Pumunta sa nilalaman

Likas na agham

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Likás na aghám o aghám pangkalikásan[1] ang isa sa tatlong pangunahing sangay ng agham na nakatuon sa mga proseso, pag-unawa, paglalarawan, at prediksiyon base sa obserbasyon o eksperimento. Nahahati ito sa dalawang sangay: buhay at pisikal. Kilala rin sa tawag na biolohiya ang agham pambuhay, samantalang nahahati naman sa apat na sangay ang pisikal na agham: pisika, kimika, agham pandaigdig, at astronomiya. Nahahati ang mga ito sa samu't saring mga larangan. Ginagamit ng mga likas na agham ang mga pormal na agham kagaya ng matematika at lohika upang maipaliwanag ang mga likas na batas.

Ayon sa ilang mga iskolar, nagmula ang mga likas na agham sa pangangailangan ng mga sinaunang lipunan na maunawaan ang kanilang kinagagalawang lugar. Pinagpasa-pasahan ang kaalaman na nakalap ng bawat henerasyon patungo sa mga kasunod nito, kagaya halimbawa ng kaalaman sa mga ugali ng hayop at medisina. Kalaunan, naging pormalisado ang pag-aaral sa mga ito pagsapit ng 3000 BKP sa mga sinaunang kultura ng Ehipto at Mesopotamia, na nagsulat ng mga pinakamatatandang halimbawa ng likas na pilosopiya, ang ninuno ng ngayo'y likas na agham. Bagamat malinaw na may mga interes ang sinaunang kultura sa mga ito, lalo na sa astronomiya, malinaw din na ginawa nila ito sa ngalan ng relihiyon, hindi agham.

Samantala, meron ding nabuong mga panimulang agham sa sinaunang Tsina at India. Sa Tsina, mahalagang konsepto ang yin at yang, na nagpapaliwanag sa magkatunggaling likas na puwersa. Samantala, inilalarawan naman sa mga Veda ang sinaunang konsepto ng sanlibutan ayon sa mga sinaunang Indiano, gayundin sa ideya ng tatlong humor na nagdidikta sa estado ng katawan.

Sa sinaunang Gresya, ipinaliwanag ng mga pilosopong Presokratiko ang kalikasan na may halong mahika at mitolohiya tulad ng ibang mga kultura. Naniniwala sila na ang mga sakuna halimbawa ay resulta ng isa o higit pang mga galit na diyos. Gayunpaman, may mga ilang iskolar na sinubukang magbigay ng paliwanag nang walang bahid ng mitolohiya o relihiyon. Halimbawa, ipinaliwanag ni Tales ng Miletus ang mga lindol bilang resulta ng paglutang ng kalupaan sa isang pandaigdigang karagatan. Iminungkahi naman ni Leucipo ang ideya ng atomismo, na nagsasabing binubuo ang realidad ng mga napakaliit na mga bagay na tinatawag na mga atomo. Samantala, gumamit naman si Pitagoras ng matematika upang imungkahi na bilog ang mundo.

Likas na pilosopiya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Gitnang Kapanahunan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Rebolusyong Makaagham

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ika-19 at ika-20 siglo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kasalukuyang siglo

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Almario, Virgilio, pat. (2010). "agham pangkalikasan, natural science". UP Diksyonaryong Filipino (ika-2 (na) edisyon). UP-Sentro ng Wikang Filipino-Diliman – sa pamamagitan ni/ng Diksiyonaryo.ph.

Bibliograpiya

[baguhin | baguhin ang wikitext]
[baguhin | baguhin ang wikitext]