Fil 9 - 3rd Quarter-April 11
Fil 9 - 3rd Quarter-April 11
FILIPINO 9
IKAAPAT NA MARKAHAN
Noli Me Tangere
LINGGO 1
Unang Araw
Bb. Rio M. Orpiano
Kaligirang
pangkasaysayan ng
Noli Me Tangere
Ang Noli Me Tangere ang kauna-
unahang nobelang isinulat ni
Rizal. Magdadalawampu’t apat
na taon pa lamang siya nang
isinulat niya ito.
Ayon kay Dr. Blumentritt, ang
Noli Me Tangere ay isinulat sa
dugo ng puso. Ngunit ano nga
ba ang tunay na layunin ni
Rizal sa pagsulat niya ng
nobelang ito?
Naisipan ni Rizal na sumulat ng
Noli Me Tangere dahil sa tatlong
aklat na nagbigay sa kaniya ng
inspirasyon:
1. The Wandering Jew
2. Uncle Tom’s Cabin
3. Bibliya
Bago matapos ang taong 1884 ay
isinulat niya ito sa Madrid at
doo’y natapos niya ang kalahati
ng nobela.
Ipinagpatuloy niya ang pagsulat
nito sa Paris noong 1885 at
natapos ang sangkapat.
Natapos naman niyang
sulatin ang huling
ikaapat na bahagi ng
nobela sa Alemanya
noong ika-21 ng
Pebrero, 1887.
Mula nang simulant niyang
isulat ang Noli Me Tangere ay
nagsimula nang magtipid si
Rizal. May pagkakataong
dalawang beses lamang siyang
kumakain sa maghapon
Ang mga lungsod ay ang mga sumusunod:
1. Legazpi, Albay
2. Tabaco, Albay
3. Ligao, Albay
4. Masbate, Masbate
5. Naga, Camarines Sur
6. Sorsogon, Sorsogon
Mga Gabay na Katanungan:
1. Sino-sino ang mga tauhan sa napakinggang
epiko?
2. Ilarawan ang naging pamamahala ni Baltog,
papaano niya pimunuan ang Ibalondia?
3. Ano ang iyong opinyon tungkol sa pag-iibigan
nina Handiong at Oriol? Tama ba ang naging
desisyon ng dalawa?
4. Papaano nagapi ni Bantong ang katunggali
niyang si Rabut?
Ang unang bahagi ay ukol sa “Ang
Kagila-gilalas na Haring si Baltog.” Si
Baltog, isang malakas na mandirigma, ay
naglakbay patungo sa masaganang lupain
ng rehiyon ng Bikol. Napamahal sa
kaniya ang Bikol dahil sa maganda
nitong tanawin.
Lumipas ang mga taon at siya ay piniling
maging hari ng Ibalondia. Siya ay
napamahal sa mga tao roon dahil sa
siya’y maunawain, matapang at
makatarungan.
Sa gitna ng kasaganaan ay nambulabog ang
isang dambuhalang baboy-ramo, na
tinatawag na Tandayag, na pumuksa sa ani
ng mamamayan at puminsala ng mga
tahanan at buhay. Si Baltog, bilang pinuno,
ay hindi nagdalawang-isip na nanguna at
lumaban, at siyang pumatay sa Tandayag.
Nagbalik na muli sa Ibalondia ang
katahimikan. Itinatag ni Baltog ang isang
masaganang kaharian ng Ibalon. Nang
tumanda si Baltog, sumipot naman sa
Ibalondia ang mga higante at mababangis na
halimaw. Ngunit ang
pinakanakapangingilabot sa mga ito ay ang
babaeng kalahating ahas…
Ang ikalawang bahagi ay ukol sa “Si Handiong at
Oriol: Pag-ibig at mga Halimaw.”
Dahil sa katandaan ay hindi na makalaban si
Haring Baltog. Sa bagong panahong ito nagpakitang-
gilas si Handiong. Pinamunuan ni Handiong ang mga
lalaki ng Ibalon upang kanilang lipulin ang mga
dambuhalang buwaya, higanteng mga kalabaw at
lumilipad na mga pating, at iba pang mga halimaw na
kumakain ng tao tulad ng mga angongolod.
Hindi sumuko ang mga halimaw ng Bundok Hantik.
Nagplano sila kung paano mapapatay si Handiong.
Nanguna rito si Oriol, ang babaeng kalahating ahas.
May kakayahan siyang magbagong-anyo bilang
magandang dalaga, at may mapanggayumang tinig.
Nahulog sa patibong na ito si Handiong. Sinubukang
patayin ni Oriol si Handiong, ngunit nakapanlaban ang
mandirigma. Gayunman, hindi pa rin makuhang
patayin ni Handiong si Oriol.
Gayundin, si Oriol ay nagdalawang isip sa pagpatay sa
mandirigma. Kapwa sila umibig na sa isa’t isa. Isang
umaga, tuluyang naging tao si Oriol. Hindi inaasahang
ang pag-ibig ni Handiong ang sisira sa sumpang
pinataw ng isang mangkukulam sa magandang dalaga.
Dahil dating namumuhay kasama ang mga halimaw,
sinabi ni Oriol kay Handiong at sa mga mandirigma
kung paano magagapi nang tuluyan ang mga halimaw
ng Bundok Hantik.
Nang nasupil na ang mga halimaw, pinakasalan ni
Oriol si Handiong, ang magiting na nagpalaya sa
kaniya sa sumpa. Pumalit na hari si Handiong, at
ginamit ang kaniyang karanasan upang tulungan
ang mga Ibalondia na matutong mangisda,
magtanim, maghabi, at iba pa. Nagdala si
Handiong ng kapayapaan at kultura sa Ibalon.
Dadako na tayo ngayon sa ikatlo at huling bahagi
ng Ibalon. Ito “Ang Salaysay ni Bantong, Rabot
at ang Unos.” Ang kapayapaang tinatag ni
Handiong ay muling nabulabog. Tuloy-tuloy ang
mga pagbaha, at magkakasunod ang pagsabog ng
mga bulkan. Sumabay pa sa mga unos, ang
pagdating ng kilabot na higanteng kalahating
tao’t kalahating halimaw na si Rabot.
Ngunit, hindi nagkulang sa paghahanda si Haring
Handiong at nagsanay na ng mga mahuhusay na
mandirigma. Kabilang sa mga ito ay si Bantong,
isang binatang naging malapit pang kaibigan ang
hari. Hindi matalo-talo ng mga mandirigma si
Rabot dahil may kakayahan itong gawing bato
ang sinumang makita niya.
Halos sumuko na ang lahat. Di nagpatinag si
Bantong; ginamit niya ang angking husay at
talino upang maiwasan ang paningin ni Rabot.
Isang malakas na pagwasiwas sa mahiwaga
niyang espada ang tumapos kay Rabot. Kahit
nawalan ng pag-asa ang Ibalon, hindi sumuko si
Bantong para sa kapayapaan. Ang sabi, sa
sobrang lakas mga pagyanig sa labanan nina
Bantong at Rabot, nagpatuloy ang mga unos.
Nang matapos ang malagim na sagupaan,
namalas na may maliliit na pulo sa dagat sa
kalapit ng Ibalon. Ang mga ibang bundok ay
lumubog at naging lawa. Natuklasan sa gitna ng
mga sira-sirang paligid ang isang umuusok na
bulkan. Iyan di umano ang kasalukuyan nating
Bulkang Mayon sa Albay; ang natatanging bakas
ng dating mahiwagang Ibalon.
Nakilala si Baltog na mahusay na pinuno
dahil sa pangunguna niya sa sakuna. Patunay
naman si Handiong na ang pag-ibig at
kagitingan ay karunungang makatutulong sa
iba. Samantala, nagpakita ng katatagan at
pag-asa si Bantong sa panahon ng krisis.
Mga Gabay na Katanungan:
1. Sino-sino ang mga tauhan sa napakinggang
epiko?
2. Ilarawan ang naging pamamahala ni Baltog,
papaano niya pimunuan ang Ibalondia?
3. Ano ang iyong opinyon tungkol sa pag-iibigan
nina Handiong at Oriol? Tama ba ang naging
desisyon ng dalawa?
4. Papaano nagapi ni Bantong ang katunggali
niyang si Rabut?
Pagnilayan:
Papaano mo mailalarawan
ang iyong sarili bilang
isang pinuno? Ano-ano ang
mga isinasaalang-alang
mo sa iyong pamumuno?
Pangwakas na Gawain:
Gumawa ng isang teybol na
pumapatungkol sa
karakterisasyon ng bawat
tauhan sa epiko. Ilagay ang
kanilang mga naging papel,
maging ang kanilang kalakasan
at kahinaan.
Ibalon: Epiko ng BIcol
Mga Tauhan Papel na Kalakasan Kahinaan
Ginampanan
Baltog
Handiong
Bantong
Oriol
Rabut
Kasunduan:
Bilang paghahanda sa gagawing
performance task, ihanda ng
mga sumusunod:
1. Oslo Paper
2. Krayola at mga pandisenyo
3. Lapis/Marker