyang binti at tinamaan niya ang
mukha nito. Nabitawan nito ang binti niya at pinunasan ang mukha nitong inagusan ng
dugo mula sa ulo nito.
"Tsk! Mukha talagang kailangan kitang seryosohin!" bigla nitong pakli.
Inaasahan ni Blade ang reaksyon nito.
"Anak na lase!" bulalas na lang niya.
"Same to you!"
Binalutan ni Satan ng kanyang asul na apoy ang kanan niyang kamao at agad na
sumugod. Mabilis namang kumilos si Blade para iwasan ang atake nito pero hinabol
siya ng kalaban.
Samantala... Pinalibutan ng mga kalaban sina Drake at Zech. Binago na ni Drake ang
kanyang anyo. Nagpalit na siya sa kanyang demon form pero kagaya nina Zech at
Blade, nakatago pa rin ang kanyang mga pakpak.
"Tingnan mo nga naman, ang dating magkalaban... Ngayon magkakampi na? Puwe!
Nakakasuka na lase!" nang-aasar na wika ni Vaulant.
"Ah ganoon?!"
Mabilis na pinalibutan ni Drake ng kanyang pulang-apoy ang buong paligid nila ni
Zech. Napaatras ang mga kalaban sa kanyang ginawa dahil sa kakaibang init ng
kanyang apoy. Tumalon ng mataas si Zech at nagpaulan ng mga sumasabog na asul na
petals ng roses. Ngunit agad na sumugod dito sina Vaulant, Tumand, at Ziggur ng
kanilang mga Angel's Burst pero mabilis na gumamit si Drake ng kanyang Blood rain
para kontrahin ang mga kapangyarihan ng mga ito. Nagkaroon ng collision ng mga
lakas at isang malakas na pagsabog ang yumanig sa buong paligid.
Si Drake naman ngayon ang sumugod at hinarap naman siya nina Ike, Legion, at
Hydrian.
"Huhulihin ka namin, Blood demon." nakangising wika pa ni Hydrian.
Ito ang unang sumugod ng mabilis na suntok pero agad na nakaiwas si Drake. Isang
sipa naman ang pinakawalan ni Legion pero nasangga niya at mabilis siyang lumayo
dito. At mula sa kanyang itaas, sumugod ng malakas na suntok si Ike pero mabilis
niyang ibinalot ang kanyang mga pakpak sa kanyang sarili para gawing shield. Sa
lakas ng atake nito ay lumubog pa ang kanyang mga paa sa sementong kinatutungtungan
niya.
"Oras na para magseryoso tayong lahat." anunsyo pa ni Hydrian.
Inilabas na nito ang mga pakpak at ang kanyang espada na may kalakihan. Iniumang
nito iyon kay Drake ngunit mabilis na ni-requip ng huli ang blood sword nito para
sanggain ang atake. Nagsisimula nang ganahan si Drake sa laban. Unti-unti nang
umiiral ang pagiging Blood Demon niya. Pinag-apoy niya ng malakas ang kanyang
espada at nagulat si Hydrian sa kanyang ginawa. Bigla itong napalayo. Sumugod naman
sa kanya sina Legion at Ike pero nagpaulan si Drake ng apoy sa mga ito ngunit
mabilis na binalutan ng dalawa ang kanilang mga sarili ng kanilang mga pakpak.
Samantala... Kasalukuyang kalaban ni Zech si Bony. Malalaking tipak ng bato ang
mabilis nitong ipinapaulan sa kanya na agad naman niyang winawasak sa pamamagitan
ng mga matatalim na ugat ng mga halamang may tinik. Itim ang kulay noon na tila
isang asero.
"Humanda ka sa akin!" gigil pang wika ni Bony.
Iniangat nito ang kanan nitong palad at sa isang iglap lang ay isang malaking tipak
ng bato mula sa lupa ang lumitaw. Lumutang iyon sa ere at agad na pinabulusok
papunta kay Zech. Pero mabilis na ginamit ni Zech ang kanyang kakayahan. Ni-requip
niya ang kanyang espada na kulay green at may hawig ng design sa halamang rose. Sa
gilid ng talim nito ay may kulay na pulang matingkad doon. Isa iyong lason na kapag
tumama sa kalaban ay nakakapagparalisa ng buong katawan.
Ngunit bago pa makasugod si Zech ay inunahan na siya nina Tumand, Hideus at
Vaulant. Sumugod ang mga ito ng kanya-kanyang kapangyarihan.
"CERES WHIP!!..." si Vaulant.
"STORM BLAST!!!..." si Tumand.
"DUAL SLASH!!!..." si Hideus.
"Buwiset!" pakli ni Zech.
Pawang iyong pinakamalalakas na atake ang ipapatama sa kanya at siguradong matindi
ang matatamo niyang pinsala kahit na ginawa na niyang shield ang kanyang mga
pakpak. Mariin siyang pumikit.... Mabilis naman na tumakbo si Creta at agad na
naglabas ng kanyang mga higanteng baraha. Iyong tipong napakalalakas. Mula doon ay
lumabas ang napakaraming JACKS at pumalibot ang lahat ng iyon kay Zech. Gumawa ang
mga ito ng shield.
Tumama ang lahat ng kapangyarihan at ang mga JACKS na pinalabas ni Creta ang sumalo
sa lahat ng malalakas na atake na tatama sana kay Zech.
"M-Mabuti na lang, umabot ako..." humihingal na wika ni Creta.
Marami kasi siyang tao na tinulungan sa daan kanina kaya medyo na-delay ang kanyang
pagdating.
Samantala... Humihingal na si Hunter ng mapahinto siya sa pagpana. Kaunti na lang
at tuluyan na niyang mawawasak ang itim na ulap. Nang makapag-ipon siya ng lakas ay
muli niyang itinuloy ang pagpana. Napatingin siya sa langit, madilim pa rin dahil
sa eclipse at ramdam na ramdam niya ang malalakas na mga kapangyarihan na
naglalaban-laban sa di-kalayuan. Hindi niya kayang kontrahin ang nangyayaring
eclipse dahil ibang klaseng lakas na ang kinakailangan doon. Sa mga ulap pa nga
lang na makakapal at maiitim ay nahihirapan na siya.
Mataman namang tumingin sa labas ang mga bata at iba pang naroon sa museum.
"Nawawala na ang mga itim na ulap. Ano iyong maliwanag na parang bulalakaw na
tumatama doon?" nagtatakang wika ni Karen.
Napatingin siya kay Rane at napansin niya na nag-aalala ito ng husto at tila may
ideya ito sa kung ano ang kakaibang nangyayari sa labas.
"Rane, may alam ka ba?" bigla niyang tanong.
Nagulat si Rane ng mapatingin siya kay Karen. Napalunok siya at nakita niya ang iba
pa na nakatingin sa bintana at curious na curious kung ano iyong napakaliwanag na
kulay-puti ang tumatama sa mga napakaitim na ulap kaya nawawala na ang mga iyon.
Ang mga puting-liwanag din na iyon na tila bulalakaw ang nagpahinto sa pag-ulan
kasama ng pagkawala ng mga linta. Kilala niya kung kaninong kapangyarihan iyon. Kay
Hunter. Iyon ang Angel's Arrow nito.
"Wala. Hindi ko rin alam kung ano talaga ang nangyayari."
"Kamusta kaya sina Sir Blade sa labas? Di ba delekado?"
"Hayaan mo sila. Mga lalaki naman sila eh. Kaya nila ang kanilang mga sarili."
casual na wika na lang ni Rane.
"Sabagay."
Samantala... Patuloy sa paglalaban sina Satan at Blade. Binalutan niya ang kanyang
mga kamay ng kapangyarihan niyang kidlat dahil malalakas na asul na apoy ang
ipinapatama ng kalaban sa kanya. Mabilis siya nitong sinusugod at halos wala siyang
oras para umatake man lang.
"Aba, nagagawa mong sanggain ng mabilis ang mga atake ko ah? Mas lumakas ka kaysa
sa dati. How dare you 3x a day!"
Inilabas na ni Satan ang kanyang Demon's Chain. Kulay-itim iyon at nababalutan ng
asul na apoy. Para maging patas ay inilabas na rin ni Blade ang Angel's Chain niya.
"Ngayon, makikita ko kung mas matibay ang iyong Angel's Chain kaysa sa akin!"
Biglang nawala si Satan sa kanyang harapan. Pinakiramdaman naman ni Blade ang buong
paligid. Isang ihip ng hangin ang naramdaman niya sa gawing itaas niya. Tumingala
siya at nakita niya doon si Satan na nakaumang ang Demon's Chain nito. Mabilis
niyang sinalag iyon gamit ang kanyang Angel's Chain. Nagkapuluputan ang mga kadena
nila.
"Ngayon, magpalakasan tayo, Blade!"
Hinila ni Satan ang kadena nito pero hindi nagpatinag si Blade. Mahigpit niyang
hinawakan ang kanyang Angel's Chain at nakipaghilahan na siya sa kalaban.
Samantala, kasalukuyang kalaban ni Drake sina Hydrian, Ike at Legion. Ginamit niya
ang kanyang Blood Rain para mapaulanan ng mga atake ang mga ito pero nag-counter
attack silang tatlo ng Angel's Burst at natalo ang kanyang Blood Rain.
"BLAZING INFERNO!!!..."
Gumamit siya ng shield na apoy. Mabilis siyang sumugod para hindi siya maunahan ng
mga kalaban. Tatlo sila at mag-isa lang siya. Una niyang sinugod ng kanyang Iron
Fist Wave si Ike dahil malapit lang ito sa kanya. Tumilapon ito dahil hindi nito
inaasahan ang atake niya. Sunod naman niyang aatakehin si Hydrian pero mabilis
itong lumayo at agad na lumapit kay Legion.
Laking-gulat ni Legion nang bigla siyang i-lock sa kanyang leeg ni Hydrian. Mula sa
likuran nito ay pinalabas nito ang Angel's Chain nito at ibinalot sa kanyang
katawan.
"A-Anong ginagawa mo?!" galit na tanong ni Legion.
Ngumiti ng nakakaloko si Hydrian at tumingin kay Drake. Nalito naman ang huli at
natigilan.
"Blood Demon! Ano pang inaantay mo? Atakehin mo na siya! Sayong-sa'yo na ang isang
ito! Regalo ko!" nakangiting wika pa ni Hydrian.
"W-Walang-hiya kang traidor ka! Buwiset ka! Animal ka!..." gigil na wika ni Legion.
Pinipilit niyang makawala sa Angel's Chain ni Hydrian pero bigla siyang nanghina ng
pilipitin nito ang kanyang leeg. Nawalan siya ng hangin at halos mawalan siya ng
ulirat ng tigilan siya nito.
"Urgh!" napaubo pang ungol ni Legion.
Madilim ang mukha ni Hydrian. Napatigil sa akmang pagsugod sina Vaulant, Tumand at
Ziggur kay Creta. Ganoon din sina Bony at Hideus na akma din sanang aatake kay
Zech.
"Lang'ya ka! Anong ibig-sabihin nito?!" gulat na wika ni Tumand kay Hydrian.
Ngumiti ng nakakaloko sa lahat si Hydrian.
"Simple lang, sawang-sawa na akong maging sunud-sunuran sa iyo, Vaulant! Palaging
ikaw na lang! Ang gusto ko, ako naman! Gusto kong gawin kung ano ang gusto ko!"
Mahigpit na ipinulupot ni Hydrian ang kanyang Angel's Chain kay Legion.
Tapos ay isang puting-usok ang biglang bumulusok papunta kay Hydrian.
"TRAIDOR!!!!..." ang malakas na sigaw ni Ike.
Isang malakas na sipa ang isinugod niya dito. Tumilapon ito at nabitawan na nito si
Legion. Mabilis na tinulungan nina Vaulant si Legion at nawala na ang kanilang
buong atensyon kina Drake, Creta at Zech na natuliro at nagulat sa mga nangyari.
"Buwiset! Gaganti ako kay Hydrian! Traidor siya!" galit na wika ni Legion.
"Kung ganoon, habulin na natin ang walang-hiya!" si Vaulant.
Umalis na ang kanilang grupo para habulin si Hydrian at pinabayaan lang nila Drake
ang mga ito.
Samantala... Biglang pinagapangan ng apoy ni Satan ang kanyang Demon's Chain at
mabilis na pinaglaho ni Blade ang kanyang Angel's Chain para hindi siya mapaso.
Hinila ni Satan ang kanyang kadena at matapos iyon ay iniikot iyon sa ere kasabay
ng pagpapaulan nito ng apoy. Gustung iwasan ni Blade ang mga apoy nito pero nasa
likod niya ang isang gusali kung saan nagtatago ang maraming inosenteng mga tao.
Hindi na siya nagdalawang-isip na balutin ang kanyang sarili ng kanyang mga pakpak
at gumawa din siya ng shield na kidlat para maprotektahan ang mga tao sa loob ng
gusali. Ang apoy ni Satan ang pinakamainit na apoy sa lahat.
"UUURGH!!!!..."
Hindi maipaliwanag ni Blade ang sakit at hapdi ng apoy ni Satan. Marami sa mga
balahibo ng kanyang mga pakpak ang nasunog. Halos buong katawan din niya ang napaso
sa apoy nito kahit na gumawa siya ng shield.
"Isa kang hangal! Mas iniintindi mo pa ang mga walang-kuwentang tao kaysa sa sarili
mo! Huh, saltek kang talaga!"
Mabilis na sumugod ng suntok si Satan at hindi na niya naiwasan ang atake nito.
Malakas na suntok sa mukha ang natamo niya at natumba siya. Hindi pa nakuntento si
Satan ay tuloy-tuloy na malalakas na suntok sa katawan ang ipinaulan niya kay Blade
at nag-aapoy ng malakas ang mga kamao nito.
Hindi nagagawang lumaban ni Blade dahil malakas na tumatalsik sa buong paligid ang
mga apoy ni Satan. Mas pinagtuunan niya ng pansin ang paglalagay ng shield para
maprotektahan ang mga tao.
"Buwiset ka! Lumaban ka sa akin!" gigil namang wika ni Satan.
Isang batang-lalaki mula sa loob ng gusali ang hindi na nakatiis. Lumapit siya sa
may bintana at sumigaw nang...
"Lumaban ka! Kaya mo 'yan!!..."
Napatingin si Satan sa pinanggalingan ng tinig at nakita niya ang isang batang-
lalaki at ilang mga tao na tulirong nanonood sa laban nila ni Blade. Napangisi siya
at nag-transform sa kanyang demon form. Kitang-kita niya ang takot at pagkagulat ng
mga tao. Dinaklot niya ang kuwelyo ni Blade at bahagyang iniangat. Tumawa siya ng
nakakaloko sa mga tao, lalo na doon sa batang-lalaki na nagcheer kay Blade. Matapos
iyon ay iniumang niya ang kanan niyang kamao na binalutan niya ng apoy. Malakas na
apoy...
Gustung iwasan ni Blade ang atake dahil napakalakas noon. Kaya lang, ang kapalit
naman ay ang buhay ng mga inosenteng tao. Napatingin siya sa batang-lalaki at
ngumiti siya dito. Pumikit siya at...
"Boss, resbak naman diyan. Hindi ko na kaya ang isang ito..." mariin niyang dasal.
Mas pinalakas naman ni Satan ang kanyang apoy.
"Hangal ka, Blade! Kaya mo akong labanan pero mas iniintindi mo ang mga mahihinang
nilalang na iyan! Tanga ka! Gago kang lase!..."
Malakas na sinuntok ni Satan si Blade pero bago pa man dumapo ang kanyang kamao sa
mukha nito ay namatay ang kanyang apoy at isang makinang na Angel's Chain na kulay
ginto ang pumulupot sa kanyang kanang-kamay. Isang malamig na hangin ang biglang
umihip at biglang nawala si Blade sa kanyang harapan. Napatingin siya sa may
kagagawan noon at nakita niya si Michael. Nasa tabi na nito si Blade at ito ang may
ari ng gintong Angel's Chain na nakapulupot sa kanyang kamay.
"Michael..." gigil na wika ni Satan.
Ngumiti si Saint Michael dito.
"Hello, Satan. Long time no see."
Matapos iyon ay mabilis niyang binalot ng kanyang Angel's Chain si Satan. Binuksan
niya ang Gate of Hell at unti-unti na itong nilamon papasok sa loob ng nag-aapoy na
impiyerno.
"How dare you 3x a day!..." galit na wika ni Satan kay Michael.
"God Bless you, brother." sagot ni Michael.
"Aaaaaw!!!..." atungal ni Satan bago ito tuluyang lamunin ng Gate of Hell.
Nawala na ito. Ipinitik ni Michael ang mga daliri at sa isang iglap lang ay huminto
sa pagkilos ang mga tao.
"Blade, bakit late ka na tumawag ng resbak?"
Ngumiti si Blade ng matipid dito.
"Eh kaya ko naman siyang harapin eh, sa palagay ko. Gusto kong tingnan ang result
noong training na ibinigay mo sa akin. Kaso, ayaw ko namang mapahamak ang mga
inosenteng tao. Hindi sila puwedeng madamay kasi wala naman silang kinalaman sa
laban namin. Anak na lase, sinamantala naman ng Satan na iyon ang sitwasyon!"
"Bunganga mo nga!" sabay-kutos.
"Ageeeeh!"
"Natural na samantalahin niya ang sitwasyon. Demon nga ang kalaban mo at wala iyong
pakialam sa kahit na sino. Gulo lang ang gusto niya. Siya nga si Satan di ba? The
sin of Wrath and one of the Seven Prince of Hell."
Itinaas ni Michael ang kanan niyang kamay at isang maliwanag na kapangyarihan ang
pumaitaas. Kulay-ginto iyon. Unti-unti nang nawawala ang eclipse at nagliliwanag
nang muli ang paligid. Tuluyan nang sumikat ang maliwanag na sikat ng araw. Lumapit
sina Drake, Creta at Zech kina Blade at Michael.
"Oh, kamusta?" tanong ni Michael.
"Nilayasan kami ng mga kalaban namin. Hindi ko alam pero biglang nagtraidor si
Hydrian. Nasaltek yata? Ayon, siya na tuloy ang hinabol ng lahat." kibit-balikat na
wika ni Drake.
Samantala... Biglang naglaho sa kawalan si Hydrian. Kasabay ng pagkawala ng eclipse
ay ang pagkawala din ng mga bakas nito. Gumamit na ito ng mahika.
"Buwiset! Natakasan na tayo ng traidor na iyon!..." gigil na wika ni Legion.
"Ipinakita din ni Hydrian ang itinatago niyang agenda. Gusto niyang solohin ang
lahat ng credit. At sa tingin niya pababayaan lang natin iyon? Doon siya
nagkamali." inis na wika ni Vaulant.
Nasa isang madilim na yungib naman si Hydrian at matamang kumagat sa isang hinog na
forbidden fruit. Dahil doon ay nagliwanag siya lalo. Kasabay noon ay ang pag-itim
ng kanyang mga pakpak.
"Salamat sa lakas na ibinigay mo sa akin, Beelzebub. Magiging akin ang lahat at
hindi ka mabibigo. Sawang-sawa na ako sa pagsunod sa mga desisyon ni Vaulant. Hmf!
Ako naman ngayon!"
Ngumisi siya at muling kumagat sa forbidden fruit.
Samantala.... Binura ni Michael ang lahat ng alaala ng mga tao. Ginamot na rin niya
si Blade dahil medyo malaki ang natamong pinsala ng katawan nito.
"Bumalik na kayo sa museum. Nagawa ko nang burahin ang alaala ng mga tao. Bahala na
kayong gumawa ng dahilan kung bakit kayo lumabas. Sa susunod, dapat mas maging
maingat kayong lahat. Lalo pa at hindi natin alam ang iniisip ni Hydrian. Malinaw
na hindi natin siya kakampi. Sige, aalis na ako."
"Salamat." wika ng lahat.
Pagkaalis ni Michael ay muling gumalaw ang mga tao sa paligid na tila walang
nangyaring gulo. Walang matandaan ang mga ito sa mga nangyaring gulo. Naglakad na
sina Blade, Creta, Drake at Zech pabalik sa museum. Nasa bungad ng gusali si Hunter
at matamang naghihintay sa kanila. Halatang napagod ito at malaki sa porsiyento ng
lakas ng kapangyarihan nito ang nawala.
*******************************************************************************
# get ready for the next update...
badtrip.... nagloloko ang wattpad!!

32. PARUSA AGAIN

"PARUSA AGAIN!!!..."
"Ginawa mo na, Hydrian. Magaling! Alam mo bang natuwa ako sa naging reaksyon nina
Vaulant. Nakakatawa ang pagkagulat ng kanilang mga mukha."

Napatingin si Hydrian sa lalaking nagsalita. Napangisi siya ng nakakaloko.

"Beelzebub..." wika niya.

Beelzebub-one of the Seven Prince of Hell. The sin of Gluttony.

"Dahil natuwa ako sa ginawa mo, gusto kong dagdagan ang iyong lakas..."

Ipinitik nito ang mga daliri sa kanang-kamay at sa isang iglap lang ay lumitaw ang
isang goblet at hawak na nito iyon. Sinugatan nito ang braso at ipinatak doon ang
sarili nitong dugo.

"Ikaw ang magiging commander ko dito sa mundong ibabaw. Pero gusto ko lang ipaalam
sa'yo na hindi mo dapat kalabanin sina Vaulant. Tumiwalag ka lang sa kanila pero
hindi ibig-sabihin noon na kaaway mo na sila. Tandaan mo na ang mga sundalo ng
langit ang mga kalaban natin. Tayo ang mga nilalang na itinapon nila at
pagbabayaran nila iyon... Kukunin natin ang mundong pinakamamahal nila. At maging
ang mga tao na walang-kuwentang mga nilalang na kanilang pinoprotektahan at
pinahahalagahan ay magiging atin din. Nanakawin natin ang kanilang mga masasamang
kaluluwa para maging ating lakas."

Ininom ni Hydrian ang dugo ni Beelzebub. Kulay-itim iyon. Naramdaman niya ang
pagbalot ng matinding kasamaan sa buo niyang katawan at katauhan. Natuwa siya sa
pakiramdam noon.

"Malinaw sa akin." sagot niya.

"Sa ngayon, maglay-low ka muna. Titipon ako ng magiging hukbo mo. At ako na rin ang
bahalang magpaliwanag kina Vaulant. Sisiguruhin kong hindi ka nila gagalawin."

"Siya nga pala, paano ang ibang Prince of Hell?"

"Wala silang pakialam basta alam nilang hindi ka namin kalaban. Aalis na muna ako
at maghahanap ng malalakas na demon sa hell. Isa pa, malaki na sa porsiyento ng
aking lakas ang nawawala habang nagtatagal ako dito sa lupa. Bye!"

Mula sa anino ng kadiliman ay naglaho na si Beelzebub.

Samantala... Galit na sinuntok ni Legion ang pader ng kanilang headquarters.


Yumanig ang buong paligid at tila mawawasak na ang buong gusali.

"Humanda talaga sa akin ang Hydrian na iyan! Muntik na akong mapahamak nang dahil
sa kanya! Gaganti ako!.." gigil niyang wika.

"Tama. Muntik ka na kasing nakeret na lase. Mabuti na lang at hindi pinatulan ng


Blood Demon ang kabaliwan niya." nakangising wika ni Ike.

"Baon-inam!"

"Same to you!"

Akmang susugod ng suntok si Legion kay Ike pero isang malakas na kapangyarihan ang
lumitaw. Nakarinig sila ng nakakalokong tawa sa buong paligid. Tumingin sila sa
pinanggalingan noon at nakita nila ang lalaking may brown na buhok na lagpas-
balikat. Naka-de-kuwatro ito at matamang nakatingin ang kulay-ube nitong mga mata
sa kanila. Nakangisi ito ng nakakaloko. Nakasuot ito ng itim na polo-shirt at maong
na pantalon na kulay-asul. Naka-rubbershoes ito.

"Ang saya naman, mukhang nagkakainitan kayo dito ah?" sabay-suklay sa buhok at
tumawa.

"Beelzebub..." seryosong wika ni Vaulant.

"Ako nga, my dear Vaulant. Ako nga."

Nilaro ni Beelzebub ang dulo ng strands ng kanyang buhok at matamang tumingin sa


mukha ng lahat.

"Nakakatawang pagmasdan ang inyong mga frustrated na mukha." comment pa niya.

Napikon si Legion.

"Frustrated talaga kami kasi trinaidor kami ni Hydrian. Buwiset siya! Tinangka pa
niya akong ipahamak na lase!"

Tinawanan ni Beelzebub si Legion.

"Alam ko... Ako ang nagbigay ng permiso sa kanyang magsolo. Nagsasawa na daw kasi
siya sa inyo."

Natigilan ang lahat at naiinis na tumingin kay Beelzebub. Pero sa kabila noon ay
natawa pa ng mahina ang lalaki.

"Nandito ako para sabihin sa inyo na huwag na huwag niyong gagalawin si Hydrian.
Hindi niyo siya kalaban. Kumalas lang siya sa grupo niyo pero hindi ibig sabihin
noon na kaaway niyo na siya."

Gigil na ikinuyom ni Legion ang kanyang mga kamao.

"Anong hindi kaaway?!"

Mabilis siyang sumugod ng suntok kay Beelzebub pero laking gulat niya nang ang
dalawang daliri lang nito sa kanang-kamay ang ginamit nitong panangga sa malakas
niyang suntok. Isang malakas na puwersa ng hangin ang pumalibot sa pagitan nilang
dalawa. Natuliro si Legion. Ibinaba na niya ang kanyang kamao. Batid niya na wala
siyang laban kay Beelzebub.

"Kung ganoon, ano ang ginawa niya sa akin?! Ipinain niya ako sa Blood Demon. Kung
pinatulan niya ang kabaliwan ni Hydrian, malamang... Kagaya na rin ako ng
kinahinatnan ni Brach." naiinis pa niyang wika.

Ngumiti ng nakakaloko si Beelzebub.

"Gantihan mo na lang si Hydrian kapag may time. Malakas kasi ang trip noon eh.
Sige, aalis na ako. Marami na sa aking lakas ang nawawala. Ciao!"

Isang matingkad na violet na apoy ang lumitaw sa buo nitong paligid at pagkatapos
noon ay lumubog na ito sa kinatatayuan.

Marahas na lang na napabuntung-hininga si Legion. Napahawak naman sa kanyang baba


si Vaulant. Hindi maganda ang pakiramdam niya kay Hydrian. Kahit sinabi ni
Beelzebub na hindi nila ito kalaban ay nagdududa pa rin siya.
Samantala... Nagtataka ang mga kasamang estudiyante nila Blade ng dumating sila.
Wala kasing matandaang anuman ang mga ito.

"Sir, saan kayo galing?" nagtatakang tanong ni Francis.

Ngumiti ng alanganin si Blade. Kahit pa pinagaling na siya ni Michael ay masakit pa


rin naman ang kanyang katawan.

"A-Ahm, lumabas lang kami para bumili ng makakain nating lahat. Nag-ambag-ambag
kami ng mga friends ko." alanganin niyang paliwanag.

Ipinakita niya sa lahat ang mga dala nilang papel na supot na may lamang mga
tinapay na binili nila sa malapit na bakeshop. Tuwang-tuwa ang mga estudiyante at
mga co-teachers ni Blade. Lumapit naman si Drake kay Daisy na busy sa pagsipat ng
mga lumang artifacts na nasa museum.

"H-Hello..?" alanganin niyang untag.

Ngumiti sa kanya si Daisy at nagtatakang napatingin sa kanyang mukha.

"Lumabas ka pala?"

"Ah, Oo. Di mo ba natatandaan. Nagpaalam pa nga ako."

"Hindi."

Napabuntung-hininga si Drake.

"Tara doon kina Blade. Bumili kami ng makakain."

"Sige."

Kumain silang lahat ng meryenda at pagkatapos noon ay tuloy ang paglilibot sa


museum kasabay ng lecture. Nang matapos ang kanilang tour ay...

"Class!... MAKINIG!!!..." tawag-pansin ni Blade sa kanyang mga estudiyante.

Natigil ang daldalan at napatingin ang lahat sa kanya.

"Mayroon kayong assignment! Gagawa kayo ng report tungkol sa mga artifacts na


nakita niyo dito sa museum. Dito ko malalaman kung nakinig kayo sa mga lecture
namin at mayroon nga talaga kayong natutunan. Ito ang magsisilbi niyong quiz para
bukas. Maliwanag?!"

"YES, SIR!!!..." masiglang sagot ng lahat.

Napangiti si Blade sa mga bata hanggang sa mapansin niya si Wilbur na may kung
anong bagay itong pinaglalaruan sa mga palad nito.

"Uy, Wilbur! Ano iyan?" sita niya.

Napatigil sa ginagawa si Wilbur at napangiting tumingin kay Blade.

"Sir, cherry! Ito iyong local na cherry dito sa atin, Mansanita ang tawag. May
tanim kami nito sa bakuran namin at marami nang hinog na bunga. Nagdala ako. Gusto
mo, Sir?"

"Anak na lase! Tinatanong pa ba iyan! Pahinge!"


Mabilis na lumapit si Blade kay Wilbur at agad naman siyang binigyan ng isang
cherry. Kulay-brown na may pagka-maroon ang kulay noon. Mabilis niyang isinubo ang
pagkain sa kanyang bibig at...

"P-Puwe! Animal naman! Ang pakla!!!..."

Pero dahil ayaw niyang masayang ang pagkain ay nilunok niya pa rin iyon. Napatanga
ang mga bata sa kanya at napakunot-noo siya.

"Why, bakit, aken, apay?" tanong niya sa lahat.

"Sir, di ka marunong kumain ng mansanita?" nagtatakang wika ni Wilbur.

"H-Ha? Anong di marunong?" bulalas niya.

"Kaya nga. Paano ba iyan kinakain?" hindi nakatiis na tanong na rin ni Creta.

Nasapo ni Wilbur ang noo at napailing. Kumuha ito ng isang cherry sa supot na dala
nito at ipinakita sa lahat.

"Talaga pong mapakla ang mansanita kapag hindi niyo ginawa ang mga seremonya bago
siya kainin." paliwanag pa ni Wilbur.

"SEREMONYA?!!..." halos sabay-sabay na wika nina Blade, Hunter, Drake, Zech at


Creta.

Ipinakita ni Wilbur kina Blade ang prutas.

"Ganito po ang pagkain ng mansanita. Kailangan niyo siyang ilagay sa gitna ng


inyong mga palad at bilug-bilugin hanggang sa lumambot at malamog. Habang ginagawa
niyo kasi ito ay lumalabas ang sarap at tamis ng prutas kasi napipiga ang matamis
niyang juice. At kapag pumutok na! Ayan, siguradong matamis na siya at puwede nang
kainin."

Habang nagsasalita si Wilbur ay ginagawa nga niya ang sinasabi niya. At amaze
namang napapatingin sa kanya ang limang-lalaki.

"Patikim nga!" wika pa ni Blade.

Kinuha ni Blade ang mansanita na nilamog ni Wilbur. Pumutok na nga iyon. Agad niya
iyong isinubo sa kanyang bibig at nanlaki ang mga mata niya ng malasahan niya ang
pagkain sa kanyang bibig. Hindi na mapakla ang lasa nito kundi may lasa ng asim at
tamis na pinaghalo.

"Ang sarap na nga!"

Napatanga ang mga kaibigan ni Blade sa kanya.

"Ande lay atet!" bulalas na lang ni Drake.

"Hindi kaya! Matamis na siya na medyo maasim! Hindi na siya mapakla. Bakit hindi
niyo i-try?"

Humingi si Blade kay Wilbur ng mga cherries at inabot iyon sa mga kaibigan niya.
Ginawa nga nila ang mga sinabi ni Wilbur at matapos iyon ay agad nilang kinain.

"Wow, hanep naman itong cherry na ito! Parang sa anime lang ng Toriko pero totoo
talaga ang isang ito." wika pa ni Zech.
Napangisi naman si Hunter at isang ideya ang naisip niya.

"Guys! May naisip ako!"

"Ano?!"

Isa-isang lumapit si Hunter kina Blade, Drake, Creta at Zech. Isang nakakalokong
tawanan ang umalingawngaw sa kanila at nagtatakang napatingin ang lahat ng mga tao
sa museum sa kanilang grupo. Matapos ang kanilang mabilis na meeting ay muli silang
humingi ng cherries kay Wilbur.

Ipinahawak ni Hunter ang cellphone niya kay Louie at...

"Kuya Hunter, I-o-on ko na ba ang video?" untag pa nito.

Nagsenyas si Hunter ng okay at lahat sila humarap sa camera ng phone. At...

"Ito ang prutas na mansanita. Isa itong local cherry na makikita lang dito sa amin.
Bago ito kainin ay mayroon munang seremonya. Dahil kapag hindi mo iyon ginawa,
mapakla ang lasa ng prutas na ito..." umpisa ni Zech.

Sumunod naman na lumapit si Blade sa camera. Pumagitna siya sa lahat.

"Paano kumain ng mansanita? Simple lang! Kailangan mo siyang ilagay sa gitna ng


iyong mga palad. Bilug-bilugin hanggang sa malamog at lumambot... Medyo pisil-
pisilin din. At kapag pumutok na! Boom! Puwede na siyang kainin at siguradong
masasarapan ka sa kanyang lasa... Ganoon talaga, pumutok na eh."

Habang nagsasalita si Blade ay nakatutok lahat ang mga kamay nila sa camera habang
binibilog ang prutas sa kanilang mga palad.

"At heto na nga, pumutok na! Puwede nang kainin. Ahm! Sarap!..." ang pagtatapos ni
Hunter.

Natawa sila sa kanilang ginawa.

"Thanks guys! I-a-upload ko agad ito mamaya." nakangiti niyang wika.

Natawa ang mga tao sa museum kasama na ang mga estudiyante ni Blade.

"Mga praning!" natatawang comment na lang ni Rane.

Nakahanap na naman ang mga ito ng mapagtritripan. Natawa naman si Daisy at


pinicturan ang kalokohan ng mga ito. Tumabi siya kay Rane.

"Ang lakas talaga nilang magtrip no?" untag pa niya.

"Tama ka. Malakas nga. Pero, iyon ang nakakatuwa sa kanila." wika pa ni Rane.

"Right ka diyan."

Umalis na silang lahat sa museum at masayang kumain ng cherry ang lahat. Nakigaya
din sila sa trip nila Blade tungkol doon sa seremonya ng mansanita bago kainin.

Kinagabihan ay abala sa panonood si Blade ng One Piece. Ito iyong part kung saan
mamamatay si Corazon na kapatid ni Doflamingo para iligtas si Law.

"Anak na lase na animal! Bakit sa lahat pa ng makakakita kay Law iyong espiya pa ni
Doflamingo. Animal naman ito Oo! Mapapahamak si Corazon! Buwiset!"
"Manahimik ka nga! Anong magagawa mo, ikaw ba ang creator? Nakikinood ka lang sa
story. Pabayaan mo na kung ano ang mangyayari. Abuwisit ak pa!" nairitang wika ni
Drake.

"Eh sa naasar nga ako eh! Anak na lase! Ikaw na ako ah."

Isang malakas na ihip ng hangin ang biglang dumating. Biglang nanlamig ang
pakiramdam ni Blade at napatingin sa pinanggalingan noon. Sa may bungad ng pinto.
Napalunok siya nang makita niya ang anim na Archangels. Sina Cassiel, Raphael,
Uriel, Raguel, Camael at Gabriel.

"Nag-alala kaming lahat sa'yo ng sabihin ni Michael na nabugbog ka raw ni Satan.


Kaya naman, naisipan ka naming dalawin. Iyon naman pala ay okay na okay ka na. At
ayan, huling-huli ka sa akto. Ang brutal na naman ng bunganga mo." seryosong wika
ni Gabriel.

Ipinakita naman ni Raphael ang dala nitong fruitsbasket. Alanganing napahawak si


Blade sa kanyang labi sabay sabi nang...

"A-Ahm, slip of the tongue?!"

Napahalukipkip si Raguel.

"Hay naku, Blade! Hindi ka na nagtanda!" napailing pa nitong wika.

"Ano na nga ulit ang ginagawa sa mga pasaway?" nakakalokong wika naman ni Uriel.

Tumingin ang lahat ng Archangels kay Blade at ngumiti ng makahulugan. Matiim na


tumitig si Cassiel kay Blade sabay sabi nang...

"Ano pa nga ba? Eh di pinaparusahan ang mga pasaway!"

Nanlaki ang mga mata ni Blade at napalunok siya ng katakut-takot sabay hawak sa
kanyang bibig. Akmang lalakad palapit sa kanya si Cassiel pero pinigilan ito ni
Camael.

"Guys! Ibalato niyo na lang sa akin ang isang ito. Hindi pa ako nakakapagbigay ng
parusa sa pasaway na si Blade." wika pa ni Camael.

Natawa si Cassiel at nanghahamong napatingin kay Camael.

"Sige nga, bigyan mo nga siya ng matinding parusa. Sa katunayan, wala na nga akong
maisip eh. Hindi ko alam kung aling parusa ito magtatanda. Ibinitin ko na siya ng
patiwarik."

"Inupakan ko na siya." si Raphael.

"Ginawa ko na siyang baby." si Gabriel.

"Napalo na nating lahat sa puwet!" si Uriel.

"At nagawan ko na siya ng Transformation 101!" si Raguel.

Napaismid ang mga Archangels kay Raguel.

"What?!" maang nitong tanong.

"Hindi naman parusa ang tawag doon. Nag-enjoy lang sa paglalandi si Blade. At ikaw,
kunsintidor ka naman!" pakli ni Gabriel.

Alanganing tumawa si Raguel.

"But anyway, lumalayo na tayo sa topic. Ano nga kaya ang magandang parusa kay
Blade..?" nag-iisip na wika ni Camael.

Napahalukipkip naman si Drake at napailing.

"Napahamak ka na naman."

"Oo na. Malay ko bang darating silang bigla?" pabulong na wika ni Blade.

Bumaba naman na si Hunter na bagong bihis at nakita niya ang mga Archangels na tila
nagpupulong. Nasapo niya ang kanyang noo ng makita niyang namumutla si Blade at
pawisan. Mayroon na siyang idea kung ano ang nangyayari. Tiyak na mapaprusahan na
naman Blade.

"Lagot na naman nito si Blade."

Samantala... Curious sina Uriel, Gabriel, Raguel, Raphael at Cassiel sa naisip na


parusa ni Camael. Wala naman itong ibang sinabi kundi ito na ang ULTIMATE na
PARUSA. Binitin lang sila nito.

"Okay, heto na nga ito. Para sa akin ito na ang ultimate. Na-pressure ako sa inyo
eh." wika pa ni Camael.

Hinarap na nito si Blade.

"Go Camael! Ipakita mo sa amin iyang Utimate Parusa na sinasabi mo." nakangising
wika pa ni Uriel.

Napaatras si Blade pero bigla na lang siyang hindi makakilos ng maglakad palapit sa
kanya si Camael. Nakangiti ito ng makahulugan habang nakatitig ng matiim sa kanyang
mukha. Nang makalapit si Camael kay Blade ay agad niyang dinaklot ang panga nito.
Nawala ang nakapaskil na ngiti sa kanyang labi at naging seryoso ang kanyang mukha.
Seryoso na siya.

"Ikaw na pasaway ka! Nahirapan akong mag-isip ng ipaparusa sa'yo. Na-pressure ako
ng todo! Pero sana naman! Magtanda ka na sa isang ito! Buong-araw kang ganito,
bukas! Tingnan ko lang kung makatagal ka!"

Nagliwanag ang kanang-kamay ni Camael na nakadaklot sa panga ni Blade. Ilang


segundong nagtagal ang liwanag na iyon bago nawala at tuluyang bitawan ni Camael
ang panga ni Blade. Wala namang naramdamang kakaiba si Blade. Natawa siya kay
Camael. Tumingin siya ng pilyo dito. Wala namang nangyari.

"Mhiyon mha mba mharusa mho msaken?!"

( Iyon na ba ang parusa mo sa akin?! )

Biglang nasapo ni Blade ang kanyang bibig nang marinig niya ang kanyang sinabi.
Bigla namang natigilan ang lahat at napakurap na napatingin kay Blade na biglang
natuliro. Pero pagkatapos noon ay..

"Waaah! Ginawang ngongo si Blade! Wa ha ha ha ha! Perfect! Ang galing mo, Camael!
Idol! Ang talino mo talaga!" natatawang wika ni Uriel.

Pagkatapos noon ay nagsihagalpakan na ang lahat sa katatawa. Sinuklay ni Camael ang


kanyang buhok. Proud siyang tumingin sa mukha ng lahat.

"Galing ko no?"

"Yeah! Tiyak na magtatanda na ang pasaway iyan!" sang-ayon pa ni Gabriel.

Hindi naman nakatiis si Drake.

"Abuwisit ak pa! Okitnam Blade! Ngongo ka tuloy ng isang araw! Pasaway ka kasi!" di
niya napigilang comment.

Napatigil siya sa pagtawa ng mapatingin sa kanya si Camael sabay sabing...

"Gusto mo ring ma-ngongo? Iyang bunganga mo ah!" pinanlakihan ni Camael ng mga mata
si Drake.

Isang matinding warning ang ibinigay niya. Biglang naitikom ni Drake ang bibig.
Pero bahagya siyang napabungisngis ng mapatingin siya kay Blade na tahimik at sapo
ang bibig. Gulat na gulat ito. Sa tingin niya, ito na nga ang ultimate na parusa
para sa kanyang bestfriend. Natatawa at napapailing na lang si Hunter na nakaupo sa
may hagdan..

"Paano iyan, Blade? Aalis na kami. Heto nga pala ang fruitsbasket mo. Magpakabait
ka at sana, magtanda ka na sa parusang ito."

Inilapag ni Raphael ang dala nitong fruitsbasket sa mesa. Napatango lang ng


alanganin si Blade pero hindi nagsalita. Naglaho na ang anim na Archangels at
naiwang napatanga ang tatlo. Pero sa bandang huli ay hindi nakatiis si Drake. Gusto
niyang asarin si Blade sa masaklap na nangyari dito.

"Paano ka papasok sa school bukas? Tiyak na hindi ka maiintindihan ng mga


estudiyante mo kapag nag-lecture ka. At higit sa lahat tiyak na pagtatawanan ka
nila kapag nagsalita ka!" sabay-tawa.

"Mhuset mhka! Mhamakmalase mha mhamimal!..."

( Buwiset ka! Anak na lase na animal! )

Imbes na mapikon ay humagalpak pa ng tawa si Drake. Natawa din si Hunter.

"A-Anong sabi niya, Hunter?"

Ngumiti si Hunter kay Drake.

"Rated SPG. Mga dati niyang expression."

Inis na napakamot sa kanyang batok si Blade at marahas na bumuntung-hininga. Hindi


na lang siya lalabas ng buong-araw bukas.

"Mhrake, mhagmhubsmhitute mha mhuna mhaken." pakli niya.

"A-Ah? Ano?!" natatawang untag ni Drake.

"Mag-substitute ka muna daw sa kanya." si Hunter.

Maang na napatingin si Drake kay Hunter.

"Uy, Hunter! Bakit ang galing mong mag-translate sa salitang ngongo? Dati ka bang
ganoon?" nakakalokong wika ni Drake.
Biglang nagpagting ang tenga ni Hunter at malakas na kinutusan si Drake.

"Ageeeh!"

"Marunong lang akong magbasa ng bibig! Umayos ka!" pikon nitong wika.

Napahalukipkip si Blade.

"Mhuti mha mhsayo. MHmp!"

( Buti nga sa'yo. Hmp! )

Napatingin ang dalawa kay Blade at sabay na nagtawanan. Hindi naman sa nilalait
nila si Blade. Pero sadyang natatawa lang sila dito.

"Mhokenmhayo mha mlase!.." pikong wika ni Blade.

( Okinnayo na lase!.. )

Sapo ang tiyan dahil masakit na sa kakatawa ay alanganing napatingin si Hunter kay
Blade.

"S-Sorry Blade! Hindi namin sinasadya! Hindi naman sa panlalait pero sadyang hindi
lang naming mapigilang hindi matawa!" hinging paumanhin ni Hunter.

"Korek, korek!"

"Mhamhuwesit mhak mhpa!"

( Abuwisit ak pa! )

"Utang na loob, Blade! Huwag ka na lang magsalita! Matatawa lang kami lalo eh!
Masakit na ang tiyan ko! Abuwisit ak pa!" si Drake.

"Mhuset ka! Mhuseeet!" asar na asar na wika ni Blade. ( Buwiset ka! Buwiseeet! ).

Lalong humagalpak sa tawa ang dalawa kaya walang nagawa si Blade kundi ang
manahimik at marahas na mag-walk-out. Ultimate na nga itong parusa sa kanya pero
mas lalo nga lang siyang nadudulas kasi naasar siya kapag pinagtatawanan.
Nakakainsulto kasi.

Kinabukasan ay si Drake nga ang magsa-substitute kay Blade sa school para magturo.
Katatapos lang magbihis ni Drake at inaayos niya ang suot niyang polo na kulay-
gray. Tumingin siya kay Blade na yamot na nakapangalumbaba sa mesa. Halatang
frustrate na frustrate ito. Nakasuot ito ng green na sando at itim na basketball
shorts. Medyo magulo ang mahaba nitong hair. Lumapit siya sa kanyang kaibigan.

"Alis na muna kami ni Hunter. Magpakabait ka na lang dito sa bahay. Ako na ang
bahala sa school." nakangiting wika ni Drake.

Yamot na tumingin si Blade sa kanyang kaibigan. Isang simpleng tango lang ang
isinagot niya.

"Uy!" niyugyog ni Drake ang kanang-balikat niya.

"Mhuset mhka! Mhumlayas mhka mhna! Mhalis! Msho!" inis na taboy ni Drake.

( Buwiset ka! Lumayas ka na! Alis! Sho! )


Imbes na magalit si Drake ay tumawa siya ng malakas. Ginulo niya ang buhok ni Blade
at inis nitong iniumang ang kanan nitong kamao sa kanya.

"Uy! Tigilan mo na nga si Blade. Maawa ka naman sa kanya. Nagkaganyan na nga eh


inaasar mo pa." saway naman ni Hunter.

Ngumiti si Blade kay Hunter.

"Mhab Mhyou Mhunter! Mhank Mhyou!"

( Love you, Hunter! Thank you! )

Natawa si Hunter kay Blade.

"Tse! Mhab Mhyou ka diyan! Manahimik ka na lang para di ka asarin nitong si Drake.
For now, magtiis ka na muna habang nandito ka sa loob ng bahay. Antayin mong mawala
ang sumpa ni Camael sa'yo."

"Mhokay, mhokay..." nagsign si Blade ng okay.

( Okay, okay.. )

Tawa ng tawa si Drake.

"Now I know! Confirmed na talaga!" nakatiis pa niyang wika.

Napakunot-noo si Hunter at matamang tumingin kay Drake.

"Anong confirmed ang sinasabi mo?"

"E-Eh kasi naman! Dahil sa parusang ito ni Blade, nalaman ko na may talent ka pala
sa pagngo-ngongo?! Wa ha ha ha ha ha!..."

BAG!!! Isang malakas na batok ang pinakawalan ni Hunter sabay pingot sa kaliwang-
tenga ni Drake.

"A-Ageeeeh!!!... Araaaay!!!.."

"Halika na nga! Male-late na tayo sa school!"

Hinila ni Hunter palabas si Drake na pingot ang kaliwang-tenga nito. Si Blade naman
tuloy ang natawa sa nakita niyang eksena.

"Mhamuwiset mhak mhpa!" natatawa pa niyang pakli. ( Abuwiset ak pa! )

Panay ang masahe ni Drake sa kaliwang-tenga niya habang papasok siya sa classroom
ng class II-A.

"Good morning, Class!" nakangiti niyang bati.

Napatigil ang mga bata sa daldalan at nagtatakang napatingin sa kanya. Tumingin


siya sa relo, hindi naman siya na-late.

"Bakit?" nagtataka niyang tanong.

Nagtaas ng kamay si Rane.

"Nasaan si Sir Blade?" curious nitong tanong.


Dahil sa tanong na iyon ni Rane ay biglang napangiti ng maluwang si Drake at sa
kalaunan ay natawa na siya. Wala na siyang pakialam kahit na mukha na siyang baliw
sa harapan ng mga estudiyante.

"A-Ano... M-May kuwan siya... M-May... S-Severe sorethroat!... Wa ha ha ha ha


ha!..."

Napatigil sa pagtawa si Drake ng mapansin niyang nakatingin sa kanya ang lahat.


Umayos siya. Di siya nakapagpigil.

"S-Sorry! K-Kagaya nga ng sinabi ko. M-May severe sorethroat si Blade kaya hindi
siya nakapasok. W-Wala siyang b-b-boses..."

Pigil na pigil ni Drake ang sarili na matawa at talagang pumipiyok siya habang
nagsasalita. Hindi naman niya kasi puwedeng sabihing nangongo si Blade dahil sa
kabrutalan ng bunganga nito. Napabungisngis na naman siya at nasapo na niya ang
kanyang tiyan. Napatalikod siya ng wala sa oras kasi di na talaga niya makontrol
ang kanyang sarili.

"E-Excuse me..." natatawa pa niyang pakli.

Ilang beses siyang nag-inhale at nag-exhale para mapakalma ang kanyang sarili. Nang
kumalma siya at saka na siya humarap sa mga estudiyante at nagsimulang magklase.

Samantala... Panay ang buntung-hininga ni Blade habang nakatutok ang paningin niya
sa TV screen. Bored na siya. Walang gaanong magandang palabas.

"Mhuset! Mhoring... Mhoring!!.." pakli niya.

( Buwiset! Boring... Boring!!..)

Natigilan siya ng marinig niya ang sarili niyang salita at pagkatapos noon ay
natawa siya sa kanyang sarili. Nakakatawa naman kasi. Inulit pa niya ang sinabi
niya.

"MHORING!!..." sabay-tawa.

Isang ideya ang naisip niya para malibang ang kanyang sarili. Totoo naman pala
talagang nakakatawa siya ngayon. Kaya naisip niyang pagtripan na lang ang kanyang
sarili para malibang siya at hindi ma-frustrate. Humarap siya sa salamin at
tumingin sa kanyang repleksyon. Ngumiti siya.

"Mhronounmhimhiamhion!..."

( Pronounciation )

"Mho Mhemloved Mhomhzomhrrumhio!"

( Oh Beloved Pozorrubio! )

"Mhomhzomhrrumhio!"

( Pozorrubio )

Tinawanan niya ang sarili niyang pronounciation sa pangalan ng kanilang bayan. Pero
sa bandang-huli ay marahas siyang napabuntung-hininga.

"Mhamak mhna mhlase! Mhoring mha mhalaga. Mhilolomhko mhko mhlang mhang mhsarili
mhko mhay! Mhamuwiset mhak mhpa! Mhambagel!" sermon niya sa kanyang sarili.

( Anak na lase! Boring na talaga! Niloloko ko lang ang sarili ko ay! Abuwiset ak
pa! Ambagel! )

Marahas siyang napakamot sa kanyang ulo. Isang desisyon ang kanyang nabuo. Lalabas
siya. Bored na siyang talaga at hindi niya ma-take na tumambay na lang mag-isa dito
sa bahay. Hindi na lang siya magsasalita. Basta, bahala na! Pumanhik na siya sa
itaas at agad na dumiretso sa kanyang silid para kumuha ng kanyang mga damit na
maisusuot. Kumuha din siya ng tuwalya at saka siya bumaba. Dumiretso siya sa banyo
para maligo. At habang naliligo siya ay kumakanta siya. Basta walang-basagan ng
trip! Total, wala namang ibang makakarinig sa kanyang pagkanta at hobby na niya na
talaga iyon kapag naliligo siya.

"Mhaydo... Mherish mhyou! Mhor mha mhrest mhob mhay mhlife. Mhyu mhon't mhave mhto
mhink mhwice! Mhay mhill mhab mhyou mhistill! Mhrom mhda mheeps mhob mhay mhsoul..
Mhits mheyond mhay mhontrol, mhive mhwaited mhsomhlong mhto mhsay mhis mhoyou...
Mhif myour mhasking mho mhaymhabmhyou mhis mhuch... Mhaydo!.."

( I do... Cherish you! For the rest of my life. You don't have to think twice. I
will love you still! From the deeps of my soul. It's beyond my control, I've waited
so long to say this to you. If your asking do I love you this much... I do!.. )

Lumabas siyang nakatapis ng tuwalya at humarap ulit sa full lenght mirror na nasa
sala. Nag-Pogi sign siya at tumingin siya sa kanyang katawan. Napailing siya.

"Ang guwapo ko talaga!" wika niya sa kanyang isipan.

Isang ideya ang naisip niya. Hindi nalang siya magsasalita paglabas niya. Muli
siyang pumasok sa banyo para magbihis. Nang makapagbihis siya at nasigurong okay na
ang lahat ay saka siya lumabas. Pero bago siya umalis ay nagdala siya ng notepad at
ballpen. Di bale nang mukha siyang kubrador, huwag lang siyang magsasalita.
Siyempre, ang destinasyon niya ay sa mall. Magpapalamig at magliliwaliw siya doon
kagaya ng dati. At kapag nagsawa na siya, bahala na kung saan siya dadalhin ng
kanyang mga paa.

Habang naglalakad siya ay may nadaanan siyang nagtitinda ng turon. Huminga siya ng
malalim at naamoy niya ang mabangong pagkain. Sariwang bunga ng saging na ibinalot
sa wrapper na may kasamang hinog na matamis na langka at sandamakmak na brown
sugar. Agad siyang lumapit doon at hinawi ang mga taong nakaharang.

"Oh, Blade! Di ka pumasok sa school?" nakangiting tanong ng tindero.

Pasimpleng ngumiti si Blade sa lalaki at hinawakan ang kanyang lalamunan.

"Ah, may sorethroat ka? Bibili ka ba?"

Nag-okay sign siya.

"Teka, hindi ba bawal sa'yo itong turon? Matamis ito eh.." nagtataka pa nitong
wika.

Yamot na napatingin si Blade sa tindero. Naglabas na siya ng beinte-pesos para wala


nang maraming tanong. Baka madulas pa ang bibig niya, makapagsalita siya.

"Ilan ba ang kukunin mong turon?"

Nagsign siya ng piece sign.


"Ah, dalawa. Anong inumin ang gusto mo? Libre ko na. Tuwing bumibili ka sa akin eh
sinusuwerte ako eh." nakangiting wika pa ng tindero.

Itinuro na lang ni Blade ang isang bote ng mineral-water na nakadisplay sa tabi.

"Okay, magtutubig ka lang pala ngayon. Sabagay, may sorethroat ka nga. Pero
nakakapanibago. Hindi ko naririnig ang mga malulutong mong expression." comment pa
nito.

Isang alanganing ngiti ang ibinigay ni Blade sa suki niyang tindero. Ibinigay na
nito ang order niyang pagkain na nakalagay sa papel na supot na kulay-brown.
Iniabot din nito ang bote ng mineral-water. Sumaludo siya dito bilang tanda ng
pasasalamat. Naglakad na paalis si Blade. Napailing na lang ang tindero.

"Haaay... Nakakapanibago si Blade."

Samantala... Pinili na munang magpunta ni Blade sa may parke para kumain. Mamaya na
lang siya pupunta sa mall kapag natapos na siyang magmeryenda. Napatingin siya sa
paligid at nakita niya ang isang bakanteng bench. Naglakad siya palapit doon. Akma
siyang uupo ng biglang iharang ng babaing nakaupo malapit sa bench ang kamay nito.

"Ay, taken!" bigla nitong wika.

Tumingin sa paligid si Blade. Mukhang wala namang kasama ang babae. Nagsalubong ang
mga kilay niya. 'Taken' pala ah?! Tumikhim siya.

"Sorry, taken na eh!" sabay-kagat sa magic-flakes.

Napasimangot si Blade. Anong akala ng muret na ito? Darating ang isang artista
dahil lang sa pagkain nito ng crackers? Bigla niyang hinila ang kamay ng babae at
marahas niya itong ibinalya sa tabi. Napasigaw ito kasi bumagsak na una ang puwet
nito sa semento. Nagtawanan ang mga taong nakakita. Umupo si Blade sa bench na
medyo pahiga ng kaunti para masakop niya ang buong puwesto. Itinaas pa niya talaga
pati ang mga paa niya na parang nasa bahay lang siya. Inis na tumingin sa kanya ang
babae at sinapo nito ang balakang.

"Buwiset!" naiinis nitong pakli bago mag-walk-out.

Balewalang napatingin lang si Blade doon sa babae.

"Mhuset mhka mhrin. Mhakala mho mhaman mhamhganmhda. Mhanget!" pabulong niyang
wika.

( Buwiset ka rin! Akala mo naman maganda. Panget! ) Ayaw sana niyang manlait pero
na-provoke siya. Ayaw na ngang magpaupo eh ito pa ang may lakas ng loob na
magtaray. Ibinaling na lang niya ang atensyon niya sa pagkain at wala siyang
pakialam kahit medyo napapatingin sa kanya ang mga tao dahil nga nakataas ang mga
paa niya sa bench. Tuloy lang siya sa paglamon. Nang matapos siyang kumain ay agad
niyang itinapon ang kanyang mga basura sa trashcan na malapit. Inayos muna niya ang
kanyang sarili bago siya naglakad papunta sa mall.

Pagpasok niya sa mall ay agad siyang tumingin sa paligid. Nag-iisip siya kung saan
siya pupunta. Medyo nagulat siya ng makita niya si Rane na naglalakad sa mall.
Mabilis siyang lumapit dito. Nagulat si Rane ng biglang may tumapik sa kanang-
balikat niya. Napatingin siya sa tumapik sa kanya at nakita niya si Blade na
nakahalukipkip at nakakunot ang noo.

"Uy, nandito ka?" napangiti niyang wika.


Nagsulat si Blade sa dala niyang notepad.

'Ikaw, ano ang ginagawa mo dito?'

"Maaga kasi kaming pinauwi ngayon. May fogging sa school eh kaya half-day lang.
Kaya heto, naisipan kong magliwaliw ng kaunti."

'Okay...'

"Totoo bang may sorethroat ka? Tanong ako ng tanong kina Drake at Kuya Hunter
kanina pero panay lang sila tawa. Hindi nila ako masagot ng matino. Ano ba kasi ang
nangyari sa'yo?" curious na tanong ni Rane.

Napaismid ni Blade sa sinabi ni Rane. So, pinagtatawanan pala talaga siya noong
dalawang tukmol?! Muli siyang nagsulat sa note na hawak niya.

'Basta..'

"Ang daya naman! Bakit ba ayaw mong sabihin? Sayang, ililibre sana kita ng
cornetto. Gusto ko kasing i-try iyong bago. Iyong tiramissyou. Kaso may sorethroat
ka naman... Pasensiya na, ako na lang ang kakain."

Inis na napakamot sa kanyang batok si Blade. Nakuha ni Rane ang kahinaan niya. Na-
bribe siya. Akma itong aalis pero hinila niya ang kamay nito.

"Ano?" untag pa ni Rane.

May hinala siyang naparusahan na naman si Blade. Nawalan kaya ito ng boses?!
Napahamak na naman ito dahil sa mga expressions nito?

'Wala akong sorethroat. Naparusahan ako ni Camael. Alam mo na kung saan ako
napapahamak. Pero palibre ng Cornetto ah? Basta hindi ako puwedeng magsalita...'

Napapitik sa hangin si Rane ng mabasa niya ang sinulat ni Blade sa note na dala
nito.

"Sabi ko na eh! Ikaw naman kasi."

Inis na bumuntung-hininga si Blade. Naglabas naman ng fifty-pesos si Rane at inabot


niya iyon sa kasama niya.

"Ikaw na muna ang bumili ng ice cream. Bibili kasi ako ng illustration board para
sa project ni Conrad. Iyong bago na cornetto ah? Tiramissyou!" bilin pa ni Rane.

Nag-okay sign si Blade. Umalis na si Rane at siya naman ay pumunta agad sa bilihan
ng ice cream. Nakangiting sumalubong sa kanya ang tindero.

"Anong sa'yo, Sir?" magalang nitong tanong.

Nagsulat si Blade sa dala niyang note.

'Dalawang Cornetto, iyong Tiramissyou.' sabay lapag ng pera.

Napakunot-noo naman ang lalaki at tiningnan ang note na hawak ni Blade. Muli itong
tumingin sa kanya.

"Anong sa'yo?"

Muling nagsulat si Blade sa kanyang note. Sa pagkakataong ito ay mas nilakihan na


niya ang sulat niya.

'DALAWANG CORNETTO, IYONG TIRAMISSYOU.'

Muli niya iyong ipinakita sa lalaki. Pero...

"Anong sa'yo?" tanong ulit ng lalaki.

Medyo uminit na ang ulo ni Blade. Masama siyang tumingin sa lalaki sabay punit ng
marahas sa papel. Muli siyang nagsulat. Mas malalaki na talaga ang ginawa niya.

'DALAWANG CORNETTO, IYONG TIRAMISSYOU.'

Binasa ulit ng lalaki ang isinulat niya. Ngumiti ito ng alanganin sabay sabing...

"Ah, anong sa'yo?!"

Doon na talaga hindi nakapagpigil si Blade. Sabog na siyang talaga. Marahas niyang
dinaklot ang kuwelyo ng damit ng lalaki.

"Mhaom-imham!!!..." gigil na wika ni Blade

( Baon-inam!!!...)

Napatanga ang lalaki at napatingin ang lahat kay Blade. Tumingin naman siya pabalik
sa mga tao at nakita niya ang pasimpleng bungisngisan ng lahat.

"Mhdi Mhang mhasaya mhyo! Mhanak mha mhlase!" pikon pa niyang pakli.

( Di ang saya niyo! Anak na lase! )

Natigilan ang mga tao at napapahiyang napatingin sa kanya pero halatang


nagpipigil na matawa. Lalong nag-init ang ulo niya at napatingin sa tindero.
Napangiwi ito ng makita siya pero halatang nagpipigil ng tawa. Iniumang niya dito
ang kanan niyang kamao. Napalunok ang lalaki.

"A-Ahm.. Pakituro na nga lang, S-Sir! Sorry!"

Marahas niya itong binitawan at itinuro niya ang flavor ng cornetto icecream na
nakalagay sa freezer. Agad siyang binigyan at pati na rin ang sukli. Nagtataka
namang napatingin si Rane kay Blade ng salubungin niya ito. Nakasimangot ito,
seryoso, at nakakunot ang noo ng malalim. Halatang frustrate.

"Anong nangyari?" maang niyang tanong.

Iniabot sa kanya ni Blade ang icecream niya pati ang sukli.

"Mhuset!" bigla nitong pakli.

Natigilan si Rane at maang na napatingin kay Blade. Tapos ay bigla niyang nasapo
ang kanyang bibig at napabungisngis.

"Mhf!!.."

Na-guilty si Rane at alanganing tumingin kay Blade na halatang na-badtrip.

"S-Sorry! H-Hindi ko lang napigilan!" napangiwi niyang wika.

Ginulo ni Blade ang buhok niya pero pagkatapos noon ay nagwalk-out na ito.
"Teka lang! Sandali!"

Ilang beses pang tinawag ni Rane si Blade pero para na itong bingi na walang-
anumang naririnig. Gusto sana niya itong sundan kaso inaantay na siya ni Conrad.
Kailangan niya itong tulungan para sa project nito.

"Ito na yata ang pinakamatinding parusa niya." comment pa niya.

Yamot namang lumabas ng mall si Blade habang kinakain ang icecream na nilibre sa
kanya ni Rane. Hindi niya alam kung saan siya pupunta sa ngayon. Sa bandang-huli ay
mas ginusto na lang niyang umuwi. Pagdating niya sa bahay ay nadatnan niya sina
Hunter at Drake na busy sa pagluluto sa kusina. Napakunot-noo siya na tumingin sa
dalawa. Nagsulat siya sa note na hawak niya.

'Anong mayroon?'

Ngumiti ang dalawa sa kanya.

"Ipinagluto ka namin ng pancit at puto. Gusto naming magsorry sa mga pang-aasar


namin sa'yo. Pero talaga namang natatawa kasi kami eh. Ganoon pa man, sorry!"
hinging paumanhin ni Hunter.

"Yes, sorry!" si Drake.

Nagsulat ulit si Blade sa note niya.

'Wala iyon. Di naman ako gaanong napipikon. Medyo lang...'

Biglang kinuha ni Drake ang hawak na note ni Blade.

"Alam mo, mas masaya kung maririnig ko iyong mhank mhyou! Magdamayan na lang tayo.
Magpapakangongo na rin muna kami... Mhab mhyou mhwen!" nakangiti pa nitong wika.

Asar na tumingin si Blade kay Drake kunwari sabay sabing..

"Mhokitmam!!..."

(Okitnam!!..)

Isang malakas na tawa ang kumawala sa kanilang lahat. Napatigil sa pagtawa si Blade
ng tumunog ang message alert tone ng kanyang cellphone. Si Rane ang nagtext.

'galit ka?'

Agad siyang nagreply.

'hindi, badtrip lang ako kanina'

Nagtext ulit si Rane.

'sa akin..?'

Nagreply ulit siya.

'nope. doon sa tindero, di pala siya marunong magbasa'

Nakahinga ng maluwag si Rane ng mabasa niya ang reply ni Blade. Sa totoo lang ay
medyo nag-alala siya kanina. Akala niya ay nagtatampo ito sa kanya. Salamat naman
at hindi. Pero isang tanong ang biglang sumagi sa utak niya. Nagtanda na kaya si
Blade?!!...

***********************************

#nangongo ba kayo? don't worry, nauna muna ako. haizt. puro senti na lovesong ang
pinakinggan ko para lang matapos ito. panay kasi ang tawa ko kaya hirap akong
magtipa sa keys ng laptop.

# ang lakas ni bagyong Lando. But thank God, kay Mama Mary at sa lahat ng angels sa
heaven. Wala man lang damage na nangyari dito. Nagliparan lang ang mga dahon sa
paligid, bukod doon ay wala na. Iba talaga ang magic ng prayers.

33. New Creation

"New Creation"

"Pauwi ka na ba?" tanong ni Hunter kay Blade.

"Oo. Pero wait lang, itse-check ko lang iyong mga nakatokang cleaners na
estudiyante ko. Hindi pa sila nagsasarado ng room eh. Titingnan ko kung may
ginagawang kalokohan ang mga anak nalalase na iyon."

Napaismid si Hunter.

"Oh, bakit?"

"Iyang bunganga mo nga! Akala ko ba nagtanda ka na doon sa parusa ni Camael sa'yo?"

"Abuwisit ak pa! Nagtanda naman akong lase ay. Tsaka, huwag mo na ngang ipaalala.
Kinikilabutan ako."

Tumalikod na si Blade kay Hunter at agad na pumanhik sa hagdan ng school. Nasapo


naman ni Hunter ang noo at hinawi ang ilan niyang bangs.

"Matandang walang pinagkatandaan ang Blade na iyon. Tiyak na hindi lang ang
pagkangongo ang matitikman niya, marami pa."

Bigla siyang natawa ng maalala niya ang naging kalagayan ni Blade ng maparusahan
ito ni Camael. Samantala, napahinto sa akmang pagpasok sa loob ng classroom si
Blade ng marinig niya ang usapan ng mga estudiyante niya sa loob. Nag-circle ang
mga ito. Sina Louie, Francis, Jaypee at John Paul.

"Sigurado ka ba dito sa gagawin natin?" tanong ni Francis kay Louie.

"Oo naman. Mag-e-spirit of the coin tayo. Ayon sa matatanda, ngayong undas gumagala
ang kaluluwa ng mga patay. Maraming kuwento ng kababalaghan dito sa school. Marami
daw kasing namatay na tao dito noong panahon ng giyera. Titingnan natin kung may
multo dito sa classroom."

"Eh di ba, sinapian na nga dito si Wilbur?" napalunok na tanong ni Jaypee.

"Kaya nga titingnan natin. Tsaka iyong kaluluwa, dito naman sa coin ipapasok hindi
sa mga katawan natin. Ano, game?" hamon pa ni Louie.

"Baka magalit si Sir Blade sa atin." kontra ulit ni Farncis.


"Umuwi na iyon."

Sa bandang huli ay pumayag na rin ang mga kaibigan ni Louie. Gumuhit na ito sa
sahig ng improvise na Ouija at naglabas ng limang-piso na barya. Napataas naman ng
kilay si Blade.

"Spirit of the coin pala ah? Anak na lase! Tuturuan ko kayo ng leksyon. Makikita
niyo ang hinahanap niyo." nakangisi niyang wika.

Hindi na tumuloy si Blade sa pagpasok sa loob ng silid. Bagkus ay umikot siya at


umakyat sa may bintana. Nang naroon na siya ay maingat niya iyong binuksan at
sumilip sa loob.

"Espiritu, espiritu, nandito ka na ba?" si Louie.

Tahimik ang mga kasama nito at matamang nakatutok ang paningin sa coin na hawak ng
lahat.

"Espiritu, espiritu... Kung nandito ka na, magparamdam ka. Gusto ka naming


makausap." wika ulit ni Louie.

"Magparamdam pala ah?!" nakangising wika ni Blade.

Naghanap siya ng bagay sa loob ng classroom at nahagip ng mga mata niya ang mesa
niya sa harap ng blackboard. Pasimple niyang iniumang ang kanyang kanang-kamay doon
at gumamit siya ng kaunting kapangyarihan. Inusod niya ang misa ng ilang pulgada at
nakarinig ang mga bata ng langitngit. Napatingin ang mga ito sa mesa.

"Uy! Tama na! Gumalaw ata iyong mesa oh!" napalunok na wika ni Jaypee.

"Hangin lang iyon. Pero kung totoo ngang gumagalaw iyong mesa, ulitin pa natin."
matapang na wika ni Louie.

Halatang hindi pa ito kumbinsido.

"Matigas ang ulo mong lase ah?" bulong ni Blade.

Muling itinuon ng lahat ang atensyon sa kanilang ginagawa.

"Espiritu, espiritu... Ikaw ba ang nagparamdam kanina? Puwede mo bang ulitin?"

Tumingin ang lahat sa mesa. Pero ilang sandali pa ay wala namang nangyari na
kakaiba.

"Uulitin ko, espiritu, espritu... Kung nandito ka na at kung ikaw ang nagparamdam
kanina... Magparamdam ka ulit sa amin o kaya magpakita ka!" matapang na wika ni
Louie.

"Uy, okay na ang magparamdam. Huwag na ang magpapakita." napalunok na wika ni


Francis.

"Espritu, magpakita ka!" sutil pang wika ni Louie.

Napangisi naman si Blade at napahawak sa kanyang baba.

"Magpakita pala ah?!"

Bigla niyang ginulo ang mahaba niyang buhok. Siniguro niyang magulong-magulo iyon
at natatakpan ang kanyang mukha. Matapos iyon ay gumawa siya ng maingay na kaluskos
sa bintana. Napakislot naman ang mga bata at napatingin sa may bintana. Nanlaki ang
mga mata ng mga ito ng biglang lumitaw ang anino ng kamay mula sa bintana. Lahat
nanginig sa takot at hindi makakilos. Napatayo ang mga ito ng lumitaw ang
nakakatakot na anino. Mukha iyong matandang hukluban na parang halimaw. Unti-unting
bumubukas ang bintana at napapaatras naman ang mga bata. Umatras ang mga ito ng
umatras hanggang sa masagi nila ang mga upuan. Lihim naman na tawang-tawa si Blade
habang tinatakot niya ang mga bata. Total, holloween naman na. Isa pa, gusto naman
ng mga ito ng takutan kaya sige!

Handa nang pumasok sa loob ng silid si Blade kaya lang ay... FGH!!!!....
BLAG!!!!.... Biglang binuhat ni Louie ang isang upuan at malakas na inihagis sa
papalapit na multo. Ganoon din ang ginawa ng iba. Tinamaan ng maraming lumilipad na
upuan ang multo at nakarinig sila ng malakas na sigaw na...

"Waaaaaah!!!... BAON-INAAAM!!!!..."

Napakurap ang mga bata at nagkatinginan.

"T-Teka lang, boses ni Sir Blade iyon ah?" biglang wika ni John Paul.

Hindi umimik ang mga kasama niya pero magkakasunod silang sumilip sa may bintana at
nakita nila ang nagbagsakang upuan kasama na ang isang lalaki... Napangiwi silang
lahat ng makita nila kung sino iyon. Mas namutla din sila. Hinawi naman ni Blade
ang kanyang buhok, sapo ang likod at balakang ay agad siyang bumangon. Tumingala
siya at...

"Okinnayo!!!... Anak na lase! Umuwi na nga kayo at huwag na huwag kayong maglalaro
ng ganyan! Mahuli ko pa kayo, lagot kayo sa aking lase! UWII!!!.."

Nang makahuma sa pagkabigla ang mga bata ay mabilis na kumaripas ng takbo ang mga
ito. Mas malala pa ang takot nila kaysa sa makakita ng multo. Inayos ni Blade ang
kanyang likod at balakang. KREEEK!!!... Napangiwi siya, literal pa talaga niyang
narinig ang tunog ng kanyang mga buto-buto.

"Abuwisit ak pa! Ako pa ang nabiktimang lase ay!" reklamo niya.

Nakarinig siya ng tawa sa di kalayuan at nakita niya si Hunter na natatawa sa


kanya.

"Alam mo, Blade... Nakakatawa iyon. Imbes kasi na sinuway mo na lang sila eh
nakisawsaw ka pa. Ayan tuloy ang napala mo." natatawa nitong pakli.

"Baon-inam naman ay! Tumigil ka na nga."

"Ewan ko sa'yo. Umuwi na tayo."

"Mabuti pa nga."

Umuwi na nga sila. At natatawa si Hunter habang pinagmamasdan niya si Blade na


naglalakad na sapo ang balakang. Mukha kasi itong matanda na may rayuma.

Samantala... Gulat na gulat si Hydrian ng mapatingin siya sa kanyang mga braso at


kamay. Nag-iiba ang kulay ng kanyang balat. Nagiging kakulay iyon ng isang
mannequin. Parang walang-buhay. Nanlaki ang mga mata niya ng humarap siya sa
salamin. Ganoon din ang nangyayari sa kanyang pagmumukha at lalo siyang natuliro
nang lumabas ang mga itim na ugat sa paligid ng kanyang mukha hanggang sa kanyang
leeg. Bigla siyang pinagpawisan at nakaramdam ng matinding panghihina kasabay ng
paninikip ng kanyang dibdib. Tila may mga kamay na pumipisil ng mahigpit sa puso
niya. Napaluhod siya at pilit na inabot ang hininga...

"W-Walang-h-hiya ka, Beelzeebub!" hirap niyang wika.

Pinipilit niyang bumangon pero muli siyang bumabagsak sa sahig.

"Aaaaargh!!!!..."

Binago niya ang kanyang anyo at inilabas ang kanyang mga pakpak. Ibinuka niya ang
mga iyon na tila siya lilipad ng mataas pero lalo siyang natuliro ng bumagsak sa
harapan niya ang ilang piraso ng mga puting-balahibo ng kanyang mga pakpak. Lalo
siyang nanghina at muli siyang napasubsob sa sahig.

"B-Beelzebub.... M-Magbabayad ka sa akin!" gigil na gigil niyang wika.

Natigilan siya ng makarinig siya ng nakakalokong tawa. Umaalingawngaw iyon sa buong


paligid. Nanlalabo na ang pakiramdam ni Hydrian. Nakarinig siya ng mga papalapit na
yabag at nag-angat siya ng tingin. Nakita niya si Beelzebub na nakangisi at
matamang nakatunghay sa kanya.

"Kamusta, Hydrian? Tinawag mo ba ako mula sa impiyerno?" nakangisi nitong wika.

Matalim na tumitig si Hydrian sa lalaki at gigil na gigil na ikinuyom ang mga


kamao. Gusto niyang tumayo at sugurin ito pero tila paralisado na ang buo niyang
katawan dala ng matinding panghihina.

"T-Tarantado ka... Anong g-ginawa mo sa akin?!" galit niyang tanong.

Isang matipid na ngiti ang namutawi sa labi ni Beelzebub..

"Woh, galit?" simple nitong react.

Nagkalat na sa paligid ang mga puting-balahibo na nalalagas. Mas lumapit si


Beelzebub kay Hydrian at yumukod siya para makitang maigi ang mukha nito. Hirap na
hirap ito at natutuwa siyang pagmasdan ang ganoon.

"Hirap na hirap ka na." natutuwa pa nitong comment.

"B-Buwisit ka!!... W-Walang-hiyaaa!!.."

Imbes na mainsulto ay tumawa pa si Beelzebub. Nilaro nito ang strands ng buhok nito
na nakatabing ng bahagya sa mukha at pasimple iyong hinawi.

"Salamat sa iyong magandang papuri. Ramdam ko ang matindi mong galit."

Tumitig ng matalim si Hydrian. Kung puwede lang sana niyang patayin sa tingin si
Beelzebub.

"Ang talim ng tingin mo, nakakasugat. Alam mo ba kung ano ang nangyayari sa'yo?"

"T-Tarantado kang animal!" gigil na wika ni Hydrian.

Lalong tumawa si Beelzebub sa narinig. Pero pagkatapos noon ay seryoso itong


tumingin sa kanya. Bumuntung-hininga ito ng marahas.

"Kinain mo ang forbidden fruit na ibinigay ko sa'yo hindi ba?"

"W-Walang-hiya kang talaga!"


Balewalang tumingin si Beelzebub kay Hydrian.

"Tapos, uminom ka pa ng aking dugo. At iyan ang epekto ng ginawa mo. Nagpapalit ka
na ng anyo at katauhan. Malapit ka na ring maging demonyo na katulad ko. Normal
lang iyang nararamdaman mong sakit at hirap. Kasama iyan sa proseso. Matutulog ka
ng matagal pero paggising mo, nasa bagong anyo at katauhan ka na. Isang demon na
bago kong creation..." tumawa ng nakakaloko si Beelzebub.

"B-Buwisit ka!..."

"Ano ka ba naman, Hydrian? Ikaw ang may gusto niyan. Sa ngayon, hindi ko pa alam
kung ano ang kalalabasan mo. Sana lang, maging maganda. Ikaw ang bago kong
creation, ang bago kong obra-maestra. Ang saya noon, di ba?"

Hindi na makapagsalita si Hydrian dahil mas nanghina pa siya. Namumutiktik ang


pawis ang buo niyang katawan. Nanlalabo na ang kanyang paningin at tuluyan nang
bumigat ang talukap ng kanyang mga mata. Napapikit siya at wala na siyang nakita
kundi kadiliman na bumabalot sa buo niyang katawan at kaluluwa. Nanatiling
napatingin si Beelzebub kay Hydrian na wala nang malay. Napangisi siya at ipinitik
ang mga daliri sa kanang kamay. Sa isang iglap lang ay lumitaw ang isang bato na
tila isang libingan. Binuhat niya si Hydrian at ipinasok sa loob noon.

"Matulog kang maigi, Hydrian. Tuluyan ka nang babalutin ng aking kadiliman.


Paggising mo, ibang nilalang ka na." natutuwa pang wika ni Beelzebub.

Tuluyan na niyang inilagay ang takip ng libingan. Iniwan na niya si Hydrian.


Nagpunta siya sa kung saan para magpalipas ng oras. Isa iyong malayong kabundukan
na may malawak na kagubatan.

"Hmm... Ano pa kaya ang magandang gawin bago ako tuluyang bumalik sa impiyerno?"

Napahawak sa kanyang baba si Beelzebub. Natuon ang atensyon niya sa papalubog na


araw.

"Nagbabadya na naman ang kadiliman. At ang kadiliman ay tanda ng paghahasik ng


lagim... Ha ha ha, ano nga kaya ang dapat kong gawin?"

Nahagip ng mga mata niya ang isang kumunoy at sa paligid nito ay putik.

"Oh, may naalala akong bigla." pakli niya.

Lumapit si Beelzebub sa may kumunoy at kumuha ng putik.

"Parang ganito yata ng likhain ang mga walang-kuwentang tao. Susubukan kong gumawa.
Unang ginawa si Adan... Hmm... Pero ako, babae ang gagawin ko."

Nagsimula na siyang humulma sa putik at pinaghugis niya iyon na isang babae.


Matapos iyon ay pinatakan niya ito ng kanyang dugo.

"Susunugin kita sa aking mainit na apoy at pagkatapos noon ay bibigyan kita ng


aking hininga para mabuhay ka."

Naglabas na nga ng kanyang kapangyarihan si Beelzebub. Isang malakas na apoy na


kulay-violet ang ipinalibot niya sa putik na ginawa niya. Medyo nanghina siya sa
kanyang ginawa. Matapos iyon ay humupa na ang apoy at nalantad sa kanya ang anyo ng
kanyang ginawa. Isang magandang babae na may mahabang buhok na kulay itim. Maputla
ang kulay ng balat nito pero mapula ang mga labi. Maganda ang hugis ng ilong at may
malalagong pilik. Nakapikit pa rin ito. Lumapit si Beelzebub sa kanyang creation.
Pinagmasdan niya iyong maigi.
"Akalain mo, kaya ko rin naman palang gumawa ng tao. Ha ha ha ha! Para na rin pala
akong Diyos..."

Puno ng pagnanasa ang bawat salita niya.

"Ngayon, bibigyan kita ng aking hininga para mabuhay ka."

Marahan niyang inilapit ang labi niya dito at agad niya itong binigyan ng hininga.
Humangin sa buo nitong paligid at unti-unting nagkabuhay ang kulay ng balat nito.
Maputi iyon at makinis. Nagkaroon din ng blushes ang mga pisngi nito. Napahawak sa
kanyang dibdib si Beelzebub... Nanikip iyon at nahirapan siyang huminga.
Pinagpawisan siya ng malapot...

"S-Sheyt!!..."

Pakiramdam niya ay lumalapit sa kanya ang kamatayan. Doon niya biglang na-realize
na hindi niya kayang maging Diyos.

"K-Kailangan ko nang bumalik sa hell!"

Pinalibutan niya ang kanyang sarili ng kanyang apoy at pagkatapos noon ay lumubog
na siya ng tuluyan sa ilalim ng lupa. Nasa di kalayuan naman si Azrael at nakita
niya ang lahat ng pangyayari.

"Isa kang baliw Beelzebub." comment niya.

Naglakad siya palapit doon sa taong ginawa nito. Isa iyong babae. Napakaamo at
napakaganda ng mukha nito at perpekto din maging ang katawan.

"Pasensiya na, kailangan mong mamatay. Hindi dapat mabuhay ang mga nilalang na
katulad mo. Hindi ka nararapat sa mundong ito."

Inilabas niya ang kanyang karit at iniumang iyon sa leeg ng babae. Napatitig siya
sa mukha nito, hindi niya magawa ang dapat niyang gawin. Bigla siyang nakadama ng
alinlangan. Bigla kasi niyang naisip, sino ba siya para manghusga sa mamamatay o
mabubuhay? Tumingala siya sa langit. Nahanap niya ang sagot. Tama, hindi siya ang
Panginoon para manghusga. Mariin siyang pumikit.

"Ama, tama ba itong sinasabi mo sa akin? Likha siya ng isa sa Seven Prince of
Hell..."

Nanatiling nakatutok ang karit niya sa leeg ng babae. Natigilan siya ng gumalaw ang
labi ng babae. Napatitig siya sa mukha nito at ilang sandali pa ay marahan itong
nagmulat ng mga mata. Napasinghap ito ng makita nito ang kanyang mukha na
nakatunghay dito. Pasimple niyang itinago ang kanyang karit. Nanatili siyang
nakamasid dito. Marahan itong bumangon at naupo. Inosente itong tumingin sa kanyang
mukha. Napakunot-noo siya. Paanong ang kagaya ni Beelzebub ay nakagawa ng isang
inosenteng nilalang? Napailing si Azrael, maaaring panlinlang lang ang
kainosentehan ng anyo nito.

"Sino ka?" mariin niyang tanong.

Napahawak sa mukha ang babae at matamang tumingin sa kanya. Sapat na ang malamlam
na liwanag ng buwan para makita niya ang anyo nito. Halos malapit nang magfull moon
kaya ang liwanag ng gabi. Powdered-blue ang kulay ng mga mata nito.

"S-Sino ako?" wala sa sarili nitong wika.


Maging ang boses nito, napakainosente. Natigilan si Azrael. Yumukod siya at mas
tumitig dito.

"Wala ka bang pangalan?"

Pasimpleng umiling ang babae.

"Ano ba ang pangalan?"

Isang marahas na buntung-hininga ang kumawala kay Azrael. Mabilis niyang hinubad
ang suot niyang t-shirt at walang pakundangang isinuot sa babae.

"Tumayo ka." utos niya.

Nanatiling nakatingin sa kanya ang babae. Inabot niya ang mga kamay nito at hinila
niya ito patayo. Nagulat ito sa kanyang ginawa.

"Subukan mong maglakad." utos ulit niya.

Tumitig ang babae sa kanyang mukha at pagkatapos noon ay sa mga kamay nitong hawak
niya. Marahan siyang naglakad paatras at napapasunod lang ito sa kanya. Para siyang
nagtuturo ng isang maliit na bata kung paano maglakad. Ilang sandali pa ay tuluyan
na itong nakuha ang balanse ng katawan at nakalakad na ng mag-isa. Isang matipid na
ngiti ang sumilay sa labi nito. Muling tiningnan ni Azrael ang babae.

"Hindi dapat ako magpaloko sa isang ito. Baka nagpapanggap lang siya. Kailangan ko
siyang bantayan at dapat din akong maging maingat."

Kasalukuyang naglalakad sa paligid ang babae at ignorante itong tumitingin sa mga


halaman at sa mga puno. Isang maluwang na inosenteng ngiti ang nakita niyang
namutawi sa labi nito ng mapaligiran ito ng mga nagliliparang alitaptap. Hindi niya
maintindihan pero nahawa siyang bigla sa ngiti na iyon. Natawa siya ng mahina at
napailing. Tumingin pabalik sa kanya ang babae at pasimpleng kumaway. Nawala ang
ngiti sa kanyang labi at bigla siyang naging uneasy. Nakaramdam siya ng pag-iinit
ng mukha.

"Sira!" sermon niya sa kanyang sarili.

Naglakad palapit sa kanya ang babae at tumingala sa kanya.

"B-Bakit?" naiilang niyang tanong.

"Ano ba ang pangalan?" inosente nitong tanong.

Pasimpleng napakamot sa kanyang batok si Azrael.

"Ibinibigay iyon sa isang nilalang para may itawag sa kanya. Isa iyong
pagkakakilanlan."

"Kung ganoon, may pangalan ka?"

"Oo. Azrael ang pangalan ko."

Napahawak sa labi nito ang babae at nag-iisip na napatingin sa kanya.

"Ang ganda ng pangalan mo." napangiti nitong wika.

Hindi maintindihan ni Azrael kung bakit bigla siyang nakaramdam ng hiya dito. Isang
simpleng papuri lang naman iyon. Pero ito ang kauna-unahang pumuri sa kanyang
pangalan. Halos lahat kasi ng nakakarinig sa pangalan niya ay natatakot. Masamang-
masama ang image niya dahil siya ang Angel of Death.

"Kung ganoon, iyong mga nakikita ko sa paligid... May mga pangalan din sila?"

"Oo."

Biglang nalungkot ang mukha ng babae.

"Kung ganoon, bakit wala akong pangalan?"

Seryosong tumingin si Azrael sa mukha ng babae.

"Dahil isa kang bagong creation ng isa sa Seven Prince of Hell, si Beelzebub. Bago
ka pa niya mabigyan ng pangalan ay naglaho na siya at nagpunta sa hell. Isa siyang
nilalang na tulad ko, anghel... Pero naging suwail siya at nagrebelde sa langit.
Masama siya." prangka niyang wika.

Nalungkot ang mukha ng babae at nangilid ang luha sa mga mata nito.

"M-Masama ba ako?" naiiyak nitong tanong.

Biglang nakaramdam ng pagsisisi si Azrael. Nakonsensiya siya.

"Hindi ko alam." mahina niyang wika.

Hindi rin naman siya nakatiis kaya pinunasan niya ang mga nagbabadyang luha sa
gilid ng mga mata nito.

"Pasensiya na." hinging paumanhin pa niya.

Nanatiling nakatitig ang babae sa kanya at naiilang na siya. Napakunot-noo siya.

"Bakit?"

"Puwede mo ba akong bigyan ng pangalan?" inosente nitong tanong.

Napahawak sa kanyang baba si Azrael at sandaling nag-isip. Wala siyang maisip na


pangalan. Mataman siyang tumingin sa babae. Napakainosente talaga ng mukha nito.
Huminga siya ng marahas.

"Belle. Sa tingin ko, bagay sa'yo ang pangalan na iyon."

Amaze na tumingin sa kanya ang babae.

"Belle... Ano ang ibig sabihin noon?" makulit nitong tanong.

"Mula iyon isang halaman na ang tawag ay belladona. Isang Italian word ang
belladona. Ang ibig sabihin noon ay magandang dalaga. Ginawa ko lang na shortcut
kaya naging Belle." paliwanag ni Azrael.

Namilog ang mga mata ni Belle at pagkatapos noon ay bigla siyang yumakap kay
Azrael. Nagulat naman si Azrael at hindi malaman ang gagawin.

"Salamat..."

Tulirong napatingin si Azrael kay Belle. Hindi na niya alam kung tama ba itong
ginagawa niya. At hindi na rin niya alam kung ano na ang nangyayari sa kanya. Ang
dami niyang unusual na nararamdaman.
"B-Bakit ka yumakap?" curious niyang tanong.

"Yakap ba ang tawag dito?"

"Oo."

"Basta gusto ko lang gawin. Natuwa kasi ako sa'yo eh."

Natawa ng mahina si Azrael at napailing. Kumalas siya sa pagkakayakap kay Belle at


matamang tumingin sa mukha nito.

"Sumama ka sa akin. Sa tingin ko, marami kang bagay na kailangang malaman." wika
niya.

"Sige!"

Humawak si Belle sa kanang-kamay ni Azrael. At bahagya siyang nagulat ng buhatin


siya nito. Lumitaw ang mapuputi nitong mga pakpak sa likod at unti-unti silang
umangat sa ere.

"Ano ang mga nasa likod mo?"

"Mga pakpak ko ang mga iyan."

Napatingin si Belle sa kanyang sariling likuran.

"Bakit wala akong ganyan?" inosente nitong tanong.

"Dahil hindi mo ako katulad. Isa akong anghel."

"Ano iyon?"

Isang marahas na buntung-hininga ang kumawala kay Azrael. Mukhang napasubo siyang
talaga. Iniuwi niya ito at pagdating sa kanyang bahay ay...

"Ano ang nararamdaman mo?"

Nakaupo sa sofa ang babae at matamang nakatingin sa kanya habang naglalakad siya sa
harapan nito.

"Hmm... Masaya!" nakangiti nitong sagot.

"Hindi ka ba nagugutom?"

Sandaling nag-isip si Belle at tila pinakiramdaman ang sarili. Matapos iyon ay


nahihiya itong napatingin sa kanya.

"Sa tingin ko nga, nagugutom ako?"

"Sige, diyan ka lang ah? Ipagluluto kita."

Pumunta sa kusina si Azrael. Wala siyang gaanong talent sa pagluluto. Tumingin siya
sa paligid at nakita niya ang isang cup noodles na seafood flavor.

"Puwede na ito."

Kinuha niya ang cup noodles at agad na nilagyan ng mainit na tubig. Nagtimpla na
rin siya ng maiinom niyang kape. Ilang sandali lang ay luto na ang instant noodles.
Kinuha niya iyon at agad siyang nagpunta sa sala. Inilapag niya sa harapan ni Belle
ang cup noodles kasama ng kutsara.

"Kumain ka na."

"Anong tawag diyan?"

"Cup noodles."

Tumingin ito sa kutsara at agad na kinuha iyon. Pinagmamasdang maigi ni Azrael si


Belle. Kumikilos ito ng naaayon sa instinct.

"Mag-ingat ka, mainit iyan." paalala niya.

Marahan itong sumubo ng pagkain at mukhang nagustuhan nito ang lasa.

"Hmm... Masarap ka palang magluto."

Muntik nang masamid si Azrael sa iniinom niyang kape. Mataman siyang tumingin sa
mukha ni Belle at pagkatapos noon ay bigla siyang natawa ng malakas. Napatigil sa
pagkain si Belle at matamang tumingin sa kanya. Tumawa din ito. Siya naman ang
napatigil sa pagtawa.

"Bakit ka tumatawa?" curious niyang tanong.

"Kasi tumatawa ka?"

Bigla ulit napangiti si Azrael hanggang sa matawa na naman siya. Natawa din ang
kasama niya at para na silang mga sira-ulo.

Kinabukasan ay nakarinig ng sunud-sunod na katok sa may pinto si Blade. Tanghali na


noon at nagluluto sa kusina si Hunter. Siya naman ay nagpupunas ng mga gamit.
Napatigil siya sa kanyang ginagawa at agad na nagpunta sa may pinto. Binuksan siya
iyon at bahagya siyang nagulat ng mabungaran niya si Azrael. Mas nabigla siya ng
makita niya ang babaing kasama nito na suot ang damit ng kaibigan.

"Hello, ako si Belle! Iyon ang pangalan ko at maganda ang ibig sabihin noon!"

Amaze na napatingin si Blade sa babae. Ang ganda nito. Nakakaloko siyang tumingin
kay Azrael.

"Girlfriend mo?" pilyo niyang tanong.

Sinimangutan siya ni Azrael.

"Papasukin mo ba kami o hindi?"

"Di Tuloy!"

Pinapasok ni Blade sa loob ang mga bisita. Ipinakilala siya ni Azrael kay Belle.
Dumating na si Drake.

"Handa na ba ang tanghalian?!" tanong nito.

Napahinto ito sa pagbaba sa hagdan ng makita nito sina Azrael at si Belle. Pilyo
itong tumingin sa dalawa at tuluyan nang bumaba.

"Asus, holloween lang... Luma-lovelife ka na ah?!" kantyaw ni Drake.


Napailing si Azrael dito at ipinakilala na lang si Belle. Nagkamay ang dalawa.
Lumabas si Hunter mula sa kusina at...

"Kung ano man iyan, itigil na muna. Pumunta tayong lahat sa kumedor at kumain na.
Nakapagluto na ako." wika ni Hunter.

Pumunta na nga ang lahat sa kumedor para kumain. Ipinakilala din ni Azrael si Belle
kay Hunter. Sinigang na baboy na may sitaw at gabi ang ulam. May chopsuey para sa
gulay at minatamis na saging para sa panghimagas.

"Ang sarap!" wika ni Belle habang humhigop ng sabaw.

"Salamat." nakangiting wika ni Hunter.

"Alam mo, masarap ding magluto si Azrael." pakli pa ni Belle.

Gulat na nagtinginan sina Hunter, Blade at Drake.

"Belle, tumahimik ka." saway naman ni Azrael.

Kaya lang ay...

"Ows, talaga?" amaze na wika ni Blade.

"Oo! Masarap din siyang magluto." bida pa ni Belle.

"Anong luto?" di nakatiis na tanong ni Drake.

"Cup noodles!" mayabang na wika ni Belle.

Halos sabay-sabay na nasamid sina Drake, Hunter at Blade. Pagkatapos noon ay


tumingin sila ng nakakaloko kay Azrael at nagsitawa. Nakitawa din si Belle doon sa
tatlo at para hindi mapikon ay naki-join na lang din si Azrael. Nang matapos silang
mananghalian ay kinausap ni Azrael ang tatlo.

"Ibig mong sabihin, creation ni Beelzebub si Belle?!"

"Hinaan mo nga ang boses mo!" saway ni Azrael.

Pasimple siyang tumingin kay Belle na ignoranteng nanonood ng T.V.

"Sa totoo lang, hindi ko alam kung tama ang ginawa ko. Dapat ko ba siyang patayin o
hindi? Pero wala akong karapatang manghusga. Naguguluhan na ako, sa totoo lang."
desperado niyang wika.

Matamang tumingin sa kanya ang kanyang mga kaibigan.

"Anak na lase. Sa tingin ko, hindi naman siya masama. At tama din ang naging
desisyon mo na huwag siyang patayin." comment ni Blade.

"Sang ayon ako kay Blade." segunda ni Drake.

"Ako rin." si Hunter.

Nakahinga ng maluwag si Azrael. Muli siyang sumulyap kay Belle at saka muling
tumingin sa mga kaibigan.

"Kung ganoon ano ang gagawin ko ngayon?" tanong pa niya.


Isang pilyong ngiti ang namutawi sa labi ni Blade.

"Bigyan siya ng make-over. Aba, sayang ang kagandahan niya. Tara na!" excited
nitong wika.

Sumang-ayon naman ang lahat. Lumabas nga sila at nagpunta sa pinakamalapit na mall.
Agad silang pumunta sa RTW store at dumiretso sa pambabaing section. Panay ang kuha
ni Blade ng mga damit at pagkatapos noon ay agad niyang iniabot kay Belle. Tuliro
naman si Belle ng kunin niya iyon.

"Anong gagawin ko dito?"

"Isukat mo lahat. Gorabels ka na sa dressing room, dali!"

"Isusukat ko 'to lahat?"

"Yes of course. Para mapili namin kung ano ang mga damit na babagay sa'yo. Huwag
kang mag-alala, mapera naman si Azrael eh. Pero kung wala man siyang pambayad,
ibebenta ko na lang siya sa mga bakla mamaya. Wa ha ha ha ha! Anak na lase!"

Pinandilatan ni Azrael si Blade at pasimpleng iniumang ang mga kamao. Amaze naman
na napatingin si Belle kay Blade.

"Anak na lase!" ignorante niyang wika.

Natawa naman si Blade.

"Anak na lase!" ulit ni Belle.

Mabilis na pinuntahan ni Azrael si Belle at tinakpan ang bibig.

"Huwag mo siyang gagayahin. Masama iyon, mapapahamak ka." saway niya.

Inalis ni Belle ang kamay niyang nakatakip dito.

"Pero siya sinasabi niya eh. Bakit masama?"

"Basta, masama iyon. Pabayaan mo iyang si Blade, saltek iyan eh! Magsukat ka na
lang ng mga damit."

"Okay."

Pumunta na nga sa loob ng dressing room si Belle at nagsukat na ng mga damit.


Labas-pasok siya doon.

"Pangit, mukha kang manang diyan. Palitan mo." utos ni Blade.

Gusto nang magreklamo ni Belle pero wala naman siyang magawa. Ang arte-arte ni
Blade at ito ang nagdedecide ng maganda o pangit. Matapos iyon ay dinala ng mga
lalaki si Belle sa isang salon at pinagupitan ng buhok. Busy sa pagbabasa ng
magazine ang apat na lalaki ng..

"Mga fafa, ayan na siya! Tapos ko na siyang i-make over! Nilagyan ko rin siya ng
make up!"

Halos sabay-sabay na ibinaba ng mga lalaki ang hawak na babasahin at tumingin kay
Belle. Iisa ang reaksyon ng mga ito. Napa-Oh silang lahat. Ginawan ng layered na
design ang buhok nito at mas na-inhance ang pagka-inosente ng mukha ni Belle lalo
pa at nalagyan ito ng light na make up.
"Oh ano, wala kayong ma-say?! Nganga?!" kantyaw pa ng beautician.

Napangiti si Blade doon sa parlorista.

"Salamat Coratcha! Galing mo!"

"Thanks sa papuri, Blade. Basta ikaw, nanginginig pa!"

Pagkatapos ng make-over ni Belle ay ipinasyal pa nila ito sa kung saan-saan at


tinuturuan na rin ng kung anu-ano. Tuwang-tuwa ito sa mga nakikita sa paligid at sa
lahat ng nalalaman. Gabi na ng maghiwa-hiwalay silang lahat.

Kasalukuyang nang naglalakad pauwi sina Azrael at Belle. Nagtatakang napatingin si


Azrael sa kasama niya ng alisin nito ang suot na sapatos.

"Bakit mo inalis?" usisa niya.

"Masakit na ang mga paa ko eh. Abuwisit ak pa!"

"Saan mo na naman natutunan iyang expression na iyan?"

"Kay Drake."

Nasapo ni Azrael ang noo at napailing. Mali yata siya ng napagkunsultahan. Kung
anu-anong kalokohan lang ang natutunan ng isang ito sa mga baliw na iyon. Lumapit
si Belle sa kanya at matamang tumingin sa kanyang mukha.

"Ano?" tanong niya.

"Kasi kanina, tinanong ako ni Drake kung kiniss mo na ba ako. Ano ba iyong kiss?"

Natigilan si Azrael at nag-init ang mukha niya. Nanggigil siyang bigla kay Drake.

"Wala iyon. Alam mo, kalimutan mo na lang iyong sinabi niya sa iyo. Isa lamang
iyong kalokohan. Halika, umuwi na tayo."

Sumimangot si Belle kay Azrael. Hindi na lang siya kumibo at nagpatuloy na lang sa
paglalakad. Sinabi sa kanya ni Drake na gusto ka ng isang tao kapag kiniss ka.
Hindi nga ba siya gusto ni Azrael? Nakaramdam siya ng sama ng loob. Pagkauwi nila
ay agad siyang nagbihis at naghilamos para alisin ang make up na inilagay sa
kanyang mukha. Patamad siyang humiga sa kama. Nakakapagod palang magshopping pero
masaya. Nakarinig siya ng mahihinang katok at ilang segundo lang ay bumukas ang
pinto. Pumasok sa loob ng silid si Azrael at matamang tumunghay sa kanyang mukha.

"Bakit?" curious niyang tanong.

"Napagod ka ba?" untag nito.

"Oo. Pero masaya palang magshopping. Bukas, lalabas ba ulit tayo at mamimili?"
excited niyang tanong.

Alanganing ngumiti si Azrael.

"Hindi. Mamumulubi na ako niyan."

Napakagat sa kanyang labi si Belle at natawa ng mahina. Pero biglang napalis ang
ngiti niya ng mapansin niyang napatitig sa kanyang labi si Azrael. Hindi siya
makapagsalita at bumilis ng sobra ang puso niya.
"Naalala ko lang, tinanong mo ako tungkol sa kiss hindi ba?" biglang wika ni
Azrael.

Napakunot-noo si Belle at maang na napatingin dito.

"Di ba sabi mo, kalimutan ko na iyon kasi kalokohan lang?" pakli niya.

Pasimpleng umiling si Azrael.

"Hindi iyon kalokohan."

"Kung ganoon, ano iyon?"

Huminga ng malalim si Azrael at matamang tumingin sa kanyang mukha.

"Ganito ang kiss..."

Marahan nitong hinawi ang distansiya ng kanilang mga mukha. Napapikit si Belle at
bahagya siyang nanginig ng maramdaman niya ang labi ni Azrael sa kanyang noo. Unti-
unti itong lumayo sa kanya at marahan siyang nagmulat ng mga mata.

"Kamusta ang kiss?" nakangiti nitong tanong.

Napangiti siya at bumangon sa pagkakahiga. Napakagat siya sa kanyang labi.

"Masaya." sagot niya.

Natawa ng mahina si Azrael sa kanyang sagot. Hinawi ni Belle ang distansiya ng


kanilang mukha at hinalikan niya ang binata sa pisngi. Napahawak ito doon sa pisngi
na hinalikan niya at amaze na napatitig sa kanyang mukha.

"B-Bakit mo ginawa iyon?" tulirong tanong ni Azrael.

"Kasi gusto kong maging masaya ka rin."

Hindi siya makasagot pero napangiti siya habang nakatitig sa mukha nito.

"Matulog ka na, alam kong pagod ka. Magandang gabi."

"Magandang gabi." nakangiting sagot ni Belle.

Lumabas na ng silid si Azrael at agad naupo sa sofa na nasa sala. Marahan niyang
hinaplos ng kanyang mga palad ang kanyang mukha.

"Nababaliw na ako." wika niya sa kanyang sarili.

Kinuha niya ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa at agad na nagdial ng numero.
Ilang ring lang ay nasagot ang tawag niya.

"May kailangan akong isangguni sa'yo. Gumawa ng isang creation si Beelzebub. Isang
tao, gusto ko sanang tingnan mo siya."

Si Raphael ang tinawagan niya. Isa sa Seven Archangels.

"Sige, darating ako."

Ini-end na niya ang tawag. Ilang minuto lang ang lumipas ay nakarinig siya ng
sunud-sunod na katok sa pinto ng kanyang silid. Binuksan niya iyon at bumungad sa
kanya si Raphael. Pinapasok niya ito at dinala sa silid kung nasaan si Belle.
Humahangang napatingin si Raphael kay Belle.

"Pambihira. Nagawa nga ni Beelzebub."

"Oo, pero halos mamatay siya pagkatapos."

Napailing si Raphael at naglakad palabas ng silid. Mataman lang na napasunod si


Azrael.

"Anong masasabi mo?"

"Maganda siya."

Natawa si Azrael.

"Alam ko. Bukod doon, ano pa?"

"Mamamatay siya."

Natigilan si Azrael sa kanyang narinig. Hindi niya maarok ang pakiramdam na iyon.

"Mahina si Beelzebub. Hindi siya ang ating Panginoon. Nakagawa nga siya ng tao pero
maiksi lang ang buhay nito. Mayroon na lang siyang isang linggo. Pagkatapos noon,
mamamatay na siya at maglalaho kagaya ng ibang creation ni Beelzebub."

Tulala si Azrael at nangilid ang luha sa kanyang mga mata. Tuluyan na iyong umagos
at gigil niyang naikuyom ang mga kamao.

"M-May paraan ba para mabuhay siya ng matagal?"

Mas naging seryoso ang mukha ni Raphael.

"Wala. Bahagi ng buhay ang kamatayan. Higit sa lahat, ikaw ang nakakaalam ng bagay
na iyan."

Marahang umiling si Azrael.

"A-Ayaw ko siyang mamatay..."

Napahinga ng malalim si Raphael at marahang tinapik ang balikat niya.

"Patawad. Sana pala, nagsinungaling na lang ako."

Tumalikod na si Raphael at lumabas sa pinto. Nanatili namang nakatulala si Azrael


habang umiiyak. Hindi niya alam kung gaano siya katagal na naging ganoon. Muli
siyang pumasok sa silid ni Belle. Hinawakan niya ng mahigpit ang kanan nitong
kamay.

"Huwag kang mamamatay..."

Lumipas ang oras at ang bawat patak noon ay binibilang ni Azrael. Nakabantay siya
sa bawat kilos ni Belle. Wala namang anumang palatandaan na nanghihina ito. Sa
katunayan ay mas masigla pa ito kaysa sa kanya. Ito pa nga ang nagche-cheer sa
kanya kapag nahuhuli siya nitong tuliro at malungkot. Naramdaman niyang may yumakap
sa kanya mula sa likuran.

"Bakit na naman?" tanong niya.


"Malungkot ka na naman eh. Siya nga pala, may sorpresa ako..."

Kumalas siya sa pagkakayakap nito at humarap siya.

"Ano?"

Iniangat ni Belle ang isang kuwintas na may pendant na pakpak ng Angel Wing.

"Regalo. Mayroon din ako oh. Nasa akin ang kapares."

Nagtatakang napatingin si Azrael kay Belle.

"Saan ka kumuha ng pera?"

Ngumiti ito ng maluwang sa kanya.

"Pinautang ako ni Drake. Nagkasalubong kami kanina sa mall habang namamasyal ako."

"Ouch!"

Alam kasi niyang siya ang masisingil.

"May problema?"

"Ahm, wala."

Nalungkot ang mukha ni Belle. Huminga siya ng malalim. Palagi na lang nitong
sinasabi na walang problema pero iba naman ang ipinapakita nito.

"Masaya ka ba na kasama ako o masyado ka nang nakukulitan sa akin? Kung nakukulitan


ka na, sabihin mo lang. Hindi na kita lalapitan." pakli niya.

Nagulat siya ng haplusin ni Azrael ang buhok niya.

"Tumigil ka. Akin na nga iyang regalo mo. Ibibigay mo ba sa akin o hindi?"

Napangiti si Belle.

"Siyempre, ibibigay. Pero ako ang magsusuot sa'yo."

Kumuha ng upuan si Belle at inilapag sa harap ni Azrael.

"Upo na." excited niyang wika.

Napangiti naman napasunod si Azrael. Naupo nga siya at tumalikod kay Belle. Sana
lang, mali ang sinabi ni Raphael sa kanya. Naisuot naman na ni Belle ang kuwintas
kay Azrael. Natigilan siya at napakurap. Bigla kasing lumabo ang kanyang paningin.
Ilang sandali pa ay bigla siyang nanghina. Napakatinding panghihina ang naramdaman
niya hanggang sa BLAG! Napakislot si Azrael ng marinig niya ang lagabog na iyon.
Nakita niya si Belle sa sahig na nakahandusay at nakapikit. Mabilis niya itong
pinangko.

"Belle!" nag-aalala niyang wika.

Hinaplos niya ang pisngi nito at ganoon na lamang ang takot na naramdaman niya ng
malamig na iyon. Marahan niya itong niyugyog... Marahang nagmulat ng mga mata si
Belle at tumingala sa kanya.

"Belle..." umiiyak niyang wika.


"M-Mamamatay na ba ako?" mahina nitong wika.

Napatanga siya sa tanong na iyon at hindi malaman ang gagawin at sasabihin. Ilang
beses siyang huminga ng malalim. Hindi niya akalain na biglaan na mangyayari ang
bagay na ito. Ang kinatatakutan niya ng husto. Hindi pa siya natakot ng ganito sa
kamatayan! Ngayon lang...

"Hindi ka mamamatay. Hindi ako pumapayag. Huwag mo akong iiwan. Gusto kitang
makasama, masaya ako sa'yo... Ikaw, masaya ka ba na kasama ako?"

Ngumiti si Belle.

"O-Oo..."

Itinaas nito ang kanang-kamay at pinunasan ang mga luha niya. Amaze itong
napatingin sa braso nito ng unti-unting lumipad mula doon ang maliliit na butil ng
puting-liwanag na tila mga alitaptap.

"Akala ko ba tao ako? T-Tingnan mo oh, nagiging alitaptap na yata ako Azrael..."

Mas humigpit ang yakap ni Azrael kay Belle.

"Hindi... Hindi... Dito ka lang... Dito ka lang..."

Tumingin siya sa mukha nito. Maging doon ay lumalabas na ang mga liwanag. Hinaplos
niya ang buhok ni Belle. Hindi na niya alam ang gagawin niya. Mas humigpit ang
yakap niya dito.

"Huwag kang umiyak, puwede ba? Ngumiti ka para sa akin. Gusto kong makita na masaya
ka sa regalong ibinigay ko."

Ngumiti siya dito at napahawak sa kanyang kuwintas.

"Oo, masaya ako sa ibinigay mo. Salamat."

Isang mabining ngiti ang namutawi sa labi nito at pagkatapos noon ay pumikit na
ito.

"Belle... Belle!!... Belle!!..."

Nagulat siya ng tuluyang lumipad sa paligid niya ang napakaraming liwanag. Tuluyan
nang nawala si Belle at naiwan ang suot nitong damit at ang kuwintas na kapares ng
suot niya. Umiiyak niyang pinulot iyon. Napasabunot siya sa kanyang buhok na para
bang mababaliw na siya. Marahang bumukas ang pinto at iniluwa noon si Raphael.
Lumapit ito sa kanya.

"Alam kong masakit. Pero gusto kong ipaalam sa'yo na hindi naman talaga siya
nawala. Nandito siya."

Itinuro ni Raphael ang puso niya.

"Creation nga siya ni Beelzebub pero hindi siya naging masama. Naging masaya ka ng
dahil sa kanya. Ituring mo siya na nakapagandang bahagi ng buhay mo. Condolence."

Tinapik ni Raphael ang balikat niya at natawa ng mahina si Azrael.

"Oh, akala ko ba malungkot ka?"


"Oo naman, sobra... Natawa lang ako kasi nasabihan ako ng condolence. Si Angel of
Death, na-condolence! Abuwisit ak pa..."

Natawa din ng mahina si Raphael sa kanya. Ilang sandali lang ay dumating na sina
Blade, Hunter at Drake. Dinamayan nila ang kaibigan at sinabihan ng Condolence...

***************************** # sa part na to, nalungkot din ako... :-(

theme song: Cry & my immortal

34. Bittersweet Memories

"Bittersweet Memories"

"Okay ka lang?" tanong ni Drake kay Azrael.

Malungkot itong tumingin sa kanya.

"Oo naman. Salamat."

"Sigurado ka?"

"Ang kulit ng lahi mo."

Bumunting-hininga si Drake at nakapamulsa. Mataman siyang tumingin kay Azrael na


nakaupo sa kama at nakasandal sa dingding. Halatang nabigla ito ng todo sa
pagkawala ni Belle. Tuliro ito at hindi niya alam kung hihinto pa ito sa pag-iyak.
Sobra talaga itong naapektuhan.

"Nakakatawa... Noong una kong makita si Belle, pinagtangkaan ko pa siyang patayin.


Sinabi ko pa na hindi siya dapat mabuhay kasi creation siya ni Beelzebub... Pero
tingnan mo, pinasaya niya ako at kahit na sabihin natin na ako ang nagtuturo sa
kanya ng kung anu-ano... Ako pa ngayon ang nagkaroon ng leksyon sa kanyang
pagdating.." tumawa ito ng matipid.

Amaze na napatingin si Drake kay Azrael.

"Talaga? Ano ang natutunan mo sa kanya?"

"Mahirap palang maiwanan at mawalan ng taong minamahal mo ng lubos. Lalo na kung


permanente na talaga. Ang sakit, sobra..."

"Alam mo, feeling ko tuloy... Ang sama-sama ko." biglang wika ni Drake.

"Talaga? Bakit?"

"Nang-iwan ako dati eh. Walang paalam."

Napailing si Azrael at natawa ng mahina sa kanya.

"Ang sama mo nga."

Ngumiti si Drake. Maging siya, nalulungkot sa pagkawala ni Belle. Para na rin


siyang nagkaroon ng nakababatang kapatid sa katauhan nito. Sayang talaga,
nakakapanghinayang.
"Lalabas na ako. Kung may kailangan ka, katukin mo lang kami sa kanya-kanya naming
kuwarto. Sana lang, mag-enjoy ka sa pag-e-stay dito sa bahay ko." paalam ni Drake.

Nagpresinta siyang patirahin na muna si Azrael sa bahay niya. Mas mahihirapan itong
magmove-on kung mananatili itong mag-isa sa bahay nito. Marami lang itong maaalala.
Hindi na nagsalita pa si Azrael at lumabas na ng silid si Drake. Naiwan na siyang
mag-isa. Naghihintay sa labas sina Hunter at Blade.

"Kamusta siya?" tanong ni Blade.

"Ayon, malungkot pa rin at tuliro. Hayaan na muna natin siyang mag-isa. Siya nga
pala, itago natin iyong mga cup noodles sa cabinet. Hindi makakabuti kung
makakakita siya noon. Lalo lang siyang malulungkot."

"Sige. Ako na ang gagawa." wika ni Blade.

Umalis na si Blade at naglakad naman papunta sa may terrace sina Drake at Hunter.
Parehas silang tumingin sa view na natatanaw nila.

"Namimiss ko si Belle. Dahil sa kanya nagkaroon ako ng nakababatang kapatid. Walang


makulit na mahilig magtanong ng kung anu-ano." pakli ni Drake.

"Tama ka." sang-ayon ni Hunter.

Bigla napangiti si Drake ng may maalala siya kay Belle. Isang eksena ang biglang
nagbalik sa kanya. Kasalukuyang ipinapasyal nila si Belle sa parke nang matapos
nila itong ipa-make over. Aliw na aliw itong tumitingin sa paligid. Napakislot si
Drake ng bigla siyang sikuin ng dalaga. Kunot-noo siyang napatingin dito.

"Bakit?"

Namumula ang mukha nito at uneasy. Alanganin itong tumingin sa kanyang mukha pero
pagkatapos noon ay...

"Tingnan mo oh, ano iyong ginagawa nila?"

Mayroon itong itinuro at napatingin siya doon. Medyo nagulat siya ng makita niya
ang sinasabi nito. Mayroong nagkikiss sa di kalayuan.

"Abuwisit ak pa! Dito pa napiling mag-PDA ng mga tarantado!"

"Ano iyon? Anong ginagawa nila?" makulit na tanong ni Belle.

Medyo natawa siya at nakapamaywang na napailing. Kasalukuyang may binibili ang mga
kasama nila.

"Kiss ang tawag diyan." paliwanag niya.

"Talaga? Bakit nila ginagawa iyan?"

Napakamot sa kanyang batok si Drake. Napalunok siya at nag-isip. Paano ba siya


magpapaliwanag?

"Ang kiss ay ginagawa ng dalawang taong nagmamahalan para maiparamdam nila sa


isa't-isa ang kanilang damdamin. Isa iyong tinatawag na... One of the body language
of love that shows desire, passion and romance. Iyong kiss, ginagawa iyon sa taong
gusto mo."
Napatango-tango ito. Isang kapilyuhan ang biglang naisip ni Drake.

"Siya nga pala, na-kiss ka na ba ni Azrael?"

Napatanga ito sa kanyang tanong at namula ang mukha nito. Natatawa siya sa naging
reaksyon ni Belle. Tuliro itong napailing sa kanya.

"Ay, akala ko pa naman na-kiss ka na niya. Mahina naman pala siya eh. He he he he.
Abuwisit ak pa!"

Hindi na nagbigay ng anumang opinyon si Belle. Natahimik ito at malalim na nag-


iisip habang namumula ang mukha. Ilang beses na huminga ng malalim si Drake ng
magbalik ang diwa niya sa kasalukuyan.

"Mukhang hindi lang si Azrael ang naapektuhan. Tayo din." wika pa niya.

"Tama ka. Ngayon palang, namimiss ko na si Belle. Walang makulit." napangiting wika
ni Hunter.

Napatigil naman sa ginagawang paglalagay sa kahon ng cup noodles si Blade. Matagal


siyang tumingin sa hawak niya. Ilang sandali pa, umagos ang luha sa kanyang mga
mata. Sa totoo lang, napakababaw ng luha niya. Makakita lang siya ng umiiyak ay
naiiyak na rin siya. Pero iba ang rason ng pag-agos ng mga luha niya ngayon. Si
Belle ang dahilan. Lahat sila, nagkaroon ng nakababatang kapatid nang dumating ito.
Siguro nga, naging maikli ang buhay nito na tulad ng sa paru-paro pero ang dami
nitong naiwang alaala. Kung ganito na ang nararamdaman niya, paano pa kaya kay
Azrael? Huminga siya ng malalim.

Samantala... Napahawak si Azrael sa pendant ng kuwintas niya. Napangiti siya ng


mapait. Wala sa sariling kinuha niya ang kapares ng kuwintas sa bulsa ng kanyang
pantalon. Tumingin siya sa kuwintas na hawak niya at matagal iyong tinitigan.
Habang tumatagal ang pagkakatitig niya doon ay unti-unting nabubuo ang mukha ni
Belle sa kanyang paningin... Hanggang sa bumalik ang lahat ng alaala... Umagos na
naman ang mga luha sa kanyang mga mata at mariin niyang naikuyom ang kamay niyang
may hawak ng kuwintas. Muling nagbalik sa kanya ang lahat ng pangyayari... Para
siyang nag-time travel...

Tuliro si Azrael habang nakaupo siya sa sofa. Hindi niya alam ang gagawin niya sa
nalaman niya mula kay Raphael. 'Mamamatay siya. Mayroon lang siyang isang linggo.'
Malinaw pa rin sa isip niya ang mga salitang iyon at paulit-ulit na iyong nag-e-
echo sa kanyang isipan. Napakislot siya ng biglang may tumapik sa balikat niya.
Napatingin siya sa tumapik sa kanya at nakita niya si Belle. Alanganin itong
napangiti sa kanya. Umupo ito sa kanyang tabi.

"Sorry ah? Nagulat ka." hinging paumanhin nito.

"Nagising ka?"

Pinilit niyang maging casual.

"Hmm... Oo. Nauuhaw kasi ako kaya uminom ako ng tubig. Tapos, nakita kita dito sa
sala. Hindi ka pa ba natutulog?" curious nitong tanong.

"Ahm, hindi kasi ako makatulog."

Matamang tumingin sa kanyang mukha si Belle. Napakunot-noo siya kasi may kung ano
itong tinitingnan sa kanyang mukha at naiilang na siya sa paraan ng pagtitig nito.

"Bakit?" tanong niya.


Hindi ito nagsalita pero gumalaw ang kanan nitong kamay at hinaplos ang gilid ng
mga mata niya. Amaze itong napatingin sa kanya.

"Ano itong tubig sa mga mata mo?"

Napatanga siya. Napabuka ang labi niya pero hindi siya makapagsalita. Tuliro siyang
napahawak sa kamay nitong nagpunas ng luha niya. Biglang bumigat ang pakiramdam ng
puso niya.

"Luha ang tawag dito."

"Luha?"

"Oo. Lumalabas ang luha kapag nakakadama ka ng matinding emosyon. Kagaya ng sobrang
kasiyahan o iyong sobrang kalungkutan..."

Tumitig siya sa mukha ni Belle at muli niyang naalala ang sinabi ni Raphael sa
kanya. Marahan siyang pumikit at pasimpleng umiling. Alin ba ang mas mahirap? Ang
alam niyang mamamatay si Belle o hindi?! Nagulat siya ng bigla siyang halikan ni
Belle sa kanyang pisngi. Tuliro siyang napahawak sa pisngi niyang hinalikan nito.
Unti-unting gumuhit ang isang matipid na ngiti sa kanyang labi.

"Bakit mo ginawa iyon?" amaze niyang tanong.

"Para maging masaya ka. Mukha ka kasing malungkot. May problema ba?"

Nawala ang ngiti sa kanyang labi at matamang napatingin sa mukha nito.

"Belle..."

Tumingin ito sa kanyang mukha at inantay ang anumang sasabihin niya. Napailing siya
at huminga ng malalim. Hindi niya kayang sabihin ang tungkol sa nalaman niya...
Ayaw niya.

"Ang mabuti pa matulog ka na. Malalim na ang gabi at napagod ka sa pamamasyal


kanina." sa halip ay wika niya.

Huminga ulit siya ng malalim.

"Sige. Eh ikaw? Napagod ka rin kanina." nag-aalala nitong wika.

"Huwag kang mag-alala sa akin. Ayos lang ako. Matutulog din ako kapag inantok na
ako. Kaya sige na, matulog ka na ulit."

"Sige, good night." nakangiti nitong bati.

"Good night."

Tumayo na si Belle at naglakad papunta sa kuwarto nito. Nang masiguro ni Azrael na


nakapasok na sa silid nito ang dalaga ay saka siya napahilamos ng marahas sa
kanyang mukha.

"Anong gagawin ko?!" bulalas niya.

Kinabukasan ay kinausap niya ang kanyang mga kaibigan. Nasa bahay sila ni Zech.
Nasa garden si Belle at abala ito sa pagsipat sa mga halamang tanim doon.

"Sinabi sa akin ni Raphael na isang linggo lang ang itatagal ng buhay ni Belle..."
umpisa niya.

Biglang naisara ni Zech ang binabasa nitong libro at napatitig sa kanya. Muntik
namang mabitawan ni Creta ang hawak nitong baso. Napatingin sa kanya ng halos
sabay-sabay sina Hunter, Drake at Blade.

"Anak na lase, totoo ba iyan?!" bulalas ni Blade.

Seryoso siyang tumingin sa mukha ng mga kaibigan niya.

"Sana nga lang, hindi."

Napade-kuwatro si Zech.

"Sinasabi mo ba sa amin ang bagay na iyan dahil gusto mong magbasakali kung may
paraan para humaba pa ang buhay niya?" prangka nitong tanong.

"Oo." mabilis niyang sagot.

Napahawak sa sintido niya si Zech. Huminga ito ng malalim, maraming beses.

"I'm sorry. Wala akong maisip na paraan. Maging ang forbidden fruit, walang
magagawa. Ang kaya lang nito ay magbalik ng nawalang lakas at kapangyarihan. Pero
ang buhay, hindi."

Tila binagsakan ng langit si Azrael sa kanyang narinig. Nasapo niya ang kanyang
dibdib.

"Kung ganoon, ano na ang dapat kong g-gawin?"

"Kung ano ang tama. Alam mo naman na normal lang na nangyayari sa buhay ang
kamatayan." wika pa ni Zech.

"Kamatayan? Ano iyon?"

Natigilan ang lahat ng marinig nila ang boses ni Belle. Nasa bungad ito ng pinto at
matamang nakatingin sa kanila. Napalunok ang lahat at hindi makasagot. Agad namang
nakaisip ng paraan si Blade.

"Ahm! Ano, si Azrael iyon! Pinag-uusapan kasi namin ang magiging costume namin para
sa nalalapit na halloween party at ang sabi ni Azrael ay kamatayan ang costume na
napili niya!" bigla niyang wika.

Napaismid si Azrael at matalim na tumitig kay Blade. Dinikdik pa siya ng damuho.

"Halloween party? Ano iyon?"

Lumapit na si Belle sa kanila.

"Isa iyong pagdiriwang ngayong pista ng mga patay. Ang lahat ng dadalo sa holloween
party ay nagsusuot ng mga kakaibang damit. May nakakatakot, may nakakatuwa, may
bongga at kung anu-ano pa. Basta walang basagan ng trip."

Napangiti si Belle ng maluwang.

"Wow, mukhang masaya iyon!"

Lumapit ito kay Azrael at matamang tumingin.


"Pumunta tayo sa halloween party!" nakangiti nitong wika.

Bigla namang nalito si Azrael at hindi malaman ang isasagot. Pero sa bandang-huli
ay nagdesisyon din siya. Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ni Belle.

"Sige, pupunta tayo. Basta, dito ka lang palagi sa tabi ko."

Ngumiti sa kanya ng maluwang si Belle, hindi ito nagsalita pero unti-unti siyang
napangiti pabalik dito, nahawa siya sa napakasigla nitong aura.. Bigla nawala ang
kalungkutang nadarama niya kanina. Mas hinigpitan pa niya ang hawak niya sa kamay
nito na para bang isa itong mamahaling gamit na puwedeng manakaw sa kanya.

Napakurap si Azrael at nagbalik na ang diwa niya sa kasalukuyan. Masakit na ang mga
mata niya sa kaiiyak pero ayaw talagang huminto ng pag-agos ng mga luha niya. Ang
sakit nga kasi.

"Kung may paraan lang sana para mabago ang lahat..." mahina niyang wika.

Pero siya mismo, alam na walang paraan. Siya ang Angel of Death at hawak niya ang
napakaraming reaper na nagsusundo ng mga kaluluwa.

Samantala... Napatigil sa ginagawa si Blade ng makarinig siya ng mga katok sa


pinto. Inilapag niya sa tabi ang kahong may lamang mga cup noodles. Pumunta siya sa
sala at dumiretso sa may pinto. Binuksan niya iyon at nakita niya sina Zech, Creta,
Rane, Karen at si Daisy.

"Nabalitaan namin iyong nangyari kay Belle. Kamusta si Kuya Azrael?" tanong ni
Rane.

Mataman siyang tumingin sa mukha ni Blade. Halatang umiyak ito. Malungkot itong
tumingin sa kanilang lahat.

"Hindi siya ayos. Masyado siyang nabigla." sagot lang nito.

Pinatuloy niya ang mga ito sa loob ng bahay at naupo silang lahat sa sofa.

"Nasaan si Kuya Azrael?" hindi nakatiis na tanong ni Karen.

"Nasa kuwarto. Hayaan na muna natin siya. Kailangan niyang mapag-isa na muna.
Mahirap ang pinagdadaanan niya." seryosong wika ni Blade.

"Sayang, ang saya pa natin noong halloween." hindi napigilang comment ni Karen.

Isang katahimikan ang biglang namayani sa lahat. Walang makapagsalita.

Samantala... Amaze na napatingin ang mga Fallen Angels ng biglang dumating si


Asmodeus-one of the Seven Prince of Hell, the sin of lust.

"Anong masamang hangin ang nagdala sa'yo dito? Biglaan naman yata ang iyong
pagdating?" amaze na tanong ni Vaulant.

Isang nakakalokong tawa ang kumawala mula kay Asmodeus. Napatanga ang lahat sa
iginawi nito.

"Anong nakakatawa?" kunot-noong tanong ni Ziggur.

Napailing si Asmodeus at nakapamulsang tumingin sa lahat. Hindi nawawala ang


nakakalokong ngiti sa labi nito.
"May alam ba kayo sa pinaggagawa ni Beelzebub dito sa mundong ibabaw nitong
nakaraan?" bigla nitong tanong.

Nagsalubong ang mga kilay ni Bony ng marinig niya ang pangalan ni Beelzebub.

"Pinayagan niyang magsolo si Hydrian na muntik nang magpahamak sa akin. Buwisit


siya! Gaganti talaga ako sa gagong iyon!" gigil nitong wika.

"Bukod doon, ano pa?" untag pa ni Asmodeus.

Nagtatakang napatingin ang lahat dito.

"Wala na kaming alam. Bakit mo ba kami tinatanong?" curious na tanong ni Tumand.

Isang malakas na tawa ang kumawala kay Asmodeus. Matapos iyon ay...

"Hay naku... Bigla kasing dumating sa hell si Beelzebub na nanghihina. Sobrang hina
na sa puntong gumagapang na talaga siya na parang uod at naghihingalo. Wa ha ha ha
ha! Nakakatawa siya at hirap na hirap ang kalagayan niya. Ni hindi nga sumapat sa
kanya ang mga kinain niyang forbidden fruit para makabawi agad siya ng lakas. Ayon
nga at mukha na siyang makekeret na lase. Tawa nga kami ng tawa sa kanya habang
lalo siyang nabubuwisit sa amin... Kung makikita niyo lang ang itsura niya,
matatawa din kayo sa buwisit na iyon! Ha ha ha ha ha!"

Na-puzzled bigla ang lahat sa kanilang narinig. Ano nga kaya ang ginawa ni
Beelzebub?!

Samantala... Nang tuluyan nang mapagod ang mga mata ni Azrael mula sa pag-iyak ay
nakatulog na ito ng hindi nito namamalayan. At maging sa panaginip, sinundan ito ng
mga alaala ni Belle. Buong akala niya ay hindi darating sa kanya ang tawag ng pag-
ibig. Pero dumating si Belle sa buhay niya at nabago na ang lahat ng paniniwala
niya. Masayang magmahal...

Tarantang nagpunta si Azrael sa kuwarto ni Belle ng marinig niya itong umiiyak.


Pagpasok niya sa loob ng silid ay nakita niya itong natutulog at mukhang masama ang
panaginip nito. Agad niya itong nilapitan at niyugyog.

"Belle!... Gumising ka, Belle!.." nag-aalala niyang wika.

Ilang sandali pa ay nagmulat na ito ng mga mata. Marahan itong bumangon at


napayakap sa kanya ng makita siya nito. Hinaplos niya ang buhok ni Belle.

"Tama na, nandito na ako. Huwag ka nang matakot."

Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya at tumingin sa kanyang mukha.

"Ano ba ang napanaginipan mo?" tanong niya.

Huminga ito ng malalim.

"Hinahabol daw ako ng maraming zombies. Akala ko nga makakain na nila ako eh.
Mabuti na lang ginising mo ako."

Napangiti si Azrael kay Belle.

"Sinabi ko na sa'yo na huwag kang manonood ng horror movies dahil baka bangungutin
ka."

"Curious kasi ako eh."


Lalong lumuwang ang ngiti sa labi ni Azrael.

"Hay naku, Belle... Ikaw talaga!" di niya napigilang wika.

"Siya nga pala, patay pala ang tawag doon sa taong hindi na gumagalaw. Iyong
inililibing? Normal lang ba na nangyayari iyon?" inosenteng tanong ni Belle.

Natigilan si Azrael at matamang tumitig sa mukha nito. Wala sa sariling hinaplos


niya ang pisngi nito.

"Bahagi ng buhay ang kamatayan at normal iyon." alanganin niyang sagot.

Napatango-tango si Belle. Pagkatapos noon ay tumitig siya sa mukha ni Azrael.

"Kapag ako, namatay... Makakalimutan mo ba ako?"

Natuliro ito sa kanyang sinabi at pagkatapos noon ay mahigpit siyang niyakap. Hindi
niya maintindihan, pero bigla itong naiyak.

"Huwag mong sabihin iyan, pakiusap..." husky nitong wika.

Biglang naguluhan si Belle. Bigla itong umiwas sa topic. Napakunot-noo siya.

"May problema ba?" untag niya sa binata.

Ang higpit kasi ng yakap nito.

"Walang problema."

"Pero, umiiyak ka..."

Napakislot ito sa kanyang sinabi. Pagkatapos noon ay marahan nitong hinaplos ang
kanyang buhok.

"Masaya lang ako kasi kasama kita." mahina nitong wika.

Biglang nag-init ang mukha ni Belle sa kanyang narinig. Marahang kumalas sa


pagkakayakap sa kanya ang binata at pagkatapos noon ay hinalikan nito ang labi
niya. Isang mabilis na halik at ngayon lang nito ginawa ang bagay na iyon.
Karaniwan kasi siya nitong hinahalikan sa kanyang noo o kaya sa kanyang pisngi.

"Matulog ka na. Maaga pa tayong mamimili bukas ng mga isusuot nating costume para
sa halloween party. Excited ka ba?" nakangiti nitong tanong.

Napangiti si Belle.

"Oo naman."

"Mabuti. Ako rin, excited."

Matagal pang tumitig sa kanyang mukha si Azrael bago ito tumayo. Kaya lang ay bigla
niyang hinila ang laylayan ng suot nitong t-shirt. Amaze itong napatingin sa kanya.

"Bakit?" curious nitong tanong.

"Huwag mo akong iiwan. Natatakot ako eh..."

Napangiti si Azrael at agad na naupo sa kama.


"Hindi kita iiwan. Hinding-hindi ko gagawin iyon. Sana lang, huwag mo rin akong
iiwanan..."

Ngumiti si Belle.

"Hindi ko gagawin iyon."

"Talaga? Kahit cup noodles lang ang alam kong lutuin?"

Natawa ng mahina si Belle.

"Masarap naman ang cup noodles eh."

Natawa na rin si Azrael at nakalimutan niya ang iniisip niyang problema.

"Puwede bang samahan mo akong matulog? Natatakot talaga ako. Baka may dumating na
zombie eh."

Napailing si Azrael.

"Walang darating na zombie. Pero sige, sasamahan kitang matulog."

Umusod si Belle at tumabi siya dito. Humiga siya at umunan ito sa kanyang dibdib at
yumakap.

"Salamat.." mahina nitong wika.

Hindi siya sumagot pero tumingin siya dito at hinaplos ang pisngi nito. Tumingin
ito pabalik sa kanya at ngumiti.

"Magandang gabi." nakangiti nitong bati.

"Magandang gabi." ganti niya.

Pumikit na ito at siya naman at nanatiling nakatitig sa maganda nitong mukha. Kung
dati pakiramdam niya ay hawak niya ang oras dahil siya ang Angel of Death.. Ngayon
ay na-realize niyang mali siya ng akala. Dahil sa ngayon, bawat segundo, bawat
minuto, bawat-oras... Binibilang niya. Nararanasan na niyang mapagdamutan ng
panahon at ang hirap. Tila ayaw na niyang kumurap habang nakatingin siya sa mukha
ni Belle. Ilang araw na rin ang lumipas at walang anumang palatandaan na nanghihina
ito o ano. Wala ding kakaibang nangyayari kay Belle kaya hindi niya maintindihan
kung bakit tinaningan ito ni Raphael ng isang linggo. Mas masigla pa ito sa kanya
at ang bawat sandali na kasama niya ito ay nagpapasaya sa kanya. Sa ngayon, patuloy
siyang humihiling ng himala kung mapagbibigyan siya. Sana lang...

Kinabukasan ay maaga silang lumakad para mamili ng mga costume na maisusuot nila.

"Ano bang magandang theme?" tanong ni Azrael sa tindera.

Ngumiti ito sa kanya at pagkatapos noon ay sumulyap ito kay Belle na busy sa
pagsipat ng mga halloween figures na nasa paligid ng shop.

"Sir, ano kaya kung Adams Family ang theme ninyo ni Ma'm? Tiyak na matutuwa siya
kasi ang sweet noon." comment ng tindera.

Bahagyang natigilan si Azrael at nag-init ang buo niyang mukha. Napasulyap din siya
kay Belle na nakangiti habang nagsusuot ng witch hat.
"Nag-blush ka na, Sir." kantyaw pa ng tindera.

Napailing tuloy si Azrael at napangiti na rin. Muli siyang tumingin sa tindera.

"Sige, bigyan mo ako ng isang pares ng Adams Family na costume. Iyong sa mag-
asawa."

"Magandang choice, Sir."

Kumuha na ito ng mga kahon kung saan nakalagay ang mga costumes. Nagpakita ito sa
kanya ng mga iba-ibang designs. Ilang sandali pa ay nakapili na siya at agad na
nagbayad sa tindera. Matapos iyon ay niyaya na niya si Belle. Medyo nagulat siya ng
abutan siya nito ng sorbetes na nakalagay sa tinapay. Agad niya iyong kinuha.

"Binili mo?" curious niyang tanong.

"Hindi. Nakita ko sina Blade kanina. Bumibili din sila ng costume nila. Inilibre
nila ako, heto nga at binigyan ka din."

"Nasaan na sila?"

"Umalis na."

Napatango na lang siya.

"Siya nga pala, ano iyong date?"

Nanlaki ang mga mata niya sa tanong na iyon. Ilang beses siyang napahinga ng
malalim.

"Ang date ay ginagawa ng isang babae at lalaki para mas makilala ang isa't-isa.
Nag-uusap sila, kumakain ng sabay, namamasyal... Mga ganoon."

"Ah..." napatango-tango si Belle.

Kumagat ito sa hawak na sorbetes.

"Kung ganoon, palagi pala tayong nagde-date?"

Muntik nang malaglag ni Azrael ang hawak niyang sorbetes. Pero pagkatapos noon ay
natawa siya ng mahina. Natawa din si Belle at para na silang mga sira.

Kinagabihan ay pareho silang excited habang naghahanda sa pagpunta sa gaganaping


halloween party. Nakasuot ng itim na suit si Azrael. Inayos niya ang buhok niya
kagaya ng character sa movie at gumamit siya ng kaunting kapangyarihan, pinaputla
niya ng kaunti ang kulay ng kanyang balat. Natawa nga siya ng humarap siya sa
salamin kasi naalala niya si Drake.

"Mukha na akong bangkay." natatawa pa niyang pakli.

"Ehem!" napakislot siya ng marinig niya ang tikhim na iyon.

Pumihit siya paharap at napatanga siya ng makita niya si Belle na suot ang itim na
bestida na lagpas tuhod pero may slit sa gilid kaya lumilitaw ang magaganda nitong
legs kapag naglalakad. Medyo mababa ang pa-oblong na neckline ng damit kaya kita
ang maganda nitong cleavage. Fitted ang gown na may mahabang sleeves na may design
sa dulo ng ruffles. Kitang-kita ang magandang hubog ng katawan nito. Nakalugay lang
ng simple ang straight nitong buhok at nakangiting nakatingin sa kanya.
"Ang guwapo mo. Kaya lang, parang pareho na kayo ni Drake. Ang putla mo na."
comment nito.

"Adams Family nga eh. But anyway, may kailangan ka?"

"Puwede mo ba akong lagyan ng make up? Hindi kasi ako marunong eh." alanganin
nitong wika.

Huminga ng malalim si Azrael.

"Sige, susubukan ko."

Medyo marunong siyang magmake-up dahil paminsan-minsan ay nagco-cosplay siya.


Nahawa din naman kasi siya sa kahiligan ni Raguel. Nagsimula na siyang maglagay ng
make-up dito. Dark na eyeshadows at makapal na eye-liner, plus dark maskara...
Hindi kailangan ng blush-on dahil nga Adams family ang theme nilang dalawa.
Panghuli niyang ilalagay ay ang bloody-red lipstick... Natigilan siya ng akma na
niyang ipapahid ang lipstick sa labi ni Belle. Matagal siyang tumitig doon at unti-
unti na siyang natutukso na halikan iyon. Napalunok siya. Pero sa bandang-huli ay
umiling-iling siya. Kailangan niyang pigilan ang kanyang sarili dahil baka hindi na
niya tigilan si Belle kapag nasimulan na niya itong halikan.

Nagsimula na siyang magpahid ng lipstick sa labi nito. Ang ganda ng complexion ng


lipstick sa labi nito. Mas na-enhance ang napakaganda nitong shape. At mas
natutukso na rin siyang humalik. Iyon nga lang ay nagpipigil siya.

"Okay na."

Marahang nagmulat ng kanyang mga mata si Belle. Ngumiti ito sa kanya.

"Kamusta?" tanong nito.

"Ang ganda mo. Gawin mo pala 'to para mas pumantay ang kulay ng lipstick mo."

Pinagdikit niya ang mga labi niya ng mariin at ginaya naman siya ni Belle.
Napatigil siya sa kanyang ginagawa at matamang tumingin dito. Mas lalo lang siyang
naaakit... Innocence and seduction... Iyon ang taglay nito. Nang-aakit ng todo ang
kainosentehan ng mukha nito. At hindi nito alam ang bagay na iyon.

"Bakit?" untag ni Belle.

Natauhan si Azrael at isang matipid na ngiti ang namutawi sa kanyang labi. Pasimple
niyang hinaplos ang gilid ng labi ni Belle at maang itong napatitig sa kanya.

"Wala lang. Masyado ka kasing maganda. And I was really captivated by you..."

Ngumiti si Belle ng matipid.

"Salamat."

"Shall we?"

Iniumang niya ang kanan niyang braso at game naman na umabrisite sa kanya ang
dalaga. Umalis na sila at nagpunta sa halloween party. Tumingin sa paligid si
Azrael. Hinahanap niya ang mga kaibigan niya.

"Mukhang wala pa sila Blade." wika niya.

Tumingin din sa paligid si Belle.


"Oo nga. Mukhang napaaga tayo."

Tumawa ng mahina si Azrael.

"Hindi tayo maaga. Medyo na-late na nga tayo eh. Sa tingin ko, maggra-grand
entrance ang mga baliw na iyon. Ano nga kaya ang costume nila?"

Napakunot-noo si Belle.

"Basta nakita ko, puro kulay-puti na damit." bigla nitong wika.

"Ano nga kaya iyon?" excited na wika ni Azrael.

Tiyak na pang center of distraction na naman... Marami nang nagkakasiyahan sa dance


floor. Tumugtog ang isang old but romantic na music. Can't take my eyes off you...
Tumingin si Azrael kay Belle.

"Tara, sayaw tayo." yaya niya.

Amaze na napatingin sa kamay niyang nakalahad ang dalaga. Pagkatapos noon ay sa


mukha naman niya. Namula ito ng todo.

"A-Ahm, hindi ako marunong eh."

Ngumiti si Azrael.

"Akong bahala sa'yo. Tuturuan kita."

Kinakabahang inabot ni Belle ang kamay ni Azrael. Mahigpit nitong hinawakan ang
kamay niya at masuyo siya nitong dinala sa gitna ng dance floor. Panay ang buga
niya ng hangin kasi ibang klaseng kaba ng nararamdaman niya. Marahang hinawakan ng
binata ang baywang niya at siya naman ay napakapit sa mga balikat nito. Napangiti
siya ng mapatingin siya kay Azrael. Ngumiti ito pabalik sa kanya at nagsimula na
itong humakbang. Napapasunod lang siya sa galaw nito. Pakiramdam niya, silang
dalawa lang ang nasa dance floor.

"Your just too good to be true. Can't take my eyes off you. You feel like heaven to
touch. Oh, I wanna hold you so much.... And as long as love has arrive... I just
thank God I'm alive. Your just too good to be true. Can't take my eyes off you.. I
love you baby and if it's quit alright. I need you baby to warm my lonely night...
I love you baby, trust in me when I say. Oh pretty baby, don't bring me down I
pray. Oh pretty baby, now that I found you, stay... And let me love you, baby...
Let me love you..."

Sinasabayan ni Azrael ang kanta habang marahang sumasayaw sila. Ang sexy nga lang
ng version nito. Mariin itong nakatitig sa kanya at nakikita niya sa mga mata nito
ang matinding admiration. Ang gesture na ginagawa nito, masyadong nakakaakit...
Napangiti siya dito at napasabay na rin sa kanta. Hindi niya gaanong memoryado ang
lyrics pero nakabisado din niya sa paulit-ulit na pagsabay dito. At kahit iba na
ang kanta na nagpe-play, iyon pa rin ang kinakanta nila pareho. Sa mga sandaling
iyon, parang tumigil ang oras sa pagitan nilang dalawa. Hinalikan ni Azrael ang
kanyang noo at pagkatapos noon ay pinisil nito ang punong baba niya. Matagal siya
nitong tinitigan.

"Ito na ang pinaka-the best na halloween party na napuntahan ko..." seryoso nitong
wika sa kanya.

"Talaga?"
"Oo. Taon-taon, pinupuntahan ko ang halos lahat ng halloween party na nagaganap sa
buong mundo. Tuwing halloween ako kasi ang bida. At ngayon, ito ang pinaka-the
best..."

Hindi nagsalita si Belle pero ngumiti ito sa kanya. Unti-unting hinahawi ni Azrael
ang distansiya ng kanilang mga mukha pero natigilan siya ng makarinig siya ng
malalakas na tili.

"Eeeeeeeehhhh!!!!... May sakit na akooo!!!..."

Sabay pa silang napatingin sa pinanggalingan ng tili. Sa may entrance iyon. Pareho


silang napatanga ng dumating sina Blade, Hunter, Drake, Zech at Creta. Nakasuot ang
lima ng Doctor's robe at may nakasabit pang stethoscope sa leeg ng mga ito. Sa
likuran ng mga lalaki, naroon ang mga kasama nilang mga nurses. Sina Rane, Karen,
Daisy at si Conrad na naka-costume din ng doktor.

"Kami ang mga Doctor na handang gumamot sa mga sugatan niyong puso. It's me, Dr.
Love." umpisa ni Blade.

May nakalagay pang nameplate sa mga suot nilang uniform. Si Blade-Dr. Love, si
Zech-Dr. Sweet, si Drake-Dr. Heart, si Hunter-Dr. Handsome, at si Creta-Dr. Joy.
Ang dami tuloy nagtitilian at sumisigaw na may sakit sila o kaya naman humihingi ng
check up.

"Doc!!!... Binuhay mo ang katawang lupa ko!!!.. EEEeeeh!!!.." tili pa ng isang


naka-costume ng zombie.

Tumatawang lumapit sina Azrael at Belle sa grupo nila Blade.

"Hanep ah! Sinong nakaisip niyan?" amaze na tanong ni Azrael.

Itinuro ng lahat si Blade at hindi na nagulat pa si Azrael.

"Pambihira! Sabi na nga ba at may pasabog kayo eh." comment pa niya.

"Oh well, trip namin kasing mag-career costume ngayong halloween. Tingan mo nga at
nagsama pa kami ng aming mga alipores. Si Nurse-Pretty, Beauty, at Lovely... May
kasama pa silang Dr. Cute. Magsasagawa kami ngayong gabi ng Medical Mission sa mga
may problema sa pag-ibig." mayabang pang wika ni Zech.

"Tama. But for now! Party-party na!!!..." si Blade.

Excited itong nagpunta sa gitna ng dance floor at sinenyasan ang DJ na i-play ang
dessert. Hindi nagtagal ay napasunod na silang lahat dito.... Umingay ang lahat sa
pagdating nila at naging baliw ng gabing iyon.

"Ang saya ni Belle." comment ni Zech.

Napangiti si Azrael at napatingin kay Belle na tuwang-tuwa na sumasayaw sa dance


floor kasama sina Blade, Drake, Rane, Karen, Daisy at ang cute na si Conrad.

"Oo nga eh. Bakit hindi ka na sumasayaw?" untag niya kay Zech.

"Napagod na ako eh. Tingnan mo nga at ang dami naming binibigyan ng Love Advise...
Ang dami palang namomroblema sa pag-ibig... Wala talaga itong pinipiling panahon
kahit na halloween no?"

Napatingin si Azrael gawing pinanggalingan ni Zech at natawa siya ng makita niya


ang pila sa kinaroroonan nina Hunter at Creta. Nagbibigay ng free-hug ang mga ito.

"Kung ganoon, bakit hindi mo sila tulungan?"

"Mamaya muna. Baka gusto mong maki-join?"

"Ayaw ko, salamat na lang."

"Ayaw mo o nire-reserved mo na ang sarili mo?"

Inginuso nito si Belle.

"Sira ka talaga!"

Tumawa lang si Zech. Pero bigla siyang naging seryoso. Tumingin siya sa nameplate
nito. Dr. Sweet.

"Dr. Sweet..." untag niya.

"Bakit?"

"Kaya niyo bang magbigay ng forever?" desperado niyang tanong.

Isang napakalalim na buntung-hininga ang pinakawalan ni Zech. Sincere itong


tumingin sa kanya.

"Sana nga, kaya namin..."

Hindi na umimik si Azrael, nanatili na lang siyang tahimik habang nakatingin kay
Belle na masayang nagsasayaw sa dance floor. Umalis na sa tabi niya si Zech at
nagpunta na sa kinaroroonan nina Creta at Hunter.

Nang matapos ang halloween party ay niyaya muna ni Azrael si Belle na magdate sila.
Napahanga si Belle ng mapagmasdan niya ang mga bulaklak ng roses na nakapulupot sa
shed na kinaroroonan nila. Kulay-pink ang mga iyon. Mas lalong lumuwang ang ngiti
niya ng unti-unti silang mapalibutan ng mga alitaptap. Malapit lang sa ilog ang
shed.

"Ang ganda naman dito... Ang cute!" tuwang-tuwa niyang wika.

"Talaga? Nagustuhan mo ba? Dito ako madalas tumambay kapag gusto ko ng privacy."

Amaze na napatingin si Belle kay Azrael. At bahagya siyang nagulat ng yakapin siya
ng mahigpit ng binata.

"Salamat, dumating ka sa buhay ko. Salamat, naging masaya ako..." husky nitong
wika.

Natuliro si Belle sa kanyang mga narinig. Hindi niya maintindihan ang sarili
niya... Sobra siyang masaya at dahil doon ay naiiyak na siya. Tuluyan na siyang
napaiyak at marahang kumalas sa pagkakayakap sa kanya ang binata. Tumitig ito sa
mukha niya at pasimpleng pinunasan ang mga luha niya.

"May problema ba?" untag ni Azrael.

"W-Wala naman. Masyado lang kasi akong masaya kaya ako naiiyak..." sagot ni Belle.

Isang matipid na ngiti ang namutawi sa labi ni Azrael.


"Alam mo bang ito ang pinakamagandang luha sa lahat? Ito ang tinatawag na tears of
joy..."

Hindi sumagot si Belle pero ngumiti ito at yumakap sa kanya. Napaganti ng yakap si
Azrael at mariing pumikit. Sana lang, kaya niyang patigilin ang oras....

Naalimpungatan si Azrael at nagising na mula sa kanyang pagkakaidlip. Medyo masakit


ang ulo niya at ang hapdi ng mga mata niya. Sapo ang noo ay bumangon siya at
sinipat ang paligid. Nagbadya na naman ang luha sa mga mata niya ng ma-realize
niyang nasa bahay siya ni Drake. Gusto na naman niyang matulog at managinip pero
hindi na siya inaantok. Napatingin siya sa hawak niyang kuwintas sa kanan niyang
kamay. Isinuot niya iyon at matagal na hinawakan ang pendant... Panay ang buntung-
hininga niya ng malalim. 'Wala na si Belle.' Isa iyong realization na paulit-ulit
na umuukilkil sa utak niya.

Tumayo na siya at naglakad papunta sa may bintana ng silid. Tumingin siya sa langit
at nakita niya ang napakaraming bituin. Bigla siyang napangiti ng mag-meteor
shower. Pumikit siya at taimtim sa humiling.

"Gusto ulit kitang makita at makasama... Sana bumalik ka sa akin, Belle." taos-puso
niyang hiling.

Pasimple siyang nagpunas ng mga luha niya at tumingin sa paligid. Napakunot-noo


siya ng magliparan ang napakaraming alitaptap sa mga may puno ng kawayan. Papunta
ang lahat ng iyon sa kanya. Napangiti siya ng paligiran siya ng mga ito pero isang
kakaibang puting-liwanag na kasing laki ng mga alitaptap ang lumapit sa kanya.
Lumipad iyon sa paligid ng mukha niya at pagkatapos noon ay dumapo iyon sa palad
niya. Mainit iyon at pamilyar sa kanya ang taglay nitong init. Unti-unting nawala
ang liwanag sa palad niya na para bang sumapi sa loob ng kanyang katawan.
Nangingiti siya pero naiiyak. Ikinuyom niya ang palad niya at muling tumingala sa
langit. Kahit papaano ay gumaan ang kanyang pakiramdam.

***********************************

# na-hang over talaga ako ng todo kina Azrael at Belle... Hanggang ngayon, nag-
eemote ako ng dahil sa kanila.

theme song: Will you wait for me by gareth gates

I'll be standing at the edge of the earth-blessed union of souls

Dream about you..

ay na apo.. nakabuo na ako ng playlist...

# inagahan ko na pala ang update... baka busy na kasi ako sa susunod na linggo...

35. Asmodeus VS Azrael

"Asmodeus VS Azrael"

Si Blade ang nakatokang magklase ng subject na Values sa mga fourth year student ng
hapong iyon...

"Good afternoon, class!!..." masigla niyang bati.


"GOOD AFTERNOON, SIR BLADE!!!..."

"Ehem! Ehem! Wala si Mrs. Solano kaya ako na muna ang isinalpak ni Madam Jollibee
para magturo sa inyo ng Values..." umpisa niya.

"YEHEEEY!!!!!...." sigaw ng lahat.

Napangiti si Blade sa naging reaksyon ng mga bata.

"Dahil Values naman itong subject natin at natapat pa sa nakakaantok na oras...


Naisipan ko na magkakaroon tayo ng debate. Ang mga nakaupo dito sa kanan ay ang
group A at sa B naman ang mga nakaupo dito sa kaliwa..."

Matamang nakikinig ang mga bata sa kanya kaya naman ipinagpatuloy lang niya ang
pagsasalita.

"Bueno, ito ang topic... Alin sa dalawa ang totoong bastos? Iyong A. Nakahubad o B.
Nakatingin? Sa A Ang nakahubad at sa B iyong nakatingin. Bawat grupo ay magbibigay
ng opinyon at ang mga comment na iyon ay puntos. Ito ang magsisilbi niyong quiz
ngayong araw. Okay, umpisa na!"

Nagtaas ng kamay ang isang estudiyante sa group A.

"Yes, Jake?"

"Sir, siyempre bastos iyong nakahubad kasi nga may kasabihan na kapag nakahubad eh
bastos, di ba?"

Napaisip si Blade sa sinabi ng estudiyante, tapos bigla niyang naalala noong


mahubaran siya dahil hinahabol siya ng maraming goons. Natawa siya ng mahina ng
maalala niya ang bagay na iyon. Bastos nga ba siya?

"Sir, kontra ako diyan!" wika naman ng nasa group B.

"Oh, sige... Bakit ka kontra Trixie?"

"Para sa akin, ang bastos ay iyong tumitingin. Kasi di ba, alam na ngang hubad
bakit pa titingnan?!"

"One point sa group B!" announcement ni Blade.

Nagkaroon ng maraming violent reaction ang group A.

"Sir, mas bastos ang nakahubad! Kasi wala namang titingnan kung walang makikita!"
wika ulit ni Jake.

Natawa si Blade sa sinabi ng bata.

"Good! One point din sa group A!" wika niya.

Nagsulat siya ng guhit sa blackboard kung saan siya naglalagay ng score ng bawat
grupo.

"Sir, gusto kasi ng mga mata na may nakikita! Kaya bastos ang tumitingin!" group
B...

"Sir!!... Gusto magpakita ng nakahubad kaya siya ang mas bastos!" group A...
Tawa ng tawa si Blade mga comment ng mga bata. At least, nakakabuhay ng dugo ang
naisip niyang topic at hindi nakakaantok. Alas-dos pa naman ng hapon.

"SIR!!!!!..." malakas na tawag ng isang estudiyante sa group B.

"Oh, Freddie?!"

"Sir, p-patalastas lang... Isang tanong lang..." napalunok na wika ng estudiyante.

"Oh sige, ano?"

"B-Bumubukol po ba ang utot?"

"Ha?!" react ni Blade.

Pero nang makabawi siya sa pagkabigla ay sinagot din naman niya ang katanungan ng
bata.

"No! Definitely, not! Hindi bubukol ang utot kasi hangin lang iyon. Remember class,
hindi bubukol ang utot kasi gas lang siya na normal na inilalabas ng ating katawan.
It's carbon dioxide!"

'Putek!!!... Tae na yata talaga 'to!' wika ni Freddie sa kanyang isipan.

"SIIIR!!!!!!..." hysterical na niyang wika.

"Bakit na naman?!"

Pero hindi sumagot ang estudiyante. Bagkus ay nagsign pa ito na lumapit siya.
Curious siyang naglakad palapit dito at nagsign ulit ito na may gustung ibulong.
Inilapit niya ang tenga dito.

"S-Sir, di ba tinanong kita kung bumubukol ang utot?" bulong ng bata.

"Ngayon?"

"Hindi yata ako nautot, nakatae yata ako, may bukol eh..."

"ANAK NA LASEEE!!!!... O-"

Tarantang tinakpan ng bata ang bibig niya.

"Sir Blade, huwag kang maingay!"

Ganoon pa man ay naging center of distraction na silang dalawa. Nang makabawi si


Blade sa pagkawindang ay mabilis niyang binuhat ang bata at itinakbo palabas ng
classroom.

"Emergency!!... TABIIII!!!!..."

Nagtatakang napapatingin ang mga bata at guro na nadadaanan nila. Dumiretso sila sa
CR ng mga lalaki at agad niyang ipinasok doon sa loob ng cubicle ang bata. Matapos
iyon ay agad siyang lumabas.

"Okitnam! I-check mo nga kung positive!" aligagang wika ni Blade.

Ilang sandali siyang naghintay...

"Sir, positive?!"
"Madami?"

"Medyo lang, nasira yata ang tiyan ko doon sa mga kinain kong bayabas kanina."

"Abuwisit ak pa! Di ka man lang namigay!"

"Sir, paano na?"

Sandaling nag-isip si Blade ng paraan.

"Diyan ka lang, ibibili kita ng maisusuot mo. Basta huwag kang magpapanic at
maghugas kang maigi."

"Sir, bilisan mo ah?"

"Oo na, anak na lase!"

Matapos iyon ay agad na siyang lumakad paalis. Tumatakbo siyang lumabas sa compound
ng school. Tumingin-tingin siya sa paligid kung may tao. Nang makita niyang wala
man lang tambay sa may tabi ng school ay agad niyang inilabas ang kanyang mga
pakpak at lumipad siya palayo. Pumunta siya sa pinakamalapit na bilihan ng damit.
Pagkadating doon ay agad na siyang dumampot ng mga kailangan niya. Isang underwear
at isang jogging pants na green. Bumili din siya ng tissue, hand sanitizer at
lomotel para sa sakit ng bata sa tiyan.

"Kasi naman..." pakli pa ni Blade.

Pabalik na siya sa school. Pagkadating niya ay agad siyang dumiretso sa CR ng mga


lalaki. Kumatok siya sa cubicle na kinaroroonan ng bata.

"Heto na ang mga kailangan mo. Ilagay mo dito sa paperbag ang mga nadumihan mo.
Anak na lase, ang takaw mo kasi eh. Dalhan mo ako ng mga bayabas bukas."

"Okay, Sir! Thank you talaga!"

Binuksan nito ng bahagya ang pinto at kinuha ang paperbag sa kanya.

"May binili din akong tissue diyan. May hand sanitizer din, gamitin mo para malinis
ang kamay mo. At nandito nga pala sa akin iyong gamot para diyan sa nag-aalburuto
mong tiyan. Ikinuha na rin kita ng mineral water para mainom mo agad."

"Thank you talaga, Sir!"

"Oo, basta iyong mga bayabas ko."

Nang walang anu-anoy...

"Sir Blade, panty naman itong nakuha mo! Kulay-pink pa!" biglang reklamo ng bata.

Yamot naman na napakatok sa pinto ng CR si Blade.

"Anak na lase, huwag ka ngang magreklamo. Eh iyan ang nakuha ko dahil sa


pagmamadali ko. Basta na lang ako namulot kanina sa tindahan. Isuot mo na, huwag ka
nang maarte na lase, hindi naman makikita iyang panty na suot mo. Hindi na iyon
malalaman dahil hindi naman nila tatanungin!"

"Sige na nga..."
Isinuot na nga ni Freddie ang underwear.

"S-Sir..."

"Bakit na naman?!"

"M-Masikip eh..."

"Tiisin mo ah! Uwian naman na mamaya."

"Pero paano ako lalakad nito? Ipit eh!"

Imbes na sumagot ay napahagalpak ng tawa si Blade.

"Baon-inam!" bulalas pa niya.

Ilang sandali pa ay lumabas na ang bata sa loob ng cubicle. Suot na nito ang green
na jogging pants na binili niya. Paika-ika ito na naglakad at panay ang hawak nito
doon sa parte na sinabi nitong naiipit. Tawang-tawa si Blade sa itsura nito.

"Sir naman!" reklamo ng bata.

Dumiretso na ito sa wash area at naghugas ng kamay. Matapos iyon ay ginamit nito
ang hand sanitizer na binili ni Blade. Pasakang itong humarap sa kanya.

"Sir, daig ko pa ang bagong tuli nito eh."

Hindi naman na makasalita si Blade kasi tawa siya ng tawa. Sapo na nga niya ang
tiyan niya dahil masakit na iyon. Pawisan na nga siya.

"Eh, huwag ka na lang magpahalatang naipit!" sa wakas ay wika niya.

Wala nang nagawa ang bata ng tuluyan na silang lumabas sa CR at bumalik sa


classroom. Medyo pasakang ang paglalakad nito at tila walang pakialam sa mga
napapatingin lalo na kapag inaayos nito ang parteng ipit. At si Blade, wala nang
ginawa sa buong sandali kundi ang matawa. Hanggang sa uwian ay hindi siya maka-get
over sa nangyari kaya naikuwento din niya kay Hunter. Natatawa namang napailing ang
huli.

"Sira ka rin. Bakit naman kasi panty pa ang nabili mo imbes na brief?! Masikip pa?"
natatawang comment nito.

"Abuwisit ak pa, nagmamadali ako ng husto eh. Nataranta din ako at nag-alala doon
sa bata kaya basta na lang ako dumampot doon sa tindahan. Di ko na nga nakita eh.
Nalaman ko lang na nagkamali ako ng binili kasi sinabi noong bata. Naawa tuloy ako
sa kanya na natatawa."

Natawa na lang din si Hunter. Nakakatawa nga iyong nangyari. Napatigil sila sa
paglalakad ng makasalubong nila sa daan sina Drake at Azrael.

"Yoh, saan ang punta?" untag ni Blade sa mga ito.

"Pupunta kami sa bayan. Naubos na kasi ang laman ng kusina natin eh. Bibili kami."
nakangiting sagot ni Drake.

"Sama na lang kami kung ganoon. Ako ang mamimili ng mga bibilhin." wika ni Hunter.

"Sige ba." sagot pa ni Drake.


Nanatili namang tahimik si Azrael. Medyo namumula at namamaga pa ang gilid ng mga
mata nito. Halatang umiyak na naman ng matagal. Gusto sanang sitahin iyon ni Blade
pero mas pinili na lang niyang manahimik. Hindi biro ang pinagdadaanan ng kaibigan.

"Ano ba ang balak mong lutuin ngayong hapunan?" sa halip ay si Hunter na lang ang
tinanong niya.

"Creamy beefsteak with broccoli." sagot naman nito.

"Wow! Eh ang panghimagas?"

"Hmm... Tama na siguro iyong minatamis na saba."

"Gawa ka na lang ng turon." request na lang ni Blade.

"Fine. Basta ba sagot mo ang ingredients."

"Sige."

Napatigil sila sa paglalakad ng mapadaan sila sa stall ng mga prutas. May mga naka-
display nang manibalang na native na mangga na naka-repack at may kasama pang
ginisang alamang na sawsawan. Lahat sila ay lumapit sa stall.

"Bibili kayo?" wika ng tindera.

"Magkano ba iyong mga naka-repack na may kasamang sawsawan?" tanong agad ni Blade.

"Twenty-five, Sir."

"Abuwisit ak pa! Ang mahal naman! Kalahati lang eh hinati-hati pa. Sampung-piso na
lang!" tawad ni Blade.

"Ang barat mo naman! Eh natural na mahal pa ang presyo ng mangga, kakaunti pa lang
ang supply eh."

"Ito naman, para namang hindi suki. Alam ko namang binabarat niyo lang ang mangga
sa pakyawan eh. Tapos, ang laki ng tubo ang ipinapatong... Huwag naman ganoon, sige
na, sampung-piso na!"

"Sir, malulugi naman ako niyan."

"Maawa ka naman, naglilihi na ako eh. Baka makunan ako... Sige, na.."

"Hay naku, Sir Blade! Ande lay atet! Lumayas ka na lang kung di ka bibili. Makulit
ka!"

"Pa-free-taste na nga lang kung ganoon. Kung masarap iyang mangga na tinitinda mo,
bibili ako..."

"Ow? Di mo ako ini-echos?"

"Ako pa, di ako nang-eechos!"

Nagdududang tumingin ang Ale sa mukha ni Blade. Pero binuksan din naman nito ang
isang supot at inilahad kay Blade. Agad namang iyon kinuha ng huli at kumuha ng
isang piraso ng slice na mangga at agad na binuksan ang sawsawan...

"Ahm! Bagay ang anghang at alat na may tamis ng alamang dito sa maasim na mangga."
"Ano?"

Ngumiti ng nakakaloko si Blade.

"Aling Mameng, thank you sa free-taste ah? Akin na 'to, bye!" sabay karipas ng
takbo.

"Walang-hiya ka talaga, Blade!!!... Naisahan mo na naman ako!!! Anak na lase!!!..."

Pinukol nito ng masamang tingin ang mga kasama nito at pinagbabato ng mga tinda
niyang mangga... Pero imbes na mainis ay...

"Aling Mameng, salamat sa mangga!!!..." sutil na sigaw ni Drake habang sinasalo ang
mga inihagis na prutas.

Nanghihina namang napangalumbaba ang Ale.

"Sabi na eh! Sira-ulo talaga ang mga iyon!" gigil nitong wika.

Pero sa bandang-huli ay natawa na lang din lang siya. Kasalanan din naman siya kung
bakit siya naisahan.

"Bolatis talaga ang Blade na iyon!"

Tawa naman ng tawa sina Blade habang hawak ng mga ito ang mga mangga na ibinato ng
tindera.

"Ikaw talaga, Blade... Hindi mo na naman pinalagpas si Aling Mameng." natatawang


wika ni Hunter.

"Eh gusto kong kumain ng mangga eh."

Samantala... Napalunok si Alexa ng makita niyang bukas ang lumang-bahay na malapit


sa gubat. Classic at kakaiba ang design ng bahay na iyon. Balak niya iyong bilhin
pero ayaw daw ng may-ari ayon sa abogado nito. Out of curiosity ay pumasok siya sa
loob ng bakuran. Luminga-linga siya sa paligid para tingnan kung may tao.

"Di bale, Alexa... May pera ka namang pang-piyansa para sa tresspassing!" pilya pa
niyang wika.

Tumuloy na siya hanggang sa may bahay. Bahagya siyang nagulat ng bumukas ng bahagya
ang pinto ng dahil itinulak ng malakas na hangin.

"Kung papanigan ka nga naman ng suwerte." napangiti pa niyang wika.

Tuluyan na niyang binuksan ang pinto at agad siyang pumasok sa loob ng bahay.
Nagpalinga-linga siya sa paligid at napatanga siya sa mga mamahaling gamit na
naroon at puro pa antique. Mayroon ding mga painting na nakasabit sa dingding. Wala
sa sariling lumapit siya sa isa doon....

"Grabe, kay Leonardo ang isang ito ah?" wika niya.

Mukhang mahilig sa mga authentic na gamit ang may-ari ng bahay. Napangiti siya,
mukhang makakasundo niya ito. Nakarinig siya ng malalakas na lagabog sa itaas.
Medyo natakot na siya.

"T-Tao po?!" tawag niya.

Nagpatuloy lang ang mga lagabog. Gusto niyang pumanhik papunta sa second floor pero
nagdadalawang-isip siya.

"Curiosity kills the cat!" paalala niya sa kanyang sarili.

Ganoon pa man, pakiramdam niya ay mamamatay siya kapag hindi siya nakatungtong sa
ikalawang palapag ng bahay. Kaya sa bandang-huli ay umakyat din siya papunta doon.
Kung maganda na ang ibabang bahagi ng bahay ay mas maganda ang second floor. Ang
daming decoration sa paligid. Ang ibang naroon ay gawa sa mga preserve na halaman.
Maraming naglalakihang vase doon na halatang hinukay noong kapanahunan pa ng
kupong-kupong.

"Tao po?!"

Wala ulit sumagot. Naglakad siya sa lugar kung saan niya naririnig ang mga lagabog.
Sa isang kuwarto iyon. Nakahinga siya ng maluwag ng makita niyang ang mga bintanang
inihahangin ng malakas pala ang gumagawa ng ingay.

"Bakit kasi hindi isinara?" pakli niya.

Pero natigilan siya ng mapadako ang tingin niya sa ibaba ng silid. May kung ano
doon... Isang bato na tila isang libingan... Malapit iyon sa kama. Excited siyang
lumapit sa lumang libingan at umupo doon.

"Grabe namang mangolekta ang isang ito. Di ko carry ang trip!" natatawa niyang
pakli.

Kinatok niya ang libingan...

"Tao po!"

Pero matapos iyon ay tumawa siya.

"Baliw talaga ako."

Matapos iyon ay bumaba na siya sa kanyang kinauupuan.

"May laman kaya ito?"

Bigla siyang napangiti ng pilya.

"Titingnan ko lang naman..."

Matapos iyon ay inilislis niya ang manggas ng suot niyang t-shirt. Huminga siya ng
malalim at nag-ipon ng lakas at nang handa na siya, malakas niyang itinulak ang
takip ng libingan. Halos kalahati ang nagawa niyang buksan...

"Huh, grabeh... Malakas pala ako?"

Huminga siya ng malalim para kumuha ng hangin dahil napagod siya. Nagpunas din siya
ng pawis sa kanyang mukha. Natigilan siya ng makita niya ang laman ng libingan.
Natutulog in fresh-body ang isang lalaki na tila nagpapalit ng anyo o ano? Ang
kalahati ng buhok nito ay kulay-itim pero ang natitira ay puti na... Maamo ang
mukha nito at ang payapa nitong tingnan. Napalunok si Alexa ng mapadako ang tingin
niya sa labi nito.

"Siya kaya ang lalaking version ng sleeping beauty?" wala sa sariling wika niya.

Sa bandang-huli ay hindi rin naman siya nakatiis. Pasimple siyang dumukwang at


inilapit ang mukha doon sa natutulog na lalaki... Iyon ay walang iba kundi si
Hydrian at walang ideya si Alexa sa kung ano ang pagkatao nito... Dumapo ang labi
niya sa malambot nitong labi at nagulat siya ng bahagya dahil mainit iyon... Buhay
nga talaga ito! Ilang sandaling nanatili ang labi niya sa labi nito. Pero nang
mahimasmasan siya ay agad siyang lumayo sa lalaki at napaupo sa gilid ng libingan.
Sinapo niya ang labi at dibdib. BOG! BOG! BOG!...

"Lalabas na ang puso ko!" hysterical pa niyang wika.

Napailing-iling siya... Mali ang ginawa niya, nagnakaw siya ng halik sa natutulog
na nilalang... Guwapong nilalang... Ilang sandali pa ay tumayo na siya at umalis.
Naguguluhan siya sa mga nakita niya... Nakalabas na si Alexa ng bigla namang nag-
crack ang spell na ibinalot ni Beelzebub kay Hydrian. Marahan itong nagmulat ng mga
mata at nasilaw ito sa liwanag... Bumangon ito at halatang iniinda ang matinding
sakit ng katawan. Wala sa sarili itong naglakad pero napatigil ito ng matapat sa
salamin na nasa gilid. Sinapo nito ang mukha at nanlaki ang mga mata nito ng makita
nito ang buhok na magkaiba ang kulay... Puti at itim... Mas natuliro siya ng
matitigan niya ang mga mata... Brown ang kanang-mata at red naman ang sa kaliwa...

"S-Sino ako?!"

Samantala... Nasa itaas ng isang malaking gusali sina Asmodeus at Bony...


Napangalumbaba si Asmodeus habang tumitingin sa mga tao. Ilang sandali pa ay isang
matipid at nakakalokong ngiti ang sumilay sa labi nito.

"Nakita ko na ang gusto kong pagtripan... Naaamoy ko sa kanya ang matinding


kalungkutan, pangungulila at pagdaramdam... Sakit, matinding sakit..."

Tumingin si Bony sa tinutukoy ni Asmodeus at medyo nagulat siya.

"Siya talaga?"

"Oo, dahil nararamdaman ko ang matinding pagdadalamhati niya... Parang nalalasahan


ko pa nga eh, ganoon iyon katindi, Bony. Iligaw mo ang mga kasama niya." utos pa ni
Asmodeus.

Napakamot sa batok niya si Bony. Hindi siya enteresadong makipaglaban sa mga


iyon... Sa ngayon ay si Zech ang gusto niyang makaharap. Ganoon pa man ay..

"Sige na nga, ililigaw ko na. Pero wala ako sa mood na kalabanin ni isa sa mga
iyan. Hindi ko trip."

"Bahala ka na sa gusto mo." sagot lang ni Asmodeus...

Tumiin ang tingin niya sa kanyang target. Abala naman sa pagtingin ng mga christmas
decors sa paligid sina Blade at ang kanyang mga kaibigan. Matapos nilang mamili ay
napagpasyahan nilang maglibot-libot na muna...

"Ang saya, paskong-pasko na oh!" nakangiting wika ni Hunter.

"Excited ka sa pasko kasi uuwi si Serene." parungit ni Drake.

"Naman! Nagplaplano na nga ako ng magiging date namin sa pasko eh." sagot ni
Hunter.

"Speaking of pasko, iyong usapan natin ah? Sagot niyo ang prizes para sa pa-contest
sa christmas party ng mga bata." wika ni Blade.

"Oo na, basta akin iyong basagan ng itlog." nakakalokong wika ni Hunter.
Amaze na napatingin ang mga kasama niya.

"Basagan ng itlog?!" curious na tanong ni Drake.

"Iyon 'yung ilalagay iyong mga itlog sa plastic, itatali at ilalagay sa baywang ng
mga contestants na babae at lalaki, maghaharapan sila at pagbabanggain iyong mga
itlog at kung sinong magkapareha ang unang makabasag, sila na ang panalo."
natatawang wika ni Hunter.

"Bawal gumamit ng kamay, baywang lang nila ang pagagalawin. Nakakatawa iyon, grabe.
Itinuro ng isa kong kaibigang chief ang tungkol doon..."

Nagtawanan sina Drake at Blade.

"Anak na lase! Akala ko kung ano nang basagan ng itlog!" wika pa ng huli.

"Ako naman ay iyong Touch me... Lalagyan ko ng pin sa katawan ang mga lalaking
contestant at pipiringan naman iyong mga kapareha nilang mga babae. Kakapkapan nila
sa katawan iyong mga lalaki para makuha iyong pin... Exciting 'yun!" natatawa
namang wika ni Drake.

"Mahilig ka pala sa kapaan..." natatawang pakli ni Hunter.

Natawa naman si Blade sa comment nito. Pero siyempre, hindi rin siya magpapatalo.

"Ako iyong longest line. Mga badang vs straight na mga lalaki... Ha ha ha." si
Blade.

"Eh sina Zech at Creta?" tanong ni Hunter kay Blade.

"Si Zech iyong unahan sa pag-inom ng isang bote ng softdrinks pero iyong gagamiting
straw ay tatlo na pinagdugtung-dugtong... Si Creta naman, Bring me daw."

Nangingiti naman na nakikinig lang sa kuwentuhan ng tatlo si Azrael. Wala sa


sariling napahawak siya sa dalawang pendant ng suot niyang kuwintas...

"Kung nandito ka pa sana, Belle... Ang saya sana..." wika niya sa kanyang isipan.

Kahit paano ay medyo nakaka-move on na siya sa tulong ng kanyang mga kaibigan.


Tumingin siya sa paligid at nanlaki ang mga mata niya ng makita niya ang isang
babae na nakangiting tumitingin sa mga naka-display na christmas decors sa isang
tindahan.

"H-Hindi maaari..." gulat niyang wika.

Ganoon pa man ay kusang humakbang ang mga paa niya papunta sa kinaroroonan ng babae
ngunit naglakad na ito palayo... Patuloy niya itong sinundan, desperado siya.
Napatigil naman sa pag-uusap sina Blade nang mapansin na wala si Azrael.

"Saan naman nagpunta iyon?" wika ni Drake.

Namataan niya ang kaibigan na mabilis na naglalakad palayo. Akma niya itong
susundan ngunit biglang yumanig ang paligid... Medyo nagkagulo ang lahat dahil
unti-unting nabuo sa lupa ang isang malaking tipak ng bato at nagkorteng halimaw...
Napatingin sa itaas sina Blade at nakita nila ang nakangiting mukha ni Bony...

"Merry Christmas!" nakakaloko pa nitong bati.

Ang hugis ng ulo ng halimaw ay dragon at katawan naman ng tao ang pang-ibabang
bahagi. Ikinumpas nito ang kamay at sa isang iglap lang ay nagliparan ang
napakaraming bato sa katawan ng halimaw. Nagsitakbo palayo ang mga tao. Mabilis
naman na kumilos si Drake. Gamit ang kanyang Crash Claw ay pinulbos niya ang mga
batong ipinaulan ng halimaw. Isang makapal na alikabok ang namuo sa paligid.

Agad din namang sinundan nina Blade at Hunter ang kinaroroonan ni Bony. Tumakbo ito
palayo kaya mas binilisan din nila ang pagtakbo. Iyon nga lang ay sumingit ito sa
maraming tao kaya nahihirapan silang sumunod dito.

Samantala... Nagulat si Azrael ng biglang may humila sa kaliwa niyang kamay patungo
sa isang madilim na eskinita. Mas nagulat siya ng makita niya kung sino ang taong
humila sa kanya. Itinulak siya nito papunta sa gilid ng pader.

"B-Belle?" hindi makapaniwala niyang wika.

Ngumiti ang babae sa kanya at hinaplos ang kanyang mukha. Matapos iyon ay marahan
nitong inaalis ang butones ng suot niyang polo. Gulat niyang pinigil ang mga kamay
nito at kunot-noong napatingin dito. Pero sa kabila ng lahat ay nginitian pa siya
ng babae at akmang hahalikan. Iyon nga lang ay umiwas siya at mahigpit na hinawakan
ang kanan nitong kamay. Galit siyang tumingin dito.

"Sino ka?!" mariin niyang tanong.

"Azrael, ako ito... Si Belle."

Isang malakas na sampal sa mukha ang ipinadapo niya sa babae. Malayo ang timbre ng
boses nito kay Belle.

"Huwag mo akong paglaruan!"

Gulat na sinapo ng babae ang kaliwang-pisngi at maang na tumitig sa kanyang mukha.


Pero pagkatapos noon ay ngumiti ito hanggang sa tumawa. Unti-unting nagbago ang
anyo nito at naging si Asmodeus. Marahas nitong hinila ang kamay. Pasimple nitong
pinunasan ang dugo sa gilid ng labi.

"Ang sakit namang salubong noon, Azrael. Hindi ka pala gentleman..." nakakaloko pa
nitong wika.

Nagtiim ang mga bagang ni Azrael at gigil na napatingin sa kanyang kaharap.

"Alam kong hindi ikaw si Belle at hindi ka tunay na babae." sagot niya.

"Ganoon ba? Pero nagpadala ka pa rin sa aking patibong..." tumawa pa ng mahina si


Asmodeus.

"Ano ba ang kailangan mo sa akin?"

Humalukipkip si Asmodeus at pasimpleng sumandal sa pader na katapat niya.

"Ako, may kailangan sa'yo? Baka ikaw ang may kailangan sa akin?"

Napailing si Azrael.

"Baliw ka na!"

Akma siyang aalis ngunit isang malakas na apoy ang humarang sa kanyang daraanan.
Bumuwelta siya pabalik at hinarap si Asmodeus. Isang malakas na suntok ang
ipinadapo niya sa gilid ng mukha nito. Hindi man lang ito natinag sa kanyang
ginawa. Inaasahan na niya iyon. Ngumiti pa ang loko sa kanya.
"Nilapitan kita dahil nararamdaman ko sa'yo ang matinding pagdaramdam,
panghihinayang, sakit.... At napakatinding pagdadalamhati... Tama ba?"

Hindi nakaimik si Azrael, totoo ang lahat ng iyon. Kayang magbasa ni Asmodeus ng
mga emosyon.

"Kaya kong alisin ang lahat ng iyan... Basta ba magalit ka sa Kanya... Kinuha niya
ang tanging kaligayahan mo. Hindi Niya tinupad ang simple mong kahilingan... Ang
tigas talaga ng puso Niya... Pero ako, kapatid... Kaya kong ibigay ang kaligayahang
nais mo... Kumampi ka lang sa amin..." inilahad ni Asmodeus ang kamay.

Medyo natigilan si Azrael sa kanyang narinig, napatingin siya sa kamay ni Asmodeus.


Mula sa buhangin sa tabi nito ay lumitaw ang isang anino at unti-unting nabuo...
Isang babaing kamukha ni Belle. Lumapit ito kay Azrael at ngumiti ng matipid.
Hinaplos nito ang pisngi ng binata at lumambot ang expression ng mukha nito.

"Nagsilbi ka ng tapat sa loob ng napakahabang panahon... Pero ano ang naging


kapalit ng lahat ng sakripisyo mo? Naging mabuti kang anak... Pero Siya, naging
mabuti bang magulang sa'yo? Hindi Niya kayang ibigay ang tanging nais mo, ang
tanging kaligayahan mo... Pero ako, kasama ng iba pang Seven Prince of Hell, kayang
ibigay ang mga iyon sa'yo..." wika ulit ni Asmodeus.

Tumingin si Azrael sa Fallen Angel at pagkatapos noon ay tumingin naman siya sa


babaing kamukha ni Belle na nasa harapan niya. Doon tumigil ng matagal ang kanyang
paningin, matinding pangungulila ang nararamdaman niya pero hindi siya malilinlang
ng nilalang na ito. Hindi lumukso ang puso niya. Hindi siya masaya. Kung papatulan
niya ang kabaliwan ni Asmodeus, lolokohin lang niya ang sarili niya at malulubog
lang siya sa kamiserablehan at kasunod na noon ang pagkalubog niya sa kadiliman.
Iyon ang gusto ni Asmodeus.

"Umu-Oo ka lang, magiging sa'yo siya..." wika pa nito.

Yumuko si Azrael pero pagkatapos noon ay malakas niyang itinulak palayo ang babaing
kaharap niya. Nagulat ito sa kanyang ginawa at mabilis na lumayo.

"Tigilan mo ako, Asmodeus! Hindi mo ako mauuto! Kahit na anong sabihin mo, hindi
ang babaing iyan si Belle!"

Tumawa si Asmodeus.

"Baliw ka na!"

Matapang na tumingin si Azrael kay Asmodeus.

"Ikaw ang baliw!"

Tumalim ang tingin ni Asmodeus at sinuklay ng pasimple ang buhok.

"How dare you 3x a day! Ang tigas ng ulo mong lase!"

Nagbago ng anyo ang babae at naging isang pulang-succubus demon. Sinugod nito si
Azrael pero mabilis lang nasangga ng binata ang kalmot nito. Isang malakas na
puwersa ang pinakawalan niya sa hangin, tumilapon ito.

"EEeeeh!!!..."

Hindi na sinundan ni Azrael ang atake niya, babae pa rin naman iyon. Binalutan
naman ni Asmodeus ang kanyang sarili ng malakas na apoy. Pinaghalong-dilaw at pula
ang kulay ng kanyang apoy... Inilabas naman ni Azrael ang kanyang karit at inihanda
ang kanyang sarili sa pagsugod ng kalaban. At kagaya ng kanyang inaasahan, sinugod
na nga siya ni Asmodeus. Isang napakalaking bolang-apoy na may puwersa ang
pinakawalan nito. Tumalon siya sa itaas para iwasan ang apoy nito ngunit...

"URGH!!!!...."

Isang malakas na sipa sa kanyang likuran ang tinamo niya. Bumulusok siya pababa
ngunit agad siyang bumangon. Sinugod siya ng babaing succubus ngunit sinalubong
niya ito ng kanyang karit. Nahiwa niya ito at gulat na napatingin ang babae sa
katawan nito dahil wala man lang itong natamo maski na isang galos. Nanlaki ang mga
mata nito ng unti-unting maglaho sa kawalan ang mga kamay nito kasunod ang mga
braso...

"Eeeeeeh!!!..." napatili ito sa takot.

Unti-unting naglaho na parang bola ang succubus demon na kasama ni Asmodeus. Isa na
namang malakas na apoy ang bumulusok papunta sa kanya ngunit nakailag siya. Mabilis
niyang iniumang ang karit sa kanyang likuran pero nakaiwas si Asmodeus sa atake
niyang iyon. Nakuha na niya ang style nito. Isa lamang panlinlang ang una nitong
atake. Halatang nagulat ito sa kanyang ginawa. Ang damit ni Asmdeus ang tinamaan
niya at nasunog iyon sa puting-liwanag at unti-unting naglaho.

"Hindi pala nauulit sa'yo ang mga atake... How dare you 3x a day!" umatras si
Asmodeus.

Si Azrael naman ngayon ang sumugod kay Asmodeus. Pinuno niya ng enerhiya ang hawak
niyang karit at malakas na iwinasiwas. Isang malakas na atake ang lumipad papunta
sa kanyang kalaban. Isang puting-crescent na liwanag ang bumulusok papunta rito.
Mabilis namang pinagkrus ni Asmodeus ang kanyang mga kamay para sanggain ang atake
ni Azrael. Nagkaroon ng maraming sugat ang kanyang mga braso at gilid ng katawan.
Pero pagkatapos noon ay siya naman ngayon ang sumugod, mabilis niyang inilabas ang
kanyang Demon's Chain at nilaro iyon sa ere. Gaganti siya!

Naghanda naman si Azrael, iniumang niya ang sandata niyang karit. Iwinasiwas
papunta sa kanya ni Asmodeus ang hawak nitong kadena pero mabilis niyang isinangga
ang hawak niyang karit. Tumilapon palayo ang kadena nito ngunit biglang nawala sa
kanyang harapan si Asmodeus.

"Urgh!"

Isang malakas na bolang apoy ang ipinatama nito sa kanyang tagiliran. Pagkatapos
noon ay mabilis siyang binalutan ng mga kadena nito. Nasorpresa siya. Isa lamang
panlilinlang ang nauna nitong atake, naisahan siya. Malakas siya nitong ibinalibag
sa semento... BAAAG!!!... Lumubog ang katawan ni Azrael doon. Napangiti si Asmodeus
at lumapit kay Azrael. Yumuko siya at tumunghay sa mukha nito. Pasimple niyang
hinaplos ang pisngi ni Azrael. Hinawakan niya ang punong-baba nito at pinisil ng
mariin. Nangigigil siya dito dahil tumanggi ito sa panunukso niya.

"Sa tingin mo ba, kaya mo akong matalo? Isa ako sa Seven Prince of Hell, Azrael.
Ang lakas ng loob mong tumanggi sa napakaganda kong alok... Ikaw pa lang ang unang
humindi sa mga panunukso ko! How dare you 3x a day!"

Muling binago ni Asmodeus ang anyo nito, naging babae ulit ito na kamukha ni Belle.
Si Azrael naman ngayon ang nangigil sa galit. Talagang pinagtritripan siya ng
husto.

"Nagugustuhan mo ba ang nakikita mo?"


"Gago ka!" gigil na wika ni Azrael.

Natuwa si Asmodeus sa kanyang naging reaksyon. Ngumiti ito ng matipid at


makahulugan.

"Iyan ang gusto ko, suplado..."

Pasimple nitong hinaplos ng marahan ang kaliwang-pisngi ni Azrael. Hinawakan nito


at pinisil ng mas mahigpit ang punong-baba nito at pagkatapos noon ay biglang
hinalikan ni Asmodeus si Azrael, nanlaki ang mga mata ng huli dahil sa sobrang
pagkagulat!

Samantala... Isang malalakas na suntok ang pinakawalan ni Drake para lang matibag
ang katawang-bato ng halimaw na ginawa ni Bony. Nagkadurug-durog iyon at bumagsak
sa lupa. Isang makapal na alikabok ang nabuo sa buong-paligid. Naghintay ng ilang
sandali si Drake, tinitingnan niya kung mabubuo pang muli ang halimaw pero wala
nang nangyari pa.

"Makaalis na nga." pakli niya.

Mabilis niyang sunundan ang direksyong tinungo ni Azrael kanina. Hindi naman na
sinundan nina Blade at Hunter si Bony dahil nawala na ito sa kumpol ng mga tao.
Tumingin-tingin pa sila sa paligid pero hindi na talaga nila nakita pa maski ang
anino man lang ni Bony.

"Anak na lase! Tumakas ang animal!" naiinis na comment pa ni Blade.

"Ang mabuti pa, sundan na natin si Azrael. Kanina pa ako nakakaramdam ng aura ng
isa sa Seven Prince of Hell." wika naman ni Hunter.

"Tama ka." sang-ayon ni Blade.

Agad na silang umalis papunta sa direksyon kung saan nila nararamdaman ang malakas
na aura ng demon. Mukhang may hindi magandang nangyari kay Azrael.

Dahil naman sa ginawa ni Asmodeus ay nagpuyos ng todo sa galit si Azrael. Isang


malakas na aura ang ibinalot niya sa kanyang sarili at dahil doon ay napaso sa
kanya ang kanyang kalaban. Isa kasi iyong banal na liwanag. Mabilis na lumayo sa
kanya si Asmodeus at napatingin sa katawan nitong napaso, bumalik na ito sa normal
nitong anyo. Ganoon pa man ay nagawa pa rin nitong tumawa sa kabila ng matinding
paso na napala ng katawan nito. Tumingin ito ng nakakainsulto.

"Ano Azrael, nagustuhan mo ba ang aking halik? Masarap ba?!" sabay tawa pa.

"Baon-inam!!!..." napamurang wika ni Azrael.

Nagaya na niya tuloy ang isa sa mga expression ni Blade. Hindi siya makawala sa mga
kadenang ibinalot nito sa kanya. Alam niyang dehado siya sa laban pero hindi ibig
sabihin noon na dapat na siyang sumuko.. Isa sa Seven Prince of Hell ang kanyang
kaharap. Kailangan niya ng resbak. Napatingin siya sa langit.

"Ama, ilayo mo na ako sa masamang nilalang na ito. Pakiusap..." dasal niya.

Isa namang nakakalokong ngiti ang namutawi sa labi ni Asmodeus. Lumapit ulit siya
kay Azrael. Muli niyang binago ang anyo niya... Nilaro nito ang gilid ng buhok ni
Azrael at nang-aasar na ngumiti na may kasamang malisya.

"Ano kaya kung hindi lang halik ang gawin ko sa'yo? May ideya ka naman siguro kung
ano ang ibig kong sabihin... Humanda ka dahil paglalaruan kita..." napakagat sa
labing wika ni Asmodeus.

Hinaplos niya ang pisngi ni Azrael pababa sa leeg nito at pababa pa sa katawan.
Ilang na ilang naman si Azrael at galit na galit. Sira talaga ang isang ito sa
lahat ng sira!

"Lumayo ka sa akin, baliw ka!" sigaw niya.

Tumawa ng mahina si Asmodeus.

"Sige, sumigaw ka! Sisiguruhin kong mas mapapasigaw ka pa mamaya! Ha ha ha ha!!..."

Pababa na ang kamay ni Asmodeus sa maselang parte ng katawan ni Azrael ngunit...


FGH!!!... BOOOGSSS!!!!!... Isang malakas na puwersa ng hangin ang tumama kay
Asmodeus. Tumilapon ito at nagpagulung-gulong.. Bumalik na ito sa dating anyo at
mabilis na bumangon. Napatingin siya sa umatake sa kanya at bahagya siyang nagulat
ng makita niya ang isa sa Seven Archangels. Si Uriel. Naka-K-Pop ito, nagmumura ang
makapal na eye-liner sa mata at kulay-brown ang buhok. Nakasuot pa ito ng scarf na
parang nasa Korea at may snow.

"Ikaw talaga, Asmodeus, nuknukan ng kamanyakan!" wika pa nito.

Isang nakakalokong ngiti ang sumilay sa labi ni Asmodeus. Pinunasan nito ang
tumulong dugo sa pisngi dahil sa gasgas na natamo mula sa malakas na puwersa na
pinakawalan ni Uriel.

"I'm the demon of lust... How dare you 3x a day!"

"God Bless you!"

"Awww!" pikon na react ni Asmodeus.

Seryoso ang mukha ni Uriel na tumingin sa kalaban. Beast mode.

"Sa tingin mo ba, papayagan ka naming pagsamantalahan si Azrael eh virgin pa iyan!


Wala ka talagang awa, nagdurugo na nga ang puso, yuyurakan mo pa ang kanyang
katawan... Humanda ka, dahil parurusahan kita!"

"Madaldal ka! Sumugod ka na kung susugod ka!"

Sumugod nga si Uriel gamit ang kanyang suot na scarf. Naglabas ng panibagong
Demon's Chain si Asmodeus at iyon ang ipinangtapat sa scarf ni Uriel.
Nagkapuluputan ang kanilang mga hawak na sandata.

"Sa tingin mo ba, uubra sa akin iyan?"

Ngumiti ng kampante si Asmodeus at pinadaanan ng apoy ang kanyang kadena papunta sa


nakapulupot na scarf ni Uriel. Mabilis na gumapang ang apoy patungo sa scarf ngunit
nanlaki ang mga mata ni Asmodeus ng hindi man lang nasunog ang kahit na isang hibla
ng tela.

"Nagulat ka ba? Malakas kasi ang resbak namin. Humingi ako ng lakas kay Ama para
talunin ka."

Nag-cross sign si Uriel sa harapan ni Asmodeus.

"Ama, salamat sa kapangyarihan. Tulungan mo akong gapiin ang iyong suwail na


anak..."
Matapos iyon ay malakas na hinila ni Uriel ang scarf at napasunod lang si Asmodeus
doon. Ibinalot niya ang tela sa buo nitong katawan at isang nakakasilaw na liwanag
ang pinakawalan niya. Binalutan noon si Asmodeus at napasigaw ito ng todo dahil
nasusunog ito sa liwanag na iyon. Umuusok na ang katawan nito at napaligiran na ng
mist. Nang humupa ang liwanag ay nanghihinang napatingin si Asmodeus kay Uriel.

"H-How dare you 3x a day!" nanghihina pa nitong wika.

Ngumiti si Uriel.

"God Bless you, brother." sabay sign of the cross.

Pagkatapos noon ay binuksan na ni Uriel ang gate of hell at unti-unting nilamon ng


malalaking apoy si Asmodeus na nababalutan ng tela ang katawan. Mukha itong mummy.
Nang magsara ang gate of hell ay saka dumating sina Blade, Drake at Hunter. Hindi
na nila nakita si Asmodeus.

"Anong nangyari?" tanong ni Hunter.

Nakapamaywang na lumapit si Uriel kay Azrael at kinalas ang mga kadenang nakagapos
sa katawan nito. Nanghihinang bumangon at naupo si Azrael. Ilang beses siyang
huminga ng malalim at agad na nagpunas ng kanyang labi. Halos burahin na nga niya
iyon sa kanyang mukha... Kung puwede lang.

"Pinagtripan ni Asmodeus si Azrael. Mabuti na lang, dumating ako. Kung nagkataon,


napagsamantalahan na siya." natatawang wika ni Uriel.

"Naman!" reklamo ni Azrael.

Mabilis niyang pinunasan ulit ang labi. Tahimik lang si Blade kasi nandiyan si
Uriel. Gustung-gusto na niyang magreact kaso alam niyang hindi maganda ang lalabas
na expression sa kanyang bibig. Medyo nadala na siya noong mangongo siya.

"Ayos ka lang Azrael?" di nakapagpigil na wika ni Drake.

Marahas na napakamot sa kanyang batok si Azrael.

"Hindi!"

"G-Ganoon ba? Anong kailangan mo, sabihin mo lang." wika pa ni Drake.

"Sangkatutak na mouthwash!" sigaw ni Azrael.

Doon na hindi nakapagpigil si Blade. Na-gets na niya ang nangyari.

"Abuwisit ak pa! Wala talagang patawad ang manyakis na iyon! Isipin mo na lang,
mouth to mouth resusitation ang nangyari para di masakit." di niya napigilang
comment.

Naiinis na napatingin sa kanya si Azrael.

"Kung ikaw kaya ang i-mouth to mouth ng Asmodeus na iyon, matutuwa ka?!" pikon na
nitong wika.

Napangiwi si Blade sa sinabi nito.

"YUCK!... Hindi! Okay lang sa akin kung si Drake... Pero iyon... Never mind!"

"Okitnam! Anong okay lang kung ako?!" napa-react na wika ni Drake.


"At least sa'yo, walang malisya... Eh si Asmodeus, manyak ang animal na iyon ay!"

BAAAGS!!... Isang malalakas na batok ang ipinadapo ni Uriel sa dalawa.

"Mga bunganga niyo nga! Nag-uumpisa na naman kayong dalawa! Hindi ka na nagtatanda,
Blade ah! At ikaw naman, Drake, malapit ka na ring maparusahan!"

Nasapo ni Hunter ang noo at napailing.

"Hay naku..." wika niya.

Natawa naman ng mahina si Azrael sa kanyang nakita. Bigla niyang nakalimutan iyong
masamang nangyari sa kanya kanina. Tumingala siya sa langit at nagpasalamat dahil
hindi siya pinabayaan.

***********************************

# Madami akong nakalinyang commitments ngayong buwan ng December... Kaya next year
na lang ulit ako mag-a-update... Mabitin muna kayo. Anyway... MERRY CHRISTMAS AND
HAPPY NEW YEAR!!!... Next Year na lang ulit!

36. Mr. No Name

"Mr. No Name"

Hindi magkandaugaga sina Blade sa pagsipat ng mga dalang pasalubong ni Ai sa


kanila. Kadarating lang nito mula sa airport. Si Hunter ang sumundo dito.

"Uy, Ai! Anong laman nitong stripe bag na 'to?" nakangiting tanong ni Azrael sa
binatilyo.

Lumapit si Ai sa kanya at agad na binuksan ang stripe bag.

"Tiyak na magugustuhan niyo ang mga ito. Mga cup noodles!" sabay pakita sa lahat ng
isang cup ng noodles na seafood flavor.

Biglang nagdilim ang mukha ni Azrael at nangilid sa mga mata nito ang luha.
Nagwalk-out na ito at pumanhik sa itaas.

"I hate you!" pahabol pang wika ni Azrael.

Natigilan si Ai at maang na napatingin sa mga kasama niya.

"Anong nangyari doon? May problema ba?"

Napakamot sa kanyang batok si Drake.

"Ahm... Nakalimutan naming sabihin sa'yo na bawal ang cupnoodles dito sa bahay. May
masakit na alaala kasi si Azrael doon. Hurt ang puso niya. Anyway, huwag kang mag-
alala, alam naman niyang hindi mo sinasadya ang ginawa mong pagdadala ng
sandamakmak na cupnoodles bilang pasalubong. Hindi iyon galit sa'yo. Nadala lang
siya ng emosyon niya kanina."

"Ah..." react na lang ni Ai.


Kinabukasan, nagtatakang kinuha nina Rane, Zech, Creta, at Daisy ang mga supot na
may lamang cupnoodles na ibinibigay nila Blade, Hunter, at Drake.

"Para saan ito? Relief goods?" hindi nakatiis na wika ni Daisy.

Nagkita-kita silang lahat dahil may praktis sila ng caroling para sa nalalapit
christmas party. Ang kikitain nila doon ang ipambibili nila ng handa para iyong
ibang estudiyante ni Blade na walang-kaya sa buhay, ang pangregalo nalang ang
gagastusan.

"Hindi, pasalubong mula kay Ai. Nakalimutan naming e-inform sa kanya na bawal na
muna ang mga cupnoodles sa bahay habang hindi pa gaanong nakakamove-on si Azrael.
Kaya ayan, ipinapamigay na lang namin sa inyo. Iyong iba, itinago namin sa kanya-
kanya naming kuwarto." paliwanag ni Hunter.

"Ah, ganoon ba?" wika ni Daisy.

"Yups. Anyway, ituloy na natin ang praktis. Ano na nga ulit iyong kinakanta natin?"
si Hunter.

"Christmas in our hearts by Jose Marie Chan. Ulitin na lang natin from the top.
Basta, tayong mga boys ang intro at sa chorus naman ang girls. Okay, game na?" si
Zech.

"Okay, Game!" masiglang sagot ni Blade.

Siya ang nakaisip ng ideya na ito. Magsisimula na ulit sila sa pagprapraktis ng


biglang dumating si Alexa-pinsan ni Daisy. Nasa bahay sila ng huli dahil doon ang
napag-usapan nilang lugar kung saan sila magprapraktis.

"Guys, puwede bang makaisturbo lang sandali?" nahihiyang wika ni Alexa.

Napatigil ang lahat sa akmang pagkanta at matamang napatingin sa kanya.

"Ate, may problema ba?" tanong ni Daisy.

Napakagat sa kanyang labi si Alexa at alanganing napatingin sa mukha ng lahat.


Hindi niya alam kung magsasalita siya o hindi. Pero sa bandang huli ay nakapag-
decide din siya. Heto na ito, nandito na siya. Lumapit siya kay Daisy at naupo sa
tabi nito.

"M-May ginawa akong kalokohan nitong nakaraang araw... Sa palagay niyo, makukulong
kaya ako?" umpisa niya.

"Makukulong?!" react ni Daisy.

Napangiwi si Alexa.

"Ano bang ginawa mo?" hindi nakatiis na tanong ni Drake.

Ilang beses munang huminga ng malalim si Alexa at saka tumingin sa lahat ng kasama
niya. Naghihintay ang mga ito sa sasabihin niya.

"Ganito kasi iyon, mayroon akong gustung-gustong bilhin na lumang bahay na malapit
sa may gubat. Kahit luma na ang bahay na iyon, napakaganda at elegante pa rin siya.
Ayaw nga lang ipagbili noong may-ari kahit na anong presyo ang ibigay ko... Ewan ko
ba, iba talaga kasi ang tama ng lumang-bahay na iyon sa akin. Pumunta ulit ako doon
nitong nakaraang araw. Nagbabakasakali ako kung naroon ang may-ari at nang sa
ganoon, magkausap kami ng personal..."
Huminga muna ng malalim si Alexa bago niya itinuloy ang kanyang kuwento.

"Kaso noong puntahan ko iyong bahay, wala yatang tao. Ganoon pa man, pumasok pa rin
ako sa bakuran. Hanggang sa tuluyan na rin akong pumasok doon sa loob ng bahay kasi
bukas iyong pinto. Eh di pumasok na nga ako sa loob at nagpunta hanggang sa may
second floor. Talagang nag-tour na rin ako doon sa bahay. At ang ganda talaga niya,
promise! Ang nakakawindang, nakita kong natutulog iyong may-ari ng bahay.
Goshy!!!... Ang guwapo niya! Para siyang anghel na bumaba galing sa langit! In love
na yata ako! Geeez! Hindi ako nakatiis, ninakawan ko siya ng halik habang mahimbing
siyang natuttulog at pagkatapos noon ay dali-dali akong tumakas! Sa palagay niyo,
makukulong kaya ako sa kalokohang ginawa ko? Ilang araw na akong balisa dahil
doon..."

Medyo nawindang ang lahat sa mga naikuwento ni Alexa. Unang nakabawi si Rane.

"N-Nagnakaw ka ng h-halik?" hindi nakatiis niyang wika.

Tapos bigla siyang napatingin kay Blade pero agad din naman siyang nagbawi ng
tingin bago pa man siya nito tingnan. Napakagat naman sa kanyang labi si Alexa.

"O-Oo." nahihiya niyang amin.

Napalunok si Blade.

"Ang tanong... May nakakita ba naman sa'yo?" tanong niya.

"Wala." mabilis na sagot ni Alexa.

"Nalase, eh di wala! Hindi ka makukulong. Walang nakakita na nag-tresspass ka. At


wala ding nakakita na nagnakaw ka ng halik. Halik lang naman, hindi mo naman ni-
rape no." natatawang wika ni Blade.

Dahil doon ay natawa na ang lahat.

"Oo nga naman. Hindi mo naman pinagsamantalahan kaya okay lang iyan. Huwag mo nang
isipin iyon. Ang mabuti pa, sumama ka na lang sa pangangaroling namin mamayang
gabi." yaya ni Zech.

Huminga ng malalim si Alexa.

"Next time na lang, tinatamad ako eh." pakli niya.

"Tinatamad..." napasimangot na wika ni Daisy sa pinsan.

"Nga pala, ano iyang dala mo?" puna naman ni Creta.

Itinaas ni Alexa ang lumang kahon na hawak niya.

"Heto ba? Isa itong lumang jack in the box. Sabi nila kapag inikot mo daw ito ng
thirteen times, may lalabas daw na evil clown sa box at papatayin ka niya gamit ang
matatalas niyang kuko at ngipin. Isang masamang clown ang nagmamay-ari nito dati,
sumanib daw siya sa kadiliman at ikinulong ang sarili sa loob ng kahong ito.
Kapalit ng kanyang immortal na buhay, papatayin niya ang sinumang maglalabas sa
kanya mula sa kahon."

Medyo lumayo si Daisy sa pinsan.

"Ate Alexa naman! Pati ba naman iyan, naisipan mong kolektahin? Ang mabuti pa,
itapon mo na lang iyan. O kaya sunugin mo para mawala na."

"Tama si Daisy. Hindi ka dapat nangunguha ng mga ganyang bagay. Baka mapahamak ka
pa. Sunugin mo na lang iyan." segunda ni Zech.

Humalukipkip si Alexa.

"Hay naku, huwag nga kayong praning! Kuwento lang naman iyon no. Urban legend.
Ilalagay ko itong box na ito doon sa personal museum ko. Hindi ko naman ito
gagalawin. Ituloy niyo na lang ang praktis niyo para sa caroling. Maiwan ko na
kayo. Bye!"

Tumayo na si Alexa at naglakad palayo.

"Salamat nga pala sa advise! Mangaroling na lang kayo sa bahay bukas!" pahabol pang
wika ng dalaga.

Tuluyan nang nakalayo si Alexa.

"Ang weird talaga ng pinsan mo, Daisy." comment ni Creta.

Ngumiti ng matipid si Daisy.

"Ganoon siya kasi malungkot siya. Mag-isa lang siya kasi hiwalay ang parents niya.
May kanya-kanya silang pamilya. Ganoon pa man, lahat ng gusto niya ibinibigay ng
mga magulang niya. Sunod siya sa luho. Idagdag pa na may magnet talaga ang mga
kamay niya sa pera dahil successful ang lahat ng negosyo niya. Ganoon pa man,
madalas niya akong tanungin kung bakit hindi pa rin siya masaya kahit nasa kanya na
ang lahat ng bagay na gusto ng iba. Mahilig siyang mangolekta ng kung anu-ano dahil
naghahanap siya ng bagay na makapagpapasaya sa kanya. Pero sa tingin ko, hindi pa
niya nahahanap iyon..." kuwento ni Daisy.

"Ang lungkot naman pala niya. Pero kung hindi mo sinabi, hindi namin malalaman.
Palagi kasi siyang nakangiti at masigla kapag nakikita namin." comment pa ni Creta.

"Tama. Kung titingnan, parang walang anumang pinoproblema si Alexa. Iyon pala ay
may malalim siyang dinadala. Sana lang, mahanap na niya ang makakapagpasaya sa
kanya." wika ni Hunter.

Dumating ang mama ni Daisy na may dalang meryenda.

"Tama na muna ang praktis. Kumain na muna kayo. Gumawa ako ng crema de frutta!"
nakangiti nitong wika.

"Tamang-tama! Gutom na ako!" masiglang wika ni Blade.

"Tsk! Gutom na raw eh wala pa nga tayong nauumpisahan!" pakli ni Drake.

Kinagabihan ay nagsimula na sina Blade sa pangangaroling. Isinama din nila sina Ai


at Azrael.

"Anong gagawin ko?" maang na tanong ni Ai kay Blade.

"Ikaw ang mangongolekta ng pera. Pagkatapos mong kunin iyong pera ay makipagkamay
ka muna at sabihin mong Merry Christmas. Kapag babae ang nagbigay, i-kiss mo sa
chicks."

"Bakit may kiss?"


"Para malaki ang ibigay." sagot ni Zech.

Nagsimula na silang lumakad. Sinundo muna nila si Rane. Sumama sina Karen at
Conrad. Matapos iyon ay si Daisy na ang sinundo nila. Nang makumpleto na ang grupo
ay nagsimula na sila sa pangangaroling...

"Okay, heto na!" hudyat ni Hunter.

Siya ang maggigitara. Dala din ni Drake ang kanyang violin. Nagsimula nang kumanta
ang lahat.

"Pasko na naman, ngunit wala ka pa... Hanggang kailan kaya ako maghihintay sa'yo?"
si Blade.

"Bakit ba naman, kailangang lumisan pa, ang tanging hangad ko lang ay makapiling
ka..." si Zech.

"Sana ngayong pasko ay maaalala mo pa rin ako. Hinahanap-hanap pag-ibig mo... At


kahit wala ka na, nangangarap at umaasa pa rin ako, muling makita ka... At makasama
ka, sa araw ng pasko..." si Creta.

Nagtatakang napatingin si Karen kay Rane.

"Akala ko ba, caroling 'to? Bakit parang harana na yata?" hindi nakatiis niyang
tanong.

"Ganito talaga ang gimik namin para malaki ang ibigay. Gumagamit kami ng tinatawag
na charm." nakangiting sagot ni Rane.

Napatango-tango si Karen.

"Oo nga naman." sang-ayon niya.

Samantala.... Panay ang kurap ni Alexa habang nakatitig siya sa kisame na sapo ang
kanyang noo habang nakahiga siya sa kanyang kama. Tahimik ang buong paligid at
nakakabingi ang napakatinding katahimikan na iyon. Sanay na siya sa ganoong uri ng
katahimikan dahil palagi na lang siyang mag-isa. Malapit siya sa pinsan niyang si
Daisy dahil kapareho niya ito na only-child. Ang pagkakaiba nga lang, kasama nito
ang mama nito. Ulila na ito sa ama. At siya, buhay pa nga ang mga magulang niya
pero wala rin. May kanya-kanya na silang pamilya at siya, nandito... Mag-isa...
Siya si Alexa Vergara at nasa kanya na ang lahat dahil mapera siya... Pero bakit
ganoon? Hindi pa siya nakakaramdam ng kasiyahan. Palagi na lang may kulang.

Maraming nagsasabi sa kanya na dapat na siyang mag-asawa o kaya naman ay kumuha


siya ng makakasama sa bahay niya. Pero ayaw niya dahil sanay siyang mag-isa... Kaya
minsan, natatakot na rin siya sa kanyang sarili dahil sanay na siyang mag-isa...
Huminga siya ng malalim at tumagilid. Ilang sandali pa ay tumayo siya at lumabas ng
bahay. Dumiretso siya sa loob ng museum at pagkapasok niya doon ay agad niyang
hinanap ang isinumpang jack in the box. Lumabas siya at nagpunta sa may garden.
Naupo siya sa gilid ng batuhan na malapit sa halamanan.

"Sumama na lang sana ako sa caroling..." may pagsisisi niyang wika.

Blangko ang utak niya sa mga sandaling ito. Tumingala siya sa langit.

"New Year's resolution ko, hindi na ako magiging loner. Magta-try na akong
makisalamuha sa ibang mga tao. Hindi na ako maiirita sa crowd... Kaya ko nga kaya?"

Napatingin siya sa box na inilapag niya sa kanyang tabi. Kinuha niya iyon at
inikot-ikot ang pihitan. More than thirteen times niya iyong ginawa dahil tila wala
siya sa kanyang sarili. Nagkaganito na siya simula nang nakawan niya nang halik ang
werdong lalaki na natutulog sa lumang bahay... Ano na bang nangyayari sa kanya?

Samantala... Patuloy sa ginagawang pagkakalkal ng kung anu-ano sa kanyang bahay si


Hydrian. Hindi pa rin ito makaalala. Maging ang sarili nitong pangalan ay
nakalimutan na nito.

"Bakit ganoon? Wala man lang akong makita maski na mga papeles para makilala ko ang
aking sarili? Walang akong birth certificate?! Wala din akong makita maski na mga
litrato ko o nang pamilya ko? Sino ba akong talaga?!" tulirong wika ni Hydrian.

Mariin siyang pumikit. Pilit niyang kinakalkal ang utak niya pero blangko lang ang
nakikita niya.

"Ourgh!!!..." frustrate niyang ungol.

Umiling-iling siya ng marahas at napasabunot sa kanyang buhok. Tumayo siya at


naglakad papunta sa harap ng malaking salamin na nasa silid. Humarap siya sa
salamin at tiningnang maigi ang kanyang sarili. Kakaiba siya at batid niyang hindi
normal ang itsura niya. Sinubukan na niyang kulayan ng itim ang kalahati ng kanyang
buhok na kulay-puti, pero bumalik lang iyon sa dati. Walang naging epekto dito ang
kulay. Tumingin siya sa kanyang mga mata na magkaiba ang kulay... Napalunok siya ng
mapagmasdan niyang maigi ang mga ito. Tila dalawang pagkatao ang nakikita niya at
nasa gitna siya ng mga iyon. Ano ang ibig sabihin ng pula niyang mata at nang
brown? Bakit sila magkaiba? Isang kalituhan ang biglang gumuhit sa buo niyang
pagkatao. Hindi niya alam ang kanyang gagawin. Hindi niya alam kung kanino siya
dapat humingi ng tulong.

Lumabas na siya ng silid at pagkatapos noon ay tuluyan na siyang lumabas ng bahay.


Ilang araw din siyang nagkulong doon dahil hindi niya malaman kung dapat pa ba
siyang lumabas dahil sa kakaiba niyang itsura. Parang pakiramdam niya sa kanyang
sarili ay isa siyang halimaw. Huminga siya ng malalim at guminhawa ang kanyang
pakiramdam ng makalanghap siya ng preskong hangin. Tumingala siya sa langit at
nakita niya ang mga magagandang bituin na naroon. Matagal siyang tumitig sa langit
at napakunot-noo siya... Pakiramdam niya ay may makikinig sa kanya doon kapag
nagsalita siya. Hindi nga lang niya alam kung sino... Yumuko siya at umiling.
Napahawak siya sa kanyang baba.

"Nababaliw na ako. Sino ba talaga ako?"

Hindi na naman niya masagot ang tanong na iyon. Nanatili siyang tulala sa hangin.
Nag-iisip siya ng kung ano pero wala naman siyang maisip. Wala sa sariling naglakad
siya papunta sa loob ng gubat hanggang sa makarating siya sa may ilog.

"Sa tingin ko, kapag naligo... Mare-relax na ako at makakaalala."

Tumingin-tingin sa paligid si Hydrian. Siya lang ang naroon. Walang alinlangan


siyang naghubad ng suot niyang mga damit at saka siya lumusong sa malamig na tubig.
Nang makarating siya sa malalim na parte ng ilog ay nagfloating siya at tulirong
tumingin sa langit. Maging ang utak niya, nagfloating, na-relax nga siya...

Samantala... Napakislot si Alexa nang biglang tumunog ang kahon sa kanyang tabi.
Umalingawngaw sa buong paligid ang isang cute na tunog ng isang music box.
Napalunok siya ng maalala niya ang kuwento tungkol sa kahon. Tumayo siya at
napaatras na napatingin doon. Marahan at pabaliktad ang ikot ng pihitan.

"Inikot ko naman siya ng more than thirteen times ah?" wika pa niya.
Pilit niyang sinasabi sa kanyang sarili na hindi siya dapat matakot pero iba ang
kanyang nararamdaman. Kinikilabutan siya ng matindi habang umiikot ng paatras ang
pihitan ng kahon. Ilang sandali pa ay huminto na ang tunog at tumigil na rin sa
pag-ikot ang pihitan. Nakarinig siya ng mahinang click. Napaatras na naman siya.
Isang nakakakilabot at mahinang langitngit ang narinig niya mula sa kahon. Unti-
unti na iyong bumubukas at mula sa kahon ay lumalabas ang isang dilaw na usok....
Umatras ulit siya dala ng takot. Hindi siya naniniwala sa mga sumpa at kung anu-ano
pang supernatural na bagay. Pero ngayon, mukhang maniniwala na nga siya! Tuluyan
nang bumukas ang kahon at mas makapal na dilaw na usok ang lumitaw. Habang
tumatagal ay may nabubuong anyo mula sa dilaw na usok... Hugis ng tao... Namutla
siya at natuliro ng makita niya ang anyong nabuo... Isang halimaw na clown. Mapula
ang buhok nito, dilaw ang malalaking mga mata, malalaki ang ngipin at naglalaway...
May matatalas itong mga kuko...

"Hello..." ang nakakakilabot na wika ng halimaw.

Mabilis na tumakbo si Alexa palayo. Hindi na niya alam kung saan siya pupunta.
Basta ang alam niya, dapat siyang makalayo sa halimaw na iyon. Napatigil siya sa
pagtakbo ng biglang lumitaw sa kanyang harapan ang halimaw.

"L-Lumayo ka sa akin!" takot niyang wika.

Naglakad papalapit ang halimaw sa kanya at siya naman ay napapaatras hanggang sa


tuluyan na siyang matumba dahil natisod siya. Hindi na niya nakita pa ang
inaatrasan niya dahil nakatuon ang buo niyang atensyon sa halimaw na kaharap niya.

"H-Huwag kang lalapit!"

Patuloy ito sa paglapit.

"GRRRR!!!..."

Dinig na dinig niya ang nakakatakot na ungol ng halimaw. Naglalaway ito na para
bang gutom na gutom... Palihim siyang dumaklot ng lupa. Nang tuluyan nang makalapit
ang halimaw sa kanya at akma siyang kakalmutin ng matatalas nitong kuko ay mabilis
niyang isinaboy ang lupa sa mga mata nito.

"Waaaarh!!!..." sinapo ng halimaw ang mga mata.

Sinamantala ni Alexa ang pagkakataon, mabilis siyang tumayo at agad na tumakbo


palayo. Pumasok siya sa masukal na lugar papunta sa kagubatan. Doon ay agad siyang
naghanap ng mapagtataguan.

"Diyos ko po, tulungan po ninyo ako. Nangangako ako na hindi na ako magiging
pasaway at mas dadalasan ko na rin ang pagsisimba. Magdadagdag din po ako ng
donation. Basta po, tulungan niyo akong makaligtas sa halimaw na iyon!" taranta
niyang dasal.

Tumingin siya sa paligid at nakakita siya ng isang malaking sanga ng kahoy na


puwede niyang gamitin bilang armas. Agad niya iyong kinuha at mas lumakad pa siya
palayo. Panay ang lunok niya at dasal. Mag-isa lang siya at walang makakatulong sa
kanya. Hindi niya dala ang kanyang cellphone kaya wala siyang magagamit para
makahingi ng tulong. Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa makarating siya sa
kailaliman ng gubat. Nakadama siya ng relief ng makakita siya ng malalaking bato.
Mukhang nakarating na siya sa may ilog. Isang ideya ang naisip niya, doon siya
magtatago. Pag-asa ang nakita niya. Dali-dali siyang tumakbo papunta sa may ilog...

"Thank God!" tuwa niyang wika.


Walang alinlangan siyang lumusong sa tubig.

"Woh!..." napa-react siya ng ganoon dahil hindi niya inaasahan ang napakatinding
lamig ng tubig na sasalubong sa kanya.

Ganoon pa man ay nagpatuloy siya sa paglalakad patungo sa malalaking bato para


magtago. Hanggang baywang ang tubig. Luminga-linga siya sa paligid. Gusto niyang
makasiguro na wala pa ang halimaw sa kinaroroonan niya. Napakislot naman si Hydrian
nang bigla niyang naramdaman na bumangga ang ulo niya sa kung ano. Marahan siyang
bumangon at napakunot ang kanyang noo nang makita niya ang isang babae na
nakatalikod mula sa kanya. May hawak itong malaking sanga ng kahoy na halatang
handa nitong ihampas kahit na anong oras.

"Anong ginagawa mo dito, Miss?" sabay tapik sa balikat ng babae.

Gulat na nabitawan ni Alexa ang hawak niyang kahoy nang marinig niya ang boses na
iyon at kasunod pa noon ang pagtapik ng kung sino sa kanyang kanang-balikat. Tuliro
siyang pumihit paharap at napanganga siya kasabay ng panlalaki ng kanyang mga
mata... Nakatayo sa harapan niya ang lalaking ninakawan niya ng halik at matamang
nakatunghay sa kanyang mukha. Plus.... Wala itong damit?! Kung hanggang dibdib na
niya ang tubig, ito naman ay lagpas baywang lang... Napatingin siya sa mukha nito
pababa sa katawan at bababa pa sana ang kanyang tingin kung hindi lang niya sinaway
ang sarili. Tinitigan na lang niya ang mukha nito.

"I-Ikaw?" bigla na lang niyang wika.

Lumalim ang pagkakakunot ng noo ng lalaki at mas nagmukha itong hot sa kanyang
paningin. Ilang sandali pa ay nakita niyang kumislap ang mga mata nito at kasunod
noon ang pagsilay ng matipid na ngiti sa labi nito. Nabigla siya ng hawakan siya
nito sa magkabila niyang balikat.

"Kilala mo ako?" puno ng pag-asa nitong wika.

Napakurap si Alexa. Siya naman ngayon ang napakunot-noo. Nagtataka siyang


napatingin sa mukha ng lalaki.

"Sabihin mo, kilala mo ba ako?" tanong ulit ng lalaki.

"A-Ah.... Eh..." hindi niya alam ang sasabihin niya.

"Anong pangalan ko?" excited pa nitong tanong.

Napangiwi si Alexa at alanganing tumingin sa mukha ng kanyang kaharap.

"H-Hindi ko alam..?"

"Huh?!"

Hindi malaman ni Hydrian ang magiging reaksyon sa kanyang narinig.

"A-Anong hindi mo alam? Kilala mo ako eh, nagreact ka ng makita mo ako..."

"Teka lang, ano ba ang sinasabi mo?" nagtatakang tanong ni Alexa.

"Miss, wala akong maalala. Maging ang sarili kong pangalan, hindi ko alam. Ikaw
lang ang makakapagsabi sa akin kung sino ako... Ikaw na lang ang pag-asa ko para
malaman ko ang aking pagkatao."

Napatanga si Alexa pero agad din naman siyang nakabawi sa pagkagulat. Huminga siya
ng malalim at pinakalma ang sarili. Medyo nabibigla pa rin siya.

"K-Kuwan... Ah, eh... Hindi naman kita personal na kilala. Hindi ko alam ang
pangalan mo at lalong hindi ko alam kung sino ka. Kilala ko lang ang mukha mo kasi
ikaw ang may-ari noong lumang bahay na gusto kong bilhin. Bukod doon ay wala na.
Wala ka bang kahit na anong papeles na puwedeng magsabi sa'yo ng iyong
pagkakakilanlan? Kagaya ng birth certificate?"

Umiling ang lalaki.

"Walang kahit na ano. Naghanap na ako sa lahat ng sulok ng bahay ko. Pero wala
akong nakita maski na mga lumang litrato. Puzzled tuloy ako sa pagkatao ko."

Nalungkot si Hydrian. Gusto talaga niyang malaman kung sino siya. Sandali siyang
nag-isip pero natigilan siya ng makaramdam siya ng kakaiba. Panganib, may papalapit
na panganib... Tiningnan niya ang mga palad niya. Hindi niya maintindihan kung
kutob o ano ang nararamdaman niya. Basta ang alam niya, may kalabang paparating at
alam niyang hindi iyon basta mabangis na hayop lang...

"Alam mo, hindi ito ang tamang oras para sa mga tanong. Saka na tayo mag-usap.
Maging ikaw nasa panga-"

"Ssssshhhh...."

Hindi na naituloy ni Alexa ang anumang sasabihin niya dahil tinakpan ng lalaki ang
bibig niya gamit ang kanan nitong kamay.

"Kailangan nating magtago. May panganib na parating."

Nagtatakang napatingin si Alexa sa lalaking kasama niya. Wala pa naman siyang


sinasabi ah? Wala siyang nagawa ng hilahin siya ng lalaki sa may malalaking bato at
sumiksik sila sa loob noon. Nanatiling nakatakip ang kamay nito sa kanyang bibig
habang nagmamasid ang mga mata nito sa buong paligid.

Ramdam na ramdam naman ni Hydrian ang kakaibang aura na papalapit. Napakadilim


noon. Ilang sandali pa ay dumating sa lugar ang isang nakakatakot na nilalang.
Inaamoy nito ang paligid at tila may hinahanap. Katakot-takot naman ang ginawang
paglunok ni Alexa. Nasundan siya ng halimaw dahil sa kanyang amoy. Ang lakas ng
kabog ng dibdib niya dala ng takot at halos mabingi na siya doon.

"Sabi na nga ba eh. Isang halimaw ng kadiliman ang nararamdaman ko..." mahinang
wika ni Hydrian.

Nagtataka namang napatingin si Alexa sa lalaking kasama niya. Natigilan siya ng


makita niya ang tila pag-ilaw ng isa nitong mata... Matingkad iyon na kulay-pula.

"Sino nga ba siyang talaga?" tanong niya sa kanyang isipan.

Nanatiling nakamasid ang dalawa sa halimaw na nasa gilid ng ilog. Patuloy ito sa
ginagawang pag-amoy at pagmamasid sa paligid. Ilang sandali pa ay lumusong ang
halimaw sa tubig at marahang naglakad papunta sa kanilang kinaroroonan. Wala sa
sariling napakapit ng mahigpit si Alexa sa braso ng kasama niya. Kahit na malamig
ang tubig ay hindi niya iyon maramdaman dahil namanhid na siya sa takot. Siya ang
kailangan ng halimaw at nadamay pa sa panganib ang kasama niya.

Samantala... Natapos na sa pangangaroling ang grupo nila Blade. Kasalukuyan na


nilang inihahatid pauwi sa bahay nila si Daisy. Huminto ang grupo nila ng matapat
sila sa bahay ni Alexa.
"Gising pa kaya si Alexa? Yayain kaya natin niyang magmeryenda?" biglang wika ni
Hunter.

"Magandang ideya. Wait lang, tatawagan ko siya." wika naman ni Daisy.

Agad niyang kinuha ang kanyang cellphone sa bulsa ng kanyang jogging pants. Idinial
niya ang number ng kanyang pinsan. Ring ng ring pero walang sumasagot. Ilang beses
pa siyang tumawag. Napahinga siya ng malalim at tumingin sa mga kasama niya.

"Mukhang tulog na yata siya eh. Hindi niya sinasagot ang tawag ko."

"Next time na lang tayo magmeryenda kung ganoon." wika ni Hunter.

"Oo nga, pero sayang." nanghihinayang na wika ni Blade.

"Tama ka. Tiyak na magiging masaya si Alexa kung marami siyang makakabonding. Pero
okay lang, marami pa namang next time." sang-ayon ni Creta.

Humalukipkip si Blade.

"Anak na lase, iyong meryenda ang sinasabi kong sayang!" bigla nitong pakli.

"Abuwisit ak pa, ang siba mo talaga." comment na ni Drake.

Ngumiti lang si Blade dito at hindi na nagsalita. Ipinagpatuloy nila ang paglalakad
pauwi.

Samantala... Panay ang hinga ng malalim ni Alexa habang naglalakad palapit sa


kanilang kinaroroonan ang halimaw na clown na kanyang pinakawalan. Gigil na
ikinuyom ni Hydrian ang kanyang mga kamao.

"Dito ka lang, haharapin ko ang halimaw."

Napatanga si Alexa sa sinabi ng kasama niya.

"Baliw ka ba? Halimaw iyon, mamamatay ka." saway niya sa lalaki.

Hindi malaman ni Hydrian kung saan siya kumukuha ng ibang klaseng tapang. Wala
siyang maramdamang takot kahit na katiting. Nananaig sa kanyang pagkatao ang hindi
maipaliwanag na lakas na nanalaytay sa bawat himaymay ng kanyang katawan. Gusto
niyang makasiguro sa nararamdaman niyang lakas. Totoo man iyon o hindi, bahala na.

"Kapag nakita mong nadehado ako sa laban, tumakas ka na lang at huwag mo na akong
balikan kahit na ano ang mangyari."

"Sira-ulo ka ba-"

Hindi na maituloy ni Alexa ang anumang sasabihin niya dahil tuluyan na siyang
iniwan ng lalaki at nakita na lang niya ang likod nito...

"Uy..." di niya napigilang react.

Umiling siya para sawayin ang sarili... Hindi ito ang tamang oras para sa
kapilyahan at kalandian!

Biglang namang napahinto ang halimaw na clown sa akmang paglalakad sa tubig nang
biglang lumitaw mula sa batuhan si Hydrian.

"Halimaw... Anong kailangan mo?" matapang nitong wika.


Matiim na tumitig ang halimaw kay Hydrian. Nakita nito sa gilid ng batuhan ang
kanyang target... Itinaas nito ang kanan nitong kamay at itinuro ang direksyon kung
saan naroon ang kanyang pagkain.

"Gutom na gutom na ako at nasa likuran mo ang pagkain ko... Maraming taon na rin
nang may magkamaling magpakawala sa akin mula sa kahon... Kaya naman napakatindi ng
gutom na nararamdaman ko... At tamang-tama lang ang iyong pagdating dahil
siguradong hindi sasapat sa akin ang babaing iyan!"

Takot na nagtago sa likod ng batuhan si Alexa. Napatingin si Hydrian sa kasama


niya. Medyo naiintindihan na niya ang nangyayari.

"Dadaan ka muna sa akin bago mo siya makuha. Kailangan mo muna akong labanan!"
matapang niyang wika.

Nasapo ni Alexa ang kanyang bibig. Iyong lalaki, mukhang hero sa isang fantasy
movie... At siya ang damsel in distress na kailangan nitong iligtas mula sa evil
villain. Tinapik-tapik niya ang kanyang mga pisngi para siguruhing gising siya at
wala siya sa mundo ng panaginip. At alam niyang gising nga siya dahil nasaktan siya
sa ginawa niyang pagpisil ng mariin sa kanyang mga pisngi.

Ngumiti naman ang clown kay Hydrian at nalantad ang naglalakihan nitong mga ngipin
na puro matatalas na pangil. Naninilaw pa iyon na may pagka-orange... Iniumang nito
ang matatalas na kuko.

"Sige, uunahin na kitang kainin!" wika ng halimaw.

Mabilis itong tumalon mula sa tubig at sumugod ng kalmot papunta kay Hydrian pero
bago pa man makalapit ang halimaw sa kanya ay agad siyang tumalon paalis sa
tubig... Nagpunta siya sa pangpang ng ilog. Kitang-kita niya ang malalaking talsik
ng tubig sa paligid dahil sa malakas na kalmot ng halimaw. Lalo namang natuliro si
Alexa... Paanong nagawa ng lalaking iyon ang ganoong kilos? Ang bilis?! Ni hindi
niya nakita ang pagtalon nito mula sa tubig at ang layo naman yata ng napuntahan
nito sa isang iglap lang?

"Tao ba siya o ano?" hindi niya napigilang comment.

Muling sumugod ng kalmot ang clown kay Hydrian. Matapang naman na hinarap ng huli
ang kalaban. Sinalubong niya ang atake nito ng malakas na suntok. Nagulat ang clown
sa kanyang ginawa at tumilapon ito dahil sa lakas ng puwersang pinakawalan niya.
Nabuwal ang maraming puno na nasa likuran ng kanyang kalaban. Napakurap si Hydrian
at nagtatakang napatingin sa kanyang kamao.

Hindi nga imahinasyon ang lakas na kanyang nararamdaman sa kanyang katawan. Totoo
ngang may kakayahan siya. Lalong lumakas ang kanyang loob. Siya na ang sumugod sa
halimaw. Akma palang itong babangon ng atakehin niya ito ng malakas na sipa sa
mukha. Bumaon ang ulo nito sa lupa at lumubog ang ilang porsiyento ng katawan nito.
Napangiti siya sa lakas niya... Iniangat niya ang kanyang kanang-paa at malakas na
inapakan ang mukha ng halimaw. Narinig niya ang malakas nitong ungol.... Muli sana
niyang aapakan ng malakas ang mukha nito ngunit hinawakan nito ng mahigpit ang
binti niya.

"Urgh!!..."

Napaungol siya dahil ibinaon nito sa kanyang binti ang mga kuko nito... Akma nitong
kakagatin ang binti niya ngunit mabilis niyang hinila ang buhok nito. Mahigpit niya
itong sinabunutan. Nakaumang na sa kanyang binti ang malalaki nitong ngipin.
"GRRRR!!!..."

Pilit na inilalapit ng halimaw ang bunganga nito sa kanyang binti. Mas hinigpitan
niya ang pagsabunot sa pula nitong buhok at marahas na inilalayo ang ulo nito sa
kanyang binti. Nagtiim ang mga bagang niya ng unti-unting matanggal sa kanyang
binti ang mga nakabaon nitong kuko. Umagos ang maraming dugo doon. Nakaramdam siya
ng galit kaya naman hindi niya binitawan ang buhok ng halimaw. Ibinalibag niya ito
sa mga puno sa paligid nang tuluyan niya itong mailayo, ilang beses pa niyang
idinribol ang ulo sa lupa...

"Ngayon, halimaw... Kailangan mo nang mawala!"

Isang asul na liwanag ang lumitaw sa kanyang mga kamay at kasunod noon ang malakas
na pagsabog. Nabura ang halimaw at wala man lang itong naiwang bakas. Ngunit
matapos ang lahat ay saka tila biglang natauhan si Hydrian.

"P-Paano ko nagawa iyon? Sino ba talaga ako?" tanong niya.

Hindi niya maintindihan... Naging napakalupit niya sa halimaw kanina at tila


gustung-gusto niya ang pagpapahirap na ginagawa niya dito bago niya ito tuluyang
patayin... Tuliro siyang naglakad pabalik sa may tubig. Ni hindi niya iniinda ang
sugat niya sa kanyang binti. Pakiramdam niya ay galos lamang iyon kahit ang daming
dugo na ang umaagos.

Panay naman ang hinga ng malalim ni Alexa. Nilalamig na siya pero tinitiis lang
niya iyon.

"Miss, puwede ka nang lumabas diyan. Patay na iyong halimaw..."

Medyo nagulat siya ng marinig niya ang boses ng lalaki... Nanginginig siyang
lumabas mula sa batuhan. Paglabas niya ay nakita niya ang lalaki na nakatayo sa may
pangpang at nakaharap sa kanya. Sobra siyang nagulat. Mabilis siyang pumikit...

"Naman! Magsuot ka nga ng damit!!..."

Balewalang tumingin si Hydrian sa babaing kaharap niya. Tapos bigla siyang


napatingin sa sarili niyang katawan. Wala nga pala siyang damit. Napangiti siya ng
matipid.

"Huwag ka na ngang umarte pa diyan. Kanina mo pa ako nakikitaan ng katawan no. Ang
mabuti pa, umahon ka na diyan sa tubig. Baka magkasakit ka."

Hindi alam ni Alexa kung magpapasalamat siya sa lalaki o maaasar.

"Buwisit..." pabulong niyang wika.

Nakapikit siyang naglakad papunta sa pangpang. Iyon ay kung makakarating siya sa


pupuntahan niya dahil hindi naman niya nakikita ang nilalakaran niya? Nagulat siya
ng may humawak sa kanyang mga kamay at inalalayan siya sa paglalakad. Hindi na niya
kailangang mag-isip pa kung sino iyon. Nang maramdaman niyang nasa gilid na siya ng
ilog ay marahan siyang nagmulat ng kanyang mga mata. Hindi na siya nagulat ng
makita niya ang mukha noong werdong lalaki.

"Salamat..." alanganin niyang wika.

"Welcome..."

Ngumiti ito ng matipid sa kanya at nahihiya siyang napayuko pero agad din naman
siyang nag-angat ng mukha.
"Magdamit ka nga!" bulalas niya.

Mabilis siyang tumalikod at nakarinig siya ng mahinang tawa mula sa lalaki.

"Kanina nga, wala kang sinasabi. Tapos ngayon, masyado nang big deal sa'yo na wala
akong suot ng damit?"

"Hindi ka ba nahihiya?"

"Bakit naman ako mahihiya? Wala naman akong dapat ikahiya ah?"

"Alam mo, Mister..." hindi niya maituloy ang sasabihin kasi hindi niya alam ang
pangalan nito.

Natahimik naman si Hydrian at matagal na tumitig sa babaing nakatalikod. Hindi nito


alam ang dapat na itawag sa kanya dahil hindi nito alam ang pangalan niya... Wala
siyang pangalan.

"Sandali, magbibihis ako para hindi ka na mailang sa akin."

Naglakad si Hydrian papunta sa kinaroroonan ng kanyang mga damit at agad na


nagbihis. Matapos iyon ay naglakad siya papunta doon sa babae. Pumunta siya sa may
harapan nito at napaatras ito. Halatang nagulat ito sa kanyang ginawa.

"Sorry ah?" nakangiti niyang wika.

Tulirong tumingin si Alexa sa lalaking tumulong sa kanya. May damit na ito kaya
nawala na ang pagkailang na nararamdaman niya.

"Wala iyon. Salamat nga pala ah? Ako nga pala si Alexa, ikaw?" inilahad niya ang
kanan niyang kamay.

Inabot ng lalaki ang kamay niya at matamang tumingin sa kanyang mukha.

"Kinagagalak kitang makilala, Alexa... Ako nga pala si.... Ahm... Sorry, hindi ko
nga pala maalala ang pangalan ko."

Akmang bibitaw si Alexa sa kamay ng lalaki pero mahigpit ang pagkakahawak nito sa
kanyang kamay.

"Ano kaya kung bigyan mo ako ng pangalan?"

Amaze siyang napatingin sa mukha ng kanyang kaharap.

"Pangalan?"

"Oo, bigyan mo ako ng pangalan. Hindi ko naman kasi matandaan ang pangalan ko eh.
Wala talaga akong maalala kahit na ano tungkol sa sarili ko."

Sandaling nag-isip si Alexa...

"Ano kaya kung Sebastian na lang ang pangalan mo? Nacucutan kasi ako sa name na
iyon kahit na luma na. Ang sexy bigkasin." nakangiti niyang pakli.

Napangiti ang kaharap niya.

"Sige, gusto ko ang pangalang Sebastian. Simula ngayon, ako na si Sebastian..."


nakangiti nitong wika.
Bumitaw si Alexa sa kamay ng lalaki at hinayaan lang naman siya nito.

"Mag-isa ka lang ba?" bigla niyang tanong.

"Oo."

"May trabaho ka?"

"Ewan, wala akong matandaan."

Tumitig si Alexa sa kasama niya. Isang ideya ang naglalaro sa utak niya.

"Alam mo, mag-isa lang din ako. Gusto mo ba ng trabaho?"

Tumingin pabalik ang lalaki sa kanya.

"Anong trabaho?"

"Sasamahan mo ako kahit na saan. Magiging personal butler kita. Puwede kang tumira
sa bahay ko ng libre. Since wala ka namang maalala, samahan mo na lang ako. At
promise, tutulungan kitang makahanap ng clue para makaalala ka. Iyon ay kung okay
lang? Alam kong masyadong presko itong proposal ko, pero sa nangyari sa akin
kanina, natakot na talaga ako."

Napamulsa ang lalaki at malalim na nag-isip habang nakatitig sa kanya. Hanggang


sa...

"Sige, payag ako. Dahil sa'yo hindi na ako si Mr. No Name... Binigyan mo ako ng
magandang pangalan at sapat nang dahilan iyon para hindi ako tumanggi sa iyong
proposal. Simula ngayon, ako na si Sebastian... Ang iyong personal butler na
handang samahan ka at ipagtanggol ka kahit na anong oras."

Itinaas pa nito ang kanang kamay bilang tanda ng pangako. Napangiti si Alexa...
Mukhang blessing in disguise iyong isinumpang Jack in the box...
*************************************

( Medyo kinailangan kong i-review iyong mga nakaraang part dahil matagal akong
natengga sa pagsusulat... At heto na nga, tuloy na ang kuwento at ang mga plano
ko.. He he he. Salamat sa pag-aantay sa update... Kung may mga tanong kayo, PM niyo
na lang ako... Again, salamat sa paghihintay...)

37. His name is... Sebastian?!

"His name is... Sebastian?!"

Nagtatakang napatingin si Hydrian sa kanyang mga kamay. May kakaiba siyang


naramdaman... Nakarinig siya ng tunog ng pagpatak ng tubig. Umalingawngaw iyon sa
buong paligid. Sinundan niya ang pinanggalingan ng tunog at nakita niya ang isang
lawa. Tumingin siya sa paligid, tila nasa kawalan siya dahil wala siyang makita
doon kundi puting-paligid. Tumingin siya sa lawa at bahagya siyang nagulat ng
makita niya ang kanyang sarili. Kulay-itim ang kanang-bahagi ng kanyang buhok at
puti naman ang kaliwa. Bukod doon ay magkaiba din ang kulay ng mga mata niya. Brown
sa kanan at red naman sa kaliwa. Napabuka ang labi niya at nanlaki ang mga mata
niya ng unti-unting bumuka mula sa kanyang likod ang isang pares ng pakpak na
magkaiba ng kulay... Puting-puti ang pakpak na nasa kanan niyang likod. Halos
kasing-puti iyon ng mga ulap sa langit at kabaliktaran naman ng kaliwa niyang
pakpak. Itim na itim iyon at may mga sungay pa sa gilid. Hindi siya makapagsalita
ng unti-unting bumalot sa kanya ang mga pakpak na iyon at nilamon siya ng madilim
na anino...

Napasinghap si Hydrian ng magising siya sa panaginip na iyon.

"Huh?!!.."

Mabilis siyang bumangon at agad na kinapa ang kanyang likod. Nakahinga siya ng
maluwag ng wala siyang nakapa na kahit na anong kakaiba doon. Marahas siyang
napahilamos sa kanyang mukha. Tumingin siya sa relo... 3:45 am na. Saka niya
naalala na may trabaho nga pala siya. Tuluyan na siyang bumangon sa kama at inayos
iyon. Pumasok siya sa banyo at humarap sa salamin. Napasuklay siya sa buhok niyang
may magkaibang-kulay. Napatingin siya sa kahon ng hair-dye na nakalapag sa harap ng
salamin. Kinuha niya iyon at agad na siyang nagsimulang magkulay sa puti niyang
buhok. Ibinabad niya ang buhok niya sa hair-dye na kulay-itim ng isang-oras bago
niya binanlawan. Matapos niyang banlawan ang kinulayan niyang buhok ay agad siyang
tumingin sa salamin. Nanghihina siyang napasabunot sa kanyang ulo. Kagaya ng dati
ay hindi umipekto dito ang pangkulay ng buhok. Kulay-puti pa rin iyon.

"Ano bang gagawin ko sa'yo?!" medyo gigil niyang wika.

Nang walang ano-ano'y nahagip ng mga mata niya ang gunting na nasa gilid. Kinuha
niya iyon at napasuklay sa lagpas-balikat niyang buhok. Gugupitan na lang niya ang
buhok niya. Hindi naman iyong masyadong maikli ang balak niyang gupit pero iyong
tipong pormal tingnan. Nagsimula na siya sa paggugupit habang nakaharap sa salamin.

"Ikaw si Sebastian... Iyon ang pangalan mo..." paalala niya sa kanyang sarili.

Natatakot kasi siya na baka pati ang bago niyang pangalan ay bigla niyang
makalimutan. Ano bang klaseng sakit ang mayroon siya? Nang matapos niyang gupitan
ang sarili ay muli niyang tiningnang maigi ang kanyang sarili sa salamin. He felt
satisfied on what he saw... Huminga siya ng malalim at saka na siya tuluyang
pumasok sa loob ng banyo para maligo. At nang matapos siyang maligo ay agad na
siyang nagbihis para makapag-umpisa na siya sa unang araw niya... Bilang isang
personal butler.

Yamot na itinalukbong ni Alexa ang kumot sa kanyang mukha ng makakita siya ng


nakakasilaw na liwanag. Dumapa siya. Masama ang pakiramdam niya. Nagkasakit yata
siya dahil sa matagal na pagkakababad sa malamig na tubig kagabi.

"Wake up, sleepy head!"

Napangiti siya ng matipid nang marinig niya ang masiglang boses na iyon. Hindi siya
nanaginip. Ngayon bigla niyang na-realize na hindi na siya mag-isa. Marahan niyang
inalis ang kumot na nakatalukbong sa kanyang mukha at agad na hinanap ang
pinanggalingan ng boses na iyon. Napatanga siya at napakurap ng makita niya ang
bumungad sa kanya sa umaga. Maikli na ang buhok nitong may magkaibang-kulay at
bagay dito iyon dahil mas na-enhance ang good looks nito. Napatingin siya dito
pataas at pababa... He was wearing a gray suit with matching red gloves. Napailing
siya at natawa ng mahina. Nasapo niya ang bibig.

"You should wear black-suit not gray... Iyon ang normal na uniform ng mga butler."
hindi niya napigilang comment.

Ngumiti ng matipid ang kanyang kaharap.


"I have my own sense of fashion. Black is too ordinary and boring... Besides... I
love the song 'Love me like you... La la la love me like you do... Touch me like
you do, ta ta ta touch me like you do.. What do you waiting for?"

Umasta pa ang binata na para bang hinahamon siya. Napailing siya at namula.

"That song keeps humming on my head. Tapos na-research ko na theme pala iyon ng
isang movie... I think, the color of gray is cute." itinuro pa ng lalaki ang
sintido nito.

Tumingin siya dito ng maigi.

"Yeah, it's cute... Sebastian Cute... Ang gandang pakinggan no?"

Ngumiti ito sa kanya.

"I hope your not using the word cute on pets..."

"Don't worry, no. I'm using the word handsome or pogi on pets."

"Woh, that's good to hear. Anyway, breakfast is ready. Get up and you've got a lot
of work to do. You have a full schedule the whole day."

Niyakap ni Alexa ang unan.

"Masama ang pakiramdam ko."

Lumapit sa kanya si Sebastian at dinama ang noo niya.

"May lagnat ka. Should I call an ambulance?!" nag-aalala nitong wika.

Tumawa siya ng mahina.

"No. Bigyan mo lang ako ng paracetamol mamaya pagkatapos kong kumain at


magpapahinga ako. Bukas magaling na ako. I'll be fine."

"You sure?"

"Yes."

Hindi sumagot si Sebastian pero mataman itong tumingin sa kanya. Napatitig din
naman siya pabalik dito.

"Anyway, care to dye your white hair?" bigla niyang puna.

Napahawak sa puti nitong buhok si Sebastian at alanganing napangiti sa kanya.


Huminga ito ng malalim at napailing ng bahagya.

"Ginawa ko na kanina noong paggising ko. Pero, hindi umipekto ang hairdye sa buhok
ko eh. Wala na akong magagawa. I am really weird and I don't even remember why..."
nalungkot nitong wika.

"I'm sorry about that. Maybe your weird but being weird means your different. And
being different is special."

"Thank you." napangiti nang wika ni Sebastian.

Samantala... Napangiti si Beelzebub ng makita niya ang bungad ng bahay ni Hydrian.


Pasimple siyang napahawak sa kanyang dibdib.

"Medyo matagal rin akong hindi nakabisita kay Hydrian. Sigurado akong nasa kalahati
na siya ng pagpapalit ng anyo papunta sa isang demon." excited niyang wika.

Agad siyang naglakad papunta sa bahay at tuluyang pumasok sa loob noon. Dumiretso
siya sa silid ni Hydrian. Ngunit laking-gulat niya ng makita niyang nakabukas ang
batong-himlayan na ginawa niya para dito. Mabilis siyang lumapit doon at natigilan
siya ng makita niyang wala na iyong laman. Tumingin siya sa buong paligid at wala
siyang nakita maski na anino ni Hydrian. Hindi niya maramdaman maging ang aura
nito. Mariin niyang ikinuyom ang kanyang kanang-kamao.

"How dare you 3x a day, Hydrian!" bigla na lang niyang wika.

Hindi pa ito ang tamang panahon para magising ito dahil nasa kalagitnaan palang ito
ng pagpapalit ng anyo.

"Paanong nawala ang spell na ibinalot ko sa kanya?! Buwisit!"

Dahil doon ay napagbalingan niya ang himlayan. Malakas niya iyong sinuntok at
yumanig ang buong paligid. Nawasak iyon ng husto at kumalat sa buong paligid ang
debris nito.

"Kailangan kong mahanap si Hydrian. Hindi puwedeng masayang ang lahat ng


pinagpaguran ko! How dare him 3x a day!" napasuklay siya ng marahas sa kanyang
buhok.

Medyo mahina pa siya dahil sa ginawa niyang kalokohan nitong nakaraan. At dahil
doon ay sinisiguro niyang hinding-hindi na niya iyon uulitin. Hindi na siya susubok
na gumawa ng tao kahit na kailan. Napagpasyahan niyang puntahan muna sina Vaulant.
Agad na siyang umalis.

Napahalukipkip si Ziggur ng makita niya si Beelzebub na frustrate ang mukha.

"Oh, anong nangyari sa'yo?" nakangisi niyang tanong.

Yamot na tumingin si Beelzebub sa kanya.

"It's none of your damn buisiness! Anyway, kamusta ang mga ipinapaalaga kong mga
demon sa inyo?" untag niya.

Napabuntung-hininga ng marahas si Ziggur.

"Your army of demons is doing well. Hindi na nga kami makaalis dito dahil tutok
kami sa pagbabantay sa kanila. Lumalaki sila ng mabilis sa mga cocoon."

"That's good. Really good... I want to see them."

Hindi umimik si Ziggur. Bagkus ay naglakad na ito papunta sa basement. Pagdating


nila sa loob ng madilim na basement ay bumungad sa kanya ang napakaaraming cocoon
na naroon. Nakita niya ang iba pang fallen angels na nakabantay. Natuwa siya.
Maaasahan niya talaga ang mga ito.

"Beelzebub... How dare you 3x a day!" biglang bati ni Hideus.

"Same to you." sagot niya.

Tumawa ito ng mahina.


"So, ano'ng masamang hangin ang nagdala dito?"

"Wala lang, binibisita ko lang naman ang aking army. Mukha namang maayos silang
naalagaan dito." wika pa niya.

"Ano ba ang balak mo sa army mong demons?" curious na tanong naman ni Tumand.

Ngumiti ng makahulugan si Beelzebub.

"War against heaven. Pamumunuan sila ng malakas na demon.... A general. At halos


katumbas ng demon na ito ang lakas naming mga prince of hell..."

Tuluyan nang nabaling ang atensyon ng lahat kay Beelzebub.

"Talaga? Base sa pagsasalita mo, mukhang kasing-lakas naming mga fallen angels ang
isang iyan. Kaya mo palang gumawa ng ganyan kalakas na demon? Nakakabilib." comment
ni Legion.

"Kilala niyo ang demon na ito... He was once an angel... And now, he probably
became a demon just like me..."

"Sino siya?" hindi nakatiis na tanong ni Ziggur.

"Si Hydrian."

"Shit!" hindi napigilang react ni Legion.

Hindi pa siya nakakaganti sa atraso ni Hydrian sa kanya... Tapos bigla niyang


malalaman ngayon na ginawa na itong demon ni Beelzebub.

"Nasaan si Hydrian?! Gustung-gusto ko nang makaganti sa buwisit na iyon! Hanggang


ngayon, hindi ko makalimutan ang ginawa niya sa akin! Punyeta talaga siya!"

Tumawa ng mahina si Beelzebub at ang iba pa. Natatawa sila sa napipikong mukha ni
Legion.

"Relax ka lang, diyan. Baka ma-higblood ka at maputukan ka ng ugat sa batok... He


he he!" nang-aasar na wika ni Beelzebub.

"Hindi nakakatawa." napaismid na wika ni Legion.

"Ouch... Ang sakit mo namang magsalita. How dare you 3x a day! Siya nga pala,
napadaan na ba dito si Hydrian...?"

Amaze na napatingin kay Beelzebub ang lahat.

"Ni anino niya, hindi pa namin nakikita." sagot ni Bony.

Marahas na huminga ng malalim si Beelzebub.

"So, na-confirm ko na nga." wika pa nito.

"Anong na-confirm?" si Hideus.

"Nawawala si Hydrian. Nasa kalagitnaan siya ng pagpapalit ng anyo papunta sa isang


demon pero hindi iyon natuloy... Hindi ko alam kung ano ang nangyari, pero maaga
siyang nagising. Nasa kalagitnaan siya ng anyo ng isang anghel at demon... At
ngayon, nawawala na siya. Hindi man natapos ang pagpapalit niya ng anyo, kailangan
ko pa rin siya sa aking army... Dapat mayroon akong pinuno."
Natahimik ang lahat at nanatiling tahimik. Pero sa bandang-huli ay hindi nakatiis
si Legion. Napangisi siya at mariing ikinuyom ang kanyang kamao.

"Magprepresinta ako... Ako ang maghahanap kay Hydrian. Iyon nga lang, siguradong
bugbog-sarado siyang ihaharap ko sa'yo. Kailangan ko kasi siyang gantihan doon sa
ginawa niya sa akin nitong nakaraan."

"Wala akong pakialam kung bugbog siya o ano. Ang importante at mahalaga sa akin ay
buo mo siyang madadala at ako na ang bahala sa lahat."

"Fine."

Ngumiti siya kay Legion. Tumingin siya sa paligid at saka niya napansin na may
kulang sa mga fallen angels.

"Siya nga pala, nasaan sina Vaulant at Ike?Bakit wala ang mga tukmol na iyon dito?"

Nagkibit-balikat ang lahat.

"Na-boring sila. Lumabas sila at naghanap ng mapagtritripan." sagot ni Ziggur.

"Hmm... Ganoon pala. How dare them 3x a day!"

Matapos iyon ay nabalutan si Beelzebub ng apoy sa buo nitong katawan at saka unti-
unting naglaho. Hindi pa siya babalik sa hell dahil kailangan niyang mahanap sa
lalong madaling panahon si Hydrian. Malapit nang lumabas ang mga demons mula sa
cocoon ng mga ito. Kailangang maihanda niya si Hydrian para mamuno sa balak niyang
digmaan.

Samantala... Nadatnan ni Drake si Blade sa sala na abala sa panonood ng T.V.


Halatang katatapos lang nitong maglinis dahil nakasampay pa sa kanan nitong balikat
ang pamunas na ginamit nito. Nakatutok ito sa panonood ng T.V. Amaze siyang lumapit
sa kanyang kaibigan kasi hindi naman ONEPIECE ang palabas kundi iyong animated
series ng Cinderella.

"Oh, napano ka diyan?" wika niya.

"Wala, nagagandahan lang ako dito sa story ng animated series ng Cinderella.


Masyado siyang mabait, alam mo iyon... At nakakabuwisit sa kamalditahan ang mga
step sisters niya lalo na ang kanyang evil stepmother... Anak na lase!"

Ni hindi tumingin sa gawi niya si Blade habang nagsasalita. Natawa na lang si


Drake.

"Ilang beses na iyang naipalabas. Hindi ko na nga mabilang kung ilang beses ko nang
napa-ending iyan. Pero hindi siya nakakasawa. Mabuti naman pala at naisipan na
naman siyang ipalabas ngayon. Mas maganda kung iyan ang mapapanood ng mga bata para
marami silang matutunan na moral lesson." sang-ayon ni Drake.

Hindi na nagsalita si Blade kasi tutok na tutok ito sa panonood. Naririnig ni Drake
ang mga kalansing ng gamit sa kusina at nakakaamoy siya ng mabangong pagkain.
Kumalam ang sikmura niya. Siguradong si Hunter na iyon, nagluluto na ng kanilang
almusal.

"Siya nga pala, si Azrael?" bigla niyang tanong.

"Umalis ng maaga. Marami daw siyang naka-schedule na susunduin ngayon. Hindi na nga
niya inantay na makapagluto ng almusal si Hunter eh."
Napakunot-noo si Drake.

"Eh di ba marami naman siyang alagad na reaper para magsundo ng mga kaluluwa ng mga
taong namamatay?" comment pa niya.

"Nagpapakabusy siya para makapagmove-on. Alam mo na... Kailangan niyang magpagaling


ng kanyang heart."

"Ah, I see. Naiintindihan ko siya."

Napansin ni Drake na wala din si Ai.

"Si Ai?" untag niya ulit kay Blade.

"Tulog pa. Hindi ko magising eh, parang mantika. Kaya pinabayaan ko na lang.
Naglinis na lang ako kaysa maaksaya ang oras ko sa kanya."

Mula sa kusina ay lumabas na si Hunter.

"Kakain na tayo. Gisingin niyo na si Ai dahil kung hindi... Walang almusal hangga't
hindi tayo nakukumpleto sa hapag." announcement nito.

Pagkasabi ni Hunter ay mabilis na tumakbo papanhik sina Drake at Blade. Dumiretso


ang mga ito sa kuwarto ni Ai. Naunang pumasok si Drake na marahas na binuksan ang
pinto.

"AI!!!!!... Gumising ka na diyan! Kakain na!!!..." sigaw niya.

Nakadapa ang binatilyo sa kama at nakatalukbong ng kumot.

"AI!!!...." sigaw naman ni Blade.

"Uumm..." ungol lang ng binatilyo.

Napataas ng kilay ang dalawa at nagkatinginan.

"Ayaw mong gumising ah?!" bulalas ni Blade.

Mabilis siyang lumapit sa tulog na binatilyo at inalis ang kumot nito. Agad niyang
pinuntirya ang baywang nito sabay...

"HOY, GISING!!!!...."

"WAAAAAAH!!!!...."

Pinadaluyan niya ng mahinang kuryente ang katawan ni Ai at ang baywang talaga nito
ang pinuntirya niya para siguradong magising ang bawat himaymay ng katawan nito.
Matapos iyon ay agad na binuhat ni Drake ang binatilyo at mabilis silang tumakbo
pababa papunta sa hapag kung saan nakahanda na ang almusal na niluto ni Hunter.
Tapa, itlog, longganisa, tortang talong at manggang hinog sa panghimagas. Mayroon
ding mainit na kapeng barako.

"Aba, mukhang mabilis niyo yatang nagising si Ai ngayon ah? Hindi kayo nahirapan."
comment ni Hunter.

"Huh, ginamitan ko ng technique." nakangising wika ni Blade.

Yamot naman na napasulyap si Ai dito. Hindi na lang ito umimik kasi medyo shock pa
ang katawan nito dahil sa mahinang kuryente na inabot niya. Nagdasal muna sila bago
kumain. Pagkatapos nilang kumain ng almusal ay agad na naligo si Drake at nagbihis.

"May lakad ka yata?" puna ni Hunter dito.

"Oo. Ngayon iyong araw na napag-usapan namin ni Daisy na manonood kami noong
pelikulang Titanic. Ano, ayos na ba itong itsura ko?"

Tumawa ng mahina si Hunter at napailing ng bahagya.

"Aba-aba! Luma-lovelife ka nang talaga ah?" sa halip ay wika niya.

Iyong maputlang mukha ni Drake ay biglang nagblush.

"Oo nga, may lovelife na si Drake! Uy! Ano naman ang tawag sa loveteam niyo? DD?!"
sutil namang kantyaw ni Blade.

"Okitnam! Tumahimik ka nga diyan! Anong lovelife ang pinagsasabi niyo? Ang bata pa
kaya noon! Friends lang kami no! Huwag nga kayong malisyoso!"

Tumawa ng nakakaloko si Blade.

"Eh bakit ka defensive ah?!"

Hindi na lang umimik si Drake. Lumabas na siya at agad nang umalis... Agad siyang
pumunta sa dapat niyang puntahan... Excited siya, sa totoo lang.

Amaze na napatingin si Daisy kay Drake. Sobrang aga nitong dumating.

"Good morning!" masigla pa nitong bati.

Napangiti siya dito.

"Good morning." bati din niya.

Napakunot-noo si Drake ng makita niya ang dalang fruitsbasket ng dalagita.

"Para kanino iyan?" tanong niya.

"Kay ate Alexa. May sakit siya ngayon eh. Pupuntahan ko siya saglit para
kamustahin. Okay lang ba?"

"Ayos lang. Samahan na kita."

"Sige!"

Napangiti si Drake pero bahagya din siyang nag-alala para sa pinsan nitong si
Alexa. Sinabi kasi ni Daisy sa kanya na mag-isa lang ito sa bahay nito.

"Ahm, ako na ang magdadala niyang fruitsbasket."

Kinuha niya ang dala nito at pinabayaan lang siya nito.

"Thank you."

"Welcome!"

Naglakad na sila at palihim siyang sumulyap kasama niya. Tahimik ito ngayon at
halata sa pagmumukha nito ang pag-aalala. Hindi naman ganoon kalayo ang bahay ni
Alexa. Ilang sandali pa ay naroon na sila. Napatanga si Drake ng mabungaran niya
ang napakaluwang na bakuran at ang napakalaking bahay na nasa gitna noon. Mas
malaki pa ang bahay na iyon sa bahay niya at sa bahay nila Rane... Tapos, iisa lang
ang nakatira doon?

"Paano nalilinisan ang bahay na ito kung mag-isa lang ang pinsan mo?" bigla niyang
tanong.

"May mga binabayaran siyang maglinis. May mga katulong siya diyan pero stay-out."

"Ah..."

Binuksan ni Daisy ang malaking gate. Kabisado nito ang password ng gate. Pumasok na
sila sa loob ng bakuran at naglakad papunta sa bahay. Pagkadating nila sa tapat ng
pinto ay agad na nagdoor-bell ang dalaga. Ilang sandali pa ay nakarinig na sila ng
mga paparating na yabag at marahang nagbukas ang pinto. Bahagyang napaatras si
Daisy ng bumungad sa kanilang harapan ang isang lalaki... Hindi niya ito kilala.
Amaze siyang napatingin dito... Magkaiba ang kulay ng buhok nito, black and
white... Maging ang mga mata nito, red and brown... Kasing tangkad ito ni Drake.
Nakasuot ito ng gray na suit at may suot itong red gloves. Ngumiti ito ng matipid
sa kanila.

"Good morning! You must be Daisy, right? Nabanggit ka na sa akin ni Miss Alexa..."

Isang alanganing ngiti ang sumilay sa labi ng dalagita.

"Oh, sorry! Hindi pa pala ako nagpapakilala. I'm Sebastian, Alexa's personal
butler. Kaka-hire lang niya sa akin kahapon..."

Nagkatinginan sina Drake at Daisy. Pareho silang nagtataka. Halos sabay pa silang
napatitig sa lalaking nasa harap ng pinto.

"P-Personal b-butler?" amaze na wika ni Daisy.

"Yes, Ma'm."

Napatingin siya dito ng maigi at natawa siya ng mahina dahil isang kapilyahan ang
biglang naglaro sa utak niya. Mukhang may ibang rason kung bakit ito na-hire ng
loka-loka niyang pinsan. Pero atleast, hindi na ito mag-isa ngayon at mababawasan
na ang pag-aalala niya... Hindi naman malaman ni Drake kung ano ang dapat niyang
gawin. Siguradong ang lalaking kaharap nila ngayon ay isa sa mga fallen angels na
kanilang kalaban. Iyon nga lang ay hindi niya maintindihan kung bakit nagbago ang
anyo nito...? Hindi niya maramdaman dito ang dati nitong aura, biglang nag-iba?
Hindi siya puwedeng magkamali dahil ilang beses na niya itong nakaharap. Hindi nga
lang niya matandaan ang pangalan nito.

Binalingan ni Sebastian(Hydrian) ang lalaking kasama ni Daisy. Mataman itong


napatingin sa kanya at dahil doon ay napatitig din siya dito. Napakunot-noo siya
dahil pamilyar ang mukha nito sa kanya... Inilahad niya ang kanan niyang kamay.

"Nice to meet you, Sir. I'm Sebastian." magalang niyang wika.

Alanganing nakipagkamay si Drake sa lalaki. Magalang naman ang approach nito at


wala siyang nakikitang threat. Ngumiti siya ng matipid.

"I'm Drake Summertime..."

Napansin niya ang pagtitig ng lalaki sa kanyang mukha.


"May problema ba?" tanong niya.

"Ahm... Nagkita na ba tayo dati? You look familiar..." nahihiyang wika ng lalaki.

Bahagyang nagulat si Drake. Hindi siya nito natatandaan... Kitang-kita niya sa


mukha nito ang amazement. Hindi ito umaarte at nagsisinungaling. Ano kayang
nangyari?

"No. Ngayon lang tayo nagkita, Sebastian..."

Medyo nalungkot ang mukha ng lalaki.

"Ah ganoon ba? Tuloy nga pala kayo sa loob. And, If you don't mind... Ako na ang
magdadala niyan."

Kinuha nito ang hawak niyang fruitsbasket at pinabayaan lang niya ang lalaki.
Nalilito pa rin siya.

"Thank you."

"Welcome."

Pumasok na sila sa loob ng bahay at napasipol si Drake nang makita niya ang
napakaluwang na bulwagan. Tumingin siya sa paligid at wala siyang makita kundi puro
karangyaan... Iyon nga lang, masyadong tahimik ang paligid kaya parang ang lungkot
ng ambeance. Nanatili siyang tahimik at itinuon niya ang buo niyang atensyon sa
lalaking naglalakad sa kanilang harapan. Pinakiramdaman niya ang aura nito. Medyo
nagulat siya kasi ibang-iba na iyon kumpara sa dati... Pumasok nas sila sa loob ng
isang napakaluwang na silid at nakita nila doon si Alexa na nakahiga sa kama.
Napangiti ito ng makita sila ng dalaga.

"Uy! Thank you at naisipan niyo akong dalawin dito!" masigla nitong bati.

Agad na lumapit si Daisy sa pinsan.

"Kamusta ka, ate?"

"I'm fine... Inaalagaan akong mabuti ni Sebastian. Don't worry about me."

Napatingin si Daisy kay Sebastian.

"Thanks, Sebastian! Sana lang, hindi ka pinapahirapan dito ng pinsan ko."

Ngumiti si Sebastian sa dalagita.

"Hindi, Ma'm."

Lumapit na rin si Drake sa dalaga.

"Ang yaman mo pala talaga no?" hindi niya napigilang comment.

Tumawa ng mahina si Alexa.

"Hindi naman." sagot pa nito.

Nakipagkamustahan sila ng sandali kay Alexa pero hindi na sila nagtagal dahil
kailangan nitong magpahinga. Patuloy naman sa pag-iisip si Drake. Ibang-iba ang
kilos ng lalaking...
"Ayos ka lang?"

Medyo nagulat si Drake nang marinig niya ang boses ni Daisy. Alanganin siyang
ngumiti dito.

"A-Ahm.. Oo naman."

"Sigurado ka? Tahimik ka na simula noong dumating tayo sa bahay ni ate Alexa eh..."

Sandaling nag-isip si Drake ng maidadahilan.

"Wala lang. Masyado lang akong nawindang sa kayamanan ng pinsan mo. I mean...
Nakakalula talaga ang laki ng bahay niya... Pati ang mga gamit, mamahalin! Grabe!"

"Siyempre, kaya niyang bumili. Marami siyang hawak na negosyo at lahat ng iyon
kumikita ng malaki kaya marami siyang pera... Kaya nga araw-araw, busy siya eh. At
alam mo ba, hindi trabaho ang turing niya sa ginagawa niya kundi libangan... Kaya
ayan, kung magtapon na lang siya kung minsan ng pera parang wala lang."

Tumango si Drake bilang pagsang-ayon. Pasimple siyang napahawak sa punong-baba


niya.

"Si Sebastian... Matagal na ba siyang kakilala ng pinsan mo?" pasimple niyang


tanong.

"Ewan ko, hindi ko alam. Ngayon ko lang naman na-meet si Sebastian eh. Pero sa
tingin ko, mabait naman siya. Hindi siya pagkakatiwalaan ni ate Alexa kung hindi."

Medyo napangiwi ng palihim si Drake... 'Mabait daw?!' Pero bigla din naman niyang
sinaway ang sarili niya sa kanyang iniisip. Wala siyang karapatang husgahan si
Sebastian dahil hindi niya ito lubos na kilala.

Samantala... Sinamahan nina Hunter at Blade si Ai na puntahan si Lolo Gusting.


Nadatnan nila ang matanda na kumakain ng sandamakmak na nips.

"Anak na lase! Magkaka-diabetes ka niyan sa ginagawa mo eh!" biglang wika ni Blade.

Napatigil sa pagkain si Lolo Gusting at yamot na tumingin sa binata.

"Alam mo, Blade... Magmula nang ginawa ang nips na ito... Wala pa akong
nababalitaang namatay dahil sa pagkain ng nips! Kaya manahimik ka diyan."

Muling sumubo ng isang dakot na nips si Lolo Gusting. Nang mauhaw siya ay saka siya
uminom ng coke.

"Naman! Sinabayan mo pa ng coke! Anak na lase, nagpapakamatay ka na ba?!"

"Kaya nga, Lolo Gusting. Itigil mo nga iyan." segunda ni Hunter.

"Magmula nang ginawa ang coke na ito... Wala pa akong nababalitaang namatay dahil
sa pag-inom ng coke." sagot lang ulit ni Lolo Gusting.

Napaismid si Blade at napahalukipkip.

"Pilosopong matanda! Abuwisit ak pa!"

Sutil lang na sumubo ulit ng isang dakot na nips si Lolo Gusting at saka uminom ng
isang basong coke. Pagkatapos noon ay...
"Ano ba ang atin?" tanong nito.

Ngumiti si Ai dito at lumapit.

"Pasalubong, Lolo Gusting! Kamusta?!" nakangiting wika ni Ai.

Itinaas niya ang dala niyang paper bag na may lamang tatlong-supot ng hopia na
galing pa sa Japan. Iba-ibang flavors iyon. Tumayo si Lolo Gusting at nakangiting
lumapit kay Ai. Yumakap siya dito.

"Ayos lang, salamat!"

"Welcome!" natatawang wika ni Ai.

Napansin niyang mukhang mag-isa lang sa bahay ang matanda ngayon.

"Si Kuya Baste?" tanong pa ng binatilyo.

"Duty niya sa ospital ngayon. Ayon, nag-aasikaso ng mga buntis o kaya ng mga
manganganak."

Dahil sa sagot ni Lolo Gusting ay biglang tumawa si Blade. Na-green na naman kasi
ang utak niya. Na-gets ni Hunter ang iniisip nito kaya natawa rin siya.

"Tumigil ka nga!" saway niya kunwari.

"Anak na lase! Huwag ka nga, eh natatawa ka rin namang animal! Pasimple ka pang
lase!" natatawang wika ni Blade.

"Uhum!... So, hindi ka pa rin pala nagtatanda ah?!"

Napatigil sa pagtawa si Blade. Napatingin siya sa mukha ng nagsalita at ang


nakangiting mukha ni Saint Michael ang nabungaran niya. Iyon nga lang, halatang
alanganin ang pagkakangiti nito. Nasapo niya ang kanyang bibig.

"S-Slip of the tongue!" bulalas niya.

Napataas ng kilay si Michael at nakapamaywang na tumitig sa kanya.

"Palaging iyan na lang ang sagot mo! Nagpunta ako dito para tuparin iyong usapan
natin. Alam mo na, iyong tungkol sa Eat all you can buffet? Naaalala mo pa ba?"

Alanganing ngumiti si Blade.

"O-Oo naman. Tamang-tama nasa kundisyon ang katawan ko. Humanda ka na dahil
siguradong mapapaatras na kita sa suntok ko!"

Yamot na umiling si Michael kaya naman unti-unting nawala ang ngiti sa labi ni
Blade. May hindi magandang mangyayari base sa seryosong mukha nito.

"Nagbago na ang isip ko. Postpone na muna iyon ngayon. Sa palagay ko, dapat muna
kitang parusahan. Umaabuso ka na sa akin eh. Masyado na yata kitang nai-spoild kaya
dapat lang na disiplinahin na kita ngayon..." seryosong wika ni Michael.

Hindi makapagsalita si Blade. Bagkus ay napalunok siya ng katakot-takot...

"Uy, sorry na!" tarantang wika ni Blade.


Lumuhod pa siya at nagpapakaawang tumingin sa seryosong mukha ni Michael. Mataman
itong tumitig sa kanya at walang pasintabi nitong itinuro ang papag sa tabi na nasa
silong ng mangga.

"Dumapa ka diyan!"

Nagulat ang lahat dahil first time nilang marinig ang galit na boses ni Michael.

"B-Bakit?!"

"Wala nang tanong-tanong! Basta dumapa ka na diyan!"

"B-Bakit n-nga?!" napapikit na wika ni Blade.

"DAPA!!!..."

Labag na labag man sa kalooban ni Blade ay napilitan siyang dumapa sa papag. Wala
namang imik na inalis ni Michael ang belt ng kanyang pantalon. Inayos niya iyon sa
kanyang kanang-kamay... Lumapit siya kay Blade at malakas niya itong pinalo ng
sinturon sa puwet!

"Ageeeh!!!!..." atungal ni Blade.

Natuliro si Ai sa nasaksihan. Pero hindi nagtagal ay tumawa ito kasunod sina Lolo
Gusting at Hunter. Napipikon namang napatingin sa mga kasama si Blade. Dahil doon
ay nakapag-react siya.

"Okinnayo! Tumawa lang kayo ah! Di ang sasaya niyong aninimal!"

"Ikaw!!..."

Mas nilakasan na ni Michael ang palo.

"AGEEEEHHHHH!!!!..."

Samantala... Palakad-lakad si Vaulant sa harapan ni Ike. Inis naman na napasapo sa


noo ang huli.

"Itigil mo nga iyang ginagawa mo ay! Nakakahilo!" reklamo niya.

Inis na tumingin si Vaulant kay Ike.

"Tumahimik ka nga! Nag-iisip ako dito ng gagawin eh..."

Hindi na lang umimik si Ike. Na-boring na silang dalawa sa pagbabantay ng mga


pinapalaking demon ni Beelzebub kaya naisipan nilang lumabas at magliwaliw sa kung
saan-saan. Sa ngayon ay nagsawa na sila. Nag-ring ang cellphone ni Vaulant kaya
napatigil ito sa paglalakad. Sinagot nito ang tawag.

"Yes?"

"Kamusta ka, Vaulant... How dare you 3x a day! Ako ito, si Beelzebub."

Natawa ng mahina si Vaulant.

"Beelzebub... May kailangan ka?"

"Nasaan kayong dalawa ni Ike?"


"Hmm... Nandito lang sa tabi-tabi."

"Good! Since nandiyan na rin lang kayo... Puwede bang pakihanap niyo na diyan sa
tabi-tabi si Hydrian?"

Medyo na-amaze si Vaulant sa kanyang narinig.

"Si Hydrian?"

Napatingin si Ike kay Vaulant ng marinig niya ang pangalan ni Hydrian.

"Oo. Nawawala ang tarantado..." ipinaliwanag ni Beelzebub kay Vaulant ang lahat.

Tumawa naman ang huli sa kanyang narinig.

"Peste ka! Huwag kang tumawa, walang nakakatawa! How dare you 3x a day!"

"Same to you... How dare you 3x a day!" nang-aasar pang wika ni Vaulant.

"Tsk! Basta, hanapin niyo na lang sa tabi-tabi ang buwisit na si Hydrian!"

"At kung mahanap namin siya?"

"Dalhin niyo siya sa akin!"

Nag-end na ang tawag. Isang marahas na buntung-hininga ang pinakawalan ni Vaulant.

"Ano raw?" untag ni Ike.

"Kailangan nating hanapin dito sa tabi-tabi si Hydrian. Nawawala daw siya sabi ni
Beelzebub."

Napataas ng kilay si Ike.

"Nawawala? Matanda na siya, nawala pa siya?!" papilosopo niyang wika.

Tumawa ng mahina si Vaulant sa sinabi niya at ganoon din naman siya. Nagkibit-
balikat ito.

"Hanapin na lang natin siya. Alalahanin mo, isa sa Seven Prince of Hell ang nag-
utos nito. Sumunod na lang tayo."

"Pero teka, paano itong ginawa mo dito?"

"Anong ginawa?"

"Itong estatwa?"

Napatingin si Vaulant sa isang babasaging estatwa ng isang babae. Gawa iyon sa


napakaputing ceramics. Napangiti siya at napahawak sa kanyang baba. Nag-ipon siya
ng kaunting kapangyarihan sa kanyang kanang-kamay. Pagkatapos noon ay marahan
niyang ibinuga ang kapangyarihan sa estatwa. Bumalot ang kapangyarihan doon. Ilang
sandali pa ay unti-unting gumalaw ang estatwa. Greek inspired iyon. Estatwa ni
Venus.

"Bumaba ka at manggulo!" utos ni Vaulant.

Marahang tumango ang estatwa at pagkatapos noon ay naglakad papunta sa may bintana.
Tumuntong ito doon at saka tumalon mula sa mataas na gusali.
"Tara na, umalis na tayo at maghanap sa kung saang tabi-tabi!" wika pa ni Vaulant
kay Ike.

"Tara!"

Samantala... Kasalukuyang naglalakad sina Daisy at Drake sa mall. Tinutulungan ni


Daisy si Drake na bumili ng ipangreregalo para sa gaganaping christmas party. Si
Creta ang nabunot nito. Katatapos lang nilang manood ng pelikula.

"Ano ba ang favorite scene mo doon sa movie?" biglang tanong ni Drake.

Tumawa si Daisy.

"Sinabi ko na di ba? Iyong eksena kung saan pinalakol ni Rose 'yung posas ni Jack.
Ang thrill kaya non!"

Napangiwi si Drake.

"Iyon talaga? Hindi iyong sketch session... O kaya iyong sa, ahm... Kotse?! Iyon
kasi ang favorite kong scene eh..."

Nakalimutan na nito ng bahagya nag tungkol kay Sebastian.

"Iyon nga ang gusto ko, bakit ba?"

Tumawa na lang siya at hindi na nag-comment. Ipinagpatuloy na lang niya ang


paghahanap ng bagay na maipangreregalo kay Creta.

"Ano ba ang mga gusto ni Kuya Creta?"

"Baraha!" yamot niyang sagot.

"Hah?"

"Baraha nga."

Natawa si Daisy at bahagyang napailing.

"Ano kaya kung regaluhan mo siya ng gamit na mata-touch siya? Imposibleng wala
siyang gusto na iba bukod sa mga baraha?" suggestion niya.

Sandaling nag-isip si Drake. Naalala niya ang greatest weakness ni Creta... Ang
pamilya nito. Ngumiti siya sa kasama niya.

"Sa tingin ko, may ireregalo na ako sa kanya. Magpapagawa ako... Personalize."

Napangiti si Daisy sa kanya.

"Magandang idea."

Nang walang ano-ano'y...

"Uy, Drake kamusta?!"

Napatingin siya sa nagsalita at nakita niya ang nakangiting mukha ni Dorothy kasama
si Aleister. Natuliro siya ng makita niyang mahigpit na magka-holding hands ang
dalawa. Lumapit sina Aleister at Dorothy sa kanila.
"Uy, ganyan na pala ang taste mo ngayon ah?" pasimpleng kantyaw ni Aleister.

Isang irap ang isinagot niya.

"Nagpapasama lang ako no." defensive niyang wika.

Muli siyang tumingin na maigi sa dalawa.

"Eh kayong dalawa? Anong ibig sabihin niyang holding-hands while walking na iyan?!"
puna niya.

Ngumiti ng maluwang sa kanya ang dalawa.

"Kami na eh." confirmation ni Aleister.

Napatanga si Drake at na-amaze sa dalawa. Nabigla siya sa sinabi ni Aleister kasi


kailan lang nagkakilala ang dalawa.

"K-Kailan pa?!" bulalas niya ng makabawi siya sa pagkabigla.

Napa-ehem muna si Aleister bago magsalita.

"Alam mo kasi, pagkatapos ng engkuwentro natin sa mga witches... Ibinalik ko kay


Dorothy iyong broomstick na hiniram ko sa kanya. Tapos, nang gabi ding iyon niyaya
ko siya ng date... Nanligaw ako sa kanya at kami na nga."

Medyo napaubo si Drake sa narinig. Napatanga naman si Daisy na napatingin sa


dalawa.

"Muret kang babae ka! Hindi ka man lang nagpakipot?!" sermon ni Drake kay Dorothy.

Tumawa ito ng mahina.

"Eh gusto ko siya eh." mabilis na sagot ni Dorothy.

"Malanjotay ka talaga!"

Samantala... Kalalabas lang ni Hydrian galing sa department store. Namili siya para
kay Alexa dahil naubusan na ito ng stock sa pantry. May naramdaman siyang kakaiba.
Isang pamilyar na aura ang papalapit nang papalapit sa kinaroroonan niya. mabilis
na mabilis iyon. Napatingala siya at nanlaki ang kanyang mga mata ng makita niyang
babagsak malapit sa kanya ang isang malaking bagay. Napatingin siya sa direksyong
babagsakan nito... Sa mga batang naglalaro sa may playground. Dahil doon ay mabilis
siyang kumilos at hindi na siya nagdalawang-isip na buhatin at itakbo palayo ang
mga batang naroon. Eksaktong pag-alis nila ay saka bumagsak ang bagay na iyon na
nagmula sa mataas na palapag ng gusali. Marami ang nagulat lalo pa at lumubog at
nawasak ang sementong kinabagsakan noon. Nagkaroon ng malalim na hukay. Marami ang
lumapit sa hukay at nagulat ang lahat ng bumangon doon ang isang rebultong
gumagalaw. Marami ang napasigaw.

Inihanda ni Sebastian ang sarili, hindi niya maintindihan... Pamilyar na pamilyar


sa kanya ang nakabalot na kapangyarihan sa werdong estatwa na iyon. Naglakad ito
patungo sa kanilang direksyon.... Itinago niya sa kanyang likuran ang mga bata para
protektahan ang mga ito. Isang malakas na suntok ang isinugod nito sa kanya.
Pinagkrus niya ang mga braso para maprotektahan ang sarili. Bahagya siyang
napaatras sa suntok nito. Muli itong gumalaw para sumugod... Iyon nga lang ay medyo
mabagal. Ilang segundo ang pagitan bago ito nakakagalaw ng maayos. Sinamantala niya
iyon at mabilis na sinuntok ang mukha ng estatwa. Bigla itong huminto sa paggalaw,
pagkatapos noon ay nawasak ang mukha nito hanggang sa kalahati ng katawan.
Napangiti siya.

"Ang galing mo, Kuya!" wika ng batang-lalaki na nasa likuran niya.

Nag-cheer din sa kanya ang dalawa pang bata na kalaro nito pero nawala ang masaya
nilang moment nang unti-unting nabuo muli ang nawasak na estatwa. Muli itong
gumalaw at naghanda sa pagsugod.... Kumilos na ito at umalingawngaw sa paligid ang
malalakas na putok ng baril kasunod ng...

"CRASH CLAW!!!... HYAAA!!!...."

Dalawang lalaki ang biglang lumitaw at sa isang iglap lang ay napulbos ang estatwa.
Gulat na napatingin si Sebastian sa mga bagong dating. Pamilyar sa kanya ang isang
lalaki at nang lumingon ito ay...

"D-Drake?" bulalas niya.

Ngumiti ito sa kanya.

"Mukhang pinagtatagpo tayo ng tadhana ah? Nasa malapit lang kami kaya tinulungan ka
agad namin nitong kaibigan kong exorcist.."

"E-Exorcist?" maang na wika ni Sebastian.

Kumindat ang lalaking kasama ni Drake. May hawak itong malalaking baril sa
magkabila nitong mga kamay.

"Oo. Ako iyon. My name is Aleister. Ikaw?"

Nanatiling nakatitig si Sebastian sa dalawa. Ang astig ng mga ito... Hindi siya
makapaniwala sa kanyang nakita. Heto nga at umurong na yata ang dila niya.

"His name is Sebastian..." si Drake na ang sumagot.

Ngumiti si Aleister dito. Tama nga ang sinabi ni Drake sa kanya na wala ngang
natatandaan ang lalaki. Mukhang may nangyari kaya nawala ang memorya nito plus
nagbago ang anyo... Pero hindi maikakaila na isa ito sa mga fallen angel na kalaban
nila Blade... O kalaban pa rin ba? Gumawa ito ng good deed kanina kaya nila ito
tinulungan.

"Iyan ba ang pauso mong hairstyle ngayon?" kunwari ay puna niya.

Napakurap si Sebastian at napahawak sa buhok niya. Napangiti na siya.

"Wala lang ito, trip..." sagot niya.

Mukhang magkakaroon siya ng maraming kaibigan dahil nakilala niya si Drake...

Samantala... Napakunot-noo si Zech ng tawagan siya ni Blade. Napatigil siya sa


kanyang ginagawa.

"Oh, bakit?" tanong niya.

"Nasaan ka ngayon?"

"Nandito ako kina Rane. Tinutulungan ko siyang itanim iyong mga african violets
niya. Bakit?"

"M-May alam ka bang halaman na maipanggagamot sa mga l-latay..?!"


Biglang naging uneasy ang boses ni Blade kaya naman nagtaka si Zech.

"Mayroon. Paano ka nagkalatay?"

"Anak na lase, basta!"

"Fine. Saang parte ng katawan mo ang may latay at nang magamot natin?"

"Baon-inam!"

Tooot! Bigla nitong ini-end ang tawag. Napatingin si Rane sa kanya.

"Anong problema noon?" bigla nitong tanong.

Nagkibit-balikat siya.

"Ewan ko, binabaan akong bigla eh."

Puzzled tuloy si Zech kay Blade... At si Blade, siguradong hindi niya sasabihin
kung saan siya nagkaroon ng latay... Magkamatayan na!

38. The Gift

"The Gift"

Napangiti si Rane nang buksan niya ang regalong nakuha niya sa kanilang christmas
party. Si Blade ang nakabunot sa kanya.

"Ang cute!" bulalas niya.

Isa iyong silver na bracelet na may designs ng angel-wings. Itinaas pa niya ang
bracelet at kuminang sa liwanag ng buwan ang mga palamuti nitong kristal na kasama
ng mga pakpak. Nasa hardin siya sa terrace ng kanyang silid.

"Sorry ah? Iyan lang ang kaya ng budget ko eh."

Napatingin siya sa nagsalita at nakita niya si Blade na nakangiti ng matipid. May


hawak itong regalo na medyo kalakihan. Si Zech ang nakabunot dito.

"Gustung-gusto ko kaya ito. Ang cute."

"Salamat naman kung ganoon. Pumunta ako dito para tingnan kung natuwa ka sa regalo
ko. Salamat naman at nagustuhan mo."

Sumandal si Rane sa balaster.

"Hindi naman iyong halaga ng regalo ang importante kundi iyong value noong
nagbigay. Itinuro iyon sa amin ni Daddy noong mga bata pa kami ni Karen. Ikaw, ano
naman ang natanggap mo?"

Tumingin si Blade sa may kalakihang kahon ng regalo na hawak niya. Si Zech ang
nagbigay noon. Ito ang monito niya ngayong pasko.
"Ewan ko, hindi ko pa alam. Napag-usapan kasi namin ng tropa na sa bahay namin
bubuksan ng sabay-sabay ang mga regalong natanggap namin."

"Ang daya naman! Gusto sanang makita ang regalo mo eh."

"Ipapakita ko na lang bukas. Anyway, kailangan ko nang umalis. Siguradong inaantay


na ako ng mga tukmol na iyon. Merry Christmas na lang!"

Bago pa makapagsalita si Rane ay mabilis nang naglaho na parang bola si Blade.


Napakurap na lang siya at napangiti. Isinuot na niya ang bracelet.

"Merry Christmas." mahina niyang wika.

Samantala... Napahinga ng malalim si Alexa habang naglalakad sa malawak na hardin


ng kanyang bahay. Katatapos lang niyang um-attend sa kasal ng malayo niyang pinsan.
Nakasuot siya ng puting-dress na lagpas tuhod at nakaayos ng bridge ang buhok niya.
Nakayapak lang siya dahil masakit na ang paa niya sa suot niyang sapatos. Bitbit
iyon ni Sebastian na matamang nakasunod sa kanya. Tumingin siya dito.

"How do I look?" bigla niyang tanong.

Hindi sumagot si Sebastian pero isang matipid na ngiti ang namutawi sa labi nito.
Naiinis siyang tumingin dito at naupo sa may batuhan. Tumayo ito sa harap niya
habang bitbit nito ang mga sapatos niya.

"Nakaka-badtrip!" bigla niyang pakli.

"Why? The Wedding is very nice. Everybody is happy."

"Huwag ka ngang umasta na parang hindi mo alam kung bakit ako badtrip."
napangalumbaba niyang wika.

"Badtrip ka dahil pini-pressure ka nila na sumunod nang mag-asawa kaso ayaw mo. Or
hindi ka lang makapaniwala na may happy ending?"

Natigilan si Alexa at napaangat ng tingin. Napatitig siya sa mukha ni Sebastian na


seryosong nakatingin sa kanya. Nasapol siya sa huling sinabi nito.

"I hit you on the core, right? Alin doon, iyong una o pangalawang sinabi ko?"

Nanatili siyang nakatingin dito pero hindi siya sumagot. Masyadong maraming opinyon
ang Sebastian na ito sa lahat ng bagay. Masyadong matalino... Kaya kung minsan,
pinaghihinalaan niya itong nagpapanggap lang na walang maalala. Umupo si Sebastian
sa kanyang tabi.

"Alam mo, malapit nang matapos ang pasko at parating na ang bagong taon. Bakit
hindi mo isama sa iyong New Years Resolution ang paniniwala sa happy-ending? O
kaya, puwede ka na ring magsimulang maniwala sa romance, passion, and the fatal
thing called love?"

Natawa siya at napailing. He is acting weird. Mukhang nalasing yata ito kanina
dahil nakita niyang uminom ito... Kaunti.

"Lasing ka ba?" bigla niyang tanong.

"No."

"Masyado kang madaldal ngayon. Mas marami kang sinasabi kaysa sa dati. Bumalik na
ba ang memorya mo, ha?" paglilihis niya ng topic.
Kumunot ang noo ng binata at matamang tumitig sa kanya. Bigla naman siyang nailang
sa ginawa nitong gesture.

"Sana nga bumalik na ang memorya ko. Pero hanggang ngayon, wala pa rin talaga akong
maalala. Call me crazy or what... Pero kasi, minsan... Hinihiling kong huwag na
lang sanang bumalik ang mga alaala ko. Parang ayaw ko nang malaman kung sino ba
talaga ako kasi masaya akong maging si Sebastian."

Hindi nakaimik si Alexa sa sinabi nito. Kasi siya, minsan... Iniisip din niya ang
bagay na iyon. Na sana, huwag nang bumalik ang mga alaala nito... Dahil kapag
nangyari iyon, iiwanan din naman siya nito sa bandang huli at mag-isa na naman
siya.

"Alam mo Alexa, masyadong nakakatakot para sa'yo ang mga bagay na alam mo pero
hindi mo pa sinusubukan. Mahilig kang tumakas, magtago at tumakbo."

Nasapol na naman siya sa opinyon nito. Namumuro na ang Sebastian na ito ah?!
Sandali siyang nag-isip ng maidadahilan.

"Hindi naman ako tumatakbo kasi walang humahabol sa akin. Kaya paano mo nasasabi sa
akin ang mga ganyang bagay?" napataas na kilay niyang wika.

Ngumiti ng matipid sa kanya si Sebastian.

"Alam mo kung ano ang tinutukoy ko. Hindi iyon literal. Ano nga kaya kung gawin ko
'to..?"

Napakislot siya ng hawakan nito ang punong-baba niya at mariin itong tumitig sa
kanyang mukha. Marahan nitong hinaplos ang gilid ng labi niya at inilapit nito ang
mukha. Napalunok siya. Nag-iinit ang buo niyang mukha at hindi pa nangyari ang
bagay na ito sa kanya. Ngayon lang.

"T-This is wrong..." defensive niyang wika.

Mas lumalim ang tingin nito at mas naging seryoso ang mukha. Mas idiniin nito ang
pagkakahawak sa punong-baba niya.

"Ano ang mali dito?" biglang tanong ni Sebastian.

Napapikit siya. Hindi na niya kayang salubungin ang kakaiba nitong tingin. Hindi
niya mawari kung ano ang nababasa niyang kislap sa mga mata nito. Kinakabahan siya,
natatakot, natutuwa, excited... Hindi na niya maintindihan ang nararamdaman niya.

"I-I'm your boss at ikaw... Your my butler and this is wrong..." halos hindi na
siya makapagsalita.

Extreme intimidation was there.

"Ano nga ang mali? Point it..."

Napalunok ulit siya. Hindi na siya makapag-isip dahil nabablangko na ang utak niya.
O sadya nga kayang walang mali?!

"See...? Wala namang mali, di ba? Ikaw lang ang nag-iisip noon."

"B-But-"

Tinakpan ng hintuturo nito ang labi niya. Kasunod noon ay marahan nitong hinaplos
ang buong labi niya na para bang imini-memorize iyon. Ewan niya dahil nga nakapikit
siya. Huminga siya ng malalim. Naaamoy niya ang mainit nitong hininga. Ibig
sabihin, malapit na malapit lang ang mukha nito sa kanya. Maybe around two to three
inches?!

"Sssshhh... Let's just kiss." husky nitong wika.

Matapos iyon ay naramdaman na niya ang labi nito sa kanyang labi... She smells the
scent of alcohol and mint... Sabi na nga ba, baka lasing lang ito. Iyon nga lang,
ayaw maniwala ng utak niya sa iniisip niyang dahilan. Ano ba?! But she can't resist
his kiss... It was sweet, so deep, warm and full of passion... She respond on that
kiss and she cling on his neck. He slowly touch her back and hug her tight. They
feeling of wanting was there... The kiss was extremely-crazy! It was a sweet sin.
Hindi niya alam kung gaano sila katagal nag-kiss. Basta, ang alam niya ginawa nila
iyon. Humihingal siyang napatingin sa mukha ni Sebastian na matamang nakatingin sa
kanyang mukha. Nagkalat sa labi nito ang bakat ng lipstick niya. Taylor-red.

Ilang sandali pa ay natauhan na siya. Ibinalik niya ang bossy attitude niya at
kalmadong tumingin kay Sebastian.

"That was crazy... Don't ever kiss me again. Palalagpasin kita ngayon kasi nakainom
ka at-"

The guy kiss her again. Gusto niyang tumutol pero hindi niya kaya. Gusto niyang
magalit pero wala siyang dahilan. Natutunaw na yata siya?

Samantala... Dumating na si Blade sa bahay. Nadatnan niyang nagpapakitaan na ng mga


nakuhang regalo ang lahat.

"Hunter, ano ang nakuha mo?" bungad niya.

Ngumiti ng makahulugan si Hunter sa kanya at tumingin sa lahat. Iniangat nito ang


box na may lamang... Kitchen Knife set.

"Ang gaganda hindi ba?" nakakaloko nitong tanong.

"Oo nga. In-order ko pa iyan sa Palac-Palac. Gawang Swordrrubio iyan, kaya


siguradong matatalas!" proud na wika ni Creta.

Ito kasi ang nakabunot kay Hunter. Alanganing nagkatinginan sina Blade at Drake.
Parang gusto nilang sakalin si Creta. Sa lahat ba naman ng pupuwede nitong iregalo
kay Hunter ay iyon pa?! Sana lang, huwag itong magkaroon ng topak dahil tiyak na
magiging practice target na naman sila.

"Excited na akong gamitin ang mga ito eh. Kayong dalawa, ano ang mga natanggap
niyo?" nakangising wika ni Hunter.

Itinaas ni Drake ang kanan niyang braso. Isang wristwatch ang regalo ni Azrael.
Binuksan naman ni Blade ang regalo niya at napa-wow siya ng makita niya ang isang
personalize na t-shirt. Nakatatak sa front ang logo ng strawhat pirates, sa likod
naman ay ang logo ng OnePiece at sa baba noon ay ang pangalan niya. Kulay black ang
t-shirt na iyon. Kinuha niya ang t-shirt sa kahon at nalantad sa kanya ang isa pang
t-shirt na kulay-puti. Nakatatak sa harapan ang logo ng Op-Op fruit at sa likod ang
red logo ng OnePiece na may pangalan na namang Blade sa ibaba. Nakangiti siyang
tumingin kay Zech at excited na lumapit.

"Pare, thank you! Merry Christmas! Pakiss nga!" excited niyang wika.

Akma siyang hahalik sa pisngi ni Zech pero mabilis na hinarang ng kamay nito ang
labi niya.

"Okay na sa akin ang thank you at Merry Christmas!" nanggigil nitong wika.

Gardening tools ang nakuha nitong regalo mula kay Rane. Si Azrael, bagong memory
card. Mula kay Ai iyon.

"Masaya ang lahat pero tingnan niyo naman itong regalo ko... Ang kuripot! Hindi ko
pa nabubuksan, alam kong picture-frame ang laman ng isang ito. Sheyt ka, Drake!"
yamot namang wika ni Creta.

"Okitnam, buksan mo kaya muna bago ka diyan ngumatel! Abuwisit ak pa, nahirapan ako
sa pag-iisip ng ireregalo sa'yo, uy!"

"Tama naman si Drake. Huwag kang mapanghusga. Pero sure din ako, picture-frame nga
iyan! Ha ha ha, anak na lase!" natatawang wika ni Blade.

Binuksan nga ni Creta ang regalo at nalantad sa kanya ang may katamtamang laki ng
picture-frame na may lamang sketch nilang tatlo ng pamilya niya. Babasagin ang
picture-frame at may design na mga bulaklak na casablanca sa paligid. Ang
paboritong bulaklak ng asawa niya... Napangiti siya ng makita niya ang magandang
sketch. Natata-touch siya ng husto, hinaplos niya ang mukha ng asawa at anak niya.
Tuliro siyang napatingin kay Drake. Nangilid ang luha niya. Natawa siya at
napailing. Para sa kanya, pinakamaganda ang natanggap niya dahil wala iyong
katumbas na presyo.

"Sheyt ka talaga, Drake... Salamat."

"Walang-anuman, okitnam!"

Dahil doon ay natawa ang lahat.

"Mga baliw..." mahina namang comment ni Ai.

Isang miniature na bahay-kubo ang natanggap niya mula kay Hunter. Napangiti naman
si Blade habang nakatingin kay Creta. Hindi niya maipaliwanag ang sayang nakita
niya sa mukha nito habang nakatingin sa sketch na nasa loob ng frame. Ang galing ng
naisip ni Drake.

"Ang galing mo, bestfriend. Ikaw ang may pinakamagandang naibigay na regalo sa
lahat."

Nagkibit-balikat na lang si Drake at ngumiti.

"Nga pala, may mga natira pang shanghai, ice cream at kaunting pansit dito..."
biglang wika ni Hunter.

Dahil sa narinig ay mabilis na lumapit si Blade sa kinaroroonan nito.

"Ano pa bang gagawin eh di lantakan para hindi masayang!" wika niya.

Agad siyang kumuha ng plato at nilagyan ng mga pagkain iyon. Pero laking-gulat niya
ng mawala ang hawak niyang plato na may lamang pagkain.

"Anak na lase! Bakit niyo naman kinuha ang plato ko?! Kumuha din kayo ng sa inyo at
huwag kayong nang-aagaw na animal!"

Pero natigilan siya ng pagharap niya sa mga kasama niya ay wala namang hawak na
plato ang mga ito. Itinuro ni Zech ang tabi niya. Nasapo ni Blade ang bibig at
tumingin sa kanyang tabi. Nakita niya si Gabriel na hawak ang plato niya at
prenteng kumakain.

"Ang sarap nitong handa niyo ah?" wika pa nito.

Tumingin ito sa kanya at ngumiti. Kasunod noon ay pasimple na siyang lumayo.

"Huwag kang mag-alala, Blade. Palalagpasin kita ngayon dahil magpapasko."

Muling sumubo ng pagkain si Gabriel. Nginuya muna niya iyong maigi bago nilulon at
saka nagsalita.

"May trabaho ako para sa inyo." wika niya.

"Teka lang, magpapasko na eh." biglang wika ni Drake.

"Tama ka, Drake. At may kinalaman naman sa pasko itong ipagagawa ko sa inyo."

Inilapag ni Gabriel ang plato sa mesa at humarap sa lahat.

"Mukhang masaya naman kayong lahat sa mga natanggap niyong regalo, hindi ba?"

"Oo naman." si Creta.

"Good."

Humalukipkip si Gabriel.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Heto ang mission niyo. Kailangan niyong
hanapin si Lander Aniston.." umpisa niya.

"Bakit? Sino ba iyon?" maang na tanong ni Creta.

"Ordinaryong tao lang naman siya."

"At bakit naman namin kailangang hanapin ang taong iyan? Hindi ba dapat mga pulis
ang gumagawa ng bagay na iyan?" napahalukipkip na wika naman ni Zech.

"Hindi ordinaryo ang pagkawala niya. Ganito kasi ang kuwento.. Si Lander Aniston ay
isang simple at mabait na tao. Higit sa lahat, mayroon siyang napakatatag na
pananampalataya sa ating Panginoon, ang ating Ama. Ngayon, itong si Satan badtrip
na badtrip sa kanya dahil doon... Ginawa niya ang lahat ng paraan para mawala ang
pananampalataya ni Lander pero hindi ito natinag. At itong si Satan na hindi
matanggap ang pagkatalo... Alam niyo na, gumanti siya sa paraang masakit na
masakit..."

"Anong klaseng ganti?" curious na tanong ni Blade.

Kumuha muna ng isang pirasong shanghai si Gabriel at kumagat doon bago nagsalita.

"Nagpakita siya kay Lander at ibinaon niya sa katawan nito ang isang asul na
diamond... Isa iyong piraso ng pinatigas na apoy ni Satan... Dahil sa nangyari,
unti-unting nagiging diyablo si Lander. At ang ginawa naman ng huli, lumayo siya at
nagtago. Alam niyang magiging panganib siya sa lahat lalo na sa kanyang pamilya.
Nagpunta siya sa ruin ng lumang siyudad at itinago ang sarili doon. Kapag nahanap
niyo siya, alisin niyo sa loob ng kanyang katawan ang blue diamond na ibinaon ni
Satan. Plus, wasakin niyo na rin iyon.

Kapag nagawa niyo ng maayos ang mission na ito, maibibigay niyo kay Lander ang
pinakamagandang regalo sa pasko na hindi kayang tumbasan ng kahit na ano. Makakauwi
na siya sa kanyang pamilya at makikita niyang maisilang ang ikalawa niyang anak sa
araw mismo ng pasko. Kailangan niyong bilisan dahil kapag tumagal pa ang blue
diamond sa loob ng kanyang katawan... Unti-unti siyang magiging diyablo at hindi
magtatagal, bibigay ang katawan niya sa init ng apoy ni Satan. Mamamatay siya.."

Natigilan ang lahat matapos nilang marinig ang kuwento ni Gabriel. Napailing si
Creta at natawa ng mahina. Tumingala siya para pigilan ang pagbagsak ng kanyang mga
luha pero walang nangyari. Tuluyan pa ring bumagsak ang mga iyon. Pasimple siyang
nagpunas ng mga luha. Naiintindihan niya ang pakiramdam ng taong iyon...

"Ano, may tanong pa ba kayo? Tumatakbo ang oras... Nasa lumang ruin lang siya ng
lumang siyudad. Madali niyo siyang makikita dahil mararamdaman niyo sa kanya ang
aura ni Satan." untag pa ni Gabriel sa lahat.

"Kung ganyan ang usapan, game na kami." wika ni Blade.

"Sama ako!" singit ni Ai.

Pero...

"MAIWAN KA!" wika ng lahat.

Natahimik ang binatilyo at napasimangot.

"Tama sila. Hindi ka makakatulong. Maiwan ka na lang dito kasama namin ni Azrael.
Kumain na lang tayo." wika pa ni Gabriel.

Hindi na tumutol si Ai. Inayos muna nina Blade, Creta, Drake, Hunter at Zech ang
kanilang mga regalo bago tuluyang umalis.

"Tara na!" sa pangunguna ni Creta.

Nauna na siyang lumabas ng bahay at tumakbo ng mabilis papunta sa lumang siyudad.


Mariin niyang ikinuyom ang kanyang mga kamao. Hindi niya hahayaang mamamatay ang
taong iyon lalo pa at may pamilya ito. Higit sa lahat, magsisilang ang asawa nito
sa araw mismo ng pasko.

Mataman namang nakatingin kay Creta ang mga kaibigan niya. Naiintindihan nila ang
nararamdaman ng kaibigan. Apektado ito. Ilang sandali pa ay natanaw na nila ang
ruin ng lumang siyudad. Punung-puno ng malalaking puno ang paligid nito na may mga
nakalaylay na lumot sa paligid. Abandonado na talaga ang lugar na iyon.

"Mas mabuti kung maghihiwa-hiwalay tayo sa paghahanap para mas madali natin siyang
makita." wika ni Zech.

"Good idea." sang-ayon ni Hunter.

Iyon na nga ang napagkasunduan ng lahat. Naghiwa-hiwalay nga sila at nagpunta sa


kanya-kanyang direksyon.

Nakahalukipkip ang isang lalaki sa madilim na sulok sa loob ng isang lumang gusali
na puno ng damo at makakapal na lumot... Matamang napatingin si Lander sa kanyang
mga kamay. Lumalagutok ang mga iyon at nangingitim ng paunti-unti ang kanyang mga
kuko kasabay noon ang dahan-dahan nitong paghaba. Nanginig siya sa takot.. Ganoon
pa man ay humalukipkip siya at nagdasal... Tanging patak lang ng tubig ang
naririnig niya sa buong sandali hanggang sa makarinig siya ng tawa, isang
nakakaloko at nang-iinsultong tawa.
"Sige, magdasal ka lang. Tingnan ko lang kung pakikinggan ang iyong mga hinaing.
Ilang-araw mo nang ginagawa ang walang-kuwentang bagay na iyan pero may nangyayari
ba? Huwag kang ipokrito, masama ka rin kagaya ng iba. Isa ka ring makasalanang
nilalang... Tingnan mo ang sarili mo."

Inis na sinapo ng lalaki ang ulo niya. Nanggagaling sa kanyang loob ang boses na
iyon. Wala sa sariling tumayo siya at tiningnan ang sarili sa isang basag na
salamin. Nagbabago na ang kulay ng kanyang mga mata. Red-orange na iyon at humahaba
na ang kanyang mga pangil... Nauuhaw siya. Mabilis siyang uminom ng tubig pero uhaw
pa rin siya. Galit niyang sinuntok ang pader sa gigil. Nasugatan siya. Natigilan si
Lander ng makita niya ang sarili niyang dugo. Naamoy niya iyon. Hindi niya
maintindihan pero tinikman niya ang sarili niyang dugo. Nagulat siya ng masarapan
siya sa lasa... Umiling-iling siya.

"Masarap, hindi ba? Gutom na gutom ka na at nauuhaw... Bakit hindi ka kumain? Umuwi
ka, tiyak na magugustuhan mo ang dugo ng asawa mo at ang sariwang laman ng dinadala
niyang sanggol sa kanyang sinapupunan..."

Inis niyang iniumpog ang sarili.

"Argh! Manahimik ka!"

Lumuhod siya at humalukipkip... May kakaiba siyang nararamdaman sa loob ng kanyang


katawan... Mainit. Desperado na siya. Nahagip ng mga mata niya ang basag na
salamin. Napalunok siya. Lumapit siya at kinuha iyon. Tumingala siya sa langit.

"Patawarin po Ninyo ako sa aking gagawin. Alam kong kasalanan ito pero wala na
akong ibang pagpipilian. Hindi ko maaatim na makasakit ng iba, lalo na ang pamilya
ko..."

Akma nitong itatarak ang matulis na bahagi ng bsag na salamin sa kanyang dibdib
pero hindi niya nagawa dahil isang kamay ang mahigpit na humawak noon. Gulat siyang
napatingin sa may-ari ng kamay at nakita niya ang isang lalaki sa kanyang harapan.
May mahaba itong black raven hair at ang maamo nitong mukha ay nakatingin sa kanya.

"Ano sa palagay mo ang ginagawa mong animal?!" bigla pa nitong wika.

Napakunot-noo siya.

"S-Sino ka?" gulat niyang tanong.

Kinuha ng lalaki ang basag na salamin sa kanyang kamay. Itinapon nito iyon at
yumukod para harapin siya. Matiim itong tumitig sa kanyang mukha.

"Sabihin mo, naniniwala ka ba sa mga himala?" bigla pa nitong wika.

"Himala?!" nalilito niyang wika.

Ilang sandali pa ay napailing siya. Bigla niyang naalala na mapanganib na siyang


nilalang.

"Alam mo, Mister... Lumayo ka na lang sa akin. Mapanganib ako, baka masaktan lang
kita at-"

"Tama na ang ngatel. Nandito ako para tulungan kang lase. Sabihin mo, naniniwala ka
bang may mga anghel?"

Natawa ng mahina si Lander at napasabunot sa kanyang buhok. Baliw yata ang kaharap
niya.
"Sira ka ba? Naniniwala ako pero hindi ko alam kung totoo ba talaga dahil hindi pa
ako nakakakita."

"Magsimula ka nang maniwala dahil nandito ang isang anghel sa harap mo. Ipinadala
kami ng langit para tulungan ka."

Tumawa si Lander at napailing. Mukhang may sira-ulong napadpad sa kinaroroonan


niya.

"Ows? Ande lay atet!"

"Baon-inam! Maniwala ka ngang lase!"

Matapos iyon ay ipinakita ni Blade ang kanyang mga pakpak sa lalaki. Natigilan
naman ang huli at natulala.

"T-Totoo ngang isa kang anghel... Pero, bakit ka nagmumura?"

"Wala ka nang pakialam sa aking mga expressions. Ako nga pala si Blade. Anyway,
tatawagan ko na ang iba pa."

Dahil doon ay nakadama ng pag-asa si Lander. Tumingala siya sa langit at nag-sign


of cross. Taimtim siyang nagpasalamat. Tumingin siya sa lalaking nagpakilalang
Blade na isa palang anghel. May kausap ito sa cellphone. Ilang sandali pa ay
humarap ang lalaki sa kanya. Curious siyang tumingin dito.

"S-Sabihin mo, paano mo nalaman ang tungkol sa akin?" tanong niya.

"Answered prayers." itinuro pa nito ang langit.

Muling sumakit ang loob ng katawan ni Lander. Pakiramdam niya ay nasusunog na ang
kanyang mga laman-loob. Dinaluhan ni Blade si Lander na namimilipit sa sakit.
Natigilan siya ng makita niyang naging asul ang mga mata nito na tila nagliliyab...

"Tiisin mo lang. Mamaya lang ay nandito na ang mga kasama ko. Aalisin nila sa loob
ng iyong katawan ang bagay na inilagay ni Satan... Buwisit talaga ang animal na
iyon! Nalase!"

Sa kabila ng pamimilipit sa sakit ay natawa naman ng mahina si Lander dahil sa


malutong na mura na narinig niya mula sa anghel na kasama niya. Napailing siya.

"Anak na lase, nasaltek ka nang animal?!"

Napahinto sa pagtawa si Lander ng mawala ang sakit. Ilang sandali pa, magkakasunod
na dumating ang iba pang mga lalaki. Nagpakilala ang mga ito sa kanya. Hindi pa rin
siya makapaniwala pero totoong mga anghel ang kaharap niya, maliban sa isa...
Vampire slash demon daw kasi si Drake pero mabait... Kakampi daw.

"Kamusta ka?" tanong ni Creta sa kanya.

"Hindi ko alam." tapat niyang sagot.

Tumingin si Creta kay Zech.

"Paano ba maaalis sa loob ng kanyang katawan ang apoy ni Satan?" tanong niya.

Huminga ng malalim si Zech at nag-isip. Napahawak siya sa punong-baba niya.


Alanganin siyang tumingin kay Lander.
"Patutulugin ko si Lander at gagawa ako ng pentagram sa ibabaw ng kanyang katawan.
Sa pamamagitan noon, magagawang makuha sa loob ng katawan niya ang apoy ni Satan.
Dudukutin iyon mula sa loob.."

Dahil sa narinig ay napalunok si Lander. Dudukutin daw sa loob ng kanyang katawan?


Alanganin siyang tumingin sa mga lalaking kasama niya.

"S-Seryoso?" di makapaniwala niyang tanong.

"Hindi ko ugaling mag-joke." sagot ni Zech.

Idinaan niya sa pagak na tawa ang lahat. Hindi pa man nangyayari eh mukhang masakit
iyon.

"Teka lang, sino ang dudukot ng apoy ni Satan sa loob ng kanyang katawan?" tanong
naman ni Creta.

"Oo nga naman." segunda ni Hunter.

"Si Drake. Demon siya kaya mas mararamdaman niya ang apoy ni Satan sa loob ng
katawan ni Lander. Mas madali niya iyong makukuha."

"A-Ako?!" gulat na wika ni Drake.

Ngumiti siya ng alanganin...

"T-Teka, huwag ako! Utang na loob.." tanggi ni Drake.

Hinarap naman ni Blade ang kanyang bestfriend.

"Gawin mo. May tiwala naman kami sa'yo. Tsaka nakabantay naman kami dito... Nagawa
mo nang pigilan ang sarili mo dati laban sa tukso... Ngayon mo pa ba hindi magagawa
iyon?"

"P-Pero..."

Kaya tumatanggi si Drake dahil naaamoy niyang masarap ang dugo ni Lander. Hindi man
iyon AB negative dahil type A ito, pero malinamnam sa kanyang pang-amoy... Healthy.

"May tiwala kami sa'yo, Drake." wika pa ni Hunter.

"Tama. Buo ang tiwala namin sa'yo. Gawin mo ito para makatulong sa kanya. Isa itong
good deed." sugsog pa ni Creta.

Huminga ng malalim si Drake at alanganing napangiti sa lahat.

"Ako na..." sa wakas ay wika niya.

Hinarap na ni Zech si Lander. Mula sa kanan niyang kamay ay naglabas siya ng goblet
na may lamang light green na likido.

"Katas ito ng isang halaman. Makakatulog ka kapag ininom mo ito. Madali mo itong
maiinom dahil matamis ang lasa nitong pampatulog."

Napatingin si Lander sa goblet na hawak ni Zech. Nag-aalangan siya pero muli na


naman niyang naramdaman ang sakit sa loob ng kanyang katawan. Napahalukipkip na
naman siya at nakita niyang nangitim na ang kanyang kamay dahil tinubuan iyon ng
mga balahibo. Napahawak siya sa mga tenga niya, tumulis ang mga iyon. Nang mawala
ang sakit ay mabilis niyang kinuha ang goblet at agad na ininom ang laman. Tama nga
si Zech, matamis iyon at kalasa pa ng honey. Ilang sandali pa ay nagdilim na ang
kanyang paningin at tila lumutang ang kanyang kaluluwa sa kawalan. Amaze namang
napatingin ang lahat kay Lander na biglang bumagsak sa lupa.

"Ang bilis ng epekto ah?" comment ni Hunter.

Lumapit sila dito at pinalibutan ang lalaki. Inihanda naman ni Zech ang sarili.
Nagsimula na siyang gumawa ng pentagram sa ibabaw ng katawan ni Lander na walang
malay. Ilang sandali pa ay natapos na niyang mabuo ang pentagram. Nanatili ang
kamay niya sa gilid ng katawan ni Lander para mapanatili ang pentagram.

Huminga ng malalim ang lahat ng lumapit na si Drake kay Lander. Inilislis niya ang
manggas ng polo-shirt niyang kulay-itim. Walang imik niyang ipinasok ang kamay niya
sa loob ng katawan ni Lander. Natigilan siya dahil mas nangibabaw sa kanyang pang-
amoy ang dugo nito at mga lamang loob.

"Grrr..."

"Drake!..." untag ni Blade.

Umiling-iling siya para pigilan ang sarili. Iginalaw na niya ang kamay niya sa loob
ng katawan ng lalaki para hanapin ang apoy ni Satan. Medyo malabo ang aura noon
kaya nahihirapan siya. Isa pa, ibang klaseng kontrol sa sarili ang pinapairal niya.
Pinagpapawisan na siya ng malapot at katakot-takot...

"K-Kamusta?" curious na tanong ni Creta.

Nag-aalala siya para kay Lander at siyempre para kay Drake dahil nakikita nila ang
kontrol na ginagawa nito sa sarili.

"Medyo malabo ang aura ni Satan... Pero ramdam ko ang mga masasarap niyang laman-
loob. Parang gusto ko nang dukutin ang masarap niyang atay... Tiyak na malasa iyon
dahil healthy siya at-AGEEEH!!!!..."

Isang malakas na batok ang natamo niya mula kay Blade. Dahil doon ay tila nagising
siya. Umiling-iling si Drake. Naiinis siyang tumingin sa kanyang bestfriend.

"Okitnam, salamat!"

"Animal, your welcome!"

Itinuon na lang ulit ni Drake ang atensyon sa ginagawa. Itinaas niya ang kamay niya
papunta sa may puso. Natigilan siya dahil naroon ang hinahanap niya. Damang-dama
niya ang apoy ni Satan sa kanyang kanang-kamay. Natigilan siya at alanganing
napatingin sa kanyang mga kasama. Katakot-takot na lunok ang ginawa niya. Nakadikit
ng bahagya ang apoy ni Satan sa puso ni Lander... At natutukso siyang dukutin ang
blue diamond kasama ng puso...

"Drake, uy! Anong problema?" untag ni Zech.

Napansin niya ang pag-iiba ng expression ng mukha ng kaibigan. Pumikit si Drake at


umiling.

"N-Nakita ko na iyong apoy ni Satan..." alanganin niyang wika.

"Kung ganoon, kunin mo na." utos ni Hunter.

Huminga ng malalim si Drake.


"M-Medyo nakadikit sa puso niya. Hindi ko puwedeng basta dukutin na lang.
Kailangang dahan-dahan..."

Dahil sa sinabi ni Drake ay pinagpawisan ng malapot ang lahat. Naging intense ang
buong paligid.

"Kung ganoon, mag-iingat ka."

"K-Kayo na lang kaya? Natutukso akong dukutin maging ang puso niya dahil naaamoy
kong masarap... Grrrr... Parang nalalasahan ko na siya..."

"Animal ka, Bangkay! Tumigil ka!"

Dahil doon ay natauhan si Drake. Ibinalik niya ang atensyon sa ginagawa. Marahan
niyang inilayo ang apoy ni Satan sa puso ni Lander. Dahan-dahan... Nanginginig ang
kamay niya sa loob ng katawan nito. Ilang sandali pa ay nagawa na niya iyong ilabas
sa loob ng katawan ng lalaki. Isang asul na diamond na halos kasing laki ng kamao.
Nakahinga ng maluwang ang lahat.

Mabilis na inabot ni Drake ang hawak niya kay Creta at lumayo kay Lander. Kasunod
noon ay malakas niyang pinagsusuntok ng malakas ang mga natibag na pader hanggang
sa mawasak ang mga iyon at kumalma siya. Agad namang sinira ni Creta ang pinatigas
na apoy ni Satan sa kanyang mga kamay. Naging abo iyon. Muli nilang pinaligiran ang
lalaki. Bumalik na ang normal nitong anyo. Payapa pa rin itong natutulog.

"Ano nang gagawin natin?" tanong ni Drake.

Nasubukan na naman ang self-control niya.

"Ano pa ba? Ang iuwi siya sa tahanan niya at pamilya. Ako na ang bahalang gumawa
noon." presinta ni Creta.

Maingat niyang binuhat si Lander. Sa isang iglap lang ay naglaho na si Creta na


buhat si Lander.

"Tiyak na masaya siyang gigising." comment naman ni Hunter.

"Tama ka. Salamat kay Drake." wika naman ni Zech.

"N-Naku, hindi naman..." nahihiya nitong wika.

Malakas namang tinapik ni Blade ang likod ng kanyang kaibigan.

"Okitnam!"

Nagsign ng peace si Blade sa kanyang bestfriend.

"Alam mo, Drake.. Ngayong pasko, dalawang nilalang ang binigyan mo ng napakagandang
regalo."

"Huwag ka ngang bolatis!"

"Uy! Nahiya pa siya!"

Tumalikod na si Drake.

"Pa-burger ka naman! Ikaw ang bida ngayon eh! Uy!" kulit pa ni Blade.
"Hindi!"

"Sige na!"

Natigilan ang lahat ng biglang mag-ring ang cellphone ni Zech. Si Creta ang
tumatawag. Sinagot na ni Zech ang tawag at ini-loud speaker...

"Oh, bakit?!"

"Sheyt, mga p're! Manganganak na ang Misis ni Lander, pumunta kayo dito! Kailangan
ko nang resbak!"

Nagkatinginan ang lahat at nagtawanan. Sa tono ng pananalita ni Creta para itong


hinahabol ng isang buong-hukbo ng demonyo. Tarantang-taranta.

"Sheyt kayo, ano ba?!"

"Kayang-kaya mo na iyan! Biology-the mystery of life... Sabihin mo, i-push lang


niya ng i-push at huwag siyang mag-give up!" sutil na wika ni Hunter.

"Sheyt ka! Kailangan ko ng tulong! Akala ko ba sa pasko pa siya manganganak?!"

Tumatawa namang sumulpot bigla si Gabriel. Lumapit siya kay Zech at tumabi sa
cellphone.

"Sorry ah? Nagkamali ako ng tantya. Ngayon pala iyon. Good luck na lang Creta...
Kaya mo na ang mission na iyan. Magsolo ka muna. Si Gabriel ito. Merry Christmas!"

Ini-end na nito ang tawag at lalo namang nataranta si Creta... Natawa naman ang
lahat at napailing sa ginawa ni Gabriel.

"Tara, kumain na muna tayo ng burger tapos sunduin natin si Creta. Mga isang oras
lang, tapos na ang misyon niya." wika pa ni Gabriel.

Hindi na sila tumanggi sa alok nito. At kay Creta, good luck ng marami. : )

39. BINGO!

"BINGO!"

Napakurap ng maraming beses si Sebastian(Hydrian) nang makita niyang puno ng dugo


ang kanyang mga kamay. Kasunod noon ay umagos pa mula doon ang napakaraming dugo.
Bigla siyang nakarinig ng tawa, natigilan siya dahil sarili niyang boses iyon.
Isang malaking salamin ang biglang lumitaw sa kanyang harapan. Nakita niya ang
sarili niyang nakangiti habang may bahid ng dugo ang kanyang mga kamay.

"Masama ka." nakangiti nitong wika.

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito.

"Hindi iyan totoo!" mariin niyang wika.

Isang nakakalokong tawa ang muling kumawala sa kanyang repleksyon. Unti-unting


namula ang mga mata niya at tuluyang naging puti ang kulay ng kanyang buhok. Mula
sa likuran nito ay lumabas ang maiitim na mga pakpak.

"Masama ka dahil isa kang demon. Marami ka nang pinatay!"

Bumuhos ang napakaraming dugo sa kanya, nabalutan siya. Biglang nagising si


Sebastian mula sa kanyang panaginip. Mabilis siyang nagpunta sa harap ng salamin at
sinipat ang sarili. Nakahinga siya ng maluwag ng makita niyang dati pa rin naman
ang itsura niya. Napahawak siya sa buhok niyang kulay-puti at napatingin sa pula
niyang mata. Nakadama siya ng pag-aalala.

"Bangungot lang iyon." paalala niya sa kanyang sarili.

Ilang beses siyang huminga para pakalmahin ang kanyang sarili. Napagpasyahan niyang
lumabas na muna para magpahangin. Napahinto siya sa paglalakad ng matapat siya sa
silid ni Alexa. Lumapit siya doon at dinama ang pinto. Kanina pa siya nito
iniiwasan simula nang mangyari ang kanilang kiss. Gustung-gusto niyang kumatok pero
nagpigil siya. Nag-aalala lang siya siguro ng sobra kay Alexa kaya siya
binangungot. Tumuloy na siya sa paglalakad at nagpunta sa may hardin para
magpahangin sandali.

Samantala... Sinapo ni Beelzebub ang kanyang noo. Isang nakakalokong ngiti ang
sumilay sa kanyang labi.

"Ininom mo ang dugo ko, Hydrian. Hinding-hindi mo ako kayang takasan. Bibigyan kita
ng mga panaginip, sana lang mag-enjoy ka... Nasaan ka man ngayon... How dare you 3x
a day!"

Medyo mahina na siya... Ayaw pa sana niyang bumalik sa hell pero malaki na sa
kanyang lakas ang nawawala. Humanda talaga ang Hydrian na iyon kapag nahanap niya
ito.

Samantala... Tulala si Alexa habang nakatingin siya sa kisame ng kanyang silid.


Sinalat niya ang labi niya. Nagkiss sila... Hindi lang iisang beses kundi marami...

"Asar!"

Nagtalukbong siya ng kumot pero agad din naman niya iyong inalis kasi nahirapan
siyang huminga. Bumangon siya at naglakad papunta sa mesa na nasa tabi ng bintana.
Marahas siyang napabuntung-hininga dahil naubusan na pala ng lamang tubig ang
pitsel doon. Matapos ang nakakalokang kiss ay iniwasan na niya si Sebastian. Hindi
niya kasi alam kung paano niya ito pakikiharapan. Lumabas siya ng silid at nagpunta
sa kusina. Papunta siya sa kinaroroonan ng ref ng biglang may bumunggo sa kanya.
Alam na niya kung sino iyon.

"Sorry..." hinging paumanhin niya pero hindi niya ito titingnan.

Akma siyang maglalakad paalis pero biglang hinawakan ng binata ang kanan niyang
braso ng mahigpit. Dahil doon ay tuluyan na siyang napatingin dito.

"B-Bakit?"

"Iniiwasan mo ba ako, Alexa?"

Napalunok siya, hindi siya makasagot. Nakita na naman niya ang mga kakaibang spark
sa mga mata nito. Huminga siya ng malalim para kumalma siya.

"N-No." simple niyang sagot.


Nanatili nitong hawak ang braso niya ng mahigpit.

"It's about the kiss, right?" bigla nitong wika.

Nag-init na ang buo niyang mukha. Napatingin siya sa binata. He was wearing white
thin sando and gray jogging pants... Magulo ang buhok nito at nagmix up ang
magkaibang kulay.... Hindi rin kaya ito makatulog na gaya niya?!

"Alexa, I'm not sorry about the kiss. I've just lost my memory but not my heart. I
did it because I know it is right. It's what I feel."

Hindi siya makaimik. Marahan nitong hinaplos ang pisngi niya at unti-unting napunta
ang daliri nito sa gilid ng kanyang labi.

"I can't offer you anything except for myself... Call me silly or crazy... But..."

"Your starting again... Stop that."

"I'm not starting anything. I just want to do something, a right thing. I know you
also feel it. I taste it in you, I touch it in you... We feel the same so don't
fight it."

Alanganin siyang tumingin sa mukha nito.

"N-Noong maghiwalay ang parents ko, nagsimula na akong hindi maniwala sa salitang
forever, romance, passion at happy ending... I'm scared, Sebastian..."

Nangilid ang mga luha niya sa kanyang mga mata dahil nagkaroon ng matinding trauma
ang pangyayaring iyon sa buhay niya. Dahil doon, naging mag-isa na lang siya.
Pinunasan ni Sebastian ang mga nagbabadyang luha niya.

"Hindi mo kailangang matakot. Your not alone, Alexa... I'm here, I won't leave you
no matter what."

"But what will happen if your memory comes back?"

"Ayaw ko nang makaalala kaya huwag ka nang mag-alala. Wala kang dapat ikatakot. I
know, this is too fast... But this strange emotion, it is strong and I can't fight
it."

Marahan nitong hinawakan ang kanan niyang kamay at dinala sa may dibdib nito.
Napakagat siya sa kanyang labi ng maramdaman niya ang malakas at mabilis na tibok
ng puso nito.

"Feel it... That's my heart says on you..."

Halos kapareho lang iyon ng tibok ng puso niya. Ngayon, mas naramdaman niya ang
intensity sa pagitan nilang dalawa.

"Your rocking my heart so crazy..." bigla pa nitong wika.

Napangiti siya sa sinabi nito at nanatiling nakatitig sa mukha ng binata.

"Baliw ka talaga."

"Uhum..."

Matapos iyon ay marahan nitong hinawi ang distansiya ng kanilang mga mukha. Ilang
sandali lang, naramdaman na niya ang malambot nitong labi... His lips was teasing
her.. It was a sweet sinful torment.. That time she was already captivated by
him... She can't feel any fear.. The kiss became more intense and passionate.
Niyakap siya nito ng mahigpit at napakapit siya sa malapad nitong mga balikat.
Ilang sandali pa ay naramdaman niya ang pagbuhat nito sa kanya. Parang balewala
lang dito ang bigat niya. Nagsimula na itong maglakad papunta sa kung saan... Basta
narinig na lang niya ang malakas na pagsara ng pinto dahil sinipa nito iyon.

He was crazy, she was crazy and this is crazy! But she can't resist it...
Napasinghap siya ng maramdaman niya ang pagdapo ng likod niya sa malambot na kama.
Humiwalay siya sa labi nito at tulirong napatingin kay Sebastian...

"S-Sebastian.."

"What? Your scared...?" pilyo nitong wika.

Ngumiti ito ng matipid at sexy. Napalunok siya. This devil is seducing her and she
can't resist his charm... Hindi siya makapagsalita. Marahan nitong hinaplos ang
pisngi niya at nilaro ang ilang strands ng kanyang buhok na bahagyang nakatabing sa
kanyang mukha. Mariin itong nakatitig sa kanya. Those weird eyes... They are
beautiful and scary...

"Don't worry, Alexa... I'll be nice..."

Huminga siya ng malalim...

"B-Be nice..."

"I will."

He kiss her again and that's the beginning of everything... He was kissing her
slowly and passionately until her body move crazy in his strong spell... She
responses and she hears him moan in pleasure. It's just like a music in hear ears.
He undress himself and she touch that sinful body of him... It was beautiful and
perfect in every curves... A living art. He slowly pull her closer and he began to
undress her... She felt embarass but she's excited... They began to touch each
other and they started to make love... Heart and soul they became as one...

Kinabukasan ay maagang nagpunta si Drake sa bahay ni Zech. Nagtataka naman ang huli
dito.

"Ano ang atin?" curious na tanong ni Zech.

Hindi muna nagsalita si Drake. Walang imik niyang kinuha ang cellphone niya sa
bulsa ng kanyang patalon. Kinalikot niya iyon para ipakita ang picture noong fallen
angel na butler ni Alexa.

"Medyo nakalimutan kong sabihin sa inyo ang tungkol dito. Ganoon pa man, mas pinili
kong sa'yo muna sabihin ang tungkol sa kanya kaysa kay Blade. Padalos-dalos kasi
ang isang iyon eh."

Kunot-noong napatingin si Zech sa larawan. Sinipat niya iyong maigi hanggang sa


kunin na niya ang cellphone ni Drake at hinayaan lang naman siya nito.

"Kailan pa kayo naging close? At ang laki ng ipinagbago ng itsura niya ah?"

"Personal butler siya ni Alexa. Nakakatawa pero hindi niya ako natatandaan. Siya si
Sebastian, hindi ba...?"

Umiling si Zech.
"Hindi siya si Sebastian. Hydrian ang pangalan niya. At ano ang sinasabi mong hindi
ka niya natatandaan samantalang obsessed siya sa'yo dahil sa pagiging blood demon
mo?"

Nagkibit-balikat si Drake.

"Ewan ko kung ano ang nangyari sa kanya. Pero hindi talaga niya ako maalala. Gusto
mo bang puntahan siya para maniwala ka sa akin? Hindi siya nagpapanggap na wala
siyang maalala dahil ilang beses ko na siyang inobserbahan."

Amaze na napatingin si Zech kay Drake.

"Seryoso ka? I mean, si Hydrian... Hindi lang nagbago ang itsura niya pero maging
ang memory niya, nawala?"

"Uhum, at ang bait niya. Mapagkakamalan mo siyang napakabuting anghel, Zech. Hindi
lang ako nagsasabi kay Alexa kasi mukhang close sila... Hindi lang basta close
kundi parang may something pa nga. Ayaw ko siyang masaktan at ayaw kong manghusga."

"Sige, gusto ko siyang makita." mabilis na sagot ni Zech.

Samantala... Napatingin si Rane kay Blade nang bigla na naman itong sumulpot na
parang kabute. Nakangiti ito ng maluwag habang suot ang itim na t-shirt na may logo
ng strawhat pirates.

"Ito ang regalo sa akin ni Zech. Ang cute no?" mayabang pa nitong wika.

Ngumiti siya dito.

"Ang cute nga. Mukhang ang saya mo talaga diyan sa natanggap mong regalo."

"Naman! Siya nga pala, busy ka ba ngayon?"

Isang malalim na buntung-hininga ang pinakawalan ni Rane. Sa katunayan, boring nga


siya kasi bakasyon na.

"Hindi nga eh. Bored na nga ako. Si Conrad, lumakad kasama ng mga tropa niya,
gagawa daw sila ng mga saranggola nila at paliliparin. Si Karen naman, kasama ni
Mommy sa kusina, nagbe-bake sila ng cake. Wala naman akong hilig sa gano'n kaya
tumambay na lang ako dito sa may garden ko." pakli ni Rane.

Ngumiti si Blade sa kanya ng matipid.

"Tamang-tama, tara! Lakad tayo."

"Saan?" napakurap niyang wika.

May kinuha ito sa bulsa ng pantalon nito. Anim na bingo cards.

"Nanalo si Creta ng mga bingo cards sa isang perya doon sa kabilang baranggay.
Hindi naman niya malalaro kasi may lakad sila ni Father Piyo kaya ibinalato na lang
niya sa akin. Hindi ko naman kayang tayaan ang lahat ng card na ito... Ano, puwede
mo ba akong tulungan?"

Napangiti si Rane, sa wakas... May pagkakaabalahan na rin siya ngayon..

"Sige ba! Tara, perya tayo. Wait lang, kukunin ko lang ang wallet ko at cellphone."
"Okay!"

Tumayo na si Rane at agad na pumasok sa loob ng kanyang kuwarto. Matapos niyang


kunin ang mga gamit niya ay nagpaalam muna siya sandali sa kanilang Mommy at kay
Karen. Ilang sandali pa ay bumalik na siya na may dalang isang supot ng chocolate
chip cookies.

"Nagbitbit ako ng kakainin sa daan." wika niya.

"Good idea!"

Lumapit sa kanya si Blade at kumuha ng isang cookie sa supot. Mainit-init pa iyon.


Agad nito iyong nilantakan.

"The best talaga ang gawa ng Mommy niyo." wika pa nito.

Agad na silang lumakad. Tahimik muna sila pareho dahil wala pang topic. Hanggang
sa...

"Alam mo, kahit sandali pa lang itong bakasyon... Namimiss ko na agad ang school.
Ang boring kasi kapag walang pasok. Walang maingay, walang makukulit at anak na
lase, wala akong napapagalitang mga aninimal ay... Abuwisit ak pa."

Natawa siya ng mahina sa sinabi ni Blade.

"Okay lang iyan, para naman makapagpahinga ang mga tenga namin."

Ilang sandali lang ay nasa may tapat na sila ng bakanteng lote. Nakita nila si
Conrad na kasama ng mga kalaro nito na gumagawa ng kanya-kanyang saranggola gamit
ang mga lumang diyaryo, kalendaryo, mga tingting ng walis, scotch tape, gunting at
mga tutong na kanin... Tumingin si Rane sa kasama niya. Napangiti siya.

"Naalala ko tuloy, noong mga bata pa kami ni Karen madalas din naming gawin iyan
kapag wala kaming pasok sa school. Minsan nga, umiyak ako ng todo ng dahil sa
saranggola lang."

"Ow, talaga?"

"Oo. Iyon kasi ang una kong ginawa na nakalipad ng mataas na mataas. Ang masakit,
naputol iyong tali. Hinabol ko iyon sa kabukiran, nadapa ako at nagalusan na pero
sige pa rin. Naabutan ko naman iyong tali at nakuha, ang saya ko, mahigpit ko na
siyang hinawakan kaya lang, naputol ulit iyong tali hanggang sa tuluyan na siyang
inilipad palayo... Malayong-malayo at mataas. Ilang araw akong nagpabalik-balik sa
may bukid para tingnan ang saranggola ko. Ilang araw siyang lumilipad ng mataas sa
langit hanggang sa nawala na siya... Bigla kasing umulan ng malakas noong mga
sumunod na araw, ayon nawala na. Nalungkot talaga ako noon."

Hindi makaimik si Blade sa kuwento ni Rane. Wala siyang masabi. Huminto siya sa
paglalakad at napatingin sa mga batang gumagawa ng saranggola.

"Puwede bang turuan mo akong gumawa at magpalipad ng saranggola?" bigla na lang


niyang wika.

Amaze na napatingin si Rane kay Blade.

"Seryoso ka?"

"Nalase, Oo naman. Hindi ko pa kasi nararanasang gumawa at magpalipad ng saranggola


eh. Alam mo na, nakulong ako ng matagal na panahon sa isang sumpa, hindi ba?"

"Sigurado ka eh pambata lang iyan." natatawang wika ni Rane.

"Hindi pa naman tayo matanda ah? Tsaka pambata lang daw, hindi naman ano."

"Pero di ba, magpeperya pa tayo? Paano iyong bingo?"

"Mamaya pa naman eh."

"Sige, tara."

Lumapit na silang dalawa sa grupo nila Conrad.

"Puwede ba kaming sumali?" nakangiting wika ni Blade sa mga bata.

Tumingin ang mga ito sa kanila.

"Sige. Tulungan niyo nga kami. Nahihirapan na ako dito." wika ni Conrad.

"Ganito kasi ang dapat niyong ginagawa." wika ni Rane.

Matapos iyon ay nagsimula na siya sa pagtuturo kung paano gumawa ng saranggola.

Samantala... Ilang beses na bumuntung-hininga si Drake bago niya pindutin ang


doorbell sa gate ng bahay ni Alexa. Napatingin siya sa kasama niyang si Zech,
halatang curious na curious ito...

Napangiti naman si Sebastian habang nakatingin kay Alexa. Ngumiti ito pabalik sa
kanya. Hindi naman maalis ang tingin ni Alexa kay Sebastian... Nag-aalala kasi siya
na baka hindi ito totoo... Matagal na panahon siyang nasanay na mag-isa siya.

"Breakfast in bed.." wika pa ni Sebastian.

"Thank you."

Dala ang tray na may lamang pagkain ay lumapit sa kanya si Sebastian. Hinalikan
nito ang noo niya at matamang tumunghay sa kanyang mukha.

"What..?" tanong ni Alexa.

"Good morning and thank you. Last night was perfect..."

He kiss her on her lips.

"No, thank you. You fade my fears away and you made me feel that I'm not alone
anymore. You're with me."

"Yes, I'm with you until the end..."

Akma siya nitong hahalikan pero nakarinig sila ng malakas na doorbell sa labas ng
bahay. Sunud-sunod iyon.

"Magbreakfast ka na, pupuntahan ko lang iyong makulit na nagdodoorbell sa labas."


paalam na lang ni Sebastian.

"Okay, ikaw kumain ka na ba?"

"Hindi pa pero ayos lang ako, huwag kang mag-alala."


Tumalikod na ang binata at napangiti na naiiling na lang si Alexa. Tama, last night
was perfect and crazy. Pero wala siyang nararadamang anumang pagsisisi. She is
happy. Sinapo niya ang dibdib niya... This crazy emotion is really strange...?

Hindi naman maalis ni Zech ang tingin sa lalaking lumabas mula sa pintuan ng
malaking bahay. Titig na titig siya, hindi siya pupuwedeng magkamali, si Hydrian
nga talaga! Nakasuot ito ng manipis na sando at gray na jogging pants. Nakangiti
ito habang papalapit sa kanila. Hindi makapagsalita si Zech nang tuluyan na nilang
makaharap ang lalaki. Binuksan nito ang gate.

"Uy, Drake. Ikaw pala. Akala ko kung sino nang makulit na nagdo-doorbell. Ano ang
atin?" nakangiting wika ni Sebastian.

Napabuka ang labi ni Zech pero hindi siya makapagsalita. Ibang-iba ito sa kilala
niyang si Hydrian. Pero totoo, ito nga talaga ang fallen angel na dati niyang
kasamahan. Pinagmasdan niya itong maigi at pinakiramdaman ang aura nito. Wala na
iyong dati pero weird na ang taglay nitong aura sa ngayon.

"Wala naman. May gusto lang sana kaming sabihin sa inyo ni Alexa. Mag-i-invite kami
sa inyo na doon na lang kayo mag-spend ng christmas eve sa bahay... Since dadalawa
lang naman kayo dito... Kung okay lang." wika ni Drake.

Lumuwang ang ngiti ni Sebastian(Hydrian).

"What a great idea, Drake!"

Tumingin si Sebastian sa lalaking kasama nito, kagaya ni Drake ay pamilyar din ang
mukha nito sa kanya.

"Sino siya?" tanong niya.

Napakurap si Zech. Pinagpawisan siya. Hindi nga siya niloloko ni Drake. Totoo ngang
walang maalala si Hydrian at maging ang ugali nito, nagbago. Ngumiti siya ng
alanganin sa lalaki.

"Ako si Zech, kaibigan ako ni Drake... Ikaw si..?"

"Sebastian. Nice to meet you, dude."

Inilahad nito ang kamay at alanganing nakipagkamay si Zech. Hindi pa rin siya
makapaniwala. Matagal na tumingin sa kanyang mukha ang lalaki.

"Have we meet before?" bigla nitong tanong.

"N-No. Ngayon lang tayo nagkita." casual na wika ni Zech.

Bumitaw na ito sa kamay niya.

"Ganoon ba? Halos lahat ng mga bago kong kakilala tinatanong ko. Praning man ako or
what pero kasi wala akong maalala..."

"Wala kang maalala?" ulit ni Zech.

Isang malalim na buntung-hininga ang pinakawalan ni Sebastian. Lalo namang na-amaze


si Zech.

"Hindi ko alam kung ano ang nangyari pero bigla na lang akong nagising isang araw
na wala akong maalala. Nakakatawa nga eh, pati ang sarili kong pangalan...
Nakalimutan ko. Itong gamit kong pangalan, Sebastian... Bigay lang sa akin ito ni
Alexa."

"Uhum..." napatango-tango si Zech.

Nanatili namang tahimik si Drake. Mukhang mas makakabuti para sa lalaking ito ang
huwag na lang makaalala.

"Pasok nga pala kayo. Tara!" yaya pa ng lalaki.

Hindi na sila tumanggi sa alok nito. Pumasok na nga sila sa loob ng bakuran. Marami
pa kasi silang gustung malaman.

Samantala... Natapos na sa paggawa ng saranggola sina Rane at Blade. Ang kailangan


na lang nilang gawin ay paliparin iyon. Hawak ni Rane ngayon ang saranggola at si
Blade naman ang tali. Tumingin siya sa kasama niya.

"Handa ka na? Pagbilang ko ng tatlo, bibitawan ko na itong saranggola at tatakbo ka


ng mabilis para mapalipad siya."

"Sige, game!"

"One, two, three, go!"

Mabilis ngang tumakbo si Blade, kasabay ng pagbitaw ni Rane sa saranggola. Unti-


unti iyong lumipad paitaas hanggang sa tuluyan na iyong lumayo ng paunti-unti. Para
namang bata si Blade na tuwang-tuwa habang pinagmamasdan niya ang paglipad ng
saranggolang ginawa niya. Ilang sandali pa ay marahan niyang binitawan ang taling
hawak niya hanggang sa ilipad palayo ang saranggola na pinaghirapan niyang gawin.
Nalungkot siya... Ngayon, alam na niya ang pakiramdam ni Rane noon.

"Bakit mo ginawa iyon? Binitiwan mo?" nagtataka namang wika ni Rane sa kanya.

Nagkibit-balikat si Blade at sumeryoso ang mukha.

"Now I know..."

"Ang alin?" curious na tanong ni Rane.

"Ang sakit palang mawalan ng saranggola na pinaghirapan mong gawin. Ngayon,


naiintindihan ko na ang naramdaman mo dati. Animal, it hurts you know..."

Matagal na napatingin si Rane kay Blade. Ang weird talaga ng takbo ng utak ng isang
ito pero nakakatuwa. Napangiti siya.

"Saltek ka talaga ano? Ginawa mo lang ang lahat ng ito para doon?" bulalas pa niya.

Hindi sumagot si Blade bagkus ay lumapit ito sa kanya at saka ginulo ang buhok
niya.

"Oo, iyon lang ang dahilan."

Natawa ng mahina si Rane. Tumingin siya kay Conrad at sa mga kalaro nito na busy sa
pagpapalipad ng saranggola. Tuwang-tuwa ang mga ito habang tinatanaw ang mga
saranggola sa langit.

"Tara na, tumuloy na tayo sa pupuntahan natin." untag pa ni Blade.

"Sige."
Lumakad na si Blade at napasunod na lang siya. Hindi niya maiwasang hindi mapangiti
dahil sa kawerduhang ginawa nito kanina. Nag-init ang mukha niya... Bigla yatang
bumabalik ang pagka-crush niya dito... Narinig niya itong nagha-hum... Hanggang sa
kumanta ito ng mahina. Curious siyang tumingin dito.

"I want to change the world. Walk again, never miss the way. Don't be afraid I'm
with you. And we can fly away if you can stay with me, forever. Change my mind.
Won't get lost if your passion's true. I'm gonna fly with you again, so you can
spread your wings... And you will fly with me again, it's wonderland!.."

Hinila niya ang laylayan ng damit nito kaya bigla itong napatingin sa kanya.
Nakasalpak sa kanan nitong tenga ang isang headset.

"Anong kanta iyan?" curious niyang tanong.

"Huh, bakit?"

"Anong kanta iyang kinakanta mo? Ang ganda eh."

Napahawak si Blade sa headset nito.

"Ah, ito bang pinapakinggan ko? English theme lang naman ito ng Inu-Yasha, Change
the world by Max Alto. Kinuha ko ito kay Ai."

"Pa-share it nga, please!"

"Oh sige, sandali..."

Ilang segundo lang ay naipasa na nga sa kanya ang kanta. Nagpatuloy na sila sa
paglalakad hanggang sa makarating na sila sa perya. Medyo marami pang tao doon.
Hindi pa nag-uumpisa ang bingo kaya naisipan nilang maglaro na muna sa ibang booth.
Pumunta sila sa may running light at saka tumaya.

"Yes! Yes!.." sigaw ni Blade.

Nanalo kasi ang tinayaan niya.

"Ano pong tsitsirya ang gusto niyo?" tanong noong babaing peryantes dito.

"Give me the piatos baby!" excited na wika ni Blade.

Ngumiti ang peryantes at nagpacute pa bago iabot ang piatos.

"Sweetheart, itong number na ito ang panalunin mo ah? Dito ako tataya!" kumindat si
Blade sa babae.

Tumalikod naman si Rane at saka sinapo ang tiyan. Nagpipigil siyang matawa. Kaya
pala nananalo ang loko kasi gumagawa ng kalokohan. Nilalandi iyong nagpapataya.
Lumayo pa siya ng kaunti at saka na siya tuluyang tumawa pero medyo pigil pa rin
kasi baka pagkamalan na siyang nababaliw. Itong Blade kasi na ito, walang patawad!
Ilang beses siyang huminga para kumalma tapos ay saka siya bumalik. Tinayaan din
niya iyong numerong tinayaan ni Blade... At ayon, nanalo sila pareho. Ngayon, wala
siyang gagawin kundi ang makihati sa suwerte ng kalandian nito. Ilang sandali pa ay
pareho na silang nakarami at saka sila umalis.

"Ang saya noon. Nakarami tayo. Ikaw ah, kaya ka pala nananalo, nilalandi mo iyong
nagpapataya sa running light."
Tumawa ng mahina si Blade.

"Nagpapacute sa akin eh, di sinamantala ko naman ang chance. Aba, pagkain na ang
pinag-uusapan dito."

Mag-uumpisa na ang laro sa bingo. Magkatabi na silang pumuwesto at namili ng kanya-


kanyang card. May ilang rounds ang laro. Una iyong straight-diagonal round, second
iyong straight-horizontal, big-box, letter U, at ang panghuli para sa grand prize
na groceries na worth 3k ay ang black-out bingo.

"Okay mga kaibigan, humanda na kayo dahil magsisimula na ang ating laro sa BINGO!
Ang unang round natin ay para sa Straight-diagonal round. Ang premyo dito mga
kaibigan ay isang set ng porcelain na plato. Makakapal, puwedeng panghampas sa ulo!
Plang!" wika ng taga-aanounce ng numero.

Seryoso ang lahat habang nakatingin sa kanya-kanyang bingo card. Napakagat si Blade
sa kanyang hawak na piatos. Excited siyang maglaro ng bingo dahil first time niya.
Naituro na kanina ang mga mechanics at madali lang naman pala siyang laruin.

"Ang unang bola mga kaibigan... Kalbo pero may isang buhok! Seventy-one!"

Amaze na napatingin si Blade sa announcer. Natatawa siya, may mga ganoon pa palang
pangalan sa mga numbers? May isa sa card niya ang mayroong 71, nilagyan niya ng
bato iyon. Tumingin siya kay Rane, wala pang lamang bato ang card nito.

"Okay, susunod na bola! Pumuputok! Kalibre-kuwarenta'y-singko! Fourty-five!"

"Sa wakas!" wika ni Rane.

May isa na ring nakuha na number sa mga card niya. Sunud-sunod na ang pagtawag ng
mga numero.

"Heto mga kaibigan. Basang-basa si Maria... Trenta!"

Napakunot-noo si Blade, tawanan ang lahat pero hindi niya ma-gets ang tinatawanan
ng mga kasama niya na naglalaro ng bingo. Napatingin siya sa katabi niyang si Rane.
Tumatawa din ito at namumula ang mukha. Hindi na siya makatiis kasi out of place na
siya. Nagtaas siya ng kamay.

"Fafa, bingo mo na?!" excited na tanong noong taga-announce ng numero.

"Hindi. First time ko kasing maglaro ng bingo. Ano ba kasi ang connect noong
sinasabi mo sa number thirty? Iyong basang-basa si Maria..?" curious na tanong ni
Blade.

Nagsihagalpakan ang mga tao sa katatawa. Natatawang lumapit sa kanya iyong bading
na nag-aanounce ng number.

"Ganito kasi iyon, fafa..."

Ibinulong nito kay Blade ang hidden meaning... Nanlaki ang mga mata ng huli at
namula ang mukha.

"Okinnayo, bastos kayong aninimal!" natatawa niyang bulalas.

Dahil sa naging reaksyon niya ay mas lumakas ang tawanan. Hinampas na nga ni Rane
ang braso ni Blade.

"Manahimik ka na nga, huwag kang ignorante."


Itinuloy ang laro hanggang sa may sumigaw na ng Bingo! Nanghihinayang si Rane
habang nakatingin sa mga cards niya. Isa doon ang malapit na sanang mag-binggo kung
hindi lang may nauna... Sumunod na ang straight-horizontal na round. Tuloy ang
laro...

"Bingo!" tuwang wika ni Rane.

Isang set ng mug ang nakuha niya. Apat iyon lahat. Tuloy ang laro pero naging
mailap ang suwerte sa kanilang dalawa hanggang sa black-out bingo.

"Okay... Heto na ang sunod na numero... Duling! Number twenty-three!"

Halos sabay silang naglagay ng bato sa numero ng kanilang mga cards.

"Paano naging duling ang twenty-three?" mahinang tanong ni Blade.

"Ewan ko, naririnig ko lang din naman eh." kibit-balikat na sagot ni Rane.

"Sweet na sweet, sixteen!"

Bumunot ulit ng numero.

"High-way 44!"

Tuloy lang sa pagbunot ng numero para sa black-out bingo. Lahat ay nakatutok sa


kanilang mga nilalarong cards. Hanggang sa may sumigaw na ng mataginting na BINGO!
Laking panghihinayang nina Rane at Blade dahil tig-isang numero na lang ang
hinihintay nilang matawag sa isa sa mga hawak nilang card. Pero ganoon talaga,
hindi ngayon ang araw para suwertehin sila. Nang matapos ang laro ay agad na silang
umuwi. Ginabi na sila sa daan.

"Sayang, akala ko pa naman mananalo na ako doon sa black-out bingo."

"Nalase, ako rin. Ganoon talaga, hindi natin time ngayon para suwertehin. Ha ha ha
ha, animal! Pero ang dami kong natutunan tungkol sa mga numbers..."

Napaismid si Rane.

"Mukhang tuwang-tuwa ka pa talaga sa mga natutunan mo ah?"

Hindi umimik si Blade pero tumawa ito ng mahina. Napailing na lang siya at saka
muling itinuon ang atensyon sa daan. Napakunot-noo siya ng may napansin siyang kung
anong gumugulong sa daan, walang kabahayan sa dinadaanan nila at biglang nagpatay-
sindi ang mga ilaw ng streetlight...

"N-Nakikita mo iyon?" alanganin niyang untag kay Blade.

"Oo. Bakit, ano ba iyon?"

"Itatanong ko ba kung alam ko? P-Parang multo yata..?" napalunok na wika ni Rane.

Tumingin si Blade na maigi doon gumugulong na bagay sa daan.

"May multo bang gumugulong? Hindi ba dapat lumulutang sila?"

Hindi na makapagsalita si Rane. Naninindig na kasi ang mga balahibo niya. Napakapit
siya sa braso ni Blade. Ilang sandali pa ay tuluyan nang nakarating sa kanilang
harapan ang kung anong bagay na gumugulong. Isa iyong lumang-luma na banig na
nangingitim sa dumi at may lumot na. Nakarolyo ito at may tali.

"Isturbo kang animal!"

Sinipa ng malakas ni Blade ang rolyo ng banig at tumilapon iyon sa malayo.


Nagpatuloy na sila sa paglalakad pero wala silang imikan. Ilang sandali pa ay may
mabilis na namang gumugulong na bagay papunta sa kanilang harapan. Iyong rolyo ulit
ng banig.

"B-Bumalik! Multo na talaga iyan!" alanganing wika ni Rane.

"Ah, ganoon! Anak na lase, makulit kang multo ka ah!" sinipa niya ulit ng malakas
iyon.

Muli na naman itong tumilapon sa malayo. Pero ilang segundo lang ay biglang lumitaw
sa kanilang harapan ang rolyo na naman ng banig. Nanlalaki ang mga mata ni Blade na
napatingin doon. Biglang nanayo ang mga balahibo niya sa batok. Pumihit sila
pakanan pero humarang ito doon. Pumihit sila pakaliwa pero kagaya noong una ay
sumunod na naman ito. Hinawakan niya ang kamay ni Rane ng mahigpit sabay sigaw ng..

"TAKBO!!!..."

Nilagpasan nila ang lumang rolyo ng banig at kumaripas sila ng takbo pero paglingon
nila ay mabilis itong gumugulong. Hinahabol talaga sila ng kung anong nilalang na
iyon.

"Bilisan mo, Rane! Humahabol na siyang animal, waaah!!..."

Nataranta na sila pareho at wala nang ginawa kundi ang tumakbo ng mabilis. Nang
mapagod ang dalawa ay huminto ang mga ito at nagtago sa likod ng isang puno.

"A-Animal, anong klaseng multo ang lase na iyon?" humihingal na wika ni Blade.

"E-Ewan, ngayon lang naman ako nakakita ng ganoon eh." humihingal ding wika ni
Rane.

Napahawak siya sa kanyang dibdib at panay ang hinga niya ng malalim. Ubos na ang
kanyang energy. Natigilan naman si Blade nang makita niyang gumugulong papunta sa
kanila iyong tinakbuhan nila... Ang kulit!

"R-Rane, kaya mo pa bang tumakbo?" alanganin niyang tanong.

Napapunas si Rane sa kanyang noo na pawis na pawis.

"M-Masakit na ang mga paa ko. Pagod na ako eh." pakli niya.

"Sumakay ka sa likod ko, dali! Bubuhatin na lang kita, nandiyan na naman siya eh!
Anak na lase!"

Dahil sa narinig ay napatingin si Rane sa tinitingnan ni Blade, nandoon na naman


iyong werdong lumang rolyo ng banig at mabilis na gumugulong papunta sa kanila.
Agad siyang sumakay sa likod ni Blade at mabilis siya nitong binuhat. Kumaripas ito
ng takbo.

"Tingnan ko lang kung makahabol pa ang animal!" inis na wika ni Blade.

Lumiko siya ng daan at nagpunta sa may kasukalan. Magsho-shortcut sila. Tumalon


siya papunta sa isang puno at magkakasunod na siyang tumalon sa iba pang sanga ng
puno na nasa harapan nila. Pinipili niya iyong malalaki at may makakapal na sanga.
Napakapit namang maigi si Rane kasi takot siyang mahulog. Ang bilis kasi ng takbo
ni Blade at ngayon lang niya ito nakitang nataranta... Hindi nagtagal ay huminto si
Blade sa sanga ng isang malaking puno. Humihingal itong napahawak sa malaki nitong
trunk.

"S-Siguro naman, hindi na tayo nasundang lase!" hingal na hingal na wika ni Blade.

Pinunasan niya ang buo niyang mukha dahil namumutiktik na iyon sa pawis. Hindi niya
alam pero bigla siyang natakot doon sa werdong multo na sumusunod sa kanila. Ayaw
kasi silang tantanan at hindi niya alam ang gagawin para mawala ito.

"Ayos ka lang?" tanong ni Rane.

Ngumiti siya ng matipid.

"Oo, medyo pagod lang ako-Waaah!!..."

Biglang yumugyog ng malakas ang punong kinatutungtungan nila. Mariing napakapit si


Blade sa trunk ng puno para hindi sila mahulog ni Rane. Umulit ang malakas na
pagyanig at halos sabay pa silang napatingin ni Rane sa ibaba ng puno... Nadoon
iyong lumang rolyo ng banig at gumgulong ito ng malakas at binubunggo ng malakas
ang punong kinaroroonan nila. Alanganing nagkatinginan ang dalawa at sabay na
napasigaw...

"Waaaaah!!!..."

Isang napakalakas na pagyanig ang nangyari at tuluyan na silang nahulog mula sa


mataas na puno. Bumagsak silang dalawa sa makakapal na damo at gumulong sa kanilang
harapan iyong werdong rolyo ng banig. Halos sabay silang bumangon at magkahawak
kamay na napaatras pero sumusunod sa kanila iyon...

"K-Kailangan natin ng tulong!" bulalas ni Rane.

Saka biglang naalala ni Blade si Lolo Gusting.

"Tama ka... In this situation... Si Tandang Gusting is the name!"

Agad na inilabas ni Blade ang cellphone niya at tinawagan si Lolo Gusting.


Nakahinga siya ng maluwag ng ilang ring lang ay sumagot na ito. Ini-loud speaker
niya.

"Oh, bakit?" yamot na tanong ni Lolo Gusting.

"Tanda, tulungan mo kami ni Rane! May humahabol sa aming multo! Ayaw kaming
tantanan!" aligagang wika ni Blade.

Panay kasi ang atras nila pero panay ang sunod noong werdong rolyo ng banig.

"Bakit, ano bang klaseng multo ang humahabol sa inyo?"

"Animal, ewan ko... Pero isa siyang werdong rolyo ng banig na nagpapagulong-gulong
at ayaw na kaming tantanan! Ginawa na namin ang lahat para matakasan ito pero ayaw
mawala ng animal!"

Narinig nila ang mahinang pagtawa ni Lolo Gusting.

"Lolo Gusting, tulungan mo na kami, please?" wika ni Rane.

"Ehem! Iyang humahabol sa inyo, pasatsat ang tawag diyan. Noong panahon kasi ng
giyera, kulang ang mga kabaong... Kaya ang ginawa ng mga tao, ibinalot na lang ang
mga bangkay sa mga icamen(banig) at itinapon sa kung saan. Karaniwan sa mga iyan ay
hindi nabendisyunan kaya nagmumulto." paliwanag pa ni Lolo Gusting.

"Kung ganoon, paano niya kami lulubayan?" tanong ni Blade.

"Alisin niyo iyong tali ng banig at buksan. Iyon lang at mawawala na siya. Kapag
hindi niyo ginawa, bahala kayo diyan, hanggang sa pag-uwi, susundan kayo ng
pasatsat."

Nag-end na ang tawag. Alanganing nagkatinginan sina Rane at Blade... Bubuksan daw
nila iyong rolyo ng banig?!

"Narinig mo naman si Lolo Gusting di ba? Buksan mo na..?" alanganing utos ni Rane
kay Blade.

Napalunok si Blade at marahang lumapit doon sa rolyo ng banig na hindi na


gumagalaw. Hindi siya handa sa kung anong makikita niya. Inaasahan niya ang
naaagnas na bangkay ng kung sino. Nandidiri siya sa isiping iyon pero wala siyang
magagawa. Kailangan niya itong gawin para tantanan na sila ng multo. Maingat niyang
inalis ang tali ng banig at marahan iyong binuklat hanggang sa bumukas na ng
tuluyan. Isang mabaho at masangsang na amoy ang biglang umalingasaw sa paligid.
Halos sabay pa silang napatakip ng ilong ni Rane pero wala silang nakitang laman ng
banig. Ilang sandali lang ay naglaho na iyon na parang bola sa kanilang harapan
kasabay ng pagkawala ng mabahong amoy. Nakahinga sila ng maluwag at nagkatinginan.
Natawa sila ng mahina kahit na walang nakakatawa. Na-relief na kasi sila.

"Ang weird noon." pakli ni Rane.

"Tama ka. Tara na, umuwi na nga tayo."

Tumayo na si Blade at tinulungan niya si Rane. Naglakad na sila pauwi at wala


silang naging topic kundi iyong werdong multo na humabol sa kanila.

Samantala... Panay ang buntung-hininga ni Zech habang nakahawak sa kanyang baba.


Hindi niya makalimutan iyong sinabi ni Sebastian slash si Hydrian kanina...

"Ayaw ko nang balikan ang dati kong bahay. Ayaw ko nang makaalala pa, masaya na
akong maging si Sebastian. Masaya akong kasama si Alexa at kuntento na ako doon."

Paulit-ulit na iyong umuukilkil sa kanyang utak. Isang napakapambihirang


pagkakataon ang naibigay dito para sa bago nitong buhay. Ang werdo talaga ng
langit. Tumingala siya at ngumiti.

"Ano ngayong plano?" untag ni Drake sa kanya.

Nakangiti siyang tumingin dito.

"Sasabihin natin ang tungkol sa kanya kina Blade. Ipapaliwanag natin ang sitwasyon
at ipapakaiusap na magpanggap din sila na hindi nila kilala si Hydrian.
Maiintindihan naman nila siguro na mas makakabuti kung wala na lang itong maaalala
dahil malaking gulo ang mangyayari at may isang tao ang lubos na masasaktan kapag
nagkataon..."

Isang malalim na buntung-hininga ang pinakawalan ni Drake.

"Tama ka diyan. Sana lang, maging maayos ang lahat. Nakikita ko kasi na masaya na
si Hydrian ngayon at masaya din si Alexa. Kaya kung ano man ang mga nagawa niya sa
akin dati, kinalimutan ko na lang at pinatawad siya. Sino ba naman ako para hindi
siya bigyan ng pagkakataon di ba? Halos wala din naman kaming ipinagkaiba..."

Umiling si Zech at mas lumuwang ang ngiti niya. Pero kasunod noon ang bahagyang
pag-aalala niya. May bahagi sa aura ni Hydrian kung saan niya nararamdaman si
Beelzebub, isa sa Seven Prince of Hell. Hindi pa siya sigurado pero mukhang may
kinalaman ito sa nangyari kay Hydrian... Ano kaya ng pinaplano ng isang iyon...?

********************************

# watch the animated movie: Wolf Children, it's very inspirational, promise!
Others: The boy and the beast, Hotarubi no mori e ( Into the light of Firefly
forest ).

Pinaiyak ako ng mga iyan...

#new MEN IN ACTION 7: CHASE VALLEJO

40. Oh Baby oh!

"Oh Baby oh!"

Panay ang buntong-hininga ni Blade habang malalim na nag-iisip. Katatapos lang ng


christmas eve at kasama sa mga naging bisita nila si Hydrian na ngayon ay kilala
bilang si Sebastian. Hindi siya makapaniwala sa kanyang nasaksihan. Tumingala siya
sa langit.

"Ama, iyon ba ang paraan Mo para bigyan siya ng pagkakataon? Ano bang plano Mo sa
kanya..? Kahit na galit ako sa kay Hydrian dahil sa mga maling nagawa niya sa akin
dati... Aaminin ko, nag-aalala pa rin ako sa nangyari sa kanya. Kapatid ko pa rin
naman kasi si Hydrian kahit na anong mangyari. Kagaya ko ay isa pa rin siyang
anghel at magiting na sundalo. Nakikita kong masaya siya, sana lang... Hindi na
magkaroon ng katapusan ang kasiyahan niya..."

Muli siyang huminga ng malalim. May tumapik sa kanyang balikat at nakita niya ang
nakangiting mukha ni Zech.

"Anong ginagawa mo?" tanong pa nito sa kanya.

Kasama nito si Creta na nag-sleep over dito.

"Kinakausap ko ang ating Ama. Ang dami kong tinatanong tungkol kay Hydrian."

"Huwag mo na iyong masyadong isipin. Sigurado akong may magandang plano ang ating
Ama para kay Hydrian. Pinapatawad mo na ba siya?"

Matagal munang tumingin si Blade sa mukha ni Zech bago siya nagsalita.

"Nalase, kung hihingi siya ng tawad." napataas na kilay niyang wika.

Napangiti si Zech sa sinabi niya.

"Paano iyan? Wala ngang maalala ang tarantado eh."

Natawa ng mahina si Blade.


"Anak na lase, kahit na sinabi ko na baka iuntog ko pa ang animal para lang
makaalala o kaya uupakan ko siya... Wala eh, hanggang salita din lang naman pala
ako. Inaalala ko kasi si Alexa."

"Tama. Masaya ang dalawang iyon sa isa't-isa. Suporta na lang tayo. Pero hindi tayo
dapat maging kampante. Kailangan nating bantayan si Hydrian dahil hindi natin alam
ang mga bagay na puwedeng mangyari. Paano kung biglang magbalik ang alaala niya, di
ba?"

Tumango si Blade kay Zech.

"Alam mo, tama na itong usapang ito. Tara na sa kusina at magkape. Nagtoast na ako
ng mga pandesal kanina, tinamad lang akong kumain kasi wala akong kasama."

"Good idea."

Nagpunta na nga sila ni Zech sa kusina at nagtimpla ng kanya-kanyang kape.


Kasalukuyan silang kumakain ng almusal nang bumaba si Hunter. Nagtimpla ito ng
sariling kape at naki-join sa kanila.

"Si Drake?" tanong ni Blade.

"Ayon eh di tulog na tulog. Ganoon din si Creta. Nakipagsabayan ba naman sa inuman


kay Tandang Gusting kagabi eh hassler ang isang iyon. Tumba sila. At huwag mo nang
itanong si Ai kasi sinilip ko siya sa kuwarto niya kanina, ang sarap pa ng tulog.
Nahulog na siya sa kama niya at lahat na, ayon... Tulog pa rin ang loko. At si
Azrael, maagang umalis nang matapos ang ating party-party kagabi. Papasyalan daw
niya ang bahay niya at mag-ge-general cleaning daw siya doon."

Napangiti na lang si Blade sa kanyang narinig.

"But anyway... Puwede mo ba akong samahang mamalengke? Naubos na kasi ang laman ng
kusina natin eh." wika pa ni Hunter sa kanya.

"Oh, sure. Iyon lang naman pala eh."

"Tamang-tama, makikisabay na ako sa inyo." wika ni Zech.

Matapos nilang kumain ng almusal at inayos ang kanilang mga sarili ay saka na sila
lumakad. Dumiretso ng uwi sa kanyang bahay si Zech. At ang dalawa naman ay sa
palengke. Nang matapos ang pamimili ng dalawa ay agad silang lumabas. Kasalukuyang
nasa tabi ng kalsada sina Blade at Hunter bitbit ang kanilang mga pinamili. Green
pa ang ilaw at hinihintay nilang mag-red iyon para makatawid na sila sa kabilang
kalsada. Busy sa pagsa-soundtrip si Hunter at si Blade... Tumitingin-tingin siya sa
paligid. Naghahanap siya ng mapagbibilhan ng donut. Gutom pa kasi siya at kulang sa
kanya ang mga kinain niyang mga pandesal kanina. Biglang may nagsigawan at
napatingin siya sa kabilang kalsada.

Nakita niya ang isang stroller na tumatakbo papunta sa gitna ng kalsada kung saan
maraming humaharurot na sasakyan.

"Anak na lase!" bulalas niya.

Agad niyang binitawan ang mga bitbit niya at nagmamadaling tumakbo papunta doon sa
stroller. Mas lalong nagsigawan ang mga tao dahil nakipagpatintero si Blade sa mga
sasakyan. Mabilis niyang hinila ang stroller at nakita niyang may laman iyong tulog
na baby. May parating na malaking truck kaya agad niyang binuhat ang stroller at
itinakbo ng mabilis papunta sa tabi ng kalsada bago pa man sila mahagip ng malaking
truck. Sinipat ni Blade ang natutulog na baby sa stroller, mukha naman itong ayos.

"Sinong pabayang animal ang nang-iwan dito sa baby?! Okitnam! Magpakita ka nga sa
akin at makikita mo ang hinahanap mong lase! Hindi kita palalagpasin kahit
katatapos lang ng pasko!"

Lahat ng tao ay napatingin kay Blade pero walang nagsalita sa mga ito at wala ring
nag-claim na magulang ng baby. Medyo nagulat naman si Hunter ng makita niyang wala
na ang kanyang katabi at naiwan na lang doon ang mga pinamili nila. Tumingin-tingin
siya sa paligid at nakita niya ang nagwawalang si Blade na pinagkakaguluhan ng mga
tao. Napakamot siya sa kanyang ulo at kinuha ang mga dalahin sa tabi at pinuntahan
ang kaibigan.

"Ano? Wala bang aamin? Hindi man lang ba kayo naaawa sa baby?! Anak na lase! Mga
walang-puso, bituka, atay at balunbalunang aninimal!"

"Naku naman! Sa tingin mo ba may aamin pang mga magulang ng baby na iyan kung
ganyan ka?" wika ni Hunter.

Siya na ang nagtanong-tanong sa mga tao pero walang umako na magulang o guardian ng
baby. Dahil sa nangyari ay dinala nila ang baby sa presinto at ini-report ang
tungkol dito. Sila na muna ang pansamantalang guardian ng baby dahil sila ang
kokontakin ng mga pulis kung sakaling may maghanap sa bata. Bago sila tuluyang
umuwi ay ibinili muna nila ng mga kakailanganing gamit ang bata. Tulak-tulak ni
Blade ang stroller at naglakad na sila pauwi ni Hunter.

"Paano iyan, Blade? Instant Daddy tuloy tayo niyan. Paano mo ito ipapaliwanag kay
Drake mamaya kapag nagising na siya?"

"Nalase, ako na ang bahala kay Bangkay. Isa pa, pansamantala lang naman si Baby
Princess sa atin eh."

Binigyan niya ito ng pansamantala nitong pangalan para may itawag sila sa bata.

"Paano kung walang magulang ang maghanap sa kanya?"

"Eh di tuluyan ko na siyang aampunin."

"Sureness? Hindi birong responsibilidad ang pagpapalaki ng bata."

"I know. Kaya nga naiinis ako sa mga magulang ng batang ito. Ano iyon? Basta lang
sila nagpakasarap na lalase?!"

Natawa si Hunter.

"Relax ka nga. Naha-highblood ka na naman."

Tumahimik na si Blade at itinuon na lang ang atensyon sa daan. Maingat at marahan


ang ginagawa niyang pagtulak sa stroller para hindi magising ang baby na mahimbing
na natutulog. Paano kaya napunta ang stroller sa gitna ng kalsada? Sino kayang
walang-puso ang may kagagawan? Panay ang kuwentuhan ng dalawa habang papauwi.
Walang kamalay-malay sina Hunter at Blade na may isang nilalang ang palihim na
sumusunod sa kanila. Nakatuon ang atensyon ng nilalang na iyon doon sa stroller na
tulak-tulak ni Blade.

Nang makauwi sila sa bahay ay nadatnan nilang mag-isang nagkakape sa sala si Drake.
Si Creta ay umalis na raw at si Ai naman... Ayon, tulog pa rin. Gulat naman na
napatingin si Drake kay Blade ng ipasok nito ang stroller na may lamang tulog na
baby. Sinapo niya ang ulo dahil masakit iyon dala ng hang-over. Hindi na lang sana
niya pinatulan ang kantyaw ni Lolo Gusting. Heto tuloy ang napala niya.

"Kaninong baby iyan?" mahina niyang tanong.

"Ewan."

Maang na napatingin si Drake kay Blade. Masakit na nga ang ulo niya ay pinagloloko
pa siya.

"Okitnam! Huwag mo nga akong ginu-goodtime ngayong masakit ang ulo ko dala ng hang-
over. Anong hindi mo alam, ah?!" yamot niyang tanong.

"Anak na lase, hindi ko nga alam. Napulot ko siya kanina sa gitna ng kalsada.
Muntik na ngang mapahamak eh, niligtas ko siya. Nagtanong-tanong kami sa mga tao
pero walang umako na magulang niya. Kaya ang ending, ni-report namin sa presinto
ang tungkol dito sa foundling na baby at pansamantala... Tayo na muna ang guardian
niya habang wala pang naghahanap na magulang."

"Abuwisit ak pa!" mahinang wika ni Drake.

"Huwag ka nang kumontra. Maawa ka naman doon sa baby." singit ni Hunter.

"Eh wala naman akong sinabi na kontra ako sa pagtuloy ng batang iyan sa pamamahay
ko. Masakit lang ang ulo ko, kaya para akong galit."

Uminom ng kape si Drake at kumagat sa pandesal na hawak niya.

"Dada! Dada!"

Napakurap si Drake at napatingin sa baby. Gising na ito at tumatawang napatingin sa


kanya. Nagpa-charming eyes pa ang baby sa kanya at natawa siya. Iyong sakit ng ulo
niya dala ng hang-over ay parang magic na nawala.

"Dada ka diyan. Feeling ka ah?" wika ni Drake.

Pero sa bandang-huli ay inilapag niya ang hawak niyang mug at kinuha ang bata sa
stroller. Babae ang baby at sa tantya niya ay tatlong-buwang gulang lamang.
Nakasuot ito ng manipis na puting t-shirt at manipis na pajama. Naka-diaper ito.

"Sige, habang nandito ka... Kami na muna ang Daddy mo."

Tumingin ang baby kay Drake at kinurot ang kanyang pisngi at saka tumawa. Natawa si
Blade sa nakitang eksena. Sabi na eh, walang magiging problema kay Drake. Ayon nga
at feeling Daddy agad ang loko kahit na masakit pa ang ulo dahil sa hang-over.

"Akala ko ba may hang-over ka?" di niya napigilang tanong.

"Eh kasi naman! Parang magic na nawala ang hang-over ko dahil sa cute na baby na
ito. Nga pala, may pangalan ba siya?" tanong ni Drake kay Blade.

"Binigyan ko siya ng pangalan. Princess ang napili ko. Kasi di ba? Puro tayo mga
barako dito at siya ang magiging prinsesa natin."

Ngumiti si Drake sa sinabi ni Blade. Sinipat niya ang diaper nito.

"Naku, puno na ang diaper ni Princess! At mukhang kailangan mo na ring maligo.


Tara, si Papa Drake ang bahala!"

"Uwaaa! Dada! Dada!"


Mukhang hiyang agad si baby Princess kay Drake. Nang araw na iyon ay wala silang
pinagkaabalahan kundi ang alagaan si baby Princess. Kasalukuyang pinapaypayan ni
Blade si baby Princess ng mag-ring ang cellphone niya. Si Zech ang tumatawag.

"Bakit?" tanong niya.

"Tungkol ito kay baby Princess. May update sa akin ang mga pulis. May nakunan sa
CCTV ng isang restaurant na tulak-tulak ng isang babae ang stroller ni baby
Princess. Hindi ito mapakali na ewan. Tapos, aksidente niyang naitulak iyong
stroller sa may kalsada at iyon na nga... Nakuha mo siya."

"Bakit hindi niya kinuha sa akin ang baby ng magtanong ako kung sino ang guardian?"

"Ewan ko. Naka-uniform na pang-yaya iyong babae. Noong makita niya na nakuha mo
iyong baby, basta tumakbo na lang ito papunta doon sa madilim na eskinita at
nawala. Blade, pag-ingatan niyo si baby Princess. Mukhang biktima siya ng
kidnapping. Nakikipag-ugnayan na kami ni Creta sa ibang mga presinto at sa iba pa
naming koneksyon. Tatawagan na lang kita ulit kung may bagong update."

"Salamat, Zech."

"Walang-anuman."

Nag-end na ang tawag at muling napatingin si Blade sa baby na nasa tabi niya.

"Huwag kang mag-alala, ligtas ka dito sa amin. Hindi kita makakanti ng kahit na
sino." wika niya sa bata.

Hinaplos niya ang noo ng baby para punasan ang namuong pawis doon. Manipis pa ang
buhok nito na maitim at kulot-kulot ang dulo. Muli niya itong pinaypayan. Tapos ay
natanaw niya ang paparating na si Conrad. Mag-isa lang ito at may dala-dalang kung
ano. Excited itong lumapit sa kanya.

"Uy! Pareng Blade!" masigla nitong wika.

"Sssshhh!!!... Baka magising!"

Tulirong napatingin si Conrad sa natutulog na baby na nasa tabi ni Blade. Tapos ay


muli siyang tumingin sa binata.

"Baby mo? Kailan ka pa nagbuntis?" inosente nitong tanong.

Natawa ng mahina si Blade.

"Anak na lase, hindi ako nagbuntis. Nakapulot lang ako ng baby."

"Oh talaga?"

"Naman. Kaninang umaga lang. Nakita ko siya sa gitna ng kalsada. Nga pala, mag-isa
ka lang na nagpunta dito?"

"Opo."

"Nasaan si Rane? Si Karen?"

"Tulog pa. Napuyat sila kagabi eh."

"Hindi ka natatakot na nagpunta ka dito ng mag-isa?"


"Hindi."

"Eh paano kung harangin ka ng aswang sa daan?"

Tumawa ng mahina si Conrad.

"Si Kuya Drake lang naman ang aswang dito eh."

Natawa si Blade sa sinabi ng bata.

"Isusumbong kita ah."

Kinuha ni Conrad ang hawak niyang pamaypay at ito na ang nagpaypay sa natutulog na
si baby Princess. Tinulungan sila nito sa pag-aalaga sa bata. Kung sino ang may
hawak ng baby ay doon ito nakabuntot. Pero nang mapagod si Conrad at nakitulog ito
sa kama ni Blade. Dapit-hapon naman na nang magising si Ai. Dumiretso ito ng kusina
at naghanap ng makakain.

"Salamat naman at naisipan mo pang gumising." bungad ni Hunter dito.

Kalong nito si baby Princess. Bumalik naman sa pagtulog si Drake dahil masakit
talaga ang ulo nito dahil sa hang-over.

"Oo nga." wika ni Blade.

Siya na ang naghahain ng hapunan. Kunot-noong napatingin si Ai sa kargang baby ni


Hunter.

"What is that..?"

"Ano sa palagay mo?"

"Baby..?"

"Alam mo naman pala eh."

"Saka ko na namin ikukuwento sa'yo ang tungkol sa kanya. Umupo ka na lang diyan sa
hapag at kumain. Pagkatapos ay maligo ka para mahimasmasan ka na. Buong-araw ka
nang natulog."

"Uhum.." tinatamad na sagot ni Ai.

Naupo na nga siya at kumain. Nag-ring naman ang cellphone ni Blade. Si Rane ang
tumatawag.

"Bakit?"

"Nandiyan ba si Conrad?"

"Oo, tulog na tulog."

"Ah, ganoon ba? Sunduin na lang namin siya ni Karen mamaya. Text niyo na lang ako
kapag gising na si Conrad."

"Huwag na, ako na lang ang bahalang maghatid diyan sa bahay niyo mamaya. May
pupuntahan lang kami saglit ni Hunter. May aasikasuhin lang kami sandali. Tapos,
ihahatid ko na siya sa inyo. Huwag na kayong mag-alala kasi nandito naman sina Ai
at Drake eh."
"Okay, salamat. Bye!"

Ini-end na ni Rane ang tawag. Ganoon pa man ay hindi niya maiwasang mag-alala sa
kanyang kapatid. Napuslitan sila nito at lumakad ng mag-isa. Mabuti na lang at
hindi ito napahamak.

Nahuli naman sa pagkain si Hunter dahil matapos nitong padedehin si baby Princess
ay pina-burp muna nito ang bata. Tapos ay ipinaghele pa niya ito hanggang sa
makatulog. Si Blade ang rumelyebo kay Hunter, kasalukuyan niyang binabantayan si
baby Princess habang mahimbing na natutulog sa sofa. Naka-electric fan ito.
Katatapos lang namang maligo ni Ai. Kasalukuyan nitong pinupunasan ang basa nitong
buhok ng tuwalya. Nakasuot ang binatilyo ng manipis na puting-sando at green na
hawaiian shorts na may design ng gumamela na kulay-yellow na blue ang gitna.

Lumapit ang binatilyo sa kuna at pinagmasdan ang natutulog na baby. Napangiti siya
ng makita niya ang maamong mukha nito. Only-child siya at sabik siyang mag-alaga ng
bata kasi hindi pa niya iyon nararanasan. Bahagya niyang pinisil ang tungki ng
ilong ng baby at natawa siya ng kumibot-kibot ang maliit nitong labi. Ang cute-cute
kasi nitong tingnan.

"Itigil mo nga iyan, baka magising siya at mag-alburuto. Ikaw ang magpapatahan
diyan." saway ni Blade.

Tinigilan na nga ni Ai ang baby at saka siya lumabas para isampay ang tuwalyang
ginamit niya. Napatigil siya sa akmang pagsampay ng tuwalya ng maramdaman niyang
tila may nakatingin sa kanya. Tumingin-tingin siya sa paligid at umihip ang malakas
na hangin. Lumangitngit ang mga kawayan sa paligid, wala siyang nakita na kahit na
ano. Nagkibit-balikat na lang si Ai at itinuloy na ang pagsasampay. Tapos naman
nang kumain si Hunter. Agad niyang pinuntahan si Blade na busy sa pagbabantay kay
baby Princess habang naglalaro ng app game sa cellphone nito.

"Ano, pupunta ba tayong presinto?" tanong niya kay Blade.

Itinigil ni Blade ang ginagawang paglalaro at tumingin kay Hunter.

"Oo eh. Tinawagan ako ni Hepe kanina. Nagkakagulo daw sa presinto nila. Abuwisit ak
pa." sagot ni Blade.

"Huh, bakit?" nagtatakang tanong ni Hunter.

"Ang dami daw nagke-claim na Nanay ni baby Princess. Eh di ba pinost natin sa FB


ang picture natin nila Drake na kasama si baby Princess? Tapos ini-upload mo pa sa
Instagram at Twitter mo, saan ka pa?"

Natawa si Hunter at guilty na napatingin sa kaibigan.

"Gusto ko lang namang mapadali ang paghahanap sa mga magulang ni baby Princess."

"Anak na lase, di tara na. Ayusin na natin ang dapat na ayusin."

Pumasok na si Ai sa loob ng bahay.

"Paano si baby Princess? Di natin siya isasama?"

"Mai-stress lang siya doon sa presinto. Tsaka nandiyan naman si Ai oh."

"Nanka?!" gulat na bulalas ni Ai.


Tumayo si Blade at hinila ang binatilyo papunta sa kuna kung saan natutulog si baby
Princess.

"Kayang-kaya ni Ai ang task dito. Tulog naman si baby Princess at wala siyang
gagawin kundi ang bantayan ito hanggang sa makauwi tayo." wika pa ni Blade.

"H-Ha?!"

"Ai, sige na... Sandali lang naman eh." nakikiusap na wika ni Hunter.

"A-Anong gagawin ko..?" maang na tanong ni Ai sa dalawa.

"Ganito, pupunta kami sandali ni Hunter doon sa presinto. May aayusin lang kami.
Bantayan mo si baby Princess hanggang sa makauwi kami ni Hunter. Hindi naman kami
magtatagal doon. Kapag umiyak si baby Princess, tingnan mo kung puno na ang diaper
niya o kaya kung nagpopo siya. Nandiyan sa pink na bag ang baby wipes, diapers at
baby powder, may alcohol din diyan. At kapag umiiyak siya dahil gutom siya, naka-
ready na ang feeding bottle niya, padedehin mo siya. Ipinagtimpla na namin siya
kanina."

Matamang nakikinig si Ai kay Blade at medyo nawiwindang siya sa task na ibinibigay


nito. Wala siyang alam sa pagbe-babysit.

"At may isa pa pala. Kapag nagising si Conrad, pakainin mo siya ng hapunan. Huwag
mo siyang hahayaang umuwi ng mag-isa, delekado dahil gabi na. Ang sabihin mo sa
kanya, antayin niya ang pag-uwi namin ni Hunter at ako na ang bahalang mag-uwi sa
kanya sa kanilang bahay. Understand?!" pahabol pa ni Blade.

"O-Okay..." alanganing sagot ni Ai.

"Very good!"

Tinapik ni Blade ang kanang-balikat ni Ai. Ganoon din ang ginawa ni Hunter.

"Umaasa kami sa'yo." si Hunter.

Tuluyan nang lumabas ang dalawa ng bahay at umalis. Napabuntung-hininga naman si Ai


at napaupo sa may sofa. Ini-on niya ang T.V. pero mahina lang ang volume na
inilagay niya para hindi magising ang baby. Mas makakabuti kung mahimbing na lang
itong matutulog hanggang sa makauwi ang dalawa. Nakatutok ang paningin ni Ai sa
screen ng T.V. ng tila maramdaman niya na tila may nakatingin sa kanya... Ayan na
naman... Kanina pa niya iyon napapansin ng magsampay siya ng tuwalya niya sa labas
kanina. Ngayon lang naman ganito. Itinuon niya ang atensyon sa pinapanood niyang
palabas pero nakakarinig siya ng kakaibang ingay, parang may kung anong
kumakaluskos sa kung saang parte ng bahay. Pasimpleng napalunok si Ai. Nilaro ng
mga daliri niya ang remote na hawak niya. Ang ingay lang ng T.V. ang namamayani sa
paligid at ang malakas na langitngit ng mga naglalakihang kawayan sa labas kasama
na ang mga pagaspas ng mga dahon ng ibang mga puno. At ang kakaibang kaluskos na
nanggagaling sa kung saan. Napalunok si Ai ng katakot-takot.

"Kuya Ai! Si Pareng Blade?!"

Napakislot si Ai ng marinig niya ang boses na iyon. Nagulat siya ng husto at nasapo
ang kanyang dibdib. Napatingin siya sa may hagdan at nakita niyang pababa ang
batang si Conrad na kinukusot pa ang kanang mata at naghihikab. Nakahinga siya ng
maluwag, natakot siya ng husto. Agad niyang nilapitan ang bata.

"May pinuntahan lang si Blade sensei. Tara kumain ka na ng hapunan."


Inalalayan niya si Conrad sa pagbaba, pinaupo niya ito sa sofa na nasa sala.

"Dito ka na lang kumain sa sala. Bantayan mo si baby Princess at ikukuha kita ng


food? Daijoubu?"

Inaantok na tumango na lang si Conrad. Itinuon niya ang paningin sa screen ng T.V.
Doraemon ang palabas. Abala sa paghahanda ng pagkain ni Conrad si Ai nang mapansin
niyang tila may nakatingin sa kanya mula sa bintana ng kusina. Curious siyang
lumapit doon at tumingin sa labas pero wala siyang nakita maski na anong hayop. Sa
tinagal-tagal niya sa lumang-bahay na iyon ni Drake ay wala pa naman siyang kakaiba
at nakakatakot na karanasan. Matatakot pa ba siya eh si Drake lang naman ang alam
niyang dapat na katakutan sa pamamahay na iyon?! Dahil sa naisip niya ay bigla
siyang natawa at napailing. Pinuntahan na niya si Conrad sa sala na busy sa
panonood ng T.V. Inilapag niya ang plato na may lamang pagkain at baso na may
lamang tubig sa mesita.

Nagpapasalamat siya at hindi mapili sa pagkain si Conrad. Masaya itong kumakain


habang nanonood ng T.V.

"Ang sabi ni Blade sensei, antayin mo daw siya. Siya daw ang bahalang maghatid
sa'yo sa bahay niyo. Daijoubu?"

"Uhum." sagot ni Conrad bago sumubo ng pagkain.

Nang matapos kumain si Conrad ay agad niyang iniligpit ang pinagkainan nito.
Pasilip-silip siya sa sala habang naghuhugas siya ng mga pinggan para bantayan ang
dalawang bata na alaga niya. Ngayon, alam na niya ang pakiramdam ng maging
panganay. Mahirap pala na masaya.. Nasa kalagitnaan siya sa pagpupunas ng mga
nahugasang plato ng umiyak ang baby sa kuna.

"Kuya Ai!" tawag pa ni Conrad.

Iniwan ng binatilyo ang ginagawa at agad na nagpunta sa sala. Tiningnan niya ang
diaper ng baby pero hindi naman ito puno o nagpopo. Kinuha niya ang feeding bottle
pero ayaw namang dumede ng baby. Binuhat niya ang bata at saka kinarga. Doon ito
huminto sa pag-iyak.

"Gusto lang palang magpakarga..."

Nilaro ito ni Conrad habang karga niya ang baby at isinasayaw-sayaw. Panay ang tawa
at tili ni baby Princess. Isang malakas na lagabog mula sa bubungan ang kanilang
narinig. Natigilan sina Ai at Conrad at napatingin sa kisame.

"Ano iyon?!" curious na wika ni Ai.

Tumingin siya kay Conrad at nakita niya ang natatakot nitong mukha. Bigla itong
kumapit sa laylayan ng damit niya.

"Kuya... Baka may Aswang!"

"Aswang? What is that?"

Samantala... Pagdating sa presinto nina Blade at Hunter ay lalong umingay ang


buong-paligid. Puno ang presinto ng mga nagkakagulong kakababaihan.

"Ako iyong Nanay! Ako! Natatandaan mo pa noong minsang malasing tayo pareho?! May
nangyari sa atin!"

"Ako ang tunay na Nanay!"


"Ako!"

Napangiwi si Hunter. Mukhang mali yata ang pagkakaintindi ng mga babaing ito sa
post niya. Yamot naman na napatingin si Blade sa mga babaing naroon. Hindi
magkandaugaga ang mga pulis sa pag-awat sa mga ito dahil dinudumog sila. Gigil
niyang ikinuyom ang kanyang mga kamao at yamot na tumingin sa lahat.

"Mga aninimal kayong lase!" di na nakapagpigil na wika ni Blade.

Nabaling ang atensyon ng lahat sa kanya. May isang babae ang naglakas-loob na
harapin si Blade.

"Hindi mo na ba ako natatandaan? Ako iyong ex-girlfriend mo at ang batang si


Princess ang naging bunga ng relasyon natin. Iniwan ko siya sa'yo kasi hindi kita
kayang harapin dahil inilihim ko ang tungkol sa kanya at-"

"Ambisyosa kang Inday ka! Hooy! Mahiya nga kayong lahat sa balat niyo no! Hindi ko
anak si baby Princess! Napulot ko siya at hinahanap ko ang mga magulang niya! Ni
isa sa inyo hindi ko papatulan! Over my Dead, Beautiful, Virgin, Sexy-Body! Narinig
niyo iyon?! Virgin pa ako no! Huwag kayong assuming! Wala pang nagkakasala sa
maganda kong katawan!"

May nataas ng kamay sabay sabing..

"Ay ako! Ready akong magkasala sa'yo! Eeeh!"

"Baon-inam!" naiinis na wika ni Blade.

Natawa lang si Hunter sa eksena at tuloy naman sa panenermon si Blade para


mapalayas ang mga nagkakagulong babae.

"Kung hindi kayo makakatulong, magsilayas kayo dito sa presinto kung ayaw niyong
sampahan ko kayo ng kasong: Illegal Position of Ugly Face! Layaas mga aninimal!"

Natigilan ang lahat at nawindang kay Blade. Tapos ay yamot na umalis ang mga ito.

"Sungit!"

Natawa na naman si Hunter. Nakakaloko siyang tumingin kay Blade na na-highblood.

"Talaga lang ha? Proud to be Virgin ah Blade?!"

Nagtawanan ang mga pulis sa presinto. Nakakalokong tumingin si Blade kay Hunter.

"Bakit ikaw? Hindi ka na Virgin? Sinong nagkasala na sa iyong katawan..?" pilyo


niyang tanong.

Namula ang mukha ni Hunter.

"Bakit, sinabi ko bang hindi na..?" mahina nitong wika.

Natawa si Blade at napailing. Samantala... Kausap naman na nina Zech at Creta ang
mga magulang ni baby Princess. Nakatagpo nila ang mga ito sa isang presinto kung
saan inire-report ng mag-asawa ang pagkawala ng kanilang anak noong gabi ng
bisperas ng pasko.

"So, itong yaya ni baby Princess-I mean...Angelika.. Ay bago lang po sa inyo?"


masinsinang tanong ni Zech.
"Oo. Medyo kakaiba siya kasi kung minsan... Parang ipinagdadamot niya sa akin ang
bata. Hands-on naman ako sa anak ko. Babantayan lang naman niya si Angelika kapag
may ginagawa lang akong importante." wika ng Nanay.

"Hindi naman ba siya nagdemand ng kahit na anong halaga sa inyo?" si Creta.

"Ni hindi siya tumatawag. Kaya nga nagtataka kami ng asawa ko kung bakit niya
kinidnap ang anak namin." wika naman ng ama ng bata.

Nagkatinginan ang magkaibigan. Medyo puzzled pa sila sa Yaya. Sinabi nila sa mag-
asawa na huwag nang mag-alala ang mga ito dahil napulot ni Blade ang baby at maayos
itong inaalagaan. Labis-labis ang pasasalamat ng mag-asawa sa kanila. Paalis naman
na sana sina Blade at Hunter sa presinto ng tumawag si Zech kay Blade.

"Yes, bakit?"

"Nasaan kayo ngayon?"

"Nasa presinto kami, station 11. May inasikaso lang. Ang dami kasing nag-claim na
Nanay ni baby Princess. Pinalayas ko ang mga aninimal. Anyway, may update ba?"

"Yeah, kasama namin ni Creta ang mga magulang ni baby Princess- I mean! Angelika
ang true name niya. Kinuha siya ng yaya niya noong bisperas. Nakasalubong namin ang
parents niya dito sa station 7. Wala na silang tigil sa paghahanap sa bata. Antayin
niyo na lang kami diyan. Papunta na kami."

"Okay, copy that."

Ini-end na niya ang tawag.

"Ano raw?" tanong ni Hunter.

"Papunta na raw dito sina Zech at Creta kasama ng mga magulang ni baby Princess.
Hintayin na lang natin sila dito."

Samantala... Napalunok si Ai at napatingin kay Conrad ng maulit ang malakas na


lagabog sa bubong kasunod ng malakas na kaluskos. Parang kinakayod ang yero ng kung
anong matalas na bagay.

"A-Ano ang aswang..?" mahina niyang tanong kay Conrad.

Pasimple niyang isinayaw-sayaw ang hawak niyang baby para hindi ito umiyak.

"I-Iyong aswang ay nagpapahid ng langis, nagiging monster at kumakain ng laman-loob


pero gustung-gusto nila ang mga bata, lalo na ang baby!" tarantang kuwento ni
Conrad.

Biglang pinagpawisan si Ai at alanganing napangiti.

"Baka pusa lang iyong nasa bubong." alanganin niyang wika sa bata.

Pero nakarinig sila ng mabibilis na yabag sa itaas. Hindi na talaga iyon pusa.

"Relax ka lang Kuya! Alam ko ang kahinaan ng mga aswang na iyan." mayabang na wika
ni Conrad.

Takot din naman ito pero nagtatapang-tapangan lang. Gusto niyang magpasikat kay Ai.
"Anong kahinaan nila?" tanong ni Ai.

"Asin! Kunin mo na lahat ng asin!"

Magkasunod silang nagpunta sa kusina. Kinuha ni Ai ang malaking garapon kung saan
nakalagay ang asin at agad na binuksan.

"What's next?" tanong ulit ni Ai.

"Kuya, lagyan natin ang gilid ng mga bintana at pinto ng asin para hindi siya
makapasok! Nasusunog ang mga aswang sa asin!"

Ginawa nga nila ang sinabi ni Conrad. Nilagyan nila ng asin ang gilid ng mga
bintana at pinto. Matapos iyon ay bumalik sila sa sala at nag-antabay. Isang
nakakabinging katahimikan ang namayani. Nakatulog na si baby Princess kaya ibinalik
na niya ang ito sa kuna. Sumandal si Ai sa upuan at napatingin kay Conrad. Dilat na
dilat ang mga mata nito.

"Magbabantay ako. Proprotektahan ko kayo ni baby Princess kaya huwag ka nang


matakot, Kuya Ai!" matapang pang wika ni Conrad.

Napangiti naman ang binatilyo at ginulo ang buhok ng bata. Tuloy lang sila sa
panonood ng T.V. para hindi antukin. Ilang sandali pa ay napakurap ng ilang beses
si Ai. Natingala siya. May nakita kasi siyang manipis na sinulid na unti-unting
bumababa mula sa kisame. Papunta iyon sa natutulog na si baby Princess. Kulay-pula
na may pagka-maroon ang kulay ng manipis na sinulid. Walang imik na tumayo si Ai at
kinuha ang gunting sa kusina. Pagbalik niya ay malapit na malapit na ang sinulid sa
baby. Mabilis niya iyong ginupit at wala siyang ideya kung ano iyon.

Nang tuluyan na niyang magupit ang sinulid ay nagulat siya nang tumalsik ang dugo
mula doon kasunod ang isang nakakakilabot na ingay. Parang kung anong umuungol
habang maingay na lumalagabog ang yero. Umusod palapit si Conrad sa kanya.
Napatingin si Ai sa sinulid na pinutol niya, gumagalaw-galaw iyon na parang uod.
Nakasabit iyon sa gilid ng kuna. Kumuha siya ng tissue at gamit iyon ay kinuha niya
ang sinulid.

"What's this?" bulalas niya.

Napabaling ang tingin ni Conrad sa hawak ni Ai.

"K-Kuya, saan mo nakuha iyan?"

"Ewan. Biglang lumitaw sa kisame. Papunta siya kay baby Princess kaya kumuha ako ng
gunting at pinutol ko."

Napatanga si Conrad.

"Waaah! Dila iyan noong aswang! Tiyak na galit na galit na iyon ngayon! Kuya, lagot
tayo!"

Biglang nabitawan ni Ai ang hawak niya at gigil na inapak-apakan ang dila hanggang
sa matiris. Binuhusan din niya iyon ng asin at agad niyang kinuha ang natutulog na
baby sa kuna. Nakarinig sila ng malakas na ungol kasunod ng malalakas na lagabog.
Inilapit ni Ai ang garapon ng asin sa kanyang tabi. Nagpatay-sindi ang ilaw
hanggang sa tuluyan nang magdilim ang buong paligid.

"Kuyaaa!.." takot na sigaw ni Conrad.

Napakapit siya sa binti ni Ai.


"Ako ang bahala." matapang na wika ni Ai.

Pero sa totoo lang, takot na takot na siya at hindi alam ang gagawin. Biglang
nasira ang kisame at kasunod noon ang pagbulusok pababa ng kung anong nilalang.
Magulo ang buhok nito na parang spring na puno ng langis. Maitim ang balat nito na
mabalahibo at kumikinang dahil sa ipinahid na langis. Tumutulo ang dugo nito sa
bibig. Akma nitong susunggaban sina Ai at Conrad pero mabilis na sinabuyan ng asin
ng dalawa ang aswang. Napatili ito ng malakas at natumba pero muli itong bumangon.

Samantala... Nagkita na si Blade at ang mga magulang ni baby Princess na Angelika


ang totoong pangalan.

"Teka, wala man lang ba kayong nakitang kahit na anong clue sa kuwarto ng katulong
niyo?" curious na tanong ni Hunter.

"Wala naman, Sir. Itong bote ng langis lang naman ang nakita-"

Biglang inagaw ni Zech ang hawak na bote ng lalaki.

"Teka, langis ng aswang ito ah?! Ito iyong ipinapahid nila kapag nagpapalit na sila
ng anyo."

"ASWANG?!" bulalas ng lahat.

"Oo. Malamang na binalak niyang kainin ang anak niyo. Iyon nga lang ay hindi siya
nagtagumpay. Pero baka sinundan na niya ito para makain."

Biglang nabalot ng pag-aalala ang mag-asawa.

"Naku, Sir! Puntahan na natin ang baby namin! Baka nasundan na siya noong aswang na
Yaya niya!" nag-aalalang wika ng Ginang.

Relax lang na tumingin si Blade sa mag-asawa.

"Naku, malas lang ng aswang na Yaya! Mas may nakakatakot pa sa kanya sa bahay na
iyon. Huwag kayong mag-alala kasi hindi siya makakanti sa amin. Tiyak na patay si
Yayang aswang." natatawang wika ni Blade.

Alam nina Hunter, Zech at Creta na si Drake ang tinutukoy ni Blade kaya napangiti
sila.

"Tama si Blade. Huwag po kayong mag-alala kasi ligtas ang baby niyo. Ang lagot eh
iyong Yaya niyang Aswang." segunda naman ni Zech.

Samantala... Nagising si baby Princess ng makarinig siya ng nakakatakot na ungol.


Nagulat ang bata at umalingawngaw ang malakas nitong iyak. Agresibo nang sumugod
ang aswang kina Ai at Conrad pero sinabuyan lang ulit nila ito ng asin. Hindi ito
makalapit sa kanila. Halatang si baby Princess ang puntirya nito. Bigla namang
napamulat si Drake ng marinig niya ang malakas na iyak ng baby.

"Si Princess ko!"

Bigla siyang bumangon.

"Urgh! Tanga!" sermon niya sa sarili.

Nauntog siya sa kanyang kabaong dahil tinangka niyang bumangon ng hindi pa iyon
nabubuksan. Nataranta kasi siya. Mabilis siyang lumabas mula sa kanyang kabaong at
patakbong bumaba pero laking gulat niya ng makita niyang madilim ang paligid at
nadatnan niya sa sala sina Ai at Conrad na may kasagupang Aswang. Sinasabuyan ng
dalawa ang aswang ng asin. Puntirya ng aswang ang kalong na baby ni Ai dahil iyon
ang pilit nitong sinusunggaban. Nagsalubong ang mga kilay niya.

"Okitnam! Layuan mo ang baby ko!"

Tumalon si Drake at agad na sinunggaban ang leeg ng aswang. Sinakal niya ito at
iniangat sa ere.

"Ang lakas ng loob mong pumarito sa teritoryo ko ah?! At ang baby Princess ko pa
ang gusto mong lantakan?! Abuwisit ak pa! Heto ang hinahanap mo!"

Akma niyang pipisilin ang leeg ng aswang pero nahagip ng mga mata niya sina Ai at
Conrad kasama si baby Princess. Mabilis siyang naglakad palabas. Dinala niya sa
kasukalan ang aswang at doon niya pinatay. Pinisil niya ang leeg nito at saka
sinunog. Pagbalik niya ay maliwanag na ang buong-paligid.

Pumasok siya sa loob at tiningnan ang paligid. Nagkalat ang asin. Aligaga naman si
Ai sa pagpapatahan sa kalong nitong baby. Lumapit siya dito at agad na kinuha ang
bata.

"Huwag ka nang matakot, baby ko... Wala na iyong aswang. Kineret na siya ni Daddy
Drake. Tama na..." malambing niyang wika sa bata.

Isinayaw-sayaw ni Drake ang baby hanggang sa unti-unti itong tumahan at makatulog


sa kanyang mga bisig. Ilang sandali pa ay dumating sina Blade, Hunter Creta at Zech
kasama ang mga magulang ng baby. Nakita nila na nagkalat ang asin sa paligid.

"Nagka-aswang problems ba kayo dito?" tanong ni Creta.

"Paano mo alam?" si Drake.

"Marunong akong manghula."

"Oo, may aswang kanina! Pero hindi siya umubra sa amin ni Kuya Ai! Sinabuyan namin
siya ng asin! Tapos, dumating pa si Kuya Drake! Ayon, nakeret na iyong aswang!"
mayabang na kuwento ni Conrad.

Natawa ang lahat kay Conrad. Napansin naman ni Drake ang mag-asawang kasama nina
Blade.

"Sino sila?"

"Ako si Venus-ang Nanay ni baby Angelika. At siya ang asawa kong si Adam."

Napakurap si Drake at natuliro. Tapos ay ikinuwento sa kanya ng mag-asawa kung


paano nawala ang anak ng mga ito at kung bakit ito napulot ni Blade. Naiiyak si
Drake ng iabot niya ang tulog na baby sa Nanay nito.

"Huwag niyo na ulit siyang pababayaan. Kung hindi, lagot kayo sa akin!" wika pa ni
Drake.

"Hindi na mauulit ang pagkakamali namin." wika ni Adam.

Hinalikan ni Drake ang noo ni baby Angelika.

"Mamimiss kita." hinaplos pa niya ang noo nito.


Lumapit din si Hunter sa bata at hinalikan ang noo nito. Ganoon din ang ginawa ni
Blade. Humalik siya sa noo at pisngi ng baby.

"Ikaw pa rin ang baby Princess ko. God Bless you..."

Lumapit din si Ai at humalik sa baby. At si Conrad.

"Ipagtatanggol ulit kita kahit sa aswang!" mayabang pa nitong wika.

Sina Zech at Creta ang bahalang naghatid sa pamilya. Panay ang punas ng luha ni
Drake habang nakatanaw sa papalayong baby. Kumaway pa siya dito. May tumapik sa
balikat niya at nakita niya si Blade.

"It's okay, Drake. Gawa ka na lang ng sarili mong baby. Kayang-kaya mo iyan."

Natawa ng mahina si Drake.

"Okitnam!" bulalas niya.

Natawa na lang din si Blade at napatanaw sa papalayong baby na karga ng Nanay nito.
Nakaunan ito sa balikat. Napangiti sila ng makita nilang ngumiti ang baby sa
kanilang lahat at saka nagpacharming eyes. Kumaway din ito sa kanila at tumili ng
matinis.

"Haay naku, mamimiss ko ang pagiging Daddy." si Hunter.

"Ako rin." wika ni Blade.

"Lalo na ako, no." si Drake.

Nagkatinginan ang tatlo at iisa ang naging takbo ng kanilang isipan.

"The Mystery of life!" bulalas nila at saka nagtawanan.

*********************************

# medyo late na update ko kasi bumawi pa ako sa pagod at puyat. thanks sa


paghihintay.

41. Hydrian X Sebastian

"Hydrian X Sebatian"

Napahikab si Blade at saka nag-inat. Ang daling natapos ng bakasyon... Heto at


pasukan na naman. Isinara niya ang notebook niya kung saan ginagawa ang kanyang
lesson plan. Napatingin siya sa paligid at nakita niyang busy sa paglilinis ng
classroom ang mga estudiyante niya. Tumayo na siya at lumapit sa isang estudiyante
niya na busy sa pagwawalis.
"Francis, i-lock mo itong classroom bago kayo umuwi. Huwag na kayong maglakwatsa
ah?" sabay-abot ng susi.
"Okay, Sir! Ako na ang bahala."
"Sige, ingat! Bye!"
Tumalikod na siya at naglakad paalis. Nagulat siya at bahagyang napaatras ng makita
niya si Rane na nasa bungad ng classroom.
"Anong ginagawa mo dito? Hindi ka naman isa sa mga cleaners ngayon ah?"
Ngumiti si Rane kay Blade.
"Ang ulyanin mo naman, Sir Blade. Di ba usapan natin na sasamahan natin si Daisy na
bumili ng tinapay doon sa kabilang baranggay? Nandoon na nga siya sa labas ng gate
eh, kasama sina Kuya Hunter at Drake. Ipinatawag ka nila sa akin kasi ang tagal
mong lumabas."
Napakamot sa kanyang ulo si Blade.
"Oo nga pala, nawala sa isip ko. Tinapos ko pa kasi iyong lesson plan ko para bukas
eh. But anyway, tara na nga!"
Magkasabay silang naglakad palabas ng school at nadatnan nila iyong tatlo na nag-
uusap.
"Kung ganoon, si Alexa ang nagpapabili ng tinapay?" amaze na tanong ni Hunter.
"Oo, nagpapahanap siya sa akin ng masarap na ensaymada. Inirekomenda ng kaklase ko
iyong bakery na nagdedeliver sa kanilang tindahan. Masasarap daw ang mga tindang
tinapay doon. Naubusan nga sila ng ensaymada eh, kaya heto... Tinext ko kayo. Okay
lang ba? Medyo malayo iyon pero pagmemeryendahin ko na lang kayo. Malaki naman
iyong perang ibinigay sa akin ni ate Alexa eh."
"Naks naman! Kung ganyan ang usapan, okay na okay!" singit ni Blade.
Napaismid si Hunter.
"Ayan oh, nanlaki na naman ang tenga ng isa diyan nang marinig niya ang salitang
meryenda..."
"Grasya eh.." nakangiting wika pa ni Blade.
"Tara na!" yaya na lang ni Drake.
Nagsimula na silang naglakad at habang nasa daan ay nagkukuwentuhan sila.
"Kamusta naman si Sebastian?" pasimpleng tanong ni Blade.
"Okay lang. Pinagtiyatiyagaan si ate Alexa." natatawang wika ni Daisy.
"Pinagtiyatiyagaan, mukha namang okay ang dalawang iyon." pakli ni Hunter.
Huminga ng malalim si Daisy.
"Ewan. Lately kasi, biglang naging moody si ate Alexa. Kung minsan masungit, minsan
mabait... Tapos, kung ano-ano ang ipinapabiling pagkain sa amin ni Kuya Sebastian.
Para nga siyang buntis eh." natigilan si Daisy sa huling sinabi niya.
Napatingin siya kay Rane na katabi niyang naglalakad.
"Buntis..?" bulalas na lang din ni Rane.
Nagkatinginan silang lahat at mukhang iisa ang tinatakbo ng isip nila.
"Hindi kaya..." hindi maituloy ni Drake ang gusto niyang sabihin dahil nag-aalangan
siya.
Napahawak naman sa kanyang baba si Hunter at saka tumingin kay Daisy.
"Bakit, Kuya Hunter?"
"Sabihin mo nga sa amin... Si ate Alexa mo at si Sebastian ba ay may something..?"
Natawa ng bahagya si Daisy sa tanong ni Hunter.
"Goshy, tinatanong pa ba iyon? Obvious na obvious naman." sagot pa niya.
"Anak na lase! Kung ganoon di baka buntis nga si Alexa. Pero atin-atin na lang muna
ito dahil hindi pa naman tayo sigurado sa bagay na iyon. Gumagawa lang tayo ng
tsismis eh. Usong-uso pa naman dito sa atin sa kahit na anong panahon. Mamaya, may
makarinig pa eh patay tayo diyan. Animal!" wika na lang ni Blade.
"Alam niyo, change the topic na lang. Huwag natin silang pag-usapan kasi private na
sa kanila ang bagay na iyon." comment ni Rane.
"Oo nga naman." sang-ayon ni Drake.
Nagpalit na nga sila ng topic at hindi na lang inintindi ang una nilang napag-
usapan. Panay ang kuwentuhan nila hanggang sa makarating sila sa bakery na sinasabi
ni Daisy. Medyo may kalakihan iyon at ang daming pagpipiliang klase ng pastries at
tinapay. Lumapit si Blade sa estante kung saan nakadisplay ang napakaraming pastry.
May raspberry tart, half-moon cake, strawberry short cake. Iba't-ibang uri ng
muffins at pies. May mamon na may iba't-ibang fillings at ang masarap na ensaymada.
Golden brown iyon at ang daming nakalagay na asukal at cheese, plus malalaki pa...
"Teka, anak na lase! Tinatakam ako! Parang gusto kong kainin ang lahat ng nakikita
ko..."
Pinunasan niya ang gilid ng labi niya. Tumunog ang tiyan niya at saka siya
napalunok. Umalingasaw sa paligid ang mabangong amoy ng nilulutong tinapay sa
pugon... Nilanghap niya iyon..
"Uy, umalis ka nga diyan! Para kang patay-gutom!" saway ni Drake.
"Walang patay na nagugutom." kontra ni Blade.
Dahil excited na siya ay pinindot na niya ang bell para tawagin ang atensyon ng
nasa loob ng bakery. Ding-dong! Excited silang lahat dahil may kanya-kanya silang
napipisil na gustung bilhin at tikman. Nakarinig sila ng mga papalapit na yabag at
bumungad sa kanila ang isang binatilyong may mahabang mapulang-buhok na nakapony-
tail. May hawak itong plato sa kaliwang-kamay na may lamang pancit-canton at sa
tabi nito ay malalaking buns. Sa kanan nitong kamay ay may hawak itong bun na may
palamang pancit-canton. Nginuya muna nitong maigi ang kinakain bago nagsalita.
Amaze silang napatingin sa kakaibang binatilyo.
"Pasensiya na, nagmemeryenda po kasi ako. Ano pong bibilhin niyo?" magalang nitong
wika.
"Ikaw?!" bulalas ni Blade.
"Hindi ako po ako For Sale."
"I mean, kilala kita ah! Anak na lase, dito pala ang sa inyo. Hindi mo na ba ako
natatandaan? Abuwisit ak pa!"
Napakunot-noo ang binatilyo at napatingin sa lalaking matamang nakatitig sa kanya.
Bahagya siyang nagulat kasi kilala din niya ang lalaki. Ito iyong madalas pagalitan
ni Father Piyo kasi brutal ang bunganga plus minsan na silang nagkita sa restaurant
ng uncle ng barkada niyang si Rodel. Ipinagtanggol siya nito sa isang maarteng
customer.
"Sir Blade?" bulalas ni Grimm.
"Grimm di ba? Anak na lase!"
Natawa ng mahina si Grimm at napatingin sa iba pa nitong mga kasama. Puro kilala
niya ang mga ito. Kasama din pala nito sina Hunter at Drake. Nakilala niya ang
magkakatropa dahil kay Father Piyo na kaibigan ni Father Clemen na isang exorcist
priest at guro niya. Ipinakilala sa kanya ng mga lalaki ang mga kasama nilang
babae. Nagtatawanan ang mga ito.
"Small world." nakangiting wika pa ni Drake.
"Anong bibilhin niyo?" tanong na lang ni Grimm sa lahat.
Lumapit si Daisy harap ng bakery.
"Isang box ng ensaymada. Pakibalot."
"Okay!"
Tumingin si Daisy sa mga kasama.
"Anong gusto niyo?" tanong niya.
Isa-isang lumapit sa estante ang mga kasama niya at tumingin sa mga nakadisplay na
pastries.
"Gusto ko iyong raspberry tart." wika ni Rane.
"Strawberry short-cake sa akin." si Hunter.
"Ako naman, iyong half-moon cake." si Drake.
"Ako, isang slice ng blueberry cheesecake ang kukunin ko. Ikaw Sir Blade..?" si
Daisy.
Hindi makapagdesisyon si Blade kasi gusto niya lahat ng nakikita niya. Tumingin
siya kay Grimm na naghihintay ng o-orderin niya.
"Alin ba ang masarap?" tanong niya.
"Lahat." sutil na sagot ni Grimm.
Naglakad pa si Blade sa paligid ng estante at hindi talaga siya makapili...
"Bigyan mo na lang ako ng slice ng carrot-cake. Titingnan ko kung hindi ako
madidisappoint sa isang iyon." sa wakas ay wika niya.
"Okay!"
Nagsimula nang kumilos ang binatilyo para kunin ang order nila. Isa-isa nitong
kinukuha sa estante ang mga tinapay at inilalagay sa kanya-kanyang lalagyan. Inuna
niya iyong isang kahon ng ensaymada. At isinunod niya ang magkakahiwalay na order.
Samantala... Napangisi si Beelzebub ng haplusin niya ang cocoon kung saan naroon
ang mga pinapalaki niyang demon. Malapit ng lumabas ang mga iyon. Tumingin siya kay
Legion at sa iba pang Fallen Angels na naroon.
"Matagal-tagal akong nawala dahil nag-ipon pa ako ng lakas. Ngayon, ang gusto kong
malaman... Bakit hanggang ngayon, hindi niyo pa nahahanap si Hydrian?! How dare you
3x a day!" naiinis niyang pakli.
Napahalukipkip si Vaulant at matamang tumingin sa kanyang mukha.
"Tinulungan namin si Legion sa paghahanap kay Hydrian sa mga lugar na puwede niyang
puntahan... Pero wala, hindi namin siya makita. Nahihirapan kami sa paghahanap
dahil hindi namin maramdaman ang aura niya. Parang bigla iyong naglaho. Isa pa,
kinakailangan naming mag-ingat dahil nasa paligid lang sina Blade. Hindi nila kami
puwedeng masundan dito sa headquarters dahil kung hindi... Tapos ang army mo."
Nanggigil na tumingin si Beelzebub sa lahat.
"Ang daming palusot!"
Sarkastikong tumingin si Legion kay Beelzebub.
"Fine! Makalabas na nga para masabi mong may ginagawa ako. Pero sana, maghanap ka
rin at huwag kang puro utos. Kung hindi ko lang kailangang gumanti kay Hydrian,
hindi kita susundin."
Tumalikod na si Legion at naglakad paalis. Naiinis namang napatingin si Beelzebub
dito.
"How dare you 3x a day!"
"What-ever! Same to you!"
Pinag-apoy ni Beelzebub ang kanyang kanang-kamao pero hindi niya itinuloy ang
binabalak niya. Kailangan niyang tipirin ang kanyang kapangyarihan habang naririto
siya sa mundo ng mga tao. Hindi siya puwedeng pumalpak dahil tiyak na pagtatawanan
siya ng ibang Prince of Hell.
Samantala... Isa-isang ibinigay ni Grimm ang order ng lahat. Binayaran siya ni
Daisy at agad siyang nagbigay ng sukli.
"Salamat! Teka, gusto niyo ba ng brownies? May sobra kaming brownies dito." sabay-
tingin kay Blade.
"Anak na lase, huwag ka nang mag-abala. Pero amin na nga! Pampa-free taste!"
Natawa ng mahina si Drake.
"Nahiya pa daw kunwari eh sa kapal din ng mukha ang ending. Abuwisit ak pa!"
Napaismid si Blade at tumingin sa kaibigan.
"Huwag ka ngang ma-feeling diyan. Eh gusto mo din naman!"
"Abuwisit ak pa! Sinabi ko bang ayaw ko?"
Natawa na lang si Grimm sa magkaibigan. Para talagang aso at pusa ang dalawa.
"Wait lang, kukunin ko iyong brownies." wika na lang niya.
Pumasok sa loob si Grimm at kinuha ang isang maliit na tray na may lamang brownies.
Chocolate brownies iyon na may maraming nuts. Para sa mga Kuwarog Boys niya ang mga
iyon pero hindi sila dumating. Nagkaroon ang mga ito ng kanya-kanyang dahilan.
Inilabas niya iyon at inihain sa mga bisita.
"Kamusta si Father Piyo?" tanong na lang niya.
"Ayos lang. Istrikto pa rin sa akin. Eh iyong guwapo na werdong pari?" balik-tanong
ni Blade.
"Dati pa rin. Weird... Pero hindi na siya naninigarilyo ngayon. Nag-switch na siya
sa candy na menthos. Napraning ng maputukan ng sigarilyo sa mukha. Siniksikan kasi
ng Tatay niya ng piccolo. Ayon.." kuwento pa ni Grimm.
"Iba talaga ang paraan ng himala..." pakli na lang ni Blade.
Iniumang ni Grimm ang brownies sa mga bisita. Mukhang nahihiya pa kasi ang mga ito
na tikman ang ginawa niyang brownies.
"Kumuha lang kayo. Para sana sa mga barkada ko iyan. Inindiyan nga lang ako."
Naunang kumuha ng isang pirasong brownie si Blade at kumain.
"My gosh! I'm in heaven!"
Moist na moist ang brownie at nalalasahan niya ang masarap na chocolate na
natutunaw ng unti-unti sa kanyang bibig kasabay ng malutong na tinustang mani. Tama
lang din ang tamis noon. Dahil sa nakitang reaksyon ni Blade ay nawala ang hiya ng
mga kasama nito. Nagsikuha din sila ng brownies at napagtanto nilang masarap nga.
"Isang order pa nga ng ensaymada! Isang box din. Papasalubungan ko si Mama!"
biglang wika ni Daisy.
"Ako, isang box ng raspberry tart. Ipapasalubong ko rin sa bahay!" wika ni Rane.
Um-order na rin sina Hunter at Drake pero si Blade ay hindi kasi wala itong pera.
"Ako, wala akong pera eh. Poordoy ako ngayon, anak na lase! Tama na lang itong
libreng tikim."
Natatawang napatingin na lang si Grimm kay Blade. Matapos nilang kumain ng brownies
ay nagpasalamat sila sa binatilyo. Bumili sila ng maiinom sa daan dahil medyo
nauhaw sila sa kinaing brownies at habang naglalakad sila ay ang bakery ang
kanilangtopic.
"Grabe, mula ngayon...Dadayuhin ko na ang bakery na iyon. Tama nga iyong kaklase
ko!" wika ni Daisy.
Si Drake ang nagbibit ng supot kung saan nakalagay iyong dalawang-kahon ng
ensaymada.
"Ako rin! Isasama ko doon sina Conrad at Karen. Grabeh, ang sarap talaga noong
brownie! Parang gusto kong bumalik at tikman ang iba pa nilang tinda doon." wika ni
Rane.
Nagkatinginan silang lahat at iisa ang kanilang iniisip. Lahat sila gustung bumalik
doon sa bakery nila Grimm para tikman ang iba pa nilang tindang pastry.
Inihatid ni Drake si Daisy hanggang sa bahay ni Alexa. Nauna na sa paglalakad ang
mga kasama nila.
"Salamat sa pagsama sa akin at sa paghatid. Balik tayo doon ah?" wika pa ng dalaga.
"Oo naman! Basta ikaw, itext mo lang ako anytime and I'll be there." excited na
sagot ni Drake.
Iniabot niya ang dala niya kay Daisy na agad naman nitong kinuha. Napangiti ang
dalaga sa kanya.
"Ikaw talaga, nakakatuwa ka at cute!" sabay pisil sa pisngi ni Drake.
Nahihiyang napangiti si Drake at napakamot sa kanyang batok.
"Huwag ka namang ganyan... You kegtot my heart eh!"
"Ang corny mo mag-joke, Drake. But anyway, ang cute mo pa rin kaya okay lang. Huwag
mo na nga lang gaanong i-push kasi nakakaturn off minsan. Sige, pasok na ako sa
loob."
Tuluyan nang pumasok sa loob ng bakuran si Daisy at napatanaw na lang si Drake.
Hinintay niya munang makapasok ito sa loob ng bahay bago siya mabilis na tumakbo
para habulin ang mga kasama. Nadatnan naman ni Daisy si Alexa na nakahiga sa couch
habang nanonood ng T.V. Nakaunan ito sa mga hita ni Sebastian at mukhang bagong
kasal na nasa honeymoon stage ang itsura ng mga ito. Napabuntung-hininga siya.
"Ate Alexa, nandito na ako. Heto na iyong request mo. Grabe, dinayo pa namin nila
Drake iyan."
Marahan itong bumangon at naupo sa couch. Lumapit siya sa pinsan at iniabot ang
isang kahon ng ensaymada.
"Oh, para kanino ang isa?" sita ni Alexa.
"Para kay Mama. You must try it. Ang sarap ng mga tindang pastries sa bakery na
iyon, promise!"
Napangiti si Sebastian.
"Hindi na siya kumain ng lunch sa kakahintay ng ensaymada na iyan." wika pa niya.
"Hindi kaya naglilihi ka na?" di napigilang wika ni Daisy.
Maang na napatingin sa kanya si Alexa at saka natawa.
"You silly! Ano ka ba? Nagtatakaw lang ako no. At tsaka ako, buntis? You gotta be
kidding!"
Binuksan ni Alexa ang kahon at agad siyang tinakam ng makita ang lamang ensaymada
ng kahon. Kumuha siya ng isa at agad na kumagat.
"Yes! Ito ang hinahanap ko."
Napangiti si Daisy sa pinsan.
"Finally... Sige,uuwi na ako. Hindi na ako makapaghintay na ipatikim ito kay Mama."
paalam niya.
"Thanks couz! Love you!"
"Love you too, ate. Bye!"
Tumalikod na siya at naglakad paalis. Samantala... Nauna nang umuwi sina Drake at
Hunter dahil si Blade ang naghatid kay Rane pauwi. Napatigil sila sa paglalakad ng
matapat na sila sa may gate.
"Paano nga kaya kung buntis si ate Alexa?" bulalas ni Rane.
Napapaisip talaga siya tungkol sa bagay na iyon kasi hindi naman itinago nila Blade
sa kanya ang tunay nitong pagkatao.
"Ano ngayon? Mayroon naman siyang Sebastian?" wika ni Blade.
"Iyon na nga di ba? Hindi ba it's complicated kasi si Kuya Sebastian ay isa sa mga
fallen angels na kalaban mo... Wala lang siyang maalala at-" pinutol ni Blade ang
anumang sasabihin niya.
"Huwag mong iniisip ang mga ganyang bagay. Huwag mong problemahin. Bata ka pa para
diyan. Kung ano man ang mangyayari, sisiguruhin nating nasa tabi tayo ni Alexa.
Hindi natin siya iiwan bilang mga kaibigan. Iyon lang ang tangi nating magagawa
basta huwag tayong mangialam sa personal na relasyon nila ni Sebastian o Hydrian.
Sa kanila lang iyon."
Napatango-tango si Rane at sandaling napaisip.
"Sabagay... Sige, papasok na ako sa loob. Salamat sa paghatid at ingat sila sa
iyo."
"Naman! Mag-ingat talaga sa akin ang mga masasamang loob. Lagot sa akin ang mga
aninimal. Bye na lang!"
Pumasok na sa loob ng bakuran si Rane at umalis na si Blade. Naglakad na siya
pauwi. Pero habang naglalakad siya ay napapaisip siya ng malalim. Sa totoo lang,
iniisip at inaalala din naman niya iyong sinasabi ni Rane. Ayaw nga lang niyang
makialam dahil ayaw niyang makasakit ng taong malapit na rin sa kanya. Hindi niya
alam pero bigla siyang kinabahan sa posibilidad na nagdadalang-tao si Alexa... It's
complicated.
Nang makauwi siya sa bahay ay nakita niyang nilalantakan nina Drake at Hunter ang
mga pinamili na kasama si Azrael. Si Ai ay bumalik na sa Japan pagtapos ng New
Year's celebration. Bigla niyang namiss ang batang iyon.
"Grabe, isama niyo naman ako sa bakery na iyon. Ang sarap nito ah!" pakli ni Azrael
habang kumakain ng strawberry short cake na bigay ni Drake.
"Oo ba." wika ni Hunter.
"Uy, mukhang seryoso ka diyan?" sita ni Drake kay Blade.
Lumapit si Blade sa mga kasama at naupo. Napatingin siya sa supot ng papel na may
lamang slice ng carrot cake. Tumingin ng seryoso sa kanya ang mga kaibigan kaya
napakuwento siya sa naging usapan nila ni Rane at natahimik ang mga ito.
"Kagaya ng sinabi ni Zech, wala tayong magagawa kundi ang bantayan si Hydrian
habang nasa katauhan siya ni Sebastian. Hangga't wala siyang ginagawang masama,
wala tayong kailangang gawing hakbang." wika ni Azrael.
"Haay! Anak na lase! Hindi ko lang talaga maiwasang hindi mag-worry eh. But anyway,
platito nga! Gusto kong tikman itong carrot cake nila Grimm. Sana lang, iba ito sa
mga natikman ko na dati na hindi ko natipuhan."
"KUMUHA KA!" sagot ng lahat.
Yamot siyang tumingin sa mga kaibigan.
"Anak na lase!" sabi niya sa lahat bago tumayo.
Nagpunta siya ng kusina at kumuha ng tinidor at platito. Pagbalik niya ay agad
niyang tinikman ang carrot cake na kanyang binili.
"Haay, heaven na ito..." wika niya.
Nakitikim din siya sa pagkain ng kanyang mga kaibigan.
"Talagang dadayuhin ko ang bakery na iyon. Anak na lase!" wika pa ni Blade.
Natawa na lang sa kanya ang mga kaibigan.
Kinagabihan ay inutusan ni Alexa si Sebastian na ibili siya ng makopa. Gusto niya
ay iyong maganda ang pagkaka-pink at dapat ay malutong na malutong. Napabuntung-
hininga siya at niyakap ang unan. Bigla niyang naalala ang sinabi ng kanyang
pinsan. Tumatak iyon sa utak niya.
"Silly... That was impossi-Argh! Stupid! It was possible! What would I do?"
napakagat sa labi niyang wika.
Isinubsob niya ang mukha sa yakap niyang unan. Kinakabahan siya na na-e-excite.
"Matutuwa kaya siya if ever na.." di niya maituloy ang dapat niyang sabihin.
Panay ang hinga niya ng malalim. Samantala... Patuloy na lumilibot sa buong-paligid
si Legion para hanapin si Hydrian. Buong-araw na siyang naghahanap at kagaya ng
dati ay hindi niya ito natagpuan.
"Buwisit!" gigil niyang wika.
Naupo siya sa isang bakanteng bench na nasa tabi ng kalsada at marahas na
inihilamos ang mukha sa kanyang palad. Gustung-gusto na niya talagang makaganti sa
kabaliwan ni Hydrian. Muntikan na siya nitong ipahamak at naaasar siya kay
Beelzebub dahil paborito nito ang baliw na iyon. Wala lang siyang laban dito dahil
isa itong Prince of hell kaya hindi niya kinakanti. Tumingin siya sa paligid at
nagmasid. Kakaunti na ang tao sa labas dahil may kalaliman na ang gabi. Maghihintay
pa siya hanggang bukas.
Napakunot-noo siya ng matuon ang atensyon niya sa isang stall ng prutas. May
bumibiling lalaki at kakaiba ang itsura nito. Naagaw ang atensyon niya at mariing
itinuon ang paningin dito.
"Damn it! Hydrian?!" di niya napigilang wika.
Wala sa sariling tumayo siya at naglakad papunta sa kinaroroonan ng lalaki. Tumabi
siya dito at matamang tumingin sa mukha nito. Nagbago ang itsura nito pero
siguradong ito ang hinahanap niya. Pinagana niya ang kanyang kapangyarihan pero
hindi niya maramdaman ang dati nitong aura. Nag-iba na iyon. Tumingin ang lalaki sa
kanya at nagulat siya ng ngumiti ito ng matipid. Wala siyang nakitang anumang
recognition sa mga mata nito. Na-puzzled siya. Naglakad na paalis si Hydrian
matapos nitong makabili ng prutas. Nang makabawi siya sa pagkabigla ay pasimple
niya itong sinundan. Hindi na niya ito patatakasin sa kanyang mga kamay. Tiye-
tiyempuhan niya ito.
Samantala... Kanina pa napapansin ni Sebastian(Hydrian) ang lalaking sumusunod sa
kanya. Hindi niya alam pero kinabahan siya. Iba ang kanyang pakiramdam sa isang
ito. Pamilyar sa kanya ang presensiya nito at hindi maganda ang aura. Nag-iba siya
ng direksyon. Lumiko siya ng daan. Hindi muna siya uuwi dahil tiyak na mapapahamak
si Alexa. BAAAGS!!!...
Isang malakas na puwersa ang bumulusok papunta sa kanya. Tumilapon siya at
nagpagulong-gulong sa tabi. Akma siyang tatayo pero isang malakas na suntok sa
mukha ang napala niya. Kasunod noon ay may dumaklot sa kanyang leeg at iniangat
siya sa ere.
"Sa wakas... Nahanap din kitang baliw ka! Ang galing mo rin ano? Binago mo ang aura
mo...? Mabuti na lang at natsambahan kita ngayon."
Mas idininiin ni Legion ang pagkakasakal kay Hydrian. Pero bahagya siyang nagulat
ng makita niyang blangko ang mga mata nito na may magkaibang-kulay.
"S-Sino ka ba?" hirap na tanong ni Sebastian(Hydrian).
Natawa ng pagak ang kanyang kaharap at bahagyang napailing. Mariin itong tumitig sa
kanya at mas diniinan pa nito ang kamay sa kanyang leeg. Hindi niya maalis-alis
iyon dahil tila bakal ang braso nito.
"Tsk, tsk, tsk! Hydrian, Hydrian.... Huwag ka ngang nagpapatawa na baliw ka! Huwag
mo akong paglaruan dahil hindi na uubra sa akin ang mga taktika mo! Gagantihan kita
sa atraso mo, traidor ka!" gigil na wika ni Legion.
Iniumang niya ang kanyang kanang-kamao sa dibdin nito at bumuwelo para sa malakas
na suntok pero malakas na sipa sa tagiliran ang natikman niya mula kay Hydrian.
Tumilapon siya at nabitawan niya ito. Bumagsak naman si Sebastian at humihingal
niyang sinapo ang kanyang leeg. Hinaplos niya iyon at pakiramdam niya ay hihiwalay
na ang kanyang ulo sa kanyang katawan.
"S-Sino ba siya at ano bang sinasabi niya?" wika pa niya.
Mabilis siyang bumangon pero isang malakas na suntok sa mukha ang natamo niya. Muli
siyang natumba at dinaklot ng lalaki ang kuwelyo ng suot niyang damit.
"Anong nangyayari sa'yo, Hydrian? Bakit hindi mo ako labanan? Duwag ka na ba
ngayon, ha?"
Matamang tumingin si Sebastian sa mukha ng lalaki. Pamilyar sa kanya ang mukha nito
pero hindi niya ito kilala.
"Sino bang Hydrian ang sinasabi mo?" maang niyang tanong.
Napangiti si Legion at napailing.
"Nagpapatawa ka ba? Hindi ako natatawa, Hydrian!"
Isang malakas na suntok sa mukha ang ipinadapo niya dito. Basag ang labi nito at
dumugo ang gilid ng labi. Natigilan naman si Sebastian dahil isang malakas na pulso
sa loob ng kanyang katawan ang biglang lumitaw. Kasunod noon ay gumanti din siya ng
malakas na suntok sa mukha ng kanyang kalaban. Pero nanuntok ulit ito kaya gumanti
ulit siya. Wala na silang ginawa kundi ang magpatibayan ng mukha sa kanilang mga
suntok. Hanggang naisipang tuhurin ni Sebastian ang kanyang kalaban sa tiyan.
Napaigik ito at napaluhod. Sa lakas din ng pagkakatuhod niya, nagsuka ito ng
kaunting dugo. Sapo ang tiyan ay tumingin sa kanya ang lalaki. Tumingin siya
pabalik dito.
"Sino ka ba? Bakit mo ako sinusugod? Ano bang kasalanan ko sa'yo? Utang na loob,
ayaw ko ng away."
Natigilan si Legion sa kanyang narinig. Tumingin siya kay Hydrian. Mukhang hindi
nga siya nakikilala ng lalaki at hindi na lang ito nagbabaliw-baliwan. Tumawa siya
at saka napailing...
"Ayaw mo nang away? Huwag ka ngang nagpapatawa? Hindi ba't sa ating lahat, ikaw ang
pinakamahilig gumawa ng gulo? Gago ka!"
Napakunot-noo si Sebastian. Kilala siya ng lalaki.
"Sino ba ako?" lakas-loob niyang tanong.
Marahang tumayo si Legion habang nakatingin ng matalim kay Hydrian. Isang
nakakalokong ngiti ang sumilay sa labi nito.
"Isa kang napakasamang nilalang na gaya ko. Isa kang traidor. Isa ka sa mga
rebeldeng anghel na nag-aklas sa kalangitan at nagpasimula ng pinakaunang digmaan."
Nahigit ni Sebastian ang kanyang paghinga sa kanyang narinig. Hindi siya
makapaniwala... Nababaliw na yata ang lalaking kaharap niya.
"Nababaliw ka na ba?" pakli niya.
Mas tumalim ang tingin ni Legion kay Hydrian. Mas naaasar siya sa kamangmangan
nito. Mariin niyang ikinuyom ang kanyang mga kamao.
"Wala akong pakialam kung may naaalala ko o wala! Basta dadalhin kitang bugbog-
sarado kay Beelzebub!.."
Sinugod niya si Hydrian pero mabilis itong tumalon at umiwas sa kanyang atake.
Ganoon pa man, mas bilisan niya ang kilos kaya nasundan niya agad ito. Gumamit na
siya ng kanyang kapangyarihan. Isang kulay-berdeng liwanag ang pinalitaw niya sa
kanyang kanang-kamao at ang bolang inipon niya at malakas niyang ibinato dito.
Tinamaan ito sa sikmura at saka tumilapon. Umuusok ang katawan nito na nakahandusay
sa lupa.
"Masakit ba, ha? Nagsisimula palang akong mag-enjoy!"
Iniunat ni Legion ang kanyang mga braso at saka lumapit kay Hydrian. Tumunghay siya
dito at dinaklot ang buhok ng lalaki. Ipinaharap niya ito sa kanya.
"Bakit hindi ko makita ang galit sa mukha mo? Kasabay ba ng pagkawala ng alaala mo
ay nanghina ka rin? Tiyak na hindi matutuwa nito si Beelzebub. Wala kang silbi!"
Mas hinigpitan niya ang pagkakasabunot dito at mas inangat pa niya ang ulo nito.
Napasunod ang katawan ng huli.
"Beelzebub?"
"Oh, hindi mo na rin siya kilala? Siya ang isa sa Seven Prince of Hell. Ang sabi
niya, ginawa ka daw niyang katulad niya... Isang demonyo! Ha ha ha ha! Ganda ng
bagong mong hairstyle ah? Pauso..?"
Sinuntok niya ng malakas ang sikmura ni Hydrian at namilipit ito sa sakit... Ngunit
biglang dinakma ni Hydrian ang kanyang leeg at pinisil nito ang lalamunan niya.
Nabitawan niya ito dahil nawalan siya ng hangin. Inabot niya ang paghinga. Mabilis
namang sinamantala ni Sebastian(Hydrian) ang pagkakataon. Umikot siya patalikod sa
lalaki at ini-lock ang leeg nito. Kung hindi siya nito bubuhayin, mabuti nang
unahan niya ito.
"Argh!.."
Napahawak si Legion sa braso ni Hydrian na mahigpit na nakasakal sa kanyang leeg.
Hindi niya iyon maalis-alis dahil naka-lock siya dito. Dahil desperado siya ay
inilabas na niya ang kanyang mga pakpak at mabilis na lumipad paitaas. Nagulat
naman si Sebastian(Hydrian) pero nananatili ang mahigpit niyang lock sa leeg nito.
Umikot-ikot sila sa ere, bumaba at tumaas..
"M-Matigas ka ah! Tingnan ko lang kung hindi ka susuko!"
Siniko ni Legion ang tagiliran ni Hydrian pero gumanti ito ng mas mahigpit na lock.
Kaya ang ginawa niya ay mas binilisan pa niya ang paglipad sa ere at maraming beses
na umikot-ikot.
Samantala... Kalalabas lang nina Drake at Blade sa radio station. Nagtatawanan sila
dahil sa isang topic.
"Grabe ka talaga, binaliw-baliw mo na naman ang mga listeners ko. Abuwisit ak pa!"
pakli ni Drake.
"Animal, gustung-gusto naman nila!"
Nagpatuloy sila sa paglalakad habang umiinom ng mainit na kape sa hawak nilang cup.
Napatigil sila sa paglalakad ng makita nila si Zech na naglalakad pauwi.
"Uy Zech! Wait!" tawag ni Blade.
Tumigil ito sa paglalakad at napatingin sa kanila. Ngumiti ito at agad silang
lumapit dito.
"Ginabi ka yata?" sita ni Drake.
"Oo. Galing ako sa kabilang bayan. May ni-landscape akong garden doon ng isa kong
kliyente. Ang arte nga eh kasi pabago-bago ang design na gusto. Pero okay lang,
binawi ko naman sa kota. Kayo?"
"Sa radio station kami galing. Animal, binolatis ko na naman ah iyong mga listeners
ni Drake. Gustung-gusto naman! Wa ha ha ha!" proud na wika ni Blade.
"Sayang, hindi ko napangkinggan ah?"
"Buti nga hindi mo napakinggan, medyo nakakahiya eh. May pagka-SPG itong Blade na
ito. Alam mo na, brutal ang bunganga. Abuwisit ak pa!"
Napatigil sila sa pag-uusap ng makaramdam sila ng malakas na aura at pagaspas ng
hangin... Kasunod noon ay ang malakas na ingay na likha ng mga nababasag na
salamin. Nagkatinginan silang tatlo at iisa ang kanilang iniisip.
"Tara!" wika pa ni Zech.
Samantala... Dahil ayaw talagang bitawan ni Hydrian(Sebastian) si Legion ay mas
naging desperado ito. Patalikod niyang ibinangga ang sarili sa isang gusali na
malapit lang sa kanila. Nagkaroon ng malakas na ingay dahil sa mga nabasag na
salamin. Hindi pa rin siya binitawan kaya inulit niya iyon ng ilang beses.
Nagkasugat-sugat naman na ang likod at ang ibang parte ng katawan ni
Hydrian(Sebastian). Muling humampas ng malakas ang kanyang katawan sa isang
malaking salamin ng gusali at tuluyan na siyang napabitaw sa kanyang kalaban.
Natusok ang mga braso niya ng malalaking bubog ng salamin... Tila slowmo ang
kanyang pagbagsak habang nakatingin siya kalaban niyang anghel... Sapo ang leeg ay
sarkastiko itong tumingin sa kanya. Duguan din ito dahil maging ito ay nasaksak ng
napakaraming bubog.
"Anong nangyari sa mga pakpak mo, Hydrian? Bakit hindi mo pakinabangan..?" nang-
iinsulto nitong wika.
Napatanga siya at nablangko sa sinasabi nito. Mariin siyang pumikit. Katapusan na
yata niya...? Pero laking-gulat niya ng maramdaman niyang may nilalang na sumalo sa
kanya. Nagmulat siya ng mga mata at napatingin sa kanyang tagapagligtas...
"B-Blade?"
Ngumiti ito ng matipid.
"At your service, nalase!"
Natawa siya ng mahina at napaungol dahil masakit ang katawan niya dala ng bugbog at
mga sugat. Nataranta naman si Legion ng sumulpot sa kanyang harapan sina Zech at
ang Blood demon. Tumingin siya kay Hydrian na hawak ni Blade. Nanggigigil siya...
"Walang-hiya ka talaga, Hydrian! Traidor ka! Isusumbong kita kay Beelzebub! Patay
ka sa kanya! Argh!!!.."
"Okitnam!" react ni Drake.
Matapos iyon ay mabilis niya itong pinaulanan ng kanyang Blazing Inferno pero nang
maglaho ang apoy niya ay naglaho na rin ang kalaban.
"Tumakas na siya." pakli ni Zech.
"Abuwisit ak pa, I know!"
Pinuntahan na lang nila sina Blade at Sebastian(Hydrian). Dinala nila ang huli sa
likod ng isang malaking gusali na may masukal na paligid. Marahan nila itong
pinaupo at ipinasandal sa pader. Kasunod noon ay isa-isang tinanggal ni Zech sa
katawan nito ang mga bumaong bubog ng mga salamin. Pinunit nila ang pang-itaas
nitong damit para gawing benda sa mga tinamo nitong sugat.
"Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Zech.
Naiiyak na tumingin si Sebastian sa mga kasama. Ang daming namuong tanong sa utak
niya.
"Hindi ako ayos. Sabihin niyo sa akin... Totoo ba ang mga sinabi ng lalaking
umatake sa akin?!"
Amaze na napatingin sa kanya ang lahat.
"Anong sinabi?" si Drake.
Huminga ng malalim si Sebastian at sinabi ang lahat ng nalaman niya. Ilang
sandaling katahimikan ang nangyari. Pero sa bandang-huli, nagkuwento na rin ang mga
kasama niya. Umiwas siya ng tingin ng mapadako ang mga mata niya kay Blade.
"Wala akong mukhang ihaharap sa'yo... Ang sama ko pala. Nakakahiya ako."
"Tama na. Hindi kita hinuhusgahan. Kahit na anong mangyari, kapatid pa rin kitang
animal."
"Hindi ko alam kung dapat ba akong humingi sa'yo ng tawad kasi wala naman ako sa
totoo kong katauhan? Kahit na alam ko na ang lahat, wala pa rin akong maalala na
kahit na ano."
Tinapik ni Blade ang balikat ni Sebastian.
"Bilang si Sebastian, wala kang dapat ihingi ng kapatawaran sa akin. Pero kung
dumating ang araw na maging si Hydrian ka na ulit, doon ka na lang humingi ng sorry
sa akin."
Matagal na napatitig si Sebastian kay Blade. Medyo naiiyak siya pero napangiti
siya. Mula sa bulsa ng kanyang pantalon ay kinuha niya ang isang maliit na kahon.
"Sa tingin ko, dapat kong itapon ang bagay na ito. Hindi na ako karapat-dapat para
sa kanya."
Inihagis niya ang hawak pero mabilis iyong sinalo ni Drake. Binuksan nito ang
maliit na kahon at nalantad ang isang cute na diamond ring. Tumingin si Drake sa
kanya at lumapit.
"Payong kaibigan lang... Siya lang ang makakapagsabi kung karapat-dapat ba siya sa
iyo. Itago mo ang bagay na ito hanggang sa dumating ang tamang timing."
Inilagay ni Drake sa kamay ni Sebastian ang kahon. Napatingin naman ang huli sa
singsing na nasa kahon. Kumikinang ang maliit na bato doon.
"Tama si Drake. Iuuwi ka na namin sa tahanan mo dahil may naghihintay sa'yo doon.
Ayaw mo siyang malungkot, di ba?" makahulugang wika ni Zech.
Hindi sumagot si Sebastian pero napangiti siya. Ayaw na niyang balikan ang anumang
bahagi ng kanyang nakaraan pero bigla siyang minumulto noon... Isang malalim na
buntung-hininga ang pinakawalan niya. Tumingin siya kay Blade. Sana lang, kapag
naging si Hydrian na siya... Mapatawad siya nito.
***************************************
# Just want to announce na palapit na tayo sa Book 3 ng Sir Blade at iyon na rin
ang Finale, ini-extend ko na nga ng ilan pang Chapters itong Book 2. Don't worry
kasi hahabaan ko ang mga chapters ng Book 3. Masyado nang napamahal sa akin ang
story na ito, lalo na ang mga baliw na characters eh... Sana lang, subaybayan niyo
hanggang sa Finale... And promise, patuloy akong mag-iisip ng mga nakakatawa at
nakakabaliw na eksena. Thanks and God Bless to all. Escape from Hell-papunta na rin
sa Book 2.
brose_fire

42. The Mansion

"The Mansion"
"I'm sorry, Seb. I'm really sorry..."
Hinaplos ni Alexa ang pisngi ni Sebastian. Namamaga pa iyon. Ang dami nitong sugat
at pasa sa katawan. Ayon kina Blade, napagtripan daw ito sa daan. Mabuti na lang at
nakita ng mga ito si Sebastian... Kung hindi ay baka kung ano na ang nangyari dito.
Tumingin sa kanyang mukha ang lalaki at ngumiti ng matipid. Hinaplos nito ang
pisngi niya.
"Hindi mo kailangang mag-sorry sa akin. Hindi naman ikaw ang nambugbog sa akin eh."
"Pero ako ang dahilan kaya ka napahamak. Kung hindi kita inutusang lumabas para
bumili ng makopa-"
Tinakpan ng hintuturo nito ang kanyang bibig kaya hindi na siya nakapagsalita.
"That's enough... Don't worry about me. I'm okay. I'm your man of steel right..?
This is nothing."
Inalis niya ang hintuturo nito sa kanyang labi.
"Are you sure? Baka kailangan kitang dalhin sa ospital... Hindi natin alam kung may
damage ang katawan mo sa internal-"
He smack a kiss on her lips.
"I just need a rest. Mas makakabuti kung kainin mo na lang itong mga makopang
nabili ko. Kinulit mo ako ng husto dito, so please...?"
Inilagay nito sa kamay niya ang isang makopa at napangiti siya ng makita niya ang
pink na prutas. Tinitigan niya iyon at naaakit siya sa cute nitong kulay. Muli
siyang tumingin kay Sebastian.
"Your so sweet. Payakap nga!"
"Yeah, sure."
Malugod na sinalubong ni Sebastian ang mahigpit na yakap ni Alexa. Hinaplos niya
ang buhok nito at napahinga siya ng malalim... Sinisiguro niya, hindi mapapahamak
si Alexa.
"Hindi na ako magiging si Hydrian, kahit na kailan..." mariin niyang wika sa
kanyang isipan.
Pumikit siya at mas niyakap ng mahigpit si Alexa..
Samantala... Nagulat sina Vaulant ng biglang dumating si Legion na puno ng galos at
pasa sa katawan.
"Buwisit!" naiinis nitong wika.
Isang anino ang biglang namuo at lumitaw si Beelzebub.
"Hmm.. Mukhang may nangyari." napangiti nitong wika.
Inalis ni Legion ang isang malaking bubog ng salamin na nakabaon sa kaliwa niyang
braso.
"Nakita ko si Hydrian... At hulaan niyo..." sarkastiko niyang wika.
Lumapit sa kanya si Colossus at inalalayan siya.
"Hulaan ang alin?" wika pa nito.
Tumingin siya kay Colossus at sa iba pang fallen angels na naroon.
"Hindi niya ako kilala! Hindi niya tayo kilala, wala siyang anumang natatandaan..
Ewan ko kung ano ang nangyari sa buwisit na iyon pero hindi siya makaalala maski na
ano!"
"Anong sinabi mo?!" bulalas ni Tumand.
"Hindi ka naman bingi ano? Paulit-ulit? Ano ako, sirang-plaka?! Bandage nga!"
Napahawak sa kanyang baba si Beelzebub... Maaaring nawala ang alaala ni Hydrian
dala ng paggising nito ng wala sa tamang panahon. Muli siyang tumingin kay Legion
na kasalukuyang ginagamot ang mga sugat.
"Ano pa ang update mo tungkol sa kanya?"
Sarkastikong tumingin sa kanya si Legion.
"Ayos na sana eh, madadala ko na sana siya sayo... Pero lintek na kabuwisitan!
Tinulungan siya nina Blade!"
Napatanga ang lahat.
"Ang traidor na iyon, kumampi na siya sa kalaban. Buwisit siya!" pakli pa ni
Legion.
Mariing ikinuyom ni Beelzebub ang kanyang mga kamao. Tumingin siya sa mga kasama.
"How dare you 3x a day, Hydrian!" galit niyang wika.
Mahahalata ang matinding galit niya dahil nababalutan siya ng malakas na apoy.
Galit na galit siya. Tumingala siya sa langit.
"You are so unfair!!!... UNFAIR!!!...."
Sumabog ang malakas na apoy sa kanyang katawan.
"Ako mismo ang personal na maghahanap kay Hydrian! Huwag niyo siyang pakikialaman
dahil personal ko siyang aasikasuhin!" mariin niyang wika.
Napangiti ng matipid si Vaulant ng makita niya ang reaksyon ni Beelzebub. Hindi na
siya makakapaghintay sa gagawin nito kay Hydrian...
Kinabukasan... Kagaya ng dati ay busy na naman sina Blade at Hunter sa school. Busy
sa pagtse-check ng notebook ng mga estudiyante niya si Blade. Iyon ang ginagawa
niyang project ng mga bata, isa pa... Natutuwa siyang magbuklat ng notebooks dahil
ang dami niyang natutuklasan sa loob noon. Kagaya ng crushes... Marami siyang
nakikitang Flames-Hope, True Love at kung ano-ano pa sa likod ng notebook ng mga
estudiyante.. Natawa siya ng pagbuklat niya sa likod ng notebook ng isang
estudiyante niya ay puno ng drawing. Panay anime characters iyon. Notebook iyon ng
mga first year kung saan nagtuturo siya ng English.
"Akalain mo... May talent naman pala itong si Julius. Bakit hindi kaya sumasali ang
isang ito sa mga art contest?" napangiti niyang wika.
Binuklat pa niya ang notebook at sa bandang kalagitnaan ay may nakita ulit siyang
mga drawing... Comics style. Mas lumuwang ang pagkakangiti niya. Binasa niya ang
story at natawa siya. Ginawa kasi nitong bida ang sarili at ang inspiration ng
story ay sa classic game na Super Mario. Busy na siya sa pagbabasa ng..
"Hello, Sir Blade!"
Napakislot si Blade at muntikan na niyang maihagis sa kung saan ang hawak niyang
notebook. Napatingin siya sa nagsalita at ang nakangiting mukha ni Karen ang nakita
niya.
"Yes? Why, bakit, aken, apay?"
May dala itong asul na lunchbox.
"Sir, busy ka ba? Puwedeng pasuyo?" sunud-sunod nitong tanong.
"Ano iyon?"
"Naiwan ni Conrad itong lunchbox niya. Puwedeng pakidala sa room niya. Pasensiya na
talaga, Sir. May klase pa si Rane eh. Ako naman, busy sa para sa project naming
movie. Magsisimula na nga kaming magshooting mamayang hapon eh."
"Iyon lang pala. Akin na ang lunchbox."
Inilapag ni Karen ang dala nito sa mesa.
"Ano ba ang gagawin niyong movie?" bigla niyang tanong.
"Horror iyong napuntang category sa amin eh. Ako pa nga ang ginawang bida. Kainis,
kailangan ko tuloy pumasok sa isang nakakatakot na lugar. Wala nga akong magawa
kasi pinagtulungan ako ng mga ka-group ko."
Natawa si Blade.
"May location na ba kayo? Puwede kong kausapin si Drake para ipahiram iyong bahay
niya."
Napangiti si Karen.
"Hindi naman nakakatakot iyong bahay ni Kuya Drake. Ang cute na nga ngayon eh.
Tsaka baka makasira pa kami doon, magalit siya. Plus, may nahanap nang lumang bahay
na pagsho-shootingan namin si Leah."
"Okay... Bahala kayo. Basta siguraduhin niyong safe kayo diyan sa gagawin niyong
movie ah?" wika na lang ni Blade.
"Oo naman, po. Salamat sa pag-aalala. Huwag mong kalimutan iyong lunchbox ni Conrad
ah? Bye!"
"Bye!"
Tumalikod na si Karen at naglakad paalis. Pasimple namang binuksan ni Blade ang
lunchbox ni Conrad at sinisilip niya ang laman ng biglang bumuwelta si Karen.
"Sir Blade! Kay Conrad iyan!"
"Ay animal!"
Muntik na niyang matapon ang lunchbox at guilty na napatingin kay Karen. Alanganin
siyang ngumiti dito. Nagpeace sign siya sabay sabing...
"Na-curious lang."
Nagdududang tumingin sa kanya si Karen at nagtaas ng kilay.
"Ikaw talaga, Sir Blade. Pabayaan mo na lang iyang baon ni Conrad. Bibigyan na lang
kita ng cookies bukas. Ibibili kita doon sa bakery noong cute na guy na may long-
red hair. Goshy, crush namin si Grimm, Sir! Bukas nga dadayo kami doon ng tropa ko
after naming mag-shoot." tila nangangarap na wika ni Karen.
Sutil na tumingin si Blade kay Karen.
"Crush, crush... Eh di ba mayroon ka nang Ai? Baka gusto mong isumbong kita sa
kanya? Isang Skype lang. Huwag ka ngang salawahan."
Napaismid si Karen.
"Friend ko lang si Ai. Kaya walang masama kung magkaroon ako ng crush."
"Friend daw... Iyong totoo?" nang-iintrigang wika ni Blade.
Namula ang mukha ni Karen at yamot na napatingin kay Blade. Palagi na lang siya
nitong itinutukso kay Ai dahil close sila. Mabait naman si Ai at komportable siyang
kasama ito kahit na may pagkamayabang at nakakaasar kung minsan. Nagmana kasi sa
idol nito na nasa harapan niya.
"Ewan ko sa'yo! Diyan ka na nga!"
Tuluyan nang tumalikod si Karen at malalaki ang ginawang paghakbang paalis.
Nakakapikon... Hindi lang kasi ito ang nanunukso sa kanya kay Ai, maging sa
bahay... Namumurder siya nina Conrad at Rane, plus iyong mga katulong nila. Pero sa
isang banda ay bigla siyang napangiti...
"Atleast, pangtao ang beauty ko. Hindi na pang maligno." pakli niya.
Samantala... Tumayo na si Blade at dinala ang lunchbox ni Conrad. Nagpunta na siya
sa Elementary para ibigay ang baon nito. Kasalukuyang may klase si Conrad ng
mamataan siya ng teacher nito sa may pinto.
"Class, we have a visitor. Anong sasabihin kapag may visitor?" wika ng teacher.
Tumayo ang mga bata at humarap sa kanya.
"Welcome, Visitor!"
"Pasok ka, Sir. Anong kailangan mo?" wika ng teacher.
"Ma'm, ibibigay ko lang po itong baon ni Conrad."
Ngumiti ang teacher sa kanya at lumapit.
"Okay. Tamang-tama ang timing mo, Sir Blade. Puwede bang pakibantayan mo muna
sandali ang mga bata? Ipinapatawag ako ni Principal eh. Sandaling-sandali lang
ako."
"Oh sige, ayos lang."
"Salamat, Sir!"
Bumaling ang teacher sa mga bata.
"Class! Si Sir Blade na muna ang bahala sa inyo kasi pinapatawag ako ni Principal.
Magpakabait kayo sa kanya, okay?"
"Yes, Ma'm!"
Muling nagpasalamat ang guro kay Blade bago ito tuluyang lumabas sa classroom.
Pagkaalis ng adviser nina Conrad ay agad niyang ibinigay sa bata ang lunchbox nito.
Kasunod noon ay kampante siyang nagpunta sa harap ng classroom at naupo sa mesa.
Amaze na napatingin sa kanya ang mga bata.
"Ako daw muna ang teacher niyo ngayon. Bueno, ako si Sir Blade. Ano ba ang subject
niyo ngayon?"
"Sir, Science!" sagot ni Conrad.
Napahawak sa kanyang baba si Blade at saka nag-isip. Napangiti siya noong makita
niya ang ibang mga bata na itinuturo siya at naghahagikgikan.
"Guwapo oh, guwapo!"
Natawa siya, ibang klase na pala ang mga kabataan ngayon. Bahagya siyang napailing.
"Mga bata, alam niyo ba kung bakit kinakagat tayo ng langgam?" bigla niyang tanong.
"Kasi inaapakan natin sila!" mabilis na sagot ng isang batang-babae.
Natawa siya.
"Mali! Kinakagat tayo ng mga langgam kasi instinct nila iyon."
"Ano iyong imstek?"
"Iyon ay isang natural na katangian para ipagtanggol ang sarili. Mayroon din tayong
mga tao na ganoon. Tinatawag iyong instinct drive. Pero kalimutan niyo na muna. Isa
pa, kinakagat tayo ng langgam kasi naaamoy nila ang sugar sa ating katawan. Kaya
kapag palagi kayong nakakagat ng langgam... Ibig sabihin ay sweet kayo."
"Ay ako, sweet!"
"Ako din!"
"Ako din, sweet ako!"
"Ako, sweet din kasi may baon akong kendi!"
Ang daming nagtaas ng kamay para magsabing sweet sila.
"Ngayon naman, ang sunod nating pag-uusapan ay tungkol sa mga animals na
herbivours. Ang mga animals na tinatawag na herbivours ay kumakain ng halaman.
Ngayon, sino ang may dalang pictures diyan ng mga animals na ito?"
Nagsikalkal sa bag ang mga bata hanggang sa...
"Sir! Ito oh, kalabaw!"
"Sir! Kambing!"
"Sir ito oh, baka!"
Napakunot ang noo ni Blade doon sa huli.
"Teka, hindi naman picture ng baka iyan ah? Lata iyan ng cornbeef?" nagtataka
niyang tanong.
"Sir, kinatay na iyong baka. Nilagay na dito sa lata." paliwanag ng batang-lalaki.
Dahil sa naging sagot nito ay natawa na si Blade. Tapos ay..
"Sir! Sir!" tawag ng isang batang-lalaki.
"Oh, bakit?"
"May girlfriend na ikaw?"
"Wala."
"Aaay! Wala daw!"
Nag-ingayan ang mga bata.
"Tama na! Tama na! Kumanta na lang tayo! Dali, tumayo kayong lahat!"
Tumayo nga ang mga bata at saka tumingin sa kanya. Huminga siya ng malalim at agad
na nagready sa pagkanta.
"Okay, gayahin niyo lang ako ah? Game na! May isang tsikadi na dumapo sa sanga,
dumating ang isa, dalawa na sila. Tsikadi, tsikadi, palipad-lipad! Tsikadi-tsikadi,
palipad-lipad! May dalawang tsikadi na dumapo sa sanga. Dumating ang isa, tatlo na
sila..."
Ginawa pa talaga ni Blade iyong step at game na game naman ang mga bata na sabayan
siya. Kinanta nila iyon hanggang sa pangsampung tsikadi. Nang matapos naman sila sa
pagkanta ay dumating na ang guro ng mga ito. Nagpasalamat ito kay Blade at panay
naman ang ba-bye ng mga bata sa kanya bago siya umalis.
"Sir, balik ka ah?"
"Sir Blade, crush ka daw ni Ano! Ni... Sarah!"
"Hindi ah! Ta ikaw naman ang may crush kay Sir!"
"Weeh! Pareho lang kayo, Sir!!!... Crush ka daw nila oh!
Iyon ang mga salitang narinig niya mula sa mga bata. Talagang nagpahabol pa ang mga
ito ng kung ano-ano. Natawa siya, ang saya talagang makipagkulitan sa mga bata.
Pag-uwi nila sa bahay ni Hunter noong hapon ay nadatnan nila si Zech na kasama sina
Azrael at Drake. Tumutugtog ang huli ng violin. At iyong dalawa naman, hinuhulaan
ang title ng kantang tinutugtog ni Drake.
"Alam ko iyan eh... Hmm..." napapaisip na wika ni Zech.
Hindi niya memoryado ang lyrics pero alam niya ang kanta.
"Alam ko na! Memory! Tama?"
Huminto sa pagtugtog si Drake.
"One point, Zech!"
Naupo sina Blade at Hunter sa sofa.
"Ano na namang pakulo ito?" tanong ni Hunter.
Ngumiti si Zech.
"Wala kasi kaming magawa eh. Kaya naisipan naming maglaro. Ang matalo, manlilibre
sa Mang Inasal ng unli-rice hanggang dessert. Kota na nga itong si Azrael eh, four
points na siya."
Nagkibit-balikat lang si Azrael.
"Ituloy na lang natin ang laro." wika pa nito.
"Sige nga, ituloy niyo nga!" wika ni Blade.
Naghanda naman sa muling pagtugtog si Drake. Nag-isip siya ng kanta hanggang sa may
napili na siya.
"Run-away by the Corrs!"
"Five points, Azrael! Ano, itutuloy pa ba natin 'to?"
"Isa pa. Kapag nakapuntos ako itutuloy pa natin ang laro. Kapag hindi na, di ako na
ang taya sa Mang Inasal."
Sutil na siniko ni Blade si Zech.
"Uy, huwag ka nang humirit. Di ba sabi mo kagabi, malaki ang kota mo doon sa
kliyente mo. Patikim naman diyan ang kota ng Landscape engineer!" kantyaw ni Blade.
Natawa si Zech at napakamot sa kanyang ulo. Pasimple niyang kinapa ang wallet sa
kanyang bulsa.
"Tara na nga!"
Tumayo na siya at napasunod ang mga kasama niya.
"Ayan, anak na lase! I love you, p're!"
Nagflying kiss si Blade kay Zech pero iwinasiwas ng huli ang kamay para paypayan
iyon.
"Son of a bitch! Tama na ang thank you sa akin!" reklamo niya kunwari.
Tumawa lang si Blade at inilapag ang mga dalang gamit. Lumakad na sila at umalis.
Samantala... Napalunok si Karen ng makita niya ang lumang-mansion kung saan sila
magsho-shoot ng pelikula.
"Dito talaga? As in?" tuliro niyang tanong kay Leah.
Medyo may kalayuan ang lugar at wala pang ibang kabahayan sa paligid. Puno ng
malalaking lumot ang mga patay na puno sa paligid ng mansion. Ang dami ding lumot
sa gusali at mga vines na pumapalibot.
"Wala bang magagalit sa atin dito?" tanong naman ni Katrina.
"Wala, abandonado na ang mansion na ito. Walang nagmamay-ari kaya okay lang kahit
na makasira pa tayo dito. Tsaka, tingnan niyo... Bungad na bungad palang, horror na
horror na. Bongga aning!" maarteng wika ni Leah.
Napayakap si Karen sa kanyang sarili.
"Kinikilabutan ako sa pamamahay na ito. Eh kung pakiusapan na lang kaya natin si
Kuya Drake na iyong bahay na lang niya ang gamitin natin?"
"Huwag na, nandito na tayo eh. Tara, pumasok na muna tayong lahat sa loob. Tingnan
natin ang lugar at pumili tayo ng spot kung saan tayo magsho-shoot. Kung gusto
niyo, kahit bukas na lang din tayo magsimula sa totoo nating shooting." wika pa ni
Leah.
"Fine, basta siguraduhin mong walang magagalit sa atin dito ah?" wika pa ni Karen.
"Oo nga naman. Baka kasuhan pa tayo sa salang tresspassing eh lagot tayo sa mga
parents natin." wika naman ni Alex.
"Walang magagalit, tara na!"
Ang istoryang gagawin nila ay tungkol sa babaing na-trap sa loob ng isang haunted
house at si Karen iyon. Nauna nang pumasok ang mga kasama niya at nahuli naman
siya. Maalikabok at madilim sa loob. Mula sa bulsa ng pantalon ay may kinuhang
lighter si Leah at sinindihan ang isang kandelabra na may lamang limang kandila.
Lumiwanag ang paligid, puno ng agiw ang buong paligid at nababalutan ang mga
kasangkapan ng makakapal na tela na kupas na kupas na ang kulay. Nagkanya-kanyang
kuha sila ng kandelabra at sinindihan iyon.
"Ang mabuti pa, magsimula na tayong tumingin ng magandang spot. Maghiwa-hiwalay
tayo para mas mapadali ang paghahanap natin ng magagandang lugar para sa mga
eksena. Magkita-kita na lang tayo dito sa sala at text-text na lang, okay?" wika pa
ni Leah.
Sumang-ayon ang lahat at nagpunta sa kanya-kanyang direksyon. Medyo nahuli na naman
si Karen kasi hindi talaga maganda ang pakiramdam niya. Napalunok siya ng
mapatingin siya sa mataas na hagdan. Hindi niya alam pero may puwersang humihila sa
kanya papunta doon. Umakyat siya sa ikalawang palapag ng gusali. Kasalukuyan siya
ngayong naglalakad sa isang malawak at madilim na hallway. Maraming nakasabit na
paintings sa paligid. Tumingin siya sa isang painting na naroon. Larawan ng isang
lalaki na may maamong mukha. Nakangiti ito ng matipid...
"Ang cute naman niya." comment niya.
Nagpatuloy siya sa paglalakad at pagtingin ng mga larawan. Nang makarating siya sa
dulo ng hallway ay may nakita siyang pinto. Pinihit niya ang seradura at binuksan
iyon. Isa na namang hagdan at papunta iyon sa itaas. Mukhang sa attic iyon. Since
nandito na siya, itutuloy-tuloy na niya. Umakyat nga siya papunta sa attic. Nang
makarating siya doon ay bahagya siyang nagulat ng makitang walang-laman ang lugar
maliban na lang sa isang bagay na natatakpan ng kumot.
Dala ng curiosity ay nilapitan niya ang bagay na iyon at inalis niya ang kumot.
Napatanga siya ng makita niya ang isang lalaking mannequin. Blonde ang maikling
buhok na may nut-brown na mga mata at nakasuot ng damit na luma. Tiningnan niya
iyong maigi. Ang guwapo ng mannequin. Isang kapilyahan ang naisip niya.
"Kung hindi ka lang mannequin, papatulan kita eh. Ang guwapo mo rin, no?
Irerekomenda kita kay Leah na gamiting props."
Tinampal ni Karen ang noo.
"Ano bang nangyayari sa akin? Bakit ba kinakausap ko ang lumang mannequin na ito?
Hello, hindi niya ako kakausapin!"
Tinuktok pa niya ang dibdib ng mannequin at tumunog ang matigas nitong katawan.
Natawa siya at muling tinitigan ang mukha ng mannequin. Medyo suplado ang dating ng
mukha.
"Type, parang pang bad boy ng kaunti ang peg."
Tumingin-tingin siya sa paligid. Dasal niyang wala sanang makakita sa mga kaklase
niya sa kanyang gagawing kabaliwan... Pinunasan niya ang labi ng mannequin at
tumingin ulit sa paligid. Nang masiguro niyang wala ang mga kasama niya ay itinuloy
niya ang balak niyang kabaliwan.
"Ngayon lang ako manghahalik. Huwag kang magagalit kasi first kiss ko 'to..."
Dumukwang siya at hinalikan ang labi ng mannequin. Pagkatapos ng ginawa niya ay
tumawa siya at pinunasan ang labi.
"Baliw ka talaga, Karen. Baliw na ako..." natatawa niyang wika sa kanyang sarili.
Matapos iyon ay tunalikod na siya at lumabas na ng attic. Gusto pa niyang tumingin
sa ibang silid na nasa second floor. Baka mayroon pa siyang matuklasan. Hindi na
niya namamalayan na madilim na sa labas at kasabay ng pagsapit ng gabi, gumalaw ang
nilalang na nasa attic.
Nang magsawa sa paglibot si Karen sa ikalawang palapag ng mansion ay nagpasya
siyang bumaba na at magpunta sa sala. Napatingin siya sa labas at napayakap siya sa
sarili ng madilim na ang paligid. Wala pa ang mga kasama niya. Isa-isa niyang
tinawagan ang mga ito pero panay ring lang ang cellphone nila. Hindi sinasagot ang
tawag niya. Itinext niya ang mga ito at naghintay ng reply pero wala... Napayakap
siya sa kanyang sarili.
"Guys! Hindi magandang biro ito! Uy! Umuwi na tayo, gabi na!" sigaw niya.
Tila nag-echo pa sa buong paligid ang boses niya.
"Leah naman! Hindi na kayo nakakatuwa ah?! Bakla, ikaw ang pasimuno nito ano?!
Hindi na maganda ito! Lumabas na kayo diyan, hindi ako magagalit!"
Naghintay ulit siya ng ilang sandali pero wala siyang nahita.
"Bahala kayo diyan, iiwanan ko kayo!" malakas niyang pakli.
Nagpunta siya sa may pinto pero nagulat siya ng ayaw na noong magbukas ng pihitin
niya ang seradura. Ilang beses niyang pinihit at itinulak ang pinto pero walang
nangyayari.
"NAMAN!..." napatili niyang wika.
Sinipa na niya ang pinto pero wala din. Napagbalingan niya ang mga bintana pero
walang nakabukas maski na isa. Napagpasyahan niyang hanapin ang mga kaibigan at
libutin ang bahay. Una siyang nagpuntan may kusina, wala siyang nakita doon.
Tumingin pa siya sa unang palapag hanggang sa makakita siya ng hagdan na papunta sa
ibaba, papunta iyon sa basement. Marahan siyang nagpunta doon at panay ang lunok na
ang ginawa niya dahil nagsisimula na siyang matakot at kilabutan ng matindi. Hinawi
niya sa daraanan niya ang makapal na agiw. Nang tuluyan siyang makababa sa attic ay
bahagya siyang nagulat ng makita niya ang isang malaking salamin. Napahinga siya ng
marahas. Nagulat siya sa sarili niyang repleksyon.
"Nasaan na kaya ang mga iyon? Iniwanan na kaya nila ako? Naman! Humanda talaga sila
sa akin, mukhang gino-good time nila ako... Baka may nakalagay ng camera dito sa
paligid, mukha na akong tanga!" naiinis niyang pakli.
Hindi nagtagal ay nangilid na ang luha sa kanyang mga mata.
"Hindi na talaga magandang-biro ito. Hindi na ako sasama sa project namin. Magso-
solo na lang ako-"
Napatigil siya sa pagsasalita ng biglang magbago ang repleksyon sa salamin at
lumitaw doon ang isang lalaki... Nanlaki ang kanyang mga mata at napaatras siya...
Siya iyong lalaki sa painting! Iniumang niya ang hawak niyang kandelabra.
"Masamang espiritu! Lumayo ka sa akin!" napapaatras niyang wika.
"Huwag kang matakot, Miss! Pakiusap, huwag kang matakot! Nandito ako para tulungan
ka." wika ng lalaki sa salamin.
Ilang beses na napakurap si Karen at natitigilang napatingin sa kaharap niyang
salamin.
"T-Tulungan? Saan?" tuliro niyang wika.
Sumeryoso ang mukha ng lalaki.
"Nasa panganib ka. Hinahanap mo ang mga kaibigan mo, hindi ba? Nasa isang lugar
sila dito sa mansion, trap sila at walang-malay. Ginamitan sila ng mahika, ikaw
lang ang hindi nahuli ng masamang sorcerer... Pero malamang, gumagala na siya dito
sa loob ng mansion na binalutan niya ng sumpa..."
Tuliro siyang napatingin sa lalaking nasa loob ng salamin. Tinapik-tapik niya ang
kanyang mga pisngi para siguraduhing hindi siya nananaginip o binabangungot.
"S-Sino ka ba?" iyon na lang ang nasabi niya nang makabawi siya sa pagkabigla.
"Ako si Brahm... Ikinulong ako dito ni Malcolm, isa siyang masamang sorcerer. Ang
masakit, matalik kaming magkaibigan. Hindi ko alam na may lihim pala siyang galit
sa akin dahil palagi ko siyang natatalo sa lahat ng bagay. Buong-akala ko, ayos
lang ang lahat dahil friendly competition lang naman iyon... Pero nagtanim pala
siya ng matinding galit. Hanggang sa maglaban kaming dalawa... Naikulong niya ako
dito sa salamin pero ako, nagawa ko rin naman siyang gawaran ng sumpa... Naging isa
siyang mannequin. Pero nawawala ang bisa ng magic ko sa kanya pagsapit ng gabi
dahil lubhang malakas ang itim niyang kapangyarihan... Binalutan niya ng sumpa ang
lugar na ito at isang malaking pagkakamali ang pagpunta niyo dito sa bahay ko..."
Nasapo ni Karen ang kanyang bibig. Ang tinutukoy nitong Malcolm ay iyong guwapong
mannequin na hinalikan niya. Mataman niyang pinunasan ang labi niya at napalunok na
napatingin kay Brahm na nasa loob ng salamin.
"Anong gagawin ko?!" takot niyang wika.
"Makinig ka, kailangang matulungan mo akong makalabas sa salamin na ito para
malabanan ko si Malcolm at makaalis kayo ng ligtas ng mga kaibigan mo dito."
Napatango-tango si Karen.
"Okay... Okay... Makikinig ako." lakas-loob niyang wika.
Samantala... Napatigil sa paglalakad sina Blade ng makasalubong nila sa daan sina
Rane at Conrad.
"Gabi na ah? Saan ang punta?" sita ni Hunter sa mga ito.
Tumingin ang magkapatid sa kanila.
"Sa inyo kami pupunta. Nandoon ba si ate Karen kasama ng tropa niya? May shooting
daw sila ng pelikula." madaldal na wika ni Conrad.
"Teka lang, wala naman sina Karen doon sa bahay eh." sagot ni Drake.
Nagtatakang napatingin si Rane sa mga lalaki.
"Tama si Drake, wala sila doon. Nakausap ko kanina si Karen. Ang sabi niya, may
nakita na raw na lumang-bahay si Leah na puwede nilang pag-shootingan ng pelikula.
May idea ka ba kung saan iyon?" wika na ni Blade.
"Wala eh. Gabi na, wala pa rin siya."
Napabuntung-hininga si Blade at napakamot sa kanyang batok.
"Anak na lase! Sinasabi ko na sa kanya kanina eh... Dapat safe sila sa gagawin
nilang movie." pakli ni Blade.
"Ang mabuti pa, tulungan na lang natin sina Rane at Conrad na hanapin si Karen. At
pagkatapos noon, saka tayo kumain. Medyo maaga pa naman." suggestion ni Zech.
"Mas mabuti pa nga." sang-ayon ni Azrael.
Lumakad na sila at para simulan ang paghahanap kay Karen at sa tropa nito.
Samantala... Matamang nakikinig si Karen sa lahat ng sinasabi ni Brahm. Pinipilit
lang niyang magpakatapang sa kabila ng matinding takot na nararamdaman niya. Mas
malala pa ito noong habulin siya ng malignong Pugot dati..
"Kailangang makuha mo iyong kahon sa loob ng aking kuwarto. Kulay-silver iyon at
tadtad ng rubies. Kapag nakuha mo iyon, dalhin mo dito sa kuwarto ko at buksan ang
kahon sa harap ko. Kapag nagawa akong sinagan ng liwanag ng kahon, makakalaya na
ako dito sa loob ng salamin. Matutulungan na kita at ang mga kaibigan mo. Pero,
tandaan mo... Kailangan mong mag-ingat dahil nasa paligid lang si Malcolm at
nagbabantay."
Napalunok siya ng katakot-takot matapos niyang marinig ang lahat.
"Salamat sa lahat. Babalik agad ako. Sige, kailangan ko nang umalis!"
Agad nang tumalikod si Karen at naglakad paalis.
"Mag-iingat ka!" narinig niyang pahabol ni Brahm.
Nang tuluyan na siyang makapanhik sa itaas ay nagpalinga-linga siya sa paligid. Ang
daming kuwarto... Nakita na niya ang kahong sinasabi ni Brahm noong magliwaliw siya
kanina. Hindi nga lang niya matandaan kung aling silid ito naroon. Napatigil siya
sa paglalakad ng makakita siya ng anino sa pasilyo. Mabilis siyang kumilos at agad
na nagtago sa sulok. Nanlaki ang mga mata niya ng makita niyang naglakad sa hallway
ang mannequin na hinalikan niya kanina. Gumagalaw nga ito at buhay! Nagmamasid ito
sa paligid kaya naman napatakip siya ng kanyang bibig. Halos hindi na siya huminga.
"Buhay nga siya... Tama nga si Brahm.. Sayang, crush ko na pa naman siya..." impit
niyang wika sa kanyang isipan.
Huminto ang lalaki sa tapat niya at abot-abot ang kanyang hininga. Kasalukuyan
siyang nagtatago sa ilalim ng mesa at nasa tapat lang siya ng lalaki... Nanginginig
na siya. Ilang sandali pa ay naglakad na ito paalis at nakahinga siya ng maluwag.
"Akala ko, katapusan ko na." mahina niyang wika.
Bago siya tuluyang lumabas sa ilalim ng mesa at nagmasid muna siya sa paligid.
Siniguro niyang wala ang lalaki sa paligid... Mahirap na. Nang makita niyang ligtas
naman na ang lugar ay agad siyang lumabas sa kanyang pinagtataguan at sinimulan na
niya ang pagpasok sa bawat silid para hanapin ang kahong sinasabi ni Brahm.
Nagpatuloy siya sa paghahanap hanggang sa makita niya ang kahon. Agad niya iyong
kinuha at mabilis na tumakbo. Nang pababa na siya ng hagdan ay natigilan siya ng
makita niyang nakaharang sa kanyang daan si Malcolm. Napatitig siya sa mukha nito
at ganoon din ito sa kanya. Halatang nagulat din ang lalaki.
Nang makabawi sa pagkabigla si Malcolm ay saka niya napansin ang hawak na kahon ng
babae.
"Bitawan mo iyan!" mariin niyang wika.
Bahagyang napaatras si Karen.
"Hindi! Masama ka! Dapat sa mga katulad mong masasama, mawala!" matapang niyang
wika.
Matapos iyon ay mabilis siyang tumakbo pababa pero hinarang siya ng lalaki. Ganoon
pa man, malakas niyang inihampas ang kahon sa gilid ng mukha nito. Natumba ito at
nagpagulong-gulong. Sinamantala ni Karen ang pagkakataon para lumayo. Mabilis
namang bumangon si Malcolm na sapo ang mukha. Nanlaki ang mga mata niya ng
maramdaman niya ang mainit na likidong umaagos sa kanyang pisngi. Pinunasan niya
iyon at tiningnan ang kanyang kamay... Dugo.
"Pagsisisihan mo ang bagay na ito!" gigil niyang wika.
Agad na siyang bumangon. Samantala, dala ang kahon ay humihingal na hinarap ni
Karen ang malaking salamin kung saan nakakulong si Brahm.
"Dala ko na!" wika niya.
"Magaling! Kung ganoon, buksan mo na at itapat ang liwanag sa akin para makalaya na
ako."
Binuksan na nga niya ang kahon at mula doon ay lumabas ang puti at nakakasilaw na
liwanag. Itinapat niya iyon sa salamin... Yumanig ang paligid at ang buong lugar ay
nagkaroon ng malalakas na kidlat. Ilang sandali pa ay humupa na ang liwanag.
"Sa wakas, malaya na ako!"
Napatingin siya sa nagsalita at nakita niya si Brahm na nakalabas na ng salamin.
"M-Malaya ka na nga. Kung ganoon, tulungan mo akong mahanap ang mga kaibigan ko at
nang makaalis na kami dito." wika niya.
Ngumiti ng matipid sa kanya ang lalaki at matiim na tumingin sa kanyang mukha.
Bahagya siyang nagulat ng hawakan nito ang punong-baba niya.
"Bakit ko naman gagawin ang bagay na iyon?"
Nagulat siya sa sinabi ng lalaki...
"Kasi di ba, sabi mo... Tutulungan mo ako at ang mga kaibigan ko na makaalis dito?"
"Wala akong pinapayagang makaalis dito sa pamamahay ko. Lahat ng pumapasok dito,
nagiging pagmamay-ari ko na. At masuwerte ako dahil pagmamay-ari ko na ang isang
katulad mo, binibini... Masyado kang mabait at madali kang mapaniwala ng isang
simpleng kuwento..."
Nanlaki ang mga mata ni Karen sa kanyang narinig.
"A-Anong ibig mong sabihin..?"
Tumawa ng mahina sa kanya si Brahm.
"Totoo naman ang mga sinabi ko sa'yo. Iyon nga lang, nagsinungaling ako ng kaunti
dahil kailangan... Sa kuwentong iyon... Ako talaga ang villain, ako ang masamang
sorcerer... At dahil tinulungan mo akong makalaya sa magic ni Malcolm... Mayroon
kang gantimpala..."
Isang mabining halik sa kanyang noo ang iginawad nito sa kanya.. Kasunod noon ay
unti-unting napapikit si Karen at nasadlak sa malalim na pagkakatulog. Marahan
itong binitiwan ni Brahm at napahiga ito sa sahig. Isang matagumpay na ngiti ang
namutawi sa kanyang labi.
"Ngayon, itutuloy na namin ni Malcolm ang laban. Dapat ko na siyang hanapin."
Naglakad na paalis si Brahm. Naiwang mag-isa si Karen sa basement ng walang-
malay... Ilang sandali pa, isang lalaki ang lumapit sa kanya... Si Malcolm. Matagal
itong tumitig sa dalaga na walang malay. Hindi niya alam pero hindi maalis sa isip
niya ang ginawa nito sa kanya na paghalik noong nasa attic siya kanina. Umiling-
iling siya at napahawak sa kanyang pisngi na may galos. Ang babaing ito ang may
gawa noon sa kanya. Isang napakalalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya.
Isang desisyon ang nabuo niya sa kanyang sarili.
"Sa kabila ng ginawa mo sa akin... Tutulungan pa rin kita. Sana lang, maging
kakampi kita."
Yumukod siya at marahang itinapat ang labi sa labi ng babae. Sisirain niya ang
sumpa ni Brahm...
(ITUTULOY....)
**********************************
# so hot.... baka matagal akong maka-update kasi nagkasakit iyong isa kong alagang
pusa eh. Masyado kasing mainit... Medyo malala ang kalagayan niya at kailangang
ipagamot... sana lang, mag-survive siya... : (

43. The Mansion II

"The Mansion II"

Napasinghap si Karen ng magising siya. Parang hinila ang kaluluwa niya sa kung
saan. Inat-inat siyang bumangon at saka sinapo ang kanyang ulo. Nakaramdam siya ng
pagod at nag-alala siyang bigla ng maalala niya ang mga nangyari. Hanggang ngayon,
pakiramdam niya ay trap siya sa sarili niyang panaginip o kaya bangungot.
"Mabuti naman at gising ka na diyan. Kamusta ka?"
Gulat siyang napatingin sa pinanggalingan ng boses. Nakita niya ang lalaking
mannequin na nakaupo sa gilid at matamang nakatingin sa kanya. Sa natatandaan niya,
may kung anong ginawa sa kanya si Brahm kaya nawalan siya ng malay.
"I-Ikaw... Ikaw si Malcolm di ba?" alanganin niyang wika.
"Tama ka. Sabihin mo, bakit mo tinulungan si Brahm? Alam mo bang malaking gulo ang
nagawa mo. Pinakawalan mo ang isang masamang nilalang."
Na-guilty si Karen sa sinabi ng lalaki at agad siyang tumayo. Napatingin siya sa
galos nito sa mukha na siya ang may gawa. Nahihiya siyang napayuko. Naiiyak na rin
siya.
"I-I'm sorry, kasalanan ko... N-Nagpadala ako sa lalaking iyon. Ang sabi niya kasi,
ikaw ang masama. At sinabi din niya na kapag nagawa ko siyang pakawalan, tutulungan
niya ako at ang mga kaibigan ko na makaalis dito... Iyon pala ay niloko niya ako."
Napapunas siya ng kanyang mga luha. Ano ba itong gulong pinasok niya? Tumayo na si
Malcolm.
"Si Brahm, kababata ko siya at kaibigan. Iisa ang master namin. Pareho kaming mga
wizard. Iyon nga lang, medyo naligaw siya ng landas dala ng inggit at galit.
Matagal na kaming nagtutunggali at iyong huli naming pagtutuos, nagtabla kaming
dalawa. Nagawa ko siyang ikulong sa loob ng salamin pero tinamaan din ako ng mahika
niya. Nagiging mannequin ako sa araw pero nawawala ang bisa ng magic ni Brahm sa
gabi."
"Bakit niya ginagawa ang bagay na ito?"
"Kasi gusto niyang patunayan na siya ang karapat-dapat na pumalit sa aming master.
At gusto din niyang ipakita sa lahat na mas magaling at mas malakas siya kaysa sa
akin. Nilamon na siya ng masamang inggit."
Napataas ng kilay si Karen.
"Iyon lang ang dahilan?"
"Ang simpleng galit at inggit, malaki ang nagagawa sa pagkatao ng isang nilalang.
Mga sangkap sila ng kasamaan. Ang mabuti pa, kumilos na tayo. Hanapin na natin ang
mga kaibigan mo. Tutulungan ko kayong makaalis dito."
"Teka, paano ka? Si Brahm, nakawala na siya sa sumpa mo nang dahil sa akin. Ikaw,
paano ka kapag nag-umaga na at naging mannequin ka ulit?" curious niyang tanong.
Matagal na tumitig sa kanya si Malcolm. Seryosong-seryoso ang mukha nito. Ilang
sandali pa ay nagsalita na rin ang lalaki.
"Katapusan ko na."
Napatanga si Karen sa kanyang narinig.
"Hindi puwede. Tutulungan kitang matalo si Brahm. Sabihin mo, may paraan ba?"
Mariing naikuyom ni Malcolm ang kanyang mga kamao.
"Tanging mas malakas na magic ang makakatalo kay Brahm. At duda ako kung mas
malakas ang magic ko kaysa sa kanya... Bukod doon, wala na akong ibang alam na
paraan. Ang mabuti pa, kumilos na tayo. Hanapin na natin ang mga kaibigan mo.
Kailangang makaalis na kayo dito."
Magsasalita pa sana si Karen pero tuluyan na siyang tinalikuran ng lalaki at
naglakad na ito paalis. Gustung-gusto niyang sabihin na hindi siya aalis nang hindi
ito natutulungan pero sinarili na lamang niya iyon. Napasunod na lamang siya kay
Malcolm at nilalamon siya ng matinding guilt habang nakatingin siya sa likod nito.
"Ang gaga mo kasi!" mahina niyang sermon sa kanyang sarili.
Pero kahit na anong gawin niyang panernermon sa sarili niya, nangyari na ang lahat.
Di na niya maibabalik ang oras. Ang importante ngayon ay kung paano siya makakabawi
kay Malcolm. Muntik nang mauntog si Karen sa likod ng lalaki ng bigla itong huminto
sa paglalakad.
"Hello, Malcolm... Sa wakas, nagkaharap ulit tayong dalawa."
Napalunok si Karen ng marinig niya ang boses na iyon. Si Brahm ang dahilan kaya
napahinto sa paglalakad ang kasama niya. Napatingin siya sa lalaki. Prenteng
nakaupo si Brahm sa pang-isahang sofa. Naka-de kuwatro ito at may hawak itong
goblet sa kanan nitong kamay na may lamang red-wine. Napatingin ang lalaki sa kanya
at saka ngumiti.
"Pinag-aksayahan mo pala ng kapangyarihan ang babaing iyan. Hangal ka talaga. Hindi
ba't sinaktan ka niya?" nang-iinsulto nitong wika.
"Tumigil ka. Huwag mo siyang idamay dito. Pabayaan mo na siya at ang mga kaibigan
niya. Paalisin mo na sila at itutuloy natin ang laban."
Hindi sumagot si Brahm. Inubos niya ang laman ng goblet na hawak niya at marahan
niyang inilapag ang baso sa mesa na nasa kanyang tabi.
"Hindi ko gagawin ang bagay na iyon. Lahat ng pumapasok sa pamamahay ko, pagmamay-
ari ko na. Magiging alipin ko ang babaing iyan kasama ng mga kaibigan niya. Pigilan
mo ako, kung kaya mo..." hamon niya kay Malcolm.
Tumingin sa pader si Brahm kung saan may nakasukbit na espada. Lumutang iyon at
pinabulusok niya papunta kay Malcolm pero gumamit din ito ng magic. Kumuha ito ng
sandatang panangga. Isang malaking palakol na nakasabit din sa dingding, sinangga
nito ang atake niya. Amaze na napatingin si Karen sa mga bagay na nakalutang.
Naglalaban ang mga iyon. Iyon nga lang ay nagdagdag pa ng dalawang espada si Brahm
kaya kumuha na rin ng ibang sandata si Malcolm, mga espada din. Lahat ng mga bagay
na iyon, nakalutang sa ere at nagtatagisan. Tuloy ang laban ng dalawang wizard.
Walang gustong magpatalo.
"A-Ang mabuti pa, umakyat ka na sa itaas at hanapin mo na ang mga kaibigan mo. Ako
na ang bahala dito kay Brahm!"
Akma sanang tututol si Karen pero nakita niyang nagko-concentrate ang kasama niya.
"Sige, salamat. Mag-iingat ka."
Isang simpleng tango lang ang isinagot ni Malcolm. Mabilis na tumakbo si Karen sa
may hagdan at agad na pumanhik sa itaas. Nagsimula na siya sa paghahanap sa mga
nawawalang kasama niya.
Napangisi naman si Brahm kay Malcolm.
"Sa tingin mo ba, makakaalis ang babaing iyon dito? Walang pinto o bintana na
magbubukas. Mata-trap din siya dito."
"Palaging may paraan, Brahm."
"Ah talaga? Kaya ako nabubuwisit sa'yo eh, ang hilig mong magmagaling!"
Tatlong espada ang isinugod niya kay Malcolm pero iwinasiwas ang lahat ng iyon ng
isang malaking palakol na gamit naman ng huli. Tumilapon ang mga espada at bumaon
sa pader. Naiinis na tumingin si Brahm kay Malcolm.
"Buwisit ka talaga! Palagi mo na lang akong ginagalit!"
"Wala akong ginawa kundi ang ipagtanggol ang sarili ko mula sa'yo."
Samantala... Napaupo sa may gilid ng daan si Rane. Pagod na siya. Napatingin siya
sa nakababata niyang kapatid na si Conrad. Pa-easy-easy lang ito dahil nakasakay
ito sa mga balikat ni Drake. Halos lahat na yata ng kilalang haunted house ay
napuntahan na nila pero hindi nila nakita doon si Karen at ang mga kasama nito.
Huminga siya ng malalim.
"Heto, uminom ka muna ng tubig."
Nag-angat siya ng tingin at nakita niya ang nakangiting mukha ni Zech. May hawak
itong malamig na bote ng mineral water. Kinuha niya iyon at agad na uminom.
"Pasensiya na, naabala na kayo." hinging paumanhin niya.
"Walang kaso iyon. Sinubukan mo na bang tawagan si Karen?" tanong ni Zech.
"Oo. Kaso hindi naman niya sinasagot ang tawag ko. Panay ring lang."
Napahalukipkip si Zech at tumingin sa paligid.
"Nalase, try mo kaya siyang tawagan ulit?" untag naman ni Blade.
May dala din itong bote ng mineral water. Lumapit ito sa kanila ni Zech at naupo sa
kanyang tabi.
"Sige, susubukan ko ulit."
Kinuha niya ang kanyang cellphone at agad na tinawagan si Karen. Bigla namang
napatigil sa paglalakad si Karen at bahagya pa siyang nagulat ng mag-ring ang
cellphone niya. Nakadama siya ng tuwa at pag-asa ng makita niyang si Rane ang
tumatawag. Agad niyang sinagot ang tawag.
"Rane!.." excited niyang wika.
"Karen! Nasaan ka ba ngayon? Alam mo bang nag-aalala na kaming lahat sa'yo? Kasama
ko sina Sir Blade, hinahanap ka namin." sunud-sunod na wika ni Rane.
"Kuwan... N-Nandito kami ng mga classmate ko sa isang lumang haunted house para
magshoot ng movie. Kaso may nangyari eh. Sa maniwala ka at sa hindi, may kakaiba
dito. Magic!"
"Teka lang, ila-loud speaker ko muna para marinig ng lahat ang sasabihin mo."
"Okay."
Ini-loud speaker na nga ni Rane.
"Puwede na, magkuwento ka na."
Ikinuwento na nga ni Karen ang mga kakaibang nangyari sa kanya sa loob ng lumang-
mansion.
"Ano nang gagawin ko ngayon? Hanggang ngayon, di ko mahanap ang mga kaibigan ko?
Hindi ko rin alam kung paano ako makakaalis dito lalo na at kalaban ni Malcolm si
Brahm."
Napahawak sa kanyang baba si Zech. Sandali siyang nag-isip ng paraan kung paano
niya matutulungan si Karen.
"Humanap ka ng lihim na lagusan sa bahay na iyan. Kung bahay iyan ng isang wizard,
sigurado akong may sekretong lagusan ang lugar na iyan. Gawin mo ang lahat ng pag-
iingat habang papunta kami diyan. Huwag kang mag-alala, ililigtas ka namin."
Panay ang hinga ng malalim ni Karen habang nakikinig siya sa sinasabi ni Zech.
"Sige, gagawin ko ang makakaya ko Kuya Zech. Pero sana lang, bilisan niyo. Nasa
panganib din kasi ang mga kasama ko dito."
"Huwag kang mag-alala, papunta na kami. Ang mabuti pa, kumilos na tayong lahat."
"Okay Kuya Ze-"
Hindi na naituloy ni Karen ang sasabihin niya dahil biglang naputol ang tawag.
Pagtingin niya sa kanyang cellphone ay napakagat siya sa kanyang labi. Na-lowbat na
pala!
"Malas!" bulalas niya.
Nagpalinga-linga siya sa paligid.
"Paano naman kaya ako makakahanap ng sekretong daan dito?" wika pa niya.
Pero ganoon pa man ay kumilos pa rin siya. Lahat ng gamit sa may mga pader ay
pinakialaman niya. Maging ang sahig ay di niya pinaligtas. Hanggang sa isang
kakaibang brick sa dingding na may markang agila ang umagaw sa atensyon niya.
Nilapitan niya iyon at saka siya napaisip.
"Sa mga napapanood ko sa movie, ganito ang karaniwang ginagawa..."
Itinulak niya ang brick at umurong iyon ng ilang pulgada. Tumingin-tingin siya sa
paligid at nakiramdam pero walang nangyari.
"Naman! Bakit walang nangyayari?" nayamot niyang wika.
Akma siyang aalis pero biglang yumanig ang paligid at unti-unting nawawasak ang
sahig na kinatutungtungan niya. Umatras siya ng umatras pero tuluyan pa rin siyang
nahulog sa malalim na butas.
Samantala... Napahawak sa kanyang tagiliran si Malcolm. Napangiwi siya ng
maramdaman niya ang sakit at ang mainit na likido sa kanyang kamay na bahagyang
umagos at nagmantsa sa kanyang damit. Isang ngiti ng tagumpay ang namutawi sa mukha
ni Brahm habang nakatitig sa kanya. May sugat ito sa kaliwang balikat pero balewala
lang iyon dito dahil hindi naman vital ang tama. Pinaulanan siya nito ng
napakaraming espada kanina at hindi niya nasangga ang lahat ng iyon. Timaan siya sa
kanyang tagiliran at nasaksak.
"Ano, masakit ba? Mukhang malapit nang magtapos ang laban natin..."
Gigil na naikuyom ni Malcolm ang kanyang mga kamao. Galit siyang tumingin kay
Brahm. Ipinadaloy niya sa buo niyang katawan ang buo niyang mahika. Unti-unti,
nagbago ang kanyang anyo hanggang sa maging isa siyang malaking werewolf na kulay
puti.
"A-Woooooh!!!!...."
Umungol ng malakas si Malcolm na nasa anyong wolf.
"Huh, gusto mo ng ganyang laban ah?! Puwes, pagbibigyan kita!"
Ipinadaloy din ni Brahm sa kanyang katawan ang kanyang mahika hanggang sa magpalit
siya ng anyo at maging isang malaking demon bat. Nagharap ang dalawa at
nagpakiramdaman kung sino sa kanila ang unang susugod. Ngunit bago pa tuluyang
magsuguran ang mga ito ay biglang gumuho ang sahig na kanilang kinatutungtungan
hanggang sa mahulog sila sa malalim na dungeon ng mansion. Ang gusali ay orihinal
na pagmamay-ari ng namayapang master ng mga ito pero inaangkin ito ni Brahm.
Magkahiwalay na bumagsak ang dalawa sa kung saan.
Samantala... Kasalukuyan naman nang nakarating sina Blade at ang iba pa sa harap ng
lumang-mansion na kinaroroonan ni Karen. Nasa labas sila ng gate.
"N-Nakakatakot nga dito..." pakli ni Conrad.
"Uy, teka! Huwag mo naman akong sabunutan." reklamo ni Drake dito.
"Takot ako eh."
"Abuwisit ak pa!" bulalas na lang ni Drake.
"Ang mabuti pa, tumuloy na tayo para mailigtas na natin sina Karen." wika ni Blade.
Sumang-ayon ang lahat sa sinabi nito. Magkakasunod silang pumasok sa loob ng
bakuran pero nang malapit na sila sa may bungad ng mansion ay biglang gumuho ang
kanilang tinutungtungang lupa hanggang sa mahulog silang lahat sa kung saan.
Puno ng alikabok ang katawan ni Blade ng bumangon siya. Napadapa siya sa kanyang
pagkakabagsak. Tumingin siya sa paligid at nakita niyang nasa loob siya ng isang
lumang dungeon. Isang maliit na sulo ang tanging nagbibigay ng liwanag sa lugar na
kinaroroonan niya. Nakita niya sa sulok si Rane na walang malay. Nakadapa ito. Agad
niya itong nilapitan para gisingin.
"Rane! Gumising ka. Rane!" sabay yugyog sa mga balikat nito.
Naalimpungatan si Rane ng maramdaman niyang may yumuyugyog sa mga balikat niya at
tumatawag sa kanyang pangalan. Marahan siyang nagmulat ng kanyang mga mata at saka
siya bumangon. Nakita niya si Blade na matamang nakatunghay sa kanyang mukha habang
tinatawag ang pangalan niya. Napahinga ito ng maluwag nang tuluyan na siyang
bumangon at naupo.
"Ayos ka lang ba? Hindi ka ba nasaktan?"
"Hindi naman. Nasaan ba tayo?"
"Ewan ko rin na lase ay!"
Tumingin sa paligid si Rane. Wala ang iba nilang mga kasama.
"Nasaan ang iba?" tanong niya.
Napatingin din tuloy sa paligid si Blade. Wala ang kanilang mga kasama at silang
dalawa lang ni Rane ang naroon.
"Anak na lase! Mukhang naghiwa-hiwalay tayo ng mahulog tayong lahat. Ang mabuti pa,
umalis na tayo at hanapin na natin sila."
Tumayo na si Blade at ganoon din si Rane. Kinuha niya ang solo na nakasabit sa
dingding, matapos iyon ay nilapitan niya ang kasama niya at mahigpit na hinawakan
ang kamay nito.
"Hawakan mo rin ng mahigpit ang kamay ko para hindi ka mawala dito. Mahirap na at
hindi natin alam kung ano ang naghihintay sa atin dito. Abuwisit ak pa!"
Tumingin si Rane sa kamay niyang hawak ni Blade ng mahigpit. Nag-init ang buo
niyang mukha pero ganoon pa man ay hinawakan pa rin niya ng mahigpit ang kamay
nito.
"Tara na." yaya pa niya.
Nagsimula na silang maglakad sa madilim at malawak na hallway. Puno ng agiw ang
paligid. Napahinto sila sa paglalakad ng biglang yumanig ang paligid. Tapos ay
nakita nila na unti-unting lumalapit sa isa't-isa ang magkabilang pader. Bumilis
ang kanilang lakad hanggang sa tuluyan na silang tumakbo.
"Nalase! Mukhang napunta tayo sa lugar na puno ng patibong! Bilisan mo, Rane! Baka
maipit tayo sa mga pader!"
"Oo!"
Binilisan na nga nila ang pagtakbo para hindi sila maipit sa mga pader na kanilang
dinadaanan. Nang makalagpas sila doon ay tuluyan nang sumara ang lugar na kanilang
pinanggalingan at nawala. Akma ulit lalakad si Blade nang... FGH!
Isang matalim na kutsilyo ang muntik nang tumama sa kanyang mukha. Mabuti nalang at
mabilis siyang umilag, pero naputol ang ilang strands ng kanyang buhok. Napatingin
siya sa daan. Pasimple niyang pinulot ang maliit na piraso ng brick sa may paanan
ni Rane at malakas iyong ibinato sa daraanan nila. Pagkabato niya ay biglang
naglabasan ang napakaraming kutsilyo sa magkabilang pader. Napalunok naman si Rane.
"Ano ba ang lugar na ito?" takot niyang wika.
Sumulyap ng bahagya si Blade sa kanya at saka muling binalingan ang daan.
"Animal, di ko alam. Pero sigurado ako na kailangan nating mag-ingat dahil puro
patibong ang madadaanan natin."
Samantala... Kasalukuyang naglalakad sina Azrael, Drake at Conrad sa isang tunnel
na may tubig na hanggang tuhod. Nakasakay batang si Conrad sa mga balikat ni Drake.
May tig-isang hawak na solo ang dalawang lalaki.
"Saan na kaya napunta ang iba? Di mo ba sila naaamoy, Drake?" si Azrael.
Panay punas ni Drake ng kanyang ilong dahil kanina pa siya nababahing.
"Abuwisit ak pa! Sa palagay mo ba, kaya kong amuyin kung nasaan ang mga kasama
natin?! Tingnan mo nga at inaatake ako ng allergy dito ay! Haaaaaching!!!..."
"Hay naku, Drake! Kawawa ka naman."
"Oo na!"
Tahimik si Conrad habang nagmamasid sa paligid. Nakahawak siyang maigi sa buhok ni
Drake. Tumingin siya sa ibaba at may kung ano iyang nakitang gumagalaw sa tubig
doon sa may bandang unahan nila.
"Ano iyong gumagalaw doon?" sabay-turo.
Napatingin ang mga kasama niya sa itinuro niya. Nakita din nila iyon. Agad na
lumapit si Azrael at laking gulat niya ng biglang lumundag ang isang kulay-gray na
isda na may malalaking ngipin sa kanyang harapan. Muntik nang makagat ang mukha
niya. Umatras siya at tila kumulo na ang tubig. Hindi naman iyon mukhang piranha
dahil tila halimaw ang isda na iyon.
"Umatras kayo, atras! May mga halimaw na isda dito! Muntik na akong makagat sa
mukha. Malalaki ang mga ngipin nila!" babala pa niya.
Panay ang atras niya kasunod ng mga kasama niya pero mabilis na bumubulusok ang
napakaraming halimaw na isda sa kanila.
"Ikaw na muna ang bahala kay Conrad. Umakyat ka diyan sa pader. Ako na ang bahala
sa mga isdang ito!" wika ni Drake.
Agad niyang ipinasa kay Azrael ang bata. Kasunod noon ay umakyat na ito sa pader.
"Mga halimaw na isda pala ah? Puwes, luto kayo sa akin!"
Unti-unting binalutan ni Drake ang kanyang katawan ng apoy.
"BLAZING INFERNO-HYAAA!!..."
Ikinalat niya ang kanyang apoy sa tubig. Kumulo ang tubig hanggang sa tuluyan na
iyong matuyot at nakita na lamang nila na naging uling ang napakaraming isda.
Matapos iyon ay bumaba na si Azrael.
"Ang astig mo, Kuya Drake!" puri ni Conrad.
Napakamot sa kanyang ilong si Drake at mayabang na tumingin sa bata.
"Naku, Conrad, huwag kang ganyan. Pero, talaga namang astig ako no?"
"Oo!"
Natawa na lang si Azrael.
"Tara, tumuloy na tayo para makaalis na tayo dito at mahanap ang mga kasama natin."
wika na lang niya.
"Tara na!" excited na wika ni Conrad.
Lumakad na nga sila palabas ng tunnel na iyon. Samantala... Magkasama sina Hunter
at Zech sa loob ng isang balon. Gamit ang kapangyarihan si Zech ay gumawa siya ng
hagdan na baging para makaakyat sila ni Hunter sa itaas. Siya ang nauuna. Bumungad
kay Zech ang lugar na napapaligiran ng maraming halaman na may mayayabong na dahon.
Tumingala siya sa itaas. Isang asul at maliwanag na kalangitan ang nakita niya.
Hindi iyon ang tunay na langit. Isa lamang iyong ilusyon na gawa sa isang mahika.
Nakaakyat na si Hunter at bahagya itong natigilan ng makita ang paligid.
"Di ba, nahulog tayo mula sa itaas?" amaze pa nitong wika.
"Tama ka. Ang lugar na ito, nababalutan ng magic. Nahulog tayong lahat sa isang
maze na gawa sa magic. Sinadyang magkahiwa-hiwalay tayong lahat." paliwanag pa ni
Zech.
"Ganoon ba? Kung ganoon, umalis na tayo dito at hanapin ang ating mga kasama."
"Mabuti pa nga."
Naglakad na sila ni Hunter papunta sa trail na nasa gitna ng mga halaman. Ilang
sandali pa, gumalaw ang makakapal na dahon at isa-isang nagliparan sa paligid nila
ang maliliit na mga palaso. Ginamit ni Zech ang kapangyarihan at ginawang panangga
ang mga dahon. Matapos iyon ay nakarinig sila ng matitinis na sigawan at saka
lumabas ang maliliit na kalansay na may mga hawak na palaso at kutsilyo. Sumugod
ang lahat ng iyon sa kanilang dalawa.
"Ako na ang bahala dito. Relax ka lang diyan." wika ni Zech.
"Sabi mo eh."
Nanatili si Hunter sa tabi ni Zech at hinarap naman ng huli ang mga kalaban.
Humangin sa buo niyang paligid at naging whirlwind iyon kasabay ng paglabas ng mga
asul na petals ng roses... Umulan iyon sa paligid ng mga maliliit na kalansay at
isa-isang sumabog.
"Sea of Serenity!"
Kung kanina ay mga petals lang ng asul na roses ang umulan, ngayon naman ay mga
buong bulaklak ng roses ang sumunod. Mistulang bumaha na ng mga bulaklak kasunod ng
malalakas na pagsabog. Ang tila gubat na paligid ay napulbos at nalantad sa kanila
ang libingan ng mga kung anong nilalang. Nang maubos ang mga kalaban ay naglakad na
si Hunter papunta sa kinaroroonan ni Zech.
"Ano ang mga tiyanak na iyon?" tanong niya.
"Mga nilalang na ginawa ng magic. May pinoprotektahang bagay sa lugar na ito kaya
nilagyan ng maraming patibong. Hindi ko alam kung ano iyon pero dapat nating
tuklasin."
Hindi na sumagot si Hunter pero nauna na siyang maglakad. Kampante sila ni Zech
dahil alam nilang nasa ayos ang mga kasama nila.
Samantala... Patuloy sa paglalakad si Karen sa madilim na hallway. Napahinto siya
sa paglalakad ng makarinig siya ng ungol. Napalunok siya.
"Inang ko po!" takot niyang wika.
Ganoon pa man, dala ng curiosity ay pinuntahan pa rin niya ang pinanggalingan ng
ungol na naririnig niya. Nasa isang palikong hallway iyon. Nasa gilid siya ng pader
at nag-aalangan siya kung sisilipin niya ang nilalang na naroon o ano. Hindi kasi
siya handa sa kanyang makikita. Ilang beses siyang napa-krus hangang sa hindi na
talaga siya makatiis. Sinilip niya ang nasa sulok ng hallway at napatanga siya ng
makita niya si Malcolm na nakasandal sa gilid. Sugatan ito. Pinunit nito ang damit
at ginawang gasa para sa sugat nito sa katawan at maampat ang pagdurugo. Agad niya
itong nilapitan.
"Malcolm, ayos ka lang ba? Ano ang nangyari?" sunud-sunod niyang tanong.
Nag-angat ito ng tingin at saka ngumiti ng matipid.
"Mabuti naman at ayos ka lang. S-Sabihin mo, ikaw ba ang nag-activate ng magic trap
na ginawa ni Master?" sa halip ay wika nito.
"Magic trap?"
Napaisip si Karen at naalala niya iyong brick na itinulak niya sa pader.
"Baka nga? Ayos ka lang? Bakit ka nasaksak?"
"A-Ayos lang ako. Natamaan ako ng isa sa mga espada ni Brahm ng magharap kami
kanina. Ang mabuti pa, kumilos na tayo. Kailangan nating magmadali."
"Bakit?"
"Nang mamatay ang aming master, isinama niya sa kanyang libingan ang
makapangyarihan niyang wand. Bago pa man siya mamatay ay plinano na niya ang
magiging libingan kung saan siya ihihimplay. Ginawa niya ang lugar na ito para
protektahan ang wand sa kahit na sinong nilalang na magtatangkang kumuha nito."
Isang ideya ang naisipan ni Karen.
"Ang sabi mo sa akin kanina, mas malakas na magic lang ang makakatalo kay Brahm.
Kung ganoon, hanapin na natin ang libingan ng Master mo at kunin ang wand. Matatalo
mo si Brahm kapag hawak mo na iyon. Tutulungan kita."
Tumingin sa kanyang mukha si Malcolm na may kasamang amazement.
"G-Gagawin mo iyon?"
"Oo. May atraso ako sa'yo at kailangan kong gumanti sa panloloko ni Brahm. Kaya,
halika na!"
Inalalayan niya si Malcolm at itinayo. Nagsimula na silang lumakad para hanapin ang
himlayan ng master nito. Nang lumiko sila sa isang luma at wasak na hallway ay
napaligiran sila ng mga puting-liwanag na mistulang mga alitaptap. Nagtungo ang mga
iyon sa isang direksyon at wala silang ginawa kundi ang sundan iyon. Nakadama ng
pag-asa ang dalawa ng makita nila ang isang himlayan na nasa gitna ng isang maliit
na lawa. May mga malalaking bato na sinadyang gawing trail para mapuntahan ang
libingan.
"Mukhang sinadya ni Master na makita natin ito." napangiting wika ni Malcolm.
"Dahil sa tingin ko, sa'yo siya kumakampi."
"Dito ka lang, kukunin ko ang wand."
Bumitaw sa pagkakaalalay ni Karen si Malcolm at naglakad sa may gilid ng lawa. Akma
siyang tatalon pero pupuwersa palang siya ay sumisirit na ang dugo sa tagiliran
niya.
"Urgh!" napaluhod siya sapo ang tagiliran.
Patakbong nilapitan ni Karen ang lalaki.
"Ayos ka lang?"
"O-Oo."
"Sa tingin ko, hindi ka ayos. Ang mabuti pa, ako na lang ang pupunta doon sa
libingan para kunin ang wand. Dito ka lang."
Akmang aalis si Karen pero hinawakan ng mahigpit ni Malcolm ang kanan niyang braso
niya.
"B-Bakit?"
"D-Delekado. Hindi basta ipapakuha ni Master ang wand niya. Sigurado akong may
nakahandang patibong diyan sa daan. Posible kang mamatay."
Napangiwi si Karen sa kanyang narinig kasabay ng katakot-takot na paglunok.
"W-Wow! Pinalakas mo lalo ang loob ko no?" pasarkastiko niyang wika.
Ganoon pa man ay desidido na siya. It's now or never! Hinila niya ang braso niya at
wala nang nagawa si Malcolm. Pumunta na siya sa may gilid ng lawa at napatingin sa
unang bato na trail. Huminga siya ng malalim at saka siya bumuwelo. Matapos niyang
bumuwelo ay tumalon siya at sumakto ang tantya niya sa unang trail. Napahawak siya
sa kanyang dibdib at napahinga. A sigh of relief. Tumingin siya sa tubig. Hindi
niya alam kung ano ang naghihintay sa kanya kapag nahulog siya doon. Napalunok ulit
siya at saka muling tumingin sa susunod na trail. Kailangan niyang tantyahin ang
kilos niya at nahihirapan siya dahil hindi siya makakabuwelo.
Na-aamaze naman na nag-alala si Malcolm habang pinapanood niya ang kasama niya.
Napakatindi ng ipanapakita nitong determinasyon. Mukhang hindi uso sa bokabularyo
nito ang salitang 'sumuko'.
Muling tumalon si Karen at muntik na siyang mahulog sa ikalawang trail. Mabuti na
lang at nabalanse niya ang kanyang sarili.
"Niyaaay! Muntik na ako!"
"Mag-iingat ka!"
"Oo, mag-iingat ako. Salamat!"
Samantala... Hindi pa nakakaalis sina Rane at Blade sa kinaroroonan nila. Muling
kumuha ng isang piraso ng sirang brick si Blade para ibato sa hallway na kanilang
daraanan. Muling naglabasan ang napakaraming kutsilyo sa magkabilang-gilid ng mga
pader. Napangisi si Blade. Tama ang hinala niya, may pattern ang mga kutsilyo. May
ilang segundong pagitan ang mga ito. Kung sarili lang niya ang iisipin niya, kanina
pa siya nakaalis. Pero hindi, kasama niya si Rane at hinding-hindi niya ito
puwedeng iwanan at pabayaan na lang. Mamamatay na muna siya bago niya gawin ang
bagay na iyon.
"Ano na?" curious na tanong ni Rane sa kasama niya.
Isang matipid na ngiti ang namutawi sa labi ni Blade.
"Mukhang nakuha ko na ang pattern ng mga lintek na kutsilyong iyan! May ilang
segundo silang pagitan at magagawa natin silang lusutan."
Seryosong tumingin si Blade sa kanyang mukha. Hinigpitan nito ang hawak sa kanyang
kamay.
"Rane, may tiwala ka ba sa akin?"
Amaze na napatingin si Rane sa mukha ni Blade. Isang matipid na ngiti ang namutawi
sa labi niya.
"Tinatanong pa ba iyan? Siyempre naman, Oo!"
Hindi sumagot si Blade pero tumawa ito ng mahina. Matapos iyon ay kinarga niya si
Rane at saka siya naghanda sa mabilis na pagtakbo sa loob ng tunnel.
"Huwag kang mag-alala, hindi ko hahayaan na magalusan ka. Handa ka na ba?"
Tumingin si Rane kay Blade.
"Uhm, handa na!"
Huminga muna ng malalim si Blade bago tuluyang tumakbo sa loob ng tunnel. Pumikit
naman si Rane ng mariin at mahigpit na napakapit sa mga balikat ng kasama niya.
Iniwasan naman ni Blade ang mga paparating na kutsilyo. Tumagilid siya, tumalon,
yumuko at nagpa-slide. May ilang kumpol ng patalim ang tatama kay Rane pero umikot
siya at siya ang tinamaan ng mga iyon. Ilang sandali pa ay nakalagpas na ang dalawa
doon sa tunnel.
Nang magmulat ng mga mata si Rane ay nakita niya si Blade na may kagat-kagat na
dalawang kutsilyo sa bibig. Tumingin ito sa kanya at saka marahan siyang ibinaba.
"Ayos ka lang?" nag-aalala niyang tanong.
Itinapon ni Blade ang mga kutsilyo na nasa kanyang bibig.
"Puwe! Hahaha ha ha ! Ako pa! Animal, si Blade yata 'to no!"
Sinipat ni Rane si Blade. May nakabaong kutsilyo sa kaliwa nitong braso.
"Sigurado ka? May kutsilyong nakabaon diyan sa kaliwang braso mo oh!" nag-aalala
niyang wika.
Tumingin si Blade sa braso nito at balewala nitong inalis iyon. Napabilib siya sa
ipinakita nito dahil hindi man lang ito dumaing. Pero ilang sandali lang ay...
"Ageeeh! Animal! Ang sakeeet!!!...."
Hindi rin nakatiis si Blade sa bandang-huli. Tumalikod ito mula kay Rane sabay
tanong nang...
"M-Marami ba?"
Napangiwi si Rane ng makita niya ang likod ni Blade na tadtad ng kutsilyo. Mistula
na iyong dartboard na napagpraktisan. Alanganin siyang napatingin dito. Mukhang
siya ang dahilan kung bakit ito nagkaganoon. Hindi nga siya nito hinayaang
magalusan man lang.
"O-Oo, marami." sagot niya.
Naupo si Blade sa tapat niya nang nakatalikod.
"P-Puwede bang pakitanggal? Dahan-dahanin mo lang ah? Abuwisit ak pa na animal!
Masakit!..."
"Sige, dadahan-dahanin ko."
Alanganing lumapit si Rane sa nakatalikod na si Blade. Napapikit siya ng mariin at
saka muling tumingin sa likod nito. Hindi niya alam kung aling kutsilyo ang una
niyang tatanggalin. Dahan-dahan niyang inilalapit ang kamay niya sa hawakan ng
isang kutsilyo na malapit sa balikat nito.
"Ageeeh!..."
Napaismid siya.
"Huwag ka ngang atat. Wala pa, no!"
"Praktis lang iyon! Anak na lase!"
Panay naman ang ginawang paghinga ni Blade. Halatang kinakabahan ito. Akmang
ilalapit ulit ni Rane ang kamay sa kutsilyo pero...
"Teka lang, teka lang! Time first muna, Rane. Time first!"
Hindi muna itinuloy ni Rane ang akmang pagbunot sa kutsilyo. Inilayo niya muna ang
kanyang kamay.
"Oh, bakit? Ayaw mo bang alisin itong mga kutsilyo sa likod mo?" tanong pa niya.
Sinapo ni Blade ang dibdib nang mapatingin siya sa kanyang likod. Marami ang
nakabaong kutsilyo doon.
"Hihinga muna ako ng malalim. Wait lang, hindi pa ako handa eh."
Napahalukipkip si Rane.
"Bahala ka."
Naghintay siya na maging handa ang kasama niya. Hindi naman kasi biro ang inabot
nito. Muli itong napatingin sa kanya.
"Sige, ready na ako. Basta, dahan-dahan lang ah? Huwag mo akong bibiglain, please!"
"Hindi kita bibiglain. Alam ko naman na gusto mo, iyong dahan-dahan. Muret na 'to,
ang dami talagang arte."
"Sige, ready na ako. Mag-umpisa na tayo para makarami!"
Umayos na ng upo si Blade at naghanda naman si Rane sa pagbunot ng mga kutsilyo sa
likod nito. Uunahin niya iyong kutsilyong nakabaon malapit sa balikat nito.
Napalunok si Rane, nanginginig ang kanan niyang kamay. Hinawakan na niya ang handle
ng kutsilyo at marahan iyong inalis. Dahan-dahan niya iyong binubunot mula sa likod
ng kasama niya.
"O-Oooh!!... A-Aaaaah!... Dahan-dahan lang!"
"Dinadahan-dahan na nga!"
Samantala... Biglang napatigil sa paglalakad si Azrael ng bigla siyang sabunutan ni
Conrad.
"Conrad, nasasaktan ako. Bakit ba?!"
Alanganing tumingin si Conrad kay Azrael.
"Eh kasi parang may narinig akong boses. Umuungol yata."
Bigla ding napatigil sa paglalakad si Drake. Napatingin siya kay Conrad.
"Ano bang narinig mo?" curious niyang tanong sa bata.
"Sabi niya Oh-Aaah! Dahan-dahan lang!" inosenteng sagot ni Conrad.
Nagkatinginan sina Drake at Azrael, sabay pang namula ang mukha ng dalawa. Muli
silang nakarinig ng boses.
"A-Aaaarghhh!!!... Naman, naman!"
Napalunok si Drake.
"P-Parang kilala ko ang boses na iyon ah? At mukhang malapit lang sila dito."
"Tara, puntahan natin!" yaya ni Conrad.
Sabay pang napatingin ang dalawang binata sa batang si Conrad. Ganoon pa man, out
of curiosity ay hinanap pa rin nila ang pinanggagalingan ng boses. Napahinto sila
sa gilid ng hallway nang makarinig sila nang...
"Teka lang, teka lang! Time first! Hindi ko na yata kaya, nanginginig na ang mga
tuhod ko. Huwag mo munang gagalawin, huwag mo munang bubunutin... Kailangan ko
munang magpahinga... Nawawalan na yata ako ng lakas! Ooooh-Aaaah! Anak na lase!"
Natigilan sina Drake at Azrael.
"Oh, parang si pareng Blade iyon ah?! Tara, puntahan natin!"
Hindi nakaimik sina Azrael at Drake. Walang nakakilos, mas lalo silang nawindang ng
marinig nila ang sumunod na boses...
"Ano, kaya mo pa ba? Itutuloy pa ba natin ito?"
"Oo naman, nakarami na tayo eh. Ngayon pa ba tayo titigil? Pero wait lang,
kailangan ko munang habulin ang hininga ko at tsaka mag-iipon ako ng lakas. Basta
relax ka muna diyan, hintayin mo ang signal ko kung game na ako."
Na-amaze naman si Conrad ng marinig niya ang boses ng ate niya na kausap ni Blade.
"Kasama niya si ate ko oh! Mukhang may ginagawa sila, halina kayo! Tingnan na natin
sila!" makulit pa niyang wika.
Nasapo ni Drake ang kanyang noo at marahas na napasabunot sa kanyang buhok.
"Okinnayo! Abuwisit ak pa! Talagang hindi nakapagpigil ang dalawang iyon at dito pa
napiling mag-anuhan!" di niya napigilang wika.
Curious na tumingin sa kanyang mukha si Conrad.
"Mag-anuhan? Bakit, ano bang ginagawa nila Kuya Drake?"
Biglang naitikom ni Drake ang kanyang bibig. Guilty siyang napatingin sa bata at
isang matalim naman na tingin ang napala niya kay Azrael.
"Iyang bunganga mo nga! May kasama tayong bata dito. Ang mabuti pa, puntahan mo na
lang iyong dalawa at saka pigilan. Bahala ka na!"
"Fine!" napilitang wika ni Drake.
Maglalakad sana siya pero...
"Okay, game na ako. Tapusin na natin 'to."
"Sigurado kang game ka na?"
"Ako pa, nakabawi na ako ng lakas no. Kaya ko pa ang mga natitirang round.
Umpisahan mo na!"
Dahil sa sinabi ni Blade ay mabilis na binunot ni Rane ang isang kutsilyong
nakabaon sa likod nito.
"A-Aaaargh!!!... B-Binigla mo naman eh! Di ba sabi ko, dahan-dahan lang?!"
"Sabi mo, ready ka na?"
"Eh Oo nga! Pero alam mo namang sensitive ako no! OOooh! Ang sakit yata n'un!"
Napahawak si Drake sa kanyang dibdib at akma siyang aatras pero nakita niya si
Conrad na buhat ni Azrael. Halata sa mukha nito na ito ang gagawa ng task kapag
hindi siya tumuloy. Isang malalim na hininga ang pinakawalan niya. Mabilis siyang
tumakbo papunta sa gilid ng hallway at napabulalas siya nang....
"ABUWISIT AK PAAA!!!!..."
Grabe ang hiyang naramdaman niya sa kanyang sarili ng makita niya ang totoong
nangyayari. May mga kutsilyong binubunot si Rane sa likod ni Blade. Mukhang marami
iyon dahil nagkalat na ang ilan sa sahig. Napatigil sa akmang pagbunot ng kutsilyo
si Rane at saka sila sabay na napatingin kay Drake na bagong dating.
"Oh, ikaw pala Drake. Mabuti naman at nahanap mo kami. Nasaan si Conrad? Di ba
kasama mo siya?" sunud-sunod na tanong ni Rane.
Hindi agad makasagot si Drake kasi guilty siya sa maling iniisip niya. Hindi niya
alam pero gusto niyang kutusan si Blade dahil nabiktima siya ng kabrutalan ng
bunganga nito. Nag-isip tuloy siya ng kung 'ano'. Isang mahinang tawa ang kumawala
sa kanya sabay ng bahagyang pag-iling.
"Uy, ayos ka lang? Nasaltek ka nang animal?" si Blade.
Nawala ang pag-eemote ni Drake.
"Okitnam! Nagkamali ako ng inisip dahil diyan sa kabrutalan ng bunganga mo. Kung
makaungol ka, ang lakas! Para kang ano..."
"Ano?! Parang ano?! Animal, ikaw kaya ang mabaunan ng sandamakmak na kutsilyo sa
likod? Sa tingin mo, hindi ka mapapaungol sa sakit kapag binubunot iyon sa likod mo
ah? Anak na lase!"
"Tumigil na nga kayo diyan."
Muling hinarap ni Rane ang likod ni Blade at saka tinanggal ang huling kutsilyo sa
likod nito.
"A-Aaaaaah!!!.... Woh, woh! Ang sakiiit!!..."
Napahinga ng malalim si Rane.
"Huwag ka na ngang umatungal diyan, last na iyon."
Napatingin sila sa may gilid ng makarinig sila ng sumisipol at mga yabag. Kasunod
noon ang paglitaw nina Azrael at Conrad. Halata sa pagmumukha ni Azrael ang
pagkapahiya ng makita nito ang itsura ni Blade.
"Sabi na nga ba, ikaw iyong naririnig ko Pareng Blade eh! Ano bang ginagawa niyo ni
ate Rane kanina? Sabi ni Kuya Drake baka daw nag-aanuhan kayo?" madaldal na wika ni
Conrad.
Napaismid naman sina Rane at Blade nang marinig nila ang sinabi ni Conrad sabay
tingin ng matalim kay Drake.
"Anong s-sinabi mo? Nag-aanuhan?" gigil na wika ni Rane.
Natakpan ni Drake ang bibig at guilty na napatingin sa dalawa. Inis naman na
lumapit si Blade sa bestfriend niya at saka niya ito kinutusan ng malakas.
"Iyang utak mo nga! Animal, kung ano-ano ang sinasabi mo sa bata ah! Baon-inam!"
"Ageeeh! Abuwisit ak pa! Wala naman akong tinutukoy sa sinabi kong 'ano' ah?!"
defensive pang wika ni Drake.
"Maraming meaning ang 'ano', animal!"
"Wala nga ako-"
Hindi na naituloy ni Drake ang sasabihin ng bigla silang nakarinig ng malakas na
ugong.
"Ano iyon?" bulalas na lang niya.
Tumingin-tingin din sa paligid si Blade.
"Ewan!"
Mahigpit naman na napasabunot si Conrad sa buhok ni Azrael.
"Conrad!" reklamo naman ni Azrael.
"Waaaah! Tumakbo na tayo! May higanteng bato na parating! Mapipisat tayo!"
tarantang wika ni Conrad.
Itinuro pa talaga niya kung saan niya nakita ang gumugulong na higanteng bato.
Napatingin ang lahat doon at sabay-sabay na napasigaw ng..
"TAAAKBOOO!!!..."
Tumakbo na nga silang lahat paalis at sa dinadaanan nila ay may nakahanda na namang
patibong. Bumubukas ang sahig. Dahil doon ay binuhat na ni Blade si Rane.
Samantala... Panay ang hinga ng malalim ni Karen ng makarating siya sa susunod na
trail. Nakadama siya ng pag-asa nang makita niyang dalawang trail na lang ang
kailangan niyang tungtungan para tuluyang makarating sa libingan.
"Kaya ko pa 'to. Malapit na malapit na ako."
Isang malalim na buntung-hininga ang pinakawalan niya. Muli siyang naghanda at
bumuwelo. Tumalon na siya papunta sa susunod na trail pero medyo nadulas siya kaya
bigla siyang nahulog. SPLASH!!!.... Ang malakas na tunog ng tubig ng bumagsak siya.
"Ayos ka lang?!" nag-aalalang sigaw ni Malcolm.
Pumunta siya sa may gilid para makita ang kasama niya. Bumangon naman si Karen at
saka tumayo. Hanggang sa may balakang niya ang tubig.
"A-Ayos lang ako. Lalakad na lang ako dito sa tubig." wika niya.
Lumakad na nga siya papunta sa may libingan pero natigilan siya ng bigla niyang
maramdaman na may humila sa kanan niyang binti. Napatingin siya sa ilalim ng tubig
at nakita niya ang isang kamay na kalansay na kahawak sa binti niya. Takot niyang
iginalaw-galaw ang kanang paa para maalis iyon pero nagsulputan na ang mga kalansay
sa paligid niya at hinila siya pailalim sa tubig. Nagpupumiglas siya pero ang dami
ng mga iyon. Nilulunod siya ng mga ito. Halos mawalan na siya ng hininga pero
biglang lumutang ang katawan niya at naalis siya sa tubig. Marahan siyang napunta
sa may libingan.
Napatingin siya sa direksyong kinaroroonan ni Malcolm. Ito ang nagligtas sa kanya.
Nakadama siya ng pag-aalala ng makita niyang namumutla na ang mukha nito at
pawisan. Nakahawak itong maigi sa tagiliran at nakita niya ang pag-agos ng dugo
doon. Nanunuyo at namumutla na rin maging ang labi nito. Unti-unti na ring
nangingitim ang ilalim ng mga mata nito. Mukhang ginamit nito ang natitirang lakas
para makagamit ng magic at matulungan siya.
"Salamat! Kaunting tiis na lang, makukuha ko na ang wand ng master mo."
Hinarap na niya ang libingan. Nag-ipon siya ng lakas para maitulak ang batong takip
noon. Nang maiurong niya iyon hanggang sa kalahati ay nalantad sa kanya ang isang
napakalumang kabaong. Binuksan niya ang kabaong at nakita niya ang isang kalansay
na may hawak na wand sa may dibdib.
"Pahiram muna nito. Kung naririnig mo ako, tulungan mo kami ni Malcolm...
Pakiusap!"
Kinuha na niya ang wand sa kamay ng kalansay. Pagkakuha niya doon ay biglang
nagliwanag ang buong paligid. Isang nakakasilaw na asul na liwanag. Nang tuluyang
humupa iyon ay biglang nagbago ang lugar na kinaroroonan nila. Nasa isang luma at
sira silang garden. Ilang beses na napakurap si Karen dahil natatanaw niya sa di-
kalayuan ang lumang-mansion. Nakita niya si Malcolm na nakadapa sa tabi. Agad niya
itong nilapitan.
"Gumising ka, nakuha ko na ang wand ng master mo. Matatalo mo na si Brahm!"
Niyugyog niya ang mga balikat nito. Marahan itong nagmulat ng mga mata. Napangiti
ito ng bahagya nang makita siya.
"S-Salamat naman kung ganoon."
Akma niyang iaabot ang wand dito pero nakarinig siya ng mahihinang palakpak.
Napatingin siya sa pinanggalingan noon at nakita niya ang nakangising si Brahm.
Napatanga siya dahil sa tabi nito ay ang mga natutulog niyang kaibigan na
nakakulong sa loob ng isang higanteng bola.
"Magaling! Ang tapang mo talaga. Kanina pa kita pinapanood at hanga ako sa
determinasyon at tapang na ipinakita mo."
"Ikaw!!.." naiinis na wika ni Karen.
Isang mahinang tawa ang kumawala kay Brahm. Tumingin siya sa nanghihinang si
Malcolm.
"Ibigay mo sa akin ang wand na hawak mo at pakakawalan ko ang mga kaibigan mo."
Mahigpit na hinawakan ni Karen ang hawak niyang wand. Napatingin siya sa mga
kaibigan niya na hostage nito. Kaya pala hindi niya mahanap ang mga ito kanina
pa... Binalutan pala sila ng magic.
"Pakawalan mo muna ang mga kaibigan ko, bago ko ibigay sa'yo ang wand."
Gumalaw ang sulok ng labi ni Brahm.
"Akin na ang wand!"
Itinutok nito ang kamay kay Karen at nagulat ang dalaga ng bigla siyang hilahin ng
kung anong puwersa palapit kay Brahm. Hinila niya ang sarili pabalik pero sadyang
mas malakas ang magic na ginagamit sa kanya. Mas hinigpitan niya ang hawak sa wand.
"Ngayon, matigas na ang ulo mo ah? Akin na iyang wand!"
"Hindi! Pakawalan mo muna ang mga kaibigan ko!" mariin niyang wika.
"Pakakawalan ko sila kapag nakuha ko na ang wand."
Samantala... Nakasalubong nina Blade sina Hunter at Zech.
"Bakit kayo tumatakbo?" amaze na tanong ni Hunter.
Napasabay din tuloy sila ni Zech sa pagtakbo.
"Tumingin ka sa likod!" si Drake.
Napatingin nga si Hunter sa likuran niya at nakita niya ang isang higanteng bato na
gumugulong. Binalingan niya si Zech.
"Uy! Brainy-boy!.. Anong naiisip mo?!" tanong niya.
"Gumawa tayo ng daan palabas! Sa itaas!" mabilis na sagot ni Zech.
"Kung ganoon, gawin niyo na ah!" singit ni Blade.
Matapos iyon ay si Zech na ang kumilos. Nagpalabas siya ng maraming ugat ng halaman
para sirain ang mga pader. Isa-isa silang pinuluputan ng mga ugat at hinila
paitaas.
Samatantala... Marahang bumangon si Malcolm. Pinilit niyang kumilos sa kabila ng
kanyang panghihina. Nakita niyang nilalaban ni Karen ang magic na ibinalot ni Brahm
dito.
"Akin na ang wand!"
"Hindi! Pakawalan mo muna ang mga kaibigan ko. Alam ko na ang style mo, Brahm...
Wala kang isang salita, hindi ka mapagkakatiwalaan!"
Tumawa ng mahina si Brahm.
"Nakakatawa namang insulto iyon. Pero sa isang banda, tama ka."
Mas nilakasan niya ang gamit na magic at mas nahila na niya ang dalaga palapit sa
kanya. Natuon ang atensyon niya sa hawak nitong wand pero biglang nahila pabalik sa
dati nitong puwesto si Karen. Nakita niya sa bandang-likuran nito si Malcolm,
kinontra nito ang magic niya.
"Buwisit! Buhay ka pa pala!" naiinis niyang turan.
Naipit naman si Karen sa gitna, hindi siya makakilos dahil parang may dalawang
puwersang nag-aagawan sa kanya.
"Tumigil ka na, Brahm!"
"Huh, ngayon pa? Malapit ko nang makuha ang wand ni Master? At tsaka tingnan mo,
mahina ka na! Malapit na kitang matapos!"
Mas nilakasan ni Brahm ang gamit na magic, nahihila na si Karen palapit dito pero
determinado itong pinipigilan ni Malcolm... Iyon nga lang ay napaluhod ito at
napaungol dahil bumuka na naman ang sugat nito sa tagiliran. Sinamantala naman ni
Brahm ang pagkakataon, mabilis nitong hinila palapit sa kanya ang dalaga pero...
BAAAAGS!!!... Mula sa ilalim ni Brahm ay nawasak ang lupa at nagsilabasan ang mga
malalaking baging kasama sina Blade... Tumilapon si Brahm sa kalayuan. Natulala
naman si Karen ng makita niya ang mga bagong dating. Hindi siya makapaniwala.
"Mabuti naman pala at ligtas ka! Ang galing mo!" bungad ni Drake.
Hindi pa rin makapagsalita si Karen. Natutulala siya habang nakikita niyang
ibinababa ito ng mga higanteng baging. Tapos biglang nawala ang mga iyon sa likuran
ni Zech.
"Nalase, nasaan ba ang kalaban? Siya ba?" itinuro ni Blade si Malcolm.
Doon na nakabawi sa pagkabigla si Karen.
"Naku, huwag Sir Blade! Siya si Malcolm, mabait siya."
Nilapitan na ni Karen si Malcolm para alalayan.
"Kung ganoon, nasaan ang kalaban?" tanong naman ni Azrael.
Mula sa kung saan ay nagliparan ang mga naglalakihang bato papunta sa grupo nila
Blade. At kasunod noon ang paglitaw ni Brahm.
"Huh, ako ba ang hinahanap niyo? Lintek! Nagtawag pa talaga ng resbak ang babaing
iyan. Pero tingnan ko lang kung uubra kayo sa akin!" mayabang na wika ni Brahm.
Napangisi si Blade nang makita niya ang lalaki. Tumingin siya kay Zech.
"Uy, pakitaan mo nga ng magic ang hambog na animal!"
"Yes, Captain!" sumaludo pang wika ni Zech.
Hinarap na nga niya ang kalaban. Isang malakas na puwersa ng magic ang pinabulusok
nito sa kanya pero sa isang tapik lang ay natabig iyon ni Zech ng walang kahirap-
hirap. Tumingin si Zech sa kamay niya at saka tinitigan ang kalaban niya.
"Iyon na ang pinakapangit na magic na na-encounter ko."
"Mayabang ka ah! Tingnan natin!"
Binalutan ni Brahm ang sariling katawan ng magic at saka binago ang anyo. Naging
isa itong higanteng vampire bat. Hindi natinag si Zech. Sinugod siya ng kalaban
niya at sinalubong niya ito ng malakas na suntok. Panay ang sangga niya sa mga
atake nito hanggang sa matigilan ito. Nabalot na kasi ang katawan nito ng isang
matingkad na liwanag.
"Ngayon, makikita mo ang totoong magic." wika pa ni Zech.
Hindi na makapagsalita ang kalaban dahil napaligiran na ito ng puting liwanag
kasabay ng paglitaw ng isang puting-pentagram sa buo nitong paligid. Nakulong ito
sa liwanag hanggang sa maglaho ito na parang bola. Nang maglaho iyon, lumitaw ang
isang puno ng rose na kulay-itim ang bulaklak.
"Masama talaga ang taong iyon. Itim ang kulay ng bulaklak na kinalabasan niya."
wika na lang niya.
Napatingin siya sa mga kasama at nakita niyang nagkumpulan ang mga ito sa
kinaroroonan ni Karen.
"Heto na iyong wand. Gamitin mo para gumaling ka." wika ni Karen.
Iniabot niya iyon kay Malcolm pero hindi iyon tinanggap ng huli.
"Hindi sa akin iyan. Mas makakabuti kung sirain na lang iyan para walang makagamit.
Isa ang bagay na iyan sa dahilan ng matagal naming laban ni Brahm."
"Akin na ang wand."
Napatingin si Karen sa nagsalita at nakita niya si Drake. Inabot niya ang wand dito
at nagulat siya ng biglang mag-apoy ang kamay nito at nasunog ang wand hanggang sa
maging abo. Sinipat ni Drake ang lalaki.
"Medyo maraming dugo ang nawala sa kanya pero mabubuhay siya. Kailangan lang niya
ng pahinga para makabawi ng lakas. Duh, type O... So Ordinary!"
Hindi makapagsalita si Karen, amaze na amaze siya kay Drake. Lumapit na rin si
Hunter at saka idinapo ang kamay sa tagiliran ni Malcolm kung saan may malala itong
sugat. Ilang sandali pa ay nawala na ang pagdurugo at gumaling na ang sugat sa
tagiliran ng binata.
"P-Paano mo nagawa iyon?" bulalas ni Karen.
Ngumiti si Hunter sa kanya sabay sabing...
"Marunong ka bang magtago ng sekreto, huh?"
Napalunok si Karen.
"S-Sekreto?"
Tumingin siya kay Rane.
"Anong ibig sabihin nito?" tanong pa niya sa kanyang step-sister.
Isang alanganing ngiti ang namutawi sa labi ni Rane. Tapos, ilang sandali pa ay
nagkuwento na rin ito.
"Mangako ka, sa atin lang ang sekreto na ito. Walang ibang puwedeng makaalam dahil
delekado." paalala pa ni Rane kay Karen.
Tuliro naman ang huli at hindi makapaniwala. Napatingin siya sa lahat. Tinapik-
tapik niya ang kanyang mga pisngi hanggang sa...
"Oo! Oo! Iingatan ko ang sekreto niyo! Promise!" sa wakas ay wika niya.
Nang makabawi naman na sa panghihina si Malcolm ay tumayo na ito at magalang na
nagpasalamat sa lahat. Huli nitong nilapitan si Karen.
"Malaki ang utang na loob ko sa'yo. Hindi ko ito makakalimutan."
"Hindi mo kailangang magpasalamat. Nagawa ko lang naman ang lahat ng iyon kasi
gusto kong iligtas ang mga kaibigan ko." sinulyapan ni Karen ang mga kaibigan
niyang walang-malay.
Sinabi sa kanya ni Zech na mas makakabuti na ganoon na lang muna ang mga ito. Muli
siyang tumingin kay Malcolm na kaharap niya. Hanggang ngayon, hindi siya
makapaniwala na totoong tao iyong mannequin na nakita niya sa attic.
"Maski na. Malaki ang tulong na nagawa mo sa akin."
Hinawi ni Malcolm ang distansiya nila at napapikit siya pero..
"Ehem! Baka gusto mong maumbag?!"
Napamulat si Karen at nayayamot na tumingin kay Blade.
"Kontrabida!"
"Isusumbong kita kay Ai!"
Nanghaba ang nguso niya pero natigilan siya ng bigla siyang halikan ni Malcolm sa
kanyang noo.
"Salamat, Karen. Aalis na ako. Marami akong kailangang puntahan. Sana, magkita ulit
tayo."
Tumalikod na si Malcolm at naiwang tuliro si Karen... Tapos noong maglaho na ito
dahil gumamit ito ng magic ay saka siya may naalala.
"Uy teka! Iyong cellphone number ko, di ko pa nabibigay! Di ba text-text?!" bulalas
niya.
Pero wala na talaga si Malcolm, mukhang nagpunta na nga ito sa kung saang lupalop
ng mundo.
"Alam mo Karen, sign iyon eh."
Tumingin siya sa nagsalita, ang sutil na si Blade. Hanggang ngayon, di siya
makapaniwala na isa itong anghel.
"Ano namang sign?" napataas na kilay niyang tanong.
"Na hindi si Malcolm ang destiny mo."
"Ows?"
"Oo. Kasi kung siya nga, di sana di na siya umalis. Di ka niya iniwan!"
Hindi niya alam pero gusto na niyang saktan si Blade na sa bandang-huli ay ginawa
nga niya. Isang malakas na upak sa mukha. Natawa ang lahat sa nakitang eksena pero
hindi tinantanan ng boys sa panunukso si Karen.
*************************************
# outing to Antong falls ngayong miyerkules... Bukas na pala?
sorry sa tagal ng update, medyo nagloko na naman laptop ko, na-heatstroke yata. At
tungkol naman sa cute kong pusa... His very fine na... thanks sa paghihintay!

44. Leviathan VS Blade


"Leviathan VS Blade"
"Ageeeh! Dahan-dahan naman! Masakit eh! Anak na lase!" atungal ni Blade.
Yamot na napatingin si Drake sa likod ng kanyang bestfriend.
"Abuwisit ak pa! Ikaw na nga itong ginagamot ang mga sugat sa likod, ang dami mo
pang ngatel na lase! Ump!" sabay diin ng ointment.
"AGEEEEH!!!... BAON-INAM!!!..."
Inis na hinarap ni Blade si Drake at inundayan ng suntok pero mabilis na nakalayo
sa kanya ang damuho. Nagpeace sign ito sabay sabing...
"Peace be with you, Blade! Ha ha ha!"
"Animal!"
Dahil sa nangyaring gulo na kinasangkutan ni Karen ay hindi natuloy ang kanilang
lakad. Bukas na lang nila naisipang ituloy iyon at silang mga lalaki lang ang
magba-bonding. Tinawagan din nila si Creta para sumama. Napapangiti na lang si
Azrael habang napapasulyap sa dalawa habang nagbabasa siya ng magazine.
Nagsusuntukan na ang mga ito. Lumabas si Hunter na bagong ligo.
"Hoooy!!... Itigil niyo na nga iyan! Hindi pa ba kayo nagsasawa sa mga pinagdaanan
natin kanina?!" awat nito.
Nagturuan ang dalawa.
"ETO KASI EH!!!..." sabay pa nilang wika.
"Tsk!" tanging react nalang ni Hunter.
Tinalikuran na niya ang mga ito pero atleast, tumigil na rin sila sa kanilang
kaguluhan. Muling naupo ang dalawa ng magkalayo at nag-asaran sa tingin.
Samantala... Mariing pinalagutok ni Leviathan ang kanyang mga kamao at matamang
tumingin sa kanya si Beelzebub.
"Hmm... Ano naman ang nagtulak sa'yo na magpunta dito sa mundo ng mga tao?"
Isang matipid na ngiti ang namutawi sa labi ni Leviathan at nang-aasar na tumingin
kay Beelzebub.
"Tinitingnan ko lang naman kung kamusta na ang inihahanda mong chaos. Malapit nang
lumabas ang iyong army... Kaya lang, wala yata silang commander?"
Naiinis na ikinuyom ni Beelzebub ang kanyang kamao at saka walang pasintabing
binigwasan ng suntok sa mukha si Leviathan. Nasapo nito ang mukha at natatawang
tumingin pa sa kanya. Pinunasan nito ang dugo sa gilid ng labi.
"Ha ha ha! Masyado kang pikon. Hanggang ngayon ba ay hindi mo pa rin nahahanap ang
Hydrian na iyon?"
Galit na tumingin si Beelzebub.
"Alam kong hindi lalayo ang tarantadong iyon. Makikita ko din siya at humanda siya
sa akin sa oras na magkatagpo ang aming mga landas. How dare him 3x a day! He will
see what is the meaning of hell!"
Pasimpleng napasuklay sa kanyang buhok si Leviathan.
"Oh well, good luck!"
Napahalukipkip si Beelzebub at matamang tumingin sa kausap niya. Huminga siya ng
malalim. Walang mangyayari kung magpapadala siya sa mga pang-aasar nito.
"Iyon lang ba talaga ang dahilan kaya ka dito nagpunta? Hindi biro ang ginagamit
nating lakas kapag nandito tayo sa mundo ng mga tao. Ako nga, tinitipid kong maigi
ang aking kapangyarihan. Umiiwas ako sa anumang laban. Si Hydrian lang naman ang
pakay ko. Ikaw? Sino ang pakay mo dito? Kilala kita, Leviathan. Hindi ka pupunta
dito sa mababaw na rason."
Tumawa ng mahina si Leviathan.
"Wala lang. Gusto ko lang bisitahin ang isang dating kaibigan." makahulugan niyang
wika.
Napataas ng kilay si Beelzebub.
"Si Blade?"
"Uhuh... Alam mo kasi, hindi ko makalimutan iyong huling engkuwentro namin.
Nakalamang siya sa akin... Pero nagawa kong ipapatay sa kanya ang bestfriend niyang
blood demon. Isang masakit na alaala... Nakakatuwa. Kung nakita mo lang sana ang
napakamiserableng kalagayan ni Blade, matatawa ka. Masyadong madramang tagpo...
Isang napakagandang palabas."
"Ganoon? Pero buhay na buhay pa ang Blood demon. Isa pa, hindi ba't napuruhan ka ni
Blade sa laban niyong iyon? Bumalik ka nga sa hell na sugatan at balot ng kanyang
Angel's Chain. Ilang araw mo ring dinama ang hirap-"
Hindi na naituloy pa ni Beelzebub ang pagsasalita dahil isang malakas na suntok sa
kanyang mukha ang dumapo. Napaatras pa siya. Halatang mas matindi ang pagkakapikon
ni Leviathan sa sinabi niya. Tumawa siya at sinapo ang pisngi sabay dura ng dugo sa
kanyang bibig.
"Ano, eh di napikon ka rin?"
"How dare you 3x a day!"
"How dare you 3x a day." patuya pa niyang wika.
Isang matalim na irap ang napala niya kay Leviathan saka nito ikinuyom ng mariin
ang kanang kamao. Dumugo pa iyon sa tindi ng pagkakakuyom.
"Tsk! Ako ang mananalo ngayon. Ipapahiya ko siya ng husto. Ibang klaseng laban ang
ipapakita ko sa kanya."
Tumalikod si Leviathan at isang ideya ang naglaro sa kanyang isipan. Titiyakin niya
ang muli nilang pagtatagpo ni Blade. At sinisiguro niyang makakaganti siya dito.
Mapapahiya ito ng mas higit pa sa nangyari sa kanya.
Kinabukasan ay maagang nagpunta si Creta sa bahay ni Drake. Nadatnan niya ang tropa
na busy sa pag-aalmusal.
"Uy, tamang-tama ang dating ko!" masigla niyang wika.
Naupo siya sa hapag.
"Ano bang ulam?"
"Pritong tuyo na may sawsawang maanghang na suka at inihaw na talong na may
sawsawang kamatis na may bagoong, sili at puting-sibuyas. Mayroon ding mainit na
kape."
"Naks! Magkakamay ako!"
Muling napatayo si Creta at saka nagpunta sa may lababo para maghugas ng kanyang
mga kamay. Matapos iyon ay muli siyang dumulog sa hapag para kumain. Katabi niya si
Blade na busy sa paghihimay ng tuyo.
"Anong ginagawa mo?" tanong niya.
"Hinihimay ko itong ulam kong tuyo para ibabad sa suka na may sili. Masarap kaya
kapag babad na babad na siya. Tapos iuulam mo sa kanin at sasabayan mo ng paghigop
ng mainit na kape! Makakalimot ka sa pangalan mo." tinatakam na wika ni Blade.
Dahil sa sinabi nito ay nakigaya tuloy ang lahat. Matapos nilang kumain ay
nagsepilyo silang maigi. Nagmumog din sila ng sangkatutak na mouthwash para
masigurong walang niawang amoy ng kanilang inulam sa kanilang bibig. Nang matapos
sila sa pagsisipilyo ay naupo sa sala si Creta para antayin ang mga kasama niya.
Maliligo at magbibihis pa ang mga ito. Si Zech, dadaanan na lang nila sa bahay nito
mamaya.
Nang matapos ang mga ito sa pag-aayos sa sarili ay agad na silang lumakad. Kagaya
ng kanilang napag-usapan ay dinaanan nga nila si Zech sa bahay nito. Nadatnan nila
ito sa may gate at mukhang kanina pa sila hinihintay.
"Natagalan yata kayo?" puna pa nito.
"Oo eh. Tuyo kasi ang almusal namin at saka inihaw na talong na may sawsawang
kamatis na may bagoong na may sili at sibuyas. Kinailangan naming magtoothbrush ng
maigi at magmumog ng sangkatutak na mouthwash. Alam mo na..." paliwanag ni Hunter.
Napatango si Zech.
"Kaya pala. Pero ang sarap ng ulam niyo ah? Bigla tuloy akong ginutom kahit na
katatapos ko lang mag-almusal."
"Oh talaga? Ikaw, ano bang ulam mo?" curious na tanong ni Drake.
"Pritong daing na bangus na sinawsaw sa kamatis na may patis."
"Abuwisit ak pa! Mas masarap ang ulam mo!" pakli ni Blade.
Habang naglalakad sila sa daan ay panay ang kuwentuhan nila ng kung ano-ano.
Nagpunta sila sa mall kung saan sila tatambay ng buong-araw para magliwaliw. Pero
sa oras na magsawa sila, bahala na kung saang destinasyon ang sunod nilang lakad.
"Saan tayo unang pupunta?" untag ni Drake kay Blade.
Napangiti ang huli ng pilyo at ikinuyom ang kanan nitong kamao.
"Sa tingin ko, parang gusto kong maglaro sa arcade. Ang tagal na rin noong huli
akong maglaro. Ano sa palagay niyo?" untag niya sa mga kasama.
"Magandang idea! Bagets na bagets." pakli ni Azrael.
Sumang-ayon ang lahat. Nagpunta nga sila sa may arcades at namili ng kanya-kanyang
laro. Street Fighter ang napiling laruin nina Creta at Zech. Magkalaban sila.
Resident Evil naman ang napili ni Hunter. Si Drake, throw-back na kung throw-back
pero gusto niya ang Super Mario. Naglaro naman ng SNIPER si Azrael. At si Blade
excited na excited nang hawakan niya ang manibela sa arcade ng game na Fast and
Furious.
"Atleast, makakapagdrive ako ng mga astig at mamahaling kotse kahit sa game lang.
Ang tagal na rin nang huli akong maglaro nito." nakangiti niyang pakli.
Namili na siya ng kotseng gagamitin niya at naghulog na siya ng barya. 3-2-1-GO!
Iyon ang lumitaw sa kanyang screen bago magsimula ang race sa game. Seryosong-
seryoso siya habang nakatutok ang kanyang paningin sa race track. Kumambyo siya
para makapagdrift at siya na ang nangunguna sa race. May naupo sa kanyang tabi at
naglaro din ng game niya. Kalaban niya ito sa race at humahabol na ito sa gitna ng
lap. Nang maabutan siya nito ng bahagya ay nagulat siya ng bigla nitong banggain
ang likuran ng kotseng gamit niya. Mas diniinan niya ang pag-apak sa accelerator at
nang makalayo siya dito ay pasimple siyang tumingin sa kanyang katabi.
Isang nakakalokong ngiti ang nakita niya sa kanyang katunggali. Si Leviathan!
"Hello, Blade! Matatalo ka!" mariin pa nitong banta.
Isang mapaghamong tingin ang ipinukol nito. Pero hindi siya nagpatinag. Matapang
siyang tumingin kay Leviathan at napangisi.
"Animal, mangarap ka! Hindi mo ako matatalo!"
"Tingnan lang natin!"
Gumamit ito ng booster at bahagya na itong nakakahabol sa kanya pero hindi siya
nagpatinag. Gumamit din siya ng booster at nakalayo na naman siya dito. Pero
sadyang determinado si Leviathan, mas nilakasan nito ang booster at sinunod-sunod
nito ang paggamit. Naabutan siya nito at pantay na ang puwesto ng kanilang mga
sasakyan sa game. Blue at orange. Blue ang kay Blade at orange naman ang kay
Leviathan. Ginigitgit ni Leviathan ang kotse niya pero hindi siya nagpatinag.
Ginitgit din niya ito. Gusto nito ng dayaan? Puwes, papatol siya!
Kinabig niya ang manibela at saka siya kumambyo para bungguin ito. Bahagya itong
tumagilid pero agad ding dumikit sa kanya at bumawi. Talagang walang may gustung
magpatalo sa kanila.
"Uy grabe oh! Ang galing! Ang astig ng laban!" wika ng isang binatilyong
estudiyante.
Nakakuha na silang dalawa ng atensyon at marami na ang nanonood sa kanilang
likuran. Napatigil naman sa paglalaro ang mga kasama ni Blade at pasimpleng
nakinood na rin. Bahagyang napaatras si Creta ng makita niya ang ka-race ni Blade
sa game. Hindi siya makapaniwala pero totoo nga! Nandito si Leviathan-one of the
Seven Prince of Hell at nakikipagkarera kay Blade sa arcade game ng Fast and
Furious.
"Sheyt na malagkit!" di niya napigilang wika.
Inihanda niya ang kanyang sarili pero tinapik ni Zech ang balikat niya.
"Relax ka lang. Kung gusto talaga ng gulo ng isang iyan, sana kanina pa niya
ginawa. Mukhang trip lang niyang kalabanin at asarin si Blade. Mag-antabay na lang
tayo sa mga susunod na mangyayari."
"Tama si Zech. Kung gumawa man ng kalokohan ang isang ito, hindi tayo mangingiming
pagtulungan siya para bugbugin." segunda naman ni Azrael.
Dahil doon ay na-relax na si Creta at matamang tumingin sa likod nina Blade at
Leviathan na busy sa paglalaban sa race.
"Go Blade! Pakainin mo ng alikabok ang mayabang na iyan! Abuwisit ak pa! Galingan
mo!" kantyaw ni Drake.
Dahil doon ay ginanahan si Blade. Pagkakataon na para iganti niya si Drake sa
ginawa ni Leviathan noon. Mas binilisan pa niya ang pagpapatakbo. Mas exciting ang
nangyayari kaysa sa totoong race. Ang problema ay inabutan siya ni Leviathan at
dumikit ito sa kanya hanggang sa makarating sila sa huling lap ng race. DRAW-iyon
ang lumitaw na resulta. Marahas na tumayo si Leviathan.
"Hindi ako papayag sa resultang iyan! Hindi puwede sa akin ang tabla! How dare you
3x a day!"
Marahas ding tumayo si Blade at matapang na hinarap si Leviathan na isa sa Seven
Prince of Hell. Hindi siya natitinag dito.
"Anak na lase! Kung ganoon, anong laban ang gusto mo? Hindi kita uurungan!" hamon
din niya.
"Kung ganoon, sumunod ka sa akin!"
Dahil sa narinig na usapan ng dalawa ay napasunod na ang mga tao na nag-uusyoso.
Pumunta sa game ng House of the Dead si Leviathan at kinuha ang baril sa game
console.
"Paramihan tayo ng mapapatay na zombie!" mayabang nitong hamon kay Blade.
"Animal! Iyan lang pala! Puwes, simulan mo nang kumain ng bayabas! Talo ka na!"
"Mayabang ka! Tingnan lang natin kung sino ang mapapahiya sa ating dalawa. Baka
ikaw ang kailangang kumain ng bayabas, isama mo na pati ang mga dahon at sanga!
Pumunta ka na dito at gamitin mo si Player 2. Magsimula na tayo sa laban at huwag
nang puro ngatel!"
"Okay, game!"
Lumapit nga si Blade kay Leviathan at kinuha ang baril sa game console. Sabay
silang naghulog ng barya sa arcade at nagsimula na silang pumatay ng zombie habang
mariin na nagkakatitigan. Hindi sila nakatingin sa screen ng arcade kaya naman
labis ang paghanga ng mga taong nanonood sa kanila dahil sa bawat tira nila ay
patay ang mga zombie at napakabilis na ng bilang ng mga numero para sa kanilang
score.
"Pambihira!" wika ng isa sa mga nakiki-usyoso.
Isang nakakalokong matipid na ngisi ang namutawi sa labi ni Leviathan. Iniumang
niya ang kaliwa niyang kamao sa mukha ni Blade pero mabilis iyong nasangga ng huli
gamit ang kalaiwa din nitong kamao. Ngumiti din ng matipid at nakakaloko si Blade,
sinipa niya ang kaliwang tuhod ni Leviathan pero bahagya itong umatras at nakailag
sa kanyang atake. Mariin nilang kinuyom ang kamao ng isa't-isa habang nagtititigan
ng mariin. Muling kumilos si Leviathan, tinangka niyang sipain ang tagiliran ni
Blade pero mabilis itong tumalon kaya nakailag ito. Gumanti di ng sipa sa tagiliran
si Blade pero mabilis na tumagilid si Leviathan para iwasan ang atake niya. Habang
nangyayari ang lahat ng iyon, tuloy ang pagbaril nila ng mga zombie sa game.
"Talagang napakatinding personalan ang nangyayari." di napigilang wika ni Hunter.
Nanatili silang nakatingin sa dalawa hanggang sa matapos ang game at lumitaw ang
score ng dalawang magkatunggali. Kagaya ng unang resulta, DRAW na naman ang lumitaw
na resulta. Parehong nakakuha ng 1867 ang dalawa. Sila din ang napunta sa highest
score. Parehong humihingal na ibinaba ng dalawa ang hawak na baril at saka ibinalik
sa game console.
"Hindi ulit ako papayag sa resultang iyon!" wika ni Leviathan.
"Huh, huwag kang mag-alala... Hindi rin ako pumapayag na lase!" pakli ni Blade.
Nag-iringan na naman ang dalawa sa matatalim na tingin. Tapos nahagip nila iyong sa
basketball. Paramihan ng maso-shoot na bola sa loob ng limang minuto.
"Doon naman tayo!" wika pa ni Leviathan.
"Naman! Di kita uurungang lase!"
Inikot-ikot ni Blade ang mga braso niya at pinalagutok ang kanyang mga kalamnan.
Kagaya ng dati ay napasunod ulit sina Zech, Hunter, Azrael at Creta. Nakaantabay
ang apat na bugbugin at pagtulungan si Leviathan kung sakaling tuluyan na itong
topakin mamaya.
"Matindi ang competition na nangyayari. Hanggang saan kaya aabot ang dalawang ito
at sino sa kanila ang mananalo sa bandang-huli?" wika ni Creta.
Tumingin siya sa mga kasama at mukhang pare-pareho sila ng reaksyon. 'Hindi nila
alam'. Pero siyempre, si Blade ang gusto nilang manalo sa laban. Gusto nilang
maipahiya nito at mailampaso ang mayabang na si Leviathan. Sa anong klaseng laro
kaya niya ito mapapasuko?!
"Abangan na lang natin ang mga susunod na kabanata." nakangising wika na lang ni
Drake.
Napatingin silang lahat sa dalawa na pumuwesto ng magkatabi. Sabay ulit na naghulog
ng barya ang mga ito at nagsimula na ang limang-minuto. Napatanga ang mga nanonood
dahil pabilisan ang dalawa sa pagbubuslo ng bola sa ring at lahat ng iyon ay
pumapasok. Walang-imikan. Seryoso na naman ang laro. Nang matapos ang limang-minuto
ay napatingin ang dalawa sa score ng isa't-isa. Nagtabla na naman ang dalawa. 123
points.
"Hanep ah!"
Naiinis na tumingin sa isa't-isa sina Leviathan at Blade. Halos sabay pang
napapunas sa pawis ng noo ang dalawa.
"Huh, talagang pinipilit mo akong masabayan ah? Masyado kang trying-hard. How dare
you 3x a day!" mayabang na wika ni Leviathan.
"Baon-inam! Baka ikaw ang trying-hard makipagsabayan sa akin. Magpagalingan pa
tayo. Hindi tayo dapat tumigil hangga't walang nananalo sa atin!"
"Gusto ko ang ideya na iyan. Sige! Sa sport naman tayo. Hinahamon kita sa larong
Table Tennis! Doon tayo sa Sports Gym!"
"Tara na!"
Naunang naglakad si Blade at napasunod naman si Leviathan. At siyempre, napasunod
na naman ang mga kaibigan ni Blade sa dalawa.
"Hindi pa man nangyayari pero nakikita ko na sa aking inhibition na magiging madugo
ang mga susunod na labanan." wika ni Creta.
"Huh, masaya kung madugo! Parang bigla tuloy akong tinakam!" di napigilang wika ni
Drake.
Nagpunta na nga sila sa Sports Gym at agad na naghanda ang dalawa sa paglalaro.
Nagpalit ng outfit si Leviathan gamit ang kapangyarihan nito. Siyempre, hindi rin
pumayag ang grupo ni Blade na madehado ang kanilang kaibigan. Ginamit ni Creta ang
kanyang kakayahan para makapagpalit din ng outfit si Blade. Kagaya ng dati ay
mariin na nagkatitigan ang magkatunggali. Halata ang matitinding kidlat ng tensyon
sa pagitan ng dalawa. Si Leviatha ang magse-serve ng bola.
"Humanda ka na dahil bibigyan kita ng crash serve! Unang tira palang, siguradong
taob ka na!"
"Mayabang kang animal! Tumira ka nang lase at nang matikman mo ang smasher ko!"
"Ikaw ang mayabang! Hetong sa'yo!"
Itinapon ni Leviathan sa ere ang bola ng pingpong ng sobrang taas at saka siya
tumalon para sundan ito para malakas na tirahin ng raketa. Napatanga ang ibang
taong nasa gym at napatigil sa paglalaro ng kanya-kanyang sport.
"CRASH!!!!..." malakas pa niyang sigaw.
Umiikot na bumulusok ang bola pero agad na tumalon din ng mataas si Blade paikot na
nag-counter ng malakas.
"SMASHER!!!... HYAAA!!!..." sabay-tira ng malakas.
Bumulusok ang bola sa malayo pero agad iyong nahabol ni Leviathan at gumanti ng
tira. Tumalbog ang bola sa mesa ng malakas at nagtungo sa malayong direksyon pero
nahabol din ni Blade iyon. Tumuntong siya sa pader at patagilid na tumira. Malayuan
ang distansiyang tinatapunan ng bola ng pingpong pero parehong nahahabol ng
magkabilang panig at wala pang nakaka-score sa dalawa.
"Teka, mga ninja ba ang mga iyan?!" comment ng isang player ng basketball.
Tumigil na ang buong team nito sa paglalaro at nanonood na lang ng mainitang laban
ng sport na Table Tennis. Halos hindi na dumadapo ang bola sa mesa at panay
matitindi ang tirang pinapakawalan ng dalawa.
"Teka lang, matatapos pa kaya ang laban na 'to?" nayamot na wika ni Azrael.
"Oo naman. Maghintay ka lang at mapapagod din ang mga iyan. Patibayan na lang ng
stamina ang nangyayari. Magagamit ni Blade dito iyong physical training na
pinagdaanan natin." wika ni Zech.
Samantala... Tuloy ang matinding laban nina Blade at Leviathan.
"Sumuko ka na, Blade! Halatang pagod ka na!"
"Huh, ikaw ang pagod! Sa ating dalawa, ikaw ang humihingal at mas pinagpapawisan!"
"Hot kasi ako, kaya ganoon!"
"Tsk! Ako ang nagpauso ng hot! Huwag kang gaya-gaya!"
Ilang sandali pa ay halos sabay na napaupo ang dalawa sa pagod. At ang bola ng
pingpong ay nahulog sa gitna ng net.
"Tabla na naman ang laban!" malakas na wika ni Drake.
Inis na napapunas ng pawis sa magkabila niyang pisngi si Leviathan. Hindi pa niya
nagagawang ipahiya si Blade.
"Hindi ulit ako papayag!" humihingal niyang wika.
Gamit naman ang towel na ipinahiram ni Creta ay nagpunas ng pawis sa buong mukha si
Blade at saka tumingin kay Leviathan.
"Huh, sa akala mo ba payag din ako? Pero animal! Puwede bang magbreak na muna?
Gutom na ako eh. Tsaka tingnan mo, oras na ng tanghalian. Hindi ka pa ba
nagugutom?!"
Ipinakita ni Blade kay Leviathan ang relo niya para makita nito ang oras. 12:07 na
ng tanghali. Sinapo naman ni Leviathan ang tiyan. Mukhang tinalaban na rin siya ng
gutom dala ng pagod. Pero hindi siya titigil sa paghahamon kay Blade. Kailangan
niya itong maipahiya sa harap ng madla. Iyon ang kanyang goal.
"Sa pagkakataong ito, sumasang-ayon ako. Isang magandang laban ang naiisip ko.
Bakit hindi na lang ang food challenge ang sunod nating paglabanan?"
Napakunot ang noo ni Blade at napatigil sa pagpupunas ng kanyang pawis sa kanyang
leeg at dibdib.
"Food Challenge?!" curious niyang tanong.
"Oo, Food Challenge. Pupunta tayo sa isang restaurant kung saan nagpapa-Food
Challenge sila. Kailangan mong ubusin ang ihahain nilang pagkain sa itinakda nilang
oras o kung hindi, babayaran mo iyon. Ano, game ka ba?"
Ilang sandaling napaisip si Blade. Hindi niya alam pero biglang nanlaki ang
magkabila niyang tenga at isang ngiti ang unti-unting gumuhit sa kanyang labi
hanggang sa matawa siya ng mahina.
"Abuwisit ak pa!" bulalas ni Drake.
Kasunod noon ay natawa ng mahina ang kanilang grupo.
"Sa palagay ko, isang malaking pagkakamali ang nagawa ni Leviathan." hindi
napigilang wika ni Azrael.
Mahina itong siniko ni Creta.
"Huwag kang maingay. Pagkakataon na ito." wika pa nito.
Lumapit naman si Hunter sa dalawang lalaki.
"Kung ganoon, tumayo na kayo diyan. Pumunta na tayo sa susunod na Challenge. Sa
totoo lang, hindi na kami makapaghintay. Gutom na rin kami eh."
Tumayo na nga ang dalawang lalaki at nagpalit ng kanilang mga damit. Itim na polo
ang kay Leviathan at puti naman ang kay Blade. Kagaya ng dati ay nauuna sa
paglalakad si Leviathan. Ito ang namili ng restaurant kung saan sila magfo-Food
Challenge. Huminto ito sa isang sikat na Restaurant na naghahanda ng iba't-ibang
flavors ng chicken wings. Pumasok sila sa loob noon.
"May I help you, Sir?" magalang na wika ng waiter.
"Nandito kami para sa Food Challenge ng Extreme Chili Buffalo Wings."
Ngumiti ang waiter kay Leviathan.
"Good luck, Sir. Sana lang, mailagay kayo sa wall of Fame. 15 minutes ang time
limit ng challenge."
"Dalawa kami." itinuro ni Leviathan si Blade.
Ngumiti rin ang waiter kay Blade.
"Good luck din sa'yo, Sir. Ipapaala ko lang po sa inyong dalawa na kapag hindi niyo
naubos ang buffalo wings sa itinakdang oras, magbabayad kayo ng tig P867.00."
Pinalagutok ni Blade ang kanyang mga kamao at saka nag-stretch.
"Tama na ang ngatel. Gutom na ako. Ihanda niyo na ang pagkain!" wika ni Blade.
Naupo na siya at pumuwesto. Umupo na rin si Leviathan sa tapat niya. Halos sabay na
dumating ang malaking basket na may lamang 12 piraso ng buffalo wings na pulang-
pula sa napaka-anghang nitong sauce. Malalaki pa iyon.
"Sabay kami sa Food Challenge. Basta orasan niyo kung sino sa aming dalawa ang
unang makakaubos." wika pa ni Leviathan.
"Okay, Sir." wika ng waiter.
Mataman itong nakatingin sa hawak nitong timer. Nagpunta sa may bandang gitna si
Hunter at...
"At the count of 5-4-3-2-1... Attack!!!..."
Pagkasabi ni Hunter sa huling salita ay agad nang bumanat ang dalawa. Lihim na
napangisi si Leviathan dahil sinadya niyang maanghang ang pagkain na kanilang
paglalabanan. Hindi talab sa kanya iyon. Pero laking gulat niya ng mapatingin siya
sa kanyang katunggali. Malalaki ang kagat at nguya nito na parang hindi nakakakain.
Nakatatlo na ito, samantalang siya ay nakakalahati palang ang ikalawang buffalo
wing. Mas binilisan niya ang pagkain. Mas nilakihan niya ang kanyang kagat at panay
na lang siya lulon. Tuloy ang kain. Talagang galit-galit ang mode. Ilang sandali pa
ay...
"Yeah! Tapos na ako! Iyon na ba iyon? Di man lang ako pinagpawisan!"
Na-pressure si Leviathan ng makita niyang tapos nang kumain si Blade.
"Galing mo, Sir! Naka-seven minutes and twenty-four seconds ka."
Agad na ring tinapos ni Leviathan ang pagkain.
"Tapos na ako!" pa-angil niyang wika.
"Sir, naka-nine minutes and twenty-eight seconds ka! Congrats din po sa inyo!
Malalagay din kayo sa wall of Fame namin!"
Napipikong tumingin si Leviathan sa waiter at sa katabi nitong manager.
"How dare you 3x a day!" inis niyang turan.
Sutil namang tumingin si Blade dito.
"Ano, suko ka na? Wrong-mistake yata ang hamon mo? Talo ka sa food challenge!"
nang-aasar pa niyang wika.
Nasapo naman ni Drake ang bibig nagpipigil siyang matawa pero sa bandang-huli ay
bumigay din naman siya. Nahawa na rin sa kanya sina Hunter, Zech, Creta at si
Azrael. Natawa na rin ang mga ito.
"Isang malaking pagkakamali ang nagawa ni Leviathan. Patay-gutom kaya ang Blade na
'to. Abuwisit ak pa!" di nakapagpigil na wika ni Drake.
"Imbaga-bagam!" sang-ayon ni Hunter.
( Imbaga-bagam-sinabi mo pa! )
Marahas na tumayo si Leviathan. Kailangan niyang bumawi! Hindi siya papayag na
matalo siya sa Food Challenge.
"Doon naman tayo sa Ramen Restaurant!"
Agad itong naglakad paalis at napasunod na naman sila. Nagpunta sila sa isang
Japanese Restaurant kung saan may Challenge para sa pagkain ng malaking bowl ng
ramen.
"Mukhang hindi pa sumusuko ang isang ito." pakli ni Azrael.
"At mukhang hindi pa siya nakakahalata na masiba ang kalaban niya." wika din naman
ni Zech.
"Alam niyo, maganda nga ito eh. Magigisa sa sarili niyang mantika ang Leviathan na
ito. Huwag na lang tayong umimik." nakangising wika ni Hunter.
Natigil ang usapan ng magkakaibigan ng ilapag sa harapan nina Blade at Leviathan
ang naglalakihang bowl ng ramen na may maraming sahog.
"Bowl pa ba iyan o palanggana na?!" napangiwing wika ni Drake.
"Batya na yata..?" natatawang segunda na lang ni Hunter.
Tuwang-tuwa naman si Blade habang nakatingin sa napakalaking bowl ng ramen na puno
ng laman at sahog. Mainit na mainit pa iyon at naaamoy niya ang masarap nitong
lasa. Seafood ang ramen. Kailangan nila iyong ubusin sa loob ng 20 minutes. May
nakahandang maliit na bowl para paglagyan nila. Pero isinantabi na niya iyon, hindi
na kailangan. Tanging chopstick lang ang kailangan niya.
"3-2-1-GO!!!!..." wika ng manager.
Pagkasabi nito ay agad na kinuha ni Blade ang malaking bowl at inuna niya ang
paghigop ng mainit na sabaw para hindi siya gaanong mahirapan sa pagkuha ng laman
at noodles.
"Enjoy na enjoy si Blade." natatawang wika ni Creta.
"Tama ka." nakangiting wika ni Zech.
Napatingin sila kay Leviathan na busy rin sa pagkain. Hindi nito na-e-enjoy ang
pagkain dahil wala itong ibang iniisip kundi ang talunin si Blade. Samantalang ang
huli ay wala nang pakialam sa mundo. Ubos na ang sabaw kaya naman panay ang kuha
nito ng noodles at sahog. Wala nang nguyaan kundi lunok na lang lahat. Hindi
nagtagal ay naubos na ni Blade ang laman ng bowl. Sinimot pa talaga niya hanggang
sa kahuli-hulihang hibla ng noodles. Napatanga ang manager at ang iba pang crew sa
Japanese restaurant dahil 12 minutes and 15 seconds lang ang oras ni Blade. Ito na
ang may pinakamabilis na record.
"OISHII! OISHII!!!..." sigaw pa ni Blade at saka siya tumayo.
( OISHII-Masarap )
Nagpalakpakan at naghiyawan naman ang mga customer sa restaurant. Kinamayan siya ng
manager at nang mga crew. Na-pressure naman lalo si Leviathan. Parang hindi na niya
malulon ang pagkain sa sobrang inis niya. Naka-18 minutes and 45 seconds siya.
Nagpunas siya ng pawis sa mukha.
"Ano, gusto mo ng isa pa o sumusuko ka na?" nang-aasar na wika ni Blade.
"How dare you 3x a day! Isa pa! Kailangan kong makabawi!"
Tumingin si Blade sa mga kaibigan niya. Hindi pa kumakain ang mga ito ng dahil sa
kanya. Talagang nakasuporta ang mga ito.
"Ano sa palagay niyo? Papatulan ko pa ba ang isang ito?" untag niya.
Tumingin ang mga kaibigan niya kay Leviathan. Halata sa mukha nito na hindi ito
magpapaawat. Sa bandang-huli ay si Zech ang nagdesisyon. Total, gutom na rin naman
siya.
"Sagot ko na ang sunod na Food Challenge. Tara sa Mang Inasal. Unli-rice tayong
lahat. At kayong dalawa, magparamihan kayo ng takal ng kanin na mauubos. Kami ang
magbibilang."
"Naks! Gusto ko iyan!" tuwang-tuwang wika ni Blade.
"Huh, hindi ako uurong diyan. Kailangan ko talagang bumawi. Strike two na ako eh!
Gusto ko nang makapuntos." mayabang na wika ni Leviathan.
"Kung ganoon, tara lets!" wika ni Drake.
Inakbayan niya si Blade.
"Kaya pa ba ng sikmura mo?" pasimple niyang bulong.
Isang nakakalokong ngiti ang namutawi sa labi ng kanyang bestfriend.
"Huwag kang mag-alala, p're! Marami pa tayong space. Siguradong susuko din ang
isang iyan sa unli-rice challenge."
Lihim naman na napatingin si Leviathan sa likod ni Blade. Sisiguruhin niyang siya
ang mananalo mamaya. Hindi siya papayag na matalo sa susunod na challenge. Nagpunta
na nga sila sa Mang Inasal at si Zech ang um-order ng kanilang kakainin. Ito rin
ang nagbayad. Hanggang sa dessert na halo-halo ang kinuha nito. Nang dumating ang
kanilang mga pagkain ay nagsimula na ang Food Challenge ng dalawa. Walang time
limit, basta paramihan lang ang mga ito ng mauubos na kanin.
Pawisan naman na si Leviathan habang nakatingin sa damuhong si Blade habang
kumakain ng nagkakamay. Ang lalaki pa ng subo nito. Nakakaapat na takal na ito ng
kanin samantalang siya ay dalawa pa lang. Hindi na niya alam kung saan nito
inilalagay ang kinakain. Ibang klase pala ang kasibaan ng isang ito. Aaminin niya,
isang malaking pagkakamali ang nagawa niyang paghamon dito sa Food Challenge.
"Waiter! Sabaw nga!"
"Okay, Sir!"
Binigyan siya ng sabaw ng waiter. Humigop siya. Hindi niya kailangang magmadali
dahil wala namang time limit. Makakatulong ang sabaw sa kanya para maparami ang
kain niya ng kanin. Lahat sila, kumakain ng nagkakamay.
"Waiter, isang takal pa ng kanin!" wika niya.
Binigyan siya ng isang takal.
"Ako, dalawang takal pa nga!" si Blade.
"Dagdagan mo ng isa pang takal ang sa akin!"
Hindi siya magpapatinag kay Blade. Pero nakadama na siya ng pag-aalala ng makita
niya ang dalawang takal ng kanin sa kanyang plato. Tuloy ang kain. Sa bandang-huli,
si Blade pa rin ang nanalo sa paramihan ng takal ng kanin na mauubos. Nakapitong
takal ito ng kanin samantalang lima naman ang kinaya ni Leviathan. Napailing ang
huli habang nakatingin kay Blade na kumakain ng halo-halo bilang panghimagas.
Samantalang ite-take out niya ang sa kanya.
"Oo na, talo na ako. Isa kang halimaw na patay-gutom! How dare you 3x a day!"
napahalukipkip na wika ni Leviathan.
Sutil na tumingin sa kanya si Blade.
"Walang patay na nagugutom!"
Natawa ang mga kasama nito at napatingin din sa kanya. Napahalukipkip siya at nag-
isip ng susunod na hamon pero nawalan na siya ng idea. Nang matapos sila sa pagkain
ay naglakad-lakad ulit ang grupo ni Blade sa mall at patuloy naman sa pagsunod sa
kanila si Leviathan. Mukhang hindi pa rin ito sumusuko. Hanggang sa..
"Try niyo po itong bagong-bagong videoke set!"
Naagaw ang atensyon niya ng makita niya ang promoter ng produkto ng isang videoke
set.
"Alam ko na ang susunod na challenge! Blade, hinahamon kita sa kantahan! Padamihan
tayo ng audience impact!"
Napatigil sa paglalakad si Blade kasama ng kanyang mga kaibigan. Nakatalikod sila
kay Leviathan kaya hindi nito nakikita ang ngitian ng mga ito.
"Sige ba! Basta ba, huling laban na ito ah?" wika ni Blade.
Humarap siya dito kasama ng mga kaibigan niya na parang wala lang. Nagpaka-poker
face sila kahit gustung-gusto na nilang matawa.
"Oo, huling laban na. Appeal ngayon ang labanan. Hindi ba't binanggit mo kanina na
ikaw ang nagpauso ng pagiging hot? Puwes, patunayan mo. Magkakaalaman na ngayon
kung sino ang tunay na hot sa ating dalawa."
"Sige, subukan natin. Jack and poy na tayo!" hamon ni Blade.
Nag-jack and poy na nga ang dalawa at sa pagkakataong ito ay nanalo si Leviathan.
Papel ang ginamit nito laban sa bato ni Blade. Lumapit sila sa promoter ng videoke
set. Kinausap nila ito kung puwede nila iyong subukan para sa kanilang challenge at
nagpaunlak naman ito. Nagtawag pa nga ito ng audience.
"Mga kaibigan! May mga nagvolunteer po na sumubok nitong videoke set... At mayroon
din silang challenge, pagalingan sa pagkanta. Showdown daw! Paramihan at palakasan
ng palakpakan!"
Dahil doon ay nagsilapitan ang mga tao sa kinaroroonan nila. Mayabang na tumingin
si Leviathan kay Blade.
"Ako na ang mauuna."
Hindi natitinag na tumingin dito si Blade.
"Sige lang, take your time."
Pumindot na ng kanta si Leviathan. Careless Whisper by George Michael.
Pumailanglang sa paligid ang sexy at maharot na tugtog ng kanya. Ngumiti si
Leviathan ng sexy sa lahat at pasimpleng hinawi ang ilang strands ng kanyang buhok
sa kanyang mukha.
"I love you, fafa! Crush na kita!"
Sumayaw pa ito ng sexy bago magsimula ang intro ng kanta. Umalingawngaw sa paligid
ang maraming tili ng kalandian.
"I feel so unsure... As I take your hand and lead you to tha dancefloor. As the
music dies... Something in your eyes. Calls to mind a silver screen. And all it's
sad goodbyes. I'm never gonna dance again. Guilty feet got no rhythm. Though it's
easy to pretend, I know your not a fool! I should have known better than to cheat a
friend. And waisted chance that I've been given. So, I'm never gonna dance again.
The way I dance with you!!!..."
Sinasabayan ni Leviathan ang kanta ng sayaw na sexy at pina-sensual pa talaga nito
ang boses. Guwapong-guwapo lang sa sarili ang peg nito. Bahagya namang napailing si
Blade. Nakakuha na ito ng matinding atensyon sa madla at kailangan niya itong
malagpasan. Na-challenge siya.
"Abuwisit ak pa, animal!" napangiwi niyang wika.
"Bakit?" tanong ni Hunter.
"Eh iyan sana ang kakantahin ko eh. Naunahan akong lase ay!" nag-aalala niyang
wika.
Wrong-mistake talaga na natalo siya sa jack and poy. Nakuha na tuloy ang kantang
Careless Whisper. Wala siyang maisip na ipangtatapat doon. Paano na?
"Uy, huwag kang pumayag! Sa kapalan lang ng mukha, alam naming panalo ka na!" untag
ni Drake.
Ting! Tila umilaw ang isang bahagi ng utak ni Blade. Tama! Kapalan ng mukha!
Natutuwa siyang tumitig sa kanyang bestfriend.
"I love you, p're! You save my day!"
Sabay umang ng kamay para sa pakikipag-apir.
"Naman!"
Nag-apir silang magkaibigan at napatingin kay Leviathan na nagpapaka-feeling habang
kumakanta..
"Huh, kayang-kaya kong lagpasan iyan! Ako pa! Iyan lang?" mayabang na wika ni
Blade.
"Ano bang naiisip mo?" curious na tanong ni Creta.
"Pasabog na kung pasabog. Pakapalan na ng mukha." kampanteng sagot ni Blade.
Natapos na sa pagkanta si Leviathan at isang masigabong palakpakan ang
umalingawngaw sa buong paligid.
"I love you! Crush na kitaaaa!!!..." tili ng mga kababaihan sa may second floor ng
mall.
Nag-flying kiss si Leviathan sa grupong iyon at umalingawngaw ang malakas na
palakpakan at tilian. Nakangisi niyang inabot kay Blade ang mikropono.
"Ano? Kaya mo iyon?" mayabang pa niyang hamon.
Isang mapaghamong ngiti ang ibinalik ni Blade. Dinuro niya si Leviathan.
"Watch and learn, Bagito!"
"Tingnan nga natin. I won't take my eyes off you, Blade..." na-challenge na wika ni
Leviathan.
Pumunta na sa may harap ng videoke si Blade at nagpindot na ng kanyang kanta.
Truly, Madly, Deeply by Savage Garden. Umalingawngaw sa paligid ang intro ng kanta
at pasimpleng ngumiti si Blade sa lahat ng pamatay habang sinusuklay ng pasimple
ang kanyang buhok.
"I'll be your dream. I'll be your wish. I'll be your fantasy..."
Sa part na ito ng kanta ay pasimple niyang hinaplos ang kanyang labi at marahang
ibinaba ang kamay papunta sa kanyang leeg.
"I'll be your hope. I'll be your love. Be everything that you need..."
Nagtanggal siya ng unang butones ng kanyang suot na polo. Dumagundong ang mall.
"Ayeeeeh!!!... Nakakatakam!!!..."
Tuloy ang kanta at pasimple nang sumayaw si Blade.
"I love you more with every breathe. Truly, madly, deeply do.."
Sinunod-sunod niya ang pagtatanggal ng butones ng kanyang damit hanggang sa tuluyan
nang malantad ang kanyang katawan sa lahat. Hindi siya nagpapacute but simply
seducing.... Sa part ng lyrics na 'I will be strong' ay pasimple niyang itinuro ang
kanyang katawan, ang lakas ng tilian. At sa part naman ng 'I will be faithful' ay
sinapo niya ang kanyang dibdib at marahan niyang ipinababa ang kamay sa kanyang
tiyan hanggang sa belt ng kanyang pantalon.
"I want to stand with you on a mountain. I want to bathe with you in the sea. I
want to lay like this forever. Until the Sky falls down on me."
Humarap si Blade sa malakas na hangin ng malaking electric fan na malapit sa kanya
at mas lalong bumukas ang kanyang damit at nagsway sa hangin ang maganda niyang
buhok... Pagkatapos noon ay sumayaw siya ng simpleng sexy at hindi nawawala ang
seducing eye contact sa kanyang mga audiences habang ginagawa niya ang kanyang
sexy-hot performance. Nagslide pa siya sa sahig at saka siya humiga ng patagilid at
pasimpleng gumiling ng marahan. Tapos ay marahan siyang tumayo at saka nagsign ng
hamon sa lahat... Isang mapang-akit na hamon...
"AYEEEEHH!!!..."
Napapailing na natatawa naman ang kaibigan ni Blade.
"Wala na talagang tatalo sa kapal ng mukha ng Blade na ito. Ginawa na niyang live-
show ng Magic Mike!" nakangiting pakli ni Zech.
"Oo nga eh. Live na live." segunda ni Drake.
Natapos na ang kanta ni Blade at kung pinadagundong ni Leviathan ang mall sa
performance nito kanina puwes, pinalindol naman ni Blade. Ang lakas ng tilian,
palakpakan at ang daming sipol.
"Your my Magic Mike! I LOVE YOU!!!!..."
Napipikon namang napatingin si Leviathan kay Blade. Hindi niya inaasahan ang
matinding kapal ng mukha nito. Kung makapal na ang mukha niya ay mas nakakahigit pa
ito ng di hamak sa kanya. Wala na siyang masabi. Obvious na obvious kung sino ang
nanalo sa huling challenge. Nagflying-kiss si Blade sa lahat ng taong nanonood.
Tumingin siya kay Leviathan.
"Oh ano? Sabi ko sa'yo, bagito ka pa lang."
Inis na ikinuyom ni Leviathan ang kanyang kamao.
"How dare you 3x a day!"
"Peace be with you!"
"Tsk!"
Handa nang sugurin ni Leviathan si Blade pero natigilan siya ng makaramdam siya ng
kakaibang abnormal activity sa kanyang tiyan. Bigla siyang pinagpawisan ng malapot
at nasapo niya iyon at saka naaasar na napatingin kay Blade. Isang nakakalokong
ngiti naman ang iginawad ng huli.
"Alam mo Leviathan... If you can't fight that feeling then let it go! Let it go!
Don't hold back anymore!... Let it go! Let it go!.."
Pakanta ang ginawa ni Blade doon sa part ng let it go. Pikon na pikon naman si
Leviathan pero talagang masakit na ang tiyan niya. Napasubo kasi siya kanina sa
matinding food challenge.
"Panalo ka ngayon pero babawi ako sa susunod! How dare you 3x a day!"
Tinalikuran na ni Leviathan si Blade at ang mga kaibigan nito. Talo siya!
"Sige, bumawi ka. Pero salamat, nag-enjoy ako! Anak na lase!" nakangiting wika ni
Blade.
Napatigil sa akmang paghakbang si Leviathan at isang kakaibang ngiti ang namutawi
sa kanyang labi. Nanatili siyang nakatalikod kay Blade at sa mga kasama nito.
"Masakit man aminin... Nag-enjoy din ako."
Halos bulong na iyong huling salita. Tuluyan na itong lumakad palayo hanggang sa
ang lakad ay naging takbo. Natigilan naman ang magkakaibigan at nagkatinginan.
"N-Nabingi ba akong lase o tama ako ng dinig?" tulirong wika ni Blade.
Tumingala naman sa itaas si Drake.
"Isang HIMALA!!!..."
Natawa ang lahat at napatingin na lang sa direksyong tinungo ni Leviathan. Wala na
ito. Ito ang dahilan kaya naging kakaiba ang kanilang araw ngayon.
"Atleast, natuklasan natin na may kalandian din naman pala sa katawan ang isa sa
Seven Prince of Hell..?" natatawang wika ni Azrael.
"At salamat sa kanya dahil may natuklasan akong maganda!" excited na wika ni Blade.
"At ano naman?" napataas na kilay na tanong ni Creta.
"Iyong tungkol sa Food Challenge. Kapag gipit ako sa budget, alam ko na kung saan
ako pupunta. HA ha ha ha ha ha!" sabay tawa ng evil.
"PAMBIHIRA!!..." halos sabay na wika ng mga kaibigan niya.
Marahan namang ibinubutones ni Blade ang kanyang damit. Tapos na ang show.
*************************************
#thanks for waiting....
#new ESCAPE FROM HELL BOOK 2
Ahm... doon nga pala sa nagtatanong kung ano ang meaning ng word na LASE-wala naman
talaga siyang ibig sabihin kundi local expression lang namin.

45. Sweet, Sad Hello

"Sweet, Sad Hello"

"Ano? Kamusta ang naging paghaharap niyo ni Blade?" curious na tanong ni Vaulant
kay Leviathan.
Napatigil sa paglalaro ng app game sa hawak niyang cellphone si Leviathan. Tumingin
siya kay Vaulant at saka siya tumawa ng mahina. Napailing siya ng bahagya dahil
sumakit ang tiyan niya sa sobrang pagpipigil na tumawa ng malakas. Huminga siya ng
malalim para pakalmahin ang sarili.
"Ang kapal ng mukha ng walang-hiya! Isa siyang halimaw na patay-gutom! How dare him
3x a day..."
Amaze na napatingin ang lahat kay Leviathan dahil sa kakaibang ngiti na nakasilay
sa labi nito. Halatang masaya. Ibinulsa nito ang hawak na cellphone at saka
naglakad paalis.
"Saan ka pupunta?" tanong naman ni Ike.
Balewalang tumingin si Leviathan sa lahat.
"Babalik na ako sa hell. Wala na akong kailangang gawin pa dito dahil nag-enjoy na
ako."
Matapos iyon ay binalutan nito ang sarili ng apoy at saka naglaho sa kawalan.
Napailing naman si Beelzebub at napahalukipkip.
"Nasaltek yata ang lase?" pakli na lang niya.
Samantala... Abala sina Blade sa pagluluto ng latik sa bahay ni Lolo Gusting. Wala
namang okasyon basta gusto lang makakain ng matanda ng naturang kakanin.
Kasalukuyang nakahiga sa papag si Lolo Gusting habang nagpapaypay.
"Uy! Asan na iyong strainer? Pipigain ko na 'tong kinayod kong niyog! Nalase!
Bilisan mo naman ang paghahanap diyan sa kusina!" maingay na wika ni Blade.
Kasalukuyang sinasandok nina Hunter at Baste sa kaldero ang naluto nang malagkit na
kanin. Hinuhugasan naman ni Crescent ang malaking kawa kung saan iluluto ang latik.
Mula naman sa kusina ay sumagot si Drake.
"Okitnam! Maghintay ka at hinahanap ko pa! Sandali lang!"
"Baon-inam! Kanina ka pa diyan! Ang duling mo kasi!"
"Maghintay ka lang! Lalo lang akong natataranta kapag inaapura ako eh!"
Napailing si Lolo Gusting at napakamot sa kanyang puwetan. Tapos isang kalokohan
ang sumagi sa kanyang isipan.
"Uy, Drake! Kung hindi mo mahanap iyong strainer diyan sa kusina... Hubarin mo na
lang iyang brief mo para may magamit si Blade!" sutil niyang wika.
Muntik nang matapon ni Hunter ang hawak niyang palanggana na may lamang malagkit na
kanin. Humagalpak siya ng tawa, ganoon din ang iba.
"Animal! Magkagutuman na! Hindi ako kakain kapag brief ni Drake ang ginamit!" si
Blade.
Nakarinig sila ng kung anong komosyon sa kusina.
"Okinnayo! Pinagkaisahan niyo na naman ako! Abuwisit ak pa!"
Mula sa kusina ay lumabas si Drake dala ang strainer. Lumapit siya kay Blade at
marahas na inabot ang hawak.
"Ayan na ang strainer! Abuwisit ak pa! Di ko huhubarin ang brief ko no!" pikon
niyang wika.
Sutil na tumingin si Blade sa kanya.
"Huwag kang mag-alala, kahit hubarin mo pa ang brief mo... Hindi ko rin naman
gagamitin. Baka may kung ano pang nakasabit-sabit eh.."
Pak! Sinampal ni Drake ang bibig ni Blade.
"Bastos ka talagang walang-hiya ka!"
Tumawa lang si Blade.
"Peace be with you!" sutil pa niyang wika.
Napailing at natawa na lang si Azrael sa nadatnan niyang eksena. Dala-dala niya ang
iba pang sangkap sa kakanin na lulutuin. Nilapitan niya si Hunter.
"Ipinahiwa ko na sa maliliit na piraso iyong sinakob at pinakayod ko na rin iyong
murang buko."
"Salamat ah? Maaasahan ka talaga."
"Welcome."
Sinakob-ito iyong pinatigas na katas ng tubo at hinulma sa bao ng niyog. Inilapag
ni Azrael ang dala niya sa tabi ni Hunter. Inayos niya ang sarili at naglakad
paalis.
"Uy, teka! Huwag mong sabihing aalis ka? Hindi mo na ba hihintaying maluto itong
latik?" tanong ni Hunter.
Nagkibit-balikat si Azrael.
"May kailangan akong puntahang trabaho. Medyo special case ang isang ito na
ibinigay sa akin. Tirahan niyo na lang ako. Uuwi din naman ako mamayang hapon."
Napatango si Hunter.
"Huwag kang mag-alala, ipagtatabi kita. Itatago kong maigi para hindi mahanap ng
isa diyan..." sabay tingin kay Blade.
Yamot namang sumimangot ang huli. Gigil nitong piniga ang kinayod na niyog at ang
daming naglabasang gata. Nakatapat iyon sa strainer na nasa palanggana.
"Anak na lase! Ano namang kinalaman ko diyan?!" maang-maangan nito.
Pinanggigilan nito ang pinipiga. Umupo si Drake sa tabi ng kaibigan at saka
tumulong na rin sa pagpipiga ng kinayod na niyog para makuha ang gata.
"Natural, may kinalaman ka dahil masiba ka. Hindi nga umubra sa katakawan mo ang
isa sa Seven Prince of Hell eh. Ang iyong ex-bestfriend."
"Anak na lase! Itigil mo na nga ang pagsasabi ng salitang ex. Nakakakilabot. Para
namang may namagitan sa amin niyan, abuwisit ak pa!"
"Peace be with you!"
Napangiti na lang si Azrael at tuluyang tumalikod. Naglakad na siya paalis. Gusto
sana niyang sumama sa happening ngayong araw pero hindi puwede. May nakatoka siyang
trabaho at medyo kakaiba ang kasong ito... Isang malalim na buntung-hininga ang
pinakawalan niya habang naglalakad siya.
Hindi naman gaanong malayo ang lugar na pupuntahan niya. Mayroon lang siyang
bibisitahin. Ilang sandali pa ay natanaw na niya ang isang matandang babae na
nakaupo sa isang bench na nasa tapat ng isang maliit na bahay. Puno ng magagandang
halaman ang harapan at paligid ng bahay. Maliit man iyon ay ang cute tingnan.
Ngumiti ang matandang babae ng makita siya. Tuluyan siyang naglakad palapit dito.
Tumingala ito sa kanya.
"Susunduin mo na ba ako, iho?" nakangiting tanong ng matanda.
Napangiti ng matipid si Azrael. Naupo siya sa tabi nito.
"Hindi pa, Lola Milagros. Kinakamusta lang kita."
"Mabuti naman ako, iho."
Amaze na napatingin si Azrael sa mukha ng matandang babae. Kakaiba ang ngiti sa
labi nito at kislap sa mga mata. Malayo noong una niya itong makita.
"Noong una kang magpakita at sinabing malapit na akong mamatay... Sobra talaga
akong nagalit sa lahat. Napaka-unfair ng buhay... Bawat oras ng mga panahong iyon,
binibilang ko. Alam kong hindi naman ako ganoon kabuti pero nakakasama pala ng loob
kapag napagdamutan ka na ng panahon. Hindi ko alam kung bakit sinabi mo sa akin na
malapit na akong mamatay... Sa palagay ko, mas maganda sana kung hindi ko na lang
nalaman..."
Sumandal sa upuan si Azrael.
"Pasensiya na, napag-utusan lang ako." maikli niyang sagot.
"Ikaw, iho, naranasan mo na bang mapagdamutan ng panahon? Alam kong isang kabaliwan
ang tanong na ito dahil alam ko kung sino ka talaga... Pero sabihin na lang natin
na curious lang ang matandang ito."
Napangiti si Azrael sa tinuran ni Lola Milagros at pasimple siyang napahawak sa
pendant ng kanyang kuwintas. Naging seryoso ang kanyang mukha at napahinga siya ng
napakalalim.
"Sa maniwala kayo at hindi, naranasan ko nang mapagdamutan ng panahon. Napakasakit
at napakahirap pero may leksyon akong natutunan... Kaya kong ipagpalit ang walang
hanggan sa maikling panahon na kasama ko ang mahal ko hanggang sa huling yugto ng
aking hininga..."
Amaze na napatingin ang matanda sa kanya.
"Tunay na pag-ibig..." maikli nitong wika.
Isang matipid na ngiti ang namutawi sa labi ni Azrael. Pumikit siya at nakita niya
ang nakangiting mukha ni Belle. Miss na miss na niya ito.
"Alam mo, matapos ng ilang araw simula nang sabihin mo sa akin na malapit na akong
mamatay... Bigla akong napaisip... Wala na akong ibang dahilan para magalit at
sabihing napagdamutan ako ng panahon... Marami na akong nagawa at naranasan sa
buhay. Marami na akong nakamit na tagumpay. Marami na din akong natulungan at alam
kong kapag nawala ako, may mga taong gagawa pa rin ng ganoon. Nagdasal ako ng
taimtim at nagtanong kung bakit kailangang ipaalam pa sa akin ang pagdating ng
aking kamatayan..? Mamamatay akong payapa habang natutulog? Magiging payapa ba ako
matapos kong marinig ang lahat..?"
Natawa ng mahina ang matanda. Hindi maaaninag sa mukha nito ang ano mang
kalungkutan. Tinapik nito ng bahagya ang kanang-balikat ni Azrael. Huminga ito ng
malalim at saka itinuloy ang pagkukuwento.
"Tapos, biglang naisip ng matandang ito... Sino-sino nga kaya ang mga taong iiyak
sa akin sa araw ng pagkawala ko? Iyong iyak na talagang mahal ako..? Ayaw ko iyong
iiyakan ako dahil lang sa kayamanang maiiwan ko. Haay naku, isang kalokohan ang
sumagi sa utak ko. Ewan ko, pero basta ko na lang siyang naisip..."
"Ano po ang ginawa niyong kalokohan?"
Natawa ng mahina si Lola Milagros.
"Pinalabas kong wala na akong pera at mas mahirap pa ako sa daga. Gusto kong makita
kung sino-sino ang mga taong hindi ako iiwanan sa ganoong kalagayan."
Nangilid ang mga luha sa mata ni Lola Milagros.
"Nakakalungkot... Sa dami ng mga taong nakapaligid sa akin, iilan lang ang totoong
nagmamahal. Halos lahat, iniwan ako. Maging ang mga anak ko, hindi na ako gusto
dahil wala na akong pera. Alam kong nagkaroon ako ng mga pagkukulang pero ginawa ko
naman ang lahat para mapalaki sila ng maayos. Nagsakripisyo ako. Pero ganoon yata
talaga. Mabuti pa ang mga taong hindi ko kadugo, totoong mahal ako. Ang matagal ko
nang assistant na si George, ang governess kong si Clarise at higit sa lahat... Ang
aking apo na si Jewel."
Kakaiba ang ngiti sa labi ni Lola Milagros ng banggitin nito ang pangalan ng apo.
Napakunot-noo si Azrael.
"Jewel..?" bulalas niya.
Marahang tumango ang matanda.
"Oo. Nagkaroon ng affair ang aking asawa noon. At ang Tatay ni Jewel ang naging
bunga. Nakakatawa na siya pa ang tatanggap sa akin ng maluwag dito sa maliit nilang
tahanan. Kailan lang ay naulila na si Jewel sa kanyang mga magulang. Magkasunod na
namatay ang mga ito. Ang kanyang Ina, sa isang malubhang karamdaman at ang ama niya
ay sa isang aksidente. Dalawa na lang kami ngayon. Masaya akong gumagawa ng
masasayang sandali na kasama siya hanggang sa huling hininga ng aking buhay.
Napakabuti niyang bata at masuwerte ako na mayroon siya. Tama lang ang maganda
niyang pangalan na 'Jewel' dahil siya na ang itinuturing kong kayamanan ngayon."
Napangiti si Azrael sa matanda at napangalumbaba habang mataman siyang nakatingin
sa mukha nito. Isa itong mayaman at maimpluwensiyang Donya. Marami itong salapi at
kahit hindi na ito magtrabaho pa, hindi ito maghihirap.
"Siguro, inutusan akong gawin na sabihin sa'yo ang nalalapit mong paglisan para
mahanap mo ang tunay mong kayamanan. Hindi mo kailangang matakot, Lola Milagros.
Hindi nakakatakot ang kamatayan."
Isang maluwang na ngiti ang namutawi sa matanda. Hinawakan nito ang kaliwa niyang
kamay. Unti-unting nawala ang ngiti nito at naging seryoso ang mukha.
"Hindi ako natatakot mamatay. Pero natatakot ako sa maiiwanan ko, ang aking apo."
Napalunok si Azrael ng makita niya ang mariin na titig ni Lola Milagros sa kanya.
May gusto itong sabihin sa kanya pero bumubuwelo lang ito. Naghintay siya na
magsalita itong muli at hindi naman siya nabigo sa paglipas ng ilang segundo.
"Siniguro ko ang magiging kinabukasan ni Jewel. Sa kanya ko iiwan ang malaking
bahagi ng kayamanang naipundar namin ng asawa ko. May karapatan siya dahil kadugo
siya ng namayapa kong asawa. Alam kong unfair ang naging desisyon ko para sa aking
mga anak at iba pang kamag-anak... Pero si Jewel lang ang nakita kong karapatdapat
sa lahat ng maiiwanan ko. Siya lang ang totoong nagmamahal sa akin. Alam kong
malulungkot siya sa aking pagkawala at wala siyang makakaramay dahil maiiwanan ko
siyang mag-isa. At sa pagkawala ko, maiiba na ang takbo ng buhay niya. Magkakaroon
na ng mga pagbabago. Nag-aalala ako dahil wala na ako sa kanyang tabi para samahan
at gabayan siya sa kanyang mga gagawin."
May ideya na si Azrael kung saan patungo ang sinasabi ng matanda. Ganoon pa man,
pinili pa rin niya ang magtanong.
"Ano po ba ang gusto niyong sabihin sa akin?"
Nakita niya ang pagngilid ng luha sa mga mata nito. Isang alanganing ngiti ang
namutawi sa labi ni Lola Milagros.
"Maaari bang humiling ang matandang ito sa'yo?"
"Anong kahilingan, Lola?"
"Gusto kong bantayan at alagaan mo ang apo kong si Jewel sa oras na mawala na ako.
Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa kanya sa mga susunod dahil maiiwanan ko
siyang mag-isa. Puwede mo bang pagbigyan ang kahilingan ng matandang ito na malapit
nang mamatay?"
Tuluyan nang tumulo ang luha sa mga mata nito. Ngumiti siya ng matipid at pasimple
niyang pinunasan ang luha sa mga mata ni Lola Milagros.
"Ipanatag mo ang loob mo, Lola. Gagawin ko ang gusto mo. Babantayan ko ang apo mo
at hindi ko siya pababayaang mapahamak. Tutulungan ko siya at hindi hahayaang
maging mag-isa sa oras na malungkot siya."
Napatango-tango ang matanda sa kanya at pasimpleng nagpunas ng mga luha.
Napasinghot pa ito at saka napangiti. Naging payapa na ang kalooban nito.
"Alam kong tutuparin mo ang sinabi mo."
Napangiti siya. Binitawan nito ang kamay niya at saka inayos ang sarili.
"Pasensiya ka na, kapag ganitong matanda na... Medyo mahilig nang magdrama." pabiro
pa nitong wika.
Lumuwang ang ngiti sa mukha ni Azrael. Ngayon alam na niya kung bakit payapa itong
lilisan habang mahimbing na natutulog.
"Walang pinipiling edad ang pagdradrama. Wala man sa itsura ko pero mahilig din ako
sa ganyan." ganti niya sa biro nito.
Natawa ng mahina ang matanda.
"Sa palagay ko, hindi ako mabo-boring sa lugar na aking pupuntahan. Noong una,
akala ko ay boring na nilalang ang mga anghel. Hindi naman pala. Marunong din naman
silang magjoke at makisabay sa mga uso at trip."
Natawa si Azrael dahil si Blade ang una niyang naisip matapos niyang marinig ang
sinabi ng matanda.
"Kung alam mo lang, Lola Milagros!" natatawa pa niyang pakli.
Nakitawa sa kanya ang matanda kahit na hindi nito alam kung ano ang kanyang
tinatawanan. Napatigil sa pagtawa si Lola Milagros ng matanaw niya ang paparating
niyang apo.
"Tamang-tama, nandiyan na pala si Jewel eh. Ipapakilala kita."
Marahang napatingin si Azrael sa direksyong tinitingnan ni Lola Milagros. Natulala
siya at tila tumigil ang mundo niya ng mga sandaling iyon. Pasimple siyang
napalunok at napahawak sa dalawang pendant ng suot niyang kuwintas. Nakangiti ang
babae habang papalapit sa kanila. Medyo magulo ang buhok nitong mahaba na naka-pony
tail at may ilang strands na nakatabing ng kaunti sa mukha nito. May suot itong
asul na cap at medyo kupas na ang kulay ng suot nitong maong na pantalon, kulay-
puti ang suot nitong t-shirt at may hawak itong ilang tangkay ng pink na roses.
Natuon ang buo niyang atensyon sa mukha nito at sa kilos. Bawat anggulo ay kanyang
tinitingnan....
"Belle?!" di niya napigilang wika.
Ang powdered-blue nitong mga mata, ang mahaba at maitim nitong buhok... Ang masaya
nitong ngiti na nagpapabilis lagi sa tibok ng puso niya... Katulad ngayon.
Pakiramdam niya ay nag-time travel siya pero hindi naman. Walang nakaraang
ibinabalik. Tuluyan nang nakalapit ang babae sa kanila at wala na siyang nagawa
kundi ang mapatulala. Magalang itong nagmano at humalik kay Lola Milagros. Kasunod
noon ay ang pagbaling ng tingin ng magaganda nitong mga mata sa kanya. Wala siyang
nakikitang recognition. Matipid itong ngumiti.
"Sino siya, Lola?"
Tila nanuyo na ang lalamunan ni Azrael ng marinig niya ang boses nito. Maging ang
timbre ng boses nito at accent, eksaktong-eksakto. Napapikit siya para isiping
panaginip lang ang lahat. Muli siyang nagmulat pero napatunayan niyang totoo ang
nakikita niya. Ramdam na niya ang pag-iinit ng kanyang mga mata. Namumuo ang mga
luha pero nagpipigil siya.
"Kaibigan ko siya, iha. Siya si Azrael."
Nakangiting napatingin si Jewel sa lalaking kasama ng Lola niya. Nawewerduhan siya
sa paraan ng pagtitig nito sa kanyang mukha. Ganoon pa man ay inilahad niya ang
kanan niyang kamay.
"Ako si Jewel, kamusta ka? Kakaiba ang pangalan mo. Cute."
Tulirong napatingin si Azrael sa kamay ng babae. Paulit-ulit na umaalingawngaw sa
utak niya ang pagpuri nito sa kanyang pangalan. Parang deja vu ang nangyayari
ngayon. Inabot niya ang kamay nito at marahang ikinulong sa kanyang palad habang
mariin siyang nakatitig sa kabuuan ng mukha nito. Pamilyar na pamilyar sa kanya ang
nadarama niyang kakaibang electricity ng magdampi ang kanilang mga balat. Parang
may kung anong kumikiliti sa buong sistema kanyang katawan na hindi niya
maintindihan. Basta ang pakiramdam niya ay buhay na buhay siya.
"Ayos lang ako, Jewel. Ikaw, kamusta..?" husky niyang wika.
Napakurap na napapatingin sa mukha ng lalaki si Jewel. Mahigpit nitong hawak ang
kamay niya at kanina pa iyon. Magaan ang loob niya dito at pamilyar sa kanya ang
mukha ng lalaki.
"Ayos lang naman ako. Masaya ako nang kasama si Lola."
Binawi na ni Jewel ang kamay niya at hinayaan lang naman siya ng lalaki. Napabuga
siya ng hangin kasi kakaiba ang bilis ng tibok ng puso niya ng magkatitigan sila at
nagkamay.
"Nagkita na ba tayo dati? Parang pamilyar sa akin ang mukha mo..." di niya na
napigilang wika.
Isang alanganing ngiti ang namutawi sa labi ni Azrael. May gusto siyang sabihin
pero pinili niyang magsalita ng ibang mga kataga.
"Ngayon lang tayo nagkita. Marami na ang nagsasabi sa akin na pamilyar ang aking
mukha. Siguro, marami akong kahawig. Pang-generic ang mukhang ito." pabiro niyang
sagot.
Hindi umimik si Jewel pero mataman siyang napatitig sa mukha ng lalaki. Imposibleng
mayroon itong mga kahawig. One of a kind ang features ng mukha nito. Parang sa
anghel na nasa langit. Nailang siya ng tumitig pabalik sa kanya ang binata.
Napayuko siya at pasimpleng nagbaling ng tingin sa kanyang Lola.
"Sorry!" napakumpas pa ang kanan niyang kamay sa hangin.
Iniabot niya ang hawak niyang mga pink roses sa kanyang Lola Milagros.
"Pasalubong ko sa'yo, Lola." nakangiti niyang pakli.
"Salamat, apo ko."
Magiliw na tinanggap ng Lola niya ang mga bulaklak. Inamoy-amoy nito iyon.
Binalingan nito ang binata.
"Iho, tara! Pumasok ka sa loob ng bahay at samahan mo kaming mananghalian ng apo
ko." yaya ni Lola Milagros kay Azrael.
Napangiti ng alanganin si Azrael at nag-init ang kanyang mukha. Hindi siya agad
nakapagsalita.
"Salamat na lang po, Lola Milagros. Pero, nakakahiya..."
"Ano ka ba naman? Hindi mo kailangang mahiya. Kaibigan mo ako. Nagluto ako ng
espesyal na tinolang manok. Paborito iyon ng apo kong si Jewel."
Nabaling ang tingin niya sa dalaga na malambing na yumakap sa Lola nito at humalik
sa pisngi. Nakadama siya ng bahagyang inggit. Sana, siya na lang ang niyakap at
hinalikan. Napailing siya ng bahagya. Ano ba naman itong kalokohang naglalaro sa
utak niya?
"Masarap magluto ng tinola ang Lola ko. Hindi mo alam kung ano ang mamimiss mo
kapag tinanggihan mo ang alok niya." biglang wika ni Jewel.
"Ikaw ang namimiss ko ng todo.." mahina niyang wika.
Napakalas sa yakap si Jewel sa kanyang Lola. Mahina man ang sinabi ng lalaki pero
ang linaw ng mga kataga sa kanyang pandinig.
"A-Anong sinabi mo?" amaze niyang tanong.
Isang matipid at alanganing ngiti ang namutawi sa labi ng binata.
"Sa palagay ko, tama ka. Hindi ko alam kung ano ang mamimiss ko kapag hindi ko
pinaunlakan ang Lola mo. Pumasok na tayo sa loob?"
Matagal na napatitig sa mukha ng lalaki si Jewel. Kakaiba talaga ang paraan ng
tinging ipinupukol nito sa kanya. Marami siyang nababasa sa mga mata nito, saya,
lungkot, kalituhan at kung ano-ano pang emosyon na hindi niya mawari kung saan
nanggagaling. Nauna nang naglakad papasok sa loob ng kanilang bakuran ang Lola
Milagros niya at magkasunod silang naglakad ng lalaki. Hindi niya alam pero bigla
siyang nailang sa presensiya nito. Para siyang intimidated na ewan. Nahahalata niya
na may kung ano itong itinatagong sekreto...
Dumiretso sila sa kusina at pinaupo nila ang bisita sa munti nilang hapag-kainan.
Dalawa sila ng Lola Milagros niya na naghain ng mga pagkain sa hapag. Habang
kumakain ay panay ang kuwentuhan ng binata at nang Lola niya. Iyon nga lang ay
nahuhuli niya itong nagnanakaw ng tingin sa kanya.
"Kailan pa kayo naging magkaibigan ni Lola?" curious niyang tanong sa lalaki.
Isang alanganing ngiti ang namutawi sa labi ni Azrael. Napatingin siya kay Lola
Milagros at saka binalingan ng tingin ang dalaga na katapat niya sa mesa.
"Medyo matagal na. Nagkakilala kami ni Lola Milagros sa park kung saan siya madalas
mamasyal at magbasa ng libro."
"Ganoon ba? Ikaw pala ang sinasabi niya sa akin na kaibigan niyang binata. Pero
ngayon lang kita nakita?"
"Naging busy kasi ako nitong nakaraan kaya ngayon ko lang ulit nadalaw si Lola. Isa
pa, hindi na pala kasi siya nakatira sa dati niyang bahay..."
Hindi nalang itinuloy ni Azrael ang pananalita ng makita niyang nalungkot ang mga
kasama niya. Humigop siya ng mainit na sabaw ng tinola. Totoo, ang sarap noon dahil
matagal na matagal pinakuluan ang manok. Idagdag pa ang linamnam na likha ng dahon
ng sili... Pero wala sa pagkain ang kanyang atensyon. Nasa kaharap niya, kay Jewel.
Hindi pa rin siya makapaniwala dito. Pero totoo si Jewel. Buhay na buhay at nasa
kanyang harapan mismo. Ito ba ang dahilan kung bakit naging espesyal ang trabahong
ito sa kanya?
"Raphael, Raphael... May hindi ka sinasabi sa akin..." wika niya sa kanyang isipan.
Ipinagpatuloy niya ang pagkain habang nakatuon ang atensyon sa dalaga. Kung ano-ano
ang topic na ini-o-open ni Lola Milagros para lang may pag-usapan silang lahat.
Nang matapos silang kumain ay agad siyang niyaya ng matanda sa may hardin para
maglakad-lakad ng kaunti. Hindi naman kasi kalakihan ang bakuran. May mga tanim na
gulay doon. Ampalaya, talong, at mga sitaw. Abala naman si Jewel sa pagliligpit ng
mga pinagkainan. Pasimple siyang sumulyap sa may bakuran at nakita niyang kasama ng
Lola niya si Azrael. Nag-uusap ang mga ito.
"Kakaiba ang tingin mo sa aking apo..."
Napangiti at nahihiyang napailing si Azrael sa matanda. Hindi siya sumagot pero
napamulsa siya sa kanyang pantalon.
"Kung tingnan mo siya ay para bang kilala mo siya. May nakikita din akong kislap sa
iyong mga mata. Ayaw ko nang isa-isahin pa ang lahat...Alam mo kung ano ang
pinupunto ko, binata..."
Huminga ng marahas si Azrael.
"Masyado lang po akong nagulat ng makita ko si Jewel. Kamukha niya kasi ang babaing
mahal ko at hindi lang basta kamukha, Lola... Parang nabuhay mismo sa katauhan ni
Jewel ang aking si Belle... Lahat ng nakikita ko sa kanya mula sa kilos hanggang sa
pananalita, si Belle... Ayaw kong isipin na iisa lang sila dahil alam kong magkaiba
silang tao. Pero ang ngiti ni Belle... May trademark iyon sa akin at nakikita ko
maging ang ngiti na iyon kay Jewel. Pasensiya ka na, Lola Milagros..."
Mukhang maging si Lola Milagros ay nalito dahil sa sinabi niya. Kunot-noo itong
tumingin sa kanya.
"Itong Belle na sinasabi mo... Puwede mo ba akong kuwentuhan kahit pahapyaw lang ng
tungkol sa kanya?"
Tumango si Azrael.
"Oo naman."
Bahagya siyang nagkuwento kay Lola Milagros. Nang matapos siyang magkuwento ay
naiiyak itong napatingin sa kanyang mukha. Napahawak ito sa kanan niyang braso.
"Ang sakit at ang hirap ng pinagdaanan mo, iho."
"Salamat sa simpatya, Lola. Siguro naman po, maiintindihan niyo ako kung bakit
ganito ang nararamdaman ko ngayon. Ang sakit talagang magbiro ng tadhana, no?"
Malungkot na ngumiti si Lola Milagros.
"Tama ka. Pero ngayon, mas panatag na ang loob ko para sa aking apo."
"Asahan mo ang pangako ko, Lola."
Tumingin si Azrael sa mga halaman na nasa paligid. Malaking katanungan ang
naglalaro sa kanyang isipan. Hindi pupuwedeng makadama siya ng parehong damdamin sa
magkaibang tao?
"Magpapaalam na ako, Lola. Kailangan ko nang umalis."
Akma siyang lalakad pero hinawakan ng matanda ang braso niya para pigilan siya.
"Hintayin mo ang apo ko. Makisabay ka na sa pagpasok niya sa trabaho..."
"Sige." natuwa niyang wika.
Ilang sandali pa silang nagkuwentuhan hanggang sa lumabas na ng bahay si Jewel.
Lumapit ito kay Lola Milagros at saka mahigpit na yumakap kasabay ng malambing na
halik sa pisngi. Nasapo ni Azrael ang kanyang labi...
"Papasok na po muna ako."
"Sige, mag-iingat ka. Makikisabay na itong si Azrael sa paglabas mo."
Kumalas sa pagkakayakap ng Lola niya si Jewel at nakangiting binalingan ang binata.
"Tara na?"
Ngumiti si Azrael. Nakisabay siya sa paglalakad ng dalaga. Napatingin siya sa kamay
nito, natutukso siyang hawakan iyon pero nagpipigil siya. Hindi tama ang kanyang
gagawin.
"Saan ka pumapasok?" tanong niya.
"Nagtratrabaho ako sa isang maliit na flower shop na malapit lang dito. Ikaw?"
"I'm single."
"Ah?"
Napa-oh ng bahagya ang labi ni Azrael ng ma-realize niya ang nasabi niya. Natawa
siya ng mahina at nasapo ang noo. Nahihiya siyang tumingin sa kasama niya.
Alanganin siyang ngumiti.
"Sorry, ano... Nabingi yata ako? Nagkamali ako ng sagot... Ewan, hindi ko alam kung
ano ang iniisip ko. Damn! Bakit ko ba nasabi iyon?!" taranta niyang wika.
Hindi niya alam kung paano siya magpapaliwanag. Natigilan siya ng ngumiti si Jewel
sa kanya hanggang sa matawa ito ng mahina.
"B-Bakit?" amaze niyang tanong.
"Nakakatawa ka. Para kang ewan."
Mas lalo siyang na-amaze at saka siya natawa din ng mahina... Napa-puzzle na talaga
siya sa pagkatao ng dalaga. Ganitong-ganito si Belle. Hindi siya puwedeng
magkamali.
"May dumi ba ako sa mukha?" untag ni Jewel sa kanya.
"A-Ahm, wala. Bakit mo naman naitanong?"
"Kanina ka pa nakatitig eh, nakakailang na."
"Pasensiya na."
Tumingala siya sa langit. Ano ba namang klaseng torture ito?! Hindi nagtagal ay
nakarating sila sa isang maliit na flower shop. Halos sabay silang napahinto sa
paglalakad.
"Salamat sa pagdalaw kay Lola at salamat din sa pagsabay sa akin..." nakangiting
wika ng dalaga sa kanya.
Ngumiti siya pabalik.
"Salamat sa masarap na tanghalian at asahan mo ang madalas kong pagdalaw..."
"Kay Lola..?"
Alanganing tumango si Azrael at napabuga ng hangin. Tumango siya.
"Kay Lola."
Isang maluwang na ngiti ang namutawi sa labi ng dalaga.
"Masaya akong makilala ka. Sige, papasok na ako sa trabaho. Ingat!"
Kumaway si Azrael sa dalaga at nang tuluyan na itong makapasok sa loob ng flower
shop ay saka siya lumakad paalis. Tumingala siya sa langit at saka siya ngumiti.
Hindi niya alam pero kakaiba ang kanyang pakiramdam. Nakasalubong niya sa daan sina
Rane, Karen, at si Conrad.
"Uy, Kuya! Pupunta ka rin ba kina Lolo Gusting? Luto na daw iyong latik." masiglang
wika ni Karen.
"Oo, doon din ang punta ko. Sabay-sabay na lang tayo." masaya niyang wika.
"Magandang ideya."
Naglakad silang lahat papunta sa bahay nila Lolo Gusting. Nadatnan nilang nakahain
sa papag ang masarap na kakanin. Dahil doon ay nag-unahan silang lahat na
makarating.
"Ako ang una! Ako ang una!"
Agad na kumuha ng plato si Conrad at tinidor. Excited niyang nilagyan ng pinggan ng
pagkain. Agad siyang sumubo at itinuloy-tuloy niya ang pagkain ng malasahan niya
ang sarap noon. Humahalo ang tamis sa gata ng niyog... Hindi nagpahuli sina Rane,
Karen at Azrael. Agad din silang kumuha ng pagkain. Pinuno nila ang kanilang mga
plato at agad na nagsisubo ng malalaki.
"Grabe, ang sarap nito!" si Karen.
"Tama ka! Naglalaban ang lasa ng tamis at gata kaya hindi nakakaumay ang lasa!" si
Rane.
"Basta, masarap!" si Azrael.
Tuloy sila sa pagsubo. Nakailang sandok sila ng pagkain. Inilapag ni Blade sa
kanilang harapan ang isang bote ng malamig na malamig na coke. Sutil itong tumingin
sa kanilang pagmumukha.
"Talagang masarap iyan! Garantisado!" nagthumbs up si Blade.
"Garantisado talaga." si Azrael.
"Alam niyo kasi, tagaktak ang pawis naming lahat habang salitan kaming naghahalo ng
latik kanina! Kaya ayan, malasa at masarap! Buwa ha ha ha ha!..."
Pakarinig sa sinabi ni Blade ay halos sabay-sabay na nailuwa ng apat ang kanilang
mga kinakain. Napainom ang nga ito ng coke ng wala sa oras.
"Walang-hiya ka talaga!" gigil na wika ni Azrael.
"Eh totoo namang lase. Masarap di ba? Masarap?!"
Gusto nang umbagin ni Azrael si Blade pero hindi niya alam... Natawa na lang siya
at nahawa na sa kanya ang magkakapatid. Nakitawa din ang mga ito. Pero totoo,
masarap iyong latik!
***********************************
#masarap naman talaga ang kakaning latik... Lalo na kung... pinagpawisan! : )
brose_fire
1

46. PICNIC

"PICNIC"
Matamang nakatingin si Azrael sa mukha ni Raphael habang kaharap niya. Kadarating
lang nito at nasa may terrace sila ng bahay ni Drake. Nakapamulsa siya.
"Huwag mo nga akong titigan ng ganyan. Baka isipin ko, may gusto ka na sa akin."
pabirong wika ni Raphael.
Huminga ng malalim si Azrael at napahawak sa kanyang sintido.
"Sabihin mo, bakit nga ba ipinasabi kay Lola Milagros ang nalalapit niyang
pagpanaw?"
Nagkibit-balikat si Raphael.
"Mahiwaga ang buhay. Minsan, kailangan nating ipakita sa mga tao kung nasaan ang
totoo nilang kayamanan."
"Ang apo niya, si Jewel...?"
Matiim na tumitig sa kanya si Raphael. Isang matipid na ngiti ang namutawi sa labi
nito.
"Tama ang hinala ko. Kinakausap mo ako hindi dahil kay Lola Milagros kundi sa apo
niyang si Jewel."
Napatango si Azrael.
"Nagkataon lang ba na kamukha siya ni Belle at katulad sa maraming aspeto..? Ano
ang mayroon sa pagkatao ni Jewel?"
Sumandal sa may balaster si Raphael at tumingin sa magandang tanawin. Dapit-hapon
na at nag-aagawan ang liwanag at dilim.
"Kahit na creation ni Beelzebub si Belle, naging mabuti siyang tao maski naging
maiksi ang buhay niya. Ang mga katulad niyang nilalang, karapatdapat bigyan ng
pagkakataon para muling bumalik at maranasan kung ano ang buhay. Tama ang hinala
mo, si Jewel at Belle ay iisa. Ayaw ko nang mag-explain ng marami kasi komplikado
iyon. Tandaan mo na lang na walang imposible sa ating Ama." itinuro ni Raphael ang
langit.
Napatanga si Azrael at napalunok. Napahawak siya sa pendant ng kanyang kuwintas at
ang bilis ng tibok ng puso niya.
"Iyon nga lang, wala siyang naaalala na kahit na ano. Nabubuhay siya ngayon sa bago
niyang katauhan. Pero, siya pa rin naman si Belle. Sa pagkakataong ito, ikaw na ang
bahala. May karapatan kang magdesisyon kung ano ang iyong gagawin."
Nangilid sa mga mata ni Azrael ang mga luha. Unti-unting gumuhit ang ngiti sa
kanyang labi hanggang sa matawa siya ng mahina. Napailing siya ng bahagya at
napatingala sa langit.
"H-Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin. Sobra akong masaya. Ang tagal
kong hinintay na matupad ang mga dasal ko... Hindi ako makapaniwala..."
Lumapit sa kanya si Raphael at tinapik ang kanan niyang balikat. Pasimple siyang
nagpunas ng kanyang mga luha.
"Ang mga tunay na lalaki lang talaga ang marunong umiyak. Anyway, mayroon pa bang
latik?" biglang wika ni Raphael.
Nang marinig ni Azrael ang huling sinabi ng kanyang kausap ay nawala na ang madrama
niyang moment. Nasapo niya ang kanyang bibig at nakaramdam siya ng pagbaliktad ng
kanyang sikmura. Mabilis siyang tumakbo at nagpunta sa banyo. Napakunot-noo naman
si Raphael nang makita niya ang reaction ni Azrael.
"Anong nangyari doon? Na-overjoyed? Hmf! Ako na nga lang ang manghihingi ng latik
kina Blade kung may natira pa!"
Kinabukasan ay abala sa paglalagay ng mga pagkain sa baunan sina Blade at Drake.
Sasamahan nila ngayong araw si Conrad sa paghahanap ng insekto sa gubat para sa
project nito sa science pero ang ending... Naisipan nilang lahat na isabay ang
pagpi-picnic para mas masaya.
"Okay na ba itong kanin?" tanong ni Drake kay Blade.
"Dagdagan mo pa. Sa akin palang, kulang na iyan eh!"
"Masiba ka talaga! Basta ba ikaw ang magbitbit nitong basket eh!"
"Oo na, animal!"
Naulinigan nila ang pagbaba ni Azrael.
"Uy, sama ka? Magpi-picnic kami nila Rane sa gubat!" yaya ni Blade.
Bahagyang umiling si Azrael at saka ngumiti.
"Next time na lang, may lakad ako ngayon eh."
"Are you sure? Maghahanap kami ng mga exotic na pagkain. Masaya ito!" untag pa ni
Drake.
"Sa susunod na lang talaga. Si Hunter? Hindi niyo yayayain?"
Nagkibit-balikat si Blade.
"Nalase, kagabi pa siya wala. May date daw kasi sila ngayon ni Serene eh. Si Zech,
may trabaho at si Creta naman... As usual, sinamahan niya si Father Piyo. Mukha
namang ayaw mo talagang sumama kaya kami-kami na lang."
Lumuwang ang ngiti sa labi ni Azrael.
"Babawi na lang ako sa susunod. Importante kasi itong lakad ko eh. Bye!"
Tuluyan nang lumabas ng bahay si Azrael at nagkatinginan na lang ang magkaibigan.
"Sa palagay mo, ano kaya ang nangyari sa isang iyon? Kahapon pa siya pangiti-ngiti
na parang ewan. Epekto ba iyon noong kinain niyang latik? Abuwisit ak pa! Dinamdam
yata niya ang nakakadiri mong biro eh hindi naman iyon totoo." wika pa ni Drake.
Napasimangot si Blade.
"Eh di sana nasusuka siya ano? Obvious naman na walang kinalaman iyong nakakadiri
kong joke kahapon. Mukha nga siyang masaya na tipong nakulam."
Sandaling napaisip si Drake. Tapos isa pa niyang napansin kay Azrael ay panay ang
hawak nito doon sa pendant ng kuwintas nito na regalo ni Belle.
"Ano kayang nangyayari?"
"Anak na lase, malay ko ba. Tara na, lumabas na tayo. Abangan natin sa labas sina
Rane."
"Okay."
Lumabas na nga sila at tumambay sa may garden. Sa may ibaba ng bundok kung saan
nakatayo ang bahay ni Drake ay isang malawak na gubat. Doon sila magpipicnic. Ilang
sandali pa ay natanaw na nila ang isang grupo na paparating. Napangiti ang
magkaibigan.
"Lelon lelon tinta putot na papaya! Dala-dala'y luslo titidlan na buta!"
Medyo nagulat sina Drake at Blade dahil kasama nina Rane at Conrad si Sienna na
pakanta-kanta at pasayaw-sayaw habang naglalakad. Nasa may likuran ng mga ito si
Daisy na may dalang bag. Lumapit ang mga ito sa kanila.
"Pasensiya na, nagpumilit sumama si Sienna eh. Nag-iiiyak siya ng todo, kaya heto.
Nagbabakasyon sila ng mga magulang niya sa bahay." paliwanag ni Rane.
Hawak niya ang isang picnic basket na may lamang pagkain. Ngumiti naman si Sienna
sa dalawang binata at lumapit.
"Kamutta, Dlek, Bleed?" bibo nitong wika.
Natawa sila dito at halos sabay nilang ginulo ang buhok nito.
"Ayos lang kami. Ikaw?"
"Ayot lang. Dlek, tama ato tayo."
(Ayos lang. Drake, sama ako sa'yo.)
"Sige ba!"
Binuhat ni Drake ang bata at isinakay sa kanyang mga balikat. Tuwang-tuwa ito.
"Nasaan si Karen?" tanong naman ni Blade kay Rane.
"Busy eh. Tinamad."
Napatango-tango si Blade. Tumingin siya sa kanyang mga kasama.
"Ready na ba kayo?" untag niya.
"Ready na ako, pareng Blade!"
Itinaas ni Conrad ang plastik container na paglalagyan nito ng insekto para sa
science project. Nagthumbs up naman si Rane.
"Okay na rin ako." wika naman ni Daisy.
Itinuro niya ang dala niyang bag na may lamang mga pagkain. Agad na silang lumakad
para hindi mainit sa daan at nang sa ganoon, maaga din silang makauwi.
Samantala... Napahalukipkip si Beelzebub ng puntahan siya ni Ike sa kanyang kuwarto
kung saan siya nagtatambay. Tinatamad siyang lumabas, wala siya sa kanyang mood
para hanapin ang talipandas na si Hydrian. Kasaluluyan siyang nakahiga sa kama at
naglalaro ng app game.
"Bakit ba? May nakuha na ba kayong impormasyon tungkol sa animal na si Hydrian?"
yamot niyang tanong.
Isang matipid na ngiti ang namutawi sa labi ni Ike.
"Wala kaming impormasyon sa walang-kuwenta na iyon. Pero pinuntahan kita dito para
sabihin na mapipisa na ang ilan sa mga cocoon ng iyong army. Lalabas na sila."
Napabangong bigla si Beelzebub at matamang napatingin sa mukha ni Ike. Unti-unting
gumuhit sa kanyang labi ang isang matipid na ngiti.
"Hmm... Mukha naman palang hindi ganoon ka-boring para sa akin ang araw na ito."
Agad na siyang tumayo at naglakad paalis ng kanyang silid. Nilagpasan niya si Ike,
dumiretso siya sa basement at nakita niya doon ang apat na piraso ng cocoon na
binabantayan ng mga fallen angels. Kulay-gray ang mga iyon na parang nakakadiring
lumot ng kung anong hayop.
"Wow! Mukhang hindi pa naman ako nahuhuli sa happening?" bungad ni Beelzebub sa
lahat.
Napatingin ang mga fallen angels sa kanya.
"Alam naming magwawala ka kapag hindi mo napanood ang pagpisa ng mga unang nilalang
sa iyong army kaya kita ipinatawag kay Ike." wika ni Vaulant.
Natawa ng mahina si Beelzebub. Dumating na rin si Ike sa basement. Ipinagpatuloy
niya ang pagtri-trip.
"Ayaw niyo pala akong magwala?" nang-aasar pa niyang wika.
"Alam namin kung sino ka. Hindi kami istupido para galitin ang isa sa Seven Prince
of Hell. Pero walang-hiya kang buwisit ka." di napigilang wika ni Legion.
"How dare you 3x a day... All of you!"
Tumingin sa mukha ng lahat si Beelzebub at nakita niyang malapit na siyang sugurin
ng mga kasama. Pero nawala ang tensyon ng makarinig sila ng pagkakacrack ng mga
cocoon. Natuon ang kanilang atensyon doon sa apat na cocoon at isa-isa na iyong
napisa sa kanilang harapan.
Unti-unting lumabas mula sa loob ng mga cocoon ang nga naiibang nilalang. Mga
demon.. Punong-puno ng nakakadiring mucus ang katawan ng mga ito. Hindi nila
madistinguish ang itsura ng mga demon na iyon. Kulubot ang mukha na may mga na-
deform na mga mata, ilong at tabingi ang bibig na may mga matatalas na pangil na
kulang-kulang. Medyo mahahaba ang mga kamay na may kapayatan pero may matatalas na
mga kuko at may mga malalaking pakpak sa likod. Nanlalagkit ang mga halimaw dahil
sa nakabalot na mucus sa katawan ng mga ito kaya nakakadiri ng husto ang itsura.
Halos sabay-sabay na nagpagpag ng mucus sa katawan ang mga demon at natalsikan
silang lahat na naroon. Malagkit ang mucus at medyo may naiibang pagkalansa ang
amoy.
Isang nakakalokong tawa ang kumawala kay Beelzebub.
"Eww... Nakakadiri naman! Ha haha ha ha ha!" sabay punas ng malagkit na mucus ng
halimaw sa kanyang mukha na malapit sa kanyang bibig.
Nagsipunas din ang iba sa mga katawan. Lumapit ang apat na bagong silang na demon
kay Beelzebub. Isa-isa niyang pinakiramdaman ang aura ng mga ito.
"Puwede na rin, mga mababang nilalang."
Mapupula ang mga mata ng mga demon. Unti-unti ay lumaki ang mga ito na lagpas pa sa
pitong-talampakan... Napatingala si Beelzebub, mabilis nagmatured ang mga nilikha
niya. Isang nakakalokong ngiti ang namutawi sa kanyang labi.
"Subukan natin ang inyong mga kakayahan. Maghanap kayo ng malakas na makakalaban,
tapusin niyo at gawing pagkain."
Umungol ang mga demon. Pagkatapos noon ay winasak ng mga ito ang pader at dali-
daling lumabas ng gusali. Kumalat sa paligid ang debris ng mga winasak ng mga ito.
Tumingin si Beelzebub sa mga Fallen Angels na naroon, galit ang mga mukha na
nakatingin sa kanya. Mukhang napikon sila doon sa malagkit na mucus.
"Bibilisan ko na ang paghahanap kay Hydrian. Bantayan niyo ang army ko at maglinis
kayo ng mga kalat dito. Tapos, maligo na rin kayo... Mga nakakadiri." sabay tawa ng
malakas.
Napipikong tumitig sa kanya si Hideus at kasunod noon ang pagpapaulan nito ng
maraming kutsilyo sa kanya. Hindi umilag si Beelzebub. Napatingin siya sa kanyang
katawan na nababaunan ng napakaraming patalim. Umagos ang napakarami niyang dugo.
Isang nakakalokong ngiti ang namutawi sa kanyang labi at nang-aasar na tumitig sa
may kagagawan noon.
"Ang saya naman noon, Hideus... Nakiliti ako ng todo. Huwag ka namang masyadong
pikon, masama iyan... Nakakaputok ng ugat sa batok."
"Tsk!" react na lang ni Hideus.
Pinag-apoy ni Beelzebub ang kanyang katawan, ang lahat ng patalim na naroon ay
natunaw at naabo. Ang mga sugat niya ay gumaling at nawala ang mga mantsa ng dugo
sa kanyang damit maging ang mga punit. Nang maayos na ang kanyang itsura ay umalis
na siya. Dumaan siya doon sa pader na sinira ng kanyang mga demon. Nang makaalis
naman si Beelzebub ay nagkatinginan ang mga Fallen Angels.
"Hindi mo dapat ginawa iyon. Paano kung pinatulan ka ni Beelzebub?" untag ni Ziggur
kay Hideus.
Nagkibit-balikat lang ang huli.
"Lalaban ako hanggang sa huli. Nakakaasar na siya at ang ibang Seven Prince of
Hell! Ginagawa nila tayong utusan. Gustung-gusto ko nang pagpapatayin itong mga
demon ni Beelzebub kanina ng matalsikan tayo ng nakakadiring mucus! Buwisit na
lase!"
"Relax ka lang. Wala naman tayong choice eh. Ang Seven Prince of Hell ang tangi
nating mga kakampi dahil tayo ay mga patapong nilalang na wala nang patutunguhan."
pakli ni Vaulant.
"Isa pa, wala naman tayong ipinagkaiba sa kanila eh. Mas masuwerte nga tayo kung
tutuusin dahil nakaligtas tayo sa sentensiya ng impiyerno." segunda ni Tumand.
Huminga ng marahas si Hideus. Hindi na siya umimik. Umalis na lang siya. Napailing
na lang si Ike at napasapo sa kanyang noo. Naglakad na rin siya palabas para
maglinis ng katawan. Nang makapaligo siya ay agad siyang nagbihis. Lumabas siya ng
kanyang silid at nakasalubong niya sa hallway si Ziggur.
"Lalabas ka?"
"Oo. Matapos kong makita ang mga nakakadiring nilalang ni Beelzebub, gusto kong
lumanghap ng sariwang hangin at saka maghahanap ako ng pagkaing matamis. Bumaliktad
ang sikmura ko at gusto kong masuka ng buong-araw."
Sinapo ni Ike ang tiyan at natawa sa kanya si Ziggur.
"Si Hideus, nauna nang lumabas. Magpapalamig daw siya ng ulo dahil kapag nakita
niya ang mga creation ni Beelzebub eh baka topakin siya at patayin niya ang lahat
ng cocoon."
Napatango si Ike.
"Mas maganda nga na lumabas din siya. Kung ginawa niya iyon... Tiyak na wasak din
siya kay Beelzebub at makakatikim siya ng walang-hanggang parusa sa impiyerno kapag
nagkataon."
"Tama ka. Mabuti nga at nag-isip pa ang tarantadong animal."
"Uhum. Sige, aalis na ako. Magdadala na lang ako ng pasalubong para naman mabawasan
din ang init ng ulo niyo. Masyadong hot ang araw ngayon para sa ating lahat."
Tumalikod na siya at umalis. Natawa na lang si Ziggur at nagkibit-balikat. Nang
tuluyan naman nang makalabas sa kanilang tagong headquarters si Ike ay
pinakiramdaman niya ang paligid kung may sumusunod sa kanya. Pasimple siyang
nagmasid, wala. Dumiretso siya sa siyudad at nagpunta sa paborito niyang tambayan
na Chocolaterie. Um-order siya ng hot chocolate na may kaunting chili peppers sa
ibabaw at isang slice ng straberry short-cake. Akma palang siyang iinom ng mainit
na chocolate nang may maupo sa kanyang tapat. Nag-angat siya ng tingin.
"Long time no see, Ike." ang nakangiting wika ni Uriel.
Kaharap niya ngayon ang isa sa Seven Archangels.
"Long time no see..." ganti niya.
Itinuloy niya ang pag-inom. Sumandal sa kinauupuan si Uriel at matamang tumingin sa
kanya.
"Ano na ang update?" tanong nito.
"Iyong binubuong army ni Beelzebub, may apat nang napisa sa kanilang mga cocoon.
Mga pangit at nakakadiring demon na nagpasabog ng mucus sa paligid na malansa ang
amoy. Hindi pa rin nahahanap ni Beelzebub ang kanyang commander na si Hydrian kaya
hindi niya masimulan ang kanyang plano."
Napatango si Uriel.
"Mabuti na lang at nahanap mo agad si Hydrian noon kaya napigilan natin ang
pagpapalit niya ng anyo patungo sa isang demon. Iyon nga lang ay medyo nahuli tayo
ng kaunti dahil nasa gitna na siya ng pagpapalit ng anyo nang i-crack ko ang spell
ni Beelzebub sa kanya."
"Pero atleast, hindi nagtagumpay si Beelzebub."
Tinusok ni Ike ang gilid ng cake at saka siya kumain.
"May nakakahalata na ba sa'yo?"
Uminom ulit ng mainit na chocolate si Ike. Tumingin siya kay Uriel. Nasa normal
itong attire ngayon. Hindi iyong palagi niyang nakikita na naka-K-Pop.
"Sa tinagal-tagal kong espiya sa Black Circle Organization, walang naghinala sa
akin. Maingat ako. Wala silang alam na ako ang dahilan ng mga kapalpakang
nangyayari sa kanilang mga plano. Sinisiguro ko ang pagkilos para makuha kong maigi
ang kanilang tiwala at mailayo ang kanilang atensyon sa akin. Maging ang Seven
Prince of Hell, hindi naghihinala sa akin. Ano? Puwede na ba akong bigyan ng Best
Actor Award?"
Natawa ng mahina si Uriel at bahagyang napailing.
"Hindi pa alam nila Blade ang tungkol sa'yo. At sa tingin ko, mas makakabuti na
huwag na munang sabihin sa kanila. Madadaldal ang mga iyon eh at hindi marunong
umarte. Kapag nalaman nilang undercover ka namin at nagharap kayo sa laban...
Mabubuko ka at iyon na ang iyong katapusan."
Naalala ni Ike si Blade. Napahinga siya ng marahas at napataas ng kilay.
"Tama ka, ang baliw at sira-ulong si Blade... Nitong nakaraan ay nagharap sila ni
Leviathan. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa paghaharap na iyon dahil si
Leviathan, panay na lang ang tawa kahit walang dahilan. Ganoon siya hanggang sa
bumalik siya sa lungga niya sa impiyerno."
Napangiti si Uriel.
"Mahirap man aminin, pero kayang gumawa ng naiibang milagro ni Blade. Alam kong
makulit ako sa pagsasabi nito pero dapat mo itong gawin... Palagi kang mag-ingat,
Ike. Hindi natin masasabi kung ano ang naghihintay sa'yo kapag nabuko ng lahat ang
cover mo."
Nagkibit-balikat lang si Ike. Hindi siya natatakot sa kung ano ang mangyayari dahil
sa dami na ng kanyang mga nasaksihan dahil sa pagiging espiya niya sa loob ng
sentro ng Black Circle Organization...
Samantala... Nakahanap na ng magandang spot sina Blade sa gubat na pagpipiknikan
nila. Isang malawak na damuhan na nalililiman ng mga mayayabong na puno sa paligid.
Excited nilang inilatag ang mga dalang gamit. Huminga silang lahat para langhapin
ang preskong hangin. Marami silang naririnig na mga huni ng ibon dahil ang daming
puno ng tsaa sa paligid at ang mga bunga nitong hinog na berries ay kinakain ng mga
ibon.
"Tinnan niyo oh!" tuwang wika ni Sienna.
Napatingin sila sa itinuro nito at nakita nila ang mga kumpol ng ibon sa puno ng
tsaa na kumakain ng mga berries. Kulay-dilaw ang katawan ng mga ibon, asul ang mga
pakpak at berde ang mga buntot. Gumagawa din ang mga ito ng kakaibang huni na para
silang kumakanta. Ibinaba ni Drake si Sienna sa damuhan. Tuwang-tuwa itong
nagtatakbo doon. Lumapit ito sa kinaroroonan ng mga ibon pero nabugaw ang mga ito.
Muli itong nagtatakbo sa paligid.
"Sienna! Huwag kang masyadong malikot! Baka madisgrasya ka eh! Maraming butas dito
sa paligid!" saway ni Drake.
Napatigil sa pagtakbo ang bata at maang na napatingin sa kanyang mukha.
"Butat?" inosente pa nitong tanong.
"Oo. Noong World War II, ginamit ng mga gerilya ang bundok na ito para gawing
taguan. Naghukay sila ng maraming tunnel sa paligid ng bundok at konektado ang
lahat ng iyon sa isa't-isa. Kung saan-saan ka lulusot. Sa paglipas ng panahon,
natabunan na ang mga tunnel na iyon pero baka may mga hindi pa, kaya huwag kayong
gaanong lalayo dito sa puwesto natin, okay?" paalala ni Drake sa lahat.
Napangiti ng nakakaloko si Blade.
"Salamat sa munting share ng history, Drake. Bigla ko lang naisip... Naging gerilya
din kaya si Tandang Gusting noong panahon ng giyera?"
Dahil sa sinabi nito ay natigilan ang lahat maliban kay Sienna na busy sa paghabol
sa mga paru-paro. Nag-isip sila at nag-imagine hanggang sa bigla silang nagtawanan
sa larawang kanilang naiisip.
"Naku naman! Dinamay pa natin sa kalokohan ang walang-malay na si Lolo Gusting!"
pakli pa ni Daisy.
Naupo na siya at binuksan ang bag na dala niya. Inilabas niya ang baunan ng tubig,
at mga tupperware na may lamang mga pagkain. May dala din siyang plastik na garapon
na may lamang mga chocolate chip cookies. Lumapit sa kanya si Sienna at matamang
napatingin sa garapon na may lamang cookies. Ngumiti siya sa cute at makulit na
bata. Parang gusto na niya itong kidnapin at iuwi. Tiyak na matutuwa ang Mama niya
kapag ginawa niya iyon, pero hindi niya puwedeng gawin...
"Gusto mo?" malambing niyang tanong at saka itinuro ang mga cookies.
Nahihiya itong tumitig sa kanya at saka marahang napatango.
"Opo.. Pedeng peenge?"
"Oo naman. Basta maupo ka dito sa tabi ko."
Naupo nga ito sa tabi niya at agad niyang binuksan ang takip ng garapon pero hindi
niya iyon maalis sa sobrang higpit. Mukhang napasobra ang pagkakasara.
"Uy, Drake! Resbak naman diyan oh! Di ko mabuksan itong garapon eh!"
Mayabang na tumingin si Drake sa dalaga.
"Naks, ako pa! Akin na!"
Lumapit siya at naupo sa tapat ng dalawa. Kinuha niya ang garapon at binuksan.
Medyo mahigpit nga ang pagkakasara noon. Excited na kumuha ng cookie si Sienna at
agad na kumain. Kasunod noon ang paglapit ni Blade at kumuha ng marami.
"Ang dami naman niyan!" reklamo ni Drake.
"Huwag ka nang masungit diyan, Daddy Drake..." sutil na wika ni Blade.
Tumingin siya kay Drake, kay Daisy at sa cute na si Sienna. Ginawa din ni Drake ang
kanyang ginawa at na-gets siya nito.
"Okitnam! Huwag ka ngang malisyoso!" namumulang wika ni Drake.
"Ha ha ha ha ha! Wala naman akong sinasabi ah?! Ikaw na ang bahala dito kasi
sasamahan namin si Conrad sa paghahanap ng insekto para sa project niya... Plus,
maghahanap din kami ng mga edible at masarap na kabute na puwede nating ihawin at
kainin... At... Marami dito iyong masarap na wild na pako! Kukuha kami ng marami!
Masarap iyong gawing salad." tinatakam na wika ni Blade.
Napangiti si Drake.
"Oo na, ako na ang bahala dito. Basta ba ingatan mo sina Rane at Conrad. Huwag din
kayong masyadong lumayo. At tandaan, mag-ingat sa mga butas."
Nagthumbs up si Blade.
"Areglado na iyon, ako pang lase! At ikaw naman, good luck ah?" tukso pa ni Blade.
"Tse!"
Lumakad na sina Blade, Rane at Conrad. Tinatawanan nila ang namumulang mukha ni
Drake.
"Anong insekto ba ang gusto mo?" tanong ni Rane sa kapatid.
"Gusto ko ng salangubang. May tutubi, gagamba, at paru-paro na ang mga classmate ko
eh. Si Mommy kasi, pinatay ba naman iyong nahuli kong ipis sa may bodega. Inapakan,
durog na durog. Baka madurog din ang grade ko noon." madaldal na wika ni Conrad.
Napaismid si Rane sa sinabi ng kanyang kapatid.
"At talagang ipis pa ang una mong naisip ah?" pakli niya.
"Exotic eh. Mas kakaiba daw na insekto, mas mataas ang grade. Naisip ko nga rin ang
lamok kaso mahirap silang hulihin, ganoon din ang langaw."
Tawang-tawa naman si Blade kay Conrad. Nilapitan niya ito at saka tinapik ang
balikat.
"Ang galing naman ng imagination mo!"
"Huwag mo ngang kunsintihin ang kabaliwan ni Conrad." kontra ni Rane.
Tumingin siya sa paligid. Medyo masukal na ang kinroroonan nila. Wala pa siyang
nakikita kahit na isang piraso ng dahon ng wild na pako. Minsan na siyang makatikim
noon at ang sarap. Saang banda kaya tumutubo ang mga iyon sa gubat na ito?
Nagmamasid-masid din sa paligid si Blade. Priority muna niya ang salangubang ni
Conrad. Nakakita siya ng isang puno ng niyog. Doon madalas mamungad ang mga
salangubang. Tulog ang mga iyon sa araw dahil nocturnal ang mga insektong iyon.
Hindi pa gaanong kataasan ang puno ng niyog, katabi nito ang puno ng guyabano na
hitik sa bunga.
"Sa tingin ko, alam ko na kung saan tayo makakakuha ng salangubang!"
"Saan?" excited na tanong ni Conrad.
Itinuro ni Blade ang puno ng niyog.
"Over there! Pugad ng mga salangubang ang puno ng niyog. At tulog sila kapag araw."
Naglakad siya palapit sa puno at excited na napasunod ang mga kasama niya.
Tiningnan namang maigi ni Rane ang niyog, di pa iyon kataasan at nakadikit ito sa
katabing puno ng guyabano...
"Uy, teka! Sa tingin ko, maling ideya na akyatin mo ang niyog na iyan..." nag-
aalala niyang wika.
"Huwag ka nang mag-alala, si Blade yata 'to!"
Dali-daling umakyat ng puno si Blade at mabilis siyang nakarating sa tuktok dahil
hindi naman kataasan ang puno. Pumuwesto siya at naghanda sa pagyugyog ng mga dahon
para malaglag ang mga salangubang pero inatake siya ng sangkatutak na hantik!...
"WAAAAH!!!... WRONG-MISTAKE!!!!..."
Isang maingay na lagutukan ng mga sanga ang namayani at isang malakas na
BOOOG!!!... Bumagsak si Blade nang padapa at puno ng malalaking langgam sa katawan
kasama pa ang mga dahon ng halaman.
"Sabi na sa'yo eh, maling ideya na umakyat ka. Bahay ng mga hantik ang puno ng
guyabano na katabi niyang niyog... Napaka-teritorial ng mga langgam na iyan at
sinasakop maging ang katabing puno." paliwanag pa ni Rane.
Tarantang nagpagpag ng katawan si Blade.
"Ageh! Ageh! Ageh! Kung saan-saan nangangagat ang mga aninimal! Anak na lase!..."
Napailing si Rane at saka niya nilapitan si Blade. Tinulungan niya itong mag-alis
ng mga langgam sa may likod nito at buhok. Napakurap naman si Conrad at napatanga
kay Blade tapos ay bigla siyang napasigaw. May nakita siya!
"Waaaah..! Ang project ko!!..." sabay-turo.
Halos sabay pang napatingin sina Blade at Rane sa itinuro ni Conrad... May
salangubang! At nakakapit lang naman iyon sa damit ni Blade... Doon sa shorts at sa
may bandang gitna pa... Napatanga si Rane at hindi niya alam kung paano siya magre-
react. Tumingin siya sa mukha ng kanyang kapatid, determinadong determinado...
Tapos ay napatingin siya sa salangubang, napailing siya at namula. Tuliro namang
napatingin si Blade sa shorts niya.
"Animal na salangubang 'to! Doon pa talaga kumapit ang lase?!" frustrate niyang
pakli.
Samantala... Kasalukuyang nangunguha ng mga manibalang na bunga ng chico sina
Drake, Daisy at si Sienna. Umakyat si Drake sa puno at abala sa pamumulot ang
dalawa.
"Uy, Drake! Tama na ito! Marami na!" wika ni Daisy.
"Oh sige!"
Bumaba na siya at tumulong sa pamumulot. Nang makuha na nila ang mga bunga ay saka
sila nagbalik sa dati nilang puwesto.
"Madaling mahihinog itong mga chico kapag hinugasan sa maligamgam na tubig at saka
babaluting maigi sa tela at itatago." wika ni Daisy.
"Alam na alam mo ah?" nakangiting wika ni Drake.
"Paborito kasi namin ni Mama itong chico."
"Ganoon ba? Kung ganoon, dadalhan ko kayo lagi."
Hinila ni Sienna ang laylayan ng damit ni Drake at napatingin siya sa bata.
"Bakit?" malambing niyang tanong dito.
"Antok ako eh. Gutto ko tulog." sabay-hikab.
"Teka lang, ilalatag ko lang iyong dala kong towel."
Naupo si Sienna sa kanyang tabi at saka sumandal na sa kanyang katawan. Mukhang
napagod ito sa paglalaro at katatakbo kanina. Inilatag niya ang towel.
"Teka, itong bag ko na lang gamitin niyang unan para maging komportable siya." wika
naman ni Daisy.
"Sige."
Kinuha niya ang bag at iniayos. Matapos iyon ay ipinahiga niya ang bata. Napapikit
ito at ilang saglit lang ay nakatulog na. Naririnig nila ang mahina nitong hilik.
Napangiti siya ng makita niya ang bata. Napatingin siya sa kasama niya at ngitian
siya nito.
"Daddy na daddy ah..? Puwede ka na." comment pa nito.
Napatanga si Drake at saka namula ang kanyang mukha. Nahihiya siyang napakamot sa
kanyang ulo.
"H-Hindi naman... I-Ikaw? Marunong ka pala sa mga bata kahit na only-child ka
lang."
Natawa ng mahina si Daisy.
"Madami akong makukulit na pamangkin sa mga pinsan. Parang gusto ko na ngang
kidnapin itong si Sienna eh at iuwi sa amin. Ang bibo niya at ang cute. Wish ko
lang, someday... Magkaroon din ako ng ganito ka-cute na anak." natatawa pa niyang
kuwento.
Napatitig lang si Drake sa kasama niya.
"A-Ako rin, gusto ko rin ng ganito ka-cute at kabibo na baby... M-Matanong ko lang,
ilan ba ang gusto mo kapag kuwan... Ahm... Nag-asawa ka na?" makapal na mukha
niyang tanong.
"Siyempre marami. Ang boring kayang maging only-child!"
Napaisip ng malalim si Drake...
"Mukhang mapapa-work-out ako ng matindi ah?" bulong niya.
Napakunot-noo si Daisy kasi may narinig siyang sinabi ni Drake. Hindi nga lang niya
alam kung ano iyon dahil sobrang hina.
"Ano iyon?" tanong niya.
"A-Ahm, wala iyon! Hindi importante... Gaano naman karami ang gusto mo..? Iyon ay
kung di mo mamasamain itong tanong ko. Curious lang naman ako eh."
"Ewan ko... Mga tatlo siguro o kaya apat... Pero, puwede ring lima. Maximum na
siguro iyong five."
Napahawak sa kanyang baba si Drake.
"Pang basketball team.. Kaya ko iyan!" wika niya sa kanyang isipan.
Di na lang siya nagsalita kasi baka mabuko pa siya at magalit sa kanya ang dalaga.
Nakakahiya.
"Eh ikaw, Drake?"
"A-Anong ako?"
"Ilan ang gusto mong maging anak kapag nag-asawa ka?"
Nahihiyang napakamot sa kanyang batok si Drake.
"A-Ahm... Alam mo kasi, only-child din ako eh... At tama ka, ang boring maging
only-child. Kaya gusto ko din ng marami..."
"Only-child ka rin pala? Kaya pala kasundo kita eh."
Samantala... Pilit na inaalis ni Blade ang salangubang sa kanyang shorts pero hindi
niya iyon matanggal. Nakakapit na maigi sa tela ang mga paa nitong may maliliit na
sungay at medyo ahm... Masakit!
"Baon-inam! Papatayin kitang lase!"
Nataranta si Conrad ng marinig niya ang sinabi ni Blade. Project niya iyon at
kailangan niya!
"Huwaaag!"
Mabilis na lumapit si Conrad at saka dinakma ang insekto. Napasigaw naman si Blade.
"AGEEEEEEEH!..."
Wala namang ginawa si Rane kundi ang matawa. Kanina pa nga nananakit ang kanyang
tiyan. Kasi naman, napanood niya sa Discovery Channel na attracted ang mga
salangubang sa mabangong amoy. May ipinakita pa ngang experiment kung saan nag-
spray ng pabango sa isang tela at inilagay iyon sa lugar kung saan lumilipad ang
mga salangubang at napuno ang tela na iyon... At ngayong nakikita niya ang
salangubang sa shorts ni Blade..
"I-Ibig sabihin... I-Ibig sabihin.."
Napailing siya at iwinaksi ang agiw ng kanyang utak.
"Ang bastos ko..." sermon pa niya sa kanyang sarili.
Samantala... Hindi naman nadakma ni Conrad ang salangubang dahil nakalipad ito
palayo at dumapo sa isang puno.
"Asar naman! Nagmintis pa ako!"
Naiiyak na naiinis naman si Blade na napatingin kay Conrad.
"Animal! A-Anong nagmintis na lase?! Dakmang-dakma mo kaya!.." naghuhurumentadong
wika ni Blade.
Sapo niya ang maselang bahagi ng kanyang katawan. Pero hindi siya pinansin ni
Conrad. Pinuntahan nito ang puno kung saan naroon ang salangubang. Akma itong
aakyat pero pinigilan ito ni Rane.
"Ako na." wika pa ng dalaga sa kanyang kapatid.
Umakyat na si Rane. Mababa lang naman ang puno at sa may bandang-dulo ng sanga
dumapo ang salangubang. Gumapang siya sa sanga at saka niya pilit na inabot ang
insekto. Medyo malayo pa iyon kaya umusod pa siya ng kaunti hanggang sa maabot
niya. Nang makuha niya iyon ay agad niya iyong inihagis sa paanan ni Conrad.
Tuwang-tuwa ang kanyang kapatid ng pulutin nito ang insekto at ilagay sa lalagyan.
Akma nang bababa si Rane pero nakarinig siya ng malakas na crack at kasunod noon
ang malakas niyang pagkahulog.
"Eeeeeeeeh!!!...."
Napasigaw siya ng malakas dahil nabutas ang lupang kinabagsakan niya at mukhang
nahuhulog siya sa malalim na hukay!
Samantala... Napangiti si Serene ng gisingin niya si Hunter na natutulog sa couch.
Marahan niyang niyugyog ang mga balikat nito at saka niya mabining hinalikan sa
noo.
"Kailangan mo nang umuwi, gumising ka na."
Marahang nagmulat ng mga mata si Hunter, ngumiti siya at bumangon. Hinalikan niya
ang labi ni Serene at saka niyakap. Gumanti ng yakap ang dalaga sa kanya. Mahigpit
pareho ang yakap nila sa isa't-isa dahil medyo matatagalan na naman ang kanilang
pagkikita.
"Salamat sa pagdalaw ah? Namiss ko talaga iyong mga pagkain sa atin."
Sumimangot kunwari si Hunter at napataas ng kanang-kilay.
"Iyong mga pagkain pala ang namiss mo?" nagtatampo niyang tanong.
Ngumiti si Serene.
"Siyempre, mas lalo na ikaw no."
"Mas mamimiss kita. Hayaan mo, kapag libre ang time ko, mas dadalasan ko ang
pagpunta dito. Wala akong pakialam kahit milya-milya pa ang liparin ko... Makita
lang kita."
Matamang napatitig si Serene sa mukha ni Hunter. Hinaplos niya ang pisngi nito.
"Ano kaya kung umuwi na ako at sa atin ko na lang ituloy ang pag-aaral ko? Ayaw
kong nahihirapan ka."
Ngumiti si Hunter at hinawakan ang kamay niyang nakahaplos sa pisngi nito. Marahan
nito iyong dinala sa labi at masuyong hinalikan.
"Huwag.. Dito ka lang."
"Bakit?"
"Magkakasala ako kapag nasa malapit ka lang. Mas mabuti na kung nandito ka sa
malayo, mas ligtas ka."
Nakakaunawang napatango si Serene. Tumayo na si Hunter at nag-ayos ng sarili.
Naghanda na ito sa pag-alis. Isang mahigpit na yakap at masuyong halik ang iniwan
nito bago ito tuluyang lumisan. Napatanaw na lang sa may bintana si Serene habang
tinitingnan niya ang puting-liwanag na tila bituin na papalayo nang papalayo ng
mabilis. Napatingin siya sa mesa kung saan naroon ang mga tupperware na may lamang
mga pagkain. Niluto pa iyon ni Hunter para sa kanya. Mas mabuti na nga siguro ang
ganito dahil maging siya... Baka magkasala din ng wala sa oras kapag malapit sila
sa isa't-isa.
Samantala... Napasinghap si Rane ng tumalbog siya sa kanyang kinahulugan. Malambot!
Napatingin siya sa dinapuan ng kanyang katawan at nakita niya ang isang higanteng
kabute. Napatingin siya sa itaas, nakadungaw si Conrad.
"Ate!!!..." sigaw ni Conrad.
"Ayos lang ako!" sigaw niya pabalik.
Agad namang tumayo si Blade at saka pinuntahan si Conrad. Nakadungaw ito sa butas
kung saan nahulog si Rane. Maluwang iyon, at mistulang malaking kuweba na nasa
underground. Nakahinga siya ng maluwag ng makita niyang ligtas si Rane. Binalingan
niya si Conrad.
"Ako na ang bahala sa ate mo. Ang mabuti pa, bumalik ka na doon kina Drake. Susunod
na kami kapag nai-akyat ko na siya sa butas. Sundan mo lang iyong trail na dinaanan
natin at huwag ka nang lumayo. Kita mo naman ang nangyari."
"Sige, basta tulungan mo si ate ah? Kasalanan ko kasi kung bakit siya nahulog."
Tinapik niya ang balikat ni Conrad.
"Aksidente iyon, huwag mong sisihin ang sarili mo. Mas makakabuti kung bumalik ka
na. Kapag nai-akyat ko na ang ate mo, babalik kami agad doon at kakain na tayo ng
lunch natin."
Napatango-tango si Conrad at saka na naglakad paalis. Binalingan naman ni Blade ang
butas kung saan nahulog si Rane. Malalim iyon. Nakahiga ang dalaga sa isang kulay-
brown na bagay.
"Nasaktan ka ba?!" sigaw niya.
"Hindi naman!"
Agad na tumalon si Blade sa kinaroroonan ni Rane at bahagya pa siyang tumalbog doon
sa malambot na bagay na kinabagsakan niya. Medyo madulas iyon. Tiningnan niya iyong
maigi at napatanga siya.
"Anak na lase! Ang laki namang kabute nito!" bulalas niya.
"Tama. At salamat sa kabuteng ito kasi hindi ako napano. Suwerte din." sang-ayon ni
Rane.
"Tama... Tikman ko nga ang isang ito kung puwedeng kainin!"
"Uy, huwag!"
Pero huli na, nakakuha na ng isang piraso si Blade sa katawan ng kabute at agad
nito iyong kinain at nilulon. Ilang sandali pa ay napatingala ito sa itaas.. May
nakikita itong kung ano pero wala namang bagay na naroon. Nasapo ni Rane ang noo,
may tama na ang kasama niya.
"May tatlong-stars... Umiikot-ikot! Lumilipad-lipad at naging tatlong-bebe!..."
Bumagsak ito at napahiga.
"Sira-ulo talaga!"
Kinutusan niya ito pero duda siya kung naramdaman nito iyon. Nag-ring ang cellphone
niya, si Drake ang tumatawag. Sinagot niya iyon.
"Ayos ka lang?"
"Oo, may higanteng kabute na sumalo sa akin noong mahulog ako kaya hindi ako
napano." paliwanag niya.
"Si Blade?"
"Bangag! Tinikman ba naman iyong kabute eh, akala niya siguro puwedeng kainin. Alam
mo naman ang masibang ito. Nandito siya sa tabi ko at natutulog, nasa dreamland
na."
Napahinga ng marahas si Drake.
"Ano bang itsura noong kabute?"
"Bilugan na kulay-brown."
"Ay eh... Two-minutes, tanggal na ang tama ng isang iyan. Bumalik na kayo dito
mamaya pagkagising niya."
"Okay."
Nag-end na ang tawag. Tumingin siya sa may ibaba. Ang daming ipot ng paniki. Kaya
siguro lumaki ng ganito ang kabute dahil fertilize na fertilize ang lupa.
Napatingin siya sa kanyang katabi, gusto niya itong sabunutan para magising pero
ang bait kasi nito kapag tulog. Napahinga siya at napangalumbaba habang nakatitig
sa mukha ni Blade na natutulog. Kainis! Ngayon, anghel na anghel talaga ang itsura
ng isang ito. Hindi nagtagal ay curious niyang kinurot ang kaliwang-pisngi nito.
Hindi ito nagising. Sunod ay pinisil niya ang ilong nito, wala din itong naging
reaksyon. Tapos, natuon ang atensyon niya sa labi nito.
Nag-init ang mukha niya at saka siya napailing.
"Ano na naman ba itong iniisip ko? Ikaw kasi eh!" sisi pa niya kay Blade.
Pero habang lalo siyang umiiwas, lalo siyang napapatingin sa labi ni Blade. Hindi
nagtagal ay curious niya iyong tiningnan. Napalunok siya kasi marahan niyang
inilalapit ang kamay niya sa labi nito. Pasimple niya iyong hinaplos, malambot.
Bahagyang napaawang ang labi ni Blade, natigilan siya. Akma niyang aalisin ang
kamay at lalayo kaso ay bigla itong nagising. Nagulat ito at napatanga ng
mabungaran siya. Unti-unti siyang lumayo at bumangon na ito.
"Uy, anong ginagawa mo sa akin?" kastigo ni Blade.
Nag-init ang mukha ni Rane at saka siya nag-isip ng palusot. Sumimangot siya
kunwari.
"A-Ano... Tinitingnan ko lang kung bumubola na ang bibig mo dahil doon sa kabute na
kinain mo. Ikaw kasi eh! Ang siba mo!" naiinis kunwari niyang wika.
Napakamot sa kanyang ulo si Blade.
"Ganoon ba? He he he he, pasensiya na... Na-curious lang naman kasi ako eh. Ang
laki naman kasi nitong kabute."
"Malaki talaga, kasi ang daming ipot ng paniki sa ibaba. Iyon siguro ang rason kaya
naging higante ang kabute na ito."
Matapos magsalita ni Rane ay napatingin si Blade sa ibaba. Nasapo niya ang bibig at
saka pumuwesto sa may gilid.
"Waaargh!!..." nagsuka siya.
Matapos niyang ilabas ang kanyang mga sama ng loob ay agad siyang nagpunas ng
bibig. Nanghihina siyang napaupo.
"Puwede bang dito na muna tayo sandali? Sumama ng husto ang pakiramdam ko eh.
Animal!"
Natatawang napatingin si Rane kay Blade. Ang putla ng mukha nito.
"Bakit? Noong magjoke ka tungkol doon sa latik eh natawa lang naman kaming lahat
kahit na medyo nakakadiri iyon ah?"
"Eh hindi naman totoo iyon!"
Napangiti si Rane at matamang napatitig sa mukha ni Blade. Tumingin ito pabalik sa
kanya at saka ngumiti. Nagkatitigan sila at saka halos sabay na napayuko. Biglang
naging awkward ang moment.
"Ahm... Iyong pauso mo na 'I can't fight this feeling', paano mo naisip?" itinanong
na lang niya iyon para may topic.
Tumawa ng mahina si Blade at napatingala.
"Eh kasi naman, di ba? Kapag nandoon na talaga... Kahit na anong gawin mong fight
that feeling eh lalabas pa rin ang iyong nararamdaman kahit na anong mangyari? Mas
maganda nga na lumabas kaysa naman sa nabibitin kapag nandoon na."
Nasapo ni Rane ang bibig para magpigil ng tawa pero napabunghalit pa rin siya ng
tawa dahil doon sa paliwanag ni Blade. Green ang naiisip niya at hindi iyong
tungkol sa pinupunto nito.
"Woi! Anong nakakatawa?"
"K-Kasi naman... Nage-green ang utak ko eh! Ikaw naman kasi, ang 'ano' mo
magpaliwanag!" natatawang wika ni Rane.
Inisip ni Blade ang sinabi niya at saka din siya natawa. Ang green nga!
"Oo nga ano?! Ikaw ah, madumi na pala ang utak mo ngayon? Umayos ka ah." di
napigilang sermon ni Blade.
"Sa'yo lang naman ako natuto." ganti ni Rane.
Natawa si Blade ng mahina at matamang napatingin sa kanya. Napatigil sa pagtawa si
Rane kasi nakatitig na lang sa kanya si Blade habang nakangiti ng matipid. Nailang
siya.
"B-Bakit?" tanong niya.
Napangalumbaba ito.
"Wala lang."
Samantala.... Isang mabilis na nilalang ang sumugod kay Hunter, pero nakailag siya.
Napunit ang kanyang damit sa may likod dahil sa matalas na bagay na tumama doon.
Hindi nagtagal ay napaligiran na siya ng mga pangit na nilalang. Napatingin siya sa
mga iyon at napagtanto niyang mga demon...
"Bakit nandito ang mga ugly creatures na ito?"
Isa-isa siyang sinugod ng mga demon pero mabilis siyang bumulusok paitaas para
iwasan ang atake ng mga ito. Nagbuga ang mga ito ng asido na may nakakasulasok na
amoy. Ini-requip niya ang kanyang Angel's Arrow.
"Mga creation ni Beelzebub!" bulalas pa niya.
Ramdam niya sa mga demon ang aura ng isa sa Seven Prince of hell. Apat na piraso ng
palaso ang sabay-sabay niyang pinakawalan. Dalawa lang ang tinamaan niya at natunaw
ang mga ito ng tumama ang kanyang mga palaso sa kanilang ulo. Bigla namang nawala
sa paningin niya ang dalawa pang natitirang demon. Mukhang nagsasanay palang sa
pagkilos ang mga nilalang na ito, halatang mga bagong silang palang dahil hindi pa
sila ganoon kabangis at kaagresibo. Isa pa, wala siyang nakikitang senyales na
nakakain na ang mga ito ng tao. Naramdaman niya ang mga demon na nasa malapit. Sa
may itaas niya!
"Ginaya nila ang ginawa ko kanina." kalmado niyang wika.
Magkasunod na sumugod ang mga demon sa kanya... Nauuna ang isa at nakaumang ang
mga matatalas nitong kuko, agad niya itong hinarap at itinusok sa dibdib nito ang
palaso niya. Natunaw ito pero kasunod nito agad sa pagsugod ang natitirang demon.
Binago niya ang kanyang Angel's Arrow at ginawang Twin-Sword. Nagbuga ito ng asido
pero mabilis niyang ipinagaspas ang kanyang mga pakpak, nawala ang asido dahil sa
malakas na hangin. Inilpad palayo ang demon dahil sa ginawa niya pero agad niya
itong sinundan at sinugod. Hindi niya ito hinayaang makakilos, hiniwa niya ang buo
nitong katawan sa maraming piraso. Naabo ang pira-piraso nitong katawan at naglaho.
"Anong ginagawa ng mga mahihinang demon na ito dito sa lupa? Imposibleng makawala
sila sa hell sa ganoon kahinang antas... Maliban na lang kung..."
Nanlaki ang mga mata ni Hunter.
"Maaaring dito sila ginawa ni Beelzebub! Ano ang pinaplano niya?! At kung hindi ako
nagkakamali, ang mga demon na iyon ay parte ng isang malaking hukbo ng mga demon.
Marami nang puwedeng mapatay na tao ang mga iyon..."
Umuwi na si Hunter at hanggang sa bahay ay napapaisip siya tungkol doon sa mga
demon na naka-engkuwentro niya.
Samantala... Tuluyan nang nailang si Rane sa ginagawang pagtitig ni Blade sa
kanyang mukha.
"Tigilan mo nga iyan." saway niya.
Lumuwang ang ngiti sa labi ni Blade at pasimpleng hinaplos ang buhok niya.
"Napansin ko lang, mahaba na pala ang iyong hair... In-fairness, kahit na medyo
wavy ay walang split-ends."
Natawa siya dito at saka bahagyang napailing.
"Para ka namang parlorista diyan sa ginagawa mo eh." wika pa niya.
Pero unti-unting nawala ang ngiti niya nang unti-unting mapunta ang kamay ni Blade
sa kanyang pisngi. Natuliro siya ng haplusin nito iyon ng marahan.
"Salamat at hindi ka napahamak kanina. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung
nagkataong nasaktan ka at wala man lang akong nagawa. Nag-alala ako ng sobra."
Napakurap si Rane at wala sa sariling napahawak sa kamay ni Blade na nakahawak sa
kanan niyang pisngi.
"Salamat sa pag-aalala, pero ayos lang naman ako. Hindi naman ako napano. Sa
palagay ko, malakas kasi ang anghel ko sa langit eh..." napangiti niyang wika.
Natawa ng mahina si Blade.
"Anak na lase! Tama ka, kahit na ganito ako... Malakas nga ako sa langit."
Tumango siya bilang pagsang-ayon dito. Marahan nitong binitawan ang kanyang pisngi
at siya naman ay napabitaw na sa kamay nito. Nag-init ang kanyang mukha kasi ang
awkward naman yata noon? Masaya siyang kasama si Blade kahit na masyado itong
nakakabaliw. Iyon nga ang gusto niya dito eh, ang kabaliwan nito. Huminga ng
malalim si Blade at saka na tumayo. Inilahad nito ang kamay sa kanya.
"Tara, umalis na tayo dito."
"Sige, mabuti pa nga."
Inabot niya ang kamay ni Blade at tinulungan siya nito sa pagtayo. Halos sabay pa
silang napatingin sa itaas. Binitawan ni Blade ang kanyang kamay at pumuwesto ito
sa kanyang harapan nang nakatalikod.
"Sumakay ka sa likod ko, aakyat ako para makaalis na tayo dito. Di ko kasi puwedeng
gamitin ang mga pakpak ko, di kasya doon sa butas. Masikip eh."
Sandaling natigilan si Rane kasi natatawa na naman siya... Green kasi ang isip niya
doon sa huling sinabi ni Blade. Ewan ba niya pero ang green ng utak niya ngayon.
Ganoon pa man ay sumilay pa rin sa labi niya ang isang ngiti.
"Ano na namang tinatawanan mo diyan ah? Nalase ah, baka kumain ka rin ng kabute?!"
puna ni Blade.
"H-Hindi ako k-kumain ng kabute, wala lang ito... May nakakatawa lang akong
naaalala. Sige na, huwag mo na akong pansinin!" natatawa pang wika ni Rane.
Sumakay na siya sa likod ni Blade at binuhat na siya nito. Umakyat na ito paitaas
gamit ang mga naglalakihang bato na nakausli sa butas. Rock climbing... Ilang
sandali pa ay nakarating na sila sa itaas. Bumaba agad si Rane at napatingin kay
Blade na humihingal at pawis na pawis.
"Ayos ka lang?" tanong niya.
"G-Grabe ka Rane! Ang bigat mo na! Tumataba ka na yata?! Sumakit ang mga braso ko
ah, anak na lase!"
Aware na napasipat si Rane sa kanyang katawan. Hindi naman siya tumaba pero mas
matangkad na siya kaysa sa dati. Yamot siyang tumingin kay Blade.
"Hay naku, Blade... Sign of aging... Matanda ka na kasi!" kantyaw na lang niya.
Napapunas nang mukha si Blade at saka nakakalokong tumingin sa kasama niya.
"Oo na, matanda na nga ako... Pero atleast, I'm always hot! Walang-kupas! Wa ha ha
ha ha ha!"
Napaismid si Rane at napailing. Napatingin siya kay Blade na para na namang bangag.
Pero sang-ayon siya sa sinabi nito.. Palagi nga itong hot kahit parang bangag.
"Tara na nga lang! Baka hinihintay na tayo ng mga kasama natin." yaya na niya kay
Blade.
"Sige, tara na."
Naglakad na sila pabalik at nadatnan nilang busy na sa pagkain ng pananghalian ang
kanilang mga kasama. Busy nga si Drake sa pag-aasikaso kay Sienna. Sinusubuan nito
ang bata.
"Uy, talaga lang ah?! Daddy Drake!" bungad ni Blade.
"Tumigil ka nga! Mukhang malala yata ang tama ng kabute sa'yo?" namumulang wika ni
Drake.
"Wala na no. Tsaka, dati na kaya akong may tama?"
Naupo naman na si Rane sa tabi ni Conrad. Inabutan siya ni Daisy ng plato at
kubyertos.
"Salamat ah?"
"Wala iyon. Nauna na kaming kumain kasi gutom na ang mga bata eh. Lalo na itong si
Sienna, nag-alburuto nga kanina noong magising. Mabuti na lang, napatahan namin ni
Drake." kuwento pa nito.
Napatingin si Rane sa dalawa at saka napangiti pero di na lang siya umimik. Kumuha
na siya ng mga pagkain.
"Talagang puwede na..." sutil pang kantyaw ni Blade sa dalawa.
Isang masamang tingin ang ipinukol ni Drake pero di ito nagsalita. Iyon nga lang ay
hindi nakaligtas sa kanya ang pasimple nitong ngiti. Hindi na lang niya iyon
pinuna. Kumain na lang din siya at nagkuwento ng kung ano-ano. Nang matapos silang
kumain ng lunch ay sabay-sabay pa silang namasyal sa loob ng gubat. Nanguha sila ng
mga wild na pako para iuwi.
Hapon na ng makabalik sila sa bahay ni Drake. Napagpasyahan nilang magpahinga muna
sandali doon bago ihatid ang mga kasama sa kanya-kanya nilang bahay. Nadatnan nila
si Hunter sa may sala na frustrate sa hawak nitong damit na may punit.
"Anong nangyari diyan?" untag ni Drake.
Napakislot si Hunter at napatingin sa mga bagong dating. Gusto na niya sanang
magkuwento tungkol sa nangyari pero nakita niyang kasama ng dalawa sina Rane,
Conrad, Daisy at ang cute na si Sienna na natutulog sa mga bisig ni Drake. Buhat
nito ang bata. Ilang sandali siyang nag-isip ng sasabihin hanggang sa may maisip na
siya...
"Sa palagay niyo, kagagawan na naman ba ito ng Yokai?!"
**************************************
#new MEN IN ACTION 8: ROUGE MAXIMUS
sorry, medyo napatagal ang update..., nadraft pala. di nagpublish...

47. The Proposal

"The Proposal"

"Alexa, matagal ka pa ba diyan?" naiinip na tanong ni Sebastian.


Kinatok niya ng tatlong-beses ang pinto ng banyo. Natigilan naman si Alexa at
bahagyang nataranta. Ang lakas ng kabog ng puso niya at saka siya napatingin sa
hawak niyang pregnancy test kit. Pumikit siya at muling nagmulat ng mga mata para
tingnan kung totoo ba talaga ang nakikita niyang result... Pero totoo nga talaga!
Dalawang guhit na pula ang nakalagay, positive! Ilang beses siyang napahinga ng
malalim at saka pasimpleng sinapo ang kanyang dibdib. Nag-poker face siya bago niya
binuksan ang pinto at lumabas ng banyo. Nadatnan niya sa bungad ng banyo si
Sebastian na halatang kinakabahan at nag-aalala.
"K-Kamusta?" tanong ni Sebastian.
Hindi nagsalita si Alexa pero bigla na lang niya itong niyakap ng mahigpit sa
sobrang excitement. Impit siyang napatili.
"Ayos ka lang?" nag-aalala pang tanong ni Sebastian.
Hinarap niya ito at ikinulong niya ang mukha nito sa kanyang mga kamay. Mabilis
niya itong hinalikan sa labi sabay sabing....
"Positive! I'm pregnant, Seb!" excited niyang wika.
Napabuka ang labi ni Sebastian pero hindi siya makapagsalita. Maraming beses siyang
napakurap pero nang tuluyan na siyang makabawi sa pagkakabigla ay mahigpit niyang
niyakap pabalik si Alexa kasunod noon ang paghalik niya sa buo nitong mukha. Hindi
pa rin siya makapagsalita dala ng labis na excitement.
"Masaya ako, sobra... But I'm scared. Hindi ko alam kung kaya kong maging mabuting
Mommy..."
"Alexa, you're going to be a very good Mom. There's nothing to be scared of.. I'm
here for you and for our baby. Di ko kayo iiwanan kahit na anong mangyari. Hindi mo
lang alam kung gaano ako kasaya ngayon. Di na nga ako makapagsalita kanina eh...
Thanks for everything! Your a blessing in disguise..."
Masuyong hinalikan ni Sebastian ang noo ni Alexa. Hinaplos naman ng huli ang pisngi
ng binata.
"If I'm your blessing... Well, your my angel in disguise, Seb... You save me from
burden of being alone. I love you..."
"I love you, Alexa..."
He smack a gentle sweet kiss... But slow it became intense and passionate...
Samantala... Ikinukuwento ni Hunter sa mga kasama ang engkuwentro niya sa mga demon
na creation ni Beelzebub. Matamang napatingin sa kanya ang lahat.
"Ang mga demon na nakaharap ko, bahagi ng isang malaking army... Mukhang
nagplaplano ng annihilation si Beelzebub. Mahihina para sa atin ang mga demon na
nakaharap ko pero kaya nang pumatay ng mga iyon ng napakaraming tao."
"Kung ganoon, kailangan nating maghanda para sa nalalapit na laban. Siguradong
hindi biro ang bagay na iyon." wika ni Azrael.
Nakasabay ito nina Blade sa daan noong inihatid nila sina Rane, Daisy, Conrad at
Sienna sa kani-kanilang bahay.
"Nalase, hindi natin uurungan ang lahat ng iyan!" pakli din ni Blade.
Nakadama siya ng pag-aalala para sa mga tao lalo na iyong mga malalapit na sa kanya
at mahal niya. Gagawin niya ang lahat huwag lang silang mapahamak.
Kinabukasan... Nagtatakang napatingin si Daisy sa mukha ni Sebastian. Uwian na nila
sa school at inaabangan siya ng binata sa gate ng kanilang school. Mayroon na naman
ba kayang ipinapabili ang ate Alexa niya? Iba na talaga ang pagke-crave nito ng
pagkain ah?
"Kuya, may kailangan ka?" untag niya sa lalaki.
Isang maluwang na ngiti ang isinalubong nito sa kanya. Nagulat pa siya ng hawakan
nito ang kanyang mga kamay at nangingislap ang mga mata nitong napatingin sa kanya.
"Daisy... Buntis ang ate Alexa mo! Kahapon, pinilit ko siyang gumamit ng Pregnancy
test kit at positive ang result. Kagagaling nga lang namin kanina sa isang OB-Gyne
Clinic at sinabi ng doktor na eight weeks na siyang nagdadalang-tao. You see? We
are going to be parents! Noong madalas na ang pagke-crave niya ng kung ano-anong
pagkain, naghinala na ako tungkol sa bagay na iyon. Maraming beses ko nga siyang
kinulit na mag Pregnancy Test Kit at maraming beses din kaming nagkatampuhan ng
kaunti dahil doon pero napasuko ko siya. Grabe ang saya ko!"
Napakurap si Daisy at natuliro ng bahagya... Tama iyong hinala nilang lahat nila!
Hindi nagtagal ay napangiti siya hanggang sa matawa siya ng mahina. Masaya siya
para sa kanyang ate Alexa.
"Ang saya kung ganoon!" bulalas pa niya.
Napatango-tango si Sebastian sa kanya.
"Gusto ko sanang hingiin ang tulong mo. Mayroon akong plano." excited pang wika ni
Sebastian.
"Anong plano?" excited na tanong ni Daisy.
Binitiwan ni Sebastian ang mga kamay niya at may kinuha itong kung ano sa kanang-
bulsa ng pantalon. Isang blue-velvet box at may idea na siya kung para saan iyon.
"Puwede mo ba akong tulungan tungkol dito?" tanong pa ng binata.
Ngumiti siya pilya.
"Naku naman! Tinatanong pa ba iyan? Siyempre, tutulungan kita, Kuya. Iyon nga lang,
kakailanganin natin ng maraming resbak. Hindi ako expert sa ganyan pero baka sina
Drake, may alam..."
"Kung ganoon, tara na!"
"Sige!"
Excited ang dalawa na nagpunta sa bahay ni Drake. Samantala... Panay ang hinga ng
malalim ni Azrael habang nakatitig siya sa hawak niyang maliit na paperbag na may
lamang dalawang cup noodles na seafood ang flavor. Hindi siya gaanong kuntento sa
mga paliwanag ni Raphael. Kailangan niyang makasiguro... Tumuloy siya sa pagpasok
sa loob ng maliit na flowershop. Pagkabukas niya ng pinto ay nag-cling ang
windchime na nakasabit doon. Nadatnan niya ang dalaga kasama ng mga katrabaho nito
na busy sa pag-aarangge ng mga bulaklak.
"May I help you, Sir?" magalang na wika ng isa sa mga staff.
Maluwang ang ngiti ng lalaki na may mapulang lipstick sa labi. Medyo may kaliitan
ito pero maputi.
"A-Ahm... Si Jewel?" pasimple niyang tanong.
"Ay! Akala ko pa naman ako ang kailangan mo. Sandali lang, fafa ah?"
"Wait lang, tatawagin ko siya."
Nilapitan nito si Jewel na busy sa ginagawang pagka-cutting ng mga mahahabang stem
ng mga red roses.
"Ganda, may guwapong nilalang na naghahanap sa'yo. Nabiktima na naman yata ng iyong
kagandahan! Kakalurky, akala ko pa naman, ako na!"
Napatigil sa ginagawa si Jewel at napangiti sa kaibigan niyang si Asunta. Tumingin
siya sa itinuro nitong direksyon at bahagya siyang nagulat ng makita niya si
Azrael. Kahapon lang ay nasa bahay nila ito kasama ng kanyang Lola. At ngayon naman
ay pinuntahan siya ng binata. Amaze siyang lumapit dito.
"Azrael, anong ginagawa mo dito?" napangiti niyang tanong.
Isang matipid na ngiti ang namutawi sa labi ni Azrael. Nag-ipon siya ng kapal ng
mukha at lakas ng loob.
"A-Ahm... Yayayain sana kitang magmeryenda...?" alanganin niyang tanong.
Iniumang niya ang dalang paperbag at napatingin sa hawak niya ang dalaga. Kinuha
nito iyon sa kanya at sinilip ang laman sa loob.
"Cup noodles na seafood flavor..?" natawang pakli ni Jewel.
"B-Bakit..? May problema ba?" alanganing tanong ni Azrael.
Napapangiting tumingin sa kanya si Jewel.
"May pagkamanghuhula ka rin ano?"
"Talaga? Bakit..?"
"Paborito kong flavor ang seafood sa cupnoodles. Pero pasensiya ka na, kailangan
mong maghintay ng kaunti. Mamayang five pm pa ang labas namin."
Tumingin sa relo si Azrael. 4:37 pm na. Ngumiti siya kay Jewel.
"Maghihintay ako sa labas. Maglalakad-lakad ako ng kaunti. But anyway, para hindi
naman nakakahiya... Bibili ako ng mga bulaklak."
"Sige, anong bibilhin mo?"
"White roses... Ilalagay ko sila sa altar."
"Mga ilang piraso?"
"Isang dosena."
"Sige. Alam mo, pagkatapos mo silang ilagay sa altar... Kapag nalanta na ang mga
bulaklak, puwede mong itanim iyong stem ng rose sa paso o kaya sa lupa. Mabubuhay
sila, basta ba huwag lang magalaw kasi sensitive masyado kapag nasa propagating
period."
"Susubukan kong gawin. Hindi naman kasi ako green thumb."
"Subukan mo lang. Si Lola ang nagturo sa akin noon. Maiwan muna kita ah? Kukunin ko
lang ang order mo."
"Okay..."
Pagkaalis ni Jewel ay lihim na napasuntok sa hangin si Azrael. Ngayon ay confirm na
niyang talaga ang sinabi ni Raphael sa kanya.
Samantala... Yamot na yamot na nagmulat ng mga mata si Drake. May kung sinong
makulit na kumakatok sa pinto ng bahay niya. Kagaya ng dati ay naiwan na naman
siyang mag-isa kaya naman sinamantala niya ang katahimikan ng paligid para matulog
ng buong-araw sa loob ng kanyang kabaong.
"Abuwisit ak pa!" nayayamot pa niyang wika.
Patamad niyang binuksan ang kanyang kabaong at saka siya marahang bumangon. Mukhang
hindi titigil iyong isturbong kumakatok sa may pinto. Gigil niyang ikinuyom ang
kanyang mga kamao.
"Humanda ka sa akin kung sino ka man! Isturbo!" sabay kamot ng marahas sa kanyang
buhok.
Napahikab siya at nag-inat-inat ng katawan. Nakasuot si Drake ng manipis na puting-
sando at violet na puruntong shorts na may maliliit na stripes ng puti. Patamad
siyang lumabas ng kanyang silid at saka marahang bumaba ng hagdan. Patuloy ang
pagkatok sa pinto ng kanyang di inaasahang bisita.
Pumunta na siya sa may pinto at patamad na binuksan iyon.
"Hello, Drake! Nakaisturbo ba kami?" ang nakangiting bungad ni Daisy.
Napatanga si Drake at tarantang napasipat sa kanyang sarili... Kasama ng dalaga si
Sebastian(Hydrian). Napakurap siya ng maraming beses.
"N-Naku! Hindi! Hindi kayo nakaisturbo sa akin. Pasok kayo, tuloy! Teka lang, ha?
Magpapalit lang ako ng damit!"
Tuluyan na niyang pinapasok sa loob ng bahay ang kanyang mga bisita at siya naman
ay dali-daling umakyat pabalik sa kanyang silid para magbihis. Natataranta siyang
nanguha ng maisusuot na damit sa loob ng kanyang cabinet. Kasunod noon ay nagpunta
siya sa loob ng kanyang banyo para magmumog ng mouthwash at maghilamos ng mukha.
Ang awkward naman noon! Nakita siya sa ganoong ayos! Lumabas na siya ng banyo at
dali-daling nagpalit ng damit. Nagwisik pa siya ng kaunting pabango bago tuluyang
lumabas ng kanyang kuwarto at pumanhik pababa. Nadatnan niya ang mga bisita sa sala
na nakaupo sa sofa at hinihintay siya.
"Pasensiya na kayo ah? Ano ba ang atin?" bungad niya.
"Ikaw ang pasensiya, Drake. Nakaisturbo yata talaga kami eh?" wika ni Daisy.
"Hindi naman. Hindi talaga, promise! Basta ikaw... Ano ba ang ipinunta niyo dito?"
tanong niya sabay upo sa pang-isahang sofa.
Huminga naman ng malalim si Sebastian.
"Hihingiin sana namin ang tulong niyo nila Blade..." umpisa niya.
"Para saan?"
"Balak kong mag-propose kay Alexa."
Nasapo ni Drake ang dibdib.
"Oh! Kegtot my heart!"
Mayabang siyang tumingin sa dalawa at saka ngumiti.
"Alam niyo, tama ang nilalapitan niyo para sa bagay na iyan.. Me, the mister
romantiko... You know... Mr. Midnight also known as Dr. Heart..."
Nakahinga ng maluwag si Sebastian at maluwang na napangiti.
"Gusto kong planuhing maigi ang gagawin natin. Magpropropose ako sa lugar kung saan
kami unang nagtagpo ni Alexa. I want to arrange the place ito a romantic ambeance.
Iyong matutuwa siya ng husto at masosorpresa. I want to give her the best
proposal... Alam mo kasi, Drake... Alexa was carrying my child, now. She's eight
weeks pregnant. Kaya sana maintindihan mo kung bakit gusto kong gawing bongga ang
lahat."
Bahagyang natigilan si Drake matapos niyang marinig ang sinabi ni Sebastian. Pero
nang makabawi siya sa pagkabigla ay naibulalas niyang..
"Abuwisit ak pa! Ang tinik mo, p're!" na-amaze niyang wika.
Natawa naman si Daisy sa naging reaksyon ni Drake. Kagaya niya ay nagulat din ito
pero halatang masaya ito sa nalamang balita.
"Oh, mabuti ka pa... But anyway, tatawagan ko na lang muna ang tropa para makapag-
umpisa na tayo sa ating mga gagawin. Relax ka lang diyan kasi kami na ang bahala.
Magtiwala ka sa mga Mister Romantiko... Pero ibang klase ka ah? Matinik ka pala
talaga, p're!"
Natawa na lang at napailing si Sebastian sa pangangantyaw ni Drake. Tinawagan
naman na ng huli ang tropa nito.
Samantala... Kalalabas lang nina Blade at Hunter sa school. Dumiretso si Blade sa
stall kung saan may nagtitinda ng streetfoods. Fishball, kikiam, lumpiang gulay,
cheese stick. meatballs, kwek-kwek at siomai.
"Uy, Sir Blade! Anong order mo?"
"Bigyan mo ako ng limang-piraso ng siomai. Tapos, limang-piso na palamig."
"Okay! Sandali lang, Sir."
"Mang Kanor, puwedeng lista na lang muna ulit? Ilan na ba ang utang ko?"
"Nakasingkuwenta ka na, Sir. Di bale, alam ko namang di mo ako tatakbuhan eh."
Napakamot sa ulo si Hunter.
"Pambihira ka naman, Blade!" napailing niyang wika.
Binalingan niya ang tindero.
"Ako na po ang magbabayad doon sa utang ni Blade. Nakakahiya naman po sa inyo."
Naglabas ng singkuwenta pesos sa wallet niya si Hunter at binayaran ang tindero.
"P're, I love you! Thank you!"
"Tama na ang thank you. Bakit ba palagi ka na lang naso-short sa datung?" curious
na tanong ni Hunter.
Humalukipkip si Blade.
"Wala kasing pambayad sa exam iyong ilan sa mga estudiyante ko eh. Tapos ang ilan
din sa kanila, walang pambili ng project... Kawawa naman sila, kaya inabunuhan ko
na muna..."
Tinapik ni Hunter ang balikat niya.
"Your really an angel!"
"Nah... Tumigil ka ngang lase!"
Natawa ang tindero sa kanila. Iniabot nito order ni Blade.
"Ayan Sir! Dinagdagan ko ang siomai mo. Marami ngang estudiyante ang nagsasabi sa
akin na tinutulungan mo sila sa mga ganyang problema. Isa pa, sinusuwerte ako kapag
bumibili ka sa akin."
"Salamat, Mang Kanor. Bukas ulit!"
"Salamat din!"
Naglakad na sila paalis at akma pa lang susubo si Blade ng pagkain ng biglang mag-
ring ang cellphone niya. Kinuha niya iyon sa bulsa ng kanyang pantalon at nakita
niyang si Drake ang tumatawag. Agad niya iyong sinagot.
"Yes, bakit, akin, apay..?"
"Pauwi na ba kayo?"
"Yups.."
"Bilisan niyo lang. May meeting tayo. Importante at mahalaga ang pag-uusapan nating
lahat. Nandito na sina Zech at Creta... Kayo na lang ang hinihintay."
"Nalase, parating na kami ni Hunter. Maghintay kayong lahat diyan!" yamot na wika
ni Blade.
Ini-end niya ang tawag.
"Ano daw?" untag ni Hunter.
"Bilisan na daw natin ang pag-uwi kasi may importante at mahalaga tayong pag-
uusapan sa bahay. Anyway, gusto mo?"
Iniumang ni Blade ang basong hawak niya na puno ng siomai na may sawsawang toyo na
may sili, toasted na bawang at dried chili peppers.
"Salamat na lang. Alam kong kulang mo pa iyan."
"Huh, pinapakita ko lang naman ah. Di naman kita bibigyan. Ahm!" sabay subo ng
pagkain.
"Abuwisit ak pa!" wika na lang ni Hunter.
Nagpatuloy sila sa paglalakad pauwi ng bahay. Pagdating nila doon ay nadatnan nila
ang mga bisita.
"Ano ba ang atin?" tanong ni Hunter.
Tumikhim si Drake.
"Mga p're! Kailangan ni Sebastian ang tulong natin. Magpro-propose siya kay Alexa."
Amaze na napatingin sina Hunter at Blade kay Sebastian(Hydrian).
"Nalase, talaga?!"
"Oo eh..." wika pa ni Sebastian.
Matapos iyon ay ibinalita na rin niya sa dalawa ang tungkol sa pagdadalang-tao ni
Alexa. Kagaya ng iba ay nagulat din ang mga ito pero sandali lang naman. Natuwa din
sila sa nalaman.
"Kung sa mga bulaklak lang, sabi ko, ako na ang bahala. Basta tulong-tulong tayo sa
pag-aayos ng lugar kung saan balak magpropose nitong si Sebastian." wika pa ni
Zech.
"Saan mo ba balak magpropose, Mr. Romantiko?" tanong ni Hunter.
"Kagaya ng sinabi ko sa kanila.. Doon sa lugar kung saan kami unang nagtagpo ni
Alexa. Sa may ilog na malapit lang dito." nakangiting wika ni Sebastian.
Naupo sina Blade at Hunter. Nagsimula na silang magplano para sa gagawing proposal
ni Sebastian.
Kinabukasan ay napangiti si Alexa ng makaamoy siya ng mabango sa gilid ng kanyang
unan. Marahan siyang nagmulat ng mga mata at nabungaran niya ang isang puting-lily
na may guhit ng red sa gitna ng mga petals. Marahan siyang napabangon, wala si
Sebastian sa kanyang tabi pero may nakadikit na note sa bulaklak. Kinuha niya ang
papel at saka binuksan. Binasa niya ang sulat.
"Let's play hide and seek today. If you'll find me, you will get a wonderful
prize..."
Napangiti si Alexa at napakagat sa kanyang labi. Na-excite siya at kinilig. Ano
kaya ang prize na naghihintay sa kanya kung sakaling mahanap niya si Sebastian..?
Mukhang may niluto itong sorpresa para sa kanya at gustung-gusto niya ang
surprises. Bumangon na siya sa kama at agad na nagtungo sa banyo pero hindi niya
nakita doon si Sebastian kaya naman napatakbo na lang siya palabas ng kanyang silid
at sinimulan niya ang paghahanap sa binata sa bawat sulok ng bahay niya.
Samantala... Busy sa pagtatabas ng mga sobrang sanga ng puno sa paligid ng ilog
sina Blade, Drake at Hunter. Si Zech naman ay naglalagay ng mga magagandang
bulaklak sa paligid. Pula at puting roses. Gamit naman ang kapangyarihan ni Creta
ay gumawa siya ng mini-gazebo na nilagyan ng maninipis na puting-kurtina. Naglagay
siya ng pandalawahang mesa sa gitna noon. Kasunod ang pulang-mantle, maliit na vase
na palalagyan niya ng bulaklak kay Zech mamaya.. At dalawang plato at kubyertos.
Nasa may basket ang mga pagkaing iniluto ni Hunter. Iniayos niya ang mga iyon at
siyempre... Hindi makukumpleto kung walang malamig na malamig na wine. Naglagay din
siya ng dalawang cute na goblet...
Nilapitan siya ni Zech at naglagay ng mga rose vines sa paligid ng gazebo. Kulay-
peach ang mga iyon. Matapos iyon ay nilagyan nito ng bubot na red and white roses
ang maliit na vase na nasa gitna ng mesa.
Pumunta sa may bungad ng gazebo si Creta at naglagay ng pulang carpet. Sumunod si
Zech at nagpaulan ng mga napakaraming puti at pulang rose petals... Nakita nila sa
tabi si Sebastian na nakaupo at matamang nakatitig sa hawak nitong kahon. Halatang
kinakabahan ang binata. Nilapitan nila ito.
"Relax ka lang. Magiging okay ang lahat. Basta maging tapat ka lang sa lahat ng
sasabihin mo. Hindi na kailangan ng maraming love quotes." payo ni Creta.
Tumingala siya at ngumiti kina Creta at Zech.
"Salamat sa lahat. Tatanawin ko ito bilang utang na loob."
"Walang anuman." sagot ni Zech.
Sinipat niya ang relo niya sa kanyang kanang-bisig.
"Pasensiya ka na, kailangan ko nang umalis. May naghihintay kasi sa aking kliyente
eh." paalam niya.
"Hindi mo kailangang humingi ng pasensiya. Ako ang nakaabala."
"Wala iyon. Basta, galingan mo na lang?"
Natawa ng mahina si Sebastian.
"Ako rin, kailangan ko nang umalis. May pupuntahan kaming Medical Mission ni Father
Piyo." paalam na rin ni Creta.
"Sige lang."
Sumaludo si Creta at sumaludo naman pabalik si Sebastian. Magkasunod na naglakad
paalis ang lalaki. Natapos naman na sa pagtatabas ng mga sanga ng puno sina Hunter,
Blade at Drake. Pawisan silang lumapit kay Sebastian. Nakasuot ito ng puting t-
shirt at maong na pantalon. Maayos na maayos ang buhok nitong may magkaibang kulay.
"Pare, okay lang ba na maiwan ka na muna dito ng mag-isa? Uuwi lang kami sandali sa
bahay para magbihis ng damit. Tapos, susunduin na namin ang iyong damsel in
distress. I-escort namin siya para masiguro ang kanyang safety." wika ni Hunter.
"Sige, okay lang ako dito. Kaya ko naman ang sarili ko. Pakibilisan lang ah?"
"Oo naman! Nalase, basta relax ka lang ah?" sagot ni Blade.
"Oo, ginagawa ko na."
"Sige!" paalam pa ni Hunter.
"Basta tandaan, Hokage moves!" pahabol namang wika ni Drake.
Natawa at napailing siya dito, ito ang nagplano ng mga designs. Naglakad na paalis
ang tatlong-lalaki at naiwang mag-isa si Sebastian. Napangiti siya ng masipat niya
ang paligid. Mistula na iyong paraiso. Naglakad siya papunta doon sa gazebo na
ginawa nina Creta at Zech. Perpekto na ang lahat. Huminga siya ng malalim at
napamulsang tumingin sa malinaw na tubig ng ilog. Nilaro niya sa kanyang kamay ang
kahon na nasa loob ng bulsa niya.
Samantala... Halos mahilo na sa kakalibot sa loob ng bahay si Alexa pero di niya
makita si Sebastian.
"Urgh! Pinapahirapan mo naman ako eh! Nasaan ka na ba?" naiinip niyang wika.
Napakislot siya ng makarinig siya ng sunud-sunod na doorbell. Excited siyang
naglakad patungo sa may pinto at agad iyong binuksan. Bumungad sa kanya ang isang
malaking boquet ng pinaghalong pula at puting roses.
"Sebastian?!" excited niyang wika.
Nahawi ang mga bulaklak at ang pinsan niyang si Daisy ang nabungaran niya.
"Sorry to upset you, ate..." wika pa nito.
May hawak itong malaking kahon na nakaipit sa kaliwa nitong braso.
"Ipinadala ako dito ng iyong Prince Charming at sinabihan niya ako na ibigay sa'yo
ang dress na ito. Dapat mo itong isuot dahil mamaya lang, may mga royal guards na
susundo sa'yo. Dadalhin ka nila sa lugar kung saan mo matatagpuan ang iyong
hinahanap."
Pinapasok niya ang kanyang pinsan sa loob ng bahay. Excited niyang kinuha dito ang
hawak nitong kahon na may lamang dress at dali-daling nagpunta sa loob ng kanyang
kuwarto para maligo. Mas lalo siyang nai-excite sa mga nangyayari.
Natawa na lang si Daisy at tumuloy sa kusina para ayusin ang mga bulaklak na dala
niya. Hahanapan niya ang mga iyon ng magandang vase.
Samantala... Bahagyang napakislot si Sebastian ng makarinig siya ng mga yabag. Ang
lakas ng kabog ng puso niya at binalutan siya ng matinding excitement at kaba.
Isang maluwang na ngiti ang namutawi sa kanyang labi. Pumihit siya paharap pero
nawala ang kanyang ngiti nang makita niya ang lalaking nakatayo sa gitnang bahagi
ng red carpet...
"Oh, I think... I made you upset. Long time no see, Hydrian..." ang nakangiting
wika ni Beelzebub.
Napakunot ang kanyang noo.
"Sino ka?"
"Tsk! Ang sakit naman... Close na close tayo pero kinalimutan mo ako ng ganoon na
lang? Masyado ka namang nakaka-hurt." pasimpleng sinapo ni Beelzebub ang dibdib.
Napaatras si Sebastian(Hydrian). Hindi maganda ang nararamdaman niya sa lalaki.
"Nagbakasakali ako na makikita kita sa dati mong bahay pero wala ka talaga doon.
Kaya naman, naglakad-lakad ako hanggang sa makarating ako dito. Tingnan mo itong
paligid, Hydrian... Masyadong sweet para sa munti nating reunion!"
"Sino ka bang talaga? Anong kailangan mo sa akin?!"
Sinapo ni Beelzebub ang noo.
"Tama nga ang mga nakarating na update sa akin. Wala ka na sa sarili mong katinuan.
Nagkaroon ka ng brain-damage. Kailangan ko sa'yo..? Well, ikaw ang aking commander
para sa nalalapit na digmaan na binubuo ko. Your my demon."
"Tumigil ka! Umalis ka na! Hindi nababagay sa lugar na ito."
"Ow, come on! Pakinggan mo nga ang sarili mo? Wala ka na talaga sa iyong sarili.
Pero, huwag ka nang mag-alala. Nandito na ang aayos sa problema mo. Kaya kong
ayusin ang lahat sa pagbabalik ng mga nawala mong alaala. Ibabalik ko ang dati mong
buhay at pagkatao."
"Ayaw ko!"
"Hydrian... Hindi ikaw iyan!"
"Umalis ka na kung sino ka man. At huwag na huwag mo akong tatawagin sa pangalang
Hydrian dahil Sebastian ang pangalan ko! Ako si Sebastian!"
Natawa ng pagak si Beelzebub at matiim na tumitig sa kanyang kaharap.
"How dare you 3x a day! Wala kang karapatan na utusan ang isa sa Seven Prince of
Hell!"
Pinag-apoy ni Beelzebub ang kanyang katawan at mabilis na sumugod ng malakas na
suntok kay Hydrian(Sebastian). Pinagkrus naman ng huli ang kanyang mga braso para
protektahan ang sarili pero napaso siya sa apoy, nawala ang kanyang depensa at
tinamaan siya ng malakas na suntok. Tumilapon siya sa ilog at tumama pa ang kanyang
likod sa isang malaking bato bago tuluyang bumagsak sa tubig. Bahagyang napailing
si Beelzebub.
"Dinaan na kita sa pakiusapan pero mukhang mas gusto mo ang paspasan ah!"
Agad niya itong sinundan sa may ilog. Nakalutang siya sa ibabaw ng tubig at hindi
niya makita ang lalaki. Ilang sandali pa ay may humila sa kanyang kaliwang paa,
umahon mula sa tubig si Hydrian(Sebastian) at inihagis siya ng malakas patungo sa
malalaking bato. Nawasak ang mga iyon at natabunan si Beelzebub ng mga debris.
Sinamantala ni Hydrian(Sebastian) ang pagkakataon. Dali-dali siyang lumangoy
patungo sa pangpang ng ilog at agad na tumakbo palayo. Hindi siya papayag na
mapahamak si Alexa. Ilalayo niya ang kalaban. Ngunit hindi pa man siya tuluyang
nakakaalis ay biglang bumulusok ang malalaki at itim na kadena patungo sa kanya.
Hindi niya naiwasan ang mga iyon at nablutan ang buo niyang katawan. Itinaas siya
ng mga kadena at dinala sa kinaroroonan ng pulang carpet na may pula at puting
petals ng roses.
Nagtalsikan ang mga bato sa may ilog at lumitaw ang lalaking nagngangalang
Beelzebub. Nag-aapoy ang buo nitong katawan at lumulutang ito sa ere na lumapit sa
kanya. Nakabalot ang mga itim na kadena sa kanan nitong braso.
"Walang-hiya kang hayop ka. Matagal mo akong pinahirapan sa paghahanap sa'yo. Sa
tingin mo, basta na lang kita hahayaang makawala sa akin?!"
Sinuntok ng malakas ni Beelzebub sa tiyan si Hydrian(Sebastian) kasunod noon ay
malakas niya itong ibinalibag sa lupa gamit ang kanyang mga kadena. Nadurog ang
lupa at bumaon doon ang katawan ng kanyang kalaban. Hindi pa siya nakuntento ay
malakas niya itong sinipa sa tiyan at saka dinaganan. Pinagsusuntok niya ng malakas
ang mukha at katawan ng lalaki hanggang sa magsawa siya. Mariin niyang pinisil ang
baba nito.
"Hmf, dahil sa pagkawala ng memorya mo... Naging mahina ka na. Pero kagaya ng
sinabi ko, magagawan ko ng paraan. Ibabalik ko ang nawala mong alaala. Sa ayaw at
sa gusto mo, magiging si Hydrian ka na ulit! How dare you 3x a day!"
Gigil na tumingin si Sebastian(Hydrian) sa kanyang kaharap. Dinuraan niya ito ng
dugo sa kanyang bibig. Nasapol niya ang buo nitong mukha. Naiinis na napapikit si
Beelzebub kasabay ng mariing pagpunas ng mukha. Muli siyang nagmulat ng mga mata at
saka malakas na sinampal sa mukha ang kanyang kalaban.
"Tampalasang nilalang! How dare you 3x a day!"
"Hindi ako magiging katulad ng gusto mo. Mabibigo ka lang sa akin kaya pabayaan mo
na ako!"
Nagpupumilit na makawala si Sebastian(Hydrian) sa pagkakagapos pero wala siyang
magawa.
"Urgh!!!..." napaungol siya ng malakas.
Naglabasan kasi ang napakaraming tinik sa mga kadena at bumaon iyon ng todo sa
kanyang katawan. Kasunod noon ay ang malakas na atake sa leeg ang kanyang napala.
Nagdilim ang kanyang paningin at nawalan na siya ng malay. Isa namang ngiti ng
tagumpay ang namutawi sa labi ni Beelzebub. Umalis siya sa pagkakadagan kay
Hydrian(Sebastian) at iniangat niya ang katawan nito sa ere na walang-malay.
"Mukhang pahihirapan mo ako ng husto sa pagbabalik ng iyong mga alaala kaya itatago
kitang maigi. Maging ang mga fallen angels, di ka makikita."
Binalutan na ni Beelzebub ang sarili ng maitim na anino at saka siya naglaho sa
kawalan kasama ng kanyang bihag.
Samantala... Natapos na sa pagbibihis si Alexa at siya namang pagdating nina Blade,
Drake at Hunter. Puting dress na below the knee ang kanyang suot. Kinulot niya ang
kanyang buhok at naglagay siya ng light na make up. Napa-wow siya ng pagbungad niya
sa labas ng bahay ay may cute na carrage na kulay-puti. Kulay-puti din ang apat na
kabayo na humihila dito. Bumaba sa carrage si Blade at saka lumapit sa kanya.
"Halika na, Princess. Naghihintay na ang iyong Prince Charming..."
Inilahad nito ang kanang-kamay at willing niya iyong inabot. Inalalayan siya nito
hanggang sa pagsakay sa carrage. Naiwan naman si Daisy sa bahay. Nang makasakay
naman si Alexa ay piniringan siya ni Blade dahil mayroon daw surprise... Abot-abot
ni Alexa ang paghinga sa sobrang excitement at kaba pero pinipilit lang niyang
maging kalmado. Naramdaman niya ang pag-andar ng carrage. Si Hunter ang
nagmamaniobra noon at katabi nito sa harapan si Drake..
Napatanga ang tatlong-binata ng makita nila ang lugar na inayos nila. Wasak ang
paligid at nagkalat ang dugo... Amoy na amoy ni Drake ang dugo ni Sebastian.
"Abuwisit ak pa!" bulalas niya.
Napakislot si Alexa... May nararamdaman siyang tensyon. Medyo matagal na eh hindi
pa rin siya pinabababa.
"Anong nangyayari?!"
Hindi makasagot ang tatlo sa dalaga.
"Anong nangyayari?!"
"H-Huminahon ka, Alexa. Makakasama sa baby..." tarantang wika ni Blade.
"Sabihin niyo na kasi! Nasaan na ba tayo? Bakit tayo huminto?"
Hindi nakatiis si Alexa. Inalis niya ang piring niya sa mga mata at ilang beses
siyang napakurap. Tumingin siya sa paligid at tila binagsakan siya ng langit...
Wasak ang lahat at may nagkalat na dugo kasama ng petals ng mga bulaklak. May bakas
din ng apoy... Nanginginig niyang sinapo ang bibig at saka wala sa sariling
napababa ng carrage. Kitang-kita niya ang sunog na pulang carpet na may mga petals
ng roses na nababahiran ng dugo...
"S-Sebastian!"
She freak out and everything turn to black... Mabilis namang tinakbo ni Drake si
Alexa. Sinalo niya ito bago pa man ito tuluyang bumagsak sa lupa. Hindi nila alam
kung paano magapapaliwanag dito dahil maging sila, hindi alam ang nangyari...

48. Blackmail

"Blackmail"

"Kamusta si Alexa?" nag-aalalang tanong ni Drake.


Tahimik ang lahat at nakatingin kay Baste. Nakapamulsa ito sa pantalon at napahinga
ng malalim.
"She's fine. Maging ang baby na dinadala niya, ayos lang din. Malakas at napaka-
healthy ng bata. But she is emotionally distress. Paggising niya, iwasan niyong
magsabi ng mga bagay na magpapalungkot sa kanya. Huwag niyo siyang iiwanang mag-
isa. She has the fear of being alone. Makakasama iyon sa kanya."
Halos sabay na nakahinga ng maluwag ang lahat dahil sa narinig.
"Salamat naman kung ganoon." di napigilang pakli ni Drake.
Tumingin siya kay Hunter, mukhang pareho sila ng iniisip. Lumapit siya dito.
"Anong gagawin natin kapag nagising na siya? Paano tayo magpapaliwanag? Ano,
magsisinungaling tayo sa kanya?"
"Kung iyon ang makakabuti, bakit hindi? Basta ikaw ang bahalang mag-explain."
kibit-balikat na wika ni Hunter.
"Abuwisit ak pa! Anong ako?!"
"Sa ating dalawa, ikaw ang expert diyan. Hindi ba't ikaw si Mister Midnight?"
Napailing na lang si Drake at napamulsa sa kanyang pantalon.
"Oo na, ako na!"
Kinuha niya ang kanyang cellphone sa bulsa at saka niya tinawagan si Daisy para
ipaalam ang nangyari sa pinsan nito.
Samantala... Patuloy sa paghahanap sina Blade, Zech at Creta kay Sebastian(Hydrian)
sa may ilog. Umaasa sila na makakakuha sila kahit na isang clue.
"Mukhang matindi ang galit ni Beelzebub kay Hydrian ah? Sheyt na malagkit! Ano kaya
ang kailangan ng isang iyon at kinidnap niya si Hydrian?" di napigilang wika ni
Creta.
Napaisip silang lahat. Ayon kay Zech ay biglang naglaho sa kawalan ang bakas ng
aura nina Beelzebub at Hydrian. Gumamit raw ang isa sa Seven Prince of Hell ng
malakas na Black Magic. At hindi na iyon kayang i-trace ni Zech dahil napakataas na
ng level na iyon. Naglakad-lakad si Blade sa may pangpang ng ilog at pinulot niya
ang isang may katamtamang laki ng bato na natipak dala ng nangyaring gulo sa lugar.
Marahas niya iyong inihagis sa tubig at tumalbog iyon ng tatlong-beses bago
tuluyang lumubog. Napangiti siya ng mapait. Alam niyang ginawa ni Hydrian ang lahat
para lumaban. Kung may naalala lang sana ito, tiyak na hindi ito basta makukuha ni
Beelzebub. Pero wala, mahina ito ngayon dahil sa pagkawala ng memorya nito. Bigla
niyang naalala iyong naikuwento ni Hunter sa kanila tungkol doon sa mga demon na
nakalaban nito. Mga creation ni Beelzebub at bahagi ang mga demon na iyon ng isang
malaking army. Binalingan niya ang mga kasama na busy sa pagsipat sa paligid para
maghanap ng clue. Seryoso siyang lumapit sa mga ito.
"Bigla ko lang naalala na lase! Naikuwento sa amin ni Hunter na may nakalaban
siyang mga pangit na demon na creation ni Beelzebub. Ang sabi pa niya sa amin,
bahagi daw ang mga demon na iyon ng isang malaking army. Isang annihilation plan
ang binabalak niya. Hindi kaya may kinalaman iyon sa pagkuha niya kay Hydrian?"
desperado niyang tanong.
Napatingin sa kanya ang mga kasama at napatanga ng bahagya. Medyo napahawak sa
kanyang baba si Zech at matamang nag-isip... Isang malaking army para sa isang
annihilation?! Naalala niya ang itsura ni Hydrian... A mix of demon and angel...
"Animal, sana naman may ideya kayong lase sa nangyayari dahil dati niyong kasamahan
ang salot na iyon. Wala naman akong ibig-sabihing masama pero gusto ko lang na
makahingi ng clue. Gusto kong tulungang mapabuti si Hydrian na kagaya niyo..." wika
pa ni Blade.
Nagsign ng sandali ni Zech.
"Sandali lang ah? Medyo kinakalkal ko pa sa utak ko ang lahat ng nangyayaring
circumtances... Nag-iisip na ako..." pakli niya.
Ilang sandali pa ay naalala na rin ni Zech ang tungkol sa army of demons.
"I-Isang malakas na commander ang kailangan para mapamunuan ang malaking army ni
Beelzebub. Sa tingin ko, si Hydrian iyon. Kaya nasa iba siyang anyo ngayon. Nasa
gitna siya ng pagiging isang demon at angel. Hindi natuloy ang pagpapalit niya ng
anyo pero may pagkakataon si Beelzebub ngayon na mapapayag si Hydrian sa gusto
niya. Sana lang, huwag siyang bumigay..." nag-aalala niyang wika.
Hindi nakaimik sina Blade at Creta pero mababakas sa kanilang mukha ang matinding
pag-aalala. Alam nila ang kapasidad ni Beelzebub dahil isa ito sa Seven Prince of
Hell.
Samantala... Marahang nagmulat ng mga mata si Sebastian(Hydrian)... Masakit pa rin
ang buo niyang katawan at napangiwi siya ng maramdaman niyang hindi siya makagalaw.
Nagpumiglas siya pero may naramdaman siyang masasakit na tinik na bumaon sa kanyang
katawan kasabay ng pag-agos ng kanyang dugo. Sinipat niya ang kanyang sarili,
nababalot pa rin siya ng makapal na mga kadena na may mga tinik. Nakabitin ang
kanyang katawan sa ere. Sinipat niya ang paligid, madilim at tanging iilang ilaw
lang na mula sa mga itim na kandila ang nagbibigay ng liwanag sa paligid.
Tumingala siya at nakita niyang nakakabit ang makapal na kadenang nakagapos sa
kanya sa makapal na kisame. Ibinaon iyon doon. Isinwing niya ang sarili para maalis
niya ang pagkakakabit ng kadena sa kisame at umabot pa sa puntong bumalibag ang
kanyang katawan sa pader ng silid at lalong bumaon sa kanyang katawan ang mga
tusok... Pero di siya nagpatinag. Inulit niya iyon ng maraming beses hanggang sa
mapagod siya.
Humihingal siyang napahinto sa ginagawa at napayuko. Nakita niya sa sahig ang
maraming talsik at patak ng kanyang dugo. Kahit ganoon na iyon karami ay hindi pa
naman siya gaanong nakakaramdam ng panghihina. Alam niyang hindi siya tao, batid na
niya kung sino at ano ang pagkatao niya. Iyon nga lang ay di niya magawang
palabasin ang tunay niyang lakas dahil wala siyang maalala na kahit na ano.
Napaangat siya ng tingin ng makarinig siya ng papalapit na mga yabag.
Hindi na siya nagulat ng bumungad sa kanya ang lalaking nagngangalang Beelzebub-isa
sa Seven Prince of Hell. Isang matipid at makahulugang ngiti ang nakasilay sa labi
nito habang mariin itong nakatitig sa kanyang mukha.
"Hello, good morning! Gising ka na pala, aking half-breed creation!"
Tumingin sa paligid si Beelzebub. Maraming talsik ng dugo nito. Pasimple niyang
tinitigan ang kisame, gumalaw ang pagkakakabit ng kadena niya doon. Napamulsa siya.
Nilaro niya ang dulo ng strands ng kanyang buhok na kulay-brown. Lagpas-balikat
iyon. Gigil na gigil na nakatitig sa kanya ang kayang bihag.
"Pakawalan mo ako dito! Sabihin mo, ano ang dahilan at dinala mo ako sa impiyernong
lugar na ito?!!..." di nakapagpigil na wika ni Sebastian(Hydrian).
"Chill, my dear... Hindi pa ito ang impiyerno. Nasa isang lumang secret chamber
tayo. At kung ano ang dahilan kung bakit kita kinuha at dinala dito..? Hmm... Balak
ko lang naman na ituloy ang plano nating dalawa."
Natigilan si Sebastian(Hydrian) sa huling salitang sinabi ng kanyang kaharap.
Napakurap siya.
"P-Plano natin..?" tuliro niyang wika.
"Why..? Di mo naaalala?" nang-aasar na wika ni Beelzebub.
Natuon ang atensyon niya sa kulay-ube nitong mga mata. Deretso itong nakatitig sa
kanyang mukha. Tinapik naman kunwari ni Beelzebub ang noo.
"Ah... Wrong-mistake! Nawala nga pala ang memorya mo dahil sa nangyaring pagpapalit
mo ng anyo. Paano naman kasi? Bigla ka na lang nagising sa kalagitnaan ng process.
Pero ang importante at mahalaga, nakuha na kita. Ang commander ng aking army..."
"Huh, at sa tingin mo, magpapagamit ako sa'yo?! Gago ka!... Hindi iyon mangyayari!"
gigil na wika ni Sebastian(Hydrian).
Napahawak sa kanyang labi si Beelzebub at painosenteng tumingin sa mukha ng kanyang
bihag.
"Actually, hindi nga. Ikaw ang tipo na ginagawa ang gusto at ayaw na ayaw sumunod
sa utos ng iba. Kaya lang, naisahan kita noon eh. Alam kong ginamit mo ang
pakikipagsabwatan sa akin para sa paglaya mo mula sa Black Circle Organization pero
inisahan din naman kita para magamit sa binubuo kong plano. Isang napakasamang
nilalang na uhaw sa kapangyarihan at iyon ang kahinaan mo. Ngayon Hydrian, may
naalala ka na ba kahit na kaunti...? Bumabalik na ba sa pagkatao mo kung gaano ka
kasama dati? Huwag ka nang magmalinis sa harap ko... Punung-puno ang mga kamay mo
ng bahid ng dugo. Gustung-gusto mo iyon! Ha ha ha ha ha!"
"Manahimik ka!!..."
Iginalaw ni Sebastian ang kanyang katawan para mag-swing siya. Binunggo niya ng
malakas ang kalaban niya at sumirit sa katawan niya ang dugo dala ng mga tinik sa
kadena. Napaatras ng bahagya si Beelzebub sa kanyang ginawa pero hindi ito natinag.
Ngumiti ito at saka muling naglakad palapit sa kanya. Mas malapit kaysa sa dati.
Kasunod noon ay isang napakalakas na sampal sa kaliwang pisngi ang napala niya.
Naalog ng todo ang utak niya at muntik na yatang ma-dislocate ang kanyang panga.
Naulit ang malakas na sampal at sa kanang pisngi naman.
"Ano, natauhan ka na ba Hydrian?!"
Gigil siyang tumitig dito.
"Sebastian ang pangalan ko!"
PAK!... Magkakasunod na sampal sa magkabilang-pisngi ang napala niya. Tumigil lang
ito ng pumutok na ang labi niya.
"Siguro naman, may naaalala ka na kahit na kaunti? Nagtitimpi lang ako kaya hindi
kita binibigwasan ng suntok. Baka kasi lalo kang magka-brain damage kapag ginawa ko
iyon eh? Ano nakatulong ba?" nang-iinis pang wika ni Beelzebub.
"Bayot ka! Puro ka lang pala sampal!"
Napataas ng kanang-kilay si Beelzebub at napipikong tumingin kay
Hydrian(Sebastian). Hinawakan niya ang punong baba nito at mariing pinisil.
"How dare you 3x a day... Anong tinawag mo sa akin, ha?!" asar niyang wika.
Isang matipid na ngiti ng tagumpay ang namutawi sa labi ni Sebastian(Hydrian).
Nang-aasar siyang tumitig dito.
"Ang sabi ko, Bayot ka! Badang! Bayot! Puro sampal lang ang alam mo! Hindi ka tunay
na lalaki-UUURGH!!!...."
Isang malakas na suntok sa kanang tagiliran ang napala niya at nasundan sa kaliwa,
kasunod sa sikmura niya. Panghuli ay ang malakas na bigwas ng suntok sa mukha.
Tumalsik ang dugo mula sa kanyang bibig. Sinabunutan siya ni Beelzebub at
pakiramdam niya ay matatanggalan na siya ng anit. Ganoon pa man ay natawa siya ng
mahina.
"Anong tinatawanan mo diyang peste ka?!" pikong wika ni Beelzebub.
Isang tinging mapang-insulto ang pinakawalan ni Sebastian(Hydrian).
"B-Bayot kang talaga! Kanina sampal, ngayon naman... Sabunot?!" sabay tawa ng
mahina.
Nanlaki ang mga mata ni Beelzebub at mariing sinabunutan ang kanyang bihag kasunod
ang malakas na paghila dito at iniumpog niya ng malakas ang ulo nito sa pader.
Nawasak at nadurog ang parte ng pader kung saan niya iniumpog ang ulo ni
Hydrian(Sebastian), umagos ang masaganang dugo sa ulo ng binata. Halos namula na
ang buo nitong mukha dahil sa dugo. Matiim na tumitig si Beelzebub kay
Hydrian(Sebastian). Medyo nanghina ito sa kanyang ginawa dahil bahagyang lumalay
ang ulo nito. Muli niya itong hinawakan sa punong-baba at sinipat niya itong maigi.
"Bayot pala ah?!"
Matapos iyon ay dinilaan niya ang pisngi nito para matikman niya ang dugo ni
Hydrian(Sebastian). Nanlaki naman ang mga mata ng huli dahil sa sobrang pagkagulat.
Hindi siya makapagsalita. Inilapit ni Beelzebub ang bibig sa punong-tenga niya.
"Sige, subukan mong tawagin akong 'Bayot'... Hahalikan kita ng torrid sa lips.
Sisiguraduhin kong ma-e-enjoy mo iyon sa ayaw at sa gusto mo... How dare you 3x a
day..." sabay halik ng marahan sa kanang-pisngi ni Hydrian(Sebastian).
Muli niya itong tinitigan sa mukha at natuwa siya sa naging reaksyon ng mukha nito.
Tinapik niya ng bahagya ang balikat nito.
"Iiwanan muna kita sandali para makapag-isip. Sa tingin ko, matatauhan ka din kapag
binigyan kita ng panahon. Medyo nag-enjoy ako sa ginawa nating pag-uusap."
Umatras na at bahagyang lumayo si Beelzebub. Bago siya tuluyang tumalikod ay isang
nakakalokong kindat ang binitiwan niya. Naglakad na siya paalis. Nang mawala naman
na sa paningin ni Sebastian(Hydrian) si Beelzebub ay doon na siya nakapag-react.
"Nakakadiring nilalang... Gagawin nga niya ang sinabi niya kapag tinawag ko ulit
siyang Bayot! Nakakasuka!"
Samantala... Naalimpungatan si Alexa nang makarinig siya ng maraming boses sa
kanyang paligid. Pasimple niyang sinapo ang kanyang noo. Marahan siyang nagmulat ng
mga mata at isang nakakasilaw na puting-liwanag na nagmumula sa kisame ang nakita
niya. Muli siyang napapikit at marahang napaungol. Marahan ulit siyang nagmulat ng
mga mata at nabungaran niya ang mukha ng pinsan niyang si Daisy na alalang-alala.
Hinawakan nito ang kanan niyang kamay.
"Thank God, ate... Okay ka lang at ang baby mo." nag-aalala pa nitong wika.
Bahagya siyang bumangon at napatingin sa paligid. Nakita niya doon sina Drake at
Hunter kasama si Rane. Napatanga siya ng ilang sandali. Nang tuluyan na siyang
mahimasmasan ay napatanong siya sa lahat ng naroon na...
"N-Nasaan ako?"
Tumayo si Drake at lumapit sa kinaroroonan niya.
"Nandito ka sa ospital. Hinimatay ka kasi kanina. Mabuti na lang at nasalo kita
agad bago ka tuluyang bumagsak sa lupa kaya hindi kayo napano ng baby mo."
Napakurap si Alexa at saka bigla niyang naalala ang dahilan kung bakit siya
nagfreak-out. Sinapo niya ang kanyang dibdib.
"S-Si Sebastian?!" nag-aalala niyang tanong.
"Huwag ka nang mag-alala, Alexa. He is safe..." pakli ni Drake.
Bahagya niyang naikuyom ang kanyang mga kamao kasi nagsisinungaling siya. Pero
anong magagawa niya?! Kailangan nilang gawin iyon para hindi mapahamak si Alexa at
ang baby nito.
"Paanong ligtas siya? Wasak iyong lugar, ang daming bakas ng dugo... Drake, alam
kong may masamang nangyari sa kanya. Nararamdaman ko iyon!"
Malapit nang maghysterical si Alexa pero nanatiling nagpapakahinahon si Drake.
"Relax ka lang, makakasama sa baby... Hinahanap na siya nila Blade kaya huwag mo na
siyang alalahanin. Tiyak na hindi mapapatawad ni Sebastian ang sarili niya kapag
napahamak kayo ng baby niyo nang dahil sa sobrang pag-aalala sa kanya. Kaya please,
huminahon ka lang. Malakas si Sebastian, kaya niyang protektahan ang sarili niya."
Hindi pa rin maiwasan ni Alexa ang kabahan.
"Alexa, please..? Gawin mo ito para kay Sebastian at sa baby niyo..." pakiusap pa
ni Drake.
Sinapo niya ang kanyang tiyan at huminga ng malalim. Maraming beses niya iyong
ginawa para kumalma. Nawawala si Sebastian at paano kung hindi na ito mahanap?
"Ayaw kong maging mag-isa..." bulong niya.
Natigilan siya ng higpitan ng pinsan niyang si Daisy ang hawak sa kanang-kamay
niya.
"Di ka mag-isa ate Alexa. Nandito kaming lahat. Sasamahan ka namin hanggang sa
makabalik si Kuya Sebastian."
Kahit paano ay gumaan ang kanyang pakiramdam.
"S-Salamat..."
Samantala... Natigilan ang mga Fallen Angels sa pagbabantay sa mga cocoon nang
makarinig sila ng malakas na tawa kasunod nang paglitaw ng malakas na apoy... Mula
doon ay lumabas si Beelzebub. Iniumang pa nito sa ere ang magkabilang-kamay.
"Grand Entrance!!!..." masaya pa niyang wika.
Napataas ng kilay si Hideus. May something sa ngiti ni Beelzebub. Humalukipkip siya
at napasimangot na tumitig sa mukha nito.
"Di ang saya mo, puwe!" kontra niya.
Nawala ang ngiti sa mukha ni Beelzebub at matalim na tumingin kay Hideus.
"Basag-trip ka din, ano?" mariing wika ni Beelzebub.
Inihanda naman ni Hideus ang sarili dahil mukhang papatulan na siya ni Beelzebub
pero ilang segundo lang ang lumipas ay isang malutong na nakakalokong tawa ang
kumawala dito. Amaze siyang napatingin sa lalaki. Tumingin siya sa kanyang mga
kasama, maging ang mga ito ay nagtataka sa kakaibang ikinikilos ni Beelzebub.
"Ano bang kasaltekan ang nangyari sa'yo at masyado kang masaya diyan?" hindi
nakatiis na tanong ni Legion.
Kinuha ni Beelzebub ang upuan sa tabi at saka inilagay ito sa pinakagitnang
puwesto. Napade-kuwatro siyang naupo doon at humalukipkip. Isang matipid at
makahulugang ngiti ang namutawi sa kanyang mukha.
"Well, masaya ako kasi nahanap ko na ang commander kong si Hydrian. Bihag ko siya
ngayon at nakagapos ko siyang iniwan sa isa sa aking secret chamber." masaya niyang
balita sa lahat.
"Kung ganoon, saan iyan?! Gusto kong bugbugin nang walang-humpay ang buwisit na
Hydrian na iyan!" na-excite na wika ni Legion.
Nag-sign ng Shhhh... si Beelzebub.
"Kapag sinabi ko, hindi na matatawag na secret chamber ang kinaroroonan niya."
Gigil na naikuyom ni Legion ang kanyang mga kamao.
"Walang-hiya ka!"
Mabilis siyang sumugod ng suntok kay Beelzebub pero hindi natuloy ang balak niya
dahil isang malakas na apoy ang pinalitaw nito at ginawang pader sa paligid nito.
"Hindi kita papayagang kantiin si Hydrian. Baka lumala pa lalo ang pagkaka-brain-
damage niya. Hindi ka pa ba nakuntento sa ginawa mong pagbugbog sa kanya dati?"
"Kulang pa iyon sa akin. Hindi pa ako nakakasingil ng enteres."
"Oh, ano ka nagpapa-five six? Relax ka lang muna, pabayaan mo si Hydrian. Saka ka
na gumanti kapag natapos na ang plano ko. Hindi ako puwedeng mabigo dahil ayaw kong
pagtawanan ng ibang Prince of Hell. Tiyak na isang katakot-takot na kantyaw at
insulto ang mapapala ko. Huh, nakakaasar iyon. How dare them 3x a day!"
Napahinga ng malalim si Ike.
"Bakit ba kailangan mo pang itago maging sa amin si Hydrian?" di niya napigilang
tanong.
Sinapo ni Beelzebub kunwari ang noo.
"Ayaw ko nang bulilyaso. Tingnan mo nga ang Legion na iyan, may masamang balak sa
commander ko. Baka siya pa ang dahilan para hindi matuloy ang lahat ng pinaghirapan
ko. Gusto kong makasiguro. Hindi na ako papayag na muling pumalpak."
Napatango-tango si Ike.
"Sabagay, tama ka diyan."
Samantala... Tuluyan nang nakabawi nang lakas si Sebastian(Hydrian) mula sa
pagkakabugbog ni Beelzebub. Huminga siya ng malalim at saka niya itinuloy ang
balak. Muli niyang isinwing ang katawan sa ere hanggang sa umabot pa sa puntong
tumatama ang katawan niya sa pader. Ganoon pa man ay ginawa niya iyon ng maraming
ulit hanggang sa makarinig siya ng malakas na crack mula sa kisame at maglaglagan
ang ilang maliliit na piraso ng bricks mula sa itaas.
"Ayos!"
Muli niyang inulit ang kanyang ginagawa hanggang sa tuluyan nang mag-crack at
matanggal ang kadena sa kisame. Napaungol pa siya dahil malakas siyang bumagsak sa
sahig ng padapa. Ganoon pa man ay nakuha pa niyang matawa dahil nakagawa na siya ng
paraan para makaalis. Iniikot niya ang sarili para mapatihaya siya. Nang maiayos
niya ang katawan ay saka niya sinimulan ang pag-aalis ng mga kadenang nakagapos sa
kanyang katawan. Hirap na hirap siya dahil bawat galaw niya, bumabaon ang matatalas
na tinik ng mga kadena pero nagagawa niyang tiisin ang sakit. Iniisip niya kasing
uuwi na siya sa kanyang mag-ina at iyon ang nagpapalakas sa kanya ngayon.
Oras ang binilang bago tuluyang makawala sa pagkakagapos ng mga kadena si
Sebastian. Punung-puno ng dugo ang kanyang katawan. Pinilit niyang tumayo at
nanghihina siyang natawa. Isang tawa ng tagumpay. Marahan siyang naglakad palabas
at sinalubong siya ng isang may kaliitang hallway. Humawak siya sa pader para
suportahan ang sarili. Habang naglalakad siya paalis ay maingat siyang nakikiramdam
sa paligid. Imposibleng iwanan na lang siya ni Beelzebub ng basta-basta na lang.
Ilang sandali pa ay lumiko ang daan pero napatigil siya dahil may naaaninag siyang
anino. Maingat niyang idinikit ang sarili sa pader. Hawak ang isang piraso ng
kadena ay mahigpit niya iyong hinawakan. Gagamitin niya ang armas ng kanyang
kalaban para makatakas siya. Pasimple siyang sumilip sa gilid ng pader at nakita
niya ang isang itim na nilalang na may hawig sa ogre ang anyo pero kasing laki lang
iyon ng isang normal na tao. Umusod pa siya ng kaunti at saka sumitsit para kunin
ang atensyon ng bantay.
"Psssst!!!..."
Napakislot ang bantay at agad na nagpunta sa kanyang kinaroroonan. Inihanda niya
ang hawak niyang kadena. Pagkalapit na pagkalapit nito ay agad niya itong
sinunggaban sa leeg gamit ang hawak niyang armas. Mahigpit niya itong sinakal at
hinila sa may sulok. Nagtalsikan ang dugo sa leeg nito nang bumaon doon ang mga
tinik nang kadena. Hindi niya tinigilan ang pagsakal sa kanyang kalaban hanggang sa
hindi ito tumigil sa pagkilos. Nang masiguro niyang patay na talaga ito ay saka
siya muling umabante. Ilang bantay pa ang kanyang pinatay hanggang sa tuluyan na
siyang makalabas sa lugar na kinaroroonan niya.
Isang maluwang na chamber na nasa itaas ng isang bundok. Hindi man niya alam kung
nasaan siya ngayon pero uuwi siya ano man ang mangyari! Tumuloy na siya sa pagtakbo
hanggang sa makarating siya sa may gubat pero bigla siyang tumilapon dahil isang
malakas na atake ng apoy ang bumulusok papunta sa kanya. Dumausdos ang katawan niya
sa lupa.
Akma palang siyang babangon pero isang malakas na tadyak sa likod ang kanyang
natamo. Sunud-sunod iyon hanggang sa marahas na apakan ng kung sino ang ulo niya at
ibaon ang kanyang mukha sa lupa.
"Tatakasan mo na naman ako ah?! Sa akala mo ba, papayagan kong mangyari iyon?!"
Mas idiniin nito ang pagkakaapak sa ulo niya at hindi na siya makakilos dahil baon
na baon na ang mukha niya sa lupa at hirap na hirap na siyang huminga. Kahit na
sandali pa lang, kilalang-kilala na niya ang boses ng lalaki. Na-memorya na agad
iyon ng utak niya. Isang mariin na sabunot ang napala niya at iniangat siya nito sa
pagkakahiga. Hinarap siya ni Beelzebub nang nakangiti. Iyong tipong natutuwa ito ng
todo sa paghihirap niya.
"Mabuti na lang pala, naisipan kong bumalik agad para tingnan ka. Alam mo kasi,
nadala na ako doon sa huling nangyari eh." nang-aasar pa nitong wika.
Gigil niyang ikinuyom ang kanang-kamao at saka malakas na sinuntok sa mukha si
Beelzebub. Hindi ito umilag sa kanyang ginawa. Inulit niya iyon hanggang sa mapagod
siya. Hindi man lang natinag si Beelzebub kahit na nabasagan na niya ito ng kanang-
kilay.
"Oh... Umaasenso? Mukha yatang napapalabas mo na ang natural mong lakas. Nakakaya
mo na akong galusan sa pamamagitan ng iyong suntok. Good news..." nakangiti pa
nitong wika.
"T-Tigilan mo na ako dahil wala kang mapapala sa akin!" gigil na wika ni
Sebastian(Hydrian).
Isang nakakalokong tawa ang kumawala sa lalaki kasunod ng malakas na suntok sa
kanyang sikmura.
"Diyan ka nagkakamali. Kaya nga kita kinuha kasi nga may mapapala ako sa'yo. Hindi
kita pag-aaksayahan ng panahon kung wala. Tama na ang laro, gagamitin ko na ang
aking kapangyarihan para i-restore ang iyong alaala."
"Anong akala mo sa akin, na-reformat na SD card?! Walang-hiya ka!" sabay-umpog ng
ulo.
Nabitawan ni Beelzebub si Hydrian(Sebastian). Nanghihina itong bumagsak sa lupa at
siya naman ay tarantang sinapo ang ilong na nagdugo. Medyo nabali iyon kaya naman
agad niyang inayos. Naglagutukan pa ang buto sa kanyang nabaling ilong ng galawin
niya. Napailing siya ng bahagya at matalim na tiningnan si Hydrian(Sebastian) na
nanghihinang bumabangon. Naupo ito sa lupa at tumingala sa kanya. Bahagya siyang
napailing. Dinuro niya ang lalaki.
"Alam mo, medyo masakit at talagang nakakapikon ang ginawa mong pagbali sa ilong
ko. Mabuti na lang, madali kong naayos. Inuubos mo talaga ang pasensiya ko. How
dare you 3x a day!"
Isang nakakalokong ngiti ang namutawi sa labi ni Sebastian(Hydrian).
"Kung napipikon ka na sa akin, bakit hindi mo na lang ako patayin?! Quits na lang!"
matapang niyang hamon.
Napataas ng kanang-kilay si Beelzebub at napangiti ng matipid. Lumapit siya sa
kanyang bihag at malakas niya itong binigwasan ng suntok sa mukha hanggang sa
malamog ang mukha nito. Halos nakapikit na ang kanan nitong mata at may basag na
ang itaas na bahagi ng kilay nito.
"Your an immortal being, stupid! Kaya kahit gusto kong gawin iyon, hindi puwede.
Hindi din kita madadala sa lungga ko sa impiyerno dahil hindi ka naging full demon!
May natitira pa ring pure divine soul sa iyong katawan. And damn it! How dare you
3x a day!" sabay umpog ng malakas sa ulo ni Hydrian(Sebastian).
Matutumba sana ito pero hinawakan niya ito sa mga balikat para pigilan ang
pagbagsak. Matiim siyang tumitig sa lalaki.
"Ngayon, sagad na ang pasensiya ko. Sasama ka sa akin pabalik sa chamber sa ayaw at
sa gusto mo. Sisimulan na natin ang pagbabalik ko sa iyong mga nawalang alaala.
Ibabalik na kita sa dati mong pagkatao."
"Hindi mangyayari iyon! Putulin mo na muna ang mga kamay at paa ko. Gagawa ako ng
kahit na anong paraan matakasan ka lang. At kapag nagkaroon ako ng pagkakataon,
ibabalik kita sa impiyernong pinagmulan mo!" sabay-dura sa mukha.
Gigil na nagpunas ng mukha si Beelzebub at inis niyang sinampal ang kanyang
kaharap. Isang mahinang tawa ang kumawala mula sa kanya.
"Fine... Mukhang kailangan ko nang ilabas ang aking alas..."
Binitiwan ni Beelzebub si Hydrian(Sebastian) at saka siya marahang umatras ng
dalawang-hakbang. Mula sa bulsa ng kanyang pantalon ay kinuha niya ang cellphone ni
Hydrian. May binuksan siyang larawan at iniharap iyon sa lalaki.
"Ang babaing ito ba ang dahilan nang lahat ng ginagawa mong pagsuway sa akin, ha?!"
Natuliro si Sebastian(Hydrian) nang makita ang larawan nila ni Alexa. Nakahalik ang
babae sa kanan niyang pisngi habang nakangiti siya ng maluwang. Kuha nila iyon
matapos nilang malaman pareho na magkaka-baby na sila. Nagtiim ang kanyang mga
bagang.
"Huwag na huwag kang magkakamaling idamay siya sa lahat ng ito!.." gigil niyang
wika.
"Wooh... Babae lang siya, Hydrian. Kaya kitang bigyan maski na ilan ang gusto."
"Huwag mo siyang itulad sa iba!"
Napatango-tango si Beelzebub.
"Oo nga naman. Hindi siya katulad ng iba kasi mahal mo siya eh. Tama? Ha ha ha ha
ha! Isang kalokohan!"
Nanghihinang tumayo si Sebastian(Hydrian). Ikinuyom niya ang kanyang mga kamao ng
mariin.
"Huwag mo siyang idadamay dito!"
Akma na siyang susugod ng malakas na suntok pero nag-sign ng sandali ang kanyang
kalaban.
"Hindi ko siya idadamay kung susunod ka sa akin. Kakalimutan natin siya sa eksena.
Bilang patunay, heto nga oh!"
Inihagis ni Beelzebub ang gadget sa ere at saka sinunog ng kanyang apoy.
"Ayan, wala na akong pinanghahawakan. Pero kapag hindi ka pa rin pumayag sa gusto
ko... Makikita mo talaga ang impiyerno dito sa ibabaw ng lupa... Dudukutin ko ang
babaing mahal mo at... Pagsasamantalahan ko siya sa harap mo mismo habang ikaw ay
walang-magawa dahil nakagapos ka sa aking mga kadenang may tinik. Kapag nagsawa na
ako sa kanya, papatayin ko siya ng paunti-unti sa iyong harapan habang nagmamakaawa
siya ng tulong sa'yo... Napakagandang-deal, hindi ba?"
Nangilid ang luha sa mga mata ni Sebastian(Hydrian). Marahas siyang napahinga.
Mariin niyang naikuyom ang kanyang mga kamao pero wala siyang magawa. Tumingala
siya sa langit ng ilang sandali at saka muling tumingin sa kanyang kalaban.
"Sige, payag na ako sa gusto mo. Ibalik mo na ako sa dati kong sarili. Basta
malinaw sa usapan natin na wala siyang magiging kinalaman sa lahat. Galawin mo
kahit na dulo ng kuko niya, papatayin kitang hayop ka!"
"Masusunod ang gusto mo, Hydrian. Hindi siya kasali sa lahat ng gulong ito."
makahulugang wika ni Beelzebub.
Isang ngiti ng tagumpay ang namutawi sa kanyang labi. 'Sisiguruhin kong mawawala
ang babaing iyon sa iyong isipan kasama ng mga bago mong alaala...'
************************************
# hmmm.... haizt..!
# Me before you, movie... Nakakaiyak. Alam ko nang mamamatay si Will pero pinanood
ko pa rin. tsk! Ang ganda ng story. Bihira akong manood ng mga romance. Mostly, sa
hollywood pa. Huwag niyo nang tanungin kung bakit... And speaking of movie.. My
movie ang ONEPIECE, showing this August 31... Kung sino mang makakapagdownload
noong movie, papasa. PM niyo ako. Aasa ako ngayon sa dowload dahil kailangang
magtipid. Nasira na naman ang TV ko eh. Ipapaayos ko pa. Kaya please lang, sa mga
katulad kong ONEPIECE adik... PAPASA!!!... O kaya ilibre niyo na lang ako, sa mga
mayayaman diyan. 200 daw ang ticket. Makapal ang mukha ko kapag One Piece na ang
pinag-uusapan... : )

49. The Commander is in!

"The Commander is in!"

"Ngayong nandito na ulit tayo sa loob ng chamber... Ano ang kailangan kong gawin?"
tanong ni Sebastian(Hydrian).
Isang makahulugang ngiti ang namutawi sa labi ni Beelzebub. Ikinumpas niya ang
kanan niyang kamay at sa isang iglap lang ay lumitaw ang isang kama na pang-isahan.
"Humiga ka diyan at pumikit ng mariin."
Napatingin si Sebastian(Hydrian) sa kama. Mariin niyang naikuyom ang kanyang mga
kamao at saka walang imik na humiga doon. Tumitig siya sa madilim na kisame at
mariing ipinikit ang mga mata. At habang nakapikit siya, iisang tao lang ang
nakikita ng puso at isipan niya. Lihim siyang napangiti. Sana lang, sa pagbabalik
ng kanyang alaala, hindi niya ito makalimutan.
Isa namang ngiti ng tagumpay ang namutawi sa labi ni Beelzebub.
"Sige lang, bibigyan kita ng ilan pang sandali para isipin ang babaing iyon.
Namnamin mo na ang mga alaalang iyan dahil mawawala na ang lahat."
Ilang minuto ang kanyang pinalipas bago niya idinampi ang dalawa niyang daliri sa
noo ni Hydrian(Sebastian). Nang maidapo niya ang kanyang mga kamay ay agad niya
itong binalutan ng kapangyarihan para hindi ito makagalaw. Isang nakakasilaw na
kulay-berdeng liwanag ang lumitaw sa mga daliri ni Beelzebub. Nahirapan naman sa
paghinga si Hydrian(Sebastian) dahil hindi niya magawang ikilos ang kanyang
katawan. Medyo umiling-iling ang ulo niya dahil unti-unting naglalaho sa kanyang
paningin ang mukha ni Alexa... Gusto niyang pigilan ang nangyayari pero wala siyang
magawa hanggang sa tuluyan nang mag-pitch black ang lahat. Umagos ang luha sa gilid
ng kanang-pisngi ni Hydrian(Sebastian) bago ito tuluyang balutin ng kapangyarihan
ni Beelzebub.
"Uhum... Umpisa na ng masayang laro..." napangising wika pa ni Beelzebub.
Samantala... Seryosong napatingin si Ike sa mukha ni Uriel nang maupo ito sa
kanyang tapat. Uminom siya ng mainit na tsokolate.
"Good news or bad news?" walang-gatol na tanong ni Uriel.
Napataas ng kanang-kilay si Ike at saka siya bumuntung-hininga ng malalim. Nilaro
ng kanan niyang mga daliri ang mesa at gumawa iyon ng mahinang ingay.
"Bad news, Uriel." maikli niyang sagot.
"Oh... Then, continue."
Sumandal sa kinauupuan si Ike.
"Nakuha na ni Beelzebub si Hydrian at sinisimulan na niyang ibalik ang mga nawalang
alaala nito. Binihag niya ito at dinala sa isa sa secret chamber niya. Hindi niya
sinabi kung nasaan iyon dahil nga... Secret. Huwag ka nang mag-alala dahil
sisimulan ko na ang paghahanap kay Hydrian. Iisa-isahin ko ang mga lugar kung saan
may lungga si Beelzebub dito sa mundong ibabaw."
Nag-sign ng tama na si Uriel at hindi na niya naituloy ang sunod pa niyang
sasabihin. Napakunot ang kanyang noo at nagtatakang napatingin sa kanyang kaharap.
Ganoon pa man, inantay niya ang sasabihin nito.
"Huwag ka na munang kumilos. Lubhang mapanganib. Hayaan mo na munang matuloy ang
plano ni Beelzebub. Lubhang kahina-hinala na kung papalpak siya sa ikalawang
pagkakataon. Makakahalata na siya ng sabotahe. Manganganib ang cover mo."
"Sigurado ka ba diyan?" amaze na tanong ni Ike.
Isang matipid na ngiti ang namutawi sa labi ni Uriel.
"Oo naman, yes! Alalahanin mo na lang na hindi naman natuloy sa pagiging demon si
Hydrian. May natitira pa ring pure devine soul sa kanyang katauhan. He was still an
angel himself. Basta huwag ka na munang kumilos hangga't wala kaming sinasabi
sa'yo."
Binugahan ni Ike ng hangin ang kanyang bangs at gumalaw iyon. Napahalukipkip siya.
"Sige, naiintindihan ko. Irereport ko na lang ang mga mangyayari pero medyo
matatagalan pa iyon."
"It's okay. Mas mabuti nang maging maingat tayo."
Samantala... Isang maluwang na ngiti ang namutawi kay Alexa habang nakatingin siya
sa lalaking nakatayo sa may bintana.
"Good morning sleepy head! What do you want for breakfast? Sweet pancakes? Or a
sweet kiss from me? A hot coffee or a hot guy like me...?"
She giggled.
"You are one naughty guy, Seb. Ang aga-aga, puro ka kalokohan!"
Nakatalikod ito at ang tangi niyang nakikita ay ang anino nito dahil nakaharap ang
lalaki sa malaking bintana na may puting-kurtina. Hinawi nito ang malaking kurtina
sa bintana at saka lumiwanag dahil sa mataas na sikat ng araw. Nasilaw siya at
kasabay noon, unti-unting naglaho sa kanyang paningin si Sebastian. Biglang
napabalikwas ng bangon si Alexa at ilang beses na kumurap. Napatingin siya sa may
bintana at nakita niyang may naghahawi ng mga kurtina pero hindi si Sebastian iyon
kundi ang pinsan niyang si Daisy.
Now, she was back inyo reality. Her Sebastian is missing. Nasapo niya ang kanyang
dibdib. Nangingilid na naman ang luha sa kanyang mga mata hanggang sa hindi na siya
nakapagpigil, tuluyan na siyang napaiyak. She really miss the man she loves. Siguro
nga masyado lang siya ngayong nagiging emotional dahil nga buntis siya. Nag-aalala
namang napatingin si Daisy sa kanyang pinsan ng makita niya itong umiiyak kahit na
kagigising pa lang nito. Nilapitan niya si Alexa.
"Ayos ka lang, ate?"
Bahagya itong umiling.
"No, I am not. I'm really worried about him and I-I do miss him."
"Naiintindihan kita, ate. Pero isipin mo, ginagawa na nila Drake ang lahat para
hanapin siya."
Napangiti ng mapait si Alexa. Tumitig siya sa mukha ni Daisy, halatang nag-aalala
ito sa kanya. Nandito siya ngayon sa bahay ng mga ito dahil hindi siya puwedeng
maiwang mag-isa lalo pa at maselan ang kalagayan niya.
"Dapat na ba tayong magpakalat ng pictures niya? Maglagay tayo ng posters,
makakatulong iyon." desperadong wika ni Alexa.
Bahagyang napailing si Daisy.
"Nag-suggest na ako ng ganyan kina Drake pero sinabi nila sa akin na malalagay lang
tayo sa panganib kapag ginawa natin ang bagay na iyon. Baka puntahan tayo noong
kumidnap kay Kuya Sebastian."
"Pero bakit nila siya kinuha? Ano ba ang kailangan nila kay Sebastian?" naiiyak
pang tanong ni Alexa.
Napahinga ng malalim si Daisy.
"Hindi ko rin alam, ate. Wala naman kasi tayong alam sa kung anong nakaraan ni Kuya
Sebastian, di ba? Ni hindi nga natin alam ang totoo niyang pangalan."
Napakagat sa kanyang labi si Alexa.
"Paano kung bumalik na ang alaala niya at makalimutan na niya ako?"
"Ate, masyado kang nag-iisip ng kung ano-ano. Teka, papasok na nga pala ako sa
school. May gusto ka bang ipabili sa akin?" pag-iiba niya ng topic.
Nangingiting napatingin sa kanya si Alexa. Halatang-halata nito ang ginawa niya
pero hindi na ito nagsalita. Hinawakan nito ang kanan niyang kamay.
"Sorry ah? Mukhang male-late ka sa school nang dahil sa akin. Anyway, nagcre-crave
ako ng salad... Gusto kong kumain ng buko-salad. Puwede mo ba akong uwian noon?
Maghihintay ako."
"Oo naman. Basta ikaw, ate at para kay baby. Bumangon ka na pala at naka-ready na
ang breakfast. Hinihintay ka ni Mama. Sige, alis na ako ate. Papasok na ako sa
school."
"Ingat ka."
Hinalikan niya ang kanang-pisngi ng kanyang pinsan at humalik ito pabalik sa
kanyang pisngi. Tumayo na ito at saka naglakad palabas ng silid. Napahalukipkip si
Alexa at napatanga ng matagal sa hangin.
"Sebastian... Where are you..?" mahina pa niyang pakli.
Samantala... Kasabay ni Rane sa paglalakad papasok ng school sina Blade at Hunter.
Medyo nakakapanibago ang umagang ito dahil katahimikan ang namamayani sa kanila.
Wala iyong maingay nilang tawanan at daldalan. Ilang segundo ang pinalipas ni Rane
bago niya naisipang basagin ang katahimikan.
"Kamusta? Ano na ang update?" pasimple niyang tanong.
Halos sabay pang napabuntung-hininga ng malalim sina Hunter at Blade. Nagtinginan
ang mga ito na para bang nagtuturuan sila kung sino ang magsasalita. Pero sa
bandang-huli ay si Blade ang sumagot sa tanong ni Rane. Napakamot siya sa kanyang
ulo.
"Haaay! Anak na lase! Para kaming naghahanap ng napakaliit na karayom sa bunton ng
dayami. Wala pa kaming nakukuhang clue para maituro kung saan dinala ng animal na
si Beelzebub si Hydrian!" pakli ni Blade.
Nalungkot si Rane sa nalaman niyang balita.
"Ganoon ba? Magsabi lang kayo sa akin kung mayroon akong maitutulong." presinta
niya.
Ngumiti si Blade sa kanya ng matipid.
"Tulungan mo si Daisy na pasayahin si Alexa habang hindi pa namin nahahanap at
naililigtas si Hydrian. Nalase ang Beelzebub na iyon! Papatayin ko siya sa bugbog
na animal! Humanda siya sa akin!"
Gigil na ikinuyom ni Blade ang kanyang mga kamao. Gagawin talaga niya ang bagay na
iyon at wala siyang pakialam kung isa sa Seven Prince of Hell ang kakalabanin niya.
"Isama mo na rin ako diyan. Gusto ko ding bugbugin ang Beelzebub na iyon." sa wakas
ay wika na rin ni Hunter.
"Sige ba! Mas marami tayong bubugbog sa walang-hiyang animal na iyon, mas masayang
lase!" natawa pang wika ni Blade.
Napangiti naman si Rane. Kung puwede rin sana siyang makisali sa pambubugbog ng mga
ito kay Beelzebub...
Samantala.. Patuloy naman sa paghahanap sina Zech, Creta at Drake sa mga lugar kung
saan pupuwedeng dalhin ni Beelzebub si Hydrian. Ilang lugar na ang kanilang
pinuntahan pero bigo silang makita ang mga ito. Nanghihinang napaupo si Drake sa
isang malaking trunk ng puno na natumba.
"Abuwisit ak pa! Mautak din naman ang Beelzebub na iyon ay! Hindi niya itinago si
Hydrian sa mga lugar na alam niyo." pakli niya.
"Sheyt na malagkit, Drake. Tama ka. Mukhang naniniguro na siya ngayon. Ayaw na
niyang magkaroon pa ng kapalpakan ang kanyang plano kaya lubha na siyang nag-
iingat." segunda pa ni Creta.
Huminga ng malalim si Zech at nakapamulsang napatingin sa kanyang mga kasama.
"Subukan kaya nating puntahan ang headquarters ng Black Circle Organization.
Sumugod tayo?" medyo pabirong pakli niya.
Napangisi ng nakakaloko si Creta.
"Sheyt ka, Zech! Maganda sana iyang naisip mo kung hindi pa lumipat ng bagong
headquarters ang mga tarantadong iyon. Sa palagay mo ba, matapos nilang malaman na
tumiwalag na tayo sa kanila at kumampi kina Blade... Mananatili pa sila doon? Tanga
lang silang lase kung hindi sila umalis."
Natawa ng mahina si Drake sa sinabi ni Creta.
"Nga naman, may tama siya!"
Napangiti si Zech.
"Nagbibiro lang naman ako ah!"
Tumingala siya sa langit.
"Huwag sanang bumalik si Sebastian sa pagiging si Hydrian. O kung bumalik man ang
mga alaala niya, hindi sana mawala sa kanya ang pagiging si Sebastian. Iyong mga
pinagsamahan natin, lalo na iyong pinagsamahan nila ni Alexa."
"Oo nga eh... Ang saya na sana, pero sheyt na malagkit! Ang galing din namang
tumayming ng Beelzebub na iyon. Panira ng eksena."
"Abuwisit ak pa! Humanda talaga sa atin ang Beelzebub na iyan. Pero, ituloy na
natin ang paghahanap, baka sakaling makatsamba tayo." yaya ni Drake.
"Tara lets!" si Zech.
Tumayo na si Drake at saka naglakad palapit sa mga kasama. Magkakasama silang
umalis sa lugar na iyon. Buong-araw silang naghanap sa mga lugar na alam nina Creta
at Zech pero nanatili silang bigo. Kinahapunan ay nagpunta sila sa school para
hintayin magsabi ng update kina Blade at Hunter. Tamang-tama lang ang kanilang
dating kasi kasama din ng nina Blade, Hunter at Rane si Daisy.
"Ano na ang update?" excited na tanong ni Daisy.
Alanganing tumingin si Drake sa mukha nito. Pero kasunod noon ay ang marahan niyang
pag-iling.
"Pasensiya na, wala pa rin kaming nakukuhang update eh."
Napalis ang ngiti ni Daisy.
"Naiintindihan ko. Pasensiya na kayo kung naaabala na namin kayo ni ate Alexa..."
"No, huwag mong isipin ang ganoon. Hindi kayo nakakaabala sa amin. Mga kaibigan
niyo kami. At kusang-loob itong ginagawa naming pagtulong kaya hindi niyo
kailangang mag-alala. Magiging maayos din ang lahat."
Napangiti si Daisy kay Drake. Huminga siya ng malalim.
"Kamusta nga pala si Alexa?" tanong naman ni Blade.
Tumingin si Daisy sa mga kasama. Halatang hinihintay ng mga ito ang sasabihin niya.
Ilang beses siyang huminga ng malalim bago siya magsalita.
"Palagi niyang sinasabi at ipinapakita sa amin ni Mama na okay lang siya pero alam
kong hindi siya talaga, ayos. Kaninang umaga lang, nahuli ko siyang umiiyak. Tapos,
sinabi niya sa akin na sobra na niyang namimiss si Kuya Sebastian at masyado na rin
siyang nag-alala dito."
Natahimik ang lahat at walang makapag-react. Halos lahat ay napahinga ng malalim.
"Anak na lase! Abuwisit ak pa!" di nakapagpigil na wika ni Blade.
"Siya nga pala, nagcre-crave si ate Alexa ng buko salad. Wala akong mabilhan noon
eh kaya naisip ko na lang na igawa siya. Puwede niyo ba akong samahang mag-
grocery?" yaya na lang niya sa lahat.
"Oo naman. Hindi ka lang namin sasamahang mag-grocery, tutulungan ka pa naming
gumawa ng salad... Bibisitahin na rin namin si Alexa para naman sumaya siya."
masiglang wika ni Rane.
"Nice idea, girls..." nakangiting sang-ayon ni Hunter.
Lumakad na silang lahat at panay ang kuwentuhan nila sa daan. Nag-iisip sila ng mga
paraan para mapasaya si Alexa at nang sa ganoon ay hindi ito maging emotionally
distress.
Tatlong-araw na ang nakalipas simula nang ibalik ni Beelzebub ang mga nawalang
alaala ni Hydrian at simula noon ay hindi pa ito nagigising. Medyo nakakadama na
siya ng inip pero kinakailangan niya itong bantayan dahil baka takasan na naman
siya ng isang ito kapag nagising. Mabuti na ang sigurado.
Napakislot siya ng makarinig siya ng marahang ungol. Nakita niyang gumalaw ang
kanang-kamay ng lalaki at saka sinapo ang noo. Napangiti siya. Marahan itong
bumangon at saka nagmulat ng mga mata. Tumingin si Hydrian sa kanya at ilang beses
na napakurap.
"Hello, sleepy head! Nagkaroon ka ba ng magandang panaginip?" mapang-asar niyang
bati.
Napakunot-noo si Hydrian nang mabungaran niya ang nakangiting mukha ni Beelzebub.
Sobrang sakit ng ulo niya at feeling niya ay binabarena iyon. Napailing-iling siya.
Naiinis siyang tumingin sa demon na kasama niya.
"Walang-hiya! Ano bang nginingisi mo diyang lase?! Baka akala mo, nakalimutan ko na
iyong ginawa mo sa aking tarantado ka! Ipaliwanag mo kung ano ang nangyayari sa
akin nang huli tayong mag-usap! Nagbabago ang anyo ko noon!"
Hindi agad makapagsalita si Beelzebub. Tuwang-tuwa siyang napatingin kay Hydrian.
Nagbalik na nga ito sa dati.
"Well, well, well! You are back! You son of a bitch! How dare you 3x a day!"
"What are you saying? What do you mean I'm back? Hindi naman ako nawala ah!"
Natawa ng mahina si Beelzebub at lalo namang naasar si Hydrian sa iginawi nito.
"Oh dear! Hindi ako makapaniwalang naayos ko na ang pagkakaroon mo ng brain-
damage!"
"Brain-damage?!"
"You know I have this annihilation plan... A war against heaven. May binuo akong
army at ikaw ang napili kong maging commander. Ginawa kitang demon but the process
is unsuccessful. Nagising ka sa kalagitnaan ng iyong pagpapalit-anyo papunta sa
isang demon. At ngayon, you were a half-breed. A half angel, a half demon. But
still, you are my commander. Sa pagkagising mo, nawala ang iyong alaala. At nawala
ka rin. Hinanap kita at heto na nga, ibinalik kita sa dating ikaw."
Amaze na napatingin si Hydrian kay Beelzebub.
"You mean... Nagka-brain damage ako dahil sa pumalpak na process ng pagpapalit-anyo
ko? Well then... Hindi ko alam kung ma-o-overwhelmed ako dahil pinag-asayahan mo pa
ako ng time para lang mahanap at maibalik sa dating ako. Ano ba ang naging katauhan
ko ng mawala ang aking memorya?"
Gumalaw ang sulok ng labi ni Beelzebub.
"Ah... A weakling man who thought he was just a normal being. So pathetic..."
"At paano mo ako nahanap?"
"Actually, medyo nahirapan ako sa paghahanap sa'yo. Pero kumakampi sa akin ang
tadhana. Nakita kitang nagpapalaboy-laboy sa lansangan. Nanlilimos at nanghihingi
ng pagkain. Walang gustung tumanggap sa'yo dahil sa kakaiba mong itsura. Thanks to
me, I've save you from that."
Matagal na natahimik si Hydrian. Matapos iyon ay natawa siya ng pagak.
"Bloody hell! Thanks to you! Hindi ko ma-imagine ang sarili ko sa ganoong
kamiserableng lagay."
Umayos siya ng upo sa kama at humalukipkip.
"Kamusta nga pala ang dati kong tropa habang nawawala ako?"
"Pinagbabantay ko sila sa army of demons ko. Malapit na nga silang mapisang lahat.
May mga nauna na ngang lumabas kaso ay reject ang mga iyon. And speaking of those
bastards... Badtrip na badtrip pa rin sa'yo si Legion. Kating-kati na ang mga kamay
niya para gantihan ka sa ginawa mong pagpapain sa kanya sa Blood demon. Napikon
siya ng todo sa ginawa mong iyon."
Napailing-iling si Hydrian.
"Gustung-gusto ko talagang inaasar ang Legion na iyon. Nuknukan kasi siya ng pikon.
But anyway, ano na?"
Amaze na napatingin si Beelzebub sa mukha ni Hydrian.
"Anong ano na?"
Huminga ng malalim si Hydrian.
"Ngayong nagbalik na ako, ano na ang dapat na gawin?"
Ngumiti ng makahulugan si Beelzebub.
"You want to be my commander?"
"You are one hell silly, Beelzebub! I am your commander! You know, I love chaos...
I want to see a lot of bloodshed. I am the leader who will make this earth, hell!"
Isang tawa ng tagumpay ang kumawala kay Beelzebub. Sinapo niya ang noo at naptitig
kay Hydrian. Nagbalik na nga ito sa dati at wala itong natatandaang kahit na anong
alaala nang maging si Sebastian ito.
"Chill, Hydrian. Hindi pa handa ang ating hukbo. Pero, huwag kang mag-alala dahil
darating tayo diyan. Sa ngayon ay mag-relax ka lang muna."
Napatango-tango si Hydrian.
"Alam mo, medyo masakit sa ulo iyong ginawa mong pagbabalik ng mga alaala ko.
Makabubuti siguro kung gumala na muna ako para mag-relax. Total, hindi pa naman
handa ang army natin."
"Yeah, that's a good idea. Babalik na muna ako sa hell para mag-ipon ng lakas.
Matagal akong nanatili dito sa mundong-ibabaw dahil sa paghahanap sa'yo. Kampante
akong aalis dahil nga napagaling ko na ang brain-damage mo."
"Brain-damage! Sige na, aalis na muna ako. Bibisitahin ko ang mga dati kong
kasamahan sa Black Circle Oragnization."
"Why?"
"Titingnan ko lang kung namiss nila ako."
Natawa si Beelzebub.
"You are crazy hell, Hydrian! Sige na, gawin mo ang gusto mo."
"Gagawin ko talaga ang gusto ko." napangising wika pa ni Hydrian.
Tumayo na siya sa kamang kinauupuan niya at saka siya nag-inat-inat. Hindi niya
alam kung gaano siya katagal natulog at nawala sa kanyang sarili. Naglakad na siya
palabas at hinyaan lang siya ni Beelzebub. Hindi siya nito sinundan. Balak niyang
umuwi na muna sa bahay niya para mag-ayos ng sarili. Tapos, bibisitahin na niya ang
mga dati niyang kasama sa Black Circle Organization.
Binalutan naman ni Beelzebub ang sarili ng kanyang apoy at saka siya nawala.
Babalik muna siya sa hell ng pansamantala para mag-ipon ng lakas. Tamang-tama,
dahil sa susunod niyang pagpunta sa mundong-ibabaw, mapipisa na ang buo niyang army
at handa na ang lahat para sa digmaan. Hindi nabigo ang pagpapagod niya kay
Hydrian.
Napakunot-noo naman si Hydrian nang napamulsa siya sa kanyang pantalon. Nasa labas
na siya ng chamber ni Beelzebub. Naramdaman niya ang paglalaho ng aura nito,
siguradong bumalik na ito sa hell. Napasipol siya kasi may nakapa siyang maliit na
kahon sa kanyang kanang-bulsa. Kinuha niya iyon at nakita niya ang isang blue-
velvet box. Binuksan niya ang kahon at nakita niya ang isang cute na diamond ring.
Isang engagement ring ang hawak niya. Matagal siyang napatitig doon at ilang
sandaling napaisip pero blangko ang utak niya.
"Sinungaling ka talagang Beelzebub ka! Kung nagpalaboy-laboy ako sa lansangan at
naging miserable... Paano ako magkakaroon nito? At kanino ko naman balak ibigay ang
singsing?"
Isinara niya ang kahon at muli iyong ibinalik sa kanyang bulsa. Huminga siya ng
malalim at inulit niya iyon ng maraming beses.
"Oo nga pala... Beelzebub was a demon himself. One of the Seven Prince of hell!"
Gusto niyang balewalain ang singsing na nasa kanyang bulsa pero paulit-ulit iyong
nakikita ng mga mata niya kahit na nakatago na iyon. Alam niyang may something sa
singsing na iyon.
"Malalaman ko rin kung para saan ka. Sa ngayon, kailangan ko na munang makipaglaro
kay Beelzebub. Sa akala ba niya, magpapagamit ako ng basta sa kanya? Damn him!"
Tumuloy na siya sa paglakad paalis. Napakalayo ang lugar na kinaroroonan niya mula
sa kanyang bahay. Hindi niya alam kung ilang oras ang inabot niya para lang makauwi
siya. Marahas siyang napahinga ng makita niya ang mga naglalakihang damo sa paligid
ng kanyang bahay. Mukhang ang tagal niyang nawala. Tumuloy na siya sa pagpasok sa
loob, sinalubong siya ng makapal na alikabok at agiw. Nagpaypay siya sa hangin at
napaubo siya dala ng kulob na amoy. Inipon niya ang ilang porsiyento ng kanyang
kapangyarihan sa dulo ng kanyang daliri at isang maliwanag na ilaw na kulay-asul
ang lumitaw. Lumutang iyon at saka kumalat sa paligid. Biglang-bigla ay naging
maayos at malinis ang lahat ng gamit na naroon. Umaaliwalas na rin ang amoy ng
paligid. Tumingin siya sa spiral na hagdan ng ilang sandali bago siya pumanhik sa
ikalawang-palapag. Agad siyang nagpunta sa kanyang silid, nadatnan niya doon ang
isang batong-himlayan na wasak na wasak.
Ipinitik niya ang kanyang daliri at sa isang iglap lang ay naglaho na iyon. Ramdam
niya doon ang aura ni Beelzebub.
"Ginawa mo akong guinea pig, walang-hiya ka. Ginamit mo ang kagustuhan kong
makalaya para lang sa plano mo."gigil niyang wika.
Nagtungo siya sa malaking salamin na nasa kanyang silid. Medyo nagulat siya ng
makita niya ang kanyang repleksyon. Puno ng pasa ang kanyang katawan at mukha. Ang
daming niyang galos at sugat. Napahawak siya sa kanyang buhok na may magkaibang-
kulay at maiksi ang gupit. Napatitig siyang maigi sa mga mata niya na mayroon ding
magkaibang kulay. Normal na light-brown ang kulay ng kanyang mga mata... Pero ang
isa niyang mata ay naging pula na. Umatras siya at saka pinalabas ang kanyang mga
pakpak.
"Woooh!" nabigla niyang reaction.
Ang kaliwa niyang pakpak ay naging maitim at nagkaroon sa bandang dulo ng mga
sungay. Pero ang kanan niyang pakpak ay ubod ng puti. Kagaya pa rin iyon nang
normal niyang pakpak. Sinipat pa niyang maigi ang mga iyon at saka ipinagaspas.
Pinakiramdaman niya ang aura na nanalaytay sa kanyang katawan. Nadagdagan iyon at
sigurado siyang mas malakas na siya kaysa sa dati. He grin evil as he face his own
reflection...
"Nice... Hindi na rin masamang maging isang half-breed creation ni Beelzebub. Bigla
tuloy akong na-excite sa kanyang plano. Pagbibigyan ko ang gusto niya."
Mariin niyang ikinuyom ang kanyang mga kamao.
"Hindi magiging maganda kung haggard akong magpapakita sa dati kong tropa. Poporma
na muna ako bago ko sila puntahan."
Muli niyang itinago ang kanyang mga pakpak at saka na siya naglakad papunta sa loob
ng banyo. Nagsimula na siyang magtanggal ng kanyang suot at medyo nakuha na naman
ng blue-velvet box ang atensyon niya. Inilapag niya iyon sa may lababo at kunot-
noong napatitig doon.
"Bakit ba masyado akong bothered sa'yo?" bulalas niya.
Natuliro siya ng ilang sandali pero pagkatapos noon ay napagpasyahan niyang huwag
na lang iyong pagtuunan ng pansin. Maaaring epekto lang ng pagbabalik bigla ng
kanyang alaala dahil kay Beelzebub. Itinuloy na niya ang paliligo. Pinihit niya ang
shower at dumampi sa balat niya ang maligamgam na tubig. Napapikit siya. Bigla
siyang napamulat kasi tila may nakita siyang image na hindi niya maintindihan kasi
sobrang labo... Hindi niya alam kung ano iyon.
Sinapo niya ang sintido at marahas na napahinga. Medyo nagbabad siya sa paliligo.
Pagkaligo ay agad siyang nagbihis. Inayos niya ang sarili, pinagaling niya ang
kanyang mga pasa at galos.
"Ano kayang ikinagalit sa akin ng Beelzebub na iyon at nabugbog niya ako ng todo?
Damn him! Medyo dama ko pa ang mga birada niya sa katawan ko kahit hindi ko maalala
kung ano ang mga ginawa niya."
Nagsuot siya ng isang asul na polo-shirt at itim na pantalon. Inayos niya ang
kanyang buhok na may magkaibang-kulay. Nang makuntento na siya sa kanyang itsura ay
agad na siyang lumakad paalis. Tiyak na masosorpresa ang mga fallen angels na iyon.
Abala sa pagbabantay ng mga demon na nasa loob ng cocoon ang mga Fallen Angels na
dati niyang kasamahan ng dumating siya sa kanilang headquarters. Sinadya niyang
tumawa ng nakakaloko para mapansin ang kanyang pagdating. Nakuha niya ang atensyon
ng lahat at kitang-kita niya ang pagkagulat ng mga ito. Ngumiti siya ng nakakaloko.
"Hello, guys! Did you miss me, huh?"
"Hydrian?!" gulat na wika ni Ziggur.,
"Oh yes, my dear! Ako nga."
Natawa si Ziggur ng mahina. Mariin namang naitikom ni Legion ang kanyang mga kamao.
"Walang-hiya ka! Ang lakas ng loob mong magpakita pa dito!"
Sumugod siya ng malakas na suntok pero nasangga ni Hydrian ang kanang-kamao niya.
Mahigpit nito iyong hinawakan. Sumugod ulit siya ng suntok gamit naman ag kaliwa
niyang kamay pero nasangga din ulit nito iyon. Tumitig ito ng matiim sa kanya at
bahagya pang umilaw ang mapula nitong mata. Natigilan si Legion, kakaiba ang aurang
nararamdaman niya dito, malakas. Sigurado siyang si Hydrian na nga ang kaharap
nilang lahat. Nagbalik na ito sa dati.
"Huwag ka namang mapikon doon sa ginawa ko. Biro lang naman iyon eh. Tsaka, hindi
naman pinatulan ng Blood demon ang kalokohan ko. Hindi kasi siya uto-uto at alam ko
iyon."
Isang malakas na puwersa ang pinakawalan niya kasabay ng pagbitaw niya sa mga kamao
ni Legion. Napaatras ito.
"Hindi ako nagpunta dito para makipag-away. Gusto ko lang mangamusta. Ano na ba ang
update?"
Napahalukipkip si Tumand at bahagyang sumulyap kay Vaulant na nangingiti habang
nakatitig sa bagong dating na si Hydrian.
"Wala namang bago bukod sa iyong pagdating. Mabuti naman at gumaling ka na mula sa
pagkaka-brain damage."
Napataas ng kilay si Hydrian.
"Yeah, pinagaling ako ni Beelzebub. Alam niyo rin pala na na-brain damage ako?"
Nang-aasar na tumingin si Legion kay Hydrian.
"Huh, ako ang unang nakatuklas noon. Binugbog kaya kita ng walang-humpay. Tutuluyan
sana kitang lamugin kaso dumating sina-"
"Legion!" sabat agad ni Vaulant.
Pinanlakihan niya ng mga mata si Legion at bigla nitong naitikom ang bibig.
Nagkibit-balikat na lang ito at tumawa.
"Si Beelzebub ang dumating. Iniligtas ka niya sa pagkakabugbog kay Legion pero sa
bandang-huli, siya din naman ang nambubog sa'yo." pagkukuwento pa ni Vaulant.
"Uhum. Ganoon pala ah?"
"Yeah." nakangising sagot pa ni Vaulant.
Hindi na nagsalita si Hydrian pero ibinaling niya ang tingin sa mga demon na nasa
loob ng cocoon. Lubhang napakarami ng lahat ng iyon at siya ang kikilalaning pinuno
ng mga ito. Siya ang kokontrol sa kanila. Naglakad-lakad siya sa paligid para
sipatin pa iyong maigi.
"Sila pala ang mga ipinagmamalaking demon ni Beelzebub. Mukhang matatagalan pa ng
kaunti ang kanilang paglabas. On going palang ang kanilang development."
"So, ano ngayong balak mo? Wala ka pang gaanong gagawin dahil wala pa naman ang
iyong army?" untag ni Tumand.
Napahawak sa kanyang sintindo si Hydrian.
"Magliliwaliw na muna ako sa labas at magpapakasaya."
Lumakad na siya paatras.
"Aalis ka agad?" untag naman ni Ike.
"Oo. Sisimulan ko na ang pagliliwaliw. Parang namimiss ko kasi iyon eh. Diyan na
kayo at magbantay. Bye!"
Tuluyan nang lumakad paalis si Hydrian. Na-aamaze naman na naiwan ang mga dati
niyang kasamahan.
"The man is back!" napailing pang pakli ni Vaulant.
**************************************

50. Sad Goodbye

"Sad Goodbye"

Matamang isinandal ni Hydrian ang kanyang katawan sa bench na kanyang kinauupuan.


Huminga siya ng malalim... Ilang araw na siyang nagliliwaliw pero hindi siya
nakukuntento sa ginagawa niyang pagbubulakbol. Mayroon siyang hinahanap pero hindi
niya alam kung ano iyon. Wala naman kasi siyang maalala sa mga nangyari sa kanya
nitong nakaraan.
"Buwisit ka Beelzebub! Bakit kailangan mong pakialaman ang mga alaala ko? Walang-
hiya ka talagang demonyo ka.." mahina niyang wika.
Tumingala siya sa langit.
"Ano ba ang dapat kong hanapin?"
Wala siyang nakuhang sagot. Napakamot siya ng marahas sa kanyang ulo at saka na
siya tumayo. Maglalakad-lakad na lang muna siya.
Samantala... Napahinto sa akmang pagkagat ng forbidden fruit si Beelzebub ng
dumating si Asmodeus. Nagtataka siyang napatingin dito dahil isang matipid at
nakakalokong ngiti ang namumutawi sa labi nito.
"Oh bakit?" medyo nayamot niyang tanong.
"Wala lang. Gusto ko lang maki-update ng kaunti. Sa katunayan, galing ako sa lungga
ni Belphegor para maki-update tungkol sa pasaway niyang anak. At masaya naman...
Malakas na kasi siya."
"Wala akong pakialam!" yamot niyang wika at saka na kumagat sa hawak niya.
Napataas ng kilay si Asmodeus.
"Ay! Agko nagugustuan!"
( Ay! Di ko nagugustuhan )
Amaze na napatingin si Beelzebub kay Asmodeus.
"How dare you 3x a day... Hindi mo ako pinuntahan para lang maki-update. Nagpunta
ka dito para lang iparinig sa akin iyang bago mong pauso... Ay! Agko nagugustuan!"
sabay tawa ng mahina.
Natawa ng mahina si Asmodeus. Naglakad siya palapit kay Beelzebub.
"Tama ka, nandito lang ako para magpauso. Wala naman kasi akong pakialam sa mga
plano mo. Gawin mo lang kung ano ang trip mo, hindi ko babasagin. But anyway, hindi
pa kita nababati sa iyong pagbabalik dito sa hell. Ang tagal mo din namang
nawala..."
Napakunot ang noo ni Beelzebub.
"Batiin? Anong klaseng pagbati?"
Umigkas ang kamay ni Asmodeus at isang napakalakas na sampal sa kaliwang-pisngi ang
dumapo sa kanya. Muntik pa niyang mabitawan ang hawak niyang forbidden fruit.
Tuliro siyang napatingin kay Asmodeus at sinalubong siya nito ng isang nakakaloko
at matipid na ngiti.
"Pak! Ganern!" ang nang-aasar na wika ni Asmodeus.
"Oh... Agko nagugustuan!" natawang wika ni Beelzebub.
"Si Belphegor ang nagpauso nito. Nakuha daw niya sa mundo ng mga tao. Mainit na
pagbati, di ba?"
"Right... Ay! Agko nagugustuan!"
Nagtinginan ang dalawang demon at halos sabay na umigkas ang kamay nila sa isa't-
isa... Nagkatitigan ang mga ito at...
"Pak! Ganern!"
Samantala... Napakunot ang noo ni Azrael ng makita niyang papalapit sa kanya ang
isang kulay-puting ibon na kasing-laki ng crane pero ang itsura ay nahahawig sa
phoenix dahil sa mahaba nitong buntot. Dumapo ito sa kanyang harapan at saka gumawa
ng kakaibang tunog. Ang ibon na iyon ay isa sa kanyang tagasundo ng mga taong
papanaw.
"Tingnan natin sa listahan kung para kanino ka."
Ini-requip niya ang kanyang listahan. Napalunok siya at pinagpawisan ng malapot.
Isang mapait na ngiti ang namutawi sa kanyang labi. Hindi niya inaasahan ang
pangalang mababasa niya. Nasorpresa din naman kasi siya.
"Ngayong gabi na mangyayari. Ano ba iyan, hindi ako handa... Hindi ko pa alam kung
ano ang dapat na gawin... Pero, nagbitaw ako ng pangako kay Lola na hindi ko siya
pababayaang mag-isa..."
Huminga siya ng marahas... Sinapo niya ang kanyang dibdib at saka napatingala sa
langit.
"Bakit ba it's complicated palagi ang pag-ibig?"
Humangin ng malamig at saka siya nakarinig ng mahinang tawa. Napatingin siya sa
pinanggalingan noon at nakita niya si Cassiel. Isinway nito sa ere ang mahaba at
brown nitong buhok. Pinutakte siya nito ng taglay na feromones...
"Huwag ka na ngang mareklamo, iyan kasi ang uso. Buti nga at mayroon kang lovelife,
samantalang ang daming naghahanap ng pag-ibig. Basta ang gawin mo, listen to your
heart, love will find a way. Sabi sa mga kanta... He he!"
Napahalukipkip si Azrael at nayayamot na napatingin sa magandang mukha ni Cassiel
na busy sa paglalaro ng strands ng buhok nito.
"Nagpakita ka ba sa akin para lang sabihin sa akin ang mga iyan?!"
Ngumiti ng makahulugan si Cassiel.
"Hindi naman... Gusto ko lang ng exposure!" sabay tawa ng mahina.
"Malala din talaga ang lagay ng isang ito." bulong ni Azrael.
Samantala... Iniabot ni Lolo Gusting kay Blade ang isang paper bag na may lamang
pagkain. Agad iyong kinuha ng binata. Mariing tumitig si Lolo Gusting kay Blade.
"Siguraduhin mo lang na makakarating kay Baste iyang pananghalian niya." paalala
niya sa binata.
"Ito naman si Tanda, wala ka bang tiwala sa aking lase?" natatawang wika ni Blade.
"Pagdating sa pagkain, Oo! Hindi kita basta pagkakatiwalaan."
Sinapo ni Blade ang dibdib.
"Ageh!... Ang sakit naman yata noon, Tanda! Ganoon ba ako kasiba sa paningin mo?"
Nagpaypay sa hangin si Lolo Gusting.
"Hindi lang sa paningin ko no, sa lahat! Sige na, pumunta ka na sa ospital at
ibigay ang pagkain ng anak ko."
"Okay! Salamat at sinabi mo sa amin kung saan kami makakakuha ng mga bilog na
kamias na pinaglilihinan ni Alexa. Hilong-hilo na kami sa kahahanap ng prutas na
pinaglilihian niya eh... Nalase! Sana ako din maglihi para maibigay lahat ng
pagkaing gusto ko. Ha ha ha ha, abuwisit ak pa!"
"Bakit, magbubuntis ka ba? Umalis ka na, tanghali na!" taboy ng matanda.
"Sige na nga! Basta iyong pangako mong bilo-bilo sa akin ah?" pahabol ni Blade.
"Oo na!"
Napapangiting naglakad paalis si Blade papunta sa ospital. Huminga siya ng malalim
dahil bigla niyang naalala si Alexa. Ipinapakita nito sa kanilang lahat na ayos
lang ito pero alam niyang hindi dahil ang bawat ngiti nito ay hindi umaabot sa mga
mata. Mariin niyang naikuyom ang kanyang mga kamao. Ikinakatakot niyang masaktan
ito sa kumplikadong sitwasyon lalo pa at may posibilidad na nagbalik na si Hydrian
sa dati nitong pagkatao.
Samantala... Isang maluwang na ngiti ang namutawi sa labi ni Alexa ng iabot sa
kanya ni Drake ang isang supot na puno ng bilog na kamias. Kasama nito sina Zech at
Creta na may dahon-dahon sa mga damit at mga kaunting gasgas sa mga braso.
"Pasensiya na kayo kung masyado ko kayong naabala. Wala kasi ngayon si Daisy eh,
may inutos ako sa kanya."
Ngumiti si Drake pabalik at pasimpleng sumulyap sa mga kasama na napangiti na rin.
"Hindi kayo abala sa amin ng baby mo."
"Tama siya. Kami ang royal guards mo, di ba?" segunda ni Zech.
Mas lumuwang ang ngiti sa labi ni Alexa.
"Tara, doon tayo sa may gazebo. Kainin natin itong mga dinala niyong kamias."
"Sige." nakangiting sang-ayon ni Creta.
Sa nangyayari ngayon, parang bumabalik siya sa panahon noong maglihi ang Misis
niya. Nakita niya ang hirap nito sa pagbubuntis hanggang sa panganganak at naroon
siya sa tabi ng kanyang asawa noon para alalayan ito sa lahat ng oras. Pero si
Alexa, nawawala ang lalaking aalalay sana dito kaya silang magkakaibigan na lang
ang bahala. Magkakasunod silang naupo at excited na excited si Alexa ng buksan niya
ang supot para kumuha ng prutas. Ang saya ng pakiramdam niya ng makain niya ang
prutas. Napawi ang lahat ng frustrations niya.
"Kamusta?" nakangiting tanong ni Creta.
"Well, okay na ang pakiramdam ko. Salamat talaga sa inyo."
Tumingin siya sa mga kasama niya. Nakatuon ang atensyon ng mga ito sa kanya. Umunan
sa kanyang mga braso si Zech, medyo nahirapan sila sa pangunguha ng mga bilog na
kamias dahil malayo ang kinaroroonan ng puno na itinuro ni Lolo Gusting at
napakataas pa ng punong inakyat nila. Ngumiti siya kay Alexa at saka nagsalita.
"Wala iyon, Alexa... Habang nawawala si Sebastian eh kami na muna ang bahala sa
inyo ng baby mo."
Napalis ang ngiti sa labi ni Alexa at nangilid sa mga mata nito ang luha. Humigpit
ang pagkakahawak nito sa supot.
"I-I really miss him... And I'm worried. Sana lang... Okay lang siya at bumalik
sana siya agad sa amin ni baby. Hindi ako mapapagod sa paghihintay dahil alam kong
uuwi din siya..."
Kahit na pinigilan ni Alexa ang pagtulo ng kanyang mga luha ay bumagsak pa rin iyon
sa kanyang mga pisngi. Natigilan si Zech at napalunok ng katakot-takot. Nilukuban
siya ng napakatinding guilt. Tumingin siya sa mga kasama niya at matatalim na
tingin ang kanyang napala.
"Sheyt na malagkit! Bakit mo sinabi ang bagay na iyon?! Hindi ka ba nag-iisip?!
Ibinulsa mo ba ang utak mo?" bulong ni Creta.
Kinutusan niya si Zech at ginaya din siya ni Drake.
"Abuwisit ak pa!" pakli pa ng huli.
"Ageh!" atungal nalang ni Zech.
Natawa ng mahina si Alexa at saka pasimpleng nagpunas ng kanyang mga luha.
"Guys, huwag niyong pagalitan si Zech. Okay lang ako, wala siyang masamang sinabi.
Madali lang akong mapaiyak ngayon dahil buntis ako. Mabilis akong maging
emotional..."
Samantala... Napasipol si Blade ng ilapag niya ang dala niyang paperbag sa mesa ni
Baste sa loob ng opisina nito sa ospital. Ayon sa nakasalubong niyang nurse, nasa
delivery room pa daw ito at may pinapaanak na pasyente.
"Uy!" natuwa niyang wika.
Nakasampay kasi ang doctor's robe ni Baste sa swilve chair nito. Nagpalinga-linga
siya sa paligid at saka walang pakundangang kinuha ang nakasampay na damit sa upuan
at agad na isinuot. Magkasing katawan sila ni Baste kaya sukat na sukat sa kanya
ang doctor's robe nito. Prente siyang naupo at napangisi ng pilyo.
"Doctor Love is in! Sa mga may sakit sa puso nang dahil sa pag-ibig.. Come in!
Libre ang check up at mas lalong libre ang ibinibigay kong gamot na yakapsule at
kisspirin! Wa ha ha ha ha! Para namang true! Anak na lase!"
Kinuha niya ang nakalapag na stethoscope at saka isinabit sa kanyang leeg.
Pinagtripan niyang pakinggan ang tibok ng kanyang puso. Tapos, iyong tiyan niya ang
sunod niyang pinagtripang pakinggan. Napatango-tango siya.
"Palibhasa busog ako eh. Hindi ko tuloy marinig iyong mala-dragon niyang ungol...
Anak na lase!"
Itinigil niya ang ginagawa at saka nilaro ang mga daliri sa mesa na siyang gumawa
ng ingay sa silid. Bored na siya pero bigla siyang may naisip... Isang nakakalokong
ngiti ang namutawi sa kanyang labi.
"Hindi naman siguro masama kung magroronda na muna dito sa ospital si Dr. Love!
Yayks, maghahanap ako ng mga magiging pasyente ko. Wa ha ha ha ha!"
Excited na excited na lumabas ng silid si Blade. Pasipol-sipol siyang naglalakad-
lakad sa ospital at ang bawat nadadaanan niyang mga nurses, mga doctor, mga
pasyente at mga bantay ng mga pasyente ay napapatingin sa kanya.
"Ang guwapo naman niyang doctor! Parang gusto ko nang magpa-confine!"
Isang mayabang at nakakalokong matipid na ngiti ang namutawi sa kanyang labi.
"Geez... Mukhang marami akong fans agad dito sa ospital. Sana lang, huwag akong
mahuli ni Baste na pinakialam ko itong mga gamit niya." bulong niya.
Tuloy lang siya sa paglalakad para magpa-cute sa mga taong naroon sa ospital. Bigla
siyang napahinto sa paglalakad ng harangin siya ng isang nurse na lalaki.
"Dok, kailangan po kayo sa E.R! May pasyente po tayong na food poison! Medyo masama
ang lagay!"
Bago pa makapagsalita si Blade ay agad na siyang hinila ng nurse papunta sa E.R.
Nadatnan nila doon ang isang lalaking namimilipit sa sakit ng tiyan. Namumutiktik
na ito sa pawis. Sinapo niya ang noo ng lalaking pasyente, malamig naman iyon.
"D-Doc... Tulungan po ninyo ako... H-Hindi ko na kaya ang sakit ng tiyan ko..."
Napangisi si Blade ng mayabang sa lalaki.
"Huwag kang mag-alalang-lase, akong bahala sa'yo. Mabubuhay ka dahil isa akong
magaling na doktor!"
Tsinek-up niya ito kunwari gamit ang stethoscope. Tumingin siya sa kanyang
pasyente.
"Na-food poison ka. Ano ba kasi ang kinain mo?!"
Obvious naman na na-food poison ang pasyente. Isa itong binatilyo, nakasuot pa nga
ito ng school uniform. Hindi nga lang ito nag-aaral sa eskuwelahan ni Blade.
"D-Doc... Lumapit ka at ibubulong ko..."
Inilapit ni Blade ang tenga sa bibig ng pasyente.
"E-Expired na c-chocolate...."
Nanlaki ang mga mata ni Blade sa kanyang narinig at sa kabiglaan ay...
"BAON-INAM!!" sabay kutos ng malakas.
"Ageeh!!..."
Isang madaliang solusyon ang naisipan ni Blade. Inutusan niya ang kasama niyang
nurse.
"Kumuha ka ng maliit na timba na pangsahod sa suka niya. Palalabasin ko ang lason
sa kanyang katawan."
"Okay Dok!"
Umalis agad ito pero nagbalik agad na may dalang maliit na timba. Ipinaupo niya ang
pasyente sa kama.
"Humanda ka bata, biglaan ito at medyo masakit. Pero nalase, garantisadong magaling
ka na pagkatapos ng gagawin ko. Ikaw naman diyan nurse, maghanda ka dahil baka
mapaliguan ka kapag naging papatay-patay ka."
"Okay po, Dok!"
"Magbibilang na ako, one... Two... Thr-"
Hindi na niya itinuloy ang pagbibilang sa number three, basta binigla niya ang
paninikmura sa pasyente na sinundan pa niya ng malakas na tapik sa likod. On the
spot itong nagsuka ng napakarami at napaliguan pa nito ang kasama niyang nurse.
Humihingal na napatingin sa kanya ang binatilyo... Napahinga ito ng malalim at saka
nagthumbs-up.
"Dok, o-okay na ako. Salamat..."
"Anak na lase na animal! Sa susunod kasi huwag kang kumain ng expired na
chocolate. Ibigay mo na lang sa akin!"
Nakarinig sila ng tikhim at nakita nila ang nurse na masama ang tinging nakapukol
sa kanila dahil nga napaliguan ito ng suka.
"Dok... Ako, hindi ako okay..."
Nagpaypay sa hangin si Blade.
"Iligo mo lang iyan... Excuse me!" sabay exit ng mabilis.
Tawang-tawa si Blade habang naglalakad siya palayo sa pinanggalingan niya. Pero
hindi pa man siya nakakalayo ay isa na namang nurse ang nanghila sa kanya. Sa
pagkakataong ito ay babae ang nurse. Napatanga si Blade ng dalhin siya nito sa
maternity ward. Tatlong-buntis ang naroon na namimilipit sa sakit ng tiyan dahil
malapit nang manganak.
"Nalase! A- Anong gagawin ko dito?!!" bulalas niya sa babaing nurse na nanghila sa
kanya.
"Dok naman, painosente ka pa... Eh kailangan po ninyong sukatin ang mga pasyente
kung malapit nang lumabas ang mga baby nila." napangiting wika ng nurse.
Walang ideya si Blade kung ano ang gagawin niya.
"Nasaan ang gagamitin kong panukat?" curious niyang tanong.
Natawa ang nurse.
"Dok, nagjo-joke ka pa talaga. Etong tatlong-gitnang daliri sa ating mga kamay ang
ginagamit na panukat di ba? Ganito..."
Iniayos ng nurse ang mga daliri ni Blade sa kanan nitong kamay. Hinila siya nito
papunta sa isang pasyente.
"Unahin na natin siya Dok... Mukhang siya ang pinakamalapit ng manganak eh. Sukatin
niyo na po..."
Pinagpawisan si Blade..
"P-Paano ko susukatin?"
"Ipasok po ninyo. Si Dok talaga, nagpapakainosente pa..." natatawang wika ng nurse.
"A-Anong ipapasok kong lase?!"
"Dok naman, siyempre kailangan niyong ipasok ang mga daliri niyo para malaman natin
kung ilang inches na lang ang layo ng bata sa birth canal. Para alam natin kung
kailangan na nating dalhin si Misis sa delivery room para manganak. Oh, ipasok mo
na, Dok."
Biglang napaatras si Blade. Nag-init ng todo ang kanyang mukha at namula ito
hanggang sa leeg. Bigla din itong pinagpawisan ng katakot-takot...
"Animal, hindi ko gagawin!" nataranta niyang wika.
"DOK?!!"
"Oh please... Virgin pa aking mga kamay! Nalase, di pa ako handang magkasala!
Bye!!!..."
Kumaripas siya ng takbo paalis ng maternity ward at tuluyan na siyang umalis sa
ospital. Natatawa naman na napapailing sa may gilid ng delivery room si Baste.
Napahalukipkip siya.
"Ano ka ngayon Kuya Blade... Hindi mo rin naman napanindigan ang pagdodoktor-
doktoran mo... Sa nangyari, tiyak na magtatanda ka na. Ha ha!"
Siya ang nag-utos doon sa dalawang nurse na nanghila kay Blade. Nakalusot ito doon
sa una niyang pagsubok pero napasuko agad ito sa pangalawang task...
Samantala... Busy si Hunter sa paglilibot para hanapin ang nawawalang si Hydrian at
isinabay niya iyon sa paghahanap niya ng ehem! Mga pokemon. Nagsa-sound trip pa
siya habang gumagala.
"I wanna be the very best that no one ever was... To catch them is my real test, to
train them is my cause..."
Napapakanta pa siya dahil feeling niya, siya iyong bida. Natigilan siya ng may
bumangga na kung sino sa kanyang likod. Hinarap niya at bahagyang napatanga sa kung
sino ang kanyang nakita. Maging ito ay nagulat din ng bahagya pagkakita sa kanya.
"Satan!" bulalas niya ng makabawi siya sa pagkabigla.
Ngumiti ito ng matipid sa kanya at napasuklay pa ng bangs.
"Chill, my dear Hunter... Hindi ako nagpunta dito sa mundong ibabaw para maghasik
ng lagim. Mayroon lang akong pinagkakaabalahan na medyo kinaaadikan ko na."
Napakunot-noo si Hunter.
"Pinagkakaabalahan?"
"Yeah... Na-hook kasi ako sa paglalaro ng pokemon go eh... Tsk! Hindi naman kasi
nakaprogram dito sa app na may mahahanap na mga pokemon sa hell. Ay! Agko
nagugustuan..."
"Naghahanap ka rin ng mga pokemon ngayon?" amaze na tanong ni Hunter.
Nangislap naman ang mga mata ni Satan.
"Mukhang nagulat ka sa sinabi ko. Bakit, wala na ba kaming karapatang makiuso?
Updated din kaya kami sa mga nangyayari dito sa mundo. But anyway, how dare you 3x
a day! Marami ka na bang nahanap na pokemon?"
Ngumiti ng mayabang si Hunter kay Satan. Ipinakita niya ang kanyang gadget.
"Huh, ako pa! Ang mga dragon type pokemon na lang ang kailangan kong kumpletuhin."
"Ay! Agko nagugustuan! How dare you 3x a day!"
"Uy, uy! Relax ka lang diyan... Hindi naman kita inaaway ah?"
"Oh dear Hunter... Badtrip akong bigla dahil sa inggit. Medyo hirap ako sa
paghahanap ng mga lintek na pokemon."
"I will save your day, Satan... Ituturo ko sa'yo ang mga lugar kung saan ka
makakakuha ng maraming pokemon." napangiting wika ni Hunter.
Napataas ng kanang-kilay si Satan.
"Hmm... You will do that?!" nagdududa nitong tanong.
"Why, of course! I'm an angel of God who is willing to save the day of anyone. At
wala naman akong nakikitang rason para hindi sabihin sa'yo ang mga lugar kung saan
ka makakahuli ng mga pokemon."
"Ay! Agko nagugustuan! Baliw ka rin, ano? Pero sige... Pinapayagan kitang iligtas
ang araw ko ngayon. So, puwede bang sabihin mo na sa akin ang information na
kailangan ko?"
Ngumiti ng nakakaloko si Hunter.
"Ask me nicely, Satan... Say please...?" nang-aasar na wika niya.
"Urgh!.... Ay! Agko nagugustuan! But please... My dear Hunter.. Save my day."
Na-amaze si Hunter at napatanga ng ilang sandali...
"Abuwisit ak pa! Isang himala!" sabay tingala sa langit.
Napa-sign of the cross siya ng wala sa oras. Binalingan niya ng atensyon si Satan
na nakangiti ng mabait kunwari... Natawa siya ng mahina at saka sinabi ang
impormasyong kailangan nito para makahuli ng pokemon.
Samantala... Napaatras si Rane ng biglang sumulpot sa kanyang harapan si Blade.
Tarantang-taranta, namumula ang mukha at leeg, pinagpapawisan at nakasuot ng
Doctor's robe na may nakasampay pang stethoscope sa leeg. Nasa garden siya at
nagpru-pruning ng mga roses. Sa halamanan lumitaw na parang singaw na kabute si
Blade.
"Hindi pa ako handang magkasala! Anak na lase!"
Amaze siyang napatingin kay Blade.
"Anong sinasabi mo diyan at anong nangyayari sa'yo?" curious na tanong ni Rane.
Natigilan si Blade ng marinig niya ang boses ni Rane. Kumalma siya. Hindi niya alam
pero dinala siya ng kanyang mga paa kay Rane. Napahinga siya ng marahas at saka
napaupo.
"Hindi ko pala kayang maging isang doktor. Anak na lase!"
Naupo si Rane sa tabi ni Blade. Na-amaze siya sa itsura nito kasi para itong bata
na inagawan ng laruan.
"Bakit, ano na naman bang kalokohan ang ginawa mo?"
"Nanggaling ako sa ospital. Inutusan ako ni Tandang Gusting na dalhan ng
pananghalian si Baste... Tapos, hindi ko siya nadatnan sa opisina niya kasi busy pa
siya sa delivery room na nagpapaanak. Kinuha ko ang mga gamit niya at nagpanggap na
doktor. Nalase! Sa bandang-huli, nakarma akong lase ay! M-Muntik nang mabahiran ang
aking mga kamay... Urgh!! Di talaga kaya ng sikmura ko..."
Curious na napatingin si Rane kay Blade.
"Anong muntik nang mabahiran ang iyong mga kamay?"
"May nurse na humila sa akin papunta sa maternity ward... Pinapasukat sa akin kung
malapit na daw ba ang ulo ng baby noong pasyente sa birth canal... Animal,
napakaripas ako ng takbo palayo! Kaya nga ako nandito sa'yo eh.."
Napa-oh ang labi ni Rane tapos, nang makabawi na siya sa narinig niyang kuwento ni
Blade ay napabunghalit siya ng tawa. Nang kumalma siya ay pilya siyang napatingin
dito.
"Ano ka ba naman! Chance na iyon, bakit mo pa pinalagpas?!" natatawa niyang biro.
Yamot na tumingin sa kanyang mukha si Blade.
"Alam mo, kung ginusto ko lang eh di ginawa ko na kanina! Pero anak na lase na
animal! Hindi pa ako handang magkasala!"
Natawa ulit siya kay Blade na namumula ang mukha at leeg.
"Bakit, kailan ka ba magiging handa na magkasala?" biro niyang tanong.
Natigilan siya ng bigla siyang titigan ni Blade.
"Bakit ikaw? Kailan ka ba magiging handa na gawan ng kasalanan ang virgin kong
katawan? Sa palagay ko, matagal pa iyon dahil bata ka pa. Pero huwag kang mag-
alala, aantayin naman kita hanggang sa dumating ang tamang panahon."
Napatulala si Rane kay Blade... Nag-init ng todo ang kanyang mukha na hindi pa
kasing-init na kagaya ng dati. Napakurap siya at nakita niya ang pilyong ngiti ni
Blade.
"S-Sira-ulo ka talaga!" sabay kutos ng malakas.
"Ageeeh!!..."
Tumayo na siya at saka napipikong nagwalk-out. Iyon nga lang ay narinig niya ang
nakakalokong tawa ni Blade.
Kinagabihan ay dumalo sa isang birthday party ng isang kaibigan si Alexa. Kasama
niyang um-attend ang pinsan niyang si Daisy.
"Alexa my dear! Nakakainis ka talaga! Paganda ka ng paganda, ano ba ang sekreto
mong babae ka?"
Isang alanganing ngiti ang namutawi sa labi ni Alexa.
"Wala naman akong sekreto, Hannah. I'm just pregnant."
Nasamid ang kanyang kaibigan sa iniinom nitong wine. Nagpigil naman ng tawa si
Daisy at saka napatingin sa kanya. Isang pilyang ngiti ang kanyang isinukli.
"Alexa, baliw ka talaga! Kahit kailan talaga ay over ka magjoke. But anyway,
where's Seb?"
Tila nanuyo ang lalamunan ni Alexa. Nanigas maging ang dila niya. Nakahalata naman
si Daisy kaya sinalo niya ang kanyang pinsan.
"May inasikaso lang na negosyo sa province si kuya Seb kaya ako ang kasama ni ate
Alexa."
"Oh, sayang naman. Ang dami pa man din niyang alam sa antiques, magpapatulong sana
ako sa kanya na tumingin ng items sa nalalapit na auction na gaganapin sa isang
lumang opera house. But maybe, next time na lang."
"Next time na lang, ate Hannah."
Tumikhim si Alexa para kunin ang atensyon ng mga kasama.
"Pupunta lang ako sa ladies room." paalam niya.
"Samahan na kita, ate."
"No, Dais... Okay lang akong mag-isa. Besides, hindi naman ako magtatagal.
Magkuwentuhan lang muna kayo ni Hannah. Excuse me."
Bago pa makapagreact si Daisy ay lumakad na siya paalis. Sa likod ng bahay siya
nagpunta, sa may garden. Lumayo siya sa mga tao, naghanap siya ng spot kung saan
siya mapapag-isa. Humihingal siyang napasandal sa isang bush at saka naiiyak na
napahalukipkip.
"Seb, nasaan ka na ba? Huwag mo naman akong pahirapan ng ganito oh... Please, come
back... I really miss you..."
Tuluyan nang tumulo ang kanyang mga luha at sumisinghot niyang pinunasan iyon.
Samantala... Napakislot si Hydrian ng makarinig siya ng mga hikbi ng isang babae.
Paalis na sana siya sa party kung saan siya nag-gate crash. Akala niya ay masaya
iyon pero isa lang palang birthday celebration. Gusto niyang balewalain ang mga
naririnig niyang iyak pero may malakas na puwersang humihila sa kanya para puntahan
iyon. Sa may likod iyon ng isang bush. Napakunot-noo siya ng makita niya ang
babaing nakasuot ng puting dress na fitted sa katawan nito. Below the knee ang
damit na medyo mababa ang neckline. Sinipat niya ito.
"What a curves..." pilyo niyang wika.
Bahagya siyang natigilan ng biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso na para bang
lalabas na sa kanyang katawan. Lalo niyang ginustong lapitan ang babae dahil
curious siya. Naglakad siya palapit dito. Napatigil naman sa pag-iyak si Alexa ng
makarinig siya ng mga yabag. May tao sa kanyang likuran.
"L-Leave me alone!" paangil niyang wika.
"I won't leave a lady crying alone in this dark garden. Who's the jerk who made you
cry, huh?"
Natigilan si Alexa ng marinig niya ang boses ng lalaki. Kilalang-kilala niya ang
boses na iyon.
"Miss, are you alright?"
Tuluyan nang humarap si Alexa sa lalaking nasa kanyang likuran. Napatanga siya. Her
heart skip a beat. Hindi siya makapaniwala. Muling tumulo ang kanyang mga luha.
Nahigit niya ang kanyang paghinga ng lapitan siya nito at punasan ang mga luha sa
kanyang mga pisngi. Natuliro siya ng laruin ng kanan nitong mga daliri ang gilid ng
kanyang mga labi at tumitig ng mariin sa kanyang mukha.
"Alam mo bang malaking kasalanan ang pag-iyak ng isang magandang binibini na
katulad mo? Tell me, who is the reason of this shameful tears?"
Napakurap si Alexa. She was not dreaming! Biglang namutawi ang ngiti sa kanyang mga
labi at kasunod noon ang mahigpit niyang pagyakap sa binata. God only knows how
much she miss this guy! Nabigla naman si Hydrian sa ginawang pagyakap ng babae sa
kanya.
"Thank God, you are okay Seb! You don't know how much I'm worried about you since
you were gone... Thank you so much, you are back..."
Natigilan ng husto si Hydrian sa kanyang mga narinig. Hindi niya alam pero
napayakap siya pabalik sa babae. Napapikit siya at huminga ng malalim. Pamilyar sa
kanya ang init ng katawan nito maging ang amoy ng gamit nitong pabango. Huminga
siya ng marahas at marahang kumalas sa pagkakayakap nito. Pinagmasdan niya ang
maganda at inosente nitong mukha.
"Ano bang sinasabi mo sa akin, Miss?"
Natigilan si Alexa at napapatangang napatingin sa kanyang kaharap. Hindi niya
inasahan ang kanyang narinig. Naiiyak siyang napatitig sa lalaki.
"Sebastian, that is a bad joke. You know, I hate that..."
Isang alanganing ngiti ang namutawi sa labi ng binata at kinabahan siya ng husto.
"Sorry, Miss... Hydrian is my name. Hydrian Lovette to be exact. Not that silly
name Sebastian. Yuck, so old fashion..."
Nanghina ang buong sistema ni Alexa.
"Y-Your memory has come back and you d-don't know me anymore..." tulala niyang
wika.
Ilang segundong natigilan si Hydrian at matamang napatitig sa kaharap.
Determinadong tumingin sa kanyang mukha ang dalaga.
"I-It's me, A-Alexa..." tila nagpapaalala pa nitong wika.
Nagtiim ang mga bagang ni Hydrian. Tumitig siya sa kanyang kasama. Pain was all
over her... Napakurap siya at saka huminga ng marahas.
"I'm so sorry but I don't remember you, Miss Alexa. Nagka-brain damage kasi ako
nitong nakaraan."
Napabuga ulit ng hangin ang binata. Hindi niya maintindihan ang kanyang sarili kung
bakit siya nahihirapan at nasasaktan. Bakit ba kailangan niyang maramdaman ang
ganoon?! Isang theory ang namuo sa kanyang utak. Iginiit niya sa kanyang sarili
na... 'She was just a girl.' Na maaaring dumaan lang sa kanyang buhay katulad ng
iba na nagkaroon din sa kanya ng kaugnayan para sa isang laro. Iyon nga lang ay
ayaw makisama ng buo niyang sistema dahil alam niyang iba ang babaing kaharap niya
kumpara sa mga babaing nakahalubilo na niya noon. Mabuti ito, hindi ito ang tipo na
pinaglalaruan at nakikipaglaro. At alam niyang makakasama dito ang pagkakaroon ng
ugnayan sa kanya. Seryoso siyang tumitig dito.
"I guess, we had an affair while my brain is not conscious... Don't take it
seriously, okay? Forget everything, love. I am the kind of guy who's status is
always complicated. Magkakaproblema ka lang ng malaki sa akin kaya mas makabubuting
kalimutan mo lang ako. I'm sorry for everything..."
Pakiramdam ni Alexa ay sinaksak ng napakaraming kutsilyo ang puso niya. Todo-todong
panghihina ang kanyang nararamdaman pero nagpapakatatag siya alang-alang sa
kanilang baby... Akma sanang lalakad paalis ang binata ngunit mabilis niyang hinila
ang kanan nitong braso. Nagulat ito sa kanyang ginawa at amaze na napatingin sa
kanyang mukha.
"G-Ganoon na lang ba iyon?!"
Napalunok si Hydrian ng makita niya ang masaganang luha sa magagandang mga mata ng
dalaga. Umaagos ang mga iyon sa magkabila nitong pisngi. He has the urge to wipe
her tears... Pero nagpigil siya ng todo sa kanyang sarili.
"You can't love me... I am a bad being..." bulalas na lang niya.
Napailing ang dalaga sa kanyang sinabi at hindi niya inaasahan ang inakto nito.
"N-No... You are not a bad a being."
"Huh, hindi mo ako kilala."
"My heart does..."
"Let's stop this foolishness. I don't know you, and I don't remember you, is that
clear?! Forget about me."
Akmang bibitaw si Hydrian sa kamay ni Alexa pero hinila nito ang kanyang kanang
kamay sa may tiyan nito.
"I-Im carrying our child..."
Nanlaki ang mga mata ni Hydrian sa kanyang narinig. Ramdam niya ang pagpintig ng
munting buhay sa loob ng sinapupunan nito. At ramdam niya ang pamilyar na aura, sa
kanya mismo... Napalunok siya. Binitiwan na ng dalaga ang kanyang kamay at nalilito
siyang napailing. Umatras siya.
"Maling-mali ito, naiintindihan mo?! Hindi ka puwedeng magkaroon ng kaugnayan sa
akin dahil lubhang mapangananib para sa'yo. Kagaya ng sinabi ko, masama akong
nilalang kaya mas makabubuting kalimutan mo na lang ako kasama na ang lahat ng
nangyari na hindi ko maalala. I'm so sorry, Alexa..."
Nagulat si Alexa sa kanyang mga narinig at mas lalo siyang nagulat ng marahang
ikulong ng binata ang kanyang mukha sa mga palad nito. Kasunod agad noon ang isang
mabining halik sa kanyang labi. Again, she felt that strange magic between them.
Napapikit siya at napaganti sa mabini nitong halik unti-unti nang lumalalim... Pero
hindi nagtagal ang magic na iyon dahil agad din namang pinutol ng binata bago pa
iyon maging intense at passionate. Napasinghap siya ng marahan itong kumalas sa
labi niya at napatitig sa mukha niya. Naiiyak siyang napatitig sa mukha nito. Hindi
nagsalita ang binata pero hinalikan siya nito sa kanyang noo.
"It's good to see you, Alexa... But, goodbye..."
Tuluyan nang lumayo si Hydrian sa dalaga at saka lumakad paalis. Tulala lang si
Alexa hanggang sa tuluyang mawala sa kanyang paningin ang binata. Nawala ito sa
kadiliman ng gabi. Mariin niyang ikinuyom ang kanyang mga kamao, naguguluhan
siya... Napakagat siya sa kanyang labi.
"B-Bakit?!"
Iyon ang tanong niya sa kanyang sarili na hindi niya makuhanan ng sagot. Napaiyak
na lang siya...
END OF BOOK 2
*************************************
#salamat sa paghihintay...
NOTE

NOTE:
Ayan, natapos na rin tayo sa book 2 ng Sir Blade. Nagpapasalamat ako sa lahat ng
nagbabasa ng stories ko kahit na kakaunti lang kayo. Sana lang, napasaya ko kayo ng
husto. Iyon lang naman ang main na rason kung bakit nagawa ko ang character ni
Blade at ang istoryang ito.
Sa totoo lang, binalak kong huminto na sa pagsusulat nang mamatay ang father ko
last year. Hindi ko kasi alam kung magagawa ko pang magcrack-out ng joke. Pero wala
eh, nasa sistema ko na ang pagsusulat kahit noon pang di pa ako nakukulit ng
bestriend ko tungkol sa wattpad. Di ko pala kayang itigil.
Pasensiya na kung madalas di ako nagrereply sa mga comments. Ewan, ganoon kasi ako
dahil di ako ganon ka-active sa social media. Bihira akong magbasa ng stories dito
sa wattpad, aaminin ko. Ang dahilan, bored ako sa POV's. Hindi ko type dahil
nasanay akong magbasa sa mga stories na hindi ganoon ang format. Perdona dahil na-
o-OA-han kasi ako eh. Iyong pagbungad ko palang at POV ang makikita ko, natu-turn
off na ako. Perdona sa opinyon ko. Hindi rin naman kasi ako magaling na kagaya ng
iba, hindi kagandahan ang pagko-construct ko sa paggawa ng mga stories ko. Pero
salamat ng todo sa mga nagtiyatiyagang magbasa at sa mga nagpa-follow sa akin na di
ko kilala. Basta, salamat at pagpasensiyahan niyo na lang ako.
Huwag gagayahin at aangkinin itong story na ito, please... Pinaghirapan ko 'to eh.
Pakiabangan na lang pala sa update ng escape from hell book 2 kung may book 3 na.
thanks..
brose_fire

You might also like